chapter 133 " Practice day two"

Drixon's Pov.

Nakasandal ako sa locker ko habang nakasuksok sa magkabilang bulsa ang dalawang kamay ko at may malalim na iniisip.

Kahapon pa ako binabagabag sa mga iniisip ko. Pati kagabi rin ay wala akong masyadong tuliylg kakaisip.

Tse!

Feeling ko kasi concerned sa akin si Panget. Sa mga salita niya pa lang ay nararamdaman ko na.

"Ikaw, tigilan mo na rin 'yang paninigarilyo mo."

(-__-)

"Ikaw, tigilan mo na rin 'yang paninigarilyo mo."

Naririnig ko na naman na nagpaulit-ulit sa pandinig ko ang salitang binitawan niya kahapon sa parking lot bago umuwi.

Aish!

Why do I have to feel in this way?

Tse!

"Ano ba kasing ginawa mo sa akin Panget ka! Bakit biglang baliktad ang kapalaran? Magkaaway tayo, eh! Papaanong---? Aish!" inis at mahinabg bulong ko pa.

Napakagat labi pa ako bago bumuntong-hininga. Kapagod mag isip!

Psh!

"Kung bakit ba kasi ikaw pa! Andaming mas magaganda dito pero bakit sa'yo pa? Aish! Nevermind!" kamot batok na bulong ko bago umayos nang tayo.

Ginulo ko pa ang buhok ko bago napapailing at natawa ng bahagya.

"Para na akong baliw dahil sa'yo, eh." nangingiting bulong ko pa.

"Sa'yo? Nino----?"

"Anak ng pating!" bulalas ko pa dahil sa gulat.

Peste!

Papatayin ata ako sa gulat, eh!

"Anak ng pating? Nasaan? Tsk tsk! Baliw ka na nga talaga. Kung ano-ano ang pumapasok sa isip. Psh!" biglang sabi pa ng kung sino na nasa likod ko.

Paglingon ko----

"P-panget?"

"Oh? Bakit para kang natatae dyan?"

"A-anong? Sinong natatae? Ha?" sunod-sunod na tanong ko pa.

Napapailing naman ito habang natawa pa kunwari psh!

"Ikaw. Alangan namang ako 'di ba?" nakataas kilay na balik tanong pa nito.

"Tse! Paano naman ako matatae, eh naka deposit na ako sa bahay kanina? Psh!" sarcastic at patanong na sabi ko pa.

Tiningnan naman niya ako ng may pagtataka. Psh! Ano na naman kaya ang pumasok sa isip ng panget na 'to?

"Tsk! Baliw!" blankong sabi pa nito bago ako tinalikuran.

Napamaang naman ako habang nakatingim lang sa kaniyang likod.

Anak ng...

Ako baliw? Ha!

"Hoy! Sinong baliw, ha? Hindi ako baliw panget ka! Hoy!" inis na sigaw ko pa sa kaniya.

Nilingon naman niya ako at nag smirk lang.

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa pag smirk niya. Napahawak na lang ako sa dibdib ko.

Hanggang sa makalayo siya ay nanatili pa rin ako sa pwesto ko.

Aish!

Mas lalo akong nagiging weird habang tumatagal, eh!

Nahawa na ba ako sa ka wirduhan ni panget?

Tse!

"Anyare sa'yo, dre---?"

"Anak ng pating!" gulat na bulalas ko pa at sinamaan nang tingin si Keart na natatawa.

"Pfft! Ang epic ng mukha mo, dre! Anak ng pating? May pating ba duto?" natatawa habang tumitingin pa aa paligid.

Baliw!

"Tse! Tumigil ka nga! Bakit ba kasi nanggugulat!" inis na sabi ko pa.

"Psh! Hindi ako nanggugulat, dre. Sadyang occupied 'yang puso at isip mo sa kakaalis lang na si Panget ng buhay mo! Pfft!" nang-aasar na sabi pa nito.

Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Tse! Dyan ka na nga! sabi ko at tinalikuran siya.

"Hoy! Hoy! Saan ka pupunta? Wuy! Bumalik na dito lover boy!" sogaw pa ni Keart pero 'di ko na pinansin pa.

Psh!

Disturbo!

Tahimik na naglakad na lang ako sa hallway nang makasalubong ko si Keith.

"Oh? Kanina ka pa, dre?" tanong pa nito.

"Yeah, sa gym na ang deretso natin sabi ni coach kahapon." sabi ko pa.

Tumango naman siya bago tumingin sa relo niya.

Inauos pa niya ang suot na salamin. Tss! Bakit naman nagsusuot na uli siya niyan?

Hindi naman sira amg mata nito, ah!

"Sige, mauna ka na do'n, dre. May kukunin lang ako sa locker." sabi pa nito bago ako lagpasan.

Tse!

Tiningnan ko ang relo ko bago bumuntong-hininga at ngumiti.

"Maaga pa naman kaya dadaan na muna ako sa archery hall." mahinang bulong ko at nagsimula nang maglakad.

Hindi ko pinapansin ang mga nakatingin sa akin.

Tse!

Malapit lang din naman ang hall sa gym kaya madali lang.

Nasa second campus ang malaking gym at hall ng archery at iba pang mga hall para sa ibat-ibang sports.

"Hi! Drix, good morning!" biglang bati pa ni Stella ang makasalubong ko ito sa field.

Nakasuoy siya ng volleyball attire.

"Hmm. Good morning, too." balik na bati ko pa.

"Good morning, Stella! Oh! Good morning, Drix!" bati pa ng kakalapit lang na si Theresa.

Gano'n din ang suot niya tulad kay Stella.

"Hmm. Morning," bati ko pa.

"Mauna na kami, ah? May gagawin pa kami sa volleyball court, eh!" sabi pa ni Stella.

Tumango lang ako kaya tumalikod na sila habang nagmamadali pa.

Tse!

Daig pa nilang nasa actual na laro, ah!

Game na game psh!

Natawa na lang ako ay nagpatuloy sa paglalakad.

Nang makarating sa archery hall ay huminga pa ako ng malalim bago inayos ang buhok at basketball uniform ko.

Pagkatapos ay sumilip pa ako sa loob. Hinanap ko kung nasaan si Panget.

Akmang papasok na ako nang makita ko itong tumatawa kasama ang kalaro
niya.

Napako ang paningin ko sa kaniya habang tumatawa ito. Parang nag uusap sila ng lalaking kaharap niya.

Napakunot ang noo ko.

Bakit siya nakikipagtawanan sa lalaking 'yon?

Close ba sila?

Tse!

Inis na sumandal ako sa pinto ng hall habang nakatingin pa rin sa kanilang dalawa.

"Tse! Nakikipagtawanan siya sa lalaking 'yon samantalang kapag ako ay para siyang manikin na naka display lang. Psh!" inis na bulong ko.

Nakita kong tumayo silang dalawa. Hawak ang mga bow at palaso nila.

"Turuan mo kaya ako sa mga alam mo, Ash?" tanong pa ng lalaki.

Feeling close, eh 'no? Tse!

Napaisip pa si Panget bago nakanhiting tumango.

Tse!

*Sige ba." sagot pa nito.

Nakangiting tumango ang lalaki bago lumapit kay Panget. Ibinaba nan no Panget ang bow at palaso niya.

Nakatingin lang ako sa mga kilos nila.

(0_0)

Nagulat ako nang biglang pumwesto si Panget sa likod ng lalaki.

Shit!

Anong ginagawa niya?

Baliw ba siya?

(0_o)

Shit!

Para siyang nakayakap sa lalaki kung titingnan tapos nakahawak pa ang nga kamay niya sa kung saan nakahawak ang kamay ng lalaki sa bow.

Is she insane? That's not appropriate position!

"You need to come down and clear your mind while handing the bow and pointing the arrow to the target." mahinahong sabi pa ni Panget sa lalako hahang nasa likod siya nito.

Aish!

Bigla akong nakaramdam ng inis habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Bigla kong naalala ang unang pagkakataon na tinuruan ako ni panget kung pa'no gumamit ng bow at palaso.

Gano'n na gano'n niya ako turuan noon psh!

Napabuntong-hininga na lang ako at kinalma ang sarili ko. Hindi dapat ako magpapahalata. Baka mabuking pa ako at malaman ni panget ang nararamdaaman ko.

Baka mapaagang pagtatawanan niya ako.

Tse!

Tumalikod na lang ako at akmang aalis na nang makita ko sila Xandra na nakatingin sa akin.

Animo'y sinusuri ako.

Shit!

Baka paghinalaan pa nila ako!

"A-ah, alis na ako!" kalamadongsabi ko pa bago tumalikod at naglakad patungo sa gym.

Nagpakawala pa ako nh malalim ma buntong-hininga. Parang nabunutan ako ng tinik.

Pero...

Hindi kaya nila ako paghinalaan? Shit!

Napapailing na lang ako at pumasok sa gym.

Lumapit ako sa team namin na nag wa-warm up.

"Oh? Saan ka pa galing? Nauna ka pa kanina, ah?" tanong pa ni Keith.

Napakamot ako bago naupo sa bleachers.

"Ahm... may dinaanan lang." sagot ko.

"Lol! Ang sabihin mo, dumaan ka pa sa archery hall!" nakangising sabi pa ni Keart.

Sinamaan ko siya ng tingin bago tumingin kay Lyle na busy sa pagkalkal sa bag niya.

"Tumahimik ka nga!" mahinang sita ko pa sa kaniya.

Pero ang loko nginisihan lang ako bago timapik ang balikat ko.

"Iba ka na, dre. In love ka na nga! Pfft!" nakangising sabi pa ni Keith.

"In love? Sino?" biglang tanong pa ni Lyle.

Napalunok naman ako bago tinaliman ng tingin si Keith.

"A-ah, eh si Keart! Oo, si Keart, dre. In love na in love kay Kyla! Oo, 'yon nga!" kamot batok na sabi pa ni Keith.

"Putcha! Ako---?"

Sinamaan ko ng tingin si Keary dahilan para tumahimik siya.

Tse!

Tumango-tango naman si Lyle bago lumapit sa coach namin.

Pasimple'ng kinausap ko ang dalawa ng makaalis si Lyle.

"Kayong dalawa tigil-tigilan niyo ako, ah? Alam niyo namang hindi pa alam ni Lyle? Ipapahamak niyo pa ako!" inis na sabi ko pa sa kanolang dalawa.

Nagkatinginan ang magpinsan bago sabay na bumaling sa akin.

"In love ka na nga, dre!" sabay na sabi pa ng magpinsan habang nakangisi bago tmalikod.

Tse!

Badtrip!

Parang nawalan ako ng ganang magpractice ngayon.

Psh!

Tumayo na lang ako at nakisali sa warm up nila bago naglaro ng basketball.

***********************************

Ashi Vhon's Pov.

Kakatapos lang ng practice namin ni Kaiden. Sabay kaming lumabas ng hall habang nakasabit sa balikat namin ang bow at arrow.

Galing dito sila Xandra kanina hinatid ang cellphone ko. Naiwan ko pala sa bahay kanina psh!

"Oo nga pala, pwede bang sumabay ako sa inyo maglunch?" nakangiting tanong pa ni Kaiden.

Nagkibit balikat ako bago tumango.

"Hmm." tangong sagot ko pa.

Napatango naman ito kaya 'di ko na pinansin pa.

Sabay kaming naglakad patungo sa cafeteria ng college. Nando'n sila kanina pa raw. Tsk!

Pinagtitinginan pa kami pero hindi namin sila binigyan ng pansin. Hanggang sa makarating kami sa cafeteria.

Agad na na kaming pumasok sa loob at nandito na nga silang lahat pati na ang apat.

Tsk!

"Oh my! Player ng archery ang astig sa amazona brothers?"

"Oo nga, ang astig niyang tingnan, oh!"

"Totoo nga ang sabi-sabi na siya ang girl player ng archery!"

"Tingnan niyo ang bow at arrow niya! Ang ganda!"

"Mukhang mamahalin pa!"

"Oo nga!"

"Ang gwapo ni Kaiden, oh!"

"Yeah! Player pa rin pala siya sa archery hanggang ngayon?"

"Oum. Ang expensive rin ng bow at arrow niya, oh!"

"Sinabi mo pa! Mukhang close na rin sila ni Amazona, oh!"

"Sinong Amazona?"

"Si Ashi, amazona brothers silang tatlong magkaibigan!"

"Oo nga naman!"

Mga bulungan pa nila sa loob ng cafeteria. Sinita pa sila ng iba dahil sa ingay nila.

Tsk!

Lumapit na lang kami sa table namin na may pagkain na pa lang naka order.

"Oh? Buti naman at nandito na kayo," sabi pa ni Bella.

"Sasabay sa 'tin si Kai mag lunch." sabi ko sa kanila.

Timango naman sila maliban sa isa na blankong nakasandal lang sa upuan niya.

"Wow! Ang astig mo tingnan, gurl!" manghang sabi pa ni Mello.

Nandito rin pala siya. Halos kompleto na sana kami kung nandito lang----

"We're here!" malakas na sabi pa ng kung sino.

---ang tatlo. Psh!

Kompleto na nga kaming lahat.

"Woah! Ang astig natin, Ash, ah!" sabi pa no Brix habang sinipat-sipat ako.

Napakamot na lang ako ng batok bago kinuha sa balikat ko ang bow at arrow.

"Yeah, I agree," sang-ayon pa ni Firm.

"Manonood tayo mamaya sa practice nila!" nakangiting sabi pa ni Brix.

Football player ang tatlong 'to, eh.

"Count me in, " nakangiting sabi pa ni Brix.

"I'm in," sabi rin ni Firm.

"Wala ba kayong practice mamaya?" tanong ko pa sa kanila.

"Wala. May inasikaso ang coach namin, eh." sagot pa ni Brix.

Tumango naman ako bago napatingin kay Kaiden ng kunin niya ang hawak ko bago ilapag sa gilid.

"Maupo na muna kayo," nakangiting sabi pa ni Kyla.

Agad na naupo ang tatlo at gano'n na rin si Kaiden. Naupo na lang din ako bago tiningnan ang mga pagkain sa mesa.

Marami-rami ang order nilang pagkain, ah. Nagsimula na lang kaming lahat sa pagkain habang tahimik lang.

Himala atang tumahimik ang mga 'to, ah.

"Kamusta ang practice niyo?" basag ni Kaiden sa katahimikan.

"Hmm. Ayos naman," nakangiting sagot pa ni Kyla.

"Ayos lang din ang sa 'min," nakangiting sabi pa ni Bella.

"Gano'n na rin sa amin. Magaling din si coach mag turo, eh!" nakangiting sabi pa ni Nathan.

Napatango naman kami.

"Three days na lang para sa practice kaya dapat galingan natin." nakangiting sabi pa ni Lyle.

"Oo nga naman, 'wag natin hayaang matalo tayo." sabi pa ni Keart.

"Just me! Dapat magkakaisa tayong lahat para manalo!" sabat pa ni Mello.

Napatingin naman ako sa kaniya. May point din naman siya pero...

"Manalo man o matalo dapat ay nagkakaisa pa rin tayo. Aanhin natin ang panalo kung 'di naman tayo nagkakaisa." kaswal na sabi ko pa habang nakatingin na sa pagkain ko.

Natahimik naman sila at ramdam ko ang mga tingin nila. Kunot noong nag-angat ako ng tingin sa kanila.

"What?" tanong ko pa.

Nagkatinginan pa silang lahat maliban kay Bisugo na sa 'kin nakatingin.

Tsk!

"Indeed!!" sabay na sabi pa nila.

Tsk!

Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Kahit na mayabang at cold ka, Ash may sense ka rin pala." natatawang sabi pa ni Stella.

"Oo nga naman. Word of wisdom 'yon, eh!" nakangiting sabi pa ni Bella.

"Kay Ashi pa lang panalo na tayo!" nakangiting sabi pa ni Theresa.

Napapailing na lang ako dahil sa mha pinagsasabi nila.

"Ashi's right. It's useless to win without clubbing together." sang-ayon pa ni Lyle.

"Yeah, right," sang-ayon din ni Keith.

"And it's easy to win when we're unanimously to each other." sabi naman ni Xandra.

Napatango-tango naman sila.

"We can make it without forcing to win as much as we can do our best. And as much as we want to win then, we can," simple'ng sabi pa ni Bisugo.

Napalingon ako sa kaniya na kumakain na animo'y wala siyang kasama.

Tsk!

May sense rin naman pala ang isang 'to, oh!

Psh!

"Abah! May sense ka rin pala, dre. Ngayon ko lang ata narinig na nagsalita ka ng word of wisdom, ah!" natatawang sabi pa ni Keart.

"Tse!" singhal pa nito at hindi pinansin si Keart.

"Ano kayang meron at nagsasalita ng word of wisdom ang dalawang 'to?" kunwaring takang tanong pa ni Keith.

Tsk!

"Malapit na anf sportfest kaya need daw natin ng word of wisdom mga bakla!" natatawang sabi pa ni Mello.

"Oo nga naman," sang-ayon pa ni Stella.

"Para mas inspired din tayo hehehe." nakangiting sabi pa ni Theresa.

Napatango-tango naman sila.

"Oo nga pala, balita ko marami ring magaling na manlalaro sa bawat university na kasali sa sportfest." sabi pa ni Brix.

"Yeah, narinig ko rin 'yon," sabi naman ni Nathan.

"Yeah, lalo na't may iba rin daw'ng madumi maglaro." sabi pa ni Keith.

"Sus! 'Wag kayong mag-alala sa mga 'yon. Hayaan niyo sila ang mahalaga ay hindi tayo gumaya sa kanila." sabi pa ni Kyla.

"Oo nga naman," sang -ayon pa ni Stella.

"Hmm. Kung madaya sila, eh 'di mas galingan na lang natin." sabi pa ni Keart.

"Oum. 'Yon na lang ang magagawa natin." sabi pa ni Firm.

"Actually, mapapantayan natin sila," sabi pa ni Xandra.

Napatingin naman silang lahat kay Xandran maliban sa akin.

"Paano? Mandaya rin tayo?" tanong pa ni Stella.

"Nope. Mapapantayan natin sila sa pamamagitan ng kakayahan nating manlalaro. Kung madumi sila maglaro then, gamitin natin ang galing nating lahat at huwag tayong magpaapekto sa kanila. Madidistrak lang tayo kapag bigyan natin sila ng pansin." paliwanag pa ni Xandra.

Napaisip naman sila bago sabay-sabay na napatango.

"May point ka, Xand." sabi pa ni Bella.

"Yeah, right. That's the best thing to do." sabi pa ni Lyle.

Yeah!

"Sige, tatandaan namin 'yan!" nakangiting sabi pa ni Theresa na ikinasang-ayon din ng iba pa.

"Kain na tayo," natatawang sabi pa ni Kyla.

Nagpatuloy na lang kaming kumain habang nagdaldalan pa rin sila.

Nang matapos kumain ay sabay kaming lahat na nagtungo sa hardin para magpahinga na muna.

Para pang aso't pusa si Xandra at Keith ng 'di sinasadyang mabunggo ni Keith si Xandra.

Tsk tsk!

Kaniya-kaniya silang lahat ng upo sa damuhan at lumanghap ng sariwang hangin.

Nagtungo naman ako sa lagi kong tinatambayan bago naupo at sumandal sa puno.

Hinayaan ko lang silang magdaldalan at magtatawanan.

Pumikit na lang ako para marelax ang utak ko kahit panandalian lang.

Pupunta nga pala dito ang mga Acosta at Ibañez sa Friday. Hindi ko alam kung bakit sila pupunta dito.

Marahil ata ay dahil sa nalalapit na sportfest na gaganapin dito sa university.

Dito napiling ganapin ang sportfest dahil malaki naman ang espasyo dito para sa bawat university na maglalaro.

May gym sa primary campus meron din sa secondary campus kung saan malapitang ang hall ng archery.

Meron din naman sa tertiary campus o college campus kung saan ang building namin.

Nasali ang senior high sa college dahil occupied na ang ibang building sa secondary campus.

Tsk!

Malaki rin naman ang university ng SLU kaya lang lamang ng kunti ang SFU.

Hayst!

Napaisip ako. Hindi na uli ako nakapunta o nakabalik sa mansiyon mula no'ng huling punta ko do'n na nagkasagutan kami ng pamilya ko.

Tsk!

Kamusta na rin kaya si Asher sa U.S. kung pwede na lang sana rito siya mag-aral hayst!

Naramdaman kong may naupo sa tabi ko pero nanatiling nakapikit pa rin ako.

Si Bisugo.

Psh!

"Saan ka pumunta kahapon?" kaswal na tanong pa nito.

Tsk!

Bakit ba nagtatanong pa ang ugok na 'to? Kahapon pa siya, ah!

"Tsk! Bakit ba nagtatanong ka pa?" walang ganang balik tanong ko habang nakapikit.

Hindi ito nakaimik at narinig ko na lang ang pagbuntong-hininga niya.

"Tse! Kung sagutin mo na lang kaya?" sarcastic na balik tanong pa nito.

Hanep na 'yan!

Puro tanong kelan pa mahihinto tsk!

"Psh! Nag-usap kami ni Deb," malumay na sagot ko.

Hindi siya nagsalita kaya napamulat ako ng mata bago ito binalingan.

Nakatingin lang ito sa malayo habang parang may malalim na iniisip. Maya-maya ay nagsalita ito.

"Si Deb na naman? Tse!" bulong pa nito bago tumayo at umalis.

Kunot-noong sinundan ko ito ng tingin.

Anyare sa ugok na 'yon? Sinapian na naman ba siya ng maligno?

Tsk!

Pumikit na lang uli ako at lumanghap ng sariwang hangin.

Hayst!

Biglang nag vibrate ang cellphone sa bulsa ko kaya kinuha ko ito. Nang tingnan ko ay isang text mula hindi pamilyar na numero.

Sino naman kaya 'to?

Binasa ko ang text nito dahilan para mapaayos ako sa pagkakaupo bago tumingin sa mga kasama kong nagdadaldalan.

Sa text pa lang ay 'di ko na kelangang mag isip pa o alamin oa kung sino ito. Dahil alam ko na kung sino siya--sila.

Tsk!

Subukan niya lang galawin ang mga kaibigan ko kung ayaw niyang lisanin ang mundo.

Tsk!

************************************

Keart's Pov.

Kanina pa kami nagtataka kung ano bang nangyare sa isang 'to. Sino ba ang hindi magtaka? Halos wala siya sa wisyo kung maglaro.

Minsan sablay ang mga tira niya sa ring. Minsan naman ay parang may iniisip dahilan para 'di niya mabantayan ang bola.

Nasisigawan pa nga siya ni coach kanina, eh!

Tch!

Napa'no na naman kaya ang lalaking 'to!

Bigla na lang kasing umalis sa hardin kanina matapos lunapiy kay Ashi.

Hindi kaya---? Tch!

Nakaupo kami ngayon dito sa bench dahil break time.

"Dre, ayos ka lang ba? Bakit parang wala ka sa sarili?" takang tanong pa ni Keith sa kaniya.

Hindi ito nagsalita na animoy hindi narinig ang tanong ni Keith.

Psh!

"Hey!" tapik pa ni Lyle sa balikat nito dahilan para maplingon sa amin.

"H-ha?" takang tanong pa nito.

"Sabi ni Keith, ayos ka lang ba? Kanina ka pa kasi wala sa sarili." sabi pa ni Lyle.

Napakamot na lang ng ulo si Ddix bago uminom ng tubig.

"A-ahh, ayos lang," sagot oa nito.

Tch!

Single niloloko mo? Kami? Psh!

"Tch! Sino niloloko mo? Psh! Alam naman naming hindi ka okay, dre!" napapailing na sabi ko pa.

Napaiwas na lang ito ng tingin.

"Umayos ka nga, dre! Malapit na ang sportfest kaya dapat pagtuunan natin ng pansin ang pagpractice. Paano ka makaka focus niyan kung ganiyan ka?" tanong pa ni Lyle sa kaniya.

Oo nga naman.

Napabuntong-hininga pa ito bago nagsalita.

"Ayos lang ako. May iniisip lang ako kaya gano'n." malumay na sagot pa nito.

Napapailing na lang si Lyle baho tumayo.

"Tsk! Umayos ka, mag cr lang muna ako." sabi pa ni Lyle bago umalis.

Nang makalayo ito ay seryusong bumaling kami ni Keith sa kaniya.

"Sabihin mo nga sa amin. Ano ba nangyare sa'yo?" tanong pa ni Keith.

Napaiwas na naman ito ng tingin bago bumuntong-hininga.

"W-wala, " sagot pa niya.

Napangiwi na lang kami ni Keith habang napapailing pa.

"Hindi mo kami maloloko, dre... Ano bang pinag uusapan niyo no Ashi kanina at nagkakaganiyan ka?" seryusong tanong ko pa.

Natigilan naman siya bago binitawan ang hawak na mineral water.

Hindi siya nagsalita kaya nagsalita si Keith.

"Alam naming may pinag uusapan kayo ni Ashi kanina kaya ka nagkakaganiyan. Sabihin mo nga kung ano?" tanong pa ni Keith.

"Tse! Wala nga!" giit pa nito.

Napabuntong-hininga na lang kami bago napa face palm.

"Ayaw mo talaga sabihin? Tch! Bahala ka pero sana ayusin mo ang practice mo. Tandaan mong gusto mong maging MVP pa rin sa team." sabi ko sa kaniya bago tumayo at lumapit kay coach.

Psh!

Kinausap pa kami ni coach bago uli kaming nagsimulang maglaro.

Gusto rin naming manalo ano. Huling taon na namin 'to sa highschool kaya dapat gawin namin ang kaya naming gawin.

Tutal, inspired din naman ako dahil sa myloves ko.

Hehehe.

Malay mo malapit na niya akong sagutin 'di ba?

Tch!

Hay naku my one and only mylove in my life.

Ang clingy ko psh!

***

Natapos ang practice namin sa basketball at uwian na. Pawis na naupo kami sa bench at uminom ng tubig.

Medyo umayos naman ang laro ng lolo niyo kaya hindi na siya nasisigawan ni coach.

"So far, maganda naman ang performance ng lahat ngayon. But team, kailangan niyo pa ring umayos sa paglalaro niyo. Alam niyo namang may mga madaya kung maglaro mula sa ibang unibersidad. Focus sa laro at dapat mabilis ang mga kilos niyo." sabi oa ni coach.

Nakinig lang kaming lahat.

"Mr. Monreal, ikaw ang captain kaya guide your team. Mr. Evans, maganda ang laro ninyo pero make sure na may ibubuga pa kayo. Gano'n din sa inyong lahat. Tandaan niyo ang mga sinasabi ko sa inyo kapag naglalaro." sabi pa ni coach bago tumingim kay Drix. " Ikaw naman Mr. Chevalier, ano bang nangyayare sa'yo kanina? Parang wala ka sarili kung maglaro. Tandaan mong gusto mong makuha ang MVP kaya umayos ka." seryusong sabi pa ni coach sa kaniya.

"Sorry, coach." kamot sa batok na sabi pa nito.

Napabuntong-hininga na lang si coach bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"Ang gusto ko lang ay umayos kayo at magseryuso sa paglalaro. Hindi lang ito para sa inyo. Para rin ito sa buong university natin. Ito na lang din ang huling taon niyo sa highschool kaya pagbutihin ninyo." sabi pa ni coach.

Tumango kaming lahat. Kung ano-ano pang sinabi ni coach bago kami tuluyang umalis ng gym.

Sabay-sabay kaming apat na lumabas sa secondary campus bago nagtungo sa parking lot ng college.

Pagaditing namin do'n ay wala pa pala ang mga girls. Mukhang nasa loob pa sila.

"Mauna na ako sa inyo, ah. May dadaan pa ako ngayon, eh!" paalam pa ni Lyle.

Tch!

Lagi naman 'yan nauunang umuwi eh. Pero sabagay, busy naman talaga ang siang 'to. Siya kasi ang katulong ng parents niya sa pagpatakbo ng negosyo nila.

"Sige, ingat ka, dre!" sabi ko pa.

"Ingat, dre," sabi rin ng dalawa.

"Sige. Kayo rin, ipaalam niyo na lang ako sa mga girls." sabi pa ni Lyle na tinanguan lang namin.

Nang makaalis si Lyle ay sakto namang lumabas ang nga girls. Halatang pagod na pagod din sila sa pagpractice.

"Oh? Kanina pa kayo dito?" tanong pa ni Bella.

"Hindi naman, kakaalis lang din ni Lyle. May daanan pa raw siya." sagot naman no Keith.

Tumango lang sila.

Hmm.

Ano kaya kung kakain kaming lahat sa labas ngayon?

"Guys gusto niyo bang kumain sa labas?" nakamhiting tanong ko pa.

Napatingin sila sa akin.

"Ay 'wag na pagod kami, eh." sabi pa no Stella.

"Oo nga, gusto ko ng magpahinga." sabi naman ni Theresa.

"Ako parang gusto kong matulog magdamag." sabi pa ni Mello.

"Ywah, ansakit din ng likod at braso ko kaka spike kanina, eh!" sabi naman ni Bella.

Pagod pala ahh.

"Gano'n ba? Sayang treat ko pa naman sana kayo ng ice cream at pizza. Ang sarap pa naman no'n." sabi ko pa na kunwaring nasasarapan sa binanggit kong pagkain.

Pagtingin ko sa kanila ay parang gusto naman nilang kumain no'n.

"Masarap nga!" sabay na sabi pa ni Stella, Theresa, Bella at Mello.

Wala sila Brix. Tch! Mabuti na lang dim 'yon, eh!

Hehehe.

"Pero pagod pa din kami, eh! 'Aag na lang," sabi pa ni Stella.

"Sayang ang cookies and cream, oreo flavor, rocky road, ube ice cream, manggo ice cream, mocha, vanilla ice cream. Tapos may goldilocks cake and hawaiian pizza-----"

"Teka!" sabay na sigaw pa nilang apat.

"Biglang nawala ang pagod ko at nagutom ako. Mukhang masarap nga ang treat ni Keart! Tara!" sabi pa ni Stella.

"Oo nga, naglalaway na ako, oh!" sabi pa ni Theresa.

"Kaloka! Hindi pala ako pagod! Tara na! Saan ba tayo?" sabi pa ni Mello.

Natawa na lang kaming lahat dahil sa inakto nila.

"Akala ko ba pagod kayo?" nakangiwing tanong pa ni Kyla.

"Hehehe. Sinabi ba namin 'yon?" kamot batok na sabi pa Stella.

"Sabi namin tara na! Gutom na kami!" sabi pa ni Theresa.

Napapailing na lang sila Ashi bago sumampa sa motor niya.

"Oh? Sama kayo, Ash!" sabi pa ni Keith.

"Oo nga naman, treat ko eh!" nakangiting sabi ko pa.

"May trabaho pa kami, eh." sagot pa ni Kyla.

What?

Akala ko ba hindi na sila nagduty dahil---

"Nagduty pa rin pala kayo?" tanong ko pa.

"Ah, oo," sagot pa no Kyla.

"Nah! Huwag na muna kayo magduty, tutal, week practice naman natin, eh." sabi pa ni Keith.

Tahimik lang si Drix na nakasandal sa kotse niya.

"Tss! Ikaw ba magpakain sa amin para hindi kami magduty?" nakataas kilay at masungit na sabi pa ni Xandra.

Oh oh!

"Psh! May sinabi ba akong ako ang papakain sa inyo?" masungit ding balik tanong ni Keith.

Magsasalita na sana si Xandra nang magsalita si Ashi.

"Ge. Sasama kami," sabi pa ni Ashi.

"Ayowwnn, oh!" bulalas ng apat.

Natawa na lang kami sa kanila bago ko sinabi kong saan kami pupunta.

Makakasama ko ang myloves ko hehehe.

************************************

Drixon's Pov.

Pasado alas-syete na ng gabi ng maisipan naming umuwi na. Kanina pa kami dito sa ice cream shop.

Matapos kasi naming kumain ng pizza at cake ay dito na ang huling pinuntahan namin.

"Woah! Busog na busog ako, ah!" sabi pa ni Stella habang palabas kami ng icd cream shop.

"Ako rin!" sabi pa ni Theresa habang hinimas-himas ang tyan niya.

"Just me! Parang natatae na ako sa kabusugan!" singit pa ni Mello na halos nabigatan na sa katawan niya.

Medyo mataba ng kunti kasi ang baklang to.

Agad na umalma naman ang dalawa.

"Ew! Kadiri ka bakla! Tumae ka nga muna!" nandidiring sabi pa ni Stella.

"Hoy! Mas kadiri ka dahil parang isang buwan kang walang kain kanina, eh! Mahiya ka nga! Baklang to!" angal naman ni Mello.

"Psh! Anong mahiya? Ba't naman ako mahihiya? Sila ba bumili ng pagkain ko?" nakairap na tanong pa ni Stella.

"Sila hindi! Pero si Keart, Oo! Dzai, ikaw dapat mahiya! Mukha ka ng lobo, oh!" nakairap din sabi pa ni Mello.

Natawa kami habang nagpabalik-balik lang ang tingin namin sa kanila habang nakatayo dito sa labas ng shop.

Pinagtitinginan na kami ng inang dumadaan at pumapasok sa shop.

"Aba! Aba! Maka lobo ka naman! Mukha ka ngang gasol, oh!" alma pa ni Stella.

Natawa na naman sila habang napapailing ako at gano'n din si panget.

Tiningnan naman ni Mello ang katawan niya.

"Anong mukhang gasol? Hoy! Hindi ako payatot at mataba para maging gasol! Balyena ka!" sigaw pa ni Mello kay Stella.

Biglang humagalpak ng tawa ang magpinsan pati na rin sila Bella at Theresa habang nagpipigil ng tawa sila Kyla at Xandra.

Habang ako ay nakatingin kay Panget na nakasandal sa motor na parang may kinakalikot sa cellphone niya.

Napakunot naman ang noo ko. May ka text mate ba siya? At sino naman kaya 'yon?

Bigla kong naalala no'ng marinig ko sa locker na may kausap si panget.

At ang gago niya pa lang ex 'yon.

(0_0)

Hindi kaya ang gago niyang ex ang ka text mate niya?

Akmang lalapit na ako kay panget para sana tingnan kung sino ang ka text mate niya nang bigla itong tumalikod at sumampa sa motor niya.

"Tama na 'yan! Tara na," sabi pa nito sabay paandar sa motor niya.

Anak ng...

Natigil sa pagtatalo sila Mello at Stella bago bumaling kay panget.

"Hindi pa kami tapos----"

"Tsk! Late na, oh! Uuwi pa kayo," pigil ni panget sa sasabihin sana ni Mello.

Napangiwi na lang si Mello sabay irap kay Stella.

"Sige na. Uwi na kayo, mag iingat kayo, ah!" natatawang sabi pa ni Kyla.

"Sige. Mag ingat din kayo!" sabi pa nila Theresa bago pumasok sa kotse nila at nag drive paalis.

Naiwan kaming anim habang nag uusap pa si Kyla at Keart. Si Keith naman ay pinaikot-ikot sa daliri nito ang susi ng kotse niya habang nakahawak sa batok ang isang kamay.

"Ge na. Alis na kami, mag iingat kayo." huling sabi pa ni panget bago pinaandar ang motor nito.

Bakit ba nagmamadali ang isang to? Tse! 'Wag mong sabihing makikipag kita na naman siya sa gago niyang ex?

Tse!

Inis na naglakad ako palapit sa kotse ko at padabog na sinara ang pinto. Pinaandar ko ang kotse ko at tumingin pa uli sa gawi ni panget bago pinaharurot paalis ang kotse ko.

Bakit ba lagi siyang nakikipag usap sa panget niyang ex? Mas gwapo naman ako sa gagong 'yon, eh!

Tse!

Magsama silang dalawa!

Fvck this fvcking feelings of mine!

Tse!

To be continued...

A/N: Hello mga blueeem babies!! Hope you enjoy reading!

Don't forget to Vote, comment and follow!


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top