chapter 148 "Incident"
Kyla's Pov.
Nag uusap lang kaming lahat na naiwan dito sa cafeteria matapos umalis ni Ashi.
I didn't expect ang nangyare ngayong araw. Kita ko kung paano mag-alala si Drix kay Ashi kanina.
I know, she really like my best friend.
Pero halata ring ayaw niyang sabihin kaya hindi na lang namin kinukulit o tinutukso.
Daig pa kasi niya kaninang boyfriend ni Ashi sa sobrang pag-aalala sa kaniya.
Pero ang hindi namin inaasahan ni Xandra ang sinabi ni Drix kanina.
Kilala nila ang grupo ng mga Snake gang? Paano naman nila nakilala?
Mukhang may hindi pa kami alam sa magkakaibigan na ito.
Tch!
"Uy! Grabe mag-alala si Drix kay Ashi, ano?" Parang kinikilig pang tanong ni Stella.
"Ay teh! Sinabi mo pa! Daig pa niya kanina ang boyfriend ni Ashi!" natawang sabi ni Mello.
"Halata namang may gusto kay Ashi ang pinsan ko, eh." nakangiting sabi ni Bella.
"Oo nga!" sang ayon ni Theresa.
"Tss! Kayo lang ba ang nakakahalata? Pati rin kami, 'no!" Singit ni Xandra.
Natawa sila at gano'n na rin ako.
"Pero mukhang nagselos ang Drix natin, ah!" sabi pa ni Keith.
"Ha? Bakit naman?" takang tanong ni Stella.
"Paanong hindi? Sumugod mag isa si Ashi sa mga taong dumukot kay Deb para iligtas ito. Eh, ex 'yon ni Ashi, eh!" sabi ni Keart.
Napaisip sila at napatango-tango
"Ay! True! Nakakaselos nga!" sabi pa ni Mello.
"Dapat pala si Drix ang dinukot tapos iligtas ni Ashi para walang selosan." sabat ni Theresa.
Mabilis na binatukan siya ni Stella at Mello.
"Arrraaayy!" daing pa nito.
"Gaga!? Ang slow mo mag isip, Thes. 'Di ba pwedeng wala na lang dinukot para walang mangyayare?" nakairap na sabi ni Stella kay Theresa.
Napanguso na lang si Theresa na ikinatawa namin.
"Teh! Mas mabuti sana kung ikaw ang dinukot! Paniguradong walang magliligtas sa'yo!" biro pa ni Mello.
Napasimangot na naman si Theresa kaya natawa na naman kami.
"Pero seryuso, parang nasaktan si Drix kanina na makitang nakatingin si Ashi kay Kuya Deb." sabi pa ni Bella.
Napabuntong-hininga na lang ako.
"Hayaan na lang natin ang dalawang 'yon. Baka nag uusap na sila ngayon." sabi ni Xandra.
Napatango na lang uli sila. Biglang dumating sila Brix, Nathan, Firm at Aika.
Lumapit sila sa amin bago naupo.
"Tapos na kayo?" tanong pa ni Aika.
Tumango kami sa kaniya.
"Wala na ba kayong laro ngayong hapon?" tanong pa ni Brix.
"Wala na, kayo ba meron?" tanong ni Lyle.
"Wala na rin at naisipan naming mag chill tayo ngayong hapon! Para mag enjoy! I know, masyado tayong na pressure sa mga laro natin kaya mag saya na muna tayo!" Nakangiting sabi pa ni Brix.
Nagkatingian naman ang lahat at sabay sabay na tumili sila Stella.
"Oh my! Magandang ideya 'yan!" Sabi ni Stella.
"Ayieee! Gusto ko 'yan!" tili ni Theresa.
"Ako rin! Mag chill na muna tayong lahat! Bukas pa naman ang final sa laro!" sabi ni Bella.
"Ay mga bakla! Gora na gora ako!" sabat ni Mello.
Napatingin sila kela Keart.
"I'm in!" nakangiting sabi ni Keart.
"Same!" sabay na sabi ni Lyle.
Napatingin sila sa amin. Tinaasan pa kami ng kilay ni Mello.
"Bawal tumanggi!" sabay na sabi pa nilang lahat.
Napakamot na lang kaming dalawa ni Xandra.
"Tatanungin na lang muna namin si Ashi." sabi ko pa.
Napatango sila at sabay kaming lumabas ng cafeteria para pumunta sa room namin.
Pagdating namin ay nakita namin si Drix na nakasandal sa porch habang blanko ang mukha.
Minsan talaga masasabi kong nahahawaan na siya sa pagiging blanko at cold ni Ashi.
Malayo na siya sa Drix na nakilala namin noong unang araw pa lang namin.
Noong bago pa lang kami rito sa university na 'to.
O kaya ay gano'n lang talaga abg tubay niyang personality?
Tch!
Parang aso't pusa sila ni Ashi dati pero ngayon ilove ang Bisugo sa kaibigan namin.
Pag ibig nga naman. Iba ang nagagawa.
"Oh, dre? Ayos ka lang ba?" rinig kong tanong ni Lyle.
"I'm fine." maikling sagot nito.
Napapailing na lang ako. Pumasok kami sa room namin at nadatnan namin si Ashi na nakadukdok sa arm chair.
Nilapitan ko siya at tinapik sa balikat.
"Ash, gising uy! Sasama tayo sa kanilang gumala." sabi ko pa.
Nagmulat siya ng mata bago tumingin sa akin.
"Magsaya raw tayo kasama sila." sabi ko pa.
Napakunot ang noo niya at bumuntong-hininga. Hayst! Ayan na naman siya.
"Hindi tayo pwedeng gumala." sabi pa nito.
Napatingin pa sila Xandra sa amin.
"Ha? Bakit naman?" takang tanong ni Theresa.
"Baka nakalimutan niyo ang nangyare kanina?" walang ganang sabi niya.
Ay! Oo nga pala. Nakalimutan namin.
Tch!
Kita ko ang dismaya sa mukha nila Stella.
"Ay! Sayang naman!" maktol pa nila.
"Bawal daw guyss! Bawal! Sabi ng lola Ashi niyo! Baka tayo pa ang sunod na dukutin, eh." nakangiwing sabi ni Mello.
Napapailing na lang si Ashi bago umayos nang upo at sumandal sa upuan niya.
"Sa Saturday na lang kung gusto niyo." balewalang sabi ni Ashi.
Napatili naman sila. Natawa na lang ako.
Pero... napa tingin ako kay Ashi.
"Di ba may lakad kayo ni Xandra?" tanong ko pa.
"Sa Monday pa ang alis namin." sagot niya.
Napatango-tango naman ako.
"Sama kayo sa Saturday, ah! Baka aayaw na naman kayo!" nakasimangot na sabi ni Stella.
"Oo nga naman!" sang ayon nila Theresa.
"Tsk! Sasama kami," sabi ni Ashi sabay tayo.
Nagsigawan naman sila. Pumasok sa banyo si Ashi kaya niligpit ko na lang ang gamit ko.
Wala na kaming laro kaya pwede naman na kaming umuwi. May pag uusapan pa kaming tatlo mamaya sa bahay.
Nang lumabas si Ashi ay humarap siya sa amin.
"Magligpit na kayo dahil ihahatid na kayo ng mga boys. Wala naman ng laro kaya umuwi na lang tayo. Bukas na ang finals kaya kailangan nating magpahinga." sabi niya sabay kuha ng gamit at naunang lumabas.
Iyan ang tunay na ugali ng isang Ashi Vhon Acosta Ibañez. Sumunod sa kaniya si Xandra. Magpinsan nga sila.
Agad na kaming kumilos at sumunod sa kanila.
"Myloves! Akin na ang bag mo!" nakangiting sabi pa ni Keart.
Nakangiting ibinigay ko na lang ang bag ko sa kaniya.
Sabay kaming lahat na pumunta sa parking lot.
Pero bigla kaming napasigaw lahat dahil sa gulat nang biglang may nambato ng pausok sa amin pagdating sa parking lot.
Shit!?
Nagsigawan ang lahat ng studyante habang takot na takot.
Pati na rin sila Bella.
Nakita ko si Ashi na mabilis kumilos. Napaubo pa kami dahil sa usok.
"Pumasok kayo sa kotse! Bilis!" sigaw ni Ashi.
"Sa kotse ko!" sigaw pa ni Keart.
Mabilis na hinila ko agad sila Bella papasok sa kotse nila Keart.
Nakita ko sila Drix at Ashi na sinundan ang mga lalaking nambato ng pausok.
Nakamotor ang mga ito habang nakaitim.
Habang sila Lyle naman ay tinulungan ang mga studyanteng pumasok sa campus.
"Putcha! Baka ang snake gang na naman!" rinig kong sabi ni Keart bago tumakbo sa gawi nila Lyle.
"Oh my God! Ano bang nangyayare!" takot na bulalas ni Stella.
"Wag kayong matakot, kalma lang tayo." sabi ko sabay tingin sa labas.
Unti-unti nang nawala ang usok. Nakita ko pang lumabas sila Dean. Ang lolo ni Drix.
"Dito lang kayo! Walang lalabas!" mabilis na sabi ko at lumapit kay Dean.
"Dean, pumasok kayo sa loob. Kami na ang bahala rito!" sabi ko pa.
Halatang hindi mapakali si Dean habang nasa likod niya ang mga bodyguard nito at sininyasang magbantay sa paligid.
"What happened?" tanong pa ni Dean.
"May nambato ng pausok sa parking lot. Don't worry, secured na po lahat ng students." sabi ko habang panay ang tingin sa kalsada.
Nawala sila Ashi at Drix!
"Pumasok na muna tayong lahat sa loob ng campus sabi ni Ashi!" sigaw ni Lyle.
Pinababa nila sa kotse sila Bella na takot na takot na tumakbo papasok sa loob habang inalalayan nila Keart.
"Sa loob na muna tayo, Dean." sabi ko pa at inalalayan si Dean.
Sininyasan pa ako ni Xandra at tumango na lang ako.
Wala na rito ang mga Acosta at Ibañez family. Pati na rin ang mga magulang ni Drix na nanood ng laro kanina ay nakauwi na.
Nasa gym na ang mga studyante habang dumeretso kami sa office ni Dean.
Mga ilang minuto pa nang dumating sila Ashi na hinihingal.
"Ayos lang ba kayo?" tanong pa nito.
"Ayos lang." sagot ko.
Lumapit si Dean kay Ashi habang nag-aalala.
"Anong nangyare, hija? Bakit may nambato ng pausok?" tanong ni Dean.
"We don't know, Dean. Hindi namin nahabol ang apat na lalaking nakita naming nambato ng pausok." seryusong sabi ni Ashi.
Napabuntong-hininga na lang si Dean.
Lumapit ako kay Ashi at sininyasan sila Xandra. Sumunod siya sa akin. Pati na rin sila Drix sa labas ng office.
"Hindi ba ang mga snake gang ang may pakana?" tanong ko pa.
"Hindi sila." sagot pa ni Drix.
Napalingon kaming lahat sa kaniya. Kita ko pa ang pagtataka sa mukha ni Ashi.
"Kilala ko ang mga 'yon. Hindi sila gumagamit ng gano'n para manakot. Alam kong tinakot lang tayo ng mga 'yon." seryusong sabi pa ni Drix.
"Did you know them?" salubong ang kilay na tanong ni Ashi.
"Tse! Hindi mo na kailangan pang alamin. Hindi ito ang tamang oras para ro'n." sabi ni Drix.
"Tsk! Paano niyo sila nakilala?" hindi nagpapatinag na tanong ni Ashi.
"Stop asking. Kailangan nating alamin kung sino ang mga lalaking 'yon kanina." seryusong dagdag pa ni Ddix.
"Saka na natin sila kausapin, Ash. Nag-aalaa si Dean sa nangyare baka ma cancel ang finals sa laro bukas." singit ni Xandra.
Napabuntong-hininga si Ashi na binigyan pa ng seryusong tingin si Drix.
"May mga pulis na sa labas para magbantay at mag imbistiga sa nangyare." sabi ni Lyle.
Tumango si Ashi habang parang may iniisip.
"Mukhang panakot lang ang ginawa ng mga 'yon kaya ligtas ang lahat. Kausapin ko si Dean na huwag i-cancel ang finals bukas. Lyle, ihatid niyo sila Bella pagkatapos ay pumunta kayo sa bahay mamaya. May pag uusapan tayo." seryusong sabi ni Ashi sabay tingin kay Lyle at Drix.
Tumango na lang sila bago pumasok si Ashi sa office. Mukhang kakausapin niya si Dean.
Tenext ko na rin si Ate para ipaalam ang tungkol sa nangyare.
Matapos kausapin ni Ashi si Dean ay nag announce itong umuwi na muna ang lahat ng students at bumalik bukas para sa finals.
Sila Lyle naman ay hinatid na sila Bella. Sila Nathan ay umuwi na rin.
Habang kaming tatlo ay umuwi na rin. Nagbihis kami at naghanda ng makakain para sa pag uusapan naming lahat.
Nang matapos ay naupo ako. Sakto namang may mga kotseng dumating. Mukhang ang apat na ang nandyan.
Bumaba na rin si Ashi habang nakasuot ng malaking t-shirt na itim at naka pants.
Pumasok na ang apat.
Tiningnan pa siya ni Drix bago naupo sa sofa.
"Anong pag uusapan natin?" seryusong tanong ni Drix.
Nilingon namin si Ashi na sumandal sa sofa.
"Paano mo nalaman ang tungkol sa snake gang?" seryusong tanong ni Ashi.
Oo nga naman. Paano nila nalaman ang tungkol sa mga 'yon.
Natahimik si Drix bago nagbuntong-hininga.
"Minsan na namin nakalaban ang mga 'yon dati. Nagalit sila dahil natalo namin sila sa isang racing car noong nakaraang taon. Nagyayang makipag laban sa suntukan ang mga gago. Do'n namin sila nakilala." walang ganang sagot pa ni Drix.
Racing noong nakaraang taon?
So, sila pala ang nakalaban ng grupong 'yon sa racing dati na naging usap-usapan sa SLU noon?
"Sigurado kang iyon lang?" tanong ni Ashi.
"Tse! Ano pa ba dapat ang sasabihin ko?" balik tanong ni Drix.
Napangiwi na lang kami. Kakaiba rin ang dalawang to. Sasagutin ka ng isa pang tanong.
Jusko!
Napapailing na lang si Ashi at bumuntong-hininga.
"Pag usapan na natin ang nangyare kanina." singit ni Xandra.
"Sino sa tingin niyo ang may pakana sa nangyare kanina?" tanong ko pa.
Walang sumagot. Halata rin namang hindi nila alam.
"Tsk! It was not one of our enemy. Alam kong hindi rin sila Borge ang may pakana. Lalong hindi sila Luke," sabi ni Ashi.
"So, it means na posibling hindi tayo ang punterya ng mga 'yon?" tanong ni Keith.
"Hindi, sa tingin ko ay labas tayo sa usapan." sabi ni Xandra.
"What do you mean?" takang tanong ni Keart.
"We don't know what exactly they want. We don't even know them. Mag observe na lang muna tayo. Sa tingin ko naman ay kaya niyong makipaglaban to defense yourself." sabi ni Ashi.
Napatango-tango silang apat habang nakikinig.
"Babantayan na muna natin ang mga 'yon kung babalik pa ba sila. Pero sa ngayon, alam kong hindi pa muna uli sila manghihimasok. May lakad kami ni Xandra sa Monday. We don't know kung kailan kami makakabalik. Kaya kayo na muna ang bahala rito." dagdag pa ni Ashi.
Tiningnan siya ni Bisugo.
"Ano ba kasi ang gagawin niyo ro'n?" salubong ang kilay na tanong pa nito.
"Tsk! It was a private matter to our family." sagot ni Ashi.
"Ako ang kasama niyo sa pagmanman sa mga 'yon habang wala pa sila Ashi at Xandra." sabat ko.
Napatango sila habang tahimik lang si Drix.
I'm sure, iniisip na niyang hindi niya makikita ng ilang araw ang kaibigan ko.
Pfft!
Bahagya pang salubong ang kilay nito habang nakatingin kay Ashi.
Lokong Drix!
"Tama na ang titig, dre. Baka matunaw 'yan at hindi mo na makita pa." natatawang biro ni Keart.
Hinampas ko na lang ng mahina ang braso ni Keart.
Ang sama nang tingin ni Drix sa kaniya.
"Paano mo pala naligtas ang ex mo?" nakataas kilay na tanong ni Drix kay Ashi.
Halata ang bitter sa boses niya. Nagpapahalata ka, Pare!
Tch!
"Malamang pinuntahan ko at kinalasan ng tali bago itinakas sa pinagdalhan sa kaniya. Tsk!" sarcastic na sagot ni Ashi.
Ayan na naman sila jusko!
Sinamaan lang siya nang tingin ni Drix bago napaiwas nang tingin.
"Buti hindi ka napa'no." mahinang sabi ni Drix.
"Tsk! Alangan namang hayaan ko silang tamaan o puruhan ang maganda kong mukha." nakangiwing sabi ni Ashi.
Pabalik-balik lang ang tingin naming lahat sa kanilang dalawa.
"Tse! Masyado kang mayabang at confident sa sarili mo Panget. Ikaw maganda? Saan banda?" nakangiwing tanong ni Drix.
Napangiwi ako. Na inlove ka nha sa kaniya pare. Tch!
Biglang ngumisi si Ashi.
"Hindi mo nakikita? Ilapit ko nga," sabi ni Ashi sabay lapit ng mukha kay Drix.
Biglang natigilan si Drix habang nakatingin sa mata ni Ashi.
Napapailing pa si Xandra at Lyle habang nagpipigil nang tawa sila Keart.
"Sabihin mong panget ako habang nakatingin sa mata ko." naka smirk na sabi ni Ashi.
Psh!
Kakaiba talaga ang isang 'to.
Hindi nakapagsalita si Drix habang nakatingin lang sa mata ni Ashi.
Shemay!
May nakita akong spark sa kanila.
Kaya lang, manhid ang kaibigan namin. Masyadong nasaktan sa first love niya kaya ayan.
Daig mo pang robot na hindi nagkakaroon ng feelings.
Psh!
"Ehem!" pekeng tikhim pa ni Keart.
Mabilis na lumayo si Drix habang hindi makatingin kay Ashi.
'Yan.
Psh!
"Baka nakalimutan niyong nandito pa kami," nakangiwing sabi ni Keith.
"Tsk! Pwede na kayong umalis." sabi ni Ashi sabay tayo.
"Anak ng! Paaalisan mo agad kami?" angal pa ni Drix.
Tiningnan siya ni Ashi nang nakakunot ang noo.
"Ano pa ba ang gagawin niyo rito?" balik tanong ni Ashi.
Kung lagi silang ganiyan baka umabot pa ng isang taon bago sila matapos mag usap.
Jusko!
"Gusto pa raw niyang makipagtitigan sa'yo, Ash. Pfft!" biro pa ni Keart.
Nakatanggap naman ng batok si Keart mula kay Lyle na natatawa bago tumayo.
"Let's go, baka uuwi tayong may pasa." nakangiwing sabi ni Lyle at suminyas sa amin.
Tinanguan lang namin siya bago siya naunang lumabas.
Natatawang nagpaalam na rin si Keith at Keart bago lumabas.
Kinindatan pa ako ng loko.
Pfft!
"Oh? Ano pang hinihintay mo? Pasko? Alis na, malayo pa ang pasko, lol!" sabi ni Ashi at hinila si Drix papunta sa pinto.
Nagbangayan pa silang dalawa habang pareho kaming napapailing ni Xandra bago niligpit ang mga baso.
Kapag 'yang dalawa ang nagkatuluyan. Magiging exciting ang lahat.
Pffft!
To be continued...
A/N: 'Yan na lang muna guyss! Hope you enjoy!
Don't forget to vote, comment and follow!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top