Chapter 188 "Hit and run"
LUKOT ang mukha ni Ashi habang palabas ng emperor's office na nakapamulsa. Nakatingin lang siya sa likod ng lalaking nasa harap niya. Kanina pa ito sa loob na panay ang titig sa kaniya. Everytime na magtatagpo ang mga mata nila ay umiiba ang tibok ng puso niya. She feel strange. It feels like, she knew this guy but she can't recognize him because of the mask he's wearing. Napapailing na napayuko na lang siya habang patuloy sa paglalakad palabas.
"Fuck!?" malutong na mura niya nang biglang mauntog ang noo niya sa matigas na---likod.
Nasapo niya ang noo ng lumingon sa kaniya si Red
"Watch your way, Black." brusko ang boses na sabi nito na ikinatigil niya.
That voice...
Napatitig siya sa mga mata nitong blanko at nanunuri.
"Tse! You know what? You look like my girlfriend." biglang sabi ng lalaki.
Nagsalubong ang mga kilay niya at blankong tiningnan ang lalaki.
"Tsk! I don't have a look alike. I'm just the only one." masungit na saad niya bago tinalikuran ito at nagpati-unang lumabas.
Hindi niya pinansin ang mga nakatingin sa kaniya at parang si Flash kung maglakad.
"Oh? Natagalan kayo?" tanong ni Xandra nang makalapit siya sa mga ito na naghihintay sa parking area ng UG.
"Tsk! I'll talk about it later," walang ganang sagot niya sabay sampa sa ducati nito.
Napatingin pa siya sa gilid kung saan naghihintay ang mga kasamahan ni Red. Nakatingin ang mga ito sa gawi nila.
They seems familiar to me.
Tsk!
"Let's go." Yaya niya sa mga kasamahan at pinaandar ang ducati bago naunang umalis.
Nakangiwing naiwan sila Xandra habang napapailing. Kahit kailan ay napaka bossy nito.
"Wew! Ang astig ng leader niyo." biglang komento ng isang lalaki na membro ng Red Dragon.
It was Twilight.
Hindi sila pinansin nila Xandra at halos sabay-sabay na umangkas sa motor nila.
"Well, hindi lang siya nag-iisa. We're cool, too. Nalamangan lang kami nun ng isang paligo." cool na saad ni Xandra sabay wink sa lalaking nakasandal din sa motor nito.
Napanganga pa si Night, ang lalaking kinindatan niya habang nakatingin sa kaniya. She smirk before she started the engine and left. Agad na sumunod sila Kyla at bumalik sa headquarters nila (HQ).
PAGDATING sa headquarters ay pagod na nagsi-upuan sila sa sala. Napatingin si Xandra kay Ashi na tahimik habang nakatitig sa kisame.
"Hey!" Tapik niya rito. "Ayos ka lang?" tanong niya.
Nakatingin na silang lahat dito na napapabuntong-hininga habang animo'y malalim ang iniisip.
"The Red Dragon gang," biglang anas niya.
Takang tiningnan siya ng mga ito.
"Why? Anong mayroon sa mga yun?" tanong pa ni Lyka.
Naupo nang maayos si Ashi at hinilot ang sintido niya.
"They seems very familiar to me. Mula pa no'ng umpisa natin silang nakakasalamuha sa UG," kunot noong sagot nito.
Biglang nagsalita si Clark na tahimik na umiinom ng beer incan.
"Tsk! I think, too." kibit-balikat na saad nito.
"Wait, akala ko, ako lang ang nakakaramdam ng ganun." sabat ni Kyla.
Tumaas ang kilay ni Xandra habang naka-cross arm at napaisip. Well, ilang beses na rin niyang napapansin na parang kilala niya ang mga miyembro ng red dragon.
Napansin niya rin kung paano makatingin kay Ashi ang lider ng gang. They seems like, there's something between his stares to Ashi. Nakita niya rin kanina kung paano lumukot ang mukha ng lider ng red dragon nang akbayan ni Stone si Ashi.
Psh!
Speaking of Stone. Nagtataka rin siya sa sinabi nitong nakita na namin siya sa labas ng UG. Eh wala naman silang maalala na nakita nila ito. Ever since, hindi naman lumalabas ang isang yun ng walang mask, eh. 'Ni hindi nga nila nakita ang tunay niyang mukha kahit pa close nila ang isang yun.
Palibhasa anak ng king at queen ng organization nila.
"Aside of that, why Stone said that you guys already met him outside without his mask?" nakataas kilay na tanong ni Lyka.
"Yeah. Nagtataka rin ako sa sinabi ng isang yun." balewalang sabi ni Kyla.
Hindi nagsalita si Ashi habang nakapikit na ito. Mukhang malalim na naman ang iniisip nito. Napangiwi si Xandra ng maalalang may LQ nga pala sila ni Drix.
Nag-uusap na lang sila at hinayaan si Ashi. Alam nilang masyadong magulo ang isip ng pinsan niya ngayon.
DAYS PASSED at naging busy ulit silang lahat sa school nila. Ilang linggo na lang ay exam na para sa last semester at graduation na. Panay lang ang lecture at quiz ng mga professor nila every meeting. Idagdag mo pang pinag-iinitan na naman ni Ms. Taba si Ashi na hanggang ngayon ay hindi kinikibo si Drix na panay ang suyo sa kaniya. Kulang na nga lang ay pumunta sa rooftop ang lalaki at tumalon para lang kausapin ito ni Ashi. Pati ang mga kaibigan nila ay na pre-pressure na rin sa dalawa. At naiinis pa sila dahil panay pa rin ang dikit ni Kiana kay Drix kahit na halata naman sa mukha ng lalaki na naiirita na ito.
Tulad na lang ngayon, lahat sila nakanganga habang nakatingin kay Ashi na inabot ang bouquet galing kay Drix at binigay kay Kiana na nakabuntot sa lalaki.
"Sa kaniya mo ibigay. Siya naman ata girlfriend mo, buntot nang buntot sa 'yo, eh." malamig na saad ni Ashi at tumalikod.
Nakita nila kung paano lumungkot ang mukha ni Drix. Tatlong araw na nitong sinusuyo si Ashi pero walang talab sa mayabang na kaibigan nila.
Mukhang naiinis nga ito sa presensiya ni Kiana. Kahit sila ay malapit nang masapak si Kiana ng malaman nito na nakakainis ang laging pagbuntot nito kay Drix.
"Love..." Bulong ni Drix at bagsak ang mga balikat na sinundan ng tingin si Ashi na ngayon ay kausap na ni Ice Damon Thornheart.
Naging malapit na kasi si Damon kay Ashi dahil na rin sa pagtulong ng lalaki kay Ashi noong nakaraan ng may nakaaway itong gang sa daan. Bagay na alam nilang ikinaselos na rin ni Drix.
Nakaramdam sila ng awa para rito.
"Pagpasensiyahan mo na ang kaibigan namin, Drix." saad ni Kyla.
"Alam naming nagseselos lang yun kaya layuan mo 'yang linta sa likod mo. Parang aso kung maka-buntot sa 'yo." Nakairap na sabi ni Xandra at sinadyang bungguin ang balikat ni Kiana.
"Ouch!" maarteng daing nito pero inirapan lang ito nila Stella at sumunod kay Xandra.
Naiwan silang magkakaibigan habang napapailing na lang si Lyle.
"Xandra's right. Kilala natin si Ashi, dre. Kausapin mo muna si Kiana nang magka-ayos kayong dalawa ni Ashi. Monthsary niyo pa naman kaya ayusin mo." Napabuntong-hiningang sabi ni Lyle.
Halos mapamura si Drix sa isip niya at naglakad paalis hila-hila si Kiana. Napabuntong-hininga na lang sila Keith habang nakatingin sa kaibigan.
"He's in trouble now." wika pa nito.
Keart snorted.
"Psh! Kung bakit ba kasi laging nakabuntot sa kaniya si Kiana," saad pa nito.
"Mukhang patay na patay sa kaniya ang isang yun." sagot ni Lyle.
Naupo sila sa bench na nakita nila habang nag-uusap. Pasado alas-syete pa rin naman ng umaga.
"Oo nga pala, kamusta naman kayo ni Xandra, Insan?" nakangising tanong ni Keart.
Natigilan si Keith at napapailing na tumingin sa pinsan.
"What about us?" inosenting tanong nito habang inaayos ang suot na salamin.
He looks cute with his gesture.
"Tsk! Magmaang-maangan ka pa talaga, insan? Sabihin mo na kasi," natatawang anas ni Keart sabay pabirong suntok sa balikat nito.
"I'm not. I have nothing to say, Keart." giit nito at binuksan ang librong dala.
Napairap na lang ang huli habang natawa naman si Lyle.
"You can't hide it to us, dre. I know, you like Miss Acosta but you can't recognize it for now." Aniya habang nakatingin dito.
"Tss! Eh ikaw nga, ang torpe mo pa rin. You like Bella but you don't even make a move. Baka maunahan ka na naman tulad kay Ashi noon." kantyaw ni Keith sa kaibigan.
Mabilis na umingos si Lyle habang natatawa. Mukhang nasapol ito sa sinabi ng kaibigan.
Yeah. He like Ashi before when the first time he saw her. But he hold back because he knows that Drix likes her.
Hindi naman sa torpe siya o kung ano. Humahanap lang naman siya ng timing. He likes Bella dati pa man. Hindi lang niya maamin dahil pinsan ito ng kaibigang si Drix.
"Hindi ako torpe tulad mo, dre. I just wait for the right time to confess." nakangiting sabi nito kay Keith.
Agad namang sumabat si Keart na parang nakangiting ulol.
"Naks! Sinasabi ko na nga ba, eh! Hindi lang kami ni Drix ang in love!" Kantyaw nito.
"Tss! Except me. I'm not in love." tanggi ni Keith at tumayo saka iniwan silang dalawa.
Nagkatingin sila at sabay na napapailing habang nakangisi.
"Shit! Ikaw ang hari ng katorpihan, Keith Evans!" sigaw ni Keart.
Pinakyuhan lang siya nito habang bitbit ang libro sa kabilang kamay. Natatawang sumunod na lang sila rito at nagtungo sa building nila.
***************
Drixon's Pov.
BADTRIP na binitawan ko si Kiana nang makarating kami sa harden. Gusto ko itong kausapin dahil alam kong siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin kami bati ng taong mahal ko. Napapikit ako at napahinga ng malalim bago seryusong tumingin kay Kiana.
"Kiana," panimula ko. "Can you please stay away from me?" tanong ko sa kaniya.
She frowned.
"But why? You promised that you will protect me----"
I cut her.
"Look, Kiana, understand me. Ashi and me is not in good terms now because of you." napapahilamos ang mukhang sabi ko. "You better tell your parents about your situation so that, they can protect you and not me." deretsong dagdag ko.
Natahimik siya habang nakatingin sa akin. Nakita ko pang parang may galit na dumaan sa mga mata nito pero binalewala ko lang.
I badly want to settle this for my girl. Fuck! It's been three days since I can't kiss her!
Her kiss is my fucking medicine to calm down if I am in a bad mood.
Nasigawan ko pa nga si Drixie kanina dahil kinukulit ako tapos wala pa ako sa mood. Nagtampo tuloy sa akin ang kapatid ko.
Idagdag mo pang ngayon ang fourth monthsary namin ni Panget. Kaya ko siya binigyan ng bulaklak kanina dahil monthsary namin ngayon.
Fuck!?
"Drix, you know that I don't want to----"
"I know, but understand me, too." Pigil ko sa kaniya. "We're over and protecting you is not my duty anymore." I frankly said.
Hindi siya nakapagsalita at nakita kong parang nasaktan siya sa sinabi ko. Naikuyom ko na lang ang mga kamao ko.
It's not my intention to hurt her. Pero kung hindi ko sasabihin yun, kaming dalawa naman ng babaeng mahal ko ang masisira.
"Kiana, you know that I don't want to hurt you. So, please. Stay away from me from now on." huling sabi ko bago siya tinalikuran.
Naipikit ko ang mga mata ko at parang nabunutan ng tinik ang dibdib ko. Ngunit, agad na napahinto ako sa paghakbang ng pigilan ako ni Kiana.
Nakaramdam ako ng inis pero pilit kung kinalma ang sarili. Ayaw kong mapagsalitaan ito ng masasakit na salita.
Alam kong hanggang ngayon ay may gusto pa rin siya sa akin. But I love Ashi and I'll never let anyone ruin our relationship.
"Kiana, hindi mo ba maintindihan----"
"You want me to stay away from you for her? But what about her?" makahulugang pigil nito sa akin.
Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya.
"What do you mean?" Naguguluhang tanong ko.
Ngumiti siya bago tumingin sa kung saan. Nagtatakang sinundan ko ng tingin ang tinitigan niya.
What the fuck!
Dumilim ang paningin ko dahil sa nakita ng mga mata ko.
"What now?" biglang tanong ni Kiana.
Mahigpit na kumuyom ang mga kamao ko habang nakatingin sa ilalim ng puno sa dulo nitong harden.
I saw Ashi and Ice Damon talking happily under the tree.
Fuck!
Parang gusto kong manuntok ngayon. Ang saya-saya nila tingnan. Animo'y close na close na sila, samanatalang tatlong araw pa lang silang nagka-close, eh!
Aaminin kong nagseselos ako sa tatlong araw na lagi silang nag-uusap. Samantalang ako ay hindi man lang niya kinakausap kahit pa nagmamakawa pa ako.
She promised me to stay away from him but what now?
Mukhang hindi nga niya naalalang monthsary namin ngayon, eh!
"Fuck it!?" galit na mura ko at mabilis na naglakad palapit sa kanila.
I want to punch him. Kahit isa lang ng malaman niyang pag-aari ko ang nilalandi niya.
"Drix!" rinig kong sigaw ni Kiana pero hindi ko ito pinansin.
Nagtatagis ang bagang na mabilis kong hinakbang ang layo nila sabay dakma sa pesting Ice Damon at malakas na sinuntok sa mukha.
"Bisugo!" gulat na sigaw ni Panget pero hindi ko siya nilingon.
Pakiramdam ko ay kinain na ako ng pesteng selos! Masama pa naman ako paselosin pesting 'yan!
"Fuck!" mura ng hinayupak habang sapo ang dumudugong gilid ng labi nito.
I gave him a death glare.
"Stop flirting with my property! I didn't give you a damn permission to flirt with my girl!?" Galit na sigaw ko sa pagmumukha nito.
Sinamaan niya ako ng tingin pero tinaliman ko lang siya ng mata. Alam kong una pa lang ay may gusto siya sa pag-aari ko.
Iyon ang rason kung bakit ayaw kong magkalapit sila ni Panget. Ilang beses ko siyang nahuhuli na laging nakatingin at nakamasid kay Panget.
Fuck him!
"Bisugo! Ano ba'ng problema mo at bigla kang nanununtok lintik ka!" naiinis na sigaw ni Panget.
Nanigas ako sa sigaw nito at sa pagmura sa akin. Fuck! Ngayon ko lang uli siya narinig na minura ako mula noong magkaaway pa kami dati.
Dahan-dahan akong napalingon sa kaniya. Our eyes met the moment I look at her. I can see the irritation in her eyes.
"Nakasama mo lang siya, minumura mo na ako?" sarkastikong tanong ko.
Bahagya siyang natigilan pero tinaliman din naman niya ako ng mata.
Fuck!
"Eh bakit ka ba nanununtok? Wala namang ginagawang masama sa 'yo----"
I cut her.
"Wala? He's f*cking flirting with you! That's why I punch him because I was f*cking jealous!?" galit na sigaw ko habang mariing nakatitig sa mga mata niya.
Hindi siya naka-imik habang nakatingin sa akin. Wala akong paki kung nasabi kong nagseselos ako dahil iyon ang totoo.
I won't f*cking ashame to tell that I'm f*cking jealous.
"Tsk! I didn't flirt with her." Damon broke the silence.
Umigting ang panga ko at matalim na tiningnan ito. Nagsalita pa talaga siya, ah!
"Did not flirt your ass! I'm not a f*cking stupid for you to fool me, moron!" Galit kong singhal sa kaniya.
Gusto ko pa sana siyang upakan kaya lang baka magalit lalo si Panget.
"Bisugo, tumigil ka na," sita ni Panget.
Nakipagtagisan ako ng titig sa pesting Damon na 'to bago bumaling sa kaniya.
"Stay away from him, Panget. Baka hindi lang suntok sa mukha ang magagawa ko sa kaniya." Seryusong sabi ko. "I swear, I'm not good when I'm f*cking jealous." huling sabi ko bago tumalikod at mabilis na umalis sa harden.
Gustong-gusto kong itanong kung naalala ba niyang monthsary namin ngayon pero mukhang hindi na kailangan.
F*ck! It's hurt!
Dumeretso ako sa locker at kinuha ang gamit ko bago umakyat sa building namin. Hindi ko pinansin ang mga bumati sa akin habang blankong naglalakad.
"Hala! Anyare kay Drix?"
"Oo nga, ang bigat ng aura na dala niya."
"Duhh! Halatang may LQ sila ni Miss Ibañez."
"Halata nga, noong nakaraam pa sila ganiyan."
"Mas lumala ngayon 'kamo,"
"Wait, 'di ba monthsary niya ngayon?"
"Oo nga, eh. Tapos hindi pa sila bati,"
"Ang sa naman."
Rinig kong mga bulungan nila but I didn't give a damn care hanggang sa makarating sa room. Deretsong naupo lang ako sa upuan ko. I want to calm myself before I can do such thing that I will regret at the end.
Tse!
*************
Ashi Vhon's Pov.
Salubong ang kilay kong nakatingin sa papalayong Bisugo habang pino-proseso sa utak ang mga sinabi nito. Nagseselos siya? Tanong ko sa isip ko. Tsk! Nagseselos pa pala ang gunggong na 'yon? Eh wala naman kaming ginagawang ikakaselos niya. Samantalang kapag sila ang nagsasama ni Kiana ay hindi ako lumapit para sapakin din ang babaeng yun.
Tsk!
Kahit kailan baliw ang bisugong yun! Sarap sipain ng malaman niyang nagseselos rin ako---Tsk!
Habang tumatagal nagiging iba na ako dahil sa lintik na yun! Ano ba kasing ginawa no'n sa akin, eh!
Napahinga na lang ako ng malalim bago binalingan si Damon. Medyo na-guilty ako dahil sa pagsapak ni Bisugo sa kaniya.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko pa.
He smiled but it turn into a wince because of the cut in his flank lips. I feel sorry for him.
"I'm fine. It's just a little cut by the way," natatawang sagot niya.
Tsk!
Napapailing na lang ako bago siya hinila paalis ng harden. Nandito kami kanina dahil may pinag-uusapan lang kami for some things.
"Hey! Where are we going?" takang tanong nito.
"Sa clinic," maikling sagot ko.
Huminto siya sa paglalakad dahilan para mapahinto rin ako. Tumingin ako sa kaniya ng may pagtatakang tingin.
"I don't need to go to the clinic. This is nothing, Ash." Mahinahong sabi niya.
Hindi na siya tulad ng dati kung magsalita na laging bossy at walang paki. Well, parang ako lang naman noon.
Tsk!
"Kahit na, kailangan pa rin iyan linisin. Baka magka-infect ka pa niyan." giit ko.
Kargo di konsesniya ko pa 'pag nagkataon. Bigla siyang natawa na ikinatigil ko. Hindi pa rin ako sanay na makita itong tumatawa. Laging poker face ang isang 'to, eh.
"Really, Ash? Infect? This is just a simple cut though but it's not getting infectious." napapiling na sabi niya.
Napaiwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Oo nga naman, tsaka, hindi pa pala niya iyon ikakamatay.
"Tsk! Yeah. Hindi mo pa nga naman ikakamatay 'yan." kibit-balikat na sabi ko bago naglakad patungo sa building namin.
Narinig ko pa itong tumawa pero hindi ko na siya nilingon pa. Actually, magaan ang loob ko sa isang yun. Nagkamali akong pinagkamalan ko siya dating kaaway.
Tsk!
Pagdating sa classroom ay busy ang mga kaklase namin sa kani-kanilang ginagawa. Nakapamulsang pumasok ako at hindi tiningnan si Bisugo. Bahala siya sa buhay niya. Doon siya kay Kiana, mukhang sila yung mag-jowa at hindi kami, eh.
Naupo ako sa upuan ko at saktong pumasok ang terror na si Miss Taba. Huwag sana akong pag-initan at baka masagot ko na naman siya. Gusto ko pa namang maka-graduate this year.
Agad itong nagsimulang magturo sa harap kaya nakinig ang lahat. Alam mo yung feeling na kinakabahan ka na baka ikaw ang ituro nito para sagutin ang tanong niya? Well, parang mga dagang takot sa pusa ang mga kaklase namin.
Tsk!
"Our topic for this morning is all about the evolution of life." panimula nito.
Buti na lang nakapag-advance reading ako kahapon matapos kong makipag-usap kay grandmaster tungkol sa bagong mission na pinapagawa ng kataas-tasaan sa organization namin.
Well, you know that we're belong to an organization which have different groups and ranks.
Ito ang bagay na kinabibisihan namin nila Xandra maliban sa pag-aaral at sa mga nangayayare nitong mga nakaraan.
Mr. Ong is not yet on the move. Mukhang nagpapalakas pa ang hinayupak na iyon. Huwag lang talaga siyang gagawa ng bagay para kitilin ko ang buhay niya.
"Miss Ibañez!" malakas na sigaw ni Taba.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya ng may nagtatanong na tingin. Kakasabi ko lang na huwag akong pag-initan, eh! Baka sa kaniya ko pa maibuhos ang inis ko kay Bisugo psh!
"What?" simpleng tanong ko.
Sinamaan niya ako ng tingin na ikinailing ko ng lihim.
"Are you listening to my discussion?" inis na tanong nito.
Tsk!
Kala ko naman kung ano na.
"Yes, Ma'am." mahinahong sagot ko.
Napataas ang kilay niya at sumandal sa mesa nito.
"Really? Then, stand up. What are the first photosynthesis organisms to form---"
"Tsk! Cyanobacteria," pigil ko sa kaniya.
Mas tumaas ang kilay nito at muling nagtanong. Mukhang sinusubukan niya ako, ah.
Psh!
"What is fossil?" Nakataas kilay na tanong nito.
I smirk.
"Fossil, is the remains or impression of a prehistoric organism preserved in petrified form or as a mold or cast in rock. Fossils are formed when sediment covers some material, such as piece of bone." mahabang sagot ko habang nakapamulsa.
Napapalakpak ang mga kaklase ko pero nakatingin lang ako sa terror na 'to.
"What are the four evidences of evolution?" nanghahamon na tanong uli nito.
Anak ng tinapa!
"Fossils, anatomy and embryology, biogeography and molecular biology are the four evidences of evolution." malumay na sagot ko.
Ang kaninang nakataas na kilay nito ay bumalik sa dati at ngumisi bago napabuntong-hininga.
"Believe nga naman ako sa 'yo." Anas nito. "What is the largest organ part of the body that can feel hot and cold?" mahinahong tanong nito.
It's seems like, turning tables, huh. Tsk!
"Skin," pormal na sagot ko.
"What is the capital city is most populated in the world?" She asked.
Anak nang...
Hindi ko napigilan magsalubong ang mga kilay ko. Pang history na yung tanong niya at hindi konektado sa topic nito.
"Miss Alcantara, you are a science teacher not a history teacher." Walang gatong na sabi ko instead of answering her questions.
"Just answer." Wika nito.
"Tsk! Tokyo in Japan is the capital city that most populated in the world." walang ganang sagot ko.
Sinusubukan niya talaga akong lintik na iyan! Anong akala niya sa akin? Bobo? Psh!
Suminyas itong maupo ako kaya umupo na ako pero napatigil din dahil sa tanong na naman nito.
Lintik! Ako lang ba talaga ang paborito niya?
"Last question, How many bones are in human body?"
Tsk!
"There are 300 bones for children and 206 in adults." nagpipigil ang inis na sagot ko.
"Good. I'm just testing your intelligence. You may now take your seat." sinyas niya bago tinawag si Bella.
Napapailing na lang si Xandra habang nakasandal sa upuan niya.
"Miss Cobler, please stand up." parang hindi isang terror na saad nito. "What is the Cambrian explosion?" She asked.
Tumayo si Bella bago sumagot.
"Cambrian explosion is the sudden appearance in the fossil record of complex animals with mineralized skeletal remains." Magalang na sagot ni Bella.
"Good. Take your seat. Miss Luxon, stand up." tawag nito kay Kyla. Tahimik na nakinig na lang kaming lahat. "What is the highest level in the taxonomy hierarchy?"
"Species." maikling sagot nito.
Tumango ito bago pinaupo si Kyla at tinawag si Xandra.
"Miss Acosta, Who is Miller-Urey?" kalmadong tanong nito.
"Miller-Urey, was the first attempt to scientifically explore ideas about the origin of life." She answered.
Akmang uupo na siya nang nagsalita ulit so Miss Taba.
"What is Eukaryotes?"
"Eukaryotes are organisms whose cells contain a nucleus and other membrane bound organelles. In every eukaryotes, the cell's genetic material, or DNA, is contained within an organelle calls the nucleus called chromosomes." mahabang lintaya ni Xandra.
Miss Alcantara seems impressed. Napapailing na lang ako.
"Good. Mr. Chevalier, stand up!" tawag nito kay Bisugo. Hindi ako lumingon at tumingin na lang sa harapan. "When is Microscopic fossils discovered?"
"It discovered in a nearly 3.5 billion years old piece of rock in western Australia are oldest fossils ever found and indeed the earliest direct evidence of life on earth." He answered.
That's my boy.
Tsk!
Nagpatuloy sa pagtatanong si Miss Taba pagkatapos ay pinagpatuloy ang pagdi-discuss nito.
Nang matapos ay pumasok ang next subject namin at nagpa-quiz lang ito bago nag-discuss. Natapos ang klase sa umaga na ramdam ko ang matalim na titig ni Bisugo sa likuran.
Ano kaya ang problema ng bisugong yun? Tumayo na lang ako at lumabas ng room. Hindi ako bumaba at dumeretso na lang sa rooftop bago naupo sa nag-iisang bench.
Gusto ko lang muna magpalamig at magpahinga. Wala akong ayos na tulog kagabi kakaisip sa lintik na Bisugo na iyon. Halos mapuno nito ang inbox ko sa mga text at calls nito.
Tsk!
Alam ko namang hindi siya ang humalik, eh. Kaya lang nagpahalik ang lintik at hindi umiwas. Sarap bigwasin.
Arghh!
Buweset!
"Ash!" napalingon ako sa hagdan ng rooftop at nakita ko si Liam.
May dala itong paper bag habang nakapamulsa ang isang kamay sabay lapit sa akin.
"Oh?" tanong ko rito.
"Anong, oh? Tsk! Ngayon na nga lang ako nagkaroon ng time na lumapit sa 'yo, eh." nakangiwing sabi nito.
Oo nga naman, busy nga pala siya. Lalo na't pinapa-uwi siya ng magulang nito sa Germany next month.
"Alam kong hindi ka bababa para mag-lunch kaya nagdala na lang ako para sa 'yo." Lintaya nito kaya bahagya akong napangiti at binuksan ang paper bag.
Inilabas ko ang laman nito at inilapag sa bench na kinauupuan namin.
"By the way, hindi pa rin ba kayo nagkabati ni Drix?" biglang tanong nito.
Napangiwi ako at hindi nagsalita. Nakita kong napapailing ito at akmang tatayo ng mapatingin ito sa likod ko.
"Nag-lunch ka na?" tanong ko sa kaniya.
Tumango lang ito at hindi umimik. Hindi ko na lang siya pinansin at nagsimulang kumain. Akmang susubo ako ng may pumigil sa kamay ko.
"Tse! Don't eat that. Here. Eat this," biglang sabi ni Bisugo.
Mabilis na napa-angat ako ng tingin at nagtama ang mga mata namin. Seryuso lang ito at halata ang inis sa mukha nito.
Tsk!
"No, thanks. Do'n mo ibigay kay Kiana kung gusto mo." sabi ko at kumain.
Natahimik ito at ramdam ko ang matalim na titig niya. Hindi ko siya pinansin at panay lang ang subo ko.
"Panget----"
"Tsk! Umalis ka na kung ayaw mong sipain kita pababa." malumay na pigil ko sa kaniya.
Marahas na napabuntong-hininga siya bago ibinaba ang hawak na paper bag sa harap ko.
"Kainin mo 'yan, kung ayaw mo, itapon mo na lang." mahinang sabi nito bago tumalikod at umalis.
Napahinto ako sa pagkain at sinundan ito ng tingin bago bumaba ang tingin ko sa paper bag.
Napabuntong-hininga ako ng mabasa ang salitang 'sorry' sa harap nito.
"Tsk! You're just hurting yourself, Ash. I know, you love him. Why can't you just forgive him?" nakangiwing tanong ni Liam.
Natigilan ako sa tanong niya. Why can't just I forgive him? Tanginis! Gustong-gusto ko na siyang patawarin kaya lang pinipigilan ko ang sarili ko. Hangga't nakabuntot sa kaniya si Kiana ay hindi ko siya kakausapin at makipag-ayos.
"Kinakain ako ng selos." pabulong na saad ko na alam kong narinig ni Liam.
Ramdam kong nakatitig ito sa akin. Alam kong naninibago siya sa sinabi ko. Hindi ako yung taong nagseselos kahit pa noong kami ni Debbien. Pero ngayon ay nag-iiba ako pagdating kay Bisugo.
Maybe it's because I really love him that much.
Tsk!
"Mahal mo talaga siya 'no?" biglang tanong nito.
Tiningnan ko siya at kita ko ang hindi mapangalanang emosyon sa mga mata nito na agad din namang nawala.
"You've been change a lot since you met him." hindi ko alam kung talagang may inggit sa boses nito.
Anyare sa kaniya?
"I've been jealous before with Debbien for having you. But untill now, I still don't have a chance to confess my feelings with you." may pait sa boses na sabi nito na ikinatigil ko.
What the fuck!?
Para akong natuod habang nakatingin sa kaniya na nakatingala sa langit.
"Anong sabi mo?" Naiilang na tanong ko.
Ngumiti siya at nagbaba ng tingin sa akin sabay iling.
"Nothing. Forget what you heard. It's nothing anyway," saad niya.
Maya-maya ay tumayo siya na ikinakunot ng noo ko.
"Aalis ka na? Hindi pa nga ako tapos kumain, eh." naka-iwas tinging sabi ko.
Parang ang awkward ng feeling. Isang matalik na kaibigan lang ang tingin ko sa kaniya simula noon pa man.
"Yeah. Nakalimutan kong may iniutos pala sa 'kin si Jiro kanina na kakailanganin niya ngayong hapon." nakangiting aniya sabay tingin sa relo niya.
Tinanguan ko siya at nagpasala lolmat sa pagkaing dinala niya.
"Salamat sa pagkain, ah."
"Wala yun. Malakas ka sa akin, eh. Huwag mo na rin isipin yung sinabi ko kanina. Nagbibiro lang ako." Natatawang sagot niya.
Natawa na lang ako at tumango. Akmang aalis na siya ng muli itong humarap at nagsalita.
"By the way, if I were you, you should forgive him before it's too late." makahulugang babala niya.
Nagkibit-balikat ako at hindi pinahalatang medyo kinabahan ako sa sinabi niya.
"Pag-iisapn ko pa," maikling sagot ko.
He chuckled.
"If you really love him, stop thinking and talk to him for the sake of your love." napapailing sabi niya. "You have a lot of rivals with him, Ash. Be careful if you don't want losing him forever." dagdag niya bago tuluyang naglakad paalis.
Nabitawan ko ang hawak na plastic spoon at napahinga ng malalim. Nawalan na ako ng ganang kumain kaya niligpit ko na lang at ibinalik sa paper bag ang pagkain.
Kinuha ko ang dinala ni Bisugo kanina at sinilip ito. Natigilan ako ng makita ang laman nito. May isang maliit na red box na nakapatong sa tupperware.
Kinuha ko ito at inilabas. May isang sticky note pang nakadikit sa takip ng tupperware.
Kinuha ko ito at binasa.
'Happy fourth monthsary, Love. Eat these food. I cook it for you. I hope you can talk to me. I'm sorry. Please talk to me. I'm going to be crazy without you. Please.
~Bisugo~
Para akong binuhusan ng malamig na tubig habang nakatitig sa sticky note. Shit! Nakalimutan kong monthsary nga pala namin ngayon. Kaya pala binigyan niya ako ng bulaklak kanina.
"Shit!" malutong na mura ko.
Nakaramdam ako ng konsensiya para sa kaniya. Alam kong malungkot siya ngayon. Ito ang unang beses na monthsary namin na hindi kami bati at magakasama.
I should have known!
Binuksan ko ang maliit na box at bumungad sa akin ang isang simple ngunit napakaganda tingnan na bracelet.
I know, this is expensive.
Naramdaman kong may pumatak mula sa mga mata ko.
Shit!
Mabilis na sinara ko ang box at ibinulsa ito bago tumingin sa relo ko. Malapit na ang afternoon class. Mabilis na tumayo ako at kinuha ang dalawang papar bag.
Maybe Liam is right. I should talk to him.
Bumaba ako ng rooftop at dumeretso sa classroom. Tumingin ako sa likuran at nakita ko si Bisugo na nakadukdok sa upuan nito.
Mamaya ko na lang siya kausapin pag-uwian na. Naupo ako sa upuan ko at ibinaba sa gilid ang dalawang paper bag.
Nang pumasok sila Xandra ay nakasunod ang unang subject teacher sa afternoon class. Halos hindi ako nakinig sa discussion dahil si Bisugo ang nasa isip ko.
What should I give to him as a gift?
Laging siya na lang ang nagbibigay ng regalo tuwing monthsary namin.
Hayst!
Hanggang sa natapos ang afternoon class at walang pumasok sa utak ko. Mabilis na tumayo ako ng makitang nakalabas na si Bisugo.
Pagdating sa locker room ay akmang tatawagin ko ito ng lumapit si Damon habang nakapamulsa.
"Hey!" bati nito.
"Mmm. May kailangan ka?" tanong ko habang nakatingin kay Bisugo na naglalagay ng gamit sa locker nito.
"Yeah. Are you free tonight? I want to invite you a dinner if you're free." Wika nito.
Biglang napalingon si Bisugo sa gawi namin at nakita ko ang lungkot at sakit na dumaan sa mga mata nito na agad ding nawala bago napapailing at naglakad paalis.
Ay lintik!
"May kakausapin ako kaya hindi ako makakasama sa 'yo." sagot ko.
Tipid na ngumiti ito at tumango bago nagsalita.
Shit! Kailangan ko pa sundan si Bisugo!
"It's ok. Next time na lang." anito. Tumango ako at nagsimulang naglakad.
Sumabay naman siya sa akin hanggang sa makalabas kami ng gate. Hinanap ng mata ko si Bisugo. Nakita ko itong pumasok sa kotse niya. Napatingin ako sa passenger seat.
Is that Kiana? Magkasama na naman sila? Tanginis na 'yan! Kakausapin ko pa siya!
Mabilis na lumapit ako pero nakaalis na ito.
"Anak nang..." Bulalas ko pa.
"Hey! What's wrong?" takang tanong ni Damon.
Mabilis na sumampa na lang ako sa motor ko at sinabit ang paper bag sa kambyo ng ducati ko.
"Ayos lang ako. Susundan ko lang si Bisugo para kausapin." sagot ko bago umalis at sinundan ang kotse ni Bisugo.
Lagot ka sa akin ngayon. Bakit magkasama na naman kayo ni Kiana. Pinasakay mo pa sa kotse mo!
Binilisan ko ang pagpatakbo ng motor ko para maabutan ko sila. Normal lang naman ang takbo ng kotse nito.
Nag-over take ako at hinarangan ang kotse nito dahilan para mapahinto ito. Tinanggal ko ang helmet at bumaba. Sakto namang bumaba silang dalawa ni Kiana at natigilan ito ng makita ako.
"Panget..." he whispered.
Tinaliman ko ito ng mata bago tiningnan si Kiana na lihim na nakangisi.
Tsk!
"Bakit na naman kayo magkasama?" salubong ang kilay kong tanong sa kanila.
This is the first time na lantaran kong ipakita ang selos ko.
"Inaya ako ni Drix na mag-date----"
"Date?!" inis na sigaw ko at bumaling kay Bisugo.
Kalmado lang ito habang nakapamulsa't nakatingin sa akin nang nakapilig ang ulo nito.
Anak nang...
"Akala ko ba gusto mo akong makausap?" salubong ang kilay na tanong ko sa kaniya.
"No need. May dinner pa kayo ni Damon, right?" Simpleng balik tanong nito.
Ano? Narinig niya pala yun kanina?
Tsk!
I can't see any emotion nor expression on his face.
"Oh! Really? Maybe it was a dinner date, aren't you?" nakangiting tanong ni Kiana sabay lapit sa akin nang makarinig kami nang malakas na busina ng truck.
Mabilis na napalingon ako sa likuran ko at nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa malaking truck na papalapit sa gawi namin!
Shit!
"Panget!" sigaw ni Bisugo pero nabingi ako sa ingay ng truck.
Napalingon ako kay Kiana na parang natuod sa kinatatayuan nito. Tangina!
Mabilis na naitulak ko si Kiana sa gilid. Bago pa man ako makatakbo ay naramdaman ko nang tumalsik na ako sa kalsada.
Napamura ako ng maramdaman ang sakit ng ulo kong tumama sa semento at ang katawan ko.
"Tanginis!" mahinang mura ng umikot ang paningin ko.
Nakaramdam ako ang hilo at panghihina lalo na ng makita ko ang dugo sa semento.
Fuck!
I'm injured.
"Kiana! Shit!" rinig kong sigaw ni Bisugo.
Pinilit kong tumingin sa gawi nila at nakita kong nakahiga si Kiana sa kalsada habang walang malay.
Lintik! Pa'nong nawalan siya ng malay eh halata namang hindi siya napuruhan.
"Bisugo..." Pabulong na tawag ko para tulungan muna ako.
Nilingon niya ako at kita ko ang gulat sa mga mata nito. May ga pasa ito sa mukha at braso. Parang papanawan na ako ng ulirat habang pinipilit kong pigilang huwag mawalan ng malay.
Lintik!
Ang sakit ng ulo at katawan ko.
"Love... help me." Nanghihinang bulong ko.
Pilit kong tiningnan si Bisugo ngunit parang ang puso ko ang nasagasaan ng makitang mas inuna niyang tulungan si Kiana kesa sa akin.
Parang namanhid ang katawan ko habang nakatingin sa kaniya na binuhat si Kiana papunta sa kotse niya.
Mapait na ngumiti ako at napapikit ng mariin ng kumirot ang ulo ko.
Lintik!
Pinilit kong bumangon pero wala akong lakas.
"Ash! Fuck! Don't sleep!" rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses.
Nagmulat ako ng mata at imbis na si Bisugo ay si Ice Damon na nag-aalalang tumakbo palapit sa akin.
"Damon..." halos wala ng boses na sambit ko sa pangalan nito.
"F*ck!? Bakit hindi ka tinulungan muna ng jowa mo! May sugat ka sa ulo!" alalang sigaw nito.
"H-he cared Kiana than me." I whispered bago ako napanawan ng ulirat.
You betrayed me, Bisugo. Mas inuna mo pa yung taong nagpanggap kesa sa akin.
You betrayed me.
I hate you.
Yung feeling na mas inuna ang ex kesa sa 'yo na girlfriend. It's hurt like a hell than being hit and run. ~Ashi
A/N: Hush! Ba't parang ako yung nasaktan? Huhuhuhu.
Don't forget to Vote, comment and follow.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top