chapter 136 "Sportfest day "

Drixon's Pov.

Nakangiti lang ako habang nakatingin sa stage kung saan sumasayaw sila Panget. Dumagundong pa ang malakas na sigawan mula sa iba't ibang university dahil sa galing nilang sumayaw.

Pero mas lamang ang sigawan ng mga studyante na ka schoolmates at taga SLU.

Kanina ko pa naririnig na sumisigaw at nagbubulungan ang ibang students mula sa SLU. Nakaupo kasi kaming apat dito malapit sa kanila.

"Ang galing pa rin nilang sumayaw tatlo." Girl one.

"Oo nga, walang kupas ang tatlong 'yan." Girl two.

"Pero mas lalo silang gumaling ngayon, eh!" Girl three.

"Yeah. Lalo na si Ashi. Tingnan niyo ang cool niya." Girl one.

"Oum. Noon pa man cool na talaga siya. Nakakatakot nga lang ang aura na dala niya." Girl three.

"Oo nga, pero mabait naman siya. Hindi lang halata dahil emotionless ang makikita mo sa mukha niya." Girl two.

"Agree! Mabait naman talaga siya. Nakikipag away lang naman siya sa mga girls at boys sa school dati dahil kasalanan naman ng mga 'yon." Girl one.

"Oo. Naalala ko na binigyan niya lang ng leksiyon ang mga iyon. Bully kasi sila. Alam naman nating ayaw nila ang bully." Girl three.

"Yeah. Ayaw din ni Ashi na sinasayang ang kahit anong pagkain." Girl two.

Pasimple'ng nilingon ko ang tatlong nagbubulungan. Nakatingin lang sila sa stage habang nag uusap.

Bully? Ayaw nila sa bully? Ayaw din ni Panget na sinasayang ang pagkain?

Napakamot na lang ako sa batok ko. Kaya pala nagalit siya kay Kathy noong natapin ang pagkain.

At kaya pala sinapak niya ako noong natapon din ang pagkain.

Hayst.

Tumingin na lang ako sa stage. Ang lambot ng katawan ni Panget. Aaminin kong ang cool nga niya sumayaw.

Lihim na napangiti uli ako. Hanggang sa matapos ang sayaw. Kita ko pa sa harap na tuwang-tuwa sila Mom.

Nakaupo kasi sila sa baba sa harap ng stage.

Isang madagundong na sigawan at palakpakan ang bumalot sa buong gym ng matapos ang sayaw.

"Yay! Bakit ba ang gagling nilang sumayaw?" sabi pa ni Keart.

"Oo nga, daig pa nila ang professional dancer." si Keith.

"They are really good at dancing." nakangiting sabi pa ni Lyle.

"Yeah." tanging sabi ko na lang.

Agad nang bumaba sa stage ang mga dancers. Umakyat naman sa stage sila Bella at tinaag si Lolo para magsalitasa harap.

Pagkatapos nito ay magsisimula na ang laro nila Panget.

Nakinig na lang ako sa pagsasalita ni Lolo.

"We have five universities who will join the sportfest event." patuloy na ni Lolo.

Malakas na nagyawan ang lahat.

"Students listen! I'll introduce each university. First, MLMSU Maple Leaf Middle School Uviniversity!" sabi pa ni Lolo.

Naghiyawan naman ang mga taga MLMSU. Marami-rami rin pala sila. Nasa bandang kaliwa silang lahat.

"Go MLMSU!!!"

"Wahhhh!!!"

"MLMSU for the win!!!"

"Seacond, MU Moonstone University!"

Naghiyawan naman ang mga taga Moonstone na nasa tabi lang ng mga taga MLMSU.

"Go MU!!!"

"Go MU!!!

"MU for the win!!

"Third, SCU St. Catherine University!"

Umingay ang nasa gitna na katabi lang ng MU.

"Kyaahhh!!!

"Go SCU!!!"

"We are the best!!!"

Fourth, SLU San Luis University!"

"Go! SLU!!!"

"Go! SLU!!"

"Wahhhh!!"

"SLU for the win!!"

Malakas ang naging hiwayan ng mga taga SLU. Halatang excited na excited sila sa laro mamaya. Latabi lang ng SFU ang SLU.

Tse!

"The last but not the least, SFU San Francisco University!!!"

"Woahhh!!!"

"Kyaaahhh!!"

"Go! SFU!!!

"We love you!!"

"We support U!!!

"Go amazona brothers ng SFU!!"

"Go! F4 ng SFU!!!

"Go Ashi Vhon!!!"

"Go amazona brothers!!!"

"Wahhhh!!"

Malakas na hiyawan ng mga taga SFU. Natawa pa ako dahil sa mga isinigaw na.

Amazona brothers? Comes from me huh!

"Mukhang sikat na sikat na ang amazona brothers, ah!" natatawang sabi pa ni Keith.

"Oo nga naman." sang- ayon pa ni Keart.

"Guess where it came from?" natawang tanong pa ni Lyle.

Napatingin silang tatlo sa akin kaya napakamot na lang ako.

Tse!

"It seems like all of us are very excited for this event!! Players! Are you ready???" malakas na tanong pa ni Lolo.

"Yess!!!"

"SFU!!

"SLU!!

"SCU!!"

"MU!!!"

"MLMSU!!!

Malakas na sigaw ng bawat university.

"Players! Get ready! We will start the game after a moment!!" malakas na sabi ni Lolo sa mic bago ibinigay kay Bella ang mic.

Agad na bumaba si Lolo nagsitayuan ang lahat na nasa gitna ng gym. Para ayusin ang gagamitin para sa unang laro.

Ang lahat ng guest, staffs at iba pang bisita ay sa gilid nakaupo. Kasama na sila Mom at ang pamilya nila Panget at Xandra. May nakita pa akong Ginang at Ginoo sa tabi ng Lola nila Panget.

Hindi sila pamilyar pero mukhang iyon ata ang magulang ni Kyla. Dahil nakita ko sa tabi ng Ginang ang kapatid ni Kyla na si Lyka.

Nandito rin ang lalaking kasama ng kapatid ni Kyla.

"Wait, is that Kyla's family?" biglang tanong pa ni Lyle.

Nakatingin din pala siya sa gawi nila Mom.

"Maybe. Nandyan ang kapatid niya, eh." sabi pa ni Keith.

"Yay! Mukhang makikilala ko na ang magiging manugang ko, ah!" nakangiting sabi pa ni Keart.

Napatingin kami sa kaniya.

"Manugang? Sure ka na talaga?" natatawang tanong ko pa.

"Oo naman. Nakikita ko na kaya ang bright future namin ng myloves ko!" nakangiting sabi pa niya.

Natawa na lang kami dahil sa sinabi niya.

Tumingin na uli kami sa gitna. Inayos ng mga helpers ang target range para sa Archery. Ang players ng mga archery ang unang maglaro ngayon. Tig dadalawa lang ang players ng bawat university.

Kapag natalo ng player ang kalaban nilang player ay ang susunod na university naman ang kalaban hanggang sa kung sino ang manatiling  panalo.

Pumunta sa gitna ang isang Emcee. Mukhang hindi na sila Bella ang emcee. Players din sila sa volleyball mamayang hapon.

"We will start the first game this morning which is the Archery players will play! Attention to the coaches! Please, guide your players and tell them what to do. Including the rules and regulation! We will start atfer a moment." sabi pa ng emcee.

Napatingin ako kay sir Nathan. Siya ang coach nila Panget.

Napakunot ang noo ko nang luminga-linga ito. Parang may hinahanap.

"Nasaan ai Ashi?" takang tanong pa Lyle.

Mukhang siya ang hinahanap ni coach.

Tumingin rin ako sa paligid pero wala pa rin si Panget.

"Dre, tawagan mo kaya." sabi pa ni Keith habang palinga-linga rin.

Tse!

Saan ba nagpupunta ang isang 'yon?

"Wait," sabi ko pa at tumayo. Tumakbo ako papunta sa gawi ni Sir Nathan.

Kinakausap na ng ibang coach ang mga players nila.

"What happened caoch?" tanong ko pa.

"Wala pa si Miss Ibañez." kunot noong sabi pa nito.

Tumingin ako lay Kaiden.

"Hindi mo ba siya kasama sa room niyo kanina?" tanong ko sa kaniya.

"Kasama ko siya pero bigla siyang umalis kanina. Hindi pa siya nakapagbihis, eh." sagot pa nito.

Tse!

"Wait, pupuntahan ko na lang muna siya coach." sabi ko at mabilis na tumakno paalis.

Ang babaeng 'yon talaga!

Pinagtitinginan pa ako ng mga ibang studyante pero hindi ko na sila pinansin pa.

Mabilis akong pumunta sa room nila panget. Pagpasok ko sa loob ay wala siya. Kinatok ko ang bathroom pero walang tao sa loob.

Hayst!

Dinial ko na lang ang number niya. Napahawak pa ako sa batok niya.

"[Oh?]"

"[Nasaan ka?]"

"[Bakit ba?]"

"[Tse! Nasaan ka sabi, eh!]"

"[Tsk! Nasa likod mo.]"

(0_0)

Mabilis na napalingon ako sa likod at nandito nga siya. Nakapamulsa habang nasa tapat ng tenga ang cellphone.

"[Saan ka galing?]"

"[Bakit ba?]"

"[Tse! Magbihis ka na.]"

"[Kung i-end call mo muna kaya ang tawag?]"

Napatingin ako sa cellphone. Aish! Ibinaba ko na lang ang tawag bago tumingin sa kaniya.

"Dalian mo na! Kakausapin ka pa ni coach at magsisimula na ang laro niyo." sabi ko at tumalikod.

"Tsk!" rinig ko pang singhal nito.

Napapailing na lang ako bago sumandal sa pinto ng room. Hinintay ko na lang siyang matapos.

Nakarinig ako nang pagbukas ng pinto sa cr. Sumilip ako at napataas ang kilay ko nang makitang naka black t-shirt lang siya na may naka print na 'I'm a cool girl'. Lihim na napangiti na lang ako habang nakatingin sa kaniya.

Naka pants rin siya ng kulay itim. Lumapit ako sa kaniya habang inaayos ang gamit niya.

Pinagmasdan ko lang siya habang nakatalikod. Hindi man lang niya tinali ang buhok niya. Dapat itali niya para walang sagabal.

Tiningnan ko ang wrist niya kung may panali ba siya pero wala. Lumabas na muna ako at pumunta sa katabing room.

Kinuha ko ang panyo ko pagkatapos ay lumabas ako at pumasok uli sa room nila.

Lumapit ako sa kaniya at inayos ang buhok niya.

"What are you doing?" kunot-noong tanong pa nito.

"Tse! 'Wag ka na magtanong." sabi ko at inayos ang buhok niya.

"Tsk!" singhal niya.

Nakangiting inayos ko ang buhok niya bago itali ang panyo ko sa buhok niya.

Napatitig pa ako sa kaniya. Ito ang unang matitigan ko siya ng ganito.

Ano bang ginawa mo para maging ganito ako?

Tse!

"Hoy! Lovebirds, bilisan niyo na! Maya mo na siya titigan, dre!" bilang sigaw mula sa pinto.

Gulat na napalingon ako at sinamaan ng timgin si Keart at Keith na nakangisi.

Tse!

Pagtingin ko kay Panget ay kunot- noong nakatingin lang siya sa magpinsan.

Pahamak talaga 'tong magpinsan na ito, eh!

"Tse! Don't mind them. Bilisan mo na." sabi ko at tinalikuran siya bago lumapit sa dalawa.

Inambahan ko sila nang suntok. Natatawang umiwas lang sila habang nakangisi.

Maya-maya ay lumabas na si Panget dala ang bow at ang arrow niya.

"Woah! Ang cool natin Ash, ah!" bulalas pa ni Keart.

"Tindig pa lang paniguradong panalo na tayo." natawang sabi pa ni Keith.

"Tsk! Let's go." tanging sabi ni Panget. Bumalik kami sa gym at dumeretso sa gawi nila Sir Nathan.

Halatang handa na ang ibang players.

Partners ang laro.

Kinausap pa ni Sir nathan sila Panget at Kaiden. Napangiwi na lang ako ng sabihin ni Panget na alam naman na raw niya ang rules sa archery.

Mayabang talaga.

Hanggang sa nagsalita ang emcee at tinawag ang mga manlalaro. May limang range ang nasa harap.

By pair ang laro. Ang ang kasama ng kalaban ni Panget ay ang kalaban ni Kaiden.

Gano'n rin sa ibang university.

"Okay! Players, please come to the center and please listen. We all know that every players are have their own skills and abilities on how playing an archery. In this game competition, we will allow you to do your own skills on playing archery. But, the targets are the same. I know, all players knows about the target. So please, play according to your own skills or according to your comportable way of playing. The judge will score accordingly." mahabang sabi pa ng Emcee.

Nakinig lang lahat ng players. Napatingin ako sa katabi ni Panget.

It's Trixie.

Napapansin ko ang panay na pagsulyap niya kay Panget. Habang si Panget ay nakatingin lang sa harap na animoy tinatandaan ang bawat sinabi ng emcee.

Napangiti ako habang nakatingin sa kaniya. Ramdam ko pa ang pagkabog ng dibdib ko habang nakatingin lang sa kaniya.

Bigla akong napatingin uli kay Trixie. Hindi tulad ng dati na bibilis ang tiboj ng puso ko kapag nakita ko kita. Hindi rin tulad ng nararamdaman ko kay Panget ang way ng nararamdaman ko sa kaniya noon.

I mean, kakaiba ang tibok ng puso ko kapag kay Panget.

Aish!

"Baka matunaw 'yan, dre." bulong pa ni Keart sa akin.

"Hayaan mo nga siya, dre. Chance niya 'yan para matitigan ng mabuti si Ashi." bulong pa ni Keith.

Hindi ko na lang sila pinansin at nag focus na lang sa mga rules na kailangan sundin ng bawat players.

Hanggang sa bumunot ang bawat players kung anong university players ang makakalaban nila sa first round ng laro.

3 ang arrows per set at 6+ points to win. Hanggang set 2 lang. Ang set 3,4 and 5 ay road to win na.

"Okay, let us know who is your opponent, players!" sabi pa ng emcee at lumapit sa mga players.

Napatingin ako kay Panget siya ang nasa unahan.

Ibinigay niya ang nabunot niya sa emcee.

"Okay, the first players opponent from SFU is... SLU university's players." sabi pa ng emcee.

Napatingin ako kay Trixie. Sila ang makakalaban nila Panget sa unang laro.

Agad nang umalis ang ibang players at naiwan sila Panget, Kaiden, Trixie at ang kasama nito.

Napalunok na lang ako. Alam kong pareho silang magaling.

"Yay! Ex vs present, dre. Sino sa tingin mo ang mananalo?" nakangising tanong pa ni Keart.

Tse!

Hindi ko siya pinansin.

"Wews! Tadhana nga naman. Ang girlfriend ng Ex ni Ashi ay ex ni Drix. Tapos silang dalawa ang maglalaban-laban sa unang laro. Cool to!" sabi pa ni  Keith.

Cool?

Tse!

I don't think so.

"Well, let see." sabi pa ni Lyle.

"Okay, Players! Get ready for the first game!"

Sabi ng emcee. Umalis ang coaches at pumunta sa gilid. Tatlong arrow ang sa set 1 same sa set 2.

Lahat kami ay nakatingin sa dalawang players. Si Kaiden at ang kasama naman ni Trixie ay nakaupo tabi at nanood.

Biglang naghiyawan ang dalawang university.

"Go! SFU!!"

"Go! SLU!!"

"SFU!!"

"SLU!!"

"Go Ashi Vhon!!"

"Go amazona!!"

"Go panget!!!"

Malakas na sigawan pa ng mga studyante ko. Napatingin ako sa mga sumigaw ng panget.

Anak ng!

Sinong may sabing pwede nilang tawagin ng panget si Panget?

Ako lang ang pwedeng tumawag sa kaniya ng gano'n!

Aish!

"Oh? Anyare sa'yo, dre?" natatawang tanong pa ni Keart.

"Nainis 'yan dahil bukod sa kaniya may tumawag na panget kay Ashi." nakangising sabi pa ni Keith.

Aish!

Bakit ba mabilis malaman ng kumag na ito?

Tse!

"Sus! 'Wag ka na mag emote, dre. Sa'yong sa'yo ang Panget mo. Pfft!" bulong pa ni Keart.

Inambahan ko siya ng batok dahil baka marinig ni Lyle.

"Takot ka marinig ni Lyle? Sus! Alam naming mas naunang nalaman ni Lyle na may gusto ka kay Ashi. Nakalimitan mo atang magaling din sa pag sight ang isang 'yan." sabi pa ni Keith at tumawa.

Napalingon ako lay Lyle na nakangisi lang.

Anak ng!

"M-may alam ka, dre?" kamot batok na tanong ko kay Lyle.

"What do you think?" nakangising sabi pa niya.

Anak ng!

"What? Kailan pa? Tsaka----"

"Psh! Matagal na. Halatain ka, eh. Besides, I like Ashi too but she's all yours now." nakangising sabi pa nito bago tinapik ang balikat ko.

What?

Napakamot na lang ako ng batok habang panay ang tawa nilang tatlo.

Napatingin lang kami sa gitna ng maghiyawan ang lahat.

Naka pwesto na si Panget at Trixie.

Nakataas na ang bow habang naka set na ang arrow. Sa bandang bibig ang pwesto nang pagkakahila ng string kung saan nakaset ang arrow. Naka steady lang ang elbow at arm level.

Tiningnan ko ng mabuti si Panget iyon ang lagi kong nakikita tuwing naglalaro siya sa archery room at noong practice.

Medyo magkaiba sila ni Trixie ng position.

Lahat kami ay tutok lang kung kailan nila e-release ang arrow.

Pareho silang seryuso at tutok sa target nila. Kaya lang emotionless ang mukha ni Panget kesa kay Trixie.

"Release!" sabi pa ng emcee.

Lahat kami ay nakasunod ang mata kung saan tumama ang arrow.

(0_0)

"Wahhh!!"

"Ang galing!!"

"SFU!!"

"SFU!!"

"Ang galing mo amazona!!!"

"Kyahhh!!!

Napangiti ako ng makita kung saan tumama ang unang palaso ni Panget.

Tumama ito sa 9 habang kay Trixie ay kunti na lang para sana sa 9 rin tatama. Kaya nasa 8 ang bilang sa kaniya.

"Yay! Ang galing talaga ni Ashi!"

"Oo nga! Ang astig!"

"Cool!"

Rinig kong sabi ng tatlong katabi ko.

Napatututok uli kami ng pumwesto sila Panget. Lahat ng galaw niya ay binabantayan ko lang.

Naalala ko ang sinabi ni Panget sa akin noong tinuruan niya akong maglaro ng Archery.

Napangiti na lang ako.

"Release!"

Agad na binitawan ni Panget at Trixie ang palaso.

"Woah!!"

"Ang galingg!!"

"Tie sila!!"

Parehong sa 10 tumama ang palaso ni Panget at Trixie. Halata sa mukha ni Panget na parang wala lang sa kaniya ang laro niya.

Agad na uli silang pumwesto pareho.

"Release!"

Sabay na pinakawalan ni Panget at Trixie ang palaso at nag tie uli sila!

Malakas na humiyaw ang lahat. Nakatingin ako sa kung saan tumama ang palaso nila. Parehong nasa 9.

Tapos na ang set 1 sa set 2 na ulo sila for last.

Lamang si Panget ng isang puntos.

" Ste 1 SFU score, 9, 10 and 9.  Set 1 SLU score, 8, 10 and 9. Proceed to the set 2!" sabi pa ng emcee.

Agad na pumwesto ang players. Set 2 and 3 arrows pa rin.

"Isang puntos ang lamang ni Ashi." sabi pa ni Keith.

"Hindi lang sana siya bababa." si Keart.

"Kaya 'yan ni Ashi. Last round naman na." sabi pa ni Lyle.

"Tse! 'Wag nga kayong maingay!" sita ko sa kanila habang nakatingin kela Panget.

Tinawanan lang nila ako pero hindi ko na sila pinansin pa.

"Release!"

"Wahhh! Tie pa rin!!"

"Ang galing!!!"

"Go SFU!!"

"Go SLU!!"

Parehong sa 10 tumama ang palaso nila. Agad na uli silang pumwesto at...

"Release!!"

Natahamik ang lahat hanggang sa...

"Wahhh!! Ang galing mo Trixie!"

"Oh my! Baba ang score ni Ashi!"

"Hala! Tie score na silang dalawa!"

Malapit sa 9 tumama ang palaso ni Panget kaya nasa 8 pa rin ang score niya habang kay Trixie ay nasa 9.

Tie na ang total score nilang dalawa. Napatingin ako kay Panget. Napakunot ang noo ko kung saan siya nakatingin.

Nakatingin ito sa gawi ng Daddy niya. Mukhang na distract siya!

"Last target! Win or lose!" Sabi ng Emcee.

Hindi kumilos si Panget habang si Trixie ay naka pwesto na. Kita ko pang napabuntong-hininga si Panget bago pumwesto.

"Go! Panget! Kaya mo 'yan!!" malakas na sigaw ko pa.

(0_9)

Napatingin silang lahat sa gawi ko. Pati si Trixie ay gano'n din habang nakataas ang bow at palaso nito. Tiningnan ko si Panget blanko ang mukha niyang nakatingin sa akin bago pumwesto.

Pagtingin ko sa mga katabi ko ay pareho silang nakangisi na patay malisyang nakatingin kela Panget.

Psh!

Lihim na ngumiti ako bago uli tumingin kela Panget.

"Release!"

Nakasunod ang mga mata naming lahat sa dalawang palaso papunta sa target range at...

"Woahh! Tie score!!"

"Kyaaahhh"

"Ang galing!!!"

"Oh my gosh!"

"Idol na kita Panget!!"

Inis na tumingin ako sa sumigaw ng Panget. Sinabi ng ako lang ang pwedeng tumawag ng panget sa kaniya, eh!

Tse!

To be continued...

A/N: Yan na lang muna Blueeems! Hindi ko na hinabaan masyado.

Don't forget to Vote, comment and Follow!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top