chapter 137 "Sportfest day "

Ashi Vhon's Pov.

Nandito kaming lahat ngayon sa cafeteria. Nag snack kami pagkatapos ng unang laro ko kanina. Ang basketball players ang next na maglalaro.

Tahimik lang ako habang ngumunguya ng brownies. Habang panay naman ang usap nila tungkol sa nagingin laro ko.

Psh!

"Grabe! Ang galing ni Ashi kanina!" nakangiting sabi pa ni Stella.

"Oo nga! Unang tira pa lang 9 agad!" masayang sabi pa ni Theresa.

"Yeah. I agree." nakangiting sabi pa ni Lyle.

"Pero kaloko ka gurl! Hindi rin papatalo ang Trixie!" sabat pa ni Mello.

Napatigil ako sa pag nguya at napatingin kay Mello.

Naalala ko kung paano maglaro si Trixie kanina. Magaling din pala siya sa paglalaro ng archery.

Although, may pagkakaiba kami pagdating sa paglalaro ay magaling pa rin siya.

"Hmm. Magaling din naman si Trixie sa archery. Pero common na ang tricks siya sa paglalaro. Mas unique at kakaiba ang paraan ni Ashi sa paglalaro ng archery." sabi pa ni Lyle.

"Yeah. Tama ang sinabi ni Lyle. Parang may sarili talagang kakayahan si Ashi sa paglalaro ng archery. Sa kaniya ko lang nakita ang kakaibang tricks ng paglalaro ng gano'n." sabat nama ni Keith.

Napatango-tango naman sila kaya hindi ko na sila pinansin pa at kumain na lang.

"Pero tie ang score nilang dalawa kanina. So, it means na may last na laro pa sila Ashi?" tanonh pa ni Bella.

"Oum. Sa Friday, sila ang huling maglalaro sa archery for win." sagot pa ni Xandra.

Napatili naman sila.

Tsk tsk!

"Yay! Mukhang magiging tense ang laro sa Friday, ah!" nakamgiting sabi pa ni Keart.

Psh!

Napatingin ako sa katabi ko na ang tahimik habang umiinom ng juice.

"Dre, ang tahimik mo ata, ah? Kanina may pasigaw sigaw ka pang nalalaman. Pffft!" natatawang sabi pa ni Keith sa kaniya.

"Tse! Bilisan niyo na lang may laro pa tayo." sabi nito.

Napapailing na lang ako.

"Uy! Nood kayo ng laro namin, ah! I cheer up niyo kami! Lalo na ako, Ky." nakangiting sabi pa ni Keart sabay tingin kay Kyla.

Psh!

"A-ah, sige." sagot ni Kyla.

"Manonood talaga kami! Inaabangan kaya kayo ng lahat na maglaro ngayon." sabi pa ni Bella.

"Mmm. Ikaw, Ash?" tanong pa ni Lyle.

Napaangat ako ng tingin at lahat sila ay nakatingin na pala sa akin.

"Ah, titingnan ko mamaya-----"

"Anong titingnan? Manood ka!" pigil pa ni Bisugo.

Kunot noong nilingon ko siya. Salubong pa ang kilay niyang nakatingin sa akin.

Tsk!

Hindi ko na lang ito pinansin at inubos ang juice ko bago tumayo.

"Mauna na ako sa room." sabi ko pa at tumalikod na.

Gusto ko sana matulog, eh. Psh!

Hindi ko pinansin ang mga studyanteng nagbubulungan at nakapamulsang naglakad na lang ako patungo sa room na inuukupa namin.

Akmang papasok na sana ako sa room nang may tumawag sa akin. Paglingon ko si Asher.

"Hey, bro!" sabi ko pa at nakangiting lumapit ito sa akin.

Hingal na hingal pa siya sabay lingon sa likod niya at hinila ako papasok sa loob ng room.

"Hoo! Finally!" sabi pa niya at naupo sa isang upuan.

"Oh? Anyare sa'yo?" takang tanong ko pa sa kaniya.

Napasilid pa uli siya sa labas bago tumingin sa akin.

"I really hate those noisy girls who keep following me." sabi pa nito na ikinailing ko.

Kaya pala hingal na hingal siya dahil tinakasan niya ang mga iyon.

Lumapit ako sa kaniya bago ginulo ang buhok niya.

"Bakit ka pala nandito?" tanong ko pa sa kaniya.

Napabuntong-hininga pa siya bago nagsalita.

"Lolo and Dad asking me to come here. I was on my studies when they calling me. They want me to watch your play. Sort of, I want too." kibit-balikat na sagot pa niya.

Napatango naman ako pero napakunot ang noo ko.

"Bakit ka naman nila inabala para pumunta pa rito? Himala atang----"

"Tsk! I don't know. But they knows that I really want to saw you playing an archery. Maybe, that's the reason they want me to come here." sabi pa niya.

Napabuntong-hininga na lang ako at tumango.

"Gusto mo ba mag snack?" tanong ko pa.

"Nope. I'm full," sabi pa nito.

Napangiti na lang ako at ginulo uli ang buhok niya.

He's matured like me.

"By the way, you are really great on playing archery, Onēsan. But, why did you failed after you saw Dad?" tanong pa niya.

Napahinga ako ng malalim bago sumagot.

"Nothing." tanging sagot ko pa.

Tiningnan niya ako pero hindi na siya nagtanong pa.

Pareho kaming napatingin sa pinto ng maramdamang may tao. Si Bisugo lang pala na nakasandal sa pinto habang nakapamulsa.

"Hey! Come here!" tawag pa ni Asher sa kaniya.

Napatingin pa ito sa akin bago lumapit at tumayo sa harap ni Asher.

"Hey! Long time no see." sabi pa nito kay Asher.

"Yeah. By the way, you play basketball?" tanong ni Asher.

"Mmm. Do you want to watch it?" tanong ni Bisugo.

"Yeah, what time?"

"9: 30 am." sagot ni Bisugo.

"Oh! It's almost time----"

"Drix! C'mon! Hinanap ka na ni coach!" sigaw pa ni Lyle.

"Ah, yeah! Panget, nood ka, ah!" sabi pa nito bago naglakad palabas ng room at sumabay kay Lyle na kumaway kay Asher.

Psh!

Gusto ko sanang matulog, eh!

"C'mon, Onēsan." sabi pa ni Asher at tumayo.

Tsk!

Tumayo na lang ako at sabay kaming lumabad ng roon bago nagtungo sa gym.

Puno nang mga hiyawan ang buong gym. Hinanap ko kung nasaan sila Xandra.

"Ash! Dito!" rinig ko pang sigaw ni Bella.

Napatingin ako sa may bench na malapit lang sa team nila Bisugo. Nakaupo na silang lahat doon.

"Tara, nando'n sila." sabi ko pa kay Asher at hinila papunta kela Xandra.

Halos mabingi pa ako sa sobrang ingay, eh!

Tsk!

"Hey! You here!" sapa ni Xandra kay Asher.

"Yeah!" sagot ni Asher.

"Wahh! Ang gwapo mo, Asher!" nakangiting sabi pa ni Theresa.

Napakamot na lang ng batok si Asher. Napatingin kami kela Drix nang magsimula na ang laro. Ang SLU ang kalaban nila ngayon.

"Go! SFU!!!"

"Go! SLU!!"

"Galingan mo big boy!!"

Napatingin ako sa kabila. Nakita ko si Mrs Chevalier na nag cheer up kay Bisugo pati na rin si Drixie.

Hindi ko nakita sila lolo. Mukhang umalis na ata sila o baka nasa office.

"Go! Drix!!" sigaw pa nila Bella nang mag dribble si Bisugo.

Agad niyang shinot ang bola at hulog!

"Wahhh!!!"

"Ang galing mo, Drix!!"

"Go! Drix!"

"Go! Lyle!!"

"Galingan mo Keart!!"

"Go! Keith!!

Mag sigawan pa nilang lahat. Halos mabasag na ang eardrums ko dahil sa lakas nang mga sigawan.

Matapos mag shot ng tatlong beses ni Bisugo ay nasalo ng kalaban ang bola.

Mabilis itong tumakbo pero naagaw ni Keith ang bola. Mabilis itong tumakbo at ipinasa kay Lyle ang bola. Akmang ishot ni Lyle nang harangan siya ng captain ng kabilang team.

Nang makatyempo ay ipinasa niya kay Bisugo ang bola na nakatayo sa three points. Agad nitong hinagis ang bola sa ring at...

Shoot!

"Wahh!!"

"Ang galing mo Drix!!"

"Go! SFU!!!"

Sigawan ng lahat. Napasandal na lang ako habang naka pandkwatro.

"He's good on playing basketball, Onēsan." rinig ko pang sabi ni Asher.

Tumingin na lang ako sa laro nila. Nakita kong na 'kay Keart ang bola. Mabilis itong tumakbo sa two points shoot at hinagis sa ring ang bola.

Hulog!

"Kyaahh!!"

"Ang galing!!"

"Go! Keart!!"

Sigawan ng lahat. Pati sila Bella ay sumigaw na rin. Nakikisigaw sila Kyla habang si Xandra ay tutok lang sa laro.

Hanggang sa mag quarter two na. Lamang ng puntos ang SFU.

Si Keart ang may hawak ng bola. Mabilis itong tumakbo at ipinasa kay Keith ang bola. Saktong walang nakabantay sa kaniya dahilan para madali lang niyang ma ishoot ang bola.

Two points!

Malakas na nagsigawan ang lahat. Nakuha ng kalaban ang bola at binakuran ito ni Drix.

Mabilis ding kilos ang mga taga SLU. Sabagay, magaling din naman maglaro ang mga 'yan noon pa man.

Ipinasa ng lalaking binabantayan ni Bisugo ang bola sa kasa nito at mabilis na hinagis.

Two points!

Pero mabilis na nakuha ni Bisugo ang bola at nagdunk siya!

"Woah!!!"

"Ang galing!!"

Sigawan ng lahat. Agad na naagaw ni ni Keith ang bola sa kalaban bago ipasa kay Lyle na nakatayo sa three points.

"Go Lyle!!" sabay sabay na sigaw nila Bella.

Agad na hinagis ni Lyle ang bola sa ring at...

Hulog!

Patuloy lang ang laro hanggang sa umabot ng third quarter at break time.

************************************

Drixon's Pov.

Pawis na pawis kami habang nagtungo sa bench. Break time pa kaya lumapit kami sa gawi nila Panget.

Lihim na napangiti ako dahil nanood siya sa laro namin. Kaya lang hindi man lang marunong mag cheer up ang babaeng 'to!

Tse!

"Yiiee! Ang galing niyo maglaro!" nakanhiting sabi pa ni Stella.

"Oo nga!" sang-ayon pa ni Theresa.

"Tulad pa rin ng dati!" nakangiting sabi pa ni Bella.

"Kakaiba rin magdunk ang Drix mga bakla!" sabi pa ni Mello.

Ngumiti lang ako at napatingin kay Panget.

Anak ng!

Nakapikit?

Aish!

"Hey! Ayos ba ang laro ko, Ky?" nakangiting tanong pa ni Keart kay Kyla.

"Oo naman!" nakangiting sabi pa ni Kyla.

Pinunasan pa niua ang pawis ni Keart. Habang sila Bella ay binigyan ng tubig sila Lyle at Keith.

"Hey! Nice play." biglang sabi pa ni Asher.

Ngumiti ako at naupo sa gitna nila ni Panget habang hawak ko ang twalya.

"Ayos lang ba laro ko?" tanong ko lay Asher.

"Yeah! You make me impressed." sabi pa nito.

Nakangiting tinapik ko ang balikat niya.

Bigla siyang napatingin sa cellphone niua ng tumunog ito. Agad siyang tumayo at timapik ang balikat ng kapatid niya.

"Onēsan, I'll go to the office first." paalam pa nito.

Nagmulat ng mata ai Panget at tumango.

"Sasabay ka ba maglunch mamaya?" tanong pa ni Panget.

"Hmm. I'll see," sagot nito bago umalis.

Napapailing na lang si Panget. Hinagis ko sa mukha niya ang towel ko. Kunot noong tiningnan pa ako nito.

"Papunas ng pawis." sabi ko sabay harap sa kaniya.

"Tsk! Bakit ako?" salubong ang kilay na tanong pa nito.

"Tse! 'Wag ka nang maraming tanong." sabi ko at mas lumapit pa sa kaniya.

Pinaningkitan niya ako ng mata bago napatingin sa towel ko.

"Hindi ka pungkol para utusan mo ako." sabi pa ni Panget.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Kita mong may hawak akong tubig?" taas kilay na tanong ko pa.

"Tsk!" singhal nito at akmang pipikit ng pitikin ko ang noo niya.

"Dalian mo na! Magsisimula na uli ang-----"

"Bella, pakipunas nga ng pawis niyang pinsan mo." tawag pa nito kay Bella sabay hagis ng panyo.

Aish!

Kinuha ko ang towel kay Bella bago ilagay sa kamay ni Panget.

"Ikaw na nga sabi, eh! Dalian mo na! Hindi ka pa naman nag cheer up sa akin kanina." pilit ko sa kaniya.

"Pfft! Sige na, Ash. Para matigil ang isang 'yan." sabi pa ni Keart.

Tiningnan ko si Panget na kunot ang noo habang nakatingin sa towel.

Ang babaeng to!

"Hoy! Dalian mo na sabi, eh!" sabi ko pa sa kaniya at inilapit ang mukha ko sa kaniya.

"Tsk!" singhal nito.

Napangiwi na lang ako dahil ang harsh niyang magpunas sa akin. Daig pa niyang nagpunas ng mesa!

"Dahan-dahanin mo naman---araayy!" nakangiwing daing ko pa.

"Sabi mo dalian ko?" salubong ang kilay na tanong pa nito.

Inis na kinuha ko ang towel at ako na ang nagpunas sa paiws ko.

"Hindi mesa ang mikha ko, Panget!" inis na sabi ko pa.

Inismiran niya lang ako bago uli sumandal at pumikit.

Anak ng!

Hanggang sa magsimula na ulit ang laro para sa third quarter.

Naging mabilis ang kilos namin dahil magagaling rin ang taga SLU. Hindi sila madumi maglaro pero magaling talaga sila.

Nasa kalaban ang bola habang binakakuran ni Keart ang may hawak ng bola.

Hindi ito makawala sa higpit ng bantay ni Keart sa kaniya. Mabilis niyang hinagis ang bola sa kasama niya ngunit mabilis na inagaw ni Lyle ang bola.

"Lyle!" sigaw ko pa at itinaas ang dalawang kamay ko.

Mabilis na pinasa ni Lyle sa akin ang bola. Agad ko naman itong nasalo. Tumakbo ako habang nag dridirbble pagkatapos ay tumalon ako sa three points sabay hagis ng bola sa ring.

Hulog!!!

"Wahhh!!!

"Go! Drix!!"

"Ang galing talaga!"

"Go! SFU!!

Malakas na sigawan nila. Napangiti ako at napangitin sa gawi ni Panget. Napapailing na lang ako ng makitang nakapikit siya.

Nanood pa siya kung pipikit lang din naman?

Aish!

Tumakbo na lang ako. Hawak ng kalaban ang bola. Agad na tumakbo si Keith at binakuran ito.

Ang makatyempo ay naagaw ni Keith ang bola bago mabilis na tumakbo.

"Drix!"

Sigaw pa nito sabay hagis ng bola sa gawi ko. Agad ko itong sinalo at tumakbo. Mabilis ko sanang ihagis ang bola nang magkabunggo kami ng kalaban kaya nabitawan ko ang bola.

Natumba pa ito. Hayst! Inabot ko na lang ang kamay ko para makatayo siya.

Tinapik ko ang balikat nito bago tumakbo at nagpatuloy sa paglalaro.

Naging maayos ang laro namin hanggang sa matapos. Lamang kami ng tatlong puntos kaya kami ang panalo.

***

Nandito na kami sa cafeteria para maglunch. Nandito rin si Asher at Drixie.

Panay ang usapan at tawanan nila habang tahimik lang si Panget. Minsan naman ay nakikisabay ako sa kanila.

Hanggang sa matapos ang lunch at nagpahinga na muna kami sa room namin.

"Bukas ang sunod na laro natin. Pero sa hapon pa raw." biglang sabi ni Lyle.

"Bakit sa hapon pa?" tanong ng kasamahan namin.

"Ibang team ang maglalaro bukas ng umaga." sagot pa ni Lyle.

Napatango naman kami. Napatingin ako sa laba ng roon nang makita kong dumaan si Panget.

Saan namam kaya pupunta ang babaeng 'yon? Mabilos ma tumayo ako at lumabas ng room.

Nakita ko itong nakapamulsang naglakad papunta sa dulo nitong hallway.

Inilabas nito ang cellphone niya at maya-maya lang ay may kausap na ito.

Napakunot ang noo ko at lumapit. Hindi pa man ako nakakalpit nang tulyan ay ibinaba na nito ang cellphone.

Napalingon pa ito sa gawi ko habang may blankong mukha.

"Tsk!" singhal nito at nilagpasan ako.

Napakamot na lang ako sa batok bago bumalik sa room.

Hanggang sa pumunta kami sa soccer field. Maglalaro na ng baseball sila Xandra.

Ang MU university ang kalaban nila sa laro. Naging maayos naman ang laro nila. Magagaling din ang mga players ng MU. Pero sila Xandra pa rin ang panalo.

Ang lakas ba naman pumalo ng bola si Xandra. Gano'n rin si Kyla.

"Yay! Ang galing niyo! Congrats!" nakangiting sabi pa ni Keart sabay abot ng tubig kay Kyla.

"Ang lakas pumalo ng Xandra mga bakla!" sabi pa ni Mello.

"Oo nga! Panigurado kapag pinalo ka niya, Mell sa mars ang bagsak mo!" sabi pa ni Stella na ikinatawa namin.

"Nah! Maghanda na kayo dahil kayo ang susunod na maglaro." sabi ni Kyla sa kanila.

Tumayo na kaming lahat para pumunta sa volleyball court.

Players ng SCU ang kalaban nola Bella.

Lahat ng mga players ay magaling. Pero nakalamang pa rin sila Bella sa score. Hanggang sa matapos ang laro sa hapon.

Pagod na bumalik kaming lahat sa doom namin. Nag snack pa kami bago umuwi.

Hinatid namin ang mga girls tulad ng sinabi ni Panget noong Linggo.

Buti na lang at hindi nanggulo ang mga unggoy. Sana nga lang at hindi sila pupunta rito sa campus para manggulo.

Aish!

Pero kahit papaano masaya ako ngayong araw. At least nanood si Panget sa laro ko kanina.

Tse!



To be continued...

A/N: Hello Blueeems! Hope you like it! By the way, mag ingat kayo lagi, ah! Lalo na at may bagong variant ng covid na naman.

Don't forget to Vote, comment and follow.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top