chapter 132 "Practice day 1"

A/N: Konnichiwa Blueeem babies! Sportfest practice muna tayo, ah! Enjoy reading!

God bless!

Drixon's Pov.

"Drix!" dinig kong sigaw pa ni Keart habang tumaktabo at nagdi-dribble.

Mabilis na tumakbo ako at sinalo ang bolang hinagis niya pasalubong sa akin, kasabay nang pagsalo ko sa bola ay ang paghinto ko sa three points shot.

Agad kong hinagis ang bola sa ring at...

Shot!

Three points!

Nagsigawan ang mga studyanteng nanonood matapos kong mashot sa three points ang bola.

Tse!

Agad na pumito si coach para magbreak na muna kami. Nakipag fist bump na lang ako sa mga kasama ko bago pumapit sa bench.

Pawis na naupo ako at kumuha ng bottled water saka uminom. Habang nagpupunas naman ng pawis sila Lyle.

"Hoo! Kapagod, ah!" bulalas pa ni Keart sabay upo sa tabi ko.

Inabutan pa siya ng tubig ni Keith na naupo sa kaliwa ko.

Rinig na rinig pa namin ang bulungan ng mga nanonood ng practice namin. Tse!

"Lunch break na muna kayo team! 1:00 pm uli ang practice!" sigaw pa ni coach.

Tumango na lang kami habang nakaupo pa rin. Medyo naubusan ako ng lakas, eh. Psh!

"Una na kami, ah!" paalam ng ibang teammates namin.

"Ge." sagot ko na lang.

"Mukhang lagot tayo sa araw-araw na practice these week, ah!" sabi pa ni Keith na nagpupunas na rin ng pawis.

"Ayos lang 'yan, makikita ko naman araw-araw ang myloves ko kaya game na game ako. Pfftt!" natatawang sabi pa ni Keart.

Agad naman siyang nakatanggap ng batok mula kay Lyle.

"Tss! Ikaw lang naman may gano'n, dre," napapailing na sabi pa ni Lyle.

Sabay na natawa naman ang magpinsan bago tumingin sa akin.

Anak ng...

"Sinong may sabing ako lang?" nakangising tanong pa ni Keart.

Pinandilatan ko siya ng mata pero inaasar lang ako ng loko.

"What do you mean?" takang tanong pa ni Lyle.

"Si Drix meron----"

"Tse! Baliw lang 'yan si Keart." sagot ko kay Lyle.

Tumawa naman nang malakas si Keith.

"Lol! Baliw ka na raw, dre!" pang-aasar pa ni Keith sa pinsan niya.

"Oo, dre, baliw na ako, baliw na baliw sa myloves ko." nakangising sabi pa ni Keart.

Napapailing na lang kami ni Lyle sa kaniya.

"Lets go," aya pa ni Lyle kaya tumayo na kami.

Sinabit ko na lang sa balikat ko ang bag habang bitbit ang bottled water.

Sabay-sabay kaming lumabas ng gym saktong madadaanan namin ang archery hall.

Nand'yan pa kaya si panget?

Aish!

"Uy! Dumaan muna tayo sa archery hall. Mukhang nand'yan ang magkakaibigan, eh." sabi pa ni Keart.

Agad na kaming naglakad palapit sa archery hall. Merong mga students ang nanonood ng practice.

Mukhang nand'yan pa ata si Panget.

"Ang galing naman nila,"

"Oo nga, pero mas magaling si tomboy."

"Yeah, akalain mong halos sa gitna tumama lahat ng tira niya."

"Yup! Ang astig niya talaga!"

"Mas magaling pa pala siya kay Trixie."

"Oum. Akala ko wala ng mas gagaling pa kay Trixie."

"Sinabi mo pa,"

"Paniguradong tayo na ang manalo sa archery."

"Oo, nga naman,"

"Uy! Tingnan niyo last na tira na ni tomboy!"

"Oo nga!"

"Ang galing niyang mag sight, oh!"

"Para talaga siyang lalaki kung kumilos!

Mga bulungan nila. Saktong nakapasok na kami sa pinto ng hall at nakita ko si panget na nakahanda na ang palaso at bow nito sa ere.

Parang wala lang sa kaniya ang pag-sight.

Tiningnan ko ang kasama nito. Isang lalaki na galing ata sa kabilang section. May kasama pala siyang player?

Binalik ko na lang ang paningin ko kay panget at saktong binitawan na niya ang palaso.

Parang nag-slow motion ang paligid habang nakatingin ako sa palasong binitiwan ni panget.

Hindi na ako nagulat pa ng makitang nahati ang isang palaso sa gitna kung saan tumama ang palaso.

Naghiyaw ang mga nanonood habang nakatingin sa shooting range.

"Yay! Ang galing naman pala ng panget mo." nakangising bulong pa ni Keart sa 'kin.

"Mas magaling pa nga siya kay Trixie." sabi pa ni Keith.

"Nice!" rinig ko pang bulalas ni Lyle.

Tiningnan ko ito at nakangiti pala siyang nakatingin kay panget.

Tse!

"Woah! Ang galing mo talaga, Ash!" Theresa.

"Mas magaling ka pa kay Trixie, Ash!" Stella.

"Paniguradong panalo na tayo nito!" nakangiting sabi pa ni Bella.

Tiningnan ko si panget at parang balewala lang sa kaniya ang mga komento ng lahat.

Deretso lang ito sa paglapit sa upuan kung saan ang bag niya bago lumapit kay Sir Nathan.

Kinausap silang dalawa ni Sir Nathan habang tango at iling lang ang naging sagot ni panget.

Tse!

Kahit kailan talaga ang babaeng 'to.

Matapos silang kausapin ay lunabas na si Sir Nathan. Habang nag-usap pa si Panget at ang kasama niyang player.

Tiningnan ko ang lalaki at may hitsura din pala. Tse!

Nakita kong tinapik ni panget ang balikat nito bago nakaipag fist bump sa lalaki.

Tse!

"See you later!" pahabol pa ng lalaki habang nakangiting lunabas ng hall.

Psh!

"Wahh! Nandito pala ang apat!"

"Omo!"

"Ang hot tingnan ni Drix!"

"Ang cute ni Keart!"

"Ang pogi ni Lyle!"

"Ang gwapo ni Keith!"

"Wahhh!"

Biglang tilian ng mga studyante ng mapansin nila kami. Naging dahilan naman iyon para mapatingin sa gawi namin sila Xandra.

Tiningnan ko si Panget at dere-deretso lang ito sa paglakad palabas at nilagpasan lang kami.

Parang hindi pa niya kami nakita.

Aish!

Nakatingin lang ako kay panget na parang lalaking naglakad palayo.

Anak ng...

"Oh? Napadaan kayo?' tanong pa ni Kyla.

"Wala lang, may isa kasi d'yang gustong makita ang labidabs---"

Tse!

Hindi ko na pinakinggan ang sinabi ni  Keart at inawan ko na sila. Agad na akong dumeretso sa cafeteria.

Pagdating ko ay nag-iingay ang lahat. Nakasuot pa rin kasi ako ng basketball uniform.

Tse!

Hindi na ako nag-abala pang suwayin sila sa sobrang ingat at dumeretso na lang sa counter.

Nag-order ako ng dalawang kanin, dalawang you order ng adobo, gulay at dalawang dessert. Sinamahan ko na rin ng dalawang coke.

Nang makuha ang order ko ay dumeretso na ako sa table namin. Nakaupo na do'n si panget habang nakasandal at nakapikit.

Tse!

Inilapag ko na lang ang tray at dalawang coke na dala ko. Kinuha ko ang akin bago ilagay sa harap niya ang in-order ko para sa kaniya.

Nakita ko itong nagmulat ng mata pero 'di ko na pinansin pa. Kumain na ako ng kumain. Hanggang sa dumating na ang iba pa.

"Yay! Nagsusulo ang dalawa, ah!" nakangising sabi pa ni Keart.

Sinamaan ko lang ito ng tingin kaya napakamot na naupo na lang ito.

Nag-uusap na lang sila tungkol sa practice at sa sportsfest. Tahimik na nakikinig na lang ako sa kanila habang kumakain. Hanggang sa dumating ang order nila at nagsimula na ring kumain.

Lihim na nilingon ko si panget na kumakain na ng dessert niya. Napangiwi pa ako ng makitang daig pa ang lalaki kung kumain.

Mas lalo pa akong napangiwi ng makitang tuloy-tuloy lang siya sa pag-inom ng coke hanggang sa maubos ang lama nito.

*Burrrfff*

Malakas na dighay pa nito na hindi man lang nagtakip ng bibig.

"Magtakip ka nga ng bibig!" sita ko sa kaniya.

Blankong tiningnan lang ako nito bago sumandal sa upuan niya.

"Pffft!" pigil ang tawa pa nila.

"Grabe ka talaga, Ash!" bulalas pa ni Theresa.

"Daig mo pang lalaki kung kumain." nakangiwing sabi pa ni Stella.

" 'Di ko kaya ang style mo, Ash." natatawang sabi pa ni Bella.

"Busog na busog, eh 'no?" nakangsing sabi pa ni Xandra.

"Syempre, galing ata 'yon kay, Drix, eh." nakangising sabi pa ni Keith.

Sinamaan ko na lang ito ng tingin pero tunawa lang ito.

Baliw!

Tse!

"Basta galing kay, Drix, lagi 'yang busog si Ashi " nakangising sabi pa ni Keart.

Tse!

Napapailing na lang ako dahil sa sinabi nito.

Pareho silang magpinsan psh!

Inubos ko na lang ang coke ko bago sumandal sa upuan ako.

Bigla akong may naalala kaya mabilis na napalingon ako sa nakapikit na namang si Panget.

Tiningnan ko ang braso nito kung saan ang sugat niya.

Nang makita kong medyo pagaling na ang sugat niya ay napahinga ako ng maluwag.

"Anong ginagawa mo?" biglang tanong pa nito.

Mabilis na binitawan ko ang manggas ng t-shirt nito bago nag-iwas ng tingin.

Nakatingin pala sa amin ang lahat psh!

"Tinitingnan ang sugat mo." walang ganang sagot ko.

"Tsk!" singhal pa nito.

Tse!

Ngingisi-ngisi naman ang magpinsan gano'n din sila Xandra.

Napalunok na lang ako ng maalalang nahuli pala niya ako nung tinitigan ko si panget sa bar noong sabado ng gabi.

Tse!

May alam ba silang dalawa ni Kyla? Napatingin ako kay Keart na kumakain. Hindi kaya niya sinabi sa dalawa ang nararamdaman ko kay panget?

Shit!

Madaldal pa naman ang mokong na'to!

Aish!

Tumayo na lang ako bago kinuha ang bag ko.

"Oh? Saan ka pupunta?" tanong pa ni Bella.

"Tse! Sa labas lang muna ako." walang ganang sagot ko bago tumalikod.

Pagkalabas ko ng cafeteria ay naglabas ako ng isang stick ng sigarilyo. Nang makarating ako sa parking lot ay sumandal ako sa kotse bago sinindihan ang stick.

Fvck!?

Lagot sa akin mamaya ang magpinsan na 'yon! Baka sinahi nila sa dalawa.

Pa'no pagnalaman ni panget? Baka pagtawanan lang ako no'n.

Shit!

Sunod-sunod ang naging paghit-hit ko sa sigarilyo dahil sa naisip ko.

Alam ko kapag nalaman ni panget ay hindi ito maniniwala at pagtatawanan lang ang nararamdaman ko sa kaniya.

"Shit!" mura ko pa.

Napahilamos na lang ako ng mukha sa inis. Dala na rin ng kaba kapag nalaman ni panget.

Kaya nga ayaw kong ipakita at sabihin kay panget ang nararamdaman ko dahil pagtatawanan lang ako no'n.

Inis na nagbuga na lang ako ng usok ng sigarilyo. Akmang hihit-hit na uli ako nang may humablot ng sigarilyo ko.

Tse!

Malamang si panget na naman.

Psh!

"Lagi mo na lang bang hablutin ang sigarilyo ko?" blankong tanong ko nang 'di ito nililingon.

Wala akong narinig mula sa kaniya. Napapailing na lang ako.

"Ano? Sasabihin mo na namang 'cigarette is dangerous to your health?' Tse! Ano bang paki mo----"

"Hindi ko inakalang naninigarilyo ka na pala uli." sabi pa nito.

Bigla akong napatingin sa likod ko at nakita ko si Kiana na hawak-hawak ang sigarilyo ko.

Tse!

Akala ko si panget. Napabuntong-hininga na lang ako.

"What are you doing here?" walang ganang tanong ko rito.

Napabuntomg-hininga ito bago nagsalita.

"Sinusundan ka?" patanong na sagot pa nito.

Tse!

"Then, stop following me." mariing sabi ko bago naglabas nang panibagong stick ng sigarilyo.

Rinig kong natawa ito. Hindi ko na lang siya pinansin at sinidihan ang sigarilyo.

Hindi ko pa nailapat sa bibig ko ang sigarilyo ay hinablot na naman niya ito.

Napakagat na lang ako sa labi ko sa sobrang inis.

"Give it back to me." malumay na sabi ko pa.

Pero hindi siya kumilos. Napabuntong-hininga na lang uli ako.

Akamg kukunin ko sa kaniya ng umatras lang ito.

"Pwede bang tigilan mo na ang paninigarilyo?" sabi pa nito.

"Tse!" singhal ko at pilit kinuha sa kaniya ang sigarilyo nang bigla niya itong inapakan.

Napapailing na lang ako  at tiningnan siya sa mata.

"Ikaw ang dapat na tumigil kakasunod at kakalapit sa akin. 'Di ba sinabi ko naman sa'yong 'wag ka nang lumapit pa sa 'kin?" blankong saad ko.

Napayuko lang ito at hindi umimik. Inis na tinalikuran ko na lang siya.

Pagtingin ko sa harap ay nakita ko si panget na napapailing. Nakasampa ito sa motor niya.

Napakunot naman ang noo ko habang nakatingin nang seryuso sa kaniya.

"Saan ka na naman pupunta?" seryusong tanong ko rito.

Hindi ito nagsalita at pinaandar ang motor niya. Akmang aalis na siya ng pigilan ko ito.

"I said, where are you going?" seryuso pa ring tanong ko.

Napabuntong-hininga ito at blankong tiningnan ako.

"Why do you need to know?" walang ganang balik tanong pa ni Panget instead of answering my question.

Napahilamos na lang ako bago uli seryusong tumingin sa kaniya.

"Aalis ka na naman ba para puntahan ang gago mong ex?" walang kabuhay-buhay na balik tanong ko at hindi sinagot ang tanong nito.

Tiningnan ako nito habang naka kunot-noong binabasa kung ano ang nasa isip.

Parang nagtataka siya sa inakto ko ngayon.

Aish!

I am to obvious? Did she recognize it?

Fvck!?

Frustrated na tumakikod ako sa kaniya dahilan para makita ko si Kiana na nakatayo pa rin sa gilid ng kotse ko habang nakatingin sa gawi ni Panget.

Tse!

Kinalma ko ang sarili ko bago uli humarap kay Panget.

"Will you answer my question? Where the hell are you going?" pigil ang inis habang seryusong tanong ko.

Lalong kumunot ang noo nito.

"Why would I? And why do you need to know where am I going?" halatang naiinis na tanong pa nito.

Tiningnan ko siya ng walang kabuhay-buhay bago napapatango-tango.

"If you aren't answering my question then go. No need to answer it." blankong sabi bago ko siya tinalikuran at iniwan.

Tse!

Kahit kailan walang kwenta ang Panget na 'yon! Tatanungin mo siya sasagutin ka ng panibagong tanong.

What the heck!?

Tse!

Kung ayaw niyang sagutin ang tanong ko, eh 'di 'wag! Hindi yung tatanungin ako pabalik.

Psh!

Bahala siya kung saan man siya magpunta. Wala na akong paki kung ano na naman ang mangyari sa kaniya.

But fvck!?

Why do I have felt like this!?

Gooddamn it!?

Inis na pumasok uli ako sa campus at dumeretso na lang sa gym. Ilang minuto na lang ay magsisimula na uli ang practice namin.

Tsk!

************************************

Debbien's Pov.

Lunch break na at kakatapos lang nang last class ko sa major sub. Lumabas na lang ako ng room habang bitbit ang mga books ko.

Tahimik na naglakad na lang ako sa lobby ng third floor building namin. Ngininhitian ko na lang ang nga babaeng bumabati sa akin.

Hanggang sa makababa ako bg building. Maoahinto pa ako ng makasalubong ko si Jiro.

Cold lang ang expression sa mukha nito habang dere-deretsong naglakad. Mukhang pauwi na rin ata siya.

Naoabuntong-hininga na lang ako. Nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Napatingin pa ako sa field namin ng may makitang mga secondary na nag practice.

Mukhang okupado na ata ang ibang space sa secondary kaya dito na lang sila nag-practice. Malaki naman kasi ang field ng college campus.

Malaki ang university namin at nahati ito sa tatlo. Junior high school, senior high school at college.

Iba ibang department din ang nasa college sa bawat course.

Tss!

Napatigil lang ako sa pagmumuni-muni ng tumunog ang cell phone ko. Nang tingnan ko ito ay si Trixie pala.

Sinagot ko na lang at nagpatuloy pa rin sa paglalakad.

"Yes, Babe?" sagot ko sa tawag nito.

"Babe, is it ok with you if I can't have a lunch with you right now?" malambing na tanong pa nito.

I smiled as if she saw it.

"It's ok, Babe." I said.

Rinig kong napabuntong-hininga pa ito sa kabilang linya.

"Sorry, Babe, naging busy lang kami sa practice. But don't worry, babawi ako next time." halatang nakangiting sabi pa nito.

"As what I've said, it's fine with me. Just take your time. Next week na ang sportsfest niyo, right?" nakangiting tanong ko pa.

"Mmm... and we need to practice well for the last year we've been spending in senior high, Babe." mahinang sabi pa nito.

Natawa na lang ako hanggang sa makalabas ako ng campus. Agad ko nang binuksan ang kotse ko at ipinasok sa loob ang gamit ko.

"Yeah, just like us before so, enjoy your last year." I said.

Rinig kong natawa ito sa kabilang linya.

"Ano pa nga ba? By the way, where are you now?" tanong pa nito.

"I'm here at the parking lot. I don't have class this afternoon. So, I'll go home first to do some things that I need to do. But don't worry, I'll fetch you after your practice later." sabi ko dito.

Narinig ko pang may kumausap sa kaniya sa kabilang linya bago ito sumagot.

"Okay ingat ka, ah. Take your lunch and don't stress yourself, understand?" bilin pa nito.

"Yeah, you don't have to worry. Take care too, ok?" sabi ko rin sa kaniya.

"Yes captain!" jolly na sagot pa nito na ikinatawa ko.

Isa sa nagustuhan ko sa kaniya ang pagiging jolly niya minsan.

"Ge, take you lunch now. I'll go ahead." huling sabi ko pa bago ibinaba ang tawag.

Bumuntong-hininga pa ako bago tumingin sa paligid at pumasok sa loob ng kotse.

Agad na akong nag-drive paalis ng campus. Nang makarating ako sa bahay ko ay agad na akong pumadok sa loob dala ang nga gamit ko.

Inilapag sa mini table sa sala ang mga gamit ko bago naupo sa couch.

Napasandal na lang ako bago pumikit. Naging busy ako these fast few days.

Bigla kong naalala ang nangyari nung friday. Hindi ko en-expect na harangin ako ng mga walang hiyang 'yon.

Tss!

Kundi pa siguro dumating si Ashi baka nasa hospital pa rin ako ngayon. Actually, kayang-kaya ko sila. Wala ang boss nila at kaya ko silang patumbahin.

Kaya lang hindi ko inakala ang sunod-sunod na pag-atake nila sa akin. Pinagtutulungan akong hawakan habang pinagsasapak ng unggoy na right hand ng pesteng bastardo na 'yon.

Tss!

Naka-tiyamba lang sila no'n dahil bukod sa pinagtutulungan akong hawakan ay pagod na pagod din ako no'n.

Psh!

At alam kong babalikan na naman kami ng mga hinayupak na 'yon. Knowing them---tss!

Napapailing na lang ako bago nagmulat at tumayo. Umakyat ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit.

Kailangan ko pa lang makausap si Ashi tungkol sa mga 'yon. Pagkatapos kong magbihis ay nagtext ako sa kaniya na makipag kita ngayon.

Agad na rin akong lumabas ng bahay habang lulan sa kotse ko patungo sa lugar kung saan kami magkikita.

Ngayon lang ako nagkaroon ng time na kausapin uli ito. Bigla ba naman kasing umalis nung nasa hospital ako.

Natawang napailing na lang ako. Malaki na ang ipinagbago niya. Although, tahimik at minsan lang siya magsalita noon ay iba pa rin ngayon.

Hayst!

I miss the way we are before.

Ako ang first love niya at masasabing kong kakaiba siya magmahal.

Hindi siya tulad ng iba na showy at lahat binibigay.

Siya ay simple lang naman. Pinaparamdam niya sa'yo ang pagmamahal niya. Hindi siya oras-oras na nagsasabi ng i love you o tugunin ang pag i love you mo sa kaniya.

Kahit cold ang personality niya ay mararamdaman mo pa rin ang pagmamahal at pagpapahalaga niya sa'yo o sa isang bagay.

Bihira lang din siya nagpapakita ng emotion. Sa akin lang siya minsan nagpapakita ng totoong emosyon niya noon.

Bihira lang din siya makipag date sa akin sa labas. Thought we both like it to avoid some rumours.

Tss!

Napangiti na lang ako ng maalala nung kami pa. Hindi mo makikita sa kanya ang pagka-clingy or bilang isang normal na girlfriend.

Ibang iba talaga siya. And I love the way she show her love to me. I love the way she care and the way she act infront of me.

Masasabi kong ang swerte ko dahil naging part ako ng buhay niya noon. Na naging nobya ko siya noon.

I'm to lucky to have her before. Unfortunately, I'm a jerk to break her heart. To break the heart of a cool girl like her.

She's cool and I won't denied it. She's cool in her own act and way.

Kung hindi mo lang siya kilala masasabi mo talagang naaangasan ka sa kaniya. Maiirita ka sa kilos lalaki nito na nagpa-cool lalo sa kaniya.

Ang cool din niya sa pakikipaglaban.

I remember nung minsan siyang nakipag-away sa kalye. Nung first time na makita ko siyang nakipag suntukan, bugbugan, basagan ng bungo at pakikipag-palitan ng sipa sa ere.

It make me amaze when I saw all of those when she fight those bastard before.

Tss!

Iyon din ang kauna-unahang nakipag-suntukan din ako. Masyadong marami kasi ang kalaban niya, samantalang nag-iisa lang siya nung time na 'yon.

Iyon din ang dahilan na napalapit ako sa kaniya.

Actually, I admire her.

Binansagan siyang street fighter sa campus at tinaguriang basagulera ng taon.

Lagi kong naririnig 'yon sa campus noon nung hindi pa kami malapit sa isa't isa. Minsan ko na rin itong nakakasalubong sa campus.

Natatawa at napapangiti nga ako tuwing makita ko itong astig na naglalakad.

Naglalakad na akala mo lalaki habang nakapamulsa at nakasabit sa balikat ang bag. Tapos ang pananamit pa nito ay panlalaki.

Maluwang na t-shirt at pantaloon. Minsan ay naka coat pa at naka cap habang ngumunguya ng doublement.

Dagdagan mo pa ang walang emotion niyang mukha. Ang madamot sa pagsasalita at pangiti.

Para bang napaka-mahal ng ngiti at boses nito.

Tapos kapag 'di pa niya nagustuhan ang salitang lumabas sa bibig mo ay mumurahin ka niya ng malutong na mura.

Wala rin siyang paki sa paligid niya. Wala siyang paki sa mga taong bina-backstab siya.

Para bang napakahalaga ng oras nito sa mga bagay-bagay kesa pansin ang mga taong walang ginawa kundi ang mainis sa personality nito.

Binansagang basagulerong tomboy sa campus pero wala siyang paki. Minsan kasama pa niya sila Xandra at Kyla.

Napakalayo ng personality ng dalawa sa kaniya. Pero kakaiba rin kapag nagalit.

Subukan mong galawin ang isa sa kanila nang makatanggap ka ng malutong na mura at sapak sa mukha.

Tulog ang labas mo. Psh!

Nakangiting napailing na lang ako sa alalang iyon.

I love everything about her. Tanggap ko kung ano siya noon. I love her with all my heart.

Sa akin lang din siya nagsasabi ng problema niya. Ako ang naging sandalan niya noon ng maging malapit kami hanggang sa naging kami na.

Hayst!

Hindi ko namalayang nakahinto na pala ako sa coffee shop na pagtatagpuan namin.

Pagtingin ko sa garahe ay wala pa akong nakitang motor niya.

Mapailing na lang ako. Ngayon lang siya naging late kapag nagkikita kami. Noon kasi ginagawa niya ang lahat parang huwag malate.

Kahit pa paliparin niya ang motor niya sa ere ay gagawin niya basta huwag niya lang akong paghintayin ng matagal.

Napangiti na lang ako bago lumabas at pumasok sa coffee shop. Na-order na ako ng makakain namin.

Pasado alas-dose y medya na ng hapon. Wala pa akong lunch. Gusto ko sana sa restaurant pero alam kong nakapag lunch na 'yon kaya rito na lang kami mag-uusap.

Matapos mag-order ay naupo ako sa pandalawahang table bago inilapag ang tray.

Wala pang dalawang minuto ay nakita ko nang pumasok si Ashi.

Blanko lang ang mukha nito habang nakasuksok sa bulsa ng pantaloon niya ang dalawang kamay.

As usual, she look like a boy.

Tumayo ako at ngumiti sa kaniya bago pinaghila ng upuan bagay na lagi kong ginagawa noon.

Naupo na lang ito bago tumingin sa paligid.

"Speak now, may practice pa ako." deretsong sabi pa nito.

Sumimsim na muna ako sa cafe latte ko bago tumigin sa kaniya. Nakatingin lang ito sa pagkain na nasa mesa.

"Lets eat this first." nakangiting sabi ko.

Bumuntong-hininga ito bago nag-angat nang tingin. Kita ko sa mga mata niya ang pagka-seryuso.

Wala na akong nakitang emosyon sa mga mata niya tulad noong kami pa.

"Just straight to the point. My time is very important to waste it with you." seryusong sabi pa nito.

Natigilan ako dahil sa sinabi nito. Nakaramdam ako ng bahagyang kirot sa dibdib ko dahil sa narinig ko.

Ngayon ko lang narinig na nagsalita siya ng gano'n sa harapan ko mismo.

Napayuko na lang ako. Hindi ko pa rin kayang sabayan ang pakikitungo niya sa akin. Hindi ako sanay. Mas nasanay ako sa dating siya nung kami pa.

Napabuntong-hininga na lang uli ako bago umayos ng upo at sumandal sa upuan ko.

Pilit kong ginawang pormal ang mukha ko pero napapa-iwas lang ako ng tingin kapag titingin ako sa kaniya.

"I want to talk about them." kaswal na sabi ko.

Hindi ito umimik at Nanatiling blanko ang mukha nito. Halatang hinihintay ang sasabihin ko.

"They planned to attack us when they know that we're still have the connection towards each other----"

"We're not connected anymore since last year." pigil pa nito sa akin.

Natahimik ako at muling napabuntong-hininga.

"When I heard their plans, I automatic confront them... But we end up in a fight." mahinang sabi ko pa.

Kita kong napa-angat ito ng tingin sa akin.

"So, you came their after you heard  the moment we talk at the parking lot that, I was being able to hospitalized that night when you broke up with me?" seryusong sabi pa nito.

Walang ibang emosyon ang makikita sa mukha niya kundi ang kaserysuhan lang.

Napa-iwas na lang ako ng tingin.

Naramdaman ko pa ang pagbilis nang tibok ng puso ko.

Pinilit ko na lang na ngumiti at kinausap siya ng masinsinan. Sinabi ko sa kaniya ang lahat tungkol sa nakalaban namin noong friday.

Ang grupo na iyon ang laging naglakas-loob para kalabanin kami. Tapos lagi naman silang talo tss!

Tiningnan ko pa si Ashi at sinuri. Malaki na nga ang ipinagbago niya. Napapansin kong parang ang sarcastic niya minsang magsalita.

Bagay na hindi ako sanay. Hindi naman siya ganiyan noong kami pa. Napabuntong-hininga na lang ako.

************************************

Ashi Vhon's Pov.

Napabuntong-hininga na lang ako bago tumayo ng matapos kaming mag-usap ni Deb.

Fvck those bastard!

Dagdag lang sila sa mga isipin ko lintik na 'yan.

Tsk!

"I'll leave now, may practice pa ako." blankong paalam ko dito bago tumalikod.

"Wait!" pigil pa nito sa akin dahilan para mapahinto ako.

"What?" walang ganang tanong ko pa.

"T-take care and good luck to your practice." sabi pa nito.

Tsk!

"You don't need to remind me. You should take care of yourself. Baka mabugbog ka na naman. Tsk!" malumay na sabi ko bago ito iniwan doon.

Nakapamulsang lumabas ako ng coffee shop at nagtungo sa motor ko. Pagkatapos ay bumalik na ako sa university.

Pagdating ko ay nagsimula na uli silanh lahat mag-practice, kaya duneretso na rin ako sa archery hall para sa practice ko.

Nang makapasok ako sa loob ay nakita kong nag-practice lang kasama ko. Agad na nag-practice na lang din ako hanggang sa sumapit ang alas-kwatro ng hapon.

Pagod at ngalay ang mga brasong naupo ako sa upuan.

"I think you don't need to practice anymore." biglang sabi pa ng kasama na naupo sa kabing upuan.

Tsk!

"Why?" I asked.

Natawa ito at napatingin sa shooting range na ginamit ko kanina. Halos lahat ay nasa gitna ang tira.

"Tingnan mo nga ang lahat nang mga tira mo, oh. Sapol na sapol sa gitna. Mukhang bihasang-bihasa ka na sa larangan ng archery, ah." natawang sabi pa nito.

Tsk!

Napapailing na lang ako bago inayos ang bow at arrow ko.

"Hindi ako bihasang-bihasa, sadyang marunong lang ako mula pagkabata ko." simpling sabi ko sa kanniya.

Narinig ko ang tawa niya pero 'di ko na pinansin pa.

Tumayo na lang ako at sinabit sa balikat ang bow ko.

"Lalabas ka na? Sabay na tayo." sabi pa niti sabay tayo at sinabit din ang bow sa balikat niya.

Sabay kaming naglakad palabas ng hall at naglakad sa field.

May mga katatapos lang sa pracyice nila. Habang ang iba ay hindi pa huminto sa kakapractice.

Napapatingin pa sa amin ang mga nadaanan namin pero 'di na namin sila binigyan nang pansin.

Nakatanggap ako ng text kay Kyla kanina na sa parking lot na lang sila maghihintay, kaya dumeretso na lang kami do'n.

"Oo nga pala, balita ko magaling din daw ang makakalaban natin mula sa SLU." biglang sabi pa ni Kaiden.

"Tsk! Hayaan ko na lang, magpractice na lang tayo ng maige." sagot ko sa kaniya.

Napatango-tango naman ito.

"Yeah, pero hindi naman ako nag-aalala dahil paniguradong mananalo tayo dahil sa'yo." nakangiting sabi pa nito.

Napakamot na lang ako ng batok bago natawa.

"Paano mo namang nasabi dahil sa akin?" tanong ko pa rito.

"Sa galing mong 'yan. Halata namang maipanalo mo ang contest." natawang sabi pa nito.

Tsk!

"Bakit ako lang? Kailangan mo ring maipanalo para pareho nating maipanalo." natatawsng sabi ko pa.

Napakamot na lang ito sa batok niya.

"Yaan mo, magpractie ako ng maige para mapantayqn kita't maipanalo natin ang laban." nakangiting sabi pa nito.

Natawa na lang uli ako dahil sa sinabi niya. Hindi siya boring kasama tsk!

"Hindi mo kailangang pabtayan ako. May sarili kang kakayahan at gano'n din ako. Malay mo mas magiging magaling ka pa sa akin." sabi ko pa.

Nanlaki naman ang nga mata nitong nakatingin sa akin.

"Talaga?" tanong pa nito.

Nag mirk na lang ako dahilan para matawa siya.

Napapailing na lang ako. 'Di ko namalayang nandito na pala kami sa parking lot.

"O, mauna na ako sa'yo, ah. Bukas uli sabay tayo." nakangiting sabi pa niya.

Tumango ako at nakipag fist bump sa kaniya bago ito umalis.

Tsk!

Nagtungo na lang ako sa motor ko. Agad akong sumampa at ramdam ko ang mga tingin sa akin.

Tiningnan ko sila at sila Kyla pala kasama sila Keart.

Tiningnan ko pa ang likod nila at nakita ko si Bisugo na nakasandal sa kotse nito habang blankong nakatingin sa hawak na sigarilyo nito.

Napapailing na lang ako.

"Tara na, ingat kayong lahat." sabi ko pa sabay paandar sa motor ko. "Ikaw, tigilan mo na rin 'yang paninigarilyo mo." walang ganang sabi ko kay Bisugo bago pinaharurot paalis ang motor ko.

Tsk!

Tigas ng ulo.


To be continued...

A/N: Lame ba? Sensiya na 'yan lang laman ng utak ko ngayon.

Don't forget to Vote, comment and follow.




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top