chapter 149 "Sekreto"
Ashi Vhon's Pov.
Nang makaalis sila Bisugo ay umakyat ako sa kwarto ko. Nakatanggap ako ng text mula kay Jiro.
Pinapapunta ako ni Grandmaster sa mansion. Mukhang may pag uusapan na naman kami.
Tsk!
Nagbihis ako ng itim na t-shirt at pans. Itim rin na coat habang naka cap rin ako ng itim.
Pagkatapos ay kinuha ko na ang susi at wallet ko bago lumabas ng kwarto at bumaba.
Naabutan ko ang dalawa na nakabihis rin.
"Sama rin kami sa mansion niyo. Nagtext si Jiro sa akin." sabi ni Xandra.
Tumango na lang ako at naunang lumabas. Nakasunod naman sila at si Kyla na ang nag lock ng pinto.
Agad na kaming sumampa sa motor at pinaharurot paalis ang motor namin. Hanggang sa makarating sa mansion.
Sa labas na lang namin iniwan ang motor bago pumasok sa loob.
Nakita ko pa si Asher na nakatayo sa labas ng main door habang may hawak na palaso.
Tsk!
"Onēsan! You're here!" sigaw pa nito.
Tumango ako at lumapit sa kaniya. Ginulo ko pa ang buhok niya dahilan para sumimangot ito.
Ayaw niya kasing guluhin ang buhok niya. Nakipag fist bump pa siya sa akin.
"Bakit may hawak kang palaso?" tanong ko pa.
"I just want to practice again. I heard Kuya Jiro and lolo a while ago that you will came so, I waited here." nakangiting sabi niya.
Tumango na lang ako sa kaniya.
"Hey!" bati pa ni Xandra sa kaniya nang makalapit sila ni Kyla.
"Ya! Another onēsan!" sigaw ni Asher at nakipag fist bump sa dalawa.
"Woah! You wanna practice with me?" nakangiting tanong pa ni Kyla kay Asher.
"Sure!" masayang sabi ni Asher.
Hinila pa niya si Kyla papasok sa loob ng mansion.
Napapailing na lang kami ni Xandra bago pumasok sa loob.
Ganiyan 'yang kapatid ko. Kapag sa amin ay ipapakita niya ang totoong siya. Pero kapag sa iba ay dinaig niya pa ako.
Tsk!
Nang makapasok kami ay nakita ko si Grandmaster na nakatayo sa sala habang pinagmamasadan ang mga painting na nakasabit sa bubong.
It was an antique painting.
Halos mga antique rin ang mga gamit dito sa mansion. Maliban na nga lang sa mga gintong vases, golden dragon, gold medals at iba pang mga ginto sa loob ng mansion.
Kahit nga ang malaking monumento sa harap ng mansion ay gawa rin sa ginto.
Tsk!
"Ojiisan," tawag ko pa nang makalapit kami ni Xandra.
Humarap siya sa amin kaya nagbow kami ni Xandra.
"Sit down," pormal na sabi ni Grandmaster.
Naupo kami ni Xandra at saktong lumapit si lolo Adolfo at lola Marites. Nandito rin pala sila.
Tumayo kami ni Xandra at nagbow kami sa kanila.
Naupo si Lola sa gitna namin ni Xandra habang nakangiti.
"Kakausapin mo raw kami, ojiisan?" magalang na tanong ko pa.
Tumango si Grandmaster bago naupo sa kaharap na sofa.
"You don't have to go to Japan on Monday." sabi pa nito.
Napakunot ang noo ko.
"What do you mean?" takang tanong ko pa.
"The highness told us to re-sched your time to go to Japan. It means, you cannot go there until they say so." sagot ni Dad na nasa hagdan.
Napatingin ako sa kaniya bago dumako ang tingin ko kay Naomi.
Pormal lang ang mukha nito habang nakasunod kay Dad.
Tsk!
Binalingan ko si Grandmaster para alamin kung totoo ang sinabi ni Dad.
"Your Dad is right. So, take your time to your studies after the sportsfest. We will let you now if when can you go to Japan with your cousin." maotoridad na sabi ni Grandmaster.
Napatango na lang kami ni Xandra. Naupo sila Dad at Naomi sa kabilang sofa at nakinig.
"Mga apo, rest assured. Dahil kapag pupunta na kayo sa Japan ay alam niyo naman na hindi madali ang gagawin niyo roon?" patanong na sabi ni Lolo Adolfo.
"Alam ho namin, Lolo. You don't have to worry about it." magalang na sagot ni Xandra.
Tumango-tango naman sila.
"By the way, you can go here anytime you want. You need to practice well before the time has come." sabi pa ni Dad.
Napabuntong-hininga na lang ako at tumango.
"Dito na rin kayo mag dinner." sabi ni Naomi.
Hindi ko siya pinansin at tumingin kay Lola Marites na nagsalita.
"By the way, bukas na ang finals niyo. Nakapaghanda naman ba kayo?" tanong ni Lola.
"Tapos na ho, La. Hindi na namin kailangang maghanda nang maayos. We're always be prepared for everything." sagot ko.
Natawa si Lola habang seryuso pa rin sila Dad, Lolo Adolfo at Grandmaster. Pati na rin si Naomi.
"Huwag kayong pakampante sa mga kilos niyo. You don't know when is the opponent will attact." seryusong sabi ni Grandmaster.
Napatingin kami ni Xandra sa kaniya.
"What do you mean?" tanong ni Xandra.
"Did you know who is the person behind what happened at the parking lot of your campus this afternoon?" tanong ni Dad.
I knew it!
Malalaman din nila tsk!
Pero anong ibig sabihin nila?
"We don't know-----"
"How come you don't know?" pigil ni Grandmaster sa akin.
Natahimik ako at napayuko.
Alam ko kung ano ang expectation nila sa akin.
Ang simple'ng bagay na nangyare kanina ay hindi ko man lang agad nalaman kung sino ang mga 'yon.
Oo, simple lang iyon para sa pamilya namin.
Tsk!
"Gomennasai, ojiisan." hinging paumanhin ko.
Napabuntong-hininga na lang si Grandmaster habang napapailing.
Tahimik lang si Xandra habang nakikinig lang.
"Ash, you know what is your responsibility in this family. Not only for this family but to others too. Your duty is to make your task well. Both of you." maotoridad na sabi ni Grandmaster sabay tingin sa amin ni Xandra.
Mas lalo kaming napayuko ni Xandra. Hindi rin nagsalita sila Dad.
We all know what would be happened when they interrupt the Grandmaster.
"Yes, Grandmaster." magalang na sabi namin ni Xandra.
Napahilot na lang ito sa sintido at hindi na nagsalita pa.
Tumikhim si Dad bago nagsalita.
"Nalaman namin ang nangyare sa university niyo kanina dahil pinaalam ni Dean Chevalier." panimula ni Dad.
"Wala bang napa'no sa inyo, apo?" tanong pa ni Lola Marites.
"Wala naman ho, Lola. Pausok lang ang ginawa ng mga 'yon kanina." Magalang na sagot ni Xandra.
"Pausok lang? Pa'no kung hindi lang iyon ang ginawa ng mga 'yon? Pa'no kung may napahamak sa mga kasamahan niyo? Tapos hindi kayo alistong kumilos para alamin kung sino ang mga lalaking 'yon." maotoridad at parang dismayadong sabi ni Lolo Adolfo.
Hindi ako nakapagsalita at gano'n din si Xandra.
Nakita ko pang hinawakan ni Lola Marites ang kamay ni Lola para pakalmahin.
Alam ko namang ang kapakanan namin at ng lahat ang inaalala nila.
"Adolfo, alam mo namang mga bata pa ang mga iyan. Hindi sa lahat ng oras ay kaya nilang tuklasin ang kahit ano o sino man." mahinahong sabi ni Lola.
Napabuntong-hininga na lang sila. Biglang nagsalita si Naomi kaya napaismid ako.
Tsk!
"It was their responsibility, Doña Acosta. They need to do their duty as the member of this family." seryusong sabi nito.
Tsk!
Alam namin at hindi mo na kelangan makisabat.
Psh!
Hindi na lang ako nagsalita pa at nanatiling nakayuko.
"Ang nangyare sa campus niyo kanina ay paniguradong mauulit pa iyon. You need to take care at huwag magpabaya. Alamin niyo rin kung sino ang mga 'yon." seryusong sabi ni Dad.
Tumango na lang kami at hindi pa rin nagsasalita.
"Huwag niyo rin pabayaan ang pag-aaral niyo. After the events you need to do your duty with your studies. I hope next time, you won't disappoint us. Lalo ka na, Ashi." seryusong sabi ni Grandmaster.
Nag-angat ako nang tingin bago nagsalita.
"I know, Grandmaster." Magalang na sabi ko.
Napatingin ako kay Naomi nang nagsalita ito.
Tsk!
"Stop talking to your ex, too. How many times do I have to tell you-----"
"You don't have the right to tell it to me." mariing pigil ko sa kaniya at seryusong tiningnan.
Seryusong tiningnan din niya ako pero hindi ako nagpatinag.
Anong karapatan niyang pagbawalan ako?
Hindi niya hawak ang buhay ko para gobernohan ang buhay ko.
Tsk!
"Ash, you don't understand why-----"
"Then make me understand. Hindi 'yong pakialaman mo ang bawat gagawin ko. You don't have the right to command what to do. You're not my, Mom." mariing sabi ko sa kaniya habang blankong tiningnan siya sa mata.
Hindi siya nakapagsalita at kusang nag iwas nang tingin.
Tsk!
Nagbuntong-hininga pa si Dad bago nagsalita.
"Ash, please listen to her. You don't know what is the reason why we doing this to you." pagpapaintindi ni Dad.
Natawa ako ng mapakla. Nasali na naman sa usapan ang ganitong isyu.
Tsk!
"Why, Dad? Ano ba ang rason para pakialaman ako ng babaeng 'yan?" seryusong tanong ko pa.
"We can't tell it to you right now, Ash. They have something that we want to know and to confirm before we let you know." seryuso nang sabi ni Dad.
Napakuyom ang kamao ko.
Ano pa ba ang kelangan nilang malaman? Ano pa ba ang rason kung bakit makapag bawal sila sa mga dapat hindi ko gagawin ay daig pa nilang may malaking mabubunyag?
Ano ba ang tinatago nila sa akin?
Noon pa man ay ramdam kong may tinatago sila sa akin.
Lalo na kapag nauungkat ang tungkol kay Mom.
"Sabihin niyo nga sa akin. Matagal ko nang napapansin na parang may hindi kayo gustong ipaalam sa akin. " seryusong sabi ko pa habang tiningnan sila isa isa.
Nanatiling tahimik si Xandra sa tabi ko.
Kita ko sa mga mata nila na parang may pilit silang hindi ipakita o sabihin sa akin.
Hindi ako bobo para hindi mapaninsin ang mga kilos nila tuwing sila ang kaharap o kausap ko.
"Ash," sabi pa ni Dad.
"May tinagago ba kayo sa akin?" seryuso kong tanong.
Napaiwas sila nang tingin lalo na si Naomi.
"Ash, ano bang----"
"May dapat ba akong malaman?" pigil ko kay Grandmaster.
Alam kong hindi magandang asal sa pamilya namin ang putulin ang sasabihin ng Grandmaster.
Pero wala akong paki. Ramdam kong may tinatago sila sa sa akin.
Iyon ang matagal ko nang gustong malaman.
Pero wala silang sinasabi sa akin. Kahit pa buhay pa si Mom noon ay parang gano'n din ang nararamdaman ko.
Napabuntong-hininga sila bago ako hinawakan ni Lola Marites sa kamay at ngumiti.
"Apo, calm down ok? Hindi pa ito ang tamang oras para malaman mo ang dapat mong malaman. Alam naming karapatan mong malaman kung ano man ang tinatago namin sa'yo. Pero hindi pa sa ngayon, apo." mahinahong sabi ni Lola.
I knew it!
May tinatago nga sila sa akin.
"So tama ang hinala kong may tinatago kayo sa akin." napapatangong sabi ko pa.
Hindi sila nagsalita kaya napabuntong-hininga ako.
"Kung wala na kayong iba pang sasabihin ay aalis na ako. At sana, huwag dumating sa punto na ako pa mismo ang makakaalam kung ano ag tinatago niyo. Alam niyo naman kung sino ako." blankong sabi ko sabay tayo at iniwan silang lahat.
Tuloy-tuloy lang ako sa paglabas sa mansion.
Yumukod pa ang lahat ng tauhan na madadaanan ko.
Agad akong sumampa sa motor ko at pinaharurot paalis nang makalabas ako.
Wala ako sa mood para kumain pa sa mansion.
Tsk!
Akmang uuwi na ako sa bahay nang ilihis ko ang motor ko at tinahak ang daan patungo sa KJMAX resto bar.
Ilang araw na kaming hindi nakapunta sa resto bar dahil sa sportsfest namin.
Tsk!
Pagdating sa tapat ng resto ay nagpark na ako at bumaba.
Marami-rami rin pala ang mga customers na nandito. Pagpasok ko sa loob ay sumalubong sa akin ang mga customers na kumakain.
Nakita ko pa sila Mina sa counter. Dumeretso na lang ako sa bar. Isang malakas na tugtog ang sumalubong sa akin.
Iilan pa rin ang nag iinuman dahil pasado alas-sais pa lang ng gabi.
Napatingin pa sa akin sila John at iba pang kasamahan namin nag serve rito sa bar.
Hindi ko na lang sila pinansin at naupo sa vacant table.
Lumapit sa akin si Irish na may pagtataka.
"Ash? Bakit nandito ka?" tanong pa nito.
"Tsk! Nandito ka nga ako pa kaya." walang ganang sabi ko pa habang nakatingin sa harap ng stage.
Kita ko pa sa gilid ng mata kong napangiwi si Irish.
"Ahm... iinom ka ba?" tanong pa nito.
Tsk!
"Tsk! Alangan namang kakain." blankong sabi ko pa.
Napabuntong-hininga na lang ito at umalis. Alam naman niya kung ano ang iinumin ko.
Tsk!
Tumunog pa ang cellphone ko na nasa ibabaw ng mesa pero hindi ko pinansin.
Disturbo!
************************************
Drixon's Pov.
Nakahiga ako sa kama ko ngayon habang ginawang unan ang braso ko. May iniisip lang pero biglang lumitaw sa paningin ko ang mukha ni Panget.
Aish!
Pumikit na lang ako pero gano'n pa rin. Ang mukha ni Panget kanina nang inilipat niya sa mukha ko ang nakikita ko.
Shit!?
Hindi kaya ako ginayuma ng panget na 'yon?
Tse!
Naniniwala ka pala sa gayuma?
Psh!
Dumapa na lang ako sa kama. Hindi pa sana ako aalis kanina pero hinila ako labas ni Panget.
Tumihaya ako nang higa at tiningnan ang kamay kong hinawakan ni Panget kanina.
Bigla akong napangiti habang naalala ang paghila niya sa akin palabas ng bahay nila.
Psh!
Pero napatigil ako ng maalalang aalis sa Monday sila Panget.
Ano naman kaya ang gagawin nila sa Japan? Bakit sa Monday pa?
Hayst!
Bumangon ako at sumandal sa headboard ng kama. Kinuha ko ang cellphone ko.
"Ano kaya kung magtext ako kay Panget? O kaya ay tawagan ko siya. Pero ano naman ang sasabihin ko?" mahinang bulong ko pa.
Hayst!
Nakatitig lang ako sa cellphone ko.
Hmm?
May naalala ako. Mabilis na binuksan ko ang gallery ko at hinanap ang picture namin ni Panget.
Napangiti ako nang makita ang picture namin.
Tinitigan ko ang mukha niya. Natawa pa ako ng maalala ang nangyare noong time na kinuhanan kami ni Mom at Drixie ng litrato.
"Ang ganda mo naman pala, Panget. I didn't expect na mahulog ako sa'yo." nakangiting sabi ko habang nakatingin sa picture namin.
Nahulog ka nga sa kaniya pero hindi ka naman sinalo.
Sabi ng isip ko kaya napawi ang ngiti ko sa labi.
Napabuntong-hininga na lang ako. Naalala ko ang nangyare kanina. Kung paano tumingin si Panget kay Deb.
Kung paano ko nakitang parang nasasaktan pa rin siya. Kung pa'no ko nakitang parang may pagtingin pa siya sa ex niya.
Argh!
Nainis rin ako sa isiping iniligtas niya ang ex niya ng mag isa. Isinaalang-alang niya ang sariling kaligtasan para lang sa ex niya.
Gano'n ba niya ka mahal si Deb? Hanggang ngayon mahal pa rin kaya niya si Deb?
Damn!
Inis na napasabunot na lang ako sa buhok ko.
Napabuntong-hininga na lang ako. Tiningnan ko uli ang cellphone ko at tinawagan si Panget.
Pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Busy kaya siya? O kaya naman ay tulog na.
Tiningnan ko ang oras. Pasado alas-sais pa naman, ah!
Tse!
Nakakadalawang dial ako pero walang sumagot. Ibinato ko na lang ang cellphone ko at inis na humiga uli.
Bukas na ang finals para sa sportsfest namin. Sila Luke ang makakalaban namin.
Damn!?
Madumi pa naman maglaro ang mga 'yon. Mukhang mahihirapan kami sa mga 'yon.
Pero hindi ako magpapatalo sa unggoy na iyon.
Psh!
I'll make sure that we will won the game!
To be continued...
A/N: Keep reading guys! Always keep safe! Lab yah!!
Don't forget to Vote, comment and follow!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top