chapter 121"Fall inlove with her"

A/N:Hello guyss! Hope you enjoy reading and please support me in this story.

Don't forget to Vote, comment and follow!

_____________________________________

Credits to: JustfairyBlueberrie thanks sa cover!

Xandra's Pov.

Alas singko palang ay nagising na ako dahil sa ingay ng motor sa labas. Napahikab na bumangon ako at naupo sa kama ko.

Napakunot pa ang noo ko ng marinig ang pag-alis ng motor.

Sino naman 'yon? Ang aga aga pa ah?

Napatayo ako para sana sumilip sa bintana ng biglang sumakit ang tyan ko.

Lintik!

Napatakbo ako sa cr ng wala sa oras. Pabagsak ko pang tinulak ang pinto at agad na...

Tss!

Never mind!

Kainis! Bakit ba sumakit ang tyan ko putik! Ano bang nakain ko?

Wala naman akong naalalang----argh!

Shit! Ang sakit mga tol!

Anak ng tokwa! Magkaka-LBM pa ata ako lintik!

Ano ba kasing nakain ko kahapon! Kanin at----shit!

Lintik na mani! Ayon pala ang nakain ko---namin kahapon. Naparami ata ang kain ko nun!

Kasalanan to ng mani eh! Kung bakit ba kasi ang sarap kain ng lintik na pagkain na 'yon!

Sarap na sarap pa akong kumain kahapon tapos magkaka--LB

TSS!

Panigiradung di na maipenta ang mukha ko sa sobrang sakit ng tyan ko gague!

Hinang hina na lumabas ako ng kawarto ko matapos kong mag-cr! Parang nawala lahat ng lakas po peste!

Para pa akong pagong na bumaba ng hagdan.

"Hahaha...Oh? Anyare sayo?" Natatawang tanong pa ni Kyla ng makita ako.

"Wala!" Inis na sagot ko.

Napapailing nalang siya sabay pasok sa kusina.

Sumunod nalang din ako para magtimpla ng kape at mainitan ang tyan ko!

Hindi pa ata ako makakapasok ngayon gague!

May quiz pa naman si Taba mamaya sa science!

"Pfftt!" Pigil na tawa pa ni Kyla.

Hindi ko nalang siya pinansin. Baka masampulan ko mga tol! Psh!

Kumuha nalang ako ng baso at kutsara saka nagtimpla ng kape. Baka mawala to pag ma-initan. Hindi pwedeng di ako pumasok. Baka ako na naman ang pag-initan ng lintik na terror lec namin.

Pagkatapos kong magtimpla ng kape ay naupo ako sa upuan sa harap ng mesa.

Naglabas naman ng lulutuin si Kyla. Mukhang si Ashi ang umalis ng maaga. Saan naman kaya 'yon pupunta?

Ang weird na niya lalo ngayon mula nung party ni Theresa. Hindi na masyadong matino kung makausap.

Dalawang linggo na mula ng party ni Theresa at ganun pa rin siya. Minsan lang kung magsalita----kahit pa ganun naman siya noon pero kakaiba ang ngayon.

Para na siyang tuluyang na-pipi. Tuwing babarahin at pag-initan siya ng terror lec namin ay hindi siya nagsasalita.

Blanko at seryuso lang lagi ang mukha. Para pa siyang lutang kahit sa klase ay parang wala siyasa sarili.

Parang ang lalim lalim ng iniisip niya. Hindi ko na maintindihan ang pinsan lung 'yon.

Kundi lang 'yon parang dragon kung magalit ay binatukan ko na siya para matauhan.

Tapos kapag e-eksena at manggulo si Kathy ay hindi man lang niya tingnan ng kahit isang sigundo at basta basta nalang niyang iwan ng walang paki.

Halos kaming lahat ay na-wirduhan sa kaniya. At ang aga aga kung umalis ng bahay kapag may pasok. Tulad nalang ngayon.

Alas singko palang ay umalis na ng wala pang kain.

Tapos kapag sa campus naman ay do'n siya sa tambayan niya lagi tumatambay.

Madadatnan nalang namin do'n na tulog na pala siya do'n.

Take note!

Naka-nganga pa kung matulog!

Tss!

Napansin ko rin na pati si Bisugo ay ganun din! Mula din nung party ni Theresa ay hindi na rin makausap ng matino ng nga kaibigan niya.

Mas naging cold pa siya at tulad ni Ashi ay parang pipi. Laging blanko ang mukha.

Hindi tuloy kami nasanay sa Bisugo na 'yon. Nawala na kasi ang pagka-immature niya mula nung niligtas namin sila nung pinagbubug sila ng grupo ni Luke. Nung nawala na si Dean ay naging matured siya bigla.

Tapos di na kami pinag-tripan pa lalo na si Ashi.

Tss!

Tapos ngayon daig mo pang nakasalamuha ng statue sa daan sa sobrang tahimik at cold.

Hindi naman namin alam kong ano ang nangyari nung iwan namin sila matapos ang party ni Theresa.

Sila lang naman ang magkakasama nun. I mean--siya ang binilinan naming maghatid kay Ashi.

Oh!

Nando'n pala 'yong gagong Ex ng pinsan ko.

Psh!

Sinadya talaga namin 'yun na si Bisugo ang maghatid kay Ashi.

Perp ano kayang nangyari bakit naging weird ang dalawang 'yun?

Nung gabing umuwi si Ashi ay napansin kung namamaga ang mata nun. Mukhang umiiyak siya pero bakit naman?

Tss!

Ewan ko sa mga 'yon!

"Bakit na naman kaya maagang umalis si Ashi?" Biglang tanong pa ni Kyla.

"Tss! Malay ko ba? Pareho tayong walang alam. Alam mo namang isang 'yon!"walang ganang sagot ko.

Natawa nalang si Kyla at naupo sa kaharap kong upuan.

"Tch! Mas lalong naging weird si Ashi mula nung party Theresa. Pati na rin si Drix. Ano bang nangyayayari sa mga 'yon. Tapos di pa makausap ng matino!" Napapailing na sabi pa ni Kyla.

Ilang beses na along napa-isip kung ano ang dahilan ng inakto nung dalawa.

Hindi rin nagpapansinan ang dalawa---I mean, hindi man lang tinitingnan ni Drix si Ashi kung saan 'yon naman lagi ang ginagawa niya noon.

Tss!

Akala namin ay wala lang yun pero nung lumipas ang ilang araw at linggo ay nagtataka na kami sa kanilang dalawa.

"Feeling ko may nangyari talaga sa dalawang 'yon bago pa umuwi si Ashi." Biglang sabi ko.

'Yon lang naman ang nakikita namin na dahilan.

Impossible namang biglang nagka-ganun ang dala ng walang dahilan diba?

Tss!

Napaisip din si Kyla.

"Wait! Napansin mo bang namamaga ang mata ni Ashi nung gabing umuwi siya?" Tanong pa ni Kyla.

Napansin din pala siya? Akala ko namalikmata o ako lang ang nakapansin nun.

"Yeah, napansin ko rin." Sagot ko pa.

Napalingon sa akin si Kyla at parang may sasabihin.

"Bakit naman kaya siya umiiyak? Tsaka, hindi umiiyak ang babaeng 'yon kapag may kasama siya---lalo na kapag si Bisugo." Nakunot noong sabi pa ni Kyla habang nag iisip pa rin.

Napaisip din ako. Oo nga naman.

Knowing my cousin's attitude---maliban nalang sa isang tao na nagpapalabas ng emotions ni Ashi.

Napakunot ang noo ko. Nando'n din so Debbien bago namin iniwan si Ashi kay Bisugo.

Hindi kaya si Deb----

"Hindi kaya si Debbien ang naghatid kay Ashi at nagkausap ang dalawa kaya mugto ang mga mata ni Ashi?" Biglang tanong pa ni Kyla.

Napalingon pa siya sa akin at ganun din ako.

Pareho kami ng iniisip.

"Yon din ang iniisip ko." Sabi ko pa."Si Debbien lang ang nakakapag-palabas ng emotion ni Ashi." Dugtong ko pa.

Napapitik naman sa ere si Kyla sabay tango.

"Exactly! So, it means---si Debbien ang nahatid kay Ashi?" Pagko-confirm pa ni Kyla.

Napatngo ako dahil alam kong tama ang hinala namin.

Bala nagkausap ang dalawa at baka may iyakan na nangyari kaya ayon!

Tss!

Pero kung ganun, bakit naman pati si Bisugo ay naging weird na din?

Tss!

Ewan! Sasakit lang ulo ko kakaisip.

"Kung tama ang hinala natin. Bakit naman kaya pati si Drix ay nag iba? You know, naging tahimik at cold ang loko." Sabi pa ni Kyla.

Nagkibit balikat nalang ako."ewan ko din." Sabi ko pa.

"Tanungin nalang kaya natin si Drix kung ano ang nangyari?"

"Tss! May topak nga diba? Di rin makausap ng matino." Sabi ko pa.

Napangiwing tumango naman si Kyla.

Tss!

Kung weird kaming tatlo ay mas weird sa amin si Ashi.

Di mo maintindihan ang takbo ng isip nun!

Utak----shit!

Nagrambulan na naman ang tyan ko!

Napatayo ako at napatakbo paakyat sa kwarto ko.

Lintik!

Di talaga mapigilan amputik!

Grrrrr!!!!

Di nga ako makakapasok lintik na 'yan!

Tss!

************************************

Kyla's Pov.

Napakunot ang noo ko ng biglang tumayo at tumakbo si Xandra palabas ng kusina at umakyatsa taas.

Ano na naman ang nangyare sa babaeng 'yon? Kanina pa siya eh! Di maipenta ang mukha tapos ang tamlay tamlay pa niya.

Napapailing nalang ako. Matapos kung magluto ay kumain na ako dahil di pa bumaba si Xandra.

May pasok pa kami ngayon at take note!

May Quiz si taba ngayon sa science. Buti nalang nag study ako kagabi. Mahirap na pag bumaba ang score namin nalintikan na! Nung nakaraan ay galit na galit si taba dahil ang liit ng mga scores.

Iilan lang ang nakakuha ng mataas na scores. Isa na si Ashi sa mababa ang score.

Nagtaka talaga kami sa kaniya. Lagi kasi siyang tulala sa klase at parang ang lalim ng iniisip niya.

Mula pa nung birthday ni Theresa ay naging lutang na siya.

Hindi nalang kami nagtanong ni Xandra sa kaniya dahil di naman siya nagsasalita.

Di namin makausap ng matino eh! Pareho lang sila ni Drix. May mga topak!

Tch!

Umkyat na nalang ako sa kwarto para magbihis ng uniform. Nang matapos ay lumabas na ako ng kwarto.

Sakto namang lumabas si Xandra na hindi na naman ma-ipenta ang mukha.

Gusto kong matawa sa epic ng mukha niya hahahaha.

Pero syempre, pinigilan kung tumawa baka kasi makatanggap ako ng sapak.

Iba pa naman 'yan magalit kapag na-asar.

Hahahaha.

"Oh? Ano na namang hitsura 'yan?" Pigil ang tawang tanong ko.

Napaiwas siya ng tingin.

Abah!

Tiningnan ko siya ay wala pa siyang ligo.

"Bakit di ka pa naliligo-----?"

"Di ako papasok." Walang ganang sabi niya at bumaba.

Sumunod naman ako. Di siya papasok? Bakit naman?

"Bakit?"

"Tss! Masakit ang tyan ko-----"

"Pfftt! May LBM ka!? Hahahahaha." Di ko na napigilan pang tumawa.

Ang epic na naman ang mukha niya.

Sinamaan niya ako ng tingin at akmang sasapakin ako ay mabilis na tumakbo na ako sa pinto.

See?

Iba maasar ang isang 'yon!

Sumigaw pa siya sa loob pero tawa lang ako ng tawa.

Naalala komg ang takaw niya sa mani kahapon buwahahahaha!

Langya! Ang epic ng mukha hahaha.

Napapailing nalang ako at sumampa sa motor ko at pinaandar sabay alis.

***

Nang makarating ako sa parking lot ay agad na akong pumarada.

Pagakatapos ay bumaba at inikot ikot ang susi sa kamay kong pumasok sa loob ng campus.

Napapatingin pa sa akin ang ibang students. Napasipol pa ang mga lalaki psh!

Upakan ko kayo eh! Di ako aso wuy! Psh!

Hindi ko nalang sila pinansin at nagoatuloy sa paglalakad.

Sakto namang makasalubong ko si Drix.

Ang emotionless naman ng isang to. Ang cold pa ng dating oh!

Pero pogi pa rin.

Oh-oh!

Nakapamulsa pa ito habang cool na naglalakad. Naka-headphone pa!

Nagtitilian ng palihim at impit na tili ang mga babaeng nadadaanan niya.

Tch!

Iba din mga tsong!

Jameson blake ikaw ba 'yan?

Psh!

"Oh? Good morning!" Bati ko pa sa kaniya.

Pero...

[...]

Tuloy tuloy lang ito sa paglakad at nilagpasan ako.

Abah!

Na-isnob ang kagandahan ko mga tsang!

Naku nakuh!

Bahala ka nga sa buhay mo!

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at saktong nakasabay ko si Mello.

"Hi! Gurl! Oh? Nasaan ang weird mong kaibigan at ang pinaglihi ng kasungitan?" Tanong pa niya.

Natawa nalang ako sa sinabi niya.

"Nauna na si Ashi, kanina pa siya. Si Xandra ay hindi papasok. May LBM eh!" Natawang sabi ko pa.

Natawa din siya sa huling sinabi ko.

"Hahaha. Ganun ba gurl? Oh, eh, nakakausap na naman ba ng matino ang reyna ng mga katahimikan at ka-blankuhan?" Nakangiwing tanong pa niya.

Natawang umiling nalang ako.

"Abah! Kailan ba mawawala ang topak ng reyna! Pati na rin ang hari! Nakuh! Di ko na makeri ang dalawang 'yon! Daig pang mga statue bakla!" Napapailing na sabi pa ni Mello.

Sabay pa kaming natawa.

Tch!

"Ewan! Parehong may saltik eh!" Nakangiwing sabi ko pa.

Hanggang sa makarating kami sa locker ay kumuha kami ng mga gamit para sa morning class.

Pagkatapos ay sabay ding umakyat. Pareho lang naman kami ng floor eh.

Agad na akong pumasok ng room. Nandito na rin pala sila Bella.

Pero wala si Ashi. Nasaan na naman kaya 'yon? Nauna suya kanina ah!

Aish!

Bahala na nga siya!

"Good morning, Ky!"bati pa nila.

"Good morning din." Balik na bati ko pa sabay upo.

May kaniya kaniyang mundo ang lahat.

Napapailing nalang ako.

"Nasaan ang dalawa?" Tanong pa ni Bella.

"Di papasok si Xandra. May LBM eh! Tapos si Ashi, ewan nasaan na 'yon. Nauna naman 'yong umalis ng bahay eh." Sagot ko pa.

Napatango naman sila.

Nag uusap nalang kaming lahat ng biglang pabagsak na bumukas ang pinto at pumasok si Drix na naka poker face na naman.

Ayy! Mukhang mas lumala ang topak mga tsang!

Natahimik ang lahat. Kasunod nito ang tatlo na napapailing pa.

Tumingin nan si gawi ko si Keart sabay ngiti.

"Good morning, Myloves!" Nakangiting sabi pa nito sabay kaway.

"Good morning din." Nakangiting bati ko sabay tingin sa pinto ng pumasok si Ashi.

Tulad ng isa. Poker face din at dere-deretsong naupo sa upuan niya.
Tiningnan ko siya ng mabuti.

Parang ang lalim na naman ng iniisip niya!

Mukhang mapapalabas ang badside ko nito eh! Tulad ng...

"Shit! Di ka ba napapagod kakaisip, Ash-----arraayyy!" Daing ko sabay himas ng batok ko.

Ano pa ba?

Binatukan lang naman ako ng lola niyong reyna sa katahimikan at ka-blankuhan!

Ang sakit pa naman!

"Ingay." Bulong pa ni Ashi.

Sinamaan ko siya ng tingin pero napapailing nalang ito sabay tingin sa harap.

Paano ba makausap to ngayon!

Mailabas nga ang Kyla 1.1 version!

"Ayos ka lang ba, Ash?" Seryusong tanong ko pa.

Pero di niya ako pinansin.

Napabuntong hininga nalang ako.

"Ash, ano bang nangyari sayo? Dalawang linggo ka ng ganiyan, ah! May problema ba?" Seryusong tanong ko pa.

Ramdam kong nakikinig lang din sila Bellasa aming dalawa.

"Tsk! Kelan  ba ako nawawalan ng problema?" Pabalang na balik tanong pa niya.

Napangiwi nalang ako sabay buntong hininga.

"Ano ba kasi 'yon? Pwede mo namang sabihin eh! Ano bang nangyari sa inyo ni Bisugo? Jusko! Sasakit ang ulo namin sa inyong dalawa! Pareho kayong may topak!" Nakangiwing sabi ko pa.

Sinamaan niya ako ng tingin kaya napakamot ako sa batok.

"Sakit ba kami para sasakit ulo niyo?" Pabalang na tanong na naman nito.

Tingnan mo 'to! Ang sarap kausap no? Naku! Sa sobrang sarap niya kausap ay mapapangiwi ka nalang mga tsang!

"Sarap kausap ah! Pero, ano ba kasi 'yon? Sabihin mo na----hep! Wag mo akong gamitan ng salitang di ka magkwento! Abah! Ilang beses ka na kayang nag-kwento ng kusa. Pati nga kay Drix----sabi ko nga hindi eh!" Napakamot sa noong sabi ko pa.

Sumandal siya tapos pumikit. Abah!

Puyat? Kung bakit ba kaso ang aga aga niya gumising! Noon naman ay magtutulakan pa kami ni Xandra kung sino ang gigising sa kaniya dahil antagal gumising!

Tch!

Pero dapat di ko tantanan to hanggang di pa to makakausap ng matino eh!

"Ash, naman! Sabihin mo na kasi baka makatulong kami. Alam naming ayaw mong nakikialam kami---pero kasi----"

"Tsk! Fine!" Blankong sabi pa niya.

Napapalakpak ako sa tuwa at umayos ng upo habang nakaharap sa kaniya. Pinatong ko pa sa kamao ko ang baba ko habang nakatingin sa kaniya.

Hinihintay kong nagsalita siya. Pero bigla niya akong nilingon at nakakunot noo pa 'yan ha!

"What are you doing?" Takang tanong a nito.

Abah! Napa-english mga tsang! Pero keri naman hahaha.

"Simulan mo na." Nakamgiting sabi ko pa.

"In what?" Salubong ang kilay na tanong pa nito.

Napangiwi naman ako. Lintik! Sabi niya fine!

Tapos magtatanong? Weird talaga ng kaibigan ko.

Sapakin ko kaya para matauhan?

Ay! Wag nalang pala. Baka ako pa masapak mga tsang! Ansakit pa naman ng sapak niya kahitmahina lang!

Para kasing maso ang kamo niyan psh!

"Sabi mo fine? Simulan mo na." Inip na sabi ko.

Dapat Kyla 1.1 para hindi siya makapalag. Yan ginagawa ko kapag ganitong mga sitwasyon.

O di ba kaya ay kapag may mga lab---never mind!

Bawal niyo malaman mga readers!

Tch!

"Tsk! Later!" Inis na sabi pa nito.

Later? Mamaya ba? Psh!

"Ngayon na." Seryusong sabi ko pa.

Nakangiwing nilingon niya ako.

"Later! Period!" Final na sabi pa niya.

Tinaliman  ko siya ng mata kaya napapailing siya. Wala si Xandra kaya ako na muna ang papalit sa kasungitan ng isang 'yon.

"Sasapakin kita mamaya kapag di ka nagkwento." Seryusong banta ko pa.

"Tsk! I'm scared!" Mahinang bulong nito na rinig ko naman.

Abah!

Psh!

"Hindi ako nagbibiro-----"

Di ko natapos ang sasabihin ko ng biglang pumasok si Taba the great!

As usual, napaayos kaming lahat ng upo at tumahimik.

Nakatingin lang kami sa kaniya na seryuso ang mukha habang bahagyang naka-kunot ang noo niya.

Agad na nagsulat ito sa board ng...

GET 1 WHOLE SHEET OF PAPER NOW!

Yan ang nakasulat! Sus! Daming alam nagsasayang lang siya ng chalk. Di nalang sasabihin psh!

Agad na akong kumuha ng papel habang si Ashi ay blanko lang at nakatingin sa board.

Napapailing nalang ako.

Hanggang sa magsimula na kaming mag quiz. Nakataas pa ang kilay no Taba the great habang naglalahad ng questions. About physics ang topic namin.

Tapos ang hirap hirap ng questions niya mga tsang! Hindi ko ata nabasa ang mga 'yon eh!

Lintik na taba na to!

Bigla siyang napatingin sa gawi naman at tinaasan kami ng kilay.

Napatungo nalang ako.

"Where's Miss Acosta?" Taas ang kilay na tanong pa nito.

Nag-angat ng ulo si Ashi sabay tingin sa akin. Nagtataka din siguro siya kung bakit wala si Xandra.

Nakuh! Baka aandar na naman si tabang the great----"

"I said! Where's Miss Acosta!?"

"Ay! Tabang the great!?" Gulat na sigaw ko dahil sa pagsigaw ni Taba.

Rinig kong nagtawanan ng mahina ang lahat.

Napatakip ako ng bibig habang nag iwas ng tingin kay Taba.

Lagot!

"What didi you say! Miss Laxon!?" Galit na sigaw pa nito.

May sinabi ba ako?

"May sinabi ba ako---Tabang the great----"

"Get out!?" Galit na sigaw niya.

Mahinang natatawa pa ang lahat kaya galit na galit si Taba.

Psh!

Ayoko no!

"Sorry, Miss Alcantara. Bakit mo ako papalabasin------"

"I said get out!?"

"---wala naman akong ginawang----"

"Miss Laxon! OUT!!?" Galit na talaga siya.

Napakamot nalang ako sa ulo ko.

"Sorry---Miss may quiz pa tayo oh-----"

"GET OUT!? OR I'LL DROP YOU!?" galit na sigaw niya.

Take note!

Puro kapital letter pa yan ha!

Kaya napatayo agad ako at nagkamot ng ulo.

Kasalanan to ni Xandra eh!

Aga ko naman lumabas.

"Hehehe...ito na po lalabas na, tch!" Sabi ko pa sabay kuha ng gamit ko at lumabas.

Natatawa pa sila lintik!

Di ako nakapag quiz!

Psh!

Saan na ako nito? Lintik naman oh!

Umakyat nalang ako sa taas at doon nalang ako sa rooftop!

First time ko to eh! Kasi si Ashi o si Xandra ang laging napag initan ni Miss.

Psh!

Kainis.

Maglalaro nalang ako l ng ML sa phone ko psh!

Libangan naming tatlo ang ML eh hahahah.

************************************

Ashi Vhon's Pov.

Natapos ang quiz namin sa science na puro sigaw ng sigaw si Taba. Nagtatak nga ako kung bakit hindi man lang napaos! Para pa naman siyang nakalunok ng mega phone!

Ang tinis pa ng boses psh!

Natapos ang klase namin sa kaniya na aalang ibang ginawa kundi ang pagsalubong ng mga kilay habang nag discuss.

Lintik na Kyla. Ano nakain nun at inasar pa si Taba.

Tsk!

Agad nalang akong lumabas ng room kahit pa hindi pa nakalabas si Miss Alcantara.

Nasaan na kaya ang usang 'yon? At bakit wala si Xandra?

Himala atang hindi pumasok. Psh!

Tahimik at blankong dumeretso nalang ako sa locker. Nakasunod naman sila Bella kaya di ko na sila pinansin pa.

Lagi akong iniisip kaya di ko na nagawa pang pansinin sila nitong mga nakaraan.

Tsk!

Nang matapos ay dumeretso nalang kami sa cafeteria. Pagdating namin ay nando'n na pala sila Lyle.

Naka order na rin sila. Naupo nalang ako bago agad na kumuha ng tinapay.

Hindi ko na pinansin pa kung kaninong pagkain ang kinuhanan ko tsk!

Gutom ako dahil wala akong agahan kanina. May pinuntahan ako kaya maaga akong umalis.

Tahimik lang ang lahat at wala pa si Kyla. Nasaan naman kaya ang babaeng-----

"Ay! Buti naman nandito na pala kayo!" Biglang sulpot ni Kyla sabay upo sa tabi ni Keart.

Tsk!

Hindi ko nalang sila pinansin at kumain nalang ako.

"Oh? Bat ang tahimik niyo?" Tanong pa ni Mello na kakadating lang.

Kain lang ako ng kain.

Wala pa ding nagsasalita at tahimik la parin psh!

Buti naman. Nakakainis ang ingay eh!

"Ah hehehe. Bat ba ang tahimik natin?" Tanong pa ni Kyla.

Ramdam kung nakatingin sila sa Akin.

Tsk!

Nag angat ako ng tingin at...

"What?" Blankong tanong ko.

Nagsi-iwasan sila ng tingin.

Tsk!

"Ang hilig mong kumain ng pagkain ni Drix, Ash." Nakangiwing sabi pa ni Kyla.

Napakunot ang noo ko. Napatingin ako sa pinagkuhanan ko ng tinapay.

Nasa harap nga pala ni Bisugo ang tray.

Tsk!

Wala namang akin isa pa gutom na ako.

Kumagat nalang ako sa tinapay sabay tingin kay Bisugo. Blankong naka cross arm lang ito habang nakasandal.

Anyare sa isang to?

Teka!

Ano nga uli 'yong sinabi ni Kyla kanina? Pareho kaming walang kibo at may topak ni Bisugo?

Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya.

Tahimik pa rin ang lahat.

Bakit naman parang mas cold pa sa akin ang isang to?

Tsk!

Napapailing nalang ako. Di ko siya napansin nitong nagdaang araw kasi andami kong iniisip. Hindi ko rin sila kinakausap.

Sa hardin din ako tumatambay kaya di ko alam ang mga nangyari sa mga to.

Hindi ko nalang sila pinansin ng magsalita si Keith.

"Ah hehehe. Bakit ang tahimik natin? Nahawa na rin ba tayo sa dalawang 'yan?" Tanong pa nito.

Tsk!

Kumain na lang uli ako.

"Lol! Nagtanong ka pa! Kita mo naman diba!" Keart.

"Oo, nga naman. Kalerky! Di ko na makeri ang katahimikan! Mag ingay nga tayo mga bakla!" Segunda pa ni Mello.

Natawa naman sila.

"Psh! Nag ingay ka na nga baklita ka!? Ang tinis ng tinig mo? Para ka ring si Taba the great!?" Sabat pa ni Stella kaya nagtawanan sila.

Nag uusap na naman tsk tsk! Hinayaan ko nalang sila.

"Hahaha! Natawa talaga ako kay Kyla kanina. Bakit mo nga ba 'yon nasigaw?" Natatawwng tanong pa ni Keart.

"Ah, eh... Nagulat kasi ako sa pag sigaw niya." Kyla.

"Hahaha. Di ka pa nasanay sa tabang the great na 'yon, Ky? Naku!" Natawang sabi pa ni Bella.

"Hehehe... Oo, nga naman, Ky!" Theresa.

"Hehehe. May iniisip lang ako kaya ako nagulat." Napakamot na sabi pa ni Kyla.

"Nasaan nga ba si Xandra? Bakit di siya pumasok?" Tanong pa ni Lyle.

Masyado ba akong naging occupied nitong nga nakaraang linggo para di mapansin ang mga nangyayari sa mga kaibigan ko?

Psh!

"May ano kasi...ahm." Kyla.

Inaantay ko ang sasabihin niya.

"What?" Tanong ko.

Napatingin silang lahat sa akin. Parang nagtaka ata sila.

"Buti naman at nagtanong ka! Sa sobrang lutang mo di mo na kami napapansin." Nakangiwing sabi pa ni Kyla.

Napaiwas nalang ako ng tingin at napatingin kay Bisugo na tahimik pa rin.

Kumakain ng tipay.

"Psh! Nasaan ba siya?"tanong ko pa kay Kyla habang nakatingin ako kay Bisugo.

Bakit ang tahimik nga naman ng isang to?

Nakita kong napakunot ang noo ni Bisugo at tinaasan ako ng kilay.

Tsk tsk!

"Bakit ako tinatanong mo? Hanapan pa ako ng mga nawawala?" Sarkastiko at blankong sabi pa nito.

Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Bisugo.

Lintik!

Nalamangan ako mga pre!

Tsk!

Ramdam kong natahimik na naman anh lahat.

"What?" Salubong ang kilay at blankong tanong ko.

Siya ba ang tinatanong ko kanina? Psh! Assumero ang isang to!

Blankong tiningnan ako nito at nagsalubong din ang mga kilay niya.

Tsk!

"You want me to translate it in english?" Sarkastikong balik tanong pa nito.

Putik!

Nung akala niya sa akin?

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Tsk! Do I say so? Stupid!" Sarcastic na tanong ko rin.

Natigilan siya sa sinabi ko bago ako
sinamaan ng tingin.

Halatang nainis siya psh!

Pikon!

" You're Nonsense! Tse!" Blanko at inis na sabi pa nito sabay padabog na tumayo at kinuha ang bag niya sabay alis.

Napakunot ang noo ko.

Anong nangyari sa ugok na 'yon? Nakatingin lang ako sa kaniya palabas ng cafeteria.

"Ehem!" Biglang ubo pa ni Keith.

Kunot noong napatingin ako sa kaniya. Nag iwas siya ng tingin at ganun din ang iba.

"Anong nangyari do'n?" Takang tanong ko pa.

Napakamot ng ulo si Keart at Keith.

"Nasaktan." Nakangiwing sabi pa ni Keart.

Napakunot ang noo ko.

"Nasaktan?"takang tanong ko pa.

"Oo. As in hurt." Sabi pa Keith.

Lintik!

In-english niya lang psh!

"At bakit naman?"

"Ah, eh...w-wala." kamot batok na sabi pa ni Keart.

Anong nangyare sa magpinsan na'to?

"Hayaan mo na siya. Kain na tayo." Sabi pa ni Lyle.

Napabuntong hininga nalang ako.

"Nagbangayan ang parehong cold at blanko. Kalerky! Sasakit ang bangs ko!" Bulong pa ni Mello.

Psh!

As if may bang siya tsk!

************************************

Drixon's Pov.

Natapos ang buong klase at dismissal na. Sa practice naman na kami uli gumugol ng oras. Naging busy lang kami sa pag practice dahil bukas September na at next month na ang sportfest.

Tahimik lang ako nitong mga nakarang linggo. Wala akong pinapansin kahit mga kaibigan ko. Kahit nga sila Mommy ay hindi ko kinakausap ng matagal.

Tse!

Lintik na panget na 'yon!
Magsama silang dalawa ng ex niyang gago!

Sinabihan pa akong stupid kanina! Peste!

Ang talas talaga ng dila niya!

Di ko nagustuhan ang sinabi niya kaya umalis ako kanina!

Tse!

Nauna nalang akong bumaba at dumeretso sa locker.

Pagkatapos ay dumeretso ako sa boys room para magpalit ng Jersey.

Pagkatapos kong magbihis ay naglakad na ako sa hallway patungo sa gym. Nakatungo lang ako havang nakasabit sa balikat ko ang bag.

Rinig ko pa ang mga tilian at bukunga pero di ko pinansin.

"Grabe! Ang gwapo talaga ni Drix!"

"Oo, nga!"

"Makalaglag panga!"

"Bagay sa kaniya ang suot niyang jersey!"

"Yeah! Lumitaw ang kaptian niya huhuhu."

"Ang hot naman niyang tingnan!"

Tse! Hot pa nga ako do'n sa pesteng gago ex ni panget eh!

"Oo nga, ang gwapo!"

Yeah, gwapo ako mukhang unggoy 'yong ex ni panget tse!

"Pero, bakit ang seryuso at cold niya na lalo?"

Tse! Tanong mo kay panget!

"Oo, nga. Napansin ko din 'yan nitong mga nakaraang linggo."

"Ano kaya ang nagyari sa kaniya!"

"Pero kahit seryuso siya ay pogi pa rin siya!"

"I agree!"

Mga bulungan nila psh!

Nakatungo pa rin ako habang blanko lang din ang mukha ng may humarang sa akin.

Napatigil ako pero di ako nag abalang tingnan man lang ito.

"Ayos ka lang?" Tanong pa nito.

Tse!

Mukha bang ayos lang ako?

"What do you think?" Blankong balik tanong ko.

Napabuntong hininga lang siya.

"Hindi, ang cold at tahimik mo na kasi nitong mga nakaraang linggo eh."

Tse!

Paki niya?

"Then?" Walang ganang tanong ko pa.

"A-ah, w-wala naman." Nauutal na sabi pa niya.

Tse!

"Nonsense!" Sabi ko at nilagpasan siya.

"Drix! Sandali lang!" Sigaw pa ni Kiana pero di ako lumingon at nakatungong naglalakad lang.

Kainis!

Psh!

"Fvck!?" Sigaw ko ng may bumunggo sa akin.

Natumba pa ako sa lupa.

Shit!

"Tsk!?"

Natigilan ako sa singhal nito.

Tumingala ako at nakita ko ang blankong mukha ni panget at ang pagkunot ng noo nito.

Tse!

Mabilis na tumayo ako at blankong tiningnan siya.

"Watch your way!" Blankong sabi ko pa at nilagpasan siya.

Putik!

Tse!

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at hindi na siya nilingon pa.

Pero lintik naman oh!

Napahinto ako at dahan dahan siyang nilingon at nakapamulsang nakasunod siya sa akin.

Nakatungo  pa siya.

Sinusundan ba niya ako?

Tse!

Napapailing nalang ako at tumalikod na. Dumeretso nalang ako sa gym ng secondary campus.

Nakita pang nando'n na sila lahat. Ako nalang ang hinihintay nila.

Tse!

Napatingin si Keart at Keith sa likod ko. Nakangisi pa sila mga loko!

Napapailing nalang ako at di sila pinansin.

"Hey!" Bati pa nila sabay fist bump sa akin.

Blankong tinanguan ko lang sila.

"Oh? Dre? Bat magkasabay kayo ni Ashi? Nag usap na ba kayo?" Tanong pa ni Keith.

Tse!

Bakit naman kami mag uusap?

Tse!

Di ko nalang sila pinasin.

"Wuy! Dre, ano na? Nag usap na ba kayo?" Pangungulit ni Keart.

Tse!

Ang kulit kulit talaga ng magpinsan nato!

Lagi nalang nila akong kinukulit. Pilit pa nila akong pina-kwento kung anong nangyari sa amin ni panget nung naiwan kami at nung hinatid ko kuno siya!

Psh!

As if naman ako ang naghatid sa panget na 'yon!

"Drix! Ano na! Magsasalita ka ba----"

Sinamaan ko silang dalawa tingin.

"Pwedeng tumahimik kayong dalawa?" Matalim ang tingin na banta ko.

Napaiwas sila ng tingin psh!

"Tch! Ano ba kasing nangyare sa inyo ni Ashi? Dalawang linggo na kayong ganiyan. Nahawa ka na sa pagka weird ni Ashi." Nakangiwing sabi pa ni Keith.

Ayan na naman siya sa paulit niyang tanong!

Lintik!

"Ayaw ko ng pag usapan! Kaya tumahimik kayong dalawa!" Inis na sabi ko pa at iniwan sila.

Pumunta ako sa gitna ng gym. Nilingom ko pa kung nasaan si panget pero wala akong nakita.

Akala ko ba sinusundan niya ako? Pero bakit naman?

Tse!

Napaisip ako kung bakit----ay shit!

Sa archery room pala siya!

Hindi na ako pumupunta do'n mula nung birthday ni Theresa.

Psh!

Nagsimula nalang kaming nag practice. Nandito ang buong team ng basketball.

May mga nanonood pa sa amin at ang ingay ingay nilang lahat. Kadalasan ay mga secondary students.

May mga sophomore pa at nagvivideo psh!

Hanggang sa matapos ang practice namin. Pawis na pawis kaming lahat hahang hinihingal pa.

Maayos ang laro nin dahil lahat naman kami ay alam na ang mga dapat na gagawin at mga moves namin at techniques.

Nagkakasundo naman na kaming lahat.

"Dre! Mag usap nga tayo." Seryusong sabi pa ni Keith.

Blankong tiningnan ko lang siya.

"Wag mo kami gamitan ng ganiyang  emotion, Drix. Mag uusap tayong tatlo." Seryusong sabi pa ni Keart.

Abah!

Nagseryuso na naman ang mga lokong to!

Psh! Di ko nalang sila pinansin at tumayo na. Pasado alas singko na rin. Nakaalis na rin si Lyle. May gagawin pa raw siya. Psh!

Dumeresto nalang ako sa parking lot. Alam kong tungkol na naman sa amin ni panget psh!

Binuksan ko ang kotse ko at hinagis sa loob ang bag ko. Akmang papasok ako ng may humawak ng kwelyo ko sa likod ng batok ko at hinila ako.

"Fvck!?" Mahinang mura ko at tinanggal ang kamay ng magpinsan sa kwelyo ko.

Sinamaan ko sila ng tingin pero seryusong tiningnan lang ako.

Putik!

"Tatakasan mo pa kami. Mag usap tayo." Sabi pa ni Keith sabay lakad patungo sa isang coffee shop sa kabilang kalsada.

Napapailing ako. Sumunod na rin si Keart kaya nakapamulsang sumunod ako sa kanila.

Agad na nag order si Keith ng makain namin bago naupo.

Parehong seryusong tiningnan ako ng magpinsan.

Napaiwas nalang ako ng tingin tse!

"Mag kwento ka na." Panimula pa ni Keart.

"Anong iku-kwento ko---array! Lintik!" Sinamaan ko siya ng tingin ng batukan niya ako.

Psh!

Nagagawa mo pa 'yan ngayon lintik ka! Psh!

"Simulan mo na!" Utos pa ni Keith.

Kunot noong tumingin ako sa kanila. Napabuntong hininga nalang silang dalawa.

"Anong nangyare sa inyo ni Ashi nung gabing 'yon? Bakit bigla nalang kayong di nagpapansinan at ang tahimik niyo pa?" Tanong ni Keart.

Napabuntong hininga ako kasabay ng pagdating ng order namin.

Nang maakalis ang waiter ay saka ako nagsalita.

"Wala." Walang ganang sabi ko pa at akmang babatukan na naman ako ni Keart ng samaan ko siya ng tingin.

"Ginagago mo ba kami? Sabihin mona!" Inip na sabi pa ni Keith.

Napabuntong hininga nalang ako. Alam kong di nila ako titigilan.

Nagsimula na akong magkwento mula nung una kaming lumabas ni panget at nung sabay namin siyang abutan ng coat ni Debbien. Hanggang nung iniwan nila kami at naiwan kaming tatlo.

Nakikinig lang sila ng mabuti sa mga sinasabi ko.

"Nagpumilit ang gago na siya ang maghatid kay panget. Pero ayaw ni panget kaya kami ang nagkasagutan hanggang sa nagkainitan at sinapak ako ng gago." May galit na sabi ko pa." Sinapak ko din siya at inawat kami ni panget pero di kami nakinig. Nagpalitan kami ng sapak hanggang sa naglit na si panget. Sinapak niya kami ng isang beses." Patuloy ko pa.

Sinabi ko sa kanila ang buong pangyayari lalo na nung nag unahan kami ng gagong Debbien sa kalsada.

Sinabi ko rin na hindi ako ang naghatid kay panget kundi 'yong gagong Debbien ang naghatid sa kaniya.

"Ayon naiwan ako at inis na inis psh! Bakit pa kasi siya sumama sa gagong ex niya! Kung sa akin nalang siya nagpahatid tutal sa akin naman siya binilin ng kaibigan niya! Gagong Debbien na 'yon! Siya na nga nang iwan siya pa ang makapal ang mukhang umasta ng ganun kay panget! Fvck him to hell!?" Galit at inis na sabi ko pa.

Kumuyom pa ang kamao ko at tahimik lang ang dalawa kaya napatingin ako sa kanila.

Di ko malaman ang reaction nila at napahinga nalang bago napapailing.

Tse!

"Iba ka na talaga, dre." Sabi pa ni Keart sabay ngisi.

Lintik!

Ang seryuso nila kanina tapos ngayon! Psh!

Sumandal nalang ako sa upuan ko.

"Andami ng nagbago sayo, Dre." Nakangising sabi pa ni Keith.

Napakunot ang noo ko.

"What do you mean?" Takang tanong ko pa sa kanila.

"Lol! Di mo alam? Sabagay, puro ka naman kasi deny ng deny eh! Sabi nga namin sayo diba na mula ng dumating sila Ashi dito sa school natin ay marami ng nagbago sayo. Alam naming dahil 'yon kay Ashi. Look, mula ng pumasok ang mga 'yon dito ay wala ka ng binully pa maliban kay Ashi. Pero kalaunan ay hindi mo na siya binully, Lalo na nung niligtas nila tayo."mahabang sabi pa ni Keart. Nakinig naman ako sa kaniya." Hindi lang ikaw ang nagbago kundi pati na rin ako. Pero mas kakaiba ang sayo." Sabi pa no Keart.

Napakunot naman ang noo ko.

"What do you mean?" Tanong ko pa.

"Ilang beses na namin to sinabi sayo, dre kaya makinig ka sa amin. Kami ang mas nakikilala sayo kaya alam namin ang lahat sayo. Napansin naming mula ng makilala natin ang tatlong 'yon ay may nagbago. Tama si Keart, kayong dalawa ay nagbago na dahil 'yon kay Kyla at Ashi. Hindi mo maikakaila sa amin ang mga nakikita namin. Kami mismo ang nakapansin nun. Deny ka lang ng deny pero hinayaan ka namin at minamatyagan ka namin. Habang tumatagal ay nagbago ka na nga. Look, mas naging matured ka na ngayon---alam naming matured ka naman talaga. Alam din naming sinasakyan mo lang ang Mommy kaya minsan para kang isip bata. Pero ngayon ay kakaiba." Mahabang lintaya pa ni Keith. Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy." Iba ka na kung mag aalala kapag napa-away si panget kay Alvin. Tapos close naman na kayo ni Ashi at hindi lingid sa kaalaman namin na nagpupunta kayong dalawa sa Achery room. Alam naming hindi mo hinayaang mapasok ng iba ang room na iyon dahil kay Trixie. Pero si Ashi ay hinayaan mo lang. You're different now, You look like a worried boyfriend when it comes to Ashi. Lalo na kapag nakikita mong pinapagalitan si Ashi ng pamilya niya ay nakikita naming nag aalala ka."mahang lintaya pa ni Keith.

Tumango tango naman si Keart.

"Tapos mas na confirm namin yun lalo kapag kumakain sa cafeteria. Nagshi-share pa kayo ni Ashi ng pagkain which is hindi mo naman gawain. Alam naming balewala lang kay Ashi ang lahat. Walang ibig sabihin nun sa kaniya pero alam naming sayo meron. Nakikita naming masaya ka kapag kasama si Ashi kahit pa para kayong mga pusa at aso kung mag usap o magbangayan. Tapos nung party ni Theresa ay confirm na confirm na talaga." Nakangiting sabi pa ni keart." The way you look and stare at her, its like your eyes sparkles because of her. We can see it to your eyes. Kung paano mo samaan ng tingin ang mga lalakimg nakatingin kay Ashi. Kung paano ka umakto pagdating kay Ashi. At sa mga kinu-wento mo kanina. Alam na namin kung bakit ang cold at tahimik mo nitong mga nakaraang linggo at kung bakit ka umalis bigla kanina nung sabihin kang stupid ni Ashi." Mahabang sabi pa ni Keart habang nakangiti.

Feel na feel niya ang mga sinasabi niya habang tatango tanho naman si Keith.

Bigla akong nakaramdam ng kabog sa dibdib ko dahil sa mga sinabi nila. Naitindihan ko ang mga sinabi nila pero di ko makuha ang ibig------

"Anong ibig niyong sabihin sa lahat ng sinabi niyo?"naguguluhang tanong ko pa.

Nagkatanginan silang dalawang magpinsan bago sabay na ngumiting tumingin sa akin.

"You're fall in love with her."

Sabay nilang sabi sa anim na salita na lalong nagpakabog ng dibdib ko.

Parang niyanig ang sistema ko sa sinabi ng magpinsan na gumulo sa buong pagkatao ko.

My heart beats fast.

This can't be!

To be continued!!

A/N:hello mha readers hope you enjoy reading guysss. Please support me in this story.

Don't forget to Vote, comment and Follow.













Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top