chapter 185 " Danger"
Ashi Vhon's Pov.
Weekends
Tahimik at payapa lang akong nakansandal sa puno habang nakaupo sa ilalim nito at nakatingala sa kulay asul na kalangitan.
Napakaaliwalas ng panahon habang sinasabayan ng huni ng ibon ang pagaspas ng tubig sa 'di kalayuan.
Kanina pa ako rito dahil gusto kong magpapahangin habang hinihimay sa isipan ko ang mga bagay-bagay na bumabagabag sa akin.
Pasado alas-nuwebe pa lang naman ng umaga.
Biglang umihip ang malamig na simoy ng hangin dahilan para mapapikit ako.
Pakiramdam ko may nakayakap sa akin.
Biglang pumasok sa isip ko si Inay at Mom. Alam kong pareho na silang nasa tabi ng panginoon ngayon.
Kung pwede lang sana hilingin na makasama ko sila ngayon ay hiniling ko-----
"Ash..."
Napatigil ako dahil sa malamyos na tinig na bumanggit sa pangalan ko.
"Ash..."
Pakiramdam ko nandito lang sa malapit ang tumatawag sa akin.
At parang pamilyar sa akin ang boses na iyon.
"Ash...anak."
Napamulat ako ng mata dahil sa narinig ko.
Mom?
"Anak..."
Mabilis na napalingon ako sa paligid ko. Alam kong boses ni Mom ang tumatawag sa akin.
"M-mom?" Sambit ko sabay tayo at tumingin ulit sa paligid
Pero wala akong nakita kundi tanging mga damo at punong kahoy lang.
"Ash, nandito kami sa likod mo." muling sambit ng boses ni Mom.
Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko at dahan-dahang lumingon sa likod ko.
Bahagya pa akong napapikit dahil sa liwanag na sumalubong sa akin. Nang maging maayos ay ay nagmulat ulit ako.
Gano'n na lang ang pagtigil ng mundo ko ng makita ang dalawang babaeng nakangiti na nasa harapan ko habang nililipad ng hangin ang mahahaba nilang mga buhok.
Napakapayapa nilang tingnan at animo'y masayang-masaya na nakita ako.
Nagpabalik-balik pa ang tingin ko sa kanilang dalawa. Sinisigurado kung sino sa kanilang dalawa ang tunay kong ina.
Magkakapareho lang sila ng mukha at walang pinagkaiba maliban sa ngiting palagi kong nakikita noong buhay pa siya.
"Mom..." puno ng sayang naisatinig ko.
"Ako nga, anak. Kamusta ka na? Ang kapatid mo? Ang buong pamilya natin?" Nakangiti at sunod-sunod na tanong ni Mom.
Hindi ako sumagot at bagkus ay mabilis na yumakap ako kay Mom kasabay ng pagbugso ng iba't ibang emosyon ko.
"M-mom, I miss you." basag ang boses na sabi ko at mahigpit siyang niyakap.
"I know. I miss you too, anak. Miss na miss ka na ni Mommy." rinig kong saad ni Mom.
Hinawakan niya ang kamay ko at bahagyang lumayo sabay ngiti at tumingin sa tabi niya.
Dahan-dahan akong napatingin sa katabi niya na nakangiting nakatingin sa akin habang may kakaibang saya animo'y pinaghalong tuwa at lungkot na makita ako.
Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko habang nakatitig sa kaniya.
Parang ako ang batang version nito at nakikita ko ang sarili ko sa kaniya.
"Ang laki-laki mo na, anak." nakangiting sambit niya.
Parang hinaplos ang puso ko dahil sa tinig at sinabi nito.
"I-Inay..." basag ang boses na sambit ko.
Nakita ko kung pa'no namuo at pumatak ang luha niya dahil sa salitang 'Inay' na sinambit ko.
"Pwede ba kitang mayakap, anak----?"
Hindi ko na siya pinatapos pa at ako na ang kusang yumakap sa kaniya kasabay ng pagbuhos ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Inay..." umiiyak na sambit ko.
Pakiramdam ko hindi ako makahinga at may bumabara sa lalamunan ko. Pakiramdam ko ngayon lang ako muling umiyak ng ganito.
"Anak... mahal na mahal kita. Patawad kung wala ako sa tabi mo, kung hindi kita naalagaan. Patawad kung maaga kitang iniwan anak ko." malungkot na saad nito.
Paulit-ulit na umiling ako.
"Inay, mahal na mahal din kita kahit na ngayon lang tayo nagkita. Pakiramdam ko nawala lahat ng bigat at problemang dala-dala ko araw-araw. Huwag mo na akong iwan pa, Inay." umiiyak kung sabi.
"Patawad, anak. Mag-ingat ka lagi. Nakabantay lang kaming dalawa ni Irish sa'yo. Alam kong malalampasam mo lahat ng pagsubok na hinaharap mo ngayon." malungkot na saad niya.
Natigilan pa ako ng unti-unti itong bumitaw at lumayo sa akin.
"Inay... Mom..." umiiyak na sambit ko at pilit silang hinahabol.
"Mahal na mahal ka namin. Tandaan mong huwag ka magpapadaig sa galit mo, anak. Gawin mo kung ano ang tama." nakangiting saad ni Inay na unti-unting nawala sa paningin ko.
"I love you, anak. Ikaw na bahala sa kapatid mo at pamilya natin. Gawin mo kung ano ang tama, anak." ani Mom bago sila tuluyang nawala.
Sunod-sunod na napailing ako at humagulhol ng iyak.
"N-no! Inay! Mom!" umiiyak na sigaw ko pero hindi ko na sila nakita pa.
"No! Inay! Mom! Don't leave me! Please." nanghihinang pakiusap.
Pakiramdam ko ay hindi ko na ulit sila makikita.
"Ash! Gising!"
Rinig kong boses at naramdaman kong may tumatapik sa balikat ko.
"Inay... Mom..." mahinang bulong ko.
"Ash! Uy! Gising!"
Rinig ko na naman pero patuloy lang ako sa pag-iyak.
"What happened to her?" rinig kong boses ng isang lalaki.
"We don't know. Parang nanaginip siya, eh." Rinig kong sagot ni Kyla.
Nakaramdam pa ako na may humawak sa akin at marahang tinapik ulit ang balikat ko.
"Love, wake up." nag-alalang sabi ni Bisugo.
Doon ko lang minulat ang mga mata ko at sumalubong sa akin ang nag-aalalang mukha nito.
"You're awake. Are you ok?" nag-alalang tanong niya sabay punas ng pisngi ko.
Umiiyak ako?
Napatingin ako sa paligid at nandito pala ako sa loob ng kwarto ko sa mansion.
"What happened?" paos ang boses na tanong ko.
Nakita ko pa si Xandra at Kyla na napangiwi ngunit may pag-alala sa mukha nilang dalawa.
"Nanaginip ka uy! Kanina ka pa namin ginigising pero ayaw mong gumising tapos umiiyak ka pa. Ayos ka lang ba?" tanong pa ni Kyla.
Ano?
Nanaginip ako? Panaginip lang iyon? I t-though totoong nakausap ko sila Mom at Inay.
Nanlumo ako at muling nanikip ang dibdib ko.
Inabutan pa ako ni Xandra ng tubig kaya inalalayan ako ni Bisugo na bumangon.
Nagpaalam pa ang dalawa dahil may gagawin pa sila. Nandito kami sa mansion ng mga Ibañez dahil pinatawag kami ni Grandmaster kagabi.
Ininom ko ang tubig para ibsan ang lungkot at bigat na nararamdaman ko. Ngayon lang ako nananiginip ng gano'n.
Pakiramdam ko kayakap ko pa rin sila ngayon.
I thought it was real but I'm wrong.
Definitely wrong.
"Hey, don't cry. Is it a bad dreams?" nag-alalang tanong ni Bisugo.
Huminga ako ng malalim at umiling bago nagsalita.
"Napaginipan ko si Mom at Inay. Nakausap ko sila and I thought it was real." sagot ko.
Natahimik pa siya sandali sabay hawak sa kamay ko at ngumiti.
"It's ok. Don't be sad. I know, they're just watching you right now." pagpapagaan niya sa loob ko.
Alam kong nag-alala lang siya sa akin.
"I know. I am just afraid because they leave and disappear in my dreams. And the most I afraid for is that when the time is come that you will leave me, too." basag ang boses na anas ko.
Natahimik siya sandali bago ngumiti at umiling sabay hawak sa mga kamay ko ng mahigpit.
"Don't ever think in that way, love. I will never leave you as long as I'm still alive. Even death couldn't make us apart." Puno ng pagmamahal niyang saad.
I feel warmth when I heard those line. I feel like I don't need to worry about us.
I sigh and nodded at him.
"I love you." nakangiting saad ko.
"I love you more." nakangiting sagot niya sabay yakap sa akin at tumayo.
"Fix yourself first before we go downstairs." ani nito.
Tinanguan ko nal ang ito.
Inayos ko ang buhok ko at tumayo na rin para sana pumasok sa banyo at maligo ng may maalala ako.
Napatingin ako kay Bisugo na hinahawi ang kurtina ng kwarto ko.
Hindi pa nila alam ang bago naming tinuluyan nila Xandra mula noong nakaraang linggo.
Tsk!
Isa pa, ayaw ko siyang dumidikit sa ex niya. Pakiramdam ko ay anytime maaagaw siya sa akin.
Iba ang pakiramdam ko sa babaeng yun.
Napabuntong-hininga na lang ako.
"Love." Tawag ko sa kaniya.
Mabilis na lumingon ito sa akin ng may nagtatanong na tingin.
"Is there a problem?" tanong niya.
Seryusong tiningnan ko siya sa mata bago nagsalita.
"Could you please stay away from Kiana?" walang bahid ng kung anong anas ko.
Nakita ko siyang natigilan bago dahan-dahang lumapit sa akin.
"Why?" nagtatakang tanong niya.
Nagtatanong pa siya? Ako nga pinapalayo niya kay Yelo (Ice Damon Thornheart).
Psh!
"Kailangan pa ba yun itanong?" balik tanong ko sa kaniya.
Napakamot siya sa batok at maya-maya ay biglang rumehistro ang nakakalokong ngiti sa labi niya dahilan para lumalim lalo ang dimples nito.
Lintik na 'yan!
"Are you really jealous to her?" natatawang tanong niya.
Napaiwas ako ng tingin sabay talikod.
"Tsk! No! I'm not. Just follow what I've said. If you don't, I won't stay away from Ice Damon." nagbabantang saad ko bago pumasok sa banyo.
Narinig ko pa ang mahinang mura niya ng marinig ang pangalan ng Yelo na iyon.
"I promise to stay away from Kiana but you need to stay away from that bastard!" rinig ko pang sigaw niya sa labas bago tuluyang sumara ang pinto ng banyo.
Lihim na napangiti ako bago hinubad ang lahat ng saplot ko sa katawan at binuksan ang shower't naligo na.
*****
Palabas na kami nila Bisugo sa mansion habang nag-uusap si Xandra at Kyla ng biglang tumunog ang cellphone ni Bisugo.
Pasado alas-kuwatro na ng hapon.
Agad na tiningnan niya ito bago lumingon sa akin.
"I'll answer this first." mahinang sabi nito bago lumayo at sinagot ang tawag.
Ang seryuso ng mukha niya na animo'y mahalaga ang sasabihin ng kausap nito.
Psh!
Sumampa na lang ako sa motor ko bago ulit tumingin kay Bisugo.
Tinitigan ko lang siya habang busy sa kausap niya nang kalabitin ako ni Xandra.
"Oh?" takang tanong ko.
Tumingin pa ito kay Bisugo bago
bumulong sa akin.
Napakunot pa ang noo ko dahil sa binulong nito sa akin.
"Sinong may sabi?" seryusong tanong ko.
"It's Clark. Nagtext siya sa akin ngayon lang." pormal na sagot niya.
Napakuyom ang kamao ko. Parang bigla na namang namuo ang galit ko.
Napatingin pa ako kay Kyla ng makita ang pagseryuso nito habang nakatingin sa cellphone niya bago mabilis na lumaput sa amin ni Xandra.
"Ash, kailangan natin pumunta sa HQ ngayon din. May nangyari raw sabi ni ate!" mabilis na saad niya.
"Ano? Anong nangyari?" tanong ni Xandra.
Akmang magsasalita siya ng mapansin kong ang papalapit na si Bisugo kaya sininyasan ko siya.
Agad naman niyang nakuha ang ibig kong sabihin dahilan para tumahimik na muna ito.
"Love, I need to go now. There's important that I need to do ASAP." Nagmamadaling paalam niya.
Halata nga sa mukha nitong importante ang gagawin niya kaya tumango ako.
"Okay. May gagawin rin ako ngayon. Ingat." sagot ko pa.
Tumango siya sabay tingin kela Xandra at Kyla bago mabilis na pumasok sa kotse niya't pinaharurot paalis.
Nakahinga kami ng maluwag bago mabilis na sumampa ang dalawa sa motor nila.
"Tara na! Bilisan niyo!" sigaw pa ni Xandra at naunang umalis.
Agad na sumunod kami ni Kyla sa kaniya.
Damn you Mr. Ong.
Ginagalit mo talaga ako. Hindi na kita papalampasin pa hayop ka!?
I will bring you to where you came from bastard!
Pagdating namin sa HQ ay sinalubong kami ni Lyka.
"Jesus! Buti naman at nandito na kayo!" nagmamadaling sigaw nito.
Mabilis na pumasok kami sa loob at nakita ko si Clark na busy sa computer nito.
"Ano bang nangyari?" kalmadong tanong ko.
"May binabalak si Mr. Ong dahil sa pagkaubos ng mga tauhan niya sa kabilang kuta nito at sa pagpasok sa mansion niya." sagot ni Lyka at kinalikot ang laptop niya.
Tsk!
Hindi ako nagsalita at bagkus ay kinuha ko ang shuriken at ang matulis na kutsilyo ko.
"Ash!" tawag ni Lyka sa akin.
Kalmado pa ring nilingon ko ito.
"What?"
Mahinang napamura siya at sinamaan ako ng tingin.
"Kalmado ka pa rin kahit may binabalak si Mr. Ong sa pamilya mo?" salubong ang kilay na tanong niya.
Tsk!
As if I'm scared.
"Hayaan mo muna siya. Baka masayang lang ang kaangasan ko kung patulan ko agad yun." Walang ganang sagot ko at pumasok sa kwarto ko rito sa HQ.
"T*anginang kaangasan na 'yan!" Rinig kong malutong na mura nito bago ako tuluyang makapasok sa kwarto ko.
Napapailing na lang ako.
Kumuha ako ng damit sa aparador ko at tinitigan ito.
"Maybe it's time to shut he's fucking mouth and he's fvcking plan!" mariing bulong ko habang mahigpit na nakahawak sa damit na nasa kamay ko.
I'll definitely send you to hell if you're going to touch one of my family, bastard.
Hindi ka pa nakatapak sa daan patungo sa teritoryo namin tumba ka na.
Tsk!
************************************
Mr. Ong's Pov.
Nakatanaw lang ako sa mga tauhan kong nakapalibot sa mansion ko mula rito sa office habang hawak ang basong may lamang vodka.
I was thinking about my plan to that daughter of a b*tch! I will definitely make her suffer and crash her out of the world.
She's a big wound in my life! She's like her mother! Everytime I saw and heard her name make me feels got more angry.
Pinapaalala lang niya ang mga walang hiyang ina niya tuwing nakikita o naririnig ko ang pangalan niya.
I don't care if it is she belongs with Ibañez family.
Ang gusto ko lang ay mawala siya sa landas ko para hindi ko na maalala ang walang kwenta niyang ina.
Lalo na ang pest*ing ama niya na naging dahilan kung bakit hindi ako ang pinili ni Cherish.
I will f*cking kill that bastard! Because of him all my plan for Cherish before was gone.
It was all his fault.
If it is not him, I will not triggered to kill the girl I love the most.
Kung hindi niya lang sana sinira ang lahat ay hindi ako hahantong sa point na ipapatay ko ang babaeng minahal ko.
Naging mahigpit ang paghawak ko sa basong may lamang alak sabay tungga.
Nakarainig pa ako ng katok mula sa labas ng office ko.
"Come in!" I blankly yelled.
Lumapit ako sa table ko at binaba ang hawak kong baso kasabay ng pagbukas ng pinto.
Pumasok ang right hand ko habang seryuso lang ang mukha.
"Boss, nakahanda na ang pinaplano mo. Naihanda ko na rin ang ibang mga tauhan natin para sugurin ang pamilyang Ibañez." pormal na sabi nito.
Kinuha ko ang baril kong nakapatong sa ibabaw ng mesa ko. Sinipat-sipat ko ito bago nagsalita.
"How about the person who dash and drained my territory last week?" mariing tanong ko sabay kasa ng baril ko.
It's a ladder deluxe cabot guns.
Narinig ko pa ang pagbuntong-hininga ng tauhan ko dahilan para mapatingin ako sa kaniya.
"We can't still find that person, boss. Masyadong matinik at malinis kumilos ang taong yun." seryusong saad niya.
Nagtagis ang bagang ko dahil sa sinabi niya at pabagsak na binitawan sa mesa ang baril ko.
"Ano pa't pinagkatiwalaan kita kung hindi mo man lang mahanap ang bastardong taong yun?!" galit na sigaw ko. "How many times do I have to tell you to find that bastard?! Until now, you can't find that person?!" galit na galit kong sigaw sa kaniya.
Napahinga siya ng malalim na nagpagalit lalo sa akin.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang kaibigan niya.
"Boss, calm down." sabi pa nila.
I gave them a death glare dahilan para magsi-iwas sila ng tingin.
Alam nila kung paano ako magalit kapag hindi ko nagustuhan ang mga pinagsasabi nila.
"Shut up?! Do you think I have the time to calm down despite of this situation?!" galit kong sigaw sa pagmumukha nila.
"Simpleng utos ko hindi niyo man lang magawa?!" inis na inis kong sabi habang napapahimas sa sintido ko.
I was damn mad right now!?
"You can't blame us, boss. Alam nating hindi basta-basta ang taong yun. Pagsugod at pag-ubos pa lang niya sa mga tauhan natin------"
"Shut the f*ck up!? I don't want to heard that f*cking reason?!" galit kong pigil sa right hand ko.
Napapikit pa ako dahil sa galit. Pakiramdam ko tumaas ang dugo ko.
B*llshit!?
"B-boss... ayos ka lang ba?" rinig kong tanong ng isa at inalalayan akong maupo.
Napahinga na lang ako ng malalim at kinalma ang sarili.
"Go and do what I asked you to do. Don't you ever come back here without bringing me that person and heard the news about the downfall of Ibañez family." mahina ngunit mariing utos ko sa kanila.
Narinig ko pang sabay-sabay silang napabuntong-hininga bago nagsalita ang right hand ko.
"We will try, boss----"
"Don't just try but do it for real!?" inis na pigil ko sa kaniya.
Nagpakawala lamang ito ng malalim na buntong hininga bago nagbow sa harap ko at sunod-sunod silang lumabas ng office ko.
Tsk!
Kinuha ko ang cellphone k oat tinawagan ang pamangkin ko.
"[Hello, Tito?]" She answered.
"[Where are you now?]" I seriously asked.
"[At my condo. Why? Is there a problem?]" she asked.
"Yeah. Come here, I have something to talk to you, ASAP.]" pagtatapos ko bago ibinaba ang tawag.
Thi is can't be.
Everything that I planned is now in a mess! It's all a big mess!
B*llshit!
Sa sobrang galit at inis ko ay naihagis ko ang basong hawak ko dahilan para mabasag ito.
F*ck you Mr. Tom Ibañez including your dimwit daughter!
************************************
Third person's POV.
Habang galit na galit si Mr. Ong ay lingid sa kaalaman nitong bago pa man makarating sa bahay ng mga Ibañez ang kaniyang mga tauhan ay nalaman na ng mga ito ang kanilang plano.
Infact, naging alerto na ang mga Ibañez sa kaalamang hindi naman lingid sa kanila ang binabalak ng kaaway nila.
They all know what will gonna be happen before those opponent come to their territory.
It was already 10 pm in the evening and everyone at Ibañez mansion are ready for the plan attack of the opponent.
Xandra and Kyla was standing at the front door of the mansion thought that they will guard the Ibañez family.
There's also a lot of personnel who guard inside and outside of the Ibañez mansion.
Lahat sila ay nakabantay lamang sa kung anuman ang mangyayari. May ibang tauhan ng mga Ibañez na nakabantay din sa may kalayuan bago pa makarating sa mansion.
Grandmaster and Lady Nami including the maids are in the safe tunnel of the mansion.
While Master Tom, Ashi's father are guarding the front tunnel with his favorite weapon.
Halata ang pag-aalala sa mukha ni Nami at ni Grandmaster sapagkat alam nilang itutuloy ng kanilang kalaban ang mga binabalak nila laban sa pamilya nila.
Yes.
They know dahil ilang beses nagpadala ng babala ang kalaban nila which is they honestly knows that those threat was from Mr. Ong.
"Xand, have you seen, Ashi? Why she's still not here?" Takang tanong ni Kyla kay Xandra habang bakas ang pag-aalala nito.
She know that she's not supposed to be worried about her friend but she can't, specially in this time of situation.
Napapailing si Xandra habang hawak ang paborito nitong baril na nakaturok sa pinto.
Bigla kasing umalis ang kaibigan nila kanina sa HQ nila at binilinan lang sila na mauna na sa mansion upang bantayan ang pamilya nito.
Ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin ito.
"I don't know where she is," seryusong sagot ni Xandra.
Napabuntong-hininga na lang si Kyla at umayos sa position nito.
SA KABILANG banda, habang papalapit nang papalapit ang mga kalaban sa mansion ay siya namang pagmamadali ng grupo nila Drix.
They knew what will be happen tonight to the family of Ibañez dahil lingid sa kaalaman nila Ashi ay nagpa-imbestiga rin si Drix tungkol sa kalaban nila Ashi.
Sa taong nagpapatay sa tunay na ina ng taong minahal ni Drix.
Matagal ng tinutulungan ni Drix si Ashi tungkol sa taong nagpapatay sa ina ng huli.
He want to help his girlfriend. He doesn't want his girl will be in such a burden.
For him, gagawin niya ang lahat para sa taong mahal niya. Mas gustuhin pa nitong siya ang masaktan kesa sa babaeng mahal niya.
Kung dati ay si Ashi ang nagliligtas sa kaniya--kanila ng mga kaibigan niya, ngayon naman ay iba na.
He will do everything for his girl.
"Drix! Ayos na lahat. We need to go now!" sigaw pa ni Dwayne habang mabilis na sumampa sa motor nito.
Nilingon siya ni Drix bago nagsalita.
"Let's go! Baka maunahan tayo ng kalaban!" sigaw niya sa mga kasamahan.
Mabilis na pinaharurot nila paalis ang kanilang mga motor. Iyon ang ginamit nila at hindi kotse dahil masyadong sagabal lang iyon.
SA KABILANG dako, nakangising pinasok ng isang taong naka purong itim habang may maskara sa mukha ang mansion ni Mr. Ong.
Samantalang walang kaalam-alam ang huli sapagkat busy ito sa pagsasaya sa magiging takbo ng pinaplano nito.
Maingat at maliksi ang naging kilos ng taong pumasok sa teritoryo ni Mr. Ong.
Walang kahirap-hirap na tuluyan nitong napasok ang mansion ng walang nakakaalam. Kahit na marami ang mga nakabantay ay hindi pa rin ito natunugan ng mga naroon.
Ngiting tagumpay ang rumehistro sa mga mata nito bago dumaan sa palikuran ng mansion.
"I'll give a lesson, Mr. Ong," mahinang bulong nito." I'll definitely give what you want." dagdag pa nito.
Maingat na tinungo niya ang isang puno kung saan may nakita siyang tauhan na umiihi.
Binggo!
Sabi nito sa isip niya. Walang dalawang segundo niyang tinahak ang layo at mabilis na pinindot ang batok nito dahilan para mawalan ng malay.
Tumingin pa uli ito sa paligid bago hinila sa tagong bahagi ng likuran ang tauhan ng naka posas at may takip sa bibig.
"Sleep well monkey," brusko ang boses na bulong nito bago iniwan ang tauhan.
Muli siyang bumalik sa may puno suot ang damit ng tauhan at ang baril nito pati na rin ang bonet.
Simpleng naglakad siya sa pinto sa likuran at walang kahirap-hirap na pumasok siya sa may kusina.
Hindi rin siya pinansin ng ibang nakabantay doon kaya mas lalo itong napangisi ng mala demonyo.
Nakabisado na rin niya ang pwede niyang daanan kung sakaling mahuli siya.
May nakita siyang dalawang katulong na naghahanda ng makakain at maiinom para ata sa mga bantay. Sakto namang umalis ang mga ito na parang may kukunin kaya mabilis siyang lumapit at kinuha sa bulsa niya ang bote ng pampatulog. Tiningnan pa nito ang paligid at ng masigurong walang nakatingin ay mabilis niyang inilagay sa apat na malalaking lalagyan ng juice ang pampatulog at bahagyang inalog bago ngumisi at mabilis na umalis dahil papalapit na ang dalawang katulong.
Naglakad ito sa hagdanan patungo sa ikalawang palapag kung saan naroon ang kwarto ng target niya.
Masyadong malaki ang mansion naiyon at dahil kabisado na niya ay hindi siya mahihirapan.
"Hey! Buti naman at nandito ka, ikaw na muna magbantay kay boss dahil naiihi na ako." sabi ng isang tauhan.
Tinanguan niya lang ito at dumeretso sa labas ng pinto ni Mr. Ong. Tumingin-tingin pa muna siya sa paligid at pinakiramdaman kung umiinom na ba ng juice ang mga tauhan.
Mga dalawang minuto ang lumipas ay nakita niya ang isang katulong na nag-abot ng juice sa bantay sa may hagdan.
Napangisi siya.
"Well, there's no one can stop me from bringing you to hell, Mr. Ong." bulong nito sabay bukas ng pinto ng makita niyang nakatulog na ang bantay sa may hagdanan.
Mabilis siyang pumasok sa loob ng kwarto ng target niya bago ni-lock ang pinto.
Hindi naman siya nabigo ng makita niya ang may katandaang lalaki na umiinom sa may mini-bar nito. Ni hindi siya napansin ng matanda dahil masyadong nag-eenjoy sa iniinom nitong vodka.
Maingat na nilapitan niya ang nakabukas na pinto patungo sa verandah ng matanda upang isara ng hindi siya namamalayan.
Nang matapos ay dahan-dahan siyang lumapit sa harap ni Mr. Ong habang nakahawak sa baril na nasa beywang niya.
"Did I told you to don't disturb me----" natigilan ito ng makita ang kaharap.
"Hello, Mr. Ong," nakangising bati ng taong nasa harap niya.
Hindi naka-imik si Mr. Ong habang nanatiling nakatingin sa kaharap niya. Animo'y para siyang nawala sa wisyo.
"Nakakagulat bang makapasok ang isang tulad ko sa silid mo?" nang-uuyam na tanong ng kaharap niya.
Biglang nabitiwan ni Mr. Ong ang basong hawak niya dahilan para mabasag ito sa marmol niyang sahig.
"S-sino ka?" kinakabahan ngunit may galit sa boses na tanong ni Mr. Ong.
Mahinang tumawa ang kaharap niya bago naglakad paikot sa kaniya.
"Guess who?" balik tanong nito.
Mabilis na tumayo si Mr. Ong at galit na hinarap ang kausap. Makikita sa kilos ng kaharap niya na hindi ito takot o nag-aalala na may mga bantay si Mr. Ong.
"Who the hell are you?! How did you get in!?" Galit na bulyaw nito.
Hindi nagpatinag ang taong kaharap niya bagkus ay inilibot nito sa loob ng silid ang kaniyang paningin.
Napatitig pa ito sa frame na nasa bedside table ng kama ni Mr. Ong. Nagtagis ang bagang na nilapitan niya ito at mahigpit na hinawakan.
"P*tangina ka?! Huwag mong hawakan iyan?!" galit na sigaw ni Mr. Ong.
Animo'y sasabog na ito anumang oras.
"Hindi ko akalaing mayroon ka pa rin nito sa kabila ng ginawa mo, hayop ka!" mariin at galit na sabi ng taong kaharap ni Mr. Ong.
Bigla namang natuod sa kinatatayuan si Mr. Ong ng mapagtanto niya kung sino ang kaharap niya.
Mababakas ang kaba sa mukha ng matanda at ang hindi pagkapalagay nito.
"Y-you?" Halos mawalan ng boses na turo nito sa kaharap.
Ang ngisi sa labi ng taong kaharap niya ay napalitan ng galit, poot at pagtagis ng ngipin.
Binitawan ng kaharap ang hawak na frame at dahan-dahan itong lumapit sa kaniya.
"Nakikilala mo na pala ako?" mariing tanong nito at huminto sa harap niya.
Napaatras pa si Mr. Ong ng makita ang baril at patalim sa beywang ng kaharap.
"W-why are you here? P-paano ka nakapasok sa kwarto ko?" kinakabahang tanong ng matanda.
Parang umurong ang tapang nito dahil sa kaharap niya.
Ang akala niya ay nakipaglaban na ito sa mga tauhang ipinadala niya sa teritoryo ng mga Ibañez.
Pagak na tumawa ang kaharap ng matanda dahil sa tanong nito.
"Kailangan pa ba 'yan itanong, Mr. Ong? Ano sa akala mo ang dahilan kung bakit ako nandito? At kung paano ako nakapasok?" balik tanong ng kaharap.
Sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito ay mariin at may galit. Mababakas sa boses nito ang matinding galit sa matanda.
"H-hindi ka ba natatakot na marami akong bantay? Pwede kitang patayin ngayon at hindi ka na makakalabas ng buhay kung gugustuhin ko." Nakangising sabi ng matanda na pilit ibinabalik ang tapang niya.
Nang-uuyam na tumawa ang kaharap at tinuro ang pinto.
"At sa tingin mo hahayan kitang gawin iyon? Sa tingin mo papasok agad ako rito ng hindi pinapatumba ang mga tauhan mo?" Mala-demonyong nginisihan nito ang matanda kahit pa tanging mata lang nito ang makikita.
Natuliro agad ang matanda dahil sa sinabi nito.
"A-anong ginawa mo sa mga tauhan ko?!" galit na tanong niya sa kaharap.
Lihim na kinapa pa ng matanda ang kriss (double blade weapon) na kumikintab sa tulis. Ngunit, napansin iyon ng kaharap niya.
"Well, pinatulog ko lang sila ng mahimbing para walang sagabal. Hindi nga lang tulad sa nangyari sa mga tauhan mo sa kabilang kuta," nang-iinis na sagot ng kaharap nito.
Tuluyan ng kumulo ang dugo ni Mr. Ong at mabilis na hinablot ang kriss niyang naka sabit sa likod niya.
"P*tangina ka!?" galit na sigaw ng matanda at sinugod ang kaharap.
Walang kahirap-hirap na iniiwasan lang ng kaharap niya ang bawat wasiwas nito sa double blade na kriss ng matanda.
"Papatayin kita?! Hindi ako nagkamali ng hinala na ikaw ang umubos sa mga tauhan ko roon?!" namumula sa galit na sigaw ni Mr. Ong.
Walang tigil ito sa pagsugod sa kaharap ngunit hindi naman niya ito natatamaan.
Mas natamaan pa nito ang ibang mga mamahaling gamit niya at nabasag. Parang wala lang sa kaharap ni Mr. Ong ang bawat sugod nito.
Animo'y isang simpling laro lamang ng kaharap ng matanda ang labanan nila. Maangas na iniiwasan at sinasangga ang espada nito. Bakas na rin ang inis at pagod sa mukha ng matanda dahil ni hindi niya matatamaan ni isang beses ang kaharap na bored na bored sa bawat sugod nito.
"Kaya mo pa ba, Mr. Ong?" walang emosyong tanong nito ng huminto sa pagsugod ang matanda.
"Damn you!?" galit na sigaw ng matanda sabay hagis ng hawak na kriss sa kinatatayuan ng kaharap.
Hindi kumilos ang maangas sa kinatatayuan nito. Pasimpling ibinaling lang nito sa kanan ang katawan niya dahilan para hindi tumama sa kaniya ang kriss na espada.
"Tsk! Not so fast bastard!" walang kabuhay-buhay na ani ng kaharap at hinagisan ng isang dart sa binti ang matanda dahilan para mapahiyaw ito sa sakit.
"P*tangina ka!?" nagdidilab sa galit na sigaw ng matanda. "Papatayin kita!?" dagdag pa nito at mabilis na hinablot ang baril sa ilalim ng mini-bar nito at utinutok sa gawi ng kaharap.
Bago pa man nito makalabit ang gatilyo ng baril ay tumilapon na ang baril niya dahil sa mabilis na kilos ng kaharap at sinipa ang baril sa kamay nito.
"Ikaw ang p*tangina!?" Galit na sabi ng kaharap nito at hinila ang kanang braso sabay pilipit dito pupunta sa likod dahilan para hindi makakilos ang matanda. "Akala mo ba hindi ko alam ang mga binabalak mo? Akala mo ba hindi ko alam ang bawat kilos mo?!" nanggagalaiti sa gakit na sigaw nito sa matanda na nagpupumiglis sa pag block niya rito.
"Pakawalan mo ako!?" sigaw ng matanda.
"And do you think I'll let you go?" mariing bulong nito sa kaniya. "In your dreams." nakangising sabi nito.
Biglang ginamit ng matanda ang binti nito pero mabilis na bin-lock iyon ng may hawak sa kaniya dahilan para mapamura ito sa inis.
"Alam mo bang masyado mong sinasayang ang mga oras ko sa mga walang kwentang pinaggagawa mo?" walang kabuhay-buhay na bulong nito sa matanda.
"Fvck you!?" sigaw ng matanda sa kaniyan.
Nang-uuyam na tumawa ito ng brusko dahil sa malutong na mura ng matanda.
"Pagmumura lang ba ang alam mo?" napapailing na tanong nito sa matanda. "C'mon, Mr. Ong, napaghahalataang kang mahina, eh." nang-uuyam na bulong nito sa matanda.
"I'm not fvcking weak!?" galit na galit na sigaw nito at buong lakas na kumawala sa pagkaka block niya rito.
Nang makawala ito ay mabilis nitong hinablot ang bote ng alak na ininom nito kanina at ihahampas sana sa kalaban niya ng makailag ito.
"Wrong move, Mr. Ong," malamig ang boses na sabi nito at mabilis na binaril sa balikat ang matanda dahilan para mabitawan nito ang hawak na bote sa sahig.
"Arghhh!" malakas na daing ng matanda dahil sa sakit.
"Huwag mo akong gawing bobo, Mr. Ong. Galamay ko na ang bawat kilos at takbo ng isip mo." Nakatutok ang baril sa ulo ng matanda na sabi nito. "Kahit ang utot mo ay alam ko kung mabaho ba o hindi bago ito lalabas sa p'wet mo." nakakakilabot ang boses na sabi nito sa matanda.
Parang natuod ang matanda dahil sa naramdamang takot. Nakakapanindig balahibo ang boses ng taong nasa likod niya. Lihim pa itong napapamura dahil sa hapdi ng sugat sa balikat at binti nito.
Sabay na napatingin ang mga ito sa pintong biglang bumukas at iniluwa no'n ang isang babaeng naka-maskara ng kulay pula at may hawak na M45 na baril at itinutok iyon sa taong tumutok ng baril sa matanda.
"Well, well... here comes the niece who's trying to be a hero." nang-uuyam na sabi ng taong tumutok ng baril kay Mr. Ong.
Tumalim ang mga mata ng babaeng bagong dating at animo'y naiinis.
"Let go of my uncle!" galit ang boses nitong utos sa taong tumutok ng baril sa matanda.
Bruskong tumawa ito at balewalang padaskol na hinila ang matanda patayo habang nakatutok pa rin ang baril dito.
"Why would I?" seryusong tanong nito.
"I will fvcking kill you if you don't let him go!?" galit na sigaw ng babae.
"Do you think I'm scared? Tsk! Mas natatakot pa ata ang atuli sa tainga mo nung'kang matatakot ako sa 'yo." sarkastikong ani nito.
Nagalit lalo ang babae at akmang huhugutin ang patalim sa bewyang nito ng magsalita ulit ang taong may hawak sa matanda.
"Huwag mo ng tangkaing hugutin pa kung alam mo rin namang wala ng patutunguhan pa," malamig ang boses na sabi ng may hawak sa matanda sabay hagis ng isang patalim na may pampatulog na nakalagay.
Tumama ito sa balikat ng babaeng nakamaskara ng kulay pula at unti-unti itong bumagsak sa sahig.
"Tsk! Weak." walang ganang bulong nito.
"Chaoyie!" Malakas na sigaw ni Mr. Ong habang nakatingin sa pamangkin nitong nakahandusay sa sahig. "Fvck!? What have you done?! Anong ginawa mo sa pamangkin ko!?" Galit na galit na sigaw ni Mr. Ong habang nagpupumiglas sa mahigpit na pagkakahawak nito.
"She's sleeping for a while. Nakikialam sa eksina, eh." malamug na sagot nito sa matanda.
"Méiyôu!? P*tangina mo ka!?" nag-aapoy sa galit na sigaw ni Mr. Ong.
(Translation: Méiyôu means no.)
"Tsk! Paano mo pa nasabing 'no' kung tulog na, oh?" sarkastikong anas nito sa matanda na hindi mapakali at matalim ang matang tumingin sa kaniya.
"Wô zûzhòu nî!? Pagsisihan mong sumugod ka rito sa teritoryo ko!?" galit sigaw nito.
(Translation: Wô zûzhòu nî means isinusumpa kita.)
Seryusong tiningnan nito ang matanda ng may nagdidilim na mukha.
"Kahit isandaang milyong sumpa pa ang gawin mo, hindi ako natatakot sa 'yo." nandilim ang mukhang sabi nito sa matanda.
Nagtatagis ang ngiping sinamaan ito ng tingin ng matanda.
"Huwag kang magmayabang sa harapan ko. Kaya kitang kantiin-----"
"Kung kumanti ka, siguraduhin mong iwan mo ako ng hindi na huminga, dahil sa oras na makabangon pa ako, ikaw ang ipapahukay ko sa libingan mo." malamig na pigil nito sa sasabihin bg matanda.
Tumawa ng mapakla ang matanda habang bakas na bakas ang galit at poot sa kaniyang mga mata.
"Tulad ka rin pala ng p*tangina mong ina. Matapang pero may kahinaan rin naman." nakangising sabi ng matanda.
Nagtagis ang bagang nito habang deretsong nakatingin sa nang-uuyam na mata ng matanda.
*Paaakkk!
Malakas niya itong sinampal dahilan para putok ang gilid ng labi ng matanda.
"Huwag na huwag mong murahin ang ina ko dahil sampid ka lang dito sa pilipinas na teritoryo namin. Alalahanin mong nasa China ang teritoryo mo, hindi rito." galit na sigaw nito sa pagmumukha ng matanda.
Sumama lalo ang mukha ng matanda at kung nakakamatay lang ang tingin ay kanina pa bumulagta sa sahig ang kaharap nito.
"Ito tatandaan mo. Huwag kang magkamaling galawin kahit sino sa pamilya o mga taong mahalaga sa akin kung ayaw mong ibalik kita sa China na magkahiwalay ang mga laman loob mo." Mariin at galit na sabi nito bago sinapak sa ulo si Mr. Ong gamit ang baril dahilan para bumagsak ito sa sahig.
Umikot ang paningin nito at bago pa ito mawalan ng malay ay galit at nanghihinang nagsalita ito.
"You will pay for this, Ashi Vhon Ibañez." halos pabulong nang sabi ng matanda bago ito.
Pagak na natawa ang maangas na humampas sa kaniya ng baril.
"You're the one who will pay me. Not me. Even your life is not enough to pay your debt, Mr. Alexander Ong. I am not named Ashi without one." walang kabuhay-buhay na sagot ni Ashi habang nakatingin sa walang malay na matanda bago ito iniwan kasama ang walang malay niyang pamangkin.
To be continued...
A/N: Hi guys! Sorry kung matagal akong nakapag-update. Busy kasi ako sa pag-aaral tapos mahina pa ang signal dito sa amin. I hope you understand my situation.
|•MysteriousBlueee•| M.B
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top