chapter 116 "Worried"

A/N: hello mga readers hope you enjoy reading and please support me guyss in this story.

Expecting some wrong grammars and typos here.

Don't forget to Vote, Comment and Follow!

______________________________________

Drixon's Pov.

Nakangiwing lumabas ako ng archery club at sinara bago sumunod kay panget.

Naglakad ito palapit sa mga nagkukumpulang studyante sa field. Halos lahat ata ng students ay nando'n. Anong meron? Lumapit nalang ako do'n at napatingin ako sa harap. Nando'n ang dalawang kilalang Familya sa buong Makati.

Oo nga pala...sinabi nila Mom na bibisita ang nga ito dito. Hinanap ko nalang sila Keart at nakita ko sila sa may harapan. Lumapit ako sa kanilang. Nando'n din sila Kyla.

"Oh? saan ka galing? kanina ka pa namin hinahanap?" tanong pa ni Keith.

"Dyan lang " maikling sagot ko.

Mas mabuting wag ko ng sabihin na magkasama kami ni Panget. Baka kung ano ano na naman ang tatakbo sa mga isip ng mga ugok na 'to.

Tumingin nalang amo sa harap at nakita ko si Lolo sa may Flagpole nakatayo habang nay hawak na mic.

"Kasama mo ba si Ashi, Drix?" tanong pa ni Xandra.

Hindi pa man ako nakakasagot ay sumulpot na si panget.

Blanko lang ang mukha habang nakatingin kay lolo na nagsasalita sa harap.

Napapailing nalang ako at tumingin kay lolo. Ano kayang dahilan kung bakit nandito ang nga to?

Nakinig nalang kamong lahat sa kaniya. Nasa likod niya ang pamilya nila panget. Seryuso lang ang nga mukha nila.

Para bang kagalang galang sila. I mean, mababakas ang high authority sa kanila.

Napatingin ako kay Attorney Nami. Blanko lang ang mukha nito at nakatingin sa harap.

Habang ang Daddy ni panget ay seryuso lang din tulad ni Judge Luis Ibañez. Bakas na bakas ang authority sa Judge. parang si lolo lang pero halatang mas lamang ang lolo ni Panget.

Napatingin ako kay Panget. Blanko at seryuso lang din ang mukha niya. Nakatingin na siya sa malayo na parang ang lalim ng iniisip niya.

Bigla lang akong natauhan ng maghiyawan ang lahat ng students!

Napakunot ang noo ko."Anong meron?" tanong ko kay Keith na katabi ko.

"Magsisumula na raw ang practice para sa sportfest natin." nakangiting bati nito.

ang aga naman ata? august pa ngayon, ah? sa october pa ganapin ang sportfest ng bawat university sa buong makati.

"Ang aga naman ata?" kunot noong tanong ko kay Keith.

"psh! makinig ka kasi, Dre. Di puro kinakabisado ang pamilya ni Ashi. May balak ka na atang umakyat ng ligaw no? kaya kinaka---"

"Ulol! tumahimik ka! kung ano ano na naman ang takbo ng madumi mong utak!" inis na pigil ko sa kaniya.

Tinawanan niya lang ako kaya di na ako nagtanong pa. psh!

Hanggang sa matapos ang announcement nila lolo. Sisimulan na nga daw ang sportfest. Para handa daw kami baka kasi biglang magbago ang sched at hindi pa kami nakapag handa.

Sa office ni Lolo dumeretso ang mga Ibañez at Acosta. Kami naman ay sa cafeteria. Mag snack na muna kami. Medyo gutom na ako, eh!

Nang makarating kami do'n ay nag order na kami. Tapos sabay sabay na kumain. Nagdaldal na naman ang mga kasamahan namin maliban sa'min ni panget. Nakisali na rin kasi si Xandra sa kanila.

Tiningnan ko si panget. Blanko at seryuso pa rin ang mukha niya habang kumakain.

napatingin ako sa plato niya. Sa bilis niyang kumain ay kunti nalang ang cake at juice niya.

"Don't stare at me." muntik pa akong mabulunan sa sinabi niya.

Kakaiba talaga ang panget na ito. Di na kailangang tanungin ko pa siya kung paano niyang nalaman na nakatingin ako.

Teka! tiningnan ko lang naman siya ah. Paanong nakatitig ako? psh!

"Psh! di kita tinitigan!"

"Tsk! kaya pala."

"Tse! tumingin lang ako. Hindi tumitig psh!"

"Tsk! sabi mo, eh!"

Nagpatuloy nalang siya sa pagkain at hindi ko nalang siya pinansin.

Hanggang sa natapos kaming mag snack. Kaniya kaniya kaming lahat ng alis. Ako ay blankong nagtungo nalang ako sa music room. Sila panget ay pinatawag raw sa office ni lolo. Kakausapin daw siya ng pamilya niya.

Sila Keart naman ayon mukhang may ginagawa sila.

Nakapamulsang pumasok ako sa loob ng music room. Wala namang tao, eh.

Naupo ako sa harap ng piano. Kinuha ko ang takip at ibinaba. Tiningnan ko pa ito. Ang huling pasok ko dito, eh 'yong napaman kung niloko lang ako ni Trixie. Dito ko inilabas lahat ng emosyon ko noon. Lahat ng sakit ay ibinuhos ko lahat sa pagkanta ko. Ito ang naging tambayan ko noon maliban sa archery.

Minsan dito kami tumatambay ni Trixie noon. Kinakantahan ko siya habang nakaupo sa harap ko. Nakangiti kami sa isa't isa. Naalala kong masayang masaya kami no'ng nililigawan ko pa siya noon. Akala ko nga pareho na kami ng nararamdaman noon dahik sa sweetness namin sa isa't isa.

Kapag malungkot ako dito ako nagpupunta para kumanta. Para maibuhos ang emosyong nararamdaman ko.

Noon maalala ko palang ang mga masasayang alaala namin ay napapangiti ako at nalukungkot habang naiisip na wala ba kami.

Pero ngayon parang wala na iyon sa akin. Para bang hindi iyon nangyari sa akin dati. Parang balewala na iyon ngayon. Hindi ko alam kong bakit pero fully move on na ata ako.

Hindi na ako nasasktang alalahanin ang lahat na meron kami ni Trixie noon. She's my first love. They said, first love never dies.

But for me they are wrong. Not all the times that first love are meant to be to the person you first love. Because sometimes first love was meant to be broken. Not to meant to be as a happily ever after.

Love is not enough to make you happy. Sometimes, love is the reason why you hurt like a hell.

We can't control our heart to love someone. Even though, you love the most the person you love at first.

Pero sadyang hindi kayo para sa isa't isa. Kahit pa first love mo siya. Kung hindi kayo ang itinadhana hinding Hindi talaga kayo ang para sa isa't isa.

Parang kami lang ni Trixie. Hindi kami para sa isa't isa. Parang si Kiana, hindi rin siya para sa akin.

Minsan naiisip ko kung hindi ba ako worth it na magmahal. Dahil dalawang beses na akong nasaktan ng dahil sa lintik na pag ibig.

Tama siguro ang dalawang ugok na magpinsab na 'yon! Magkalaban ata kami ni kupido. Dahil hindi niya ginagawa ng maayos ang trabaho niya para sa akin at sa taong mahal ko.

haysst!

Noon nagiging isip bata ako dahil kay Trixie. Hindi naman talaga ako gano'n. Sadyang gano'n lang ako pagdating kay Trixie noon. At kahit pa niloko niya ako ay may gano'ng side pa rin ako hanggang noong nililigawan ko si Kiana.

Pero nakakatawang isipin na ngayon ay hindi na ako gano'n. Di ko alam kung bakit pero baka dahil siguro hindi naman talaga ako gano'n noon pa man.

Bumalik na ako sa pagiging matured at seryuso.

Noon ay seryuso at blanko lang din naman ang mukha ko. Ngayon bumalik na rin iyon.

Napabuntong hininga nalang ako at hinawakan ang piano. Tiningnan ko ng mabuti bago ako nagsimulang nagtipa.

Kung ano ano ang tinugtog ko na nakakapag pagaan ng loob ko. Dinama ko pa ang bawat liriks ng kanta.

Hanggang sa matapos at nakangiting tumayo na ako.

I feel really good and fine now. wala nang kung anong bigat sa dibdib ko. Mula no'ng gabing nagkikita kita kaming lahat sa parking lot ay ngayon lang gumaan ng ganito ang loob ko.

Hindi ko lang siguro akalain that time na magkikita kita kaming lahat kaya gano'n din ako.

Nagtingin tingin ako sa loob. Bigla kong naalala si panget. Kung may mas mabigat mang nararamdaman iyin ay siya.

Hindi biro iyong sa kaniya. Hindi lang sa personal na nararamdaman niya kundi pati sa pamilya niya.

Na realize ko na hindi mo dapat talaga i-jufge ang isang tao ng dahil lang sa mga nakikita o napanasin mo. Dahil kadalasan ay kasinungalingan lang iyon. Dahil pilit nilang ipinapakitang ok lang sila.Na malakas sila at walang problemang iniinda. Blanko o seryuso man ang mukha nila pero likod pala no'n ang matinding katutuhanan. Ang madaming problemang dinadala.

Parang si Panget. pinapakita niyang malakas at wala siyang paki sa paligid niya.

Pero ang totoo ay ginawa niya lang iyon para hindi mag aalala abg nga taong nasa paligid niya. Kaya pala gano'n nalang ang galit ni Xandra kay Deb. Iyon siguro ang isa sa dahilan para hindi ipakita ni panget ang tunay niyang nararamdaman at emosyon tuwing nasasaktan o may problema siya.

Lalo na pagdating sa pamilya niya. kahit mayabang at napakahambog niya minsan. Tingin ko iyon ang way niya para kahit papa'no ay ay malibang naman siya.

weird!

Minsan ay nakakaramdam ako ng awa sa kaniya.

tse!

****

Dumaan ang nga araw at seryuso lang kami sa pag aaral lahat. Aral at practice ang nga ginagawa namin para sa sportfest namin.

tulad ng dati tahimik at blanko pa rin ang mukha ni panget. Habang si Xandra naman ay lumabas na ang pagkadaldal niya. Pareho sila ni Kyla. Kaya lang minsan masungit parin si Xandra.

Lagi silang nag babangayan ni Keith. Natatawa nalang kami sa kanila minsan. Kahit si panget ay natatawa sa kanila.

Medyo natahimik ang mga araw namin sa school. Hindi na nanggugulo si Alvin pati na sila Luke. Mukhang tumigil na sila.

Mas naging malapit kaming lahat sa isa't isa. Minsan ay nakakapag usap na kami ni panget ng maayos. Hindi nga lang mawala wala ang kayabangan niya.

Natural na nga talaga iyon sa kaniya. Pero minsan din naman kaming nagbabangayan at nauuwi sa asaran. Mas lalo kong nakilala si panget.

Kahit pa sinabi niyang hindi raw siya pala kwento. pero nagawa niyang magsabi sa akin kapag nagkakasama kami.

Tinuturuan niya rin ako ng archery at sa archery club kami minsan tatambay. Minsan inilibre ko siya ng snack at lunch. Tinutukso kami ng nga kasamahan pero blankong titingnan lang sila ni Panget kaya natatahimik sila. Gano'n din naman ako.

Sadyang friends na kami ni Ashi. Kaya gano'n nalang kami. Napipikon nga lang ako kapag inaasar niya ako.

Lakas kasi maka asar ng panget na iyon. Pati sila Kaye Zenn at Liam ay sumasabay sila sa amin nag lunch.

Para ding mga aso't pusa si Liam at Kaye Zenn. Minsan naman pumupunta si Jiro para makasabay kela panget mag lunch.

Naging busy kaming lahat sa pag aaral kasabay ng practice pero nakakapag asaran pa rin naman kaming lahat. Si Keart ay lalong naging sweet kay Kyla kaya sila minsan ang naging tumpok ng asaran.

Ngayon ay nandito kami sa Field para sa P.E namin. Kaniya kaniya ng laro para sa points namin.

soccer ang nilalaro naming mga lalaki. Habang ang nga babae ay volleyball.

Nagpapahinga na kami sa gilid at pinanonood ang mga babae na naglaro ng volleyball.

Pawis na pawis na rin sila. First sub kasi ang Mapeh namin sa TTH kaya hayon!

Nakay Xandra ang bola para itira. Agad na nasalo ng laban nila ang bola at tinira Saktong sa gawi ni Panget papunta ang bola kaya mabilis siyang tumalos at hinampas ng malakas ang bola dahilan para hindi nasalo ng kalaban dahil sa lakas ng pwersa ni panget.

Pawis na pawis na rin siya. Hanggang sa matapos ang laro. Agad na silang lumapit sa amin. Inabutan ng towel ni Keart si Kyla at nagpunas. Kinuha ko ang towel ko at inabot na sana kay panget ng may nag abot ng towel sa kaniya.

Napakunot ang noo ko at nakita ko si Liam.

Inabot iyon ni panget at nagpunas. Binaba ko nalang ang towel at uminom ng tubig. Pahiya ako do'n ahh tse!

"Sabay na tayong mag snack guyss!" sabi pa ni Stella kaya tumango lang kaming lahat.

Sabay sabay kaming lahat na nagtungo sa cafeteria. Kami na an bag order kasi nakapag pahinga naman na kami.

"Ang bagal bagal mong kumilos, dre. naunahan ka tuloy!" Nakangisi at mahinang sabi pa ni Keart sa akin.

Napakunot naman ang noo ko. Anong pinag sasabi nito?

"What?" blankong tanong ko pa.

Ngumisi lang siya at umiling. Nang makuha ang mga order ay sabay naming dinala sa table namin.

"Wooh! kapagod, ah!" sabi pa ni Keith.

"Oo nga, na-hanggard ang beauty ko." nakangusong sabi pa ni Stella.

"Duhh! haggard ka naman lagi, ah!" asar ni Theresa sa kaniya.

"What? psh! FYI ngayon lang ako na-haggard ng ganito, duhh!" pairap na sabi ni Stella.

Natawa nalang kami sa kanila. Lagi silang ganyan.

Siguro kung nandito si Mello kanina pa nagbabangayan ang nga 'to.

Natatawang napailing nalang ako. Kumain nalang ako at gano'n din naman sila.

"Oo nga pala...Kamusta ang practice niyo?" biglang tanong pa ni Kaye Zenn.

"Ayos naman...sayang kung sumali pa si Ashi sa volleyball. Ang galing kaya niyang mag spike at tumira." Sabi pa ni Bella.

Napatingin silang lahat kay panget at gano'n din ako. Hindi pa alam ng mga kasama namin kung anong sports ang sinalihan ni panget. Ako at sila Xandra pa lang ang nakakaalam na Archery ang kaniya.

"Wait! ano nga pala ang sinalihan mo, Ash? Wala kang sinabi, ah!" tanong pa ni Zenn.

"Psh! kahit di niya sabihin alam ko na kung anong sinalihan niya!" singit pa ni Liam at tinaasan ng kilay si Zenn.

Agad siyang sinamaan ng tingin ng pinsan ko. Minsan talaga maldita 'tong pinsan ko. Pareho sila ni Bella psh!

"Tumahimik ka nga! hindi ikaw ang kinakausap ko!" pagtataray ni Zenn kay Liam.

"Paki mo ba kung ako ang sasagot para sa kaniya, huh?" nang aasar na sabi pa ni Liam.

"Duuhh! Joiners not allowed. So, you better shut up!" irap na sabi ni Zenn sabay tingin kay Liam ng masama.

Nagpabalik balik lang ang tingin namin sa kanilang dalawa.

Sinamaan lang din siya ng tingin ni Liam.

"Du! Halt die klappe!" matalim ang matang sabi pa ni Liam kay Zenn gamit ang sariling linggwahe.

Nanlaki naman ang mga mata ng pinsan ko habang parang takot na nakatingin kay Liam.

"W-what? d-die? papatayin mo ba ako!?" utal utal na tanong ni Zenn sa kaniya.

Tahimik lang kaming lahat. Napaisip ako sa sinabi ni Liam.

Narinig kong bahagyang natawa si panget.

"Bakit ka natawa?" tanong ko pa.

sasagot na sana siya ng magsalita si Zenn.

"Ano!? sabi ko na nga ba, eh! may kakaiba sa'yong shokoy ka!" sabi pa ni Zenn habang pinandilatan ng mata si Liam.

Pero tumatawa lang ang loko. Animoy nakakatuwa ang mga sinabi ni Zenn.

"Stupid girl! Do I said I want to kill you? pfft! kahit pa ata na ikaw nalang ang natirang tao sa mundo hindi kita papatayin!" nakangising sabi pa ni Liam.

Nanlaki ang mga mata ni Zenn."W-what do you mean? 'tsaka, you said die!"

Tumawa uli si Liam dahilan para sa amin mapatingin ang ibang kumakain.

"Your funny. Mukha mo palang nakakatawa nah! psh! Ang ibig sabihin ng sinabi ko, you shut up! tsk! kung ano ano ang laman niyang maliit mong utak!" nakangising sabi pa ni Liam.

Namula sa galit si Zenn at hinampas niya ng malakas sa braso si Liam.

Para kaming nanood ng live couple fight psh!

"Damn you!" mahinang mura ni Liam.

Sinamaan siya ng tingin ni panget. Ah-huh!

"You're infront of the food, Liam!" matalim ang tingin na sabi pa ni panget.

Napakamot sa batok si Liam habang si Zenn ay binilatan siya.

Natawa nalang kami sa kanila.

"Es tut mir leid." kamot batok na sabi pa ni Liam kay panget.

"Psh! kung bakit kasi nag-e-alien na naman siya psh!" parinig ni Zenn bagi nagpatuloy sa pagkain.

Napapailing nalang kami sa kanila. Nagpatuloy nalang kaming lahat sa pagkain hanggang sa matapos.

Sabay sabay kaming lahat na lumabas ng cafeteria at pumunta sa next sub namin. sabay pa sina Liam at Zenn dahil pareho daw sila bg sub kaya aton. Nagbabangayan na naman silang dalawa.

"Parang mga aso't pusa ang mga 'yon!" sabi pa ni Bella.

"Yeah, mukhang hindi nga talaga magkakasundo ang dalawang 'yon!" sabi pa ni Lyle.

"Grabe! bagay pa naman sana sila." sabi pa ni Theresa kaya ayon nabatukan siya ni Stella.

"Gaga! halata nga sa dalawang 'yon na ayaw nila sa isa't isa! bagay ka riyan! Kami kaya ang bagay ni Kuya Liam!" anas pa ni Stella kaya nakatanggap siya ng batok.

Di lang isa kundi tatlo. psh!

Dumaan pa kami sa locker para magpalit ng gamit namin. Hindi na rin kami nagbihis pa. Naka P.E naman kasi kami.

Pumasok na kaming lahat sa comlab para sa T.L.E namin.

As usual, nagsimula agad kami ng discussion si Miss at nagpabigay pa ng quiz matapos ang discussion namin.

Nang matapos ay sabay uli kaming lahat na lumabas ng comlab. Dumeretso kami sa locker namin havang si Xandra ay nag paalam na mag cr na muna.

Sumunod din si panget sa kaniya. Nauna nalang kaming lahat sa cafeteria. Agad na kaming nag order ng pagkain para sa lunch. Natapos nalang kami sa pag order wala pa ang dalawa.

"Gus! birthday ko na pala sa saturday. Invited kayong lahat. Sana pumunta kayo." nakangiting sabi pa ni Theresa.

"Talaga? Sige ba. Pero tanungin ko muna 'yong dalawa kung papayag sila." sabi pa ni Kyla.

"Kayo?" tanong pa nito sa amin.

"I'll come. wala naman akong gagawin sa saturday." nakangiting sabi pa ni Bella.

"Ako rin! Abah, di pwedeng mawalan ng maganda ang party mo! debut mo 'yon, diba?" sabi pa ni Stella.

Tumango namang si Theresa."Oo, at gusto nila ni Mama na bongga daw ang debut ko. kahit pa sinabi kong tama na sa akin ang simpling handaan."nakangiting sabi pa ni Theresa.

Tumanga naman kaming lahat."Geh, punta din kami." sabi namin na ikinatuwa niya.

"Sana sasama sila Ashi." nakangusong sabi pa nito.

"Don't worry, pipilitin ko sila." nakangiting sabi pa ni Kyla.

"Yey! salamat Ky! the best ka talaga!" masayang sabi pa ni Theresa.

"Sus! tatanda kana pero may pag ka isip bata ka parin!" pang aasar pa ni Stella sa kaniya.

Sunimangutan niya lang si Stella. Natawa nalang kami sa kanila.

"Saan pala gaganapin ang party niyo?" tanong pa ni Lyle.

"Sa mansion namin. Sabi kasi ni Mommy at Daddy mas maganda daw do'n kasi malaki ang space. Marami rin kasi ang dadalo. Pati business partner nila Dad ay invited din!" nakangiting sagot nito. Tumango nalang kami.

Nag uusap a sila tungkol sa mga susotin nila sa party. Hindi pa kami kumakain dahil hinihintay namin 'yong dalawa.

Ang tagal naman ata nila? aish!

"Ang tagal naman nila." bulong ko pa.

Narinig pala ni Keith na nasa tabi ko.

"Miss mo agad? naku! iba na 'yan, dre!" pant aasar pa nito.

Sinamaan ko nalang sita ng tingin. kahit kailan kung ano ano nalang tumatakbo sa mga utak nila ng punsan niya tse!

"Antagal naman ata nila?" rinig kong sabi pa ni Lyle.

"Uy! pareho pala kayo ni Drix! namiss niyo sila agad? naku! puntahan niyo nalang!" pang aasar pa ni Keart. Narinig din pala ng ugok ang bulong ko kanina. psh!

Napapailing nalang si Lyle habang ako sinamaan ng tingin ang dalawang ugok na tumatawa.

"Oo, nga naman. Ang tagal nila, sandali lang, ah." sabi pa ni Kyla at akmang tatawaga sila panget ng may lalaking tumawag sa amin kaya napalingon kaming lahat sa kaniya.

"Oh?" tanong pa ni Lyle.

Huminga pa muna siya ng malalim bago nagsalita. pawis na pawis pa siya.

"Iyong dalawa niyong kaibigan ay pinagtutulungan ng grupo ni Alvin!" hingal ba hingal niyang sabi.

Nanlaki naman ang mga mata namin at direktang napatayo.

"Ano!?" halos sabay sabay naming tanong.

Si Alvin na naman? Akala ko ba tumigil na sila?

"Nasaan sila?"

"Nando'n po sa harap ng cr ng mga babae!" sagot nito.

Agad na akong tumakbo at gano'n din ang mga kasama namin.

Napapatingin pa sa amin ang ibang students. Bagaman nagtataka sa kilos namin. Hindi nalang nami sila pinansin at tumakbo nalang.

"Shit! nandito pa naman sila Tita!" rinig kong bulong ni Kyla habang tumatakbo.

Napakunot nalang ang noo ko. Iyong dalawang kaibigan niya ang pinagtutulungan nila Alvin pero ang pamilya ni panget ang inaalala niya.

Tse!

Weird talaga nila psh! Nakaramdam tuloy ako ng kaba sa kung ano ang nangyari kela panget.

Pagdating namin do'n ay nakita naming nasa sahig sila panget at parehong blanko ang nga mukha nila.

Nakapalibot sa kanila ang grupo ni Alvin. putek na unggoy na ito! Akala ko pa naman tumigil na siya di pa pala.

"Ano? tutunganga lang kaying dalawa? akala ko ba matapang kayo. ha! Ikaw namang mayabang ka! Kala mo kung sino ka! tapos ngayon ayan! Nakaupo sa sahig. Iyan ba ang matapang, huh!" Nang aasar na sabi pa ni Alvin.

Grabe talaga ang unggoy na ito! Hindi nadadala!

Wala ap ring kibo o ano mang kilos sila panget at Xandra. Napataas pa ang kilay ko ng makitang kung makaupo silang dalawa akala mo nagpapanhinga lang at walang nakapalibot sa Kanila.

Weird!

"Ano ba!? Hindi ba kayo magsasalita? Hoy! ikaw namang pakialamerang babae kong ayaw mong masali umalis ka na riyan!?" inis na sigaw pa ni Alvin sa kay Xandra na prenting nakaupo lang sa sahig.

Tiningnan niya ng blanko si Alvin bago tumayo at gumilid. Napanganga nalang ako sa kaniya.

Kung umakto kala mo walang away na namamagitan. Tse! Magpinsan nga sila ni panget Parehong di maintindahan.

Mga wirdo!

"Ano na!? Di ka pa rin kikilos?!" Muling sigaw ni Alvin.

Pansin ko lang biglang kaming dumaki rito.

Tiningnan ko si panget at napanganga ako ulit bg makitang naglabas lang siya ng doublement mula sa bulsa niya at kinain.

Natahimik kaming kahat dahil sa ginawa niya. Seriously? Iyin pa ang ginawa niya sa ganiting sitwasyon?

"Anak ng!?" Di makapaniwalang sigaw ni Alvin sabay lapit kay panget at hahampasin niya ito ng umiwas lang si panget.

Napasinghap nalang kaming lahat. Ganiyan na ata siya, eh! parang balewala sa kaniya ang nga ginagawa ni Alvin sa kaniya.

"Yon na 'yon?" blankong tanong pa ni panget.

Napatigil si Alvin at masamang nakatingin kay panget.

"Tsk!" biglang tumayo si panget at nagpagpag ng palda niya.

Para kaming nanonood ng palabas na di maintindihan.

"Kahit kailan kang mayabang ka!?" galit na sigaw pa ni Alvin sabay hampas kay panget pero nailagan ni panget.

"Pwede ba? tumigil ka na sa walang kwentang pinaggagawa mo? nabo-bore na ako riyan!" blankong sabi pa ni panget!

sus! Ginoo!

nabo-bore? sa lagay na 'yan? kahit kailan ang weird ng babaeng 'to.

"Tumigil ka na Alvin. Fi mo kilala ang binangga mo!" seryusong sabi pa ni Kyla.

Nilingon siya ni Alvin at ngunisihan lang niya iti bago tumingin kay panget.

"Wala akong paki kung sino man siya!? Wala suyang karapatan na kalabanin ako. Ilang beses na niya akong napuruhan tapis di man lang ako nakaganti! Lintik lang ang walang ganti!?" galit na sigaw pa ni Alvin at sa di inaasahan hinampas niya si panget at natamaan ito sa likod niya.

Napasigaw ang nga babae habang ako ay nagulat sa ginawa ni Alvin.

Mukhang galit nga siya!

"Panget!" akmang lalapit na ako ng pigilan ako ni Lyle.

"Wag ka ng makisali. Baka ikaw pa ang pag initan ni Alvin." sabi pa niya. Inis na tiningnan ko nang si Alvin na nakangisi.

"Ano!? Akala ko ba magaling kang umilag? puro ka lang pala pasikat, eh! wala namang binatbat!?" pang aasar pa ni Alvin at nagtawanan sila ng mga kasamahan niya.

Blankong tiningnan siya ni panget. Parang hindi man lang nasaktan si panget.

Tse!

"Kung ako sa'yo tumigil kana. Habang nakapag pigil pa ako." Mahinahon pero seryusong sabi ni Panget.

"Ha! ayan ka na naman sa mga hanggang dila lang na mga salita mo! Kung ako sa'yo. maghanda ka nalang sa gagawin ko!?" Galit na sabi pa ni Alvin. Kasabay ng paghampas niya kay panget ay ang umalingaw ngaw na sigaw.

Sigaw palang niya ay nakakatakot na! Sabay kaming lahat na napatingin sa likod namin at ang di maipentang mukha ni Attorney Nami ang nakita namin. Sa likod nito ay ang mga bodyguard nila.

"Ash!" rinig kong sigaw ni Xandra kaya napatingin agad ako kay panget.

Mukhang natamaan siya sa paghampas ni Alvin at nakahawak na ito sa ulo niya. Halatang may ininda siya. Mabilis na lumapit ako at nakita ko ang dugo sa bandang gilid ng ulo ni panget!

shit!

may sugat siya sa ulo! Parang nahihilo pa si panget kaya mabilis na inalalayan namin siya ni Xandra.

Tiningnan ko si Alvin at bakas ang takot nito habang nakatingin sa gawi ni attorney Nami na gakit na galit!

Fuck you! kung wala pa si Attorney Nami inupakan na kita peste ka!

Sabi ko sa isip ko.

"What's happening here!?" galit na sigaw ni Attorney Nami.

Nag sipagtahimakan ang lahat. Napatingin ito kay Ashi na hawak hawak namin at nakita kong parang...parang may pag aalala sa mukha niya.

"Anong nangyari dyan!?" galit na tanong nito.

Napalunok nalang ako. Nakakatakot ang boses niya, eh!

tse!

"May tama siya sa ulo, Tita." kalamadong sagot ni Xandra.

Pero halata ang pag aalala. Tiningnan ko si panget. Blanko pa tin ang mukha habang nakapikit ito.

"Who did this to her!?" galit na sigaw ni Attorney Nami. Napatingin kaming lahat kay Alvin na namumutka na sa takot.

Putek! takot ka palang hayop ka tapos ang lakas ng loob mong gawin iyon kay panget!

Mabiois na lumapit ang mga bodyguard kay Alvin at seryuso lang ang mga itong nakatingin sa kankya dahilan para manginig na siya sa takot.

lintik! pati ata ako natakot sa kaseryusuhan bg nga bodyguard nila. Parang may mga mabubigat na aurang dala ang mga 'yon.

"What did you do to her!?" seryuso at bakas ang pigil na galit ni Attorney Nami. Nakatingin ito kay Alvin.

Hindi nakapagsalita si Alvin at napayulo lang ito. pati ang mga kasamahan niya.

"Ash, ayos kalang?" nag aalalang tanong pa no Kyla. kaya napabaling kay panget ang attention ko.

"Panget, are you, ok?" tanong ko pa sabay hawak sa balikat niya.

Bumuntong hininga siya pero nakapikit pa rin.

"Ayos lang...malayo sa bituka. nahihilo lang ako." walang ganang sabi pa nito napapaling nalang ako. Kinuha ko ang panyo ko at iti-nap sa dunudugo niyang ulo.

Alam kong hindi siya, ok!"Tse! Dalhin ka namin sa hospital. Dilikado at baka mapa'no ka pa. Di biro ang matamaan sa ulo!" may inis na sabi ko.

Napuruhan na't lahat nagmamayabang pa. Hindi siya nagsalita kaya kaya tiningnan ko siya. Medyi namutla siya. Alam kong malakas at pwersahan ang paghampas ni Alvin sa kaniya.

"Tsk! wag na! tugas ng ulo!" mahinang sabi pa nito.

Sinamaan ko siya ng tingin ng magmulat siya.

"Namumutla ka! kaya wag matigas 'yang ulo mo!' inis na sabi ko at inalalayan siya para makatayo ng maayos.

Pero sadyang matigas ang ulo niya. Nilingon niya si Alvin at blankong tiningnan.

"Namumuro ka na, ah! Sa susunod di ka na makakaisa sa akin unggoy ka! tandaan mo 'yan!" blanko at seryusong sabi pa nito.

Naramdaman kong tumayo ang mga balahibo sa batok ko dahil sa lamig ng boses ni panget. Kung nakakatakot ang boses ni Attorney Nami kanina ay mas nakakatakot ang boses ni panget.

May kong anong itim na aura siyang dala. Halos kaming lahat ay naramadaman iyon. Nakita ko pang mas lalo g namutla si Alvin at napapalunok pa.

Nang humarap kami ay nagulat kami sa sunod na nangyari.

*PAAAKKK!!

Halos mabingi ako sa sampal nito kay panget. Lahat kami natahimik.

Tumabingi ang mukha ni panget dahil sa lakas ng sampal ni attorney Nami sa kaniya.

"Tita!" awat pa ni Xandra.

pero hindi niya pinansin ni Att. Nami at deretsong tumingin lang ito kay panget.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? ha? Nakikipag basag ulo ka na naman!? ano bang pumapasok sa kukote mo! Takaw gulo ka nalang palagi! puro ka nalang problema abg dulot mo sa pamikya natin! kailan ka ba magtanda ha!?" galit na sigaw nito kay Ashi. Nakita ko kung paano tumiklop ang kamo ni panget. "May tama ka na't lahat nagbabanta ka parin!? Talaga bang wala kang paki kung mapa'no ka ha? Lagi mo nalang kaming pinag aalala lahat! Ano na bang nangyari sa'yo!? Hindi ka naman ganiyan noon!! Hindi na namin alam kung ano ang gagawin sa'yo!?" galit na sugaw nito.

Maski isa sa'min ay walang nagsalita. Tanging ang boses ni att. Nami lang ang umalingawngaw sa paligid.

Naintindihan kong may pag aalala siya pero bakit pa niya kailangan sampalin si panget? Alam naman niyang may tama si panget sa ulo.

Nakaramdam ako ng pagkainis dahil sa ginawa niya. Tiningnan ko si panget at mas naging cold ang mukha niya.

Hindi pa rin nagsasalita si panget at nanatiling nakatabingi ang mukha niya. Pinisil ko ang kamay niyang hawak ko na kanina pa kumuyom. Mukhang pinipigilan niyang mapatulan ang Mommy niya. I mean, step Mom niya.

Pero kahit gano'n at may nakita akong pag aalala sa mukha ng step Mom niya.

Naguluhan tuloy ako kung ano nga ba ang turing ng Step Mom niya sa kaniya.

Feeling ko mukhang pataho ang pag aalala at pag care nila kay Panget.

"Ano bang tingin mo sa sarili mo ha? Ash, hindi ka isang bato na mahirap sirain. Hindi ka isang bakal na mahirap putulin. Tao ka rin! kaya sana maawa ka sa sarili mo! Hindi kami nagagalit dahil sa mga pinagagawa mo! nagagalit kami dahil alam naming anytime malalagay sa panganib ang buhay mo!? " galit na galit na sigaw pa ni Att Nami.

Naramdaman kong natigilan si panget. Pati sila Xandra ay Kyla ay gano'n din.

Di ko inakalang iyon ang sasabihin ji att. Nami kay panget. I mean, natural lang na mag aalala ang isang ina o magulang.

Pero kasi...kasi sa pag kaka alam ko sa sitwasyon ni panget sa pamilya niya ay talagang di ko inaasahan na gano'n ang maririnig ko mula sa step Mom niya.

I though iba ang sasabihin niya. Napahilamos at napapailing nalang si Att. Nami at tiningnan ng seryuso so panget.

"Sana matauhan kana sa mga pinag gagawa mo sa sarili mo Ashi Vhon Acosta Ibañez. Intindihin at pakiramdamin mo rin ang mga taong nasa paligid mo. Kung inakala mong wala silang paki sa'yo nagkakamali ka. Sadyang ikaw lang ang matigas ang ulo at pilit tahakin ang daan na hindi naman tinuro sa'yong daanin mo. Ikaw ang naglalagay ng sarili mo sa alanganin. Mag isip isip ka." seryuso ay blankong sabi ni Att. Nami bago tumingin sa akin.

Napalunok ako pero buti nalang lumagpas ang tingin niya. sumenyas siya sa mga bodyguards niya bago naglakad paalis.

Sumunod ang mga bodyguard dala sila Alvin at nga kasamahan nito.

"Xandra, asikasuhin mo iyang pinsan mo." habol na sabi pa ni Att. Nami bago tuluyang umalis.

Nakahinga kami ng maluwang. Nawala na ang tension sa pagitan naming lahat.

"Tara na, Ash. Kailangan ng magamot ang sugat mo at mapatingin sa doctor." seryusong sabi pa ni Xandra.

Aangal pa sana si panget pero sinamaan ko siya ng tingin.

"Wag ka ng unangal pa! tigas rin ng ulo mo! Kung lumaban ka sana, eh di ka matatamaan! Ang galing galing mong magligtas sa iba pero ang sarili mo di mo man lang iligtas!?" inis na sermon ko sa kaniya.

Nakangangang nilingon niya ako. Hindi ko na siya pinansin pa at hinila ko ang kamay niya patungo sa parking lot. Hindi naman kalayuan ang hospital dahil malapit lang ang hospital namin.

Ilang kilometro lang ang layo at pwede mo lang lakarin. walang sabi sabing inalalayan kong ipasok sa loob ng kotse ko si panget. pagkatapos ay sumakay na ako at pinaandar. Nakita ko pa sila Lyle na lumabss ng gate. Sininyasan ko lang sila na sumunod.

Dinala ko na sa hospital si panget habang siya ay tahimik lang at parang ang lalim ng iniisip.

iniisip siguro nuya iying inakto at sinabi ng Step Mom niya kanina.

Hinayaan ko nalanv siya hanggang sa makarating kami sa hospital.

tse!


To be continued!!

A/N: hello guys hope you enjoy reading and please support me guys in this story po!

Don't forget to Vote, comment ang follow!











Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top