chapter 184 "Galit"

Drixon's Pov.

Kinabukasan

Maaga akong nagising dahil sa alarm clock ko. Medyo inaantok pa ako dahil late na akong nakatulog kagabi dahil sa lakad namin nila Lyle.

Matapos ang trabaho ko sa opisina ko kagabi ay umuwi na kami ni Panget dahil may importante pa itong lakad.

I wonder if where did she go last night.

Tse!

Inabot ko na lang ang cellphone ko sa bedside table at nag-text kay Panget bago tumayo at pumasok sa banyo.

This is the last day for our third quarter examination.

Marami pa akong gagawin dahil may lakad ulit kami mamaya ng mga kaibigan ko.

Hayst.

Hinubad ko na lang ang lahat ng saplot ko sa katawan bago in-on ang shower.

Hinayaan ko na lang na dumaloy ang tubig sa katawan ko.

Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari sa opisina ko kagabi kasama si Panget.

I just want her to stay away from Ice Damon Thornheart.

I felt strange every time I saw him.

Pakiramdam ko may kakaiba sa lalaking 'yon kapag nakikita kong nakatitig siya kay Panget.

Yes.

I know that he's been staring at my property.

Ilang beses ko siyang nakita na nakatingin o nakatitig kay Panget.

Kaya ayaw kong makita na lumalapit ang gagong yun sa pag-aari ko.

Tse!

Mula ng pumasok siya rito sa university ay nakaramdam na ako ng kaba para sa aming dalawa ni Panget.

Peste!

Kung bakit hindi na lang niya pinagpatuloy ang home school niya.

Psh!

Tinapos ko na lang ang pagligo ko bago nagtapis at lumabas ng banyo habang pinupunasan ang buhok ko.

Narinig k opang nag vibrate ang cellphone ko kaya nilapitan ko ito. Nang makita kung sin oang nagtext ay nag reply na lang ako bago nagbihis at bumaba.

Naabutan ko naman sila Dad sa dining room.

"Good morning big boy!" nakangiting bati ni Mom nang makababa ako.

"Good morning, son." bagi naman ni Dad.

"Good morning too Mom and Dad," ganting bati ko bago naupo sa tabi ni Drixie na may ka-text sa cellphone.

Napapailing na lang ako. Lagi na siyang busy sa cellphone niya nitong nakaraan.

Kala mo may jowang laging nag cha-chat sa kaniya.

Tse!

"Oh siya, kain na tayo para hindi kayo ma-late." sabi pa ni Manang.

Tumango na lang ako at kumuha ng kanin at ulam bago nagsimulang kumain.

Tahimik na kumakain lang kami nang biglang basagin ni Dad ang katahimikan.

"Ehem! How's being the president of our university, son?" pormal na tanong pa nito.

Nilunok ko muna ang kinain ko bago umayos ng upo at nagsalita.

"It's quite different than a normal student, Dad." sagot ko.

Natawa naman silang dalawa ni Mom at nagsalita uli ito.

"It is a normal, son. Besides, you're the only one who can manage our university. Your lolo knows that you can handle this matter that's why he gave this position to you." nakangiting saad pa nito.

Nagkibit-balikat na lang ako bago nagpatuloy sa pagkain.

"Eh kamusta naman kayo ni Ashi big boy? Mabibigyan niyo na ba kami ng apo?" nanunuksong tanong pa ni Mom dahilan para muntik na akong mabilaukan.

Mabikis na naainom ako ng tubig.

"Mom!" sita ko sa kaniya pero tinawanan niya lang ako.

Pati si Dad at Manang ay natatawang napailing na lang dahil sa sinabi ni Mom.

"Mom, don't pressure him maybe Onēsan will not allow him." nang-aasar na sabi ni Drixie.

Sinamaan ko na lang siya ng mata at hindi na sila pinansin dahil pakiramdam ko uminit ang tainga ko peste!

Kung si Panget nakarinig ng gano'n mula sa akin baka kanina pa ako na hospital.

Psh!

Agad na lang akong nagpaalam ng matapos akong kumain. Pasado-alas 6:00 pa naman ng umaga.

Pag-alis ko ng mansion ay tumawag si Dwayne kaya sinagot ko ito habang nagmamaneho.

"[Oh?]"

"[Huta! Parehas talaga kayo ni Ashi kapag sumagot ng tawag, ano?]" halatang nakangiwing tanong nito sa kabilang linya

Tse!

"[Tse! What's the matter?]" I asked instead of answering his question.

Narinig ko pa ang kalabog sa kabilang linya na animo'y palabas siya ng kwarto.

"[Kailangan daw natin bumalik do'n sa pinuntahan natin kagabi. Saitama wants to see us tonight.]" sagot nito.

Napabuntong-hininga na lang ako. Dahil na naman 'to sa lintik na clients na hindi man lang nagpakilala para sa ipinapagawa nito.

"[Mmm. By the way, kamusta ang ipinapagawa ko sa'yo?]" seryusong tanong ko.

Tumikhim pa ito bago sumagot.

"[I track his right location including his identity and it's confirmed.]" sagot nito.

Napahigpit ang hawak ko sa manobela ng kotse ko.

I knew it.

Psh!

"[What else?]" I asked.

"[Napag-alaman kong may sumugod sa kabilang kuta nila kagabi at inubos lahat ng tauhan nito.]" seryusong sagot nito.

Nagsalubong ang kilay ko habang seryusong nakatingin sa daan.

May sumugod sa kuta niya at inubos ang lahat ng tauhan niya?

What the hell!?

Sino naman ang sumugod sa kuta ng hayop na 'yon?

"[Pasado alas-onse ng gabi sinugod ang kabilang kuta nito. Ang hindi kapani-paniwala ay iisang tao lang ang sumugod at umubos sa mga tauhan niya.]" halata ang pagkamangha sa boses na dagdag pa ni Dwayne.

Naitigil ko sa gilid ng kalsada ang kotse ko dahil sa narinig ko.

"[What? Inubos lahat ng tauhan niya pero iisang tao lang ang sumugod?]" naguguluhang tanong tanong.

I can't believe this.

Sa pagkakaalam ko ay hindi basta-basta ang hayop na 'yon.

Tapos ngayon----the hell!?

"[Oo. Iyon ang nakuha kong information sa nangyari kagabi. Galit na galit nga si Mr.------]"

"[Cut the crup. Nakilala ba kung sino ang sumugod?]" pigil ko sa kaniya.

Napabuntong-hininga siya bago sumagot.

"[Hindi. Walang nakakilala sa taong 'yon kahit pa may isang tauhan na nakatakas at nagsumbong sa boss nila.]" sagot ni Dwayne.

Napaisip ako kung sino ang sumugod do'n.

Kung gano'n, hindi basta-basta ang taong sumugod doon kung totong nag-iisa lang nitong inubos ang tauhan ni----tse!

Mukhang hindi lang iisa ang kinalaban ng hayop na 'yon, ah.

Psh!

Poor Mr. A

"[Hey! Andyan ka pa ba?]" natauhan ako sa pag-iisip ng marinig ang boses ni Dwayne sa kabilang linya.

"[Yeah. Alamin mo kung sino ang taong sumugod sa kuta ni Mr. A baka mapasalamatan ko pa siya kung kakampi man ito.]" huling sabi ko bago ibinaba ang tawag.

Malaking katanungan at kakaiba sa pakiramdam ang taong yun.

Tse!

Pinaandar ko na lang ulit ang kotse ko bago pinaharorot papuntang university.

Pagdating ko ay agad na akong nag- park at akmang bababa ng makita ko si Kiana na parang inis na inis sa kausap nito sa cellphone.

Bahagya pa akong nagulat ng sumigaw ito at inis na hinagis ang cellphone niya.

Buti na lang wala pang masyadong studyante ang nandito sa parking lot.

Napapailing na lang ako at bumaba ng kotse sabay sabit ng bag ko sa balikat.

Saktong madadaanan ko siya ay nilagpasan ko lang ito pero mabilis niya akong naharangan dahilan para mapatigil ako sa paglalakad.

"Drix..."

I sigh before I turn my gaze on her calm face.

Kanina inis na inis pero ngayon ay dinaig pa niyang hindi nainis.

Tse!

"What?" blankong tanong ko.

Tipid na ngumiti lang ito sabay tingin sa paligid bago hinawakan ang kamay ko.

Napatiim bagang ako at akmang aalisin ang pagkakahawak niya ng makita ko ang hitsura niya.

Biglang lumukob ang lungkot sa mukha nito. Napaiwas na lang ako ng tingin.

"What do you want?" kalmadong tanong ko habang nakatingin sa mga iilang students papasok sa campus.

Hindi siya sumagot kaya nilingon ko siya.

Tahimik na nakayuko lang ito na animo'y may mabigat na iniisip.

Tse!

Napahinga na lang ako ng malalim at inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"If it's not important, I'll go ahead----"

"Can we talk for a few minutes?" pigil niya sa 'kin.

Kunot-noong tiningnan ko lang siya at hindi nagsalita.

Nag-angat siya ng tingin at deretsong tiningnan ako sa mata.

"I know, I shouldn't bother you right now but I badly need you now, Drix." bakas ang pagmamakaawang sabi niya ng hindi pa rin ako nagsalita.

Nakaramdam ako ng kunting awa sa kaniya. Kahit papa'no ay tinuring ko na rin siyang kaibigan mula ng huling pag-uusap namin noon.

Psh!

"Just spill it here. I am busy----"

"I know, but it's just a few minutes." putol niya sa sasabihin ko.

Napahilot na lang ako sa sintido bago nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.

"Follow me." mahinahong utos ko at bumalik sa kotse.

Mabilis naman itong sumunod kaya pumasok ako sa kotse at gano'n din siya.

"Say it." panimula ko habang nakatingin sa hawak kong cellphone.

Ramdam kong napatingin ito sa akin.

"C-can we talk somewhere----?"

"No. Just spill it here." pigil ko rito.

Narinig ko pa itong napabuntong-hininga bago nagsimulang magsalita. Nakinig lang ako sa kaniya habang ka-text ko si Panget.

"This past few days I feel that there's someone who's always been following me." rinig kong sabi nito.

Bakas ang takot sa boses niya. Nilingon ko siya at nagsalita.

"Maybe it's just your imagination." walang gatong kong sabi.

Napailing siya at tumingin sa labas.

I can see the fear in her face.

"No. Alam kong meron talagang sumusunod sa akin. Binaliwala ko lang yun pero kahapon ay may tumangkang kumuha sa akin buti na lang naabutan ako ni Luke." pagpapatuloy niya.

Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Nakita naman niya ang reaction ko kaya tipid na ngumiti siya at nagsalita uli.

"Natatakot ako dahil sa nangyari kahapon pero hindi ko sinabi kela Mom ang nangyari. Ayaw kong mag-alala sila sa akin." malungkot at bakas ang takot sa boses na sabi nito.

Napahinga na lang ako ng malalim. Ngayon ko lang siya nakitang ganito ka takot.

"Drix, what should I do?" mangiyak-ngiyak niyang tanong sabay hawak sa kamay ko dahilan para matigilan ako.

"I'm scared right now. I don't know what to do, Drix. Baka kung anong gawin nila sa akin. Pa'no kung saktan nila ako?" natatakot niyang ani at biglang yumakap sa akin.

I stunned.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya hinagod ko na lang ang likod niya.

"It's ok. Don't be scared. They will not hurt you." tanging lumabas sa bibig ko sabay kalas sa yakap niya.

Pinunasan ko ang luha niya at bahagyang ngumiti. Kahit papaano ay may pinagsamahan kami noon.

"I will send someone to look after you." mahinang sabi ko.

"Thank you." nakangiting anas niya kaya tinanguan ko na lang siya.

Tiningnan ko ang relo ko at pasado alas-sais y medya na.

"Are you ok now?" tanong ko rito.

Nakangiting tumango siya sabay yakap ulit sa akin.

"I'm fine now. Thank you for your time. You still care about me." matamis ang ngiting saad niya sabay bitaw.

Tiningnan ko na lang siya at binuksan ang pinto. Akmang bababa na ako ng makita ko ang babaeng nakasandal sa motor niya at blankong nakatingin sa gawi ko.

Shit!?

Nakita ko pa siyang napatingin sa passenger seat. Para akong tinarakan ng kustilyo sa puso ng saglit na makita ko ang hindi mawaring emosyon sa mata nito bago ulit bumalik sa pagka blanko.

Fvck!?

Baka kung ano ang iniisip niya dahil nasa---shit!? Baka nakita niya ang pagyakap ni Kiana sa akin kanina.

Holy shit!?

Mabilis na lumabas ako nang akmang aalis ito at agad na hinawakan siya sa kamay.

"Love..."

Nag-alalang sabi ko pero tiningnan niya lang ako sabay tingin sa gilid ko.

"Hi!" nakangiting bati ni Kiana sa kaniya.

Damnit!?

Tinanguan niya lang ito at inalis ang pagkakawak ng kamay ko sa kamay nito ng may mapansin ako.

Kunot-noong hinawakan ko uli ang kamay niya at mariing tinitigan ito braso nito.

Pasa?

Bakit may pasa siya sa braso niya at namamaga ang kamay niya?

"Ano 'to?" seryusong tanong ko.

"Tsk! Malamang pasa." sarkastikong sagot niya.

Tumiim ang bagang ko.

"Alam ko. Bakit may pasa ka?" salubong ang kilay na tanong ko sa kaniya.

Hindi niya ako sinagot bagkus ay umiwas ito ng tingin.

What the hell!?

"Answer me." seryusong saad ko.

Napahinga siya ng malalim at blankong tiningnan ako.

"Tsk! You don't need to know." walang ganang sagot niya sabay alis.

The fvck!?

"Panget!" sigaw ko at mabilis siyang sinundan papasok sa campus.

"Drix wait!" rinig kong sigaw ni Kiana pero hindi ko ito pinansin.

Peste!

Hinabol ko siya hanggang sa maabutan ko ito.

Agad ko siyang hinarangan at mabilis na hinila papunta sa gilid. Pumalag pa ito pero hindi ako nagpatinag.

"Bakit. May. Pasa. Ka?" mariing kong ulit sa tanong ko kanina.

Hindi pa rin siya nagsalita kaya napahilamos ako ng mukha.

Pinaka ayaw ko sa lahat ay ang makitang may pasa o nasasaktan ang taong mahal ko.

Damn!?

Walang pwedeng manakit sa pag-aari ko!

"Jesus! Can you please tell me what happened to your----"

"Tsk! Nadapa lang." malumay na pigil niya sa akin.

Napanganga ako sa dahilan niya? Nadapa? Siya madadapa?

Namaga ang kamay niya tapos nadapa ang rason niya?

The hell!?

"Mas madadapa pa ata ang lamok kesa sa 'yo." napapabuntong-hiningang saad ko.

Nakita kong napangiwi siya at nakapamulsang tumingin sa ibang deriksiyon.

Tse!

Napapailing na lang ako.

"Ayos ka lang ba?" mahinahon kong tanong.

Bigla niya akong pinaningkitan ng mata na animo'y sinasabing paano siya magiging ayos.

Napaiwas na lang ako ng tingin. Baka dahil do'n sa nakita niya kanina.

"Tanga ka ba? Pa'no ako magiging ayos kung nakikita kong nakipagyakapan sa 'Ex' niya yung boyfriend ko?" salubong ang kilay na balik tanong niya.

I knew it.

Napakamot na lang ako ng batok at pilit na ngumiti.

"Walang ibigsabihin ang nakita mo kanina, Love. It's just that...aish! Nothing important." pagtatapos ko at mabilis siyang niyakap.

Mabilis na tinulak niya ako kaya natawa na lang ako.

She's really jealous.

Damnit!

Nakakaramdam ako ng saya tuwing magseselos siya. Kaya lang hindi magandang paselosin ang isang tulad niya.

Bihira pa naman magselos ang isang 'to. Kakaiba rin magselos.

Pfft!

"Tsk!" singhal niya at iniwan ako.

Iniwan lang ako?

Aish!

"Love!" sigaw ko.

Akmang hahabulin ko siya nang may pumigil sa akin. Paglingon ko si Lyle na napapailing.

"Yaan mo muna. Kasalanan mo rin naman." natatawang sabi niya na ikinangiwi ko.

"Lol! Anong kasalanan pinagsasabi mo?" kunot noong tanong ko.

"Psh! 'Wag kang ano, dre. Tara na nga lang." sabi ni Keith at nagpatiunang naglakad.

Tse!

Agad na sumunod na lang kami sa kaniya at sininyasan silang sa office na muna.

Pagdating sa office ay sinabi ko sa kanila ang lahat ng sinabi ni Dwayne kanina. Lalo na ang tungkol sa taong sumugod at ubos sa mga tauhan ni Mr. A sa kaniyang kabilang kuta.

Nagulat pa sila at hindi makapaniwala ng sabihin kong nag-iisang tao lang ang sumugod do'n.

"Putcha! Legit talaga?" bulalas pa ni Keart.

Tumango ako.

"Mukhang hindi basta-basta ang taong yun para kalabanin si Mr. A." napapaisip na anas ni Keith.

Napatango-tango pa si Lyle.

"Mukhang hindi lang ang mga Acosta at Ibañez ang nakalaban ni Mr. A kung gano'n." biglang sabi ni Lyle.

Mabilis na napatingin kami sa kaniya.

"Iyon din ang naisip ko." saad ko pa sabay sandal sa swivel chair ko at pinaikot-ikot ang ballpen sa kamay ko.

"So, this is it? Tuloy ang plano nating tulungan sila Ashi para makamit ang hustisya para sa tunay niyang ina?" seryusong tanong pa ni Keith.

Napatingin ako sa kaniya at bumuntong-hininga.

Yeah.

Lihim na tinutulungan namin sila Panget sa pagtugis sa taong pumatay sa kaniyang tunay na ina.

Isa yun sa dahilan kung bakit busy kami nitong mga nakaraang araw.

I just want to help her 'cause I know she's in her hardship this past few days.

Besides, tinulungan niya--nila kami noong mga panahon na kailangan namin ng tulong. Lalo na noong bago mawala si lolo.

Ngayong okay na ang sa pamilya ko siya naman ang tulungan ko.

I am her boyfriend so it was my responsibility to help my girlfriend in her difficulties.

I love her that much so I'm willing to help her this time.

Ipapakita ko na sa kaniya kung ano ang tunay na ako.

That I am not just a simple bully king in our university.

Tse!

"Wuy! Ang lalim ng iniisip mo, ah! Hindi ka nakikinig sa amin." nakangiwing ni Keart sa akin.

Mabilis na napailag pa ako dahil sa susing hinagis nito sa akin.

Damn him!

Psh!

"Ano bang pinag-uusapan niyo?" balewalang tanong ko.

"Yan! Hindi ka nga nakikinig. Tss! Ang sabi ko, hindi pa ba natin sasabihin sa tatlo na tinutulungan natin sila?" tanong niya.

Napabuntong-hininga ako at umiling niya.

"Huwag na muna ngayon. Saka na natin sabihin kapag okay na lahat." malumay na sagot ko pa.

Nagkatinginan pa silang tatlo at napapailing.

Hindi ko na lang sila pinansin at inayos ang mga papeles sa ibabaw ng mesa ko.

Natapos ko naman na ang mga 'to kahapon.

"Oo nga pala, kamusta naman ang tungkol do'n sa taong---I mean sa babaeng tumulong sa 'tin noong kay Dean Chevalier?" tanong pa ni Keart.

Tinutukoy nito ang mysteryusong babae na tumulong sa amin dati. Iyong palaging nakamaskara at may tatak na RRS sa colar ng leather jacket nito.

Huminga na lang ako ng malalim sabay tayo.

"Wala pa ring nakuhang information si Dwayne sa kaniya. Masyadong pribado at mysteryuso ang taong yun." sagot ko at kinuha ang coat at bag ko.

Pagtingin ko sa relo ay almost time na para sa unang exam namin sa umaga.

"Hayst! Sino ba kasi ang taong yun. Pakiramdam ko ay kilalang natin siya." saad pa ni Keart.

"Yeah. I feel the same, too." sang-ayon pa ni Lyle.

"Mmm. She's weird. Bigla-bigla sumulpot sa harap natin tapos bigla ring hindi nagpaparamdam." saad pa ni Keith.

Tse!

Sila lang ba?

I feel the same, too. Matagal ko ng nararamdamam na parang malapit lang sa amin ang taong yun kaya nga hindi ako nakakaramdam ng piligro sa tuwing tinutulungan niya kami dati kay lolo.

Psh!

Sininyasan ko na lang sila na lumabas na.

"Pero nakapagtataka na hindi na siya uli nagpakita ngayon, ano?" nagtatakang tanong pa ni Keart.

"Mmm. Noong kinidnap pa si Dean ang huli nating kita sa taong yun." sabi pa ni Lyle.

Kahit ako ay nagtaka rin kung bakit hindi na nagpakita ang taong yun. Parang nagpakita lang siya dati para tulungan kami.

Tse!

Hinayaan ko na lang na mag-usap ang tatlo hanggang sa makarating kami sa building namin.

Sakto namang pumasok si prof at agad kaming binigyan ng test paper na agad naman naming sinagutan.

Buti na lang hindi gano'n kahirap ang mga taong at mabilis ko lang nasagutan lahat.

Tulad kahapon ay magakasunod lang kami ni Panget na natapos. Hanggang sa sunod-sunod na ang exam namin.

Crinnnngg!!! Crinnnggg Cringggg!!

*Lunch break

Agad na kaming bumaba ng building dahil gutom na ang mga kasamahan ko.

Pagdating namin sa cafeteria ay agad na nag-order sila Keart. Dumeretso na lang kami nila Lyle sa table namin at naupo.

Kinalabit ko naman si Panget na kanina pa tahimik ng pababa kami ng building.

Takang nilingon pa niya ako kaya lumapit ako sa kaniya.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kaniya.

"Ano sa tingin mo?" balik tanong niya.

Napakamot na lang ako. Mukhang mainit pa rin ang ulo niya. Nakita ko pang napapailing sila Xandra.

"I'm just asking," nakaiwas tinging sabi ko.

"Tsk!" singhal niya sabay pikit.

Pinagmasdan ko na lang siya habang nakapikit.

She look beautiful and cute.

Pfft!

"Stop staring at me." biglang untag nito kahit nakapikit pa rin.

Natigilan pa ako sandali bago mahinang natawa habang nanatiling nakatitig sa kaniya.

"You're really amazing, love." nakangiting bulong ko sa kaniya.

Nagmulat ito ng mata at mayabang na tumingin sa akin.

"Tsk! Wala pa nga sa kalingkingan ko yun na amaze ka na?" mayabang na tanong niya.

Napataas ang kilay ko at pinaningkitan siya ng mata.

"Why wouldn't I? You're the only girl who can make me amaze even with your simple move." naka-smirk na untag ko pa.

Bahagya siyang natigilan na ikinangisi ko.

"Tsk! Tumahimik ka," nakaiwas tinging saad niya.

Natawa na lang ako at mabilis na inilapit ang bibig ko sa tainga nito.

"Why? Isn't my sweet words makes your heart beats fast?" nanunuksong bulong ko pa.

Mabilis na inambahan niya ako ng sapak kaya mabilis na napailag ako.

"Tumahimik ka, ah. Hindi ko pa nakalimutan ang kasalanan mo sa 'kin kanina." walang ganang sabi niya.

Natahimik ako at napatikhim bago ngumiti ng nakakaloko.

She's still jealous.

"Are you still jealous, love?" nakangiting tanong ko pa.

Malumay na tiningnan niya ako at bigla siyang ngumisi.

"Ako kaya ang pumasok sa kotse ni Ice Damon at yakapin siya ng mahigpit tingnan natin." sabi niya ng seryuso na ang mukha.

Nawala ang ngiti sa labi ko at umigtang ang panga ko dahil sa sinabi niya.

Naramdaman ko pa ang mabilis na pagkuyom ng kamao ko at tiningnan siya ng deresto sa mata.

"Don't you dare or else..." pabiting babala ko ng hindi inaalis ang tingin sa mata niya.

Nakipagtagisan siya ng titig sa akin bago nagsalita.

"Or else what?" nanghahamon ang tonong tanong niya.

"Or else I'll make you pregnant." walang bahid ng birong sagot ko.

Hindi siya nakapagsalita at nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya kasabay ng pamumula ng mga pisngi niya.

Napatigil pa sa pag-uusap sila Xandra at ang iba pa naming mga kasama sabay tingin sa aming dalawa ni Panget.

Gano'n pa rin ang expression ng mukha ko habang nakatitig pa rin kay Panget na nakayuko na habang napapalunok.

Napansin ko pa ang pagkuyom ng kamao nito.

Lihim na napangiti ako.

"Ash, ang pula ng mukha mo." nagpipigil tawang sabi ni Xandra.

Mabilis na umayos ng upo si Panget at sinamaan ng tingin si Xandra dahilan para mag-siiwas ng tingin din ang iba.

Tumikhim pa ito bago niya ako tiningnan ng masama.  

"Umayos ka kung ayaw mong maputulan ng kaligayahan." banta niya.

Tse!

As if naman magagawa niya.

Nagtawanan pa sila lalo na si Keart at Keith na kakarating lang dala ang mga order.

"Dre, watch your word if you don't want to lose your precious junior." nang-aasar na sabi pa ni Keart na ikinatawa na naman nilang lahat.

Pati si Panget ay bahagyang natawa.

Tse!

Sinaman ko ng tingin si Keart bago ulit tumingin kay Panget na umiinom ng tubig.

"As if you can. How can you taste me if you cut mine?" nakangising sabi ko dahilan para masamid ito sa ininom niyang tubig.

Napamura pa ako at mabilis na hinagod ang likod niya.

"H-hey! Are you, ok?" nag-alalang tanong ko.

Napaubo pa siya at uminom uli ng tubig bago ako samaan ng tingin.

"Isa pa at makakatikim ka na sa 'kin." blankong banta niya.

Hindi ako nagpatinag at huminga ng malalim.

"Tse! I'm serious, Panget. So better to stay away from him." pagtatapos ko na tinutukoy si Ice Damon Thornheart.

Nagsitikhiman pa sila Lyle bago umayos ng upo.

"Hehehe. Kain na tayo dahil nagugutom na ako." pilit ngiting sabi pa ni Bella.

Tumango naman sila Stella. Wala si Mello dahil nag re-review pa raw ito.

Agad na nagsimula kaming kumain at nilagyan ko pa ng ulam ang pinggan ni Panget na hindi man lang umimik.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng biglang may tumatakbong nagsisigaw papasok ng cafeteria.

Hingal na hingal pa ito at lumapit sa table namin.

He's a sophomore student.

"Mga ate at kuya! M-may mga nakaitim na mga taong n-nakapaligid sa harap ng parking lot!" hinihingal na sabi pa nito.

Ano!?

"What? Mga nakaitim?" takang tanong pa ni Xandra.

Mabilis na tumango ang sophomore.

Nagkatinginan kaming lahat at mabilis na tumayo si Panget sabay takbo palabas.

"Love!" nag-alalang sigaw ko at mabilis na sumunod sa kaniya.

Gano'n rin sila Lyle. Paglabas namin ng cafeteria ay nagkakagulo ang mga studyante.

Shit!?

Mabilis na tinawagan ko ang mga bantay ng university at binigyan ng signal.

Pagdating namin sa labas ng gate ay nagsisigawan ang mga studyante.

Napatingin ako sa harap ng parking lot at mayroon ngang mga taong nakaitim at armado pa ang mga lintik habang naka bonet.

Tanging ang mata, ilong at bibig lang ang makikita sa kanila.

May hawak pa silang studyante.

Napakunot ang noo ko ng makitang---

"Drix!!" takot na takot na sigaw ni Kiana at pilit nagpupumiglas sa pagkakahawak ng dalawang lalaki.

What the hell!?

"Ash!!" rinig kong sigaw nila Xandra.

Mabilis na napatingin ako sa lupa ng makita kong tumalsik si Panget.

Fvck!?

"Damn you!?" galit na sigaw ni Panget sa lalaking sumipa sa kaniya.

Nagulat pa ako ng walang isang segundong tumayo si Panget sabay talon at sinipa sa mukha ang lalaking sumipa sa kaniya dahilan para tumalsik ito.

Damn!! She's good at it.

Mabilis na nilingon ko si Lyle at sigaw.

"Lyle! Papasukin niyo lahat ng studyante sa loob!" pautos na sigaw ko.

Agad naman nilang sinunod ang utos ko at tinulungan pa nila Kyla.

"P*tangina! Ash!!" malakas na sigaw na naman ni Xandra.

Paglingon ko ay nakatutok na kay Panget ang baril ng dalawang lalaki na sa tingin ko ay lider nila.

T*ngina kayo!

"Fvck!? How dare you to point your gun in my property!?" galit na sigaw ko.

Akmang lalapit ako ng mabilis akong tutukan ng mga kasamahan nila.

"Pag-aari mo pala ito? Tsk tsk! Huwag ka na lang makialam bata. Hindi ikaw ang kailangan namin." seryusong sabi ng isa sa mga tumutok ng baril kay Panget.

P*tangina mo ka!?

Umigting ang panga ko sa galit at magsasalita na sana ng maunahan ako ni Panget.

"Anong kailangan niyo?" kalmadong tanong ni Panget.

Nakapamulsa pa ito na animo'y walang baril na nakatutok sa kaniya.

Shit love!

"Ano sa tingin mo?" balik tanong ng lalaki.

Hanep na sagot na 'yan.

Sinamaan siya ng tingin ni Panget pero matalim na tiningnan lang siya ng kaharap.

Who the hell are they?

Lihim na kinikilatis ko ang mga kilos nila.

Napakunot ang noo ko ng makitang pamilyar sa akin ang mga suot nila.

Shit!?

Mga tauhan ni Mr. A!

Lihim na napatingin ako sa gawi nila Lyle na seryusong nakabantay sa mga kilos ng mga 'to.

Alam kong napansin rin nila ang napansin ko kaya nilingon ko si Panget.

Kalmado pa rin siya pero hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya.

Kilala niya ba ang mga taong 'to?

"Anong kailangan niyo sa akin?" kalmado pa ring tanong ni Panget.

Biglang ngumisi ang dalawang kaharap niya na animo'y natutuwa.

"Ang buhay mo." nakangising sabi ng lalaki.

Nagpantig ang tainga ko dahil sa sinabi nito.

"Try to hurt her and I will bring you to hell!?" galit kong sigaw.

Inis na nilingon ko ng isa sa tumutok ng baril kay Panget at tinutukan ako.

"Huwag kang makilam gago!?" galit na sigaw nito.

Matalim na tiningnan ko ito at mabilis na hinablot ang baril ng lalaking  tumutok ng baril malapit sa akin bago ito sinapak sa mukha dahilan para bumagsak ito sa lupa.

"Huwag mo akong masabihan ng gago dahil naka tapak ka pa sa teritoryo ko." mariing sabi ko habang nakatutok ang hawak kong baril sa lalaking masama ang tingin sa akin.

Akmang magsasalita ito nang pigilan siya ng katabi nitong nakatutok ang baril kay Panget ng makita nito ang mga tauhan kong nakapaligid na sa parking lot.

Tse!

"Let me go!" rinig ko pang sigaw ni Kiana.

Patulak na binitawan siya ng lalaking may hawak sa kaniya kaya sinamaan niya ito ng tingin.

Tse!

"Umalis na kayo rito habang nakapag pigil pa ako." biglang untag ni Panget sabay talikod.

Napatigalgal ako.

Daig pa niyang hindi armado ang mga nasa harap namin kung umasta.

Walang bakas ng takot o kahit ano ang makikita sa mukha niya.

"Ang hambog mong babae ka! Isang putok lang ng baril ko lilisanin mo na ang mundo!?" galit na sigaw ng nainis sa akin kanina.

Tse!

Agad na napatigil si Panget at muling humarap. Kita ko ang pagdilim ng mga mata nito.

"Subukan mo. Hindi mo pa nakakalabit ang gatilyo niyang baril mo nasa impyerno ka na kasama ng boss niyo." blanko at malamig na banta ni Panget na nagpatindig sa mga balahibo ko sa batok.

Nakita ko pang napalunok ang dalawa kahit na bakas ang galit sa mga mata nila.

"Sino ka sa akala mo para bantaan kami?" hindi nagpapatinag na sarkastikong tanong ng isa na may litrang C sa bandang dibdib na coat nito.

"You'll regret if I tell you." malamig na sagot ni Panget.

Shit!

Daig ko pang hindi ko kilala ang Panget na nasa harap ko.

Love, sino ka ba talaga?

"Really? Sa pagkakaalam ko ay katulad ka lang din ng ina-----"

Blaaaggg!!

Napasinghap kaming lahat na naiwan dito sa parking lot ng walang kurap na nilatas ni Panget ang layo nila ng lalaking may litrang C sa coat at sa isang iglap ay tumalsik ito sa itim na van.

Hindi ako nakagalaw dahil sa pagkabigla.

"Huwag na huwag mong banggitin ang ina ko hangal! Kung ayaw mong ngayon din kita ihahatid sa impyerno!?" nandidilim ang matang sigaw ni Panget at sinapak sa mukha ang lalaki.

"Ash! Tama na 'yan!" Hindi mapakaling pigil ni Xandra sa kaniya.

"Hanep na 'yan! Umalis na kayo kung ayaw niyong pagsisihang sumugod pa kayo rito!?" nag-alalang sigaw ni Kyla.

Halata naman ang takot sa mga kasamahan ng dalawang lalaki.

"P*tangina ka!? Hindi pa tayo tapos!?" galit na sigaw ng lalaking sinipa at sinapak ni Panget kanina bago pa man sila tuluyang makaalis.

Natauhan lang ako nang mabilis na lumapit sila Lyle.

"Calm down, Ash." Pagpapakalma ni Xandra kay Panget.

Parang nanginginig sa galit si Panget. Napapansin kong gumaganiyan lang siya kapag binabanggit ang tungkol sa tunay niyang ina.

Agad na lumapit ako at mabilis na niyakap ito. Hindi ko kayang makita ang galit niyang mukha at ang walang buhay niyang mga mata.

"Calm down, love. Don't be mad please." bulong ko sa kaniya habang nakayakap pa rin ako.

"Drix..."

"Shhhh... I'm here, ok? Just calm down." mahinang saad ko at hinalikan ang noo niya.

Naramdam ko namang medyo kumalma na ito at nawala na ang mabigat na aura niya kanina.

Bahagya akong lumayo sa kaniya at hinawakan ang mga kamay nito.

"Are you ok now?" I asked.

Huminga siya ng malalim at tumango.

"Naghahanap talaga sila ng gulo. Humanda sila at ibibigay ko yun sa kanila." seryusong anas niya.

Natigilan ako at nagtaka sa sinabi nito. Anong ibig niyang sabihin?

"What do you mean? Do you know them?" kunot-noong tanong ko.

Tiningnan niya ako ng-ano-sa-tingin-mo-look.

"Matagal na at hindi ko na sila palalagpasin pa." walang bahid ng birong saad niya sabay lingon sa gawi ni Kiana bago bumitaw sa akin at naunang pumasok sa loob ng campus.

Napahilot na lang ako sa tungki ng ilong ko. Nakakaramdam ako ng panganib para kay Panget.

It seems like she meant what she said.

"Seems like we can't do anything to stop her this time." rinig kong sabi ni Xandra bago sumunod kay Panget.

I am afraid not because she knew who's the opponent.

Natatakot ako sa kung ano ang pwede niyang gawin sa kanila.

"Love, sino ka ba talaga?" mahinang bulong ko sa sarili ko.

************************************

Someone's (1) Pov.

Nakaramdam ako ng galit at inis dahil hindi man lang umubra ang pananakot na ginawa ng mga hunghang na tauhan ni Tito.

Matalim ang mga matang nakatingin lang ako sa magkayakap na mag jowa. Nakita ko pang parang nag-uusap pa sila bago naunang umalis ang pesting Ashi Vhon Acosta Ibañez.

Kumuyom pa ang mga kamao ko habang nakasunod ang mata ko sa kaniya.

Nagulat ako kanina dahil sa mabilis niyang kilos. Hindi ko yun inaasahan sa kaniya kahit na alam kong hindi siya basta-basta.

Psh!

"Kailan ka pa ba mawawala sa landas namin." mariing bulong ko.

Hindi pwedeng magtatagal ka pa sa mundong 'to.

Ikaw lang ang malaking hadlang para maipatumba ni Tito ang pamilya mo.

Tsk!

Kundi lang dahil sa punyeta mong ina hindi sana magiging ganito ang lahat. Hindi sana hahantong sa ganito si Tito.

Dapat sumunod ka na sa punyeta mong ina sa impyerno.

Hindi ko hahayaang ikaw ang magpapatumba sa Tito ko. Uunahin na lang kita kung gano'n.

Agad na pumasok ako sa kotse ko at tinawagan si Tito ng mawala na sa paningin ko sila Drix at ang mga kaibigan niya.

Nakakailang ring pa lang ay sinagot na ni Tito ang tawag ko.

"[How was it?]" bungad nito sa kabilang linya.

Napabuntong-hininga ako bago nagsalita.

"[Pumalpak ang mga tauhan mo, Tito.]" sagot ko.

Narinig ko ang malutong na pagmura nito at ang kalabog sa kabilang linya.

He's mad.

Tsk!

"They are useless!" halatang galit ang tonong sigaw nito.

Napangiwi na lang ako.

"[Calm down, Tito. Minamanmanan ko pa rin naman siya sa bawat kilos niya.]" pagpapakalma ko sa kaniya.

Naging matunog ang pag buntong-hininga niya bago nagsalita.

"Make sure to look after her. Send me the details and be careful with her." seryusong sabi ni Tito.

I nodded as if he sees it.

"Don't worry, Tito. I'll take care of myself. Besides, they have someone who can help me with my mission." nakangising sabi ko habang nakatingin sa labas ng kotse ko.

"Good. By the way, is there any updates?" tanong niya.

Tinutukoy nito ang ilang araw ko ng pagmamanman sa punyetang Ashi na iyon.

"Nothing important, Tito. Pero mukhang nakakamalay na siya sa kung sino ang kalaban niya. Pumalpak ang bibig ng tauhan mo kanina at binanggit ang ina ng punyetang 'yon." May bahid ng inis na sabi ko pa.

Muling napamura si Tito sa kabilang linya kaya napapailing na lang ako.

"She's getting to my nerves." naiinis  na sabi nito.

Tsk tsk!

"Just calm down, Tito. I will handle her." paninigurado ko sa kaniya.

"One more thing. Mukhang wala siyang alam na ako ang nagmamanman sa kaniya." dagdag ko pa.

"Are you sure?" Naniniguradong tanong niya.

Natahimik ako at iniisip kung hindi nga ba.

Wala naman akong napansin na nakakapansin siya na may nagmamasid sa kaniya.

"Yeah. I'm sure about it." paninigurado ko.

Narinig ko pa ang malalim na pabuntomg-hininga nito bago nagsalita.

"Bilis-bilisan mo ang inutos ko sa 'yo bago pa tayo mabisto ng Ibañez na iyon. I need a result before this month ends." huling sabi niya bago ibinaba ang tawag.

Napairap na lang ako at nagkibit-balikat bago tenext ang taong isa sa makakatulong sa akin para mapadali ang trabaho ko.

I'll make sure to make my job successfully.

Pinakaayaw ni Tito ang pumapaltos sa trabaho.

Tsk!

Inayos ko na lang ang damit ko bago lumabas ng kotse at pumasok sa campus.

I need to be careful 'cause I am not just doing this job for my Tito but also to get what I want.

To get back the person who belong to me.

And I will make that fvcking b!tch go to hell!

Tsk!

******

Mabilis na lumipas ang oras at natapos na lahat ng exam namin. At weekends na bukas.

Nagmamadaling lumabas ako ng classroom at bumaba ng building namin.

Pagbaba ko ay nakita ko agad sila na palabas ng campus.

*Smirk

Tahimik na sinusundan ko na lang sila ng walang kahina-hinala.

I need to find out if where are they staying now.

Napag-alaman kong hindi na sila umuuwi sa mansion ng mga Ibañez at sa dati nilang bahay.

Mukhang tama nga ang hinala kong nakakamalay na sila kung sino ang kalaban nila.

Psh!

Nang makalabas na ako ng campus ay nakita kong nagpaalam na ang ibang mga kasamahan nila.

Nakita ko pang hinalikan ni Drix sa labi ang punyetang Ashi kaya napakuyom ang kamao ko.

Punyeta!

Ako sana ang hinahalikan mo at hindi ang walang kwentang babaeng 'yan!

Arghhh!

Hanggang sa umalis na sila Drix at gano'n na rin ang tatlo. Mabilis na pumasok ako sa kotse ko at agad silang sinundan.

Napamura pa ako dahil ang bilis nilang magmaneho na akala mo sila may-ari ng kalsada.

Mga hambog!

Lumipas lang ang sampung minuto at nakita ko silang huminto sa harap ng isang Villa at pumasok sa loob.

*Smirk

Dito lang pala kayo nagtatago. Tsk! Poor you guys.

Inilibas ko ang cellphone ko at tinawagan si Tito.

"[What now?]"

"[Alam ko na kung saan sila nagtatago.]" nakangising sabi ko.

"[Good. Come here at my mansion.]" halatang nakangising sabi nito bago ibinaba ang tawag.

*Ngisi

Malapit na ang paglisan mo sa landas ko Ashi Vhon Acosta Ibañez.


To be continued...

A/N: Hey guyss! Sorry at medyo natagalan ang update ngayon. Busy ako sa modules ko. By the way, I am 2nd honor in the first semester. Share ko lang. Galingan niyo rin mga modules niyo, ah.😉

Enjoy reading!

Don't forget to Vote, comment and follow!


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top