chapter 131 " Week practice"

Ashi Vhon's Pov.

Pagdating ko sa KJMAX resto bar ay agad na akong pumasok sa loob. Naabutan kong nakaupo sa sofa sila Kyla at Xandra habang nakataas ang kilay na nakatingin sa akin.

Tiningnan ko ang relos ko at pasado alas-kwatro y medya pa lang naman. Mamayang five pa ang in namin sa trabaho.

Napabuntong-hininga naupo na lang din ako sa single sofa.

"What now?" tanong pa ni Xandra.

Tsk!

Hindi ko na lang siya pinansin. Wala ako sa mood para magsalita ngayon. Andaming pumapasok na katanungan sa isip ko.

Sumandal na lang ako at akmang pipikit ng magsalita si Kyla.

Hayst!

"Bakit ka sumugod do'n ng dahil lang sa ex mo?" tanong pa nito.

Tsk!

'Di talaga ako  titigilan ng dalawang 'to, eh!

"Ash, sabihin mo nga sa 'min. Bakit ka napasugod do'n? Kundi pa dumating si Drix kanina 'di namin alam kung saan ka pumunta." seryusong sabi pa ni Xandra.

Napabuntong-hininga na lang uli ako.

"Tsk! Tumawag si Deb kanina at gusto niyang makipag-usap sa 'kin. Hindi ko na sa papansinin ng makarinig ako ng langitngit ng kotse. Nang tanungin ko siya ay may humarang sa kaniyang mga naka-itim na lalaki." walang ganang sabi ko.

Napabuntong-hininga silang dalawa habang napapailing pa.

"Then?" Xandra.

"Tsk! Pinuntahan ko siya at pagdating ko bugbog sarado na siya. Madami ang bumugbog sa kaniya." malumay na sagot ko pa.

"Sino naman ang bumugbog sa kaniya? Isa pa, bakit naman siya nagpabugbog, eh alam naman n'on pa'no makipaglaban?" kunot noong tanong pa ni Kyla.

Sinandal ko na lang ang batok ko sa sandalan ng sofa bago sumagot.

"'Yong mga dating nakalaban namin noon. 'Di ko rin alam kung bakit nagpabugbog ang ugok na 'yon." walang ganang sabi ko.

Natahimik silang dalawa at tanging buntong-hininga nila ang narinig ko.

Maya-maya ay biglang nagsalita si Xandra.

"Bakit naman siya hinarang ng mga 'yon? Matagal ng walang paramdaman ang mga 'yon matapos kang pagtulungan nung araw na naghiwalay kayo. Papaanong----?"

"Tsk! I don't know either. Pero may hinala akong binalikan sila ni Deb nung nakaraan matapos niyang malaman ang mangyari sa akin nung maghiwalay kami." walang ganang pigil ko kay Xandra.

Naalala kong may sinabi si Deb nung nag-usap kami uli matapos nung nangyaring pag-uusap naming lahat sa parking lot ng campus nung nakaraang buwan.

"Nahihibang ba siya? Gumawa lang siya ng panibagong gulo sa pagitan niyo at nung grupong 'yon!" inis na sabi pa ni Xandra.

Napabuntong-hininga ako. 'Yon din ang sinabi ko sa lalaking 'yon pero mukhang 'di nakinig.

"Sa ginawa niya mas lalong lala lang ang lahat, lalo na ngayon at nagsimula na naman sila! Ano bang pumasok sa isip ng lalaking 'yon." halatang inis ding sabi pa Kyla.

Hindi ako nagsalita at tumahimik na lang.

"'Di ko talaga maintindihan ang gagong 'yon! Una, nung muli kayong nagkikitang lahat sa parking lot. Nabubohan ako sa mga tanong at sagot niya. Tapos ngayon naman--tss!" inis na singhal pa ni Xandra.

Ramdam kong napatingin sa amin ang ibang mga customers dito sa kainan. Tsk!

"Hayst! Oh eh, paanong nando'n din si Drix kanina? May pasa pa ito sa labi. Anong ginagawa niya do'n?" kunot noong tanong Kyla.

Napangiwi na lang ako. 'Di ko rin alam kung paanong nasundan at nalaman niyang umalis ako ng campus.

"Tsk! I don't know. Nakita ko na lang siyang sumigaw kanina habang nakikipag-laban ako. Nakita ko siyang tumakbo at tinulak ako. 'Yon pala sinalag niya ang kutsilyong sa 'kin sana tatama." kunot no'ng sagot ko.

"Ano?!" sabay nilang tanong.

Sinamaan ko sila ng tingin dahil napalakas ang boses nila.

Tsk!

Sinabi ko na lang sa kanila ang nangyari at pareho silang gulat na nakatingin sa akin.

Psh!

"Marunong pa lang makipag laban si Drix? I mean, alam naman nating ilang beses na siyang nabugbog nila Luke, 'di ba?" takang tanong pa ni Kyla.

"Mmm. 'Di lang kanina ko siya nakitang marunong makipag laban. Nung nakaraan rin na kela luke. Tama ang hinala kong may tinatagong kakayahan ang Bisugong 'yon sa pakikipaglaban." sagot ko.

"Kung gano'n, pati sila Keith ay gayun din? Pero bakit naman sila nagpabugbog kela, Luke noon?" takang tanong pa ni Xandra.

Napapailing ako para sabihing 'di ko alam ang sagot.

Napabuntong-hininga na lang din sila. At parang may inisip. Hinayaan ko na lang sila at pumikit.

***

Pasado alas-syete na ng gabi at busy kaming lahat. Nandito ako sa kusina at nagluluto ng mga putahe. Kasama ko sila Eric at Faye at si Manang.

Inilipat ko na lang sa lalagyan ang naluto kong caldereta at Adobo. Madami pa kaming lulutuing ulam dahil marami na ang customers lalo na sa bar.

Tsk!

Lumabas na lang ako ng kusina at dinala sa counter ang mga ulam. Si Mina ang nasa counter ng kainan habang si Joyce naman ang sa bar.

"Oh? 'Di pa kayo tapos magluto?" tanong pa ni Irish na may dalang tray.

"Marami pa kaming lulutuin. " sagot ko. Tumango na lang ito at hinatid na ang panibagong order.

Nasa bar nag-serve sila Kyla at Xandra. Bumalik na lang ako sa kusina para ipagpatuloy ang pagluluto namin.

Tsk!

***********************************

Drixon's Pov.

Tinawagan ko sila Keart para magyayang uminom ngayon. Kanina pa ako naiinip dito sa loob ng kwarto ko kakaisip sa nangyari kanina.

Tse!

Matapos ko silang tawagan ay nagbihis na ako. Bumaba na agad ako at nagpaalam kela Mom. Paglabas ko ay dumeretso na ako sa garahe namin at pumasok sa kotse ko.

Nag-text pa si Keart na papunta na sila sa bar na pinagtrabahuan nila panget. Do'n na lang daw kami iinom ngayon.

Tse!

Hindi na ako nag-reply pa at nag-byahe na patungo do'n. Wala namang pasok bukas dahil saturday. Next week ay October na at magsisimula na ang sportfest namin.

Kaya sa Monday ay puro practice na lang ata kami. Psh!

Nang makarating ako ay nakitang nakasandal sa kotse nila ang dalawa. Nasaan si Lyle?

Agad na lang akong bumba pagkatapos ay nakipag fist bump sa dalawa.

"Nasaan si Lyle?" tanong ko pa.

"Psh! 'Di raw siya makakapunta dahil may ne-review siya para sa business nila." sagot naman ni Keith.

Tse!

Lagi na lang busy ang isang 'yon psh!

"Tch! Ayos na rin 'yon. Wala pa siyang alam sa feelings ng lover boy natin kay Ashi. Pag-uusapan natin 'yan mamaya." nakangising sabi pa ni Keart.

Sinamaan ko na  lang siya ng tingin at naunang pumasok sa loob. Natatawang sumunod naman ang magpinsan.

Pagpasok namin ay marami ang customers sa kainan nila. Dumeretso na lang kami sa bar at naupo sa isang vacant table.

Nilibot ko ng tingin ang bar at mukhang hindi dito nag-serve si panget.

Tiningnan ko ang counter at sila Kyla pala ang nag-serve dito psh!

"Hinahanap mo siya no?" nakangising tanong pa ni Keart.

'Di ko na lang siya pinansin at sumandal sa upuan.

"VIP na lang kaya tayo, dre." sabi pa ni Keith.

Buti pa nga. Tumango ako at tumayo gano'n din sila.

Napatingin pa sa gawi namin si Kyla na naka-kunot ang noo.

"Yay! Nakita na tayo ng myloves ko." nakangiting sabi pa ni Keart.

"Tse! Ikaw na mag order." sabi ko sa kaniya at sabay kami ni Keith na pumunta sa VIP room.

Nakasalubong pa namin si Xandra na salubong ang kilay na nakatingin sa amin.

"Oh? Anong ginagawa niyo dito?" takang tanong pa nito.

"Tss! Iinom alangan namang gumala." nakangiwing bulong ni Keith.

Sinamaan siya ng tingin ni Xandra bago tumingin sa akin.

"Iinom," maikling sagot.

"VIP?" Tanong pa nito.

Tumango ako bago siya nilagpasan.

Pagpasok namin sa VIP room naupo agad ako. Glass wall ang bubong kaya makikita mo ang dance floor at ibang umiinom din.

"Parang ngayon lang tayo pumasok dito na naka-VIP, ah." rinig kong sabi pa ni Keith.

"Yeah," maikling sagot ko pa.

Tumingin ako sa dance floor at may sumasayaw na. Ang iba ay may hawak pang wine glass na sumasayaw. Napapailing na lang ako.

"Heto na!" sulpot pa ni Keart na may dalang tatlong wine glass.

Habang dala ng isang waiter ang tatlong bote ng vodka.

Agad nilang nilapag sa mesa ang mga dala bago nagpaalam ang waiter. Naupo na rin si Keart.

"So, ano na?" tanong pa nito.

Kumuha na lang ako ng wine glass bago nagsalin ng alak.

Gano'n din ang magpinsan habang inaalog-alog pa ang laman ng baso.

Sumimsim ako bago napabuntong-hiningang sumandal uli.

"What happened?" tanong pa ni Keith.

Tinutukoy niya ang nangyari kanina.

Tse!

"I was on the locker when I saw her staring at her phone while leaning," I said.

Nakatingin lang sila sa akin habang nakikinig.

"Then?" Keart asked.

I sigh before I continued to speak.

"After getting my things, I was able to leave when I heard her talking to her phone. Kaya nilingon ko siya. Parang naiinis siya sa kausap at minura pa niya ito. Tapos tinanong niya ang kausap kung nasaan ito. Akmang lalapitan ko siya ng bigla itong tumakbo paalis." sabi ko sabay inom ng alak pagkatapos ay tinitigan ko ang wine glass ko.

"Then, you follow her?" tanong pa ni Keart.

Tumango ako at bumuntong-hininga.

"Sinundan ko siya palabas ng campus. Tinawag pa ako ni Lyle kanina pero 'di ko siya pinansin. Hanggang sa makalabas ng campus at nakita kong naka-alis na si panget kaya sinundan ko agad." sabi ko. Tumingin ako sa dance floor at marami nang nagkakasiyahan. "Sinundan ko lang siya nang sinundan hanggang sa huminto ito. Nakita ko ang mga naka-itim na lalakimabilis itong lumapit at pinagsasapak ang mga 'yon. Tapos nakita ko ang lalaking bugbog sarado. Halata sa mukha at kilos ni Panget na nag-aalala siya at galit na pinagsasapak ang mga 'yon." walang ganang sabi ko pa.

Inubos ko ang laman ng wine glass ko bago nagsalin ng panibago.

Napakunot ang noo nila dahil sa huling sinabi ko.

"Bugbog sarado? Sino?" tanong pa ni Keith.

Napabuntong-hininga ako.

"Ang gagong ex ni panget." walang ganang sagot ko.

Sabay na napasinghap silang dalawa at napapailing.

"Tapos sumugod ka rin at tumulong sa pakipaglaban?" taas kilay na tanong pa ni Keith.

Uminom muna ako bago tumango.

"Nakita kong may lalaking muntik nang saksakin si panget. Hindi siya napansin ni panget kaya tumakbo ako. Tinawag ko pa si panget pero 'di pa rin niya nakita o napansin ang lalaki. Kaya nang makalapit ako ay tinulak ko na lang si Panget at sinalag ang kutsilyo." buntong- hiningang sabi ko pa.

Napapailing uli silang dalawa bago ngumisi.

"Nagagawa ng pag-ibig, eh. Tss!" Nakangising sabi pa ni Keith.

Tse!

Nilagok ko na lang ang laman ng wine glass ko bago inilapag sa mesa.

"Naiinis lang ako kanina dahil  bigla-bigla na lang siyang sumugod do'n ng dahil lang sa gago niyang ex! Tes!" may inis sa boses na sabi ko pa.

Narinig ko silang natawa, kaya nilingon ko sila.

"Nagseselos ka lang, dre." nakangising sabi pa ni Keart habang nagsasalin ng alak.

Sininghalan ko na lang siya.

Sa nag-alala ako kanina, eh kaya nainis ako.

I admit na nagselos din ako. Pero---aish!

"Pero bakit naman kaya binugbog ng mga 'yon si Deb?" takang tanong pa ni Keith.

Napangiwi ako at hindi nagsalita.

"Oo, nga naman. Ano naman kaya ang dahilan?" tanong din ni Keart.

"Tse! Baka naman dahil sa kagaguhan no'n kung ano-ano na lang ang ginagawa." walang ganang sabi ko.

Natawa silang dalawa.

"Galit ka lang sa kaniya---I mean nagselos ka lang kaya ka ganiyan, dre." napapailing na sabi pa ni Keith.

"Tse! Gago naman talaga 'yon, eh," malumay na sabi ko pa.

Napapailing na lang silang dalawa sabay inom.

Nagsalin na lang din ako bago nilagok. Tumingin uli ako sa dance floor.

Bigla kong nakita si panget na pumasok dito sa bar at may dalawang lalagyan ata ng ulam. Dumeretso ito sa counter at inilapag ang dala.

Naka-hairnet pa ito at naka-apron pa.

Lihim na napangiti ako dahil sa itsura niya. Nagluluto pala ang panget na'to?

Hmm.

'Di ko akalaing marunong magluto ang isang 'to. Siya rin ba nagluto ng mga pulutan namin? I admit na masarap ang ulam dito.

"Ayan! D'yan ka magaling! Kanina lukot 'yang mukha mo, tapos ngayon ngingiti-mgiti ka d'yan psh!" natatawang sabi pa ni Keart.

"Nakita lang si Ashi nagkakaganiyan na. In love ka na nga, dre!" nakangiting sabi pa ni Keith ng lingunin ko ito.

Tse!

Uminom na lang ako. Sinandal ko sa sandalan ang batok ko bago tumitig sa kisame.

In love nga ako. Sa taong parang bato pa at kung umasta akala mo lalaki.

Tse!

Napangiti na lang ako. 'Di ko talaga inakalang mahulog ako kay panget.

I've never thought that I was being like this now.

I've never thought that I fall with the so called boyish girl.

Tse!

"Yay! Katakot ma-in love ng kaibigan natin, dre. Nagiging sira na, oh!" rinig ko pang sabi ni Keart sabay hagalpak ng tawa.

Umayos ako ng upo at tumingin sa kaniya.

"Tse! As if naman ako lang ang in love dito." nakangising sabi ko sa kaniya.

Nag smirk lang siya sabay lagok ng alak.

"Well, in love din ako pero di tulad ng sa'yo na parang baliw." natatawang sabi pa nito na ikinatawa din ni Keith.

Napangiti lang ako at hindi nagsalita. Tumingin uli ako sa bar counter. Nandun parin si Panget na kausap si Xandra.

Nakita ko pang nagsalubong ang kilay nito sabay tingin dito sa gawi namin.

Nagtama ang mata namin dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko. Nakatingin lang ako sa kaniya habang hawak ko pa rin ang wine glass ko.

Mga isang minuto kaming nagkatinginan bago siya unang nag- iwas ng tingin habang salubong pa rin ang kilay.

Natawa na lang ako ng mahina.

"Ehem! Baka matunaw 'yan, dre." sabi pa ni Keith.

Napangiti ako lalo bago lumingon sa kaniya.

"Well, ayos lang. Siya ang unang nagpatunaw ng puso ko, eh." nakangiting sabi ko pa.

"Naks!" Keart

"Ang corny, dre." natatawang sabi pa ni Keith.

Nagkibit balikat na lang ako, saka lagok ang alak bago nagsalin ng panibago.

"Gano'n ang nagagawa niya sa akin, eh." natatawang sabi ko pa.

Napapailing na lang silang dalawa bago tumingin sa dance floor.

"Ngayon, sa wakas ay inamin mo na sa sarili mo at sa amin ang feelings mo sa kaniya. Anong plano mo?" tanong pa Keith.

"Oo, nga naman, dre." sang-ayon pa ni Keart.

Napatigil ako bago napabuntong-hininga.

"I don't know." tanging sagot ko.

Napa-isip pa silang dalawa bago bumuntong-hininga.

"Pero, dre, alam mo naman siguro kung sino at ano si Ashi, 'di ba?" tanong pa ni Keith.

Napatingin ako sa kaniya. 'Di ko na gets kung anong ibig niyang sabihin.

"What about her?" I aksed.

Bumintong-hininga silang pareho ni Keart.

"What I mean is yung tungkol sa kanila Deb..." Nag dadalawang- isip na sabi pa ni Keith.

Napatigil ako at hindi nagsalita.

About them?

Yeah, I know na about them na mag-ex sila.

"Then?" tanong ko.

Inubos niya muna ang laman ng wine glass niya bago inilapag sa mesa at sumandal sa sofa.

"Gusto ko lang sabihin na alam naman natin ang personality ni Ashi. She's different from others. Wala siyang paki sa nararamdaman ng iba para sa kaniya. I'm afraid that you---"

"Tse!" pigil ko sa kaniya.

"Dre, I'm not saying these to confuse you. I'm saying these for you to be aware." nagpapaintnding sabi pa ni Keith.

Napabuntong-hininga na lang ako. Alam ko naman 'yon sa sarili. Alam kong ako lang ang may nararamdaman kay Panget.

Aish!

Inubos ko ang laman ng wine glass ko bago nagsalin uli at nilagok. Napabuntong-hininga uli sila.

"Tama si Keith, dre. Hindi tulad ng iba si Ashi na bigyan ng pansin ang ganitong bagay. Isa pa... " sabi pa ni Keart sabay tingin sa akin.

"What?" walang ganang tanong ko.

Bumungtong-hininga siya bago nagpatuloy.

"Nevermind." sabi na lang nito.

Tse!

Nagpatuloy na lang kami sa pag-inom hanggang sa maubos namin ang tatlong bote. Nag-order pa uli kami ng tatlo pang bote ng vodka at pulutan.

Mataas ang tolerance namin sa alak kaya di kami madaling tamaan.

Pasado alas-dies na rin ng gabi. Mas lalo atang dumami ang customer nila sa bar.

Umalingaw-ngaw sa apaat na sulot ng bar ang tunog ng musika. Habang nagkakasiyahan sa dance floor ang ibang customers.

"Oo, nga pala. Malapit na ang sportfest natin. Mukhang puro practice na lang tayo next week." biglang sabi pa no Keart.

"Yeah, gano'n na nga. Dito sa university natin gaganapin ang sportfest." sabi pa ni Keith.

Napatango-tango naman ako. Mabuti na 'yon kung dito gaganapin. Kapagod kapag sa ibang university pa.

Tse!

"Balita ko rin ay magagling din ang mga players ng ibang university." Sabi pa ni Keart.

Tse!

Sisiw lang ang mga 'yon.

"Kaya nga paniguradong patay tayo sa practice next week. Alam niyo naman si coach." Sabi pa ni Keith.

"Tse! Magpapatalo ba naman tayo sa kanila? Never pa atang natalo ang university natin pagdating sa basketball." sabi ko pa.

"Hmm. 'Di pa rin tayo pakampante. Alam din nating may ibang marumi maglaro." sabi pa uli ni Keith.

Napatangi-tango naman si Keart.

"Yeah, tulad no'ng huling sportfest last year. Andudumi maglaro, kasabwat ata nila ang mga referee." napapailing na sabi pa ni Keith.

"Yaan niyo na lang sila. At least alam nating hindi tayo tulad nila. Gawin na lang natin 'yong kaya nating gawin." sabi ko sa kanila.

Napatingin naman si Keary sa akin.

"Galingan mo rin, dre. Ngayong nandito na uli si Lyle, siya na uli ang captain. Tapos ikaw ang maglalaro for MVP." sabi pa nito.

Natawa na lang ako dahil sa sinabi niya.

"Well, let see." Nakangiting sabi ko pa.

Tuluyan ng nawala ang inis sa systema ko ngayon.

Hanggang sa matapos kaming uminom. Lumabas na kami ng VIP room at dumeretso sa counter para bayaran ang bill namin.

"Oh? Tapos na pala kayo." sabi pa ni Kyla.

"Mmm. Hindi pa kayo uuwi?" tanong pa ni Keart sa kaniya.

Tumingin ako sa pinto ng pumasok si Panget. Wala na siyang suot na hairnet at apron.

Lumapit ito sa amin at nilagpasan ako. Tiningnan ko lang ito at kumuha siya ng tray.

"Ah, mamaya pa kami uuwi. Over time kami ngayon, eh." rinig kong sagot pa ni Kyla.

"Nah! Dapat 'wag na kayong mag-over time. Malapit na ang sportsfest natin 'di ba?" tanong pa ni Keart kay Kyla.

Natawa naman ang huli bago nagsalita.

"Kayang nga mag-over time kami ngayon dahil next week magiging busy na kami sa practice para sa sportsfest." sagot pa nito.

Tapos ko ng bayaran ang bill kaya tumalikod na ako at hinanap ng mata ko si Panget.

Nakita ko itong nag-serve. Pinagmasdan ko lang siya sa ginagawa niya habang nag-uusap naman sila Keart.

Minsan naiisip ko kung bakit nagtatrabaho pa ang mga 'to, eh mayaman naman sila.

Tse!

"Baka matunaw 'yang pinsan ko, tol." biglang bulong ni Xandra sa akin.

Nanlaki ang mata kong nilingon ito pero natatawang umiling lang siya.

Shit!

Nahuli pa niya ako.

Aish!

"H-ha? Tse! 'Di ko siya tinitigan, ah." tanggi ko pa.

Lalo siyang natawa at tinapik ang balikat ko na animo'y para siyang lalaki.

Tse!

Magpinsan nga sila ni Panget.

"Masyado kang defensive, tol." Sabi pa nito bago ako tinalukuran.

Tse!

Napakamot na lang ako ng batok bago nilingon sila Keith.

"Tara na." sabi ko sa kaniya.

Tumango ito bago kinilabit si Keart. Tiningnan ko na lang uli si Panget bago tumalikod at naunang lumabas ng bar.

************************************

Xandra's Pov.

Nagmamasid lang ako hahang nakatingin kay Bisugo na nakatingin kay insan. Napapailing na lang ako.

Sa uri ng mga tingin halatang in love ang ugok. Tss!

Nilapitan ko ito ng 'di niya namamalayan sabay bulong.

"Baka matunaw 'yang pinsan ko, tol." bulong ko sa kaniya.

Nanlaki ang matang nilingon ako nito kaya natawang napapailing na lang ako.

"H-ha? Tse! 'Di ko siya tinitigan, ah." tanggi pa nito.

Tss!

Tatanggi ka pa, tol? Psh!

Natawang tinapik ko ang balikat niya bago nagsalita.


"Masyado kang defensive, tol." sabi ko bago siya tinalikuran.

'Di ko talaga inakalang magkakagusto siya sa pinsan ko.

I mean, para silang aso't pusa kung magbangayan, bulyawan at mag-away.

Una pa lang namin silang makasalamuha noon ay magka-away agad sila ng pinsan ko.

Binubully pa niya si Ashi pati kami nadamay pa tapos ngayon...

Hayst!

Pag-ibig nga naman. Buti na lang wala akong interes sa gano'ng bagay.

Wala naman akong palag kung may gusto si Drix sa pinsan ko.

'Yon nga lang. Paniguradong mahihirapan siya sa pinsan ko. Hindi naman kasi ang typical girl na mapapansin ang mga gano'ng bagay sa paligid niya.

Kilala ko ang pinsan ko. Maraming mga bagay ang iniisip at pinagtuunan niya ng pansin kesa sa mga bagay na para sa kaniya wala niyang paki.

Noong hindi pa nga sila ni Deb noon ay 'di man lang niya napansin ang feelings ni Deb para sa kaniya.

Kundi pa namin siya kinausap ay 'di niya mapapansin. Hanggang sa mahulog na rin ang loob niya kay Deb noon.

Tomboy pa ang laging tawag kay Ashi sa dati naming school dahil sa kilos at pananalita nito.

Boyish type naman kasi ang pinsan kung iyon.

Pero nung naging sila ni Deb ay nabago ang pananaw ng iba sa kaniya. Tapos marami pa ang naiinggit psh!

Napapailing na lang ako.

Nakita kong nagpaalam na sila Keart at lumabas ng bar. Wala na pala si Drix at nauna na ito kanina.

Lumapit ako kay Kyla na nakatingin sa pinyo ng bar.

"Bakit kaya napa-inom dito ang tatlong 'yon?" tanong pa ni Kyla.

Nagkibit balikat ako.

"Ewan," sagot ko.

Napapailing na lang si Kyla.

"Teka, napansin mo ba si Drix kanina?" tanong pa nito.

Tumango ako sabay ngisi bago tumingin sa gawi ni Ashi.

"Defensive pa nga nang mahuli ko, eh." natatawang sabi ko pa na ikinatawa ni Kyla.

"Kawawa ang isang 'yon kay, Ashi." sabi ni Kyla.

"Mmm. Manhid pa naman ang pinsan kong 'yon. Isa pa, mukhang 'di pa naka-move on sa gagong-ex niya." napapaling na sabi ko pa.

Nagkibit balikat na lang si Kyla.

"Well, let see." sabi no Kyla.

Gano'n na nga.

Tss!

Nagpatuloy na lang kami sa trabaho namin. Pasado alas-dos na ngmadaling araw ng umuwi kami.

Halos mahulog na ang mata ko sa sibrang antok. Kaya pagdating sa bahay ay kaniya-kaniya kami ng pasok sa kwarto namin.

Kailangan din naman kasi naming mag-over time ngayon. Magiging busy na kami next week para sa sportsfest, kaya dapat sulitin na muna namin ngayon.

Hays!

Pasalampak na humiga ako sa kama at hindi na nag-abala pang magbihis.

Antok na talaga ako mga tol!

Tss!

***

Kinabukasan ay pasado alas-dies y medya na kaming nagising. Wala kaming agahan kaya nagluto na lang kami ng pananghalian.

Pagkatapos ay naglinis ng bahay. Nilisan ko rin ang motor ko at gano'n din sila.

Nang matapos kami ay naisipan naming mag groceries dahil wala na kaming time na makapag groceries next week.

Madali lang din naman kaming nag groceries sa mall at bumili na rin kami ng mga needs namin para sa practice at sa actual na sportfest.

Pagkatapos ay bumalik agad kami sa bahay para ihatid ang mga pinamili namin.

Nang mag ala-una ay gumayak na kami papuntang resto bar.

Nag-over time uli kami na hanggang alas-dose ng umaga.

Hayst!

***********************************

Ashi Vhon's Pov.

Monday na ngayon October one. Hindi na kami nagdala ng gamit namin. Practice lang naman kami nang practice these whole week.

Next week na gaganapin ang sportsfest namin. Paniguradong isang nakakapagod na mga araw ang sasalubong sa amin psh!

Nandito na kami sa campus. Nandito ako sa parking lot dahil naiwan ko ang bow at arrow ko.

May sarili akong bow at arrow kaya no need na gamitan ko ang nando'n sa archery hall.

Tsk!

Nakapamulsang lumapit ako sa motor ko bago kinuha ang nakasabit na bow at arrow sa motor ko.

Isinabit ko na lang ito sa balikat pagkatapos ay tumalikod na.

"Oh! Parang pumanig sa amin ang pagkakataon, ah. Timing na timing pala dahil magiging busy kayo these week. Hmm... " sabi pa ng familiar na boses.

Napabuntong-hininga na lang ako. 'Di pa rin pala tumigil ang mga unggoy.

Tsk!

Dahan-dahan ko itong hinarap at nakita ko itong nakangisi habang pinaglalaruan ang susi ng kotse nito.

"Hindi pa rin ba kayo titigil?" walang ganang tanong ko pa.

Natawa ito at gano'n din ang mga anim na bata niya sa likod.

Tsk tsk!

"Gano'n ba ako ka delikado para magdala ka pa ng bata mo dito habang kausapin ako?" nakangising tanong ko pa na nakatingin sa mga bata niyang natigilan.

Tsk!

Biglang tumawa si Luke habang nilingon ang mga bata sa likod nito.

"Hambog ka nga talaga, eh 'no? Tsk! Well, bakit naman kami titigil kung hindi pa kami nakakaganti sa'yo at sa bugok na Drix." nakangising tanong pa nito.

Napangisi naman ako bago nagsalita.

"Hmm. Mukhang hanggang ngayon wala ka pa ring alam, ah. Well, let me tell you. Bihira lang ako nagbibigay ng pagkakataon sa mga tulad niyo. If I were you, I must go and shut up and save your life." nakangising sabi ko.

Tinapik ko pa ang balikat niya bago tinalukuran at naglakad paalis.

"Ha! Sino ka sa akala mo para takutin kami?" napangisi ako at tumigil sa paglalakad.

"I don't mean to scare you. But if you use to it then, be with it." walang ganang sabi ko habang nakatalikod pa rin sa kanila.

"Tsk! Napakahambog mo talaga! Miss Ashi Vhon Acosta Ibañez!" Sigaw pa nito.

Natigilan ako dahil sa pagbanggit niya sa buong pangalan ko.

Dahan-dahan uli akong humarap sa kaniya. Nakangisi na ito na animo'y may alam siya.

Napapailing na lang ako.

"Anong alam mo?" seryusong tanong ko rito.

Bigla siyang tumawa ng malakas na animo'y natutuwa sa reaction at tanong ko.

Tsk!

"Nagtatanong siya kung anong alam ko mga bata! Bakit ko sasabihin, di ba?" nakangisi at patanong na sabi nito sa mga bata niya na tumawa rin.

Prenteng nakatayo pa rin ako habang blankong nakatingin sa kanilang nagtatawanan.

Buti na lang wala ng studyante dito sa labas.

"Bakit? Natatakot ka na ba kung may nalalaman na ako? Tsk! Sayang, may hitsura ka pa naman kaya lang mukha kang tomboy at hambog pa." nakangising sabi pa nito at tumawa ng malakas na sinabayan ng mga bata nito.

Nagkibit balakit na lang ako bago ngumisi.

"Tsk! Bakit naman ako matatakot kung may nalalaman ka na? Kilala mo na nga ba talaga ako? O, ang buong pangalan ko lang ang alam mo, Mr Luke Bruzo Moratillo." nakangising sabi ko pa na ikinatigil niya sa pagtawa at inis na tumingin sa akin.

Mas lalo ko lang siyang nginisihan. Well, magaling magtago ng info ang isang 'to. Pero wala pa rin siyang lusot sa akin.

"Paano mo nalaman ang buong pangalan ko?" hindi natutuwang tanong pa nito.

Nginisihan ko lang siya bago nagsalita.

"Well, I almost know every detail about you and your family. What's the meaning of asking? I thought you know who I am?  Or maybe it means, you don't know me well, right?" nakangising tanong ko sa kaniya.

Nakita kong napalunok siya, kaya  napapapiling na lang ako.

Useless.

Tsk!

"Anong alam mo sa akin at sa pamilya ko?" matalim ang tingin na tanong pa niya.

Lihim na ngumisi ako bago sumagot.

"You need to know? Hmm. Bakit ko sasabihin, 'di ba?" panggagaya ko sa sinabi nito kanina.

Lalo siyang nainis at napakuyom pa ang kamao nito.

Tsk!

Sinasayang niya lang ang oras ko.

Napapailing na lang ako bago tumalikod. Hindi pa ako nakakatatlong hakbang ng magsakita uli ito.

"Hindi mo ako matatakot, tomboy ka! Humanda ka sa akin! Babalikan kita!?" galit na sigaw pa nito.

Natawa ako bago siya nilingon.

"As if I'm scared." nang-aasar na sabi ko bago tuluyang naglakad paalis at pumasok sa campus.

Psh!

Napapailing na lang ako.

Pumunta na lang ako sa field dahil nando'n ang lahat. Pagdating ko ay may kaniya-kaniyang ginagawa ang lahat.

Mukhang tapos na ang announcement, ah psh!

"Oh? Bakit ang tagal mo naman ata?" takang tanong pa ni Kyla.

"May kinausap lang." walang ganang sabi ko pa.

Tumango na lang ito. Nandito rin pala sila Lyle.

"Sabi ng principal ay isang linggo ang practice nating lahat. Sa susunod na linggo ay gaganapin na ang sportsfest." sabi pa ni Bella.

Tumango naman ako at inayos ang bow ko. Ngayon ko lang 'to dinala dito.

"Ash, si Sir Nathan, ang coach mo." sabi pa ni Xandra.

Tumango na lang ako.

"Ano, dre? Magsimula na ba raw tayo?" tanong pa ni Keith sa kakarating lang na si Bisugo.

"Yeah, sa gym na tayong lahat. Kayo na tumawag sa ibang player." kaswal na sagot nito sabay tingin sa akin at tumalikod na.

"Practice na kami, ah!" paalam pa ni Keart.

Tumango na lang kami sa kanila.

"Mauna na rin ako," paalam ko at akmang aalis ng magsalita si Theresa.

"Wait! Sa'yo ba 'yan, Ash?" tanong pa nito sabay turo ng bow sa balikat ko.

Tumango lang ako.

"Wow! Ang astig naman niyan, Ash!" bulalas pa ni Stella.

"Halatang mamahalin, ah!" sabi pa ni Bella.

Tipid na ngumiti na lang ako bago suminyas.

"Galingan mo, Ash, ah!" pahabol pa ni Theresa.

Patalikod na kumaway na lang ako at naglakad patungo sa secondary campus.

Tahimik na naglalakad ako at hindi pinansin ang mga nakatingin sa akin.

"Hala! Siya ba ang player sa achery?"

"Omo! Marunong pala siya?"

"Ang astig niya lalo!"

"Oo nga!"

"Ang ganda ng bow niya, oh!"

"Yeah! Pati ang arrow niya, oh! Halatang mamahalin."

"Wahh! Support ako sa kaniya!"

"Ako din!"

"Ano kayang hitsura nitang maglaro ng archery?"

"Oo nga. Baka mas lalo lang siyang tombot tingnan."

"Astig kamo!"

Mga bulungan ng mga studyanteng nadaanan ko.

Tsk!

Dumeretso na lang ako sa archery hall. Pagdating ko ay may nakita akong isang lalaki na nakaupo sa isang upuan.

Napatingin pa ito sa gawi.

Pumasok na lang ako at hindi ito pinansin.

Ibinaba ko na lang sa upuan ang bag ko bago tiningnan ang paligid. Wala namang ibang tao dito maliban sa aming dalawa.

"Hi!" biglang bati pa nito.

Nilingon ko ito at tinanguan.

"Ikaw ang boy player?" tanong ko dito.

Tumango ito at ngumiti. Napatango-tango na lang uli ako.

"Susunod na lang daw si Sir Nathan mamaya." sabi pa uli nito.

"Mmm... " tangong sagot ko.

"Lagi ka ba nagpractice dito?" Tanong pa nito.

Umiling ako. Sa kabilang room ako naglalaro. Ito kasi ang main hall ng
archery. Room lang 'yong pinaglalaruan ko sa kabila.

"Sa kabila ako nagpractice." kaswal na sagot ko.

"Mmm... Kaya pala hindi kita nakikita dito. Pero, bakit nakapasok ka do'n?" tanong pa nito.

Tsk!

"Binuksan ko ang pinto." simpling sagot ko na ikinatawa nito.

"What I mean is, walang nangahas na pumasok do'n dahil pinagbabawal ng apo ng may-ari nitong school." sabi pa nito.

Ahh.

Tsk!

"Mmm..." tangong sagot ko.

Hindi na ako nagtanong pa kung bakit. Kapagod magsalita, eh.

Kinuha ko na lang ang bow ko, sabay kuha ng tatlong arrow.

"Ang expensive naman niyang bow at arrow mo." bigla pang sabi nito, sabay tayo.

"Hmm... hindi naman." kaswal na sagot ko.

Nagkibit balikat na lang ito bago kinuha ang kaniya.

Tsk!

Mas expensive ang sa kaniya, eh. Bago na bago, samanatalng ito sa akin ay mula pa ito sa Mommy ko psh!

This is my favorite bow and arrow. Ito lagi ang ginagamit ko kapag may contest akong sinasalihan.

Hindi na namin hinintay pa si coach at nagsimula na kaming dalawa sa pag practice. Pareho naman naming alam ang mga dapat gawin.

Tsk!

To be continued...

A/N: Konnichiwa! Ito na muna ang na update ko ngayon. Sportsfest na tayo mga Blueeem babies! Kaya keep reading!

Don't forget to Vote, comment and Follow!




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top