Chapter 189 "Temporary amnesia"
ALALANG-ALALA si Drix habang nasa labas ng operating kung saan dinala ang duguan at walang malay na si Ashi. Mabilis na isinugod ni Ice Damon si Ashi kanina matapos nitong makitang ang kalagayan ng dalaga. Mabilis na lumapit si Damon sa gawi ni Drix at walang alinlangang sinapak ito sa mukha na ikinamura ng huli. Pumutok ang gilid ng labi nito dahil sa lakas nang pagkakasapak ni Damon sa kaniya.
"F*ck!?" galit niyang sigaw at mabilis na sinuntok rin si Damon. "Wala kang karapatang sapakin ako hayop ka!" galit na dagdag niya.
Parang umaapoy sa galit ang mukha ni Damon habang nakatingin sa kaniya. Halata ang galit sa mukha nito habang nagtatagis ang mga bagang.
"You deserve it! Damn you!?" galit na mura ni Damon. " Wala kang kuwentang boyfriend!?" dagdag pa nito.
Mabilis na kuwenilyuhan niya sa inis at galit ang lalaki.
Anong karapatan niyang pagsabihan akong walang kuwentang boyfriend.
"Say it again and I will break your bone into a piece of shit!" nandidilim na sigaw niya.
Pinagtitingnan na sila ng mga nurses at ibang mga staff sa hospital.
"You're a useless boyfriend!?" ulit na sigaw ni Damon.
Malakas na sinapak niya ito sa mukha. Pakiramdam niya ay gusto niyang patayin ngayon ang lalaki sa galit at inis.
"Huwag mo akong galitin peste ka!?" matalim ang mga matang singhal niya.
Hinawi ni Damon ang kamay nitong nakahawak sa kuwelyo ng lalaki.
"And you dare to be mad?" nang-uuyam na tanong ni Damon sa kaniya. "Inuna mo yung ex mo kesa kasintahan mong naghihingalo!? Doon ka naging walang kuwentang kasintahan!?" sigaw ni Damon sa pagmumukha niya.
He stunned.
Hindi siya naka-imik dahil sa mga salitang ibinato ni Damon sa kaniya.
"You f*cking save your pretentious ex than your dying girlfriend!" Damon hissed with anger.
Parang natulos siya sa kinatatayuan niya sa realisasyong tama si Damon. He's being an idiot and useless boyfriend a while ago.
"You're speechless now? Idiocy of you!?" nagpupuyos sa galit na singhal ni Damon.
Gustuhin man niyang suntukin ng walang pakundangan si Damon ay hindi niya ginawa. Damon' right. He's being and idiot.
Pilit niyang pinipigilan ang luhang gustong kumawala sa mga mata niya. Nag-aalala siya sa kalagayan ng kasintahan. Hindi niya alam ang gagawin kanina ng makitang duguan si Ashi. Sa taranta niya ay inuna niyang buhatin si Kiana sa kotse at pagbalik niya ay buhat na ni Damon ang walang malay na dalaga.
"You betrayed her, Chevalier. You betrayed her." bulong ni Damon habang napapailing. "Magdasal ka na lang na sana maging matagumpay ang operation niya. Baka ikaw ang una kong ilibing kapag may nangyaring masama sa kasintahan mo." mariing sabi ni Damon.
Blankong tiningnan niya ito. Kita niya ang pag-aalala sa madilim na mga mata ng lalaki. Alam niyang may tinatago ito.
"Why do you care with her?" deretsong tanong niya.
Sarkastikong tumawa si Damon habang nakatingin sa kaniya.
"Why do I care with her? Simple, she's like a precious diamond that I don't want to let anybody touch it." makahulugang sagot nito.
Kumuyom ang mga kamao niya sa naging sagot ng kaharap.
He knew it!
But what makes him confused is that, it's not that long since Damon came to school.
How did he know her?
Tanong niya sa isip habang matamang nakatingin kay Damon.
"If you're confused, let me tell you. I know her before you came into her life." malamig na saad ni Damon. "You better be careful, I didn't beg to my father to get out of my cave for nothing. I came out to protect my precious diamond, Mr. Chevalier." He dangerously said before he turn back and walk away.
Napakurap-kurap siya habang nakatingin sa papalayong bulto ni
Damon.
This can't be! I won't let you steal my girl! No f*cking way!
Nabalik lang siya sa katinuan ng marinig ang boses ng mga kaibigan niya pati na rin sila Xandra.
"Where is she?" seryusong tanong ni Xandra.
Napalingon siya rito at kita niya kung paano nawala ang expression sa mukha nito.
Seryusong-seryuso na nakatingin sa kaniya si Xandra habang naka-kuyom ang mga kamao. Hindi niya alam kung galit sa kaniya ang babae.
"Nasa operating room." puno ng pag-aalaang sagot niya.
Halos magkasabay silang lahat na napamura habang kaniya-kaniya ng silip sa pinto ng operating room.
Mapasuntok na lang siya sa bubong habang nakapikit ng mariin.
God, please save her. I'm begging you. I can't forgive myself if there's something happen to her.
Piping dasal nito at idinikit ang noo sa bubong. Hindi siya mapakali habang nasa operating room ang kasintahan. Pakiramdam niya ay sandaling huminto ang mundo niya.
This is a worst day monthsary for us! I will f*cking hate this day!
"Anong nangyari at nagkaganun siya?" biglang tanong ni Xandra na ngayon ay nasa likod niya.
He didn't move. He can feel the black aura that suffocates him.
"Tinatanong kita, Mr. Chevalier!" naiinis na sigaw ni Xandra.
He sighed heavily and turn around. He look unto Xandra's cold eyes.
"Nasagasaan siya," naka-was tinging sagot niya.
Muling napamura ang mga kaibigan nila.
"Huwag mong sabihing ikaw ang dahilan kung bakit siya nasagasaan." Anas ni Xandra na parang anytime ay uupakan siya nito.
Napahinga siya ng malalim at deretsong tumingin sa mga mata ng kaharap. Gusto niyang sabihin sa mga ito kung ano ang nangyari at inuoperahan ngayon ang kasintahan niya.
Walang alinlangang sinabi niya sa mga ito ang nangyari kanina. Sinabi niya ring mas inuna niyang dinaluhan si Kiana kesa sa kasintahan niya dahilan para makatanggap siya ng isang malutong na sapak sa mukha mula kay Xandra.
"T*angina ka!?" malutong na mura nito sa kaniya.
Pinunasan siya ang dugo sa gilid ng labi niya habang nakayuko. Ang mga kaibigan nila ay hindi naka-imik dahil sa mabilis na kilos ni Xandra. Nagpupuyos sa galit ang babae na animo'y kasalanan niya kung bakit nasagasaan ang pinsan ng huli.
"You're such an idiot, Drix. How could you save your ex than your dying girlfriend." parang nadismayang wika ni Kyla.
He can see the disappointment on their face. Even his own friends looks likes disappointed, too.
Napayuko na lang siya at hindu nagsalita. Alam niyang mali siya. Alam niyang hindi maganda ang ginawa niya.
But I was got too nervous that time! Fuck! But still my fault!
Tama lang na sisihin siya ng mga ito, dahil kung hindi pa sila hinabol ng kasintahan ay hindi sana mangyayari ang nangyari ngayon.
"I'm sorry... I was wrong." Bagsak ang mga balikat na anas niya.
"Siguraduhin mo lang na magiging maayos ang pinsan ko, Mr. Chevalier. Dahil kung hindi, malalagot ka sa mga Acosta at Ibañez!" sigaw ni Xandra at tumalikod.
Natahimik silang lahat. Hinihintay nila kung kailan matatapos ang operation habang rahimik silang hindi mapakali.
Natinag lang silang lahat ng biglang may humahangos na dumating.
"Where is she?" hinihingal na tanong ni Jiro.
Kasunod nito si Liam na alalang-alala. Halata sa mukha ng mga ito ang kaba.
"She's still under the operation. It's almost an hour now." hindi mapakaling sagot ni Kyla.
Mahinang napamura si Liam habang nakasilip sa pinto ng operating room. Mabilis na tumakbo si Drix sa prayer room at hindi pinansin ang nagtatakang tingin ng mga kaibigan niya.
Kahit siya ay hindi mapakali habang hindi pa lumalabas ang mga doctor na umasikaso kay Ashi. Halos mag-isa't kalahati ng oras na ay hindi pa rin lumalabas ang mga doctor.
F*ck!?
This is my fault!
Pagsisi niya sa sarili at pumasok sa prayer room. Nagmamakaawang tumingin siya sa harap kung saan ang imahe ni Jesu Kristo. Dahan-dahan siyang lumuhod nang hindi inaalis ang tingin doon.
God, I'm sorry for what I'm done. I'm sorry. Please... save her. Please... let the operation be successful, please. Please, Father God, save her. I can't bear to live without her.
Nagmamakaawang dasal niya habang unti-unting tumulo ang mga butil ng luha mula sa mga mata niya.
I love her so much. I can't find the meaning of my life without her. She's my everything... please, save her. I'm begging you.
Tahimik na dasal niya habang humihikbi ng mahina. Nagmumukha siyang mahina kung titingnan ngayon. Pero wala siyang pakialam kung ano ang hitsura niya ngayon.
All he wants is to see her beloved woman in good state.
PARANG lantang gulay si Drix habang naglalakad papasok sa university. Halatang wala itong tulog dahil sa mga puyat na mga nito. Parang nawala ang kalahati ng buhay niya kumpara sa mga nagdaang araw. He looks haggard and pale with his looks. Dinaig pa nito ang isang taong namatayan. 'Ni hindi niya napansin ang nga studyanteng nakatingin sa kaniya dahil sa nag-iisang babaeng laman ng puso niya na hindi mawala sa isip.
Ashi occupied his mind while his face is full of sadness. Everyone who can see his face expression will feel pity for him right now.
Kundi pa ito nabunggo sa kaibigan si Lyle na naaawang nakatingin sa kaniya ay hindi ito matatauhang nasa campus na siya.
"Dre, are you alright? You look pale." nag-alalang tanong ng kaibigan.
He replied nothing but a heavy sighed.
"He look like a shit than being pale, dude." nakangiwing sabat naman ng kakarating lang na si Keart.
Nakapamulsa ito habang nakasunod ang pinsang parang pinagsakluban ng ilang sako ng bigas. Magkasalubong ang mga kilay habang walang makikitang expression sa mukha maliban sa seryuso ito.
"What happened to you, Keith Evans?" takang tanong naman ni Lyle nang makalapit ito.
Hindi ito sumagot at animo'y walang naririnig na deretso lang naglakad palayo ang huli. Keart chuckled.
"Don't ask him, dre. He's in the verge of his life now." makahalugang sabi ni Keart.
Lyle look so confused as well as clueless while looking at Keart who grinning like an evil.
"What do you mean by that?" tanong ni Lyle sabay tingin sa papalayong Keith bago uli tumingin dito.
Nilingon pa siya nito na malalim na naman ang iniisip bago uli tumingin kay Lyle at nagsalita.
"Well, just like him. Xandra was being rude to him and didn't answer his calls and replied to his texts since last week." sagot ni Keart.
Napaisip pa si Lyle at maya-maya ay tumango-tango ito naanimo'y naintindihan ang sinabi ng kaibigan.
"That's bad for him." palatak ni Lyle at binalingan siya.
Tinapik ng huli ang balikat niya dahilan para mapatingin siya rito.
"Let's go. It's time for morning class," si Keart ang nagsalita bago naunang nagalakad.
Nabuntong-hininga siya at sumunod sa dalawa. It's been a week since Ashi's operation successfully done, but he still in temporary in coma. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito gumigising.
Lagi niyang inabangang magising ito kahit pa man wala siyang tulog. Gusto niya paggising ng kasintahan ay siya ang unang makita nito. Kundi pa siya pinayuhan ng lolo ng huli ay hindi siya papasok ngayon. One week kasi siyang absent para lang bantayan si Ashi.
Nang makarating sa room nila ay tahimik na naupo siya at hibdi pinansin ang matalim na tingin ni Xandra. Hindi siya kinakausap ng babae mula noong araw na sinapak siya nito sa hospital.
NATAPOS ang morning class at walang ni isang pumasok sa utak niya. Tanging si Ashi lang ang laman ng isip niya at tahimik na humihiling na sana ay magising na ito. Nang makababa ng building ay namataan niya si Damon na busy sa cellphone nito. Halos araw-araw din bumibisita ang lalaki sa hospital. Kahit nga gusto na niyang basagin ang bungo nito ay pinipigilan pa rin niya ang sarili tuwing magkakasalubong sila.
Sinadyang binagalan niya ang paglalakad nang makitang may kausap na ito sa phone.
"[Hello?]" Rinig niyang sagot nito sa tawag. "[What?]" seryusong tanong nito sa kausap.
Mataman lang siyang nakatingin sa lalaki at nakita niya itong natigilan.
"[She's awake?]" may saya sa boses na tanong niti sa kausap. "[Shit! Thanks she's awake now.]" mabilis na sabi ni Damon bago ibinaba ang tawag at nagmamadaling lumabas ng campus.
Nakakunot-noong nakatingin lang siya sa huli at napamura siya ng may ma-realize siya.
"F*ck! She's awake!" puno ng sayang sigaw niya dahilan para mapatingin sa kaniya ang mga nasa paligid.
Mabilis na tumakbo siya palabas at hindi pinansin ang mga ito. Muntik na mabunggo pa niya ang malaking gate sa bilis ng takbo niya.
Nang makapasok sa kotse ay halos ipalipad niya sa bilis ang kotse niya. Nang malapit na sana siya sa hospital ng mga Ibañez ay bigla na lang siyang nasagi ng isang kotse dahilan para dere-deretsong bumunggo sa malaking poste ang kotse nito.
NAALIMPUNGATAN si Ashi dahil sa ingay na naririnig niya sa paligid. Dahan-dahan siyang nagmulat at bumungad sa kaniya ang puting kisame. Kahit medyo nanghihina ay nakakunot-noong inilibot niya ang tingin sa buong silid. Nasa hospital ako? Tanong nito sa isip at napatingin sa tatlong taong nag-uusap sa may sofa.
"Dad." Mahina ngunit gulat na tawag niya sa amang seryusong kausap ang lolo Adolfo niya.
Nagtaka siya kung bakit nandito ang mga ito.
Gulat na napalingon sa kaniya ang ama pati na rin ang lolo niya at ang katabi nitong si lola Marites.
"Anak? Thank God, you're awake!" masayang bulalas ng ama at lumapit sa kaniya.
Niyakap siya ng ama bago inalalayang maupo dahil gusto niyang umupo. Pakiramdam niya ay nangangalay ang katawan niya na animo'y ilang araw na nakahiga lang.
"What am I doing here?" tanong pa niya sa mga ito.
Natigilan ang tatlo habang alanganing nakatingin sa kaniya.
"You don't remember?" tanong ng ama.
Napangiwi siya. Sagutin daw ba siya ng tanong din. Mag-ama nga sila.
"Ang alin?" nagtatakang tanong niya.
Nagkatinginan ang tatlo bago napahinga ng malalim ang lolo niya at nagsalita.
"You had an accident last week. Na hit and run ka, apo. Isang linggo kang tulog dahil sa temporary coma." mahinahong sabi ng lolo niya.
Kumunot ang noo niya at inalala ang nangyari pero wala siyang maalala.
"Wala akong maalala." maikling sagot niya. "By the way, bakit kayo nandito? How did you find me?" alanganing tanong niya kahit pa man alam niyang mahahanap at mahahanap siya ng mga ito dulot ng halos isang taon na hindi siya nagpakita sa pamilya.
Mas lalong kumunot ang noo ng dalawang matanda habang natigilan ang daddy niya. Nag-aalalang nilapitan siya ng Lola Marites niya.
"Apo, ayos ka lang ba?" tanong nito.
Napabuntong-hiningang tumango siya at biglang napatingin sa pinto nang bumukas ito.
Napatingin siya sa lalaking nagbukas ng pinto at nakatingin sa kaniya. Hindi familiar sa kaniya ang lalaki. Gwapo ito at halatang tulad niya ay seryuso ang lalaki. But she can see the happiness in his eyes, and his eyes seems familiar to her.
Weird.
Aniya sa isip niya at biglang nagsalita ang lalaki.
"You're awake." nakangiting sabi nito habang nakatayo pa rin sa may pintuan.
Hindi siya kumibo at napatingin sa daddy niya ng magsalita nito.
"Damon? Get inside, hijo." saad ng ama niya.
Umiling ang lalaki at tipid na ngumiti sa ama niya.
"No need, Tito. I just want to make sure if she's awake." Pormal na sabi ng lalaki.
Nawala ang attention niya sa lalaking unang dumating at napatingin sa isa pang lalaking bagong dating. Gulat na napatingin siya sa lalaki nang makita itong duguan ang noo habang may mga pasa sa mukha at mga braso.
May mga dugo pa ang suot nitong uniporme at halos wala na sa ayos ang necktie nito.
Nagtagpo ang mga mata nila at parang may naramdaman siyang kakaiba ng magtama ang kanilang mga mata. She can see the happiness in his sleepy eyes. Parang ilang sandali lang ay mawawalan na ito ng malay pero pilit nitong nilalabanan.
"Love..." He whispered while staring at her.
Natigilan siya at napako ang mga mata sa mata ng lalaki. He looks so pale and seems too weak but he held it.
"Who are you? Ashi is my name, not 'love' bloody boy." Tanong niya habang hindi inaalis ang tingin sa lalaki.
Kita niya kung paano natigilan at napaawang ang labi ng lalaki. Animo'y gulat na gulat ito habang nakatingin sa kaniya.
Iba't ibang emosyon ang nakikita niya sa mga mata ng lalaki. Shocked, confused, sadness, guilty, hope, speechless and pain written all over his pale face.
"Y-you don't know me?" nakaawang ang mga labing tanong ng lalaki.
Umiling siya at tiningnan ang sugot sa noo ng lalaki. Dumudugo pa rin ito at animo'y bago lang nanagyari iyon sa kaniya.
What happened to him? Who is he? Why do I feel that I know him? Why did he call me 'love'?
Tanong niya sa isip. Nasagot ang isa sa tanong niya nang magsalita ang Lola Marites niya.
"Drix? Hijo, anong nangyare sa 'yong bata ka?" gulat at nag-aalalang tanong ng matanda.
Mabilis na nilapitan ito ng lola niya na puno ng pag-aalala. Kahit ang lolo at daddy niya ay bakas din ang pag-aalala.
Ngunit ang lalaki ay nanatiling nakatingin sa kaniya. Parang binagsakan ng langit ang mukha niya at puno ng dismaya, lito, pagtataka, at sakit ang mga mata niya.
What happened to him? Bakit ganiyan siya?
"H-hindi mo ako kilala...?" Pabulong na anas ng lalaki na narinig niya naman.
Sa tuno ng pananalita nito ay animo'y nasasaktan ito. So weak, pale and all names that can show his state right now.
"Hindi. Sino ka ba? At anong nangyari sa iyo?" kunot-noong sabi niya.
Naramdaman pa niyang bahagyang kumirot ang ulo niya kaya napapikit siya.
Shit!
"Ash? Are you alright?" baling ng ama niya na mukhang napansin ang pagpikit niya.
Nagmulat siya ng mata at tumango bago tumingin sa lalaking nanatiling nakatayo sa likod ng nagngangalang Damon.
"Wala ka bang balak magpagamot? You look pale and weak." parang naiinis na aniya.
Hindi niya alam kung bakit siya naiinis na makita ang kalagayan ng lalaki. Ang alam niya lang ay parang nakaramdam siya ng inis at galit sa kalagayan nito.
"Did you have an amnesia?" malungkot at nasasaktang tanong nito.
She frowned.
Kumunot ang noo niya habang may pagtatakang nakatingin sa lalaki.
"What do you mean?" naguguluhang tanong niya.
"Love..." muling sabi nito at napapikit sa sakit imbes na sagutin ang tanong niya. "D-don't forget me... please." mahinang saad nito at bigla itong natumba sa sahig na ikinasinghap nila.
"Drix!" sigaw pa ng lola, lolo at daddy niya sa gulat.
"Fuck!" Malutong na sigaw ni Damon at mabilis na dinaluhan ang lalaki.
Hindi na ito gumalaw at nakaramdam siya ng pag-aalala sa lalaki. Akmang bababa siya para lapitan ito ng pigilan siya ng daddy niya.
"Don't move, Ash. Kami na ang bahala sa kaniya. Just take a rest to regain your energy." seryusong sabi ng daddy niya.
"But---"
"No buts." Pigil nito sa kaniya at inalalayan siyang mahiga.
Nakita pa niyang binuhat ni Damon ang lalaki at mabilis na umalis kasama ang lolo niya. Agad na sumunod ang daddy niya samantalang lumapit naman ang lola niyang alalang-alala.
"Jusmiyo! Ano bang nangyari sa batang iyon!" hindi mapakaling sabi ng matanda.
Akmang magsasalita na sana siya nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang may katandaang doctor.
It was their family doctor. Nakangiting lumapit ito sa kanila at tiningnan siya nito bago nagsalita.
"Ayos lang ba ang pakiramdam mo, hija?" tanong nito sa kaniya.
Tumango siya habang nakakunot pa rin ang noo niya. Narinig niyang nag-uusap ang lola at ang doctor pero wala roon ang atensiyon niya.
Inuukupa ng lalaking tinawag niyang 'bloody boy' kanina ang isip niya. Hindi niya alam kung bakit hindi mawala sa isip niya ang lalaki.
What happened to me? Why do I feel like there's something wrong?
Busisi niya sa isip habang pinapakiramdaman ang sarili niya. Natinag lang siya ng marinig ang pinag-uusapan ng lola niya at ang doctor.
"She has a temporary amnesia due to her operation and almost one week in comatose." Rinig niyang sabi ng doctor.
Nag-isang linya ang mga kilay niya. Temporary amnesia? Aniya sa isip at bumaling sa mga ito.
"What do you mean?" takang tanong niya sa doctor.
Ang lola niya ang nagsalita at nagpaliwanag sa kaniya. Napatingin siya sa karindaryo ng makitang year 2014 na ay napaawang ang bibig niya.
"Shit! This can't be..." Bulong niya at napapikit sa inis.
Hinawakan niya ang ulong may benda dulot ng operasyon daw niya. Bigla siyang napatingin sa tv ng makita ang news.
"Isang aksidente ang naganap malapit sa Ibañez hospital kanina lamang. Napag-alamang ang nag-iisang lalaking anak ng mga Chevalier ang sakay ng kotse na nasagi ng isa pang kotse dahilan para bumunggo ang kotse nito sa malaking poste." Sabi ng tagapagbalita at may pinakitang video na makuha mula sa insidente.
Nakita niya sa video kung paano bumunggo sa malaking poste ang kotse ng lalaki. Maya-maya ay kita sa video na sugatang lumabas ang nasa loob ng kotse na halos mahulog pa sa kotse nitong umuusok ang harapan.
"Shit!" malutong na mura niya ng makilala ito. "It was that guy a while ago!" she yelled.
Pati ang lola niya ay nakamaang na nakatingin sa tv. Nakuhanan pa itong bumagksak sa kalsada at pilit na tumayo kahit na halatang nahihilo ito.
Halata sa video na lumapit ang taong nakakuha ng video habang nagsasalita.
"Huwag ka munang gagalaw, hijo." Kausap ng taong may hawak na camera.
Marahang umiling ang lalaki at pilit na tumayo at naglakad.
"N-no! I want to see my girlfriend! S-she's awake in the hospital!" Giit ng lalaki at patuloy sa paglalakad hanggang sa naputol ang video.
Napatulala siya sa nakita at pinatay ng lola niya ang tv. Napaisip siya sa sinabi ng lalaki. Girlfriend? Sino ang tinutukoy nito? Bakit sa silid niya pumunta ang lalaking yun kanina? Bakit tinawag siya nitong 'love?'
Tanong niya sa isip at napatingin sa pinto nang bumukas ito at pumasok ang daddy at lolo niya.
"How is he?" tanong ng lola niya.
"Ayos na ang lagay niya. Nagamot na rin siya at tulog pa rin hanggang ngayon." napapailing na sagot ng Lolo Adolfo niya. "Na-aksidente pala ang batang iyon sa pagmamdaling pumunta rito para lang alamin kung gising na talaga ang apo natin." napabuntong-hiningang dagdag pa nito.
Napahinga nang maluwag ang lola niya bago naupo sa gilid ng kama. Nagtanong pa ang daddy niya kung okay lang ba siya. Sinabi ng lola niya ang pinag-uusapan nila ng doctor kanina.
"Temporary amnesia?" salubong ang kilay na tanong ng daddy niya.
"Oo. Iyon ang sabi ng doctor kanina. Ang past memory niya lang ang maalala niya. Not the present; even him, she forgot." Paliwanag ng lola niya. "Ang sabi ng doctor ay huwag na lang muna banggitin ang recent memory niya para hindi mabigla ang utak niya." dagdag pa ng matanda.
Napahinga ng malalim na lang si Ashi at pumikit. Parang sasakit ang ulo niya sa pag-iisip.
Maybe, I should rest first.
*******"
Drix's Pov.
UMIIGTING ang pangang nakatingin ako ng matalim sa ilalim ng puno kung saan nag-uusap si Panget at Damon. Kanina pa ang dalawa roon matapos mag lunch. Gustong-gusto kong lapitan ang mga ito para sapakin si Damon ngunit pinipigilan ko lang ang sarili ko. Mula nang makalabas si Panget ng hospital at pati ako noong nakaraang araw, hindi na ako nakakalapit sa kaniya. Iyon ang habilin ng daddy ni Panget para hindi mabigla ang utak nito.
Nang makalabas din ako sa hospital kung saan ako na confine dahil sa aksidente ay sinabi ng mga kaibigan ko na may temporary amnesia si Panget.
Hindi na ako nagtaka pa, dahil noong araw na nagising si Panget at naaksidente ako ay hindi ako maalala nito. Bagay na parang nawala ang kalahati ng mundo ko.
Wala nang mas sasakit para sa akin ng araw na iyon. Ang marinig mula sa bibig ng taong mahal mo na biglang hindi ka niya maalala ay parang pinunit ang puso ko at pinagpira-piraso.
"It's fucking hurt! Hearing her says she doesn't know me, it brokes my heart into a piece of shit!" nasasaktang usal ko at kumuyom ang mga kamaong nasa bulsa ko.
I can't stop myself from the pain I felt right now. Worst, that fucking bastard beside her, I wanna punch his face!
Inis at nandidilim ang mukhang tumalikod ako't umalis. Baka hindi ko mapigilang lapitan sila at sapakin ang gagong yun. Alam naman nitong pag-aari ko si Panget pero namimihasa ang gago.
It's been a week since pareho kaming nakalabas. Hindi ko pa siya nakakausap ng malapitan. Parang isang impyerno para sa akin ang isang linggong hindi siya nakakausap, nakakayakap, nakakasabay kumain, nahahalikan at maihatid sa bahay nila.
"Fuck this life!" Malutong na mura ko at dumeretso sa library para roon na muna tumambay.
I badly want to hug and kiss her but I fucking can't do it right now.
Nang makarating sa library ay pumunta ako sa pinaka-sulok at doon naupo sabay pikit. Mas mabuti pang umidlip na muna ako para maikalma ang sarili ko. Last semester examination pa naman namin ngayon. I just have one hour to sleep. Tse!
Akmang iidlip na sana ako nang makarinig ako ng isang boses na kakapasok lang at mukhang naghahanap ng libro.
"Lintik na 'yan! Nasaan na ba yun?" rinig kong boses nito.
Para akong natuod sa kinauupuan ko at dahan-dahang nagmulat ng mata sabay tingin sa kaliwang bahagi ng mga bookshelves. Mukhang doon galing ang boses.
Tumayo ako at marahang naglakad habang nakapamulsa at lumapit sa kaliwang bahagi ng library kung saan nakalagay ang mga biology books.
Lalagpas na sana ako sa ikaapat na lalagyan ng mga libro nang mapatigil ako. Nakita ko si Panget na salubong ang mga kilay na naghahanap ng libro.
"Shit! Where the fuck is that fucking book!" mahinang mura nito.
Lihim na napangiti ako sa hitsura nito. Kahit may amnesia siya ay walang pinagbago. Mainipin at palamura pa rin.
Tse!
Pinanonood ko lang siya kahit gustong-gusto ko na siyang lapitan para yakapin at halikan.
I miss her presence. I miss the way she look at me, the way she curse and feel irritate. I miss her kisses and care for me. I miss everything about her.
Damn!
Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at walang ingay na lumapit sa kaniya nang makitang nahihirapan siyang abutin ang librong nasa pinaka-itaas.
Pinaka-ayaw ko sa lahat iyong nahihirapan siya.
"Lintik kang libro ka! Sarap mong sunugin kapag nakuha na kita---" hindi niya natapos ang pagpapalatak nang abutin ko ang libro habang nasa likod niya ako.
Napamura pa ako sa isip ng magdikit ang katawan namin. Shit! Naramdaman kong humarap ito sa akin pero nakatingala pa rin ako. Ramdam ko ang mainit na hininga niyang tumama sa baba ko.
Tuluyan ko nang kinuha ang libro kasabay nang dahan-dahan kong pagbaba ng tingin sa kaniya.
Our eyes met the moment I look at her. Kitang-kita ko ang gulat sa mga magandang mata niya, lalo na ang iba't ibang emosyon na nakaukit dito. Halos isang dangkal lang ang layo ng mga mukha namin.
I can feel my heart beat so fast. Fuck! She's the only one who can make my heart beat so fast like a crazy.
Hindi ko inalis ang mga titig ko sa kaniya at ganun din naman siya. Bumaba ang mata ko sa labi nitong bahagyang nakaawang. Bumigat bigla ang paghinga ko.
I want to kiss her. I want to nipped and suck her soft lips.
"Fuck!?" I cursed and I didn't stop myself from claiming her soft lips.
Naramdaman kong natigilan ito at napasandal sa lalagyan ng mga libro. Mabilis na binitawan ko ang librong hawak ko at hinapit siya palapit sa akin para mapalalim ko pa ang paghalik sa kaniya.
Wala akong paki kung may makakita man sa amin. Wala akong paki kung magalit siya sa akin.
I just want to kiss her hard and deep until we cannot bear it anymore.
I kissed her with full of desire, admiration, passion, and love. Puno ng pananabik ang bawat halik ko sa kaniya. Naramdaman ko pang napahawak ito sa damit ko habang sinasabayan ang paghalik ko sa kaniya.
I smiled.
"I badly miss you, love." mahinang bulong ko at hinalikan ulit siya.
Hinaplos ko ang pisngi niya habang nakahawak ang isa sa beywang nito at hinapit pa lalo sa akin. Hinalikan ko siya sa panga pababa sa leeg niya. Mahinang napadaing pa siya na ikingiti ko lalo.
Bago pa umabot sa kung saan ang paghahalikan namin ay bumitaw na ako. Pinagdikit ko ang mga noo namin habang nakatitig sa mga mata niya. Namumula pa ang mga pisngi nito.
"Panget," mahinang tawag ko sa kaniya. "Please remember me." Pakiusap ko.
Kahit anong pigil ko sa emosyon ko ay hindi ko mapigilan. Gusto kong makita niya kung ano ang totoong nararamdaman ko.
"Huwag mo akong kalimutan, please. Para akong tino-torture sa isiping hindi mo ako maalala." Malungkot na usal ko.
Nakatingin lang siya sa akin na para bang binabasa ang laman ng isip ko.
"But I don't remember you." Biglang sabi niya.
Bumagsak ang mga balikat ko. Parang sinaksak ang puso ko habang nakatingin sa kaniya. Pakiramdam ko ay pinagpira-piraso ang puso ko.
Yumuko ako bago huminga ng malalim at muling tumingin sa kaniya.
"I understand your situation but it's hurt. I am your boyfriend but you can't remember me." mapait na ngumiti ako nag-iwas ng tingin at binitawan siya.
Pinulot ko ang librong nabitawan ko kanina at inabot ito sa kaniya. Agad niya naman itong kinuha at tumalikod. Akmang aalis na siya nang hawakan ko siya sa kamay.
"If you remember everything... I hope you forgive me. I didn't mean to hurt you. You're always be my girl, my panget, and my love." mahinahong sabi ko bago siya ninakawan ng halik at mabilis na umalis.
Sunod-sunod na nagpatakan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan nang makalabas ako ng library. Napasuntok pa ako sa pader bago tinuyo ang mga luha ko.
This is all my fault!
"Fuck this!?" I screamed.
Napasabunot pa ako sa sariling buhok at dumeretso sa cr para maghilamos ng mukha. Baka magtaka pa ang mga kaibigan ko kapag nakita ang hitsura ko.
***
Kyla's Pov.
SABAY-SABAY kaming lahat na lumabas ng classroom matapos ang exam namin sa last subject. Araw ngayon ng Biyernes at tapos na lahat ng exam namin. Sa lunes na ulit kami babalik para sa graduation day na gaganapin. Halos lahat kami ay excited na dahil sa wakas ay makaka-graduate na rin kaming lahat.
Sa mga araw na lumipas ay medyo normal naman, maliban na nga lang kay Ashi at Drix na parehong hindi kumikibo. Naiintindihan naman namin si Drix kahit paano. Alam naming hindi niya sinadyang saktan ang kaibigan namin.
Naawa nga kami sa kaniya dahil alam naming pinipigilan lang nito ang sariling huwag lapitan si Ashi. Buti na lang at nakayanan niya iyon.
"Tangina! Lumayo ka nga sa akin, hanep ka!" Matinis ang boses na sigaw ni Xandra.
Napatingin kami sa kaniya. Inis na inis itong nakatingin ng masama kay Keith na hindi pinapansin ang pagsigaw nito.
Tahimik lang naman itong naglalakad habang naka-headset at mukhang hindi nito napansin na katabi nito si Xandra.
Napapailing na lang ako. Halata namang pareho silang may gusto sa isa't isa. Kaya lang, parehong in denial ang dalawa.
"Bella, gusto mo?" rinig kong tanong ni Lyle.
Pasimpling tiningnan ko sila at napairap na lang ako. Ang sweet ng dalawa. Palibhasa, sinagot na ito ni Bella kahapon.
Halos ginawang valentine's day ni Lyle kahapon ang campus namin para lang sa ginawa nitong panliligaw kay Bella.
"Hoy! Mahiya naman kayong dalawa! Baka may mga single rito!" Parinig ni ni Mello.
"Oo nga, nilalanggam na kami sa ka-sweet-an niyong dalawa, eh!" sabat naman ni Stella.
Nagtawanan pa sila Keart at ang ibang mga nakasabay namin palabas ng gate.
Natawa na lang din ako. Minsan talaga mga baliw ang mga kabigan namin.
"Maiba nga tayo, sa wakas makaka-graduate na tayo sa lunes." Nakangiting sabi pa ni Theresa.
Nagtanguan kaming lahat. "Yeah. Wala nang matabang subject teacher na makakasalamuha natin!" Sang-ayon pa ng kaklase naming nakisabay sa amin.
Nakatanggap naman ito ng batok sa kaibigan nito.
"Tanga! Anong wala? Makikita pa rin natin yung tabang :yon. Nakalimutan mo atang isa lang ang campus ng college at senior high!" Nakairap na kontra pa nito.
Napakamot na lang ng batok si Cassy. "Oo nga pala," natatawang sabi nito.
Kaniya-kaniya na lang nang usap ang lahat habang naglalakad.
"Anong kukunin niyong course?" tanong pa ni Aika na ka-holding hands si Firm.
"Gusto ko mag designer!' Sabay na sagot ni Theresa at Stella.
"Bachelor of science in tourism management. Gusto kong mag flight Attendant." nakangiting sabi naman ni Bella.
"Bachelor of Arts in Journalism yung sa 'kin." sabi ni Mello.
Napatingin kami kay Aika nang magsalita ito.
"Bachelor of Secondary Education ang kukunin ko," masayang sabi nito.
Napatango-ta go kaming lahat at tumingin naman sila sa amin.
"Eh, kayo?" Tanong ni Stella.
Si Keart ang unang nagsalita habang proud na nakangiti.
"Bachelor of Architecture Engineering ang sa 'kin," nakangiting sabi niya.
Tumingin naman sila sa akin. Napakamot ako ng ulo bago nagsalita.
"Mag med ako. Pangarap ko kasing maging doctor dati pa," sagot ko.
Tumango sila bago tumingin kay Xandra na nakataas ang kilay.
"Med," masungit na sagot nito.
Napangiwi naman sila kaya napapailing na lang ako. Kinalabit naman ni Mello si Keith.
"Anong kukunin mo?" tanong nito.
"Law or Med," kibit-balikat na sagot ni Keith.
Lahat kami napatingin kay Ashi at Drix na tahimik lang at halos dalawang dipa ang layo sa isa't isa.
"Uy! Anong kukunin mong course, Ash?" Nakangiting tanong ni Theresa.
"Ang bumalik ang ala-ala ko." wala sa sariling sagot nito.
Natahimik kaming lahat habang nakatingin sa kaniya.
"Ano?" Takang tanong pa nito nang mapansing nakatingin kami sa kaniya.
"Hindi naman course yun, eh," nakangiwing sabi ni Aika.
Napatikhim si Ashi at nag-iwas ng tingin bago ulit nagsalita.
"Bachelor of Science and Criminology," malumay na sagot ni Ashi.
Nanlaki naman ang mga mata nila na ikinatawa namin.
"What?" Kunot-noong tanong ni Ashi sa kanila.
"Bakit criminology?" tanong pa ni Stella.
"Gusto ko nang ma-action at nakikipagbarilan." Simpling sagot nito.
Lahat sila napangiwi at napapailing sa sagot ni Ashi. Kahit ako ay nagtaka rin. Ang gusto niya dati ay maging doctor o kaya ay abodago.
Baka dahil sa may amnesia siya kaya iyon ang sinabi niya.
"Ikaw, dre? Anong gusto mo?" kalabit ni Keart kay Drix.
Seryusong tumingin si Drix kay Keart bago tumingin kay Ashi na halatang naghihintay ng sagot ni Drix.
"Ang mapatawad ng taong mahal ko," deretsong sagot niya.
Natigilan kaming lahat habang nakatingin sa kaniya na hindi inaalis ang tingin kay Ashi.
"Course ba yun? Hayst! Bagay talaga kayong dalawa ni Ashi!" palatak ni Mello.
Magsasalita na sana si Drix nang biglang dumating si Ice Damon na halatang kakalabas lang nila.
"Hey!" Bati nito kay Ashi.
"Mmm. Kalalabas niyo lang?" Tanong pa ni Ashi sa lalaki.
"Yeah," nakangiting sagot nito.
"Tse!" Usal ni Drix at nagpati-unang naglakad.
Halatang nagselos ito. Tumahimik na lang kaming lahat hanggang sa makarating sa parking lot.
Napatingin pa kami sa gilid ng kotse ni Drix nang may kausap ito. It's Kiana. Nakangiti pa ang gaga habang nakasandal sa kotse ni Drix.
Psh!
Nakita kong napatingin si Ashi sa gawi nila. At hindi nakaligtas sa mga mata kong kumuyom ang kamao nito na ikinagulat ko. Nawala lang ang attention nito sa dalawa nang magsalita si Damon.
"By the way, are you busy tomorrow?" Tanong pa nito.
"Hindi naman. Why?" Malumay na sagot ni Ashi.
"I want to invite you to go out tomorrow. I have something to tell you." Alanganing sabi nito.
Napatingin pa si Drix sa gawi ng dalawa at kita ko ang pagkuyom ng mga kamo nito. Nandilim pa ang mga matang nakatingin kay Damon.
"Okay." Sagot ni Ashi bago lumapit sa Ducati niya at pinaandar ito.
"I'll fetch you tomorrow," nakangiting sabi ni Damon.
Tinanguan lang ito ni Ashi bago tumingin sa amin ni Xandra.
"Let's go." Blankong sabi nito bago naunang umalis.
Napangiwi kami ni Xandra bago nagtanguan. Nagpaalam pa ako kay Keart bago sumampa sa motor ko.
"Bye guys! See you on Monday!" Sigaw ko pa sa kanila bago tuluyang umalis ng parking lot.
Excited na kami sa graduation day namin. Sana maging maayos ang lahat.
A/N: Wusho! Sanaol malapit na ang graduation nila. I hope you rnjoy reading, blueeems!
Love yah!🥰
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top