chapter 201 "Bisugo"
MADILIM ang mukha ni Ashi habang lulan ng sasakyan ni Lyka. Kanina pa ito nagmumura sa inis dahil sa ginawa ng dalawang kasama niya, pero tinatawanan lang naman siya ng mga ito. Hindi niya alam kung anong mayroon pero pakiramdam niya ay may mangyayari ngayong gabi. Kinakabahan kasi siya habang nakaupo at hindi mapakali. Idagdag mo pang parang ang kapal ng mukha niya dahil sa make-up kahit na slight lang ang inilagay ni Lyka sa mukha nito.
Shit!
"Wht the hell did you put a make-up on my face?!" Hindi makatiis sa inis na sigaw niya.
Nagkabit-balikat ang dalawa na nasa passenger seat habang si Lyka ang nagmamaneho.
"Chillax ka lang, Ash. Dapat masanay ka ng may make-up sa mukha, para ka namang taga-bundok, eh." Nakangiwing sabi ni Lyka.
"Yeah. Remember, you are Ibañez and Acosta, so bear with it." Dagdag ni Xandra.
Napairap si Ashi habang panay ang takip niya sa kabilang hita nitong kitang-kita.
She's not comfortable with her gown. It was too sexy and fit with her, she's not used to it anyway.
Napahinga na lang ng malalim si Ashi hanggang sa makahinto sila sa tapat ng KJMAX resto bar. Napakunot pa ang noo niya nang makitang parang andami ng mga tao.
Napatingin siya sa mga sasakyang naka-park, isa sa mga iyon ang sasakyan ng mga Ibañez. Naroon din ang sasakyan ng mga Chevalier, Evans, Luxon, Monreal, at ang sasakyan nila Debbien.
Nagtatakang tiningnan niya ang dalawang kasama na naunang bumaba habang pinagbuksan siya ni Xandra ng pinto. Si Lyka na naunang pumasok sa loob. Napaisip din siya kung bakit naroon ang sasakyan ng Ibañez eh nasa Vigan pa naman ang mga ito.
Tsk!
"Did the Ibañez came back here in Makati?" Tanong niya sa pinsan.
Tinaguan siya nito bilang sagot sabay turo sa kotseng naroon.
"Yeah. Nagulat din nga kami kanina, eh. Ang mga Chevalier ang nag-imbita sa atin dito." Sagot ng pinsan.
"Ano ba'ng mayroon dito?" Kunot-noong tanong niya.
"Ang sabi nila may gaganaping welcome party ang mga Chevalier at Cobler family ngayong gabi." Sagot ni Xandra
Mas lalong kumunot ang noo niya. Naguguluhan siya sa mga nangyayari ngayon.
"Welcome party for what?" She curiously asked.
Umiling si Xandra at hakatang hindi nito alam kung bakit nga may welcome party an mga Chevalier at Cobler family.
Bumaba na lang siya ng sasakyan, napangiwi pa siya dahil kitang-kita ang mapuputi at mabibilog niyang hita sa right side tuwing humahakbang siya.
"This is the worst gown that I've ever wore." Nakangiwing bulong niya.
Mahinang natawa si Xandra, palibhasa ay hindi ganun ka sexy ang suot nito pero bagay-bagay naman dito ang simpleng gown na suot ng pinsan.
"Hey! Come faster!" Biglang sogaw ni Kyla.
Inirapan lang ito ni Ashi, pakiramdam niya kasi ay matutumba siya dahil sa two inches na high heels na pinasuot sa kaniya ng dalawa.
"Bilisan natin, Ash, baka mainip sila sa loo---what ate you doing?" Naninigkit ang mga matang tanong ni Xandra.
Bigla niya kasing hinubad ang high heels na suot at nakapaang naglakad habang hawak ang isang pares na high heels.
"Tsk! Kung pinasuot niyo na lang kasi ako ng sapatos kanina, eh." Malumay na sabi niya.
Napanganga na lang si Xandra bago napapailing.
"Gown ang suot mo, Ash. Hindi pantaloon para magsapatos ka, Jesus!" Nakangiwing bulalas ng pinsan.
Hindi na lang niya ito pinansin hanggang sa makapasok sila sa loob. Pinagtitinginan pa sila ng mga naroon lalo na ang hawak nito.
"Gosh! What are you doing?" Ponandilatan siya ng mata ni Lyka bago ipinasuot sa kaniya ulit ang takong.
Pagkatapos ay iniwan siya bigla ng dalawa at naunang pumasok sa loob ng bar. Napapailing na lang siya at bago sumunod sa mga ito. Pagbukas niya ng pinto ng bar ay sumalubong sa kaniya ang mga taong kilala niya.
Nakatingin na sa kaniya ang mga ito habang nakangiti. Nakaranig pa siya ng instrumental music ng kantang "Ikaw" by Yeng Constantino na nagmuka sa stage ng bar.
Nahihiyang ngumiti siya bago pumasok sa loob. Dahan-dahan siyang naglakad sa red carpet habang mas lalong kumakabog ang dibdib niya.
Hindi pa man siya nakakaabot sa gitna nang makita niya si Jace na parang naghihintay sa kaniya sa dulo ng red carpet.
She can see the admiration, happiness as well as sadness in his deep black eyes. She continued to walk until she stood up in front of him.
"You're so gorgeous, Ash." Nakangiting komento nito.
Napakamot ng noo si Ashi at tipid na ngumiti sa binata. May pagtataka sa loob niya kung ano ba talagang mayroon ngayong gabi.
"Salamat. Ano bang mayroon?" Hos pabulong na tanong niya.
Nginitian lang siya nito bago hinawakan ang kamay niya at inilagay iyon sa braso ng binata.
"You'll know it later," bulong ng binata.
Halos may mga kabayong nagkarera sa loob ng dibdib niya sa 'di malamang dahilan habang naglalakad. At nang makalapit sila sa malaking table kung saan naroon ang mga kaibigan ay pinaghila siya ng upuan ni Jace.
Naiilang siya sa mga tingin ng mga naroon ngayon, lalo na ang ngiti ng mga kaibigan niya.
"Ang ganda at sexy mo, Ash." Komento pa ni Kyla.
"Oo nga," sang-ayon ni Bella.
"Tinalbugan niya ang miss universe," natatawang sabi pa ni Stella.
Napainom na lang siya ng alak na nasa harapan niya.
"Pero teka, hindi ko pa rin alam kung para saan ang welcome party?" Takang tanong ni Trixie.
Yes.
Naroon si Trixie, ang ex ni Drix, kasama nito ang asawang si Debbien. Halos lahat atang mga kakilala nila ay naroon ngayon.
"Ako rin, nagtataka rin ako." Sabi pa ni Theresa.
Kasama nito ang fiancee na si Nathan, ganun din sila Stella at Aika na kasama ang mga asawang si Brix at Firm.
"Yeah. Bigla na lang kasing may nagpadala ng invitation sa bahay namin kahapon." Sabat naman ni Keart.
Halatang walang alam din ang mga ito sa naging welcome party ngayon.
"Let's just wait for a while," tanging sabi ni Keith.
Pero halos sabay na naoatingin silang lahat sa stage maliban kay Ashi nang magsalita ang emcee. Pagkatapos ay tumugtog ang piano at iyong kantang "Ikaw" pa rin ang music.
Pero natahimik ang lahat nang biglang may kumanta. Ang kaninang maingay na bar ay naging tahimik habang pinapakinggan ang kumakanta.
Halos mahulog si Ashi sa kinauupuan niya nang mabilis itong lumingon paharap sa stage kung saan may kurtinang nakaharang dahikan para hindi makita ang taong kumakanta.
Ang kantang kinanta nito.
Aniya sa isip habang lumaaks lalo ang kabog ng dibdib niya.
"Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw, ang iniisip-isip ko,"
That voice...
"Hindi ko mahinto
Pintig ng puso,
Ikaw ang pinangarapbgarap ko"
"Simula ng matanato na balang araw iibig ang puso..."
Halos hindi kumukurap si Ashi habang nakatingin sa stage. Para siyang nanigas sa kinatatayuan niya nang marinig ang boses ng kumakanta.
It was so soft and melodious to hear.
Dahan-dahang bumukas ang kurtina habang patuloy sa pagtipa ang kung sinong nagtugtog ng piano. Hanggang sa tuluyang bumukas ang kurtina at tumambad sa kanilang lahat ang lalaking nakatalikod.
That back of him... it seems like...
Halos mahigit ni Ashi ang pa niyang hiningan nang dahan-dahang humarap ang lalaking kumanta sa stage. Napasinghap ang lahat ng makita ng tuluyan ang mukha ng lalaking kumakanta.
Her eyes became big as were shock written all over her face. Suddenly, their eyes directly met each other.
"Ikaw ang pag-ibig na hinintay
Puso ay nalumbay ng kaytagal
Ngunit ngayo'y nandito na ikaw"
"Ikaw ang pag-ibig na binigay sa akin ng may kapal
Biyaya ka sa buhay ko, ligaya't pag-ibig ko'y ikaw..."
Gulat na napatayo si Ashi habang nakamaang sa taong nakita niya sa stage.
Her lips were shaky as her knees were trembling as well.
"Humihinto sa bawat oras ng tagpo
Ang pag-ikot ng mundo, ngumingiti ng kusa ang puso,"
"Pagka't nasagot na ang tanong nag-aalala noon kung may magmamahal sa 'kin ng tunay..."
Patuloy nito sa pagkanta habang nakatingin sila sa isa't isa. Parang nag-slow motion ang paligid at tanging silang dalawa lang ang naroon.
"Ikaw ang pag-ibig na hinintay
Puso ay nalumbay ng kaytagal
Ngunit ngayo'y nandito na ikaw"
"Ikaw ang pag-ibig na binigay sa akin ng may kapal
Biyaya ka sa buhay ko, ligaya't pag-ibig ko'y ikaw..."
Hindi alam ni Ashi kung ano ang gagawin. Patuloy sa pagkanta ang nasa stage habang siya ay nakatayo na parang wala sa sarili. Nakamaang lang ito hanggang sa matapos ang buong kanta.
Kung hindi pa nagpalakpakan ang mga naroon ay hindi siya makakabalik sa realidad. Hindi man lang niya namalayang unti-unti na pa lang pumapatak ang luha mula sa mga mata nito.
Pakiramdam niya gusto niyang sumigaw at tumakbo sa lalaking papalapit na ngayon sa kaniya para alamin kung hindi ba siya nanaginip lang. Huminto ang binata na halos dalawang pulgada ang layo sa isa't isa.
"Ash..."
"Bisugo..." Halos paos ang boses na bulong nito.
"I miss you, Love." nakangiting sabi nito kasabay nang luhang pumatak sa mga mata ng binata.
"B-buhay ka?" Wala sa sariling tanong ni Ashi habang sunod-sunod na nagsipatakan ang mga luha niya.
"Yes. I'm still alive... for you." Nakangiti pa ring sagot nito.
Her heart beat so fast as she run towards him. Drix can't help but to run towards her, too. As they get closer to each other, they hugged tightly while their tears covered their eyes and cheeks non-stop.
"Bisugo..." umiiyak na anas ni Ashi habang mahigpit na niyakap ang binata.
"Shhh... I'm here. I won't leave you, Love." Umiiyak ding bulong ng binata bago bahagyang lumayo kay Ashi.
Nagtitigan silang dalawa at halata ang saya sa mga mata ng mga ito. Ang lahat ng pangungulila nila sa isa't isa ay ngayon napunan na.
"A-akala ko w-wala ka na," halos pabulong na sabi ni Ashi.
Ikinulong ni Drix ang mga pisngi ng dalaga sa mga kamay nito at masuyong hinalikan sa noon. Napapikit si Ashi sa ginawa nito.
"I'm sorry. I promise that I will never leave you." Masuyong sabi nito.
"I love you." Ashi whispered.
"I love you, too." He whispered before he kissed her on the lips.
It was passionate and full of love. Ashi kissed him back with the same ferocity.
Kung hindi pa sila nakarinig ng mga palakpakan, hiyawan, at panunukso ay hindi pa sana sila maghihiwalay sa paghahalikan sa gitna.
"Masyado na kayong PDA!" Sigaw pa ni Keart.
Nagtawanan ang mga lahat na naroon at ganun din si Drix bago sinagot ang kaibigan.
"The hell I care!" Sigaw nito pabalik.
Mas lalong nagtawanan ang lahat bago sila lumapit sa table ng mga ito. Niyakap ni Drix ang mga kaibigan niyang walang kaalam-alam na buhay siya. Pati na rin ang mga magulang ng mga ito at pamilya ni Ashi.
"Welcome back, hijo." Nakangiting bati ni Grandmaster Ibañez sa binata.
"It was good to know that you're still alive." Sabi naman ng daddy ni Ashi.
"You made us believe that you're gone." Natatawang sabi pa ni Tita Nami.
Napakamot ng batok si Drix at niyakap si Ashi mula sa beywang. Ang ina ni Drix ang nagsalita.
"We didn't mean to hide that my son are still alive. He has a temporary amnesia for almost 3 years due of being comatose in almost 1 year. We're sorry to worry you all." Paliwanag at hingi nito ng paumanhin ng ng ina ng binata.
Nagulat si Ashi sa narinig nito mula sa binata. Pati ang mga kaibigan din nila ay nagulat sa narinig.
"Na-comatose at nagka-amnesia ka?" Gulat na tanong ni Keart sa binata.
Tumango si Drix at mas lalong hinapit si Ashi payakap sa kaniya. Parang ayaw nitong bitawan ang dalaga.
"Three years din akong nagka-amnesia, sinabi nila daddy sa akin ang lahat ng nangyari. Last year ko lang naalala lahat at sinabihan ko sila Mom na huwag na munang ipaalam na buhay ako." Paliwanag ni Drix.
Napatango-tango silang lahat habang tahimik lang si Ashi na nakatitig sa mukha ng binata. Pakiramdam niya kasi ay isang panaginip lang ang lahat kaya ayaw niyang ialis ang paningin sa binata.
Malaki ang nagbago rito. Mas lalo itong naging gwapo at manly na talaga itong tingnan. Hindi tulad noon na binatilyo pa lang ito tingnan. Ngayon ay matured na ito tingnan.
Idagdag mo pa ang kaka-shave lang na bigote nito. Ang linis tingnan ng mukha nito. His dimples attract her the most.
"Baka matunaw ako niyan, Love." Nakangiting bulong ni Drix sa kaniya.
Umiwas na lang ng tingin si Ashi nang magtanong si Lyle. Halos ata silang lahat ay natahimik sa naging tanong nito.
"What happened back then? Ang narinig namin noon ay wala ka na raw. Kausap pa namin noong time na yun ang mommy mo." Anas ni Lyle.
Huminga nang malalim si Drix at tiningnan ang mga kaibigan nito. Nag-aabang sa sagot nito upang maliwanagan kung bakit bigla itong nabuhay samantalang narinig nila ang nangyari five years ago.
"Ganito kasi yon, mom and dad, told me everything what happened back then." Panimula ni Drix, "they told me that, after my operation my body is too weak to bear with the operation so, my body gave up." Paliwanag ni Drix.
Nakinig nang mabuti naman ang lahat habang nakatingin sa binata.
Seryusong-seryuso ang mga ito habang matamang nakikinig sa lahat ng mga sasabihin ng binata.
"Nang bumigay ang katawan ko at nag-stop ang pintig ng puso ko, iyon yung time na naka-on call si Mom sa inyo at narinig niyong wala na ako bago namatay ang call. Then, mga two minutes after the doctors declaration that I'm dead, the nurse were shouting when they heard the monitoring that are still connected to my body and starting to count to prove that I'm still alive." Mahabang paliwanag ni Drix.
Napatango-tango silang lahat na animo'y naiintindihan ang lahat ng paliwanag ng binata. Napahinga rin ng maluwag ang mga ito.
Samantalang ang mga parents nila ay nagpatuloy na sa pag-uusap at pag-iinuman. Ganun din ang ibang mga naroon.
Napabuntong-hininga pa si Drix dahilan para mapatingin dito si Ashi. Nakita nitong may lungkot sa mga mata ng binata.
"Is there something wrong?" Tanong ni Ashi.
Napatingin ulit sa kanila ang mga kaibigan.
"I'm just sad to think about the person who donate his heart for me." Mahinang sagot ng binata.
Napakunot-ang noo ni Ashi habang bumakas naman ang pagtataka sa mukha ng mga kaibigan nila.
"Why? Sino ba ang heart donor mo?" Tanong ni Ashi.
Mahigpit na niyakap siya ni Drix bago sumagot.
"The person who loves you a long time ago." Mahinang sagot ni Drix.
Natigilan silang lahat dahil sa sinabi ng binata.
"What do you mean, dre?" Lyle asked.
"Who's that person?" Keith asked.
Muling nagpakawala ng malalim na hininga si Drix. Parang ang hirap para rito sabihin kung sino ang donor nito.
"Bisugo, I don't understand what are you talking about." Saad ni Ashi.
"He's the man you treated like your brother, Ash. He's your best friend inside the Ritsuka Takeoshi Tatsuya Organization, and he's the son of the mafia king in our organization." Mahabang sabi ni Drix.
Napakurapkurap si Ashi habang napasinghap naman sila Xandra at iba pang nakakaalam tungkol sa kinabibilangan nilang organization noon. Maliban na lang kela Bella at iba pa.
"You mean..." hindi natapos ni Ashi ang gusto nitong sabihin.
"It was Ice Damon Thornheart, known as Stone, the other man who save you back then before I save you. He's my heart donor," Drix answered.
A/N: How the plot twist guys?🥰 By the way, nagbabalik na ang 'BISUGO' ng buhay ng lola Ashi niyo.🥰
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top