chapter 200 "Unknown caller"
MATAPOS ang naging mainit na pag-uusap nila Ashi at Jace ay iniwan niya sa backyard ang binata. Naramdaman pa niya ang luhang pumatak mula sa mga mata niya na kanina pa niya pinipigilan. Tagos na tagos kasi sa puso niya ang lahat ng sinabi ng lalaki. Ang katotohanang wala na nga ang taong tanging pinaglaanan niya ng kaniyang buhay. Pero hanggang ngayon ay pilit niyang pinapaniwala ang sarili na nasa paligid lang niya ang binata.
Diri-diretso siyang pumasok sa loob ng bahay habang tinutuyo ang basang pisngi niya. Nagtatakang napatingin pa sa kaniya ang mga kaibigang nakaupo sa sala pero hindian lang niya binigyang pansin ang mga ito.
"Ash? What happened to you?" Biglang tanong ni Jiro na nakasalubong niya sa hagdanan.
"Nothing." Maikling sagot niya at nilagpasan ito.
Nagkatinginan silang lahat habang nagkibit balikat naman si Liam na kakalabas lang ng kusina at may dalang hinog na kamatis.
Napabuntong-hininga na lang sila bago naupo si Jiro sa tabi ni Lyka na busy sa cellphone nito.
"Where's my coffee?" Tanong ni Jiro sa dalaga.
Hindi siya nito pinansin habang nakangiting nagta-type sa cellphone nito.
"I said, where's my coffee, woman?" Ulit niya pero hindi pa rin siya nito narinig.
Inis na kinuha ni Jiro ang cellphone nito dahilan para matigilan ang dalaga. Nang tingnan niya ang cellphone nito ay nagsalubong ang kilay ng binata.
"What the... really? Honeybunch?" Madilim ang mukhang tanong niya kay Lyka.
"Oh, bakit? May problema ka?" Mataray na balik tanong nito.
Napabuga ng hangin si Jiro bago dumukwang sa kaniya. Nakatingin lang sa kanilang dalawa ang mga naroon sa sala.
"Who's this fvcking honeybunch of yours?" Nagtagis ang bagang na tanong ni Jiro.
Napalunok si Lyka habang nakatingin sa madilim na mukha ng binata. Kapagkuwan ay nag-iwas ito ng tingin bago nagsalita.
"Ano ba'ng paki mo? Akin na ang cellphone." Pilit na pinapataray ang boses na wika ng dalaga.
Napakuyom ang kamao ni Jiro bago kinalikot ang cellphone nito. Nanlaki ang mga mata ni Lyka ng maktang binura nito ang numero ng ka-text niya.
"Ano ba! Bakit mo binura?!" Inis na sigaw nito sabay bawi ng cellphone pero inilayo lang ni Jiro.
"Why? You love him?" Salubong ang kilay na tanong ni Jiro.
Napanganga si Lyka sa tanong nito. Pati sila Kyla ay natawa habang nakangiwi naman si Xandra na pilit itinutulak palayo rito si Keith.
"A-ano bang pinagsasabi mong cold blooded ka!" Inis na sigaw niya.
Mas dumilim ang mukha ng binata sa itinawag ng dalaga rito. Kapagkuwan ay bigla itong umalis dala ang cellphone nito.
Puno nang pagtatakang napahilot sa sintido si Lyka bago nagmamadaling sinundan si Jiro sa kuwarto nito.
Napapailing na lang silang lahat bago nagpaka-busy sa kaniya-kaniyang mga sarili.
ASHI was being so occupied while lying on his bed. She's silently thinking of something when her phone rang. She sigh heavily before reaching her phone over the bedside table and answer the call. But her eyebrows instantly converge when the caller didn't speak.
Napatingin siya sa caller at isang unknown number ang nasa screen niya.
"[Hello?]" Muling sagot niya sa tawag pero wala pa ring sumagot.
Napabuntong-hininga si Ashi, baka wrong call lang kaya ibababa na sana niya nang makarinig siya ng malalim na hininga sa kabilang linya.
"This is Ashi speaking, may I know who's this?" Mahinahong tanong niya.
Pero lumipas na ang isang minuto wala pa ring nagsasalita.
"Anak ng..." bulalas niya bago ibinaba ang tawag.
Napahilamos na lang siya ng mukha bago itinabi ang phone. Padapang humiga siya bago isiniksik ang mukha sa unan.
Bigla siyang napahawak sa kuwentas na suot. Sumikdo ang kalungkutan sa puso niya nang maalala ang taong nagbigay nun sa kaniya.
Bumalikwas siya ng bangon bago kinuha ang cellphone. Tinitigan niya ang taong nasa wallpaper nito.
"I miss you..." pabulong na sabi niya habang nakatitig sa picture ni Bisugo.
Nag-uunahan na naman sa pagapatak ang mga luha niya habang dahan-dahang hinalikan ang litrato nito.
"I miss you, Bisugo." Mahinang bulong niya habang nakapikit na nakalapat ang labi niya sa screen ng cellphone niya. "Minsan, nararamdaman kong nasa paligid lang kita. Pero tuwing naalala kong wala ka na, parang piniga at binabaklas sa dibdib ko ang puso ko." Humihikbing anas niya.
Walang ingay na umiiyak siya habang yakap-yakap na ang cellphone niya. Pakiramdam niya ay may bumara sa lalamuna niya sa sobrang sakit na nararamdaman niya.
Aamimin niyang kahit anong gawin niya, hindi mawala-wala si Drix sa isip at puso niya.
"Sana buhay ka na lang... sana hindi na lang ikaw ang nawala." Mahinabg hikbing bulong niya.
Nasa ganung posisyon lang siya habang tumatangis sa lungkot at sakit ng nararamdaman niya ngayon.
Kundi pa tumunog ang cellphone niya ay hindi siya hihinto sa pag-iyak. Nakaitawang isipin na ang isang tulad niya na kilalang maangas at hambog ay umiiyak ngayon.
Huminga na lang siya ng malalim bago tiningnan ang cellphone. Nagsalubong na naman ang kilay niya ng makitang iyong tumawag kanina ang caller.
Inis na pinatay niya ang tawag at akmang ilalagay sa beside table ng tumunog ulit ito. Iyong caller pa rin kanina.
Tumayo na lang siya sabay lapit sa nakabukas na bintana niya bago sinagot ang tawag.
"[Hello?]" Sagot niya.
Walang nagsalita at tanging paghinga lang an naririnig niya.
"[Don't yiu wanna speak?]" Pigil ang inis na tanong niya.
Still, no answer.
"[Who the fvck is this?]" Tanong niya.
No answer.
"[If you don't wanna talk then I'll hang out.]" Malamig na wika niya.
Marahas na napabuntong-hininga siya at akmang ibaba ang tawag ng biglang may nagsalita sa kabilang linya.
"[I miss you.]" Nahigit niya ang hininga nang marinig ang baritonong boses mula sa kabilang linya.
Parang nanlamog siya dahil sa pamilyar na boses ng lalaki. Nasapo pa niya ang sariling dibdib dahil sa lakas ng pagkabig nito.
Parang may nagkakarera sa dibdib niya sa 'di malamang dahilan. Marahas na napabuga siya ng hangin nabg mapatingin siya sa baba. May nakita siyang isang lalaki na nakasandal sa ilalim ng puno habang nakatingin sa gawi niya.
She can't clearly saw his face because of his bangs and the hood he was wearing.
"[I miss you.]" Ulit ng baritonong boses sa kabilang liniya.
Bigla siyang natauhan at kunot-noong nagsalita.
"[Sino ka?]" Tanong niya.
Hindi nagsalitaang kabilang linya. Sapo pa rin niya ang dibdib habang nakatingin sa ilalim ng puno sa ibaba sa 'di kalayuan.
"Sino ka ba, ha?" Ulit na tanong niya.
Nakarinig siya nang malalim na buntong-hininga bago ito nagsalita.
"[I'll see you soon.]" Tanging sabi ng lalaki bago ibinaba ang tawag.
Kapagkuwan ay nakita niyang naglakad paalis ang lalaking nakasandal sa ilalim ng puno kanina hanggang sa mawala na ito sa paningin niya.
"T-teka, siya ba yung kausap ko kanina?" Wala sa sariling tanong niya.
Mabilis na lumabas siya ng kwarto at nagmamadaling bumaba. Napatingin sa kaniya sila Kyla at Keart na tanging naiwan sa sala.
Agad siyang tumakbo palabas ng bahay at lumabas. Sapo ang pusong nilapitan niya ang punong kahoy na kinaroroonan ng lalaki kanina. Napapikit siya nang masinghot ang pamilyar na pabango.
"Bisugo..." wala sa sariling bulalas niya.
***
HALOS isang linggong nanatili sila Ashi sa Vigan City. Halos nalibot ata nila ang lahat ng magandang view ng Vigan dahil sa mga kasamahan nitong walang kapagurang gumala. At apat na araw na rin ang lumipas simula nang makausap ni Ashi ang lalaking tumawag sa kaniya. Hindi na rin uli niya nakita pa ang lalaking nakita niya sa ilalim ng punong kahoy.
Nagkaayos na rin silang dalawa ni Jace. Huminga ng tawad sa kaniya ang binata dahil sa mga sinabi niya noong magkausap sila. At ngayon ay pabalik na sila sa Makati. Isang buwan ang leave nilang lahat sa trabaho pero nagpupumilit si Ashi na bumalik na sa Makati.
Bago pa man umuwi sa Makati ay dumaan sila sa Saint Augustin Parish Church. Nilibot din nila ang buong simbahan at namangha sila sa ganda nito. Nagdasal silang lahat at nagpapasalamat sa lahat na mayroon sila. Nang matapos ay lumabas na silang lahat ng simbahan.
"Guys, dumaan muna tayo sa Bantay Bell Tower Church!" Nakangiting sabi ni Kyla.
"Sige! Gusto ko ring makaakyat doon!" Sang-ayon ni Lyka.
Napapailing si Ashi, magkapatid nga ang dalawa.
"Aren't you tire enough?" Salubong ang kilay na tanong ni Jiro kay Lyka.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin okay ang dalawa. Parang mga aso't pusa lagi.
"Che! Wala kang paki!" Nakairap na sabi ni Lyka.
Napabuntong-hininga na lang si Ashi. Hindi niya alam kung kailan ba magiging maayos ang dalawa. Halata namang in love sa isa't isa, eh.
"Tsk! Let's go. Para makauwi agad tayo." Malumay na sabi ni Ashi bago tumalikod.
Narinig niyang naghiyawan ang mga kasama niyang babae kaya napapailing na lang siya.
Nang makarating sila sa ibaba ng Bantay Bell Tower Church ay halos magkandarapa sila Lyka sa pagkuha ng larawan sa tatlong palapag na tower.
Sumalubong sa balat ni Ashi ang pinagahalong init at lamig na klima roon. Hinila siya ni Jace papunta sa ikatlong palapag ng tower ng makapasok sila sa loob. May mga ibang taong naroon din upang umakyat sa tower.
Halos mahigit ni Ashi ang ganda ng view nang makarating sila sa taas. Kitang-kita ang simbahan bf Saint Augustine Parish Church mula roon. Pati na rin ang kabuoan ng lugar.
"Wahhh! Ang ganda!" Kyla.
"Oh my! Sabi ko na nga ba, eh maganda rito!" Tili ni Lyka.
"Liam! Take me a picture here!" Pasigaw na utos ni Kaye Zenn kay Liam.
"Xand, smile!" Nakangiting sabi ni Keith habang nakatutok kay Xandra ang hawak nitong camera.
Hindi na lang pinansin ni Ashi ang mga ito at tumingin na lang sa tanawin sa ibaba.
"The scenery was breathtaking." Nakangiting komento ni Jace.
"Yeah." Maikling sang-ayon niya.
Napapikit pa siya nang tumama ang pinagalong init at lamig na hangin sa mukha niya.
She can find the peace of mind in this tower. Nakaka-relax para sa kaniya ang lugar lalo na ang magandang view sa ibaba.
_____
PABAGSAK na humiga si Ashi sa kaniyang malambot na kama sa loob ng condo nito nang makapasok siya sa loob. She felt exhausted. She closed her eyes while hugging her pillow. Ngayon lang niya naramdaman ang sobrang pagod dahil sa gala nila sa Vigan. Maya-maya ay bumangon ito at bumaba ng kama. Pumasok siya sa banyo para maligo. Pagaktapos ay nagbihis siya.
Lumabas siya ng silid at pumunta sa may kalakihang kitchen ng condo niya. Pasado alos-dos pa lang ng hapon. Binuksan niya ang ref at kumuha ng yogurt with strawberry flavor at iyon lang ang kinain niya.
Hindi pa man siya tapos kumain nang nagdoor bell sa pinto ng condo niya. Tumayo na lang siya at lumabas ng kusina bago dumiretso sa pinto.
Nang buksan niya ito ay wala naman siyang nakitang tao. Akmang isasara niya ang pinto nang mapatingin siya sa malaking box na nasa sahig. Kulay asul ito at may note sa ibabaw nun.
Napakunot ang noo niya sabay tingin sa paligid bago kinuha ang box at isinara ang pinto. Hawak ang bix na naupo siya sa sala bago tinitigan ang box.
"Ano naman 'to? At sino ang naglagay nito sa labas?" Takang tanong niya.
Kapagkuwan ay kinuha niya ang note at binasa na ikinakunot lalo ng noo niya.
Note,
I know you're confused right now. But kindly open the box and wear the gown. Later, at exactly 7:00 pm in the evening come to KJMAX resto bar. Please be on time.
B.
Basa niya sa nakasulat. Halos mag-isang linya na ang kilay niya habang nakatitig sa note at sa nag-iisang litra sa ibaba ng mga nakasulat.
"B? Ano namang ibigsabihin ng B?" Naguguluhang tanong niya.
Napabuntong-hininga na lang siya bago binuksan ang box. Napanganga siya ng makita ang kulay asul na gown sa loob ng box.
Kinuha niya ito at tiningnan ng mabuti. Ang ganda tingnan ng gown at talagang size niya iyon. Napatingin siya sa bandang hita ng gown at napasinghap siya ng makitang halos kalahati ng hita niya sa right side ang makikita kapag naisuot niya ang gown.
It was too sexy for her.
"Who the hell give this gown?" Pamurang bulong niya.
Akmang ibabalik niya ang gwon dahil wala siyang balak isuot at pumunta mamaya sa resto bar. May nakita siyang isa pang note kaya binasa niya iyon.
Note,
Please come and wear the gown. Don't skip the chance.
B.
Basa niya kaya napahilamos na lang siya ng mukha. Sino ba kasing nagbigay sa kaniya ng gown at papuntahin sa resto bar. Napapailing na lang siya bago ibinalik sa box ang gown at iniwan sa sala.
Wala siyang balak pupunta mamaya kaya pumasok na lang siya sa kwarto niya para magpahinga. Gusto niyang matulog dahil pagud pa siya galing sa biyahe nila kanina. Her soft bed invited her to lie with.
____
NAGISING si Ashi mula sa mayimbing na pagkatulog dahil sa paulit-ulit na tunog ng cellphone nito. Pipikit-pikit na inabot niya ang cellphone at walang tinging sinagot ito.
"[Ash!]" Sigaw ng taong nasa kabilang linya.
Nailayo niya sa tainga ang cellphone niya dahil sa lakas ng boses. It was Xandra na parang naiinip na.
"[What? Don't shout, won't you?]" Malumay na sabi niya habang nakapikit pa rin.
"[Anong what? Buksan mo ang pinto! Kanina pa kami doorbell nang doorbell dito!]" Inis na sigaw ng pinsan niya.
Napabalikwas siya nang bangon sabay tingin sa orasan. Pasado alas-singko pa ng hapon. Ibinaba niya ang tawag bago lumabas at pinagbuksan ng pinto ang pinsan.
Sumalubong sa kaniya ang mukha ni Xandra na inip na inip. Habang si Lyka ay inirapan agad siya bago pumasok sa loob.
"Anong ginawa niyo rito?" Kunot-noong tanong niya.
Hinagud siya ng tingin ng pinsan.
Naka-shorts lang siya habang nakasuot ng malaking t-shirt.
"Bakit hindi ka pa nagbihis?" Nakataas kilay na tanong nito.
"At bakit naman ako magbibihis?" Balik tanong niya.
Nasapo no Xandra ang sariling noo bago siya nito hinila papunta sa kwarto nito. Pinaupo siya nito sa harap ng malaking salamin niya.
Pumasok naman si Lyka dala ang asul na box kung saan ang gown at may dala rin itong pang make-up.
Oh no!
"What are you guys doing?" Salubong ang kilay niya.
"Bibihisan at pagandahin ka?" Sarkastikong balik tanong ni Lyka.
Napapikit si Ashi at bigla na lang siyang hinubaran ni Xandra ng pang-itaas na damit kaya muntik na niya itong masiko't masuntok. Buti na lang nakailag agad ito, kung hindi, baka bumulagta na ito sa sahig ng silid niya ngayon.
"What the hell, Xandra Acosta!?" Galit na sigaw niya.
Napakamot ng noo si Xandra at nag-aalangang ngumiti sa kaniya.
"Calm down, insan. Bibihisan at pagandahin ka lang namin---"
She cut her off.
"And why the fvck is that?" Pigil niya sa pinsan.
Nagkatinginan si Lyka at Xandra bago sabay na ngumisi sa kaniya. They look very weird. May naglalarong ngiti sa mga labi ng mga ito bago nagsalita.
"Well...malalaman mo rin mamaya, Ash." Nakangiting sabi ni Lyka at hinila siya nito paupo bago sinumulang ayusan.
What the...
A/N: Sorry for always long update guyss. Masyadong busy lang ang author niyo.🥰
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top