chapter 125 " Parking lot"

A/N: Hello guysss hope you enjoy reading!

Ashi Vhon's Pov.

Nakaupo ako ngayon sa motor ko habang naka pandikwatrong naghihintay dito sa labas ng shop.

Sabado ngayon at pupunta kami nila Xandra sa mansion nila Lola at Lolo Adolfo dito sa makati mamayang gabi.

Tumawag si lola kagabi na gusto niyang pupunta kami do'n ngayon. Kaarawan nga pala ni Lolo Adolfo kaya di kami makakatanggi.

Dahil sa naging busy ako this past few days hindi ko na alalang birthday nga pala ni lolo.

Paniguradong marami na namang bisita ang meron sa mansion tsk.

Maraming imbitado pati ang mga Chevalier, Evans, monreal at ang pamilya ni Kyla imbitado rin.

Kaya paniguradong hindi kami basta basta makakaalis ng maaga don maya tsk.

Inimbita ko na rin naman sil Bella, Mello, Theresa at Stella. Si lola na rin ang nagsabi na isama namin ang mga kaibigan namin.

Hayst!

Antagal naman nung dalawang yun! Tumayo ako at saktong pagtayo ko ay lumabas ang dalawa na may bitbit na paper bag.

"Oh? Bat ang tagal niyo?" Malumay na tanong ko.

Napangiwi si Kyla bago tumingin kay Xandra.

"Tss! Mukhang umandar na naman ang pag inipin mo ah? Ilang minuto lang kami sa loob, Ash." Nakangiwing sabi pa ni Kyla.

Tsk!

Hindi ko na lang sila pinansin at sumampa sa motor ko.

"Tara na, may pupuntahan pa ako." Walang ganang sabi ko pa at
pinaadar ang motor ko.

Narinig ko pang bumulong si Xandra pero di ko na pinansin pa tsk!

Nauna na akong umalis sa kanila at nakasunod naman sila.

Pasimpleng tumingin ako sa side view mirror ng motor at tiningnan ang kanina pang sumusunod sa amin.

Tsk tsk!

Mga bobo!

Alam kong namatyagan din ng dalawa ang sumusunod sa amin. Kajina pa yan nung palabas kami sa kanto ng bahay kanina.

Mukhang minamatyagan kami ng mha ugok! Napapailinh na lang ako at pinaharurot ang motor ko.

***

Pagdating sa bahay ay kumain na lang kami ng tanghalian. Pagkatapos ay nagpaalam na din ako sa dalawa.

Busy sila sa mga damit na susuotin nila mamaya sa party ni lolo.

Wala naman akong paki sa damit ko mamaya. Tamang pantaloon at t-shirt lang ayos na.

Pagdatinh ko sa distinasyon ko ay agad na akong nahpark sa harap ng may kaliitang bahay bago bumaba ng motor.

Napatingin ako sa may gilid ng bahay at nakita ko si Aling Betty na nagsasampay ng damit.

Naglakad ako palapit at saktong humarap siya sa gawi ko.

"Magandang hapon ho." Magalang na bati ko pa.

Nginitian niya ako sabay tango.

"Magandang hapon naman, hija. Napadaan ka ata?" Tanong pa nito.

Napakamot na lang ako ss batok ko bago nagsalita.

"Ah, sumadya talaga ako dito para sana imbitahan kayo sa kaarawan ng lolo Adolfo ko." Sabi ko pa.

Napaisip naman siya at ng mapagtanto niya ang iniisip ay nagsalita siya.

"Oo nga ano? Kaarawan pala ng iyong lolo Adolfo ngayon. Muntik ko ng makalimutan." Natatawang sabi pa nito.

Tipid na ngumiti at tango na lang ako.

"Ah, O ho. Sana pupunta kayo do'n mamaya." Sabi ko pa.

"Nakuh! Nakakahiya naman, hija. Wala kaming regalo para sa lolo mo." Nahihiyang sabi pa nito.

Natawa na lang ako.

"Ayos lang ho 'yon. Ang mahalaga ay pupunta kayo. Alam kong malapit kayo sa mga Acosta kaya sana ay pagbigyan niyo na ako." Sabi ko pa.

Napakamot na lang siya sa noo niya at tumango.

"Ah, sige. Ipapaalam ko na lamang mamaya sa asawa at mga anak ko, hija. Paniguradong natutuwa ang nga iyon." Sabi pa niya.

Tumango ako at iniabot sa kaniya ang hawak kong tatlong paper bag. Damit iyon na susuotin nila mamaya.

"Ito ho ang susuotin niyo mamaya. Hindi ho 'yan masyadong maganda pero bagay naman 'yan para sa party mamaya. Wala naman kasi akong alam sa mga fashion." Napakamot na sabi ko pa na ikinatawa ni Aling Betty.

"Naku! Salamat dito, hija. Manang mana ka talaga sa ina mo. Pareho kayong dalawa pagdating sa pananamit." Nakangiting sabi pa niya.

Napakunot ang noo ko. Pero di ko na lang pinansin at tumango na lang.

"Ah, wala ho 'yun. Ipapasundo ko na lang kayo mamaya sa driver nila lolo. Wag na kayong mag abalang bumili ng regalo. Sapat na iyong nando'n kayo sa kaarawan ng lolo ko." Sabi ko pa.

"Salamat naman, hija." Tipid na ngumiti ako at tumango.

"Sige ho, aalis na ako. May gagawin pa kasi ako." Pag papaalam ko pa.

"Sige, salamat uli at mag iingat ka palagi, hija. May mga bagay na dapat hindi natin inaasahan kaya dapat maying handa at mag iingat ka." Nakangiting sabi pa nito.

Napakunot na naman ang noo ko at kamot ulong tumango na lang.

Alam kong may ipinapahiwatig siya at 'yon ang di ko alam kung ano.

Tsk!

Nag paalam na lang ako uli bago umalis do'n. Bawat punta ko doon ay may mga bagay na parang weird na sinasabi si Aling betty.

Napapailing na lang ako at pumunta ng mall. Gusto ko lang bilhan silolo ng regalo.

Sila Kyla at Xandra ay paniguradong may reaglo na ang mga 'yun.

Pagdating ko sa mall ay nakapamulsang naglakad ako papasok sa loob.

Ramdam ko pa ang mga tingin ng iba pero di ko pinansin. May mga nahbubulungan pa at alam kong studyante sila sa dating school namin.

Tsk!

Mukhang imbitado din ata ang mga magulang nila.

Dumeretso na lang ako sa second floor ng mall. Pumasok ako sa isang shop at tumingin tingin ng pwedeng i-regalo kay lolo.

Kahit naman sila lolo ang pinaka mayaman sa baguio ay hindi naman siya materialistic na tao.

Simple at desente lang siya. Ganun na nga talaga ang angkan ng nga Acosta. Pati ang daddy ni Xandra ay ganun din.

Sila yung taong hindi mo masasabing mayaman na arogante.

Ganun na din naman ang mga Ibañez. Lumabas na lang ako ng shop ng wala akong makitang pang regalo kay lolo.

Tumingin tingin ako sa paligid at napadako ang mata ko sa isang boutique.

Tahimik na naglakad na lang ako papasok sa loob. Tumingin tingin ako sa mga naka display.

Napatingin ako sa isang kulay silver na relo.

"Excuse me, miss." Tawag ko sa isang babae.

Nakangiting lamapit ito sa akin.

"Yes, Ma'am? May napili na po ba kayo?" Tanong pa nito.

"Can I have this one." Sabi ko sabay turo sa relo.

Tumango siya at kinuha ang tinuro ko bago iabot sa akin.

Tiningnan ko ito at maganda naman siya. Hindi rin ganun ka mahal pero alam kong magugustuhan to ni lolo.

"I'll buy this one." Sabi ko sabay abot uli sa kaniya.

Agad ko nang binayaran gamit ang credit cards na bagong bigay ni Daddy nung nakaraan.

Pinilit ako ni Dad kaya tinanggap ko na lang. Alam kong di niya ako lulubayan hangga't di ko tatanggapin.

Lumabas na ako ng shop habang nasa hawak ko ang paper bag. Nakayuko lang ako habang naglalakad.

Napatingin ako sa relo ko at pasado alas 2 pa lang ng hapon. Mamayang alas sais pa kami aalis dahil alas syete magsisimula ang party mamaya.

Tsk!

"Shit!" Bulalas ko pa ng may bumunggo sa akin.

Muntik pa akong matumba lintik!

"Fvck!?" Bulalas din ng nakabunggo sa akin.

Inis akong nag angat ng tingin at saktong nagtama ang mga mata namin.

Mabilis siyang nag iwas ng tingin habang salubong pa ang kilay tsk!

Anong ginagawa ng ugok na 'to dito?

"Anong ginagawa mo dito?" Blankong tanong ko pa.

"Tse! Ano ba dapat ang ginagawa kapag nasa mall?" Sarkastikong balik tanong pa nito.

Abah! Loko to ah!

Dinaig pa ang pabalang na mga sagot ko.

Tsk!

"Naglalako ng nga trigo!" Pabalang na sagot ko din.

Inismiran niya lang ako at bumuntong hininga. Di pa rin siya tumitingin sa akin.

Naninibago na naman ako sa Bisugo na 'to. Mula nung maglasing siya nung nakaraan ay parang ilap siya sa akin.

Animo'y na iilang at di mapakali kapag kaharap ako.

Tsk!

Ano kayang sumaping engkanto sa isang to. Parang mas weird pa sa akin eh no?

Psh!

"Bakit ikaw pa panget?"

"Bakit ikaw pa panget?"

"Bakit ikaw pa panget?"

Napakunot na naman ang noo ko ng magpaulit ulit sa isip ko ang huling sinabi niya nung papaalis kami sa resto bar.

Tsk!

Ano kayang pumasok sa isip ng ugok na 'to at kung ano ano sinabi niya. Epekto ata ng kalasingan tsk!

At nung maihatid ko pa siya sa bahay nila ayaw pang bumaba ng motor. Gusto pa niyang sumakay sa motor ko at magpa byahe uli.

Natumba pa kami sa lupa ng pilitin ko siyang ibaba sa motor ko. Natawa pa nga si Misis Chevalier ng paglabas nila ay nakita kaming parehong nakabulagta sa lupa.

Nakadagan pa sa akin ang ugok tsk! Buti na lang tinulungan ako ni Mr Chevalier ang daddy niya na kuhanin sa ibabaw ko ang ugok.

Gusto ko sanang sigawan siya pero di na lang kasi nandyan ang parents niya psh!

Tinulungan ko pa nga si Mr Chevalier na ipasok siya sa kwarto niya.

Tsk!

Tiningnan ko siya at nakatingin lang siya sa kung saan. Nagsalubong ang kilay habang nakatingin ng blanko sa kaniya.

Parang di na naman mapakali ang loko. Napakagat pa ng labi at napabuntong hininga. May problema ba ang mokong na 'to?

Napapailing na lang ako at nilagpasan siya. Nakaka-ilang hakababg pa lang ako ng magsalita siya kaya napahinto ako.

"A-ah, gusto mo bang kumain muna?" Mahinang tanong pa nito habang nakatalikod ako.

Napakunot na naman ang noo ko. Bakit naman nag aya ang ugok na 'to?

Taka ko siyang nilingon at di siya makatingin sa akin. Ayos lang ba siya? Tsk!

"Tapos na akong kumain." Kaswal na sagot ko pa.

Napakamot na lang siya ng batok. "What I mean is snack?" Patanong na sabi pa niya.

Napabuntong hininga na lang ako. Ano kayang nangyari sa Bisugong to? Tanungin ko kaya? Baka may problema ang isang to.

"Libre mo?" Kaswal na tanong ko.

Tumango naman ito. Tipid na tumango na lang din ako. Wala namang masama kung mag snack kami.

Tsk!

Nauna siyang naglakad at pumasok kami sa isang coffee shop ng mall.

Siya na rin ang nag order at cool na umupo na lang ako sa isang vacant table.

Blankong tumingin na lang ako sa paligid ng shop. Kunti lang ang nandito.

Napatingin ako uli sa relo ko. Wala naman na akong gagawin sa bahay mamaya. Tamang pagbihis lang para sa pagpunta sa party ni lolo.

"Here." Sabi pa ni Bisugo sabay lapag ng tray.

Umayos ako ng upo at tumingin sa pagkain.

"Di mo ba nagustuhan yan? O-order uli ako----"

"No. Its ok." Kaswal na sabi ko at kumuha ng isang slice ng brownies.

Tamang tama kunti lang kinain ko kaninang tanghalian.

Kumain na lang ako at ganun na din siya. Kinuha ko ang frappe na para sa akin at uminom.

Tiningnan ko siya at tahimik lang siya sa pagkain.

"Are you, ok?" Kaswal na tanong ko pa sa kaniya.

Tumango lang siya at parang naiilang na naman. Tsk!

"Bakit parang di ka mapakali?" Tanong ko.

Hindi naman ganito ang ugok na to. Mula lang ng nung naglasing to naging ganito.

Tapos minsan lang nagsasalita kapag sabay sabay kaming lahat na kakain sa cafeteria.

Tsk tsk!

"W-wala." Maikling sagot pa niya.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain. Hanggang sa matapos.

*Burrffff

Dighay ko pa ng hindi nagtatakip ng bibig. Napatingin pa sa gawi namin ang iilang nag snack.

Tsk!

"Magtakip ka nga ng bibig. Nakakahiya tapos ang laki pa ng dighay mo!" Saway pa ni Bisugo.

"Psh! Bilisan mo na lang dyan ng makaalis na ako." Sabi ko pa.

Tinaasan niya ako ng kilay pero umiwas din naman ng tingin.

"Kahiya naman sayo ." Sarkastiko at mahinang sabi pa niya.

Hindi ko na lang siya pinansin ng may maalala ako.

"Bakit ka pala nandito?" Tanong ko.

Nilunok naman niya muna ang kinain bago sumagot.

"May binili lang." Sabi pa niya. Napatingin ako sa paper nag na nasa isang upuan.

Ngayon ko lang napansin na may dala pala siyang paper bag kanina.

Tumango na lang ako hanggang sa matapos siyang kumain.

Sabay kaming lumabas ng shop at lumabas ng mall.

Mukhang uuwi na rin pala siya. Dumeretso na lang ako sa motor ko. Akmang sasampa na ako ng magsalita siya. Nasa likod ko pa rin pala ang ugok.

"T-thanks!" Mahinang sabi pa niya.

Napakunot ang noo ko." Saan?"

"W-wala." Sabi niya at tinalikuran ako.

Napapailing na lang ako at tuluyang sumakay sa motor ko at pinaandar.
Nauna siyang umalis at sumunod naman ako.

***********************************

Drixon's Pov.

Agad na akong pumasok sa kotse ko habang kinakabahan ako.

Lintik naman kasi ang nangyayare sa akin!

Pinaandar ko na ang kotse ko at sinukyapan pa muna siya bago naunang umalis.

Kumalma na ang tibok ng puso at di ko namalayang napangiti na pala ako.

Powta!

Para na akong sira nito. Ngingiti ng ako lang mag isa.

It was my first time na inaya ko siyang mag snack ng kami lang dalawa.

Lintik pa ang kaba ko kanina dahilan para di ako mapakali.

Mula nung maglasing ako at malaman ko ang nangyari dahil sinabi ni Mom and Dad sa akin kinabukasan. Nakaramdam ako ng matinding kahihiyan.

Kahit pa kinikilig si Mom habang nag kwento sa akin ay hindi ako mapakali.

Naisip ko kasing baka may nasabi ako kay panget hababg lasing ako. Walan aman akong naalala kahit pa nga kung paano ako nakauwi.

Kundi pa sinabi nila Mom di ko malalaman na si panget pala ang naghatid sa akin.

Nagtaka pa nga ako eh. Paanong siya ang naghatid sa akin eh hindi naman siya nag duty nung gabing yun.

Papaano kaya niya nalaman na nasa resto bar ako?

Tse!

Buti na lang hindi na inungkat ni panget ang nangyari. Naka mas lalo pa akong mapahiya.

Kaya mula nun ay hindi na ako mapakali kapag kaharap ko siya. Naiilang kasi ako sa kaniya.

Hindi ko pa din nakakausap ang dalawang magpinsan dahil nahihiya akong umamin sa kanila.

Baka pagtawanan pa nila ako dahil puro tanggi ako noon. Tapos ngayo naman---aish!

Gusto ko sanang tanungin si panget kung may mga sinabi ba ako nung lasing ako. Pero nawawalan ako nh lakas loob magtanonh kasi nahihiya pa rin ako.

Lintik talaga!

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Kay Trixie at Kiana ay hindi naman ako ganito sa kanila.

Ayaw ko man aminin. Mukhang kakaiba ang nagagawa sa akin ni panget.

Tse!

Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa bahay. Bumaba na ako ng kotse at lumasok sa loob.

Naabutan ko si Mom na nakaupo sa sala. Habang si Dixie ay pababa ng hagdan.

"Oh, big boy? Saan ka galing?" Tanong pa ni Mom.

"Mall." Maikling sabi ko pa at ngumiti.

Naupo ako sa sofa at unupo din si Drixie.

"Aw! I thought nagkita kayo ni big girl Ashi." Nakangusong sabi pa ni Mom.

Napaubo na lang ako at ngumiti.

"Duh, Mom. Alam ko namang magkasama sila ni ate Ashi eh." Nakangising sabi pa ni Xie.

Napakunot naman ang noo ko. Paano niya nalaman? Biglang napatili si Mom.

"Really? How did you know baby girl?" Excited na tanong pa ni Mom.

"Friend. May kaibigan akong nakakita sa kanila sa isang coffee shop sa mall." Nakangiting sabi pa nito sabay tingin sa akin at nanunuksong tiningnan ako.

"Omo! Yieee! Ikaw big boy ah! Bakiy mo pa tinanggi? Ayos lang naman sa akin yieee!" Patiling sabi pa ni Mom.

Napakamot na lang ako sa ulo ko.

"Mom, naman." Sabi ko pa.

"Duh! Nīsan, itatago mo pa! Ngiti mo pa lang kanina kakaiba na!" Singit pa ni Xie.

Sinamaan ko siya ng tingin. Pahamak talaga ang babaeng to eh!

"Ayiiee! Ang big boy ko marunong ng magtago ng love life! Binata na talaga ang big boy ko." Bibong sabi pa ni Mom.

Napakamot na lang ako ng batok. Kahit kailan talaga tong si Mom.

Kapag siya kaharap ko kailangan ko sabayan ang pagka isip bata. Tuloy napagkamalan din akong isip bata tse!

"Mom! Binata naman na talaga ako eh! Sag mo na kasi akong tasaging big boy, aish!" Nagkakamot ng batok na sabi ko pa.

Nginitian lang ako ni Mom."hayaan mo na ako big boy! Baka naman kasi in love ka na kay big girl ashi! Yiiee---"

"Mom!" Saway ko pa.

Napabungisngisi na lang silang dalawa ni ng kapatid ko kaya inis na tumayo ako.

Tinutukso pa nila ako kaya dali dali akong umakyat sa kwarto ko.

Kainis!

Tutuksuhin lang nila ako eh! Hindi ko pa nga nasasabi sa kanila ang nararamdaman ko nanunikso na sila.

Paano pa kaya kapag yung dalawang ugok na magpinsan ang kausapin ako?

Aish!

Inis na nahiga na lang ako sa kama ko. Alas tres y medya pa naman ng hapon. Mamaya pa kami aalis papunta sa mansion ng nga Acosta.

Imbitado ang pamilya namin pati na din ang pamilya ng mga kaibigan ko.

Ginawa kong unan ang isang braso ko habang hawak ang isang panda sa bandang tyan ko at nakatitig sa kisame.

Napangiti ako ng maalal ang pag snack namin ni panget. Nakamatyag lan naman ako sa kaniya kanina kahit di ako nagsasalita.

Naiilang akong kausapin siya. Tsaka, may sakit ata ako sa puso eh tse!

Bumibilis kapag si panget ang kaharap tse!

Hanggang sa hindi ko namalayang naka idlip na pala ako.
Nagising lang ako dahil sa katok mula sa pinto.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at pagmulat ko ay nakita ko si Mom.

Nakabihis na pala siya. Napatingin ako sa wall clock ko at alas sais y medya na pala.

Dalawang oras akong naka idlip.

"Gising na bigboy. Aalis na tayo ng 6:30 mamaya. Dali an mo!" Excited na sani pa ni Mom.

Bumangon na lang ako at bumaba ng kama. Dumeresto si Mom sa closet ko at kumuha ng damit na pormal para sa susuotoin ko.

"Maligo ka na bigboy!" Sabi pa ni Mom.

Napakamot na lang ako ng ulo at punasok sa banyo. Hinubad ko ang lahat ng saplot ko bago binuksan ang shower.

Hinayaan kong umagos sa katawan ko ang tubig. Napaisip sko, ano na naman kaya ang suusotin ni panget mamaya?

May dress na naman kaya siya? Aish! Wag lang sana!

Mas gusto ko siyang makitang naka t-shirt at pantaloon na lang.

Tse!

Naligo na lang ako hanggang sa matapos. Paglabas ko wala na si Mom at nasa kama ko na ang mga damit.

Nagbihis na lang ako. Pagkatapos ay nagsuklay ng buhok at nag spray ng lacoste perfume ko.

Inayos ko ang necktie ko bago nag pohi post sa salamin.

"Ang gwapo ko talaga! Wala ng ibang hahanapin pa si panget dahil nasa akin na lahat." Proud na sabi ko pa.

Napatigil ako ng ma-realize ang sinabi ko.

Aish!

Tumalikod na lang ako sa salamin at kinuha ang phone, wallet at susi ng kotse ko.

Nasa kotse ko naman ang regalo ko para kay Don Adolfo.

Pagkababa ko ay naabutan ko silang tatlo sa sala. Bihis na bihis na sila at ang ganda ni Mom.

"Gorgeous, Mom!" Nakangiting sabi ko pa.

"Yiee! Thank you big boy! Ang gwapo mo, anak. Sure ako, mai-inlove sayo si big girl Ashi---"

"Mom!" Inis na saway ko pa.

Napa peace sign na lang si Mom habang tumawa naman si Dad at Xie.

Tumabi ako kay Dad at nag pa cool na umakbay sa kaniya.

"Ang pogi talaga natin, Dad." Sabi ko pa.

"Oh, c'mon, Son. I'm more than handsome than you." Cool na sabi pa ni Dad.

Agad akong nabitaw sa kaniya at umalma.

"Dad, nasaan ang salamin mo? Hindi mo ata nakitang mas gwapo ako sayo." Sabi ko pa at nag pogi post.

Natawa na lang si Dad at Mom. Habang pinag taasan ako ni Xie ng kilay.

"Assuming ka masyado kuya. Kung gwapo ka pa bakit hindi ka sinagot ng mga nililigawan mo? Worst iniwan at niloko ka pa!" Alma pa niya habang pinag taasan ako ng kilay.

Sinamaan ko siya ng tingin at inis na kukutusan sana ng mabilis siyang pumunta sa likod ni Mom.

Natawa pa si Dad at Mom.

Tse!

Inis na iniwan ko na lang sila at lumabas ng bahay.

Rinig ko pa ang mga tawa nila pero di ko na pinansin.

Pumasok ako sa kotse ko. At inis na ponaandar ang kotse. Kahit kailan wrong timing lagi ang kapatid ko.

Psh!

Nauna akomg umalis sa kanila at tinawagan ang mga ugok.

"Nasaan na kayo?" Tanong ko pa.

"Paalis na rin, dre." Sagot pa ni Keart.

Rinig ko pa ang boses ni Keith. Mukhang kasama niya ang ugok niyang pinsan.

"Yow, dre! Excited ka na bang masilayan uli ang iyong sinta?" Nang aasar na sabi pa ni Keith.

Nagtawanan pa silang dalawa.

"Ulol! Wag mo akong asarin ugok ka!?" Inis na sabi ko pa.

"Sus! Deny ka na naman eh! Wag kami, dre! Alam naming one of this days aamin ka rin sa amin!" Sabi pa ni Keart sabay tawa nilang dalawa.

Tse!

Ang lakas ng pang amoy ng magpinsan na to eh!

Kahit kailan talaga psh!

"Gago!? Tumigil kayong dalawa ah! Baka makatikim kayo sa akin mamaya!" Inis na sabi ko pa.

"Kalma lang, dre. Masyado ka na talagang halata. Kulang na lang halikan mo si panget mo sa harap namin----"

"Ulol! Bilisan niyo na dyan!" Sigaw ko at binaba ko ang tawag.

Napapailing na lang ako. Pero napangiti rin ako. Kahit paano ay nagustuhan ko ang sinabi ng nga ugok.

Talagang pinaninidugan nilang may gusto ako kay panget ah.

Tse!

Tinahak ko na lang ang daan patungo sa mansion ng mga Acosta. Pagdating ko ay marami bg sasakyan sa labas ang nakita ko.

Mukhang marami ngang bisita ang mga Acosta. Nagpark na lang ako at hinid na muna bumaba. Tiningnan ko ang paligid at unaasang nandito na sila panget.

Pero wala akong nakita. Maya maya ay may mga bagong dating na kotse.

Andyan na ang mga ugok. Agad na akong bumaba at ganun din naman sila.

"Wazzup!" Bati pa nila.

Sinamaan ko lang ng tingin ang magpinsan. Nilingon ko si Lyle at kaswal lang ang aura.

"Easy, dre. hahahaha." Sabi pa ni Keith.

"Tse!" Sibghal ko na lang.

Dumating na rin sila Mom kasabay ng nga magulang ng mga ugok.

Nauna silang pumasok sa loob. Napatingin ako sa kalsada at wala pa ang tatlo. Wag mong sabihing lat na naman ang tatlong yun?

Psh!

"Akoy naghihintay sayo mahal." Pakantang sabi pa ni Keart.

Kunot noong nilingon ko siya at nakangisi silang pareho ng pinsan niya.

Napapailing pa si Lyle at nagpaalam na mauna ng pumasok.

Naiwan kaming tatlo dito sa labas.

"Oh? Magsisimula ka na bang umamin, dre-----?"

"Tse! Wag niyo akong simulan ah." Banta ko sa kanila.

Ayaw kong umamin sa kanila ngayon. Nahihiya pa akong umamin baka tuksuhin pa ako ng mga loko.

Pigil na tumawa ang dalawa at sabay pang napapailing.

"Pumasok na nga lang tauo sa loob. Do'n na lang natin hintayin ang tatlo." Sabi pa ni Keith.

Tumanho na lang ako at sabay kaming pumasok. Napanganga pa kami ng makita ang loob.

Ang laki ng espasyo nila. Mas malaki pa ang bakuran nila mansion ni lolo. Napanganga pa ako ng tiningnan ko ang buong paligid. May iba ibang desinyo na pang classic design.

May ibat ibang bulaklak ding nakahelera sa bakuran. May malaking fountain din na kulay puti ang pintura.

Napakaraming tao din. Namamangha din ang iba habang nakamasid sa paligid. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong mansion.

Kakaiba sa ibang mansion na nakikita ko. Pang old design ang motif ng mansion.

"Woah! Di ko akalaing ganito ka ganda at laki ang mansion ng nga Acosta. Wala man lang sinabi ang tatlong yun!" Sabi pa ni Keart.

Agad naman siyang binatukan ni Keith dahilan para mapakamot sita sa batok.

"Gago! Kailan pa ba nag kwento ang tatlong yun?" Sigaw ni Keith sa kaniya.

Sa akin nag kwento naman si panget pero tungkol lang sa pagitan ng pamilya at sa ex niya dati. Pero hindi naman lahat sinabi niya. Kunti lang ang alam ko.

"Oo nga naman." Kakamot na sabi pa ni Keart.

Napapiling na lang ako. Napatingin ako sa malaking pinto ng mansion. Biglang lumabas doon ang pamilyar na matandang lalaki.

Si Don Adolfo. Nakangiti ito at bakas ang saya sa mukha niya.

Dito sa bakuran gaganapin ang party. Nakaupo pa ang iba habang ang karamihan ay nakatayo pa.

Humanap na lang kami ng pwesto at saktong nakita namin si Lyle na kumaway sa amin. Lumapit kami at naupo.

Kadalasan sa mga bisita ay nabibilang sa mayayamang angkan. Mga negosyante at iba pa. Nandito na rin pala ang panilya ni panget.

As usual, ka table nila sila Mom at ang magulang ng mga ugok kong kaibigan.

Pumunta sa harap ang celebrant at nakangiting nagsalita.

Naupo na rin ang lahat maliban sa mga katulong na pabalik balik lang sa loob.

Napatingin ako sa relo ko at wala pasado alas syete na pala pero wala pa sila panget.

Matapos nagsalita ang celebrant ay bumaba ito ng stage at lumapit sa table nila Mom. Agad utobg binati ng lahat.

"Aish! Ang tagal naman ata nila." Mahinang bulong ko pa.

Nagsimula na ang party at wine lang ang nandito sa table namin.

Hayst!

Nainip ako kaya nag paalam ako na lalabas lang muna.

Kinapa ko pa ang bulsa ko at inilabas ang yosi. Nung nakaraan lang uli ako bumalik sa pag yosi kaya ngayon ay may dala dala na ako.

Nang makalabas ako ay sumandal ako sa kotse ko at nagsindi ng yosi.

Ako lang ang tumigil sa pagyoyosi sa aming apat. Pero ngayon naman ay bumalik na rin ako.

Nakakagaan ng pakiramdam ang yosi at nakak relax.

Nakatingala ako sa langit na puno ng kimikinang na mga bituin. Maaliwalas naman ang kalangitan ngayon. Tamang tama para sa isang party.

Hindi pa nangangalahati ang yosi ko ng may tunog ng motor ang dumating.

Pagtingin ko si panget na blanko lang ang mukha. Kasunod niti ang dalawang kotse.

Si panget lang ang nagmomotor?

Mapatingin ako sa isang kotse na bumukas at lumabas si Liam at pinagbuksan sila Xandra.

Kaya pala dahil naka dress sila. Si panget lang ang hindi.

Lihim na napangiti naman ako. Buti naman at hindi nagsuot ng dress ang isang to.

Tse!

Lumabas sa kabilang kitse ang isang lalaki at pinagbuksan ng pinto ang kung sino ang nasa loob.

Lumabas ang isang lalaking ka-edad lang ni Dad at ang isang ginang. Sa kabila naman lumabas ang isang lalaki na ka-edad ko lang din ata at ang dalawang bata.

Teka!

Pamilyar ang dalawang bata. Sioa yung tunawag noon kay panget ng makita nilang binugbog ako ng grupo nila Luke.

Ang dalawang bata na nagbenta ng sampagita at ang hinayid namin ni panget sa bahay nila.

Si Brile at Belle.

Masayang lumapit ang dalawan bata kay panget at ganun din ang lalaki.

Napakunot ang noo ko ng matamis na ngumiti ito kay panget.

"Salamat sa pag imbita sa amin, Ash." Nakangiting sabi pa ng lalaki.

"Oo nga naman, hija. Maraming salamat." Nakangiting anas pa ng ginoo.

"Ayos lang. Sige na, pasok na kayo sa loob." Sabi pa ni panget.

Tumango lang sila.

"Ate ganda! Bakit di ka nakasuot ng dress tulad nila." Inosenting tanong pa ni Belle sabay turo kela Xandra.

"Naku! Baby girl, lumaking taga bundok ang ate ganda mo kaya ganiyan manamit." Natatawang sabi pa ni Liam.

Sinamaan naman siya ng tingin ni panget.

"Hala! Talaga po?" Inosenting tanong pa ni Brile.

Natawa na lang ako ng mahina ng makiya ang pag-ngiwi ni panget.

Habang tumatawa naman sila Xandra."Nakuh! Hija, pag pasensiyahan mo na ang mga batang ito." Singit pa ng ginang.

"Ayos lang ho, pumasok na kayo sa loob. Mukhang kanina pa nagsimula ang kasiyahan sa loob." Sabi pa ni panget.

Nakangiting tumango ang mga ito at iginiya ng driver ata ang mag pamilya.

"Let's go, Ash." Aya pa ni Liam.

"Mauna na muna kayo. Aayusin ko lang ang motor ko. Nagloloko eh." Sabi pa nito.

"Ano bang nangyari?" Tanong pa ni Xandra.

"Oo nga, himala namang nagloko ang motor mo ah!" Sabi pa ni Kyla.

Ang ganda niya sa suot niya at ganun din si Xandra. Mas lalong lumitaw ang kaputian nila.

"Ewan, mukhang may nadaanan akong matulis kanina." Simpling sagot ni panget.

Tumango na lang sila.

"Ge, sunod ka agad sa loob." Bilin ni Liam bago naglakad papasok sa loob.

Tse!

Di man lang nila ako napansin eh!

Ramdam ko na naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko habang nakatingin kay panget.

Umupo ito at sinipat ang gulong ng motor niya. Humithit na lang ako ng yosi habang nakamasid lang sa kaniya.

Parang ayaw kong iiwas ang paningin ko sa kaniya.

Kahit kinakabahan ay dahan dahan akong lumapit sa kaniya. Ilang kelometro lang naman ang layo niya sa akin. Medyo madilim din sa banda ng kotse ko kaya di siguro nila ako napansin.

Nakatalikod siya sa akin kaya huminto ako ng makalapit ako at pinagmasdan siya.

Para siyang tomboy kung kumilos tse! Kaya pala napagkamalan ko siya minsan na tomboy.

Psh!

"Stop staring." Biglang sabi nito dahilan para matigilan ako.

Lintik!

Weird nga pala ang isang to at kayang alamin kung may tao ba o wala sa paligid niya psh!

Ramdam ko pa naman ang malakas na kabog ng dibdib ko. Kahit pa rinig ko ang malakas na music mula sa loob ay ang kabog ng dibdib ko pa rin ang nananaig sa tenga ko.

Tumayo siya at dahan dahang lumingon sa akin. Parang nag slow motion ang paligi ko. Parang sumisidlak ang mga mata niya.

Parang kami lang ata ang tao at nag e-exist ngayon. Nakatitig lang ako sa kaniya habang blanko lang ang mukha niya. Napakunot pa ang noo nito at tuningin sa hawak kong yosi.

"Kelan ka pa natutong mag yosi?" Kunot noong tanong niya.

Unti unting bumalik sa normal ang lahat at napaiwas na lang ako ng tingin.

Aksidenteng may nahagip ako sa di kalayuan. Parang may tao at nakaitim pa.

Napakunot naman ang noo ko. Dalawang tao ang nakita ko na parang nakatingin kay panget. Nakaangkas pa sila sa motor.

"Hoy! Kelan ka pa kako natutong nag yosi!" Salubong ang kilay na tanong pa uli nito.

Hindi ko siya pinansin at hinagis sa lupa ang yosi bago apakan.

Tumingin ako sa ibang deriksiyon para di mahalata ng dalawang nakaiyim na nakita ko sila.

Sino naman kaya sila? Bakit sila nakatingin kay panget? Naka salakot pa sila.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko sa gilid ng mata ko ang mabilis na pagbunot ng isang lalaki sa bewang niya.

Natigilan ako ng makitang baril ang binunot nito at itinutok kay panget.

What the fvck!?

"Bisugo----"

*Baannggg!!

"Panget!!" Malakas na sigaw ko at mabilis na niyakap si panget patalikod kasabay ng pagputok ng baril ay ang pagbagsak naming dalawa sa lupa.


To be continued...

A/N: hello mga readers! Hope hope you enjoy reading!!

Don't forget to Vote, comment and follow!


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top