Chapter 135 "Sportfest day "
Drixon's Pov.
It was Sunday at nasa basketball court ako ng village namin. Naglalaro lang akong mag-isa at pawis na pawis na ako.
Nakapag jogging na ako kaninang umga at ngayon naman ay hapon na. Naupo na lang muna ako sa bench at nagpupunas ng pawis.
Kanina pa ako rito na naglalaro. Bukas na magsisimula ang sportfest namin.
Limang university ang kasali sa sportfest. Usap-usapan na maraming mga magagaling na manlalaro mula sa bawat university.
Hayst!
Uminom na lang ako ng tubig bago tumayo. Naalala ko ang pinag-usapan namin kahapon.
Sana nga lang ay hindi manggulo sila Luke.
Tse!
Bumalik na lang ako sa bahay namin. Pagdating ko ay nakita kong nakahiga si Drixie sa sofa habang nakatingin sa cellphone niya.
Bigla kong naalala na hiningi ko ang number ni Panget kahapon bago umalis sa bahay nila.
Napangiti na lang ako bago naupo sa kaharap na sofa.
Flash back.
Nakatingin lang ako kay Panget na umakyat sa taas. Kainis! Nagtanong nga lang ako kung ano ba ang meron sa kanila ayaw naman sabihin!
Tse!
Bigla akong napatingin kay Keith nang magsalita ito.
"Pwede ba naming kunin ang number niyo?" tanong pa nito.
Nakita ko pang napakunot ang noo nila Kyla at Xandra.
"At bakit naman?" nakataas kilay na tanong pa ni Xandra.
Napakamot ng batok si Keith at akmang magsasalita ng maunahan siya ni Keart.
"Ah, eh para kung sakali na may mga hindi magandang mangyari masabi namin agad sa inyo." nakangiting pa ni Keart bago tumingin sa akin at nginisihan ako.
"May number na si Kyla sa'yo, 'di ba?" masungit na tanong uli ni Xandra.
Napakamot ng noo si Keart bago tumingin kay Keith at nagsalita.
"Mas mabuti kasi iyong may contact kami sa inyong tatlo. Magkaibigan naman na tayong lahat, eh." nakangiting sabi pa ni Keart.
"Yeah. Para kapag may emergency o hanapin namin kayo ay madali na lang." sang-ayon pa ni Lyle.
Napatngo-tango naman si Kyla kaya tumango na lang din si Xandra.
Ibinigay nila ang number nila pagkatapos ay napatingin sa akin si Keith bago tumingin kela Xandra.
"Kay Ashi?" tanong pa nito.
Tse!
"Sa kaniya niyo hingin ang number niya. Hindi basta-basta nagbibigay ng number 'yon." sabi pa ni Xandra.
Biglang napatingin sa akin ang magpinsan habang nakangisi.
Oh-no!
"What?" masungit na tanong ko sa kanila.
"Umakyat ka sa taas tapos hingin mo ang number ni Ashi." nakangising sabi pa ni Keart.
"What? Bakit ako?" kunot noong tanong ko pa.
Binigyan naman niya ako ng gawin-mo-na-lang-look.
"Oo nga naman, Drix. Ikaw na kumuha ng number niya. Kumatok ka na lang." nakangiting sabi pa ni Kyla.
"Mag-ingat ka nga lang at baka lumipad ka pababa mamaya." nakangising sabi pa ni Xandra.
Napalunok na lang ako dahil sa sinabi niya.
"Bilis na, dre!" sabi pa ni Keart at hinila ako patayo sabay tulak sa hagdanan.
Napakamot na lang ako bago tumingin sa taas.
"Nasa kanan sa gilid ang kwarto niya." rinig ko pang sabi ni Kyla.
Bumuntong-hininga na lang ako bago umakyat. Pero napangiti ako ng may narealize ako.
It's my chance para makuha ang number niya. Para naman makatext ko siya.
Humingin ako ng malalim ng nasa tapat na ako ng kwarto nito.
Napakamot na lang ako ng batok bago kumatok ng tatlong beses.
Kumabog pa ang dibdib ko. Napabuntong-hininga na lang ako at saktong bumukas ang pinto.
Nagtama ang mata namin ni Panget. Kunot-noong napatingin pa siya sa akin bago nagsalita.
"What are you doing here?" tanong pa nito.
"Ah, ano kasi... ahm, kukunin ko lang sana ang number mo." kinakabahang sabi ko pa habang napapaiwasa ng tingin.
"And why?" tanong pa nito.
Tse!
Hindi ba pwedeng papasukin niya muna ako?
Lihim na napangiti ako nang tumingin ako sa loob. Gusto ko makita kung anong meron sa loob ng kwarto niya.
"We need to have a contact to each other." simple'ng sabi ko at bahagyang tinulak ang pinto sabay pasok sa loob.
"Who said, you allowed to enter my room?" seryusong sabi pa nito.
Tse!
Hindi ko siya pinansin. Mula ngayon, hindi na ako matatakot sa kaniya. Prenteng naupo ako sa sofa niya bago iginala ang tingin sa buong kwarto.
Hindi gano'n kalaki ang kwarto niya. Pero napakalinis. Nakatupi ng maayos ang mga damit. Habang naka ayos naman sa lalagyan ang iba pang gamit.
"Sinong may sabing pumasok at umupo ka riyan? Labas." mahinahong sabi pa nito.
"Tse! I just want to see your room. Hmm... neat and clean, huh." sabi ko pa habang tumingin-tingin sa loob ng kwarto.
Nakita ko pa ang bow at palaso nito na nakasabit sa bubong. Mabango at malinis tingnan ang kwarto niya.
Ang higaan naman niya ay nakatupi.
Lihim na napangiti ako bago tumingin sa kaniya.
"Pwede ka ng mag-asawa." nakangiting sabi ko sa kaniya.
Biglang nagsalubong ang kilay niyang nakatingin sa akin.
"Sabi ko, pwede ka ng mag-asawa. Marunong ka pala maglinis at mag-ayos ng mga gamit, ah." sabi ko pa na tiningnan uli ang mga gamit niya.
"Tsk!" singhal pa nito.
"You can leave now." malumay na sabi pa nito bago naupo sa kama niya.
Tse!
"Nope. Untill you give me your phone number." sabi ko bago sumandal sa sofa habang nakapandikwatro.
Tumayo ito bago lumapit sa akin sabay lahad ng kamay niya. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Give me your phone." kaswal na sabi pa niya.
Kinuha ko sa bulsa ko ang phone bago inabot sa kaniya. May kinalikot pa siya at nagtype.
Nakatingin lang ako sa kaniya. Hindi nakatali ang buhok niyang may kataasan.
Mas okay naman pala siya tingnan kapag hindi nakatali ang buhok. Napa smirk ako at kinabisado ang mukha niya.
Psh!
Ngayon ko lang siya tiningnan ng ganiyan. Cute!
Lihim na napangiti ako hanggang sa ibalik niya ang phone ko.
"Makakalabas ka na." sabi pa niya bago bumalik sa kama niya at padapang humiga.
Tse!
Mahinang natawa ako habang nakatingin sa kaniya. Ganiyan ba siya hihiga?
"Stop staring. Leave now." sabi niya.
Napakamot na lang ako ng batok habang napapangiti. Lumapit ako sa pinto.
"Make sure to reply my text or answer my call." sabi ko bago tuluyang lumabas ng may ngiti sa labi.
Yes!
End of flashback.
Hayst Panget. Ano bang ginawa mo sa akin at nagkakaganito ako sa'yo? Bakit tinamaan ako ng ganito kalalim sa'yo?
Hayst!
I was never felt like this before.
Sa'yo ko lang naramdaman ang ganitong feeling Panget.
"Hoy! Kuya, bakit ka nakangiti riyan?" takang tanong pa ni Drixie.
Tse!
Panira ng moment ang isang 'to, eh! Hindi ko siya pinansin at tumayo ako. Maliligo na muna ako pagkatapos itext ko si Panget.
***
Nakahiga ako sa kama ngayon habang hawak-hawak ang cellphone ko. Kanina ko pa iniisip kung ano bang itext ko kay Panget.
Tanungin ko kaya siya kung ano ang ginagawa niya?
Pero baka barahin niya lang ako. Hayst!
Tanungin ko kaya siya kung anong oras sila pupunta sa school bukas?
Aish!
Ano ba dapat ang itext ko para magreply din siya?
Napabuntong-hininga na lang ako bago nag-isip. Maya-maya ay nagtype ako.
To: Panget
Good evening. Kayo ang unang maglalaro bukas, Panget. Anong oras ka pupunta sa campus?
Sent.
Napapakagat labi pa ako habang hinihintay ang reply nito. Hayst! Sana magreply siya.
'Wag mo akong ignorin Panget, ah! Sasapakin talaga kita.
Hayst!
(0_0)
Mabilis na tiningnan ko ang cellphone ko ng magvibrate ito.
Napangiti ako ng magreply si Panget.
From: Panget
6:00 am
Napangiwi ako nang makita ang reply niya. Hindi man lang hinabaan, eh!
Tse!
To: Panget
Ahh, okay. Sasayaw kayo bukas, 'di ba?
Sent.
Nakangiting hinintay ko ang reply niya. Ngunit lumipas ang limang minuto ay wala siyang reply.
Aish!
Bakit antagal? Baka busy lang siya. Hayst!
*Tok! Tok! Tok!
"Son, dinner's ready." rinig ko pang sahi ni Dad.
Inilapag ko na lang ang phone sa kama ko kamot batok na lumabas ng kwarto.
Pagbaba ko ay nakaupo na silang Lahat. Nandito rin si Lolo.
Nagbow pa muna ako sa harap ni Lolo bago naupo sa tabi ni Drixie. Nagsimula na kaming kumain habang tahimik lang kami. Nag uusap si Sad at Lolo.
Nakinig lang kami sa kanila.
"By the way, tommorow is the first day for the sportfest in our school. Five universities had been join the contest. All of the staffs including the Acosta and Ibañez family are attending the event." rinig kong sabi pa ni Lolo.
"Mmm. We will go there tomorrow. Manood kami ng laro nila, Drix." sagot pa ni Dad.
Napa-angat ako ng tingin.
"Really, Dad?" nakangiting tanong ko.
"Mmm. Kaya ayusin mo ang laro mo, Son. I heard na gusto mong maging MVP sa team niyo." sabi pa ni Dad.
Tumango naman ako.
"Yieee! I'm sure na maging MVP ka big boy. Anong oras ba magsimula ang laro niyo?" nakangiting tanong pa ni Mom.
"9:30 am, Mom. Unang maglalaro sila Pange---Ashi." kamot batok na sabi ko pa.
Napatili naman si Mom.
"Really? So, makakapanood pa pala tayo sa laro nila?" nakangiting tanong pa ni Mom.
Tumango na lang ako.
"I heard na archery ang lalaruin ni Ashi?" tanong pa ni Dad.
"Yes, Dad." sagot ko.
Tumango-tango naman si Dad.
"Nakapanood ka ba ng practice niya, hijo?" tanong pa ni Lolo.
"Opo, Lolo." sagot ko pa.
"Hmm. How was it?" tanong pa ni Lolo.
Ngumiti ako bago nagsalita.
"She's good on playing archery. Mas magaling pa siya sa inaasahan namin." sagot ko.
"Talaga big boy? " tanong pa ni Mom.
Tumango ako.
"You mean, mas magaling pa siya kay Trixie?" nakangiting tanong ni Dixie.
Napatigil ako bago tumango.
"Yeah, magaling din siyang maglaro ng basketball." sabi ko pa.
"Is that so?" tanong pa ni Lolo.
"Yes, lolo. Nakita namin silang naglaro ng basketball noong minsan na nag P.E kami. Silang tatlong magkakaibigan ay marunong maglaro ng basketball." sabi ko pa.
"Oh my! They're really amazing!" bulalas pa ni Mom.
"Hmm. Unang tingin ko pa lang sa tatlong iyon ay napapansin kong kakaiba talaga ang batang iyon." sabi pa ni Dad.
"Hindi mo ba siya binubully, Apo?" seryusong tanong ni Lolo.
Napatingin silang lahat sa akin. Napalunok na lang ako bago sumagot.
"Hindi na po, Lolo." sagot ko pa.
"Good," sabi pa ni Lolo.
Nagpatuloy na lang kami sa pagkain hanggang sa matapos. Nagpaalam ako sa kanila na umakyat na sa kwarto ko.
Agad kong tiningnan ang phone ko. Napangiti ako nang makitang may reply na si Panget.
From: Panget
Yeah. Wag ka ng magtext. Matutulog ako ng maaga, matulog ka na rin.
Napangiti ako dahil sa reply niya. Nagreply na lang ako ng 'Okay' bago inilapag ang phone ko sa bedside table.
Nagtoothbrush na muna ako bago humiga sa kama at natulog.
************************************
Kyla's Pov.
Kinabukasan
Monday
Maaga akong nagising dahil nagset ako ng alarm clock ng 5:00 am. Ngayon na ang unang araw para sa sportfest.
Handa na ang mga gagamitin namin. Ready na rin kaming maglaro. Nakaramdam nga ako ng excitement, eh!
Unang maglaro sila Ashi mamaya. Sunod naman ay ang mga basketball players. Pagkatapos ay ang baseball at panghuli ang volleyball.
Excited na akong panooring maglaro si Ashi. Isang taon na rin since huli namin siyang napanood na maglaro ng archery.
Simula bata ay iyon na ang hilig niyang laruin. Tinuturuan nga niya kami, eh.
Nang matapos akong maligo ay nagbihis ako ng pambahay na muna bago bumaba para magluto. Hindi kami nag duty kagabi kaya maaga kaming natulog.
Next week na lang uli kami magduty.
Agad na akong nagluto ng agahan namin nang matapos akong magbihis.
Nagluto ako ng sinabawang chicken meat. Tapos nag fried rice. Kailangan naming humigop ng sabaw ano!
Nang matapos ako ay nakita kong bumaba na sila Ashi at Xandra. Hinanda ko na lang ang mga pagkain sa mesa at tinulungan naman nila ako.
Pagkatapos ay sabay kaming kumain.
"Oo nga pala, ikaw ang unang maglalaro mamaya, Ash. Rinig naming usap-usapan na makakalaban mo sa laro ang dating ex-girlfriend ni Drix." sabi ko pa.
Hindi siya nagsalita kaya nagsalita si Xandra.
"Psh! Wala namang dapat ikabahala do'n." sabi pa ni Xandra.
"Tsk! Wala akong paki kung kalaban ko siya sa laro." walang ganang sabi pa ni Ashi.
Nagkibit-balikat na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.
Hanggang sa matapos ay agad na kaming kumilos. May sayaw kami para sa pa welcome sa mga manlalaro galing sa ibang universities at welcome para sa pagsisimula ng sportsfest.
Seven thirty ang simula kaya dapat maaga kami para prepared kami.
Agad na kaming nagtungo sa campus at naabutan naming maraming mga studyante na rin ang nandito.
Nagpark na lang kami bago bumaba sakto namang dumating na sila Keart. Tulad ng napag usapan ay sinundo nila ang mga girls pati si Mello.
"Good morning!" makangiting bati nila Stella.
"Good morning din." bati namin ni Xandra.
"Excited na ako sa sportsfest natin!" nakangiting sabi pa ni Theresa.
"Gaga! Ngayon na nga ang simula, 'di ba?" pairap na sabi pa ni Stella.
Natawa na lang kami sa kanilang dalawa.
"Tara na sa loob. May sayaw pa tayo mga bakla!" sabi pa ni Mello.
Tumango na lang kami at nauna na sila. Tumingin pa kami sa paligid pero wala naman kaming nakitang kahina-hinala.
Tch!
Sabay kaming lahat na pumasok sa campus at rinig na rinig na namin ang mga ingay. May mga hindi pamilyar kaming nakasalubong. Mukhang taga ibang university ang mga 'to.
Sa second campus kami dumeretso dahil nando'n ang mga rooms na gagamitin ng bawat player.
"Hey! Here!" rinig ko pang boses ni Brix.
Pagtingin namin ay nasa hallway siya ng mga sophomore's room.
Lumapit kami sa kanila.
"Dito ang room niyo." nakangiting sabi pa nito.
Pumasok kami sa room at maayos na naka arrange ang mga upuan at mesa.
"Sa kabilang room ang para sa mga basketball players." sabi pa ni Nathan.
"Sabi ng coach ni Ashi ay magsasama rito ang players ng archery at baseball. Sa kabilang room sa kanan ay ang players ng mga volleyball at sa kaliwang room ang sa basketball." sabi pa ni Firm.
Tumango-tango na lang kami at inilapag ang mga gamit namin aa ibabaw ng mesa at upuan.
Lumabas ang mga boys at pumunta sa kabilang room. Gano'n na rin sila Bella.
"Guys! Magbihis na kayo para sa welcome performance natin!" sulpot pa ni Aika.
Nakabihis na rin sila. Tumango kami bago pumasok sa banyo ng room at nagbihis.
Nang matapos ay agad na kaming lumabas at nagtungo sa gym. Ilamg minuto na lang ay magsisimula na welcome performance at opening remarks.
Halos mapuno na ang gym sa dami ng studyante at mga parents. Nandito na rin ang mga special guest at mga staffs. Pati ang mga Acosta at Ibañez ay nandito.
Kita sa mukha ng lahat ang excitement sa event na gaganapin. Agad na pumunta sa stage si Bella at ang kasama nitong emcee.
Nakaupo sila Dean sa ibaba sa harap ng stage.
Mas dumami pa ang mga studyante at parents. Nandito lang kami sa backstage.
Rinig na rinig namin ang sigawan at ingayan ng lahat ng magsimula ng magsalita si Bella sa stage.
"Good morning everyone!!!" sabay na siagw nila Bell at ng kasama nito.
"Today is the first day where the sportsfest held. Are you guys excited!!!?"
"Yes!!!"
Malakas na sigawan ng mga students.
"Well, we're all the same! We are very excited for this event! I know, every universities are seriously preparing for this sportfest. We are glad to held this event in our university. San Francisco University!" malakas na sabi pa ni Bella.
"This kind of events held once in a year. And I know, every players are very excited to play their sports and expressing their skills on every aspect. And now, is the first day of this very exciting events for those players. But, lets witness the dance performance for the opening remark coming from our X-quizit dance group!!!" malakas na sabi pa ng baklang emcee.
Dumagundong ang malakas na sigawan ng mga studyante kaya umakyat na kami ng stage.
Nagsimulang tumugtog ang music kaya nagsmula na rin kaming sumayaw.
Nag focus lang kami sa pagsasayaw at hinayaan ang mga malalakas na sigawan ng mga nonood. Nakita ko pang tuwang-tuwa ang Mommy ni Drix pati na sila Lola Marites.
Hayst.
This is it!
To be continued...
A/N: Maikli na muna ang update ko guys. Baka kasi maburingan kayo sa story ko. Keep reading!
Don't forget to Vote, comment and Follow!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top