chapter 105
A/N: hello guyss please Vote, comment and Follow it's a highy appreciated!
Expecting some wrong grammars and typos here po hehehe.
Don't forget to Vote comment and Follow!
____________________________________
Drixon's Pov.
Paakyat na ako sa building namin ng mag isa! Oo! Mag isa! Dahil iniwan ako nong panget na tomboy na yon!
Psh!
Kahit kailan wala siyang kwenta! Hindi man lang ako hinintay peste!
Medyo mahapdi pa yong labi lalo na kamag magsasalitaako. Parang mapupunitang labi ko peste!
Bwiset na Luke na yon! Tang*na siya!
Kala mokong sinong astig na unggoy!
Binangasan pa ang mukha ko. Pati tyan ko masakit parin dahil sa tadyak niyang peste siya!
Tse!
Akala ko ma-o-ospital na naman ako. Psh!
Buti nalang pala at nakahingin ng tulong yong dalawang cute na bata kanina. Sila yong nakita kong tumakbo kanina psh!
Malas lang dahil ang panget na tomboy na yon ang hiningian nila ng tulong peste!
Nakakainis! Tse!
Pero, ayos na rin at naabutan pa'ko ng tomboy na yon! Kong hindi baka sa hospital ang bagsak ko. Worst, baka nilamayan na'ko tang*inang yan!
Ramdam ko ang inis at badtrip na pumasok ako sa classroom namin. Nakita ko ang tatlong ugok kong kaibigan psh!
Kausap nila sila Kyla. Napatingin ako sa upuan ni tomboy.
(0_0)
Nasaan ang panget na tomboy na yon? Nauna siya kanina ahh? Psh!
Napapailing nalang ako---"
"Tabi!"
(0_0)
Natuod ako sa lamig ng boses na yon!
Rinig kong tumahimik ang lahat at nakatingin samin. Dahan dahan akong lumingon at bumungad sakin ang blankong mukha ni panget.
"Sabi ko, tabi!"
Sabi uli niya. Napatabi ako habang nakatingin sa kaniya.
"Tsk!" Singhal pa nito at deretsong naglakad at umupo sa upuan niya.
Psh! Naglakad nalang ako patungo sa likod at umupo sa upuan ko.
Badtrip!
Agad na lumapit yong tatlo at umupo sa upuan nila.
Nagtatakang nakatingin pa sila sakin at sa putok kong labi.
Psh!
"Anyare sayo? Sabi mo maaga kang pumunta dito..ulol! Hihintay pala sa parking lot ah!"anas pa ni Keart.
Hindi ko nalang siya pinansin psh! Badtrip ako!
"Ayos ka lang, Dre?"tanong pa ni Keith.
Napabuntong hininga nalang ako.
"Bakit putok yang nguso mo?"takang tanong pa ni Lyle.
Psh!
"Sinampulan ka ba ni Ashi, dre?"nakangising sabi pa ni Keart.
Anak ng!
Sinamaan ko lang siya ng tingin. Ashi siya ng Ashi psh!
Sarap nilang pag untugin ni Keith. Hindi tuloy ako naka tulog ng maayos kagabi kakaisip sa mga sinabi nila. Pero buti nalang maaga parin akong nagising tse!
"Hindi. May sumapak saking unggoy!"walang ganang sabi ko pa.
Nagtataka naman silang napatingin sakin.
"Unggoy? Sino?"takang tanong pa ni Keith.
Haysstt!
"Hinarangan na naman ako ng grupo ni Luke..sinapak niya ako't tinadyakan. Muntik pa akong hampasin ng tobo tang*nang yon!"inis na sabi ko pa.
Nanlaki naman ang mga mata nila. Psh! Pero halata ang pag aalala sa mga mukha nila.
"Ano?"halos sabay sabay na tanong nila.
Aishh!
Napatingin sa gawi namin ang iba tse!
"Hinarang ako nila Luke..sinapak at tinadyakan ako----"
"Narinig namin, ulol! Paulit ulit ka pa. Ano? Ano pang ginawa nila sayo? ha?"nag aalalang tanong pa ni Keart.
Napapailing nalang ako psh!
"Ayos ka lang ba?"nag aalalang tanong pa ni Lyle.
Tumango nalang ako at bumuntong hininga.
"Buti Hindi ka napuruhan ng todo, Dre?"nag alalang tanong pa ni Keith.
Napabuntong hininga nalang ako. Hindi nga, pero muntik na psh!
"Muntik na sana..hahampasin na nga sana ako ng tobo ng nakahiga na'ko sa lupa at namimilipit sa sakit ng tadyak ng pesteng Luke na yon!"naiinis na sabi ko pa.
Badtrip ang tang*nang yon psh!
"Gagong yon! Buto Hindi ka nahampas?"tanong pa ni Keart.
Tumango ako at bumuntong hininga. Para silang nabunutan ng tinik psh!
"Dumating si panget."walang ganang sabi ko.
Sabay sabay silang napatingin sakin.
"Si Ashi? You mean? Si Ashi ang nagligtas sayo?"hindi makapaniwalang tanong pa ni Lyle.
Tumango nalang ako at sumandal sa upuan ko.
Natahimik naman si Keith at Keart kaya nilingon ko sila.
Tse!
Nakangiti ng malaki ang mga loko habang nakatingin sakin. Nanunukso ang mga tingin nila sakin psh!
Napapailing nalang ako. Alam kong iba na naman ang nasa isip nila tse!
"Hahaha..another good side of Ashi, Dre..niligtas ka na naman niya. Abah! Bibihira nalang ang ganon ngayon! Hahaha siguro meant to be kayo, Dre."anas pa ni Keart na may nanunuksong ngiti.
Sinamaan ko siya ng tingin. Ngingiti naman siyang napapailing at ganon na rin si Keith. Natahimik naman si Lyle.
Tse!
"Lagi talaga kayong pinaglapit ni tadhana, Dre..pati mga gawain ng lalaki ay nagagawa niya. Tapos sayo pa niya yon nagagawa. Ang bait ng tadhan ngayon sayo, Dre..mukhang maging magkaibigan na kayo ni kupido hahahaha."nanunuksong sabi pa ni Keith sabay tawa.
Sinamaan ko nalng din siya ng tingin. Pero tinawanan lang nila ako. Mga lokong to!
"Tse! Shut up, Dre..mandiri nga kayo sa mga pibagsasabi niyo..hindi ako papatol sa isang tomboy na panget psh!" May inis na sabi ko sa kanila.
Napapailing nalang uli sila sa sinabi ko.
"Psh! Wag kang ganiyan, Dre..tulad ng lagi naming sinasabi..baka kainin mo lahat yang sinasabi mo kapag ikaw na inlove sa kaniya. Trust me. Daig mo pa ang hindi nabigo ng dalawang beses sa pag ibig, Dre kapag na fall ka sa kaniya. Nahahalata namin yon sayo. Masa indenial stage ka pa ngayon hahahahaha."mahabang sabi pa ni Keart saka tumawa na sinabayan pa ni Keith.
Nakita kong nagbabasa na ng libro si Lyle.
Sinamaan ko nalang uli sila ng tingin at hindi na pinansin. Umaandar na naman ang kalokohan nila psh!
Hanggang sa makapasok ang unang lec namin sa Mapeh. Wala kaming activities sabi ni Mrs Lanusa. Dahil pagud at puyat pa raw kami dahil sa nangyari Kay Tita.
Ayos naman na si Kaye Zenn. Nag aral na uli siya. Mukhang sasabay pa nga 'yon mamaya samin na mga lunch.
Natutuwa akong makitang ok na ok na siya.
Hindi ko na rin sinisi ang sarili ko sa nangyari kay Tita. Naiintindihan ko na ang lahat ng sinabi ni panget sakin nong lamay at libing ni Tita.
Napapailing nalang ako. Puro nalang panget psh!
Lihim na sinulyapan ko si panget. Tahimik at blanko itong nakikinig habang nagsusulat sa notebook niya.
Tse!
Wala man lang ka bago bago sa mukha niya. Pati aura niya ay nararamdaman ko psh!
Nakinig nalang ako sa discussion ni Mrs Lanusa. Nagtatake note na lang din ako para may ma studihan ako mamaya sa bahay pag uwi.
Discuss
Discuss
Break time
Class
Discuss
Discuss
Discuss
Discuss
~Cringg Cringg Cringgg~
Lunch Break.
Gutom na gutom na ako dahil hindi ako nag break time kanina. Kaya nagmamadali kong pinagligpit lahat ng note book, at libro ko.
Nauna pa ako sa mga kaibigan ko dahil hinintay pa nila yong mga girls psh!
Dumaan pa'ko sa locker at inilagay lahat ng gamit ko don. Pagkatapos ay naunang naglakad patungo sa cafeteria. Marami na namang nagtitilian. Kadalasan ay mga same grade level ko lang. May iilang college din. Mukhang hindi pa lumalabas ang ibang college.
"Drix!"
Rinig kong tawag sakin. Napatingin ako sa line at nakita ko si Kaye Zenn. Nakapila siya kaya sumunod ako sa kaniya.
"Oh? Buti nakalabas na kayo."sabi ko pa.
Tumango lang siya at ngumiti.
"Saan ang mga kasama mo?"takang tanong pa niya sabay lingon sa likod ko.
"Paparating na rin sila."sabi ko. Tumango nalang uli siya.
Nagtaka naman ako ng biglang nagsalubong ang kilay niyang nakatingin sakin at sinuri ang mukha ko.
"Anonh nangyari jan sa nguso mo?"salubong ang kilay na tanong pa niya.
Napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya.
"Wala 'to."sagot ko sa kaniya. Pero ramdam ko amg masamang tingin niya sakin.
"Anong wala? Bakit pumutok yang nguso mo?"tanong pa uli niya.
Napabuntong hininga nalang ako. Ayaw akong tigilan Hanggat hindi niya nalalaman.
Ganon siya lagi sakin. Mas close rin kami kahit pa close ko rin si Bella. Siya parin ang nakakatandang pinsan ko na mas close ko at nakakausap ko. Nong samin nga ni Trixie noon ay siya ang nag aadvice sakin.
Napabuntong hininga nalang uli ako.
"Napaaway."sagot ko nalang.
"Arayy!" Daing ko ng batukan niya ako.
Nakangusong napahawak nalang ako sa batok ko.
Ang hilig talaga mambatok ng babaeng to!
"Nakikipag away ka na naman? Ano? Si Ashi ba ang inaway mo ha? Bakit mo siya inaway! Ikaw talaga! Ha!ang bait nong tao inaaway mo!"sabi pa niya at..
"Arayy ko naman!"daing ko uli ng pingotin niya ang tenga ko.
Nakalimutan kong sabihin bukad sa close ko siya ay napaka harsh din niya minsan sakin psh!
Laya nagmana si Drixie sa kaniya, eh! Ang sakit din makapingot ng tenga ang isang yon psh!
"Wag mo kasing awayin si Ashi!"sabi pa niya at binatukan ako uli. Napasigaw ako sa sakit. Napatingin pa samin yong iba kahiy ang mga nasa counter ay natawa nalang.
"Hindi naman siya ang kaaway ko, eh! Siya pa nga nagligtas sakin kanina sa mga gangsters na yon!"may halong inis na sabi ko pa.
Nanlaki naman ang mga mata ni Kaye Zenn.
"W-what? Gangsters?" Gulat na tanong pa niya.
At don ko lang namalayang nadulas ang bibig ko aish!
Ayaw ko pa naman sana sabihin sa kaniya. Baka mag alala lang siya psh!
Hanggang sa siya na ang mag-o-order. Hindi na siya nagtanong pa nong siya na ang mag order. Saktong pumasok naman sila Keart kasama ang mga girls.
Dumeretso sila sa gawi namin at binati si Kaye Zenn.
Nag order na rin sila at sabay sabay kaming nagtungo sa table nila panget.
Inilapag namin ang order namin habang nakasunod yong isa pang waiter na dala ang pagkain para sa mga girls. Wala si Liam psh!
"Hi! ashi!"nakangiting bati pa ni Kaye Zenn sa kaniya.
Tinanguan lang niya si Kaye Zenn.
Tse!
Kahit kailan ang panget na'to walang kwentang kausap psh!
"Hello! Girls!"nakangiting bati pa ni Kaye Zenn sa mga 'to.
"Hello, din po ate!"nakangiting bati pa nila.
"Ayos ka na po ba, Ate?"tanong pa ni Stella.
Nakangiting tinanguan lang siya ni Kaye Zenn. Nagsimula na kaming kumain.
Napangiwi pa ako ng maramdam ang hapdi sa labi ko.
Badtrip!
"Tsk!"
Rinig kong singhal ni panget. Napatingin ako sa kaniya at blankong nakatutok lang ang walang buhay niyang mata sa pagkain niya.
Psh!
"Ehem!"
Rinig kong kunwaring ubo pa ni Keart. Napatingin ako sa kaniya at nakalolokong ngisi agad ang nakapaskil sa mukha niya psh!
Iba na naman ang takbo ng utak ng isang to!
Napapailing nalang ako at tumingin sa pagkain ko at kumain nalang. Maingay naman sila dahil sa kadaldalan nila.
Pati na rin si Zenn ay tumatawa pa. Animo'y wala siyang pinagdaanan. Maaliwalas na ang mukha niya.
Nakikita ko sa gilid ng mata ko ang lihim na pasulyap ni panget kay Zenn.
Psh!
Tomboy talaga--
(0_0)
Napatingin ako kay panget at kay Zenn. Panget ulit at Zenn naman.
Hindi nila ako napansin dahil busy sila kakadaldal. Habang tahimik naman si panget.
Wag mong sabihing may gusto siya kay Zenn!
(0_0)
Naalala ko lahat ng sinabi ni panget kay Zenn.
Hindi kaya--
May gusto siya sa pinsan ko? Psh!
Loko! Bakit naman siya magkakagusto sa pinsan mo? Eh, babae yan!
Tse! Timboy naman si panget!
Tomboy nga ba!
Tse!
Napapailing nalang ako sa pagtatalo ng isip ko.
Baka nag alala lang si panget sa kaniya. Oo, ganon na nga! Psh!
Teka! Paki ko ba kong may gusto sa pinsan ko ang panget na'to?
Tse!
Tahimik na nagpatuloy nalang ako sa pagkain ng biglang tawagin ako ni Zenn.
Napatingin ako sa kaniya. Bahagyang salubong ang mga kilay niya.
Aish!
Mukhang magtatanong na naman to!
"Bakit nga uli putok yang nguso mo?"nakataas kilay na tanong niya.
Napatingin silang lahat sakin. Napalunok nalang ako at tumingin kay panget!
Tsk!
Halatang wala siyang pak! Ano pa nga bang aasahan ko sa isamg to? Psh!
"Oo nga, napansin ko rin yan kanina."sabi pa ni Stella.
"Anong nangyari jan?"nakataas kilay na tanong din ni Bella psh!
Magkakateam talaga sila ni Zenn!
"Uyy! Bahagyang namumula pa ang gilid ng labi mo, Drix. Anong nangyari?"takang tanong pa ni Kyla.
Napakamot nalang ako sa batok ko. Lihim na sumulyap ako kay panget pero wala talaga siyang paki!
"Hoyy! Anyare sa nguso mo?"tawag pansing tanong pa ni Xandra.
Tahimik lang ang mga kaibigan kong nakatingin sakin aish!
"A-ahh, ano kasi may hunarang--"
"Sinapak siya."
Blankong pigil pa ni panget sa sasabihin ko.
Napatingin ako sa kaniya.
"Ano!?"
Halos sabay sabay na bulalas pa nila.
Nagtatakang nakatingin sakin at kay panget psh!
"Sinnapak ka? Nino?"takang tanong pa ni Bella.
Napaayos nalang ako mg upo.
"A-ahh, may humarang kasi sakin kaninang umaga---"
"Yong mga bumugbog sa kanila dati."
Pigil na naman ni panget sakin natahimik sila at nakatingin kay panget. Inis na tiningnan ko ito ng masama kahit pa hindi siya nakatingin sakin.
Bakit pa panay ang sabat niya? Kong kelan di ko kelangan psh!
"Oh my gosh!" Bulalas pa ni Theresa.
"This can't be!" Bulalas ni Stella na animo'y natakot.
"Binalikan ka na naman nila? Para ano pa?"may bahid na takot na tanong pa ni Bella.
Napapailing naman ako.
"Naku! Baka balikan ka pa nila, Drix!"nag aalalang sabi pa ni Zenn.
Psh!
Yon na nga ang Sinasabi ko eh!
"Oo nga, ano pa ba ang kelangan nila, Dre?"takang tanong pa ni Lyle.
Napailing uli ako.
"Mukhang hindi ka nila tatantanan, Dre."nag aalalang sabi pa ni Keith.
Nakaramdam naman ako ng kaba. Kahit pa sinabi ko na sa kanila kanina sa room ay nag aalala parin sila.
Napatingin uli ako kay panget. Tuloy tuloy lang siya sa pagkain.
Kita mo isang 'to! Psh!
"Ano nang gagawin mo niyan, Dre? I mean natin.. paniguradong idadamay nila kami."nag aalalang tanong pa ni Keart.
Napabuntong hininga nalang ako ng biglang nagsalita si panget.
"Hindi na basta basta makalapit ang mga yon dito..wag kayong mag alala."seryusong na sabi pa ni panget.
Halata ang kasiguruhan sa boses niya.
Nakaramdam ako na biglang kumalma ang sistema ko sa sinabi ni panget.
"Pero, pano mo nasisigurong hindi?"nag aalalang tanong pa ni Zenn.
Napatigil naman sa pagkain si panget at sumandal sa upuan niya. Seryusong tiningnan sila isa isa bago huminto sakin.
"Dahil takot silang, mamuhay sa hospital."
Walang halong kayabangang sabi pa ni panget. Nagtataka silang tumingin kay panget.
"What di you mean?"
Tanong pa uli ni Zenn. Bumuntong hininga uli si panget bago sumagot.
"Hindi lang si Bisugo ang babalikan nila. Pati na rin ako."seryusong sabi pa nito.
"What? Bakit naman?"takang tanong pa ni Bella.
"Dahil nakialam ako non nong bugbugin nila ang nga 'to! Kahit pa nandon din sila Kyla at Xandra. Bukod kay Bisugo, Ako lang ang sinabihan ng unggoy na yon na babalikan niya."seryusong sabi pa nito.
Bumakas naman ang pag aalala sa mga mukha nila maliban kay Kyla at Xandra.
Animo'y chill na chill lang sila psh!
"Sinong Bisugo ang tinutukoy mo?"takang tanong pa ni Zenn.
Psh!
Siya lang pala ang walang alam!
"Si Drix."
Sagot ni Bella. Napatingin sakin si Zenn habang salubong ang kilay.
"B-bisugo? Bisugo ang tawag nila sayo? Buwahahaha!"malakas na tawa pa niya.
Natawa na rin ang nga kasama namin habang nagkakamot ako sa ulo ko. Sinamaan ko pa ng tingin si panget pero blankong tiningnan niya lang ako psh!
Kahit kialan!
"Psh! Si panget lang ang tumawag non sakin!"may bahid na inis na sabi ko pa.
Napatigil naman sila sa pagtawa lalo na si Zenn psh!
"Talaga? Ikaw ang nagpangalan sa kaniya ng Bisugo, Ashi?"pigil ang tawang tanong pa ni Zenn kay panget.
Blankong tumango lang siya psh!
Para siyang tanga! Hehehe.
"Oh! I see."tatangomg sabi pa ni Zenn at ngumiti sakin.
Psh!
"Ah! Balik tayo sa usapan..kong ganon kayong dalawa ang punterya nila?"tanong pa ni Lyle.
Tumango lang si panget. Napalunok nalang ako.
Alam kong dahil sakin ay pati siya ay pinupunterya na nila Luke psh!
Pero kanina, halatang takot na takot sila kay panget. Lalo na si Bogs. Bakit naman kaya?
"Katakot Naman! Kahit hindi pa namin sila nakikita ay halatang katakot takot sila."may takot na sabi pa ni Theresa.
"Oo nga, buti naman at hindi ka napuruhan ng todo, Drix."nag aalalang sabi pa ni Stella.
"Niligtas Kasi siya ng hero niya."nakangiting sabi pa ni Keart.
Sinamaan ko lang siya ng tingin. Nginisihan niya lang ako.
"Tse!"
Singhal ko.
"Hero? Sino?"
Takang tanong pa ni Zenn.
"Si Ashi!"nakangiting sagot ni Keith.
Napatingin silang lahat kay panget maliban sa mga kaibigan ko. Hindi pa nila alam na si panget na naman ang nagligtas sakin sa kamay ng mga 'yon sa pangalawang pag kakataon psh!
But honestly..lihim na nagpapasalamat ako dahil dumating siya kanina.
Kong hindi baka sa hospital na ang bagsak ko!
Pesteng mga 'yon Kasi!
Bigla bglang susulput. Pasalamat sila at hindi ko sila kaya. Kong hindi baka sila ang nasa hospital psh!
"Wohh! Hero ka talaga, Ash!"manghang bulalas pa ni Stella.
"Oo nga! My gosh! Ngayon lang ako nakakarinig na ang babae ang nagliligtas sa lalaki."maghang sabi din ni Theresa.
Psh!
"Yeah, your the best! Ash!"nakangiting sabi pa ni Bella.
Natatawang sumabat naman si Keart.
"Kaya nga..baka matamaan ang kaibigan namin ni kupi---sa sapak ng mga yon kapag wala si Ashi hehehehe."pag iiba niya pa ng samaan ko siya ng tingin.
Psh!
Pag untugin ko ulo nila Keith. Magpinsan nga sila psh!
"Thanks, Ash! For saving this bad guy..psh! Ang hilig mambully pero hindi man lang maipagtanggol Ang sarili sa mga kalaban niya psh!" Sabi pa ni Zenn at sinamaan ako ng tingin.
Natawa pa sila at pato na si panget psh!
Timatawa pa pala ang tomboy na'to?
Psh!
Panlalaki pa!
"Mmm..but this time. Hindi pa sila kikilos uli. Kaya kampanti pa tayo. Wag kayong nag alala hindi nila kayo gagalawin. As long as hindi pa nila kami kilala masydo..lalo na ako."paninigurado pa niya. Batid kong may kahulugan ang huling sinabi niya pero hindi ko na yon pinansin pa.
Napatango tango naman sila at ngumiti sa kaniya
Tinapos naman ang pagkain namin bago bumalik sa klase namin.
Agad din namang pumasok ang lec namin. Math ang sub namin ngayon sa calculus. Ito yong pinaka mahirap sa section namin. Mahihirapan ka talaga sa mga problem solving lalo na kapag hindi ka naninikinig ng mabuti.
Pero sakin ay ayos lang..kaya ko naman siya. Sa math at Science ako mas umangat ang grado.
Kahit minsan ay nahihirapan ako lalo na sa mga experiment at biology sa science ay ayos lang. Nakaya ko rin naman siya.
Ang kailangan mo lang gawin ay makinig ng mabuti saka unawain ito ng maigi para maintindihan mo.
Sa math naman ay sa calculus din ako medyo nahirapan. Napaka hirap naman kasi ng calculus pero tulad sa science ay kaya ko rin naman.
Nakinig nakang kaming lahat ng mabuti sa discussion ng lec namin. Bumabagsak rin kasi ang lec nato once na nagloloko ka sa klase niya. Medyo may pagka Terror siya pero alam kong ginagawa niya lang yon para matuto kami.
Science at Math ang pangunahing kailangan lalo na kong hindi basta basta ang mga course na kukinin mo.
Nag activity pa kami hanggang sa matapos ang math. May pair assignment din kami. Sumunod ang next sub at ganon pa ein. Nakikinig lang kaming lahat.
Discuss
Discuss
Quiz
Discuss
Discuss
*Dismisal!
Sabay kaming lahat na lumabas ng room at bumaba ng building namin. Dumaan pa kami sa locker at inilagay ang mga gamit namin don. Kinuha ko ang science book at Math para mag study ako mamaya sa bahay.
Uh!
May assignment nga pala kami sa math by pair! At sa kamalas malasan ay si panget pa ang naging partner ko psh!
"Ano? Mauna na kami..gagawin pa namin ang assignments sa math."
Paalam pa nila Stella ng makarating kami sa parking lot.
"Sige, ingat kayo."sabi pa ni Kyla sa kanila.
Nakita kong nakangiti ng malaki si Keart psh! Masaya ang loko dahil si Kyla ang parnter niya!
Si sir na kasi ang pumili ng magiging partner namin.
Psh!
"Saan tayo mag study, Ky?"nakangiting tanong pa nito.
"Hmm..ikaw bahala."nakangiting sabi pa ni Kyla.
Habang si Xandra ay nakasimangot lang na pinaglalaruan ang susi niya sa kamay.
Nagbabangayan pa sila ni Keith kanina dahil sila ng magpartner. Natatawa pasi Sir sa kanila kanina psh!
Si Lyle ay si Bella ang kapartner niya at nauna na silang umalis kanina.
Bumaling ako kay panget. Blanko parin ang mukha sph!
Napabuntong hininga nalang ako bago naglakas loob na magsalita.
"Saan tayo?"tanong ko sa kaniya.
Blanko nilingon niya ako.
"Anong saan?"kunot noong tanong niya aish!
"Magstudy at gunawa ng assignments."sagot ko. Tumango tango naman siya at animo'y nag isip.
Tse!
"Ikaw bahala."
Tanging sabi niya.
Ano? Tapos nag iisip pa siya?
Tse!
Weird!
Hmm..sa bahay nalang mas comfortable ako.
"Sa bahay nalang kong ayos lang sayo."sabi ko sa kaniya.
Tumango lang siya at nagtungo sa motor niya psh!
"Alis na kami, ahh..ingat kayo."paalam pa ni Keart.
"Kita nalang tayo sa bahay mamaya."sabi pa ni Kyla kela panget na tinanguan lang nila.
"Oh? Saan tayo?"masungit na tanong pa ni Xandra.
Tse!
Kanina pa sila hindi pa sila tapos psh! Halatang nagtitimpi lang si Keith. Mukhang nabadtrip anh loko tse!
"Sa bahay nalang!"pigil ang inis na sabi ni Keith saka tumalikod.
Napapailing nalang ako.
"Hoy! Hindi ko alam saan ang bahay niyo, gago!"biglang sigaw pa ni Xandra sa kaniya.
"Malamang! Sumunod ka sakin psh!"pigil ang inis na balik sigaw ni Keith sa kaniya.
Para talaga silang aso't pusa hehehe.
Kakaiba don tong si Xandra..parang si panget.
Weird!
Mabilis na umalis nalang sila at nakasunod si Xandra kay Keith. Nilingon mo su panget ng paandarin niya ang motor niya.
"Sundan mo nalang ako." Sabi ko sa kaniya. Tumango lang ito kaya lumapit na ako sa kotse ko attend pinaandar yon.
Mabilis lang kaming nakarating sa bahay habang panaka naka kong sulyapan si panget sa likod. Nakasunod nga siya sakin.
Agsd na binuksan nong guard ang gate kaya pinasok ko na ang kotse ko.
Agad akong bunabay at nagtaka kong bakit wala pa si panget.
Naglakad ako palabas at nakita ko siyang nakatayo sa nakapark niyang motor.
Ramdam ko ang pagsalubong ng kilay ko. Bakit hindi siya pumasok? Psh!
Lumapit ako sa kaniya.
"Bakit hindi ka pumasok? Sa loob mo ipark yang motor mo."sabi ko pa sa kaniya.
Blankong umiling lang siya at tiningnan ang motor niya.
"Wag na. Dito nalang." Sabi pa niya psh!
Bahala ka!
"Mmm..pasok na tayo."sabi ko pa at tumalikod na. Ramdam kong nakasunod na siya sakin.
"Yaman, ahh!"
Rinig kong bulong niya. Psh!mas mayaman pa sila tse!
"Mas mayaman ka!"mahinang sabi ko at alam kong narinig niya.
"Tsk! Hindi ako..kundi, ang pamilya ko."walang ganang sabi pa niya.
Psh!
Anak naman siya at apo kaya mayaman din siya tse!
Nagtuloy nalang kami sa paglakad hanggang sa makapasok ako. Nakasunod parin si panget at nakamasid sa paligid.
Wala akong naabutang tao sa sala. Naupo ako don habang tumingin kay panget.
"Maupo ka muna."sabi ko at naupo naman siya.
"Manang, yong niluto ko paki tinangnan muna--- oh! Big boy nandito ka na pala."sabi pa niya ng makalabas siya ng kusina. Naka apron pa siya.
Sinalubong ko siya ng ngiti at hindi pa niya napansin si panget.
"Good afternoon, Mom..by the way may kasama ako."sabi ko pa matapos komg halikan ang pisnge niya.
Napatingin siya sa gawi ni panget at nanlaki ang mga mata niya.
"Ashiii!!!"patiling sabi pa niya saka lumapit kay panget at niyakap.
Natigilan naman si panget at gulat sa pagyakap ni Mom sa kaniya.
Natawa ako ng lihim dahil sa reaction niya.
Mmm.
Ngayon ko lang nakita ang ganong reaction sa mukha niya!
"A-ahh."tanging bulalas niya ng bumitaw si Mom.
"Yiieee! I'm very happy to see you again, hija! Sa wakas! Nadala ka na ng anak ko dito sa bahay."masaya at patiling sabi pa ni Mom.
Napapailng naman ako habang si panget at pilit na ngumiti.
Si Mom talaga!
"A-ahh, hehehe."nahihiyang pilit na tawa pa ni panget!
(0_0)
Nahihiya siya? Bakit naman? Psh!
"Yiieee. Ang ganda mo, hija..ahh, big boy..thanks for bringing her here."nakangiting sabi pa ni Mom.
Napakamot nalang ako sa batok.
"Ahh, Mom. May assignments kasi kami , Mom at magpartner kami..dito kami mag study."sabi ko pa.
napangit naman siya ng malaki.
"Yiiieee..ganon ba? Sige sige. Dadalhan ko nalang kayo ng makakain ok?.. Oh! Wait!"biglang sabi pa ni Mom at nanlaki pa ang mga mata niya.
"Mom? Are you ok?"nag aalalang tanong ko.
Bigla siyang napangiti ng malaki.
"Big boy! Wag mong sabihing..si Ashi ang girlfriend mo! Yiiieee----"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mommy at ganon din si panget.
"Mom! Hindi ko siya girlfriend!"mabilis na sabi ko.
"What? Sabi mo, ang unang babaeng dadalhin mo dito ay ang girlfriend mo----"
"Oh! Shut up, Mom. Lets talk later, mag study na kami sa taas."pigil ko sa kaniya at hinila si panget paakyat sa taas.
Nakaramdam ako ng matinding tibok sa puso ko dahil sa sinabi ni Mom.
Arghh!! Mom!
Pumasok kami sa kwarto ko at iniwang nakabukas iyon. Inilapag ko ang bag ko sa couch at napatingin kay panget.
Blanko ang mukha niya habang salubong ang kilay. Bakit na naman?
"Bakit dito?"tanong pa niya.
Don ko lang narealize na dito kami sa kwarto ko mag study psh!
"Psh! Dito nalang..nakabukas naman ang pinto."sabi ko pa.
Kunot noong lumingon siya sa pinto at tumingin sakin saka napailing.
Psh!
Daming arte! Wala naman akong gagawin sa kaniya.
Pumayag nalang din siya. Matapos kong mag shower ay nagsimula na kaming mag study at ginawa ang calculus na assignments namin.
Psh!
Nakakaramdam pa ako ng pagkailang pero binaliwala ko at nagfucos sa sinasagutan ko.
Tse!
A/N: hello mga readers hope you enjoy reading and please support me guyzzz in this story.
Abangan ang next chapt!
Don't forget to Vote comment and Follow!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top