chapter 114

A/N: hello guyss hope you enjoy reading po.

Expecting some wrong grammars and typos here po.

Don't forget to Vote, comment and Follow!

____________________________________

Kyla's Pov.

Kakatapos ko pa lang magluto at hindi pa gising si Ashi. Kami ni Xandra palang ang gising at naglalaba ng mga dirty clothes si Xandra.

Hinanda ko nalang ang mga pagkain sa mesa. Pasado alas nuebe na ng umaga. Alas otso na ako nagising kanina. Pa'no ba naman anong oras na kaming nakauwi kagabi. Nag overtime kami para hindi na kami papasok ngayon.

Sa pagrereview na ulit ang gugulan namin ng attention. Bukas na ang exam kaya mas mabuting pag igihan namin ang pag rereview. Lalo na sa science baka ipahiya na naman kami ng matabang iyon psh!

Maka panlait kasi wagas! Walang araw na hindi niya kami lalaitin. Kundi si Ashi, si Xandra at ako. Pero madalas ay si Ashi ang ipinapahiya niya.

Tss!

Ewan ko ba ang laki laki ng galit sa amin ng terror lec na iyon. Wala naman kaming naalalang ginawang masama sa kaniya kung tutuusin.

Psh!

Saktong tapos ko ng ihanda ang mga pagkain ay bumaba na si Ashi. Nag kukusot pa ng mata.

Abah!

Tiningnan ko siya...kahit bagong gising kakaiba pa rin ang aura. Blanko at seryuso parang walang paki sa mundo. Iba talaga 'tong kaibigan ko. Kaya marami ang ilag dito, eh. Ang angas pa tingnan kakagising lang, eh!

Hehehe.

"Oh! Good morning... Buti gising kana." Sabi ko pa.

Tumango lang naman siya at dumeretso sa lagayan ng baso at nagtimpla ng kape niya. Saktong pumasok na rin so Xandra.

"Kakagising mo lang?" Tanong pa nito kay Ashi.

Sure ako..pabalang na sasagot 'yan----

"Alangan namang kanina pa...kakababa nga lang, diba?" Pabalang na sagot nito.

See?

Sabi ko sa inyo, eh!

Umupo ito at agad na kumuha ng pinggan saka sumandok ng kanin at nagsimula ng kumain.

"Aga aga tinopak ka na naman." Nakangiwing sabi pa ni Xandra.

Hindi siya nito pinansin at naupo nalang ako. Ganon na din si Xandra.

Kumain nalang kami ng tahimik..hindi na kami nagsalita pa o kausapin man lang si Ashi.. halatang ayaw ng may kausap, eh!

Nang matapos kaming kumain ay akp na ang nagligpit at naghugas. Iyong dalawa naman ayon! Nag uunahang umakyat sa taas psh!

Hinugasan ko nalang agad ang mga ginamit namin at nang matapos ay naglinis ako ng buong bahay. Si Ashi naglilinis ng motor niya.

Malinis naman na iyong akin..pawis na pawis ako habang di pa rin tapos sa paglilinis ng tumunog ang cellphone ko.

Binitawan ko nalang muna ang hawak kong walis tambo at dustpan bago inabot sa maliit na mesa sa sala namin ang phone ko.

Mommy is calling...

Answer

Bakit kaya napatawag to si Mom? Bumuntong hininga ako bago nagsalita.

"Hello, Mom?"

"Anak! Si Mommy mo 'to!?"

Outch! Sakit sa tenga! Si Mommy talaga,oh!

Psh!

"Yeah, I know..why are you calling?"

Tanong ko pa. Rinig ko ang maktol nito sa kabilang linya.

May pagkaisip bata talaga itong si Mommy!

"Hmp! Bakit ayaw mo ba? Ilang buwan ka ng di tunatawag sa'min! Nagtatampo na ako!" Bakas ang tampo sa boses nito.

Natawa nalang ako. Kahit kailan tong si Mommy.

"Nah! I'm just busy right now, Mom." Sabi ko pa.

"Ows? Psh! Lagi ka namang busy, eh! Kaya di ka nakakatawag kahit isa sa isang linggo..halos dalawang buwan ka nang hindi tunawatag!" Kahit di ko nakita alam kong nakanguso naito.

Hehehe.

Pero kapag iyan nagalit nakuh! Wag ka nalang magpapakita sa kaniya!

"Mom, alam mo namang graduating na ako, diba? Kaya nagiging busy ako. Isa pa, bukas ang first quarter examination namin." Pagpapaintindi ko pa.

Rinig kong bumuntong hininga siya sa kabilang linya.

Naupo ako sa sofa namin at pinunasan ang pawis sa noo ko.

Medyo nangalay din ang mga braso ko kakalinis.

Pambihira!

"Hmp! Alam ko! Pareho lang kayo ng ate mo! Hindi na rin tumatawag sa amin! Ano ba naman kayo. Wala na nga kayo sa tabi namin!" Nagtatampo pa ring sabi pa nito.

Mommy ko ba talaga 'to? Hmp!

Pero joke lang.. ganiyan talaga kasi iyang si Mommy..matampuhin, nasanay na kasi siyang nasa tabi nila kami noon.

Haysstt!

"Mom, please. For now just understand.. don't worry kapag di na ako busy tatawag ako sa inyo ni Daddy diyan." Mahinahong sabi ko pa.

Halatang nakasimangot to, eh!

I swear!

"Ok, fine! Basta tatawag ka,ah? Kundi, kukunin ka namin diyan! Abah! Nalayo lang kayo ganiyan ganiyan na kayo ngayon! Oh, eh kamusta naman kayo diyan?"

"Ayos naman po, Mom."

"Iyon lang?"

Pambihira..may trabaho pa ako Mom!

"We're good here as usual..'tsaka, nag aaral kami ng mabuti.. don't worry about us." Sagot ko pa.

Malapit din sa kanila ang mga kaibigan ko. Kung umasta pa nga si Mom, eh. Daig pang si Xandra at Ashi ang anak niya at hindi ako hmp!

"You sure? Wala ba kayong mga gulong pinasok diyan? Nakuh! Lagot talaga kayo sa 'kin kapag nalaman kung nakikipag away na naman kayo diyan!"

Nagbabantang sabi pa nito. Alam kasi ni Mommy na nasasangkot kami sa gulo no'ng nasa dati pa kaming school.

Pa'no ba kasi..may mga asungot at mga impaktang kulang sa pansin.

Kaya ayon napapaaway kami..di maiwasan, eh! Alam niyo na!

Cool kami, eh! Hehehe.

Joke lang naman..pero toong nakikipag away kami noon. Kaya nga hindi sana punayag si Mommy at Daddy na humiwalay ako sa kanila.

Buti nalamg nakunbinsi ko at ni Ate.

Speaking of her! Hindi na rin tumawag iyon sa akin.

Psh!

"Don't worry, Mom..kami na po ang umiiwas kapag may gulo..mabait na kami, Mom..'tsaka, wala po ba kayong tiwala sa akin--sa amin? Kayang kaya namin silang---"

"Kyla!?"

Paktay! Nagalit nadulas kasi iyong bibig ko hehehe.

Ah-huh!

"Heheh..joke lang, Mom."

"Psh! Siguraduhin niyo lang, ah! Kundi pupuntahan ko kayo diyan!"

"Ah, eh..ayos lang kami, Mom. Kamusta kayo ni Dad?"

Pag iiba ko ng topic hehehe.

"Nasa office niya ang daddy mo..may tinatapos na mga documents."

"Hanggang ngayon? Aish! Dapat magdi-date din kayo, Mom..para naman ma relax kayo..puro nalang kayo trabaho."

Nakangusong sabi ko. Alam kong natutuwa si Mom sa sinabi ko. Buti na rin iyon..para di na magalit hehe.

"Hehe..mamay siguro, babay. May tatapusin lang ang daddy." Parangkinikilig na sabi pa ni Mom.

See?

Di na kailangang tanungin kong saan ako nagmana kapag kinikilig hehehe.

Shhh..lang kayo.

Matapos ang tawag ni Mom ay binaba ko na ang phone at ibinalik sa mesa. Tinapos ko nalang ang paglilinis ko.

Nang matapos ay umakyat ako sa kwarto para makapag pahinga at maligo.

***

Nandito kami ni Xandra ngayon sa mall..mag grogrocery lang kami. Paubos na ang stock namin sa ref at exam na bukas. Mabuti na iyong may tambak na pagkain kami lalo na't exam.

May pera pa naman kami pambili ng kailangan namin.

"Do'n tayo." Sabi pa ni Xandra sabay turo sa frozen meat.

Sumunod nalang ako..kuha lang kami ng kuha ng importante naming bilhin. Kumuha din ako ng ham, hotdog, meatloaf, nuggets.

Kumuha din ako ng fresh vegetables..may nakita akong tuyo at pusit. Kumuha din ako at kung ano ano pa.

Nang matapos ay nagbayad na kami sa counter.. pagkatapos ay lumabas na rin.

Ang bigat bigat ng mga dala namin. Pagkalabas namin ay huminto na muna kami. Ang sakit na ng kamay ko, eh.

Hindi kasi sumama si Ashi kasi hindi naman iyon mahilig lumabas. Nagrereview iyon kanina ng magpaalam kaming magrocery.

Ang tali-talino tapos nag rereview. Nitong mga huling araw ay panay naman ang review niya. Halos sa library na nga siya lagi, eh para magbasa.

Psh!

Pero sabagay, pambihira naman kasi iyong terror lec namin. Bigyan pa daw ng 300 items ng exam su Ashi..ewan lang kung pati kami..wala namang sinabi ang tabang 'yon psh!

Biglang may lumapit na lalaki sa amin.

"Ahh, Miss, kailangan niyo ng tulong?" Tanong pa nito.

Nakangiti sa amin halatang mabait namin.

"Ah, oo sana, eh. Ang bigat bigat kasi." Sabi pa ni Xandra.

Ngumiti naman iyong lalaki at mas lumapit pa sa amin.

"Akin na..saan ba ito dadalhin?"
Tanong pa niya sabay kuha ng ibang dadlhin.

"Ah, sa parking lot nalang po.. nandon ang motor namin, eh!"sagot ko.

Nanlaki naman ang mata niyang nakatingin sa amin!

Hala!

Bakit?

"Nagmomotor kayo?"

"Oo, bakit?"

Nagkamot siya ng batok."ahh, kasi..ang cool lang kasi na magmomotor ang mga babae." Medyo nahihiyang sabi pa nito.

Ahh, iyon pang pala akala ko naman kung ano.

"Ah, nakuh! Iyon kasi ang hilig namin..sige na ho..tara na." Sabi ko pa.

Tumango nalang ito at sumunod kay Xandra.

Teka! Parang pamilyar siya,ah? Saan ko ba siya nakita?

Haysstt!

Sumunod nalang ako. Hanggang sa makarating sa parking lot.

"Wow! Ang ganda ng mga motor niyo." Manghang sabi pa nito na nakatingin sa mga motor namin.

Nakatingin lang kami sa kaniya.parang tuwang tuwa siya,ahh!

"Ahh, hehehe. Salamat sa pagtulong, ah. Heto, oh!" Sabi ko pa sabay abot ng dalawang daan.

Nakangiting umiling naman siya.."wag na po..ayos lang.' sabi pa niya.

Abah! Ang bait, ah!

"Nah! Tanggapin mo na..pasalamat namin 'to." Sabi pa ni Xandra.

Nagkamot naman siya ng batok at nahihiyang kinuha ang inabot ko.

"Salamat." Nakangiting sabi paniya.

"Salamat, din. Sige, alis na kami."sabi pa ni Xandra.

Sumampa naito sa motor niya. Nasa harap iyong ibang pinamili namin.

"Teka! Parang pamilyar kayo, ah!" Sabi pa niya na animo'y inaalala kong saan kami nakita.

Sumampa nalang ako sa motor at pinaandar.

"Sige na..una na kami..salamat uli." Sabi ko pa at naunang umalis na si Xandra kaya sumunod naman ako.

Kita ko sa rearview mirror na nagkamot ito sa batok bago tumalikod at naglakad.

Napapailing nalang ako hanggang sa makarating sa bahay.

Naabutan naming nagluluto ng meryenda si Ashi.

Haysstt!

Salamat naman, nagutom ako kakapamili sa mall.

Nagtimpla din siya ng juice. Kaya nang ihain niya ang nilutong maruya ay nilantakan na namin.

Gutom, eh!

Nang matapos ay umakyat ako sa kwarto. Si Ashi na ang mag aarange ng pinamili namin. Siya na rin daw ang magluluto ng hapunan para maka pag review din kami.

Nagpalit lang ako ng damit pagkatapos ay naupo sa kama ko. Kinuha ko ang cellphone ko. Pag on ko. May text pala si Keart.

Naramadaman kong nag init ang pisnge ko ng mabasa ang text niya. Hehehe.

Ang sweet niya kasi hahaha. Nag reply ako at wala pang isang minuto nag replay na agad siya.

Abah!

Hindi ba siya busy? Sinabihin ko siyang mag review dahil exam na bukas. Ang loko nag reply na kinikilig daw siya kasi ang sweet ko.

Halos mabato ko ang phone ko sa next reply niya.

Hehehe.

Nag I love you pa ang damuho hehehe. Nagreply ako at agad na in off ang phone ko.

Ramdam na ramdam ko ang init sa magkabilang pisnge ko.

Nakangiting tumayo nalang ako at kinuha ang mga notes ko saka nagreview.

********

Ashi Vhon's Pov.

Maaga kaming pumunta ng school para hindi kamo malate sa unang exam namin. Baka bugahan kamo ng apoy ng taba na iyon. Science ang una naming exam ngayon.

At dahil ayaw ko ng mapahiya kahit wala naman akong paki sa mga pinuputok ng butsi ng terror na iyon ay minabuti na rin naming magpaaga.

Nang makapark kami ay agad na kaming pumasok sa loob. Marami na rin ang mga studyante at may kaniya kaniyang ginagawa.

Tahimik at deretso lang akong naglalakad. Nasa likod ko ang dalawa na tahimik lang din.

Dumaan kami sa locker para ilagay ang mga librong dala namin.bawal naman naito dalhin sa room dahil exam.

"Oh! Nandito na rin pala kayo! Good morning!" Bati pa ni Theresa na papalapit sa amin.

Kasama niya si Stella na may subong lolipop. Kakarating lang din bi Bella na halatang nagmamadali.

"Good morning guyss!" Bati pa nito.

Tango lang ang sinukli ko habang binati naman sila ng dalawa. Sinarado ko nalang ang locker ko.

"Ready na ba kayo sa exam?" Tanong pa ni Stella.

Tumango lang ako ganon din si Bella, Kyla at Xandra. Habang nakanguso si Theresa.

"Nakuh! Buti pa kayo! Ako kasi kinakabahan, eh!" Sabi pa nito.

Halata ngang kinakabahan psh! Baka naman hindi nagreview.

"Nagreview ka ba?" Tanong ko pa.

"Oo naman..lalo na sa science! Nakuh! Baka ibagsak pa ako ng taba na 'yon." Sagot pa nito.

"Psh! 'yon naman pala, eh. Bakot kinakabahan ka pa?" Walang ganang tanong ko.

Nagkamot siya ng ulo. Ang cute niya psh!

"Wag kang bahan, Thes. Kaya mo 'yan. Mapupunta kaba sa section natin kung di mo kaya? Com'on!" Sabi pa ni Xandra.

"Oo nga naman, Thes. Think positive ka lang kasi." Sabi pa ni Bella.

"Nah! Kahit ako kinakabahan din.. iyong tabang 'yon kasi! Nakaka pressure!" Nakangusong sabi pa ni Stella.

Tsk!

"Tsk! Eh, di ibaba mo para di tumaas." Mahinang sabi ko at iniwan sila.

Kung ano ano kasing iniisip. Wag na lang magpapa apekto sa taba na yon psh!

"Luh? Aga aga ang sungit!" Sabi pa ni Stella at nagtawanan sila.

Psh!

Naglakad nalang ako paalis do'n at dumeretso sa building namin. Pagdating ko sa floor namin ay nagulat ako ng makitang nandon na si Bisugo at naka headphone pa.

Parang may sariling mundo. Ang iba naman ay nagbabasa. Halatang kinakabahan sa exam psh!

Naupo nalang ako sa upuan ko. Ramdam kong may nakatingin sa akin. At alam ko na kung sino psh!

Napaka pandikwartong ipilnilig ko abg ulo ko sa sandalan ng upuan at pumikit. May 20 minutes pa naman bago ang unang exam.

Pipikit nalang muna ako. Saktong pagpikit ko ay rinig ko na ang bungabga ni Stella at Theresa.

Tsk tsk!

Inga ingay talaga ng mga 'to.

"Halah! Tulog na naman? Kaya ba ang sungit kasi kulang sa tulog?" Rinig kong sabi pa ni Stella.

"Hehe..hinaan mo boses mo..baka magalit pa 'yan naku!" Sita sa kaniya ni Bella.

"Hehe joke lang 'yon, 'no!" Bawi pa ni Stella.

Napapailing nalang ako sa isip ko. Nagmulat ako ng mata at kita kong nagulat sila.

Bahagyang natawa naman ako." Good luck. Just be positive."

Nakangiting sabi ko sa kanila na ikina nganga nila.

Tsk tsk!

"Ahh, hehehe..salamat, Ash." Nakangiting sabi pa ni Bella.

"Oo nga..thank you..ang bait mo naman talaga!" Nakangiting sabi pa ni Stella.

Loko!

"Tsk! Sabi mo ang sungit ko!" Nakataas kilay na sabi ko.

Napakamot nalang siya sa batok niya.

Cute!

Psh!

"Ah, eh. Babawiin ko na hehehe." Nakangiting sabi pa nito.

Natawa nalang sila habang napapailing ako. Biglang pumasok sila Lyle.

"Oh! Good morning guyss! Good morning myloves!" Nakangiting bati agad ni Keart ng makita kami.

Napatili naman ang ibang kaklase namin sa tinawag ni Keart kay Kyla.

Binatukan siya ni Keith."arrayy! Bat nambabatok ka?!" Nakangusong tanong pa ni Keart kay Keith.

"Ang nakakarindi ka kasi!" Nakangiwing sabi pa ni Keith.

Sinamangutan lang siya ni Keart. Nakangiwing umiling namang ako sa kanila.

"Good morning, Ash." Nakangiting bati pa ni Lyle.

"Morning." Maikling bati ko.

Binati niya rin sila Bella."good luck sa exam guyss!"sabi pa ni Keith.

Binatukan siya ni Keart."aish! Bat nambabatok ka!?"

"Nakakarindi ka kasi!" Nakangising sabi pa ni Keart.

Napapailing nalang ako. Magpinsan nga sila.

"Para kayong mga baliw! Tsk!" Singhal ni Xandra sa kanila.

Napakamot nalang sa batok si Keart habang siniringan lang ng tingin ni Keith si Xandra.

Tsk tsk.

"Oo nga pala..how are you?" Biglang tanong pa ni Lyle sa'kin.

Busy sa pag uusap 'yong mga kasama namin.

Bumuntong hininga nalang ako bago nagsalita.

"Fine." Maikling sabi ko pa.

Alam kong iyong nangyarino'ng friday night psh!

Tumango nalang siya."tse! Wala ba akong good luck?" Biglang singit ni Bisugo.

Napakunot ang noo ko bago tumingin sa likod at sa kaniya.

"Tsk!"

Singhal ko. Parang kabute psh!

"Hoy! Sila sinabihan mo ng good luck! Tapos ako hindi?" Nakataas ang kilay na tanong pa nito.

Tinaasan ko din siya ng kilay. Anong nakaim ng isang'to?

Tsk tsk!

Saktong pumasok si Miss at nagsibalikan na sa mga upuan 'yong iba. Pero ang Bisugo nakatayo pa rin sa gilid ko at nakatingin sa akin.

Pambihira!

"Good luck ko." Pangungulit pa nito.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Good luck." May iritasyong sabi ko.

Sinamay niya ako ng tingin."bad luck!" Inis na sabi din niya bago tumalikod at bumalik sa upuan niya.

Nagtatakang tiningnan ko lang siya bago napapailing.

Natuon ang attention naming lahat sa nakataas na kilay na tabang nasa harap.

Tsk!

"Ready naman na ba kayo?" Nakataas kilay na tanong nito psh!

Walang nagsalita kaya isa isang ibinigay niya ang mga test papers. Rinig ko pa ang mga bulungan ng iba ng makita ang test paper nila.

Napapailing nalang ako."at anong iniiling iling mo diyan?"

Biglang sabi pa nito sa gilid ko. Hindi ako kumibo at hinintay na ilapag niya ang test paper ko.

"Tch! Siguraduhin mo lang na maipasa mo ang exam ko. Kundi magdrop out kana!" Nakangising sabi pa nito bago ilapag ang test paper ko.

Naglakad na siya pabalik sa harap. Pagtingin ko sa test paper ko.

Napamura ako sa isip ko. Lintik naman, oh!

Ang sabi niya 300 lang ang items ko? Bakit nadagdagan ng 50?

Lintik ka talagang taba ka!

Halos kumulo ang dugo ko ng mag angat ako ng tingin sa lintik na terror lec sa harap.

Nakangising tumingin ito sa akin.

Blankong tiningnan ko lang ito bago nagbaba ng tingin sa test paper ko.

Lintik talaga, oh!

Sana nga lang related sa lahat ng nabasa ko tsk!

"Siguraduhin niyong maipasa niyo ang exam ko..kung ayaw niyong mag dropout! Walang mang cheat! Kapag may nakita ko.. awtomatikong lumabas ka na lang ng room. The door is open! 150 is the passing score..at ikaw!" Turo nito sa akin. Rinig kong nagmamaktol ang mga kaklase ko." 300 ang passing score mo!" Sigaw pa nito sa akin.

Nakita komg nagulat ang iba at nagbubulungan psh!

Hindi ko nalang pinansin si Taba at nagsimula ng sagutin ang testpaper ko.

Kalmado at tahimik lang akong sinasagutan ang testpaper ko.

"Ilang items ang sa'yo? 200 ang sa'min." Bulong ni Xandra.

Anak ng pating!

Nasa test paper niya ang tingin."350." Maikling bulong ko.

Rinig kong napamura siya. Hinayaan ko nalang at sinagutan lahat. Buti at naging pamilyar sa akin ang karamihan.

May iba na hindi ako sure..pero panatag naman ang loob ko. Masyadong minamaliit ng lintik na taba na iyon ang talino ko psh!

Nasa 269 palang ako ng tumayo na ang iba at nagpasa ng papel. Unang tumayo at nagpasa si Xandra, Kyla, Lyle, Bisugo at Sumunod sila Bella at Sila Keith.

Nagfucos nalang ako sa pagsasagot. Halos ilan nalang kaming mga naiwan. Binulungan lang ako ni Xandra kanina na mauna na sila.

Bawal kasi silang tumambay dito sa loob habang may nag eexam pa psh!

Lintik!

Ako nalang isa pero 305 palang ako. Blankong nakatuon lang ang attention ko sa test paper ng biglang magslita si Taba.

"Ano? Nahihirapan ka ba? Bilisan mo! Ang bagal!?" Inip na sabi pa nito psh!

Isampal ko kaya 'to sa kaniya ng malaman niya!

Hindi ko nalang siya pinansin. Mga ilang minuto pa at tapos na ako.

Tumayo ako at ipinasa sa kaniya ang test paper at answer sheet ko.

"Oh! Mas maaga pa sa inaasahan ko..sigurado ka bang maipasa mo 'to?" Nakangising tanong pa nito.

Abnormal ba siya? Kanina naiinip siya dahil mabagal ako. Tapos ngayon ba tapos na ang dami pang satsat!

Sarap busalan ng bibig.

"Let's just see the result!" Mayabang pero blankong sagot ko.

Tinaasan niya ako ng kilay pero tinalikuran ko na siya. Bumalik ako sa upuan ko at iniligpit ang ballpen ko.

Nakita kong lumabas na siya kaya nanatili lang akong naka upo. Napatingin ako sa relo ko. May ten minutes nalang bago ang next sub. Di nalang ako mag snack.

Hindi naman ako gutom---

*Cruukkk crukkk

tunog ng tiyan ko. Lintik! Sabing di ako gutom psh!

Ang liit lang naman pala ang kinain ko kanina kaya gutom na agad ako.

Hinayaan ko lang kumulo ang tyan ko. Bilisan ko nalang ang next na exam para mauna ako mamaya.

Alam kong hindi lumagpas ng 150 ang items ang mga next sub. Sadyang andaming kaartehan ang taba na iyon kaya ganon karami ang sa'kin.

Pinikit ko nalang ng mata ko ng biglang kumulo na naman ang tyan ko

Putik! Talaga!

Bigla akong nakaamoy ng mabangong pagkain dahilan para mas kumalam ang tyan ko.

"Here."

Sabi ng kung sino kaya nagmulat ako sabay abot ng malaking burger sa harap ko. Napaangat ako ng tingin at si Bisugo pala.

May hawak din siyang isa pang burger at dalawang bote ng Royal.

Kumalam ulit ang tyan ko kaya kinuha ko nalang psh!

Inabot niya din ang isa pang bote Royal. Tapos naupo ito sa harap ko.

"Thanks." Kaswal na pasalamat ko.

Tumango lang ito at kinain ang burger niya. Mabait din naman pala ang Bisugo na 'to psh!

"Ilang items pala ang sa'yo? Bakit 300 ang passing sa'yo samantalang 150 ang sa'min?" Takang tanong pa nito sabay kagat ng burger niya.

Nilunok ko muna ang kinain ko bago nagsalita.

"350." Maikling sagot ko.

Muntik pa siyang masamid sa kinain niya.

Ang OA psh!

"Bat ang dami?" Gulat na tanong niya.

"Tanungin mo si taba." Walang ganangsabi ko.

Nginiwian niya lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Buti natapos mo agad." Sabi pa uli niya.

Tumango ako."ako pa..kunti pa lang 'yon." Mayabang na sabi ko.

Tuluyan naman siyang nabila- ukan at saktong wala ng laman ang bote niya ay mabilis niyang inagaw sa 'kin ang Royal ko at tinungga.

Napangiwi nalang ako."*cough* ubo pa niya.

"Ang yabang mo talaga, eh,'no?" Sarkastikong tanong pa niya.

Nagkibit balikat lang ako at inubos ko ang burger ko. Hinablot ko ang Royal ko sa kamay niya at inubos ang laman.

Nakangiwing nakatingin lang ito sa akin habang napapailing.

"Matakaw ka rin pala? Psh!"

"Tsk!"

Singhal ko nalang at hinagis sa trashcan ang bote at...

Shot!

Tiningnan ko si Bisugo nakataas ang kilay niyang nakatingin sa trashcan bago sa akin.

"Tse!"

Singhal niya na mukhang nayabangan sa'kin bago tumayo at walang lingon na hinagis sa trashcan ang bote niya.

Abah! Shooter pala talaga ang ugok na Bisugo!

Tumingin siya sa'kin at kumindat bago naglakad papunta sa upuan niya.

Lintik!

Ang yabang din pala! Psh!

Bigla akong napatingin sa pinto. Nakita ko sila Keart na nakasilip habang ngingisi.

Abah! Mga loko!

Binigyan ko sila ng blankong tingin at nagulat naman sila. Akala ata nila hindi ko sila nakita psh!

Kanina lang naman sila diyan tsk tsk!

Kakamot kamot na pumasok si Keart at keith. Sila lang dalawa mukhang nasa baba pa ang iba.

"Hehehe..tapos ka na pala..ilan pala ang items ng exam mo?"

Kakamot batok na tanong pa ni Keart. Pinaningkitan ko siya ng mata.

"Alam kong narinig niyo..bat nagtatanong ka pa?" Blankong balik na tanong ko pa.

Nag iwas nalang sila ng tingin ni Keith psh!

"Ah, eh..heheh." tanging bulalas pa nito.

Hindi ko nalang sila pinansin at pumikit ako.

Rinig kong nag uusap ang tatlo sa likod. O mas tamang sabihin na nag aasaran tsk tsk!

Maya maya lang ay pumasok na ang mga kaklase namin. Sumunod naman ang next lec. Puro test paper lang ang dala niya.

Nagsalita lang ito saglit bago ibinigay ang test paper.

Nang makuha ko 'yong akin ay sinagutan ko na agad. Tahimik lang ang lahat habang tutok na tutok sa mga test paper.

120 items lang pilipino namin kaya wala pang thirty minutes ay natapos na ako. Tumayo na ako at ipinasa sa harap ang papel ko.

Nakangiti lang sa akin si Miss. Pagkatapos ay kinuha ko ang bag. Saktong tumayo si Lyle para magpasa na din. Naglakad nalang ako palabas ng room at tahimik na naglakad sa hallway hanggang pababa.

Pumunta pa muna ako ng comfort room para maghilamos ng mukha. Umihi pa ako pagkatapos ay lumabas na rin. Nakita ko pa sa likod ng building ang grupo nila Alvin pero hindi ko na pinansin.

Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad sa field patungo sa cafeteria. Iilan palang ang mga studyante na nasa labas.

Pagkarating ko sa cafeteria ay pumasok na ako. Nag order ako ng makain ko bago naupo sa table namin.

May iilang kumakain rin pero tahimik lang sila. Saktong pagkaupo ng kung sino sa harap ko ay nag vibrate ang phone sa bulsa ko.

Kinuha ko nalang bago binuksan. Si Asher pala. Nakabalik na uli kasi ang kapatid ko sa U.S.

Kinamusta niya lang ako. Nereplayan ko lang ng ayos lang bago ibinulsa ulit.

Pag angat ko ng tingin nakita ko si Lyle na kumakain habang nakatingin sa akin.

"Oh?" Blankong tanong ko.

Umiling lang siya kaya hindi ko na siya pinansin at kumain nalang.

"Sabi ni Xandra 350 raw ang items mo kanina sa science?" Biglang tanong pa nito.

Tumango ako."Bat ang dami naman ata?" Tanong pa uli nito.

Bumuntong hininga ako bago kinuha ang panghuling cake ko.

"Tanungin mo si Taba." Kaswal na sagot ko.

Natawa naman siya kaya napatingin ako sa kaniya.

"Mukhang may galit sa'yo si Miss Alcantara, ah."nakangiting sabi pa nito.

Napa 'tsk' nalang ako.

"Paborito kasi niya ako." walang ganang sabi ko pa.

Muling natawa si Lyle. Bakit ba siya tawa ng tawa? Wala namang nakakatuwa sa mga sinabi ko?

Psh!

"Paborito sa kasungitan..hahaha. parang laging asar at inis sa'yo si Miss Alcantara." Natatawang sabi pa nito.

Kunwaring natawa nalang ako. Ewan ko sa taba na 'yon may saltik ata sa utak tsk!

"Nagmiminupos na kasi wala pang asawa..kaya ayon. Laging galit sa mundo. Ako pa ang pinagdiskitahan."napalailing na sabi ko dahilan para matawa na naman si Lyle.

"Hahaha... Gano'n siguro kapag hindi nalabasan hahaha." Sabi pa nila at medyo malakas ang tawa niya.

Pinaningkitan ko siya ng mata ng ma gets ko ang ibig niyang sabihin.

Mabilis na itinaas naman niya ang mga kamay niya.

"Just kidding hehe." Nakangiting sabi pa niya.

Napapailing nalang ako at tinapos ang kinain ko. Saktong may umupo sa tabi ko. Di ko na kailangan pang lingunin dahil alam ko na kung sino.

Pati nga ang seryusong mukha alam ko psh!

Napatingin ako sa isa pang tray sa harap ko. Naupo na rin sila Keart at keith. Mukhang ang mga babae ang nag order.

"Grabe! Ang bilis niyong batapos, ah!" Sabi pa ni Keart.

"Gano'n talaga kapag matalino." Halos sabay pa naming sabi ni Lyle.

Natahimik naman sila at maya maya lang ay tumawa.

Tsk!

Mga ugok!

"Mukhang nahawa ka na sa kayabangan ng panget na 'to, Lyle!" Nakataas kilay na sabi pa nito kay Lyle.

Pero tinawanan lang siya ni Lyle at nagpatuloy sa pagkain. Biglang inabot ni Bisugo ang tray at agad na nilantakan.

Tsk!

Tiningnan lang namin siya habang parang sarap na sarap sa kinakain niya. Ang bilis pa niyang kumain.

Tsk! Matakaw naman pala psh!

"Bakit?" Takang tanong nito ng makitang nakatingin kaming lahat sa kaniya.

"Dahan dahan lang, dre. Baka mabulunan ka!" Ngingisi ngising sabi pa ni Keart sa kaniya.

"Oo nga naman, dre. Daig mo pang takot maagawan ni Ashi ang kinakain mo hahaha." Sabi pa ni Keith sabay tawa nila ni Keart.

Tinaasan ko lang ng kilay si Keith habang masama ang tingin ni Bisugo sa dalawa.

Tinawanan lang siya ng dalawa at saktong dumating na sila Xandra na may dalang tray.

Pagkalapag nila ng mga tray ay naupo agad sila.

"Tapos kana, Ash?" Tanong pa ni Bella.

Tumango lang ako. Nagsimula na rin silang kumain.

Nakatingin lang ako sa kanila. Panay ang daldal nila kahit kumakain.

"Oo nga pala..ayos ka na ba, Drix?" Biglang tanong ni Bella sa pinsan.

Tinaasan siya ni Bisugo ng kilay." Bakit naman hindi?"

"Psh! Baka naman dahil sa nangyari no'ng friday night!" Sarkastikong sabi pa ni Bella sa kaniya.

Sinamaan lang siya ng tingin ni Bisugo. "Wag mo ng ipaalala tse!" Blankong sabi ni Bisugo sa kaniya bago nagpatuloy sa pagkain.

Natahimik kaming lahat dahil sa sinabi ni Bisugo. Halatang ayaw nga niyang pag usapan. Sabagay, gano'n din naman ako.

"Oo nga pala, Ash. Mukhang malaki ang galit ni Miss Alcantara sa'yo, no? Ikaw lang ang may pinaka mataas na items sa science kanina." Pag iiba ni Stella sa usapan.

Kahit wala sila no'ng gabing iyon alam kong mukhang may hint na sila tungkol kay Bisugo.

"Tsk! Yaan niyo nalang..mahirap makipag talo sa taong nagmiminupos psh!" Walang ganang sabi ko dahilan para matawa naman sila.

"Hahahaha.. gano'n na nga!" Natatawang sabi pa ni Keart.

Hindi ko nalang sila pinansin tumayo ako para sana aalis ng magsalita si Bisugo.

"Saan ka pupunta?" Nakataas ang kilay na tanong pa nito.

Tinaasan ko rin niya mg kilay. Paki niya kung saan ako pupunta. May napapansin akong kakaiba sa ugok na to, eh!

"Paki mo?" Blankong tanong ko pabalik.

Biglang sumeryuso ang mukha niya at nag iwas ng tingin.

"Hahaha...wala pala, ah!" Natawa at nakangising sabi pa ni Keart.

Napakunot ang noo ko. Anong wala? Nakangising silang dalawa ni Keith kay Bisugo.

"Tumahimik nga kayo! Kung ano ano na naman ang laman ng madumi niyong utak!" Banta sa kanila ni Bisugo.

Pero tumawa 'yong dalawa kaya napapailing nalang ako.

"Mauna na ako." Sabi ko sa kanila at naglakad na palabas ng cafeteria.

Nakapamulsang dumeretso ako sa tambayan ko. Maaga pa naman. Magpapahangin nalang muna ako.

Agad na akong naupo at sumandal sa ilalim ng puno. Pinatong ko sa lap ko ang bag ko at pumikit.

Imbis na gusto kong magrelax ay lintik namang pumasok sa isip ko ang mga nangyayari nitong mga nakaraang araw.

Napabuntong hininga nalang ako."Ang lalim no'n, ah!" Muntik pa akong matumba sa pagkakasandal sa puno ng marinig ang boses ni Bisugo.

Napakunot ang noo ko. Gano'n na ba kalalim ang iniisip ko para di maramdaman ang presensya niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Blankong tanong ko pa.

"Nakaupo." Inosenting sagot nito habang nakatingin sa kawalan.

Alam ko! Ano ako bulag? Psh!

"Tsk! Ano nga?" Inis na tanong ko.

"Nagpapahangin." Malumay na sabi pa niya.

Napabuntong hininga nalang ako at hinayaan siya. Pumikit nalang uli ako at hindi nagsalita.

Maya maya ay bigla siyang nagsasalita.

"Mahirap din pala no kapag wala kayong maayos na closure ng ex mo?" Tanong pa nito.

Hindi ako nagsalita at hinayaan ko lang siya.

"Nakakainis lang..kahit wala naman nang dahilan." Sabi pa uli nito.

Wala akong mababakas na lungkot o ano sa boses niya. Natural lang na animo'y iba ang mga sinasabi niya.

"Tsk! Sadyang mahal mo pa talaga siya hanggang ngayon kaya gano'n." Kaswal na sabi ko pa.

Walang bakas ng sarkastiko o ano. Pagdating sa mga gano'ng bagay ay naiintindihan ko siya. Dahil gano'n din naman ako noon.

Noon nga lang ba?

Napabuntong hininga nalang ako. Rinig kong mahinang tumawa si Bisugo kaya nagmulat ako at napatingin sa kaniya.

"Hindi na tulad ng dati ang nararamdaman ko. Sadyang hindi ko lang inaasahang magtatagpo ang landas namin." Natatawang sabi pa niya.

Pinakatitingnan ko siya ng maige. Wala namang kakaibang mababakas sa mukha niya.

"Psh! Kung hindi na tulad ng dati..eh, bakit gano'n ang reaksiyon mo no'ng gabing makita mo siya? No'ng sinabi ni Deb na ano kung makipagbalilan siya sa akin?" Tanong ko saka niya.

Iyong nagalit siya at sinapak niya si Deb no'ng sinabi ni Deb na anong paki niya kung makipag balikan siya sa akin.

Do'n palang alam kung may nararamdaman pa siya kay Trixie. Kahit ako kung ako ang nasa sitwasyon niya magagalit din ako sa mga pinagsasabi ni Deb.

Napabuntong hininga nalang ako ng maalala ang mga sinabi ni Deb.

Alam kung may iba pang dahilan kung bakit nakipag hiwalay sa akin si Deb noon.

Nakikita ko 'yon sa mga mata niya kaya di lang niya masabi.

"Tse! Nagulat lang ako no'n..pero alam kung naka move on na ako sa kaniya. Eh, ikaw? Halatang may nararamdaman ka pa sa gago mong ex." Sabi pa nito na seryuso habang nakatingin sa akin.

Nag iwas nalang ako ng tingin. Hindi ako nagsalita. Psh!

Hindi naman na kailangan sagutin ko pa ang tanong niya. Dahil kahit ako hindi ko maamin sa sarili ko kung anp ba talaga ang tunay na nararamdaman ko.

Basta bibilis pa rin ang tibok ng puso ko ng makita ko uli si Deb. Di ko masabing naka move on na ako ng tuluyan.

Napabuntong hininga nalang ako. Nilamon na Naman ako ng pag iisip ko.

Andami dami kasing problemang hindi ko pa nausulusyunan.

Pinanganak na nga ako para lusutan lahat ng problemang naka atas sa akin.

Ang hirap din minsan na ganito ang sitwasyon.

Nakakapagod din minsan. Napapagod din ako.

To be continued!!

A/N: hello mga readers hope you enjoy reading po hehehe.

You like it guysss? Then...

Don't forget to Vote, comment and Follow.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top