chapter 101"

A/N: hello guysss please support me and I will do my best to write this story. I'll make this more exciting, interesting, intense, thrilled and fruitfull story.

Expecting some wrong grammars and typos here po.

Please VOTE, COMMENT AND FOLLOW!!

____________________________________

Drixon's Pov.

S A T U R D A Y

Nandito na kaming lahat sa semetery ngayon. Patapos na ang seremonya sa libing ni Tita. Iyak ng iyak si Kaye Zenn at tahimik na umiiyak lang din ako at pigil ang luhang naka alalay lang si Tito Althon sa kaniya. Kanina pa siya panay ng iyak.

Marami na rin ang nag si iyakan ng tahimik at nangingibabaw ang iyak ni Kaye Zenn. Sila Mommy at Drixie ay tahimik na umiiyak na rin. Pati na sila Kyla ay nakita kong naiiyak na. Nadala sila sa ngawa ng pinsan ko.

Marami ang mga taong nandito at nakisabay sa libing ni Tita.

"Mom!"

Umiiyak na sigaw pa niya ng sila na ni Tito ang maglalagay ng bulaklak. Napayuko nalang ako habang hawak ang bulaklak sa kamay ko.

Tumayo na rin sila Mommy at Daddy. Pati na sila lolo hanggang sa mga Ibañez na ang tumayo. Nandito ang lahat ng mga Ibañez..pati na ang lola at lolo nila Xandra.

Nakilibing na rin sila. Lahat ng mga studyante sa SFU ay nandito rin. Panay nalang ang tulo ng mga luha ko habang nakaupo sa upuan. Nasa kabila sila panget kasama sila Theresa. Yong mga kaibigan ko naman ay nasa likuran ko. Tinapik pa nila ang balikat.

Rinig ko ang mga mahihibang hikbi ng lahat. Alam kong naging mahalaga din sa kanila si Tita. Dahil mabait ito at marunong makitungo sa mga tao.

Tumayo na rin ako at pinunasan ko ang luha ko. Dahan dahan akong naglakad palapit sa linalalagyan ng kabaong ni Tita.

Lalo lang na bumuhos ang luha ko ng makita ang payapang hitsura nito na animo'y natutulog lamang.

I'm sorry Tita. Hindi sana ikaw ang nandyan ngayon kong hindi mo'ko niligtas. Thank you, thank you for saving me. Thank you for everything. You're the best Tita for me. I know, you treat me as your son not like a nephew. Kong nasaan ka man ngayon..sana masaya ka. Just what I've said last night. I will do my best to protect your daughter. As long as I can. Hoping you're still guiding me to the right things and way.

Thanks very much Tita. I will miss you and I'll never forget you. You've done a lot for me. From the button of my heart, thank you and I love you.

Paalam.

Piping sabi ko pa sa isip ko sabay bitaw sa bulaklak na hawak ko. Naramdaman kong may tumapik sa balikat ko. Hilam sa luhang nilingon ko ito. Bahagyang nginitian ako ni panget at inilalayan akong bumalik sa upuan ko.

"She's fine and happy now, Stop crying." Sabi pa nito sabay abot ng panyo niya.

Napatingin ako don at tinitigan yon bago ko inabot at ginamit kong pampunas sa luha ko.

Tinapik pa niya ang balikat ko bago naglakad pabalik sa kinatatayuan niya kanina.

Tinapik pa ni Lyle, Keith at Keart ang balikat ko bago muling umupo sa upuan nila.

Tapos na ang lahat sa paglagay ng bulaklak at nakatayo na kaming lahat. May sinabi pa ang pari at blinisingan ang kabaong ni Tita.

"Mooommm!!"

Umiiyak na sigaw pa ni Kaye Zenn ng ikutin ng lalaking inutusan para maibaba ang kabaong.

Mabilis na pinigilan pa niya yong lalaki para mahinto ang pagbaba ng kabaong ni Tita. Mabilis na pinigilan ni Tito si Kaye Zenn. Ngunit umiiyak na nagpupumiglas si Kaye habang umiiyak at sumisigaw. Mabilis akong tumayo at inalalayan si Tito ng muntik na siyang matumba.

Mabikis na Tumayo si Liam at Jiro para alalayan at pigilan si Kaye Zenn.

Pigil ang luhang nilingon ko si Kaye Zenn na yakap na ni Liam. Sininyasan ni Lolo ang lalaki para ituloy ang pagbaba ng kabaong na mas lalong ikinaiyak at sigaw ni Kaye Zenn.

Nakauwi na ang lahat ngayon maliban nalang samin at kay Kaye Zenn na nakadapa sa harap ng puntod ni Tita at umiiyak.

Kanina pa kami dito at makulimlim na ang langit. Hapon na at parang uulan pa. Awang awa ako sa pinsan ko pati si panget ay nandito parin. Kakaalis lang ng mga kaibigan ko dahil may importante pa silang gagawin. Kaming tatlo nalang ang naiwan dito.

Hinayaan lang namin si Kaye Zenn at lumapit ako kay panget na naka cross arm na nakatayo.

Blanko pa rin ang mukha niya pero halatang naawa siya sa pinsan ko.

"Naawa na ako sa pinsan ko."malungkot na sabi ko pa. Habang nakatingin kay Kaye Zenn.

Napabuntong hininga si panget bago nagsalita.

"Naiintindihan ko siya.. hindi madaling tanggapin na wala na ang isa sa pinaka importanteng tao sa buhay mo..lalo na kapag mas malapit at close kayo." Sabi pa ni panget.

Bakas sa boses niya ang pang intindi sa nararamdaman ng pinsan ko. Halata ang lungkot sa  boses niya na animo'y naranasan na rin niya.

Yong Mommy niya!

Napatingin ako sa kaniya. Wala naman siyang sinabi saking patay na ang Mommy niya.

Napabuntong hininga nalang ako saka napalunok pa bago nagsalita.

"Nang dahil ba sa Mommy mo kaya mo siya naiintindihan?"

Tanong ko sa kaniya. Nilingon naman niya ako at bahagyang salubong ang kilay niya.

Oh!

May mali ba sa tanong ko?

"Ha?" Takang tanong pa niya.

Napalunok nalang ako at nag iwas ng tingin.

"A-ahh, sabi mo diba..simula ng mawala ang Mommy ay---"

"Ahh"tatango tangong sabi pa niya.

"So, yon nga?"tanong ko pa.

Napatingin pa siya kay Kaye Zenn bago nagsalita.

"Mmm..nong si Mommy ang nawala ay higit pa riyan ang nangyari. Dahil hindi lang ako ang nasaktan at nangulila sa pagkawala ni Mommy. Pati na rin ang kapatid ko. Hindi na nga malaman ni Daddy ang gagawin nong time na yon."

Tangong sabi pa niya at tumingala sa makulimlim na langit.

Naiintindihan ko siya.

"Nong time na mawala si Mommy ay wala kaming ganang kumain..iyak lang kami ng iyak ni Asher. Siyam na taon palang si Asher nong time na yon. At labing dalawa naman ako. Mahirap saming tanggapin ang pagkamatay niya. Walang araw at gabi na hindi kami umiiyak ni Asher. Si Dad at lolo ang nagpapatahan samin. Habang si Jiro naman ay sa bahay muna namin nag stay para bantayan kami."mahabang sabi pa niya.

Ramdam ko ang lungkot niya. Lalo na ang sakit na nararamdaman niya.

Nakaramdam ako ng awa sa kaniya. Naiintindihan ko si Kaye Zenn ngayon dahil sa mga sinabi niya.

Alam ko namang hindi talaga madaling mawalan ng mahal mo sa buhay.

Kita kong napayuko si panget.
Napabuntong hininga pa siya.

"Sorry to hear that."sensirong sabi ko pa.

Napapailing nalang siya at muling tumingin kay Kaye Zenn.

Nakadapa pa rin ito sa lupa. Tahimik na umiiyak nalang ito.

"Hanggang ngayon nangungulila parin ako sa pagkawala ni Mommy."napapayukong sabi pa niya.

Mas lalong lumungkot ang boses niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganiyan. Nakitang ganiyan ka lungkot.

Sa dalawang buwan na naging kaklase at at nakasalamuha namin sila ay ngayon lang ako nakaramdam at nakakitang ganiyan siya kalungkot.

Hindi rin pala basta basta ang panget na'to. Mabibigat din pala ang problemang iniinda psh!

Kaya siguro ganiyan ang personality niya.

"Sorry."

Anas ko sa kaniya habang nakatingin sa kaniya ng deretso. Napatingin naman siya sakin ng salubong ang kilay. Nagtataka kong bakit ko yon sinabi.

Napabuntong hininga nalang ako at bag iwas ng tingin.

"Para saan naman ang sorry mo?"takang tanong pa niya.

Napayuko nalang ako. Ngayon lang ako hihingi ng sorry sa kaniya.

"Hindi na sana ako nagtanong..ayan tuloy nalungkot ka."mahinang sabi ko pa.

Psh!

Ang bobo mo Drix! Ang dapat sabihin mo ay sorry dahil sa lahat ng pang trip mo sa kaniya psh!

Narinig kong natawa siya kaya napatingin ako sa kaniya.

Parang di pa siya makapaniwalang humingi ako ng tawad dahil don.

"Psh! Ayos lang..lagi naman akong ganito, hindi ko lang pinapakita."sabi pa niya sabay lingon sakin.

Napatingin na naman ako sa maitim na mga mata niya. Parang natuwa talaga siya sa sinabi ko kanina.

Medyo may ilang distansiya pa kami pero kita ko ang itim na mga mata niyang naging walang buhay ulit.

Psh!

Ang bilis naman niyang magpalit ng emosyon tse!

"Hoy!"

Sabi pa niya sabay tapik sakin dahilan para bumalik ako sa ulirat at napaiwas ng tingin sa kaniya.

"A-ahh."

Tanging sabi ko at tumingin sa gawi ni Kaye Zenn. Mas kumulimlim ang paligid.

Napaigtad pa ako ng biglang kumidlat at kumulog.

Mukhanh uulan na psh!

"Lapitan mo na..aalis na tayo. Mukhang hindi maganda ang panahon."sabi pa ni panget tumango nalang ako at lumapit kay Kaye Zenn.

Tiningnan ko siya at sobrang maga na ang mga Mata niya. Humihikbi parin siya.

"Zenn, tara na..maabutan tayo ng ulan."sabi ko pa sa kaniya.

Nilingon niya ako at malungkot talaga ang mababakas sa nga mata niya.

"Please, lets go home."sabi ko pa.

Tumango nalang siya saka tumayo. Napahinga ako ng maluwag.

Sa wakas ay pumayag na siyang umuwi. Tumingin pa ako sa puntod ni Tita.

Paalam Tita.

Sabi ko sa isip ko saka inilalayan si Kaye Zenn. Lumapit na rin samin si panget at tinulungan akong alalayan si Kaye Zenn.

May dala akong kotse at sakin sasabay si Kaye Zenn at ay motor naman si panget.

Muli kong naalala ang unang beses kong pag angkas sa motor niya.

Lihim na napangiti ako ngunit kaunan din ay napapailing nalang.

Pinagbuksan ko ng pinto si Kaye Zenn at maingat na inalalayan siya si panget papasok sa loob.

"Huwag ka ng masyadong umiyak..alam kong hindi madaling tanggapin ang lahat. Naiintindihan kita, pero huwag mo na rin pahirapan ang sarili mo. Alam kong hindi natutuwa si Dean ngayon na makita kang ganiyan."sabi pa ni Panget sa kaniya. Nakatingin at nakinig lang si Kaye Zenn sa kaniya." Maya maya ay uulan na..pati ulan nakakaintindi sayo. Kaya sana, unti unti mo ng tanggapin na wala na siya. Na gigising kang wala siya sa tabi mo. Pero tandaan mo, nandyan lang siya nakamasid sayo..gusto niyang makitang masaya ka para maging masaya din siya. Mahirap pero wala na tayong magagawa. Wala tauong choice kundi tanggapin nalang ang katotohanang wala na talaga siya."seryuso at marahan na sabi pa ni panget.

Ang paraan ng pagsasalita niya ay talagang mapapanatag ang loob mo kahit pa masakit ito. Parang nag iingat siyang hindi na ming iiyak si Kaye Zenn.

Nakatingin lang ako sa kaniya habang nakahawak ako sa pinto ng kotse.

"Mahal na mahal ka ng Mommy mo..yon ang huling sabi niya. Kahit pa siguro hindu niya sabihin yon ay alam mo na ang bagay na yon. Sige, mag ingat ka at magpahinga."sabi pa ni panget sabay tapik sa balikat ni Kaye Zenn.

Pigil ang luhang tumango nalang si Kaye Zenn.

"Geh, aalis na ako. Huwag ka ng umiyak. Ang ganda mo pa naman..baka maubusan ka pa ng luha niyan."biro pa ni panget.

Natawang pigil ang luha nalang si Kaye Zenn.

Psh!

Marunong din pala magbiro ang isang to tse!

"Thanks, Ash. You're really a nice girl, thanks."nakangiting sabi pa ni Kaye Zenn sa kaniya.

"Ayos lang..basta magpalakas ka. Naiintindihan kita. Minsan ko na rin yon nadaanan at naranasan. Geh, mag ingat kayo."sabi pa niya. Tumango lang si Kaye Zenn kaya si panget na ang nagsarado ng pinto.

Bumaling siya sakon at seryuso parin ang mukha.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari..walang may gusto sa nangyari. Geh, una na kayo. Susunod lang ako sa inyo." Sabi pa nito sabay tapik sa balikat ko at naglakad palapit sa motor niya.

Napabuntong hininga nalang ako saka nilingon si Kaye Zenn na naghihintay na sa loob.

Tiningnan ko pa uli si panget bago umikot at pumasok sa kotse.

Nginitian ko pa si Kaye Zenn at niyakap.

Kahit matanda siya sakin. Kaye Zenn lang ang tawag ko sa kaniya. Yon ang gusto niya.

"Things will be fine."sabi ko pa sa kaniya sabay bitaw.

Ngumiti nalang siya at umayos ng upo. Tumingin pa siya sa gawi ni panget na pinaandar na ang motor nito.

Sininyasan pa niya kami kaya binuhay ko na ng engine at nagmaniho paalis don.

Tulad ng sabi ni panget. Nakasunod lang siya samin. Hanggang sa makarating kami sa bahay nila Kaye Zenn.

Nandito parin ang ibang mga tao. Namataan ko pa ang pamilya ni panget at ang lolo at lola acosta niya.

Bumaba ako at pinagbuksan ng pinto si Kaye Zenn saka sinara at inilalayan siya ng makalabas na.

Nakita ko si Panget na nagpark at naghubad ng helmet.

Naglakad na kami ni Kaye Zenn papasok sa loob ng bahay nila. May ilan na tinapik pa ang balikat at likod ni Kaye Zenn. Sinusuklian lang niya ito ng pilit na mga ngiti.

Hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay at inalalayan siyang maupo. Agad na lumapit ang kasambahay at binigyan ng tubig si Kaye Zenn.

Para siyang lantang gulay sa pagod.

"Zenn, sa labas na muna ako ah. Magpahinga ka na muna, ok?"sabi ko pa sa kaniya.

Tumango lang siya at sumandal sa sofa.

Tumayo na ako at naglakad palabas. Nakita ko sila Mom kausap nila ang pamilya ni panget.

Kahit pagod ay nakipag usap din si Tito sa kanila. Hinanap ng mata ko si panget at nakita ko siyang kausap sila Jiro at Liam na nakaakbay sa kaniya psh!

Mag usap na nga lang nakaakbay pa psh!

Wala na sila Xandra, mukhang dumeretso na sila sa bahay nila.

Naglakad ako palapit sa kanila at seryuso lang din ang mukha ni panget.

Tse!

Kahit kailan ang tomboy na'to!

"Oh! Hey!"baling pa ni Liam sakin.

Tinanguan ko nalang siya psh!

"Kamusta ang pinsan mo?"tanong pa ni Jiro.

"Medyo ayos naman na siya..nagpapahinga na."sagot ko. Tumango lang siya saka tumingin kay panget.

"How are you? Pasensiya ka na kay Tita Nami..alam ko ang ginawa niya kong nasa hospital kayo."seryusong sabi pa ni Jiro.

Napatingin ako kay panget. Oo nga pala..sabi nila Keart na sinampal siya ni Attorney Nami nong nasa hospital pa kami. Nong nasa loob pa kami ng operating room. Lumabas lang kami non ng makaranig kami ng sigawan.

Tse!

Blankong napabuntong hininga nalang si panget.

"Tsk! Ayos lang.. Alam ko na ang likaw ng bituka non psh."walang ganang sagot ni panget.

Tse!

Para talaga siyang lalaki kong magsalita psh! Tomboy nga pala siya sa paningin ko.

Tinapik lang ni Jiro ang balikat niya.

"Sige, aalis na rin ako. Pupunta pa alo sa hospital at Law firm ngayon."paalam pa ni Jiro.

Sipag ahh!

"Geh. Ingat."sabi pa ni panget.

Tumango lang ito saka tumingin sakin at tinanguan ko lang.

"Take care, bro."sabi pa ni Liam. Tumango nalang ito at umalis na.

Nakatanaw lang kami sa kaniya ng magsalita si Liam.

"Mmm..aalis na rin ako..ihatid na kita sa inyo."sabi pa ni Liam kay panget.

Takang tiningnan lang siya ni panget.

"May dala akong motor."malumay na sabi pa nito.

Napakamot nalang ito sa batok niya at ngumiti kay panget.

"Ok, just take care, Sweety..Bro."sabi pa niya kay panget at bumaling sakin.

"Yeah, take care."sabi ko.

Kumaway lang siya at tinapik ang balikat ni panget saka umalis.

Nakatanaw lang ako sa papalayong si Liam ng biglang may lumapit samin.

"Onēsan!"

Si Asher.

"Oh?"

Baling ni panget sa kaniya.

"You go home now?"tanong pa nito.

Tumango lang si panget.

"Mmm..may gagawin pa ako."

Sagot ni panget. Najangusong tumango nalang si Asher.

"Hey!"

Bati ko pa sa kaniya. Nilingon naman niya ako at tiningnan pa bago tumango.

Psh!

Magkapatid nga sila tse!

"Can you go there in our house?"tanong pa nito kay panget.

Napabuntong hininga at umiling lang si panget. Kaya napanguso nalang siya.

"Alam mo naman hindi ba? Ok, If I have a vacant time. Igagala kita, ok?" Sabi pa ni panget.

Nagliwanag naman ang mukha niya saka tumango.

"Thanks, Onēsan!"nakangiting sabi pa ni Asher.

Tinanguan lang siya ito saka bumaling sa kinaroroonan ng pamilya niya.

"Balik ka na don..wag kang aalis sa tabi nila. Aalis na rin ako."sabi pa nito.

Tumango nalang si Asher saka yumakap sa kaniya bago naglakad pabalik sa pamilya nito.

"Aalis ka na?"tanong ko.

Tumango lang siya habang nakatanaw sa kapatid niya.

Tse!

"Baka maabutan pa ako ng ulan."sabi pa niya.

Napatingala ako sa langit at lalong makulimlim ang langit.

Psh!

Mukhang uulan na nga.

"Sige, salamat..ingat ka pauwi."tanging sabi ko pa.

Tumango lang siya at tiningnan pa ako ng mabuti psh!

"Ayos ka na?"blankong tanong pa nito.

Tinanguan ko lang siya.

"Geh, alis na ako..pakisabi nalang sa pamilya mo umuwi na ako." Sabi pa niya sabay tapik sa balikat ko.

Napakurap pa ako sa ginawa niya at hindi ko namalayang nakalayo na pala siya.

Tiningnan ko siya, nakapamulsa siyang naglakad at parang may sarili siyang mundo. Lalaking lalaki pa kong maglakad. Tse!

Tomboy na tomboy ang panget psh!

Napapailing nalang ako at tumingin sa paligid.

Bilang nalang ang nga taong naiwan. Naglakad ako palapit kela Mom na kausap parin ang mga Ibañez.

"Oh! Big boy..nandyan ka pala."nakangiting sabi pa ni Mom.

Nginitian ko nalang siya at tumingin sa kausap nila.

"We're leaving now. About the case..It almost done. We're just waiting for some info."sabi pa ni Judge Luis Ibañez.

Tumango lang sila Lolo at saka nagpasalamat ito sa kanila.

Pagkatapos ay hinatid sila ni Lolo sa labas ng gate.

Inalalayan ko naman si Mom papasok sa loob habang naguusap si Daddy at Tito Althon.

Pagkapasok namin ay wala na si Kaye Zenn. Baka nasa kwarto niya.

Naupo kami ni Mom sa sofa. Alam kong malungkot parin si Mom.. hindi lang niya pinapakita. Close Friends sila ni Tita Faye noon pa man na highschool pa lang sila.

"Are you ok, Mom?"nag aalalang tanong ko pa sa kaniya.

Napabuntong hininga nalang siya saka ngumiti sakin at tumango.

"I'm fine, how about you?"nag aalalang tanong pa nito sakin.

Ngumiti naman ako sa kaniya. Yong totoong ngiti.

"I'm fine, Mom."nakangiting sagot ko.

Tiningnan naman niya ako ng mabuti. Parang inaalam niya kong totoong ok lang ba ako.

Natawa nalang ako sa kaniya.

"Yiieee..you look really fine, big boy."patiling sabi pa nito.

Natawa at napailing nalang ako sa inasal ni Mom.

Nag ayos nalang kami at nagpaalam kela Tito at Kaye Zenn. Uuwi na kami sa bahay.

Kailangan din namin bumawi ng pahinga. Wala kaming maayos na tulog kaya babawi kami. May klase pa naman sa monday.

Pagakauwi sa bahay ay naligo na muna ako pagkatapos ay humiga sa kama ko. Nayakap ko pa si Panda na nasa kama ko.

"Mmm..ay miss you my panda."nakangiting sabi ko pa habang yakap ko si panda.

Nabuking na tuloy ako ng gala namin na panda lover ako psh!

Yong pamilya ko lang ang nakakaalam na mahilig ako sa panda. Maski kaibigan ko hindi nila alam noon. Pero ngayon alam na nila aishh!

Inaasar pa nga ako nila Lyle, Keith at Keart. Psh!

Naalala ko bigla ang hagalpak na tawa ni panget nong time na yon. Tawa siya ng tawa. Tapos yong time na yon ko lang siya nakitang tumawa ng ganon.

Napangiti naman ako sa hindi malamang dahilan.

Tumawa pa rin kahit papano ang tomboy na yon. Napangiwi nalang ako ng maalala ang lalaking tawa niya psh!

Tomboy nga!

Tse!

Naalala ko ang pagiging mabait niya sakin nitong mga nagdaang araw. Lalo na yong pag angkas ko sa motor niya. Psh!

(0_0)

Napatigil ako ng maalala yong nangyari kaninang umaga paggising ko--naming dalawa ni panget pala.

*Flashbacks*

Naalimpungatan ako ng dahil sa flash ng camera na narinig ko.

Ramdam kong parang nakasandal ako. Dahan dahan akong nagmulat at tumambad sa mukha ko ang dalawang kaibigan ko na nagpipigil ng tasa habang kinukuhanan ako ng picture. Nakangiti pa si Kaye Zenn kahit halata ang pagod at lungkot sa mukha niya.

"Yiiee..ang cute nilang tingnan."sabi pa nito habang nakatingin sila sa camera ni Keart.

Nila?

Anong--

Nakaramdam ako ng may gumalaw kaya dahan dahan akong lumingon at..

(0_0)

What the heck!

Mabilis akong napalayo kay panget dahilan para mapatingin samin sila Kaye Zenn at ang dalawang ugok kong kaibigan. Ngingiti ngiti pa silang tatlo.

"Oh! Gising na pala ang perfect couple..yieee."patiling sabi pa ni Kaye Zenn na animo'y walang iniindang lungkot.

Ano raw?

Perfect couple?

Napalingon ako kay panget. Blanko at salubong ang kilay niyang umayos ng upo na animo'y walang paki sa paligid niya.

Don ko lang napagtantong nakasandal ako sa kaniya habang nasa balikat niya ang ulo ko kanina.

"What the hell!" Mahinang bulalas ko pa.

Takang Napatingin si panget sakin at siniringan ako ng tingin!

"Tsk!"

Mahinang singhal niya at tumingin kela Keart. Pigil ang tawa at ngiti nila dahil sa blakong mukha ni panget!

Psh!

Aga aga nahahighblood psh!

Tumayo ako at tiningnan sila Keart. Pinandilatan koang sila saka naglakad paalis at nagtungo sa banyo.

*End of flashbacks*

Hindi ko namalayang napangiti na pala ako habang nakatitig kay panda at yakap yakap ito.

May naramdaman akong kong ano sa sistema. Parang tuwa o ano pero hindi ko na yon pinansin dahil dinalaw na ako ng antok.

Hanggang sa hindi ko namalayang naka idlip na pala ako. Everything went black.

Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzz!!









Author's note: hello mga readers hope you enjoy reading and please support me guyzzz in this story.

Marami pa kayong dapat na abangan guysss. Please subaybayan niyo po ang story na'to. I will do my best for this story.

Please don't forget to Vote comment and Follow!


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top