Chapter 139 "Sportsfest day"

Drixon's Pov.

Natawa ako dahil sa ginawa ni Panget. Now, hindi ko na itatangging ang cool nga niya psh!

Agad na itong umalis nang hindi man lang ako nagbago ang emosyon sa mukha niya.

Tse!

Gusto ko sana siyang manood sa laro ko para mas ganahan akong maglaro, eh!

Psh!

Pero kakausapin daw siya ng lolo niya? Ano naman kaya ang pag uusapan nila? Ayos na ba sila ng pamilya niya?

Hayst!

Napakamot na lang ako sa batok ko bago nakapamulsang naglakad pabalik sa cafeteria.

Sana man lang babalik siya mamaya. Baka maabutan pa niya ang laro ko.

"Tsk! Aalis na ako, galingan mo. I'm watching you."

Napangiti na lang ako uli ng maalala ang sinabi niya bago umalis. Hay Panget.

Kung alam mo lang psh!

Agad na akong pumasok sa loob at naabutan ko silang nag uusap at kumakain.

Naupo na lang ako.

"Oh? Saan ka galing?" tanong pa ni Lyle.

"Ang saya saya mo ata, dre?" nakangising tanong pa ni Keart.

Nagkibit-balikat na lang ako. Agad na akong kumain. Baka tutuksuhin na naman ako ng mga tukmol kong kaibigan.

"Nasaan si Ashi? Hindi ba siya kakain?" biglang tanong pa ni Bella.

"Hindi na, kasama niya ang pamilya pauwi sa mansion." sagot ni Xandra.

Napatingin naman sila kay Xandra.

"Umuwi na siya?" tanong pa ni Kyla.

"Mmm. Kakausapin siya ng pamilya niya." sagot pa no Xandra.

Napatango-tango naman si Kyla.

"Hindi na ba siya babalik?" tanong pa ni Theresa.

"Titingnan lang niya kung makakabalik siya." kaswal na sagot ko.

Napatingin naman silang lahat sa akin pero patuloy lang ako sa pagkain.

Tse!

"Paano mo nalaman, dre?" nakangising tanong ni Keith.

Psh!

"Sinabi niya," sagot ko at uminom ng tubig.

Nanunuksong tumingin naman sila sa akin.

"Ehem!" kunwaring tikhim pa ni Lyle.

Hindi ko lang siya pinansin.

"Updated ang lolo niyo mga bakla!" sabi pa ni Mello.

Natawa naman sila.

"Gano'n talaga pag mahal mo ang isang tao." nakangising sabi pa ni Keart.

Agad ko siyang tinaliman nang tingin at nagtawanan naman sila.

"Wait! Sinabi na nga ba, eh! May gusto ka kay Ashi!" sabi pa ni Stella.

"Tse! Wala akong gusto sa kaniya." tanggi ko pa.

Pahamak talaga tong mga kaibigan ko, eh!

Nagtawanan uli sila habang napapailing pa.

"Sus! Kunwari ka pa, tol!" cool na sabi pa ni Xandra.

Napatingin ako sa kaniya. Natatawa pa ito habang napapailing.

Ayos lang ba sa kaniya na may gusto ako kay Panget?

I mean, binubully ko si Panget dati, naiinis at nagalit pa nga siya sa akin dahil do'n.

Hayst!

Pero lihim na napangiti ako. At least hindi siya tutol kapag nalaman nilang may gusto ako kay Panget.

Nagpatuloy na lang kami sa pagkain hanggang sa matapos. Sabay sabay kaming lahat lumunta sa soccer field para sa laro nila Xandra at Kyla.

Nanonood kami sa laro nila. Ang SLU ang nakalaban nila. Magagaling din ang mga players ng SLU.

Nabitin nga ang score nila Xandra ngunit nakabawi rin naman agad sila.

"Go! Kyla!!" sigaw nila Stella nang si Kyla na ang papalo ng bola.

Napahiyaw pa ang lahat nang hapasin ni Kyla ang bola at hindi na salo ng kalaban dahil mataas at malayo ang naging impact nang pagpalo no Kyla.

"Ang galing talaga ng myloves ko!" nakangiting sabi pa ni Keart.

Psh!

Napapailing na lang kami at nanonood na uli. Ngunit napatayo ang nga girls nang makitang natamaan ng bola si Xandra.

"Hala! Natamaan si Xandra!" bulalas pa ni Bella.

"Gosh! Nakakahurt 'yon mga bakla!" anas pa ni Mello.

Akmang lalapit kami nang senyasan kami ni Kyla na huwag na.

"Gotcha! Ang sakit no'n, ah!" sabi pa ni Keith.

"Hindi masyadong marunong mag pitcher ang nasa gitna." sabi pa ni Lyle.

Kanina ko pa rin napapansin. Para kasing kinakabahan ang pitcher ng kabilang team kaya hindi maayos ang pag release niya sa bola.

Tse!

"Mukha nga," sabi ko pa.

Nagpatuloy na uli ang laro hanggang sa matapos. Muntik nang matalo sila Xandra.

Buti na lang naka score sila sa last play.

Agad na silang lumapit sa amin habang naghuhubad ng gloves.

"Grabe! Ang galing niyo!" nakangiting sabi pa ni Theresa.

"Tss! Natamaan ako sa mukha lintik na 'yan." nakangiwing sabi pa ni Xandra.

Natawa naman kami sa kaniya. Mukhang badtrip pa siya. Dagdag mong namumula ang kaliwang pisnge niya.

"Ayos lang 'yan. Panalo naman kayo, eh!" sabi ni Bella.

"Oo nga!" si Stella.

"Ang galing niyo pa rin mga bakla! Pang international ang laro niyo!" sabi pa ni Mello.

"Nah! Hindi naman," natatawang sabi pa ni Kyla.

"Congrats!" bati namin sa kanila.

Kumindat lang ang dalawa na ikinatawa ng mga girls habang napapailing kami nila Keith.

Wala sila Brix dahil may laro sila sa football.

Agad na kaming tumayo at umalis sa field.

Ang ibang university na naman ang maglalaro. Habang kami ay dumeretso na kami sa room namin.

Kami na ang susunod na maglalaro mamaya. Napatingin pa ako sa room nila Panget. Wala pa rin siya.

Mukhang hindi siya makakapanood aish!

Pumasok na lang ako sa room namin para maghanda sa laro namin. May 10 minutes break pa naman.

"Oh, dre? May hinihintay ka ba?" tanong pa ni Caleb na ka team namin.

"Ah, wala naman," sagot ko pa.

Tumango na lang ito. Kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang number ni Panget.

Nag compose ako ng message sa kaniya.

To: Panget
Hey, makakabalik ka pa ba? Magsisimula na ang laro namin.

Tinitigan at binasa ko pa ulit ang messages ko bago senend kay Panget.

Magreply ka please.

Sabi ko sa isip ko habang nakatitig sa phone ko.

Lumipas ang dalawang minuto wala siyang reply. Argghh! Baka busy pa siya o kaya ay kausap pa siya ng pamilya niya.

Hayst!

"Dre! Tara na!" sigaw pa ni Lyle bago lumabas.

Tse!

"Susunod ako!" balik na sigaw ko bago tiningnan ang phone ko.

Wala pa ring reply. Inilagay ko na lang sa bag ko ang phone bago kinuha ang towel at lumabas ng room.

Tumakbo ako papasok ng gym at lumapit sa coach namin. Tuningin pa ako sa kinauupuan nila Bella.

Hinanap ko si Panget pero wala, eh.

Tse!

Nakinig na lang ako kay coach. Ang MU ang makakalaban namin sa laro. Hindi naman madumi maglaro ang mga taga MU.

Kaya wala kaming dapat na ikabahala. Hindi pa maglalaro si Keart.

Nagpito na ang referee hudyat na nagsisimula na ang laro. Agad na kaming pumwesto.

"Go! SFU!!"

"Go! MU!!"

"Go! F4!!"

"Wahh! Ang gwapo nila Drix!!"

Mga sigawan ng mga manonood.

Nasa kabilang team ang bula para sa three times shooting.

Nang umabot ng tatlo ay nasa ni Kriss ang bola. Agad siyang tumakbo papunta sa court namin ngunit hinarang siya ng kalaban.

"Kriss!" sigaw ni Caleb para sa kaniya ipasa.

Mabilis na hinagis ni Kriss ang bola kay Caleb bago ipinasa sa akin.

"Drix!" Sigaw pa nito sabay hagis ng bola na agad kong nasalo.

"Wahh! Go Drix!"

"Ang galing mong sumalo, Drix!!"

Mabilis na pinatalbog ko ang bola habang tumakbo papunta sa ring at nag dunk!

"Woah!!'

"Ang galing!"

"Go! Drix!!"

"Go Lyle!!"

"Go Keith!"

"SFU!!"

"MU!!"

Sigawan ng lahat. Na 'kay Keith ang bola habang tumatakbo papunta sa court namin.

Nang makatyempo ay mabilis niyang hinagis ang bola sa ring at...

Shoot!

Nagsigawan ang lahat at nasa kabilang team ang bola.

Bigla akong napatingin sa bench pero wala pa rin si Panget.

Aish!

Nasaan na ba ang babaeng 'yon? Bigla kong naalala ang sinabi niya kanina bago umalis.

"Tsk! Aalis na ako, galingan mo. I'm watching you."

Psh!

Napapailing na lamg ako at tumakbo. Nakuha ni Lyle ang bola bago ipinasa kay Caleb. Hindi maka shoot si Caleb dahil sa nakabantay. Ibinalik uli niya kay Lyle na nasalo naman nito.

Mabilis na hinagis ni Lyle ang bola na nasa three points shoot.

Hulog!

"Kyahhh!"

"Ang galing ni Lyle!!"

Napangiti na lang ako. No wonder captain namin siya.

Mabilis na tumakbo ako at hinarangan ang may hawak ng bola. Akmang mag shiot siya nang maagaw ko ang bola.

Nagsigawan ang lahat at mabilis akong tumakbo pagkatapos ay nag shoot ako sa three points shoot at hulog!

Tse!

"Nice shoot!" sabi pa ni Lyle bago ako lagpasan.

Tuloy-tuloy lang ang laro hanggang sa third quarter na. Ang ibang kasamahan namin ang naglaro.

Pahinga na muna kami nila Lyle. Habang in pa rin si Keith. Naglaro na rin si Keart kasama sila Cove, Tristan at Clyde.

"Ang galing niyo, ah!" sabi pa ni Kyla.

"Oo nga!" Stella.

"Wala man lang palya sa shooting." sabi pa ni Xandra.

Natawa kami ni Lyle pati sila Kriss. Bigla akong napatingin sa may labas ng gym.

Nakita ko sila Luke na nagmamadaling tumakbo paalis. Napakunot ang noo ko.

Saan pupunta ang mga unggoy na iyon?

Si Panget!

"Xand, nagtext ba si Panget sa inyo?" tanong ko pa.

"Wala naman. Bakakit ba?" tanong nito.

"Nakita kong nagmamadaling umalis sila Luke." salubong ang kilay na sabi ko pa.

"Kailan lang?" tanonh ni Kyla.

"Ngayon lang, nakita ko sila roon, oh!" sabi ko pa sabay uto kung saan ko sila nakita.

"Wait," sabi pa ni Xandra nang tumunog ang cellphone niya.

"Si Ashi," sabi pa niya bago binasa ang text.

"Anong sabi?" tanong ko pa.

"Pinapabantayan niya sila Bella." kunot noong sagot pa nito.

Napatingin ako kela Bella na busy sa pag cheer kela Keart.

"Wala ba siyang sinabi na babalik dito?" tanong ko pa.

"Wala," sagot nito.

Napabuntong-hininga na lang ako. Nakaramdam pa naman ako ng kaba.

Aish!

Tumingin ako sa gawi nila Mom. Nag che-cheer sila kela Keart. Kanina pa sila noong naglalaro ako.

Pati sila lolo ay nandito rin. Tse! Nanunood na lang ako sa laro. Patapos na ang quarter three.

Pero hindi ako mapakali. Tumayo na lang ako at akmang aalis nang magsalitasi Lyle.

"Saan ka pupunta?" yakang tanong nito.

"Sa room may kukunin lang ako samdali." sabi ko pa at tumakbo palabas ng gym.

Mabilis na pumasok sa room namin at kinuha ang cellphone sa bag ko.

Tiningnan ko kung may text na ba si Panget. May text akong natanggap galing sa kaniya.

From: Panget
Mmm. Papunta na ako.

Reply pa nito. Napatingin ako sa time. Kanina pang alas-dose y medya ang text niya.

Napakunot ang noo ko. Bakit wala pa siya, eh pasado alas tres na ng hapon?

Agad akong lumabas ng room at tumakbo papunta sa parking lot.

Baka nando'n siya. Sila Lyle na lang ang bahala roon sa laro.

Nang makarating ako sa parkibg lot ay luminga-linga ako sa paligid. Pero wala akong nakita.

Kunot noong napatingin ako sa motor nila Xandra. Nandito ang motor ni Panget!

Shit!

Nasaan ba siya!?

Halos nalibot ko na ang buong parking lot wala akong nakitang bakas ni Panget.

Mas lalong tumindi ang kaba sa dibdib ko.

Mukhang may kalokohan na naman sila Luke!

Fvck!?

'Wag lang talaga nikabg galawin si Panget. Kundi hindi na sila makakalaro ng basketball.

Damn!

Napatigil alo sa pag iisip nang makarinig ako ng boses sa may dulo nitong parking lot sa may likod.

Kunot noong dahan-dahan akong naglakad palapit do'n.

Boses ni Luke!

Binilisan ko ang paglapit bago sumilip.

"Ano? Hindi ka na makakawala ngayon." rinig kong sabi pa ni Luke.

Pagtingin ko ay halos mapamura ako nang malakas nang makitang hawak-hawak ng dalawang kasamahan ni Luke si Panget.

Tiningnan ko ang mukha nito.

What the fvck!?

Putok ang magkabilang labi niya!? Shit!?

Fvck you to hell Luke Moratillo!?

Tiningnan ko kung ilan sila. Nasa sampu sila at halatang puro playaers ng basketball dahil sa mga suot nila.

Shit!?

Nagtext ako kay Xandra bago tumingin uli kay Panget.

Nakita kong ngumisi lang si Pangdt bago dinuraan ang mukha ni Luke na mas lalong ikinagalit nito.

(6_0)

"Well, kung gugustuhin kong makawala kayang kaya ko naman." maangas na sabi pa ni Panget habang nakangisi.

Panget!

"P*tangina ka!? Ang kapal ng mukha mong duraan ako!? Ang yabang yabang mo pang peste ka!?" galit na sigaw ni Luke at bigla niyang sinipa sa sikmura si Panget dahilan para muntik nang matumba.

Anak ng...

Fvck!?

Nagtagis ang bagang ko nang makitang napangiwi si Panget.

Biglang kumulo ang dugo at gakit na binato ko ng cellphone si Luke na tumama sa ulo niya.

"Fvck you!? Wala kang karapatang saktan si Panget gago!?" galit na sabi ko sabay lapit at suntok sa mukha niya.

Wala akong paki kung may laro pa ako bukas.

Ang kapal niyang saktan si Panget!

"Ke lalaki mong tao pumapatol ka ng babae!?" galit na sigaw ko pa at sinapak ang panget niyang mukha sabay sipa sa kaniya dahilan para tumalsik siya.

Mabilis na hinablot ko ang dalawang lalaking nakahawak kay Panget at pinagsasapak.

"Anak ng!?" galit na sigaw ni Luke bago tumayo habang nakahawak sa tyan niya.

"Bisugo, anong ginagawa mo rito?!" inis na tanong ni Panget.

Hindi ko siya pinansin at itinayo nang maayos bago hinarap si Luke.

"T*angna ka!? 'Wag na 'wag mong padapuin 'yang madumi mong kamay sa mukha ni Panget! Kung ayaw mong ako ang babasag d'yan sa unggoy mong mukha!?" galit na sigaw ko sa kaniya.

Biglang nanlilisik ang mga mata niya habang dinuro ako.

"P*tangna ka!? Ang lakas ng loob mong makisali!? At hindi ako unggoy t*angna!?" galit na galit na sigaw pa niya.

Peste siya!?

Sinamaan ko siya nang tingin nang magsalita si Panget.

"Bisugo, umalis ka na. 'Wag ka nang makisali pa." seryusong sabi pa ni Panget.

"Tse! Bakit hindi mo 'ko tenext na kakantiin ka ng mga unggoy na ito!?" inis na tanong ko sa kaniya.

Blankong tiningnan niya lang ako.

T*ngnang expression na 'yan!?

Biglang pumalakpak si Luke dahilan para mapatingin kami sa kaniya.

"Abah! Noong una iyang mayabang na 'yan ang nagligtas sa'yo Mr. Chevalier. Tapos ngayon ikaw naman ang Knight in shining armor ng mayabang na iyan." nakangsing sabi pa nito.

Nagtawanan silang lahat na nakatingin sa amin. Seryusong tiningnan ko lang sila.

" 'Wag na 'wag kayong manggulo kung ayaw niyong hindi na kayo makakalaro. Tandaan niyong nandito kayo sa teritoryo ko." seryuso at mariing sabi ko sabay kuha ng cellphone ko sa lupa bago sila samaan nang tingin at hinila si Panget paalis.

Narinig ko pang napamura si Luke pero hindi na namin ito pinansin.

Hila-hila ko si Panget hanggang sa makarating kami sa tapat ng kotse ko. Nakita ko sila Xandra na kakalabas lang ng campus.

Agad nila kaming nakita at tumakbo palapit sa amin.

"Ayos ka lang, Ash?" nag-alalang tanong pa nila Bella.

"Hala! Putok ang labi mo, Ash!" nag-alalang sabi pa ni Stella.

"Sinong may gawa niyan?" seryusong tanong ni Lyle.

Tse!

"Sila Luke," walang ganang sabi ko pa.

Binitawan ko ang kamay ni Panget at bibuksan ang compartment ng kotse ko. Kinuha ko ang first aid kit.

"Jusko! Katakot talaga ang mga 'yon!" natatakot na sabi pa ni Mello.

Bumakas na rin ang takot sa mukha nila Theresa.

"Isumbong natin sila kay Dean." sabi pa ni Bella.

"Oo nga! Baka ano pa ang sunod nilang gagawin kay Ashi pati na rin sa ating lahat." nag-aalalang sabi pa ni Stella.

"Oo nga! Tara na!" takot na sabi pa ni Theresa.

Bumuntong-hininga na lang si Panget bago nagsalita.

" 'Wag niyo nang ipaalam kay Dean. Baka mag-aalaa lang siya. Masira pa ang sportsfest natin." seryusong sabi ni Panget.

"Pero, Ash. Baka umulit na naman sila Luke." sabi pa ni Keith.

"Oo nga naman. Baka matulungan pa tayo nila Dean." sabi pa ni Keart.

"Kung magsusumbong tayo lalo lang magalit sila Luke. Mas mabuting sa atin na lang muna hanggang matapos ang sportfest." walang ganang sabi ni Panget at akmang maglalakad nang pigilan ko siya.

"Gagamutin ko na muna ang pasa mo." seryusong sabi ko pa.

"Tsk! 'Wag na. Pasa lang ito at hindi ako mamamatay." walang ganang sabi pa niya.

Hayst!

Tigas ng ulo!

"Wag ka nang marami pang satsat." sabi ko at hinila siya papunta sa kotse ko.

Tiningnan pa niya ako at akmang papalag nang samaan ko siya nang tingin.

Tse!

"Ihatid niyo na muna sila, Lyle." utos niya.

Nakita kong tumango na lang ang mga boys. Habang may pag-aalala sa mukha ng mga girls maliban kay Xandra at Kyla.

Nakita pa naming dumaan sila Luke habang ang sama nang tingin sa amin.

Blankong tiningnan ko lang sila bago sinimulang gamutin ang pasa ni Panget.

Nagapaalam na rin sila Kyla at Xandra na mauna na sila.

Kami na lamg dalawa ang naiwan ni Panget. Tahimik lang siya habang nakapamulsa ang isang kamay habang nakasandal sa kotse ko.

"Tsk! Dahan-dahanin mo." sabi pa nito.

"Tse! Kapag ginamot ang pasa mo masasaktan ka. Pero kapag makipag away at basagan ng bungo akala mo laro lang para sa'yo." sabi ko pa at dinampian ng bulak ang gilid ng labi niya.

Napalunok pa ako nang mapatingin sa labi niya.

"Dalian mo na! Gusto ko nang umuwi at magpahinga." sabi pa nito.

Napaiwas na lang ako nang tingin.

"Wag ka ngang maingay! Halikan kita riyan, eh." sabi ko pa at pabulong na ang huling mga sinabi ko.

Nakiya ko pa ang pagsalubong ng kilay niya pero hindi ko na pinansin.

Hanggang sa matapos at napahinga ako nang malalim nang tumalikod ito.

Anak ng!

Hindi man lang nagpasalamat.

"Hindi ka man lang magpasalamat?" sabi ko.

Napatigil naman siya at nanatiling nakatalikod sa akin.

"Tsk!" singhal niya at akmang maglalakad nang pigilan ko.

Mabilis na niyakap ko siya patalikod na ikinatigil niya. Pagkatapos ay agad na akong bumitaw at mabilis na pumasok sa kotse ko bago pinaharurot paalis.

Napangiti ako habang tinahak ang daan pauwi.

Yes!



To be continued...


A/N: Keep reading guyss!ay season Three pa ang "Fall Into Her" kaya symabybayan niyo! Maikli na ang bawat chapter para hindi kayo mabore kakabasa.😉

Don't forget to Vote, Comment and Follow.






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top