chapter 138 "Sportfest day"

Xandra's Pov.

Pagod na naupo kami sa sofa rito sa bahay dahil kakauwi lang namin. Grabe! Magaling din ang mga nakalaban namin kanina kaya pagod talaga kami.

Napatingin ako kay Ashi na parang may malalim na iniisip. Kanina pa 'yan ganiyan mula lunch time.

Ano kayang iniisip nito?

Hindi kaya iyong tie score nila ni Trixie kanina? Pero parang hindi naman.

Hayst!

"Hey! Ash, ayos ka lang ba?" tanong ko rito.

Pero hindi man lang natiniga at nanatiling tahimik at may malalim na iniisip.

"Anyare sa kaniya?" takang tanonh pa ni Kyla.

Napailing ako habang nakatingin kay Ashi.

"Ewan, kanina pa siya mapatapos ang lunch." sabi ko pa.

Napabuntong-hininga na lang si Kyla. Kanina noong naglalaro siya ay alam kong dahil 'yon sa pamilya niya kaya na failed siya sa tira niya.

Tss!

Akala ko talaga kanina madidistract siya sa paglalaro dahil si Trixie ang kalaban niya.

Ang girlfriend ng ex niyang gago!?

Napahinga ako ng malalim bago tumayo at tinapik ang balikat ni Ashi. Napatingin siya sa akin habang may nagtatakang tingin.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko pa sa kaniya.

Napabuntong-hininga siya at umiling.

"Nando'n sila sa university kanina." biglang sabi pa nito.

Naupo ako habang nagtatakang tumingin sa kaniya.

"Sino?" tanong pa ni Kyla.

"Sila Luke, kasali sila sa sportsfest. Sila ang players ng basketball sa MLMSU." sagot pa nito.

Parehong nanlaki ang mga mata namin ni Kyla.

"Ano!?" tanong ko pa.

Napabuntong-hininga siya bago nagsalita.

"Nagtext ang gago kanina kaya lumabas ako ng room kanina. Tinawagan ko ito at sinabi niyang kasali sila sa sportsfest." walamg ganang sabi pa nito.

"MLMSU? Iyon 'yong school ng mga gangsters, 'di ba?" tanong pa ni Kyla.

Oo nga! Nagulat pa nga ako kanina nang banggitin ang university na iyon.

Ang university na iyon ang paaralan ng mga gangsters na may iba't ibang grupo. Hindi ko naisip na doon din pala ang-aral sila Luke.

Kaya pala.

Tss!

Doon din sa university na iyon nag-aral ang grupo ng mga gangsters na bumugbog kay Ashi no'ng gabing naghiwalay sila ni Debbien.

Psh!

Mga weak din naman ang mga 'yon kung tutuhanin talaga naming kalabanin sila.

Pasalamat sila at ayaw ni Ashi na makialam kami.

Tss!

"Oo. Nakalimutan kong doon pala nag-aral ang mga unggoy na 'yon." malumay na sagot ni Ashi.

Natawa naman kami ni Kyla.

"Psh! Oh, eh bakit ka naman nag-aalala sa mga 'yon?" tanong ko pa.

"Tsk! Baka nakalimutan niyo kung ano ang takbo ng utak ng mga 'yon?" balik tanong nito.

Napakamot na lang ako nh batok.

"Nah! Kaya naman natin sila, ah!" sabi pa ni Kyla.

Napabuntong-hininga si Ashi at pumikit.

"Tayo, Oo. Pero sila Bella?" tanong pa nito.

Oo nga pala.

"Alam na ba nila, Drix?" tanong ko pa.

Umiling siya.

"Kinausap ko na si Luke kanina na huwag manggulo." malumay na sabi pa nito.

Hayst.

As if naman makikinig ang mga 'yon.

"Tapos anong sabi?" tanong pa ni Kyla.

"Depende," malumay na sagot nito.

"Depende? Gago ba siya? Kasali sila sa sportsfest, ah!" sabi ko pa.

Napahinga ng malalim si Ashi bago tumayo.

"Sabihin niyo na lang Kela Lyle na mag-ingat na lang sila. Hindi tayo paka siguro sa mga gunggong na 'yon. Hindi natin alam ang takbo ng utak nila." malumay na sabi nito bago tumalikod at umakyat sa taas.

Hayst!

"Well, sana nga lang hindi umeksina ang mga 'yon." sabi ni Kyla bago tumayo at pumunta sa kusina.

Napapiling na lang ako at umakyat sa kwarto ko. Magpapahinga na lang muna ako.

****

Kinabukasan

Maaga kaming pumunta sa campus at naghintay sa parking lot. Hinihintay namin sila Drix kasama sila Bella.

Pasado alas-syete pa lang naman ng umaga. Mamayang 8:00 am magsisimula ang laro.

Nakaupo lang kami sa mga motor namin.

Napatingin kami sa dalawang kotse na dumating. Hindi sila Drix ang mga iyon.

Hindi na lang namin sila pinansin at nakikinig na lang ako sa mp3 ko.

Nakakarelax kapag nakikinig ng mga music.

"Well well! Nandito na pala kayong tatlo." biglang sabi pa ng pamilyar na boses.

Hindi masyadong malakas ang volume ng mp3 ko kaya narinih ko siya.

Sino pa nga ba?

Eh, 'di ang kamag anak ni kingkong.

Pffft!

Walang pumansin sa kanila pati si Ashi na nakapikit pa habang nakasalampak ang headset sa tainga nito.

Biglang pumalakpak si Luke para makuha ang attention namin. Walang kwentang tiningnan namin ito.

Nakangisi pa ang loko.

"Magkaibigan nga kayong tatlo." nakangising sabi pa nito.

Sus!

Kala mo naman maputi ngipin niya!

"🎶Hindi ako nasisilaw sa iyong kagwapuhan. Nasisilawan ako sa iyong ngiping dilaw🎶" kanta ko pa habang may papikit pikit pa ako.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Kyla at Ashi.

Tss!

"Iniinsukto mo ba ak?!" inis na tanong pa ni Luke.

Kunot noong tumingin ako sa kaniya.

"May sinabi ba akong ikaw? Binanggit ko pangalan mo binanggit ko?" taas kilay na tanong ko pa rito.

Tss!

Sinamaan niya lang ako ng tingin bago tumingin kay Ashi.

"Ano? Pa cool ka pa rin ba riyan?" tanong pa ni Luke sa kaniya.

Hindi nagsalita si Ashi na animoy walang naririnig.

"Ano ba kelangan mo?" tanong ni Kyla sa kaniya.

Nakangsing nilingon niya si Kyla bago nagsalita.

"Gulo?" patanong pa na sagot nito.

Mahinang natawa kami ni Kyla. Gulo hanap niya? Easy! Pero 'wag lang dito.

"Hindi pa kami available ngayon para sa gulo." walang ganang sabi ni Ashi.

Natawa naman si Luke. Sus!

Labas na naman ang dilaw niyang ngipin.

Hindi ba siya nagtootbrush araw-araw?

Psh!

Papaanong nagustuhan to ni Kiana? Napapailing na lang ako.

"Well, kami available." sabi pa ni Luke.

"Tss! Wala kaming time kaya sa iba na lang kayo manggulo." sabi ko pa.

Nagtawanan naman sila.

"Baka nakalimutan niyong kasali kayo sa sportfest?" malumay na tanong ni Ashi.

Mas nagtawanan naman silang lahat.

"Psh! Well, buti pinaalala mo." sabi pa ni Luke.

Napatingin pa kami sa apat na kotseng paparating.

Sila Drix.

Napalingon din sila Luke sa kotse nila Drix. Agad na lumabas sila Keart at pinagbuksan ang mga girls.

Kunot noong napatingin pa si Drix kela Luke bago tumuingin sa amin.

Agad silang lumapit sa amin pati ang mga girls na nagtataka. Gano'n na rin si Mello.

"Anong ginagawa nila rito?" salubong ang kilay na tanong pa ni Drix.

Napangisi si Luke habang nakatingin kay Drix.

"Buti dumating ka na. Well, kami ang players ng basketball sa MLMSU." nakangising sabi pa nito.

"Ano?!" gulat na tanong pa ni Drix.

Tss!

Nakalimutan naming sabihin sa kanila kagabi. Maaga kasi kaming nagpahinga kagabi.

"Gulat na gulat pre? Tsk tsk! Talaga bang nakakagulat kami? Well, see you sa laro." nakangising sabi pa ni Luke bago sila natatawang umalis at pumasok sa campus.

Psh!

"Anong?----"

"Tsk! Hayaan niyo sila. Mag-ingat na lang tayo sa kanila. Makakalaban niyo sila sa basketball kaya mag-ingat kayo. Marumi silang maglaro." sabi ni Ashi bago tumayo at naglakad na papasok sa loob.

Nagkatinginan ang apat bago napabuntong-hininga.

"Sino sila?" takang tanong ni Bella.

Napatingin sa amin ang apat kaya napahinga ako ng malalim.

"Sila ang nakaaway namin. Si Luke," sagot ko pa.

Nanalaki naman ang nga mata nila. Bakas rin ang takot sa mukha nila.

"Siya ang boyfriend ni Kiana?" tanong pa ni Stella.

Tumango naman si Kyla.

"Don't worry, hindi namin hahayaang gagalawin kayo ng mga 'yon. " sabi pa ni Kyla.

"Kaloka! Kasali pala sila sa sportsfest? Oh no!" sabi pa ni Mello.

"Yeah. Kaya mag-ingat kayo kapag sila ang nakalaban niyo." sabi pa ni Kyla kela Keart.

Tumango na lang sila at sabay kaming lahat na pumasok sa campus.

Dumeretso kami sa secondary campus at pumasok sa room namin.

****

Ashi Vhon's Pov.

Nagsimula na uli ang laro pero maya pang alas-dies ang laro namin sa archery. Sila Bella ang unang naglaro hahang kalaban naman nila ay ang MU ang kalaban nila ngayon.

Nakaupo kami rito sa bench habang nanonood. Si Stella ang nag release ng bola na nasalo ng kalaban.

Patungo sa gawi ni Bella ang bola kaya tumalon ito at nagspike. Hindi nasalo ng kalaban ang bola.

Nagsigawan ang mga nanonood.

"Ang galing magspike ni Bella, ah!" sabi pa ni Xandra.

"Kaya nga sila lagi ang ginawang maghandle sa mga magagaling rin na kalaban, eh." sabi pa ni Keith.

"Yeah. Sila lagi ang panlaban namin sa volleyball kapag may mga contest o event." sabi pa ni Keart.

Napatango-tango naman kami. Tumutok kami sa laro at naging mabilis ang mga kilos nila Bella.

Hanggang sa matapos ang laro. Sila pa rin ang panalo.

"Congrats! Ang galing niyo!" nakamgiting sabi ni Kyla nang makalapit sila.

Pawis na pawis pa sila. Inabutan sila ng tubig ni Nathan.

Nanonood rin kasi sila.

"Congrats!" sabay na bati pa nila.

"Salamat naman. Hoo! Kapagod talaga!" sabi pa ni Bella.

"Congrats. Galingan niyo sa next na laro." sabi pa ni Xandra.

"Oo naman!" napangiting sabi nilang Apat.

"Kering keri naman ang mga bakla!" sabi pa ni Mello.

Natawa na lang kami.

"Oh? Kayo na ang next maglaro, Ash!" sabi pa ni Theresa.

Napatingin sila sa akin at tumango lang ako.

Agad na kaming dumeretso sa cafeteria para mag snack.

"Galingan mo mamaya, Ash!" sabi pa ni Stella.

"Si Ashi pa!" sabi naman ni Theresa.

"Hindi na kailangang paalalahanan ang lola niyo. Alam naman nating sa kaniya pa lang. Panalo na tayo!" sabi pa ni Mello.

Napapailing na lang ako.

"I-cheer mo uli si Ashi mamaya, dre." nakangising sabi pa ni Keart.

"Gocha! Mas lakasan mo pa mamaya dre, ah!" nang-aasar na sabi pa ni Keith.

"Tse! Shut up!" sita sa kanila ni Bisugo.

Tsk tsk!

Hanggang sa matapos kaming mag snack at agad na silang pumunta sa Archery hall. Doon na kami maglaro mamaya.

Dumeretso naman ako sa room para kunin ang bow at arrow ko.

"Oh? Sabay na tayo?" tanong pa ni Kaiden pagpasok ko.

"Sige." sagot ko bago kinuha ang gamit ko at sinabit sa balikat ko.

Sabay kaming lumabas ng room at natungo sa hall.

Pagdating namin do'n ang ingay. Ang lakas ng mga sigawan nila.

Tsk tsk!

Lumapit na lang kami kay coach at sinabi kung sino ang makakalaban namin ni Kaiden.

Ang SCU ang makakalaban namin. Agad nang sinimulan ang laro.

Pumwesto na kami sa line. Sa kabila naman ang ibang university na naglalaban din.

Nakita ko pa sila Xandra na nasa kanang bahagi ng hall. Nakiya ko rin si Asher.

Nag tumbs up pa ito na ikinangit ko.

May sinabi pa ang ang caoch namin bago ko itinaas ang bow ko. Sina-sight ko ang target.

"Release!"

Agad kong pinakawalan ang arrow ko at hinintay na tumama sa target.

"Kyaahhh!!"

"Ang galing!!"

"Go! Ashi!!"

Sigawan pa nila nang tumama sa 10 ang palaso ko. Agad akong kumuha ng isa at pumwesto.

"Release!"

Pinakawalan ko na ulo ang palaso at humiyaw ang lahat nang tumama sa isang palaso ko kanina dahilan para mahati ito.

"Ang galing!!"

"Oh! My gosh!"

"Nahati talaga?"

Hiyawan pa nila. Tsk? Nagpatuloy na lang ako sa laro. Panalo kami ni Kaiden

Ang next na nakalaban namin ay ang MU. Hindi naman siya gano'n kabihasa dahil kadalasan ay sa 9 o kaya ay sa 8 tumama ang mga tira nito.

Hanggang sa matapos na. Hindi pa man ako nakakalabas ng hall nang tumunog ang cellphone ko.

Nang tingnan ko ito si Jiro pala.

"[Oh?]" tanong ko sa kabilang linya.

"[Where are you?]" tanong pa nito.

"[Papalabas pa lang ng hall. Kakatapos lang ng laro ko. Bakit?]" tanong ko pa.

"[Pumunta ka rito sa office. Kakausapin ka ni Lolo.]" sabi pa nito.

Napabuntobg-hininga ako.

"[Bakit daw?]"

"[I don't know. Just come here.]" sabi nito bago ibinaba ang tawag.

Tsk!

"Ino 'yon?" takang tanong ni Xandra.

Nakasunod pala sila sa akin.

"Si Jiro, pinapapunta ako ni Lolo sa office. Mauna na kayo sa cafeteria susunod ako." sabi ko at umalis na.

Agad akong nagtungo sa office ni Judge Francisco Chevalier. Kumatok pa ako ng tatlong beses bago pumasok sa loob.

Nakita kong nakaupo sila sa sofa habang seryuso lang ang mga mukha. Nagbow ako sa harap nito.

"Sit down." utos ni Lolo kaya naupo na lang ako.

"Kakausapin mo raw ako?" tanong ko sa kaniya.

Tumango ito bago bumuntong-hininga

"I want you to go to Japan after your sportsfest." seryusong sabi pa ni Lolo Luis.

Napakunot naman ang noo ko. Anong gagawin ko sa Japan?

"Japan? For what?" tanong ko.

Bumuntong-hininga si Lolo Luis bago tumingin kay Dad.

"It's an order from the emperor. May kailangan ka lang gawin do'n baho bumalik dito." seryusong sabi pa ni Dad.

Napabuntong-hininga na lang ako at mapayuko.

"Alam mo kung ano ang responsibilidad mo bilang Ibañez." seryusong sabi pa ni Lolo Luis.

Tumango ako at napatingin sa pinto. Pumasok si Xandra at Jiro.

Wala pala rito ang lolo ni Bisugo.

Nagbow si Xandra sa harap nila Lolo bago naupo sa tabi ko.

Napatingin ako kay Lolo Adolfo nang magsalita ito.

"Kayong dalawa ni Xandra ang ipapadala namin sa Japan pagkatapos ng sportsfest niyo. Alam ninyong pareho ang katayuan niyo." seryusong sabi ni Lolo Adolfo.

Ramdam kong napatingin si Xandra sa akin.

"Yes, Lolo. Pero anong gagawin namin do'n?" tanong pa ni Xandra.

"We will discuss it to both of you after the sportsfest." seryusong sabi pa ni Lolo Luis.

Tumango na lang kami bilang pagsang-ayon.

"May laro ka pa ngayon?" tanong ni Dad.

"Wala na bukas pa uli." sabi ko pa.

"Then come with us." sabi ni Lolo Luis.

Tumango na lang ako.

"Ikaw, hija? Wala ka bang laro?" tanong ni Lola Marites kay Xandra.

"Meron pa, Lola. Mamayang hapon pa ang laro namin." sagot ni Xandra.

"You go first. Sa mansion na lang mananghalian si Ashi." sabi pa ni Nami.

Tsk!

Tumango na lang si Xandra sabay tinapik ang balikat ko at nagbow sa harap nila bago umalis.

Tumayo na sila kaya tumayo na rin ako at sumunod sa kanila palabas ng office.

Nakasalubong pa namin si Judge Chevalier. Nagtanguan sila ni Lolo bago siya nito lagpasan.

Nagbow pa ako sa harap nito bago siya lagpasan at umalis.

Nakita ko pa si Bisugo na nakatingin sa akin. Mabilis siyang lumapit sa akin habang nakatingin sa pamilya ko na naglakad paalis.

"Saan ka pupunta?" takang tanong pa nito.

"Sa mansion." sagot ko.

"Uuwi ka na? Hindi ka manonood ng laro ko?" kunot noong tanong pa niya.

"Hindi na, kakausapin ako nila Lolo." sabi ko pa.

Napakamot na lang ulo si Bisugo at tumango.

"Hmm. Hindi ka na babalik mamaya?" tanong pa niya.

Bakit panay ang tanong nito?
Psh!

"Titingnan ko lang," sagot ko.

"Ahh," tanging sabi niya.

Tsk!

"Tsk! Aalis na ako, galingan mo. I'm watching you." Cool na sabi ko pa na tinuro ng dalawang daliri ko ang mata ko bago sa kaniya.

Nakita ko pang natawa ito kaya tumalikod na ako at sumunod sa pamilya ko.

Tsk!


To be continued...

A/N: Iyan na lang muna! Keep reading Blueeems!

Don't forget to Vote, Comment and Follow!




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top