Chapter 102
A/N: hello po please paki VOTE, COMMENT and FOLLOW! Po I higly appreciated!
Expecting some wrong grammars and typos here po.
Humanda na po kayo hehehe.. para sa susunod na chapt..yiieee.
Don't forget to Vote comment and Follow.
____________________________________
Ashi Vhon's Pov.
Tanghali na ng magising ako at kumukulo na ang tyan ko sa gutom. Inaatok pa ako pero gutom na talaga ako. Kinusot ko ang mata ko saka bumangon. Nagtungo pa ako sa banyo para mag hilamos at toothbrush.
Pagkatapos ay mabilis na akong lumabas at bumaba.
Naabutan ko silang nanonood ng tv sa maliit naming sala.
"Oh! Gising ka na pala..kumain ka na lang nasa mesa ang pagkain mo."sabi pa ni Xandra.
Habang si Kyla ay nginitian lang ako at muling bumaling sa cellphone niya psh!
Paniguradong si Keart na naman yan psh! Napapailing nalang ako at nilampasan sila saka nagtungo sa kusina.
Kumuha pa muna ako ng tubig at uminom bago kumuha ng juice. Hindi nalang ako magkakape..
Umupo na ako sa mesa at tinaggal ang takip ng pagkain. Natakam ako ng makita ang ulam
Mmm!
Mapapalaban ako nito..saktong gutom ako psh!
Piniritong tuyo, pusit, at ginisang kangkong. May pipino ring naka slice at sawsawan.
Sarap!
Sumandok na ako ng kanin saka nagsimula ng kumain. Ganado talaga ako sa pagkain basta ganito ang ulam. Hindi naman ako mahilig sa mga pork o ano pang mga minantikang ulam.
Nagkamay nalang ako sa pagkain. Mas masarap kumain kapag naka kamay psh!
*BURRRFF
Dighay ko pa ng matapos ako sa pagkain. Busig na busog ako. May ilang piraso nalang ng tuyo at pusit ang naiwan.
Napahawak pa ako sa tyan ko bago tinakpan uli yong mga sobrang pagkain bago tumayo.
Hinugasan ko ang pinagkainan ko pagkatapos angpunas ng kamay ay lumabas ako ng kusina at lumapit kela Xandra sa sala.
"Tapos ka ng kumain?"tanong pa ni Kyla.
Tumango lang ako sabay upo sa maliit na sofa namin.
"Ang tagal mong gumising ahh."baling pa ni Xandra sakin.
Sumandal lang ako sa sofa bago nagsalita.
"Pagod ako..wala akong maayos na tulog."sagot ko.
Tumango nalang siya.
"Papasok ba tayo sa trabaho ngayon?"tanong pa ni Kyla.
"Oo, ilang araw tayong hindi pumasok."sabi ko pa.
Tumango nalang sila.
Tumayo si Xandra at nagtungo sa kusina.
"Akyat na muna ako, ah." Sabi pa ni Kyla.
Tinanguan ko nalang siya at umakyat naman na siya.
Nagpahinga nalang muna ako bago lumabas at nagtungo sa kinaparadahan ng motor namin.
Mahlilinis nalang muna ako ng motor ko. May pasok na bukas..hindi pa namin alam kong sino ang papalit kay Dean.
Pumasok uli ako sa loob at kumuha ng panglinis sa motor ko. Nagdala na rin ako ng dalawang baldeng tubig.
Pasipol sipol pa akong naglinis ng motor ko hanggang sa matapos ko itong linisin. Malinis na rin pala yong kela Xandra. Mukhang kanina sila naglinis ng motor psh!
Saktong tapos na ako sa panglinis ng tumunog ang cellphone sa bulsa ko.
Pinunasan ko ang kamay ko bago kinuha ang cellphone ko sa bulsa bago sinagot.
"Oh?"
Sagot ko.
"Psh! Lagi nalang 'oh' ang bungad mong sagot kapag tatawag ako psh"
Sabi pa nito sa kabilang linya tsk!
"Tsk! Nong kailangan mo?"
Tanong ko. Narinig kong napa 'tsk' nalang siya bago sumagot.
"Psh! Kinakamusta ka lang.. bawal ka na bang kamustahin ngayon?"
Pasinghal na tanong pa nito tsk tsk!
Yon lang? Tapos iniistorbi pa'ko psh!
"Tsk! Busy ako."singhal ko sa kaniya.
"What? Busy na naman? Psh! Yayain pa naman sana kitang lalabas."maktol pa nito.
Tsk!
Kailan pa'ko lumalabas kapag gusto niya? Psh!
Gunggong din ang isang to psh!
"Tsk! Alam mo namang hindi ako mahilig sa gala diba? Isa pa, busy ako."sabi ko pa.
Rinig kong nagmaktol pa siya. Napapailing nalang ako na animo'y makikita niya tsk!
"Yeah, next time nalang..papasok kayo bukas?"tanong pa nito.
Malamang! Gunggong!
"Alangan namang aabsent psh!"pabalang na sagot ko.
Rinig komg natawa nalang siya.
"Oo nga pala, hindi ka naman pala mahilig mag absent psh!"natawang sabi pa nito.
Alam naman pala nagtanong pa bugok!
"Oh, siya! May gagawin pa'ko."sabi ko pa.
Maliliho pa'ko dahil may duty pa kami ngayon.
"Yeah, yeah, see you tomorrow."sabi pa ni Liam bago binaba ang cellphone tsk!
Kahit kailan ang isang yon! Tsk!
Ibinulsa ko nalang uli ang phone ko saka dinampot ang mga balde at gamit sa panglinis ng motor at naglakad papasok sa loob.
Pagkatapos ay umakyat na'ko para maligo.
Pasado alas dose na rin ng hapon.
Alauna ang duty namin. Naligo nalang ako at pagkatapos ay nagbihis at sinuklayan ko ang lampas balikat kong buhok bago tinali kahit basa pa.
Pagkatapos ay lumabas na ako at bumaba.
Nasa hapagkainan na sila kaya umupo na ako at nagsimula na ring kumain.
"Oo nga pala, nakusap mo na ba si Drix?"tanong pa ni Xandra.
Nagets ko ang ibig niyang sabihin kaya tumango.
"Tapos na, nong dinala ko siya sa malapit na kainan sa bahay nila Dean."sabi ko pa.
Tumango naman siya.
"So, totoo ba ang hinala mo?"tanong pa ni Kyla.
Tumango tango nalang ako saka nagpatuloy sa pagkain.
"Sila Luke ang pinaghinalaan ko."sabi ko pa napatingin sila sakin.
"Ano nang gagawin mo?"tanong pa ni Xandra.
Nilunok ko muna ang pagkaing sinubo ko at uminom ng tubig bago nagsalita.
"Hahayaan ko nalang muna sila.. alam kong hindi pa sila gagawa ng eksina..si Bisugo ang punterya nila pati na rin ako..dahil donsa pagtulong natin kela Bisugo."sabi ko pa.
Nakinig naman sila ng mabuti sakin.
"Psh! Kasalanan yon ng Kiana na yon, eh!"sabi pa ni Xandra.
Ano pa nga ba! Psh!
"Yeah, Akala ko talaga mabait ang isang yon."sabi pa ni Kyla.
Mabait naman ang isang yon..may dahilan siguro kaya niya nagawa yon psh!
"She is. Mukhang mau dahilan lang kong bakit niya nagawa yon."walang ganang sabi ko.
Napapailing naman sila.
"Psh! Panigurado..lalabas din ang tunay na kulay ng gagang yon."sabi pa ni Xandra.
Nagkibit balikat nalang ako at nagpatuloy sa pagkain. Hanggang sa matapos kami ay agad na ding nagligpit.
Sabay sabay kaming tatlo ba umalis ng bahay at nagtungo sa resto. Hindi naman malayo kaya nakarating kami agad.
Sinalubong pa kami nila Joyce at Mina.
"Oh! Buti naman at pumasok na kayo."sarcastic na sabi pa ni Joyce. Tinapik ko lang anh balikat niya at dumeretso sa dressing room at nagpalit.
Nag usap pa yong apat ng makalabas ako. Marami parin ang mga customers ngayon sa resto. Nilingon ko ang coffee shop. Bukas na ito at nandon na sila Irish at John.
Habang sila Eric at Faye ay nagserve sa mga customers dito sa resto. Marami ka ang kumakain. Alauna pasado pa naman.
Nagbihis na rin yong dalawa kaya nagsimula na akong magserve dito sa kainan.
Kasama ko si Kyla sa pagserve habang sila Eric at Faye ay bumalik sa kusina para magluto. Si Xandra ang nasa counter.
Bising busy kaming lahat hanggang sa gumabi na. Nagbukas na rin kami sa bar at don naman ako nagserve. Si Xandra muna ang naghuhigas ng nga baso at kami ni Kyla ang nagserve. Si yong ibang kasama namin ay nasa coffee shop at sa kainan.
Serve dito serve doon. Balik dito balik doon ang ginagawa namin ni Kyla.
Pareho na kaming pagod dahil sa dami ng customers sa bar. Kadalasan ay mga kalalakihan ang customers. May mga babae pero iilan lang.
Hanggang sa matapos ay pagod na bag sipa alam kaming lahat. Pagod na nauwi kami sa bahay.
Hindi na nga ako nakabihis dahil sa pagod. Pabagsak na akong humiga sa kama ko saka natulog.
Zzzzzzzzzz
____________________________________
K I N A B U K A S A N
Maaga kaming nagising at nag asikaso na para sa agahan namin. Pagkatapos ay kumain at maagang pumasok sa school.
Nagpark pa kami sa parking lot saka sabay na naglakad papasok sa loob.
Marami na rin ang mg students na nandito. Tahimik at nakapamulsang naglakad lang ako at nasa likod ko yong dalawa.
Tulad ng dati. Parang ngabubuyog na naman sila kong magbulungan psh!
Hindi ko nalang sila pinansin pa at naglakad nalang ng tahimik.
Nangamakarating sa locker ay kinuha ko nalang yongga librong gagamitin namin sa morning class.
Saktong isara ko na ang locker ko ng makarinig kami ng bulungan.
"Ang cool talaga ni Ashi no?"
"Oo nga..astig."
"Tapos ang yaman yaman pala..bigtime na big time."
"Yeah, pero hindi sila tulad ng iba."
"Uyy girls, alam niyo bang may ex pala si Ashi?"
"Talaga? Pano mo nalaman?"
"Nong lamay ni Dean..nagkita kami nong kakilala ko na taga SLU. Siya ang nagsabi sakin."
"Talaga? Ano naman ang sabi niya?"
"Nakita niya kasi si Ashi non at kilala pala niya..sabi niya sakin napaka cool daw ni Ashi. Kilala daw siya ng mga taga SLU at ang Ex nito."
"Talaga? May ex si Ashi?"
"Oo nga!"
"Oh my gosh!"
"Sino raw?"
"Yong isa sa mga matalino at pinakagwapo sa SLU."
"Oh my God!"
"I can't believe this!"
"Me too."
"Ako nga rin..Hindi lang ako ang nakakaalam marami na rin dahil sinabi ng mga taga SLU yon ng makita nila Si Ashi don sa lamay ni Dean."
"Oh my!"
"Alam mo ba kong sino ang pangalan nong guy?"
"Ang sabi ng kakilala ko Deb ang pangalan niya!"
"What? Si Deb? As in Debbien?"
"Oo."
Bulungan pa nila. Napatingin sakin sila Kyla at Xandra. Napapailang nalang ako.
Ang bilis makasagap ng chsimis tsk!
Psh!
Sinara ko nalang ng tuluyan ang locker ko at saka nilingon yong mga nagbubulungan. Mabilis silang umalis ng makitang nakatingin ako sa kanila psh!
Napailing nalang ako.
"Grabe, may pakpak talaga ang chismis..ang bilis kumalap."sabi pa ni Kyla
Napapailing nalang si Xandra.
Naglakad nalang kami paakyat sa building namin. Nakasalubong pa namin si Kathy pero hindi namin ito pinansin tsk!
Hanggang sa makarating kami sa floor namin at dumeretso sa room namin. Marami pa ang mga nagbubulungan sa ibang class room ng madaanan namin ito.
Blanko at seryusoang ang mukha kong pumasok sa room. Nahinto sa pagbubulungan ang lahat at natahimik. Ramdam kong nakatingin sila sakin.
Nakita kong nakatingin na rin ying apat samin.
Napabuntong hininga nalang ako saka dumeretso sa upuan ko at umupo.
Naupo na rin sila Kyla at Xandra.
"Good morning!"nakangiting bati ni Bella.
Tumango lang ako at sumandal sa upuan ko.
Lumapit na rin sila Stella samin psh!
"Good morning din"bati pa ni Kyla.
"Morning."si Xandra.
Humila ng upuan sila Theresa at Stella saka naupo.
"Oh my gosh! Totoo ba yong mga chismis? Na ex ni Ashi yong pinakagwapo sa SLU maliban kay Kuya Jiro?"patiling tanong pa ni Theresa.
Kunot noong tumingin nalang ako sa harapan.
Mahinang nagbubulungan na naman silang lahat.
"Oo nga..kalat na kalat na sa campus..pati don sa first at secondary campus ay kalat na rin."rinig ko pang sabi pa ni Stella.
Ramdam kong napatingin sakin sila Kyla.
Hindi ako imimik at hinayaan sila.
"Ano? Totoo bang may ex si Ashi? Usap usapan rin yon nong nasa lamay pa ni Tita."sabi pa ni Bella.
Napaubo pa kunwari si Xandra.
Tsk tsk!
"A-ahh hehehe..ano kasi---"
"Yeah"
Maikling sabi ko. Ramdam kong napatingin sila sakin at halatang gulat pa psh!
"Kyahhh"
Tili pa ni Theresa.
"Oh my Gosh! Ex mo nga si Debbien!"
Tili pa ni Stella.
"For real? Wahhh!"
Si Bella.
"Wag kayong maingay."saway pa ni Kyla sa kanila.
Ramdam ko ang tingin ng lahat samin.
Nailang ako sa mga tingin nila pero hindi ko sila pinansin.
Psh!
Kaya ayaw kong may makaalam eh tsk!
Ramdam ko ang tingin mula sa likuran pero hindi ako lumingon.
Tsk!
Nag usap silang lima at hindi ko na sila pinansin pa. Pumikit nalang ako habang naka cross arm.
Maya maya ay biglang natahimik ang lahat. Naramdaman ko ring bumalik na sila Stella at Theresa sa upuan nila.
"Nandyan na si taba."bulong pa ni Xandra sakin.
Nagmulat nalang ako ng mata saka tumingin sa harapan. Nandyan na nga siya psh!
Salubong pa ang kilay niya habang inayos ang mga gamit niya.
High blood na naman ata ang taba na to tsk!
"Good morning class!"sigaw pa nito.
Mabilis na tumayo ang lahat maloban sakin at bumati.
Katamad tumayo tapos yong lang sasabihin tsk!
Sinamaan pa ako nito ng tingin ng makitang hindi ako tumayo. Blankong tiningnan ko lang siya at naupo na yong mga kaklase ko.
"Masyado bang mabigat yang ano mo't hindi ka makatayo?"nakataas kilay na tanong nito.
Tahimik lang ang lahat at nakayuko pa.
Tsk!
"Hindi ho, mas mabigat yang sayo kesa sakin."blanko at pabalang na sagot ko.
Rinig ko ang mahinang tawanan ng mga kaklase ko. Ang kaninang nakataas kilay ay nagsalubong na at inis na nakatingin sakin.
Tsk!
Ang bilis mapikon ng king ina tsk!
"Wala ka talagang modo eh no!?"inis na sigaw niya sakin psh!
Nahighblood na naman ang taba psh!
"Matagal na ho, Miss..wag kang magalit..baka mabawasan ang taba mo't mahighblood ka pa jan sisihin mo pa'ko."blankong sabi ko sa kaniya.
Natawa uli ng mahina ang mga kaklase ko psh!
Bahagyang namumula na ang mga pisnge niya..
Hindi ko alam kong dahil ba sa galit o pagkapahiya psh!
"Miss Ibañez!!?"
Galit na sigaw pa niya sakin psh!
Malumay na Tiningnan ko lang siya saka umayos ng upo.
"Bakit, Miss?"
Inosenting tanong ko at lalo lang siyang nainis at namula sa galit tsk tsk!
Hindi mo'ko kaya taba..psh!
"Get two sheets of paper!? 300 items quiz!?"
Sigaw pa niya at mabilis na umalma ang mga kaklase ko.
Anak ng!
Tsk!
"Miss ang dami naman non"
"Oo nga."
"Hindi ka pa nga nagdiscuss!"
"Wag naman, Miss"
"100 items nalang , Miss."
Alma pa nila. Tiningnan lang sila ng masama ni Taba tsk!
"No. 1!!"
Sigaw pa nito.
"Miss, wag naman ang haba eh!"
"Miss, 100 items nalang."
"Miss, magdiscuss ka na muna---"
"350 items!"
Galit na sigaw pa nito natahimik nalang silang lahat. Tsk!
Nagmamaktol pa kasi..nadagdagan tuloy psh!
Wala ng nagsalita pa at hinayaan nalang namin si taba na nagdikta ng nga tanong.
Ang bilis pa niyang umusad sa iba pang tanong ng hindi man lang inuulit ang mga tanong niya psh!
Sarap pagbigyan tsk!
Hanggang sa matapos ang quiz at 350 items nga lahat. Hindi ko na nga masabi kong ang ibang tanong niya ay related ba sa subject niya psh!
Minsan talaga nasusobrahan ang mga lec sa katalinuhan. Pate ibang part ng ibang sub ay nasali na sa sub na tinuturo nila tsk!
Natapod ang quiz at nagdiscuss na ito. Inis na inis pa ako dahil ako ang pinag iinitan niya ng mga tanong psh!
Buti nalang at alam ko lahat ng tanong niya. Kunti nalang pasensiya ko sa tabang 'to psh!
Discuss
Discuss
Discuss
Discuss
~Cringgh cringg cringgg~
*Lunch break!!
Sabay na kaming lahat na bumaba ng building para maglunch break. Sumabay samin yong apat.
Dumeretso pa kami sa locker at inilagay don ang mga gamit namin bago naglakad papuntang cafeteria.
Rinig pa namin ang mga bulungan. Kalat na kalat na nga ang chismis psh!
Pagdating namin sa cafeteria ay natahimik ang lahat sa pagbubulongan at napalingon sa gawi namin.
Lihim na napailing nalang ako.
Nagtilian pa ang mga babae at bakla dahil sa apat psh!
"Kami na mag order."presenta ni Keart at hinila niya sila Keith sa line.
Dumeretso nalang kami sa table namin.
"Grabe! Hindi talaga ako makapaniwalang ex ni Ashi si Deb."
"Oo nga, eh!"
"Ang swerte naman niya..naging ex niya ang pinaka gwapo sa SLU."
"Yeah, she's so lucky."
"Kakaiba talaga siya no?"
"Sinabi mo pa..hindi lang cool. Maganda din naman siya eh."
"I agree!"
"Duhh, siya maganda? Psh!"
"Wala namang maganda sa kaniya..tomboy ang tawag sa babaeng yan."
"True! Para talaga siyang lalaki."
"Yeah, like eww!"
"Maybe she's seducing Debbien..kaya naging ex niya!"
"Oo nga!"
"May pagka slut rin pala!"
"Yeah!"
Mga bulungan pa nila. Napatiimb bagang ako sa sinabi nila.
Ako? Slut? King inang yan!
Hindi ako ganong babaeng mababa ang lipad!
Tsk!
Hindi ko nalang pinansin ang mga bulungan. Pumikit nalang ako habang hinihintay sila Keart.
Nag usap naman ang mga kasama ko.
"Grabe! Maka slut naman ang nga higad na yon!"
Rinig kong sabi pa ni Bella.
Tsk!
"Psh! May slut sila..inggit lang sila kay Ashi."
Sabi pa ni Stella.
"Oo nga, like eww! Mukha pa naman silang mga unggoy! Duhh!"
Maarting sabi pa ni Theresa.
Natawa nalang sila Xandra. Lihim na natawa nalang ako.
"Hayaan niyo na sila..magsasawa din ang nga yan!"
Sabi pa ni Xandra.
"Yeah, hindi naman tayo ang mapapagod kakadada eh!" Sabi pa ni Kyla.
"Mamatay nalang sila sa inggit psh!"
Sabi uli ni Stella at nagtawanan sila.
Tsk!
"Pero, grabe! Ang haba ng hair mo, Ashi!"rinig kong sabi pa ni Bella.
Napailing nalang ako sa sinabi niya psh!
"Ayy! Oo nga..grabe! Ang heartrob ng SLU talaga! Wahh!"patiling sabi pa ni Theresa.
Tsk tsk!
"Yeah! Ano kayang feeling na magka jowa ka ng ganon ka gwapo wahh!"sabi pa ni Stella saka tumili.
Hayssttt!
"Hehehe.. hindi maganda."pilit tawang sabi pa ni Kyla.
Ramdam kong natahimik sila at nagtaka sa sagot ni Kyla.
Ramdam kong napatingin pa sila sakin tsk!
"What do you mean?"tanong pa ni Bella.
"Oo nga..bakit ba?"tanong pa ni Stella.
"A-ahh, hehehe..ano kasi---"
"Hoy! Mga bakla! Kaloka kayo!? Hindi man lang ako inaya!"biglang sigaw pa ni Mello.
Ramdam kong samin siya patungo tsk!
Rinig kong natawa nalang sila.
"Hahaha.. hindi ka kasi namin nakita kanina nong dumaan kami sa room niyo." Sabi pa ni Xandra.
"Yeah, saan ka ba kasi nagsuot bakla? Kalokang to!"tanong pa ni Stella sa kaniya.
"Tch! Napagod ang beauty ko mga bakla! Inutusan ako nong lec naming ihatid yong sandamakmak na gamit niya psh!"baklang sabi pa nito.
Tinawanan nalang siya ng mga kasama namin.
"Hahaha..ikaw siguro ang paborito niya girl."sabi pa ni Theresa sa kaniya.
"Tch! Yon na nga, eh! Ako pa talaga ang nakita kaloka! Na haggard ang beauty ko."sagot pa nito.
"Lagi ka namang haggard, bakla ka!" Biro pa ni Xandra sa kaniya.
Nagtawanan nalang uli sila at napapailing naman ako ng lihim.
"Ayy! Kaloka! Ipangalandakan pa talaga! Ikaw na maganda! Bruhang to!" Pasinghal kunyaring sabi pa ni Mello.
Muli na naman silang nagtawanan tsk!
"Heto na!"
Rinig kong sabi ni Keart kaya napamulat ako.
Isa isa nilang nilapag ang mga pagkain sa mesa.
Abah! Mayaman nga..andaming pagkain psh!
"Oh! Libre! Andami ahh!" Sabi pa ni Bella.
"Yan! Masarap to!"si Stella na parang natatakam sa mga pagkain.
Tsk tsk!
Food is life ang mga to! Isa na'ko tsk!
"Uyy! Ang bait ng mga boys ahh..andami nito!" Nakangiting sabi pa ni Theresa.
"Andami naman nito..baka ubos na pero niyo hahaha."sabi pa ni Kyla saka tumawa.
Nginitian lang siya ni Keart.
"Syempre, ganon talaga..yan para sayo!"nakangiting sabi pa ni Keart sabay lapag ng dessert sa harap ni Kyla.
"Ayiiieee!"
Tutso pa nila. Namula naman si Kyla. Lihim na natawa nalang ako.
"Yiiee..ang sweet mo, Keart."
Kinikilig na sabi pa ni Theresa.
"Oo nga, magdahan dahan ka nga! Kita mong wala kaming mga partner oh!" Kunywaring sighal na biro pa ni Stella.
Natawa nalang si Keart.
Naupo naman sila agad.
"Wag na kayong umarte jan! Baka isauli pa bilay 'tong pagkain, naku! Sayang, ang sarap pa namang kumain kapag libre!"sita pa nu Mello sa kanilasabay kuha ng pagkain.
Natawa nalang sila sa kaniya. Kaniya kaniya na kaming kuha ng pagkain at Nagsimula ng kumain.
Panay pa ang daldal nila at tahimik na kumain lang ako at nakinig sa kanila.
"Oo nga pala..sino na ang bagong Dean natin?"biglang tanong ni Kyla.
Uh!
Buti naman naitanong niya. Napatingin kami may Bisugo at Kyla.
"Si Lolo na muna ang papalit..retired na rin naman si lolo sa pagka judge kaya ayon."sagot pa ni Bisugo.
Napatango tango nalang kaming lahat.
"Grabe no! Hindi ko talaga akalaing wala na si Dean." Sabi pa ni Stella.
"Oo nga, parang nong last week ay nakasama pa natin siya."sang ayon naman ni Theresa.
Natahimik naman sila. Tsk! Sabagay.
"Ahh! Oo nga pala..kaloka yong mga chismis na kumalat tungkol kay, Ashi. Totoo ba yon?"pag iiba pa ni Mello sa topic.
Ako naman ang natahimik habang patuloy parin sa pagkain. Ramdam kong napatingin sila sakin.
"Ahh, hehehe..totoo yon."si Kyla ang sumagot.
"Huwat? Totoo nga? Oh my gosh! Kaloka ka gurl! Hindi mo man lang sinabi samin ng malaman ng mga bakla!" Gulat na sabi pa ni Mello.
Lihim ba natawa nalang ako.
"Psh! Hindi ano mahilig magkwento."malumay na sagot ko.
Tsk!
"Ayy! Kahit na. Para naman may kunti kaming alam hehehe."sabi pa ni Stella.
Tsk tsk!
"Woh! Parang hindi na kayo nasanay kay, Ashi..hindi naman talaga yan nag kwekwento..hahaha."sabi pa ni Keart saka tumawa.
"Gulat sin kayo no? Psh! Mas gulat nga kami nong malaman din namin last last week hehehe."nakangiting sabi pa ni Keith.
Napatingin sa kaniya sila Bella.
"Matagal niyo ng alam?" Halos sabay sabay na tanong pa nila.
Natawa nalang si Lyle sa kanina tsk!
"Hahaha..nong nag arcade kami."natawang sabi pa ni Keith.
Napanguso naman sila tsk N parang mga pato.
Psh!
"Ang daya..matagal niyo ng alam. Hindi man lang nagshare psh!"nakanguasomg sabi pa ni Bella.
Tinawanan lang siya nila Keith.
"Oh, eh! Kamusta naman ang Drix?"tanong pa ni Mello.
Nagtatakang napatingin sa kaniya ai Bisugo. Pati na rin ako at sila Kyla.
"What do you mean?"takang tanong pa ni Bisugo..
Natawa naman si Mello sa kaniya.
"Sus, maangmaangan ka pa, Dude hahaha..kaloka! Anong feeling malamang may Ex si Ahi?"nakangising tanong pa ni Mello.
Napakunot nalang ang noo ko..ganon na rin si Bisugo!
Bigla namang natawa ng malakas si Keart na sinabayan ni Keith.
Psh!
Magpinsan nga!
"Napansin mo rin pala? Psh hahaha."tanong pa ni Keart saka tumawa.
Tinaasan sila ni Mello ng kilay.
"Abah! Anong akala mo sa'kin..manhid? Psh! Hahaha."sabi pa ni Mello at tumawa.
Natawa na rin sila Bella psh!
Mga baliw!
"Ano ba kasi yon?" Salubong ang kilay na tanong pa ni Bisugo.
"Wala! Gwapo ka raw..baklang to! Hahaha."sagot nu Mello saka tinawanan pa niya ito.
Napapailong nalang ako at nagpatuloy na uli sa pagkain. Ganon na din sila. Pero panay parin ang daldal nila.
Nagtatawanan pa sila kapag nakakatawa ang pinag uusapan nila tsk!
Hanep!
Tsk!
Author's note: hello mga readers hope you enjoy reading po hehehe. Please support me guyzz in this story.
Marami pa kayong dapat na abangan. Lalo na kela Debbien at Ashi!! Hehehe.
Don't forget to Vote, comment and Follow
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top