chapter 144 "Ashi vs Luke"

Drixon's Pov.

Patuloy pa rin ang laro at four quarter na. Malapit na ang last round. Gusto ko sanang maglaro pero hindi ko kaya. Mukhang tama si Panget.

Kahit hindi na gano'n kasakit ang tuhod ko pero mukhang hindi ako tatagal tumakbo kapag naglaro ako.

Tumunog ang buzz hudyat na break time. Pawis na pawis sila Lyle na lumapit sa gawi namin.

Napatingin ako kay Panget. Kaswal lang ang mukha niya. Lihim na napangiti ako.

Kinuha ko ang mineral water bago inabot sa kaniya. Agad naman niyang inabot bago naupo sa tabi ko.

Napausog pa ko kunti habang nakatingin lang sa kaniya na umiinom ng tubig.

"Dre, baka matunaw 'yan." biglang sabi pa ni RJ.

Nagtawanan naman sila habang tinutukso kami. Sinamaan ko lang nang tingin si RJ bago nag iwas nang tingin.

(0_0)

Napatingin ako kay Panget nang iabot niya sa 'kin ang pamunas.

"Aanhin ko 'yan?" tanong ko pa.

"Punasan mo ako." utos pa niya.

Anak ng!

Kung makapag utos kala mo siya 'yong boss, ah!

Pero lihim na napangiti ako. Hindi na ako umangal at pinunasan ang pawis niya.

Rinig ko pa ang tuksuhan nila pero hindi ko sila pinansin. First time kong ginawa to kay Panget, eh.

Tse!

Kinausap lang sila ni Coach habang pinupunasan ko pa rin si Panget. Napatingin ako sa mukha niya.

She's quite beautiful.

Psh!

Napatitig lang ako sa mukha niya habang pinupunasan ko siya.

"Hindi pa rin ba tapos?" biglang tanong ni Panget sabay tingin sa akin.

Natauhan naman ako at napaiwas nang tingin.

Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko, eh. Napakagat labi na lang ako bago nagsalita.

"Tapos na," sabi ko pa.

Tumango lang siya at tumayo. Nakinig ito sa lahat nang sinabi ni Coach.

"Nasa last round na tayo sa last quarter. Road to win na tayo kaya galingan niyo. Lamang tayo ng puntos pero huwag kayong pakampante." sabi pa ni Coach.

Napatango-tango pa si Panget.

Cool.

"Miss Ibañez, nice play. Hindi ko inakalang mas magaling ka pang maglaro sa mga team ko." sabi pa ni Coach.

Umalma naman ang ka teammates ko na ikinatawa namin. Napapailing na lang si Panget.

"Salamat, Coach!" mangas na sabi pa nito.

Natawa na lang ako.

"Pero mag ingat pa rin kayo lalo na't last round na. Malamang ay hindi papayag ang mga 'yon na matalo. Mr. Monreal, Evans and Mr. Alejo, keep on your good play. Alalayan niyo si Miss Ibañez at huwag niyong hayaan na masindak sa mga dirty tricks ng kalaban. Focus lang kayo at bantayan niyo pa rin ang bawat galaw ng kalaban. Understood?" sabi pa ni Coach.

"Yes, coach!"

Sabay na sigaw nila. Tumunog na ang buzz para simulan ang last round.

"Good luck team!" sigaw pa ni Coach.

"Good luck, Panget!" sigaw ko pa.

Biglang lumingon sa akin si Panget. Ngumiti lang siya sabay thumbs up at tumakbo papunta sa gitna.

Lumakas na naman ang kabog ng dibdib ko dahil sa ngiti niya.

Yes!

Nginitian niya rin ako sa wakas!

Hahahaha!

"Sus! Kinikilig ka, Insan, 'no?" nanunuksong tanong pa ni Bella.

Sinamaan ko lang siya nang tingin at tumingin sa court.

"Iba ang tama mo kay Ashi bakla!" sigaw pa ni Mello.

Napakamot na lang ako ng batok. Ang lakas ng boses niya, eh.

"Ayiieee! Sabi ko na nga ba, eh!" kinikilig na sabi pa ni Stella.

Napatili pa si Theresa kaya napapailing na lang ako.

Buti na lang lumipat si Asher kanina sa gawi ng magulang niya.

Kita ko pang napapailing din sila Xandra. Nagfocus na lang ako sa laro.

Nakaramdam pa ako ng inis nang makitang nakatingin si Panget kay Deb.

Tse!

(0_0)

Napatayo ako nang makita kong sinadyang banggain ni Luke si Panget nang tumakbo ito!

Shit!?

Charging 'yon!

Napahiga sa sahig si Panget. Mabilis na dinaluhan siya ni Lyle at tinulungan patayo.

Fvck this monkey boy!?

"Hala!"

"Ayos lang ba siya?"

"Ang dumi naman maglaro ng lalaking 'yon!"

"Oo nga! Kanina pa sila, ah!"

"Hala! May galos siya!"

"Oo nga!"

Rinig kong mga bulungan. Akmang lalapit na ako nang pigilan ako nila  Xandra.

"Wag mo nang puntahan. She's fine." sabi pa ni Kyla.

Nakita kong tumakbo na uli si Panget  parang wala lang sa kaniya ang ginawa ni Luke.

Tse!

Nasa team nila Luke ang bola. Suminyas ang may hawak ng bola kay Luke bago nito ipinasa ang bola.

Mabilis naman na inagaw ni Panget ang bola pero naunahan siya ni Luke.

Mabilis itong tumakbo at hinagis ang bola sa ring.

Hulog!

Tse!

Nasa kay Keith ang bola. Agad siyang tumakbo pero hinarangan siya ng kalaban. Pilit itong humanap nang lusot pero hindi siya maka tyempo.

Ipasa mo kay Lyle!

Nakita kong tumakbo si Lyle at sumenyas. Agad na umikot si Keith at ipinasa ang bola.

Mabilis na nasalo ni Lyle ang bola at ipinasa kay Cove. Hindi maka tyempo mag shoot si Cove kaya mabilis na sininyasan niya si Panget.

Agad namang nasalo Panget ang bola at mabilis na tumakbo. Hinarangan siya ni Luke at pilit inagaw ang bola. Mukhang nahihirapan si Panget.

Nakita kong ngumisi si Luke. Shit!

(0_0)

Biglang ngumisi rin si Panget at mabilis na pumunta sa likod ni Luke sabay talon at hinagis ang bola sa ring.

Hulog!

Three points!

Napasigaw ako!

"Go! Panget!!" malakas na sigaw ko pa.

Natahimik ang lahat at napatingin sa akin. Biglang napatingin si Panget sa akin at nag smirk lang ito.

Napangiti ako at hindi pinansin ang mga taong nakatingin sa akin.

"Yay! Napapangiti ang Drix niyo!" nang aasar na sabi pa ni Kriss.

"Mukhang tinamaan talaga mga, dre!" nakangising sabi pa ni Clyde.

"Halata nga!" sabi naman ni Tristan.

"Yaan niyo, para mabilis gumaling 'yan. May laro pa tayo bukas!" natatawang sabi pa ni Kiro.

"Sus! Si Miss Ibañez lang nakakapag pa ngiti sa loko." sabi pa ni RJ.

Binato ko naman ng mineral water si RJ na natatawang inilagan niya lang.

"Hindi mo maitatago sa amin, dre. Tingin pa lang halata ka na." nakangising sabi pa ni Caleb.

Napapailing na lang ako at tumingin uli sa laro.

Hawak ni Luke ang bola habang hinaharangan ni Panget. Nakita ko pang parang may sinasabi si Luke habang nakangisi.

Blanko lang ang mukha ni Panget habang hinabakuran siya. Biglang umikot si Luke at mabilis na tumakbo.

Hinarangan siya ni Cove pero nakita kong binunggo nito ang balikat ni Cove sabay hagis ng bola.

Bumagsak sa sahig si Cove habang namimilipit sa siko nitong tumama sa semento.

Fvck!?

Mabilis na dinaluhan siya ni Panget at tinulungang tumayo. Kinausap pa siya ni Panget at nakita kong tumango lang ito bago tumakbo.

Napatingin ako sa score board. Shit! Malapit nang maabutan ang score namin.

Kapag maka shoot sila ng dalawang beses na sunod sunod na dalawang puntos ay maabutan na nila kami.

Last two minutes and fifty seconds na lang ang natirang oras.

118 ang score namin habang 114 naman sa kabilang team.

Halata ring sumeryuso sila Luke. Habang halatang pagod na sila Keith.

Shit!?

Kung hindi sana napuruhan ang tuhod ko!?

Tse!

Hawak na ni Lyle ang bola habang tumatakbo ito at naghahanap nang mapasahan.

"Lyle!" sigaw ni Panget.
Mabilis na tumakbo si Lyle at ipinasa kay Panget ang bola.

Akmang ihahagis na ni Panget ang bola nang biglang agawin ni Luke at tumakbo.

Fvck!?

Hinagis ni Luke sa ring ang bola at two points!

One minute and fitfty seconds left.

"Shit!? Malapit na tayong maabutan!" bulalas ni Caleb.

Tutok na tutok kami sa laro dahil patapos na rin ang laro.

Nakaramdam pa ako ng kaba habang tumingin sa score board bago tumingin uli sa laro.

Nasa kalaban ang bola. Nakita kong suminyas si Panget kay Lyle. Mabilis na tumakbo si Lyle habang hinaharangan ni Cove ang may hawak ng bola.

Biglang tinapik ni Cove ang bola nang ihagis sana ng may hawak ang bola pero nakuha pa rin ng kalaban.

Mabilis nitong ipinasa sa ring ang bola pero hindi na shoot! Nasalo ni Keart ang bola at mabilis na ipinasa kay Keith.

Mabilis na hinarangan ng kalaban si Keith kaya hindi siya maka shoot. Tumingin siya kay Lyle at ipinasa ang bola.

Agad namang nasalo ni Lyle. Tiningnan ni Lyle si Panget at sininyasan.

Agad nasalo ni Panget ang bola matapos ihagis ni Lyle sa kaniya. Mabilis na tumakbo ito habang iniiwasan si Luke.

Nakangisi lang ang unggoy at...

(0_0)

Bigla niyang nasiko sa mukha si Panget habang inagaw ang bola.

Shit!?

Mabilis na tumakbo si Luke papunta sa ring pero hinarangan siya ni Lyle. Ngunit nakalusot pa rin ito bago tumalon at hinagis ang bola.

'Wag kang pumasok!

"Woah!"

"Three points!"

Sigaw ng mga taga MLMSU nang pumasok ang bola fvck!?

Nalampasan nila kami ng isang puntos!

"One minute and twenty seconds!"  Sigaw ng emcee sa mic.

Nasa kalaban pa rin ang bola shit!?

Hawak ni Bogs ang bola habang hinaharangan ni Lyle. Biglang inagaw ni Lyle ang bola at tumakbo.

Pero sinalubong siya ng dalawang bantay kaya hindi siya maka kilos. Pilit siyang humanap ng lusot pero wala. Hindi rin niya maipasa kela Keart.

Bigla niyang ipinasa kay Panget pero sa kasamaang palad si Luke ang nakasalo.

Arghh!!

Ngumisi pa si Luke kay Panget bago hinagis ang bola at two points!

Three points na ang lamang nila sa amin.

"Fifty nine seconds left!" sabi pa ng emcee.

Last shot for win na! Shit! Nasa kalaban ang bola.

"Damn! Kapag hindi naagaw ng team natin ang bola patay tayo!" sabi pa ni Kriss.

Rinig ko ang mga bulungan at sigawan ng lahat dahil last shoot for win na.

Shit!?

Kailangan maka shot ng dalawang beses sila panget para kami ang manalo pero...

(0_0)

Naagaw ni Keith ang bola. Hinarangan siya ng dalawa kaya ipinasa niya kay Keart.

Tumakbo si Keart at ipinasa kay Cove ang bola. Masyadong malayo si Panget sa gawi ni cove.

35 seconds left!

Tumakbo si Lyle at suminyas kay Cove. Nahihirapan namang ipasa ni Cove ang bola kay Lyle.

Pero bigla niyang nilito ang humarang sa kaniya at umikot sabay hagis ng bola kay Lyle.

"20 seconds!" sigaw ng emcee.

Shit!?

Ramdam ko ang tension ng bawat isa. Mabilis na tumakbo si Lyle habang sininyasan nito si Panget at iniwasan ang mga kalaban.

Mabilis niyang hinagis ang bola kay Panget. Lahat kami ay nakatutok sa bola papunta sa gawi Panget.

Salo!

Napasuntok ako sa palad ko nang masalo ni Panget ang bola. Mabilis siyang tumakbo habang hinarangan siya ni Luke.

Shit!?

"15 seconds left!" sigaw ng emcee.

Pilit na umiwas si Panget kay Luke.

(0_0)

Biglang umikot si Panget at tumalon sabay hagis ng bola.

Lahat kami napatayo habang sinusundan nang tingin ang bola. Parang nag slow motion ang paligid habang nakatingin kaming lahat sa bola papunta sa ring.

Ramdam ko ang tension sa bawat isa habang hinihintay kung ma shoot ba ang bola o hindi.

Pigil ang hiningang nakatutok lang ang mata ko sa bolang unti-unting palapit sa ring.

Bago pa man tumunog ang buzz ay...

Hulog!

Three points!

"Ang galing!!"

"Tie score!!!" sigaw pa ng lahat.

Napatalon ako sa tuwa pero bigla akong natumba dahil nawalan ng lakas ang tuhod ko.

Shit!?

"Woahh!"

"Ang galing niya!!"

"Ang astig!!"

"Nice  shoot!!"

"Ang cool!"

"Ang galing mo Ash!"

"Amazona!"

"Amazona!"

Sigawan ng lahat. Shit!? Hindi ba nila ako napansin.

Napangiwi na lang ako at pilit na tumayo.

"Tsk!" rinig kong singhal.

Napa-angat ako nang tingin at si Panget!

Nakalahad ang kamay niya sa harap ko. Napatingin ako sa paligid at nakatingin silang lahat sa amin.

Napatingin uli ako kay Panget. Kaswal lang ang mukha nito habang nanatiling nalahad ang kamay niya sa harap ko.

"Ayaw mo? Eh, 'di bahala kang tumayo mag-isa." sabi pa nito at biglang talikod.

Anak ng!

Akmang aalis siya nang magsalita ako.

"Hey! Saan ka pupunta?" tanong ko pa sa kaniya.

"Tsk! Aalis tapos na ang laro, oh!" sabi pa nito.

"Tse! Iiwan mo lang ako ritong nakaupo?" nakataas kilay na tanong ko pa.

"Para kang timang! Kanina inabot ko ang kamay ko pero ayaw mo. Tapos ngayon---tsk!" napapailing na sabi pa nito at naglakad pabalik.

Napangiti ako at inabot ang kamay niya. Malakas kong hinala ang kamay nito dahilan para hindi siya makabalanse at natumba.

Agad ko siyang nasalo. Rinig ko pa ang tilian ng lahat habang nakatingin sa amin.

Napatitig ako sa mukha ni Panget na nakatingin sa akin. Hindi ko ininda ang tuhod kong naupuan niya.

"Ayieee!!" rinig kong tili ng mga studyanteng malapit sa gawi namin.

"Naks! Dumadamoves ka na, dre!" sabi pa ni Keart pero hindi ko sila pinansin.

"Hayp, dre! Tama na ang titigan!"

"Baka may mga single rito!"

"🎶 Tayo'y titig na titig sa isa't isa. Parang walang ibang tao sa paligid kundi tayong dalawa.🎶" rinig ko pang Kanta ni Keith.

May flash pa ng camera. Shit! Kinukunan kami ng litrato!

Napaiwas bigla nang tingin si Panget at kusang gumalaw.

Napasigaw ako sa sakit dahil sa paggalaw niya.

"H-hey! Ayos ka lang?" alalang tanong pa ni Panget.

Gusto ko sanang ngumiti dahil nag-aalala siya ay hindi ko ginawa.

"Yung tuhod ko," Nakangiwing sabi ko pa.

"Sorry," biglang sabi niya.

Nagsosorry siya? Napatitig na naman ako sa mukha niya. Nakatingin lang siya sa tuhod ko.

Parang ngayon ko lang ata narinig na nagsorry ang isang mayabang na Panget.

"Ayieeee! Ang sweet niyong tingnan kanina, big boy!" biglang sabi pa ni Mom na kinikilig pa.

Rinig kong natawa ang mga kasamahan namin kaya napakamot na lang ako ng batok.

Nakita ko pang nahiya si Panget. Lihim na napangiti ako.

"Tulungan na kita," sabi pa ni Panget at inalalayan akong tumayo.

Tumulong pa si Mom habang ang laki nang ngiti niya.

Alam kong siya ang kumuha ng picture kanina. Si Mom talaga.

Pinaupo niya ako sa bench bago naupo sa tabi ko. Napanguso pa ako nang biglang umupo si Mom sa gitna namin.

Hinarap niya si Panget habang nakangiti.

"Ang galing mo kanina, hija! I didn't expect that you'll play a while ago." nakangiting sabi pa ni Mom.

Naupo naman si Drixie sa tabi ko habang may nanunuksong tingin at pinakita sa akin ang picture namin ni Panget.

Shit!

Kinuhanan rin pala niya kami. Kukuhanin ko sana ang camera niya para tingnan ang kuha niya nang ilayo siya sa akin.

Tinampal pa niya ang kamay ko bago ako binelatan at lumayo sa akin.

Tse!

"Ah, hehehe. Hindi naman, Tita." rinig ko pang sabi ni Panget.

"Anong hindi? Ang galing mo nga, eh! Para kang lalaki kung maglaro. Ang cool mo kanina, hija." ngiting sabi pa ni Mom.

Nakita kong napakamot na lang si Panget at nahihiya. Natawa ako sa hitsura niya.

Busy sa pag uusap ang lahat.

"Ah, eh marunong lang ho,"sabi pa ni Panget.

"Nope. Mas magaling ka pa nga maglaro sa anak ko, hija. Walang wala siya sa'yo. Kukurutin ko nga ang singit no'n mamaya sa bahay." rinig kong sabi ni Mom na ikinalaki ng mata ko.

Biglang natawa si Panget dahil sa sinabi ni Mom.

"Mom!" kamot batok na sita ko pa.

Hindi ako pinansin ni Mom at biglang tumayo.

"By the way, pupunta ka mamaya sa bahay, hija." nakangiting sabi pa ni Mom.

"Ho? Bakit naman?" tanong ni Panget.

"We invited your family for a dinner. Nagpaluto ako ng maraming pagkain kay Manang sa bahay. Baka hindi kaya ni big boy na sa labas magdinner dahil sa tuhod niya. Kaya sa bahay na lang." nakangiting sabi pa ni Mom.

Napaisip naman ako bago lihim na napangiti.

Nice one Mom!

"Ah, titingnan ko lang ho mamaya---"

"Tse! I don't take no for an answer." pigil ko pa sa kaniya.

Napatingin naman silang dalawa ni Mom sa akin.

"Son, ako ang nag invite bakit 'you don't take no for an answer?' "nakangiti at nanunuksong sabi ni Mom.

Natigilan naman ako habang nakatingin kay Panget na pinigilang matawa.

Tse!

"Mom, I'm your son. 'Tsaka, sa bahay sila kamo? Eh, 'di may karapatan din akong magsabi no'n." kamot batok na sabi ko pa na ikinatawa ni Mom.

"Oo nga naman, hija. Malulungkot ang big boy ko kapag hindi ka pupunta mamaya." nakangiting sabi pa ni Mom.

"Mom!" sita ko pa.

Tinawanan niya lang. Natawa rin si Panget bago tumango.

Yes!

"Magdress ka mamaya, ah! Lagot ka sa akin kapag hindi." sabi ko kay Panget.

"Ayieee! Oo nga, hija! See you later!" masayang sabi pa ni Mom bago hinalikan sa pisnge si Panget.

Akmang aalis na siya nang magsalita uli siya.

"By the way, bagay sa'yo ang damit ng big boy ko." sabi pa ni Mom bago tuluyang umalis habang nakangiti.

Nakangiting tiningnan ko si Panget. Napakamot lang siya ng batok.

"Hey! Ang galing mo, Ash! Congrats!" sabi pa ni RJ.

"Oo nga! Nakakahiya man aminin pero mas magaling ka pa sa amin." natatawang sabi pa ni Clyde.

Nagtawanan naman ang buong team. Kinausap pa kami ni coach bago kami umalis ng gym. Inalalayan ako ni Panget at Lyle papunta sa room namin.

Kukunin lang nila ang gamit nila. Uwian na rin naman dahil pasado alas-kwatro y medya na ng hapon.

Nakauwi na rin ang kapatid ni Kyla pati ang kasama nito.

Pagkatapos ay lumabas na kami ng campus. Pagdating namin sa parking lot ay naabutan namin do'n sila Debbien at Trixie.

Pati na rin si Kiana na nag-aalalang nakatingin sa akin.

"Oh! My God! Ayos ka lang ba, Drix?" alalang tanong pa nito.

Tse!

"Yeah. You don't need to worry." kaswal na sagot ko.

Tiningnan pa ako nito bago alanganing tumango.

"Hey! Ang galing mo kanina, ah! Tulad pa rin ng dati walang pinagbago." nakangiting sabi pa ni Deb kay Ashi.

Salubong ang kilay na tiningnan ko lang ito.

"Hindi na tulad ng dati. Marami ang nagbago, eh." kaswal na sabi ni Panget.

Napatigil pa si Deb bago alanganing tumango.

"May pasa ka, oh." sabi pa nito sabay tingin sa gilid ng labi ni Panget.

Mabilis na tinakpan ko ang bibig ni Panget. Kita ko pang nagulat sila dahil sa ginawa ko.

"Tse! 'Wag mo nang tingnan." seryusong sabi ko.

Natawa naman si Debbien habang napapailing.

"Ayos lang ba ang tuhod mo, Drix?" tanong pa ni Trixie.

Bumaling ang tingin ko sa kaniya at tumango.

"I'm fine. Alis na kami," sabi ko pa at hinila si Panget kahit iika-ika akong naglakad.

Napapailing pa sila Lyle bago lumapit sa kotse nila.

"Alis na kami, ah! Ingat kayo! By the way, salamat sa paglaro mo kanina, Ash." nakangiting sabi pa ni Lyle.

Gano'n na rin sila Keart at Keith.

"Ayos lang para rin naman sa school natin 'yon." nakangiting sabi pa ni Panget.

Tumango na lang sila at pumasok sa kotse nila. Sumakay na rin sila Bella para ihatid nila.

Nagpaalam na rin sila Kyla at nauna. Inalayan ako ni Panget na makapasok sa kotse ko.

Kaya ko namang magmaneho, eh. Matapos magpaalam ni Panget ay umuwi na ako. Excited na ako para sa dinner mamaya.

Hay Panget...


To be continued...

A/N: Sana magustuhan niyo guys! Keep reading!

Don't forget to Vote, comment and follow!












Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top