chapter 108 "you have a feelings for her"
A/N: hello po hope you enjoy reading and please support me po.
Expecting some wrong grammars and typos here po.
Don't forget to Vote, comment and Follow!
____________________________________
Ashi Vhon's Pov.
Ashi and Deb
Dumaan ang mga araw at friday na ngayon. Lalo kaming naging busy dahil sa nalalapit na exams namin. Second week ng August gaganapin ang first quarter exams.
At kailangan naming magfucos sa pag aaral para sa exams namin. Lahat ng mga lecturer ay naghabahol sa mga discussions at talagang seryuso na ang lahat. Tinadtad kami ng mga quizzes at activities. Pati mga projects na kailangan maipasa namin bago mag exams.
Halos di na nga kami masyadong nag take ng braak time. Dahil sa library ang punta naming lahat para sa mga research namin sa lintik na Science at history. Sa math naman ay ayos naman ang mga calculus namin. May mga sarili naman kaming mga libro.
Madalas ay tahimik lang akong magbabasa sa library kapag free time. Habang 'yong iba ay gumagawa ng projects na hindi pa nila natatapos. Kami naman nila Xandra at Kyla ay sa bahay na namin ginagawa minsan. Minsan naman ay sumasabay kami kela Bella at sa mga boys. Sa theatre kamo minsan tumambay para gumawa ng mga
projects namin.
Hindi naman kami nahirapan lahat dahil kahit seryuso ang pag study namin ay panay pa rin ang tawa ng lahat maliban sa 'kin dahil sa mga biro ni Keart at Keith.
Isabay mo pa si Mello na nakikisabay sa'min. Lalo na sila Stella at Theresa na kong makatawa daig pang wala ng bukas.
Habang si Lyle at Bisugo ay nakikisali din sa kanilang mga tawanan at biruan. Nakikisali naman ako pero bihira lang dahil nagfucos ako sa pagbabasa sa Science at history.
Lintik kasi na terror na 'yon at napakaraming ibinigay na babasahin ko. Dahil bibigyan niya ako ng test paper na iba sa test paper ng nga kasama ko. Akala ata niya ay hindi ako grade ten student psh!
Tsk!
Kung hindi ko nalang sana pinatulan no'ng minsan nagkasagutan kami hindi na sana maiba ang i-ti-take kong exams psh!
Pa'no ba naman, sinong hindi maiinis at maubusan ng pasensiya. Panay ang bulyaw sa'min tapos ang sakit sakit pa kong magsalita sa'min. Kulang nalang magtransform ng delubyo ang taba na 'yon tsk! Panay pa ang quizzes niya halos lahat ng questions sa utak niya na ipa-quiz na niya sa'min tsk tsk!
Dagdag mo pang minsan kaming na late ipasa ang unang projects na pinapagawa sa'min. By group 'yon tapos na delay lang ng ilang oras ay nagalit at mas mahirap pa ang final project na ipapagawa sa'min bago ang examination psh!
Halos murahin siya ng mga kaklase namin. Pati ata si Xandra ay minura siya.
Wala naman na kaming ibang problema sa ibang subjects. Kaya lang naman abg mga projects na binibagay nila. Kaya kahit papa'no ay nakahinga kami ng maluwag.
Pero sa sitwasyon ko ay komplikado pa rin. Pagsabatin ang trabaho at pag aaral. Tapos nandyan pa ang lintik na mga isipin ko. Hindi pa ata nababawasan ang problema ko tsk!
Pero kahit papa'no ay na isantabi ko naman para makapag fucos sa pag aaral. Halos di na ata ako kumakain sa tamang oras. Minsan ay nalipasan pa ako ng lunch time dahil ginugol ko ang oras sa pagbabasa sa library.
Napabuntong hininga nalang ako.
Nandito ako ngayon sa library kahit maaga pa. Sinadya kong mauna kela Xandra at Kyla para lang magbasa. Nandito sa library ang kailanganin kong basahin para sa lintik na science. Hindi pa nga ako nag agahan sa sobrang aga kong pumasok dito. Wala pang students, janitor at si Manong guard lang ang tao dito kanina.
Nilipat ko nalang uli ang pages ng librong binabasa ko at seryusong seryuso sa pagbabasa. Next week na ang exams at ngayon ang last na pagbabasa ko dito sa library. Ngayon din ang huling araw na ipasa lahat ng projects.
Tsk!
Inaantok pa nga ako tang-inis! Puyat ako dahil anong oras na kami nakauwi kagabo galing sa trabaho. Tapos ang aga ko pang gumising tsk! Halos maubos ko na ang lahat ng babasahin at sumasakit na ang ulo ko psh!
Napahilot nalang ako sa sintido ko at nagbuntong hininga bago napahikab. Napatingin ako sa oras at 6:25 na ng umaga. Pasado alas singko ako nagpunta dito kanina.
Buti pa iidlip nalang ako. May higit isang oras pa naman bago ang klase para sa pag rereview mamaya.
Ipinatong ko ang dalawang braso ko sa mesa bago ipatong ang noo ko saka umidlip.
***
Naalimpungatan ako dahil sa presensiya ng kong sino at ramdam kong nakatingin sa 'kin. Hindi ako gumalaw at pinakiramdaman ang nakaupo sa harap ko. Hindi ko siya makita dahil nakapikit pa ako at nakasubsob sa braso ko ang mukha ko.
Tsk!
Ano naman ang ginagawa ng mokong na 'to dito? Ayaw ko sa lahat 'yong pinapanood akong matulog tsk!
"Ang tagal naman gumising ng isang 'to! Kung bakit ba naman napaka aga niya tse!" Rinig kong bulong pa nito.
Hindi pa rin ako gumalwa at pinakinggan siya. Rinig kong napabuntong hininga nalang siya. Naamoy ko pa ang mabangong ulam o ano ba 'yon at kung saan nagmula.
"Aish! Bakit ba puyat na puyat to? Ano na naman kaya ang pi- nagpupuyatan nito? Tse!" Rinig ko uling bulong niya.
Lihim na napangiwi nalang ako. Mukhabg kanina pa ang Bisugong 'to, ah psh!
Nang hindi ko na matiis ang mabangong naamoy ko ay gumalaw na ako kasabay ng pagkulo ng tyan ko.
Napainat pa ako habang kinusot kusot ng kaliwang kamay ko ang mata ko. Nang magmulat ako ay sumalubong ang gulat na mukha ng Bisugo.
Tsk!
Kanina panay ang bulong tapos ngayong gising na nagugulat pa? Hanep ah!
Nagbaba ako ng kamay sa mesa at matamang nakatingin sa kaniya. Kumibiy kibot pa ang bibig nito na animo'y may sasabihin.
Napapailing nalang ako.
"Bakit nandito ka?" Seryusong tanong ko.
Natigilan naman siya at nag iwas ng tingin.
"A-ano, nag..nagbabasa din. Ano pa ba?" Pilit na pina-sakastiko ang tinig niya.
Tiningnan ko siya ng maigi na animo'y inaalam kong totoo ang sinabi niya. Kahit pa batid kong hindi.
"Talaga? Nagbabasa ka?" Seryusong tanong ko ng deretsong nakatingin sa kaniya.
Kita kong napalunok pa siya bago nagsalita.
"O-Oo, nga! Ano pa ba sa tingin mo ang ipinunta ko dito?" Dumedipensang patanong na sabi nito.
Napangisi ako at mataman siyang tiningnan.
"Malay ko bang may iba ka pang ipinunta dito? Bukod sa pagbabasa?" Patanong kunwaring sagot ko.
Naninhkit naman ang mga mata niya bago ako tiningnan.
"Tse! At ano sa tingin mo?"
"Tsk! Hindi ano, kundi sino."
Nakangising sabi ko. Kita kong napalunok siya at sinamaan ako ng tingin.
Abah!
"At sino naman sa tingin mo kong gano'n? Wag mong sabihing ikaw? Ha!" Nakataas kilay na tanong at pasinghal na sabi niya.
Napangisi ako at hindi pinansin ang kumukulong tyan ko.
"Malay ko bang ako nga?" Nang aasar na tanong ko pa.
Sa dumaan na mga araw ay laging napapikon sa'kin ang mokong na'to.
Pero madalas ay hindi ko siya pinapansin dahil busy ako sa pagbabasa.
Awtomatik namang nagsalubong ang kilay niya pero halatang ginawa niya 'yon para hindi siya mapahiya tsk tsk!
"Ang kapal naman ng mukha mo kung gano'n!" Singhal niya. Pero nginisihan ko lang siya.
Kapag kasi napipikion na ako sa presensiya niya at sa ingay niya kapag ako ang kaharap ay ngingisihan ko siya at aarasain.
Nang siya naman ang mainis psh!
"Tsk! Bisugo, wag ka ng magpalusot pa..dahil wala kang lusot sa 'kin..magaling kaya kumilatis ng tao 'to!" Nakangising sabi ko sabay turo sa sarili ko." Maliban nalang kung.." pabitin kong sabi.
Lalo namang nagsalubong ang kilay niya.
"Maliban kung ano? Ha?" Kunot noo at salubong ang kilay na tanong pa niya.
Lalo akong napangisi at pinag cross ang braso sa dibdib ko.
"Maliban nalang kung..kung hindi ka tao?" Nakangising patanong na sabi ko.
Napamaang naman siyang nakatingin sa 'kin. Bago sumama ang mukha niya at binigyan ako ng matalim na tingin.
Actually, seryuso at Parang hindi na isip bata ang Bisugong 'to. I mean hindi naman talaga siyang isip bata. Ang ibig kong sabihin ay nagbago na siya mula no'ng mamatay si Dean Zarraga.
Mas seryuso na siya lagi. Hindi mo na makikitaan ng tulad ng una kong makita at makaaway siya. Kaya lang, tuwing sa ganitong sitwasyon ay napaka ingay niya.
Bagay na ikinainis ko dahil naririndi ako sa kaniya tsk tsk!
"What!?" Animo'y hindi makapaniwalang tanong niya.
"Maliban nalang kung hindi ka tao."
Nakangising ulit ko. Isang what pa at mabigwasan ko na siya.
Hilig niya ng paulit ulit psh!
"What!?"
Tang inis!
"Gusto mo bigwasin kita? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Hiligan mo talaga ang paulit ulit, eh, 'no?" Inis na anas ko.
"What?"
"Anak nang! Gusto mo sapakin na kita?" Seryusong sabi ko sabay amba ng sapak sa kaniya.
Mabilis na lumayo naman siya habang nagkakamot ng batok.
Tsk!
King ina!
Hanep sa trip psh!
"A-ah, hehehe..wag naman, baka mabangasan ang gwapo kong mukha." Pilit ang ngiting sabi pa niya.
"Hanep sa bilib sa sarili tsk!" Mahinang sabi ko.
Pero sumeryuso na naman ang loko tsk! Akala ata nito ay masisindak ako sa paseryuso seryuso niya? Tsk!
"Ano nga ang ginagawa mo dito?" Seryuso at salubong uli na tanong ko.
Sinamaan niya ako ng tingin. Animo'y nagpapahiwatig na inulit ko lang ang tanong kong sinagot niya na kanina psh!
"Nagbabasa nga!" Inis na sagot niya.
Tiningnan ko ang mesa puro mga libro ko ang nando'n. Saan ang binabasa niya?
"Nagbabasa? Nasaan ang binabasa mong libro kong gano'n?" Salubong ang kilay kong tanong.
Natigilan naman siya at napalunok sabay iwas ng tingin ng makuha ang ibig kong sabihin.
"A-ano, ahm..nasauli ko na. Oo, 'yon nga. Tapos na kasi akong magbasa." Utal ba sagot pa niya at pilit na ngumiti. Lumabas tuloy ang malalim na dimple niya psh!
Napapailing nalang ako.
"Eh, bakit nandito ka pa kung tapos kana pala?" Seryusong tanong ko pa.
Natigilan uli siya na animo'y nag iisip pa nang nakataas ang kilay.
"Bakit? Bawal bang tumambay pagkatapos magbasa? Sa'yo ba 'to?" Nakataas ang kikay na sabi nito sabay turo. Na Ang tinutukoy ay ang library.
Naningkit naman ang nga mata ko.
"Hindi." Napapahiyang sabi ko psh!
Nalamangan ako ng mokong na 'to, ah tsk tsk!
"Gano'n naman pala..kung ano ano pang sinasabi psh!" Sabi pa niya at sa ibang gawi tumingin.
Sinamaan ko nalang ito ng tingin ng kumulo uli ang tyan ko.
Kita kong napalingon si Bisugo sa 'kin.
"Hindi ka na naman kumain, 'no?" Seryusong tanong pa nito.
Nag iwas nalang ako ng tingin psh!
Teka!
"Anong paki mo kung hindi?" Salubong ang kilay na tanong ko.
Sinamaan niya lang ako ng tingin. Inabot niya ang paper bag na hindi ko napansing nasa ibabaw ng mesa.
"Here, eat this." Seryusong sabi pa nito.
Napakunot naman ang noo ko. Pero dahil kumakalam na naman ang tyan ko ay inabit ko nalang. Hindi na ako nagtanong kong bakit nagdala siya nito.
Isa isa kong inilabas ang laman no'n. Natakam pa ako ng makita ang adobo. Kaya pala ang bango kanina psh!
Nag inat pa ako na parang lalaki bago kinuha ang kutsarita't tinidor saka nagsimulang kumain.
Takam na takam ako sa pag kain dahil talagang nagutom ako. Malalaki ang subo ko at hindi ko pinansin na may makakita sa 'kin.
Ramdam ko ang tingin ni Bisugo kaya nilingon ko siya ng naka kunot ang noo.
Nakangiwi siya ng lingunin ko siya habang nakatingin sa 'kin.
Problema nito? Tsk!
Hindi ko na sana siya papansin ng mainis ako sa tingin niya.
"Problema mo?" Inis na tanong ko sabay subo. 'yong pagkalaki laking subo.
Lalo lang siyang napangiwi at napapailing pa.
"Dahan dahan ka ngang kumain." Nakangiwing sabi pa niya.
Nilunok ko muna ang kinain ko bago nagsalita.
"Bakit ba? Sa gutom ako, eh." Walang interes na tanong ko sabay subo ng ulam.
"Baka mabilaukan ka sa laki ng subo mo. Wala namang aagaw niyan sa'yo, kaya dahan dahan sa pagkain." Nakaningiwi pero seryusong sabi pa nito
Napangiwi nalang ako dahil da sinabi niya psh!
Sa gutom ako!
"Tsk! Wala kampaki! Gutom ako kaya tumahimik ka!" Sabi ko nalang pero binigyan niya lang ako ng kasalanan mo naman-look.
Psh!
"Kung bakit naman kasi hindi nag agahan psh!" Mahinang bulong pa nito na rinig ko naman.
Hindi ko nalang siya pinansin pa at nagpatuloy sa pagkain. Hanggang sa matapos akong kumain.
Naubos ko lahat ng kanin at ulam. Napadihay pa ako sabay sandal sa upuan.
*BURRRFFF!!
Dighay ko ulit ng hindi nagtatakip ng bibig. Napatakip naman ng bibig si Bisugo kaya napataas ang kilay ko.
"Bastos ka talaga, eh, 'no? Magtakip ka nga ng bibig kapag didighay ka!" Inis na sabi pa nito.
Arte!
Lalo ko lang siyang tinaasan ng kilay at inirapan psh!
Hindi na masakit ang ulo ko at ayos na ayos na ang pakiramdam ko.
Napatingin ako sa mga libro ko ng makitang naka ayos na ang mga 'yon. Napataas nalang uli ako ng kilay at pasimpling sinulyapan si Bisugo.
May sense din pala sa pag aayos ang mokong na'to psh!
Nagpahinga pa ako ng ilang minuto bago naisipang isauli ang mga libro sa lagayan. Pagkatapos ay isinilid ko sa bag ang mga notes ko bago isinabit sa balikat ko.
Magka cross ang brasong nakaupo lang si Bisugo at pinanood ako.
Binigyan ko lang siya ng nagtatakang tingin bago ako tumalikod.
"Hey! Wait!" Pigil niya pa.
Kunot noo ko siyang nilingon. Nakatayo na ito at kinuha ang paper bag.
"What?"
"Tse! Tibay mo rin, eh, 'no? Ikaw na nga dinalhan ng pagkain ako pa magdadala nito? Ni Hindi ka nga nagpasalamat. Kapal mo talaga!" Sarkastikong sabi pa niya habang tinaasan ako ng kilay.
Napaayos naman ako ng tindig at mataman siyang tiningnan.
"Bakit? Sinabi ko bang dalhan mo 'ko ng pagkain?"
"Hindi."
"'yon naman pala, eh. Ano pang pinuputok ng butse mo?"
"Abah! Wala ka talagang sense sa katawan, eh, 'no? Natural na magpapasalamat ka sa 'kin. Kahit kailan kang panget ka!" Inis na sabi pa niya psh!
Oo nga naman. Pero wala sa 'kin ang maglasalamat psh!
"Tsk!" Singhal ko saka tinalikuran ko siya't naglakad palabas ng library.
Mabilis na sumunod naman siya.
"Sandali nga!" Sigaw pa niya saka sumabay sa 'kin. " Peste ka talaga, eh, 'no?"inis na anas pa niya.
Hindi ko nalang siya pinansin pa. Marami akong iniisip kesa pakinggan ang mga dada niyang walang kwenta psh! Pero hindi pa man gano'n ka lalim ang iniisip ko ng dumada na naman siya.
"Hoy! Panget! Tapos na ba 'kako ang projects mo!" Sigaw pa niya ng hindi ko siya pinansin.
Inis na binalingan ko siya at seryuso sinamaan ko siya ng tingin.
Napailag naman siya na animo'y sasaktan ko siya psh!
"Pwede bang tumahimik ka? May iniisip ako!" Seryusong sabi ko.
Napasimangot naman ito tsk!
"Ano naman ang iniisip mo?" Inosente kunwaring tanong nito.
Pero sinamaan ko lang siya uli ng tingin para manahimik. Napapailing na nag iwas nalang siya ng tingin. Nagpatuloy nalang ako sa pag iisip at hindi ko namalayang naka akyat na pala kami sa building namin.
Nakapamulsang naglakad nalang ako sa hallway hanggang sa makarating at makapasok sa room namin.
Buti nalang at tumahimik ang Bisugong kasama ko psh!
Agad napatingin sa'min ang lahat. 'yong mga kaibigan naman ni Bisugo ay may nakakalokong ngisi maliban lay Lyle na tinapunan lang kami ng tingin bago nagbaba ng tingin sa binabasa nito.
Habang sila Xandra at Kyla ay kaswal na nakatingin sa'kin. Sila Bella ay nagtataka kong bakit kasama ko ang Bisugo.
Wala akong ni isang pinansin at naupo ng tahimik sa upuan ko. Seryusong tumingin ako sa harap at pinagpatuloy ang pag iisip ko.
Hindi ko nga namalayan ang pagpasok ng terror lec namin. Aga aga highblood na naman psh!
Nakataas ang kilay at parang batrip ang mataba psh! Hindi ko nalang siya pinansin ng tiningnan ako nito.
"Nag study na naman ba kayo? Baka wala kayong maisagot sa answer sheet niyo niyan, ah?" Sarkastikong tanong pa nito na tiningnan kaming lahat.
"Psh!" Mahinang singhal ni Xandra.
"Parang nanlalata ata kayo, ah?" Nakangising tanong pa nito.
"Malamang, sa dami ba naman ng arte mo!" Mahinang bulong pa ni Xandra.
"What did you say, Miss Acosta?!" Inis na tanong nito.
Sabay kaming napatingin ni Xandra.
"What?" Walang ganang tanong ng samaan niya ako ng tingin.
"Ikaw ba ang tinawag ko para mag angat ja ng tingin sa 'kin?" Sarkastikong tanong pa nito.
Miss Acosta daw, eh!
"Tsk! Sabi mo, Miss Acosta. Natural na mag angat ako ng tingin. Psh!" Sarkastikong sagot ko rin dahilan para taliman niya ako ng tingin.
"Hindi ikaw ang tinawag ko. Iyang pinsan mong katulad ang takbo ng utak sa'yo!" Inis na sighal pa nito.
"Nah! We're not." Walang ganang sagot ni Xandra.
Sinamaan din siya ng tingin ng taba psh!
"Tsk! Magpinsan lang kami..hindi magkatulad, Miss." Pagtatama ko.
Pero lalo niya lang akong sinamaan ng tingin. Psh! Halata namang napapahiya ang king ina!
"Pareho talaga kayong mga bastos! Magpinsan nga kayo!"galit na singhal niya.
Pikon!
"Parehong Acosta, eh. Di magpinsan talaga." Mahinang bulong ko pa.
Tsk!
"Mga pilosopo! Nasaan ang mga natutunan niyo sa moral? Ha? O baka naman hindi kayo nakinig kaya hindi niyo alam kung papaanong rumespeto sa mga nakakatanda sa inyo!" Nagtitmping sabi niya.
Rinig kong napabuntong hininga nalang si Xandra.
"Psh! Sa ugali niyong 'yan? Rerespeto pa kami? Psh! Yeah, we have a respect, but it's for those who worth to our respect." Blankong sagot ko.
Napamaang naman siya at inis na pinukulan ako ng masamang tingin. Kung nakakamatay lang ang masamang tingin. Kanina pa ako nakahandusay psh!
Hindi nalang namin siya pinansin hanggang sa mag simula siyang mag review. Dahil sa monday na ang exams namin.
Naging mahaba ang pagrereview niya. Syempre, dahil terror siya kailangan mong maging matalino sa kaniya psh!
Naiinis pa rin ako hanggang ngayon na ang kalahati ng exam ko sa kaniya ay wala sa exam ng ng mga kaklase ko.
'yon ang sabi niya. Kaya ilang araw an ginugol ko sa pagbabasa. Baka tiyuhanin ng taba na 'yon mahirap na psh!
Hanggang sa matapos ang pagrereview niya ay hindi na kami nag snack pa. Dahil nagmamadali ang ibang lec namin sa dami ng dapat ireview nila.
Nakinig lang kaming lahat at sumasagot sa mga katanungan nila. Nagti-take not din ako para naman may mabasa din ako sa weekend.
Namg matapos ang pagrereview sa umaga ay naglunch na kami. Sabay sabay kaming lahat na naglunch at sumabay pa s Mello sa 'min.
"Grabe! Kaloka talaga ang araw na 'to! Mga teh!" Bulalas ni Mello ng makaupo kami sa table namin.
Nakapag order na kaming lahat.
"Sinabi mo pa, bakla. Nahahagard nga ako, eh!" Maarteng sabi pa ni Stella.
Inosenting nilingon naman siya ni Mello at matamang tiningnan ang mukha.
"Abah! Teh! Wala namang kahagad hagard sa'yo! Dahil dati ka ng hagard ang feys! Baklang 'to!" Biro pa ni Mello at nagtawanan naman sila.
Napapailing nalang ako habang nakanguso naman si Stella.
"Ang sama mo bakla!" Nakangusong sabi ni Stella.
"Seriously, nakaka stress talaga ngayon. Lalo na sa mga nagdaang araw. Naging busy tayong lahat dahil sa nalalapit na exams natin." Sabi pa ni Bella.
Napatango naman ang lahat. Sumandal nalang ako sa upuan ko at blankong nakinig sa kanila.
"Yeah, dagdag mo pa ang mga lintik na mga projects! Psh!" Nakangiwing sabi pa ni Xandra.
"Ayos lang 'yon. Nakaya naman natin lahat." Sabi pa ni Lyle.
Sabay na napatango tango din ang lahat maliban sa 'kin.
"Sabagay, pero naiinis pa rin ako sa tereor na 'yon!" Halatang inis na sabi pa ni Kyla.
Natawa naman sila Lyle at Keart.
"Yeah, perp wala na tayong magagawa sa lec na 'yon. Magtimpi nalang tayo, baka ibagsak tayo no'n." Sabi pa ni Keith.
Tsk!
Subukan niya lang! Ng magtuos kami tsk!
"Naks! 'yon ang dapat nating iwasan! Graduating pa naman na tayo." Sabat pa ni Keart.
"Oo, nga! Nakuh! Mapapagalitan ako ni Mommy pag nagkataon." Sabi pa ni Theresa.
"Kaya nga magtimpi nalang tayo..'yong isa kase dyan! Napakayabang, pwede naman na niyang hindi pansinin ang mataba na 'yon. Pero dahil hambog siya, papatulan niya psh!" Parinig pa ni Bisugo.
Natahimik naman silang lahat.
Blankong tiningnan ko si Bisugo. Hindi siya nakatingin sa 'kin. Tsk!
Hindi ko nalang siya pinansin at umayos ng upo ng dumating ang order namin.
Kaniya kaniya nalang kami ng kuha ng pagkain saka nagsimulang kumain.
"Pero, tama din naman si Ashi, Dre.. masyadong masakit kasi magsalita ang terror na 'yon. Tama lang 'yon sa kaniya." Basag ni Keart sa katahimikan.
Kita ko sa gilid ng mata kong napangiwi si Bisugo.
"Yeah, daig niya pang hindi lecturer. I understand her na maging strick siya sa klase..pero 'yong mga nakakasakit na salita ay hindi na 'yon kasali sa pagtuturo niya." Sabi pa ni Keith.
Tama!
Psh!
Masyadong matalino sa sarili kasi ang taba na 'yon tsk tsk!
"Mm..but, next time tayo tayo nalang ang iiwas sa terror na 'yon. Para hindi lalaki ang sagutan..baka nga ibagsak tayo no'n." Sabi pa ni Bella.
Natahimik naman sila.
"Ay! Naku! Kaloka, gano'n na gano'n din sa'min ang matabang dambuhalang 'yon! Daig pa ang granada ang bibig..kong makasigaw at makasinghal aabot sa kabilang campus! Kaloka!" Malakas na sabi pa ni Mello.
Natawa naman ang lahat dahil sa sinabi niya.
"Gano'n na nga hahaha." Natatawang sabi pa ni Keart.
"Pero, tama si Bella..hanggat maari tayo nalang ang iiwas. Lalo na't exam na next week." Sabi pa ni Lyle.
Ramdam kong nakatingin sila sa 'kin.
Kunot noo ko silang tiningnan.
"What?" Blankong tanong ko.
Nagsipag iwas sila ng tingin at nagpatuloy nalang sa pagkain.
Tsk!
******************************
Drixon's Pov.
Tahimik na uli kaming lahat nagpatuloy sa pagkain. Hanggang sa matapos na kami ay naunang lumabas si panget at sumunod sa kaniya ang mga girls.
Habang kami ay naiwan at nakatingin lang sa kanilang naglakad palayo.
"Putsa! Kakaiba talaga to si Ashi. Kapag siya na ang magsalita matatahimik ang lahat." Biglang sabi pa ni Keart ng makalayo na ang mga 'yon.
Napatingin naman ako sa kaniya.
"Pa'no mo naman na sabi?" Takang tanong ko pa.
"Psh! Hindi mo ba napapansin kapag siya na ang magsasalita ay natatameme tayo? Kakaiba ang isang 'yon." Sagot ko pa nito.
"Oo, nga naman..napapansin ko din 'yon." Sang ayon pa ni Keith.
Napapailing nalang ako. Bakit ako hindi naman? Psh!
"Yeah, it seems like, she can shutter everyone's mouth when she spoke. She have her own ability to make someone's quite." Pag sang ayon din ni Lyle habang nakatingin sa entrada ng cafeteria.
Napangisi naman ako sabay iling.
"Maybe she is..pero hindi uubra sa 'kin ang panget na 'yon." Mayabang na sabi ko.
Sabay sabay naman silang bumaling sa 'kin.
Binigyan ako ng tingin ni Lyle na are you sure-look. Pero nginisihan ko lang siya. Habang ang dalawanv magpinsan ay nakangisi ng nakakaloko.
Napawi ang ngisi ko at napalitan ng ngiwi. Iba na naman ang takbo ng utak ng mga 'to.
"Mukhang hindi gano'n, Dre..sa tingin ko, ikaw ang hindi uubra sa kaniya, ulol!" Nakangising sabi pa ni Keart.
Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Oo, nga naman, Dre. May napansin kami sa'yo, eh!" Ngingisi ngising sabi pa ni Keith.
Napakunot noo naman akong tumingin sa kaniya.
"At ano naman?" Takang tanong ko pa.
Tumawa naman silang dalawa habang si Lyle ay napapailing nalang.
"You're not immature anymore, Dre " natawang sabi pa ni Lyle.
Sinamaan ko naman siya ng tingin na ikinatawa nilang tatlo.
"Hindi naman talaga ako immature, ah!" Inis na sabi ko pero tinawanan lang din nila ako.
"I mean you are more than mature now." Nakangiwing dagdag pa ni Lyle.
Tse!
Panay ang English ng ugok na 'to, eh!
"Yon nga, Dre hahahaha." Dang ayon pa ni Keart at tumawa.
Napapailing nalang ako psh!
Natawang tumayo si Lyle at nagpalam.
"Library lang muna ako." Paalam nito.
"Naks! Baka kayong dalawa ni Ashi ang mag agawan ng pangunguna sa klase, ah!" Biro pa ni Keart sa kaniya.
Natawa nalang siya saby iling bago tumalikod at umalis.
"Nasobrahan talaga sa sipag ang isang 'yon hahaha." Sabi pa ni Keith habang natatawa.
"Yaan mo na 'yon. 'tong isang to ang kilatisin natin, Dre." Nakangising sabi pa ni Keart.
Sinamaan ko lang siya ng tinginat magka cross sa dibdib ang braso ko.
"Oo, nga naman.. seryuso, Dre. You've change a lot." Nakangising sabi pa ni Keith.
Pinangkunutan ko lang siya ng noo at blankong tumingin sa kaniya.
"Pa'no niyo naman nasabi?" Kuniy noong tanong ko.
"Malamang! Napansin namin, ulol!" Sabi pa ni Keart na umayos pa ng upo at pinagsaklop ang mga kamay sa ibabaw ng mesa at mamatamang nakatingin sa 'kin.
Napaiwas nalang ako ng tingin.
"Tse! Umayos ka nga!" Salubong ang kilay na sabi ko sa kaniya.
"Yan! Yan, isa 'yan sa pinagbago mo, Dre." Nakangising sabi pa ni Keith
"Ano?"
Sumeryuso naman si Keart.
"Psh! Nagiging seryuso ka na kasi lagi, Dre. Madalas ka ng seryuso at minsan pa ay blanko. Nahawa ka na ata kay Ashi. Dikit ka kasi ng dikit buwahaha." Seryusong sabi pa ni Keart pero ang loko ay tumawa sa huli.
Binigyan ko lang siya ng--what are you talking about--look.
"Look, Dre. Totoo ang sinasabi namin..kong noon ay para kang bata kong minsan at mas matured pa nga sa'yo ang kapatid mo..pero ngayon ay nag iba kana..malayo ka na sa Drix na pala bully at immature hehehe." Sabi pa nito at pilit na tumawa ng samaan ko siya ng tingin.
Maka immature naman to!
Tse!
"Oh, eh, ano naman ang pinupunto niyo?" Nakataas ang kilay na tanong ko pa.
Napangisi naman silang dalawa bago sumeryuso.
"Na simula ng makabangga at makaaway mo si Ashi ay unti unti ka ng nagbago. Hindi ka na tulad ng dati na kahit sino ay pagtripan mo.. ngayon ay hindi ka na nambully pa. Naging seryuso ka na at hindi na nan-trip pa. Mula ata no'ng mabalibag ka ni Ashi, eh, hindi mo na nagawang man trip pa. Hindi mo na rin pinagtripan si Ashi..lalo na no'ng masaksihan natin ang nangyari sa pagitan ni Ashi at ng pamilya niya." Seryusong sabi pa ni Keith.
Seryusong seryuso at ganon din si Keart. Bahagya naman akong nailang sa kanilang dalawa.
Ngayon ko lang uli sila nakitang ganito ka seryuso.
Napabuntong hininga nalang ako. Pero hindi ko pa rin ma intindihin kong ano man ang point nila.
"I don't understand what's your point guys." Naiiling na sabi ko pa sa kanila.
Mas lalo naman silang sumeryuso. Napalunok nalang ako.
Tse!
"Our point is that, Ashi was the reason why you've change a lot now, Dre." Seryusong sabi pa ni Keart.
"Hanep! Nahawa ka na kay Lyle kaka english, ah!" Kunwaring biro ko pero seryuso pa rin sila.
Napakamot nalang ako sa batok at sumeryuso nalang din.
"We're serious, Dre."
Seryusong sabi pa ni Keith.
"Tse! Bakit naman kasi si panget ang dahilan ng pagbabago ko? Psh!" Seryusong sabi ko pa.
Di pa pwedeng sa sarili ko 'yon? Talagang 'yong panget na 'yon ang gawin nilang dahilan ng pagbabago ko.
Tse!
"Look, Dre. Sinabi na namin sa'yo na mula ng dumating ang tatlong 'yon ay hindi na tayo tulad ng dati..lalo ka na. Hindi mo ba napapansin na wala ng bakas ng mga kalokohan natin noon? Simula ng dumating ang tatlong 'yon ay malaki ang nagbago sa 'ting magkakaibigan. Pwera nalang kay Lyle na mala hero 'yon. Malaki ang idinulot ng tatlong 'yon sa 'tin. At the very first place ay nawiwirduhan tayo sa mga 'yon. Pero, ngayon kahit pa mas lalo silang naging misteryuso ay naging malapit naman tayo sa kanila. Infact, parang kaibigan na rin natin sila. Hindi naman sila mahirap pakisamahan..pwera nalang kong wala sa mood si Ashi at topakin si Xandra. But, they were good to be with, Dre. Lalo na si Ashi, she's too different than the other girls we've known. She's the big impact to your changes, Dre." Mahabang sabi pa ni Keart.
Talagang seryusong seryuso siya sa mga sinasabi niya. Magkasaklop ang mga kamay sa ibabaw ng mesa habang mataman na nakatingin sa 'kin.
Gano'n din si Keith na nakasandal sa upuan niya at deretsong nakatingin sa 'kin.
Napakamot nalang ako ng batok at seryusong tumingin sa kanila. Actually, may naiintindihan naman ako sa haba ng sinabi ni Keart. Ang hindi ko lang maintindihan kong bakit panay Ashi siya ng Ashi.
Psh!
Alam kong nagbabago ako dahil sa sarili ko. Hindi dahil kay panget psh!
"Tse! I understand what you mean..pero, bakit 'yong panget na 'yon lagi ang dahilan ng pagbabago ko? Siya ba ang may control sa 'kin para baguhin ako? Psh! 'tsaka pa'no niyo nasabing siya nga ang dahilan?" Salubong ang kilay na tanong ko sa kanila.
Ramdam ko ang pangungunot ng noo ko. Tse! Hindi ba nila nakikitang ako ang nagbago sa sarili ko?
Psh!
"Gotcha! Eh, wala pala 'to, eh!" Napapailing na sabi pa ni Keith.
Pinaningkitan ko lang siya ng mata. Sabay silang napapailing ni Keart. Psh! Magpinsan nga!
"Putsa! Dre, sinabi na nga naming napansin nga namin! Ugok ka talaga, Dre!" Malakas na sabi pa nito. Dahilan para magtinginan ang iba pang nandito sa cafeteria.
Napapailing nalang ako at napapikit pa.
"Tse! Hindi ba pwedeng ako ang nagbago sa sarili ko? Psh!" Patanong na sabi ko.
Natigilan naman sila at seryusong nakatingin sa 'kin. Napabuntong hininga pa sila.
"Oh, sige. Sabihin na nating ikaw ang nagpabago sa sarili mo. Pero alam mo ba kong pa'no mo binago ang sarili mo?" Seryusong tanong pa ni Keith.
Nataigilan naman ako at natahimik.
Napaisip ako sa sinabi niya. Wala naman akong matandaan na sinabi kong babaguhin ko ang sarili ko. I mean wala akong napansin.
Napalunok nalang ako at nag iwas ng tingin sa kanila.
"Wala." Tipid at napapahiyang sabi ko pa.
Napapitik naman sila sa ere.
"Gotcha! See? Maski ikaw wala kang napansin..so, pa'no mo nasabing ikaw ang nagbago sa sarili mo? Psh! Makinig ka nalang kasi sa'min, dre." Sabi pa ni Keart na tinuro ang sarili nila ni Keith na tinanguan naman ni Keith.
"Oo, nga naman, dre. Dahil kami ang nakakapansin sa pagbabago mo. Kaibigan mo kami kaya alam namin kong kelan ka nagbago o hindi. Hindi mo napapansin dahil masyadong natuon ang attention mo kay Ashi." Deretsong sani pa ni Keith.
Natigilan uli ako at napakunot ang noo ko.
Ano bang sinasabi niya? Ako nation ang attention kay panget? Ha!
Nagbibiro ba siya?
"Nagbibiro ka ba, dre?" Natatawang tanong ko pa.
Pero muli akong natigilan ng seryuy umiling lang ito. Napalunok naman ako.
Ang seryuso naman nila psh! Naninibago tuloy ako sa kanila.
"Hindi kami nagbibiro, dre. Mukha ba kaming nagbibiro?" Seryusong tanong pa ni Keart.
Napalunok na umiling nalang ako.
"Hindi."
"Kaya nga makinig ka sa'min. Kahit pa hindi mo sabihin alam naming hindi lang basta enemy ang tingin mo kay Ashi. Kundi, mas malala pa do'n." Seryuso pero nakangisi ng sabi pa ni Keith.
Natiligilan uli ako at napamaang sa kanilang dalawa habang salubong ang kilay ko.
Anong ibig niyang sabihin?
"What do you mean?" Kunot noo at salubong ang kilay na tanong ko.
Sabay na napangisi naman uli sila pero seryuso pa ring nakatingin sa 'kin ng deretso.
May kong anong sinasabi ang mga tingin nila sa 'kin. Para bang may ipinapahiwatig sila pero hindi ko maintindihan o mahulaan.
Oh sadyang ayaw ko lang alamin kong ano man iyon. Dahil alam ko na kong ano ang ibig nilang sabihin.
"You have a feelings for her."
Sabay na sabi nilang dalawa na nakangiti na.
Napamaang ako at natigilan saka hindi nakapagsalitang nakatingin sa kanila.
May kong ano sa kalooban ko dahil sa sinabi nilang dalawa. Parang tinambol ang loob ko sa hindi malaman na dahilan.
No way! This can't be!
To be continued!!
A/N: hello mga readers hope you enjoy reading and please support me guyzzz in this story.
Abangan ang tagpo ni Ashi at Debbien sa next chapter confrontation.
Don't forget to Vote, comment and Follow
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top