chapter 106

A/N: hello po please support me guyzzz in this story!!

Expecting some wrong grammars and typos here po.

Please don't forget to Vote, comment and Follow.

____________________________________

Ashi Vhon's Pov.

Seryusong nagsosolve lang ako sa mga formulation ng calculus. Actually, mahirap nga ang isang 'to! Kaya pala nag pa pair pa si Sir kanina psh! Pero kaya naman kahit pa solo. Seryusong nagsosolve din si Bisugo. Panay pa ang sulyap niya sakin kanina tsk!

Hindi na muna kami papasok ngayon sa trabaho. Nakapag paalam na'ko kanina. Tinext ko si Joyce at Mina kanina.

Nasa kalagitnaan kami ng pag aaral ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ni Bisugo. Napatingin ako don at ang nakangiting Mommy ni Bisugo ang bumungad na may dalang tray.

"Yiieee..ang seryuso niyo namang mag aral hehehe."nakangiting sabi pa nito sabay lapit samin.

"Ahh, hehehe."tanging lumabas sa bibig ko. Psh! Hindi naman ako sanay ng ganito!

Inilapag niya ang tray study table ni Bisugo at naupo sa tabi nito.

"Salamat, Mom."nakangting sabi pa ni Bisugo sabay tingin sa tray.

"Welcome big boy..hehehe. tutok na tutok kayo sa pag aaral, ahh."nakangiting sabi pa nito.

Tumingin naman siya sakin ng nakangiti. Pili na nginitian ko nalang siya.

"Syempre naman, Mom.. medyo mahirap din po kasi yong calculus sa math namin."sagot pa ni Bisugo sa kaniya sa magalang na paraan.

"Mmm..ganon ba? Kaya niyo naman, right?"nakangiting tanong nito at tiningnan ako uli.

"Mmm."tangong sagot ko.

"Kaya naman talaga, Mom..kailangan mo lang intindihin ng maigi para makuha mo ang tamang solution."nakangiting sabi pa nito.

Psh!

Ngayon ko lang napansin. May dimple pala ang ugok na'to!

Tsk!

Ang dalawang magkabilang pisnge niya ay may dimple. Kaya pala..maraming nagkakandarapa psh!

Tsk tsk!

Lihim na napailing nalang ako.

"Yiiee! Mabuti naman..ang talino talaga ng big boy ko..yiiee."nakangiting sabi pa ng ina nito.

Napatitig ako sa kaniyang ina. Halata ang proud at pagmamahal sa anak niya. Lalo na ang support sa anak. Halatang masaya ang kanilang pamilya.

Napababa nalang ako ng tingin. I remember how mom took care of me. How she loves and support me what ever things it is. It could be make me happy or not, she still supporting me If where I'm gonna be happy.

Napabuntong hininga nalang ako at napailing nalang.

"Oh, hija, are you ok, sweety?" Nakangiting tanong pa ng ina ni Bisugo.

Nag angat ako ng tingin at sinalubong ang nakangiti niyang mukha bago tipid na ngumiti at tumango.

"Ayos lang, ho." Tanging sabi ko.

"Ok, then. Mag meryenda na muna kayo. Bababa na muna ako para mag tulongan si Manang sa pag asikaso sa hapuna. Ahh, hija, dito ka na mag dinner mamaya, ok?" Nakangiting ani pa ng Ginang.

Napatingin ako sa relos ko at pasado alas singko na pala at hindi pa kami tapos sa pag sosolve.

Nakita ko sa gilid ng mata kong nakatingin sa 'kin ang mag ina.
Napatukhim nalang ako bago tumango.

"Sige, hijo." Tipid na sagot ko. Napatili naman sa tuwa ang Ginang.

Nailang tuloy ako tsk tsk!

"Yiiee! Sige, maiiwan ko na muna kayo, ahh? Enjoy your snack. Big boy, ikaw na bahala kay Sweety, ok?" Bilin pa ng ina.

Lihim na napangiti ako sa kabaitan at ka sweet-an ng iba niya.

Naalala ko si Mom sa kaniya.

Napatingin pa sa 'kin si Bisugo bago tumingin sa mommy niya.

"Ahh, yeah. Para namang may gagawin ako diyan." Sagot pa nito ng pahinang pahina pero rinig naman ng ina niya kaya pinandilatan siya nito ng mata.

"Big boy!" Naninitang sabi pa ng ina.

Napakamot nalang ito sa batok bago tumango sa ina sabay kuha ng slice ng cake at kumain.

"Wag kang pasaway, big boy, ahh.. sweety, isumbong mo sa 'kin mamaya kapag may kalokohan yang anak ko ng mabatukan ko mamaya." Ani pa ng Ginang ng bumaling sa 'kin

Napakamot nalang ako sa batok ko at tumango nalang.

Hanggang sa nag paalam na uli ang Ginang at lumabas ng kwarto ni Bisugo.

Napatingin ako kay Bisugo ng makitang patuloy ito sa pagkain.

Tsk!

Napapailing nalang ako tumingin sa solution ng given equation ko.

Kunti nalang at matatapos na kami sa assignments namin.

"Snack ka na muna " biglang sabi pa ni Bisugo.

Hindi ko siya pinansin at nakatuon lang ang mata ko sa papel.

"Hey! Snack ka na muna. Mamaya na 'yan." Sabi pa niya uli.

Napabuntong hininga nalang ako at bumaling sa kaniya.

Nagulat pa ako ng abutan niya ako ng baso ng juice pero hindi ko pinahalata sa kaniya tsk!

Inabot ko nalang 'yon at uminom. Inabutan din niya ako ng slice ng cake sa platito.

"Thanks." Kaswal na sabi ko sabay kain ng cake.

Nakita kong nakatingin lang ito sa 'kin. Nagsalubong naman ang kilay ko psh!

"What are you looking at?" Blankong tanong ko sa kaniya. Napangiwi naman siya at nag iwas ng tingin.

Psh!

"Nothing, himala atang nagpsalamat ka." Mahinang sabi pa nito.

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya tsk!

"Tsk! Dahil mahal ang bawat pasalamat na lalavas sa bibig ko." Mayabang na sabi ko pa.

"Tse! Ang yabang mo talaga, eh, 'no?" Sarcastic na tanong pa nito.

Nginisihan ko lang siya bago nagpatuloy sa pagkain ko. Hanggang sa matapos kaming mag snack at nagpatuloy sa pag gawa ng assignment namin.

Seryuso lang kami sa ginagawa namin. Dahil paniguradong mag papasolve si Sir sa board psh!

Hanggang sa matapos kaming gawin lahat ng assignment.

Napainat pa ako habang nakaupo pa rin. Ramdam ko ang pangangalay ng leeg ko at sakit ng likod ko.

"Woh! Buti naman at tapos na psh!"bulalas pa ni Bisugo sabay inat din. Pagkatapos ay sabay naming niligpit ang nga gamit namin.

Nang matapos ay una itong tumayo habang ako ay tumayo na rin. Napahawak pa ako sa leeg ko tsk!

"Maupo ka na muna sa sofa. Maliligo lang ako." Biglang sabi pa ni Bisugo habang itinuro ang sofa niya.

Napakunot ang noo ko. Maliligo? Kakatapos lang ng ginagawa naming assignments maliligo agad?

Tsk!

"Sira ka ba? Gusto mong magkaroon ng sakit? Kakatapos lang ng paggawa ng assignments maliligo ka na agad? Tsk!" Kunot noo at salubong ang kilay na sabi ko pa.

Napatigil naman siya at salubong ang kilay na tumingin sa 'kin. Pagkatapos ay nag isip na animo'y iniintindi ang sinabi ko bago nagbuntong hininga.

"Tse! Yeah, I forgot. Magsisipilyo nalang muna ako. Maupo ka na dyan." Sabi pa nito at naglakad papasok sa banyo niya.

Napapailing nalang ako at naglakad palapit sa sofa at naupo. Sinuyod ko ng tingin ang kabuuan ng kwarto niya. Maganda ang interior design ng kwarto niya. Maayos ang pagkakatupi ng nga gamit. Malaki ang kabuuan ng kwarto niya. Masters bedroom at may ref na maliit pa.

Yaman, ah!

Napatingin ako sa closet niya bago tumingin sa veranda ng kwarto.

Nakabukas ng bahagya ang pinto at nililipad ng hangin ang kurtina. Tumayo ako at naglakad papunta do'n. Sumalubong sa 'kin ang malamig ng hangin. Madilim na sa labas at kita ko ang ibang kabahayan sa baba. Pati na ang iba't ibang kulay ng ilaw mula sa kabahayan. Naglalakihang mga bahay baggamat village ito.

Napapikit ako ng tumama sa mukha ko ang lamig ng hangin. Napatingala ako sa langit at nagmulat. May mga bituin na marahil ay pasado six pm na ng gabi.

Iilan palang ang mga bituin na makikita sa kalangitan. Nagbuntong hininga nalang ako at pumikit uli. Naalala ko si Mom tuwing titingin ako sa mga bituin.

"Are you, alright?" Biglang tanong mula sa likod ko.

Hindi na ako nag abalang tumingin pa. Marahil ay presensiya at tinig palang ay alam ko na kong sino tsk!

"Mmm." Tangong sabi ko. Naramdaman kong lumapit ito at tumabi sa 'kin.

Kita ko sa gilid ng mata kong nakatingala na siya sa langit.

Pumikit pa siya na animo'y ninamnam ang simoy ng hangin tsk!

Parang bakla ang isang 'to tsk! Napapailing nalang ako at tumingin sa kawalan.

Maya maya lang ay nagsalita ito.

"Tara, baba na tayo." Sabi pa nito at naunang naglakad.

Sumulyap pa muna ako sa kalangitan bago sumunod sa kaniya. Kinuha ko ang bag ko sa study table at sinabit sa balikat ko. Nakaabang naman ito sa hamba ng pinto.

Nakapamulsa pa ito psh! Hindi ko nalang ito pinansin saka nilagpasan ito. Sabay kaming bumaba. Napasuyod ng tingin ko ang kabuuan ng bahay nila.

Maganda ang interior design ng bahay at halatang pang mayaman nga. Malaki ang sala nila at maganda ang desinyo ng dala nila. Pang modern ang interior design ng bahay.

Nagtingin tingin lang ako sa kabuuan ng bahay hanggang sa makababa kami.

"Oh, Hija, hija..nandyan na pala kayo. Hali na't magdinner na tayo." Sabi pa ng isang Ginang na sa tingin ko ay Katulong nila.

"Ah, sige, ho, Manang." Nakangiting sagot pa ni Bisugo.

Tiningnan naman ako ng Ginang at nginitian. Tipid na ngiti lang ang iginawad ko sa kaniya. Pagkatapos ay nauna na siyang pumasok sa kusina.

"Hm, lets go." Baling ni Bisugo sa 'kin na iminuwestra ang daan papunta sa dinning area.

Tumango nalang ako sabay tingin sa relos ko. Swabeng sumunod lang ako sa kaniya.

Bumungad sa 'kin ang malaki at mahabang dinning area nila. Nakaupo na ang magulang ni Bisugo.

"Ate!" Nakangiting tawag sa 'kin ni Drixie. Tipid na nginitian ko lang ito at tumingin uli sa magulang ni Bisugo.

"Magandang gabi, ho, Mr and Mr Chevalier." Pormal na bati ko sa mga 'to.

"Magandang gabi din, hija. Nice meeting you again. Maupo ka na muna." Nakangiting sabi pa ni Mr. Chevalier.

Tipid na tumango ako saka naupo ng swabe.

Naupo na rin si Bisugo sa katabing upuan ko. Katabi ko rin si Drixie.

"Ayiiee!! Salamat naman at nakapunta ka na rin dito sa bahay namin, hija. We're glad to see you again." Nakangiting sabi pa ni Mrs Chevalier.

"Walang ano man, ho. Nagagalak din, ho akong makita kayo." Pormal na sabi ko.

Napangiti si Mrs Chevalier at nakangiting tumango naman sir Chevalier.

"Ah, Ate Ashi, masaya po akong nakapunta ka na sa bahay namin. Buti naman po naisipan ni kuyang isama ka hehehe." Nakangiting sabi pa ni Drixie.

"Hoy! Imōto, may assignments kami sa math kaya ko 'yan dinala dito." Sabat pa ni Bisugo.

Pero di siya pinansin ni Drixie at nakangiti lang itong tumingin sa 'kin.

Tipid na ngumiti nalang ako. Nagsimula na kaming kumain
Iba't ibang ulam ang nakahain at may dessert rin. Sumubo ako ng ulam at nginuya.

"Nagustuhan mo ba, hija? Ako nagluto niyan." Nakangiting tanong pa ni Mr. Chevalier.

Ninamnam ko ang ulam bago nakangiting tumango.

"Masarap, ho. Ang sarap niyo palang magluto." Nakangiting sabi ko.

Tototoong masarap ang luto niya.

Napangiti naman ang Ginang dahil sa sinabi ko.

"Syempre, si Mommy kaya 'yan. Masarap talaga ang luto niyan." Proud na sabi pa ni Bisugo.

Halata ngang nasasarapan siya at proud sa luto ng ina.sabagay masarap naman talaga.

"Oo, nga. Kaya lagi akong ganado sa pagkain, eh." Nakangiting sabi pa ni Drixie.

Natawa nalang ang Ginang at si Manang.

"Tse! Ang sabihin mo Imōto, wala kang palalagpasin pagdating sa pagkain. Dahil matakaw ka!" Sabi pa ni Bisugo.

Sinamaan naman siya ng tingin ng nakakabatang kapatid.

Habang sila ang magulang nila ay natawa.

"Che! Tumahimik ka nga, Nīsan! Buti pa 'yong sa 'kin pagkain. Kesa naman sa'yo, laging iniiwan. Payatot ka raw kasi! " Nakangusong at pasibghal na sabi ng kapatid habang sinamaan ito ng tingin.

"Hoy! Imōto! Ikaw ang tumahimik! Hindi ako payatot.. sadyang di sila para sa 'kin psh!" Inis na sabi pa ni Bisugo sabay pinandilatan ang kapatid.

Lihim na natawa nalang ako sa kanila. Habang ang magulang nila ay natatawa habang pinapanood silang magkapatid.

"Oh, siya. Tama na iyan, abay nandito tayo sa hapag kainan mga batang 'to, oo. Nakakahiya sa bisita niyo, hijo." Saway pa ni Manang sa kanila.

"Tse! 'yang panget kong kapatid---"

"Hoy! Nīsan, ako panget? Sa ganda kong 'to duhh!" Mataray na pigil nito sa kuya niya.

Muling lihim na natawa nalang uli ako.

"Bueno, tama na iyan. Kayo talaga, magsikain na nga kayo." Natatawang sabi pa n Mr Chevalier.

Nagsamaan pa ng tingin ang magkapatid bago kumain uli.

Tsk!

'yon ang way ng paglalambing nila psh! Nagtuloy nalang kami sa pagkain ng basagin ni Mrs Chevalier ang katahimikang namutawi sa'min.

"Ah, sweety, salamat pala sa pagligtas sa anak ko, ahh. I'm really impressed for what you did, hija." Nakangiti at sensirong sabi pa ng Ginang.

Binitiwan ko ang kutsara't tinidor na hawak ko at nagpunas ng bibig bago nagsalita.

"Tulad, ho, ng sabi ko ay ayos lang. Kahit na sino ay gagawin 'yon kapag sila ang nakakakita sa nangyari." Pormal na sabi ko pa.

Napangiti naman ng todo ang Ginang at ganon din ang asawa nito.

"Ang bait mo talaga, sweety. Basta, hindi ako magsasawang magpasalamat sa'yo." Nakangiting sabi pa ng Ginang.

Tipid na ngiti nalang ang iginawad ko sa kaniya.

"Abah, hija. Ikaw pala iyong nagligtas sa alaga ko. Ang ganda mo naman palang bata." Nakangiting sabi pa ni Manang.

Napatingin ako sa kaniya at naiilang na ngumiti ng tipid.

Tsk!

Hindi ako sanay ng pinupuri ako psh!

"Tse! Wala namang maganda diyan." Rinig kong bulong ni Bisugo na ako lang ang nakakarinig.

Tsk tsk!

Hindi ko nalang siya pinansin pa.

"Oo, nga ate. Samantalang ang panget ng isa diyan na niligtas ng tulad mo. Yiiee!!" Nakangiting na sabi pa ni Drixie.

"Hoy! Sa gwapo kong 'to sasabihin mong panget ako? Baka ikaw 'yon tse!" Angil pa ni Bisugo.

Pero dinilaan lang siya ng kapatid. Tsk tsk!

"Kayong dalawa magsitigil kayo. Nasa harap tayo ng pagkain." Saway pa ng Ama nila.

Natahimik naman sang dalawa at Muling kumain. Nagpatuloy lang kami sa pagkain habang nag uusap. Panay ang tanong ni Mrs Chevalier sa 'kin tungkol sa pag aaral at taglay kong kakayahan na iligtas ang anak niya.

Habang ang magkapatid ay nagsasamaan ng tingin. Natatawa nalang akong palihim dahil sa kanila.

Hanggang sa matapos ay nasa sala kaming lahat maliban kay Manang.

Nagbabangayan pa rin ang magkapatid. Parang bata talaga 'tong si Bisugo psh!

Maya maya ay napatingin ako sa relos ko. Pasado alas syete y medya na ng gabi.

Tumayo na ako at nagpaalam sa kanila.

"Ah, mauna na, ho, ako. Gabi na at may gagawin pa ako. Salamat ho, sa dinner." Paalam ko pa saka magpasalamat. Binigyan ko rin sila ng tipid na ngiti. Kinuha ko ang bag ko at sinabit sa balikat ko.

Natigil naman ang magkapatid at napatingin sa 'kin.

"Uuwi ka na, ate? Ang aga pa, ah. Dito ka na muna." Nakangusong sabi pa ni Drixie.

Natawa nalang ako sa ka cute-an niya.

"May gagawin pa ako sa bahay. Naghihintay na rin ang mga kasama ko do'n." Sabi ko at tipid na nginitian siya bago bumaling sa mag asawa.

"Ganon ba? Oh, siya.. Salamat sa pagpunta mo, sweety. Sana ay makapunta ka pa dito ng madalas." Nakangiting sabi pa ng Ginang.

Napakamot nalang ako sa batok bago marahan na tumango.

"Sige, ho." Tanging sagot ko.

"Mag iingat ka, hija. Hope to see you, again." Nakangiting sabi pa ni Mr Chevalier.

Tumango naman ako.

"Sige, ho. Salamat uli sa dinner. Mauna na, ho ako." Paalam ko pa.

Nakangiting tumango naman sila.

"Aish! Gusto pa sana kita makasama, ate." Nakangusong sabi pa ni Drixie.

"Nah! Next time nalang uli." Nakangiting sabi ko pa rito.

Tumango nalang siya bago tumingin sa kapatid.

"Sayang, uuwi na ang destiny mo kuya---"

"Tumahimik ka nga! 'yan destiny ko? Psh!" Singhal pa ni Bisugo.

Napakunot nalang ang noo ko at napailing.

"Siya, siya! Drixie, umakyat ka na sa kwarto mo. Son, ihatid mo si Ashi sa kanila." Sabi pa ni Mr Chevalier.

Agad na pumanhik naman na sa taas ang bunsong anak nila at tumayo naman si Bisugo.

"Ah, may dala, ho, akong motor Mr Chevalier."

"Naku! Tito nalang ang tawag mo sa 'kin, hija. Masyadong pormal ang Mr Chevalier." Natawang sabi pa nito.

Napakamot nalang ako sa batok ko sabay tango.

"Sige, ho, Tito."

"Yiiee..Tita, nalang din ang tawag mo sa 'kin, sweety." Nakangitung sabi pa ng Ginang.

Tumango nalang din uli ako.

"Sige, ho. Mauna na talaga ako. Hinintay na nila ako sa bahay." Pormal na paalam ko.

"Oh, siya. Mag iingat ka, hija." Nakangiting sabi pa ni Tito.

"Sige, ho, salamat." Sabi ko pa.

"Son, ihatid mo na si Ashi sa labas." Baling pa nito sa anak.

Tumango nalang ito at nagpaunang naglakad.

Nginitian ko nalang ang mag asawa bago lumabas ng bahay.

Nakapamulsa akong lumabas at cool na sumunod kau Bisugo sa labas.

Medyo mahaba ang nilalakaran namin dahil may kalayuan din ang gate nila. Nasa labas ang motor ko.

"Oh, oo nga pala. Sinong magsubmit kay sir sa assignments natin?" Tanong pa ni Bisugo ng makalabas kami at makasampa ako sa motor ko.

"Tsk! Alangan naman 'yong kaklase natin, eh tayo ang magpartner. Tsk!"

Rinig kong pasinghal na bumuntong hininga ito.

"Tse! Wala ka talagang kwenta kausap!" Inis na sabi pa niya.

Tsk tsk! Ang bilis mainis ng isang 'to tsk!

"Tsk! Ikaw 'tong hindi maayos magsalita tsk! Ayusin mo kasi ang tanong mo." Walang ganang sabi ko pa.

"Psh! Abnormal ka kasi! Sino nga ang magpasa no'n! Ikaw O ako?" Pasinghal na tanong pa niya.

Napa smirk ako bago nagsalita.

"Ano 'yan? Kanta o pilikula? Ikaw at ako? Tsk!" Nakangising tanong ko pa.

Sinamaan naman niya ako ng tingin.

"Umayos ka ngang panget ka!' inis na singhal niya.

Napapailing nalang ako. Ang init ng ulo nito sa 'kin, eh psh!

"Oo na! Tayong dalawa!" Nakangising sabi ko sabay kindat sa kaniya.

Napamaang naman ang loko tsk tsk.

Pinaandar ko na ang motor ko at pinainit ang makina.

"Wuyy! Tulo laway mo, oh!" Biro ko pa.

Agad namang nangunot ang noo niya sabay punas ng bibig. Pero sinamaan niya ako ng tingin ng hindi naman totoo ang sinabi ko.

Psh!

Uto uto din minsan tsk!

"Peste! Ka talagang panget ka! Kahit kailan!" Salubong ang kilay na singhal niya.

Pero nginisihan ko nalang siya at akmang aalis na ng pigilan niya ako.

Napakunot ang noo ko.

"Ano?" Blankong tanong ko. Napatigil naman ito.

"A-ah, ano..h-hindi ka ba magpapaalam sa 'kin?" Nakakunot noong tanong niya kahit nauutal pa.

Lalong nagsalubong ang kilay ko.

"At bakit naman?"

"Tse! Dahil aalis ka na! Panget na 'to!"

"Tsk! Hindi ko obligasyong magpaalam sa'yo. Ano kita jowa? Tsk!"

"Abah---hoy! Panget! Anong jowa ang pinagsasabi mo? Ikaw? jowa ko? Ha! Mangarap ka!"

Inis na singhal pa nito. Napapailing nalang ako. Ang taas ng bilib sa sarili.

"Nah! Wag na! Wala namang ka panga-pangarap sa'yo!" Nakangising sabi ko pa.

Nagsalubong uli ang kilay niya at inis na tumingin sa 'kin habang napamaang pa psh!

"Abah! Hoy! Anong wala? Magkakandarapa ba ang mga babae sa paghabol sa 'kin kong wala---!"

"Tsk! Bulag kasi sila kaya nadapa!"pigil ko sa kaniya habang nakangisi psh!

Napamaang naman siya at sinamaan ako ng tingin.

"Anong---!?"

"Geh, na. Alis na ako. Pumasok kana do'n at baka makita ka ng mga kalaban mo!" Seryusong sabi ko pa.

Natinag naman siya at agad na nagpalinga linga sa paligid.

Tsk tsk

Binuhay ko nalang uli ang makina ng motor ko.

"A-anong ibig mong sabihin? Nandito sila?" Kinakabahang tanong pa niya.

Napailing nalang uli ako. Duwag ang isang 'to psh!

"Tsk! Biro lang pumasok kana sa loob." Sabi ko at agad niya akong sinamaan ng tingin.

"Walang kwenta 'yang biro mo tse! Alis na!" Taboy pa niya.

"Pumasok ka na sa loob bago ako aalis. Wag ka ng umangal dahil uuwi pa ako."

"Tse! Bahala ka sa buhay mo!" Inis na sabi pa niya saka tumalikod at pumasok sa gate.

Tiningnan pa niya ako bago isara ang gate. Napapailing nalang ako. Pagkatapos ay umalis na ako at umuwi.

******************************

Drixon's Pov.

Inis na naglakad ako papasok sa bahay. Kahit kailan talaga ang panget na 'yon!

Tse!

Walang kwentang kausap! Tapos wala pang kwenta ang biro niya tse!

Kahit kailan hindi siya nakakatuwa psh!

Pagkapasok sa bahay ay wala na sila, Mom and Dad. Marahil ay nasa kwarto na sila. Dumeritso nalang ako paakyat sa taas at pumasok sa kwarto ko.

Napatingin pa ako sa study table kong saan kami nag aral ni panget kanina psh! Naalala ko ang seryuso niyang mukha habang nag sosolve sa mga equations kanina. Hindi ko alam kong napapansin ba niya ang panay kong pagsulyap sa kaniya.

Tsk!

Bakit ko naman ginawa 'yon kanina? Psh!

Napapailing nalang ako at saka dumeretso sa banyo. Naligo na muna ako. Tumayo ako sa ilalim ng shower at hinayaang dumaloy ang tubig sa katawan ko.

Biglang nag flash sa balintataw ko ang pag tatalo namin ni panget kanina sa labas ng gate.

Ang pag smirk niya sa 'kin at ang naka ngisi niyang mukha.

Tsk!

Napapailing nalang ako at nagpatuloy sa pagligo hanggang sa matapos na ako.

Agad na akong lumabas ng kwarto ng naka balot ng tuwalya ang katawan ko. Naglakad na muna ako papunta sa maliit kong ref at kumuha ng tubig at uminom.

Pagkatapos ay naglakad na ulo ako papunta sa walk in closet ko at kumuha ng pantulog at nagbihis. Nang matapos at matuyo ang buhok ko ay pabagsak akong nahiga sa kama ko.

Napatitig pa ako sa kisame at nag isip. Hanggang sa di ko namalayang nakatulog na pala ako.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa ingay ng alarm clock ko. Pupungay pungay ang mga mata kong dumilat. Nakayakap pala ako sa panda ko.  kinusot kusot ko pa ang mga Mata ko bago tuluyang bumangon.

Nag-inat ako at tumayo saka dumeretso sa maliit na ref ng kwarto ko. Uminom na muna ako ng tubig bago kumuha ng twalya at dumeretso sa banyo ko. Napatingin pa ako sa salamin ng banyo ko at tiningnan ang mukha ko. Hindi naman na masakit ang sinapak ng hayop na Luke na 'yon kahapon tse!

Pasalamat siya at hindi ako lumaban dahil marami sila.

Tse!

Hindi ako duwag makipag suntukan, sadyang marami lang sila at wala ako sa mood makipag basag ulo tse!

Buti nalang at hindi napansin nila Mommy at Daddy ang pasa sa mukha ko. Hindi na rin masakit ang tiyan ko.

Napailing nalang ako saka hinubad lahat ng damit ko at naligo na.

"Good morning, big boy!" Agad na bati ni Mom ng makababa na ako. Nakasabit lang ang bag sa balikat ko. Nakaupo lang si Mom sa sala habang may hawak na dyaryo.

"Good morning din, Mom." Balik na bati ko sabay halik sa pisnge ko.

"Aga, ah? Excited kang makita si Ashi, 'no------?"

"Mom! Stop teasing me. I don't like her, ok? Psh!" Pigil ko kay Mom.

Pero nanunuksong nakatingin lang siya sa 'kin. Napailing nalang ako at binaba ang bag sa couch saka naglakad papasok ng kusina.

"Big boy, what's wrong? She's----"

"Oh! Please, Mom! Just stop. She's a boyish and she's never be my type, ok? Besides she's something weird tse!" Pigil ko uli kay Mom.

Pinandilatan lang niya ako ng mata kaya sinamangutan ko nalang siya.

"Good morning, Manang." Baling ko kay Manang nang makita Kong nagpabalik balik ang tingin niya sa'min ni Mom.

"Magandang umaga naman, hijo. Ano bang nangyare sa inyong mag ina? Aga aga, ahh..nakuh!" Natatawang sabi pa ni Manang.

Napapailing nalang ako at nagtimpla ng coffee ko.

"Big boy, naman kasi, malay mo, son she's---"

Napa face palm nalang ako kay Mom.

"Mom, you don't know her, ok? She's like an Amazona. Tapos ang weird pa niya, wala pang kwentang kausap. She's my enemy, Mom." Malumay na sabi ko.

Sinamaan lang ako ng tingin ni Mom. Alam kong nanunukso lang siya tse!

Hindi niya alam ang ugali ng panget na 'yon. Masyadong weird at amazona. Tapos ang lupit makipag laban tse!

Napailing nalang ako. Matapos kong kumain ay nagpaalam na ako at naunang pumunta ng school. Si Manong nalang ang maghahatid kay Drixie sa school.

Nang makarating ako sa parking lot ay marami na ang sasakyan na naka park.

Pagbaba ko ay napatingin ako sa parking nila panget. Nandito na rin pala sila. Mamaya na namin i-submit kay Sir ang Assignments namin. Pati na rin 'yong sa iba pang subject. Kinuha ko na lang ang bag ko't sinabit sa balikat ko bago ni-locked ang kotse ko.

Napasulyap pa uli ako sa motor no'ng tatlo bago naglakad papasok sa loob.

Napapatili pa ang mga babaeng nadadaan ko. Hindi ko nalang sila pinansin. Nagtuloy tuloy nalang ako papasok sa loob.

Nasa gitna palang ako ng hallway ay may humarang na sa 'kin. Kaya napatigil ako sa paglalakad at walang ganang nag angat ako ng tingin.

Napailing nalang ako ng makitang si Kathy pala ang humarang sa 'kin.

Tse!

Ano na naman ang kailangan ng babaeng 'to?

"Hi! Good morning, Drix!" Malanding bati pa nito.

Nasa likod niya ang dalawang kaibigan nito na nakangiti rin tse!

Binigyan ko lang ng bored na tingin si Kathy bago lagpasan. Pero sadyang malandi nga ang babaeng 'to. Hinawakan niya ang braso ko at dumikit sa 'kin. Halos dumikit na ang hinaharap niya sa braso ko. Inis kong binawi ang ito at sinamaan siya ng tingin pero nginitian niya lang ako.

"Don't you dare to do it again." Mariing sabi ko pa sa kaniya.

"Nah! Ngayon ko lang naman na gagawin 'yon, Duhh!!"  Malandi at maarting sabi pa nito.

Inismiran ko lang siya at tinalikuran.

"Wait!"

"What the!? Can you stop blocking my way!?" Inis na sabi ko sa kaniya.

Napapatingin pa sa gawi namin ang mga malapit sa pwesto namin.

"Tch! You got angry to me, 'huh? Psh!" Nakangiting sabi pa nito.

Napapailing nalang ako at sinamaan uli siya ng tingin.

"Bitch." Mahinang sabi ko at tinalikuran siya.

Ano bang nakain ng malanding 'to at nag gagaginto ngayon? Tse!

"Hey! Wag ka na munang magpatuloy sa paglalakad!---"

"Shut up! Will you!?" Inis na lingon ko sa kaniya.

"Tch! Hindi mo magugustuhan ang makikita mo kapag nagpatuloy ka pa. Duhh!!" Maarting sabi pa nito habang napapairap sa kawalan.

Napakunot naman ang noo kong tiningnan siya. Pati mga kaibigan niya ay tumango pero nakangisi.

Tse!

"What do you mean?" Walang ganang tanong ko.

Napangisi naman siya bago sumulyap sa likod ko at lumapit sa 'kin.

"I won't tell it for you. Oh! Wait! I was wrong. I think you should see it. I'm sure you would like what you've see while witnessing the action show. Let's go." Nakangiting sabi pa nito na akmang hahawal sa braso ko ng samaan ko siya ng tingin habang naglilito sa mga sinabi niya.

Action show? Is she out of her mind? Anong tingin niya sa school namin? Shooting-an ng mga artista?

Tse!

Kunot ang noong tinalikuran ko siya at nagpatuloy sa paglalakad. Napansin kong nagtatakbuhan ang mga students sa kong saan.

Mas lalo tuloy akong nagtaka. Ano bang meron at nagtatakbuhan ang mga 'to?

"Oh! It seems like, many students want to see the action show." Dada na naman ng nasa likod ko.

Hindi ko nalang siya pinansin at nagtuloy nalang ako patungo sa locker. Kukuhanin ko lang ang mga gamit ko do'n.

Pero hindi pa man ako nakakalapit sa locker ay napako ang mga mata ko sa daan patungo sa likod ng building ng mga college kong saan dumaan ang mangilan ngilang studyante.

Napakunot uli ang noo ko saka sinundan sila ng tingin. Parang may nagaganap sa likod ng building.

"What the! What's on the back of the college building." Bulong ko.

Mahina lang iyon pero narinig pala ni Kathy ang sinabi ko.

"You don't know it, if you don't go there. See it by your self, duhh!" Sarcastic na sabi pa nito at hinila ako patungo sa daan kong saan patungo sa likod ng college building.

Inis ko ng binawi ang braso ko at hindi na siya pumalag pa dahil sumunod nalang ako.

Nang makarating kami sa likod ay bumungad sa 'kin ang nagkukumpulang students. Bagaman hindi masyadong marami ay natatakpan nila ang kong anong pinanonood nila.

Dahan dahan akong naglakad palapit at napapitlag lang ako ng umalingaw ngaw ang pamilyar na boses.

Si Alvin!

Mabilis na lumapit ako at nakisuksok sa mga students.

"Ano!? Hindi ka lalaban? Dahil naduduwag ka!? Ha!" Galit na sigaw pa ni Alvin.

Nang tuluyan ko nang makita ang kong anong meron ay napamaang ako sa gulat.

"Tsk! Hindi ako lalaban..." Bitin na sabi pa ni panget na nakaupo sa lupa at putok ang labi niya. "Sa mga tulad niyong mahihina. Baka sa isang kilos ko lang matutuloy ang sinabi kong sa hospital ang magiging bahay niyo." Mahina pero seryuso at walang emosyong sabi pa ni panget sabay dahan dahang tumayo.

Tse!

Yabang talaga! Pero...

(0_0)

Pinalo ni Alvin ang binti niya dahilan para muli siyang mapaupo. Napahiyaw ang lahat.

"T*ngna." Mahinang bulong ni panget pero narinig ko.

"Ang yabang mo talaga, eh, 'no!? Dada ka ng dada wala ka namang binatbat!?" Sigaw ni Alvin sa kaniya at pinalo siya Ng bat sa kaliwang binti.

Nahiyaw ang lahat dahil sa ginawa ni Alvin. Pati ako pero si panget ay parang wala lang sa kaniya.

"T*ngna ka! Pag ako nabalian paghiwa-hiwalayin ko ang mga buto mo sa katawan!" Seryuso at blankong sabi pa ni panget dahilan para kilabutan ako at ang iba pa.

Nakita ko pang natigilan sila Alvin pero bigla silang humagalpak ng tawa.

"Hahahahahahahahaha!!" Malakas na tawa pa ng mga kasamahan ni Alvin. Nasa sampu sila ngayon.

"Tch! Kong Kaya mo hahahaha!!" Sabi pa ni Alvin at tumawa ng malakas.

Napatingin uli ako kay panget. Kalmadong naka yuko lang ito pero ramdam ko ang kakaibang aura niya.

Napatingin ako sa paligid at hindi ko makita sila Xandra at Kyla.

Nasaan sila?

"Tsk!" Tanging sighal ni panget sa tawa ni Alvin.

Napatigil naman si Alvin at seryusong tumingin kay panget habang nakangisi.

"Ano? Magyayabang ka pa, ha? Tch! Mukhang hanggang sa dila lang ang mga sinasabi mo, ah." Seryuso ngunit nakangising sabi pa ni Alvin.

Nag angat ng tingin si panget at blankong nakatingin kay Alvin. Napalunok ako sa paraan ng pagkakatingin niya kay Alvin.

"Magpasalamat ka nalang..dahil kong hindi, hindi mo na magagawang dumada sa harapan ko." Seryusong sabi pa ni panget.

Kinilabutan na naman ako sa sinabi niya. Para kasing may laman ang mga sinabi niya. At alam kong seryuso na siya dahil nararamdaman ko. Natahimik ang lahat matapos sabihin iyon ni panget.

Pero nagulat kaming lahat ng ngumisi si Alvin at mabilis na lumapit kay panget at hinampas ito sa likod at binti niya.

Napahiyaw na naman ang lahat sa gulat at takot.

"Puro ka satsat! Wala ka namang binatbat! Kundi 'yang kayabangan mo!? Kala mo maisisndak mo ako!?" Galit na sigaw pa ni Alvin at hinampas uli di panget ngunit nagulat kaming lahat ng mabilis pa sa hangin siyang tumayo at sinalag ang bat na papunta sana sa mukha niya.

Napalunok ako ng makita ang blanko at seryusong mukha ni panget habang mariin na nakatingin kay Alvin. Halata rin ang higpit ng hawak niya sa bat na animo'y naubos na ang pasensiya niya at kaya niyang patumbahan ang siyam na kasama ni Alvin.

Ramdam ko rin ang tension at gulat ng lahat sa ginawa ni panget. Sino ba namang mag aakalang gano'n siya kabilis kumilos at tumayo gayong ilang beses siyang hinampas ng bat sa binti at likod niya. Putok pa ang labi niya at may likido ng dugo ang gilid ng labi ni panget.

"Wag mong ubusin ang pasensiya ko, Alvin. Dahil bibihira lang akong nagbibigay ng mahabang pasensiya sa mga taong gaya mo!" Mariin at seryusong sabi pa ni panget habang deretsong nakatingin sa mata ni Alvin. Nakita ko pang napalunok Ito marahil sa aura n panget." Dahil di mo gugustuhin ang gagawin ko kapag ubos na ang pasensiya ko!" Mariing patuloy pa ni panget.

Napalunok uli si Alvin at halatang basindak siya.

Tse! Sabi niya hindi siya masisindak jay panget.

Psh!

Wal rin palang binatbat ang damuhong lalaking 'to. Kong ako lang ay kayang kaya ko siyang labanan. Psh!

Natinag lang ako ng biglang pumalakpak si Kathy na nasa tabi ko at nakangisi pa.

*CLAP CLAP CLAP CLAP!

"Nice show! Pero nabitin ako. Ituloy niyo na." Nakangiting sabi pa nito habang taas noong nakatingin sa dalawa.

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Are you crazy? Natutuwa ka pa sa nakikita mo, ha? Bitch!" Seryusong sabi ko pa mataman siyang tiningnan at pabulong ang huking sinabi ko dahilan para siya lang ang makarinig no'n.

Seryusong tumingin na uli ako kela panget at nagulat ako ng sa 'kin siya nakatingin.

Pero..

(0_0)

"Panget!"




To be continued!!

A/N: hello mga readers hope you enjoy reading po. Please support me guyzz in this story.

You won't regret reading this story guyss! I'll do my best to make you impressed charooott.

Don't forget to Vote, comment and Follow.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top