Chapter 145 " Dinner"
Drixon's Pov.
Nakangiti lang ako habang naliligo. Iniisip ko kung mag dress nga ba si Panget.
Pagdating ko kasi kanina ay agad akong nagtext sa kaniya. Sinabi ko sa text na magdress siya.
Umangal pa siya pero hindi ko siya tinigilan hanggang sa hindi na ito nagreply.
Sana nga lang mag dress ang tibo na 'yon.
Tinapos ko na lang ang pagligo ko bago lumabas ng banyo. Pasado alas-singko pa naman.
Naghanap ako ng masusuot ko. Dapat pogi ako lalo tingnan sa susuotin ko. Iyong tipong mapapatingin si Panget sa akin.
Tse!
Dapat iyong simple pero mas gwapo ako tingnan. Para hindi halatang pinaghandaan ko ang pagpunta nila Panget.
Umabot pa ng ilang minuto bago ako nakapili ng susuotin ko.
Isang kulay itim na pulo habang pinaresan ko ng kulay maroon na shorts hanggang tuhod.
Pagkatapos ay inayos ko ang buhok ko. Nagpabango ako at nilagyan ng gel ang buhok ko.
"Tse! Ang pogi ko talaga," nakangiting sabi ko pa at kumindat sa harap ng salamin ko.
Nang matapos ay inayos ko ang kama ko. Dapat malinis at maganda tingnan ang kwarto ko.
I mean, maganda naman talaga ang kwarto ko at malaki. Mabango pa at laging malinis.
Inayos ko rin ang study table ko. Pati ang lalagyan ng mga librong binabasa ko bago matulog.
Pumunta pa ako sa verandah ko. Napangiti ako nang may maisip ako.
Napahinga pa ako ng malalim bago uli pumasok sa kwarto. Napatingin ako sa relo ko.
Ilang minuto na lang ay mag alas-sais na. Kinuha ko ang cellphone ko bago naupo sa swivel chair ko sa harap ng table ko.
Nagtext ako kay Panget kung nasaan na sila.
Sasama sila Xandra at Kyla. Sinabihan rin kasi sila ni Mom kanina.
(0_0)
Tama!
Si Kyla at Xandra!
Mabilis na nagtext ako sa kanila na pasuotin ng dress si Panget.
Buti na lang at nagreply sila. Napangiwi pa ako nang mabasa ang reply ni Kyla.
Nagsuot lang daw ng kulay itim na damit si Panget habang nakapantaloon.
Anak ng!
Kahit kailan talaga ang Panget na iyon! Walang taste sa pananamit.
Pero sabagay, ayaw ko namang makita siya ng ibang lalaki lalo na ng ex niya na magsuot ng sexy na damit.
Tse!
Gusto ko ako lang pwede makakita.
(0_0)
Ano bang pinag iisip ko? Psh! Gano'n na ba ako ka patay kay Panget para maging possessive ako kahit walang kami?
Aish!
Hindi na lang ako nagreply at lumabas ng kwarto. Pagbaba ko nakita ko sila Mom na may dalang pagkain papunta sa dining area.
Nakaupo naman si Drixie sa couch habang bihis na bihis at nagse-cellphone.
"Ang ganda ng kapatid ko, ah!" nakangiting sabi ko pa sabay upo sa tabi niya.
"Syempre, mana kaya ako kay, Mom." nakangiting sabi pa niya sabay tingin sa akin.
Napakunot pa ang noo niya nang pasadahan nang tingin ang suot ko.
What's wrong?
"Bakit ganiyan ang suot mo, Nīsan?" tanong pa niya.
"Why? Aren't this fit with me? Simple but it makes me more handsome, you know?" nakangiting sabi pa niya.
Napapailing na lang bago uli tumingin sa phone niya.
"Nīsan, look at this. You look like a perfect couple ni Ate Ashi!" masayang sabi pa nito sabay pakita sa akin ng picture.
Agad ko namang tiningnan at tama nga siya.
Iyon 'yong picture namin ni Panget kanina habang nakatitg sa isa't isa. Napangiti ako at tiningnan ng mabuti.
"Imōto, thanks for this!" nakangiting sabi ko pa at kinuha ang cellphone ko.
"Dou itashimashite." nakangiting sabi ni Drixie.
(Translation: You're welcome.)
Ipinasa ko sa phone ko ang picture namin ni Panget.
Nakangiting tinitigan ko lang ang pucture namin ni Panget nang magsalita si Drixie.
"Nīsan, may gusto ka kay Ate,'no?" nakangiting tanong pa niya.
Natigilan naman ako at hindi nakapagsalita.
"Silence means yes---"
"Nope." kaswal na sabi ko pa.
Mahirap na baka lagi niya akong tuksuhin. Pupunta pa naman sila Panget dito.
Tapos ang daldal pa ng kapatid ko. Baka masabi niya kay Panget.
No way!
"Sus! Don't me, Nīsan. Don't me." nakangiwing sabi pa ni Drixie.
Hindi ko na lang siya pinansin. Tumayo ako at umakyat sa kwarto ko.
Hindi ko maalis sa cellphone ko ang mga mata ko.
Damn!
It seems like I'm going to be crazy here.
Tse!
Ano kaya kung gagawin kong wallpaper ko?
Pero baka may makakita.
Ah!
Pumunta ako sa contacts ko. Gagawin kong profile sa contact ko kay Panget.
Done!
(0_0)
Nakarinig ako nang tunog ng kotse sa labas.
Mukhang dumating na sila Panget. Mabilis na tumayo ako at humarap sa salamin.
Naglagay uli ako ng pabango at inayos ang damit ko. Napahinga pa ako ng malalim.
This is it, Drix!
Calm down and act in a normal way. Don't be too obvious.
Rinig ko ang sigaw ni Mom sa baba. Mabilis na lumabas ako ng kwarto ko. Napapikit pa ako bago lumapit sa hagdan at bumaba.
Napatingin ako sa main door nang may pumasok.
Pagtingin ko...
Si Panget!
Parang nagslow motion ang paligid ko habang pababa ng hagdanan at nakatingin sa kaniya.
Napatingin ako sa suot niya.
She's wearing a black dress! Nakasuot pa siya ng kwentas habang nakalugay lang ang buhok niya.
Akala ko ba hindi siya nagdress?
Pareho kaming nakatingin sa isa't isa.
She look gorgeous.
Tiningnan ko ang mukha niya. Hindi blanko at hindi rin seryuso.
Mabini siya tingnan na animo'y isang mahinhin at maamo ang mukha.
Ang galang ng postura nito habang magkahawak ang kamay niya na para bang nahihiya siya.
Napangiti ako. Malayo sa Panget na lagi kong nakikitang blanko, seryuso, nakakatakot, at walang paki sa paligid.
She look different now.
Hanggang sa makababa ako at lumapit sa kaniya. Mukhang nasa dining na sila Mom dahil rinig ko ang mga boses nila.
"Konnichiwa, anata wa totemo utsukushii desu..." nakangiting sabi ko habang nakatingin sa kaniya.
(Translation: Hello, your are very beautiful.)
Bigla siyang napaiwas nang tingin.
May sinabi ba akong---
Natampal ko ang noo ko nang marealize kong nakakaintindi pala siya ng Japanese language.
Shit!
"Ahm... let's go?" yaya ko pa sa kaniya.
Tumango lang ito habang panay ang tingin sa paligid.
"I thought you won't dressed up like that." mahinang sabi ko pa habang palapit kami sa dining.
"Tsk! I am. Pinilit ako nila Xandra na suotin ang damit na 'to." sabi pa niya.
Lihim na napangiti ako.
"Pfft!" pigil ang tawang sabi ko pa habang nakatingin sa kaniya.
Biglang nagsalubong ang kilay niyang lumingon sa akin.
"Why are you laughing?" seryusong tanong pa niya habang hinarap ako.
Napakagat labi na lang ako bago umiling at pinigilang matawa.
"Tsk! 'Wag mo akong pagtawanan sa suot ko! I really hate wearing a clothes like this! Tsk!" salubong ang kilay na sabi pa niya.
"Pfft! Don't worry, ypu look gorgeous. Let's go." nakangiting sabi ko pa at hinila siya.
Parang may kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang hawakan ko ang kamay niya.
Ramdam ko ring natigilan ito dahil sa mga sinabi ko.
Hindi rin ito pumalag sa pagkakahawak ko kaya napangiti ako habang papalapit kami sa dining.
Kinalas agad ni Panget ang kamay niya sa pagkakahawak ko nang mapatingin sa amin sila Mom na nakangiti.
"Oh! There you are!" masayang sabi pa ni Mom at tumayo.
Lumapit siya kay Ashi at inalalayan patungo sa upuan.
"Yiieee! You look pretty, hija. Just like these two lady." nakangiting sabi pa ni Mom sabay tingin kela Xandra at Kyla.
Ang ganda nga nila. Nakasuot si Xandra ng kulay asul na dress na bumagay sa kaniya.
Habang si Kyla ay nakasuot ng kulay pula na dress. They look gorgeous.
Pingahila ko ng upuan si Panget at naupo naman ito.
Napatingin ako sa pamilya niya na kaswal lang ang mga mukha.
"Konbanwa," magalang na bati ko sabay yuko sa harap nila.
"Mmm. You are the only grandson of Judge Chevalier?" tanong pa ni Judge Ibañez ang lolo ni Panget.
Full of authority ang pananalita nito na parang si Lolo rin.
Sabagay, pareho naman silang judge, eh.
"Opo, Judge Ibañez." magalang na sagot ko pa.
Natawa naman ito kaya natigilan ako. I thought he's so strict.
"Just call me grandmaster, young boy." nakangiting sabi pa nito.
Grandmaster?
Iyon ba ang tawag nila sa kaniya.
"Sige po, Grandmaster." sabi ko sabay ngiti.
Naupo ako sa tabi ni Panget.
"By the way, thanks for attending our dinner invitation, Grandmaster Ibañez." nakangiting sabi pa ni Lolo.
"Mmm. Thanks for the invitation." pormal na sabi pa ng lolo ni Panget.
"So, let's eat." sabi pa ni Lolo.
Tumango kaming lahat at nagsimulang kumain.
Nakangiting nilagyan pa ni Drixie ng mga ulam ang pinggan nila Kyla at Xandra.
Hinayaan lang naman siya ng dalawa. Habang si Asher ay tahimik lang na nakaupo sa tabi ni Xandra at kumakain.
Napatingin ako kay Don Acosta nang
bigla itong magsalita habang nakatingin sa akin.
"By the way, maayos na ba ang tuhod mo, apo?" tanong pa nito.
Apo?
"Ah, ayos naman na po. Hindi na gano'n kasakit." nakangiting sabi ko pa.
Tahimik lang sila Xandra at Kyla hahang kumakain. Gano'n na rin si Panget.
"Mabuti naman kung gano'n, apo. Sa susunod ay mag ingat ka. Ang gwapo mo pang binata para magalusan." nakangiting sabat naman ni Doña Acosta.
Napakamot naman ako ng batok.
"Ah, sige po salamat." nahihiyang sabi ko pa.
"Oo nga pala, kamusta ang mga laro niyo, hija?" biglang tanong ni Atty Nami kela Xandra.
Nag uusap naman sila Lolo at Grandmaster Ibañez pati na rin sila Don at Doña Acosta.
"Ayos naman po, wala pa kaming talo." nakangiting sagot ni Kyla.
"Talaga? Ang galing niyo naman pala!" masayang sabi pa ni Mommy.
Nahihiyang napakamot na lang sila ni Xandra.
"Hindi naman po," magalang na sabi ni Xandra.
Malayo sa Xandra na masungit lagi sa school.
Pfft!
"Nah! I'm so proud to both of you." ngiting sabi ni Mom.
"Salamat po," sabi ng dalawa.
Napabaling ako kay Panget nang magsalita si Atty Nami.
"Oh, Ashi? I didn't expect that you're good at playing a basketball?" patanong na sabi nito.
Nag-angat nang tingin si Ashi na pormal lang ang mukha.
"Yeah. Because it was your first time to watch it." Pormal na sagot ni Panget.
Tumingin ako kay Atty Nami. Ngumiti lang ito bago nagsalita.
"Yeah, you're right. And also, you're good at playing archery." dagdag pa ni Atty Nami.
"It was my Mom who teach me how to play." sagot ni Panget.
Biglang natahimik si Atty Nami. Nakikinig lang kami sa kanila.
"Ah, yeah. I know," kalaunan ay sabi ni Atty Nami.
Namayani ang katahimikan sa amin maliban sa tatlong matanda at si Dad na kausap ang Daddy ni Panget.
Tahimik na kumakain na lang si Doña Marites Acosta.
Pinapakiramdaman ko lang si Panget habang kumakain. Kumuha ako ng dessert at inilapag sa harap ni Panget.
Kumuha rin ako para kela Xandra at Kyla. Nginitian lang nila ako at nagpatuloy sa pagkain.
"By the way, your granddaughter are good on playing a basketball. I didn't expect to see her play like that a while ago." rinig kong sabi pa ni Lolo kay Grandmaster Ibañez.
"Ah, yeah. I didn't expect, too. I thought, she's just playing an archery. " rinig kong sabi ni Grandmaster.
Tiningnan ko si Panget. Kaswal na kumakain lang siya.
"Well, she's very talented thought. We are lucky to have a granddaughter like her." biglang sabi ni Don Acosta.
Nagpatuloy na lang uli kaming kumain habang patuloy sila sa pag uusap. Nakikinig lang kami sa kanila.
Kung ano-ano ang pinag uusapan nila. Pati na rin ang sa sportsfest ay pinag uusapan nila.
"By the way, I just want to excuse our granddaughters after the events, Judge Chevalier." biglang sabi ni Don Acosta.
Ha?
Bakit naman?
"Why?" tanong ni Lolo.
"We will send them in Japan if the events is done." sagot ni Grandmaster Ibañez.
Ipapadala sa Japan?
Bakit?
Napatingin ako kay Panget. Kumakain na siya ng dessert habang tahimik pa rin.
"Mmm. It's ok but what are they doing there?" takang tanong pa ni Lolo.
Ang Daddy ni Panget ang sumagot.
"It was for some matter that we couldn't tell to anyone. This is very important matter, Judge Chevalier." magalang na sabi ng Daddy ni Panget.
Hindi ako nakinig sa kanila at bumulong kay Panget.
"Aalis pala kayo pagkatapos ng sportsfest?" mahinang bulong ko pa.
Tiningnan niya ako bago tumango.
Natahimik ako habang nakatingin sa kaniya. Ano naman ang gagawin nila do'n?
Tahimik na kumain na lang ako hanggang sa matapos kaming lahat. Hindi pa rin tapos sa pag uusap ang mga matatanda.
Nag uusap rin sila Mom at Atty Nami pati na rin si Doña Acosta.
Si Dad at ang Daddy naman ni Panget ay nag uusap pa rin. Habang natatawa sila Kyla at Xandra dahil kay Asher at Drixie.
Ang kulit ng kapatid ko tse!
Tiningnan ko si Panget na nakasandal sa upuan habang naka cross arm.
Tumayo ako at nagpaalam sa kanila.
Hinila ko si Panget palabas ng dining papunta sa taas.
"Tsk! Bakit nanghihila ka?" blankong tanong ni Panget nang makaakyat kami sa second floor.
Hindi ko siya pinansin at hinila papunta sa kwarto ko. Agad akong pumasok sa loob habang hawak hawak ko ang wrist niya.
"Oh? Bakit nandito tayo sa kwarto mo?" kunot-noong tanong pa nito at kinalas ang kamay ko.
"Let's talked." sabi ko pa at naglakad papunta sa sofa.
Nakita kong inilibot niya sa loob ng kwarto ko ang paningin nito. Prenteng naka upo lang ako habang naka pandikwatro.
Pinagmamadan ko lang siya habang nanatiling nakatayo ito.
"Ang ganda ng kwarto mo, ah. Ang laki-laki pala nito." sabi pa niya.
"Tse! Ikalawang beses mo na ngayong nakapasok sa kwarto ngayon ka pa nagkomento?" nakangiwing sabi ko pa.
Inismiran niya ako bago lumapit sa may bintana at tumingin sa labas.
"Infairness, ah! Malinis ang kwarto mo." tatango-tangong sabi pa nito bago tumingin sa akin.
Nag smirk lang ako at nagkibit-balikat. Bigla siyang napatingin sa gilid ng kama ko kung saan nakapatong sa upuan ang malaking panda ko.
"Naks! Inaalagaan mo talaga ng mabuti ang panda mo, ano? Pfft! Mukhang marami kang panda rito, ah." pigil ang tawang sabi pa nito sabay lapit sa may aparador kung saan nakatago ang mga panda collection ko.
Shit!?
"Hey! 'Wag mong buksan 'yan!" mabilis na sabi ko nang hawakan niya ang aparador.
"Bakit? Ano bang meron dito----woah! Andaming panda! Collection mo?" manghang tanong pa niya nang makita ang laman ng aparador.
Shit!
Mabilis na tumayo ako at hinarangan ang aparador ko.
"Bakit mo binuksan?" pigil ang inis na tanong ko p.
"Bakit ko binuksan? Pfft! Kaya pala andaming panda-----"
Mabilis na sinarado ko ang aparador at hinila si Panget. Pero dahil napalakas ang hila ko sa kaniya pareho kaming bumagsak sa sahig.
Napangiwi pa ako habang nakapikit dahil sa sakit ng likod ko na tumama sa sahig. Bigla akong napamulat nang maramdaman ko ang bigat sa ibabaw ko.
(0_0)
Sumalubong sa mukha ko ang magandang mukha ni Panget habang nakapatong sa ibabaw ko.
Halata rin sa mukha niya ang gulat.
Hindi siya gumagalaw habang nakatingin sa mukha ko. Napalunok ako dahil ang lapit ng mukha namin.
Ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko at alam kong naririnig iyon ni Panget.
Shit.
Napatitig ako sa maganda niyang mata. Kulay itim ang mata nito. Tiningnan ko ang kabuuan ng mukha niya.
Ang ganda niya.
Ang sarap pisilin ng magkabilang pisnge niya. Napakalambot tingnan. Bumaba ang mata ko sa labi niya.
Napatitig ako sa malambot niyang labi habang mamulamula ito.
"Anong kalabog ang narinig namin---Oh! My God!" rinig kong gulat na bulalas ni Mom.
Pareho kaming hindi nakagalaw ni Panget sa gulat.
"Omo! Ang cute niyong tingnan! Ayiieee! Sige, iwan ko na kayo, ah!" patiling sabi pa ni Mom na animo'y kinikilig bago lumabas.
Narinig ko na lang ang pagsara ng pinto. Pagtingin ko kay Panget nanlalaki ang mga mata niyang mabilis na umalis sa ibabaw ko.
Natawa na lang ako at bumangon. Mabilis na tumayo si Panget kaya napapailing ako.
Tumayo na rin ako bago humarap sa kaniya.
"I'm sorry," paumanhin ko pa.
Bumuntong-hininga siya at naging blanko na uli ang mukha niya.
Tse!
"Oh? A-ano pala ang pag uusapan natin?" takang tanong pa niya sabay talikod sa akin.
Lihim na napangiti ako.
"Bakit ka nauutal?" kunwaring takang tanong ko pa.
Bigla siyang napaiwas nang tingin na ikinatawa ko. Naglakad ako palapit sa sliding door papunta sa verandah.
Naramdaman ko namang sumunod ito sa akin.
Agad akong sumandal sa railings at tiningnan lang ito na naglalakad palapit sa gawi ko.
Agad siyang napatingin sa baba bago sumandal.
"Nice view," komento pa nito.
Kita kasi mula rito ang iba't ibang ilaw. Noong unang punta niya rito ay hindi naman siya nagkomento.
"Yeah, tumatambay nga ako rito minsan kapag ganitong oras." sabi ko pa sabay tingin sa paligid.
Nakita kong napatingala ito sa langit. Napangiti pa siya nang makita ang maraming stars sa kalangitan.
"Ano pala ang pag uusapan natin?" kaswal na tanong niya habang nakatingin sa langit.
Lumapit ako sa tabi niya at tumingin din sa langit habang nakapamulsa bago nagsalita.
"Anong gagawin niyo sa Japan after the sportsfest?" tanong ko pa.
Hindi siya nagsalita kaya napalingon ako sa kaniya.
Bumuntong-hininga pa siya bago humarap sa akin at nagsalita.
"To do our responsibility for our family." sagot pa niya.
Napakunot naman ang noo ko. Ano? Responsibility?
"What do you mean?" curious na tanong ko pa.
"You can't understand what I mean for now. It was a private matter." seryusong sabi pa niya.
Natahimik ako at hindi nakapagsalita. Private matter?
Ano naman kaya 'yon?
Tsaka, bakit sa Japan pa? Ano bang meron at kailangan nilang pumunta sa Japan?
Is there something wrong?
To be continued...
A/N: Konnichiwa! Please keep reading guys!
Don't forget to Vote, comment and follow!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top