Chapter 140 "Sportfest day"
Keart's Pov.
Third day na ng sportsfest namin ngayon and it's Wednesday. Maaga akong nagising dahil susunduin ko pa sila Stella.
Kahapon nang matapos ang nangyari kay Ashi at Drix sa grupo nila Luke ay hinatid na namin sila Stella.
Sa totoo lang medyo kinabahan talaga ako dahil kela Luke. Kung kami lang ay kayang kaya namin sila kapag tinutuhanan namin sila.
Sadyang marumi makipaglaban ang nga 'yon.
Tch!
Agad na akong bumaba nang matapos akong magbihis. Nakasalubong ko pa si Manang na tatawagin sana ako.
"Kumain ka na, hijo." sabi pa ni Manang.
Tumango ako at inilagay sa sala ang bag ko bago sumunod sa kaniya sa dining area.
"Samahan mo na po ako, Manang." nakangiting sabi ko pa.
Tumango si Manang at naupo. Wala kasi sila Mom. Kahapon pa sila wala dahil may lakad sila para sa kompanya.
Hindi rin sila nakapanood nang laro namin kahapon pati na rin ngayon.
Pero sa Friday manonood naman daw sila. Ayos na rin 'yon.
"Kamusta ang sportsfest niyo, hijo?" tanong pa ni Manang.
Uminom na muna ako ng tubig bago sumagot.
"Ayos naman, Manang. Wala pa kaming talo." nakangiting sabi ko pa.
Natango-tango naman si Manang. Nagpatuloy na lamg kami sa pagkain hanggang sa matapos.
Nagpaalam na ako kay Manang na aalis dahil susunduin ko pa si Stella at Mello.
Agad na akong dumeretso sa parking lot bago pumasok sa kotse at umalis. Dumaan ako sa bahay nila Stella bago pa namin sinundo si Mello sa kanila.
"Uy! Good morning!" nakangiting bati pa ni Stella.
"Good morning din. Pasok na dadaanin pa natin si Mello." sabi ko pa at pinagbuksan siya ng pinto.
"Sige, salamat." sabi pa nito.
Agad na akong pumasok sa drivers seat at nagmaneho.
"Oo nga pala. Kaya ba lagi niyo kami hinahatid sundo dahil kela Luke?" biglang tanong pa ni Stella.
Napatango na lang ako.
"Si Ashi ang nag utos sa amin. Ayaw ni Ashi na madamay kayo kaya pinapabantayan niya kayo." sagot ko.
Napabuntong-hininga naman si Stella.
"Kawawa naman si Ashi. Siya tuloy ang laging ginugulo ni Luke. Kasalanan talaga 'to ni Kiana, eh!" nakasimangot na sabi pa niya.
Hindi ko na lang siya pinansin hanggang sa makarating kami sa bahay nila Mello.
Sakto namang lumabas na siya sa gate nila.
Mayaman din naman sila Mello. Himdi nga lang siya tulad ng iba na spoiled.
"Good morning mga bakla!" sabi pa nito at kusang pumasok sa tabi ni Stella.
Nagmumukha akong driver nilang dalawa.
"Good morning din." bati namin ni Stella.
"Teka, nagmumukhang driver natin si Keart, Stell." natawang sabi pa ni Mello.
"Tch! Ang gwapo ko naman para maging driver niyo." sabi ko sabay paandar ng kotse.
Tinawanan lang nila ako. Hindi ko na sila pinansin pa at nagdrice na lang papunta sa university.
Nang makarating kami ay nakit namin sila Drix na nakasandal sa kotse nila.
Abah! Ang saya ng loko, ah! Kagabi pa 'yan. Nag group video call kaming apat at ang saya saya niya.
Daig mo pang nanalo sa lotto, eh!
Wala pa sila Ashi.
Kusang bumaba sila Mello at Stella kaya bumaba na ako bago lumapit kela Drix.
"Hey, man!" sabi ko pa at nakipag fist bump sa kanila.
"Mauna na kayo sa loob. Hihintayin namin sila Panget dito." sabi pa ni Drix kela Bella habang nakangiti.
Yay!
May hindi sinasabi an loko na 'to, ah! Kinulit namin siya kagabi pero ayaw niyang sabihin, eh.
"Sige, sumunod na kayo kapag nakarating na sila." sabi pa ni Bella.
Tumango na lang kami sa kanila bago sila pumasok sa campus.
Binalingan ko si Drix at nanunuksong tiningnan.
"Putcha! Kagabi ka pa ngiti nang ngiti, dre. Sabihin mo nga sa amin kung anong meron?" nanunuksong tanong ko pa.
Napatingin na rin si Lyle at Keuth sa kaniya.
Pasipol-sipol pa siya habang nakangiti.
Anak ng!
"Nababaliw ka na, dre. Iba talaga kapag inlove, oh!" nag-aasar na sabi ni Keith kay Drix.
Habang napapailing naman si Lyle at nakapamulsa.
"Tse! Sa akin na lang 'yon." sabi pa niya at biglang sumeryuso uli.
Anak ng!
"Naks! Mukhang iba talaga ang nagagawa ng pagmamahal mo kay Ashi, dre." nakangsing sabi ko pa sa kaniya.
Nagkibit-balikat lang siya at sakto namanh may nakita kaming tatlong motor na paparating.
Yay!
Ang cool rin ng myloves ko, oh! Napatitig pa ako kay Kyla dahil nililipad ng hangin ang mahabang buhok niya.
Ang cute niya hehehe.
"Darn! Mukhang dalawa na ang baliw na kaibigan natin, dre." napapailing na sabi pa ni Lyle kay Keith.
Tch!
"Sus! Inggit lang kayo dahil hindi pa kayo tinamaan ni kupido!" nakangising sabi ko sa kanila.
Tinawanan lang nila ako hanggang sa makapark sila Kyla.
Agad kaming lunapit sa kanila. Tinulungan kong bumaba ng motor si Kyla.
Hehehe.
Ang gentleman ko talaga.
"Baka naman may mga single rito." nakangiwing sabi pa ni Xandra.
Nakangiting napakamot na lang ako. Tiningnan ko si Drix at abah!
Seryuso na uli ang mukha. Mukhang ayaw niya talagang ipahalata kay Ashi na may gusto siya rito.
Psh!
Ang torpe ng kaibigan ko, ah.
Psh!
"Tara na sa loob," sabi pa ni Lyle.
Tumango na lamg kami at akmang papasok nang may dumating na dalawang kotse.
Pagtingin namin si Trixie. Napatingin kami sa driver. Anak ng topa!
Si Debbien!
Nilingon ko si Ashi at blanko lang ang mukha nito habang nakapamulsa ang isang kamay.
Napatingin ako sa isa pang kotse. Si Kiana!
Anak ng!
Sabay dumating ang dalawang ex ni Drix pati ang Ex ni Ashi.
Yay!
Napatikhim kami ni Keith. Nakita naming bumaba si Debbien at punagbyksan ng pinto si Trixie at inalalayang bumaba.
Sakto namang napatingin sila sa amin. Akmang aalis na si Ashi nang lumapit sila Debbien at tinawag nito si Ashi.
"Ashi!"
Napatigil si Ashi at nanatiling nakatalikod.
"A-ah, good morning." nakangiting bati pa ni Trixie.
Tumango na lang kami. Alam naming nag kausap na si Trixie at Drix. Mukhang ayos naman sila.
"A-ah, good morning, Ash." bati pa ni Debbien kay Ashi.
Lumingon si Ashi at tumango lang.
Napatingin ako kay Drix. Tahimik na nakamasid lang siya sa dalawa. Kita ko pa ang pagtalim nang tingin niya kay Debbien.
Napapailing na lang ako.
"H-hi, Drix!" bati pa ni Kiana nang makadaan sa harap namin sabay ngiti kay Drix.
Tch!
Napairap pa si Xandra habang nakatingin kay Kiana.
"Mmm." Tangong sagot ni Drix.
Naks!
"Mauna na ako." paalam pa ni Ashi bago tumingin kay Debbien at umalis.
Yay!
Mukhang ang awkward mga dre!
Dapat exit na kami, eh.
"A-ah, alis na rin kami, ah." sabi ko pa at hinila si Kyla.
************************************
Ashi Vhon's Pov.
Nakapamulsang tumalikod ako at naglakad papasok sa loob.
Tsk!
Hindi ko pinansin ang mga bulungan ng mga nadaanan ko. Napakaraming istudyante na naka kalat sa paligid.
Dumeretso na lang ako sa secondary campus. Nakasalubong ko pa si Miss Alcantara.
"Good morning, Miss." kaswal na bati ko pa.
Napataas naman ang kilay nito bago tumango.
Nilagpasan ko na lang siya at dumeretso sa room namin. Agad kong ibinaba ang bag ko at naupo sa ibabaw ng mesa.
"Good morning, Ash!" nakangiting bati pa ni Kayden sabay baba ng bag at ng Bow niya.
"Mmm." tangong sagot ko pa.
"Uy, Ash! Ayos na ba ang pasa mo?" biglang tanong pa ni Bella sabay lapit sa akin.
Tumingin ako sa kaniya at tumango. Wala akong ganang magsalita ngaton.
Tsk!
Akmang magsasalita pa sana si Bella nang tumayo ako at pumasok sa banyo.
Naghilamos ako ng mukha. Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin.
Bakit parang nakaramdam ako ng kakaiba sa loob ko nang makita na namang magkasama si Deb at Trixie?
Lintik!
Akala ko hindi na ako maapektuhan sa kanilang dalawa. Pero bakit nagkakaganito na naman ako ngayon.
Peste!
Naghilamos uli ako bago nagpunas at lumabas.
Nandito na pala sila Xandra at Kyla. Nakatingin pa sila sa akin pero hindi ko sila pinansin pa.
Lumabas ako ng room para tingnan ang bulletin board para sa schedule ng laro ko.
Naramdaman kong may nakatingin sa akin pero hindi ko na pinasin nang biglang...
*Blaaaggg!
Plakda ako sa lupa dahil bin-locking ako tanginis!
Rinig kong nagtawanan ang mga nakakita sa paligid ko.
Peste!
"Ang lampa lampa psh!" rinig kong sabi ng pamilyar na boses.
Kalmadong tatayo na sana ako nang may tumulong sa akin.
"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong pa ni...
"Deb?"
"Ah, yeah. It's me. Are you, ok?" tanong pa niya.
Napabuntong-hininga ako at tumango. Napatingin ako sa gilid.
Ang nakataas kilay na mukha ni Kathy ang sumalubong sa akin.
Tsk!
"Tsk!" singhal ko at akmang aalis nang magsalita ito.
"Oh? Aalis ka na? Hindi mo ba gustong makasama ang so called ex mo?" nakangising sabi pa nito.
Napatigil ako bago tumingin sa kaniya ng seryuso.
Walang kwenta!
"Are you bored? Kumuha ka ng lubid at magbigti sa flagpole paniguradong mawawala ang boredom mo." blankong sabi ko sabay talikod.
Napabuntong-hiningang naglakad na lang ako patungo sa bulletin board pero...
"Ash, wait!" pigil pa ni Deb sa akin sabay hawak sa kamay ko.
Napatigil ako bago dahan-dahang napatingin sa kamay kong hinawakan ni Deb.
Napa-angat ako nang tingin sa kaniya. Nagtama ang mga mata namin at nakita ko ang pag-aalala sa mata nito.
Nagkatitigan pa kami sandali bago ako nagsalita.
"What?"
"Bakit may pasa ang gilid ng labi mo?" nag-alalang tanong pa niya.
Ramdam ko ang higpit nang pagkakahawak niya sa kamay ko.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya napaiwas ako nang tingin sa kaniya.
Saktong napatingin ako sa likod ni Debbien at nakita ko si Bisugo.
Blankong nakatingin lang siya sa mata ko habang nakapamulsa. Biglang bumaba ang mata niya sa kamay namin ni Debbien. Nakita ko pa ang oagtagis bg bagang nito.
Napatingin rin ako sa kamay namin bago bumitaw sa pagkakahawak ni Deb.
"Ayos lang ako. You don't need to ask." sabi ko bago tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad.
Narinig ko pang tinawag ako ni Deb pero hindi ko na pinansin pa.
Napahinga ako nang malalim bago tuluyang nakalapit sa bulletin board.
Isa na lang ang laro ko ngayon at ang MLMSU ang makakalaban ko.
Tsk!
Tiningnan ko kela Xandra. SCU ang kalaban nila samantalanag SLU rin ang makakalaban nila Bella sa volleyball.
Tiningnan ko ang basketball. Ang MLMSU ang makakalaban nila ngayon. Ibig sabihin ngayon na nila makakalaban sila Luke.
Tsk!
Napabuntong-hininga uli ako at akmang aalis nang mamataan ko sila Luke.
Nakangisi ito kaya napapailing na umalis na lang ako.
Bumalik ako sa room. Mamayang alas-dies pa ang laro ko. Habang mamayang hapon ang laro nika Bisugo. Sila Xandra ang maglalaro ngayon.
"Saan ka galing?" tanong ni Kyla.
"Sa bulletin board." sagot ko sabay upo sa ibabaw ng mesa.
"Sinong unang maglalaro?" tanong pa ni Stella.
"Sila Xandra sunod na kayo." sagot ko pa.
Tumango na lang sila at naghanda.
Pwede naman sigurong iidlip na lang muna ako. Gusto kong matulog psh!
Alam ko na kung ano ang dahilan kung bakit kami ipapadala ni Xandra sa Japan pagkatapos ng sportfest.
Tsk!
"Hindi ka manonod, Ash?" biglang tanong ni Bella.
"Hindi na, gusto kong matulog muna." sabi ko pa at inayos ang mesa bago dumapa.
Hindi na lang siya nagsalita ulit at narinig kong lumabas na ang iba.
"Iwan ka na namin, ah." sabi pa ni Theresa.
Hindi na ako sumagot hanggang sa makaalis na sila.
Nakapikit lang ako habang ginawang unang ang mga braso ko. Hanggang sa maka idlip ako.
************************************
Drixon's Pov.
Napakuyom ang kamao ko habang nandito ako sa loob ng banyo. Hindi mawala sa isip ko ang nakita ko kanina.
Fvck!?
Napasuntok na lang ako sa lababo at inis na naghilamos ng mukha. Napapikit pa ako pero bigla namang lumitaw ang mukha ni Panget habang nakatitig kay Debbien kanina.
Shit!?
Inis na nagmulat ako at napasandal sa bubong.
"Fvck!?" mahinang mura ko.
Kung bakit ko pa kasi nakita ang lintik naman, oh! Kitang kita ko sa mata ni Panget kong paano siya tumitig kay Deb kanina.
Parang may... may kakaiba akong nakita--shit!?
Nakakaramdam ako ng sakit lalo na't makitang hinawakan nang mahigpit ni Deb ang kamay ni Panget kanina.
"Damn him!? Ako lang ang pwedeng humawak sa kamay ni Panget!?" galit na bulong ko pa.
Napabuntong-hininga ako. Kahit anong pagpakalma ko sa sarili hindi pa rin ako kumakalma.
Peste ang lalaking 'yon! May girlfriend na siya tapos nakikipag---fvck you ka Deb!?
Gusto ko sana siyang sugurin at sapakin pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka magtaka si Panget kapag ginawa ko 'yon.
Arggh!
Inis na lumabas ako ng banyo.
"Oh? Anyare sa'yo? Kanina ka pa, ah!" takang tanong pa ni Lyle.
Pabagksak na naupo ako sa upuan bago napahilamos ng mukha.
"Mukhang selos ang dahilan niyan, eh." rinig kong sabi ni Keart pero hindi ko pinansin.
"Selos?" Takang tanobg ni Lyle.
"Psh! Nakita niya si Deb kanina na nakahawwk sa kamay ni Ashi habang nagtitigan." sabi pa ni Keith.
Shit!?
Nakita pala nila! Damn!
"Naks! Kakaiba ka pala magselos, dre." natatawang sabi pa ni Keart.
Sinamaan ko lang siya nang tingin pero tinawanan nila ako pati na rin ang ibang kasamahan namin.
"Naku! Tama na muna ang selos. Maghanda tayo sa laor mamayang hapon. MLMSU ang makakalaban natin. Usap-usapan na madumi maglaro ang mga 'yon. Tapos ang aangas pa raw kung maglaro." sabi pa ni Kiro.
Ka team namin.
Napatingin ako sa kaniya.
"Sila ang makakalaban natin mamaya?" seryusong tanong ko pa.
Tumango naman ito habang napapakamot dahil ata sa pagserysuso ko.
Tse!
"Gotcha! Makakabangga na natin ang mga unggoy!" natatawang sabi pa ni Keith.
Psh!
Kung gano'n dapat pala talagang paghandaan ang mga 'yon.
"Yeah. Nakasalubong ko sila kanina at ang aangas ng mga 'yon." sabi pa ni RJ kasama rin namin.
Sila ang sub namin sa laro.
"Mukhang mapapasabak pala tayo neto, ah!" natatawwng sabi pa ni Tristan.
"Uy! Galingan niyo mamaya." sabi pa ni Clyde.
Tse!
Mapabunting-hininga na lang ako.
"Pa'no na 'yan, dre? Alam nating may binabalak ang mga 'yon." sabi pa ni Keith.
"Yeah. Knowing them na halatang ayaw magpatalo." sabi pa ni Lyle.
Psh!
"Steady. Stay calm lang tayo at gawin natin ang best natin sa laro mamaya. Hayaan natin sila kung madumi sila maglaro. Basta huwag tayong gagaya sa kanila at huwag hahayaang talunin nila tayo." kalmadong sabi ko pa.
Naoatango-tango naman sila.
"Tama si Drix. Huwag tayong papasindak sa kanila. Hayaan niyo sila basta ang mahalaga gawin natin kung ano ang alam nating tama. At kung ano ang mga itinuro ni coach sa atin. Matalo man o manalo." nakangiting sabi pa ni Lyle.
Tumango kaming lahat.
"Mmm. Mas masaya kung manalo o matalo tayong walang daya. Mag enjoy na lang tayo. Pero huwag niyong hayaan na kantiin nila tayo. Kapag namisikal sila ay huwag niyong hayaang magkagulo ang laro. Kung maaari, kalma lang kayo at habaan ang pasensiya niyo." sabi ko pa.
Natahimik naman sila dahilan para mapatingin ako sa kanila. Kunwaring mangha ang nga loko dahil sa sinabi ko.
Tse!
Napapailing na lang ako hahang natatawa naman sila.
"Hayst! Bahala na nga. Hindi ba kayo manonood ng ibang laro?" tanong pa ni Cove.
"Oo nga! Nood tayo sa ibang sports!" sabi pa ni Caleb.
"Tara! Mamayang hapon pa naman ang laro natin, eh." sabi pa ni Kriss.
"Sige, kayo na lang. Dito lang ako." sabi ko pa sabay tayo at humiga sa ibabaw ng mesa.
Narinig kong lumabas na ang iba.
"Hindi ka manonood nang laro nila Xandra at Bella?" tanong pa ni Keith.
"Hindi na, alam ko namang maipanalo na nila 'yon." sabi ko pa.
Natawa naman sila.
"Sus! Kunyari ka pa, eh!" rinig kong sabi ni Keart bagi sila lumabas.
"Sa labas na muna ako, dre." rinig kong sabi pa ni Lyle sabay tapik sa balikat ko.
"Ge." sagot ko habang nakapikit.
Narinig ko ang yabag niya palabas. Napamulat na lang ako ng mata.
Napatitig ako sa kisame. Napabuntong-hininga na lang ako.
Pumikit uli ako para sana matulog pero hindi ako makatulog.
Arghh!
Inis na bumangon na lang ako bago tumayo at lumabas bg room. Akmang aalis na sana ako nang mapatingin ako sa room nila panget.
Nand'yab kaya siya? O baka nananood nang laro nila Xandra.
Tse!
Bahala na nga. Naglakad ako palapit sa room nila Panget. Sumilip pa ako sa loob at nakita ko siyang nakadapa sa ibabaw ng mesa.
Mukhang natutulog rin pala siya.
Hayst!
Pero natawa ako nang mahina habang nakatingin sa kaniya. Para siyang lalaki kung matulog.
Tse!
Sumandal na lang ako sa pinto hahang nakatingin sa kaniya. Bigla pa itong gumalaw at nakarap sa gawi ko ang mukha niya.
Mukhang masarap ang tulog niya, ah. Dahan-dahan akong lumapit habang nakapamulsa ang isang kamay ko.
Naupo ako sa upuan sa harap niya. Tinitigan ko ang mukha nito habang natutulog.
Napangiti ako at tiningnan nang mabuti ang mukha niya. Maganda naman siya.
May katamtamang taas ng pilikmata. Magandang shape ng kilay, matangon na ilong. Makinis at malambot na pisnge.
Bumaba ang mata ko sa namumulang labi nito. Natural na red lips. Napakagat labi na lang ako habang nakatitig sa labi niya.
Parang ang sarap halikan ng labi niya---shit!?
Napalunok na lang ako. Biglang unti-unting nagmulat ito ng mata kaya nataranta ako.
Calm down Drix! Huwag kang pahalata!
Sumandal na lang ako sa upuan at blankong tiningnan lang ito kunwari.
Mahirap na psh!
Tuluyan siyang nagmulat ng mata. Nagtama ang mga mata namin. Ramdam ko ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko.
Parang nag slow motion na naman ang paligid ko habang pareho kaming nakatitig sa isa't isa.
She'e really driving me crazy.
To be continued...
A/N: Keep reading guys! Hope you like it! Maikli na lang ang update ko para hindi kayo matagalan sa pagbasa sa bawat chapter. Ingat kayo lagi!
Don't forget to Vote, comment and Follow.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top