Chapter 210 " Last time"

NANLULUMONG napahilamos ng mukha si Drix nang makita ang walang malay na ex-fiancee niyang nakaratay sa patient's bed. Putlang-putla ito at halatang hinang-hina ang dalaga. May oxygen na nakakabit dito na siyang sumusuporta sa walang malay nitong katawan. Parang patay ang nasa harap niya na ikinadurog ng puso niya. Dahan-dahan siyang lumapit sa kinahihigaan nito at unti-unting pumapatak ang mga luhang hinawakan ang kamay ng babae.

"Ash," basag at nasasaktang banggit nito sa pangalan ng dalaga.

Parang may nakabara sa lalamunan niya habang nakatingin sa mukha nito. He can feel her cold hand which made him worried a lot.

"Ash, don't leave me, okay?" Nanghihinang wika niya.

Masuyong hinalikan niya ang likod ng kamay nito habang patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha niya. Naramdaman niyang bumukas ang pinto pero hindi siya gumalaw.

Naramdaman niya ang galit na galit na presensiya ni Xandra nang pumasok ito at lumapit sa kaniya. Matalim ang mga matang nakatingin ito sa kaniya.

"Gising ka na pala," sarkastikong wika nito. "Bakit nandito ka? Hiwalay na kayo ng pinsan, 'di ba?" Bakas ang diin sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito.

Hindi siya umimik. Nakayukong nakatingin lang siya sa walang kulay na mukha ng ex-fiancee niya.

"Ano? Hindi ka magsasalita?" Naiiritang tanong nito.

Muling bumukas ang pinto at may mga pumasok. Hindi na siya nangahas na lumingon pa, presensiya pa lang ng mga ito ay alam na niya kung sino ang mga pumasok.

"Xand, calm down––" puna ni Keith.

"Calm down? Paano ako kakalma kung dahil sa lalaking ito ay nakaratay na naman diyan ang pinsan ko?!" Galit na sigaw nito sabay turo sa kinahihigaan ni Ashi.

Parang sinaksak ang puso niya sa narinig sa dalaga. Tama si Xandra, siya na naman ang dahilan kung bakit nakaratay na naman ito sa hospital bed ngayon.

That made him pained even more.

"Xand, hindi natin alam ang dahilan kung––"

"He cheated on my cousin!" Galit na pigil nito kay Keith.

Naramdaman niyang natigilan ang mga kaibigan na naroon. Napasinghap pa si Keart at Lyle habang nakatayo sa tabi.

Tumiim ang bagang niya sabay punas ng luhang nasa pisngi niya. Pagkatapos ay nag-angat ng tingin at deretsong tumingin sa galit na mga mata ng babae.

"I didn't cheated on her." Mariing wika niya.

Hilaw na natawa si Xandra na halatang hindi naniniwala sa kaniya. Xandra has a trust issue kaya mahirap itong paniwalain sa mga bagay-bagay.

"Oh talaga? Anong tingin mo sa pinsan, gumagawa ng istorya?" Sarkastiko at mapanuyang sabi nito.

Napabuntong-hininga na lang siya. He has no choice but to tell them the truth. He take a deep breath before he started to explain himself.

"I really don't cheat on her, Xand. I was frame by Tricia, the girl who obsessed with me when I'm in America back then." Kalmadong panimula niya. "She followed me here in the Philippines because she wanted to be with me even though I told her that I'm getting married." Dagdag niya.

Nakikinig lang ang mga kaibigan niya maliban kay Xandra na hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng mukha. Matalim pa rin ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya at halatang hindi kumbinsido.

"Noong nakaraang kasal nila Keart ay sinundan niya ako. Tricia threatened me that time that she'll going to call her henchmen to kill Ashi if I didn't come to her condo within the time she's given to me." Pagpapatuloy niya.

Unti-unting nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Xandra. Ang kaninang masamang tingin nito ay napalitan ng pagkakakunot ng noo.

"Ano 'kamo? May binabalak siyang masama sa pinsan ko?" Nanlilisik ang mga matang tanong niya.

Napabuntong-hininga at napahilamos ng mukha sabay tango.

"Natatakot ako sa kung ano ang gagawin niya kay Ashi, at natatakot din ako sa kung anong kayang gawin ni Ashi sa kaniya. Ayaw kong mapahamak ang taong mahal ko ng dahil sa akin kaya inilihim ko ang tungkol d'on. Pero bago pa man ang kasal nila Keart ay sinabi ko na kay Ashi ang lahat dahil naghihinala na ito sa akin. Nakita niya rin kaming magkasama ni Tricia kaya hindi ko na naitago pa sa kaniya ang lahat." Mahabang wika niya.

"Kung ganun, bakit sinabi ni Ashi na nakita ka niyang niloloko mo lang siya?" Tanong ni Keith.

Nilingon niya ang kaibigan. Bakas ang lungkot at sakit sa mga mata nito nang muli itong magsalita.

"Sinundan niya ako sa condo ni Tricia at nakita niyang pareho kaming hubad habang nakapaibabaw sa akin si Tricia ng mga oras na iyon." Pahina nang pahina ang boses na sagot niya.

Malutong na napamura si Xandra at ganun din sila Lyle at Keith. Nanlilisik na naman sa galit ang mukhang tumingin sa kaniya si Xandra.

"What the heck, Drix! Tapos sasabihin mong hindi ka nagloko?!" Galit na sigaw nito.

Mabilis na umiling siya rito. "I'm not. Pinainom ako ng wine ni Tricia nung time na iyon at hindi ko alam na may inilagay pala siyang drugs sa alak. Doon ko lang na-realize nung mahilo at umiinit na ang katawan ko." Depensa niya, "Tricia tried to make some ways para may mangyari sa amin. Pero bago pa man mangyari ang gusto nito ay bumukas ang pinto at naabutan ni Ashi na pareho kaming hubad at nakakubabaw sa akin si Tricia." Mahabang paliwanag niya.

Malalim na nagpakawala ng buntong-hininga si Xandra. Parang nabunutan ito ng tinik sa lalamunan at unti-unting naniniwala sa kaniya.

Nagpapasalamat siya't naintindihan siya ng babae at ng mga kaibigan niya. Ang tanging gagawin na lang sia ngayon ay hintaying magising si Ashi magkausap sila ng masinsinan.

"Let us handle that Tricia the bîtch! Pagagapangin ko yun sa mga amantik ng Pilipinas at ipapatikim ko sa kaniya ang kayang gawin ng isang Pilipino. Tingnan natin kung hindi ba siya mapuputulan ng sungay." Madilim ang mukhang wika ni Xandra na ikinatigil niya.

"What are you going to do?" Nagtatakang tanong niya.

May kutob siyang may binabalak na hindi maganda si Xandra at alam niyang kasama na roon sila Lyka at Kayla, idagdag mo pa si Kaye Zenn at Drixie. Natutop na lang niya ang sariling bibig.

"Huwag ka ng magtanong pa, asikasuhin mo ang problema niyo ni Ashi kung gusto mo pang matuloy ang kasal niyo." Nakairap na sabi ni Xandra sa kaniya bago tumalikod. Pero hindi pa man tuluyang nakalabas ito ng silid ay tumigil ito at muling nagsalita. "Tandaan mo, absuwelo ka na sa akin pero hindi sa pinsan ko, boy." Huling sabi nito bago umalis.

Napamura na lang siya nang biglang natawa sila Keith at Lyle kaya't sinamaan niya ng tingin ang dalawang kaibigan.

"You're doomed, dre." Pang-aasar ng dalawa bago lumabas ng silid.

Napabuntong-hininga na lang siya at tinitigan ang mukha ni Ashi. Hinihiling talaga niyang magkaayos sila ng dalaga. Hindi niya hahayaang hindi matuloy ang kasal nilang dalawa.

'Lord please... let me marry the girl that I loved the most.'


***

NAALIMPUNGATAN si Drix nang maramdamang may gumalaw dahilan para mapabangon siya sa pagkakadukdok sa gilid ng kama ni Ashi. It's been a week since na hospital ang dalaga at hindi pa rin ito gumigising. Ang sabi ng doctor ay masyado raw itong naapektuhan sa dami ng alak na nainom nito kung kaya nalason ito. Isa o dalawang linggo pa ang hihintayin nila para magising ang dalaga. She's under temporary comatose because of the poison. Palagi niyang binabantayan ang dalaga kahit pa man hindi pa gumagaling ang sugat niya sa pulsuhan.

He wanted to be by her side when she woke up.

"Why are you here?" Isang malamig at walang kabuhay-buhay na tinig ang nagpabalik sa kaniya sa reyalidad.

Awtomatikong napaangat siya ng tingin sa nagsalita at nagtama ang mga mata nila. Sa gulat ay mabilis na nayakap niya ang dalaga sa sobrang saya nang makitang gising na ito.

"You're awake!" Bakas ang tuwa sa boses na bulalas niya.

Hindi gumalaw si Ashi sa at tahimik na nakaupo lang ito. Bumitaw siya sa pagkakayakap sa dalaga at sinuri kung ayos lang ba ito.

"Ayos ka na ba? Wala na bang masakit sa 'yo? Sandali, tatawagin ko lang ang doctor––"

"Get out." Malamig na pigil ni Ashi sa kaniya.

Nakaramdam siya ng sakit sa dibdib niya habang nakatingin sa dalaga. Pero hindi siya nagpadala, gagawin niya ang lahat para magkabalikan at matuloy ang kasal nila.

"Just wait here, I'll call the doctor." Nakangiting bilin niya bago mabilis na tumakbo palabas ng silid.

Nakasalubong pa niya sila Xandra at ang mga Ibañez saka nagtatakang tumingin sa kaniya.

"Bakit ang saya mo ata, hijo?" Tanong ng daddy ni Ashi.

"She's awake na po, Tito!" Masayang anunsiyo niya na ikinaliwanag ng mukha ng mga ito.

"Really?" Paninigurado naman ni Asher.

"Yes. Wait, tatawagin ko lang muna ang doctor." Nakangiting sabi niya at mabilis na tumakbo.

Malaki ang ngiting tinawag niya ang doctor at sinabing gising na ang pasyente. Agad namang tumalima ang doctor at pinuntahan ang silid nito.

Nang makarating doon ay kausap ng dalaga ang pamilya niya. Napatingin pa ito sa kaniya kaya nginitian niya ito kahit blanko lang ang mukha nito.

Agad na tiningnan ng doctor ang kalagayan nito at ayos naman na raw ito. Puwede na itong makakalabas bukas o sa makalawa.

"Asher, give me some water." Utos nito sa kapatid.

Hindi pa man nakakatayo si Asher ay naunahan na niya ito. Kumuha siya ng baso at nilagyan ng tubig saka inabot dito. Tiningnan lang iyon ni Ashi at muling tumingin kay Asher.

"Asher, I said, I want to drink a water." Ulit nito.

Napakamot na tinuro ni Asher ang hawak niyang tubig pero sinamaan lang ito ng tingin ni Ashi dahilan para mabilis na kumuha ng bagong tubig ang binatilyo at inabot sa kapatid. Nagkatinginan pa ang lahat nang naroon at hindi umimik, kahit ang pamilya nito.

"Here." Abot nito ng tubig na agad namang tinanggap ni Ashi.

Nakaramdam siya ng sakit sa dibdib niya dahil sa ginawi ng dalaga. Inilapag na lang niya ang tubig sa bedside table saka muling tumingin sa dalaga.

"Are you hungry? Bumili ako ng pagkain––"

"I want to sleep." Walang ganang pigil ni Ashi sa kaniya at nahiga ito patalikod sa gawi niya.

Halos maiyak na lang siya sa lamig ng treatment sa kaniya ng dalaga. Pakiramdam niya ay napakatibay ng pader sa pagitan nilang dalawa.

Tinapik ng daddy ni Ashi ang balikat niya na para bang pinapalakas ang loob niya bago ito lumabas. Sumunod ang iba pa kaya napabuntong- hiningang lumabas na lang din siya.
Bagsak ang mga balikat na napasandal siya sa pader sa labas ng silid nito.

"Anong gagawin ko para patawarin at paniwalaan mo ako, Love?" Mahinang bulong niya habang napapikit na animo'y hindi na alam kung ano ang gagawin.

'It hurts when you treated me like this.'

DUMAAN ang mga araw at nakalabas na ng hospital si Ashi, halos mabaliw na si Drix sa kakaisip sa puwedeng gawin para makausap ng maayos si Ashi. Palagi kasi siya nitong ipinagtatabuyan tuwing sinusubukan niyang kausapin ito. Nagawa na rin niyang maghintay sa labas ng condo nito para lang kausapin siya pero wala pa rin. Minsan gusto na niyang sumuko tuwing makikitang palagi nitong kasama si Jace na agad bumalik mula sa America matapos malaman ang nangyari sa kanila ni Ashi. Natatandaan niya ang huling sinabi ng lalaki sa kaniya noon kapag sasaktan niya si Ashi, hindi ito magdadalawang isip na agawain sa kaniya ang babaeng mahal niya.

Naninikip ang dibdib niya habang nakatingin kay Ashi at Jace na magkasama na namang kumain sa isang restaurant. Nagtatawan sila na para bang tuwang-tuwa sa pinag-uusapan ng mga ito.

Gustong-gusto niyang lumapit at suntukin si Jace pero hindi niya magawa. Natatakot siyang baka mas lalong magalit sa kaniya si Ashi kung kaya't pinipigilan na lang niya ang sariling sugurin ang mga ito.

Wala sa sariling tinungga niya ang bote ng alak na in-order niya kanina habang nakatingin sa dalawa. Pasado alas-syete pa lang naman ng gabi pero ang sakit na nararamdaman niya ay kasing lalim ng hating gabi.

"Finally, I found you here." Biglang sabi ng kung sinong taong naupo sa bakanting upuan sa harap niya.

"What are you doing here?" Malamig na tanong niya nang makita si Tricia.

"Guess what?" Malambing na balik tanong nito.

Napatiim-bagang na lang siya at matalim na tumingin sa dalaga. Hindi pa rin ito tumitigil sa pagsunod at kulit sa kaniya.

"Look, how many times do I have to tell you that I'm not interested on you?" Madilim ang mukhang anas niya.

Nauubos na ang pasensiya niya sa babae. Hindi na ito ang Tricia na kaibigan niya sa limang taon na pananatili sa America. She's really changed.

Pagak na natawa ang babae na animo'y hindi ito naapektuhan sa mga sinabi niya. Inagaw pa nito sa kaniya ang bote ng alak at nagsalin sa shot glass.

"I told you, wether you like me or not, I want to be with you." Mariing sabi nito na ikinamura niya ng mahina.

Inis na tumayo siya at iiwan na sana ang babae nang mapatingin siya sa gawi nila Ashi. Nanlamig siya nang makitang nakatingin ito sa gawi nilang dalawa ni Tricia.

Ang nakangiting mukha nito kanina ay napalitan ng blanko bago tumayo at naglakad palabas ng restaurant.

"Fvck!" Malutong na mura niya at mabilis na tumakbo palabas.

Halos mabunggo pa niya ang ibang dumadaan dahil sa mabilis na takbo niya para lang masundan at maabutan ang dalaga.

"Ash!" Tawag niya rito nang makarating sa parking lot.

Hindi nakinig ang dalaga kaya mabilis na hinarangan niya ito dahilan upang mapatigil ito sa paglalakad.

"Alis." Utos nito.

"No. Let's talk and let me explain––"

"You don't need to." Malamig na putol nito sa kaniya.

"Ash, please... Ano ba dapat ang gagawin ko para kausapin mo ako?" Nasasaktang tanong niya rito.

She walked closer towards him.

"Get lost and don't let me see you again." Walang kabuhay-buhay na tugon nito na nagpadurog lalo sa wasak na wasak niyang puso.

Hindi na niya napigilan ang sarili at bumuhos ang luha niya sa sobrang sakit na nararamdaman niya. Ang hirap pa lang makisuyo sa babaeng tulad ng taong mahal niya.

"You really hated me that much?" Basag ang boses na tanong niya.

Blankong nakatingin lang ito sa kaniya at kapagkuwan ay nilagpasan siya. Imbes na pumasok ito sa kotse ni Jace ay dumeretso lang ito nang lakad.

"Bakit ba ang hirap mong suyuin? Bakit ba ganiyan ka sa akin?" Sunod-sunod na tanong niya na nagpatigil sa babae.

Umiiyak na lumapit siya rito at deretsong tumingin sa mga mata nito. Wala siyang paki kung nagmukha siyang tanga at bakla sa pag-iyak niya.

It doesn't matter to him right now. All he want is to talk to her and let out the pain inside him.

"Hindi mo na ba ako mahal? Itatapon mo na lang ba ang lahat ng mayroon tayo dahil sa maling akala mo?" Puno ng hinanakit na tanong niya.

Dumilim ang mukha nitong nag-iwas ng tingin sa kaniya. May nakita siyang dumaan na sakit sa mga nata nito na agad din namang nawala.

"Huwag mo akong gawing tanga, Bisugo, kitang-kita ko ang kataksilang ginawa niyo!" May galit at sakit sa boses na saad nito.

"Walang nangyari sa amin, Ash. It was plotted and believe me, there's nothing happened between us." Napapagod nang paliwanag niya sa babae.

Ilang beses ba niyang ipaintindi rito na wala talagang nangyari sa kanila ni Tricia noong time na yun. Masyadong sarado ang puso nito para paniwalaan siya.

"I don't believe you." Malamig na bulong nito at mabilis na naglakad palayo.

Napasabunot siya sa sarili at mabilis na hinabol si Ashi. Kunti na lang at mababaliw na siya sa kawalan ng pag-asang magkaayos pa sila ng dalaga.

Pero napatigil siya nang biglang humarang si Tricia na bigla na lang sumulpot sa harap niya.

"This is a nice show." Nakangising wika nito dahilan para mapatigil din si Ashi at humarap sa gawi nila.

"Huwag ngayon, Tricia, huwag mong palalain ang sitwasyon." Nagpupuyos na galit na sabi niya at itinulak ito.

"Stop chasing her, Babe." Puna ni Tricia sa kaniya.

"Fvck you!? Get out of my way!" Sigaw niya at nilagpasan nito nang makitang napapailing na tumalikod si Ashi.

Mas binilisan niyaa ang pagtakbo para maabutan ito. Kailangan niyang makausap ito ngayon, dahil kung hindi, baka sa mental hospital na niya makikita ang sarili.

"Ash, stop! Believe me, I love you!" Nanghihinang sabi niya.

"Monkeys will believe on you." Malamig na tugon nito.

He cursed.

"Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin?" Sigaw niya.

"Dahil sinira mo ang tiwalang ibinigay ko sa 'yo!" Galit na sigaw nito.

Kuoang na lang ay buksan nag dibdin niya uoang kuhanin sa loob ang pira-pirasong puso niya. Parang hindi na niya kaya ang sakit na nararamdaman niya. Napupuno na siya, nasasakal na siya sa sobrang sakit ng nararamdaman niya.

Gulat at malutong na napamura siya ng mabilis na tumakbo si Ashi sa kalsada at hindi napansin ang humarurot na malaking truck sa gawi nito.

"Fvck!" Malakas na mura niya at mabilis na tumakbo. "Ash, stop!" Kinakabahang sigaw niya pero hindi ito nakinig.

Tuloy-tuloy lang ito sa pagtakbo at nakita niyang nagpupunas ito ng mukha. 'Fvck! She's crying!' Napamura siya ng malakas nang makitang malapit na ang malaking truck sa gawi niya pero hindi pa rin nito iyon napapansin.

"I said, stop!" Halos mapaos ng boses na isgaw niya pero bingi ito.

"Damnit! Ash!" Huling sigaw niya kasabay nang mabilis na pagtakbo sa gawi nito.

Mabilis na itinulak niya ito sa gilid upang hindi masagasaan ngunit saktong pagtulak niya sa dalaga ay nahagip siya ng malaking truck dahilan para tumalsik siya kalsada.

Parang nabingi siya sa lakas ng impak nang tumama sa semento ang ulo. Hindi siya nakagalaw at parang namanhid ang buong katawan niya habang nakahiga sa gitna nang kalsada.

Wala siyang narirnig na ingay o kahit ano. Tanging ang mga sari-saring mga ilaw na nagmula sa mga sasakyang nakahinto sa paligid, ang mga taong nagtatakbo, at ang street lights ang tanging malinaw sa kaniya.

Nakaramdam siya ng hilo, dahilan para mapapikit siya. Naramdaman niya rin ang mainit na likido sa ulo niya. Halos biyakin ang ulo niya sa sobrang sakit na nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Hanggang sa unti-unti niyang naririnig ang mga ingaysa paligid.

"Bisugo!" Isang malakas at umiiyak na tinig ng taong mahal niya ang kumuha ng atensyon niya.

Gumuhit ang matamis na ngiti sa duguang labi niya nang makita ang mukha ng dalaga.

"L-love," nahihirapan ngunit nakangiting bulong niya.

"B-bisugo..." basag ang boses na anas ni Ashi, hindi ito mapakali habang hinahawakan ang mukha niyang duguan.

Kahit nanghihina at walang sapat na lakas at pilit niyang mahawakan ang kamay nito sa pisngi niya.

"I-I love y-you. P-please believe m-me. I didn't c-cheat on you." Nahihirapang wika niya sa mahinang tinig.

May mga iilang butil ng luha ang unti-unting tumatakas sa mga mata niya. Hindi na niya kaya pa, kunti na lang at papanawan na siya ng ulirat. Pakiramdam din niya ay iyon na ang huling beses na makikita niya dalaga.

His heart bleed with so much pain within.

"I-I'm happy t-to be p-part of your l-life, Ash. I'm very happy to be your fiancee in a s-short period of time." Napapaubong bulong niya.

Nahihirapan na rin siyang huminga. Umiiyak na umiling si Ashi at nagsusumigaw itong tunawag ng ambulansiya.

Pilit niyang inabot ang pisngi niti upang damhin sa huling pagkakataon. Sunod-sunod na pumatak ang mga luha niyang pinaghalo ng dugo. Gusto nang pumikit ang mga mata niya pero pinilit niyang ibuka.

"W-we've been through a l-lot of trials, yet we s-still manage it. B-but now, I t-think I can't hold on any longer, Love." Hilam sa luha ang mga matang bulong niya.

"N-no! Huwag mong sabihin 'yan! Tangina! Asan na ang ambulansiya!" Umiiyak na sigaw nito.

Lihim na napangiti siya sa iginawi nito. Parang bumalik na ang dating Ashi na minahal niya at mahal siya.

"For the last time, can I hear from that you believe me and forgive?" He whispered.

Pipikit-pikit ang mga matang tanong niya. Mahigpit na hinawakan ni Ashi ang mga kamay niya sabay tango. Nakita pa niya si Tricia na gulat na gulat habang napapatutop ng bibig na nakatingin sa kaniya.

"I believe on you. I forgive you, please don't leave me. Please hold on for a little while, Love." Umiiyak na tugon nito.

A sweet smile form into his lips. Finally, narinig na uli niya sa bibig ng dalaga ang endearment nila. Panatag na ang loob niya na mahal pa rin siya nito.

"I love you, Love. I'll set you free until we meet each other again on the next life." Nakangiting bulong niya kasabay nang unti-unting pagpikit ng mga mata niya.

Narinig niya ang malakas na sigaw at hinaing nito sa huling pagkakataon bago pa man tuluyang nawala ang ulirat niya.

'I love you, Ash, I love you. No one can ever have my heart except you. See you on the next life.'








A/N: Wahhh😭😭😭 Naiyak ako sa part na 'to. Ang sakit-sakit sa dibdib promise. Para akong tanga habang nagsusulat nito. Sana nagustuhan niyo, iyong tagos hanggang buto. Malapit na tayong matatapos kaya abangan niyo, iilang chapters na lang.😭

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top