Chapter 128 "Bio"
A/N: Konnichiwa! Enjoy reading and give me some comments guys para ma inspired pa ako lalong magsulat.
Tsk!
Nabo-bored minsan ang cool 😎 niyong author psh!
Ashi Vhon's Pov.
Days passed na na-wiwirduhan ako kay Bisugo. Habang patay malisya namang parang tinutukso ng magpinsan si Bisugo.
Tuwing tatanungin ko sila ay pasikot sikot naman ang mga sagot nila at nag iiwas ng tingin.
Minsan ay nagsusungit rin si Bisugo na akala mo may ginawa ako sa kaniya.
Tsk!
Mga baliw na ata ang magkakaibigan psh!
Monday na ngayon at nandito ako sa library kung saan walang studyanteng nagbabasa. Wala kaming pasok sa unang subject dahil wala na naman ang terror lec namin sa Science.
Wala si Miss taba na laging may dalaw psh! Wala nga siya pero sandamakmak naman ang activities ang iniwan niya.
Natuwa pa naman ako kanina na wala siya para makapag-pahinga ako. Wala akong maayos na tulog kagabi sa dami ng iniisip ko psh!
Ako lang mag isa dito dahil nasa room sila Xandra. Mga thirty minutes na ako dito habang nagbabasa ng libro. Tapos tini-take note ko ang mga kailangan ko para sa activities.
Psh!
Nangangalahati pa nga lang ako sa ginagawang activities. Wala pa naman akong agahan kanina dahil na late na ako ng gising.
Nang matapos ako sa isang libro ay binuksan ko ang isa pang libro. Physics ang lesson namin kaya physics din ang iniwan na activity ng terror na 'yon.
Tsk!
Nagpatuloy na lang ako kahit pa pupungay pungay ang mga mata ko. Halos mahulog na ang mata ko sa sobrang antok lintik na 'yan!
Nang di ko na kinayanan pa ay binitawan ko ang libro at dumukdok sa mesa. Ginawa kong unan ang dalawang braso ko at umidlip.
Psh!
***
Bigla akong napabalikwas ng bangon ng makarinig ng langitngit ng upuan. Muntik pa akong mahulog sa kinauupuan ko kundi lang ako nahawakan ng kung sinong mabait na nilalang.
Umayos ako ng upo at tiningnan ang mga notes ko. Napakunot ang noo ko ng di ko mahanap ang mga sinasagutan ko kanina.
Nakaligpit na rin ang mga notes ko sa mesa habang wala na ang mga librong ginamit ko.
Nakaramdam ako ng titig mula sa likod ko kaya lumingon ako.
Takang nakatingin ako sa lalaking cool na naka-tayo habang naka-cross arms pa sa likod ko.
"What are you doing here?" Salubong ang kilay na tanong ko pa.
"Tse!" Singhal nito at naglakad bago naupo sa kaharap na upuan.
"I said, what are you doing----"
"Tse! Malamang nagbabasa psh!" Masungit na sabi pa nito.
Sinamaan ko lang siya ng tingin. Ayan na naman siya sa kasungitan niya.
Sarap din kutusan ng isang 'to. Di ko alam kung bakit siya nagkakaganon.
Ang naalala ko lang ay mula ng ihatid niya ako no'ng gabing birthday ni lolo Adolfo ay bigla na siyang nagsusungit pagka monday no'ng pasukan.
Tsk!
Hindi ko na lang siya pinansin.
"Nasaan na naman ang lintik kong mga papel na sinasagutan dito kanina. Di pa ako tapos don peste!" Inis na bulong ko pa at tiningnan sa bag ko wala naman.
Napabuntong hininga na lang ako at binalingan ang kaharap ko na nakahawak sa baba habang nakatingin sa akin?
Napakunot ang noo ko.
"What are you looking at?" Kunot noong tanong ko pa.
Tiningnan niya ako ng kaswal bago sumandal sa upuan niya.
"Nothing." Maikling sabi pa nito.
Tsk!
"Nakita mo ba ang mga papel na sinasagutan ko kanina----"
"Nakapasa na sa table ni Miss taba." Balewalang pigil pa niya sa sasabihin ko.
At ano daw? Nakapasa na ang mga----
"What? Sino namang lintik na tsunggo ang nagpasa ng papael ko? The heck!? Di pa ako tapos----"
"Tse! Ang dumi dumi ng bibig mo!" Putol niya pa sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin. Pero nag smirk lang siya habang nag cross arms na naman.
"The hell I care!? Nasaan ang papel ko lintik na 'yan!" Inis na sabi ko pa at halos ibubuhos ko na ang laman ng bag ko pero wala.
Tiningnan ko ang ilalim ng mesa pero wala pa rin.
Narinig ko ang mahinang tawa ni Bisugo kaya tiningnan ko siya at naka poker face na uli.
Baliw ba 'to?
Tsk!
Akmang tatayo ako ng may ma-realize ako.
Tiningnan ko ng matalim si Bisugo habang kunwaring nakatingin sa ibang dereksiyon.
"Ikaw ba ang nagpasa ng papel ko?" Mahinahon at seryusong tanong ko pa.
Hindi siya nagsalita at patay malisyang nakatingin pa rin sa kung saan.
"Bingi ka ba Bisugo?" May inis na tanong ko pa.
Nilingon niya ako at inosenting tumingin sa akin.
"Ako pala kausap mo?" Tanong pa niya.
Ay lintik!
Ano ba sa tingin niya? 'Yong multo kausap ko?
Hanep na 'yan!
"Ginagago mo ba ako?" Blankong tanong ko.
Napakamot siya sa batok niya bago nagsalita.
"Hindi, ginagaga ka at hindi ginagago kasi babae ka." Pabalang na sagot pa nito.
Napa-irap na lang ako sa inis. Pinalitan na ako sa pagiging pabalang sumagot eh no?
Tsk!
"I'm serious!" Blankong sabi ko.
Napaayos siya ng upo bago uli nagsalita.
"Tse! Napasa ko na, kanina pang alas nuebe y medya ko pinasa." Kaswal na sabi pa niya.
What?
Napanganga naman ako. Napatingin ako sa relo ko at nanlaki ang mga mata ko ng makitang alas onse na pala!
Anak ng tinapa!
Papaanong----?
"Tsk! Bakit mo pinasa eh di pa ako tapos do'n!?" Inis na sabi ko pa.
"Psh! Hindi ako tanga para ipasa 'yon ng di pa tapos tse!" Pa-irap at pabalang na namang sabi nito.
Hano daw?
"Sinagutan mo ang papel ko?"
"Hindi, 'yong mga tanong sa activities mo lang." Kaswal na sagot niya.
Hanep rin sumagot peste!
"Ginagago mo ba ako?!" Inis na talagang sabi ko.
Napangiwi siya at napailing.
"Sabing gina-gaga ka kasi babae ka panget! 'Tsaka, alangan namang 'yong papel mo ang sasagutan ko diba? Malamang 'yong mga tanong sa activities ang sinasagutan ko! Psh!" Sarcastic na sabi niya at napapailing pa.
Napakuyom na lang ang kamao ko sa inis.
Tsk!
Dagdag mo pang hindi ako nakapasok sa mga next sub!
Hanep naman kasi! Kung bakit ngayon lang ako nagising.
Psh!
Napatigil lang kami pareho ng tumunog ang tyan ko.
Peste!
Wala pala akong agahan kanina.
Tsk!
Narinig ko ang mahinang tawa ni Bisugo kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Napatingin pa ako sa table ni Miss librarian. Wala pala siya, kaya pala walang naninita sa ingay namin ng Bisugo na 'to!
Bigla akong napatingin sa mesa ng may inilapag si Bisugo.
Natakam ako ng makita ang dalawang burger, dalawang sandwich at isang malaking coke na nasa bote.
Hmm!
Tamang tama gutom na gutom ako ah!
(Playing: From this moment on by Shania Twain)
Umayos ako ng upo at nawala bigla ang inis ko dahil sa mga pagkain sa harap ko.
"Naks! Buti naman may pagkain, gutom na ako----arayyy! Anak ng..." Daing ko pa ng biglang pitikin ni Bisugo ang kamay ko ng akmang kukuha ako ng burger.
Sinamaan pa niya ako ng tingin at may kinuha sa gilid at inilapag sa mesa ang...
Kanin? At ulam?
Aba! Ayos to ah!
"Kumain ka na muna ng kanin! Tse!" Sabi pa nito at binuksan ang taper ware ng kanin at ulam.
Naglaway ako ng makita ang ulam.
Adobong manok.
Naks!
"Naks! Sarap nito ah!" Sabi ko pa at kinuha ang kutsara't tinidor.
Kumuha ako ng kanin at ulam bago sumubo. Binuksan din niya ang coke at nag ibis sa disposable cup.
Para ata sa akin lahat 'to ah---
"Ahh." Biglang sabi pa ni Bisugo habang nakanganga.
Napakunot ang noo kong nakatingin sa akin.
"Anong ginagawa mo?" Takang tanong ko pa.
"Subuan mo ako." Sabi pa niya at ngumanga uli.
Hanep!
Ano siya bata? At ano daw? Akala ko ba sa akin lahat ng 'to?
"Tsk! Di ka na bata at akala ko ba akin lahat 'to?" Kunot noong tanong ko sabay subo.
Sinamaan niya ako ng tingin at umayos ng upo.
"Ano ka may halimaw ba sa tyan mo? Sa dami niyan ikaw lang kakain? Tse!" Nakangiwing sabi pa niya.
Napangiwi na lang din ako dahil sa sinabi niya.
"Eh di kumain ka." Kaswal na sabi ko sabay subo.
Hindi siya nagsalita at nakatingin lang sa akin.
Tsk!
"Sabi ko kumain ka na." Sabi ko pa uli.
"Tse! Paano ako kakain eh wala naman akong kutsara!" Nakangiwing sabi pa niya.
Napatigil ako sa pagnguya. Oo nga pala, kaniya pala ang pagkain na ito tapos ako ang kumain.
Napakamot na lang ako sa batok.
"Ah eh pa'no nagamit ko na ang kutsara mo." Sabi ko pa.
Natawa siya at kinuha ang kutsarang ginamit ko saka kumuha ng kanin at ulam bago sumubo.
Anak ng tinapa!
"Dalawa tayo gagamit gutom na ako eh." Sabi niya at sumubo uli.
Napanganga na lang ako. Hindi pala maarte ang isang 'to. Ilang beses na pala kami nag share psh!
Di naman din ako maarte kaya ayos lang sa gutom ako paki niyo ba?
Tsk!
"Ahh." Sabi pa ni Bisugo sabay lapit ng kutsarang may kanin sa bibig ko.
"Tsk! Ako na! Hindi ako kimay." Sabi ko at akmang kukunin ang kutsra ng ilayo niya.
"Isubo mo na lang kasi! Bilis gutom pa ako!" Sabi pa niya.
Sinamaan ko siya ng tingin at no choice ako kundi isubo na lang.
Hanggang sa matapos kaming kumain at share din kami sa disposable cup dahil wala ng iba pang cup.
Nang matapos ay siya na ang nagligpit at inilagay lahat sa paper bag.
Napahimas pa ako sa tyan ko. Nabusog ako ah! Tig-iisa kasi kami ng burger at sandwich kaya ayon!
Naubos lahat psh!
Nagpahinga na lang kami habang tahimik pareho. Wala akong ganang magsalita tsk!
Pero bigla kong naalala na dapat ako magpasalamat. Siya na nga sumagot sa activities ko at libre pa niya pagkain ko.
Tiningnan ko siya at nakatingin pala siya sa akin. Parang kakaiba ang tingin ng ugok na to ah.
Ano na naman kaya ang iniisip nito? Parang ang lalim ata nt iniisip habang nakatingin sa akin.
Tsk!
"Ehem!" Tikhim ko pa kaya napaiwas siya ng tingin." thanks." Sabi ko pa at lumingon siya sa akin.
Mga ilang segundo pa bago siya tipid na ngumiti at tumango.
Napakunot ang noo ko. Pero di ko na pinansin.
Maya maya ay naisipan na naming lumabas ng library.
Alas dose pa lang naman pero di pa kami nakakalayo sa library ay huminto ako at tumingin sa kaniya.
"Kung tatanungin mo kung ba't di ako pumasok sa next sub kanina ay walang klase. Wala ang pilipino lec dahil may emergency daw. Wala ding iniwan na gawain." Sabi pa niya ng mabasa ata ang dahilan kung bakit ako tumingin sa kaniya.
Kaswal na tumango na lang ako at nagpatuloy kami sa paglalakad.
Bilib din ako sa bisugong to. Siya lang nakakabasa ng isip ko pero di naman lahat psh!
Mabuti naman at wala palang klase.
Nang makarating kami sa locker ay itinapon niya ang paperbag sa trash can bago binuksan ang locker niya at kumuha ng gamit para sa next class.
Ganon na din ang ginawa ko. Parang di na naman nagsusungit ang isang 'to.
May bipolar disorder ata tsk!
Nitong huling mga raw kasi laging masungit. Parang iniiwasan din ako at palaging nauuna pa sa amin kung lumabas ng room o umuwi.
Tapos ngayon naman ang bait. Sinagutan ang activities ko tapos nilibre pa ako.
Mukhang kailangan ata niyang ipa-check up.
Baka nga may bipolar disorder siya psh!
Umakyat na lang kami sa building namin at naabutan namin sila Xandra na nag uusap. Nagtatawanan pa sila kasama ang mga boys.
Lumalabas na ang tunay na Xandra.
Psh!
Sabi ko na nga ba eh. Kapag tumatagal ay unti unti ng lalabas ang pagka-ma daldal ng isang 'to at ang pagka-palatawa niya.
Pero wag mong galitin 'yan kung ayaw mong sa menteryo ang bagsak mo.
Pumapangalawa sa akin ang isang 'yan.
Lihim na napapailing na lang ako. Napatingin pa sila sa amin ni Bisugo pero blankong nagtungo na lang ako sa upuan ko.
"Ehem! Saan kayo galing? Mukhang nagsosolo kayong dalawa----"
"Shut up, dre!" Pigil ni Bisigo kay Keart na tumawa lang ng malakas.
"Hahahaha. Sabi ko sa'yo insan wag mo ng tanungin. Pfft!" Natatawang sabi pa ni Keith sa pinsan niya.
Pero nanunuksong tiningnan nila si Bisugo kaya nakatanggap sila ng matalim na tingin.
Binalingan ako ni Kyla habang may ngiti sa labi.
"Saan kayo galing?" Tanong pa niya.
Ay hanep!
Bagay na bagay sila ni Keart psh!
Blankong tiningnan ko lang siya at hindi nagsalita bago tumingin sa harap.
"Ayy! Snob ang peg, Ky!" Rinig kong sabi pa ni Theresa.
"Oo nga, anyare sa lola niyo?" Si Stella.
"Mukhang magka-vibes sila ng pinsan ko ah!" Parang natatawang sabi pa ni Bella.
"Parang nong nakaraan lang ay para silang mga ewan psh!"napapailing na sabi pa ni Xandra.
Hindi ko na lang sila pinansin at nag paalam na ang tatlo na babalik sa upuan nila.
Hanggang sa pumasok na ang next lec namin. Tumahimik ang lahat at nakinig na lang sa history class namin.
Nagti-take note nalang ako habang nakikinig sa discussion. About sa world war ll ang topic.
Nag advance reading naman na ako dyan kaya take note lang ako ng take note habang ang isip ko ay tumatakbo sa iba't ibang bagay.
Hindi ako nakatulog kabagi dahil sa pag iisip sa mga pesteng tsunggo na sumusunod sa amin.
Kapag naman nakikita ko sila ay bigla bigla na lang umaalis.
Tsk!
Mga duwag!
Sarap pigsain isa isa hanggang sa malagutan ng hininga mga hangal!
Binabalak talaga nilang kalabanin ako psh!
"Class dismis!" Rinig ko pang sabi ng history lec namin.
Nabalik lang ako sa realidad ng lumabas na ito ng room.
Anak ng...
Hindi ko man lang namalayang tapos na pala ang klase psh!
Pumasok na ang next sub namin at nakinig na lang ako. Ramdam ko pa ang tingin mula sa likod ko pero di ko
na pinansin pa.
Hanggang sa matapos ang klase namin sa hapon.
Nagsilabasan na ang mga klase namin habang kami ay nagliligpit pa ng mga gamit namin.
Nang matapos ay tumayo na ako. Muntik pa akong matumba sa gulat ng pagtayo at paglingon ko sa gilid ay ang mukha ni Bisugo ang bumulaga sa akin.
Tsk!
"Tse!" Singhal pa niya at umatras ng kunti.
Tiningnan ko na lang siya at naunang naglakad palabas. Sumunod naman sila at bumaba na kami ng building.
Matapos ilagay sa locker ang mga gamit namin ay nagbihis si Xandra at Kyla bago kami dumeretso sa field.
Two weeks na lang at mag September na para sa gaganaping sportfest namin.
Lahat ng graduating ay kasali sa sportfest.
Manonood kami ng baseball practice nila Xandra. Hindi na muna ako mag iinsayo sa archery ko.
Wala din naman daw'ng practice sila Bisugo sa basketball. Sila Bella ay bukas naman uli ang practice nila para sa volleyball nila.
"Lahat ng players ng baseball ay pumunta sa coach!" Sigaw pa ng isang member ng baseball.
Napangiwi na lang si Xandra sabay bitaw ng bag niya sa may bench at sabay sila ni Kyla na lumapit sa coach nila.
Naupo na lang kami sa bench at pinanood ang ubang naglalaro na nasa secondary.
Magaling din naman maglalaro ang nga secondary. Parang well-trained sila ng coach nila.
Sa kilos at tindig pa lang ng coach nila ay halatang bihasa sa pagturo sa baseball.
I think isa siyang lecturer sa college.
Pinagsaklop ko na lang ang kamao ko bago pinatong ang baba ko at tumingin sa gawi nila Xandra.
Kinausap sila ng coach nila. Maya maya ay kaniya kaniya na silang pumunta sa pwesto nila para simulan ang practice.
Catcher si Xandra habang si Kyla naman ang pitcher. Parang exchange lang sila. I mean, sub sub lang muna.
Habang nasa base naka bantay ang ibang kasamahan nila Kyla. Ang kabilang grupo naman ay humanda na rin.
Nauna ang mukhang leader sa grupo nila. Hinagis ni Kyla ang maliit na bola kasabay ng pagpalo ng unang manlalaro ang bola.
Hindi sa gawi bi Xandra ang dereksiyon ng bola at saktong napalakas din ang palo kaya di nasalo ng kasamahan nila Xandra ang bola.
Tumakbo ang pumalo ng bola sa mga base hanggang sa mapahinto ito sa third base dahil na natamaan ang pitcher stand.
Sumunod naman ang next na naglaro hanggang sa sunod sunod.
Napasigaw na naman sila Theresa ng masalo ni Xandra ang bola at mabilis sa hinagis sa base two dahilan para di maka takbo ang runner at ma-out ito.
Tuloy tuloy lang ang laro hanggang sa turn na nila Xandra. Seryusong nakatutok lang ako sa laro at ganon din ang mga katabi ko.
Napapangiwi nga lang ako sa lakas ng sigaw ng tatlo na kanina pa sigaw ng sigaw tuwing papalo ng bola sila Kyla at Xandra.
Tsk!
As usual, magagaling pa rin maglaro ang dalawa pagdating sa baseball. 'Yan ang master nila. Ang paglalaro ng baseball. Sa dating school namin ay iyon din ang nilalaro nilang dalawa.
Laging magkasama at magka-vibes.
Minsan ay pinagtripan pa nila ang mga kalaban nila.
Napapailing na lang ako hanggang sa natapos ang practice nila. Pawis na pawis na lumapit sa amin ang dalawa matapos makipag high-five sa mga kasamahan nila.
"Wahh! Ang galing niyong maglaro!" Sigaw pa ni Stella.
"Oo nga, ang bilis niyong tumakbo!!" Sigaw pa ni Theresa.
"Galing pumalo ng bola ah! Di man lang masalo ng mga bantay sa base at catcher!" Nakangiting sabi pa ni Bella.
Natawa na lang silang dalawa bago inabot ang bottled na bigay sa kanila ni Keart.
"Ang gagaling niyo palang maglaro ng baseball ah!" Nakangiting sabi pa ni Lyle.
"Oo nga naman, ngayon ko lang nalamang mas magaling pa papa kayo sa larong 'yon." Sabi pa ni Keith.
"Tss! Paano mo malaman eh ngayon ka lang naman nanood sa practice namin tuleg!?" Sigaw pa ni Xandra kay Keith.
Natatawang napakamot ng batok na lang si Keith haban nakangiwi.
"Hahaha. Di pa rin kayo tapos sa mga bangayan niyo ano? Tch!" Sabi pa ni Keart habang natatawang napailing pa.
"Tss!" Singhal na lang ni Xandra.
"Nice play!" Sabi pa ni Bisugo na kaswal na nakaupo lang sa tabi ko.
"Woah! Himalang nag komento ah!" Natatawang sabi pa ni Kyla.
Mahinang natawa nalang si Bisugo. Nagpahinga na muna ang dalawa bago kami lumabas ng campus.
Pasado alas singko na rin at sa resto na kami dederetso ngayon.
"Uy! Bukas kami naman ang panonoorin niyo ah!" Sabi pa ni Stella.
"Yeah!" Sagot naman ni Kyla.
"Pagkatapos ng klase sa hapon pa rin ang practice namin." Nakangiting sabi pa ni Bella.
"Mmm. Manonood kami bukas!"sabi pa ni Xandra.
Tumingin naman si Theresa sa mga boys.
"Kayo?" Tanong pa nito.
"Ah yeah! Wala naman kaming practice bukas hanggang sa Thursday. Wala 'yong coach namin may inaasikaso lang para sa sportfest natin." Sagot pa ni Lyle.
Napatango sila hanggang sa makarating kami sa parking lot.
"Oh siya, mauna na kami." Paalam pa nila Stella.
Tumango na lang ako.
"Mag ingat kayo ah!" Bilin pa ni Kyla.
"Yeah, kayo rin." Sabi pa Bella.
Pumasok na sila sa mga kotse nila at umalis na.
Lumapit na rin ako sa motor ko at sumampa.
Saktong napatingin ako sa kabilang kalsada kung saan may nakita akong dalawang lalaki na nakasalay sa motor na itim.
Smirk.
Mga bobo rin ang mga 'to. Nagmamanman na nga lang nahuhuli pa.
Tsk!
************************************
Drixon's Pov.
Nakatingin lang ako kay panget ng sumampa ito sa motor niya. Hindi man lang ako nilingon ng babaeng 'to psh!
Kainis!
Naiinis ako sa sarili ko kasi pilit kong pinipigilan ang sarili kong lumayo at sungitan siya ay di ko kaya.
Parang anytime na lalayuan ko siya ay gusto kong lumapit uli sa kaniya. Parang gusto ko laging nasa tabi niya.
Tuwing susungitan ko naman siya ay napapaisip ako na huwag siyang sungitan. Pero pilit ko pa rin siyang sungitan.
Baka kasi in that way mawawala ang pagka gusto ko sa panget na 'to.
Pero di ko pa rin kayang pigilan ang sarili ko na malayo o pigilan ang nararamdaman ko sa kaniya.
Sa isang linggo o araw na pagsusungit ko sa kaniya ay nagu-guilty naman ako. Kasi wala naman siyang ginawang masama para layuan at sungitan ko siya.
Dagdag mo pa ang mga panunukso ng mga kumag kong mga kaibigan. Hindi alam ni Lyle ang tungkol dito.
Tanging ang magpinsan lang naman ang nakakaalam aish!
Parang ayaw kong malaman ni Lyle ang nararamdaman ko para kay panget. Para kasing tama ang sinabi ng magpinsan na may gusto si Lyle kay Panget.
Aish!
Hindi pwede!
Dapat akin ka lang!
"Akin ka lang!" Inis na bulalas ko habang nakatingin sa likod ni panget.
"Huh? Anong sinasabi mo dyan, dre?" Biglang tanong pa ni Keart.
Natigilan naman ako at napalingon sa kaniya. Nakangisi na siya habang nakatingin kay panget bago tumingin sa akin.
Tiningnan ko sila at lahat sila ay nakatingin sa akin ng nagtataka lalo na si panget. Pero ang dalawang magpinsan ay nakangisi lang.
Napakamot na lang ako ng batok.
"A-ah, wala!" Sabi ko at nag iwas ng tingin sa kanila.
Nauna na akong pumasok sa kotse ko at sinarado ang bintana.
Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa katangahang sinabi ko kanina!
Lintik!
Muntik na 'yon ah! Buti na lang pala 'yon lang ang naibulalas ko psh!
Tiningnan ko si panget na nakakunot noong nakaharap sa motor niya.
Napapailing nalang ako bago ngumiti.
"Hindi na nga lang kita layuan. Hahayaan ko nalang ang sarili kong mahulog sa'yo. Tutal, wala namang mawawala kapag sumubok uli akong magmahal. Sana nga lang ay hindi na naman ako masaktan." Bulong ko bago tuluyang umalis at unuwi ng bahay.
In-on ko na lang ang player ko.
Tumugtog ang 'Pagtingin' by Ben & Ben.
Hinayaan ko na lang ang music hanggang sa makarating ako sa bahay.
Pagpasok ko sa loob ay agad na akong dumeretso sa kwarto ko. Nagpahinga pa ako saglit bago nag halfbath.
Pagkatapos ay nahiga ako sa kama ko. Hinila ko pa ang malaking panda po at niyakap.
Maraming tumatakbo sa isip ko kung ano ang gagawin ko.
Hayst!
Ang hirap pala gustuhin ni panget psh!
*Tok! Tok! Tok!
Rinig kong katok sa pinto ko.
"Anak, lumabas ka na muna dyan para mag dinner!" Tawag pa ni Mom.
Napabuntong hininga na lang ako bagi bumangon at nagsuot ng sando na puti at lumabas.
Pagbaba ko ay naabutan ko sila sa dinning area. Nakahanda na ang mga pagkain.
"Good evening!" Nakangiting bati ko.
"Good evening din anak maupo ka na." Sabi pa ni Dad.
Tumango na lang ako at naupo sa tabi ni Drixie na nagsimula ng kumain. Napangiwi pa ako ng makita ang mga pagkain sa pinggan niya.
Ang dami!
"Antakaw mo talaga, Imōto!" Natatawang sabi ko pa na ikinatawa nila Mom.
Sinamaan ako ng tingin ni Xie at inirapan bago nagpatuloy sa pagkain.
Napapailing nalang ako at nagsimula ng kumain.
Nang matapos ay nag paalam na ako sa kanila bago umakyat sa kwarto ko.
Nag toothbrush na muna ako bago umupo sa sofa at nag open ng fb.
As usual, sabog na naman ang notification, friend request at messages ko.
Ang gwapo ko talaga! Daming naghahabol sa akin!
Saan ka pa panget? Sa dami dami ng mga babaeng naghahabol at naglalaway sa akin ay ikaw pa ang natipuhan ko na wala man lang ka-taste taste manamit.
Walang wala sa mga babaeng naghahabol sa akin? Pero ikaw pa rin ang natipuhan ko!
Ang swerte mo naman at ikaw ang napili ng puso ko.
Nakangiting sabi ko pa sa isip ko.
Speaking of her. Hinanap ko ang fb account niya. Baka may fb siya kahit halata naman sa hitsura niyang hindi siya mahilig sa social medya.
Nag research ako at tiningnan ang mga profile. Napangiti ako ng makita ko ang pangalan niya pero napangiwi ako sa profile nito.
Gusto niyo malaman kung ano ang profile niya?
Isa lang namang picture ng bow at arrow.
Tse!
Pinindot ko na lang ito at binasa ang bio nito.
Archery is my master but you're the most master in my life Babe.
Napangiwi ako habang nakatingin sa bio niya. Seriously? Tse! Ang corny!
Pero may part sa loob ko na parang nasaktan sa nabasa ko.
Parang gusto ko ako ang babe na tinutukoy niya dito.
Aish!
Bakit ba di niya pinalitan ang bio niya kung matagal naman ng wala na sila ng gagong ex niyang 'yon!
Tse!
Nag-scroll ako sa timeline niya at tiningnan ang date. Halos magdalawang taon na rin pala ang last post niya.
Tiningnan ko pa ang ibang post niya. Napapangiwi at naiinis pa ako sa mga nabasa ko.
Lalo na sa mga picture nilang dalawa na magkasama ng gago niyang ex!
May nakita pa akong nakahalik ang gagong ex niya sa pisnge habang siya ay salubong lang ang kilay.
Tse!
Inis na nag log-out ako at pabatong inilapag sa maliit na table ko dito sa sofa ang phone ko.
Di sila bagay!
Psh!
Tumayo na lang ako at pabagsak na humiga sa kama ko.
Inis na inis pa rin ako hanggang sa makatulog na ako.
***
Kinabukasan ay tahimik lang akong pumasok ng campus. Tipid na tango lang ang sinasagot ko sa mga kumag kong mga kaibigan ng batiin nila ako.
Hindi ko rin sinusulyapan si panget buong umaga. Naiinis pa rin ako dahil sa mga nabasa at nakita ko kagabi sa timeline niya.
Sa snack at lunch time ay hindi ko rin siya pinansin pero katabi ko pa rin siya.
Sasapakin ko ang sino mang tatabi sa kaniyang lalaki psh!
Hanggang sa matapos ang klase buong araw ay hindi ko pa rin siya pinapansin. Nagtataka pa nga sila sa inakto ko pero di ko sila pinansin.
Sa naiinis pa rin ako eh! Psh!
Sabay sabay pa rin kaming nanood ng practice nila Bella sa basketball.
Poker face lang akong nanonood habang nakasandal sa inuupuan namin.
Naramdaman ko ang takang tingin ni panget pero di ko siya nilingon. Napabuntong hininga pa siya at napapailing.
Napasigaw ang lahat ng nanood sa practice ng biglang mag spike si Stella at hindi man lang nasalo ng kalaban nila.
Magaling din silang maglaro. Mga players naman talaga ng volleyball ang tatlong 'yon.
Kahit marunong din maglaro ng basketball si Theresa at Stella ay mas magaling sila sa volleyball.
Biglang nag spike ang kalaban nila at alertong sinalubong ni Bella ang bola at malakas na nag spike!
Napasigaw uli ang lahat ng aksidenteng tumama sa isang babae sa kabila ang bola.
Napatakip pa ng bibig si Bella at mabilis na lumapit sa kabilang kuta.
Tse!
Dinaluhan ng coach nila ang babae at tinulungang tumayo. Humingi pa ng tawad si Bella bago nagsimula uli ang laro.
Naging maayos naman ang practice nila hanggang sa matapos.
"Woah! Hiningal ako don ah!" Sigaw pa ni Theresa habang nagpupunas ng pawis.
"Ang galing niyo ah!" Biglang sabi ng kung sino na lumapit sa amin.
Pagtingin ko sila Brix pala kasama sila Nathan at Firm. Pati na rin si Aika ang leader ng dance club.
"Nah! Hindi naman!" Natatawang sabi pa bi Stella.
Inabotan siya ng tubig ni Brix. Ganon din si Nathan kay Theresa.
"Thanks!" Nakangiting sabi pa ni Theresa.
"Here." Inabutan ni Lyle si Bella ng tubig at tinanggap naman ng pinsan ko bago naupo at uminom.
"Galing niyo mag spike ah!" Sabi pa ni Xandra.
"Nah! Kung sumali pa kayo sa amin ay halata namang kayo ang mas magaling mag spike!" Natawang sabi pa ni Bella.
"Sus! Di naman, magagaling talaga kayo!" Nakangiting sabi pa ni Kyla.
"Psh! Maybe, kayo ang panalo sa sportfest basta panatilihin niyo ang galing at pagkakaisa sa paglalaro." Komento pa ni panget kaya napatingin kami sa kaniya.
"Yah! Nakakataba naman ng puso ang komento mo, Ash!" Natatawang sabi pa ni Stella.
"Tsk! Kumain kayo ng taba ng baboy para tumaba puso niyo." Habol na sabi pa ni panget.
Lahat kami ay napangiwi dahil sa sinabi niya.
"Maganda na sana eh dinagdagan pa." Nakangiwing sabi pa ni Bella.
Natawa na lang sila habang ako ay poker face lang na nakatingin kay panget.
Umiwas agad ako ng tingin ng makitang lilingon siya sa akin.
Patay malisyang tumingin ako sa ibang studyanteng dumadaan.
Psh!
"Tsk!" Rinig kong singhal niya.
Hanggang sa tumayo na kaming lahat para pumunta ng cafeteria. Pasado alas kwatro y medya pa lang ng hapon kasi maaga natapos ang klase namin kanina.
Tahamik na naka pamulsa pa rin akong naglalakad kasabay sila. Habang sila ay panay ang daldal at tawa. Sumama na din sila Brix pati si Mello na biglang sumabay.
Isa din siya sa player ng volleyball.
"Abah! Kaloka mga teh! Anyare na naman sa lola at lolo niyo? Bakit ang tahi-tahimik na naman at walang kibuan?" Malakas na tanong pa ni Mello.
Tse!
"Hayaan niyo na muna sila! Nagpapakiramdaman lang ang mga 'yan." Nakangiwing sabi pa ni Stella.
Natawa naman sila pero pareho lang namin silang hindi pinansin ni panget.
Hanggang sa makarating kami sa cafeteria ay ang ingay pa rin nila.
Sila Keart nalang ang nag order habang dumeretso na kami sa table namin.
"Hindi ka ba nag pa-practice, Ash?" Tanong pa ni Brix.
"Hindi." Maikling tugon ni panget.
"Ano nga uli 'yong sa'yo?" Tanong pa ni Nathan.
"Archery." Maikling sagot nito.
"Naks! Ang cool talaga kapag babae ang naglalaro ng archery!" Sabi pa ni Firm.
Napatango pa silang lahat. Naalala ko si Trixie iyon din ang sinabi ko noon sa kaniya.
Napapailing na lang ako. Kulang nalang ay archery na rin ang lalaruin ni Kiana para silang tatlo na natipuhan ko ay mahilig sa archery tse!
Buti nalang hindi mahilig si Kiana sa archery.
"Parang si Trixie lang noon! Ang cool din niya kapag naglalaro ng archery diba?" Biglang tanong pa ni Aika.
Natigilan ako at silang lahat ay ramdam kong nakatingin sa akin maliban sa katabi ko na nakapikit na naman.
Biglang natahimik ang lahat at walang nagsalita.
Blankong nakatingin lang ako sa mesa habang naka cross arm.
"Oh? May dumaang anghel ba para matahimik kayo?" Biglang tanong pa ni Keart sabay lapag ng tray na dala niya.
Ganon na rin sila Keith at Lyle.
"Ehem! Wala, kain na tayo!" Sabi pa ni Bella.
Nagsitanguan nalang sila at kaniya kaniya ng kuha. Kumuha na lang ako ng isang burger at coke at kumain.
"Ang sarap talaga kapag libre!" Sabi pa ni Mello.
"Mukha mo libre!" Sabi pa ni Stella.
"Ay teh! Lagi nalang ikaw ang sumasabat kapag nagsasalita ako! May galit ka ba sa akin?" Nakataas kilay na tanong pa ni Mello.
Napangiwi naman si Stella at umiling.
"Wala naman bakla, di ko lang mapigilan ang bibig ko kapag nandito ka!" Sabi pa ni Stella.
Inirapan siya ni Mello bago nagsalita.
"Nahihiya naman ako sa'yong bruha ka! Kumukulo ang dugo ko kapag ikaw naman ang kaharap ko." Nakangiwing sabi pa ni Mello.
Nakinig lang kami sa kanilang dalawa.
"Ang ibig sabihin lang niyan bakla ay napaka hot ko." Proud na sabi pa ni Stella habang tinuro ang sarili pababa.
Muntik pang maibuga ni Mello ang ininom niya dahil sa sinabi ni Stella.
Natawa na naman ang lahat maliban sa akin. Mahinang natawa pa si panget kaya napalingon ako sa kaniya.
Nanlalaki ang butas ng ilong na nilingon ni Mello si Stella at inismiran bago nagsalita.
"Anong konek non sa sinabi ko teh? Nakuh! Mukhang kelangan mong magpatingin sa doctor baka bumaliktad na ang utak mo. Dinaig mo pa ang kayabangan ng Ashi teh!" Sabi pa ni Mello habang sinulyapan si panget.
Tiningnan lang siya ni panget at nagpatuloy sa pagkain.
"Hoy bakla! Di ko na kelangan magpatingin sa doctor dahil hot naman talaga ako no! Sabi kamo kumukulo ang dugo mo kapag kaharap ako? Ibig sabihin lang non napaka hot ko para pakuluin ang dugo mo!" Sabi pa ni Stella kaya napa 'woah' naman sila.
Nakangiwing umiling nalang si Mello. Hanggang sa matapos kaming mag snacks at sabay na lumabas ng campus.
Halos sabay sabay din kaming lahat na umalis ng parking lot matapos kong sabihan ng ingat si panget.
Psh!
Badtrip pa rin ako hanggang ngayon.
Kahit hindi naman dapat ay feeling ko pa rin ay...
Nagseselos ako!
Tse!
To be continued...
A/N: Hello mga blueeem babies! Hope you enjoy reading!
Basahin niyo rin ang ibang stories ko ah! Kundi, sasapakin ko kayo! Joke lang! Pero try to read my other stories!
Love lotsss and God bless!
Don't forget to Vote, comment and Follow!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top