chapter 126"Don Adolfo's Birthday"

A/N: Enjoy reading mga BLUEEEM BABIES!

Ashi Vhon's Pov.

Napakunot ang noo ko nang pagtayo at paglingon ko kay Bisugo ay may hawak itong sigarilyo na nakasindi.

Naninigarilyo siya?

Ngayon ko lang siya nakitang nanigarilyo ah.

"Kailan ka pa natutong mag yosi?" Kunot noong tanong ko sa kaniya.

Hindi niya ako sinagot at nag-iwas ng tingin. Nakita ko pa ang pagkunot ng noo niya.

Ano na naman ang nangyari sa ugok na 'to?

Tsk!

"Hoy! Kailan ka pa 'kako' natutong mag yosi?" Salubong ang kilay na tanong ko pa uli.

Hindi niya pa rin ako pinansin at hinagis sa lupa ang yosi bago ito inapakan.

Parang may kakaiba sa mokong na 'to. Parang nagmamatyag ah.

Tsk!

Nanlaki pa ang mga mata niya na nakatingin sa kung saan kaya nagsalubong lalo ang mga kilay ko.

"Bisugo----"

*Baannggg!!

"Panget!!" Malakas na sigaw niya at mabilis na niyakap ako patalikod kasabay nang pagputok ng baril ay ang pagbagsak naming dalawa sa lupa.

"Shit!"

"Fvck!!"

Sabay naming bulalas nang bumagsak kami sa lupa.

Shit! Shit!

Nakalimutan ko ang presensiya ng dalawang lalaking kanina pa pala sumusunod sa amin!

Lintik!

Ramdam ko ang sakit ng likod ko na tumama sa bato.

Putek!

Nakadagan sa akin si Bisugo dahilan para ma-amoy ko ang pabango niya. Lintik ang bigat ng kumag!

Akmang itutulak ko siya ng makita ko ang pagtitig niya sa mata ko. Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa mukha niyang ngayon ko lang napansin na ilang dangkal na lang pala ang layo sa mukha ko.

Mga isang minuto pang nasa ganun kaming posisyon ng ngumiwi siya at kusa na sansng lalayo nang bigla siyang bumagsak sa katawan ko.

Putik!

Mukhang may tama ang kumag!

"Shit!" bulalas ko at dahan-dahang bumangon habang inangat ko ang ulo niya.

"Putik naman oh!" Nakangiwing sabi pa nito at pilit na bumangon.

Napatingin ako sa braso niya at may tama nga siya.

Anak ng pating!

Mabilis kong hinawakan ang braso niya at inangat ang manggas ng suot niyang black suit.

"Shit! Dahan-dahanin mo naman." bulalas niya ng aksidente kong matamaan ang sugat niya.

"Tsk!" Singhal ko at sinamaan niya ako ng tingin.

May daplis siya at marami na ang dugo sa braso nito.

"Ikaw na nga niligtas, ikaw pa may ganang maninghal!?" Inis na sumbat pa niya.

Nakaramdam tuloy ako ng kunting guil. Kunti lang naman tsk!

"Sorry." Sabi ko na lang at napanga pa siyang nakatingin sa'kin.

Psh!

"Himala, nag-sorry tse!" mahinang bulong pa niya.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Eh 'di 'wag!" Nakangiwing sabi ko na lang at tumayo.

Binuksan ko ang tool box ng motor ko at kinuha ang first aid kit na lagi kong baon sa motor.

Tiningnan ko pa ang paligid kahit alam kong kanina pa nakaalis ang dalawang tarantadong lalaking yun.

Humanda talaga sa akin mga lintik!

Inalalayan ko patayo si Bisugo at pinaupo sa motor ko.

"Akin na," Sabi ko sabay abot sa braso niya.

"Alam na alam mo talagang laging may hindi magandang mangyayari dahil naka ready na ang first aid kit mo eh 'no?" Nakangiwing tanong pa nito.

Nilagyan ko ng alcohol ang bulak bago nilinis ang sugat niya. Patuloy pa rin sa pag-agos ang dugo.

"Alam ko. Ako pa, 'di 'to pinagalanang Ashi kung walang alas. Isa pa, for emergency lang 'to 'no! Hindi nila ako kaya, tyamba lang yun kanina kaso umepal ka." mayabang na sabi ko pa.

Napasinghal naman ito agad dahil sa sinabi ko.

"Kahit kailan ang yabang mo eh 'no? Tsaka, anong umepal ako? Tanga ka ba? Kundi ko yun ginawa malamang sa hospital ang bagsak mo!?" Inis na sabi pa niya.

Lintik!

Ako tanga? Psh!

"Di yun, takot lang ng hospital sa akin----"

"Lintik talaga 'yang kayabangan mo eh 'no? Seryuso yung bagay na pinag-uusapan natin nagyayabang ka pa! 'Di ka talaga makakapagsalita kung walang halong yabang putik na 'yan---arayy!" Daing pa niya nang idiin ko ang bulak sa sugat niya.

"Dada nang dada kasi, tsk!" Sabi ko na lang.

Binawi niya ang braso niya at inis akong tiningnan.

"Putik! Kahit kailan ang amazona mong panget ka!? Wala ka talagang kwenta!?" Inis na sigaw niya sa akin.

Kunwari seryuso ko siyang tiningnan.

"Meron."

"Anong meron!?"

"Meron akong kwenta!"

"Hah! Saan? Sa kayabangan mo?"

"Hindi."

"Saan nga?!"

"Sa buhay mo." birong sabi ko pa pero seryuso pa rin kunwari ang mukha ko.

Tsk tsk!

Natigilan at napatitig naman ang loko sa akin. Napanganga pa siya kaya pinangkunutan ko siya ng noo.

'Di pa natinag ang loko at nanataling nakatingin sa mata ko.

Tsk!

"Tulo laway mo kumag!" asar ko pa.

Natauhan naman siya at pinunasan ang bibig niya.

Pftt!

Tanga!

"Tse!" Singhal niya ng wala namang laway talaga.

"Yan, tulala pa. Ang ganda ko naman para matulala ka sa ganda ko." Mayabang na sabi ko na ikinangiwi niya pero 'di na ito nagsalita.

Tsk!

Naka-iwas lang siya ng tingin. Tiningnan ko na lang uli ang sugat niya at nilagyan ng bandaid ang daplis sa braso nito.

May dugo pa ang manggas ng suit niya.

"Baka gusto mong dalhin na kita sa hospital?" tanong ko pa.

Nakangiwing umiling naman siya. "Wag na. Malayo naman 'to sa bituka." Sabi pa niya.

Ako naman ang napanganga. Wow! Kahiya naman sa kaniya. Mayabang din naman pala tsk!

Napabuntong-hininga na lang ako sabay tingin sa malaking gate ng mansion.

Alam kong walang nakarinig ng putok ng baril kanina sa loob dahil sa lakas ng music.

Muli ko siyang nilingon.

"Nahiya kayabangan ko ah tsk! Hubarin mo 'yang suot mo." Utos ko pa.

Napakunot naman ang noo niya.

"Why?"

"Tsk! Sumunod ka na lang." Walang ganang saad ko.

Nakangiwing sinunod naman niya ang sinabi ko. Napamura pa siya ng magalaw ang sugat niya dahil sa paghubad ng itim na suot nito.

Bagal kumilos eh psh!

Sa totoo lang, may mukhang ipagmamayabang naman ang loko.

Tinulungan ko na lang siyang hubarin ang suot niya. Puting sleeveless na lang ang naiwan.

Hinubad ko ang suot kong coat at inabot sa kaniya.

Napakunot na naman ang noo niya.

"Suotin mo." Kaswal na sabi ko pa.

Napatingin siya sa suot ko bago nag- iwas ng tingin.

Nakasuot naman ako ng medyo fit na itim na t-shirt.

Tsk!

"Ikaw na lang magsuot niyan. Masyadong fit sa'yo 'yang suot mo, tse!" Blankong anas pa niya.

Napakunot na naman ang noo ko.

"May problema ka sa suot?" salubong ang kilay na tanong ko.

Napabuntong-hininga na lang siya bago kusang sinuot ang coat ko.

Tsk!

Ibinalik ko na lang sa toolbox ng motor ko ang first-aid kit.

Naglakad siya palapit sa kotse niya at inilagay sa loob ang damit niya bago lumapit sa akin.

"Tara na sa loob." aya niya.

Tinanguan ko na lang siya.

"Salamat pala ro'n sa ginawa mo kanina," Kaswal na sabi ko pa.

Nilingon niya ako bago tumango.

"Ayos lang." maikling tugon niya at tuluyan na kaming pumasok sa loob.

Humanda talaga sa akin ang dalawang ugok na yun.

Kala nila 'di ko sila kilala tsk!

Sumalubong sa amin ang malakas na music nang makapasok kami sa loob. Hindi talaga nila narinig ang putok ng baril. Mabuti na lang yun baka magkagulo pa ang party ni lolo.

Napatingin sa amin ang karamihan at ganun na rin sila lolo pero 'di ko na sila pinansin pa.

Dumeretso kami sa table ng mga kasamahan namin. Napatingin pa ako sa may gitna at nando'n na ang mga Ibañez at Acosta kasama ng mga Chevalier, Evans, Monreal at Luxon family.

Katabi ni Jiro si Liam.

Napatingin ako sa isa pang table. Nandito pala sila. Nagsimula na ring kumain ang lahat.

"Oh? Bakit ang tagal niyong dalawa?" Tanong pa ni Lyle.

"Wag ka na magtanong, dre. Nagsosolo 'yang dalawang 'yan." nakangising sabi pa ni Keart.

Nakatanggap naman siya ng batok mula kay Bisugo.

Tsk!

"Tumahimik ka! Dami mong alam, tse!" sita sa kaniya ni Bisugo.

"Oh? Bakit iba na damit mo, dre?" takang tanong pa ni Keith.

Napatingin sa akin si Kyla at Xandra.

"Teka! Kay Ashi 'yan 'no?" nakangising tanong pa ni Keart.

Napaiwas ng tingin si Bisigo bago sila napatingin sa akin.

"I'm pretty sure. Kay Ashi ang coat na 'yan." Nakangiting sabi pa ni Kaye Zenn.

Binigyan ko na lang sila ng blankong mukha. Baka matakot pa sila Bella na nandito rin kapag sinabi pa namin ang nangyari sa parking lot.

'Di ko na lang sila pinansin at tumingin sa kabilang table.

Lyka at Clark.

Tumingin sa gawi namin si Lyka at ngumiti.

Magkapatid silang Kyla.

"Nandito sila Ate at Kuya Clark." sabi pa ni Kyla.

Tumango ako at nakita kong tumayo si Lyka at Clark. Nakangiting lumapit sila sa amin.

"Hey!" Bati pa ni Lyka sabay fist bump sa akin. Ganun din si Clark.

"Musta na?" makahulgang tanong pa ni Clark.

"Maganda pa rin." sabi ko sabay kindat sa kaniya.

"Wew! May pa kindat pa si Ashi!" Keart.

"Mukhang mauunahan ka na, dre." Keith.

"Shut up!" rinig kong inis na sita sa kanila ni Bisugo.

"Hahahaha!" tawa pa ni Lyka.

Tsk!

"Dito na kayo sa table namin." sabi ko pa.

Tumango naman sila at kumuha ng dalawang upuan si Clark.

Naupo si Lyka sa tabi ni Kyla habang sa kaliwa ko naman si Clark.

"Bakit pala natagalan kayo sa labas?" tanong pa ni Lyka.

Tiningnan ko siya ng makahulugan at binigyan ng sinyas.

Napatango naman ito. Alam kong na-gets niya pati pa rin sila Xandra at Kyla.

Natahimik kaming lahat matapos kong suminyas kay Lyka.

Nabasag lang ang katahimikan nang biglang sumulpot si Jiro. Nakapamulsa ito at blanko lang ang mukhang lumapit sa akin.

"Oh! My! Hi hubby!" bulalas pa ni Lyka at nakangiting kumaway kay Jiro.

Tiningnan lang siya ng blanko ni Jiro at 'di nagsalita.

"Ay! Snob ang beauty ko mga besh!" nakangiwing sabi pa ni Lyka.

Natawa na lang ang iba maliban sa akin at kay Jiro.

Tiningnan ko si Jiro at nakatingin na pala siya sa akin.

"Oh?" tanong ko.

"Lolo want you to join us." Sabi niya at sininyas ang table nila.

Tsk!

Tumango na lang din ako. Nilingon niya si Xandra.

"You, too." Sabi ni Jiro sa kaniya.

Akmang aalis na si Jiro nang magsalita si Lyka.

"How about me, hubby?" nagpapa cute na tanong pa ni Lyka.

Inismiran lang siya ni Jiro bago tumalikod.

"Psh! Ang sungit talaga! Laging may dalaw eh 'no?" nakangiwing sabi pa ni Lyka.

Natawa naman sila habang ako ay napapailing na lang.

"Pagpasensiyahan mo na." sabi ko sa kaniya.

"Ano pa nga ba? Kinulam ata ako ng pinsan mong 'yan, eh! 'Di ko malimot-limutan psh!" Pairap na sabi pa niya kaya natawa na naman sila.

Napapailing na lang ako sabay tayo. Walang pinagbago. Ganun pa rin tulad ng dati tsk tsk!

Sabay kami ni Xandra na naglakad palapit sa table nila lolo. Marami silang nasa mahabang mesa.

Dala-dala ko naman ang regalo ko kay lolo. Alam kong mamaya pa ang bigayan ng regalo. Pero gusto ko ngayon ko na ibibigay.

"Good evening ho," bati namin ni Xandra.

Tinanguan at nginitian kami ng karamihan.

Nag-bow pa ako sa harap ni lolo Luis, ni judge Fransisco at kay lolo Adolfo.

"Happy birthday, lolo. Here." sabi ko sabay abot ng regalo ko.

"Salamat apo," Nakangiting sabi pa niya sabay abot ng hawak ko.

"Take your seat." sabi pa ni lolo Luis.

Tinanguan ko na lang siya at naupo kami ni Xandra.

Nag-uusap lang sila habang tiningnan naman ako ni Mrs. Chevalier. Nakangiti pa siya sa akin.

Nailang tuloy ako kaya tipid na ngumiti na lang ako

Nakita kong iritang-irita na si Asher sa katabi niyang si Drixie. Tinatarayan kasi siya ni Drixie na dumadaldal pa.

Hanggang sa matapos kumain ang lahat.

Nagpaalam kami ni Xandra na bumalik na lang sa table namin. Puro business din naman ang pinag uusapan nila.

Tumugtog na rin ang sweet music para sa mga gustong sasayaw.

"Sayaw tayo!" aya pa nila Keart.

"Oo nga! Tara!" Sabi pa ni Lyka.

Tumayo silang lahat maliban lang sa akin, Clark at Bisugo.

"Hoy! Kayong tatlo! Tumayo kayo r'yan! Clark, partner tayo. Mukhang may topak ang hubby ko, eh." nakangusong sabi pa ni Lyka.

Amp!

Ganiyan 'yan pagdating kay Jiro. Akala mo kami yung matanda sa kaniya.

Tsk!

Tumayo na lang si Clark bago tumingin sa akin.

"Sayaw din kayo," sabi niya sabay tingin sa amin ni Bisugo.

"Wag na/ No. thanks." sabay na sagot namin ni Bisugo.

Natawa naman si Clark at tumango.

"Kayo bahala," Sabi nito at nilahad ang kamay kay Lyka at iginiya papuntang dance floor.

Lahat sila may partner na. Nandito rin sila Brix, Firm at Nathan na kasayaw nila Stella.

Si Kaye Zenn naman ay yung kaklase niya ang kasayaw niya.

Kumuha na lang ako ng wine at tumingin sa dance floor. Nakita ko si Debbien at Trixie na marahang sumasayaw.

Nakatingin sila sa isa't-isa. I can see the love between of them.

That should be me.

That should be me who's dancing with him if we're not broke up until now.

Biglang napatingin sa gawi ko si Deb kaya nag-iwas ako ng tingin. Saktong sa gawi nila Jiro napunta ang paningin ko. Nag-uusap silang dalawa ni Liam.

Uminom na lang ako ng wine. Nang maibaba ko ang wine glass ay biglang tumayo ang katabi ko sabay lahad ng kamay niya sa harap ko.

Napakunot ang noo ko.

"A-ah, can I have a d-dance with you?" Nakaiwas ang tingin na sabi pa niya.

Tiningnan ko kung saan siya nakatingin bago uli tumingin sa kaniya.

"Bakit sa akin nakalahad 'yang kamay mo?" kunot-noong tanong ko pa.

Napalingon siya sa akin sabay kamot sa batok niya.

"I want to d-dance with---"

"Tsk! Do'n mo ilahad ang kamay mo sa tinitingnan mo hindi sa akin tanga." pigil ko sa kaniya.

Biglang nagsalubong ang mga kilay niya.

"What the! Can't you see na sa'yo nakalahad ang kamay ko?!" Inis na sabi pa niya.

Inis ko rin siyang tiningnan. Ako inaya niya tapos do'n sa iba nakatingin habang nagsasalita? Ang totoo, sabog ba ang isang 'to?

Tsk!

"Tsk! Sa akin nga pero ro'n ka naman nakatingin sa iba habang nagsasalita. Malay ko bang ako talaga psh!" nakataas ang kilay na sabi ko.

"Kahit kailan ka talagang panget ka!" Inis na sabi pa nito sabay himas sa batok niya.

Buti na lang walang mga nakatingin sa amin. Nasa dance floor ang tingin ng iba. Ang iba naman ay busy sa pag- uusap psh!

Nakalahad pa rin ang kamay niya sa harap ko.

Sinabi ko ng 'di ako sasayaw. Hindi niya ba nakita ang suot ko?

Hanep din eh!

"Sa iba na lang. Hindi bagay ang suot ko para sumayaw." walang ganang sabi ko sabay kuha ng wine glass at uminom.

"Bakit? 'Yang suot mo ba ang sasayaw?" pabalang na tanong pa niya.

Napangiwi ako dahil sa sinabi niya.

"May sinabi ba ako? Tsaka, paano sasayaw ang damit tanga!" pabalang ding sabi ko.

Sinamaan niya ako ng tingin at inis na binaba ang kamay niya. Pagkatapos ay padabog na umupo sa upuan niya.

Tsk!

Akala ko ba ayaw niyang sumayaw? Tapos ngayon?

Bipolar ang isang 'to.

Psh!

Tahimik na lang kaming dalawa habang naka-upo. Akmang tutungga na ako ng wine nang biglang may naglahad ng kamay sa harapan ko.

Pag-angat ko ng tingin ay sumalubong sa akin ang nakangiting mukha ni Deb.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya napaiwas ako ng tingin.

Lintik na puso!

Tsk!

"Can we dance?" Tanong pa ni Deb.

Napatingin ako kay Bisugo ng maramdaman kong nakatingin siya sa akin.

Blanko lang ang mukha nito at tumingin sa kamay ni Deb na nakalahad pa rin sa harap ko.

Nilingon ko si Deb at binigyan ng kaswal na tingin.

" I won't da-----"

"C'mon, Ash! Ngayon lang naman." Nakangiting sabi pa ni Deb sabay abot sa kamay ko at hinila ako patayo.

Hindi ako nakapalag ng hilahin niya ako papunta sa dance floor.

Lintik!

Baka ano pa masabi ng mga tao at ng syota ng lintik na 'to!

Napatingin ako sa table nila lolo at nakita kong nakatingin sa amin si Dad, Nami, Jiro, liam at ang Mommy ni Bisugo.

Seryuso lang ang mukha nila maliban kay Mrs. Chevalier na nakangiti lang ito.

Napaiwas na lang ako ng tingin at saktong dumako sa table nila Deb ang mata ko.

Nakita ko si Trixie na uminom lang ng wine habang nakatingin sa ibang sumasayaw.

Anak ng pating!

"What are you doing?" seryusong tanong ko kay Deb.

"Doing what?" takang tanong pa niya.

Hanep!

"Bakit mo ako hinila rito? Baka nakalimutan mong nandito ang pamilya ko at ang syota mo?" seryusong sabi ko pa.

Natawa siya at umiling lang.

"It's ok. Sayaw lang naman. Besides, nagpaalam ako sa girlfriend ko." nakangiting dabi pa niya.

Napaiwas ako ng tingin dahil sa huling sinabi niya. Napatingin ako kela Xandra. Nakatingin pala siya sa akin at napapailing pa.

Maya-maya ay bumalik na sila Kyla sa table namin.

Pagtingin ko sa table namin ay nakita ko si Bisugo na blankong nakatingin sa akin habang may hawak na alak.

Napakunot ang noo ko. Saan niya kinuha ang alak? Wine lang ang nasa table namin kanina ah!

Nang tingnan ko ulit siya bigla siyang tumayo at padabog na umalis. Nakita ko pang naglabas siya ng kaha ng sigarilyo bago tuluyang mawala sa paningin ko.

Nagsalubong ang kilay ko. Magyoyosi na naman ba siya?

Tsk!

"Hey! Bakit salubong na naman 'yang kilay mo." natatawang sabi pa ni Deb.

Napabuntong-hininga na lang ako at ginawang kaswal ang mukha ko.

"Nothing." Sabi ko sabay tingin sa table namin.

Nakita kong sinundan ng magpinsan ang kaibigan nila sa labas. Ano na naman bang drama ng ugok na yun?

Tsk!

************************************

Drixon's Pov.

Nakaramdam ako ng matingdin inis kay Panget habang masamang nakatingin sa likod ng gago niyang ex.

May biglang dumaan na waiter na may dalang alak. Kumuha ako ng dalawang baso at inis na umupo uli.

Blankong tiningnan ko sila Panget. Parang gusto kong manuntok ngayon. Gusto kong bangasan ang panget na mukha ng gago niyang ex!

Putik!

Nung ako nag-aya andami pa niyang satsat kahit nangangalay na kamay ko kanina. Tapos sa huli 'di rin naman pala papayag na isayaw ko siya.

Tapos ngayon, isang sabi at hila lang ng gago niyang ex pumayag agad siyang isayaw?

Tanga ba siya? Baka nakalimutan nilang nandito din si Trixie.

Tse!

Tumingin ako sa kabilang table.

Tahimik na umiinom lang ng wine si Trixie kaya ibinalik ko ang tingin ko sa dalawa.

Saktong tumingin si Panget kaya blankong tiningnan ko lang din siya.

Tse!

Sarap sugurin ng ex niya at pasabugin ang panget ng mukha gago na yun.

Kapal ng mukhang hilahin lang si Panget.

Peste!

Fuck him to hell!?

Inis na inis kong nilagok ang laman ng basong hawak ko. Saktong bumalik na sila Keart kaya inubos ko na rin ang isa pang baso ng alak.

"Hinay-hinay lang, dre." natatawang sabi pa ni Keart.

Sinamaan ko lang siya ng tingin bago pinukulan ng masamang tingin sila Panget.

Inis at padabog akong tumayo bago umalis!

Fvck this feeling!?

Galit na sabi ko sa isip ko. Inilabas ko ang kaha ng sigarilyo sa bulsa ko at kumuha ng isa.

Nang makalabas ako ay sinindihan ko ito at inis na humithit. Inis na sinipa ko pa ang bato na nadaanan ko bago dumeretso sa kotse ko.

Fvck!?

Ramdam ko talaga ang matinding inis at galit sa loob ko. Parang nasasaktan pa ako kanina. Nasasaktan ako na hindi man lang niya ako hinayaang isayaw siya. Tapos yung lintik ng ex niya hinayaan niya lang.

"Fvck!? Magsama kayong dalawa!?" Inis na sigaw ko pa at sinuntok ang kotse ko.

Napabuga ako ng usok at humithit uli.

"Calm down, dre." biglang sabi ng kung sino.

Pagtingin ko si Keart at Keith pala. Hindi ko sila pinansin at inis na sumandal sa kotse ko.

Wala akong paki kung mang-aasar na naman sila.

Tse!

"Ano? Mang-aasar na naman kayo? Tse!" Nakaiwas ang tinging sabi ko pa.

Napabuntong-hininga pa silang dalawa at napapaling.

"Hindi na kailangan na mang-asar pa kami, dre." nakangiwing anas pa ni Keith.

Sumandal ito sa kotse niya na katabi lang ng sa 'kin.

"Yeah, because this time, it is not about teasing or joking." seryusong sabi pa ni Keart.

Naka-cross arms pa siya habang nakatingin sa akin.

Napaiwas na lang ako ng tingin.

"Umamin ka nga sa amin, dre. Yung totoo at walang deny. Alam na namin 'to pero gusto naming sa'yo mismo manggaling ang bagay na gusto naming marinig." seryusong sabi ni Keith.

Mas lalo akong hindi makatingin sa kanila. Alam kong darating din ang araw na paaminin nila uli ako kung saan 'di na ako makaka-deny pa.

Dahil ako mismo ay alam ko na kung ano ang sagot.

"Exactly! Kung noon dinadaan lang namin sa biro para mapaamin ka. Kahit pa nga seryusong usapan noon ay 'di ka talaga aamin. Pero ngayon ay wala ka ng dahilan pa para mag-deny, dre. Huling-huli ka na. Kaya sabihin mo sa amin ngayon din ang lahat-lahat." seryusong sabi ni Keart.

Sunod-sunod na napahithit ako ng sigarilyo. Ramdam ko ang tense at kaba.

Shit!

Kaibigan ko naman sila besides, sila pa nga ang unang nakaalam kesa sa akin eh. Pero 'di ko maiwasang hindi kabahan.

Fvck!?

Bakit kay Panget pa kasi! Marami namang maganda at ideal man ng mga lalaki ryan kesa sa kaniya.

Putik na 'yan!!

"Pati paninigarilyo ay ginawa mo na uli ngayon. Matagal ka ng huminto sa paninigarilyo pero tingnan mo ngayon tss!" napapailing na sabi pa ni Keith.

"Tse!" Singhal ko na lang bago tinapon ang sigarilyo at inapakan. Binuksan ko ang pinto ng kotse ko at naupo sa hamba nito.

"Ano? 'Di ka pa rin ba aamin?" Seryusong tanong pa ni Keart.

Napahilamos ako ng mukha at napabuga ng hangin.

"H-how can I start?" nalilitong tanong ko pa.

Dala na rin ng kaba at tense na nararamdaman ko.

Panay kasi ang tanggi ko noon. Pero ngayon ay nagkatotoo na ang mga sinabi nila. Kaya nahihiya pa rin akong umamin sa kanila.

"Hahaha! Sabi na nga ba namin eh. Darating din ang panahon na 'to na 'di mo deretsong maamin sa amin. 'Yan, tanggi pa. Tss!" natawa at napapailing na sabi pa ni Keith.

"Tse! Malay ko ba kasing ito ang mararamdaman ko!" Inis na sabi ko.

Sabay silang napatingin sa akin.

"Maramdaman ang ano?" sabay na tanong nipang dalawa.

Napaiwas ako ng tingin at bahagyang nanginig ang kamay ko. Kaya pinagsaklop ko ito.

Damn!

Wala na akong kawala sa mga 'to.

Isa pa, bakit ba kasi ganito ka-tense kapag aamin tungkol kay Panget. 'Di naman kasi ganito ang nangyari nung mag confess ako kay Trixie at Kiana.

Tse!

"Ano na? Aabutan tayo ng umaga nito eh!" Inip na sabi pa ni Keart.

Napabuntong-hininga ako at kinalma ang sarili ko.

Dapat ngayon na ako aamin. Baka next time wala na akong lakas-loob para umamin.

"H-hindi ko kasi alam bakit lagi ako nakakaramdam ng ganito. Na-realize ko lang nung nakaraan. Nung araw na hinarangan na naman tayo nila Luke. Nung matamaan ng bala si P-panget." Panimula ko pa.

Nakinig lang sila sa akin kaya napabuntong-hininga ako bago nag patuloy.

"Pagkauwi ko ng bahay nun ay naabutan ko si Trixie sa labas ng bahay namin. Nagka-usap kaming dalawa. Humingi siya ng tawad at sinabing hindi siya ang para sa akin. Sinabi niyang may nakalaan para sa akin. Baka 'di ko pa nakita o nakita at na-meet ko na siya kaya lang 'di ko lang daw napansin." patuloy ko pa.

"And?" tanong ni Keith.

"Do'n ko naisip si Panget. 'Di ko alam kung bakit siya agad ang pumasok sa isip ko. Pinag-iisipan at tinimbang ko lahat at do'n ko na realize na-----"hindi ko tinuloy ang sasabihin ko at napabuntong-hininga na lang uli.

"Deretsuhin mo na nga lang. Isang salita lang ang gusto naming marinig. Tch!" napapailing at inip na sabi pa ni Keart.

Sinamaan ko siya ng tingin. 'Di makaantay ang mokong na 'to!

Palibhasa'y madali lang sa kaniya nung umamin siya tungkol kay Kyla.

Tse!

Putik naman oh!

"Ano na, dre? Mahirap bang sabihing 'mahal' o may 'nararamdaman' ako kay Panget. Mahirap yun? Mahirap?" sarkastikong pa ni Keith.

Binigyan ko siya ng matalim na tingin. Palibhasa'y wala siyang natitipuhan eh tse!

Napabuntong-hininga na lang uli ako.

"Putcha! Kailan mo pa bigkasin ang salitang---"

"May 'nararamdaman' na ako kay Panget." pigil at mariin na pag-aamin ko pa.

Natahimik silang dalawa habang nakatingin sa akin. Napaiwas ako ng tingin at naglabas uli ng sigarilyo. Mabilis na sinindihan ko at humithit.

Ramdam ko ang matinding kabog ng dibdib ko dahil sa pag-amin ko.

Shit!

"Finally!" sabay na sigaw pa ng magpinsan.

Hindi ko sila pinansin pero nagulat ako ng lumapit sila sa akin at binatukan nila ako ng sabay.

Inis na tiningnan ko sila ng masama pero tinawanan lang nila ako.

"Sa wakas at lumabas na rin yun sa bibig mo! Langya ka! Pinahirapan mo pa kami sa pagpapaamin lagi sa'yo!" natatawang singhal na sabi pa ni Keith.

"Mga gago!? Anong pinahirapan ko kayo!?" sigaw ko rin sa kanila.

Kahit papa'no ay kumalma na ang puso ko. Ganun pala ang nararamdaman kapag umamin?

Pero sa kaibigan ko pa lang 'to. Paano na kaya kung kay Panget---

Shit!?

Baka 'di ko kayang umamin sa kaniya!

Fvck it!

"Ulol! 'Di mo lang alam! Deny ka kasi nang deny!" nang-aasar pa ni Keart.

Inambahan ko siya ng suntok pero agad siyang nakalayo.

"Well, humanda ka sa next na aaminan mo ng iyong 'nararamdaman' dre." sigaw pa nito sabay talikod at pumasok sa loob.

"Gago!? 'Wag mo akong takutin!" inis na sigaw ko pero tawa lang ang naging sagot nito.

Tinapik pa ni Keith ang balikat ko.

"Good luck!" nakangising sabi niya at tinalikuran ako.

"Lintik kayong magpinsan!" inis na sigaw ko pero tinalikuran lang ako ng loko at pumasok na sa loob.

Tinapos ko na lang ang sigarilyo ko bago sumunod sa kanila sa loob.

Nakita ko si Panget na blanko ang mukhang nakaupo sa upuan niya.

Nagtanong pa sila kung ano ang nangyari ng lumabas kami. Ang mga loko 'di nga nagsalita pero nanunuksong tumingin naman sa akin at isininyas si Panget kaya binigyan ko lang sila ng matatalim na tingin.

Tse!

Tumahimik na lang ako at ganun din si Panget. Hindi ko siya pinansin habang ang daldal naman ng mga kasama namin.

Pinakilala na rin nila sa amin kanina na kapatid ni Kyla si Lyka. Ang ingay din pala ng kapatid ni Kyla. Kung hindi masyadong maingay si Kyla ay kabaliktaran naman sa ate niya.

Napaka-daldal at malakas pang tumawa. Nanghahampas pa kapag tuwangttuwa talaga siya ngunit kakaiba ang aura.

Pinagdiskitahan pa nga niya kami ni Panget. Bagay na bagay daw kami dahil parehong tahimik at blanko ang mukha psh!

Hanggang sa unti-unting nag si-alisan na ang mga bisita. Kinausap pa ng mga Acosta at Ibañez si Panget at Xandra. Ganun na rin si Kyla.

Pinakilala nila kami sa mga magulang nila Kyla at Xandra.

Naunang umalis ang mga Ibañez at sumunod naman ang mga magulang ng mga kaibigan ko. Pati na rin ang kapatid ni Kyla at si Clark.

Inaya pa kami ng mga Acosta lalo na ang lola nila Panget na pumasok sa mansion para naman matingnan namin ang loob. Dalawang palapag ang mansion at sobrang laki.

Hindi pa kasali ang atik nila na nagmukhang third floor na rin.

May mga old things tulad ng paintings, flower vase at iba pang mga antique na gamit.

Lahat kami namangha maliban siyempre sa tatlo.

Nagpasalamat kami sa dalawang matanda matapos kaming dalhin sa ibang parte ng mansion. Hind na nga rin namin napuntahan ang iba dahil sa laki.

Kulang ata isang araw mo para mapuntahan lahat ang kung ano mang nasa loob ng mansion.

Hanggang sa nagpaalam na rin kami na uuwi na dahil pasado-ala-una na ng madaling araw.

Natuwa pa si Don Adolfa ang lolo nila Panget dahil sa binigay kong regalo. Isang mamahaling t-shirt, shades at perfume ang regalo ko. 'Di ko naman kasi alam kung ano ang hilig niya.

Pero masaya akong nagustuhan niya ang regalo ko sa kaniya. Ganun din sa mga kaibigan ko.

Matapos magpaalam ay sabay kaming lahat na lumabas ng mansion. Hinatid pa kami ng dalawang matanda sa labas ng gate.

"Mag-iingat kayo mga hija at hijo." Sabi pa ni Doña Marites.

Tumango kaming lahat.

"Salamat uli sa pag-imbita sa amin at pagpapasok sa mansion niyo ho." magalang na sabi ko.

"Walang ano man, hijo. Welcome kayo sa pamamahay namin. Balik uli kayo sa susunod ah." nakangiting ani pa ni Don Adolfo.

Tumango na lang ulit kaming lahat.

Pumasok na sa loob ang mag-asawa matapos kaming kawayan.

"Lyle, hatid mo si Bella. Ikaw naman maghatid kela Stella at Theresa Keith." sabi pa ni Panget.

Nakapamulsa lang ito.

"Sige." sagot ng dalawa.

"Keart, ikaw na maghatid kela Xandra at Kyla. Nakauwi na kasi si Jiro at Liam." sabi pa uli nito.

"Sure!" nakangiting sagot ni Keart.

Tse!

Tumango na lang si Panget. Pumasok na sa mga kotse nila Lyle at Keart sila Bella, Stella at Theresa.

"Ingat kayo!" sabi pa ni Bella.

Tinanguan lang namin sila.

"Kayo rin, ingat." saad ni Kyla.

Bigla kong naalala ang nangyari kanina sa amin ni Panget.

Napatingin ako sa paligid at wala naming kakaiba.

Mukhang 'di na bumalik ang mga loko tse!

Pumasok na rin sa loob ng kotse sila Xandra at Kyla.

"Ingat." bilin pa ni panget sa kanila.

Tumango lang sila at umalis na rin. Kami na lang ang naiwan.

Lumapit si Panget sa motor niya kaya tumalikod na rin ako at pumasok sa kotse ko. Pero 'di ko pa pinaandar ang kotse ko at tiningnan siya mula sa bintana ng kotse.

Nakabukas kasi ang bintana ng kotse ko kaya kita ko siya.

Nakita kong nagsalubong ang kilay niya at bumaba sa motor niya.

"Shit! Sira pala ang gulong lintik!" Inis na sabi pa niya.

Naalala kong sira nga pala. Napangiti ako ng may idea ang pumasok sa isip ko. Lumabas ako at lumapit sa kaniya.

"Is there something wrong?" tanong ko pa.

Napabuntong-hininga siya at tumango.

"Sira ang litik na gulong ng motor ko." sabi pa niya sabay kuha ng susi ng motor niya.

Lumapit siya sa gate at kinausap ang guard.

Nakita kong tumango ito at lumapit sa motor ni Panget.

"Babalikan ko na lang 'yan dito bukas. Pakisabi kay lola at lolo na ipaayos sa mikaniko ang motor ko." Utos pa nito.

"Sige po, young lady." sabi pa ng guard.

Young lady huh!

Hinila ni Manong guard papasok ang motor ni Panget bago nito isara ang gate.

Narinig kong napahinga ng malalim si Panget.

"Let's go. I will drive you home." Kaswal na sabi ko ng hindi tumitingin sa kaniya.

Ramdam kong napatingin siya sa akin.

"Tsk! Mag-aabang na lang ako ng masasakyan-----"

"Tse! Bakit ka pa mag-aabang kung nandito naman ako!" Inis na sabi ko at hinila siya papunta sa kotse ko.

Tse!





To be continued...

A/N: Konnichiwa! BLUEEEM BABIES!! Hope you like this chapter!

Support din niyo ako sa ibang stories ko guysss! Lalo na sa "THE ASSASSIN'S REVENGE" it's a thriller/mystery and Action!

Hope you will read it!

God bless!!

Don't forget to Vote, comment and follow!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top