chapter 115

A/N: hello mga readers hope you enjoy reading guyss!

Expecting some wrong grammars and typos here.

Don't forget to Vote, comment and Follow!

____________________________________

Drixon's Pov.

Pagkaalis namin ni panget sa hardin ay dumeretso na kami sa building namin. Tahimik lang kaming dalawa at may kaniya kaniyang iniisip. Kaya lang mas sobrang lalim ata iyong iniisip niya kesa sa akin.

Hanggang sa makarating kami sa floor namin ay malalim pa rin ang iniisip niya. Pagpasok namin ay dumeretso na siya sa upuan niya gano'n din ako.

Pero ang nga mata at nanunuksong mga ngisi ng dalawang asungot agad ang sumalubong sa akin.

Hindi ko nalang sila pinansin alam ko namang aasarin lang ako ng nga loko.

Sumandal nalang ako sa upuan ko at blankong nakatingin sa harap.

"Uy! Ano 'yon, ha? Bakit magkasama kayo ni Ashi?" Pangungulit pa ni Keart.

Pero di ko siya pinansin."yaan mo na Keart.. moment nila 'yon wag mo ng alamin hahaha." Sabi pa ni Keith sabay tawa.

"Ay! Oo, nga pala no! Hahaha. Dumadamoves ang kaibigan natin, ah hahaha." Sabi pa ni Keart at natawa sila ni Keith.

Nilingon ko sila at sinamaan ng tingin. Pero ngingisi ngisi lang sila.

Sumisipol sipol pa si Keart. Habang si Lyle naman ay busy sa cellphone habang naka head phone.

Hindi ko nalang pinansin ang dalawa hanggang sa pumasok na ang lec namin. Nag bigay lang siya ng instructions bago ipinamigay ang nga test papers namin.

Tahimik lang kaming lahat habang sinasagutan ang mga test papers namin. Pero sadyang mga loko 'tong mga katabi ko. Mahinang nag uusap sila at saka nagtatawanan pa.

Halatang inaasar lang nila ako. Buti nalang hindi sila napapansin ng lec namin.

Nagfucos nalang ako sa pagsasagot. Mayamaya ay nakita kong tumayo si Panget at ng pasa ng papel. Napatingin ako sa relo ko. Wala pang thirty minutes ah. Tapos na agad siya? Nasa number fifty pa nga lang ako. Tiningnan pa ng lec namin ang papel niya saka deretsong naupo uli si panget sa upuan niya.

Ang bilis naman niyang matapos.  Sinagutan ko nalang uli ang sa akin maya maya sabay na tumayo si Xandra at Kyla saka nagpasa. Gano'n na din si Lyle. Pinagpatuloy ko nalang ang sa sa'kin. Hanggang sa matapos ako at nagpasa. Sumunod ang dalawang ugok kaya bumalik na ako sa upuan ko.

Hanggang sa matapos na ang lahat. Punasok na uli ang next lec at nagpa exam agad.

Natapos ang exam sa hapon at uwian na rin. Sabay sabay kaming lahat na bumaba ng building at dumeretso sa cafeteria. Hindi na kasi kami nag break time kanina.

Dumeretso na ang mga babae sa table at kami naman ang nag order. Nag order lang ako ng tig  da-dalawang brownies at dalawang bote ng cook.

Sabay kaming pumunta sa table ng matapos kaming mag order. Naupo ako sa tabi ni panget sabay lapag sa harap niya ang dalang slice ng brownies at isang bite ng cook.

Hindi naman kami pinansin ng kasamahan namin kasi kaniya kaniya din silang kuha ng cake na order nila Lyle.

Kumain nalang ako at napatingin kay panget ng di niya ginalaw ang kaniya.

"Kumain kana." Kaswal na sabi ko pa bago nagpatuloy sa pagkain.

"Ang sweet mo naman, Drix yiiee!!" Biglang sabi pa ni Theresa napatingin tuloy silang lahat sa'min.

Blankong tiningnan ko lang sila at nagpatuloy sa pagkain. Kahit di ko lingunin ang dalawa alam kong nakangiting parang ulol mga 'yon

Tse!

"May something talaga 'tong si Drix kay Ashi, eh!" Biglang sabi pa ni Stella dahilan para mabulunan ako.

Napatingin ako sa cook ko at wala ng laman agad kong inabot ang kay panget at ininom.

Napa ubo pa ako at sinamaan ng tingin si Stella. Napa peace sign lang ito.

"Ayiieee!! Share sila sa iisang bote! Omo!!" Kinikilig na sabi pa ni Theresa.

Napapailing nalang ako."tumahimik nga kayong dalawa...kung iniisip niyong may gusto ako kay panget..nagkamali kayo tse!" Inis na sabi ko pa.

Tiningnan ko si panget at blankong lang ang mukha nito. Parang may malalim na namang iniisip.

Mukhang hindi niya napansin ang sinasabi ng dalawa sa lalim ng iniisip niya psh!

Sabagay, kung iyong nangyari no'ng friday ang iniisip niya ay di ko siya masisisi. Mukhang hijdi pa rin siya naka get over do'n tse!

Sumandal nalang ako sa upuan ko. Ubos ko na kasi iyong akin habang sila ay kumakain pa.

"Sus! Kunyari ka pa, dre. Halatang halata ka nga, eh hahaha." Biglang sabi pa ni Keart sabay tawa.

Tumawa din ang iba maliban kay Lyle at panget na parang umabot na siya sa mars sa layo ng iniisip niya.

Napapiling nalang ako ar sinamaan ng tingin si Keart.

"Ikaw, Evans, ah! Tigil tigilan mo ako...sabing wala nga!" Sabi ko at tinaliman siya ng tingin.

Pero tatawa tawang ngumisi lang ito. Inambahan ko siya ng batok kaya naiharang agad niya ang kamay niya.

"Wohh! Easy, dre. Masyado kang defensive hahaha." Natatawang sabi pa nito.

Napasinghal nalang ako sa kaniya.

"Wusho! Wag mo ng asarin, dre..baka madulas pa 'yan hahaha." Sigunda pa ni Keith.

"Tse!" Magpinsan nga sila.

Ang sarap pag untugin ng mga ulo nila psh!

"Hahaha..wag ka kasing magpahalata, pre!" Cool na cool na sabi pa ni Xandra habang natatawa.

Hindi ko nalang sila pinansin pa. Napatingin ako sa labas kung saan may babae akong nakitang parang umiiyak. Nakalapat sa tenga ang phone niya.

Si Kiana!

Anong nangyari do'n? Biglang tumayo si panget at nagmamadaling lumabas ng cafeteria.

Nakita niya kaya si Kiana? Napatingin kami sa kaniya habang papalabas.

"Anong nagyari do'n?" Tanong pa ni Bella.

"Hala! Bakit biglang lumabas ng walang pasabi?" Si Theresa.

"Mukhang may malalim pa namang iniisip 'yon." Sabi pa bi Lyle.

Napandin din pala niya.

Biglang tumayo si Xandra at sumunod kay panget.

Tumayo na din ako at gano'n din sila.

"Anong meron?" Takang tanong pa ni Keart.

"Ulol! Magkasama tayo.. malamang di din namin alam!" Singhal ni Keith sa pinsan.

Napakamot nalang sa ulo si Keart.

"Tara." Sabi pa ni Kyla at nauna. Nagkatinginan kaming lahat bago sumunod sa kanila.

Hindi na namin nakita 'yong dalawa kaya lumabas kami ng campus. Tumingin kami sa parking lot wala naman kaming nakita do'n.

Nasaan ang dalawang 'yon?

"Nasaan na sila? Bakit nawala?" Tanong pa ni Stella.

Tiningnan namin ang buong paligid pero walang tao.

Iilan nalang ang mga kotseng narito. Malamang nakauwi na ang ibang studyante.

Bigla kaming napatingin sa kabilang kalsada. Nakita ko si Xandra.

Tumatakbo papalapit sa amin. Hawak hawak nito si Kiana na umiiyak.

Anak ng!

Anong nangyari?

"What happened?" Biglang tanong ni Lyle.

Suminyas lang si Xandra na huwag maingay.

"Pumasok na muna kayo sa kotse niyo bilis!" Sabi pa nito.

Nagtataka naman kami pero si Kyla mukhang na gets niya ang ibigsabihin ni Xandra.

"Guys pasok na kayo sa kotse niyo!" Sabi pa ni Kyla.

"Why? What happened? Where's Ashi?" Nagtatakang tanong pa ni Lyle.

"Nag exercise lang." Sabi pa ni Xandra.

Lahat kami nagulantang sa sagot niya maliban sa kanilang dalawa ni Kyla.

"Ano!? Baliw ba siya!?" Sigaw ko pa.

Sininyasan ako ni Xandra na tumahimik. Pinapasok na ni Kyla ang mga babae sa kotse nila.

"Wag kang sumigaw!"

"Eh, ano ba kasing ginagawa ni panget? Bakit umiiyak si Kiana?" Sunod sunod na tanong ko pa.

Naoabuntong hininga si Xandra savay tingin do'n sa pinanggalingan niya.

"Nandyan sila Luke." Mahinang sabi pa nito.

Ano!?

Bakit na naman? Putik naman, oh!

"Ano!? Bakit na naman daw?" Tanong pa ni Keith.

Umiling lang si Xadra. "Di ko alam."

"Si panget?"

"Nando'n kaharap sila luke---"

"Ano!? Baliw ba siya? Bakit siya humarap do'n ng nag isa!?" Sigaw ko pa.

Kinabahan ako bigla. Lintek! Exam na exam nanggugulo na naman ang mga lintik na iyon!

"Don't worry for her..she can handle it. Wag kang magpahalata..baka matakot ang mga 'yon." Mahinahong sabi pa ni Xandra.

Napakunot nalang ang noo ko. Pati ang nga kaibigan ko. Kaya pala di niya agad sinabi kanina dahil baka matakot an mga babaeng kasama namin.

"Ano na naman ba ang kailangan ng mga 'yon? Hindi pa ba sila tapos? Ilang beses na silang gumanti, ah!" Inis na sabi pa ni Keart.

Napabuntong hininga nalang ako. Dahil talaga sa akin kaya nanggugulo abg mga hinayupak na mga 'yon!

"Ano bang ipinaglalaban ng mga 'yon? Kung 'yong tungkol kay Drix at Kiana..nakaganti naman na ang nga 'yon, ah! Kahit hindi naman dapat pero ngayon ayan na naman sila! Lintik!" Inis na sabi pa ni Lyle.

Ngayon lang 'yan gumabyan kaya halatang naiinis nga siyan.

Hayst!

Si panget!

Bakit wala pa rin?

"Nasaan ba sila?" Inip at kinakabahang tanong ko lay Xandra.

"Maghintay nalang tayo." Kalmadong sabi pa nito.

Napapailing nalang ako sabay tingin sa----

Ayon! Si panget.

Abah! Ang cool pang maglakad ng panget na 'to!

Tiningnan ko siya ng maige. Parang wala lang nangyari kung umasta siyang maglakad.

"Ayan na pala, eh!" Sabi pa ni Keith.

"Tapos na?" Seryusong tanong ni Xandra.

Lintik! Kung magtanong akala mo nakipag laro labg, eh 'no?
Tumaas lang ang kilay ni panget sabay tingin sa amin.

"Baldado na." Walang ganang sabi pa nito at nilagpasan kami.

Napanganga nalang kami dahil sa sinabi niya.

Baldado? Sila luke ba ang tinutukoy niyang baldado?

Napasunod ang tingin ko sa kaniya. Dumeretso siya sa kotse ni Stella kung nasaan si Kiana. Tumahan na ito sa kakaiyak psh

"Ayos ka lang?" Tanong pa ni panget sa kaniya.

"Oo, salamat." Nakayukong sabi pa ni Kiana.

Bakit ba?

Lumapit kami sa kanila."sa susunod wag kang basta basta na lumapit sa kanila." Seryusong sabi pa ni panget.

Ano bang sinasabi niya? Kung si luke iyon ano namang ginawa niya kay Kiana? Girl friend naman niya si Kiana ahh?

"Sige, salamat talaga." Sabi pa ni Kiana at nag angat ng tingin kay panget at tipid ba ngumiti.

"Geh." Maikling sabi pa ni panget.

"Anong nangyari sa'yo?" Kunot noong tanong ko kay kiana.

Napayuko naman siya." W-wala." Sabi pa niya.

Napabuntong hininga nalang ako at napapailing.

"Lyle, ihatid mo na siya sa kanila." Utos pa ni panget.

Kung mapakag utos naman to tse!

"Sige." Sagot ni Lyle.

"Geh na. Umuwi na kayo." Sabi pa ni panget saka dumeretso sa motor niya.

Tiningnan ko lang siya at sumunod sa kaniya ang dalawa matapos mag paalam ni Keart kay Kyla.

"Ano pang hinihintay mo? Pasko? Uwi na. Baka balikan ka ng mga unggoy na iyon " blankong sabi pa ni panget.

Tse! Blankong tiningnan ko lang siya me kala mo ikaw lang marunong, ah!

Psh!

Naglakad nalang ako patungo sa kotse ko. Nakaalis na din ang iba. Umalis na lang din ako.

Kinabahan pa rin talaga ako...ano pa ba ang kelangan nila? Tsk!

Nang makarating sa bahay at sumalubong agad ako ni Mommy.

"Hi, big boy.. how's your exam?"

"Ayos naman, Mom." Malumay na Sagot ko sabay halik sa pisnge niya.

"Ayos ka lang ba, big boy?" Tanong pa ni Mom.

Tumango lang ako.
Naupo ako sa sala at gano'n din si Mom.

"Ayos lang, Mom." Malumay na sabi ko pa.

"Nag meryenda ka na ba?"

"Done, Mom."

Napabuntong hininga nalang si Mom. Napansin niya ata na may iniisip ako.

"Ok, umakyat kana sa kwarto mo..magbihis ka na muna." Nakangiting sabi pa ni Mom.

Tumango nalang ako at tumayo. Nakita ko sa hagdan di Drixie na tinaasan ako ng kilay.

"Bat parang pinagsakluban ng mundo 'yang mukha mo kuya?"

"Nothing." Walang ganang sabi ko pa.

Dumeretso na ako sa kwarto ko. Inihagis ko lang ang bag ko sa couch bago dumeretso sa banyo.

Maligo nalang muna ako para mabawasan ang inis ko. Naiinis ako sa mga gagong iyon. Wala naman akong kasalanan sa kanila.

Natatakot ako baka isali pa nila ang pamilya ko lintik! Subukan lang nilang gawin. Makakatikim sila sa akin psh!

Nang matapos akong maligo ay nagbihis na ako. Tapos tinuyo ko ang buhok ko pagkatapos ay nahiga sa kama.

Ginawa kong unan ang braso ko habang nakatitig sa kisame. Napaisip ako, bakit kaya hindi tumigil sila luke sa akin?

Nakaganti naman na sila diba? Kahit pa wala naman akong kasalanan psh!

Bobo talaga 'yong luke na 'yon psh!

Naisip ko si panget. Nag aalala ako kanina dahil akala ko kung ano na ang nangyari sa kaniya kanina.

Balbado

Napayakap ako sa malaking panda sa tabi ko ng maalala ang sinabi ni panget kanina.

Binaldado niya sila luke? Nakaya niyang gawin 'yon? Sino ka ba talaga panget?

Bakit napaka misteryuso mo ata? Kayo nila Xandra.

Pero bakit gano'n? Ang gaan gaan ng loob ko sa kniya lalo. Kahit pa nagbabangayan kami o na iinis sa isa't isa. At bakit ba ako nag aalala kay panget? Bakit ko pa siya iniisip?

Hayst!

Kanina naman , oh! Naalala ko ang mga sinabi ng dalawang ugok kung kaibigan. Iyong mga pang aasar nila.

Tse!

Malabong mangyari 'yon! Napabuntong hininga nalang ako.

"Ang lalim naman no'n, son." Biglang sabi pa ni Dad.

Nakatayo at nakasandal siya sa pinto ng kwarto ko. Nakangiti pa siya sa akin.

"Nandyan ka pala, Dad." Sabi ko at sumandal sa headboard.

Nakangiting lumapit si Dad at naupo sa kama ko.

Tumingin pa siya sa kaubuan ng kwarto ko bago tumingin sa akin.

"May bumabagabag ba sa'yo, Son?" Tanong pa ni Dad.

Umiling lang ako at nag iwas ng tingin.

"Wala, Dad. Ayos lang po ako." Sabi ko pa.

Pero tumawa lang si Dad.

"You're not, Son. Just tell it to me..I will listen to you." Nakangiting sabi pa nito.

Napabuntong hininga nalang ako. Kilala talaga ako ni Dad.

Haysstt!

"Wala 'to, Dad. I can handle this. " sabi ko pa.

Napabuntong hininga nalang si Dad.

"Son, I'm your dad. You can tell it to me...baka matulungan kita, Son." Nakangiting sabi pa nito.

Hayst!

Di talaga ako titigilan ni Dad hanggat di ko nasasabi sa kaniya.

Napabuntong hininga nalang ako bago tumingin kay Dad.

"Dad, I can handle this.. don't worry if I need your help I will talk to you. " Nakangiting sabi ko pa.

Napabuntong hininga si Dad bago tumango at ngumiti.

"But, let me guess...is it about a girl? Or should I say about Ashi?" Nakangiti at nanunuksong sabi pa nito.

"Dad!?" Maktol ko pa.

Natatawang tumayo naman si Dad. Napanguso nalang ako.

Baka sabihin niyo na naman isip bata ako, ah? Psh!

"Ok, ok...hahaha. you're to defensive, son hahaha." Natatawang sabi pa ni Dad at naglakad patungo sa pinto." C'mon, lets go downstairs... it's time for a dinner." Nakangiting sabi pa ni Dad na kinindatan pa ako bago tuluyang lumabas.

Aish!

Si Dad talaga!

Napapailing nalang ako. Pero napaisip ako sa sinabi n Dad. Naalala kong 'yon din ang sinabi ng ng mga kaibigy ko.

Haysstt!

Defensive nga ba talaga ako? Psh!

Tse!

Bumaba nalang ako ng kama at lumabas. Pagkababa ko ay agad na kaming kumain. Nakipag kwentuhan pa sila Mom and Dad.  Tapos sinabi pa ni Dad na bibisita ang mga Ibañez at Acosta sa school pagkatapos ng exam.

Maybe the next day after tomorrow.

Nang matapos ay nag paalam na din ako sa kanila na mag pahinga na ako.

Matapos ko kabg ma toothbrush ay nahiga na ako sa kama ko. Napatingin ako sa wall click. Maaga pa naman kaya binuksan ko ang tv at nanood ng basketball.

******************************

Ashi Vhon's Pov.

Pagakauwi sa bahay ay nagbihis lang kami bago umalis patungo sa resto bar.

Nang makarating ay agad na kaming pumasok. As usual, marami na ring customers kahit maaga pa.

Agad na kaming kumilos matapos bumati sa mga kasamahan namin. Nagpaka busy na lang din ako at iwinaglit muna sa isipan ko ang mga problema ko.

Nang mag alas syete ay nagbukas na kami ng bar. Marami na rin kasi ang gustong uminom kaya nagbukas na kami. Do'n din kami nag serve at nag asikaso sa mga bisita.

May mga VIP din. Halos puro mga mayayaman ang nasa bar namin. Iilan lang ang makikita mong walang sinasabi sa buhay.

Naging busy kaming lahat ng sumod sunod na pumasok ang mga customers.

Nakahinga lang ako ng maluwag ng matapos namin ibigay ang mga orders nila.

Saktong biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko nalang sa bulsa ko at tiningnan.

Si Jiro!

Psh!

Pupunta daw ang mga Ibañez sa school pagkatapos ng exam tsk!

Ibinulsa ko nalang ang phone ko at di na nag abalang mag reply.

"Sino 'yon?" Tanong pa ni Xandra.

"Jiro."

"Bakit daw?"

"Pupunta ang dalawang pamilya sa school pagkatapos ng exam." Sagot ko.

Tumango tango nalang siya. Nagpatuloy nalang kami sa ginagawa namim hanggang sa matapos. Hanggang alas onse lang kami ng gabe. Dahil may exam pa bukas.

Nagbihis nalang kami bago nag paalam sa mga kasamahan namin. Sabay sabay kaming umuwi tatlo.

***

Dumaan ang isang araw at tapos na ang exam. Araw ngayon ng Wednesday at ngayon bibisita ang dalawang pamilya sa school namin.

Hindi ko alam kung bakit sila pupunta sa school. Kaya maaga palang nasa campus na kami.

Nagkalat ang mga studyante at narinig pa namin silang nagbubulungan ba walang pasok ngayon.

Napakunot nalang ang noo ko. Walang pasok? Bakit di man lang sinabi kahapon?

Psh!

Dumeretso nalang sana ako sa lagi kung tumatambayan pero lumiko ako at tinahak ang daan patungo sa archery club.

Do'n nalang ako tatambay. Sila Xandra ay dumeretso sa library. Do'n nalang daw sila at mag advance reading nalang.

Tumingin tingin pa ako sa paligid habang naglalakad. Hanggang sa makarating ako sa archery club.

Sinilip ko at wala namang tao. Mukhang wala na talagang gumagamit dito. Pinihit ko nalang ang siradura at pumasok. Medyo madilim sa loob pero ayos lang naman
Mabuti na nga 'yon, eh!

Nang makapasok ay inilagay ko lang sa upuan ang bagko bago dumeretso sa hunt range. Tiningnan ko ang mga nakabaon ba mga palaso do'n. Ako ang may gawa no'n pero di ko iyon pinag tatanggal.

Hinablot ko nalang at inilagay sa isang tabi. Sinuri ko ang shooting range at ang mga palaso pati ang iba pang mga gamit do'n. May nakita pa nga akong kakaibang pana do'n pero di ko na ginalaw. Pamilyar naman sa akin ang mga 'yon dahil meron ako no'n.

Tiningnan ko pa ang iba. May nakita akong dalawang pares ng arnis stick.

May mga batak pero mukhang wala ng gumamit nito, ah. Kibuha ko 'yon at iwinasiwas sa ere.

Maganda naman siya gamitin dahil sakto lang ang bigat. Medyo madulas siya dahil may barnis pero ayos naman.

Pumwesto ako at iwinasiwas sa ere. Ginagawa ko lahat ng basics ng martial arts. Iyong alan ko lang na hindi ikakabigla kung dino man ang makakakita sa akin tsk!

Hanggang matapos ako. Medyo naging maayos ang pakiramadam ko.

Naglakad pa ako sa may dulo at may nakita akong kakaibang gamit panlaban. Lumapit ako at tiningnan ng mabuti.

Napangiti ako ng makitang may chako iyong ginagamit ng isang legendary Chinese actor na si Bruce Lee.

Napatingin ako sa paligid bago ko kinuha at sinipat sipat. Sino kaya ang may ari nito? Inikot inkot ko ito gamit ang isang kamay. Hanggang sa nalibang ako at ginamit ang dalawang kamay ko.

Kahit papa'no may alam ako sa chako.

(A/N: Sorry guys di ako sigurado sa spelling ng dalawang stick na may kadena sa gitna. Nakalimutan ko heheh)

Nang matapos ay ibinalik ko nalang sa kinalalagya . Alam kung may nakatingin sa akin. Kanina ko pa siya nararamdaman pero di ko pinahalatang alam kung nando'n siya.

Panatag din naman ako. Dahil alam kung hindi niya ipagkakalat kung ano man ang nakita niya.

Tsk!

Masyado akomg nalibang na imbes hindi ko gagawin iyon sa ganitong lugar lalo na kung hindi ko teritoryo. Psh!

Bumalik ako sa harap ng hunt range. Kumuha ako ng tatlong palaso at isang bow.

Pinwesto ko ang palaso sa bow at itinaas habang sina-sight ang gitanang bahagi. Bago ko pa pakawalan ay nagsalita na ako.

"Lumabas ka na riyan." Walang ganang sabi ko sabay pakawala ng palaso.

Ramdam kung natigilan siya. Psh! Tiningnan ko kung saan tumama ang palaso.

Sapol sa gitna!

"Pa'no mo malamang nandito ako?" Tanong pa nito ng lumapit sa akin.

Ngumisi ako sabay pwesto uli ng palaso sa bow. Nilingon ko siya bago ko pa pakawalan ang palaso.

"Nakalimutan mo atang nakakaramdam ako kung may tao ba o wala?" Nakangisi at nakataas ang kilay natanong ko.

Nginiwian niya lang ako. Kaya pinakawalan ko na ang palaso at...

*Tsuk!

Tumama sa pinaka gitna. Kahit kailan wala akomg kupas pagdating sa archery.

"Tse! Nakalimutan kong weird ka nga pala psh!" Bulong nito na rinig ko naman.

Tsk tsk!

"Bubulong na nga lang rinig pa...tsk!" Nakangising sabi ko pa.

Rinig kong suminghal nalang siya.

Lumapit siya sa akin at kinuha ang bow at huling palaso sa kamay ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Turuan mo ako." Nakangiting sabi pa nito.

Lalong tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Ano ako? Taga pagturo mo? Psh!" Tinalikuran ko siya at naupo sa isang silya.

Naglakad ito palapit sa ma palaso at kumuha ng sampung palaso. Bumalik siya sa kinatatayuan ko kana at ibinaba ang ibang palaso bago kumuha ng isa at pinwestosa bow. Hinila pa niya ito at seryusong tiningnan ang hunt range.

Natawa pa ako ng makitang mali ang pagkakahawak niya sa bow at palaso. Nang pakawala niya ay natawa ako ng malakas.

Pa'no ba naman..imbes na sa hunt range tumama ang palaso, eh sa ibang dereksyon tumama. Hahahaha.

"Hahahahaha!!" Tawa ko pa.

Nang lingunin niya ako ay ang sama ng tingin niya. Kakaibe din kamag magalit ang isang 'to. Parang dragon na bubuga ng apoy psh!

"Anong nakakatawa!?" Inis na tanong niya.

Nagpipigil ako ng tawa."tsk! Saan ka ba tumira? Sa hunt range o sa bubong?" Pigil tawang tanong ko.

Sinamaan niya lang ako ng tingin.

"Tse! Kung tinuruan mo sana ako, eh di hindi do'n 'yon tatama!?" Inis na singhal niya pero tumawa ako ng paglakas lakas.

Nagdilim ang paningin niya at galit na lumapit sa akin. Akmang babatukan niya ako ng harangan ko ang kamay niya habang tumatawa.

Napaupo nalang siya sa katabing silya."tumigil ka nga!?" Galit na singhal niya.

Tumigil nalang ako at baka mag super sayan siya hahahah.

"Ang galing mo palang tumira!" Pang aasar ko pa kay sinamaan naman niya ako ng tingin.

"Mang aasar kapa!? Kung tinuruan mo pa sana ako, panget ka!?" Inis na sigaw niya kaya napalayo ko ang ulo ko sa kaniya.

Nabasag ata ang eardrums ko, eh.

Sinamaan ko siya ng tingin."wag ka ngang sumigaw!?" Inis na singhal ko pero  pinandilatan niya lang ako.

"Sige, mang asar kapa!" Inis na sabi niya.

Umayos nalang ako ng upo."Bakit bandito ka pala?" Seryusong tanong ko.

Ramdam kung natigilan siya."tse! Bakit bawal ba?" Balik tanong pa niya na nagtunog sarkastiko.

Tinaasan ko siya ng kilay."may sinabi ba akong bawal?"

"Wala."

"Oh, eh bakit ka nga nandito?"

"Psh! Gusto ko lang!"

"Talaga? O baka naman sinundan mo ako---"

"Ha!? Kapal ng mukha mo, eh, 'no? Ako susundan ka? Asa!"

Singhal pa niya psh! Nahahalata eh tsk!

"Bakit ka nga nandito?"

"Wala nga! Gusto ko lang!"

"Bakit?"

"Anong bakit?"

"Bakit gusto mo lang?"

"Tse! Para sabihin ko sa'yo tambayan ko 'to! Ako may ari nito na ginawang archery club!" Nakataas kilay na sabi pa niya.

Ngumiwi ako bago tumango tango.

So, siya ang may ng mga nakita kong gamit dito?

"Hmm..so, ikaw pala ang may ari no'ng mga gamit pang martial arts?" Tanong ko pa.

Natigilan siya at nag iwas ng tingin. Tsk tsk! May tinatago to, eh.

"A-ah, ano---"

"May tinatago ka, 'no?" Pigil ko pa sa kaniya.

Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay.

"Paki mo?"

"Tsk! May tinatago ka nga."

"Wala."

"Meron."

"Wala!"

"Meron."

"Wala nga!"

"Meron nga!"

Sinamaan niya ako ng tingin. Halata naman sa nga mata niyang may tinatago tong ugok na 'to!

Ako pa ang pagsisinungalingan niya! Ha! Magaling kaya akong kumilatis ng tao!

Bumuntong hininga siya at hindi nagsalita.

See?

Meron nga!

"Sabihin mo na---"

"Bat ba ang kulit mo!?" Inis na singhal niya.

Nagulat naman ako do'n pero di ko pinahalata. Pero sadyang napansin niya.

"S-sorry." Mahinang sabi pa niya.

Himala at nagsosorry psh!

Napabuntong hininga nalang ako..baka private na 'yon at ayaw niyang sabihin.

Pero bakit ko nga ba siya kinulit? Psh!

Hindi ko nalang siya pinansin pero bigla siyang nagsalita.

"Yeah, ako nga ang may ari no'ng mga 'yon." Sabi pa niya."kaming apat." Patuloy pa niya.

Napatingin naman ako sa kaniya.

"Dito ang tambayan namin noon..dito kami lagi nag pa-practice ng..." Di niya matuloy pero nagsalita uli." Nag practice kami ng martial arts." Seryusong sabi pa niya.

Ah-huh!

Mukhang serious nga siya psh!

"Marunong kang mag martial arts? Kayo?" Tanong ko pa.

He nodded. Napatingin pa siya sa paligid at labas. Parang inalam niya kong may tao ba o wala.

"Mm...nagpaturo kami sa kakilala namin noon. Mula ng mag highschool kami. Nagpaturo kami ng self-defense at iba pa." Sabi pa niya. Nakinig naman ako. Nagkaroon ako ng interes, eh! "At nang matuto kami ay hindi alam ng mga magulang namin dahil ayaw naming malaman nila. Baka sabihin nilang makipag basag ulo lang kami." Sabi pa niya.

Seryusong seryuso lang siya. Parang may kakaiba psh!

Malalaman ko rin 'yon tsk!

"Ah-huh! Then? Bakit di kayo lumaban no'ng binugbog kayo nila, Luke?"

"Nagulat lang ako no'n. Isa pa, ayaw ko ng ayaw. 'tsaka, walang nakaka alam na kahit papa'no ay may alam kami ng self-defense." Sabi pa niya.

Self-defense nga lang ba?

Tsk!

"Self-defense nga lang ba?" Tanong ko.

Napatingin siya sa akin at pinaningkitan ako ng mata.

"What do you mean?"

"Tsk! Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin."

"Tse."

Nag iwas siya ng tingin see?

Hindi nalang uli ako nagsalita. Mukhang ayaw talagang sabihin psh.

Ilang minuto pa ang katahimikan ng magsalita siya sabay tayo.

"Mabuti pa, turuan mo akong gumamit ng palaso." Sabi pa niya sabay lapit do'n sa nga palaso.

Tiningnan ko ang bawat kilos niya. Tsk tsk!

Napapiling nalang ako sabay tayo.

"Bakit gusto mong matuto?"tanong ko.

"Tse! Gusto ko lang. Bakit ba?" Nakataas kilay na tanong niya.

Sagutin daw ba ng isa pang tanong? Nice!

Tsk.

Kumuha siya ng palaso at bow. Kinuha ko iyong ginamit ko kanina. Bakit ko nga ba tuturuan ang isang 'to? Tsk!

"Ganito ang tamang pagkakahawak ng bow at palaso." Sabi ko pa na hinawakan ang bow at palaso ko.

Seryusong ginaya naman niya iyon. Tinuruan ko siya ng mga basic para sa paggamit ng palaso at bow. Medyo madali lang sana siya matuto pero sa pagtira siya pumalya.

"Tsk! Akin na!" Sabi ko sabay baba ng palaso at bow ko.

Pumwesto ako sa likod niya at hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa bow. Naramdaman kong nanigas siya pero di ko na pinansin.

Medyo nahirapan pa ako kasi mas matangkad siya kunti  sa akin. At medyo malapad ang katawan niya.

Pinahawak ko sa kaniya ng maayos ang palaso bago ko rin iyon hawakan. Itinaas namin iyon at pinwesto ng maayos sa hunt range.

"Kailangan hawakan mo ng maayos at siguraduhin mong tama ang pwesto at sight sa target. I-fucos mo lang ang attention mo at pag aralan ng mabuti kung tama ba ang pwesto at paghawak mo sa bow at palaso." Sabi ko pa kahit ramdam kong mukhang di siya mapakali ay nakinig naman siya sa mga sinabi ko. "Iwasan mo ring manginig ang nga kamay mo. Para kapag pakawalan mo ang palaso akma at tatama sa target. Dapat huwag kang paapekto sa kung anong merinig sa paligid mo. Dapat maging mapagmatyag ka at isipin ng mabuti ang dapat gawin." Sabi ko pa sa kaniya.

Mukhang nailang siya dahil nasa bandang balikat niya ang ulo at bibig ko tsk!

Tumango naman siya. Marami pa akong sinabi bago namin pinakawalan ang palaso. Tumama ito sa malapit na gitna.

Binitiwan ko na siya at bumalik sa upuan ko.

"Geh. Sumubok ka nga ng wala ako." Utos ko pa.

Napakamot siya sa batok at hindi makatingin sa akin. Napakunot ang noo ko pero sinunod naman niya ang sinabi ko.

Pinagmamasdan ko lang ang bawat galaw niya kung nakuha ba niya ang lahat ng tinuro ko. Pinilit pa niyang mag seryuso bago pakawalan ang plaso.

Pero malayo sa target ang tama niya. Napa 'tsk' nalang ako.

"Ayusin mo kasi. Mag fucos ka." Sabi ko pa.

Kumuha siya ng isa at pinwesto sa bow at nag sight sa target.

"Just calm down while sighting the target." Sabi ko pa.

Sumeryuso siya at kalmado na. Napakit pa siya bago pakawalan ang palaso.

Tiningnan ko kung saan tumama ang palaso. Tumama ito sa isang circle na malapit kunti sa gitnang bahagi ng hunt range.

"Subukan mo pa uli..magfucos ka lang at kalmado." Sabi ko pa.

Tiningnan niya lung saan tumama ang palaso. Bahagya siyang napanguso at kumuha uli. Ipinuwesto uli niya ito.

Mas kalmado na siya. Tinantiya pa niya ang layo. Bumuntong hininga muna siya.

"Just be yourself.. don't mind your surroundings, just fucos and relax." Seryusong sabi ko pa." Just think as if, you're the only one here. Don't doubt and release!" Sabi ko pa at sinunod niya.

Pinakawalan niya ang palaso habang seryusong seryuso siya. Tiningnan namin pareho kung saan tatama ang palaso.

Hindi na ako nahulat pa ng makita kong saan tumama ang palaso. Pagkatingin ko sa kaniya nakanganga na siya habang nakatingin sa hunt range.

"Nice try!" Sabi ko pa at pumitik sa ere.

Natauhan naman siya at napangiti ng bigla.

"Ah-huh! Marunong na ako!" Nakangiting sabi pa nito.

Napapailing nalang ako."kaka- practice mo lang marunong na agad?"

"Tse! Tumama naman sa target, ah! So, marunong na ako!"

"Psh! Kung gusto mo talagang maging marunong at maalan niyan, eh di mag practice ka pa. Lahat ng tinuro ko sundin mo. Makakatulong 'yon." Sabi ko.

Napaisip naman siya bago tumango tango.

"Sabi mo 'yan, ah? Turuan mo ako."

Napataas naman ang kilay ko.

"May sinabi ba akong turuan kita?"

"Tse! Basta! Turuan mo ako. Tutal, parang alam na alam mo naman ang tungkol do'n, eh!"

Sabi pa niya. Ngumiwi naman ako kaya napataas ang kilay niya.

"Ako pa! Ako yata ang pinakanahusay pagdating sa larangan ng Archery!" Mayabang na sabi ko pa na ikinangiwi niya.

Napapailing pa siya na animo'y isa akong hangal.

Tsk!

"Kahit kailan puro ka kayabangan!" Singhal pa niya.

Nginisihan ko lang siya. Sarap niyang inisin psh!

"Syempre! Hindi mabubuo ang salitang mayabang kung wala ako!" Nakangising sabi ko pa bago kinuha ang bag ko at naglakad palapit sa pintuan.

Bago pa ako lumabas nilingon ko uli siya. Nakanganga ang ugok psh!

"Hoy! Baka pasukan ng langaw 'yang bunganga mo! Lumabas kana riyan!" Sigaw ko sa kaniya.

Agad na akong lumabas habang nakasabit sa balikat ang bag ko. Natanaw ko ang field kung saan nagkukumpulan ang mga students.

Napatingin ako sa harap. Tsk! Kaya naman pala. Nandyan na ang dalawang pamilya.

Tsk!



To be continued!

A/N: hello mga readers hope you enjoy reading and please support me guyzzz in this story.

Don't forget to Vote, comment and Follow.









Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top