chapter 183 "someone"
Xandra's Pov.
"Don't touch my girl, if you don't want to die." malamig ang boses na sabi ng kung sinong biglang dumating.
Pagtingin ko si Drix pala na dinaig pa ang ka-blankuhan ng isang mafia boss habang naka pamulsa ang isang kamay.
Hanep!
Daig pa namin nanonood ng isang live show ng pelikula.
Puro mga astig!
Pero sandali lang, bumalik ulit sa pagiging seryuso ang mukha ko. Tiningnan ko ng mabuti ang lalaki.
He seems like he's not the mastermind of this shit!
Halata naman sa reaksiyon nito ng sabihin ni Ashi kanina kung siya ba may gawa ng mga nakapaskil sa may bubong nitong hallway.
Napaisip ako.
Well, Mr. Thornheart hasn't have the reason to do this.
Yes!
Mr. Thornheart!
Iyong lalaking naghatid kay Ashi sa mansion dahil lasing ang pinsan ko nun.
Mr. Thornheart, that was his last name that we know since the day we met him again at the parking lot where he accidentally bump into my cousin, Ashi.
Noong nakausap namin siya nila Kyla last time.
Actually, kilala na siya rito sa buong university since that day. Naging usap-usapan siya ng lahat hanggang ngayon na halos mag-iisang linggo na siya sa university.
Yes!
He was the first year college students here! Almost one year na siya rito sa university kesa sa amin.
Kaya lang ang sabi niya the last time we talk to him that, he's been a home studies 'cause of his parents and some reasons.
Kaya pala hindi namin siya nakikita kahit pa nasali kami sa college campus.
Yun lang din ang alam namin dahil tulad ng pinsan ko. Hindi masyadong pala salita ang lalaking 'to.
Yun lang ang sinabi niya.
Magkaklase pa nga sila ni Liam at Zenn, eh.
Ang pogi rin ng loko kaya kinababaliwan ng mga babae rito.
Tss!
"Tsk! As if I really cared." natauhan ako dahil sa sinabi ni Mr. Thornheart habang nakatingin kay Drix.
Tiningnan lang siya ng blanko ni Drix with nakakamatay na tingin.
(6_0)
"Fvck!? Sagutin mo ang tanong ko! Ikaw ba may gawa----"
Hindi natapos ni Ashi ang sasabihin niya nang pigilan siya ni Mr. Thornheart.
"Tsk! Why me? Why would I do that?" salubong ang kilay na balik tanong niya kay Ashi.
Huta!
Sagutin daw ba ng panibagong tanong ang isa pang tanong?
Ashi be like.
Tss!
Mariin siyang tiningnan ng pinsan ko. Alam kong galit na galit na siya dahil sa mga hanep na nakapaskil sa hallway.
For pete's sake! It was a private matter pero may nangahas na gumawa nito.
'Di nila kilala ang kinalaban nila hanep na 'yan!
Malaman ko lang din sino may kagagawan nito ako mismo kakalbo sa kaniya.
Langya siya!
"Damnit! Malalaman ko lang kung may kinalaman ka rito, malalagot ka sa'kin." malamig na saad ni Ashi habang matiim na nakatingin sa lalaki.
Mukhang hindi magkakasundo ang dalawang 'to.
Mula pa noong araw na nakita namin silang nagbabangayan sa parking lot kung saan nakausap namin si Mr. Thornheart.
Hayst!
Napapailing na lang si Mr. Thornheart sabay tingin kay Ashi at Drix bago tumalikod.
Napatabi pa ang ibang studyante na nakaharang sa daan.
Tss!
Nakita ko pa itong bahagyang napatigil sa pagtalikod. Nang tingnan ko kung bakit ay nakaharang pala ang akala mo hindi makabasag pinggan 'kuno' sa kabaitan.
Si Kiana Vergara.
Napaka inosenting tingnan nito habang may pagtataka sa mukha.
"What's going on here?" kunwaring naguguluhang tanong nito.
Sarap sabunutan.
Naiinis pa naman ako sa kaniya nitong mga nakaraan dahil lapit siya nang lapit kela Keith.
Dikit nang dikit kay Drix na akala mo siya ang girlfriend.
Naku!
Kundi lang ako sinita ni Ashi baka nalampaso ko na ang mukha niya kasama si Kathy.
Magkakasundo na kasi ang dalawa.
Tawag do'n joining force.
Psh!
"Be wiser to those people who interfered to your life. You didn't notice that they plan to manipulate you." Seryuso at walang bahid ng kahit anong saad ni Mr. Thornheart sabay lingon kay Ashi bago tumingin kay Drix at ibinalik ang tingin sa taong nakaharang sa dinadaanan niya.
"Don't block my way." Malamig na anas pa nito bago nilampasan si Kiana na nakatanga habang nakasunod ang tingin sa kaniya.
Napasunod-tingin rin kaming lahat sa kaniya.
Anong ibig niyang sabihin?
Bakit parang babala yun para kay Ashi upang----nagsalubong ang kilay kong lumingon sa pinsan ko.
Kita ko ang pagtataka sa mga mata nito kahit pa walang emosyong mababakas sa mukha niya.
Marahil ay nagtaka siya sa sinabi ni Mr. Thornheart.
What does he mean by that?
Sinasabi ba niyang maging maingat si Ashi sa mga taong nasa paligid niya?
They are plan to manipulate?
Who?
Tiningnan ko si Drix, he look very confused with a blank one.
"Anong ibig sabihin no'n? Ang weird niya ngayon, ah." nakangiwing anas ni Kyla.
Napabuntong-hininga na lang ako at saktong napadako ang tingin ko kay Kiana.
Nakita kong lihim na napangiti ito sabay tingin kay Drix.
Huta ka!
"Hi! What face is that?" takang tanong pa nito kay Drix nang makitang salubong na ang kilay nito.
Psh!
"Duhh! Malamang mukha! Puwera na lang sa isa riyan! Mukhang si smigol sa lord of the ring!" sarcastic at nakairap na sabi ko na ikinatawa ng lahat.
Mukha naman siyang napahiya kaya napa smirk ako.
Xandra 102 be like.
Tss!
"What did you say?!" may inis na tanong nito habang halata namang napahiya.
Psh!
Nabingi ata kaya 'di narinig.
"I don't like to repeat my words. Just know it by yourself. Tss!" masungit kong sabi bago ito muling inirapan at tumalikod.
Pagtingin ko sa gawi ni Ashi ay wala na ito.
Nasaan na 'yon!
Huta!
Galit pa naman ang isang yun-----napatigil ako--esti kaming lahat nang makitang halos wala na yung mga nakapaskil sa hallway.
"Takti! Kung sino mang may gawa nito humanda ka na lang. 'Di niyo kilala ang binangga niyo." napapailing na sabi ni Kyla bago sumunod kay Ashi na nakita kong patungo na sa locker area.
Muling bumalik ang mga bulungan at nangingibabaw ang boses ni Kathy na kakarating lang din.
Bitch!
Tss!
"Ooh! What's this? 'ASHI'S REAL MOTHER WHO'S INVOLVED IN A DRUG SYNDICATE BEFORE SHE DIED.' OMG! Is this for real?" kunwaring gulat na bulalas nito.
Hindi bagay sa kaniya yung akting niya. Nagmumukha siyang sirang tanga.
Pwe!
"Well, you read it right?" sabat ni Kiana.
"Wag ka ngang sumabat impokrita ka!" parang naiinis na sita ni Stella sa kaniya.
Oo nga naman, sumasabat ang huta na 'to!
"Why not? Look! Kalat na sa buong university ang tungkol diyan 'no! Naging paksa na ang ASHI niyo at ang tungkol sa tunay niyang INA----"
"Say it and I will cut your tongue right here." malamig na pigil ni Ashi.
Huta!
Bumalik pala siya!
Hindi nakapagsalita si Kiana habang nakaawang pa ang bibig nito.
Pasukan sana ng langaw.
Huta siya!
"You don't have the rights to talk about my mother." mariin at malamig na dagdag pa nito.
Pati ako napalunok dahil sa lamig ng boses niya.
"Love, calm down." mahinahong saad ni Drix sabay lapit sa kaniya ngunit hindi nito pinansin ang sinabi ni Drix.
Walang expression ang mukhang tumalikod siya. Bago pa man ito makaalis ay nagsalita ulit siya.
"Who ever did this bullshit. Don't you dare to let our path cross or else, you'll regret it." walang kabuhay-buhay na sabi nito bago tuluyang nakaalis.
Napalunok at at namutla ang mga nakarinig sa sinabi ni Ashi.
Pati si Drix ay natigilan din habang nakapamulsa.
"She's not joking." nakangiwing sabi ko.
"Sino ba kasi ang may gawa nito?" nag-aalalang tanong pa ni Bella sabay tingin sa mga litratong nagkalat sa lupa na sirang-sira na.
Walang sumagot at bagkus ay tahimik lang ang lahat.
Tss!
"Malilintikan sa'kin ang gumawa nito." seryusong saad pa ni Drix dahilan para mapatingin kaming lahat sa kaniya.
Ramdam ko ang takot ng mga narito.
"My girlfriend's enemy is my enemy, too. So better don't mess up with her or else you'll see what are you seeking for." walang bahid ng pagbibirong sabi nito sabay tingin kay Kiana at Kathy.
Nagulat pa silang dalawa bago napaiwas ng tingin.
Napabuntong-hininga pa si Drix bago sininyasan ang kakarating at nagtatakang si Lyle pati sila Keith bago umalis.
Bigla akong napaisip bago tumingin sa dalawang impakta.
May hinala ako sa dalawang 'to.
Hindi kaya sila ang may kagagawan ng mga 'to?
"What kind of look is that?" nakataas kilay bagama't may kakaiba sa mga matang tanong ni Kiana.
Naningkit ang mga mata ko bago dahan-dahang lumapit sa kaniya dahilan para mapaatras ito pati si Kathy.
"What are you doing?" kinakabahang tanong niya.
"May kinalaman ka ba sa mga nakapaskil sa hallway kanina?" nanliliit ang mga matang tanong ko.
Animo'y hinuhukay ko ang kalamnan niya sa uri ng titig ko sa kaniya.
"W-what? Why would I? And why the hell I will do it?" may inis sa boses na balik tanong niya.
Napasuntok ako sa ere dahilan para takot na napaatras ito.
"Hey! Tama na 'yan. May exam pa tayo!" pigil ni Kyla sa akin.
Napahinga ako ng malalim at seryusong tiningnan si Kiana at Kathy.
"Siguraduhin niyo lang na wala kayong kinalaman sa nangyari kung ayaw niyong ilibing ko kayo ng dilat ang mata niyo." banta ko sa kanilang dalawa bago nag flip hair na tumama sa mukha nilang dalawa.
Tss!
Agad akong hinila nila Kyla at Bella patungo sa locker namin. Inilagay lang namin ang ibang mga gamit bago nagtungo sa main building.
"Uy! Ba't mo nasabing may kinalaman sila Kiana at Kathy sa mga nakapaskil sa hallway kanina?" nagtatakang tanong ni Stella.
"Oo nga naman," sang-ayon pa ni Theresa.
Ngumiwi ako sabay irap bago sumagot.
"Tss! May kutob lang ako. Hindi pa naman maaasahan ang pagmumukha ng mga 'yon." sagot ko.
Napatango-tango sila Bella.
"Naku, lagot sila kay Ashi kung sakali man," napapailing na sabi ni Bella.
Biglang nagsalita si Kyla kaya napalingon kami sa kaniya.
Animo'y ang lalim din ng iniisip nito.
"Wait, bakit nasabi ni Ashi na may kinalaman si Mr. Thornheart sa mga yun kanina?" nakakunot-noong tanong niya.
Natigilan ako bago bumuntong-hininga.
"Oo nga 'no?" anas pa ni Stella.
"Pero wala naman sa mukha ni Mr. Thornheart ang gumawa ng gano'n." nalilitong sabi ni Bella.
Yeah.
I agree.
"Mmm. Besides, there's no reason for him to do that." dagdag ko sa sinabi ni Bella.
Ang mga taong may galit o alitan lang ang posibling gagawa nun.
Napaisip ako. Iniisip ko kung sino yung mga taong nakaalitan ni Ashi.
"Hayst! Bilisan na nga lang natin baka maunahan pa tayo ni Miss Taba!" nagmamadaling sabi ni Theresa.
Wala kaming nagawa kundi ang sumunod sa kanila paakyat sa floor namin.
Hanggang sa makarating at pumasok kami sa loob. Buti wala pa si Taba.
Tss!
"Oh? Nasaan si Ashi?" tanong ni Bella.
Tiningnan ko ang loob ng room at wala nga ang pinsan ko.
Lagot!
Baka topakin yun tapos hindi papasok! Exam pa naman.
Jusko naman!
Naupo kami sa upuan at nakita kong kinalikot ni Kyla ang cellphone niya.
Napaapiling na lang ako. Pati sila Drix ay hindi pa pumasok. Mukhang nasa office siya.
Siya na ang naghandle sa buong university.
I mean, siya na ang president dahil iyon ang nakasulat sa ibinilin ni Dean Chevalier sa loob ng office niya bago pa man ito mawala.
Noong nakaraang linggo lang namin nalaman. Kaya isa rin yun sa kinabisihan niya kasama sila Lyle.
Mas naging higpit na rin ang university para hindi na maulit pa ang mga nangyayari sa mga nagdaang buwan.
Iba talaga ang isang Drixon Chevalier.
Kung noon sinasabi ni Ashi na isip bata ang isang yun ngayon naman ay daig mo pang isang mafia boss kung umasta.
Habang tumatagal ay mas lalo naming nakilala si Drix at ang mga kaibigan niya.
Feeling ko tuloy palabas lang iyong mga pinapakita at inakto nila dati na kunwari ay hindi marunong makipaglaban noong bugbugin sila ng grupo ni Luke.
Napatingin ako sa pintuan ng pumasok si Ashi na walang pinagbago sa expression ng mukha. Nakausunod sa kaniya ang apat na magkakaibigan.
Tiningnan ko sila ng mabuti.
I really felt like there's something wrong with them.
And I need to find out what is it. I feel strange.
Are they a biased or an enemy?
***********************************
Ashi Vhon's Pov.
Nagtagis ang bagang ko habang napapakuyom ang mga kamaong huminga ng malalim habang nakatingin sa baba.
Nandito ako sa rooftop para magpalamig.
Iniisip ko kung sino ang may pakana sa mga nakapaskil kanina sa hallway at locker.
I didn't expect na iyon ang bubungad sa araw ko.
Tanginis!
Exam pa naman at pinapainit nila ang ulo ko lintik na 'yan!
Kapag nalaman ko lang kung sino ang may gawa. I swear, matitikman niya ang hinahanap niya.
Pinaka ayaw ko sa lahat ang pinapakialaman ang pamilya ko. Lalo na ang tunay kung ina na hinahanapan ko pa ng hustisya.
P*tanginang mga hayop sila.
Tsk!
Kinalma ko na lang ang sarili ko bago naisipang bumaba na. Baka maunahan pa ako ni Taba at mapagalitan pa ako.
Mainit pa naman ang ulo ko.
Pagbaba ko ay saktong nakasabay ko ang apat na kakaakyat pa lang.
Nag-aalalang tiningnan nila ako kaya napabuntong-hininga ako.
"Are you, ok?" bakas ang pag-alala sa boses na tanong ni Bisugo.
Tiningnan ko lang siya bago tumango at nilagpasan sila.
Sa mga nakalipas na araw at linggo ay madalang kami nakakapag-usap dahil pareho kaming busy.
Lalo na't siya na ang namamahala sa buong university.
Yeah.
He's the president of the university now.
Kaya alam kong busy siya at ayaw kong dumagdag pa sa mga problema niya.
Tsk!
Pumasok na lang ako sa loob at ramdam kong nakasunod lang naman ang apat.
Dumeretso ako sa upuan ko. Sakto namang pumasok si Taba na seryuso ang mukha.
Tinapunan pa ako ng tingin nito bago naupo sa upuan niya sa harap.
Psh!
Problema nito?
"Hey, ayos ka lang ba?" mahinang bulong ni Xandra.
Tinanguan ko lang siya. Mahirap na't nasa harap pa ang matandang dalaga.
Tumahimik na lang ang lahat hanggang sa ibinigay nito ang mga testpaper.
"Just answer on the test paper. Strictly no erasure!" sabi pa nito.
Tsk!
Hindi ko na lang ito pinansin at sinagutan ang akin. Halos mapamura pa ako ng makitang umabot ng 300 items.
"Huta ang matandang taba na 'to." rinig kong bulong ni Xandra.
Agad ko na lang sinagutan yung sa 'kin. Tahimik kaming lahat habang seryusong nagsasagot.
Samantalang palakad-lakad naman ang matanda.
Tsk!
Bago pa man lumipas ang 30 minutes ay natapos ko na yung sa 'kin.
Agad na akong tumayo at lumapit sa table ni Taba bago inilapag ang test paper ko.
Napataas pa ang kilay nito pero napaiwas din ng tingin at dumako sa likod ko ang paningin niya.
Tumalikod na lang ako at halos mapaatras ako ng makitang nasa likod ko si Bisugo.
Lintik!
Ang lapit lang ng mukha nito sa mukha ko.
"Tsk!"
Iyon na lang ang lumabas sa bibig ko at lumabas ng room bago dumeretso sa rooftop.
May 1 hour pa naman bago ang next sub.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Lyka nang makaakyat ako sabay sandal sa railings at tumingin sa baba.
"[Napatawag ka? May exam kayo, 'di ba?]" bungad nito sa kabilang linya.
Psh!
"[Where are you?]" seryusong tanong ko imbis na sagutin ang tanong niya.
"[Nasa puso ng pinsan mo.]" Sagot nito at humahalakhak sa kabilang linya.
T*anginang sagot na 'yan.
"[Wala akong panahon sa mga walang kwentang bagay na 'yan.]" bakas ang inis sa boses na saad ko.
Natahimik ito bago napatikhim.
"[Biro lang. Anong sadya mo?]"
"[Find who's behind this f*cking bullshit----!?]"
"[T*ngina! Deretsuhin mo na kasi! Andami mo pang mura----]"
"[Gusto mo bang maging malamig na bangkay?]"
"[Hehe. H-huwag naman, Ash. Baka mawalan ng magandang asawa ang pinsan mo----]"
"[Shut the f*ck up and listen!]" inis na inis kong pigil sa kaniya.
Kung ano-ano pang sinasabi!
"[H-hey! Calm down, uy! Magkaibigan tayo. Sige, sabihin muna,]"
Napahinga ako ng malalim bago seryusong nagsalita.
"[Alamin niyo kung sinong hudas ang may lakas-loob na pakialaman ang tungkol sa tunay kong ina. Make sure to give me every detail about that f*cking bullshit.]" mariin at galit na galit kong utos.
Panandalian itong natahimik sa kabilang linya bago nagsalita.
"[Bakit? May nangyari ba?]" takang tanong nito.
Damn!
"[Tatawag ba ako kung wala?]"
"[Sabi ko nga meron, eh.]" mahinang sabi nito.
Napahilot na lang ako sa sintido ko.
"[Tandaan mo ang sinabi ko. I will send something to you and after you find out send it to me. ASAP!]" huling sabi ko bago ibinaba ang tawag.
Narinig ko pang may sinasabi pa ito pero hindi ko na pinakinggan pa.
Napahilamos na lang ako sa mukha at tumingala sa langit.
Wala pa naman akong maayos na tulog nitong mga nakaraan dahil sa mga lakad ko.
Idagdag mo pa ang pag-review dahil sa lintik na exam.
Hayst!
Nagpakawala na lang ako ng malalim na buntong-hininga.
Bigla kong naalala ang nangyari kanina sa hallway.
Mr. Thornheart.
Hindi ko alam kung bakit siya agad ang naisip kong may kagagawan sa mga nakapaskil sa hallway kanina.
I don't know him pero mula no'ng gabing nagkita kami sa KJMAX resto bar ay may kakaiba akong nararamdaman sa isang yun.
Bigla-bigla na lang sumulpot sa eksena.
Tsk!
There's something that bothers me about his presence and existence.
There's part of me that says I need to stay away from him but there's also part of me says he's not like what I think.
Tanginis!
Sino ba kasi ang isang yun at biglang sumulpot.
These past few days ay napapansin kong parang may nakamasid sa akin.
It seems like there's someone who's watching and observing my every action even though, it's not a new to me.
Parang minamanmanan ako at hindi pinalagpas ang kahit kunting galaw ko lang.
I can feel and sense their presence.
Yes.
At alam kong malapit lang siya---sila.
Tsk!
Malas lang nila dahil malakas ang pakiramdam ko sa mga taong kalaban ko.
And I need to be careful especially now that I know they're just near me.
Kailangan kong maging mapagmatyag sa paligid ko.
*Sigh
Bigla lng pumasok sa isip ko ang sinabi ni Mr. Thornheart kanina.
"Be wiser to those people who interfered to your life. You didn't notice that they plan to manipulate you."
Napakuyom lalo ang kamao ko.
Pakiramdam ko may malaking ibig sabihin ang sinabi niya kanina.
It seems like he knew something that I didn't.
Who the hell are you Mr. Thornheart? What is your role in my life?
Are you a biased or an opponent?
Tsk!
Napatigil ako sa malalim na pag-iisip ng maramdamang may biglang yumakap sa akin mula sa likod.
Pabango pa lang nito ay alam ko na kung sino.
"Ang lalim ng iniisip mo, love. Care to share it with me?" malamyos ang boses na bulong nito.
Hindi ako nagsalita at mahigpit na niyakap niya ako.
Para tuloy akong nanlata dahil sa yakap niya. Pakiramdam ko lumabas lahat ng pagod ko nitong mga nakaraang araw dahil sa yakap ni Bisugo.
Napapikit na lang ako.
I was about to move when he speak.
"Don't move. Let's stay like this for a while. I know, you're very tired right now and we're the same." brusko ang boses na saan niya sa tainga ko.
Hinayaan ko na lang siya at nakapikit na dinama ang yakap niya sa akin.
Pakiramdam ko nawala na ang lahat ng pagod at galit na naramdaman ko kanina lang.
Mga limang minuto kaming nasa gano'ng position bago niya ako iniharap sa kaniya at mabilis na hinalikan sa labi.
Nanlaki ang mga mata ko.
"I miss you lips." nakangiting saad niya habang nakatingin sa labi ko.
Napaiwas na lang ako ng tingin.
"Tumahimik ka nga," nakaiwas tinging sabi ko pa.
Bigla siyang natawa ng mahina kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"You look cute when you're blushing, Love." abot taingang ngiting sabi nito.
Lintik!
Ako? N-namunula?
T*nginang 'yan.
Tinalikuran ko siya bago naglakad patungo sa bench nitong rooftop.
Natatawang sumunod naman siya at naupo sa tabi ko.
Tahimik lang ako habang naka-pikit. Ramdam ko naman ang titig nito sa akin.
"Ayos ka lang ba?" biglang tanong niya.
Hindi ako sumagot kaya napabuntong-hininga ito.
"Don't worry, makakatikim sa 'kin ang may pakana ng mga nakapaskil sa hallway kanina." mahinahong anas niya.
Hinawakan niya ang kamay ko dahilan para mapamulat ako.
"I already asked someone to handled it. I'm very tired these past few days and I'm sorry if I can't personally------"
I cut him.
"You don't need to do that. I can handle my problem. Besides, I don't want you to intrude with my problem." pigil ko sa kaniya.
Napahinga siya ng malalim at deretsong tiningnan ako sa mata.
Kita ko ang pagod sa mga mata niyang pilit nitong itinatago.
Tsk!
"No." seryusong saad niya.
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Anong no?"
Mas lumapit pa siya sa akin bago ngumiti at pinagsaklop ang mga kamay namin.
"Hindi pweding hindi ako makisali sa problema mo, Love. What the use of being your boyfriend if I will not help you?" tanong niya.
Natigilan ako habang nakatingin sa mga mata nitong namumungay. Animo'y kulang na kulang ito sa tulog.
Napapailing na lang ako bago umiwas ng tingin.
"Huwag mo na lang problemahin ang problema ko, Bisugo----"
"Love nga kasi," pigil niya.
Tsk!
"Alam kong busy ka 'love' kaya hayaan mo na lang ako. I can handle myself with this one." sabi ko.
Nginiwian niya lang ako bago umayos ng upo at humiga sa hita ko.
Anak ng!
"Wuy! Anong ginagawa mo?" 'di mapakaling tanong ko sabay tingin sa paligid.
Baka may taong makakita.
Psh!
"I want to rest first. I'm very tired 'cause I don't have enough time to sleep these past few days." mahinang sagot niya sabay pikit.
Lintik!
"Bakit 'di ka na lang magpahinga ro'n sa office mo? Ba't kailangang diyan pa sa hita ko-----"
"Shhh... don't talk." pigil niya sa'kin.
Natahimik na lang ako at pinagmasdan siyang nakapikit.
Halata nga ang pagod niya. Kung bakit ba kasi nagpupuyat.
Hayst!
Sabagay, hindi biro ang trabaho niya lalo na't siya ang bagong namamahala sa buong university.
Marahan na sinuklay ko na lang ang buhok niya gamit ang mga daliri ko.
I feel exhausted.
Tsk!
******
Lunch break
Kakatapos lang ng exam namin sa umaga at lunch break na. Lahat kami nandito na sa cafeteria habang nag-order ng pagkain sila Lyle.
Busy sa pag-uusap sila Kyla habang ako'y tahimik lang na nakaupo at naka cross arm.
Iniisip ko ang mga bagay na kailangan kong gawin.
Kunti na lang at maghaharap na tayo, Mr. Ong.
I won't let you go this time.
Alam kong matinik ka at malinis kumilos. Pero hindi sa akin.
I can search you wherever you are. Even if you'll hide in hell I will still searching you.
No matter what.
Pagsisihan mong kinalaban mo ang pamilya ko.
At gagawin ko ang lahat malaman ko lang kung sinong punyetang tao ang galamay mo rito sa university.
Huwag mo lang akong galitin kung ayaw mong ako mismo ang hahatid sa galamay mo sa pinagkutaan mo na wala ng ulo.
Masama akong kalaban.
Tsk!
"Ash, ayos ka lang?"
Natauhan ako sa malim na pag-iisip at napatingin kay Xandra.
"Ba't salubong na naman 'yang mga kilay mo? Halos 'di na maipenta, oh!" nakangiwing sabi ni Kyla.
Tiningnan ko na lang sila bago sumandal sa upuan ko. Napapailing ang mga ito pero hindi ko na lang pinansin pa.
Napasinghap pa sila nang makarinig kami ng mga sigawan at bulungan.
"Wahhh!!"
"Ang gwapo niya!"
"Makalaglag panty!"
"Para siyang anghel na nahulog mula sa langit!"
"Kyahh!! Ang kinis ng mukha!"
"Ang hot pang maglakad!"
"Ang tangkad niya talaga!"
"Hindi nakakasawang tingnan!"
"Wahh!! Loyal ako kay Lyle! Pero ba't ang gwapo niya?"
"Fafa Ice! Pa notice naman!"
"Wahh! Be my boyfriend, Ice!"
Rinig naming mga sigawan ng mga nandito sa loob ng cafeteria maliban sa ka grupo ko.
Halos masamid ako sa sarili kong laway.
Ice?
Lintik na 'yan!
Pati yelo pag-aagawan?
Napapailing na lang ako.
Tsk!
"Ang gwapo nga niya." rinig kong bulong ni Stella.
"Oo nga, feeling ko napapaligiran tayo ng mga gwapo this year." sang-ayon pa ni Theresa.
"Ay mga bakla! Dinaig din niya ang kakinisan ng Mario Maurer ko!" sabat ni Mello.
Mahinang napatili pa sila maliban na lang sa amin nila Xandra at Kyla.
"Soo desu ka?" nakangiwing tanong ni Xandra.
(Translation: Is that so?)
Natahimik sila at napatingin kay Xandra.
"Ha?" halos sabay na tanong nila Stella.
Psh!
Napapailing na lang ako.
"Zannen desu ne." nakangiwing tanong ko kay Xandra.
(Translation: Too bad, isn't it?"
Natawa na lang si Xandra habang napapailing naman si Kyla. Ang tatlo ay napatingin kay Bella.
"Anong pinag-uusapan nila?" curious na tanong ni Stella.
"Nah! Nothing," natatawang sabi ni Bella.
Bella knows how to speak Japanese dahil may lahi naman silang Japanese nila Bisugo.
"Ay! Ang daya! Hindi man lang namin naintindihan." kunwaring nagtatampong sabi ni Theresa.
"Bakla! Yaan mo na. Mag-aral na lang tayo kung pa'no mag Japanese." ngiwing anas ni Mello.
Hindi ko na lang sila pinansin at saktong dumating sila Bisugo dala ang mga order.
"Heto na!" anas ni Keart sabay lapag ng pagkain sa mesa bago naupo sa tabi ni Kyla.
Naupo naman si Bisugo sa tabi ko sabay lapag ng tray sa harap ko.
Umayos na lang ako ng upo at akmang kukuha ng pagkain nang may pumigil sa kamay ko.
"Let me." bulong ni Bisugo.
Hindi na lang ako pumalag at bigla akong napatingin sa kabilang table na malapit lang sa 'min.
It's Mr. Thornheart.
Tahimik na naupo ito bago nagsimulang kumain. Animo'y wala itong paki sa mga taong nagbubulungan sa paligid.
Tsk!
"Stop staring at him." napangiwi ako dahil sa narinig ko.
Pinangkunutan ko na lang ng noo si Bisugo bago nagsimulang kumain.
Pinagbuksan pa niya ako ng mineral water.
Lahat kami ay tahimik na kumain lang dahil may exam pa kami sa hapon.
Hanggang sa matapos kaming kumain at nagpahinga saglit bago sabay na bumalik sa building namin.
Akmang papasok na ako sa loob ng biglang tumunog ang cellphone na nasa bulsa ng uniform na suot ko.
Napahinto pa si Bisugo at napatingin sa akin.
"Sasagutin ko lang." saad ko.
Hindi ko na hinintay ang sagot niya at tumalikod na. Sinagot ko ang tawag at pumunta sa dulo nitong hallway ng third floor.
It's Liam.
"[Oh?]" bungad ko.
"[Tsk! 'Yan talaga lagi ang bungad mo sa tawag ko?]" natatawang tanong niya.
Tsk!
"[Why are you calling?]" tanong ko instead of answering his question.
Narinig ko pa ang tawa nito bago napabuntong-hininga.
"[Are you free tonight? I have something to tell you.]" seryusong ani nito.
Nagsalubong ang kilay ko. Anong nangyari sa isang 'to?
"[I'm busy. Why?]" I asked.
Natahimik ito sa kabilang linya bago uli nagsalita.
"[Ahmm...nothing. I thought you're free tonight.] " mahinang sagot niya.
Halata sa boses nitong may gusto siyang sasabihin pero hindi niya masabi.
Napapailing na lang ako.
I know him when he's ok or not.
"[Tsk! Where did you want to meet tonight?]" tanong ko rito.
Mas lalo itong natahimik kaya natawa na lang ako.
"[Are you alright?]" tanong ko ulit.
"[Ahh...hmm... I thought you were busy?]"
"[Tsk! It's ok. Just text me the place later.]" sabi ko bago ibinaba ang tawag.
It seems like may bumabagabag sa isang yun.
Tenext ko na lang si Clark bago uli naglakad pabalik sa room.
"Sino yun?" tanong pa ni Kyla ng makapasok ako.
"It's Liam." maikling sagot ko.
Naupo ako sa upuan ko at sakto namang pumasok ang next sub.
"Bakit daw?" bulong ni Xandra.
"May sasabihin siya sa'kin mamaya. I don't know what is it." mahinang bulong.
Tumango na lang ito at umayos din ng upo.
Agad na nag distribute ng test paper ang prof namin kaya agad na sinagutan ko na ang akin.
Buti na lang kahit marami ang gumugulo sa isip ko ay nasagutan ko pa rin ng maayos ang exams ko.
Hanggang sa dumako ang hapon at sabay-sabay kaming lahat na bumaba ng building.
Akmang sasabay ako kela Xandra palabas ng cmpus nang may humila sa akin.
"Let's go to my office." sabi nito.
Anak ng!
"Anong gagawin ko ro'n sa office mo?" takang tanong ko.
"May tatapusin lang akong documents."
Napataas ang kilay ko.
"Anong kinalaman ko sa pagtapos mo ng mga-----"
"Tse! I need you right now, love. Ilang araw tayong madalang lang magkasama." pagod ang boses na pigil nito sa akin.
Lintik na 'yan.
Magkasama na nga kami kanina, eh.
Hindi na lang ako nagsalita pa. Binuksan niya ang pinto at hinila ako papasok bago sinarado ang pinto.
"Can you make me a cup of coffee?" nakangiting tanong niya.
Napangiwi na lang ako at tumango.
Nagtungo siya sa table nito kaya lumapit ako sa mini kitchen ng office at nagtimpla ng kape niya.
Biglang nag vibrate ang cellphone ko kaya tiningnan ko ito.
Text galing kay Liam.
Mamayang 6:00 pm pa kami magkikita.
Hayst!
May gagawin pa akong importante mamaya.
"Here," maikling sabi ko sabay lapag ng baso sa harap niya.
Nag-angat siya ng tingin at ngumiti.
"Thanks."
Tinanguan ko na lang ito. Mukha talaga siyng pagod na pagod.
Naupo ako sa upuan na nasa harap ng table nito bago nagsalita.
"Bakit 'di mo na lang ipagpabukas ang mga 'yan? You look very tired." nag-alalang sabi ko.
Mahinang natawa siya sabay sandal sa swivel chair niya.
Nagmukha siyang cool na young mafia boss.
Psh!
"You're concerned, huh? Well, I'm fine as long as you're here with me." matamis ang ngiting sabi niya dahilan para lumabas ang dalawang malalim nitong dimple.
Shit!
It so damn attractive!
"Tsk!" tanging lumabas sa bibig ko.
Natawa pa siya ngunit bigla ring sumeryuso.
Napalunok na lang ako dahil sa seryuso ng mukha niyang nakatingin sa akin.
"Oh? Ba't g-ganiyan ka m-makatingin sa 'kin?" nauutal na tanong ko.
Tanginis na 'yan!
Sa kaniya lang ako nagiging ganito.
Nyeta!
Mas napalunok pa ako nang bigla itong tumayo at dahan-dahang lumapit sa akin.
Lintik!
"A-anong ginagawa mo?" mabilis na sabi ko.
Hindi siya nagsalita kaya napatayo ako. Akmang aambahan ko siya ng sapak nang magsalita ito.
"Would you stay away from Ice?" biglang tanong niya.
Natigilan ako.
Anong ibig niyang sabihin?
"Ano? Anong Ice? At ba't ko naman lalayuan ang yelo------"
"Ice Damon Thornheart." pigil niya sa akin.
************************************
Someone's (Master) Pov.
*Blaggggg!
Nabasag at nagkalat sa sahig ang basong hinagis ko sa sobrang galit. Parang gusto kong patayin ang animal na mga taong umubos sa mga tauhan ko sa kabilang kuta ko.
"Master, calm down." rinig kong sabi ng tauhan ko.
Galit na tiningnan ko ito at tinutukan ng baril.
"M-master..."
"Shut the fvck up!? Sinong hinayupak ang pumasok sa teritoryo ko!?" galit na sigaw ko.
Nakita ko ang takot at panginginig sa tauhan ko pero wala akong paki!?
"H-hindi namin alam, Master-----"
"Ano!? Hindi niyo alam!? Mga inutil!?" galit kong sigaw at binaril ito sa binti.
"Master!!"
Nagliliyab ang matang napatingin ako sa bumukas na pinto.
"Master, huminahon ka!" sigaw ni Duke.
Ang isa sa mga tauhan ko.
Pabagsak na ibinaba ko ang baril bago niluwagan ang necktie ko.
Parang sasabog ako sa sobrang galit. Ngayon lang nangyaring may nangahas na pasukin ang kabilang teritoryo ko.
Kinalma ko ang aking sarili bago sinalinan ang wine glass na nasa table ko.
"Explain what happened." mariing utos ko.
Pinalabas pa muna nito ang sugatan kong tauhan bago napabunton-hininga at nagsalita.
"Hindi namin alam kung ano ang totoong nangyari, Master. Ang sabi ng isang sugatan nating tauhan na nakatakas ay may biglang sumugod daw sa kuta natin. Tahimik na nakapasok ito at walang pag-alinlangang pinaslang ang mga tauhan natin." pailiwanag nito.
Napahigpit ang hawak ko sa wine glass.
An*mal!?
"Walang nakakalam kung pa'no nakapasok ang taong yun."
Nagliliyab sa galit ang matang napatingin ako kay Duke.
"What do you mean?" nagtagis ang bagang na tanong ko.
Napabuntong-hininga ito bago nagpatuloy sa pagsasalita.
"Ang sabi ng tauhan natin ay nag-iisa lang ang taong umubos sa mga tauhan natin sa kabilang kuta." nabasag ang basong hawak ko dahil sa higpit nang pagkakahawak ko.
Parang hindi man lang umabot ng isang segundo nang napatayo ako.
Nag-iisa?
An*mal!?
"Pinagloloko mo ba ako, Duke?! Sinong hinayupak ang mag-isang umubos sa mga isang daan nating tauhan doon?!" galit na sigaw ko.
Malalim na napabuntong-hininga ito bago naupo sa sofa at nagsalita.
"Kahit ako hindi rin makapaniwala, Master. Pero iyon ang sinabi ng tauhan nating nakatakas doon." seryusong saad nito.
"P*tangina!?" malutong na mura ko at mabilis na nilagok ang laman ng wine glass.
Napaupo pa uli ako at nagsalin ng panibago.
Seryusong nakatingin ako sa hawak kong wine glass habang inaalog ito.
Nag-iisang tao lang ang umubos sa tauhan ko?
Fvcking shit!?
I don't believe this!?
Mabilis na tiningnan ko ulit ang tauhan ko.
"Nakilala niyo ba kung sino ang taong 'yon?" bakas ang galit sa boses kong tanong.
"Hindi. Ngunit ayon sa tauhan natin, nakapurong itim ang taong yun at mabilis kumilos. Walang bakas na iniwan ang taong yun. Kung totoo mang nag-iisa lang ito ay malamang hindi basta-basta ang taong yun. " seryusong sagot nito.
A*nimal!?
"Hanapin niyo ang hinayupak na taong 'yon!? Dalhin niyo siya sa harapan ko!?" galit na utos ko.
"Pero, Master. Hindi natin kilala ang taong yun-----"
"Wala akong paki!? Alamin niyo kung sino siya at dalhin sa harapan ko!?" mariing utos ko.
Wala itong nagawa kundi tumayo at yumuko sa harap ko bago tumalikod at lumabas ng office.
Nahampas ko na lang sa galit ang mesa ko.
Animal!?
Sinong nangahas na pasukin at ubusin ang mga tauhan ko sa kabilang kuta ko!?
Kung sino ka man. Pagsisihan mong kinalaban mo ako.
*Tok! Tok! Tok!
"Come in!"
Bumukas ang pinto at pumasok ang tauhan ko.
He bow down in front of me before he spoke.
"Master, nagawa na namin ang inutos mo kahapon." magalang na saad nito.
I smirk before I nodded.
"Good. Where's Cody?" seryusong tanong ko.
Napalunok pa ito bago nagsalita.
"Kakaalis lang nila kanina, Master." magalang na sagot nito.
Tsk!
"Si Reed?"
"Nando'n sa kabilang kuta, Master." sagot nito.
"Tawagan mo si Reed at papuntahin mo rito." nag-uutos ang boses na sabi ko.
"Masusunod, Master." nakayukong saad niya bago tumalikod at lumabas ng office ko.
Tsk tsk!
I stood up and walk through the door. I went out and all of my bodyguards bowed.
"Magbantay kayo sa labas ng mansion." utos ko sa mga ito.
Dere-deretso lang ang lakad ko paakyat sa kwarto ko.
Kailangan kong magpahinga na muna dahil pasado alas-dose na ng hating gabi. Humanda sa akin ang hinayupak na kumalaban sa akin.
I will make them pay!
Napatigil ako sa pagpihit ng siradura ng pinto nang makarainig ako ng kalabog.
Tsk!
Hindi ko na lang pinansin at pumasok sa kwarto ko bago isinara ang pinto.
Napakunot ang noo ko ng makitang nakapatay ang ilaw. Sa pagkakaalam ko ay bukas ang ilaw kanina bago ako lumabas.
Tsk!
Kinapa ko na lang ang switch ng ilaw at akmang papasok sa banyo ng may makita ako sa kama.
Kunot-nong lumapit ako.
Box?
Kulay itim na box na animo'y isang regalo.
Bigla akong nakaramdam ng ihip ng malamig na hangin. Napatingin ako sa bintana ng makitang nakabukas ito.
The hell!?
Napatingin na lang ulit ako sa box bago ito kinuha at dahan-dahang binuksan.
Nakaramdam pa ako ng kaba hanggang sa mabuksan ko ito.
Halos mapamura ako ng paulit-ulit ng makita ang laman ng itim na box. Nabitawan ko pa ito dahil sa gulat at takot.
"P*tangina!? Sinong naglagay ng ganito sa kwarto ko!?" dumagundong ang boses na sigaw ko.
Mabilis na napaatras ako ng biglang gumalaw ang ahas na nasa sahig.
P*tangina!?
Walang alinlangang hinablot ko ang espada ko sa bubong at mabilis na pinatay ang ahas.
"Son of a b*tch!?" galit kong sigaw.
Narinig ko pa ang mga yabag ng mga tauhan ko.
Napatingin ako sa pulang papel na nasa sahig.
Kinakabahang pinulot ko ito at tiningnan ang nakasulat.
Kamusta Mr. A? Na surpresa ka ba sa munti kong pasalubong? I hope so. Ikinagagalak kong sa wakas ay kunti na lang at magkakharap na tayo. Mag-ingat ka, baka hindi mo namalayan nakahandusay ka na.
R.R.S
Who the hell is this!?
To be continued...
A/N: don't forget to Vote, comment and follow!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top