chapter 129 "Drix&Alvin"

A/N: Hello blueeem babies! Have a blessed day!!

Liam's Pov.

Hindi na ako masayadong nakakasabay kela Ashi dahil masyado ma akong naging busy sa mga minor at major sub ko sa med at pre-law na tini-take ko.

Pati si Jiro ay hindi ko na rin masyadong nakakausap ang utol kong 'yon. Pareho kaming busy sa mga tini-take namin.

Kahit na pereho kami ng tini-take na course ay iba naman ang hospital o law firm na ina-asign sa akin for my trials as a senior pre-med at pre-law.

Hayst!

Buhay nga naman! Buti nalang pogi pa rin ako psh!

"Doc Liam, pinapatawag ka ni doc Fuego sa operating room." Sabi pa ng isang nurse na dumungaw sa pinto ng office ko.

"Ok, thanks." Sabi ko nalang sabay ngiti.

Oo nga pala, nandito ako sa Chevalier's hospital for my med learnings and trials.

Isa din ako sa mga senior ng mga freshmen med. Alam niyo ang med ang talagang masters ko. Kaya kahit paano ay bihasa na ako.

Nakagawa na rin ako ng operation na ako lang ang nag-handle. Pero may mga professional doctor namang nag guide pa rin sa akin.

Buhay ang hawak ko kaya binantayan at gina-guide nila ako sa mga operations or some important matters na need ko ng professional doctor.

Bumuntong hininga nalang ako at nagsuot uli ng medical gloves. Sinuot ko na ang doctors dress at sinabit ang stethoscope sa leeg ko. Nagsuot ako ng mask at hairnet.

Napapangiti nalang ako minsan kapag ganito ang suot ko. Feeling ko doctor na talaga ako psh!

But no worries dyan din ang  bagsak ko.

Tsk!

Mabilis na naglakad nalang ako papunta sa operating room. Pagdating ko ay lumapit ako kay doc Fuego.

"Mr Hertz, I want you to handle this operation. You already know the process when it comes on this matter. I know, you have well-experience but still be careful for your actions. You will handle a life of a person who want to live that long. So, make sure you will do the right process for this operation. Good luck!" Sabi pa niya sa akin.

Tumango ako at huminga ng malalim. Tumabi siya kaya lumapit na ako sa pasyente.

Nagsasalita si doc Fuego habang tinitingnan ko ang pasyente.

Heart transplant.

'Yan ang gagawin kong operation. Psh!

Nagsimula na ako sa mga gagawin ko. Seryusong seryuso ako habang tutok na tutok sa bawat kilos na ginagawa ko.

Naging mabilis din ang kilos ng mga assistant ko at binibigay ang mga kailangan ko. Habang si doc Fuego ay kampanteng nakaupo at nakatingin sa bawat kilos ko.

Medyo may pagka strict pa naman si doc Fuego. Siya ang nag-handle sa lahat ng mga med participants sa SFU.

Buti nalang wala pa akong mga palpak na trabaho.

And I won't let it happen.

Ayaw kong magkamali o pumalpak. Ever since ay hindi naman ako pumalpak. No'ng nasa germany pa ako ay mas malala pa dito ang hinahawakan kong operation.

Marami naman ang nagtiwala at bumilib sa akin. I mean, hindi naman kasi ako pabaya sa mga ginagawa ko. Lahat sini-seryuso ko lalo na pagdating sa buhay ng mga tao.

Mas naging tutok at seryuso pa ako ng i-transfer ko na ang heart for the patient. Kalmado lang ako habang mabilis ngunit maingat naman ang naging kilos ko.

When it comes to an operation you need to stay calm and concentrate. You don't need to panic and make it fast without the precise action.

Kailangan kalma ka lang at maingat dahil buhay ang hawak mo.

Nang matapos na ang lahat ay tinahi ko ang hiwa sa dibdib ng pasyente. May anesthesia namang tinurok sa kaniya kaya wala siyang sakit na mararamdaman.

Besides, tulog naman siya habang patuloy sa pag circulate o active ang katawan niya.

Napahinga ng maluwag ang lahat ng matapos kong tahiin ang sugat.

Tumayo naman si doc Fuego at lumapit sa pasyente. Tiningnan din niya ang monitor kung saan makikita na successful ang operation dahil sa life count and sign.

Pagkatapos ay tinapik ni doc ang balikat ko at bahagyang ngumiti.

"Job well-done. Congrats Mr Hertz, magaling ka talagang doctor, balang araw isa kang titingalaing successful doctor. I know, walang wala ang mga pinapagawa ko sa'yo dito kompara no'ng nasa germany ka pa." Sabi pa nito.

Ngumiti at tumango nalang ako. Tinapik pa niya ang balikat ko bago naunang lumabas.

"Congrats doc Liam!" Bati pa ng mga assistant ko kanina.

"Thank you. Congrats din sa inyo, we make it well." Nakangiting sabi ko pa.

Ngumiti sila at tumango. Nagpaalam na akong lumabas. Ang mga nurse na ang mag bahala sa pasyente dahil tapos na rin naman ang trabaho ko.

Hinubad ko ang gloves at hairnet ko at dumeretso nalang ako sa office ko.

Napatingin ako sa relo ko at pasado alas kwatro na ng hapon. Tamang tama na out ko na ngayon. Inilapag ko sa table ko ang stethoscope.

Hinubad ko ang doctors dress at sinabit sa swivel chair ko. Pagkatapos ay napa-inat ako at pinatunog ang braso at kamao ko.

Medyo pagod ako ngayon. Kanina pa ako umaga dito dahil maraming pasyente akong hinahawakan. Ina-assist ko rin ang mga freshmen kaya mas lalong nakakpagod.

Hinubad ko ang suot kong t-shirt para magpalit sana ng biglang may nagbukas ng pinto.

Pagharap ko ay nakita ko ang gulat at nanlaking mga mata ni Kaye Zenn.

Tsk!

Nakatulala pa ito habang nakatingin sa katawan kong walang pang itaas.

"Done staring?" Tanong ko sa kaniya.

Bigla siyang napaiwas ng tingin at nakita ko pa ang pamumula ng mga pisnge niya psh!

Napapailing nalang ako. Isa siya sa mga kasamahan kong seniors rin at nag-aassist ng mga bago.

"Bakit di ka kumatok?" Tanong ko pa uli sa kaniya.

Napayuko siya habang napakamot ng batok.

"A-ah, akala ko k-kasi wala ka." Nauutal na sabi pa nito.

Psh!

Himalang nauutal ang babaeng 'to ngayon. Eh minsan parang mashing gun ang bibig eh.

Tapos tataasan ka pa ng kilay psh!

"What do you need?" Tanong ko na lang uli habang nagsusuot ng damit.

Pagkatapos ay lumapit ako sa table ko at naupo. Nakayuko pa rin siya.

"Tsk! Pwede ka ng tumingin sa akin." Sabi ko sabay sandal sa upuan ko.

"Psh! Sungit!" Rinig kong bulong nito pero di ko na pinansin.

Nag angat siya ng tingin habang nakatingin ako sa hawak niyang folder.

Nakita ata niyang nakatingin ako sa hawak niya kaya dahan dahan siyang lumapit at inabot sa akin ang folder.

"Papers 'yan ng ibang mga freshmen. Sa'yo ko nalang ibibigay sabi ni doc Fuego." Kaswal na sabi pa nito.

Halatang pinigilang huwag magtaray tsk!

"Yeah, you can go now." Kaswal na sabi ko sabay abot ng folder.

"Psh! Wala man lang thank you?' mataray na tanong pa niya.

Di ko siya pinansin at binuklat ang folder. Ini-scan ko ito at nagawa na pala nila ang mga minor task nila.

Good.

No need ko na palang i-assist uli.

Matapos kong i-scan ang laman ng folder ay niligpit ko na ito. Pag-angat ko ng tingin ay nakatayo pa rin si Kaye Zenn sa harap ko habang nakataas ang kilay.

Tinaasan ko rin siya ng kilay habang nag cross arm na nakasandal sa swivel chair ko.

"What?" Taas kilay na tanong ko.

Inismiran naman niya ako at inambahan ng suntok pero hindi ako kumilos.

"Sungit sungit! Panget naman tch!" Sabi pa niya bago nag flip hair at naglakad palabas ng office ko.

Napapailing balang ako bago tumayo. Kahit kailan ang babaeng 'yon tsk!

Inayos ko nalang ang table ko bago kinuha ang bag ko at ang susi ng kotse sa ibabaw ng mesa ko. Kinapa ko ang pocket ko at nandito na pala ang phone ko.

Tiningnan ko muna ang loob bago naglakad palabas.

Bukas ay sa law firm naman ako at saktong sa law firm ng mga Ibañez ako naka asign bukas. Tatawagan ko nalang si Jiro mamaya. Baka pre-law trials din niya bukas.

Lagi naman siyang nag pre-law sa firm nila.

Sumakay nalang ako ng elevator pababa sa ground flour. Nang makababa ay binati pa ako ng ibang staffs at nurses sa front desk.

Binigyan ko nalang sila ng tango bago lumabas ng hospital. Dumeretso ako sa parking lot.

Pumasok ako sa kotse at inilagay sa likod ang bag ko. Tumingin ako sa labas at nakita ko ang mataray na tahimik na naglalakad.

Mukhang walang dalang kotse ang babaeng to ah. Tuloy tuloy lang ito sa paglalakad hanggang sa huminto ito sa tabi ng kalsada.

Nangpara ito ng taxi pero may sakay na ata kaya deretso lang ito.

Napapailing nalang ako at pinaandar ang kotse akmang lalagpasan ko na siya ng bigla itong matumba at nakahawak pa sa ulo niya.

Napahinto ako at mabilis na lumabas.

The fvck!?

Dinaluhan ko siya at wala na siyang malay. Namumutla siya hinipo ko  ang noo at leeg niya napamura ako dahil ang taas ng lagnat niya.

Napabuntong hininga nalang ako at binuhat siya. Akmang dadalhin ko na siya sa loob bg hospital ng mapaisip ako.

Malamang ayaw nitong mag stay sa hospital kaya hindi man lang nagpa tingin kanina.

Psh!

Lumapit nalang ako sa kotse ko at binuksan ang passenger seat. Dahan dahan ko siyang sinandal sa upuan at kinabitan ng seatbelt. Pagkatapos ay sinarafo ang pinto at binalikan ang nga gamit niya.

Napatingin pa ako sa picture na nasa lupa.

Litrato nilang dalawa ng Mommy niya. Si Dean Zarraga.

Napabuntong hininga uli ako. Ilang months palang mula ng mamatay si Dean. Malamang ay nagluluksa pa rin siya.

Hayst!

Kaya pala nagtataray at laging nagbunganga ang babaeng ito para ata makalimutan niya ang nangyari sa Mommy niya.

I feel sad for her.

Pinulot ko nalang lahat ng gamit niya at iniglagay sa back seat. Pagkatapos ay umikot ako at pumasok sa driver seat.

Pinaandar ko na ang kotse ko at umalis ng hospital. Ihahatid ko nalang siya sa mansion nila para maalagaan siya.

When you see a patient and your help is needed, you must be the first to help him/her.

Naalala ko ang sinabi ni Mom sa akin noon bago ako umalis sa germany. Napabuntong hininga nalang ako.

She needs my help kaya no choice psh!

Nangako pa naman ako kay Mom noon na gagawin ko ang sinabi nito.

Nagdrive nalang ako pauwi sa bahay ko.

Tsk!

************************************

Kyla's Pov.

Patapos na kami sa duty namin dito sa resto at lahat kami ay pagod na rin. Pasado alas onse na nga ng gabi.

Tinapos ko nalang ang pagserve ko dito sa bar bago bumalik sa counter ay naupo sa stool.

"Woah! Ubos na energy ko mga pre!" Bulalas ko pa ng lumapit si Jhon at Eric.

Natawa pa silang dalawa at naupo rin. Bakas din abg pagod sa mukha nila.

"Kami nga rin eh! Kanina pa kami dito kaya heto!" Napapailing na sabi pa ni Jhon.

Biglang timapik ni Xandra ang balikat nilang dalawa na animo'y lalaki bago nagsalita.

"Ganon talaga mga pre, tawag don masipag sa trabaho!" Parang lalaking sabi pa nito na ikinatawa ng dalawa.

Napapailing na natawa nalang din ako.

Hindi na kasi nag aral ang dalawang to. Ganon na din sila Irish at Faye.

Sila kasi ang nagpapakain sa pamilya nila kaya ayon. Sulit din naman ang sahod nila kaya ayos lang sa kanila ang trabaho nila.

Laking pasalamat nga nila dahil may trabaho sila. Kumapara noon na ruma-racket lang daw sila.

"Ganon na nga. Oh siya, alis na kayo oh! Hinihintay na kayo ng tibo niyong kaibigan." Natatawang sabi pa ni Eric na nginuso si Ashi na nakaupo na sa sofa ng kainan habang nakapikit.

Napapailing nalang si Xandra habang nakatingi nsa pinsan.

"Mukhang tibo lang 'yan tingnan. Pero ang puso niyan iba tumibok kapag ang kaharap ang ex niyang tsunggo!" Nakangiwing sabi pa ni Xandra.

Napangiwi rin ang dalawa at napapiling dahil sa sinabi ni Xandra.

Yeah!

Tama si Xandra. Alam naman naming may nararamdaman pa si Ashi kay Debbien. Nakikita namin 'yon everytime na magtagpo ang landas nila ni Deb.

Tch!

Iba mag mahal ang isang 'yon. Minsan lang 'yan magmahal pero wagas naman kong magmahal siya.

She can do everything except sa maghabol. Never siyang naghabol kay Deb matapos siyanh hiwalayan ni Deb.

Nalungkot at natakot nga kami noon kasi lumipas ang mga araw at linggo ay hindi na siya masyadong nagsasalita.

Tapos laging gustong mapag isa. Kapag sa school naman ay laging nakakahanap ng gulo.

Mga loko din kasi 'yong mga kalaban niya. Nanahimik siya tapos ginugulo nong mga lokong 'yon.

Saktong brokenhearted ang lola niyo no'n kaya ayon! Nakipag away at napa resbak din kami.

Muntik pa nga mapatay ng lola niyo 'yong lokong lalaki na binalak halikan ang lola niyo sa may inuman noon kaya ayon!

Ginawang bahay ng loko ang hospital! Napapala ng mga lalaking palakero at gustong manghalik.

Ang isang Ashi pa talaga ang binalak niyang halikan ah!

Tch!

Hanggang sa tuluyan nga siyang nagbago at ayan na ang Ashi ngayon.

Hayst!

Nag paalam na kami sa dalawa at sa iba pa bago lumapit kay Ashi na nakaupo at nakapikit.

"Ash, tara na." Tawag ko pa sa kaniya.

Nagmulat siya ng mata bago bumuntong hininga at tumayo na.

Sininyasan niya lang sila Joyce at Mina na nasa counter ng kainan bago lumabas ng resto.

Sumunod nalang kami sa kaniya dala ang mga bag at susi ng motor namin.

***

Nang makarating kami sa bahay ay dumeretso na ito sa kwarto niya. Di man lang nagpaalam sa amin.

Napapailing nalang si Xandra. Alam naming maraming iniisip si Ashi. Halata din namang wala siyang masyadong tulog.

Pabagsak na naupo nalang ako sa sofa at ganon din si Xandra.

Bumuntong hininga pa ito bago pumikit at sumandal sa sofa.

"Occupied na naman ang isip ng pinsan mo, Xand." Sabi ko pa sabay bukas ng phone ko.

May text si Keart. Shocks! Ngayon ko lang nabasa.

Nagreply nalang ako bago nilapag sa mesa ang phone ko.

"Alam mo naman 'yan di nawawalan ng isipin. Parang pasan pasan niya ang lahat ng isipin sa mundo." Nakangiwing sabi pa ni Xandra.

Napatango ako dahil sa sinabi niya.

"Yeah, minsan nga parang wala sa passing ang kaibigan natin. Pareho lang sila ni Drix." Napapailing na sabi ko pa.

Bigla namang nagmulat ng tingin si Xandra bago tumingin sa hagdan at muling tumingin sa akin.

Umayos pa siya ng upo bago nagsalita.

"Isa pa 'yan, napapansin kong may kakaiba sa isang 'yon." Nakangising sabi ni Xandra.

Natawa nalang din ako. Mukhang gets ko ba kung ano ang ibig sabihin niya.

"Yeah, pansin ko rin 'yon. Mukhang 'yon din ang tinutukso ng magpinsan kay Drix." Natatawang sabi ko pa na tinutukoy sila Keart.

Napapansin ko  rin kasi na tinutukso ng  dalawa si Drix lalo na kapag nandyan si Ashi.

Habang ang lola niyo naman ay walang paki. Tapos ang lolo niyo ay parang ewan pfft!

"Psh! Matagal ko ng napapansin kay Drix ang bagay na ito. Lalo na tuwing titingin siya kay Ashi. Parang kumukislap ang mata ng loko!" Napapailing na sabi pa ni Xandra.

Hamalukipkip ako at tumango

"Same, sinabi din ni Keart sa akin na umamin na si Drix sa dalawa no'ng gabing lumabas sila sa birthday ni lolo Adolfo." Nakangiting sabi ko pa.

Natawa naman si Xandra habang nagkatinginan kami.

Sabay pa kaming tumingin sa hagdan at ng wala naman si Ashi ay nagkatinginan uli kaming dalawa habang nakangisi.

"In love ang loko!" Sabay na bulalas namin kaya sabay din kaming natawa.

Hininaan namin ang boses namin baka marinig kami ng lola niyo. O baka tulog na pfft!

"In love sa kaibigan natin ang isang Drixon Chevalier." Nakangising sabi ko pa.

"100% in love ang Bisugo."sabi pa ni Xandra.

Tumango ako. Ganon na nga. Alam namin na matagal ng may gusto si Bisugo kay Ashi. Kaya lang di maamin ng lolo niyo. Sinabi ni Keart sa akin na ilang beses na nilang pinaamin ang loko pero deny parin ng deny.

Kaya no'ng birthday ni lolo Adolfo ay pinaamin daw nika kaya ayon! Umanin kasi nagselos pala ang loko no'ng isayaw no Deb si Ashi.

Alam naman naming nagselos talaga siya. Hindi naman 'yon gumanon no'ng gabing 'yon kung hindi.

Kaya pala nanigariliyo ang lolo niyo kasi kinabahan at naiinis psh!

'Yan kasi deny ng deny tapos aamin din naman pala sa huli.

Believe din ako kay Drix.

Imagine, simula palang ay hindi talaga niya gusto si Ashi dahil naapakan ng lola niyo ang ego ng lolo niyo.

Away at bangayan hanggang ngayon. Pero nahulog pa rin ang loob niya sa lola niyo. Haba ng hair ng lola niyo no?

Psh!

Hahahaha.

May pa diri dirng nalalaman pa noon si Drix kapag tinutukso ng mga kaibigan niya kay Ashi.

Hayst!

Tapos ngayon tch!

Tamang kinain niya lahat ng sinabi niya noon pfft!

Nagpaalam nalang si Xandra na matutulog niya at ganon din ako.

Umakyat at pumasok na ako sa kwarto ko. Nagbihis lang ako ng pantulog bago nahiga sa kama ko.

Napaisip ako.

Ano kaya ang mangyayari kapag nalaman ni Ashi na may gusto sa kaniya ang Bisugo niya?

Psh!

Manhid at wala pa namang paki si Ashi sa nararamdaman ng kung sino para sa kaniya.

Isa pa, sure akong hindi nahahalata ng lola niyo ang feelings ng lolo niyo.

Higit sa lahat, alam namin ni Xandra na may nararamdaman pa si Ashi kay Debbien.

Oh-no!

Mukhang things getting worst para kay Drix!

Abangan nga natin kung ano ang mga moves ng lolo niyo. Halata namang wala siyang planong sabihin kay Ashi o sa amin ang feelings niya sa kaibigan namin.

At alam din naming 'yon din ang dahilan kung bakit parang naging cold si Drix this fast few days.

Hayst!

Buhay nga naman.

Makatulog na nga lang. Baka lantang gulay pa ako sa klase bukas tch!

In-off ko nalang ang lampshade bago umayos ng higa at natulog na.

************************************

Ashi Vhon's Pov.

Nakasampa na ako sa motor ko para aalis na sana ng mapansin ko ang mga ngisi ng dalawang kasama ko.

Napakunot ang noo kong nakatingin sa kanilang dalawa. Nag iwas naman agad sila ng tingin ng makitang nakatingin ako sa kanila.

"Mukhang wala pa rin sa mood ang kaibigan natin, Xand." Sabi pa ni Kyla.

"Tinuyo 'yan kaya wag kang maingay." Nakangising sabi pa ni Xandra.

"Sus! Baka mawala 'yan kapag--ehem! Alam mo na."sabi pa ni Kyla kay Xandra bago sumampa sa mga motor nila.

Di ko maintindihan ang pinag uusapan nila.

Tsk!

Napapailing nalang ako bago pinaharurot paalis ang motor ko.

Pagdating ko sa parking lot ng campus ay nakita ko ang nagkakaguluhang mga studyante.

Salubong ang kilay na bumaba ako ng motor at hinugot ang susi bago inilagay sa bulsa ko.

Tsk!

Naglakad nalang ako papasok ng biglang makarinig ako ng familiar na boses.

Awtomatikong napalingon ako sa pinagkukumpulan ng mga studyante dito sa labas ng gate.

"F*ck!? Ikaw na nga ang bumunggo sa akin ikaw pa may gana manapak hayop ka!?" Galit na sugaw ni...

Bisugo?

Kunot noong naglakad ako palapit habang panay ang bulong at tili ng iba.

"Ash!" Biglang tawag pa ng isang babae sa akin.

I think ka-grade level lang din namin siya.

"What happen?" Tanong ko pa dito.

"Si Drix at Alvin." Nagpantig ang tenga ko sa huling binanggit niyang pangalan.

Lintik!

Ba't ba ang tigas ng butsi ng lalaking to at ayaw tumigil!

Akala ko pa naman tumigil na ang loko.

"P*tang ina mo ka!? Ba't ka kasi haharang-harang sa dinadaanan ko!?" Rinig ko pang sigaw ni Alvin.

Anak ng tinapa naman oh!

Mabilis na lumapit ako at hinawi ang mga studyanteng nakaharang. Nakarinig pa ako na may nagmura sa akin dahil sa paghawi ko pero di ko na pinansin.

Tsk!

"Oh my God!" Bulalas pa ng nila.

Pagtingin ko kela Bisugo---anak ng!

Mabilis kong nahawakan ang wrist ni Alvin ng akmang ihahampas niya sa ulo ni Bisugo ang batong hawak nito.

Lintik!

May kalakihan pa naman ang bato---kung sa kaniya ko kaya ihampas ang bato ng siya ang ilibing sa sabado!

"What do you think are you doing?"blankong tanong ko habang mahigpit na hinawakan ang wrist niya.

Nakita ko ang sakit sa mukha niya dahil sa higpit ng pagkakahawak ko sa wrist niya. Tiningnan ko siya sa mga mata at agad naman siyang napaiwas.

Tinulungan ng iba na tumayo si Bisugo habang nanatiling blankong nakatingin ako kay Alvin.

"Alam mo ba ang mangyayari kapag 'yan hinampas mo sa apo ng may-ari ng school na pinapasukan mo?" Blanko pa ring tanong ko.

Ramdam kong nanigas siya at mas lalong hindi makatingin sa akin.

"Tch! Bitawan mo ako." Mahinang sabi pa nito.

Pero di ako nakinig at mas hinigpitan pa ang paghawak ko sa kaniya. Tiningnan ko ang bato na hawak niya parin.

"Sagutin mo ang tanong ko. Ano ang mangyayari kapag hinampas mo kay Bisugo ang batong 'yan?" Blanko pa ring tanong ko.

Inip na tiningnan niya ako at pilit tinanggal ang pagkakahawak ko sa wrist niya.

"Alam ko ang mangyayari kaya bitawan mo na ako!" Inis na sabi pa niya.

Napangisi ako. Matigas ka pala ah, wala kang kadala-dala.

Tsk!

Kinuha ko ang bato na hawak niya at tinitigan bago nagsalita.

"Alam mo naman pala. Ano kaya kung sa'yo ko ihampas ang batong 'to?" Patanong na sabi ko sabay amba na ihahampas sa kaniya ang bato kaya mabilis na hinarang niya ang isa pa niyang kamay sa ulo niya.

Napasinghap pa ang iba. Psh! Lihim na napangisi ako takot pala ang loko tapos ang lakas ng loob tsk tsk!

"Sa susunod na makita kitang tigasin tatandaan mo lang ang lahat ng sinabi ko noon. Kundi ko ginawa ang sinabi ko noon sa'yo baka sa susunod hindi mo lang magiging bahay ang hospital. Tandaan mo 'yan!" Seryusong sabi ko bago pabatong binitawan ang wrist niya.

Mabilis na tumayo siya habang hawak hawak ang wrist niyang namumula na. Mukhang magkakapasa dahil sa higpit ng hawak ko kanina.

Tiningnan ako nito ng matalim bago mabilis na umalis kasunod ng mga kasama niya.

Napapailing nalang ako at binitawan ang bato bago nagpagpag ng kamay. Akmang aalis na ako ng mapatingin ako kay Bisugo.

Putok ang gilid ng labi nito habang may pasa sa pisnge. Napapailing nalang ako at tumalikod na.

Nagbubulungan pa ang mga bubuyog pero nakapamulsang naglakad nalang ako papasok sa loob ng campus.

Tsk!

Napapatabi pa ang iba kapag nakita nilang dadaan ako. Animo'y takot sa akin.

Ano ba tingin nila sa akin? Halimaw? Abah! Sa ganda kong 'to para maging halimaw sa paningin nila tsk!

Di ko nalang sila pinansin at hinawakan ang strap ng bag ko na nakasabit sa balikat ko.

Tahimik na naglalakad nalang ako at kunwaring di naririnig ang mga bulungan ng mga bubuyog.

Hanggang saan ba ang sukdulan ng bubuyog? Naririndi na ako sa kanila eh!

Gusto ko lang sana sirain ang bahay nila psh!

Hindi pa man ako nakakalahati sa hallway ay may biglang umakbay sa akin.

"Good morning, Sweety!" Nakangiting bati pa ni Liam.

"Morning." Maikling bati ko.

Natawa naman siya at kunwaring inayos ang kilay ko.

"Bakit salubong na naman 'yang mga kilay mo?" Natatawang tanong  pa niya.

Tsk!

"Nothing." Walang ganang sabi ko pa.

Ginulo nalang niya ang buhok ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Mabilis na tinaas naman niya ang dalawang kamay niya habang natatawa.

"Easy, Sweety." Nakangiting sabi pa nito.

Napapailing nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

"Bakit pala hindi ka na sumasabay sa amin?" Takang tanong ko pa sa kaniya.

Napangiti naman siyang napatingin sa akin habang may nag-aasar na tingin.

"Na-miss mo ako no?" Nakangsing tanong pa niya sabay taas baba ng dalawang kilay niya.

Blankong tiningnan ko nalang siya at hindi na nagsalita pa.

Napakamot na inakabyan niya uli ako bago nagsalita.

"Naging busy lang ako, Sweety. Kahapon nga buong araw akong nasa hospital. Tapos ngayon naman ay sa law firm niyo ako pupunta for my pre-law trials." Napabuntong hiningang sabi pa nito.

Ang sipag nga naman mag aral ng isang 'to!

Pero alam ko naman na kahit nahihirapan siya ay kaya niyang pagsabayin ang dalawang course na kinuha niya. Pareho lang sila ni Jiro.

Hanep rin kasi sa katalinuhan ang dalawang 'to. Mukhang sinalo nilang dalawa ni Jiro ang lahat ng umulan ng katalinuhan at kasipagan.

Tsk!

Pero teka nga!

Nilingon ko siya habang kunot noong nagsalita.

"Bakit nandito ka kung sa firm nila lolo ang punta mo?" Kunot noong tanong ko.

Napakamot siya ng batok bago ngumiti.

Ang kinis nga naman ng mukha ng loko. Makinis ang balat na akala mo babae psh!

"May kukunin lang ako sa professor  tungkol sa pre-law trials ko." Sagot niya.

Napatango naman ako at huminto ng mag iba na ang way namin.

"Oo nga pala, pakisabi kay Drix na nasa bahay si Kaye Zenn. Nilalagnat 'yon kahapon matapos ang duty namin sa hospital." Sabi pa niya.

Napatango nalang ako. Di na ako nagtaka kung bakit nandon sa bahay niya.

"Ge." Tanging sagot ko.

Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo kaya sinamaan ko siya ng tingin. Andaming nakatingin sa amin kahit sanay naman na akong ginagawa niya 'yon. Dalawa sila ni Jiro na 'yon ang ginagawa sa aming tatlo.

Tsk!

"Wag ka na magalit minsan na nga lang kita makausap-----"

"Tse! PDA!" Biglang singhal pa ni Bisugo na biglang dumaan sa gitna namin ni Liam.

Nagtatakang nilingon namin siya ni Liam at nakapamulsang naglakad lang ito papunta sa locker ata.

"Anyare don?" Takang tanong pa ni Liam.

Psh!

"Tsk! May saltik na naman yata." Napapailing na sabi ko na ikinatawa ni Liam.

Nag-paalam nalang ito at dumeretso sa building nila. Nagpatuloy nalang din ako sa paglalakad.

Dumaan pa ako sa locker para kumuha ng gamit ko.

Tagal ata ng dalawa ah psh!

Umakyat na ako sa building namin at dumeretso sa room. Nandito na rin si Bisugo pero di ko nalang siya pinansin. Maya maya naman ay biglang pumasok sila Xandra kasama sila Bella.

Lahat sila nakangiting lumapit sa akin at naupo.

Hindi ko nalang sila pinansin hanggang sa dumating na ang lec namin.

As usual, nandito na ang tabang lec namin. Buti naman at hindi nakasabit ang kilay niyan. Mukhang walang dalaw o nag mi-menopause na tsk!

Nakinig nalang kaming lahat sa discussion at naging maayos naman. Naging peaceful ang umaga ko ngayon dahil himalang hindi naninigaw ang terror na 'to.

Nagbigay lang ito ng quiz na hanggang 100 items bago tinapos ang klase niya.

Buti nalang hindi 300 ang quiz tsk!

Sumunod ang next sub namin at hindi na kami pina-break time. Dahil naghahabol din naman sila dahil sa nalalapit na sportfest.

Discuss lang ng discuss ang lec at tulad ni Miss taba ay nagbigay ng quiz pero hanggang 60 lang naman ang binigay niyang items.

Madali lang din naman dahil about sa mga pang abay at kung ano pa ang topic namin.

Hanggang sa lunch time na. Lahat kami ay nagutom dahil nga walang break time kanina psh!

Agad na lumabas ang mga klaklase namin kaya tumayo na rin ako.

"Tara na! Gutom na gutom na ako eh!" Nakangiwing sabi pa ni Stella.

"Ako din, kunti pa naman ang kinain ko kaninang agahan." Sabi pa ni Theresa sabay himas sa tyan niya.

Tumango nalang kami at lumabas ng room. Nakasunod lang ang apat na magkakaibigan.

Dumaan pa kami sa locker pagkatapos ay dumeretso na sa cafeteria.

Pagdating namin sa cafeteria ay marami ang kumakain.

"Kami na mag order." Sabi pa ni Stella.

Tumango nalang kami at dumeretso sa table namin.

Nang makaupo ay nagdaldalan agad sila Keith kaya sumandal nalang ako sa upuan ko. Napatingin ako sa dulo ng cafeteria at nakita ko si Alvin na ang sama makatingin.

Agad din namang nag iwas ng makitang nakatingin ako psh!

Napatingin ako kay Bisugo ng nakatungo lang ito na parang may iniisip.

Kinalabit ko siya dahilan para mag angat ito ng tingin sa akin. Salubong pa ang kilay psh!

"Nasa bahay ni Liam si Kaye Zenn. Nilalagnat daw kahapon matapos ang duty nila kaya ayon." Kaswal na sabi ko.

Tumango lang ito bago nag iwas ng tingin at sumandal sa upuan niya.

Tsk!

Maya maya ay dumating na sila Stella at nilapag ang orders. Kaniya kaniya nalang kami ng kuha at kumain na. Lahat naman kami gutom psh!

Bakit wala akong soft drinks?

"Ba't wala akong soft drinks?" Takang tanong ko pa.

Napakamot ng noo si Theresa bago ngumiti at tumingin sa soft drinks ni Bisugo.

Abah ang laki ata sa kaniya ah.

"Hehehe. Share nalang kayo ni Drix naubusan na eh." Sabi pa ni Theresa.

Tatango na sana ako ng wala naman akong makitang baso.

"Nasaan ang baso?" Tanong ko pa.

"Hehehe. Naubos na rin ang disposal cup nila kaya heto." Sabi pa ni Stella sabay abot ng dalawang straw.

Tsk!

Anong klaseng---paanong naubusan? Psh!

Kunot noong tiningnan ko nalang ang straw na inabot ni Stella. Si Keart nalang ang kumuha bago binuksan ang soft drinks ni Bisugo at inilagay ang dalawang kulay blue na straw.

Napapailing nalang ako habang sila ay nakangiti lang.

Tsk!

Nakita ko pang napangiwi si Bisugo ng ngumuya ito. Dahil ata 'yon sa pasa sa gilid ng labi niya.

Psh!

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain at nakikinig sa mga pinag uusapan nila.

"Ang tigas pa rin ni Alvin ano para bangasan ang mukha ng lolo niyo." Sabi pa ni Stella.

"Yeah, buti nalang dumating ang lola niyo kaya ayon! Parang dagang takot mahuli ng pusa ang unggoy na Alvin." Napapailing na sabi pa ni Kyla sabay sulyap sa akin.

Tsk! Nandon na pala ang mga gaga kanina di ko man lang nakita.

"Yaan na natin 'yon. Next time sa hospital na agad bagsak non." Natatawang sabi pa ni Xandra.

"Ang cool mo talaga, Ash!" Nakangiting sabi pa ni Lyle.

"Sinabi mo pa! Parang wala lang sa kaniya 'yong mga kilos niya eh hahaha." Natawang sabi pa ni Keith.

"Ano dre? Kinilig ka ba----"

"Shut up! Will you!?" Inis na pigil ni Bisugo kay Keart.

Natawanan naman silang lahat maliban sa akin at syempre ang katabi ko rin. Hindi ko nalang sila pinansin at nag uusap uli sila.

Nagsalubong na naman ang kilay ko ng mapansing sa amin ni Bisugo ang naging usapan nila kahit di nila binabanggit ang pangalan namin.

Ano bang nangyayari sa mga 'to? Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy na uli sa pagkain.

Ang sarap pa naman kapag libre. Talagang mabubusog ka talaga psh!

Nang matapos kaming lahat ay sabay sabay na din kaming pumasok sa next class namin.

Tulad kanina ay naghahabol din ang mga lec namin sa pag discuss. Halos sulat kami ng sulat tapos nagbibigay din naman ng quiz pagkatapos ng discussion.

Natapos ang afternoon class na maayos at walang mga bangayan. Napahinga pa kami ng maluwag ng lumabas na ang last lec namin.

Ansakit na ng kamay ko kakasulat psh!

"Parang namanhid ata ang kamay ko ah." Nakangiwing sabi pa ni Xandra.

Namumula pa ang mga kamay niya at ganon din sa amin tsk!

"Tawag dyan masipag." Sabi ko sabay tayo matapos kong ligpitin ang mga gamit ko.

Narinig kong natawa nalang sila kaya tumalikod na ako at naunang lumabas ng room.

"Sabay na ako teh!" Biglang sulpot pa ni Mello.

Napahawak nalang ako sa dibdib ko sa gulat.

Tsk!

Tinanguan ko nalang ito at nagpatuloy sa paglakad. Hanggang sa makababa ng building. Inilagay ko nalang sa locker ang mga gamit ko bago uli naglakad.

Nakayuko lang ako habang nakapamulsang naglalakad. Nakita kong natanggal ang pagka tirintas ng sapatos ko kaya bahagya akong umupo at inayos.

Pagkatapos ay agad na akong tumayo.

"Sh*t!?"

Mura ng nasa likod ko na tamang nauntog ang ulo ko sa kaniya.

Lintik!

Ang sakit non nga pre!

Nilingon ko ang nasa likod ko at si Bisugo pala.

Tsk!

Tiningnan ko nalang ito at nilagpasan lang ako. Psh! May saltik pa rin  tumalikod nalang din ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Hanggang sa makalabas na ako ng campus. Sumandal ako sa motor ko para hintayain ang dalawa.

Napasinghot ako ng makaamoy ako ng sigarilyo. Pagtingin ko sa may paradahan ng kotse ay nakita ko si Bisugo na nakasandal sa kotse at naninigarilyo.

Tsk!

Hindi ba niya alam na nakakasama ang paninigarilyo? Psh!

Lumapit ako sa kaniya na nakatilikod sa akin at walang pasabing hinablot ko ang sigarilyo sa kamay niya at inapakan.

"Tse! Ano bang problema mo?!" Inis na tanong pa niya.

Pinaningkitan ko siya ng mata bago nagsalita.

"Cigarette is dangerous to your health." Sabi ko bago tumalikod at bumalik sa motor ko.

Saktong palabas naman ang mga kasamahan namin kaya sumampa na ako sa motor ko.

Sininyasan ko sila Xandra na mauuna na ako. Ganon na din ang iba bago ko pa pinaharurot paalis ang motor ko.

Tsk!

To be continued...

A/N: Hello blueeem babies! Do enjoy reading and please support niyo rin ang ibang stories ko kung ayaw niyong basagin ko ang mga bungo niyo!

Tsk!

Love lots and God bless!

Don't forget to Vote , Comment and Follow.





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top