chapter 113
A/N: Hello mga readers hope you enjoy reading and please support me guyzzz in this story.
Expecting some wrong grammars and typos here po.
Don't forget to Vote, comment and Follow!
____________________________________
Drixon's Pov.
Nagising ako dahil sa sakit ng ulo ko. Parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit. Inalala ko ang mga nangyari kagabi at kung bakit masakit ang ulo ko.
Napamulat ako ng maalala ang tagpong iyon sa parking lot ng campus namin kahapon. Bumalik sa alaala ko ang lahat ng nangyari. Ang pag uusap namin ni panget. Ang pagdating ni Deb, ang pag uusap nila ni panget, ang pagdating ni Trixie. Ang mga naging usapan namin kagabi. Tapos hanggang sa nagkainitan kami ni Deb at nasapak ko siya. Ang lahat ng sinabi niya, lahat ng sinabi ni panget. At ang namamagitan kay Deb at Trixie.
Napapikit na lang ako sa mga naalala ko. Hindi ko talaga inakalang ang Ex ni panget pala ang nobyo ni Trixie. Hindi ko inakalang iyon ang magiging tagpo namin kahapon.
Napakuyom ang kamao ko ng sumikdo na naman ang sakit ng ulo ko. Dahan dahan akong bumangon at saktong bumukas ang pinto ng kwarto ko.
"Oh, big boy.. you're a wake. Masakit ba ang ulo mo?" Tanong pa ni Mom.
Naupo ako bago tumango. Agad namang lumapit si Mom dala ang tray na may lamang baso ng tubig at gamot. Ipinatong niya 'yon sa kama ko bago naupo sa tabi ko.
"What happened, Mom?" Takang tanong ko pa.
Ang huling naalala ko ay iyong sumama kami ni Keart sa bar na pinuntahan nila panget. Tapos nag inuman kami ni panget habang pinapa kwento ko siya. Hanggang do'n lang ang naalala ko at hindi ko na alam ang susumunod na na nangyari.
Inabot ni Mom ang baso ng tubig at gamot bago ipinainom sa 'kin. Pagkatapos itinabi na niya uli ang tray at tumingin sa 'kin ng nag aalala.
"Thanks, Mom."
"You got drunk last night..hinatid ka nila Keart." Nag alalalang sabi pa ni Mom.
Napakunot ang noo ko.
Nila?
"Sino po'ng kasama ni Keart na naghatid sa 'kin, Mom?" Tanong ko habang inalala ang nangyari pero wala talaga.
"Sila Ashi at si Kyla." Sagot pa ni Mom.
What?
Pero---
"You mean---?"
"Si Keart ang nagdrive ng kotse mo dahil di ka na makapag drive dahil lasing kana.. sumama sila Ashi dahil si Kyla ang nagdrive ng kotse ni Keart." Sagot pa ni Mom.
Napatango tango nalang ako. Napahawak uli ako sa ulo ko ng sumakit na naman. Napapikit pa ako.
"Are you alright, big boy?" Nag alalang tanong pa ni Mom.
Tumango lang ako."I'm fine, Mom.. medyo sumakit lang ang ulo ko. Hang over lang naman 'to." Sagot ko pa.
Kita ko ang pag aalala sa mukha niya. Napabuntong hininga nalang ako at sumandal sa headboard ng kama ko.
"Keart, told me what happened last night..ayos ka lang ba?" Nag aalalang sabi pa rin niya.
Napaiwas nalang ako ng tingin bago tumango. Sariwa pa rin sa isipan ko ang nangyari kagabi. At kahit ayaw kong isipin ay kusa kong naalala.
Napabuntong hininga nalang ako. Hinawakan ni Mom ang kamay ko at pinisil iyon.
"I'm fine, Mom. Don't worry." Mahinang sabi ko para hindi na mag aalala si Mom.
Kahit malaki na ako ganiyan pa rin siya sa 'kin. Isip bata ang tingin nila minsan sa 'kin. Pero ang totoo ay sinasabayan ko lang naman si Mommy..kasi nakakatuwa siya lalo na kapag para akong batang pinapagalitan niya.
Mas nakikita at nalalambingan ako sa kaniya tuwing ganon. Hindi naman talaga ako isip bata psh! Kaya ko ngang basagin ang mukha no'ng gago at mang aagaw na Debbien na 'yon! Pangalan pa lang niya kasim panget na niya, eh!
Tse!
Ngumiti ako kay Mom para mapanatag siya.
"Big boy, I know you're not, ok.. it's ok, if you show it to us. We understand you..no need to hide it from us..ok?" Nakangitung sabi ni Mom. Kahit halatang nag aalala talaga siya.
Tumango ako at ngumiti sa kaniya. Niyakap pa niya ako bago nag paalam na lumabas.
"Maligo ka na muna dahil kakain na tayo maya maya lang." Habol pa nito bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.
Bagsak ang balikat na nakasandal pa rin ako sa headboard ng kama ko. Bumuntong hininga ako at pumikit ng mariin para mawaksi sa isipan ko ang mga nangyari kagabi.
Pagkatapos ay bumaba na ako ng kama at in-on ang player ko. Pagkatapos ay pumasok na ako sa banyo para maligo. Medyo nabawasan na ang sakit ng ulo ko.
Hinubad ko lahat ng saplot ko at in-on ang shower. Hinayaan ko lang itong umagos sa katawan at dinaman ang lamig ng tubig na umagos sa katawan ko.
Nasa ganon lang akong position ng maalala na naman ang nangyari kagabi.
Hindi ko inakalang lahat ng iyon ay nangyari kagabi lang. Mas lalong hindi ko inakalang matapos ng huling tagpo namin ni Trixie ay muling magtatagpo ang landas namin.
Sa hindi inaasahang pagkakataon pa tse!
Napapailing nalang ako at napahilamos sa mukha ko. Nagsimula ng kumilos ang kamay ko sa ulo ko.
Hindi ko rin inakalang iyon ang magiging tagpo nila panget at Deb. Sa dinami dami ng araw na pwede ay kagabi pa talaga, eh, 'no?
Tse!
Nakakatawang isipin na nando'n kaming lahat kagabi. Ewan ko lang kung bakit nando'n pa iyon si Kiana at Liam. Akala ko kami kami nalang ang nando'n hindi pala.
Nakita ko rin na kahit blanko ang mukha ni Liam noong umawat siya sa amin ni Deb ay halatang galit siya.
Gago kasing Debbien na 'yon! May girlfriend naman pala siya tapos hiniwalayan niya lang ng walang sapat na dahilan. Tapos ang nililigawan ko pa ang tinuklaw niya!
Kumuyom ang kamao ko ng maalalang halos isang taon din akong niloko ni Trixie noon. Halos isang taon din akong nagiging tanga at umaasa.
Fvck this!
Nag flash sa isipan ko ang hitsra ni panget kagabi. Kung paano nagkaroon ng emosyon ang blanko at seryusong mukha niya.
Kung paano namuo at tumulo ang luha mula sa mga mata niya. kung paano kong nakitang nasasaktan siya hanggang ngayon sa nangayari sa kanila ng gagong Deb na 'yon!
Sarap talagang upakan ng isang iyon!
Tinapos ko nalang agad ang pagligo ko dahil nagugutom ba ako. Nang matapos ay pinulupo ko ang twalya sa hawak ko at lumabas ng banyo.
Napatango tango pa ako habang inilabi ang mga liriko ng kanta sa player ko. Dumeretso ako sa walk in closet ko at kumuha ng damit.
Nagsuot lang ako ng black shorts at sando. Pinunasan ko ang buhok ko pagkatapos ay hinagis ko sa dirty clothes ang ginamit na tuwalya.
Lumapit ako sa harap ng salamin at lagayan ng gamit ko sa katawan. Kinuha ko ang suklay at sinuklayan ang buhok ko.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.
Sinayang niya lang ang isang tulad kong walang kasing gwapo at macho. Mayaman pa at nasa akin na lahat.
Sayang at niloko lang ako ng unang minahal ko. Pati ang ikalawa..pareho silang sinayang ang isang tulad ko psh!
Ngumiti ako sa salamin bago kumuha ng pabango at nag spray ng tatlong beses sa katawan ko. Kahit nanito lang ako sa bahay ay naglalagay ako ng pabango.
Baka kasi may di inaasahang bisita tapos amoy pawis ako naku!
Bumuntong hininga nalang ako bago kinuha ang phone ko at inilagay sa bulsa ko. Walag pasok ngayon dahil weekends..sa monday na ang first quarter. Mag review nalang uli ako mamaya.
Pinatay ko ang player ko bago lumabas ng kwarto. Pagkababa ko ay nasa dining table na sila. Sinalubong ako ni Mom at inalalayan pa ako paupo.
Natawa nalang ako."Good morning!" Nakangiting bati ko sa kanila.
Napatingin pa silang lahat sa 'kin bago ngumiti at bumati pabalik.
"Good morning din, Nīsan. Buti ayos ka na?" Tanong pa ni Drixie.
Nginitian ko nalang siya." Bakit naman hindi, diba?" Natatawang patanong na sagot ko.
Nginiwian niya lang ako bago tumingin sa kinakain niya. Nakita ko pa si Dad at Mom na panay ang sulyap sa 'kin.
"Oh, Com'on guyss! Para naman kayong di mapakali hahaha." Natatawang sabi ko pa.
Nakita kong binitawan ni Dad ang hawak na spoon at pork.
"Are you really alright, Son?" Nag aalalang tanong pa nito.
Ramdam kong nakatingin na sila sa 'kin pati si Manang na nasa tabi ko lang.
Tumingin ako kay Dad bago tumango.
"Oo naman, Dad. I'm fine.. don't yah worry!" Nakangiting sabi ko pa.
Mataman na tiningnan pa ako ni Dad. 'yong banunuring mga tingin. Natatawang kumain nalang ako.
Bakit ba panay ang tanong nila kong ayos lang ba ako? Mukha ba akong hindi ok?
Tse!
Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa matapos na.
Sa sala agad ki umupo. In -on pa ni Mommy ang tv habang si Daddy nagbabasa ng dyaryo. Tumabi naman sa 'kin si Drixie.
"You seems like, nothing's happened last night." Mahinang sabi pa nito na tumingin sa akin.
Ginulo ko nalang ang buhok niya kaya pinalo niya agad ang kamay ko.
"Hahaha..do I look like? Then, I am." Natawang sagot ko.
Hinampas lang niya ang braso ko. Amazona din talaga ang isang 'to. Bagay silang ipares ni panget psh!
Speaking of her..was she ok now?
Napapailing nalang ako. Paki ko ba kong ayos lang ba siya o hindi tse!
Pero malaking side sa akin na nag aalala sa kaniya kahit hindi naman dapat aish!
Inis na napakamot nalang ako sa batok ko. Kita kong nag on ng fb si Drixie.
Saktong pag scroll niya ay nakita ko 'yong picture namin nu panget!
What the!
Bakit may picture kami? At apat na pating naman oh!
'yon 'yong nakikipag bugno si panget sa ahas kahapon at no'ng tumalon ako at dinakma ang ahas ng muktik ng tuklawin si panget.
"Oh! My God!"
Gulat na bulalas pa ni Drixie Kaya napatingin sa kaniya si Dad at Mom.
"What is it?" Tanong pa ni Mom.
"Oh! M! G! Look, Mom..Dad." patiling sabi pa nito at tumayo saka ipinakita kay Mom and Dad ang picture.
Nagkakamot nalang ako ng ulo ko. Nakita kong nalaki ang mga mata ni Mom. Nagulat din si Dad.
Aish!
"What's this, Son?" Gulat na tanong pa ni Dad.
Napatingin silang tatlo sa akin.
"A-ah, it was me and Ashi---"
"Duhh!! Alam namin kuya dahil nakita namin, oh!" Pigil pa ni Drixie sa 'kin sabay irap.
Napakamot nalang ako sa batok ko. Naghihintay si Dad and Mom sa sagot ko.
I was about to talk when Drixie's shout again.
Nabaling sa kaniya ang attention nila Mom and Dad. May ipinakita pa ito na ikina takip ni Mom sa bibig niya sa sobrang gulat.
Ang AO ni Mom hehehe.
Pero honestly..nakakatakot naman talaga 'yon, eh! Ito kasing si panget, nagpaka bayani psh!
Kunting bagal pa ng kilos niya kahapon ay matutuklaw na siya ng ahas tse!
Biglang bumaling sila Mom sa akin. "My God! Big boy! What happened yesterday?" Tanong pa nito.
"Ah, kasi Mom..may naglagay ng ahas..I mean walang nakakaalam kung inilagay ba talaga ang ahas na 'yon sa building namin..paakyat kasi kami no'n at nauna si panget..tapos ayon." Kamot batok na sabi ko.
Hindi sila nagsalita mukhang hinihintay na magpatuloy ako.
"Then?"inip na tanong pa ni Drixie.
"Ayon nga, si panget ang nakakita sa ahas.. hindi niya kami pinaakyat sa floor namin.. nagulat nalang ako ng utusan niya akong ibigay ang sinturon ko..tapos ayon.. hindi namin alam na nakipag bugno na pala soya sa ahas..no'ng marinig naming sumigaw siya ay savay kaming lahat ng mga kasam ko na umakyat. At nagulat kami ng makitang malaking ahas ang kabugno ni panget.. muntik a siyang matuklaw kundi lang siya mabukis na kumilos." Mahabang sabi ko pa at huminga ng malalim." Nang maka tyempo ako tinulungan ko si panget..tinalon ko ang ahas at dinakma ko.. tinulungan namin ni panget na hawakan ang ahas..kaya ayon." Sabi ko pa.
Napasinghap pa sila sa gulat at hindi pagkapaniwala.
"My God! I didn't expect you and Ashi to do that!" Bulalas pa ni Mommy.
"Pero, Nīsan..bakit dalawang ahas ang binanggit dito?" Tanong pa ni Drixie sabay pakita ng phone niya.
"Ah, kasi..matapos no'ng pakikipagbugno do'n sa unang ahas ay may isa pa pala..nasa loob ng classroom namin..si panget ang unang nakaalam at pumasok do'n ng may umiiyak na babae.. pagtingin namin ayon..may isang babaeng kaklase namin na binantayan ng ahas---"
"Oh! God!" Bulalas na naman ni Mom.
"Ayon..si panget nga ang pumasok at iniligtas 'yong babae..iyak lang ng iyak ang babae.. nakipag bugno pa si panget sa ahas bago niya nahuli." Pagtatapos ko.
Napasinghap uli silang tatlo. Humabol pa ako ng hininga dahil sa tuloy tuloy na pagsasalita ko tse!
"God! Wala bang nasaktan sa inyo? How about Ashi? Is she ok, Big boy?" Nag aalalang tanong pa ni Mom.
Tumango nalang ako." Bakit daw ba may ahas do'n son? Pinaimbestiga ba ng lolo mo?" Tanong pa ni Dad.
Tumango ako." Oo, pinatawag niya kaming lahat na nakakita..pero walang nakaalam kung bakit may ahas do'n o kung saan ba 'yon galing." Sagot ko.
Napatango naman sila. "Kaya pala pinauwi ang lahat ng mga students kahapon." Sabi pa ni Drixie.
"Naku! Baka natrauma ang mga students sa SFU..exam pa naman next week." Nag aalalang sabi pa ni Dad.
"Maybe, Dad..will fix this." Sabi pa ni Mommy.
Nagpaalam nalang ako sa kanila na lalabas lang ako. Gusto kong pumunta sa court at mag basketball.
Ang daming nangyayari sa mga huling nakaraang araw lalo na kahapon at kagabi. Kaya gusto ko munang mag relax kahit ngayon lang.
Hawak ang bolang lumabas ako ng bahay at dumeretso sa court ng village namin. Nang makarating ay tumingin pa ako sa paligid at wala namang tao.
Naglaro lang ako ng naglaro ng basketball.. dribble dito shoot doon. Takbo dito takbo doon lang ang ginagawa ko.
Pawis na pawis akong naupo sa bench ng mapagod ako kakalaro. Basang basa na ng pawis ang sandong suot ko.
Matapos makapag pahinga ay naglakad nalang uli ako pabalik sa bahay namin. Naabutan ko pa si Mom na nagluluto ng cup cakes. Si Dad ay may kausap sa Cellphone habang nakaupo sa sala. Si Drixie mukhang nasa kwarto niya. Dumeretso nalang ako sa kwarto ko para maligo uli.
Amoy pawis na ako. Pagkatapos maligo ay saktong kumatok si Mommy sa pinto bago pumasok. May dala siyang isang bowl ng cookies at isang basong Juice.
"Mag snack ka na muna, Big boy." Nakangiting sabi pa niya sabay lapag ng tray sa table ng kwarto ko na malapit lang sa may refrigerator ko.
"Yeah, thanks..Mom." I thank and she nodded and smiled.
She's really gorgeous and loving Mom.
"By the way, if you need something just tell me, ok?"
"Ok."
"Mm.. don't be sad, ok?"
Natawa nalang ako sa sinabi ni Mom.
"No, I'm not." I assured and give her a genuine smile.
Napapalakpak nalang si Mom bago nagwave at lumabas ng kwarto.
Napapailing nalang ako at nagpalit ng damit. Pagkatapos ay kinuha ang phone at naupo sa sofa ng kwarto ko. Inabot ko lang sa table ang tray na may lamang bowl ng cookies at juice.
Habang kumakain ay nag open ako ng account..as usual..marami na namang notification, friend request and messages.
Hindi ko na pinansin pa ang mga 'yon at pumunta lang ako sa messages. Tiningnan ko kung may important message.
Agad kong nakita ang message ni Keith. Naghihintay siyang magsabi ako sa kaniya tungkol sa pagsama namin ni Keart kagabi.
Psh!
Hindi nalang siya nagtanong sa pinsan niya tse!
Nag reply lang ako ng tanungin mo ang pinsan mo..bago tiningnan ang iba pa. Wala naman ng iba pang importante. Nakita ko pa ngang nag message din si Kiana pero di ko na binuksan.
Nag scroll nalang ako hanggang sa makita ko ang profile ni Kyla.
May fb pala ang mga 'to. Pinindot ko at in-add..pati na rin si Xandra at panget. Natatawa pa ako ng makitang hindi niya litrato ang nasa profile niya.
Isang litrato ng cute na cute na aso ang profile niya.
Wala namang masama kung i-add ko sila..nasa kanila na kung i-confirm nila ang isang tulad kong hinahabol ng mga chicks..pero wala naman akong paki sa mga chicks na 'yon tse!
Nang matapos ay nag log out na ako. Kinuha ko ang mga libro ko at mga notes para mag review nalang ulit.
Tse!
******************************
Xandra's Pov.
Hapon pa lang ng sabado ngayon at kakauwi lang no'ng dalawang mga unggoy naming mga kuya kuyahan psh!
Aga aga kasi nilang nambulabog dito kanina. Alam naman nilang ayaw na ayaw ni Ashi ang nambubulabog dito sa bahay namin hehehe..
Katakot pa naman ang lola niyo kapag naasar o nainis.. ano pa kaya kung nagalit. Baka sa Mars pululutin ang sino mang mangahas na mambulabog sa kaniya lalo na kapag tulog siya o kumakain.
Ayos lang sana kung sa pagtulog niya pero kapag kakain siya ay wag mong isturbuhin..baka ma asinta ka ng kutsarita't tinidor psh!
Mas katakot 'yon kesa sa 'kin, eh. Hehehe..pumapangalawa lang ako do'n tsk!
Nandito ako sa loob ng kwarto ko ngayon. Kakapahinga ko palang dahil naglinis ako ng motor ko kanina. May pasok din kasi kami ngayon sa resto bar.
Kayod na naman mga pare koy! Para may ipalamon sa mga alaga sa tyan psh!
Magbihis na lang ako at nag ayos bago lumabas. Nakasalubong ko pa si Ashi sa hagdan. As usual, blanko na naman ang peg ng lola niyo!
Habbit na niyang maging ganiyan tsk! Sumunod nalang ako sa kaniya. Huwag ko nalang kausapin dahil halata namang ayaw na may kausap psh!
For sure! Dahil sa nangyaro kahapon mas tahimik na naman 'yan sa hangin!
Tsk tsk!
Nang makababa ay lumabas si Kyla sa kusina at bihis na bihis na rin siya. Tumingin ito kay Ashi ng naka kunot ang noo.
"Papasol ka sa trabaho?" Tanong pa nito.
Pero di siya pinansin ni Ashi na deretsong lumabas ng bahay. Animoy walang narinig.
See?
Daig pa niyang bato! I mean daig pa niya ang isang babaeng weirdo sa ka imohan hehehe.
"Talk to the air Kyla!" Sabi ko kay Kyla bago kinuha ang susi sa mini table namin sa sala bago sumunod kay Ashi.
Rinig ko pang napabuntong hininga nalang si Kyla. Sa aming tatlo siya ang pinaka maalalahanin, pala salita, pala ngiti, namroroblema sa amin ni Ashi kahit di naman niya problema. Masyado siyang mabait pero wag mo lang galawin ang importanting tao sa sa buhay niya. Medyo mahinhin din siya pero wag ka! Baka sa kabilang dako ka pupulutin hehehe.
Alam din namin ang kahinaan niya. Matalino din at masunurin.
Napapailing nalang ako ng dere-deretsong sumakay si Ashi sa motor niya at pinaharurot paalis. Nagkatinginan pa kami ni Kyla na kakalabas lang din bago nagkibit balikat.
Nagtanguan nalang kami bago sumampa sa motor namin at sabay na umalis ng bahay.
Pagkarating sa resto bar ay agad na kaming nagpark at pumasok sa loob. Pasado alauna palang ng hapon at marami pa ring kumakain. Bukas din ang coffee shop. Ang bar ay mamayang gabi pa bubuksan.
Agad kaming sinalunong ng dalawa habang may takang mga tingin. Paniguradong dahil na naman 'yon sa pinsan kong pinagsakluban ng mundo.
Tsk!
"Oh? Anyare sa lola niyo? Back to cold and blank mood na naman?" Nakataas ang kilay na tanong pa ni Joyce sabay tingin kay Ashi na nakabihis na.
Napapailing nalang ako."kailan pa ba 'yan nagbago ang expression ng mukha? Malamang mas lumala!" Nakataas kilay na sabi ko rin pero inirapan lang nila ako.
"Seriously, katakot ang aura ng isang 'yon. Bakit niyo pa hinayaang pumasok?" Si Mina.
"Hindi nga kami pinansin at kinausap. Pa'no pa namin pipigilan? Alam niyo naman ang isang 'yan." Sabi pa ni Kyla.
"Tch! Sabagay.. ganiyan naman talaga ang lola niyo..sige na! Magsipagkilos na nga kayo!" Pairap na sabi pa ni Mina at tinalikuran kami.
Siniringan ko nalang sila ng tingin bago sumunod kay kyla sa dressing room para magpalit ng damit. Nang matapos ay agad na kaming tumulong sa pag serve sa mga customers.
Ang iba naming kasamahan ay nasa coffee shop. Walang kibo na kumikilos lang si Ashi. Napapailag pa ang ibang customers sa kaniya dahil sa aura nito.
Natawa nga kami ng marinig na gustong palitan ng isang customer ang in-order nito pero tiningnan lang siya ni Ashi at tinalikuran. Napapahiyang kinain nalang ng customer ang na-order niya.
Hanggang dumako ang gabi ay ganon pa rin. Tahimik lang si Ashi at nagbukas na rin kami ng bar. Alas syete pa lang ng gabi ay dumami na ang customers ng bar.
Do'n na rin kami nila Ashi nag serve. Mas marami kasi ang customers sa bar kesa kainan. Bukas pa rin naman ang coffee shop at iilan lang ang customers do'n.
Pabalik balik lang ang mga ginagawa namin. Nakakabingi pa ang malakas na music at ang ibang nagsimula ng sumayaw sa gitna ng dance floor.
Halos hindi na kami makapag pahinga dahil maya't maya dumadating ang mga customers.
May grupo pa ng mga lalaki ang pumasok sa bar at si Ashi ang umasikaso sa kanila. Mukhang maangas pa naman ang nga 'yon.
Nasa anim silang lahat. Halos naka black na damit pa ang mga loko. May nakita pa akong tattoo sa ibabang banda ng batok nila. Nakikita ko 'yon kasi medyo nakalihis ang manggas sa leeg ng damit no'ng isa. 'yong iba naman ay mga naka t-shirt na black at bahagyang kita ang tattoo.
Inalis ko nalang ang tingin ko sa kanila at nag serve sa last na customer na pumasok.
Nasa counter si Kyla na siyang naglalagay ng mga order sa tray.
"Ang angas ng mga 'yon, ahh!" Sabi pa ni Kyla na sandaling tumingin sa gawi no'ng mga lalaki.
"Psh! Yaan na natin..wala pa naman sa mood 'yong isa. Bantayan nalang natin." Mahinang sabi ko sa kaniya.
Sumandal ako sa counter at pasimpleng tumingin sa table ng mga maangas. Kaswal na na kinukuha ni Ashi ang mga order nila.
Ngingisi ngisi pa ang iba habang nakatingin kay Ashi.
Ah-huh!
Wag lang silang magkamali nakuh! Wala pa naman sa mood ang pinsan kong hot ang ulo!
Psh!
Nakita kong nagsalita 'yong isang lalaki na nakangisi pero tiningnan lang siya ni Ashi bago kaswal na nagpaalam at tinalikuran sila. Blankong imilapag pa nito ang list sa counter.
"Anong meron sa mga 'yon?" Tanong ko.
"Baliw." Maikling sabi nito.
"Naku! Wag mo nalang silang pansinin, Ash. Mukhang maangas, eh!" Sabi pa ni Kyla.
"Tsk! Wala sa kalahati ko!" Blankong sabi nito.
See?
Ang yabang ng pinsan ko! Ewan ko lang kung saan nagmana 'to.
Psh! Buti pa ako hindi.
"Sus! Wala sa kalingkingan ko ang mga 'yon." Maangas na sabi ko.
Napatingin silang dalawa sa akin at tinaasan ako ng kilay.
Abah!
"Naku! Wag mong angatan sa kayabangan si Ashi. Mainit pa naman ang ulo ng lola mo!" Naninitang sabi pa ni Kyla.
Inirapan ko na lang siya. Hindi naman ako mayabang, diba?
Slight lang hehehe.
Sus!
Hindi na nila ako pinansin at tinulungan ko nalang si Ashi na dalhin ang order ng mga iyon.
Sa dami ba naman psh! Ngingisi ngisi lang sila habang nakatingin sa amin ang iba. Ang iba naman nasa chicks ang mga tingin.
Abah!
Naghahanap ata ng mga kalaguyo ang mga unggoy!
Tsk!
Kaswal na inilapag lang namin ni Ashi ang mga order nila.
"Here's your order guys..enjoy your drinks." Kaswal na sabi ko pa.
Nang matapang s ay napaangat ako ng tingin ng maramdaman ang mga tingin nila. Gusto ko sanang umirap perp pinigilan ko.
Pa'no ba naman..mga lintik! Nakangisi na parang mga ulol!
Nahuli ko pa 'yong isa na tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Tapos naka smirk pa.
Ew!
Mukha siyang adik! Duhh!
hindi nalang namin sila pinansin.
"May idagdag pa kayo?" Kaswal na tanong ni Ashi.
Ngumisi 'yong isa sa kanila bago kinagat ang labi na parang adik!
Yuck!
"Meron, sa gwapo at hot namin hindi pwedeng wala kaming ka table na magaganda at sexing mga babae." Manyakis na sabi pa nito na tiningnan pa ako.
Lihim na napairap nalang ako. Ang sarap manapak ngayon, eh!
Lalo na kapag tulad nilang mukhang mga adik. Mga unggoy pa ang mga mukha psh!
At ano saw? Sila mga gwapo at hot? Abah! Wala naman akong nakikita ahh! Puro mukha ng mga unggoy at halimaw ang nakita ko nakuh!
Hanep din sa bilib sa sarili.
"yon lang ba? Pwede kayong lumapit sa mga babaeng gustong makipag table sa inyo. Ayon, oh! Ang dami." Kaswal na sabi pa ni Ashi.
Parang nainip na siya ahh..sabagay, wala namang kwenta ang sinabi ng isang 'yon!
Hindi nalang maghanap ng kaniya psh!
"Ah, yeah. Can you ask them to join us here?" Nakangising sabi pa no'ng isa.
Abah!
Ano siya? Sinuswerte? At isang Ashi pa talaga ang inutusan niya? Abah! Loko to, ah!
Kita kong kumunot ang noo ni Ashi. Bumuntong hininga pa ito bago tumalikod para lapitan 'yong mga babaeng nakatingin sa gawi ng mga 'to.
Hindi pa man nakakalapit si Aahi sa table ng mga babae ng magsalita uli ang unggoy.
"Oh! Wag na pala..come back here." Nakangising sabi pa nito.
Napakuyom ang kamao ko. Loko to, ahh! Ginagawa niyang utusan ang pinsan ko! Paktay kang unggoy ka! Mali ka ng pinaglalaruan.
Walang nagawa si Ashi kundi ant bumalik na kaswal pa rin ang mukha. Mukhang nagpapasensiya pa siya!
"Oh? Bakit pinigilan mo? Dude, gusto ko ng may kahalikan! To naman, oh!" Angil pa no'ng isa!
Sapakain kaya kita! Ng makita mo! Hindi ka naman kimay at putol ang paa! Kung ikaw nalang kaya ang lumapit sa nga iyon!
Hindi ko pinahalatang nainis ako. Tiningnan ko si Ashi nakatingin lang ito sa mesa nila.
"Tch! Maghintay ka! Tumayo ka na lang at humila ng gusto mo do'n." Sabi pa no'ng isa. Kaya tumayo ito at ngingising lumapit sa dalawang babae.
"Wala na kayong kailangan? Maiiwan na namin kayo." Sabi pa ni Ashi at tiningnan ako bago tumalikod.
Akmang aalis na rin ako ng magsalita na naman 'yong hinayupak na nag utos kay Ashi kanina.
"Wait! Can I barrow you beautiful girl?" Nakangising sabi pa nito na sa akin nakatingin.
Ano daw? Ako hihiramin niya? Ano ako bagay na pwedeng hiramin?
Gago to ah!
"Nope! I'm not a things for you to barrow me." Gusto ko sanang umirap pero hindi ko nalang ginawa.
Mahirap na mukhang mga loko pa naman ang mga to. Ayos lang sana kong sa kalye kaso nasa loob sila ng teretoryo namin.
Ayaw kong magkalat dito psh!
Tinalikuran ko na siya at nakahinto pala si Ashi.
Kita ko pang tumiim ang bagang niya bago naunang naglakad. Ganiyan 'yan kapag may mambastos sa amin. Huwag lang talaga silang hawakan kami.
Kundi baka makimay pa sila psh!
"Abah! Pakipot ka rin, eh,'no? Alam kong gusto mo rin kaming ka table..halika ka ng matikman mo ang langit." Halatang nakangising sabi uli no'ng lalaki.
Biglang dumilim ang paningin ko at nagpantig ang tenga ko dahil sa sinabi niya. Napahinto rin si Ashi.
Kumuyom ang kamao ko at maangas na humarap sa kanila. Nakangisi ang mga gago habang nakatingin sa akin.
Sumama ang tingin ko pero pinigilan ko pa. Pasalamat sila at marunong akong nagpapasensiya!
"Humanap ka na lang ng iba..dahil hindi ka-table ang trabaho ko. What's your word mister!" Tiim ang bagang na sabi ko pa bago sila tinalikuran.
Mga gago! Ako papatol aa mga tulad nila? Abah! Walang wala nga sila kay piolo pascual, eh!
Tsk tsk!
Pinaka ayaw namin sa lahat iyonf binabastos kami! Lalo na kapah nasa teretoryo namin. Pasalamat sila atayaw kong magkalat dito!
Badtrip na lumapit ako sa counter at naupo sa isang stool na katabi ni Ashi. Blankong naka cross arm lang ito habang nakasandal pa sa counter.
Tinukod ko ang siko ko sa counter at masamang tumanaw do'n sa mga unggoy na nagtawanan habang panay ang sulyap sa gawi namin. Tsk!
"Mga gago ang mga 'yon, ah!" Mahinang bulong ko pa.
Alam kong narinug 'yon ni Ashi. " Yaan mo na." Maikling sabi pa ni Ashi.
"Tsk! Mga gago, eh! Abah! Anong tingin ng unggoy na 'yon sa akin? Mababa ang lipad? Psh! Sapakin ko kaya ng malaman niya!" Inis na sabi ko pa at mas masamang pinukulan ng tingin ang mga unggoy na iyon.
Ngayon lang ata may bumastos sa 'kin! Tsk!
"Tsk! Kunting pasensiya..kapag umulit balian mo ng buto ng di na maka ulit." Blankong sabi pa ni Ashi.
Bumuntong hininga nalang ako at hindi na kumibo. Imbis siya 'ying mas mainit ang ulo ako pa ang badtrip sa mga unggoy na iyon.
Tsk!
Hanggang sa naging busy na ulit kami..hindi na kami ni Ashi ang umasikaso sa mga unggoy na iyon. Sila John at Steven nalang ang nagserve sa kanila.
Pagod na pagod na din ako kaka serve. Lintik naman kasi! Kundi kami kakayod walang panlaman ng tiyan namin!
Hindi naman kami bago sa mga ganito. Kasi kahit nasa puder pa kami ng mga magulang namin ay kusa na kaming kikilos para matuto.
Sadyang ngayon lang kami naging dependent para buhayin namin ang mga sarili namin. Tama si Ashi.. kailangan din naming tumayo sa sariling paa..hindi 'yon lagi nalang umaasa sa nga magulang.
'yon ang natutunan namin ni Kyla kay Ashi. Kaya nga sumama kami sa kaniya kasi alam naming kaya naming tatlo ang mamuhay ng kami kami lang.
Malaki rin ang tiwala at respeto namin kay Ashi..dahil kahit ganiyan ang ugali niyan..hindi pa rin niya kami pinapabayaan ni Kyla.
Kumbaga, siya ang ate sa amin kahit pa magka edad lang kami nila Kyla ang pinaka bata sa amin pero sa buwan lang naman.
We become a dependent and responsible because of Ashi. She always reminds us to be thoughtful, wise, patient and responsible.
Nakakatuwang isipin na para siyang magulang namin kong mag isip. Kaya hindi kami nag aalinlangang sumunod at magtiwala sa kaniya.
We know her that much para sumama sa kaniya. She's the best and smart to be with.
Kaya niyang lagpasan at lusutan ang lahat ng problema sa sarili niyang paraan. Pero hindi sa lahat ng oras ay aasa lang kami sa kaniya. Dahil alam naming kailangan niya ng tatulong sa nga bagay bagay.
We witness how she get ups and downs. Sa murang mga edad ay kaya niyang maging isang matured pa sa mga matatanda. Kaya niyang basahin at alamin ang laman ng isip at kilos mo. Bagay na hinahangaan din namin sa kaniya.
Pero may kahinaan din siya.
Kaya this time.. naiintindihan namin siya kong bakit ganiyan siya matapos ang tagpong iyon kahapon.
Kanina pa kasi siya na parang lutang.mkagut halatang pagod siya mukhang hindi niya iyon iniinda. Hinayaan nalang namin siya. Alam naman naming sasabihin din niya sa amin kapag gusto na niyang ipaalam ang nga iniisip niya.
Hanggang sa matapos kaming lahat. Pasado alas dos ng madaling araw na kami nakauwi..nag over time kami dahil hindi kami nag du-duty bukas.
Exam na sa monday kaya kahut tappos ng mag review ay dapat mag relax kami para hindi kami ma mental black kapag oras ng exam.
Pagdating sa bahay ay dumeretso na si Ashi sa kwarto niya. Gano'n na din si Kyla kaya iyon na din ang ginawa ko. Tutal inaantok na kasi ako kanina pa.
Parang hinihila na ako ng malambot kong kama. Nagpalit lang ako bf damit bago pavagsak na humiga sa kama ko.
Nag iisip pa ako habang nakatingin sa kisame hanggang sa makatulog ako.
To be continued!!
A/N: hello mga readers hope you enjoy reading and please support me guyzzz in this story.
Hope you like this chap!!
Don't forget to Vote, comment and Follow!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top