Chapter 117

A/N: hello mga readers hope you enjoy reading and please support me guyss in this story.

Expecting some wrong grammas and typos here po.

Don't forget to Vote, comment and Follow!

______________________________________

Ashi Vhon's Pov.

Naalimpungatan ako dahil sa sobrang ingay sa paligid. Pinakiramdaman ko muna kung nasaan ako bago nagmulat ng mata. Pinakiramdaman ko rin kung sino sino ang nasa paligid ko. Ramdam kong may nakatingin sa akin kaya di ako gumalaw.

Tsk!

Amoy at boses pa lang nila ay alam kong nasa hospital ako.

Lintik!

Ayaw na ayaw ko pa naman sa hospital! Naalala ko ang mga nangyari kung bakit ako nandito sa hospital ngayon!

Tang inis na Alvin na iyon! namunuro na siya sa akin. Mukhang umaabuso ang unggoy na iyon dahil hindi ako kumikilos!

Pasalamat ang lintik na iyon na nakakapag timpi pa ako sa kaniya! Noon pa man ay alam ko nang hindi niya ako titigilan. Pero nitong mga nakaraan ay tumahimik siya. Akala ko pa naman ay tumigil na ang lintik!

Hindi pala. Tsk!

Ramdam ko ang pagsikdo ng sakit sa ulo ko ng gunalaw ako. Narinig kong may lumaoit sa alin pero di pa rin ako nagmulat.

Nakakainis dahil nandito ako sa hospital! Hindi na talaga makaka isa sa akin ang unggoy na iyon!

"Panget, ayos ka lang?" Tanong pa ni Bisugo.

Tsk!

Bakit siya ang nandito? Nagmulat ako ng mata at saktong nagtama abg nga mata namin. Blanko lang ang mukha niya pero halatang may pag aalala.

Tsk!

Lately mukhang mas bumait ang mokong na 'to, ah! psh!

"Ayos lang! malayo sa bituka." Walang ganang sabi ko bago tumingin sa paligid.

Mabilis na lumapit si Jiro at bakas ang pag aalala sa mukha niya. Isa pa to, akala mo balbado na ako psh!

Hinding hindi ako magiging baldado dahil ang kakalaban sa akin ang gawin kong baldado at di ako.

Tsk!

"Ash, are you, ok? do you feel pain? tell me. Are you dizzy? please tell me." sunod sunod at nag aalalang tanong niya.

Siguro kung katulad pa ako ng iba ay ngumiti at natawa na ako dahil sa kaniya. Pero dahil isa akong  Ashi Vhon Acosta Ibañez ay blankong tiningnan ko lang siya.

Nakita kong seryuso lang silang lahat. Tiningnan ko sila at halos lahat pala sila nandito? tsk!

"Ash, kilala mo pa ba kami?" seryuso at parang kinakabahang tanong ni Keart ng di ako nagsalita.

Napakunot ang noo ko at tiningnan siya ng malumay.

"Ulol! anong tingin mo kay, Ashi? nag ka amnesia?" Tanong pa ni Keith sabay batok kay Keart.

Tsk Tsk!

"Ano ba!? nag aalala lang ako!?" inis at napahawak sa batok na sabi ni Keart.

"Hey! Why don't you speak? Are you really, ok?" nag aalalang tanong pa ni Jiro.

Napabuntong hininga ako bago tumingin sa kaniya.

"Ayos lang...malayo 'to sa bituka. Wala 'to." Mayabang na sabi ko na ikinabuntong hininga nilang lahat.

Naupo sa kaharap na sofa si Jiro at nag aalalang tiningnan pa rin ako.

"I'm really gonna kill that bastard! He don't have the right to do this to you!?" galit at inis na sabi pa niya.

Npabuntong hininga nalang ako. Alam ko si Jiro, kapag galit siya ay tinututuhanan niya ang mga salitang binitawan niya lalo na kapag isa sa pamilya niya ang napuruhan.

"Tsk! Daijyobu desu.. Don't do something about this. Ayaw ko ng gulo!" seryuso at blankong sabi ko pa.

(Translation: It's alright / I'm ok)

Napabuntong hininga nalang siya.At napasandal sa sofa.

"Tsk! I want to give him a lesson for what he've done to you. I heard a lot about what he's doing to you in your school. Before, I don't mind it cause I know you can handle him. But now, I can't just sitting here seing you like that because of him. His being unreasonable for what I've heard! Not once but how many times he doing this to you! Hitting your head is very fastidious!"Seryuso at inis niyang sabi.

Napabuntong hininga nalang ako. Alam kong nag aalala lang siya sa akin. Kahit noon pa man ay hindi niya hinahayaang may mangyari sa akin.

Siya at si Xandra ang pinaka malapit at close kong pinsan.

Bata pa lang kami ay gano'n na gano'n na siya sa akin. Kahit kay Xandra ay gano'n din.

Kaya ayaw na ayaw kung ma-hospiyal, eh! tsk!

"No. Just don't. Things will getting worse if you take apart for this. Hayaan mo nalang, I can handle him. Ayaw ko lang ng gulo kaya di ko na siya pinatulan. Hayaan mo na lang siyang magsawa sa pagiging immature ng unggoy na 'yon." Blankong sabi ko pa.

Rinig kong napabuntong hininga nalang siya pati na rin sila Xandra at Kyla.

"Kung hindi mo siya bibigyan ng leksiyon ngayon ay uulit at uulit pa rin ang gagong 'yon! Hindi na ako natutuwa sa nga ginagagaw niya sa'yo!" pigil ang inis na sabi ni Jiro.

Tiningnan ko siya ng seryuso."Sino bang may sabing nakakatuwa ang pinag gagawa ng unggoy na 'yon?" seryusong tanong ko pa kaya napa iwas siya ng tingin.

Tsk!

Kung siya na hindi ginagawan ng masama ay hindi natutuwa ako pa kaya? Psh!

"Wag ka nalang makialam, Ji. Baka mabaliktad pa ako kapag makialam ka pa. I know, you're just worried about me. But trust me, you know me right?" seryusong tanong ko.

Tumango at bumuntong hininga nalang siya.

Alam kong ayaw niyang pumayag pero wala na siyang nagagawa dahil iyon ang gusto.

Sinubukan kong bumangon pero bigkang kumirot ang ulo ko.

Lintik naman, oh!

"Hey! wag ka munang bumangon!" inis na sabi ni Bisugo pero di ako nakinig.

Tsk!

Sino siya para diktahan ako? psh!

"Ayos ka lang ba talaga?" tanong pa uli ni Liam.

Tumango ako. "Ayos lang."

"Hontou desuka?" paninigurado pa ni Jiro. Nakatingin lang sila Liam sa akin.

(Translation: Are you sure?)

Binigyan ko nalang siya ng blank look psh!

Paulit ulit tsk!

Napapailing nalang siya at tumahimik na. Unayos ako ng upo. Gusto ko ng umalis sa lugar na to!

"How did you know that I'm here?" Blankong tanong ko.

Tumingin suya kay Liam. Psh!

"Ipinaalam ko sa kaniya agad ng malaman ko ang nangyari sa'yo. Fuck that bastard!" May halong inis na sabi pa ni Liam.

Tsk!

"Nasaan pala ang unggoy na 'yon?" tanong ko na nakatingin kela Xandra.

Bumuntong hininga muna siya bagi nagsalita.

"Nasa disciplinary office. Dinala siya do'n ni Tita. Galit na galit si Judge Luis pati na rin si Judge Francisco sa nangyari. Kailangan ka rin do'n kapag maatis kana para makausap tayo ni Judge Francisco tungkol sa mga nangyayari sa pagitan niyo ni Alvin." seryusong sabi ni Xandra.

Tumango nalang ako. Panigurafong makakatanggap na naman ako ng madaming pangaral psh!

As if kailangan ko!

"Sabi ng doctor stable naman daw ang kalagayan mo. But you need to rest. You have a head injury. You almost got severe condition because of the cut in your head and you don't have brain damages. The hit impact almost make your condition unstable. But the doctor said, you're fine now." seryusong sabi ni Jiro.

Kaya pala hilomg hilo ako kanina dahik nga napalakas ng hampas ang unggoy na iyon.

Tsk!

Kung siiya kaya ang hampasin ko paniguradong kung hindi sa libingan ang punta ay ma-comatose naman siya psh!

Pasalamat siya at ayos lang ako. Baka kahit napuruhan at na-comatose ako ay hindi ko siya uurungan tsk!

Tumango lang ako sa sinabi ni Jiro.

Gusto ko ng umuwi! Lintik ko ako makakatiis sa ganiting Lugar!

Gutom pa naman alo psh!

"Pagkain." maikling sabi ko.

Napatingin silang lahat sa akin. Tsk!

"Sabi ko, pagkain. Nagugutom ako!" Blankong sabi ko at agad namang tunayo si Kyla ay inabit ang paper bag kay Drix na malapit lang sa akin.

"Here." maikling sabi pa nito sabay lapag sa kama ko ng mga pagkain.

"Tulungan na kita." singit ni Liam.

Mas lumaout naman si Bisugo at hinaranang si Liam.

"Ako na." blankong sabi nito kay Liam.

Napakunot ang noo ko. Akong akala nila sa akin? kimay? psh!

"Tsk! kaya kong kumain ng ako lang..hindi ako kimay!" Walang ganang sabi ko at kumuha ng kutsara saka sumubo.

Tahimik lang silang lahat na makatingin sa akin kaya bahagyang nailang ako.

Lintik! paano makakain ng maayos nito? psh! Hindi ko nalang sila pinansin at kumain ng kumain lang ako.

Bigka akong napaabgat ng tingin sa kanila.

"Anong oras na?" tanong ko.

Napakunot ang noo nila pero sumagot naman si Lyle.

"It's almost 3:00 pm." sabi ni Lyle.

Tumango nalang ako. Mahigit dalawang oras pala akong tulog?

tsk!

Wala sa bisig ko ang relos ko kaya hindi ko nalang sila tiningnan ulit at kumain.

"Drix, kumain ka na rin muna." Biglang sabi pa ni Kyla.

Wala pa siyang kain? at bakit naman?

"Later " maikling sabi ni Bisugo. Tiningnan ko siya at saktong tumunog ang tyan niya kaya napauwas siya ng tingin.

Nagtawanan pa sila kaya napapailing nalang ako.

"Bakit wala ka pang kain?"kunot noong tanong ko.

Hindi sumagit si Bisugo kaya si Keith ang sumagot.

"Ayaw niyang kumain kasi siya 'yong nagbantay sa'yo habang tulog ka. Kumain kasi kami sa baba kanina." Nakangiting sabi pa ni Keith.

Tiningnan ko si Bisugo at sinamaan niya lang ng tingin si Keith.

Tsk!

Bakit di siya kumain ng matapos kumain ang mga 'to?

Psh!

"Kumain kana muna, Drix. Marami naman 'yang binili namin para sa into 'yan ni Ashi." kaswal na sabi ni Jiro.

Tiningnan ko ang pagkain at marami nga naman pala.

"Wag na mamaya---"

"Tsk! Kumain kana." pigil ko sa kaniya.

Masama kung hindi ko siya papakainin kung gayong siya pala ang nagbantay sa akin.

Tsk!

"Uy! inalok ka, dre! Kain kana dali!" singit pa ni Keart.

Sinamaan siya ng tingin ni Bisugo habang ako ay napapaling nalang sa inasal ni Keart.

Kahit kailan talaga ang mokong na 'to!

Hindi pa rin umuupo si Bisugo para kumain kaya tiningnan ko siya ng masama.

"Kakain ka o kakain ka?" tanong ko.

Nataww naman sika habang siya au nakamot at bumubulong.

"Saan ang choice do'n?" bulong pa niya.

Hindi ko nalang siya pinansin at kumain. Umupo na rin siya sa kama at kumain. Blanko lang ang mukha niya.

Abah!

Dinaig pa ang ka-blankuhan ko, ah!

Nang matapos ay lumabas si Jiro para kausapin uli ang doctor dahil nagpumilit na akong lumabas.

Alam naman niyang ayaw na ayaw ko sa hospital.

"Ash, wag ka na muna kayang lumabas." sabi pa ni Liam.

Bumuntong hininga ako at umiling.

"Alam niyo namang ayaw na ayaw ko sa hospital, diba?" malumay na sabi.

Bumuntong hininga nalang siya.

"Hindi ka pa nga maayos lalabas kana agad?" blankong tanong ni Bisugo.

"Tsk! ayos na ako. Hindi ako baldado kaya gusto ko ng lumabas psh!" sabi ko pa at tumayo sa kama.

Medyo nakakaramdam pa rin ako ng sakit ng ulo ko.

Sakto namang pumasok si Jiro.

"Hindi ka pa sana pwedeng lunabas---"

"Tsk! lalabas na ako." sabi ko at naunang lumabas.

Ang dami pang sinasabi. Naiinip na ako sa lugar na to psh!

Nakasunod lang naman sila sa akin ng tahimik. Hanggang sa makababa kami ng hospital.

Tiningnan ko kung nandito ba ang motor ko at buti nalang ay dinala pala nila dito.

Hinintay ko si Xandra dahil alam kung nasa kaniya ang susi ko. Sumampa nalang ako sa motor.

"Hoy! magmomotor ka pa?" sigaw ni Bisugo.

Kanina pa to, ah!

"Tsk! alangan naman mag eroplano, diba?" pabalang na tanong ko.

Napangiwi siya at napapailing habang natatawa ang mga kasama niya.

"Ki wo tsukete." sabi pa ni Jiro.

(Translation: Take care of yourself)

Tumango lang ako sa kaniya sabay kuha ng susi kay Xandra.

"Balik ka sa school?" tanong ni Kyla.

Tumango lang ako sabay paandar sa motor ko.

Sumakay na rin sila sa motor nika at gano'n din ang iba. Kung bakit ba naman kasi ang dami nilang pumunta dito. Pero kahit gano'n nagpapasalamat pa rin ako.

"Salamat sa inyo. Kita kits nalang sa school." sabi kosa kanila bago umalis at nagtungo sa school.

Sabi ni Jiro nando'n pa sila Lolo. Tsk!

Dahil malapit lang naman ay nakaraating agad ako  Sumunod naman sila kaya pumasok na ako sa loob. Walang studenst na nala kalat marahil ay oras pa ng klase.

Dumeretso ako sa Dean's office dahil alam kong nando'n sila. Kumatok lamg ako ng tatlong beses bago buksan ang pinto.

Nakita ko silang nag uusap at nakaupo sa sofa. Mabilis na tumayo si Lola Marites. Halatang nag aalala siya.

"Jusko! kang bata ka! bakit lumabas ka agad ng hospital!" nag aalalang sabi pa nito.

Inalalayan pa niya akong maupo sa sofa. Ramdam kong lahat sila ay nakatingin sa akin.

"Sobo, daijyobu desu." malumay na sabi ko kay Lola.

(Translation: Lola, I'm fine/ I'm ok.)

Sakto namang pumasok si Jiro kasama sila Xandra. Wala na sila Lyle at si Bisugo nalang ang pumasok.

"How's your condition?" biglang tanong ni Judge Luis. Halata ang seryuso sa mukha niya.

"Daijyobu desu, Sofu." pormal na sabi ko.

Bumuntong hininga siya bago tumango.

Tiningnan ko si Dad at seryusoang ang mukha niya.

"Nakausap na namin ang gumawa sa'yo nito. Inamin na niya sa amin ang lahat. Pati na rin ang ibang saksi. I'm so very disappointed fir what happened. And we're sorry for that Ashi. Don't worry, kapag inulit na naman niya iyon ay ako na mismo ang kakausap sa mga magulang niya to discuss some things about what happened. I already give a warning for him. I know, wala kang kasalanan dahil sinabi ng mga saksi ay si Alvin ang unang nambastos sa iyo. Nalaman ko rin na hindi lang dalawa o ilang beses na may namagitan sa inyo ng batang iyon. We're really sorry for what happened." sensiro at nagpapaumanhin na sabi ni Judge Francisco. Ang lolo ni Bisugo.

Bumuntong hininga ako at pormal na tumingin sa kaniya.

"Ayos lang ho...ako dapat ang humingi ng pasensiya dahil sa nangyari. Hindi ko nalang sana siya pinatulan noon at hindi na sana umabot pa sa ganito. Pasensiya na ho kayo sa nangyari. Iiwasan ko nalang ho siya hanggat kaya ko para makaiwas ng gulo." Sinsero at seryusong sabi ko pa.

Tumango at ngumiti siya. Sa tingin ko palang ay alam kong mabait naman siya. Kahit medyo strikto siyang tingnan.

Agad namang sumingit si lolo Adolfo.

"Maraming salamat, Judge Francisco. Hindi namin alam ang gagawin kung merong nangyaring masama sa apo namin." sabi pa ni ni Lolo Adolfo.

Nakangiting tumango naman si Judge Francisco.

"Walang ano man. Katungkulan kong gawin ang nararapat sapagkat nandito sa paaralan ko nangyari ang gulo. Pareho nating alam kung ano dapat ang tamang gawin kaya ginawa ko lang kung ano ang nararapat." sagot pa ni Judge Francisco.

"Thank you so much, Judge Francisco." rinig kong sabi ni Dad.

Hindi na ako lumingon pa. Namayani ang katahimikan sa aming lahat at walang nagsalita.

Ramdamn ko ang kaseryusuhan nila Dad.

Pumikit nalang ako at sumandal sa sofa. Bahagayang kumirot na naman ang ulo ko.

"Are you sure, you're really, ok?" nag aalalang tanong pa ni Lola Marites.

Alam kong nakatingin silang lahat sa akin.

"Ayos lang lola. Don't worry about me." sabi ko ng nakapikit pa rin at kinalma ang sarili ko.

"Much better if you stay first in the hospital." biglang sabi ni Nami.

Hindi ako nagsalita. Naalala ko ang nangyari kanina. Di ko akalain na sasabihin niya ang mga iyon. Aminin kong natamaan ako sa mga sinabi niya.

Ang hindi ko maintindihan kong bakit gano'n siya umakto gayong hindi naman kami ayos.

Tsk!

"Your mother is right." sabi pa ni Dad. psh! She's not my mother! "Mas makakabuti sa'yo kung sa hospital ka na muna para may umasikaso sa'yo----"

"Tsk! I don't want to stay there. It can't make me feel better. Besides, I'm fine now. I just want a rest." pigil ko kay Dad.

Alam kong ayaw na ayaw niyang may sumasabat sa kaniya kapag nagsasalita siya psh!

Pareho lang naman sila ni Lolo Luis. Pero mas nakakatakot si Lolo Luis kaya iniiwasan kong sumabat tuwing nagsasalita siya. Kahit pa gustong gusto ko ng magsalita.

Rinig kong napabuntong hininga si Dad.

Tsk!

"Alright. You can go home now. I already talk to Judge Francisco about it. If you're feel better, I'll call you. I wanted to talk to you." seryuso at mahinahong sabi ni lolo Luis.

"Salamat." tanging sabi ko sabay mulat.

Tumayo ako at tumingin sa kanilang lahat.

"I'll go ahead." paalam ko bago naglakad palabas.

Nakita ko pang nakipag usap na sila Xandra sa kanila.

Hinintay ko nalang sila sa parking lot. Blanko lang ang mukha ko habang nakasandal sa motor at nakatingin sa malayo.

"Uuwi ka na?" muntik na akong matumba sa gulat ng magsalita si Bisugo.

Sinamaan ko siya ng tingin at seryusong  napakamot nalang ito sa ulo niya.

Tsk!

"Oh, Bakit?" maikling tanong ko.

"Wala naman." sabi pa niya psh!

Wala naman pala at bigla bigla nalang sumusulpot psh!

Hindi nalang ako nagsalita at tahimik lang kami pareho. Andami ko pang isipin.

Bakit kaya gano'n umakto si Nami kanina? Himala ata at 'yon ang sinasabi niya kanina? Alam kong nasampal niya ako hindi dahil galit siya. Kundi dahil nag aalala siya.

At 'yon ang hindi ko maintindihan.

Tsk!

Mas weirdo pa sa akin ang mahaderang 'yon tsk tsk!

"Ayos ka lang ba talaga?" biglang sabi na naman ni Bisugo.

Lintik na tanong na iyan. kanina pa ako naiinis dyan.

"Ilang beses ko bang sabihin na ayos lang ako?" pabalang na sagot ko.

Pero seryuso lang siyang nakatingin sa kalsada.

"Tse! Kanina ko pa nahahalatang taliwas sa mga sinasabi mo ang nararamdaman mo!" seryusong sabi pa niya.

Napataas ang kilay ko. Abah, may kakayahan pala siyang basahin ngayon ang nararamdaman ko?

Himala at may nakagawa no'n at siya pa talaga.

"Tsk! bilib din ako sa'yo." kunwaring natatawang sabi ko pa.

Napatingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.

"At bakit naman? himala atang bumilib ka sa akin, ah." sabi pa niya sabay ngisi.

Tsk!

Lumabas ang malalim niyang dimple psh!

Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Kung ibang babae pa iyon kanina ay nahimatay na sa tuwa at kilig psh!

At dahil ako si Ashi Vhon Acosta Ibañez ay hinding hindi ako matutuwa.

Tsk!

"Mukhang ikaw pa lang ang nakakabasa ng tunay kung nararamdaman. I'll considered it." Nakangising sabi ko pa.

Napasinghal naman siya.

"Tse! Ako pa. Di mo pa ako masyadong kilala." nakangising sabi pa niya.

Ngumisi naman ako. " Ako pa ata ang hindi mo masyadong kilala " sabi ko pa.

Napangiwi suya at tumango tango.

"Wirdo ka kasi..Ang hirap mong basahin psh!" sabi pa niya.

Natawa nalang ako sa kaniya.

"Oh? Bakit tumatawa ka?" nakataas kilay na tanong pa niya.

"Bakit? bawal?" sarkastik na tanong ko.

Napangiwi siya at umiling.

"Ang weird mo talaga." sabi pa niya.

Magsasalita na sana ako ng biglang may dumating na kotse.

Napatingin kami ni Bisugo do'n ng biglang lumabas si Deb.

Napakunot ang noo ko. Anong ginagawa niya dito.

Mabilis na lumapit siya sa amin. Halata ang pag aalala sa mukha niya.

"Ash!" sambit pa niya sabay lapit.

"Anong ginagawa mo dito?"Blankong tanong ko.

"Ayos ka lang?" nag aalalang tanong pa niya.

Napataas ang kilay ko sa tanong niya.

"What do you mean?" takang tanong ko pa.

bumuntong hininga siya." I heard about what happened to you." nag aalang sabi niya." Are you, alright? Hindi na ba masakit ang ulo mo? bakit lumabas ka agad ng hospital?" Sunod sunod na tanong pa niya.

Napa face palm ako sa kaniya. Bakas talaga ang pag aalala sa mukha niya.

Hindi ko alam pero..naintindihan ko siya kung bakit nag aalala siya.

Ganiyan na siya noon pa man no'ng kami pa. Hindi ata siya mapapakali noon kapag may nangyari o nagkalagnat man lang ako.

"Ayos lang ako...di mo na kailangan pumunta dito para lang itanong 'yan." Blankong sagot ko.

Napahinga siya ng maluwag. Para siyang nabunutan ng tinik.

"I'm really worried about you, when I heard that you're in the hospital. Galing ako do'n at sabi ng nurse nakalabas kana raw kaya dumeretso na ako dito." nakahinga ng maluwag na sabi pa niya.

Napabuntong hininga nalang uli ako. Wala pa rin pala siyang pinagbago kahit papa'no.

Siya pa rin iyong Deb na nakilala ko almost Four years ako. Four years ago na simula ng makilala ko siya. Dalawang taon kaming mag on at mag iisang taon na simula ng maghiwalay kami.

"You're still not changing. I'm, ok now. No need to worry about me." seryusong sabi ko pa.

Ngumiti siya at lumapit sa akin. Bigla niya akong niyakap at hindi ako nakapalag.

Nakita ko pang napaiwas ng tingin si Bisugo.

"I miss hugging you." bulong niya bago bumitaw.

Tiningnan niya ako ng nakangiti.

"Thank you for letting me hugging you. I really miss doing that to you." nakangiting sabi pa niya.

Nag iwas nalang ako ng tingin. Iniiwasan kong tingnan ang nakangiti niyang mukha.

Aaminin kong kahit ako ay namiss din iyon. Iyong kasi ang stress reliver namin. Mayakap lang ang isa't isa ay gumagaan na ang pakiramdaman namin.

"Things change...and you don't do it again." seryusong sabi ko.

Pero nakangiti pa rin siya at tumingin kay Bisugo. Napakunot pa ang noo niya bago nag iwas ng tingin kay Bisugo.

"Always take care of yourself, ok? Kahit di na tulad ng dati ang lahat ay mag aalala pa rin ako sa'yo. Hindi ko makakalimutan ang lahat ng meron tayo noon. It was the best memory that I need to take care of." Nakangitung sabi pa niya.

Hindi pa rin ako tumitingin sa kaniya. Parang may kung ano sa kalooban ko na hindi ko maintindihan.

"Yeah, I'll make the same. Matagal naman nang tapos ang lahat sa atin. Hindi na natin maibabalik pa kung anong meron tayo noon. " kaswal ba sagot ko sabay tingin sa kaniya.

Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako. Pero may nakita akong lungkot at sakit sa mga mata niya.

Sari saring emosyon na nakita ko sa iilang segundo pero agad din namang nawala at ngumiti. Alam kong pilit lang ang ngiti niya.

Tumingin siya kay Bisugo na blankong nakatingin na ito sa amin.

"Bakit magkasama pala kayo?" tanong ni Deb na nakatingin pa rin kay Bisugo.

"None of your business." Blankong sagit ni Bisugo.

Napatingin nalang sa akin si Deb at tipid na ngumiti.

"I guess, I really need to go now. Ayos na sa aking makitang maayos ang kalagayan mo. Salamat uli at please, take care of your self." sabi pa nito.

" Thanks, but you don't have to remind me. I can handle myself." sabi ko pa.

Bumuntong hininga siya bago tumango at Nag paalam na umalis.

Naiwan kaming tahimik ni Bisugo. Hanggang sa dumating sila Xandra. Napatingin pa silang dalawa sa amin ni Bisugo kasabay ng pagdating din no'ng tatlo.

Nakangisi agad ang magpinsan. Napapailing nalang ako.

Hindi ko na sila pinansin at sumakay na sa motor ko. Tinanguan ko lang silang lahat bagi suminyas  sa dalawa na aalis na kami.

Nauna na akong umalis sa kanila at umuwi ng bahay.

Tsk!

************************************

Drixon's Pov.

Naiinis ako ng makita ko si Deb lalo na ng yakapin niya si panget. Nag iwas nalang ako ng tingin sa kanila.

Narinig ko pang bumulong ang gago kay Panget bago nakangiting bumitaw.

"Thank you for letting me hugging you. I really miss doing that to you." nakangiting sabi pa niya.

Tse!

Sarap niyang upakan! May pa english English pa siya.

"Things change...and you don't do it again." seryusong sabi pa ni panget sa kaniya.

Pero nakangiti lang ang gago!

"Always take care of yourself, ok? Kahit di na tulad ng dati ang lahat ay mag aalala pa rin ako sa'yo. Hindi ko makakalimutan ang lahat ng meron tayo noon. It was the best memory that I need to take care." Nakangiting sabi pa niya.

Tse!

"Yeah, I'll make the same. Matagal naman nang tapos ang lahat sa atin. Hindi na natin maibabalik pa kung anong meron tayo noon. " kaswal ba sagot ni panget sabay tingin sa kaniya.

Tiningnan ko ang reaction ni gago at may kung ano anong emosyon akong nakita.

Tse!

Gago ka kasi! Nasa kamay mo na pinakawalan mo pa!

Tumingin siya sa akin at blankong tiningnan ko lang ito.

"Bakit magkasama pala kayo?" tanong pa niya habang nakatingin sa akin.

"None of your business." Blankong sagit ko.

Nag iwas siya ng tingin at tumingin ka panget

"I guess, I really need to go now. Ayos na sa aking makitang maayos ang kalagayan mo. Salamat uli at please, take care or your self." sabi pa nito.

Tse!

Buti pa nga! Istorbo ka, eh!

Gusto ko sanang isatinig pero nanahimik nalang ako.

" Thanks, but you don't have to remind me. I can handle myself." sabi pa ni panget.

Napabuntong hininga pa siya bago tumango at nagpaalam na aalis na.

Naiwan kaming dalawa ni panget at parehong natahimik.

Hindi ako nagsalita dahil di ko din naman alam kung ano ang sasabihin ko.

Hanggang sa dumating na sila Xandra. Napatingin silang dalawa sa amin. Dunating na rin ang mga kaibigan ko.

Ang dalawang magpinsan ay nakangisi na. Sinamaan ko sila ng tingin.

Kahit kailan talaga ay kung ano ano nakang ang pumapasok sa mga utak nila.

Nakita kong sumampa si panget sa motor niya. Tumango siya sa amin bago suminyas sa dalawa na aalis na sila.

Nauna pa siyang umalis at naiwan kaming lahat dito.

Nag paalam na rin sila Kyla at umalis. Nang makaalis sila ay nag paalam na rin si Lyle. Hindi na kasi kami pumasok dahil late naman na kami sa next sub.

Naiwan kaming tatlo dito at kung makatingin ang dalawang ugok sa akin akala mo may ginawa  akong ikinatuwa nila psh!

"Anong mga tingin 'yan?" seryusong tanong ko.

Ngumisi silang pareho at lumapit sa akin.

"Ano 'yon ha?" nakangising tanong ni Keart.

Napakunot ang noo ko sa tanong niya. Ano na naman ba?

"Anong ano 'yon ha?" balik tanong ko.

Napangiwi silang pareho at sa reaction palang nila ay parang gusto na nila akong batukan ngayon.

"Ulol! nag mamaangan ka pa! alam naming alam mo ang tinutukoy namin!" pasinghal na sabi pa ni Keith.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Paano ko malalaman kung hindi niyo sasabihin!?" inis na sabi ko.

Natahimik silang pareho at nagkatinginan pa silang dalawa sabay iling.

Magpinsan nga sila! parehong abnormal!

"Wala 'to, dre! Mahina ang kaibugan natin." napapailing na sabi pa ni Keart.

Binigyan ko lang sila ng nagtatanong na tingin.

"Mali ka, dre. Dapat ang sinabi mo. Masyadong indenial stage ang kaibigan natin." sabi pa ni Keith sabay tingin sa akin.

Lumapit ako sa kanila at sabay na binatukan ko sila.

Napakamot nalang sila ng ulo at napapailing.

"Mga abnormal talaga kayong dalawa!" singhal ko sa kanila at tinalikuran pero pinigilan nila akong dalawa.

"Wait lang, dre! Wag kang tumakas!" sabi pa ni Keart.

"Sira!" sigaw ko sa kaniya pero tinawanan lang nila ako.

Tse!

"Look, dre! We're doing this for you. Alam naming may gusto ka kay Ashi--Ops! wag ka munang umangal!" sabi pa nito. " Masydao kang indenial, dre kaya kami nalang ang huhuli sa'yo at booom! nahuli ka nga namin!" nakangising sabi pa ni Keith.

"Nahuli?"

"Sus! kunwari ka pa!"

"Tse! ano ba kasi 'yon?!" inis kong tanong.

"Alam naming may gusto ka kay, Ashi! Hindi mo lang aminin! Confirm na namin 'yon uy! kaya wag mo ng itanggi pa! Kung mag aalala ka kay Ashi kanina kala mo naman boyfriend ka niya na sobrang alalang alalasa kaniya! Ang sama pa ng tingin mo kay Alvin kanina. Daig mo pang boyfriend ni Ashi kung umasta ka! At hindi mo kami maloloko! kaibigan mo kami kaya alam namin at kilala ka namin wuyy!" dere-deretsong sabi ni Keart.

Kaya ang ending hiningal siya at naghahabol ng hangin.

'Yan napapala niya psh! Pero ano daw?

Natigilan ako sa mga sinabi ni Keart. Naalala ko ang mga inakto ko kanina. Hindi ko itatangging nag aalala ako kay Panget.

Pero wala akong gusto sa kaniya psh!

Bumuntong hininga nalang ako.

Wala nga ba? Aish! alam ko namang wala eh. Ramdam ko ang sarili ko at ako mismo ang nakikilala sa sarili ko kaya alam kong mali ang hinala nila!

"May pa 'ako na' pa siyang nalalaman kanina no'ng tulungan sana ni Liam na kumain si Ashi. Halatain siya masydo dre. Sapakin mo kaya ng unamin!" pag paparinig pa ni Keith.

Napapailing nalang ako at tinalikuran ko sila. pinindot ko ang key ng kotse bago pumasok sa loob ng kotse ko.

Narinig ko pa ang sigaw ng dalawa pero di ko na pinansin at pinaandar ang kotse ko paalis.

Masyadong madaming alam ang dalawang 'yon!

Nag iisip nalang ako hanggang sa hindi ko namalayan na nakarating na ako sa bahay. Agad nalang akong bumaba at pumasok sa loob.

Nakasalubong ko pa si Mom sa hagdan. Humalik ako sa pisnge ni Mom.

"Oh, kamusta na si Ashi, big boy? nalaman na namin ang nangyari kasi tumawag kanina ang lolo mo dito." sabi pa ni Mom.

Napabuntong hininga ako bago sumagot.

"She's fine now, Mom  Nakalabas na agad siya ng hospital kahit hindi pa pwede. Masyadong matigas ang ulo ng babaeng 'yon. Nakauwi na siya sa kanila." sagot ko pa.

Tumango naman si Mom.

"Mabuti naman kung gano'n nag aalala kami ng Dad mo sa kaniya kanina." sabi pa ni Mom.

"Don't worry, Mom. She's ok now. Nagyayabang na nga, eh! parang wala man lang nangyari sa kaniya kung umakto." nakangiwing sabi ko pa.

Natawa naman si Mom.

"Baka ganiyan lang talaga siya, big boy. Hayaan mo na, mabait naman siyang bata." nakangiting sabi niom.

Napngiwi ako sa huling sinabi ni Mom.

"She's not that good girl, Mom." malumay na sabi ko pa.

Natawa uli si Mom at tiningnan ako ng may panunukso.

Ayan na naman siya. Tinakasan ko nga ang dalawangagpinsan kanina dahil alam kong aasarin at tutuksuhin lang nila ako.

"Sometimes you're too hursh to her, Big boy. You don't appreciate her good side. She's a good girl to be with. Sadyang gano'n lang siya. Iba makitungo sa iba at hindi mo talaga siya makikilatis ng maayos dahil iba ang ugali niya."nakangiting sabi pa ni Mom." Try to be nice to her, Big boy. Mas makikilala mo pa siya ng lubusan. Masasabi mo ring mabait siyang bata. Sadyang iba lang ang tingin at pag iintindi ng ibang tao sa ugali niya." Nakangiting patuloy pa ni Mom.

Tinapik pa niya ang balikat ko bago tuluyang bumaba ng hagdan. Naiwan akong natahimik.

I'm nice to her naman, ah? psh!

Napapailing nalang ako at pumasok sa kwarto ko. Agad akong nagabihis ng shorts at sando. Pagkatapos ay humiga ako sa kama ko.

Hinila ko pa ang panda ko at niyakap habang nag iisip. Iniisi ko ang mga sinabi nila Keart at Keith kanina. Lalo na ang nangyari kanina.

Naalala ko ang mga inakto ko kanina. pati na ang mga sinabi ni Mom.

Naging mabait naman na ako kay panget, ah!

Psh!

Sumasakit ang ulo ko kakaisip sa mga nangyayari tse!

Niyakap ko nalag ng mahigpit ang panda ko at pumikit. Sinukan kong matulog pero di ako makatulog kaya inis na tumitig ako panda ko.

May bigla akong naalala no'ng binili ko ito gamit ang points ticket ko no'ng mag arcade kami.

Bigla ko naaalala ang mukha ni panget na tawa ng tawa no'ng yakapin ko si panda at malaman nilang mahilig ako sa panda.

Iyon ang kauna uhang nakita ko siyang tumawa ng gano'n kalakas at katuwa. Tuwang tuwa talaga siya no'n.

Para pa siyang lalaki kung tunawa no'n.

Sa hindi malamang dahilan ay naramamdaman ko na nakangiti na oala ako habang nakatitig ako kay panda.

Ang mukha ni panget ang nakikita ko habang tumatawa. Bigla ko nalang niyakap si panda habang nakangiti.

Nakakaramdam ako ng tuwa at parang buhay na buhay ang dugo kong yakap yakap si Panda.

Napatingin pa ako sa cabinet ko kung saan ko tinago ang iba ko pang panda. Bumangon alo at inilabas sa cabinet ang iba ko pang panda.

Maliliit at malalaki na panda. May hugis puso na mga unan at may shirt na panda din ako. Tinago ko lang ang mga ito para walang makakita nito. Pero dahil nalaman na ng mga kaibigan ko ay ilalabas ko nalang ito at ilagay sa kama ko.

Bata palang ay mahilig na ako sa mga panda.

Umiiyak nga ako noon no'ng may umagaw ng panda ko. Iyak ng iyak ako noon na nagsumbong kay Mon and Dad.

Tapos si Drixie ay stich.

Nang matapos ako ay pabagsak kong hinigaan ang mga panda ko.

Napangiti pa ako at niyakap uli ang pinakamalaking panda.

Noon pa man gusto ko magkaroon ng malaking panda at ngayon meron na!

Nakangiting pumikit nalang ako para makatulog na muna ako.

And everything went black!

To be continued!!

A/N: hello mga readers hope you enjoy reading and please support me guys in this story.

Don't forget to Vote, Comment and Follow.







Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top