chapter 198 "Him"


DAYS PASSED. Naging busy si Ashi sa hospital dahil sa mga operasyon na hina-handle nito. Siya na ang bagong head sa cardiac surgery. Halos bahay at hospital ang laging routine nito. Tulad sa America, gusto niyang magpaka-busy lalo na't nandito na siya sa pinas kung saan naroon ang lahat ng alaala ng taong tanging laman ng puso niya. At ngayon, kakatapos niya lang sa isang operasyon.

"Thank God! Natapos din sa wakas," bulalas ni Xandra na katulong niya sa operasyon.

Isang batang lalaki ang inuperahan nila dahil may sakit ito sa puso. They did the transplant. Kompleto naman kasi ng mga gamit ang hospital nila kaya no need nang dalhin sa U.S ang pasyente upang doom ipagamot.

She can do it anyway.

"Magbihis na kayo," tanging sabi ni Ashi bago lumapit sa sink ng operating room.

Agad namang sumunod si Xandra sa kaniya.

"Uuwi ka na ba ngayon?" Tanong ng pinsan.

"Hindi pa, may pasyente pa ako sa fourth floor." Sagot ni Ashi habang nagtatanggal ng gloves.

Naghugas siya ng kamay at ganun din si Xandra pagkatapos ay naghubat ng medical dress bago lumabas.

"By the way, a-attend ka ba sa dinner mamaya?" Tanong ni Xandra nang makalabas sila ng operating room.

Umiling si Ashi bilang sagot. May pupuntahan siya mamayang gabi kaya hindi siya makadalo sa dinner nila.

Napabuntong-hininga na lang si Xandra habang nakatingin sa kaniya. She look very worried.

"Ayos ka lang ba talaga, Ash?" Kapagkuwa'y tanong nito.

Napalingon si Ashi sa kaniya nang may pagtataka.

"Bakit naman hindi?" Balik tanong niya.

Napangiwi si Xandra. Wala pa ring pinagbago ang pinsan niya. Sagutan ka ba raw ng tanong sa tanong mo.

"Ash, hindi kami manhid para hindi mapansin ang mga ikinilos mo." Seryusong sabi ni Xandra. "Magmula nang makarating ka mula America ay hindi ka namin makausap ng maayos." Dagdag pa nito.

Napapailing si Ashi bago nagpatuloy sa paglalakad papunta sa elevator.

"Alam mo namang busy ako 'di ba?"

"Tsk! Ikaw lang naman ang nagpapaka-busy sa sarili mo, eh." Malumay na sagot ni Xandra.

Hindi nakapagsalita si Ashi at pinindot na lang ang floor kung saan ang office nilang dalawa. Magkatabi lang kasi ang office nila.

Namayani ang sandaling katahimikan nang basagin ni Xandra.

"Tell me, you wanted yo get busy just to pretend to be okay and avoid everything about him, right?" Dieretsong tanong ni Xandra.

Napahinga nang malalim si Ashi at hindi sinagot ang tanong ng pinsan niya.

Napapailing si Xandra na animo'y hindi alam kung ano ang gagawin nito sa kaniya.

"Ash, it's been five years but you still act like this." Parang naiinis na sabi ni Xandra.

"Act like what?" Seryusong tanong ni Ashi. " You just don't understand me. Palibhasa'y hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko." Seryusong dagda pa nito.

Natigilan si Xandra sa sinabi nito. Alam niyang hindi madali ang pinagdaan ni Ashi pero naawa siya sa pinsan. Para kasi itong laging nakakulong sa nakaraan niya.

"Nag-aalala lang ako---kami sa 'yo, Ash." Mahinahong saad ni Xandra.

Marahas na napabuntong-hininga si Ashi.

"You don't need to be worried about me. Just pretend that I'm not here if you want." Malalimig na sabi niya bago naunang lumabas nang bumukas ang elevator.

Napahilamos ng mukha si Xandra at sinundan nito si Ashi sa office niya.

"Just leave me for a while, Xand." She said when Xandra get inside her office.

Hindi siya pinakinggan ni Xandra at bagkus ay lumaoit ito sa table niya bago seryusong naupo sa visitors sit.

"Mag-usap nga tayo. Pinsan sa pinsan," mariing sabi ni Xandra.

Nag-angat ng tingin si Ashi sa kaniya at nakipagtagisan ng titig.

"Don't you see I'm busy?"

"Putek! Wala akong paki!" Inis na sagot ni Xandra.

Napahinga nang malalim si Ashi upang pakalmahin ang sarili dahil sa kakulitan ng pinsan niya.

"Fine! Spill it out." Walang ganang sabi niya habang nakatutok ang mata sa document na hawak niya.

Umayos nang upo si Xandra at seryusong tumingin ito sa kaniya.

"It's been five years now. Alam kong hindi madali sa 'yo ang lahat. Pero sana inisip mo rin ang sarili mo. Don't you that you're just torturing yourself?" Seryusong tanong nito.

"Yes, I know." Pag-amin niya.

Pagak na natawa si Xandra at halatang hindi ito naniniwala sa sagot niya.

"Alam mo naman pala, eh bakit hindi mo pa tigilan!" Inis na sigaw nito.

Dumilim ang mga mata ni Ashi bago bumaling sa kaniya.

"Tigilan? Fvck!?" Sigaw nito. "I tried to forget everything but I failed!?" Dagdag pa nito.

Napaiwas ng tingin si Xandra. Nakita niya ang iba't ibang emosyon sa mata ng pinsan niya.

"Talaga bang hanggang ngayo hindi mo siya makalimutan?" Mahinahong tanong niya.

"How? How can I forget the man who show me the real meaning of love?" Mapaklang balik tanong niya.

Natahimik ulit si Xandra. Nakaramdam siya ng awa sa pinsan. She knew that Ashi is a strong woman but not until when it comes to the man she love.

"Sinubukan ko namang kalimutan siya para hindi na ako masaktan. Pero tuwing gagawin ko yun ay mas lalo lang akong nasasaktan." Halos basag ang boses na sad ni Ashi.

Hindi nakapagaalita si Xandra at hinayaan itong magsalita upang mailabas ang saloobin ng pinsan na matagal na nitong tinatago.

"Masakit sa akin nangyare sa kaniya. Masakit isipin na nahahawakan ko pa siya noon tapos bigla na lang siyang nawala." Halos pabulong na sabi ni Ashi.

Nag-angat nang tingin so Xamdra sa kaniya. Doon niya lang napansin na unti-unting namuo ang mga luha sa mata nito.

"At alam mo yung pinakamasakit? Yung nawala yung taong mahal mo dahil sa pagligtas niya sa 'yo. Yung pakiramdam na ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang taong mahal mo." Bakas ang sakit sa boses na sabi ni Ashi kasabay nang unti-unting pagpatak ng mga luha nito.

Parang piniga ang puso ni Xandra habang nakatingin sa pinsan. Ngayon lang uli niya ito nakitang umiyak.

"Yung feeling na kaya kong iligtas ang ibang tao pero hindi ang taong mahal ko." Umiiyak na dagdag pa ni Ashi.

Hindi napigilan ni Xandra ang mapaiyak at tumayo sabay lapit sa pinsan niya.

"Shhh... ilabas mo lang ang mga saloobin mo, Ash. I'm here. Makikinig ako sa 'yo." Humihikbing alo ni Xandra sabay yakap kay Ashi.

Napayakap sa kaniya si Ashi kaya hinagod niya ang likod nito.

"Araw-araw sinisisi ko ang sarili ko dahil sa nangyari sa taong mahal ko." Aniya, "Minsan naiisip ko, kung hindi sana niya sinalo ang bala para sa akin ay hindi sana siya mawawala ngayon." Patuloy ni Ashi.

Kumalas si Xandra sa pagkakayakap sa pinsan at nagsalita.

"Kung hindi niya ginawa yun, ikaw naman ang mawawala. Sa tingin mo matutuwa si Drix kapag nangyari yun?" Mahinang tanong niya.

Umiling si Ashi kaya pinunasan niya ang luha ng pinsan.

"Pero mas gugustuhin kong ako ang mawala kesa sa taong mahal ko." Mahinang bulong ni Ashi.

"Don't say that. Kahit wala na siya, alam kong masaya siya sa pagligtas niya sa 'yo. That's how he loves you." Nakangiting sabi ni Xandra.

Natahimik si Ashi. Hindi ito nagsalita. Nakita ni Xandra ang sakit at lungkot sa mga mata nito.

For the past five years, ngayon lang uli niya nakakitaan ng imosyon sa mga mata ang pinsan.

***

ONE MONTH had passed since Ashi came back to the Philippines. Naging okay na ito at sa wakas ay ngumingiti at tumatawa rin ito. Minsan ay sumasama kela Xandra kapag may mga special occasion. Natutuwa ang mga kaibigan niya dahil hindi na ito tulad ng dati. Silang dalawa ni Jace ang laging nagsasama tuwing mga mga occasion. Ngumingiti o tinatawanan na lamg niya kapag naalala niya ang mga alaala nila ni Drix noon. Minsan ay pinupuntahan din nito ang mga lugar kung saan sila pumupunta ni Drix dati.

Tulad ngayon. Nasa Baguio silang magkakaibigan upang puntahan at kamustahin ang pamilya ni Xandra na nagma-manage sa strawberry farm ng mga Acosta. Actually, nandoon din sila upang magsaya. Gusto nilang magpiknik o mag-hiking sa baguio.

Pero pagkarating nila roon ay sa tambayan nilang dalawa ni Drix noon siya dumiretso. Napangiti na lang siya nang makaupo siya sa kubo.

"How I missed this place." She whispered.

Pumikit siya at dinama ang lamig ng klima ng Baguio. Isang plain t-shirt lang kasi ang suot niya at pajama. Nakalimutan niyang magdala ng sweater. Maya-maya ay nagmulat siya nang mata at tumingin sa gitara at flute na dala niya.

Tinitigan niya ang mga ito at naalala niya ang pagtugtog ni Drix ng kantang "Ikaw" ni Yeng Constantino. Lalo na ang pagpatunog nito sa plauta.

"How I wish that you're here with me playing these things." Nakangiting bulong niya.

Kinuha niya ang gitara at nagsimulang tugtugin ang piyesa ng "Ikaw" by Yeng Constantino. Tumingin siya sa lawak ng strawberry farm bago nakangiting pumikit.

Lumitaw sa balintataw niya ang mga nangyare noon noong tumambay silang dalawa ni Drix. Patuloy lang siya sa pagtugtog ng gitara habang nakapikit.

Maya-maya ay biglang nanoot sa ilong niya ang pamilyar na pabango. Pakiramdam niya ay naamoy niya ang pabango ni Drix.

Then someone put a sweater at her back to cover her body.

"You should have wear a coat to prevent from getting cold." Bulong ng isang lalaki.

Napatigil si Ashi sa pagtipa sa gitara. Parang natuod si Ashi sa kinauupuan nito habang nakapikit.

Her heart beat so fast as she heard that voice. She felt some tickling sensation inside her tummy.

T-that voice...

Mabilis na napamulat siya ng mata bago lumingon sa likuran niya pero wala siyang nakitang tao. Dumako ang mata niya sa itim na coat na nakabalot sa katawan niya.

Napasinghot pa siya dahil sa bango ng coat. Katulad na katulad da pabango na ginagamit ni Drix noon.

Sino naman kaya ang lalaking naglagay ng sweater sa akin?

Takang tanong niya sa isip atnagpalinga-linga sa paligid. Biglang tumigil ang paningin niya sa isang lalaking nakatayo sa 'di kalayuan habang nakapamulsang nakatingin sa lawak ng farm.

Nakatalikod ito sa gawi niya at wala itong suot na sweater. Tinitigan niya nang mabuti ang lalaki. He looks very familiar to her.

Isa pa, paano nakapasok roon ang lalaki eh private property yun ng mga Acosta. Maliban na lang kung isa itong tauhan sa farm.

Akmang tatayo sana  siya para puntahan ang lalaki nang maglakad ito paalis.

"Ash?" Napalingon si Ashi sa daan mula sa mansion ng mga Acosta.

It was Jace. Nakakunot ang noo nito habang sinusundan ng tingin ang tinitingnan ni Ashi kanina.

"What are you doing here?" Tanong ni Ashi.

"Kanina ka pa hinahanap nila Xandra kaya hinanap kita. Mang Nonoy told me that you're here." Sagot nito sabay lapit sa kaniya.

Napatango na lang si Ashi bago uli tiningnan ang gawi ng lalaki kanina. Napahinga na lang siya nang malalim bago kinuha ang flute at gitara.

"Let's go back." Yaya niya kay Jace.

Kiniha ni Jace sa kaniya ang mga hawak niya at ito na ang nagdala. Sabay silang bumalik sa mansion.

Naabutan pa nila si Kyla na nagluluto sa kusina. Habang si Xandra ay sinusungitan na naman si Keith. Si Lyka na hindi pinapansin si Jiro.

Bahagyang natawa si Ashi. Mukhang nag-iba ang dalawa. Noon si Lyka ang panay kulit at habol kay Jiro, tapos ngayon naman ay hindi na nito kinukulit o pinapansin si Jiro.

"Lyka, could you give me a hand to bring those books." Sabi ni Jiro.

"Tsk! Wala ka bang kamay? Sa nakikita ko hindi ka naman kimay, ah!" Mataray na sabi nito kay Jiro sabay irap bago umalis at pumasok sa kusina.

Napapailing na lang si Ashi nang makitang natiim-bagang sa Jiro. Nilapitan na lang niya ito sabay tapik sa balikat nito.

"It's looks like, turning tables, huh." Pang-aasar miya sa pinsang lalaki.

Sinamaan lang siya ng tingin ni Jiro bago ito tumayo at lumabas ng mansion.

"Ash, pwedeng pakisuyo?" Nakangiting tanong ni Kaye Zenn.

Sumama rin kasi sila ni Liam dahil gusto nitong makalanghap ng sariwang hangin lalo na't buntis siya.

"What?"

"Pwede bang bumili kayo ni Jace ng mangga?" Parang natatakam na tanong nito.

Nagkatinginan si Jace at Ashi bago tumingin kay Liam na nasa likod ng asawa. Nagkibit-balikat lang ang lalaki.

"Ayaw niyang ako ang bumili," nakangusong saad pa ni Liam.

"Psh! Baka naman kasi iba na naman ang bibilhin mo tulad kahapon." Angil ni Kaye Zenn.

"Tsk! Saan ba kasi ako maghahanap ng apple na walang buto?" Salubong ang kilay na tanong ni Liam.

Sabay na natawa si Ashi at Jacd sa sinabi ni Liam. Mukhanh maselan ang paglilihi ng asawa niya.

"Okay. We'll go ahead to buy some mango." Napapailing na sabi ni Ashi.

Nagulat pa siya nang yakapin siya ni Kaye Zenn.

"Gusto ko yung mangga na walang buto, ah!" Masayang sabi nito na ikinabagsak ng mga balikat nila Ashi, Jace at Liam.

"See?" Nakangiwing anas pa ni Liam.

Hinarap ni Ashi si Kaye Zenn, "Wala namang mangga na walang buto, ah?" Takang tanong nito.

Agad na humikbi si Kaye Zenn kaya napasipol na lang si Jace bago hinila si Ashi palabas ng mansion.

"I didn't know that being pregnant was so pressured though." Napapailing na sabi ni Jace bago sila pumasok sa kotse para pumunta sa bentahan ng mga prutas.

_____

Nang makarating sa bentahan ng mga prutas ay naghahanap agad sila Ashi ng mangga na walang buto. Halos napuntahan na nila lahat ng bilihin pero wala pa rin silang nakita. Napilitang bumili si Ashi ng mangga bago ibinigay kay Jace.

"You better go back first and bring these to her. Maghahanap lang ako ng mangga na walang buto." Napabuntong-hiningang sabi ni Ashi.

"But there's no such a mango without seed." Angal nito.

"Kaya nga umuwi ka muma tapos ibigay mo 'to kay Liam. Sabihin mong subukan niyang kumbinsihin ang awasa na iyan na lang." Paliwanag nito.

"But what about you?" He asked.

"Maghahanap lang ako. Baka may himala at makakita ako ng mangga na walang buto." Nakangiwing sagot mi Ashi. "Tatawagan na lang kita mamaya," dagdag pa nito.

Napabuntong-hininga na lamg si Jace. Halata sa mukha nitong ayaw siyang iwan.

"Okay. Babalikan na lang kita mamaya. Remember to eat your lunch first." Bilin nito.

Nakangiting tinanguan niya ang binata bago ito tumalikod at bumalik sa kotse saka umalis.

Nagtatanong na lang si Ashi sa mga tindera kung mayroon bang mangga na walang buto. Halos napagod na siya kakatanong at kakahanap pero wala siyang nakita.

Biglang kumalam ang tiyan niya kaya naisipan niyang kumain na lang muna. Akmang maglalakad na siya paalis nang bumunggo ang mukha niya sa matigas na dibdib ng isang lalaki.

"Be careful, woman." Malamyos ang tinig na sabi ng lalaki.

Mabilis na napalayo siya sa lalaki bago nag-angat ng tingin rito. Napakunot ang noo niya nang makitang pamilyar ito sa kaniya.

'Hindi ba't siya iyong lalaki na nakita ko kanina sa tambayan?'

Takang tanong pa niya sa isip habang masuring tiningnan ang lalaki. Bahagyang nakatabon sa mukha nito ang medyo may kataasang bangs nito. Nakasuot din ito ng mask kaya hindi niya makilala ang mukha nito.

"Who are you?" Tanong niya sa lalaki.

Tiningnan lang siya nito kaya napatitig siya sa mata ng lalaki.

Her heart beat so fast as she look at his eyes. His eyes looks very familiar with her.

Naputol ang pagtitigan nilang dalawa nang sumigaw ang mga tao habang nakarinig sila ng mga yabag ng kabayo. Akmang lilingon na sana siya sa likuran nang mabilis na hinila siya ng lalaki papunta sa gilid habang yakap siya nito.

Nagulat si Ashi sa ginawa nito kasabay nang pagbagsak nila sa kalsada ay ang mabilis na takbo ng mga kabayo na dumaan sa kinatatayuan nila kanina.

"I told you. Be careful, woman." He whispered.





A/N: Shemay! Sino kaya ang mysteryusong lalaking nagligtas kay Ashi? Keep on reading guyss.🥰












Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top