chapter 127 " In love"
A/N: Hello good evening!! This is my new update!
Credits to:@Messy_Pixie for the cover she made for this season! Thanks alot! I appreciate your cover and your support!
Jiro's Pov.
Napamura ako ng makarating ako sa bahay ko at maalalang ihahatid ko pala sila Ashi. Wala pa naman na do'n si Liam dahil sabay kaming umalis kanina.
Pabagsak na umupo na lang ako sa sofa at kinuha ang phone ko. Nag-text ako kay Kyla na magpapahatid na lang sila sa nga kaibigan nila.
Napabuntong hininga pa ako bago tumayo at umakyat sa taas sa kwarto ko.
May sarili na akong bahay. Minsan an lang ako umuuwi sa mansion nila Dad. Dahil minsan ay sa mansion nila lolo ako pumupunta tuwing may iuutos si lolo o tito.
Matagal ko na ring naipundar ang bahay na ito. Hindi ko lang to nagamit ng isang taon dahil nasa U.S ako nag aral for my med.
Tsk!
Pumasok na lang muna ako sa banyo para mag-halfbath. Pagkatapos ay nag suot lang ako ng kulay itim na pajama at itim na sando.
Kinuha ko ang loptop ko bago naupo at sumandal sa headboard ng kama ko. May kailangan lang akong tapusin tungkol sa pinapagawa ni lolo sa akin.
Dahil bukas ko na ito ipasa kay lolo. May mga kailangan pa akong asikasuhin para sa schools projects sa mga major at minor sub ko.
Dalawa ang tini-take ko. Abogado at med. Nahihirapan ako minsan dahil napupuno na ang mga schedule ko pero kaya pa naman.
Ako pa!
Tsk!
Sa gwapo at talino ko psh!
Agad ko na lang inasikaso ang dapat kong tapusin. Kahit pupungay pungay ang mga mata ko ay tiniis ko na lang basta matapos lang 'tong ginagawa ko.
Pasado alas dos y media na ng madaling araw ng matapos ako. Panay pa ang hikab ko kaya agad ko ng niligpit ang loptop at inilagay sa bedside table.
Pagkatapos ay in off ko ang lampshade bago nahiga at natulog.
***
Kinabukasan ay pasado alas nuebe na ako nagising. Inaantok pa ako pero ayos pa naman. At least na kompleto ko ang six hours na tulog.
According to William Shakespeare 6 hours to sleep is enough to those who has a high IQ.
Sa ibang pilosopher naman ay 5-4 hours lang din as long as you have a high IQ.
The fact that it was true and effective too. I used to sleep 8 hours or more. But if I really need to sleep 6 hours below I also do.
It wasn't bad for my health condition 'cause I know how to handle and took care of myself by the way.
Tsk!
I wake up and stand up before I stretch my arms and my body. After that I went to my ref and get some glass of water to drink.
I have a mini refrigerator inside my room. I need it specially if I do need to stay at my room to do some stuffs.
I don't have maid. I just cook with my own. I don't need a house maid by the way. I can do all the house chores with my own.
I know how to do it all. I am a handsome, good damn hot to become a perfect husband someday tsk!
Matapos kong uminom ng tubig ay nag toothbrush na muna ako bago bumaba ako para magluto.
I am fvcking hungry tsk!
Akmang papasok na ako sa kusina ng biglang tumunog ang cellphone na nasa bulsa ng pajama.
Tsk!
Kinuha ko na lang ito at tiningnan ang caller. Si lolo pala ang tumatawag.
"Ohayo gozaimasu, Ojiisan." Magalang na bati ko pa kay lolo.
(Translation: Good morning, lolo.)
"Konnichiwa, ohayo gozaimasu, mago." Pormal na bati rin ni lolo.
(Translation: Hello, good morning, apo.)
Basta si lolo ang kausap ko ay seryuso at pormal lang ako.
He's been a good grandfather to us. Specially to Ashi.
Hindi lang alam ni Ashi dahil hindi naman ugali ng pinsan kong yun ang mang usisa sa mga ginagawa nila lolo.
Pero kakaiba kung magalit si lolo. That's why we avoid to make him mad. Mabait siya oo at matulingin sa kapwa.
Pero wag kang magkamaling saktan o galawin man lang ang isa sa meyembro ng pamilya niya.
Tsk!
Nung nangyari nga kay Ashi ay nagalit si lolo. Kaya lang minor pa ang lalaking nanghampas sa kaniya.
"Yeah, Ojiisan."
"How's the thing I manage you to do?" Seryusong tanong pa nito.
Napahawak pa ako sa baba ko bago nagsalita.
"Well-done, Ojiisan. I went there later to submit it to you." I formally answered.
I heard him sigh in relief before he speak.
"Yasashi." Sabi pa ni lolo.
(Translation: good)
Napakunot ang noo ko. Parang nabunutan ng tinik si lolo.
"Naze desuka? It seems like----"
(Translation: why?)
"Nothing. I just need it right now. Can you come here before lunch?" Lolo asked.
I sigh and nodded as if he will see it.
"Hai! I just do some stuff for myself, Ojiisan." I said.
(Translation: Hai means yes!)
"Yeah, just make sure to come at a time." He said before he hang-up the call.
I put down my phone at the table before I starting to cook for my breakfast.
Kailangan kong magmadali. Pinaka ayaw ni lolo iyong natatagalan o late sa usapan.
Tsk!
Nagluto na lang ako ng fried rice at hotdog and fried egg.
Nagkape na rin ako. Pagkatapos kumain ay nilinisan at hinugasan ko na ang pinagkainan ko.
Pagkatapos ay umakyat para maligo na rin.
May gagawin pa ako before I go to the mansion tsk!
***
Pasado alas onse na ng makarating ako sa mansion nila lolo. Agad na akong dumeretso sa opisina niya sa mansion.
Nakasalubong ko pa si Tita Nami.
"Ohayo guzaimasu, Oba." I formally greeted her.
"Mmm. Your ojiisan waiting you at the office." She said in a solemn tone.
Tumango na lang ako at cool na naglakad patungo sa opisina ni lolo.
Masyadong malaki ang mansion. Paniguradong maliligaw ka kung baguhan ka lang dito.
Dalawang palapag lang ang mansion pero maraming pasikot sikot sa loob.
May tig iisang kwarto kaming lahat dito. Nasa ikalawang palapag ito. Nasa sampu ang katulong at limampong bantay sa mansion.
Not included ang bantay na nasa likod na bahagi ng mansion.
Tsk!
Agad na akong kumatok ng makarating ako sa tapat ng opisina ni lolo.
"Come in." Pormal na sabi pa ni lolo.
Inayos ko na muna ang coat ko bago pinihit ang pinto.
Nakita ko si lolo na nakaupo sa swivel chair niya habang nakatungo at may binabasa.
Sinirado ko na lang abg pinto at pumasok. Bitbit ko ang folder na naglalaman ng documents na tinapos ko kagabi.
"Here's the documents, Ojiisan." Sabi ko pa sabay abot ng folder.
"Good. Take your seat first." Sabi pa niya bago inabot ang folder.
Naupo na lang ako sa upuan sa harap ng mesa niya.
Tahimik na ini-i-scan niya ang laman ng folder.
"Mm. Good job, apo. I was going to submit this documets later on to the supreme court. That's why I rush you to finish this one." Kaswal na sabi pa ni lolo.
Tumango na lang din ako. Nakapandikwatro pa ako habang naka tukod sa magkabilang armchair ang siko ko.
"Mmm. May ipapagawa ka pa ba, Ojiisan?" Tanong ko.
Binitawan niya ang folder at sumandal sa swivel chair niya at pinagsaklop ang mga palad niya.
"Yeah, check out what happened last night." Seryusong sabi pa ni lolo.
Napakunot ang noo ko.
"What about last night, Ojiisan?" I asked.
Napabuntong hininga siya at seryusong tumingin sa akin.
"I heard a gunshot last night at Adolfo's party." Seryusong sabi pa ni Lolo.
Napalunok na lang ako. Narinig din pala niya 'yon? I thought kami lang ni Liam ang nakarinig non.
"Yeah, I heard it. " Tanging sabi ko pa.
Narinig namin 'yon ni Liam. Lalabas nga sana si Liam ng pigilan ko siya.
"Well, ask your cousin for what happened. I know, she's the target or one of us. Pero ang apo at anak ng mga Chevalier ang natamaan kagabi." Seryusong sabi pa ni lolo.
Tama siya. Napansin ko rin 'yon kagabi. Si Drix ang natamaan dahil sa nakita kong suot nito ang coat ni Ashi. Marahil ay pinahubad ni Ashi ang suot nitong may dugo.
Matalas ang mga mata namin kaya alam namin 'yon.
Tsk!
Mautak ang pinsan ko kaya alam ko ginawa niya 'yon para iwas tanong at gulo sa party ng lolo niya.
Tsk!
Mukhang niligtas siya ng anak ng mga Chevalier. But knowing her, alam kong alam niyang nay naka aligid sa kaniya.
Naramdaman ko rin 'yon kagabi na may sumusunod sa amin. Psh!
"Yeah, I will." Sagot ko.
Napahimas pa si lolo sa baba niya na parang may iniisip.
"I think, Chevalier's son has the guts on fighting and ability to protect his family." Seryusong sabi pa ni lolo.
Napaisip din ako. Unang tingin at kita ko pa lang kay Drix noon ay iba ang masasabi ko sa kaniya.
It seems like he has other side or a hidden one.
Tsk!
"I don't think so, Ojiisan." I said.
He look at me seriously.
"Just keep on eye to your cousin. You know her, padalos dalos minsan ang pinsan mong 'yon." Napapailing na sabi ni Lolo.
Napabuntong hininga na lang ako at tumango.
Matigas din ang ulo ng pinsan kong 'yon. Pero nakikinig naman sa akin. Minsan nga lang ay akala mo bato tsk!
Mana sa'yo!
Tsk!
Nag usap na lang kami ni lolo sa mga private things. Seryusong mga bagay na kailangan maingat at walang makakarinig.
Tsk!
Our life is too complicated!
Di ko masisi ang pinsan ko kung pati siya ay nabuburyo na rin sa uri ng buhay na meron ang buong angkan namin.
Psh!
Pagkatapos naming mag usap ni lolo ay nag lunch na rin kami. Pagkatapos ay sinamahan ko siya sa lugar kung saan komplikado ang lahat na meron do'n. Kung saan alam ng lahat kung sino kami.
A Japanese descendants responsibility and obligation as a member of a royal blood family.
Tsk!
************************************
Drixon Pov.
Maganda ang gising ko kanina kaya heto at naglilinis ako ng kotse ko. Pasipol sipol pa ako habang sinasabunan ang kotse ko.
Napapangiti pa ako habang iniisip ang nangyari kagabi ng ihatid ko si panget sa bahay nila.
First time kong pumunta sa bahay nila. Sakto lang ang laki ng bahay nila para sa kanilang tatlo.
*Flashback*
"Tsk! Mag aabang na lang ako ng masasakyan-----"
"Tse! Bakit ka pa mag aabang kung nandito naman ako!" Inis na sabi ko at hinila siya papunta sa kotse ko.
Tse!
Hindi na siya nakapalag pa ng pagbuksan ko siya ng pinto at inalalayang pumasok sa passenger seat.
Matapos isara ang pinto ay umikot ako at sumakay sa drivers seat. Tiningnan ko siya at blanko lang ang mukha nitong nakasandal sa upuan niya at hindi man lang kinabit ang seatbelt niya.
Napapailing na lang ako at lumapit sa kaniya para ikabit ang seatbelt niya. Pinangkunutan pa niya ako ng noo habang nakatingin sa mukha ko.
Tiningnan ko ang mata niya at ilang lang ang nakikita ko sa blanko niyang mukha.
"Tsk! Too close." Blankong sabi pa nito.
Pero nanatili lang akong nakatingin sa mga mata niya. Ilang dangkal lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa.
Mas inilapit ko pa ang mukha ko sa mukha niya para abutin ang lock ng seatbelt bago ikabit sa kaniya.
Nanlaki pa ang mga mata niya kaya napa smirk ako.
Psh!
"Ang ganda pala ng mga mata mo sa malapitan, young lady." Nakangising sabi ko pa na ginaya ang tawag sa kaniya ni Manong guard kanina.
Napaawang ang labi niya dahilan para mapatingin ako do'n.
Ang lambot tingnan ng labi niya----
"Fvck!"
Bulalas ko ng maramdaman ang sakit ng sugat ko sa braso.
"Tsk!" Singhal pa niya.
Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa ginawa niyang pagpisil sa sugat ko.
Peste!
"Bakit mo pinisil ang sugat ko?" May inis na tanong ko pa.
Inismiran niya lang ako at bumaling sa labas ang tingin.
Tse!
"Mag-drive ka na! Dami mo pang dada." Blankong sabi niya bago pumikit.
Bwiset!
Ang ganda pa sana ng tinitingnan---aish!
Baliw na ata ako tse!
Napapailing na lang ako at umayos ng upo. Tiningnan ko pa siya bago pinaandar ang kotse ko.
Tahimik lang kaming dalawa habang nasa byahe. Maya maya ay nagsalita ako.
"Saan ang daan patungo sa bahay niyo?" Kaswal na tanong ko pa.
Sinulyapan ko pa siya bago binalik ang tingin sa daan. Nakita ko siyang nagmulat ng tingin.
"Deretso mo na lang muna. Tapos liko ka sa kanan na kanto mamaya at may makikita kang kulay asul at puti na bahay 'yan na ang bahay namin." Kaswal na sagot din niya.
Napatango naman ako. Pinagpatuloy ko ang pagmaneho at sinunod ang sinabi niya.
Hindi naman ganon kalayo ang byahe namin. Nang mabingi ako sa katahimikan ay inabot ko ang player ko.
In on ko ang player at saktong tumugtog ang kanta "Statue" by Lil Eddie.
Napasulyap ako kay panget nakapikit na naman siya at nakapang cross arms pa siya.
Binalik ko ang tingin ko sa daan at pinakinggan ang music. Tahimik lang kami habang ang music lang ang tanging nag iingay sa loob ng sasakyan ko.
Napatingin ako sa labas at maaga na nga. Pasado alauna y media pa lang ng umaga.
Hinayaan ko ang music at pasulyap sulyap lang ako kay panget at sa daan.
Hanggang sa makarating na kami at huminto ako. Di pa rin tapos ang music kaya niligon ko siya na nakapikit pa rin.
~I'm like a statue
Stuck staring right at you
So when I lost for words
Everytime I disappoint you
It's just 'cause I can't believe
That you're so beautiful~
Napatitig ako sa kaniya. Naalala kong para nga akong estatuwa tuwing mapapatingin siya sa akin. O may nakaka-amaze siyang gagawin dahilan para mapatitig ako sa kaniya.
Kung paano ako mawalan ng salitang sasabihin kapag siya ang kaharap ko. Kung paano kami mag uusap dalawa na puro pabalang at sarkastiko.
Naalala ko kung paano ako napatulala at mapatitig sa kaniya noong birthday party ni Theresa dahil sa transformation niya.
~It's just 'cause I can't believe
That you're so beautiful~
Di ako makapaniwala nong gabing 'yon na makita siyang ganon ang hitsura. Na ganon ka ganda nong gabing 'yon.
Hindi ko inakalang mag aayos siya ng ganon. Naalala ko kung paanong hindi maialis ang mga mata ko sa kaniya.
She's really beautiful that night. I thought I was just dreaming but I'm not.
Hindi ako makapaniwala na maganda pala siya kapag inayusan. I mean, mays mas igaganda pa pala siya.
Naalala ko ang hubog ng katawan niya nong gabing 'yon. Kung paano bumagay sa kaniya ang suot niya lalo na sa ganda niya.
Nakatingin ako pa rin sa kaniya at tiningnan bawat sulok ng mukha niya. Nagulat lang ako ng bigla siyang magmulat ng mata at saktong nagtama ang mga mata namin.
Biglang kumabog ng mabilis ang puso ko at parang may lumilipad sa loob ng tiyan ko. Hindi ko alam kung bakit pero iyon ang nararamdaman ko ngayon.
Nakatingin kami sa isa't isa. Napako lang sa mga mata niya ang mata ko. Ngayon ko lang na realize na ang ganda ganda niya pa rin kahit walang make up o ayos.
Kahit madilim at tanging ilaw mula sa kotse at sa poste sa kalsada ang tanging nagbigay ng liwanag ay kitang kita ko pa din ang mukha niya.
Ang mga mata niyang pinaghalong kape at tsukolate. Ngayon ko lang na realize na ang ganda pala ng kulay brown nitong mata. Mahabang pilik mata at perfect shape of brow. Matangos na ilong at mapupulang lab---aish!
Napaiwas ako ng tingin habang patuloy pa rin sa pag kabog ng mabilis ang puso ko. Kulang na lang ay lumuwa na sa katawan ko eh.
Di ko maintindihan ang sarili ko. What happened to me?
Epekto ba 'to ng nararamdamana ko sa kaniya? Na may gusto talaga ako sa kaniya.
Napahilamos ako ng mukha at bumuntong hininga.
Ramdam ko ang tingin ni panget. Marahil ay nagtataka na siya kung bakit ako ganito.
Aish!
"Anong nangyare sa'yo?" Rinig kong tanong niya.
Nilingon ko siya dahilan para makita ko ang pagsalubong ng mga kilay niya.
Napaiwas na lang uli ako ng tingin sabay iling.
"Nothing." Maikling sabi ko at bumuntong hininga.
Nakita ko pa sa gilid ng mata ko na napapailing siya sabay kalas ng seatbelt niya.
Ngayon ko lang napansin na iba na pala ang kanta ng player ko. In off ko na lang ito.
Akmang bubuksan na ni panget ang pinto ng pigilan ko siya.
"Wait!" Bulalas ko pa.
Kunot noong nilingon niya ako. Nagtatanong ang mga matang nakatingin sa akin.
Napaiwas na lang ako ng tingin. Tiningnan ko ang paligid at ang bahay nila bago lumabas.
Umikot ako at pinagbuksan siya ng pinto.
Inalalayan ko pa siyang bumaba ng kotse na hindi na naman siya pumalag kaya lihim na napangiti ako.
Para akong timang na ewan tse!
Sinarado ko ang pinto ng nakalabas siya. Tumingin ako sa bahay nila. Parang nasa dalawang palapag ito. Hindi ganun kaliit at kalaki. Tamang tama lang sa kanilang tatlo.
"Ehem!"
Napatingin ako kay panget ng tumikhim siya. Nakatingin siya sa akin.
Parang may gusto siyang sabihin na di niya masabi.
Natawa na lang ako.
"Spell it out." Sabi ko.
Mapaubo pa siya ulit bago nagsalita.
"S-salamat sa paghatid." Bahagyang ilang na sabi niya.
Mukhang di siya sanay magpasalamat. Tse! Halata naman sa kaniya.
Lihim na natawa ako at tumango.
" Nah! It's ok." Nakangiting sabi ko pa.
Napaiwas pa siya ng tingin. Tse! Dapat masanay ka na lagi mo ng makikita ang mukhang 'to.
Sabi ko pa sa isip ko.
Akmang tatalikod na siya ng lumingon uli siya sa akin. Napakamot pa siya sa batok niya.
Cute!
Tse!
Para na akong baliw! Kung ano ano na ang nakikita at nasasabi ko sa isip ko psh!
"A-ahm, gusto mo bang pumasok na muna?" Naiilang na alok pa niya.
Napangiti na naman ako ng lihim bago napatingin sa relo ko.
Gusto ko sanang pumasok para at least makita ko ang loob. Para kasing ang bait niya ngayon eh.
Pffft!
Baka bukas may topak na naman to eh di na ako makapasok sa loob.
Pero late na rin masyado.
"No. Thanks. It's late already. Next time na lang." Nakangiting sabi ko pa.
Nakita ko pang nagtataka ata siya na lagi akong nakangiti pero binalewala agad niya at tumango.
"Ge. Ikaw bahala." Sabi niya.
"Yeah, ahm. I'll go ahead." Sabi ko sabay sinyas na aalis na ako.
Tumango siya. Tumalikod na ako pero napatigil din ng magsalita siya.
"Ingat."
One word that make my heart beat fast once again. Napangiti ako bago nagsalita.
"I will, bye and goodnight." I whispered na alam ko namang narinig niya.
Hindi na ako lumingon pa at nakangiting pumasok sa loob ng kotse ko. Sinulyapan ko pa siya at nakita ko ang pagtataka sa mukha niya bago pa ako makaalis sa sa bahay nila.
*End of flashback*
Hindi ko na malayan na natapos na pala ako sa paglinis ng kotse ko at ang kotse ni Dad dahil sa pag isip ko sa nangyari kagabi.
Ramdam ko pa ang ngiti sa labi ko. Ti-nap ko ang kotse ko at hinalikan ito.
"You're my lucky!" Nakangiting sabi ko pa.
Syempre! Swerte ko ang kotse na ito dahil sa nangyari ka gabi.
Napapailing na lang ako sa mga naiisip ko. Para na akong timang.
HAHAHAHAHA!
Inspired ata ako ngayon eh---
"Ang saya saya ata ng anak ko, ah." Sabi ng kung sino mula sa likod ko.
Boses pa lang alam ko ng si Dad. Nakangiti lang ako habang niligpit ang mga ginamit ko sa paglinis ng kotse.
"Syempre, Dad. Inspired eh." Nakangiting sabi ko at lumingon kay Dad.
Nakangiting nakatingin sa akin si Dad. Animo'y may ibig sabihin ang mga ngiting iyon.
Natawa na lang ako.
"You look really inspired and happy, Son. Who's the reason of that?" Nakangiting tanong pa ni Dad.
Natigilan naman ako at do'n ko lang na-realize na----
"Hep! Don't you dare to lie on me! I'm your father, so tell me. Is it a girl, Son?" Nakangiting sabi pa ni Dad na taas baba pa ang kilay na nakatingin sa akin.
Natawa na lang ako sabay iwas ng tingin.
Sasabihin ko ba? Paano kung tutuksuhin lang ako ni Dad? Tapos susumbatan niya ako sa mga pag de-deny ko noon nung minsan niya akong tanuningin kung may gusto ba ako kay panget?
Aish!
Kinabahan tuloy ako.
Di pa dapat ngayon malaman ni Dad lalo na si Mommy. Ang ingay ingay pa naman ni Mom at paniguradong masasabi niya 'yon kay Drixie o kaya kay panget kapag nag kita sila.
Big no!
"Wala, Dad!"
Mabilis na sabi ko pa. Medyo mapalakas pa ang pagkakasabi ko dahilan para magulat si Dad.
Napakamot naman ako sa batok ko.
"I mean, wala naman Dad." Mahinahong sabi ko pa.
Natawa naman si Dad at napapailing pa. Tiningnan niya ang kotse niyang malinis na rin.
"Inspired huh? Pati kotse ko nilinis mo, Son. May I know who inspired you? Or should I say who's that girl?" Nakangising sabi pa ni Dad.
Napaiwas na lang uli ako ng tingin.
Kailangang makalusot ako. Alam kong di ako titigilan ni Dad.
Aish!
"Ahm, n-nothing Dad." Sabi ko na lang.
Shit!
Masyado lang akong halata eh! Psh!
Natatawang umiling na lang si Dad. Tumingin siya sa akin.
"Sabi ko na nga ba eh. Di mo pa rin sasabihin pero ayos lang hahaha. Mana ka talga sa akin, Son. Like father like Son. Ganiyan din ako noon dahil sa Mom mo hahahaha. But, I know ikaw din mismo magsasabi niyan sa amin. Alam ko na kung sino 'yan masyado kang obvious, Son. Tsk!" Natatawa habang napapailing na sabi pa ni Dad.
Napakamot na lang ako ng batok. Ganon ba ako ka-obvious? Kaya ba lagi akong tinutukso nila Keart at Keith? Tse!
"Nahihiya lang naman ako, Dad eh. Tsaka, di pa ako masyadong sure kung tama ba ang nararamdaman ko." Kamot batok na sabi ko pa.
Humarap naman si Dad sa akin.
"I know, but Son... I know na tama ang nararamdaman mo dahil ngayon lang kita nakitang ganyan kasaya. Ngayon lang kita nakitang parang kumikislap ang mga mata mo anak. Lalo na at nakakangiti ka ng ganyan ka tamis at tuwa. You're into something Son. You're in love." Nakangiting sabi pa ni Dad.
Napatigil ako dahil sa huling sinabi niya.
In love na ba talaga ako?
Mahal ko na ba si panget? Pero ang bilis naman ata? Kaka-realize ko pa lang na may nararamdaman ako sa kaniya eh.
Napatingin ako kay Dad at nakangiti lang siya sa akin.
"Do you think I am really in love, Dad?" I asked.
Naguguluhan at nalilito pa rin ako sa sitwasyon at sa mga nangyayari. Napakabilis naman ata.
Mag a-apat na buwan pa lang sila si panget sa campus. Nung nakaraan ko lang din na realize na may gusto ako kay panget.
Parang----parang napakabilis masyado.
Narinig kong tumawa si Dad kaya nabaling sa kaniya ang tingin ko.
"I'm sure, Son. You're really in love, and I am happy for you. Sa wakas nagmahal ka na ng too. Dahil iba ang nakikita ko ngayon sa mga nakikita ko noon sa iyo, nong manligaw ka sa mga sinasabi mong nililigawan mo. Kakaiba ang lahat ng nakikita ko ngayon sa'yo. Maybe, she's the one and the right girl for you, Son. Don't let someone to take her away from you." Makahulugan at seryusong sabi pa ni Dad habang may ngiting sumilay sa mga labi nito.
Kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa mga salitang binitawan ni Dad.
Parang kinabahan ako bigla sa sinabi niyang 'Don't let someone to take her away from you.' Parang alam na alam ni Dad kung sino ang taong nagustuhan ko.
Napahilamos na lang ako ng mukha.
Fvck!?
Bakit naman ako kinabahan ng ganito? Baka totoo nga ang sinabi ni Dad na in love na ako.
In love na ako kay panget.
Pero---
"But it was too fast, Dad. I mean, I was just realize my feelings a few days ago. Then now, I felt that I love her? Nalilito ako Dad." Napapahilamos sa mukhang sabi ko pa.
Natawa na naman si Dad at napapailing.
"Son, love is not about the time. It's not about how long you'd been spending with her. Love is not about how long you know each other." Nakangiting sabi pa ni Dad.
Napako ang paningin ko sa kaniya at napaisip.
So, what was that all about?
"So, what was that all about?" I curiously asked?
Dad laugh and smile while massaging his nape before he speak again.
He look at me seriously.
"Love is about how your heart reacts and feels. How your heart beat that fast because of her. How it makes you happy and feels good for you to be with her." Seryuso at makahulugang sabi pa ni Dad bago ako ti-nap sa balikat at nakangiting tinalikuran ako.
Napatulala ako dahil sa mga katagang binitawan ni Dad. Parang tumagos sa puso ko ang mga katagang iyon.
Parang may sariling isip ang mga salitang iyon na agad pumasok sa isip at tumagos sa puso ko.
"Love is about how your heart reacts and feels. How your heart beat that fast because of her. How it makes you happy and feels good for you to be with her."
"Love is about how your heart reacts and feels. How your heart beat that fast because of her. How it makes you happy and feels good for you to be with her."
"Love is about how your heart reacts and feels. How your heart beat that fast because of her. How it makes you happy and feels good for you to be with her."
Biglang kumabog ng malakas ang puso ko dahil sa paulit ulit na katagang iyon sa pandinig at isip ko.
Parang sirang plaka na nagpa ulit ulit sa tenga ko.
Mas lalong kumabog ang dibdib ko ng maisip ko na naman si panget.
Mahal na ba talaga kita panget?
Do I really love you now?
What should I do?
This can't be!
I know, if I tell this to you, I'm sure, you won't believe in me. The first thing you would think is, I was just kidding and making you fool around.
Alam kong pagtatawanan mo lang kaya dapat ngayon pa lang ay pipigilan ko na.
Kung mahal na nga kita ay dapat pigilan ko ang sarili kong mahalin ka pa lalo.
Dahil alam kong walang patutunguhan ang narardaman ko kung sakali.
Baka masaktan lang ako sa pangatlong pag kakataon.
Bagay na iniiwasan ko dahil sawa na rin akong masaktan.
Sawa na akong maiwan na nasasaktan at luhaan.
This can't be!
I should make this feelings to stop sooner or later.
************************************
Ashi Vhon's Pov.
Kakauwi ko lang galing sa mansion nila lola and lolo Adolfo. Kinuha ko lang ang motor ko ng tawagin ako ni lalo na maayos lang gulong nito.
Napalitan na ng bago at mas matibay na gulong. Alam kong 'yong dalawang ugok na sumusunid sa amin kagabi ang may gawa.
Akala ata nila maiisahan nila ako tsk!
Gulong ko lang ang naisahan nila hindi ako at ang utak ko mga bobo!
Pagbabayaran pa nilang dinaplisan nila ang taong di naman kasali. Si Bisugo pa talaga ah!
Makikita ko lang uli kayong dalawa papatayin ko na agad kayo mga peste!
Tsk!
Pumasok na lang ako sa loob ng bahay. Pasado alas dose y medya pa lang ng hapon. Nagising ako kanina na tanghali na.
Naupo ako sa sofa at biglang pumasok sa isip ko ang nangyari at inakto ni Bisugo kagabi.
Ano na naman kaya ang nangyari sa Bisigong 'yon? Ba't parang kakaiba makatingin. Ilang beses ko pa siyang nakikita at nararamdamang panay ang sulyap sa akin?
Lalo na nong nakahinto na kami sa harap ng bahay kagabi? Nahuli ko siyang nakatitig sa akin.
Tsk!
Ano kayang nakain non. Ngiti pa ng ngiti at himalang nag goodnight psh!
Narinig ko pa rin ang bulong niya kagabi kahit mahina lang 'yon. Matalas ang pandinig ng lola niyo tsk!
Naiilang pa ako sa kaniya kagabi.
Napapailing na lang ako at napatingin sa hagdan ng bumaba si Xandra.
Nakasuot lang ito ng kulay asul na loose shirt at fitted jeans.
"Oh? Buti nandito ka na. Ayos na ba ang motor mo?" Tanong pa nito sabay upo sa kaharap na sofa.
"Yeah."
Maikling tugon ko at pumikit. May pasok kami ngayong 1:00 pm kaya di na ako nagatagal pa sa mansion.
"Ano pala 'yong nangyari kagabi? Bakit may tama si Drix?" Tanong pa ni Xandra.
Napabuntong hininga ako at nagmulat ng mata.
"Yong dalawang lalaking laging nakasunod sa atin kahapon papuntang mansion. Nakalimutan ko ang presensiya nila kaya ayon. Buti at napansin din pala sila ni Bisugo." Walang ganang sabi ko pa.
Matalas din pala ang pakiramdam at mata ng ugok na 'yon psh!
Napakunot naman ang noo niyang nakatingin sa akin.
"Bakit mo naman nakalimutan? Himala atang nangyari 'yon sa'yo eh matinik ka nga sa presensiya ng mga kalaban o nakaaway natin noon ah." Takang tanong pa ni Kyla na kakalabas lang ng kusina.
Napabuntong hininga na lang ako.
"Tsk! Dahil 'yon sa pagyuyosi ni Bisugo. Di ko inakalang nagyuyosi pala ang ugok na 'yon kaya ayon. Tinanong ko siya pero umepal ang dalawang lintik na tsunggo." Walang gana pa ring sagot ko.
Napatango tango naman silang dalawa.
"Oo nga naman. Di ko pa rin nakikitang nagyuyosi si Drix." Xandra.
"Baka naman kasi may dahilan." Nakangising sabi pa ni Kyla sabay tingin sa akin.
Pinangkunutan ko siya ng noo.
Tsk!
"And?"
"Alam mo na. May kakaiba kasi akong napansin sa isang 'yon hahaha." Patuloy pa ni Kyla sabay tawa.
"Psh! Akala ko ako lang nakapansin ah! Cool! Mukhang pareho tayo ng hinala hahaha!" Sabi pa ni Xandra sabay tawa.
Nagkatinginan pa silang dalawa sabay tingin sa akin ng makahulugan.
Blankong tiningnan ko na lang sila. Kung ano man 'yong mga nasaisip nila bahala sila tsk!
"Tsk!"
Natawa na lang sipang dalawa pero di ko na pinansin.
Speaking of that idiot!
May kakaiba din akong napansin sa ugok na 'yon. Di ko lang mahulaan kung ano.
Tsk tsk!
Bahala siya may dapat pa akong pagtuunan ng pansin.
Mukhang kumikilos na naman ang mga walang kwentang mga bogok ngayon.
Siguraduhin lang talaga nilang makakapasa sila sa taste ko. Kundi, sa hospital ang bagsak ng mga tang inis!
Dumagdag lang sila sa mga isipin kong lintik! Wala ng katapusan ang mga iniisip ko tapos dinagdagan pa hanep!
Tsk!
To be continued...
A/N: Konnichiwa, ohayo guzaimasu!
Keep reading and supporting me mga ka BLUEEEEM BABIES!
GOD BLESS!
Don't forget to Vote, comment and follow.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top