chapter 122 "Family talk"
A/N: Thanks for reading and supporting me guysss! Hope you enjoy and support me til the end.
______________________________________
Ashi Vhon's Pov.
Pagkauwi namin ni Kyla ay nakita ko ang kotse ni Jiro sa labas ng bahay. Napakunot ang noo ko. Ano ang ginagawa niya dito?
Tsk!
Ipinaradako nalang ang motor ko bago pumasok sa loob. Nakasunod lang si Kyla. Naabutan ko ang dalawa na nag uusap.
"What are you doing here?" Blankong tanong ko kay Jiro.
Napalingon silang dalawa sa akin at napangiwi dahil sa matalim na tingin ko kay Jiro.
Tsk!
Kilala ko ang isang to. Di to basta batas pupunta dito kung walang kelangan o sasabihin pag ganitong nga oras.
Psh!
"Easy, sweety. Kakarating mo lang oh! Galit agad-------"
"You want to go home with a black eye?" Seryusong tanong ko.
Daming dada. Badtrip pa letse!
"Tch! Lolo ask me to fetch you here. Mahaba haba na ang palugit na binigay niya sayo para makahanda. Alam mo naman siguro si Lolo?" Seryusong sabi din niya.
Tinaliman ko lang siya ng tingin at dumeretso sa taas.
"Bilisan mo, Ash! Kanina pa nag hihintay sayo si Kuya!" Habol na sigaw ni Xandra.
Tsk!
Narinig ko pa ang mga usapan nila pero di ko na pinansin. Masyadong marami pa akong dapat asikasihun para pansinin sila.
Agad nalang akong nagbihis ng muwang na pantaloon at t-shirt na kulay itim.
Nang matapos ay naupo na muna ako sa kama ko.
Tsk!
Isang sandamakmak na pangaral na naman ang aabutan ko nito. Psh!
Kung bakit oa kasi ako kelangan lausapin. Di ba sila makapag hintay? Sala naman silang paki alam nung pinalayas ako ng mahaderang 'yon.
Tsk!
Napatingin ako sa may aparador ko kung saan ang mga mahahalagang bagay na tinatago ko. Tsk!
Kailan ko kaya magagamit uli ang mga 'yan.
Napapailing nalang ako at tumaya saka lumabas ng kwarto.
Wala ng tao sa sala at nakita ko si Xandra sa kusina.
"Alis na muna ako kayo na bahala dito." Walang ganang sabi ko.
"Yeah, balitaan mo nalang ako mamaya." Sagit niya. Tumango ako.
"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Kaswal na tanong ko.
Napangiwi siya bago tumango.
"Ayos na. Papasok na ako bukas. Lintik na mani na 'yon kahapon eh! Nagka LBM pa tuloy ako." Sabi pa niya.
Tumango nalang ako at lumabas ng kusina. Agad na akong lumabas at nakitang nakasandal sa kotse si Jiro habang naka cross arms pa.
Tsk!
Sumampa nalang ako sa motor ko bago nagsalita.
"Ano pang hinihintay mo?" Seryusong tanong ko sa kaniya.
Napangiwi siya at napapiling bago pumasok sa kotse niya at naunang umalis.
Sununod nalang ako sa kaniya. Nag karere pa kaming dalawa at tulad ng dati.
Ako pa rin ang nauna. Medyo may kalayuan ang mansion ng mga Ibañez pero mabilis naman na kaming nakarating.
Napatingin pa ako sa malaking gate at sa gold na apleyedo naming nakaukit sa harap ng gate.
Naalala ko ang nangyari noon bago ako umalis.
Tsk!
Ngayon nalang uli ako makakapasok sa mansion. Mag iisang taon ng hindi ako pumunta at pumasok sa loob.
Except nung sinundo ko si Asher para sa acquiantance party.
Agad na akong bumaba at naunang pumasok si Jiro sa loob.
Sumunod nalang ako sa kaniya. Sumalubong sa akin ang maraming tauhan nila Dad. Nagsiyukuan sila hanggang sa sinalubong ako ng isa sa mga katulong.
"Welcom back young lady. This way po young lady." Sabi ng katulong.
Hindi ko nalang siya sinagot at tahimik na sumunod nalang sa kaniya. Sa dining room kami pumasok. Tiningnan ko ang suot kong relo.
Pasado alas sais y medya na din pala. Medyo natagalan ako sa pag ensayo sa archery room kanina alas singko na kami nakauwi ni Kyla.
Napatingin pa ako sa bawat madadaanan ko at tulad pa rin ng dati. Walang pinagbago except lang ata sa mga tumira dito.
Tsk!
"Master Judge Ibañez nandito na po si young lady." Sabi ng katukong nh makapasok kami sa loob.
Nakkita kong tumango lang si Lolo. Nakaupo na silang lahat at nandito pa si Asher.
"Onēsan! Come here!" Tawag pa ni Asher sabay tap ng upaun sa tabi niya kung saan ako laging nakaupo.
Bawat upuan ay may nagmamay-ari. Bawal upuan iyon hanggat wala pa ang may ari ng upuan.
Ganiyan dito sa mansion. Lahat sinusunod dahil iyon ang gusto ni lolo luis.
Lumapit ako at nagbow sa harap ni lolo at kela Dad.
Tsk!
"Sit down." Maotoridad na sabi ni lolo.
Umupo nalang ako sa upan ko. Si lolo ang nasa pinaka gitnang dulo ng mayabang mesa namin. Habang sa gilid niya si Dad at Nami.
Seryuso lang si Nami habang si Dad ay pormal lang ang itsura niya habang nagsimula ng kumain.
"Lets eat first, after that lets talk." Pormal ng sabi ni lolo.
Hindi ako kumibo at kumain makang ganun din naman sila Jiro. Pero ang katabi ko ay kinlabit ako kaya napatingin ako sa kaniya.
"Welcome back." Nakangiting sabi pa niya.
Ngumiti ako ng bahagya sa kaniya at tumango.
Wala talagang pinagbago ang kapatid ko.
Still Asher that I know. Mabuti naman at hindi nahawaan sa ugali ng mahadera namin.
Tsk!
Pasimple akong tumingin kay lolo bago nagsalita.
"Yeah, what are you doing here? You don't have a class?" Mahinang tanong ko pa.
"I have, but lolo told me not to go to school this week. He already talk to the principal for my excuse."simpleng sagot pa niya.
Tumango naman ako bilang sagot.
"Ehem!" Rinig kong tikhim ni lolo.
Umayos nalang ako ng upo at nagpatuloy sa pag kain.
Tahimik lang kaming lahat habang kumakain. Tanging ang tunog ng kutsara't tinidor ang maririnig sa buong dining area.
Hanggang sa matapos kami. Niligpit ng nga katulong ang pinagkainan naming lahat. Pero nanatili lang kaming nakaupo sa kinauupuan namin.
Wala pa ring nagsalita sa amibg lahat. Si Dad ay nakasandal na upuan niya at naka cross arm at tahimik lang din.
Si Nami ay pormal na ding nakaupo sa tabi ni Dad.
Tsk!
Naalala ko ang huling nangyari sa school nung mahampas ako ni Alvin at sinampal niya ako.
Naalala ko ang mga sinabi at pag aalala sa mukha na noon ko lang nakita sa kaniya.
"Ehem!" Agaw ni lolo ng attention namin.
Napatingin alo sa kaniya at seryuso lang ang mukha niya.
King hindi ko lang lolo at kilala si lolo ay paniguradong strict siya ang masasabi ko.
Psh!
Lagi namang ganiyan si lolo. Lalo na kapag seryuso ang pag uusapan namin. Ngumingiti naman yan kapag out sa trabaho o mga importanting bagay ang pag uusapan namin, kapag nasa normal kaming situation.
O kung ano mang occasion dito sa mansion o sa labas.
"Jiro, are you done of what I ordered you to do?" Pormal at mahinahong tanong pa ni lolo kay Jiro.
"Not yet, Ojiisan. As of now, I'm stil working of it." Pormal na sagot ni Jiro.
Nakinig lang kaming lahat sa kanila. Ayaw na ayaw ni lolo na sumasabat sa usapan kapag di pa kelangan.
"Good, make sure it will be done sooner or later. I need it next month for my judgement in the supreme Court." Seryuso ng sabi ni lolo.
Kita ko sa gilid ng mata kong tumango si Jiro. Naka yuko lang ako habang naka cross ang mga braso ko sa dibdib.
"Yes, Ojiisan. Don't worry, by the next two weeks I'll submit it to you." Sagot uli ni Jiro.
Tsk!
Di ko alam ang pinag uusapan nila at naiinip na ako.
May duty pa sana ako sa trabaho ngayon lintik!
Kinuha ko ang cellphone ko at hinayaan sila sa pag uusap.
Nag text ako kay Xandra na hindi ako makapag duty ngayon. Alam kong mahaba haba ang pag uusapan naming lahat.
Tsk!
Sumandal nalang ako sa upuan ko at inilagay sa pocket ko ang cellphone. Pumikit nalang ako mukhang mamaya pa naman ako kakausapin ni lolo.
Sana sila nalang muna ang kinausap niya kanina. Tsk!
"Tom, how's the case about Mr Manuel?" Ojiisan.
Bumuntong hininga si Dad base sa narinig ko bago nagsalita.
"Done. But still checking on it. The opponent of Mr Manuel is very prudent, but still they can't elude us. I'll give to you the documents for that case later." Pormal na sagot ni Dad.
Tsk!
Kelan pa ba ako kakausapin ni Lolo. Pwede bang ako muna?
Kainis!
Mas mabuti pang matulog sana tsk tsk!
"Nami, how about yours?" Si lolo.
Napabauntong hininga nalang ako bago nagmulat ng mata at tumingin kay lolo.
Naiinip na ako.
"Excuse me, Can I go home now? It seems like you're talking some urget things. I have a duty and-----"
Napatingin silang lahat sa akin at tiningnan ako ni lolo ng seryuso.
Napaiwas nalang ako ng tingin.
"Ash, be patient." Maotoridad na sabi ni Dad.
Tiningnan ko lang siya at lumingon uli kay Lolo.
"I want to talk to you later. Just wait and be-----"
"Ojiisan, if it is not that important can I go now? I have a work and I need to duty now." Putol ko kay Lolo.
Tinaliman niya ako ng tingin kaya umiwas nalang uli ako ng tingin.
"Ashi! Don't be nasty to your, Ojiisan! Kailan ka pa natutong sumabat habang nagsasalita ang lolo mo?" Saway at seryusong sabi ni Nami.
Tiningnan ko lang siya bago bumuntong hininga.
Tsk!
"Nag uusap pa kayo diba? Kaya sibat na muna ako----"
"Sit down!" Mas maotorudad na sabi ni lolo ng tumayo ako.
Tsk!
"Ash, please. Be patient, nakapag paalam ka naman siguro na di papasok ngayon?" Sabi pa ni Jiro.
Tsk!
Blankong umupo nalang uli ako. Natahimik kaming lahat at ramdam ko ang tension.
Psh!
Narinig kong bumuntong hininga si lolo bago nagsalita.
"How are you?" Pormal na tanong ni lolo sabay tingin sa akin.
What's with the question?
Tsk!
"Fine. Better." Maikling sagot ko ng di lumilingon kay lolo.
Bumuntong hininga uli si lolo. Alam kong hindi niya nagustuhan ang uri ngpakikipag usap ko sa kaniya.
"How's your school?" Tanong pa uli niya.
Ganiyan lang ba ang mga tanong niya? Tsk!
"Fine, as well." Maikling sagot ko pa.
Kita ko sa peripheral vision ko na tumango si lolo.
"Good. But how about those bullies in your school?" Seryusong tanong pa ni lolo.
Napalingon ako sa kaniya ng nakakunot ang noo.
"What do you mean?" I asked back.
Napapailing si lolo bago nagsalita.
"Nalaman ko na ang lahat ng nangyari sayo sa SFU. Bakit di mo sinabi sa amin ang mga nagyari sayo do'n? Why didn't you go home here?" Seryusong tanong ni lolo.
Nagtiim ang bagang ko pero di ko pinahalata.
"Why would I? I thought you guys don't care me at all since when I leave this mansion. I don't know that-----"
"Do I say you allowed to talk to me in that way? Where's your manners? Ashi Vhon Acosta Ibañez?" Matalim ang tinging sabi pa ni Lolo.
Alam kong galit na siya dahil binanggit niya ng buo ang pangalan ko.
That's the way how I recognize that he mad at me right now.
Tsk!
Napaiwas ako ng tingin at napatingin kela Dad na seryuso ding nakatingin sa akin. Pati na rin si Nami. Blanko ko silang tiningnan bago nagsalita.
"My manners gone since I left. Since I'm out of this family. Since I'm homeless. Mula ng pinalayas ako sa pamamahay na 'to. Nung mga panahon na mag isa ako at kailangan ng tulong niyo pero wala. Wala akong nakuhang tulong maliban kela Jiro at sa mga kaibigan ko." Seryuso at blankong sabi ko habang nakatingin ng deretso sa mga mata ni Nami.
Napaiwas ito ng tingin pero nakatingin pa rin ako sa kaniya.
Natahimik silang lahat at walang nagsalita.
Tsk!
Walang masabi dahil totoo?
Tsk tsk!
Tapos magtatanong sila kung nasaan ang manners ko? Bakit di nila 'yon tinanong sa mga sarili nila?
"What now?" Blankong tanong ko.
Napabuntong hininga si Dad bago nagsalita.
"You don't know what you say, Ash. Stop thinking-----"
"Ha! I don't know? At ikaw alam mo? How Dad? Paano mo malaman kung wala ka namang pakialam. " Seryusong sabi ko.
Walang bahid na kong ano ang boses ko kundi cold at emotionless.
Napabuntong hininga pa si Dad at napapailing.
"Don't talk to me in that way, Ash. I'm your father and----"
"Tsk! Yeah, right. You're my father back then. Pero nung mawala si Mommy hindi ka na naging ama sa akin tulad ng dati." Seryusong sabi ko habang deretsong nakatingin kay Dad.
"No, I'm not. Hindi kailanman nawala ang pagiging ama ko sayo--sa inyo ni Asher. Hindi mo lang alam kong ano ang mga ginagawa ko para sa inyo----"
"Hindi ko alam? Sige, ipaalam mo sakin ng malaman ko. Ni hindi mo nga ako hinanap o kinausap nung hindi na ako bumalik pa dito sa mansion. Papaano mong tiniis na wala ako sa puder niyo? Alam mo ba kung gaano ako ka disappointed sa inyong lahat? Lahat ng utos niyo sinunod ko noon. Pero nung magka----"
"Nung magkaboyfriend ka sa taong hindi mo dapat na minahal." Seryusong sabat ni Nami.
Tiningnan ko siya ng matalim.
"Di ko kelangan ang opinyon mo!" Inis na a sabi ko sa kaniya.
"Ash!" Saway ni Dad pero di ko siya pinansin.
Ito ba ang patutunguhan ng pag uusap namin?
Then let it be!
Tsk!
"Ash, calm down. Don't talk to them in that way." Saway ni Jiro pero di ko rin siya pinansin.
"Bakit Dad? Ano? Tell me! Sabihin mo sa akin kung-----!!"
"Tomare!?" Galit na sigaw ni lolo sabay hampas ng mesa.
(Translation: stop!?)
Napatahimik kaming lahat pero nakatingin pa rin ako ng blanko kay Dad.
Walang nangahas na magsalita dahil alam naming galit na si lolo. But...
Tsk!
T*ng-inis!
Mukhang maibuhos ko lahat ng saloobin at hinanain ko kung di pa ako aalis.
Padabog akong tumayo at napatingin sila sa akin.
Tsk!
"Aalis na ako. Walang kwentang pag uusap tsk!" Blankong sabi ko at humakbang paalis pero tumayo si Lolo at galit na tumingin sa akin.
Napaiwas ako ng tingin dahil ko maatim ang masamang tingin. Kahit sino ang makakita nun ay alam kung di na gugustuhing makita pa iyon.
What I am expecting about him when it comes in this situation?
Tsk!
"You can't go home until we're not done talking seriously. Don't make me mad that much, Ashi. Don't forget what can I do if I'm mad. I'm warning you." Seryuso at maotoridad na sabi ni lolo.
Napakuyom ang kamao at bumuntong hininga. Tumingin ako kay lolo.
Ngayon ko lang ginawang sagot-sagutin siya.
"Is that important? If it is about me, then you don't need to talk to me. I don't have time for that damn------"
*PAAAAKKK!!!
Hindi ki na natapos ang gusto kong sabihin ng biglang may sumampal sa akin.
Tumabingi ang mukha ko dahil sa lakas ng pagkakasampal.
"Tita!" Jiro.
"Tita! You don't need to slap her!? Onēsan, are you alright?" Nag aalalang tanong pa ni Asher.
Hinawakan pa niya ang braso ko at hinarap ako sa kaniya.
Hindi ako nagsalita at nanatiling nakahawak sa pisnge kong parang namanhid.
"You're being a nasty now!? Don't you have a manners to us!? Sumusobra ka na sa kabastusan mo!?" Galit na sigaw ni Nami.
Hinawi ko ang kamay ni Asher sa braso ko at hinarap si Nami. Galit na galit ko siyang tiningnan at ganun din naman siya sa akin.
"Anong karapatan mo para sampalin ako ha!? Wala kang karapatan!?" Galit na sigaw ko. Tumingin ako kay Dad na tahimik na nakatingin sa amin." Ano Dad!? Yan ba 'yong klase ng babae ang ipinalit mo kay Mom!? Mom, never hurt me physically but this damn second wife of yours have the guts to hurt me!? Pinalayas na ako't lahat makapal pa rin ang mukha niyang sampalin ako!? This is b*llshit-----!!"
*Paaakkkk
Napatigil ako sa lakas ng sampal ni lolo sa pisnge ko.
Halos di ako makagalaw sa sakit at panamanhid ng pisnge.
F*ck!
Ito ba ang aabutin ko dito? Peste!?
Kung masakit ang sampal ni Nami ay double naman kay Lolo.
Nalasahan ko pa ang dugo sa bibig ko. Halos bumuhos ang luha ko pero pinigilan ko.
Mabilis na lumapit si Jiro at hinawakan ang braso.
"Ojiisan, please tama na po." Pakiusap ni Jiro."Ash, tama na. Wag ka ng sumagot. Alam mo naman 'yon diba?" Nag aalalang tanong pa ni Jiro.
Hindi ko siya pinansin at tinignan ko silang lahat.
Pinahid ko ng kaliwang kamay ang dugo sa labi ko bago nagsalita.
"Pati ba naman ikaw, Ojiisan?" Nangingilid ang luhang tanong ko sa kaniya." Pati ba ikaw ganun na rin? Wala na ba akong kakampi sa pamamahay na ito? Ha! I see. You don't need to answer." Mapaklang sabi ko.
Pinahid ko ang luhang pumatak sa pisnge ko. Minsan lang ako nagpapakita ng emotion sa kanila. Dahil sa pamilyang to bawal ang mahina. Pero di ko mapigilan pa. Di sa lahat ng panahon kaya kong kontrolin ang emotions ko.
Lalo na pagdating sa pamilya ko.
Padaskol kong pinahid ang nagbabadyang mga luha ko at tumingin uli sa kanila.
"Buong buhay ko sinunod ko kayo dahil iyon ang nararapat sabi niyo!? Kahit hirap na hirap na ako ginawa ko pa rin ang lahat!? Kahit pa nga ikamatay ko eh! Pero ngayon ganito? Wala na nga ako sa puder niyo ganun pa kayo!? Sana hindi nalang nawala si Mom!? Sana hindi nalang nawala ang taong laging umiintindi sa akin!?" Umiiyak na sabi ko pa.
Bumuhos ang luha ko dahil ko na napagilan pa. Masama ang loob ko sa kanila.
Ang hirap palang pigilan at itago lahat ng hinanakit mo sa buong buhay mo.
Alam kong may mali ako dahil sinagot sagot ko sila. Pero napupuno na ako.
Ayaw ko ng makinig sa kanila. Gusto ko ng tumayo sa sarili kong paa ng walang nangingialam.
Pero alam ko ng hindi 'yon mangyayari. Knowing my family, I can't live the life I want.
Naramdaman kong niyakap ako ni Jiro at Asher.
Inilalayan nila akong maupo sa upuan ko kanina. Hinagod hagod pa nila ang likod ko pero nakayuko lang ako.
Ngayon lang uli ako umiyak ng ganito sa harap ng pamilya ko.
The last time I cried like this nung mawala si Mom.
Ang pinakamamahal kong ina na laging nakakaintindi sa akin.
Walang nagsalita at tahimik na ang lahat. Nakaupo na rin sila pero nanatiling tahimik.
Pinigilan kong mapahikbi. Siguro kung may nakakakita sa aking ganito ay matatawa.
Dahil hindi naman ganitong Ashi ang nakilala nila. Isang Ashi na malakas, walang kinatatakutan, mayabang, cold at emotionless ang kilala nila.
Pero heto ako ngayon. Mapaklang natawa ako sa isip ko.
Tsk!
Marahas na pinahid ko nalang ang nga nagbabadyang luha ko sa mata.
Bumuntong hininga si Dad bago nagsalita.
"You've change a lot. You've change a lot since you left this house. Hindi na ikaw ang anak kong takot pagalitan at takot na sumabat sabat sa usapan ng lolo mo. Hindi na ikaw ang Anak ko na tahimik lang kapag pagalitan sa maling nagawa. What happened? What happened to you now? 'Yon ba ang naidulot sayo ni Debbien?" Kalmado at mahinahong saad ni Dad.
Tumiim ang bagang ko sa sinabi niya! How could he be asking me like that?
Wala naman siyang alam dahil wala siyang pakialam sa amin ni Debbien simula pa lang.
"You think so? Yeah, I change but not the most. Binago ko lang ang sarili ko sa sarili kong paraan. Walang kinalaman si Deb dito. O baka naman may kinalaman kayo kung bakit ako hiniwalayan ni Debbien noon?" Seryuso at blanko na uli na tanong ko kay Dad sabay tingin sa kanilamg tatlo.
Napapailing si Dad at napahilot pa sa sintido na animo'y hindi naintindihan ang sinabi ko.
"You know nothing, Ash. You know nothing so please stop being like you all know the reason why we being like this to you. We're just doing what's the right for you and to your brother. Ni hindi nga namin alam na naghiwalaya na kayo nung ex mo kundi pa sinabi ni Jiro. Paanong may kinalaman kami sa inyong dalawa? Kahit pa gustong gusto ko kayong paghiwalayin ay hindi ko ginawa dahil alam kong sa kaniya ka sasaya." Seryusong sabi pa ni Dad.
Blankong tiningnan ko lang siya.
Tsk!
They're just doing what's the right for me and for my brother?
Psh!
Hindi ko naman nakikita ang lahat ng iyon. Iba ang nakikita ko sa mga sinasabi niya--nila.
Napapailing ako at kunwaring natawa pa ako.
"I don't get you, Dad. I don't, dahil hindi ang mga sinasabi mo ang nakikita ko." Mapaklang sabi ko.
"Because you don't bother to know. Kung ano ang nakikita mo ay siyang tanging pinaniniwalaan mo. You don't even take a time to ask with us for what's going on. So paano mo makikita at malalaman ang ginawa namin para sa ikabubuti mo?" Mahinahong tanong pa rin ni Dad.
Napabuntong hininga nalang ako.
"Then, its a tie. I don't know what you have done for me. Yet you don't know what I have done and doing to my life since I left this house." Mapaklang sabi ko.
Kami lang dalawa ni Dad ang nagsasalita. Tahimik lang si lolo at Nami ganun din si Jiro at Asher.
Pero alam kong nakikinig sila sa amin.
Tumikhim sila lolo para sa kaniya mapunta ang attention namin.
Kalmado na ang mukha niya at pormal ang postura niya.
Tsk!
"They have a lot of things that you don't know yet, Ashi. Kaya hindi mo pa maiintindihan ang lahat ng ginagawa namin. Hindi kami nagkulang sa inyo ng kapatid mo. Your Dad doing great for you and for your brother and so Nami do. You don't see it because I know you have a lot to think for than knowing what are they doing for you." Mahinahong sabi ni Lolo.
Hindi ako nagsalita at nakinig nalang kahit pa gustong gusto kong magsalita.
Tsk!
"Thought you are now being an independent and responsible with your own. But still, you know what is your part and purpose in this family. Don't forget about it. You belong to this family and it's your responsibility to be with." Seryusong sabi ni lolo.
Natahimik ako at hindi pa rin nagsalita. Alam ko kung ano ang ibigsabihin ni lolo. Hihdi ko kailanman nakalimutan ang bagay na 'yon dahil alam kong nabuhay ako para gamapan iyon.
Tsk!
"Ang ginawa kong pagpalayas sayo ay isang paraan para matuto ka. May dahilan kung bakit ko ginawa 'yon. But this is not the right time to tell you about that things. Its up to you if you believe it or not. I'm just doing what I think was right." Mahinahong sabi ni Nami.
Napakunot ang noo ko. Anong pinagsasabi ng babaeng to?
Tsk!
Nag angat ako ng tingin at akmang magsasalita ng nagsalita si Lolo.
"Listen to what we say, Ashi. If you think we don't care about you since you left, you're wrong. We do our best as your family without you knowing about it. Lahat ng nangyayari sayo ay alam namin." Seryusong sabi pa ni lolo.
Natahimik naman ako. Tsk!
Ano pa nga bang aasahan ko sa pamilyang to? Kahit saan na ako magtago malalaman at malalaman nila kung nasaan ako.
Hindi naman binansagan ang pamilyang to sa buong makati kong wala lang tsk!
"You're always welcome in this mansion whenever you want. Ikaw lang naman ang nag isip nang kung ano ano. Don't cave yourself with anger. Baka mabalewala lang lahat ng pinaghirapan mo." Makahulugang sabi ni Lolo.
Mas lalo pa akong natihimik. Dahil alam ko ang sinabi ni lolo.
Tsk!
My life was really complicated.
Humupa ang tension sa pagitan naming lahat. Kinausap ako ni lolo at Dad.
Tsk!
Wala naman akong iba pang magagawa kundi ang makinig sa kanilang dalawa.
What am I expecting for? I'm expecting nothing.
Psh!
Naging maayos naman ang pag uusap namin. Kinausap din nila si Jiro. Tango at iling lang ang madalas na sagot ko.
Nagsasalita lang ako kung kelangan. Hanggang sa matapos ang pag uusap naming apat.
Nagpaalam ako sa kanilang pumunta na muna sa kwarto ko nitong mansion.
Kahit paano ay namiss ko ang kwarto ko.
Dalawang palapag ang mansion pero napakalaki naman. Malikigaw ka pa kung baguhan ka at hindi mo kabisado ang mga dinadaanan mo.
Pagakapasok ko ay in on ko ang ilaw at sumalubong sa akin ang maaliwalas at mabangong silid.
Inaalagaan din naman pala psh!
Sinarado ko ang pinto at naglakad patungo sa may bintana. Binuksan ko ang bintana at sumalubong sa mukha ako ang malamig na simoy ng hangin.
Nakaramdam ako ng pagkapanatag at pagkarelax.
Napatingala ako sa langit. Marami ang mga bituin ngayon.
Tsk!
Buti pa ang nga bituin kahit mga bato lang sila sa kalawakan ay kumikinang pa rin at nagbigay ng saya sa mga taong nanonood sa kanila.
Bigla kong naalala si Mommy.
"Mom, why does the star so bright?" I asked Mom.
Mom laugh and pinch my cheeks and smile before looking at the sky, where a lot of stars brighten and twinkle at the sky.
"Those star you've seen, Ash, was not really a star. It's a stone where floating at the sky. They called it as a meteorites or meteoroids. Those meteoroids are a stone-dead where floating at the galaxy. It bright cause it is a flame stone too. It has so many colors, Ash." Mom said.
"Really? They are a stone? But why people says that when you see a falling star you can wish and it would be granted?" I asked agin.
Mom smiled and got my hand before hugging me.
"Yeah, they are right. In other name it so called shooting star. You can wish and yeah! It would be granted. It's the ancestors faith. But sometimes, those stars are referring to someone who died. That one of those brightest star is one of your loves one. They might be watching us right now." Mom said while pointing those stars at the sky.
Napangiti ako sa naalala ko at mas tumingala sa langit.
"I know, you're one of those stars Mom. I know you're watching us right now. I'm sorry to tell you that I'm being helpless cause you're not here right now. When I have ups and downs I am being a worthless." I whispered.
Napabuntong hininga nalang ako at naglakad patungo sa kama ko. Humiga ako at ginawang unan ang braso ko habang nakatitig sa kisame.
Siguro kung nandito ka pa Mom may masusumbungan ako ng mga hinanakit ko. Hindi sana ako ganito ngayon.
Alam ko ang mga mali ko at aware ako do'n.
Pero minsan ay nawawalan ako ng huwisyo. Masyado na akong nabigatan sa mga problema ko. Masyadong marami ang iniisip at haharapin ko.
Minsan naiisipan kong sumuko na. Pero tuwing maalala ko ang mga habilin at tinuro mi sa amin ay nagkakaroon ako mg lakas. Nabubuhayan ako na dapat akong lumaban.
Lalo na't nandyan si Asher.
Malakas ako pero hindi sa lahat ng panahon. May mga kahinaan din ako. Napapagod din ako dahik hindi naman ako robot.
Pinahid ko amh luhang kong di ko namalayan na punatak na pala.
Bumangon ako at napatingin sa orasan.
Pasado alas dies na ng gabi. Kailangan ko ng umuwi dahil may pasok pa ako bukas.
Tumayi ako at inayos ang damit ko bagi lumabas ng kwarto. Matapos kong isara ay bumaba na ako.
Tahimik na pero bukas naman ang mga ilaw.
Akmang lalabas na ako ng makita ko si Dad na lumabas ng kusina at may dalang baso ng tubig.
Napatingin siya sa akin at lumapit. Maliwalas ang mukha niya at walang bakas ng kung ano.
Pormal lang ang mukha niya.
"You don't want to sleep here to night?" Tanong pa nito.
Bumuntong hininga ako at umiling.
"I'll need to go now. I have a class tomorrow. Baka hinihintay na rin ako nila Xandra." Sabi ko pa.
Tumango tango lang siya at biglang ngumiti.
Natigilan pa ako bago nag iwas ng tingin.
Ngayon ko lang uli nakita ang ngiti niya. Mula kasi ng mawala si Mom ay bihira lang siya ngumiti. Iyon kung nasa isang events or business.
Tsk!
"I'm sorry for what happened a while ago. Don't get mad to your Tita and lolo. Alam kong naguguluhan ka rin pero balang araw maiintindihan mo ang lahat. Ang lahat lahat, Ash." Malumay na sabi ni Dad.
Hindi ako nakapagsalita. Ngayon ko lang narinig na humingi ng tawad si Dad sa akin. I don't expect that he would say sorry to me.
Napabuntong hininga ako bago tumingin sa kaniya. Ang totoo ay parang may iba pang ibigsabihin ang sinabi niyang lahat lahat.
Tsk!
"It's ok, Dad. Ako dapat ang humingi ng tawad. Alam ko naman ang mali ko. Nadala lang ako ng emotion ko. " Nakaiwas tinging sabi ko pa.
Natawa si Dad kaya napatingin ako sa kaniya.
"You're really my daughter tsk! But remember this, don't let your anger and emotions to surpassed you. I know, you got mad to your Tita Nami. Pero alam kong balang araw mawawala ang galit mo sa kaniya kapag maiintindihan mo na lahat. Kapag handa ka ng malaman ang lahat ng dapat mong malaman. And I hope you will understand us soon." Sensirong sabi pa ni Dad.
Napakunot ang noo kong nakatingin sa kaniya.
What does he mean? Totoo ba ang hinala kong may mga ibigsabihin ang nga sinabi nila kanina?
Tsk!
Putik!
Dagdag na naman sa isipin ko lintik naman oh!
Psh!
"Tsk! I'll go now. I have a lot of things to do." Sabi ko sabay tapik sa balikat niya at tumalikad na.
Nakita ko pang napapailing na natawa si Dad.
Psh!
Lumabas nalang ako ng mansion at nag-drive pauwi.
Inaantok pa naman na ako..
Tsk!
***
Kinabukasan ay sabay jan
Ming tatlo na nagtungo sa campus. Maayos naman na ang pakiramdam ni Xandra.
Sandamakmak na tanong pa nga ang sinalubong sa akin kagabi. Akala ko tulog na sila hindi pala. Kakarating din nila galing sa duty.
Kinukulit ako kung ano ang nangyari sa pag uusap namin kagabi. Kaya wala na akong nagawa pa at sinabi sa kanila ang lahat.
Alam naman nilang pareho ang tungkol sa pamilya ko.
Tsk!
Inaantok pa nga ako eh! Anong oras na kami natulog dahil sa kadaldalan ng dalawa. Basta sa bahay lumalabas ang kadaldalan ni Xandra.
Tsk tsk!
Sabay nalang kaming pumasok sa loob ng campus. September naman na ngayon at sa next month na ang sport fest.
Naging busy din sa pag iinsayo ang lahat. Kahit ako ay nagpa-practice pa rin ako ng maayos. Psh!
Tahimik na naglalakad nalang kami sa hallway. Di rin ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa pag iisip sa nga sinabi nila Dad kagabi.
Tsk!
Nagkaroon pa ako ng sakit sa ulo kanina pag gising ko.
Napabuntong hininga nalang ako. Napatigil lang kami sa paglalakad ng makasalubong namin ang impakta.
Sino pa nga ba?
Ang retokadabg palaka na laging agaw eksena.
Tsk!
Hindi nalang namin siya pinansin at nilagpasan siya. Wala ako sa mood makipag bangayan ngayon. Baka kung ano ang----
"Shit!" Bulalas ko ng muntik na akong matalisod.
Narinig ko pang nagtawanan ng mahina ang iba g nakakita.
Nagtagus ang bagang na nilingon ko ang retokadang palaka.
Nakangisi lang ito at nakataas pa ang peke niyang kilay.
Sarap hablutin at ipakin sa malaki niyang bibig.
"Wag mo akong umpisahan kung ayaw mong tanggalin ko yang peke mong kilay impakta ka." Blanko at cold kong sabi at iniwan siya.
Natawa pa ang mga nakaranig sa sinabi ko. Lintik! Aga aga umeksena na.
Try niya kayang mag apply sa probinsyanong hanggang ngayon di pa natapos. I dol ko pa naman si coco martin do'n. Baka matanggap pa siya do'n na taga sulpot eksena sa kung saan saang eskinita.
Tsk!
Napapailing nalang ako. Dumaan pa kami sa locker para kumuha ng gamit para sa mornin class. Pagkatapos ay umakyat na rin. Tuesday ngayon at mapeh ang unang sib namin.
Wala namanh activity dahil discussion ang meron ngayon.
"Good morning!" Bati pa nila Stella ng makapasok kami.
Tinanguan ko lang sila habang binati naman sila ng dalawa.
Nauoo nalang ako. Ilang minuto pa bago ang pasok ni Ma'am Isa Lanuza. Ang mapeh teacher namin.
Naghintay namang kami habang tahimik na nakapikit lang ako.
"Ang tagal naman ata nila, Drix. Malapit na ang unang klase oh!" Rinig kong sabi pa ni Bella.
Tsk!
"Baka naman parating na 'yon." Sabi pa ni Stella.
"Nah! Kanina pa 'yon patungo dito. Nakasalubong ko si Drixie sa parking lot kanina." Sabi pa ni Bella.
"Wala pa rin daw ba sabi ni Lyle?" Theresa.
Nagmulat ako at akmang lilingon sa likod ng bigkang pumasok si Ma'am Lanuza.
Umayos nalang ako ng upo. Tahimik lanh kaming lahat.
Hanggang sa magsimulang magturo si Ma'am.
Wala pa rin sila Bisugo. Nasaam naman kaya ang nga 'yon?
Tsk!
Kanina pa naman ako nakaramdam ng kaba psh!
Music and Arts ang topic namin ngayon. Tsk! Nababagot ako. Mapag aralan naman na namin 'yon tsk!
Bigla kaming nakarinig ng tunog ng cellphone. Napalingon kami sa likod at si Lyle pala.
"Excuse me, Ma'am Lanuza." Paalam pa ni Lyle.
Tumingin pa ito sa akin bago nagmamadaling lumabas.
Tsk!
Maya maya ay bigla siyang pumasok at lumapit sa akin at bumulong.
"Ash, nasa panganib ang tatlo." Mahinang bulong pa niya.
"Ano!?" Bulalas ko.
"Miss Ibañez, is their a proble" baling ni Ma'am.
Tumayo ako at tumingin kela Xandra.
"Ma'am, excuse po muna kami. May kailangan lang kaming puntahan." Mabilis na sabi ko at hindi na hinintay na magsalita si Miss.
Sabay kaminh lumabas ni Lyle sa room habang nakasunod lang ang dalawa.
"Saan daw ba?" Tanong ko kay Lyle.
"Malayo pa mula dito. Si Keart ang tumawag. Nakikipag laban daw sila Drix! Pero pinagtutulungan sila ng grupo ni Luke. May iba pang grulo ang nando'n!" Nag mamadaling sabi niya.
Napatango ako at halos takbuhin namin ang parking lot.
Lintik!
Ayaw ba talagang tumigil ng mga 'yon?
F*ck them!?
Siguruhin lang nilang may ibubuga sila. Kung ayaw nilang ilibing ng buhay!?
Tsk!
To be continued!!
A/N: hello readers! Hope you'll enjoy reading this chap! Please do support me on my others stories!
Don't forget to Vote, comment ang follow!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top