Chapter 194 "The Final Battle"


PARANG NABUNUTAN ng tinik si Drix nang matamaan niya ang kasamahan ni Luke na sasaksak sana rito. Pilit niyang hindi ipakitang masakit ang likod niya dahil sa pagsaksak ni Mr. Ong sa kaniya. Ash he look at him, nakahiga na ito sa lupa habang namimilipi sa sakit dahil sa pagbaril ni Ashi sa matanda. Hinanap ng mga mata niya si Luke pero hindi na niya ito nakita.

*Bang! Bang!*

"Lolo!?"

Awtomatikong napalingon si Drix sa harap at natigilan ito nang makitang unti-unting bumagsak sa lupa si Don Adolfo. May tama ito sa tiyan at kaliwang dibdib.

"Lo!" Gulat na sigaw ni Xandra.

"Don Adolfo!" Halos magkasabay na sigaw nila Kyla at Nila Keart habang nakikioag laban sa mga tauham ni Mr. Ong.

Nakita ni Drix kung paano natuod si Ashi sa kinatatayuan nito habang nakatingin sa lolo nito. Kapagkuwan ay aligagang lumapit ito sa kinaroroonan ni Don Adolfo.

"L-lolo!" Basag ang boses na anas ni Xandra.

"M-mga a-apo..." Nahihirapang salita ni Don Adolfo.

Umuubo na rin ito ng dugo habang pilit ibinubuka ang mga mata nito. Tiningnan nito si Ashi at Xandra habang nag-aalalang nakaluhod sa gilid nito.

"M-magpakabait k-kayo..." Nahihirapang patuloy nito.

Napamura si Ashi at mabilis na tumayo. Nakita pa ni Drix kung paano nito pasimpleng pinunasan ang isang butil ng luha sa mata nito bago tumingin kay Lyka.

"Dalhin niyo sa hospital si Lolo at Lola! Bilisan niyo!" Sigaw nito at nagulat silang lahat ng walang pasabing tumakbo ito na animo'y walang tama sa katawan.

She look very fierce while her fist clenched.

Napatingin si Drix sa direksiyong pupuntahan nito at nakita nito si Kiana na nakangisi habang may hawak na baril.

Mabilis na kumilos ang katawan ni Drix at hinarangan si Ashi. Hindi nito ininda ang sakit ng likod niya.

"Umalis ka sa dinadaanan ko, Bisugo." Seryusing sabi nito na ikinatigil ni Drix.

Napakurapkurap iyong napatingin kay Ashi na animo'y may nasabi itong maganda.

"N-nakaalala ka na?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

Blankong tiningnan lang siya ni Ashi at hindi sinagot ang tanong nito.

"Get out of my way." Mariing utos nito.

"No." Drix said.

"Aalis ka o ikaw ang papatayin ko." Malamig na anas nito.

Nakipagtagisan siya ng titig sa dalaga. Wala siyang makita sa mga mata nito kundi galit.

"Mas pipiliin kong ako ang papatayin mo kesa makapatay ka ng ibang tao." Seryusong sagot niya.

Tumalim ang mga mata ni Ashi sa sinabi nito.

"Bakit? Ayaw mo bang mawala iyang ex mo?" Ashi asked furiously.

"No." He said.

"Huh! I see." Malamig na sabi ni Ashi at akmang lalagpasan siya nito nang magsalita ulit siya.

"I won't allow you to kill her not because I love her, it is because I don't want you to die as an exchange of her life." Seryusong aniya.

Natigilan si Ashi dahil sa sinabi nito. She understand what he just said. Once she killed her, buhay naman nito ang kapalit bilang parusa ng organization nila.

But the hell she care.

"P*tangina!? Bakit mo binaril si lolo?! Ako ang papatay sa 'yo, Kiana!?" Galit na galit na sigaw ni Xandra at mabilis itong hinabol si Kiana pero mabilis na napigilan ito ni Keith.

Napatigil si Ashi sabay lingon sa pinsan niyang namumula sa galit habang may iilang hutil ng luha ang pumatak sa pisngi nito.

"Calm down, Xand!" Sigaw ni Keith.

Patuloy sa pakikipagbarilan sila Lyle sa mga natirang tauhan ni Mr. Ong at mga kasamahan ni Luke.

"P*tangna ka!? Bitawan mo ako! Papatayin ko siya!" Pagpupumiglas nito pero hindi siya binitawan ni Keith.

"Damn! Alam kong alam mo na hindi mo siya pwedeng patayin! Ikaw ang mapaparusahan---"

"The hell I care!" Galit na putol ni Xandra.

Walang nagawa si Keith kundi yakapin ito nang mahigpit para matigil sa pagpupumiglas nito.

"Shit! Ash! Xand! Kailangan na silang dalhin sa hospital!" Sigaw ni Lyka.

"Twilight, samahan mo si Sky sa hospital!" Mabilis na utos ni Drix kay Dwayne.

Agad na tumalima si Dwayne para tulungan si Lyka. Tumulong na rin sila Clark sa pagbuhat sa dalawang matandang halos mawalan na ng malay.

Nakita ni Drix si Mr. Ong na akmang tatakas nang mabilis niya itong binaril sa kabilang binto dahilan para bumagsak ulit ito sa lupa.

"Arghh! Damn you!?" Malakas na sigaw ni Kiana.

Paglingon ni Drix ay hawak na ito ni Ashi habang pinipilipit nito ang kabilang braso nito.

"Sinabi ko na sa 'yo, huwag mong galawin ang pamilya ko. Pero inubos mo talaga ang pasensiya ko!" Mariing sabi ni Ashi bago nito tinuhod sa tiyan si Kiana at sinipa dahilan para tumalsik ito sa gilid ng isang kotse'ng naroon.

"Chaoyie!!" Sigaw ni Mr. Ong nang makita nitong napabaluktok sa sakit si Kiana.

Nang akmang susugurin ito ni Ashi ay mabilis na nakatayo si Kiana. May hinablot itong patalim sa beywang nito at iwinasiwas sa harap nito para hindi makalapit si Ashi.

Mabilis na binitawan ni Ashi ang hawak nitong baril na wala ng bala at kinuha ang dalawang Dark River Knives na ibinigay ni Kyla sa kaniya kanina.

"Kung hindi man lang mapupunta sa akin si Drix, mas mabuting ikaw na lang ang patayin ko." Parang baliw na sabi ni Kiana at sinugod nito si Ashi na mabilis na nakailag.

"Wala akong paki! Sisingilin kita sa ginawa mo sa lolo at lola ko!" Matalim ang mga matang sigaw ni Ashi sa kaharap.

Nakaramdam ng kaba si Drix sa kung anong mangyayari. Alam niyang malakas si Ashi at natatakot siyang mapatay nito si Kiana.

"Red! Si Luke!" Halos magkasabay na sigaw ni Keart at Lyle.

Mabilis na lumingon si Drix at nakita niya si Luke na sinisinta nito si Ashi mula sa itaas.

"Fvck!?" Malutong na mura niya at mabilis na tumakbo.

Halos mapasigaw pa siya dahil sa kirot at hapdi ng sugat sa likod niya. Kanina pa hindi tumigil sa pagdurugo ang sugat niya.

Mabilis na inakyat niya ang kinaroroonan ni Luke. Nahirapan pa siya dahil mas lalong kumirot ang sugat nito pero hindi niya iyon pinansin.

"Black!"

*Bang! Bang!*

"Ash!"

Parang huminto ang mundo ni Drix dahil sa dalawang putok ng baril na pinakawalan ni Luke. Hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan nito na animo'y binuhusan siya ng isang timba na malamig na tubig.

Alam niyang asintadong-asintado si Ashi dahil masyadong perpekto ang pwesto ni Luke para asintahin ang babaeng pinakamamahal niya.

"You're 2 seconds late," Nakangising sabi ni Luke at mabilis tumalon sa kabila.

"Fvck you!?" Namumula sa galit na sigaw niya.

Parang nawala ang kirot at lahat ng sakit sa katawan niya. Pakiramdam niya ay namanhid ang buong pagkatao niya.

Nandilim ang kaniyang mga mata at mabilis na tumalon at sinugod si Luke. Halos paulanan niya ito ng bala ngunit mabilis na umilag lang ito at nagtago.

"Papatayin kitang hayop ka!?" Galit na sigaw niya.

Nakita niyang mabilis na tumakbo pababa si Luke kaya sinundan niya ito. Napapikit pa siya dahil mas lalong sumakit ang sugat niya tuwing tatakbo o gagalaw siya.

Nang makarating sa baba ay naabutan niya si Luke na tumakbo kaya agad niya itong binaril at natamaan sa tiyan dahilan para bumagsak ito sa lupa.

"Pagsisihan mong binaril mo ang taong mahal ko---"

Napatigil si Drix sa pagsasalita niya nang marinig niya ang boses ni Ashi.

"Damon?"

Napatingin si Drix sa kinaroroonan ni Ashi kanina at halos takbuhin niya ang kinaroroonan nito ng makitang ayos lang ito.

Nagbaba siya ng tingin sa lalaking nakabulagta sa lupa habang umuubo ng dugo.

'Ice Damon Thornheart?'

Hindi makapaniwalang tanong niya sa isip habang nakatingin sa lalaki. Ngunit napakunot ang noo niya ng makita ang maskara na nasa gilid nito.

Kilala niya ang maskarang iyon. Iyon ang maskara ng nag-iisang anak ni mafia king Yamaguchi, si Stone. The prince of the organization.

Hindi nakaligtas sa mata ni Drix ang bahagyang pagngiti ni Stone habang nahihirapan itong huminga. Agad na inutusan ni Ashi sila Clark na buhatin si Stone para madala sa hospital na agad namang sinunod ng mga ito kasama sila Keith. Bakas ang matinding pag-aalala sa mukha ni Ashi. Napaiwas ng tingin si Drix at saktong namataan niya si Mr. Ong o mas kilala sa pangalang Alexander Suarez Ong na tiyuhin ni Kiana.

Nahigit ni Drix ang hininga niya ng makitang may hawak itong baril na nakatutok sa gawi ni Ashi sentro sa puso nito.

"Fvck!?" He cussed.

Walang pag-alinlangang niyakap niya si Ashi kasabay nang isang malakas na putok ng baril na umalingawngaw sa buong parking lot ng abandunadong building.

MALAKAS na napasigaw si Kiana nang matamaan siya sa Dark River Knives na hawak ni Ashi dahilan para mahiwa ang braso at tagiliran nito. Hindi pa man ito nakabawi ay mabilis na umikot si Ashi sabay talon at sinipa nito si Kiana sa bandang balikat nito na may tama ng baril kanina.

"Arghh!!" Malakas na sigaw nito at bumulagta sa lupa.

Hindi na ito nakatayo pa habang nagpaikot-ikot sa lupa dahil sa sobrang sakit na nararamdaman nito.

"I told you, uunahin kitang alisin sa mundo nungka' na ako ang alisin mo." Malamig na sabi ni Ashi bago ito tinalikuran.

"Black!"

Ngunit napatigil siya dahil sa sigaw ng isang lalaking nakamakara at biglang humarang sa harap niya kasabay ng dalawang sunod-sunod na putok ng baril.

*Bang! Bang!

"Ash!"

Rinig niyang sigaw nila Kyla. Napakurapkurap na napatingin si Ashi sa lalaking bumagsak sa harap niya.

"Stone?!" Gulat na bulalas niya nang makilala ito.

Pabagsak na napaluhod siya sa harap nito habang nakatingin sa maskara nito. Nakita niya agad ang dugong lumabas sa bibig nito.

Hindi mapakaling napatingin siya sa sugat nito sa bandang tiyan. Napamura si Ashi dahil dalawa ang bala sa iisang sugat.

"Ash..." nahihirapang sambit nito sa pangalan niya.

Bahagyang nagulat si Ashi dahil sa pagbanggit nito sa totoong pangalan niya. Malapit sila sa isa't isa sa organization pero pareho nilang hindi sinabi ang totoong pangalan nila sa isa't isa.

"Alam mo ang pangalan ko?" She asked.

Pilit niyang tinatago ang sakit na nararamdaman niya dahil sa dami ng sugat niya niya. Lalo ba ang tama ng baril sa balikat nito na kagagawan ni Kiana kanina.

Bahagyang ngumiti si Stone senyales na kilala siya nito.

"I've k-known y-you a l-long t-time a-ago..." hirap na hirap na wika nito.

Napaubo pa ito kaya pinunasan nito ang dugo sa bibig nito.

"Lintik! Kailangang madala ka na sa hospital!" Hindi mapakaling sabi ni Ashi at akmang tatayo ito nang hawakan ni Stone ang kamay niya.

"D-don't... I h-have s-something to t-tell you..." pigil nito sa kaniya.

"Pero---" he cut her off.

"I b-beg to my d-dad to l-let me s-study to y-your school j-just to p-protect y-you." Nakangiti kahit nahihirapang sabi nito.

Hindi nakapagsalita si Ashi sa sinabi nito. Napakunot pa ang noo niya dahil sa sinabi ng lalaki.

'He beg to King Yamaguchi for her?'

"What do you mean?" Kapagkuwan ay tanong niya.

"I'm h-happy to s-save you. It w-was not t-too late f-for me to say... I love you." Matamis ang ngiting pag-aamin nito habang mahigpit na nakahawak sa kamay niya.

Parang nalunok ni Ashi ang dila nito nang marinig ang sinabi ni Stone. Nakatitig lang siya sa mata nito bago umangat ang kamay niya para alisin ang maskara nito.

Dahan-dahang inalis ni Ashi ang maskara ng binata at nang tuluyan na itong matanggal at makita ang mukha nito ay nabitawan niya ang maskara.

"Damon?"

Gulat na bulalas niya nang makita ang gwapong mukha ni Ice Damon Thornheart. Alam niyang pati sila Xandra ay nagulat din na si Stone ay si Damon pala.

Kaya pala sinabi nito noong nasa underground sila na nakita na siya nito sa labas. Napahinga nang malalim si Ashi at nakita niyang kahit nahihirapan ay ngumiti pa rin si Damon bago pumikit ang mga mata nito.

"Damon! Shit!" Kianabahang sigaw ni Ashi.

Mabilis na inutusan niya sila Clark na buhatin si Damon para dalhin sa hospital. Agad naman silang sumunod at tumulong na rin sila Keith. Sinundan niya lang ng tingin ang mga ito bang bigla niyang narinig ang pagmura ni Drix.

"Fvck!" He cussed.

Napasinghap si Ashi sa sunod na ginawa nito. Mabilis na niyakap siya nang mahigpit ng binata kasabay ng dalawang sunod-sunod na putok ng baril.

Naistatuwa si Ashi sa kinatatayuan niya habang yakap pa rin ni Drix. Pakiramdam siya ay nag-slow motion ang paligid niya.

"Red!"

"Drix!"

Natauhan si Ashi dahil sa nag-aalalang sigaw nila Kyla at ng mga kaibigan nito. Na-out of balance pa si Ashi dahilan para bumagsak sila sa lupa.

"Bisugo!" Nag-alalang sigaw nito.

Nadaganan siya ng binata at ganun na lang ang takot at kabog ng dibdib niya nang makita ang dugo sa bibig nito.

"L-love..."

Wala sa sariling bulalas ni Ashi nang maramdaman niya ang mainit na likido sa kamay nito habang nakahawak sa likod ng binata.

"I m-miss the w-way you c-call me w-with o-our e-endearment, Love." Hirap na hirap ngunit nakangiti nitong bigkas.

Parang piniga ang puso ni Ashi habang nakatingin sa mukha ni Drix.
'Ni hindi lumapit ang mga kaibigan para tulungan sila dahi parang mga estatuwa ang mga itong nakatingin sa kanila.

'Shit!'

Mabilis na bumangon siya habang yakap si Drix at naupo. Napaubo pa si Drix na mas lalong ikinabahala niya.

"Bisugo, a-ayos ka lang...?" Hindi natuloy ni Ashi ang sasabihin nito nang bumaba ang mata niya sa bandang dibdib ni Drix.

Ganun na lang ang paghinto ng hininga niya nang makita ang sugat nito sa dibdib. Parang sandaling nawala siya sa sarili. Ang kaninang blanko at walang kaimo-imosyon na mga mata nito ay napalitan ng sari-saring imosyon.

Parang nag-transform si Ashi mula sa paging blanko at walang kabuhay-buhay na mukha ay naging isang malambot at hindi mapakali.

She look very different than a while ago. She seems like a devil who turns into an angel.

"B-Bisugo, y-your---"

"Shhhh..." nakangiting pigil ni Drix sa kaniya

Mahigpit na hinawakan ni Drix ang kamay niya. Nanikip ang dibdib ni Ashi habang nakatingin sa mga mata nito.

She don't know what to do or what to say. She didn't expected this to happened.

"M-masaya ako't n-naalala mo na ako. I-i'm so-sorry, Love." May lungkot ang mga matang sabi nito kahit nakangiti.

Mabilis na umiiling-iling si Ashi. Bakas sa mukha nito ang takot at kaba. She tried to hold her emotions but she can't.

"Y-you don't need to say sorry. Daldalhin kita sa hospital." Hindi mapakaling sabi niya.

Akmang aalalayan niya ito nang pigilan na naman siya nito habang nakangiti.

Napatingin siya sa gawi ni Mr. Ong na ngayon ay hawak nila Lyle. Nanlisik ang mga matang tumayo siya at pinulot ang baril sa lupa.

"Mapapatay kita, Mr. Alexander Suarez Ong!?" Galit na sigaw niya at akmang babarilin ito nang biglang natumba si Drix sa lupa.

"L-love... d-don't kill h-him." Hirap na hirap na sabi ni Drix.

"No! Ang dapat sa kaniya, ihatid sa impyerno!?" Madilim ang mukhang sigaw ni Ashi.

May mga luhang namumuo sa mga mata nito pero pilit niyang pinipigilan na bumagsak iyon.

"Please, d-don't." Drix plead.

Napasigaw si Ashi sa sobrang frustration na nararamdaman niya. Parang gusto niyang sumabog sa sobrang galit na naramdman niya ngayon.

Hindi niya matiis tingnan ang dibdib nito kung saan may tama ng baril ang puso nito na sana ay para sa kaniya.

"Arghhhh!!!" Sigaw niya at ipinutok ang nang sunod-sunod ang baril sa isang malaking puno.

"Ash, calm down. Kailangan natin dalhin sa hospital si Drix." Hindi mapakaling sabi ni Kyla.

Galit na hinagis ni Ashi ang baril sa gawi ni Mr. Ong dahilan para mabilis na napailag sila Lyle at Keart bago tumama sa noo ng matanda ang baril dahilan para mawalan ito ng malay.

Lumuhod siya sa harap ni Drix na pilit ibinubuka ang mga mata. Narinig nila ang tunog ng ambulance at patrol car ng mga police.

"L-love... listen t-to me." Pabulong na wika ni Drix.

Masuyong pinunasan niya ang dugo sa bibig nito habang nagtatagis ang mga bagang niya.

"Say it. Makikinig ako," halos basag ang boses na saad niya.

Marahang hinaplos ni Drix ang kamay niya.

"T-thank y-you for b-being p-part of my l-life. Y-you let me f-feel the r-real m-meaning of l-life and l-love." Habol ang hiningang sabi nito.

Hindi nakaimik si Ashi habang unti-unting pumapatak ang luha nito.

"I love you, Love." Halatang pinilit ni Drix na masabi nang maayos ang tatlong salitang lumabas sa bibig nito.

The way he say each letter straightly it melts her anger.

Parang may bumara sa dibdib niya habang nakatingin sa mga mata ni Drix na pilit nilalabanang makapikit ito.

"I m-maybe r-regret if I'd n-never m-met you in m-my e-entire life." He added.

He tried to touch Ashi's face to dried her tears but he don't have enough strength to do it. Ashi held his hand and put it to her cheeks.

"D-don't cry. I d-don't want y-you to cry b-because of me." Nakangiting saad ni Drix at tinuyo ang luha niya.

Marahang umiling si Ashi, "Daldalhin kita sa hospital. Please hold on, ok?" Masuyong sabi ni Ashi.

May lumapit sa kanila na may dalang stretcher at tinulungan nilang bubayin si Drix. Pakiramdam ni Ashi ay wala siyang sugat sa katawan at tanging ang kalagayan ni Drix ang nasa isip niya.

"Ash, kami na ang bahala rito." Mabilis na sabi ni Kyla.

Tahimik lang sila Xandra kaya tumango lang si Ashi. Napadaan sila sa harap ni Kiana na tahimik na umiiyak habang nakatingin kay Drix na nakahiga sa stretcher.

"Drix..." She whispered.

"Masaya ka na?" Nakakuyom ang mga kamaong tanong ni Ashi. "Kapag may masamang mangyari sa kaniya, hahanapin kita. Uunahin kitang ilibing ng buhay." Malamig na dagdag ni Ashi bago niya ito nilagpasan.

Nang makapasok sila sa loob ng ambulance ay hindi binitawan ni Drix ang kamay niya. Tiningnan ng nurse at doctor ang kalagayan nito. Nilagyan nila ito ng dextrose at kung ano pa. Tahimik na nagdadasal si Ashi habang mahigpit na nakahawak sa kamay ni Drix.

"Magiging ayos lang ba siya?" Hindi nakatiis si Ashi. Kinakabahang tinanong niya ang doctor na tumingin kay Drix habang umuusad ang ambulance.

"His heart are surely damaged." Napapailing na sabi ng doctor. "He might have no chance to survive." Dagdag pa nito na nagpatigil sa kaniya.

Parang nabingi si Ashi sa narinig nito.  Hindi niya namalayan ang walang tigil na pag-agos ng luha niya.

"L-love," he whispered.

Mabilis na pinunasan ni Ashi ang luha niya at nakangiting tumingin sa binata.

"I p-promise that y-you'll be my w-wife if I s-survive. B-but if I c-can't, I'll g-grant it on m-my next l-life."

"N-no! You'll survive! J-just hold on, Bisugo!" Hindi mapakaling sabi ni Ashi.

Sa buong buhay niya, ngayon lang siya nagkakaganito. Iyong parang hindi niya alam kung ano ba dapat ang gawin niya.

"Tangna!? Bilisan mo ang pagpapatakbo kung ayaw mong ihagis kita palabas!?" Galit na sigaw ni Ashi sa driver.

Nataranata ang driver at sinita naman siya ng doctor at nurse pero hindi siya nakinig.

Napatingin si Ashi sa kamay niya nang lumuwag ang pagkakahawak ni Drix doon.

"L-love! Please hold on! Mahal kita kaya 'wag mo 'kong iwan." Tarantang anas niya. " D-don't leave me please..." Umiiyak na bulong ni Ashi.

"I l-love you..." Nakangiting bulong ni Drix kasabay nang unti-unting pagpikit nito ay naging straight line ang linya ng aparatus kung saan makikita na buhay o patay na ang isang tao.




A/N: Hayan na! Huhuhu😭 para akong baliw na naiyak sa sariling sinusulat na story. Sana magustuhan niyo.

Don't forget to Vote, comment and follow.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top