Chapter 110 "confrontation 1"

A/N: hello guys hope you enjoy reading.

Expecting some wrong grammars and typos here.

Don't forget to Vote, comment and Follow!

____________________________________

Drixon's Pov.

Natahimik kaming lahat habang nakatingin kela Ashi at sa ex niyang nakayakap sa kaniya. Hindi kami nakaimik o gumawa ng ingay. Kahit pa ang mga kaibigan ko at sila Xandra at Kyla ay nagulat sa pag sulpot at pagyakap ni Debbien. Hindi sila nakapagsalitang nakatingin sa dalawa.

Nakatingin lang ako sa dalawa at hindi ko man lang magawang gumalaw sa kinatatayuan ko kong saan nag usap kami ni panget kanina. Para akong natuod sa kinatatayuan ko dahil sa nakita ko. Ang mahigpit na yakap ni Debbien ang nakapag patigil sa 'kin. May kong ano sa sistema ko na hindi ko naintindihan. At gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa hindi maintindihan na dahilan.

Para akong pinako at hindi makagawa ng anong mang galaw sa kinatatayuan ko. Walang kurap na nakatingin lang ako sa dalawa.

Nakita ko kong paano natigilan si panget sa ginawang pagyakap ni Debbien. Ang pagkatuod at hindi makagalaw sa kinatatayuan niya ay nakita ko. Halos lahat ng reactions nito ay nakita ko mismo.

Nakatagilid sila sa gawi ko kaya nakikita ko ang mgagiging reaction ni panget. Ay lahat ng reactions niya ay kitangkita ko. Ramdam ko ang pagsalubong ng kilay ko habang nakatingin sa kanila. Nakita ko kong paano nanlumo si panget lalong nagsalubong ang kilay ko sa hindi malaman na dahilan.

"Deb."

Rinig kong mahinang bigkas ni panget sa pangalan niya. Sa paraan ng pagkakabigkas niya ay parang ngayon ko lang narinig 'yon.

Hindi ko malaman kong malambing o husky ang boses na pagkakasabi niya.masyadong masarap sa tenga ang parang mahinhin na bigkas niya sa pangalan ng dating nobyo.

"Ash."

Bigkas din ni Deb sa pangalan niya. Tulad ng kay panget ay parang maingat at malambing ang boses nito kahit pa batid ang lungkot sa boses nito.

Nanatiling nakayap patalikod si Deb kay panget. May kung inis akong nararamdaman sa nakita ko.

"I miss you, love."

Pero mas nainis at natigilan ako sa sunod na narinig ko. Awtomatikong napako ang tingin ko sa kanila habang nagpantig ang tenga ko.

Fvck!?

Kita ko kong paano napapikit si panget matapos marinig ang sinabi ni Deb. Para bang hindi niya inasahan na marinig ang sinabi ni Deb. Mas lalong nakita ko kong paano nagka emosyon ang mukha niya. Hindi ako malayo sa pwesto nila kaya nakikita ko iyon.

"Deb."

Shit!

Ayon na naman ang mahinhin na tawag niya kay Deb. Parang hirap din siyang bigkasin iyon. Nakita ko pa ang pag awang ng labi niya at ang paglapat nito na animo'y pinipigilan ang emosyon niya.

"I really miss you, Love. I badly miss you."

Sabi pa uli ni Deb na ikinapanlumo ni panget. Nakita ko pa ang namuong luha sa gilid ng mata niya. Napakuyom ang kamao ko habang nakatingin sa kanila.

Hindi ko man lang magawang kumurap. Na para bang gusto kong mkita lahat ng reactions ni panget.

Hindi ko man lang alintana na may mga kasama pa kami. Sadyang napako lang ang tingin ko sa kanilang dalawa.

Nakita ko ang dahan dahan na pagbitaw ni Deb sa yakap at hinawakan sa balikat si panget at dahan dahang hinarap sa kaniya.

Nagtama ang mga mata nila habang nakita ko ang lungkot sa mukha ni Deb. Nakita ko ang mga emosyon niya na isa isang lumabas sa mukha at mata nito. Napatingin ako kay panget nakita ko ang kislap sa mata niya dahil sa namuong luha niya. Kita ko ang lungkot at sakit sa mga mata niya habang titig na titig siya kay Deb.

Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko sa paraan ng pagkakatitig nila sa isa't isa.

"Love."

Sabi pa ni Deb habang nakatingin sa mga mata ni panget. Halo halo ang emosyon sa mukha ni Deb. Magkahalong lungkot, tuwa, sakit, saya, panghihinayang, pangungulila, pagsisi at higit sa lahat ang pagkasabik na makita ang kaharap.

Kay panget uli napako ang tingin ko. Halo halo ang emosyon na nakita ko sa mga mata kahit pa unti unti naging blanko ang mukha nito.

Pero nando'n parin ang namumuong luha sa mata at matinding pagpipigil na pumatak ang luha niya.

May kong anong awa akong naramadaman kay panget.

Napayuko ako habang unti unting nawala ang pagsalubong ng mga kilay ko. Hindi ko kayang makita ang emosyon sa mukha niya. Kung kanina ay parang gusto kong makita ang bawat emosyon sa mukha niya, ngayon ay di ko kaya.

Napabuntong hininga ako ng malalim at napa angat lang ang tingin ko ng magsalita si panget.

"Why are you here?" Tanong pa ni panget. Nakita kong nagbago na ang emosyon sa mukha niya. Nabitawan na siya ni Deb sa balikat.

Tuluyan ng naging blanko ang mukha niya. Nawala na rin ang namuong luha sa mata niya. Deretsong nakatingin ito kay Deb na ngayon ay nakatulala na at nakaawang ang bibig bago nagbaba ng tingin.

Nagbuntong hininga pa si Deb bago malungkot na tumingin ng deretso sa mga mata ni panget. Parang nakikiusap ang mga mata niyang malungkot.

"Hindi mo ba ako na miss?" Malungkot na tanong nito na ikinabagsak ng balikat ni panget.

Kunwaring natawa ito sa sinabi ni Deb. Napahawak pa ito sa hawak niya habang sarkastikong tumawa na nakahawak sa noo ang isa pang kamay habang nakatingin sa ibang dereksiyon.

Natahimik si Deb at hindi naka imik.

"'yon pa talaga ang sagot mo sa tanong ko? Nang sagutin ng panibagong tanong? Nag iisip ka pa ba?" Sarkastikong tanong ni panget sa kaniya.

Lumaylay ang balikat ni Deb habang hindi naka imik. Nagbaba siya ng tingin.

"Love."

"Stop calling me like that!" Seryusong sabi pa ni panget.

Lalong bumagsak ang mga balikat ni Deb at nag mamakaawang tumingin sa kaniya.

"Anong ginagawa mo dito?" Seryusong tanong pa uli ni panget sa kaniya.

Malungkot na nag angat siya ng tingin kay panget bago nagsalita.

"I want to talk to you." Nakikiusap na sabi nito. Parang 'yon nalang ang tangi niyang magawa. Ang maki usap sa kaharap niyang naging blanko na uli.

Blankong tiningnan siya ni panget. Seryuso at walang bahid ng kong ano.

Napapailing ito na animo'y ayaw niyang makipag usap sa lalaki. Nanlumo at nagbaba ng tingin si Deb. Para bang wala na siyang lakas.

Nakaramdam ako ng kunting awa sa kaniya. Pero sa pag kakaalam ko base na sinabi ni panget sa 'kin ay siya ang may kasalanan. Kaya nararapat lang 'yon sa kaniya.

"There's nothing to talk anymore." Napapailing na sabi ni panget bago tumalikod.

Lalong nanlumo si Deb sa pagtalikod ni panget sa kaniya.

"Love." Tawag nito pero hindi siya pinansin ni Panget.

Ngunit napatigil si panget at muling humarap.

"How did you know that I study here?" Blankong tanong pa nito.

Umayos ng tayo si Deb at malungkot at nag aalalang tumingin kay panget.

Animo'y ngayon lang niya naalala kong bakit siya nag aalala dito. Tiningnan niya pa ang lumapit siya kay panget at tiningnan ang kabuuan nito. Napahinga siya ng malalim ng makitang wala siyang nakitang kong ano man ang ipag aalala niya lalo.

"Nalaman ko ang nangyari kanina. Ang ginawa mo sa ahas. Nakita ko sa Facebook at do'n ko nalaman na dito ka pala nag aral." Parang nabuhayan ng pag asang sabi niya.

Naging maingat pa siya sa mga dapat sabihin niya na hindi siya dapat magkamali. Blanko at kunot noo lang siyang tiningnan ni panget.

"Tsk!" Singhal ni panget at akmang tatalikod ng pigilan siya ni Deb sa braso. Humarap si panget at tiningnan ang brasong hawak ni Deb bago nag angat ng tingin sa lalaki.

"Get off your hand."

Blankong utos nito. Agad na napabitaw si Deb at nag makaawang tumingin sa kaniya.

"Please, let's talk." Pakiusap pa nito. Halo halo na naman ang emosyon sa mukha niya.

"There's nothing to talk anymore, Deb." Seryusong sabi ni panget sa kaniya.

Nanlumo uli ang lalaki pero nanatiling nakikiusap na nakatingin kay panget.

"No. there's a lot we need to talk. Alam kong alam mo 'yon. Please, love." Nag nagmakaawang sabi nito at sinubukang hawakan ang kamay ni panget ngumit mabilis na iniwas ni panget ang braso niya.

"Stop calling me like that! We're not like what we are before. Umalis ka na." Seryusong sabi ni panget at tinalikuran siya.

Pero napasinghap kami ng mabilis na niyakap siya ng mahigpit ni Deb dahilan para mapatigil siya. Kumuyom ang kamao ko at hindi alintana ang lihim na talim na tingin ko kay Deb.

Nana nantsing ang loko!

"Bitaw!"

Mariing utos ni panget pero hindi nakinig ang lalaki. Nanatiling nakayakap ito ng mahigpit sa kaniya.

"Ash, please. Lets talk, there's a lot we need to talk. Please, kahit ngayon lang please." Nag makakaawang sabi pa nito at batid kong umiiyak na ito dahil sa basag na boses niya.

Natigilan si panget ng marinig ang hikbi nito. Kusang umalis si panget sa pagkakayakap ni Deb kahit pa ayaw pa nitong bitawan ang babae.

Nakita ko ang pagtulo ng luha ni Deb habang nakatingin sa likod ni panget. Dahan dahang humarap si panget sa kaniya at nagulat ako sa nakitang pamumuo ng luha ni panget.

Salubong ang kilay niyang deretsong nakatingin sa lalaki.

"Hindi ka ba maka intindi? Wala na tayong dapat na pag usapan pa!" Pigil ang galit na sigaw ni panget na ikinayuko ni Deb. Patuloy sa pagtulo ang luha niya.

Nagulat naman ako sa pag sigaw ni panget. Nasapo pa niya ang noo niya at nakapamaywang ang isang kamay habang tumingin sa ibang dereksiyon.

Napapikit pa ito." No. Kailangan nating mag usap, Ash! Marami pa akong gustong malaman at itanong sa'yo. There's a lot to talk, Ash. There's a lot to talk about." Basag ang boses na giit ni Deb. Nag mamakawa ang tinig niya.

Napapikit sa inis si panget bago nagsalita."about what!?" Galit at inis na tanong ni panget.

Deretsong tiningnan siya ni Deb sa mata."about us." Deretsong sagot nito habang pigil ang luha.

Natigilan si panget at sarkastikong tumawa. 'yong tawa na nakakapang iinsulto. Napapailing na napahawak pa siya sa baba niya.

"Ha!" Kunwaring natawa si panget."about what? Us? Are you out of your mind? Nagka amnesia ka ba?" Pabalang na tanong ni panget.

Napayuko sa hiya si Deb habang nagpupunas ng luha.

"Please, Ash----"

"No!" Pigil ni panget sa kaniya." Wala na tayong dapat pag usapan pa! Tang inis!" Galit na sabi pa nito. " Matagal ng tapos ang lahat kaya wala ng dahilan para mag usap pa tayo!" Mariing sabi ni panget.

Ngunit umiling lang ng umiling si Deb.

"Hindi pa tapos ang lahat, Ash. Hindi pa." Mariin na sabi din ni Deb habang malungkot pa rin ang mga matang nakatingin sa kaniya.

"Fvck you!? Ang kapal ng mukha mong sabihin 'yan sa harap ng pinsan ko!? At iparinig sa 'kin--sa'min!?" Galit ba sigaw ni Xandra.

Gulat na napatingin ako sa kaniya at gano'n din ang mga kaibigan ko. Pati si Bella ay nagulat din. Ngayon ko lang napansin na kami kami nalang ang nandito. Nakauwi na pala si Stella at Theresa.

Akmang susugurin ni Xandra si Deb na ngayon ay nakayuko ngunit agad siyang pinigilan ni Kyla. Sininyasan din siya ni panget na huwag ng lumapit.

Blanko at seryusong tumingin si panget kay Deb. Kahit pa blanko at seryuso ang mukha ni panget ay nababasa at nakikita ko parin ang lungkot at sakit sa mga mata niya.

Ngayon ko lang nagawang basahin o kakitaan ng emosyon ang mata niya kahit pa blanko at seryuso.

"Anong sabi mo? Hindi pa tapos ang lahat? Ha!" Sarkastikong tumawa si panget. Pero nahahalata ang pait sa boses niya."papaano mong nasabing hindi pa tapos ang lahat?" Seryusong tanong ni panget.

"Dahil hindi naging malinaw at hindi tayo nag kausap para masabi mong tapos na ang lahat." Basag ang boses pero seryusong sagot ni Deb.

*Pakkk!!!

Nagulat kami ng sampalin ng pagkalakas lakas ni panget sa pisnge si Deb. Napasinghap kami at napaiwas ng tingin. Nakita ko pa kung paano napaatras at tumabingi ang ulo ni Deb sa lakas ng sampal ni panget.

Halata ang panggigigil sa mukha at kamay ni panget.

"Alam mo? Umalis ka nalang baka hindi ako makapag pigil at masaktan pa kita lalo!?" Nagtitimping sabi ni panget. Bakas ang galit at panggigigil sa kaniya.

Bumagasak ang luhang nag angat ng tingin si Deb kay panget.

"Saktan mo na lang ako hanggat saan ang kaya mo..hindi parin ako aalis dito hanggat hindi kita nakakausap." Basag ang boses at humihikbing sabi ni Deb.

Naiwas nalang ako ng tingin at nagtama ang mata namin ni Keart. Bakas ang pag alala sa mukha nito. Napaiwas ako ng tingin at nakita kong gano'n din ang iba. Maliban kay Xandra na parang nanlilisik ang mata sa galit.

Natigilan ako at napaisip. Gano'n nalang ba katindi ang napagdaanan ni panget ang sakit para ganiyan nalang ang galit ni Xandra sa ex ng pinsan niya?

Siguro nga. Masakit nga ang ginawa ni Trixie sa 'kin noon na hindi ko pa siya girlfriend at nanliligaw palang pero niloko ako. Si Panget pa kaya na nobyo mismo ang nang iwan at nagbigay ng matinding sakit kay panget. Kahit pa kunti lang ang kwenento ni panget sa 'kin ay alam kong masakit talaga ang ginawa ni Deb. Ramdam ko nga ang sakit no'ng sabihin niya 'yon sa 'kin sa Archery club.

"Samantalang ako."sabi pa niya at mapait ulit na ngumiti." Samantalang ako ay iniwan sa ere kong saan mas kailangan ko siya. Kong saan siya ang kelangan ko para damayan ako. Akala ko hindi niya ako iiwan. Akala ko..siya ang masasandalan ko sa lahat ng problema ko. Akala ko naiintindihan niya ako sa sitwasyon ko. Akala ko..buong puso niyang tanggap at naiintindihan ang kalagayan ko. Akala ko..akala ko dahil mahal niya ako ng higit pa sa inaasahan ko ay hindi niya ako magawang iwan."mapait itong ngumiti habang nakatingin Parin sa labas."pero lahat ng yon ay akala ko lang pala..ang masakit ay mali pala ang lahat ng akala ko."

Nakaramdam ako ng awa kay panget ng maalala ang sinabi niya sa 'kin no'n. Alam kong nasasaktan si panget. Ramdam ko kahit di niya ipakita o sabihin.

Natinag lang ako sa pag iisip ng biglang may sasakyang bagong dating. Napatingin kami sa kotse maliban kay panget at Deb na hindi man lang lumingon. Nakatutok sila sa isa't isa.

Tiningnan ko maski ang pagbukas ng pinto ng kotse at paglabas ng babae. Gano'n nalang ang gulat ko ng makita kong sino ang lumabas ng kotse.

Parang nagmamadali ito at bakas ang pag aalala sa mukha niya. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan habang nakatitig sa babaeng kakababa lang ng kotse.

Bigla itong lumingon sa gawi nila panget. Nakita kong nagulat siya ng makita ang dalawa. Napaiwas ito ng tingin at saktong sa 'kin dumapo ang tingin niya. Gano'n nalang din ang gulat niya ng makita ako.

Bahagyang napaawang pa ang labi nito habang nakatingin sa 'kin.

Para akong binuhusan ng tubig. Natuod ako sa kinatatayuan ko at hindi naka galaw.

Trixie.

"D-drix." Utal na bigkas niya sa pangalan ko.

Napaiwas ako ng tingin at saktong kay panget tumama ang mata ko. Nakakunot ang noo niyang nakatingin sa 'kin bago tumingin kay Trixie.

Pero gano'n nalang ang gulat at pagkuyom ng kamao ko ng makita ang pait at sakit habang nakatingin siya kay Trixie.

Kita kong napaiwas ng tingin si Trixie sa kaniya.

What the hell!

Anong ibigsabihin nito? Napatingin ako kay Deb bago tumingin kay panget saka bumaling kay Trixie na nakatingin na kay Deb. Habang si Deb ay nakatitig kay panget.

What the heck!? What's the meaning of this?

"What the hell!" Mahinang bulalas ko halatang narinig naman nila.

Napatingin uli ako kay Trixie na nakatingin pa rin kay Deb. Tiningnan ko si Deb na nakatingin kay panget habang pigil ang luha at kitang kita ang lahat ng emosyon sa mukha niya. Lalo na ng makita niya ang sakit at pait sa mata ni panget habang nakatingin kay Trixie.

Nagpabalik balik ang tingin ko sa kanilang tatlo.

"This can't be!" Wala sa sariling bulalas ko.

Hindi man lang nila ako nilingon at tahimik na nakatingin sila sa isa't isa. Ramdam ko ang tension na namagitan sa'ming lahat. Kahit pa ang mga kaibigan ko ay alam kong ramdam na rin ang tension.

"T-trixie? W-what are you doing here?" Halos kapusin sa hiningang tanong ko.

Kahit pa may clue na ako kong bakit siya nandito. Sadyang hindi ko mapigilan ang sariling magtanong. Naguguluhan at nalilito pa rin ako sa mga nakikita ko.

Hindi ko alam o maintindihan ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to.

Para akong naparalisa at hindi makagalaw habang nakatingin kay Trixie na kay Deb pa rin ang tingin.

"Shit!" Rinig kong bulalas pa ni Keart. Parang nahinuha na niya ang pagpunta ni Trixie dito.

This can't be!

Hindi sumagot si Trixie at napayuko nalang ito. Magkahawak na ang mga kamay niya at panay ang kutkot no'n.

Napaawang ang labi ko na animo'y nakapusan ng hangin. Napapailing pa ako ng ilang beses.

Parang nanumbalik ang sakit na nararamdaman ko no'ng mga panahong nalaman kong niloko at ginawa niya lang pala akong tanga.

"Siya ba?"mapait na tanong ko kay Trixie habang tinuro si Deb. " siya ba ang dahilan para lokohin at gawin mo akong tanga noon?" Nanlulumong tanong ko pero umaasa akong hindi siya. Kahit pa masyado ng halata.

Hindi nagsalita si Trixie. At ramdam ko ang nalilitong tingin ni panget at ng mga kaibigan niya sa 'kin at kay Trixie.

Napahilamos ako sa mukha ko saka tinuro uli si Deb.

"Answer me! Damn it! Is he the reason why you make me like a stupid guy? who always courting and hoping that you will say yes to me!" Nasasaktang sabi ko. Ramdam ko ang pamumuo ng luha ko. " I'm always hoping that one day, one day you will sa yes to me. That you will allow me to be your boyfriend!" Nanlulumo at nasasaktang sabi ko pa. Nakapameywang ang isang kamay ko habang naka hawak sa noo ko at umawang pa ang labi ko para bang kinakapos ako ng hangin.

Akala ko ayos na ako. Akala ko naka move on na ako sa kaniya. Akala ko walang wala na siya parasa 'kin. Akala ko hindi na ako maapektuhan kapag nakita siya. Makita siya at ang lalaking dahilan ng panloloko niya sa 'kin. Akala ko nakalimutan ko na ang lahat ng sakit na dulot niya sa 'kin. Pero hindi pala..tulad ni panget. Akala ko lang pala ang lahat ng 'yon.

Napahilamos uli ako sa mukha at tumingala sa langit. Papadilim na rin at tanging kami nalang ang nandito.

Pero ng bumaling ako sa gilid ko ay nakita ko si Liam at Kiana. Nagtataka silang napatingin sa'ming lahat.

Hindi ko sila pinansin at bumaling uli kay Trixie.

"Silence means yes." Tatango tangong sabi ko pa ng hindi pa rin nagsalita si Trixie.

Nakayuko pa rin ito at panay ang kutkot sa kamay. Parang di siya mapakali at kinakabahan.

"Oh! My God!" Rinig ko pang bulalas si Bella. Alam kong nagulat din siya.

Nakagat ko ang labi ko at pinigilang pumatak ang luha ko.

Tahimik lang sila panget at ang lahat. Tanging ako lang ang nagsasalita.

Nakatuwang isipin na si panget at Deb ang may eksena kanina. Tapos ngayon ay ako naman.

Napapailing ako at pumikit bago nagmulat.

"All this time. All this time ay siya pala ang pinili mo. Pero, ayos lang sana 'yon, eh. Maiintindihan ko naman sana ngunit ang hindi ko matanggap.." huminto ako at kinagat ang labi ko para huwag pumatak ang luha kong gusto ng pumatak." 'yong pinagmukha mo parin akong tanga..Ginawa mo lang akong tanga..alam mo kong ano 'yong masakit?" Mapait na ngiting tanong ko habang nakatingin kay Trixie. Nakatingin na siya sa 'kin at kita ko ang pagkislap ng mata niya. Nagbabadyang ang luha niya.

Napapikit ako ng mariin. Nakatuwang isipin na hanggang ngayon ay hindi ko kayang makitang may luha sa mata niya. Ingat na ingat ako sa kaniya noon. At hanggang ngayon pala ay hindi ko maiwasang maramdaman iyon para sa kaniya. Pinunasan ko ang taksil kong luha natuluyan ng pumatak.

Humikbi siya."D-drix." Bigkas pa niya sa pangalan ko. Napapikit ako.

"Alam mo kong ano 'yong masakit? 'yong hindi mo man lang sinabi sa 'kin na meron ka na palang nobyo. Para sana ay tumigil ako kaka suyo sa'yo. Para sana, tumigil ako sa patuloy na uma-asang maghihintay lang ako dahil alam kong sasagutin mo din ako sa tamang panahon. Na makuha at marinig ko rin sa tamang panahon ang matamis mong, Oo." Tuloy sa pagpatak ang luhang sabi ko. Halos mabasag pa ang boses ko.

"D-drix"

Marahas na pinunasan ko ang luha ko at deretsong tumingin sa kaniya.

"Alam mo bang ang matamis mong, Oo, ang lagi kong hinahangad noon? Kahit pa minsan naiisip ko kong makukuha ko pa ba ang matamis mong, Oo. Kung may pag asa pa ba akong maging boyfriend mo. At ang mas masakit pa ay 'yong akala mong mahal ka ng taong mahal mo. Wala nang mas masakit pa para sa 'kin sa ginawa mo. Alam mo bang nalugmok din ako? Psh! Malamang hindi." Kunwaring natatawang sabi ko pa.

Tumalikod pa ako para punasan ang luha ko. Dahilan para makita ko si Kiana na nakayuko na. Si Liam na cool na nakatayo pero seryuso at blanko ang mukha.

"Drix."

"Oh! C'mon! You lost your word? Psh!" Mapait na tumawa ako. Ramdam ko ang lungkot ng mga kaibigan ko. Ramdam ko ang awa nila sa 'kin. Lalo na ang pag aalala. Dahil sila ang nakakaalam sa lahat ng nadaanan ko noon. " Wala ka bang ibang bigkasin kundi ang pangalan ko? Ha! Sabagay, gano'n naman talaga lagi, eh. Kapag kinompronta ka ay wala kang masabi. Walang ibang lalabas sa bibig mo. Pero no'ng nga panahon na niloko mo ako ay andami ng sinasabi mong kasinungalingan para lokohin lang ako." Nakakainsultong sabi ko habang nakatingin kay Trixie.

Kita ko ang panlilisik sa mga mata niya. Natawa ako. Siya pa may ganang magalit psh!

"Tumigil ka! Wala kang alam!" Humihikbing sigaw niya sa 'kin.

Napaawang ang labi ko at sarkastikong tumawa. Nakatingin lang sa'min ang mga kasamahan namin. Kahit si panget ay ramdam kong nakatingin siya sa'kin.

Mapait na ngumiti ako. Wala ng kasing sakit sa nararamdaman ki ngayon.

"Wala akong alam!" Tatangong sabi ko." Dahil wala kang sinabi! Wala kang sinabi sa 'kin para naman may malaman ako kahit papa'no! Sabagay, kahit nga 'yong sabihin mo sa 'kin na may nobyo ka na hindi mo sinabi. Kahit pa karapatan kong malaman para hindi na ako umasa! Para hindi ako
maghintay! Kung hindi ko pa narinig o nalaman sa iba ay wala akong kaalam alam! Siguro magpapasalamat ako sa taong nagsabi no'n. Dahil do'n natauhan ako! Naliwanagan ako!" Galit na sigaw ko sa kaniya. Pero nakita kong natigilan si Trixie. Napatakip pa siya sa bibig nito.

"I'm sorry." Bulalas niya habang tumulo ang mga luha niya.

Mapaklang tumawa ako. "Sorry? Do you think, your sorry can reducible my pain? Do you think your sorry can heal my pain? Can mutable the most painful deep-felt in my heart?" Mariing na sunod sunod na tanong ko.

Alam kong nasasktan pa rin ako hanggang ngayon. At alam kong nakikita ng lahat na nandito ngayon ang sakit na nararamdaman ko. Sakit na pilit kong itago noon para hindi sila mag aalala sa 'kin.

But now, I don't give a damn care kong makikita man nila iyon. Ang mahalaga mailabas ko ang sakit na akala ko wala na.

Kita ko ang paglunok niya at pag iling niya ng ilang beses.

"N-no. But still, I w-want to a-ask for your forgiveness. Even though it's h-hard to ask." Umiiyak na sabi pa nito.

Kunwaring napasuntok ako sa kawalan bago napasabunot sa buhok ko.

"It was hard for you to ask for forgiveness. But hurting someones feelings is easy for you and making me like I'm the most foolish guy you've ever met. Ha! Damn it!?" Mapait na ngumiti ako sa kaniya.

"S-sorry."

"And you think it was easy to forgive you?" Deretsong tanong ko.

Napatigil siya ay napayuko.

"H-hindi." Napapahiyang sagot pa nito.

"Mm.."tatangong sabi ko. "Asking forgiveness is easy for you..but telling the truth was the hardest thing for you to say. Funny." Sarkastikong sabi ko pa.

Huminga ako nga malalim para ibsan ang bigat, sikip atsakit naararamadaman ko. Pilit ko na uling gawing seryuso at blanko ang mukha ko.

Pilit kong pigilin ang luha ko haggang sa hindi na ito nagbabadyang tumulo pa.

Namayani ang matinding katahimikan sa'ming lahat matapos kong magsalita.

Walang ni isang naglakas loob na magsalita. Kahit ata ang pangangalay sa pagtayo ay hindi ko naramdaman.

Tuluyan ng dumilim ang paligid. Tanging ilaw mula sa poste ang nagbigay liwanag sa'ming lahat.

"Ash."

Nabasag lang ang katahimikan ng magsalita si Deb. Napatingin kaming lahat sa kanila. Nakatalikod si panget sa akmang pag-alis.

"Umuwi ka na." Malamig na sabi pa ni panget ng hindi lumilingon sa kaniya.

Napayuko si Deb at umiling. As if makikita ni panget.

"No. I want to talk to you." Pagmamatagis ni Deb.

Lihim na natawa ako kunwari. Ang lakas ng loob din niyang gumanyan, psh!

"Tang inis!" Rinig kong mahinang sabi ni panget. "Paulit ulit na naman tayo nito!" Halata ang inis sa boses niya.

Tsk!

Ayaw nga niya pala sa paulit ulit psh!

"Please, Ash." Pag makaawa pa ni Deb.

Nakita kong marahas na bumuntong hininga si Panget bago humarap sa kaniya.

"You know what? Hindi ko alam kong nag amne-amnesiyahan ka lang O sadyang tanga ka lang talaga." Nauubusan ng pasensiyang sabi pa ni panget.

Parang ilang minuto lang ay sasabog siya sa inis o galit.

She lost her temper!

Psh!

"Ash, please." Pag mamakaawa pa rin nito kay panget.

Bakas pa rin ang halo halong emosyon sa mukha at mata ng lalaki.

"Sinabi ko naman sa'yo, diba? Wala na tayong pag usapan pa, tang inis!" Pigil ang inis na sabi pa nito. "Dahil simula ng iwan mo 'ko sa ere ay do'n na natapos ang lahat. Ang lahat lahat, Deb. Don't you understand?" Parang nag papaintindi na sabi pa ni panget.

Halata ang pait sa boses nito habang seryuso at blankong nakatingin kay Deb.

Nanlumo naman ang lalaki bago umiling.

"No. I don't understand. Dahil di ko alam na do'n natapos ang lahat." Napapayukong sagot nito.

Bumagsak ang balikat ni panget sa hindi pagkapaniwala sa sinabi ng lalaki. Napaawang pa ang labi nito na animo'y naghahanap ng sasabihin at di alam kong sampalin, saktan o talikuran ang kaharap.

"Tang na! Mo ka! Isa kang malaking gago na kailangan ilibing ng buhay!?" Galit na namang sigaw ni Xandra. Kinilabutan kami dahil sa sigaq niya. Galit na galit siya sa lalaki." Kong hindi ko lang pinsan ang kaharap mo baka kanina ka pa nakahandusay sa lupang hayop ka!?" Galit na sigaw pa uli nito.

Talagang galit na galit siya. Kahit may clue na ako kong bakit galit na galit si Xandra ay hindi ko pa rin maiwasang isipin kong bajit gano'n nalang katindi ang galit niya kay Deb.

Napayuko lang si Deb at hindi nagsalita.

"Ginagago mo ba ako, Deb?" Mariin na tanong pa ni panget.

Ginagago?

"Ginagaga ka niya dahil babae ka." Sabat ko pa hindi ko alam kong bakit nasabi ko 'yon.

Pero hindi man lang nila ako tinapunan ng tingin. Ramdam ko ang tingin ng mga kaibigan ko.

Napatingin ako sa kanila at pinandilatan ako ni Bella ng mata. Habang napapailing naman ang tatlong kaibigan ko.

Napaawang pa ang labi ni Trixie na nakatingin sa 'kin kaya nag iwas ako ng tingin tse!

"I d-don't mean to----"

"Tsk!" Inis na singhal ni panget para hindi matuloy ni Deb ang sasabhin.

"Please, Ash. I beg, please lets talk." Humihikbing sabi na naman ni Deb at nagulat kami ng bigla siyang lumuhod sa hara ni panget.

"Babe!" Gulat na bulalas ni Trixie sabay takbo at lapit kay Deb. Pilit niyang itayo si Deb pero hinawi lang ni Deb ang kamay nito at nagmamakaawang tumingin kay panget.

Napanganga ako sa ginawa niya. Napatingin ako kay Trixie. Pinaghalong pag aalala at awa ang mababakas sa mukha niya.

Gano'n ba niya kamahal si Deb? Napapailing nalang ako sa sariling tanong ko.

Malamang Oo ang sagot Drix. Niloko ka nga niya, diba dahil mahal niya si Deb.

Napapailing nalang ako at tumingin kela panget. Kita ko ang gulat ni panget sa ginawang pagluhod ni Deb sa harap niya. Pero pilit na pina blanko at seryuso niya ang mukha niya.

Parang ako ang nahihirapan para sa kaniya. Pikit niyang hindi pinapakita ang tunay na nararamdaman at emosyon niya. At para bang may kong ano sa loob ko dahil sa naisip ko.

"What the heck do you think you're doing!?" Inis na tanong ni panget sa kaniya.

"Please, I'm begging you to talk to me, Ash." Basag ang boses na sagot pa ni Deb.

Halata ang desperasyon sa mukha at mata niya para lang makausap ang kaharap.

Hindi nagsalita si panget. Nanatiling blanko, seryuso at nagpipigil ng galit ang mababakas sa mukha niya.

"Please, kung para sa'yo tapos na ang lahat, ako hindi. Hindi ko kailan man naisip na hanggang do'n nalang ang lahat, Ash. Hindi ko alam..hindi ko naisip----"

*PAAKKKK!!

Natigilan uli kami sa malakas na sampal ni panget kay Deb. Hindi man lang umilag ang lalaki at tumabingi lang ang ulo nito. Bahagya pa sana siyang matumba ng mabilis na naagapan siya ni Trixie.

"Stop hurting him!" Umiiyakna sigaw pa ni Trixie habang masamang nakatingin kay panget. Pero walang pumansin sa kaniya.

"Tang inis!" Galit na bulalas ni panget." You fvcking don't know? Hindi mo alam? King ina!" Napapailing at galit na tanong at mura pa ni panget.

Napatingin ako kay Deb nakayuko lang ito habang unaalog alog ang balikat na halatang umiiyak.

"I'm s-sorry." Basag ang boses na sabi ni Deb ng nakayuko.

"Sorry? Tsk!" Sarkastikong timawa si panget. "Alam mo? Nakakabobo ka, Nakakagago ka alam mo ba 'yon?!" Galit na tanong ni panget sa lalaki.

Hindi ito umimik at tahimik na umiiyak lang si Deb.

Oo nga naman. Nakakagago ang dahilan at nga sinabi niya. Siya ang nang iwan kay panget tapos di niya alam?

Psh!

Stupid reason!

"Ash."

"Ikaw ang nang iwan tapos di mo alam? Hanep, ah!" Mapait na tumawa siya." Ikaw ang mang iwan sa ere tapos hindi mo alam na do'n natapos ang lahat? Hindi mo alam? Gago!" Galit na sabi pa nito.

"Yeah, Maybe I am. I am a stupid guy who don't even thinking that if I left you, I will lose you. I don't think that the most special girl in my life was fade away in my life forever." Parang 'yon na ang pinakamasakit na salitang binitawan ni Deb dahil sa tuno ng pananalita nito.

Parang si panget nga ang importanting taong nawala sa kaniya.

Nakaramdam ako ng kunting awa sa kaniya. Kahit pa hindi ko talaga alam ang buong pangyayari sa pagitan nila panget.

"Because there's no forever between us."




To be continued!!


A/N: hello mga readers hope you enjoy reading and please support me guyzzz in this story.

You like it guys? Nah! There's more guyss!!

Don't forget to Vote, comment and Follow!



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top