chapter 181 " Park"

Dixon's Pov.

Kinabukasan

Nandito kaming lahat ngayon sa cemetery para sa libing ni Lolo. Hindi mawala ang lungkot sa dibdib ko habang tahimik na nakatayo at nakatingin sa kabaong nito.

I didn't expect na mawala siya ng ganito ka-aga.

Lumipas lang ang dalawang araw matapos ang bagong taon ay nawala na siya.

Hindi ko pa rin matanggap na wala na siya. Kagabi ay napanaginipan ko pa ito.

Napahinga na lang ako ng malalim at nakinig sa pari na nagsasalita sa harap. Nang matapos ay sininyasan ni Dad ang apat na lalaki upang maibaba na ang kabaong.

Ramdam ko ang lungkot ng lahat ng mga nakilibing.

Narinig ko pang nag-uusap ang iba sa likod. Pinag-uusapan nila ang mga kabutihang nagawa ni lolo sa mga taong tinutulungan nito noon.

Alam ng lahat ng nandito na mabuting tao si lolo noon pa man.

Umiiyak pa si Mom na inaalo ni Dad pati na rin si Drixie habang naglalagay ng bulaklak sa kabaong ni lolo.

Napayuko na lang ako. Tinapik pa ni Lyle at Keith ang balikat ko bago nagsalita si Lyle.

"Don't worry, dre. Alam kong masaya si Dean ngayon kung nasaan man siya." mahinang sabi niya.

Hindi na lang ako nagsalita at napatingin sa bulaklak na hawak ko bago dahan-dahang lumapit sa harap ng hukay ni lolo.

This is the last time na makikita kita, lolo.

Sana nga ay masaya ka ngayon kung nasaan ka man, lo.

Sana gabayan mo kami lagi ng pamilya natin. That I can protect our family.

Napabuntong-hininga ako ng may maalala ako. Nawala na lang si Lolo na hindi nila nalalaman ang isang bagay na tanging kaming limang magkakaibigan lang ang nakakaalam.

I'm sorry if I didn't let you know who I am right now. But don't worry, If things will be fine I'll visit you here to let you know about it.

I love you, Lo. Thank you for everything. Your memories will always be in my heart.

I promise that I will never be a stubborn again. This is the last time that I will saw you.

Just rest in peace.

Sabi ko sa isip ko habang nakatingin sa kabaong niya bago inihagis ang bulaklak.

I wiped my tears before I turn my back. I look at the person who gave me a strength and courage. The person who I love the most.

She's just looking at me while there is a 'it's ok. Things will gonna be fine' look.

I just gave her a secured smile before I turn back to where I stand a while ago.

Sunod-sunod na naglagay ng mga bulaklak ang mga taong nakilibing. Pati na rin ang mga staffs, shareholders, teachers and students from SFU ay nandito.

Lumapit din ang mga Acosta at Ibañez. Kinausap pa nila sila Mom bago bumalik sa puwesto nila kanina.

Napatingin ako kay Panget ng lumapit din siya. Nakatingin lang siya ng pormal sa kabaong ni lolo.

Parang may sinasabi ito sa isip niya. Nakita ko pang bahagya siyang ngumiti bago inilagay ang bulaklak na hawak niya.

Nagbow pa siya sa harap ng kabaong ni lolo bilang tanda ng respeto bago tumalikod.

Saktong nagtama ang mga mata naming dalawa. Kita ko ang simpatya sa mga mata nito na agad din namang nawala.

Naglakad siya palapit sa akin at tinapik ang balikat ko.

"Huwag kang malungkot. Alam kong ayaw ka niyang maging malungkot sa huling pagkakataon na makita mo siya." mahinang bulong niya.

Tiningnan ko siya sa mata bago yumakap sa kaniya.

"Thank you." mahinang bulong ko bago bumitaw sa kaniya.

"Mmm. Don't cry." tangong sabi niya at pinunasan ang hindi ko namalayang luhang pumatak sa mata ko.

Hinawakan ko na lang ang kamay niya at pinatabi sa akin. Tahimik na nakinig uli kami sa pari hanggang sa binindisyunan nito ang kabaong ni lolo.

Tahimik na nakatingin lang kaming lahat sa ginagawa ng pari. Nang matapos ay sinimulan ng takpan ang hukay at sinimentado ito.

Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Panget dahilan para mapalingon siya sa akin.

Napahinga ako ng malalim hanggang sa tuluyan ng matakpan ang kabaong. Kaniya-kaniya ng alisan ang mga tao hanggang sa kami na lang ang naiwan.

Lumapit pa si Panget sa pamilya niya at kinausap ang mga ito.

Lumapit sa akin sila Mom at binilin pa nitong huwag na akong magtagal pa sa sementeryo. Tinanguan ko lang sila bago umalis.

Napatingala ako sa langit at maaliwalas naman ang kalangitan.

Tumingin na lang ako sa libing ni Lolo at ngumiti.

"Lo, masaya ka na ba sa langit ngayon?" mahinang tanong ko pa.

Naramdaman kong biglang umihip ang malamig na hangin kaya napapikit ako.

Pakiramdam ko ay nandito si Lolo at niyakap ako.

"I know that you heard me right now. I just want to say I love you for the last time." nakangiting bulong ko habang nakapikit pa rin.

"I won't forget you, Lo. You're always be in my heart. Sana masaya ka na ngayon kung nasaan ka man." dagdag ko sabay mulat ng mata at tumingin libing niya.

Napahinga ako ng malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"Don't worry about us, we'll be fine. I will not dissemble our family. I will protect our family as long as I'm a live." nakangiting sabi ko at yumuko sa harap ng libing nito.

"Just rest in peace, Lo." huling sabi ko bago tumingala sa langit at pumikit.

Dinama ko ang pakiramdam na parang nandito lang si lolo sa tabi ko.

I feel that he did not leave me.

Napatigil lang ako ng may humawak sa kamay ko. Pagmulat ko ng mata ay nakita ko si Panget.

"Let's go?" yaya pa nito.

Tumango ako sa kaniya bago ulit tumingin sa libing ni lolo.

"Lo, aalis na kami ng taong mahal ko, ah. Don't worry, we often visit you here if we're not busy." nakangiting sabi ko sabay tingin kay Panget.

Nakatingin na rin siya sa puntod ni lolo.

"Don't worry, Dean. Ako na ang bahala sa apo mo. Kapag gagawa ng kalokohan sasapakin ko at ipapalapa sa lion." seryusong saad pa nito.

Napangiwi na lang ako bago natawa at hinila siya palapit sa akin.

"Narinig mo 'yon, Lo? Ang brutal ng magiging asawa ko. Pero, kahit gano'n ay mahal na mahal ko pa rin siya. Kahit na gusto niyang makipaghiwalay sa akin but I won't let her go. Never." sabi ko at hinalikan ang kamay ni Panget.

Napaiwas pa ng tingin si Panget kaya napangiti ako lalo. Alam kong labas na ang malalim na dimple sa pisngi ko sa laki ng ngiti ko.

Gumaan na ang pakiramdam ko dahil sa babaeng kasama ko ngayon.

"And one thing, Lo. I promise that she'll be the mother of my child in the future. She'll be my wife and my life." nakangiting dagdag ko pa.

Hindi nakaimik si Panget kaya natawa na lang ako at hinalikan ang noo niya.

"Wala ka bang sasabihin kay, Lolo?" tanong ko sa kaniya.

Tiningnan pa niya ako bago uli tumingin sa libing ni lolo.

"We'll go ahead, Dean. May gagawin pa kami dahil pasukan na uli bukas. Just be happy wherever you are right now." pormal na saad nito.

Napangiwi na lang ako. Akala ko kung ano ang sasabihin niya.

I thought, she gonna say some sweet words.

Tse!

"Alis ma kami, Lo. Tulungan mo akong hindi mapunta sa iba ang taong mahal ko, ah!" huling sabi ko sabay tingin ulit kay Panget.

Napangiwi siya at bigla niya akong hinila paalis. Bumulong-bulong pa siya kaya natawa na lang ako sa kaniya.

"Kung anong nalalaman, eh." bulong pa nito.

Napapailing ako habang nakangiti hanggang sa makalapit kami sa motor niya.

Nauna siyang sumampa at sumunod naman ako.

"Saan mo ba gustong pumunta?" tanong niya habang nagsusuot ng helmet.

"Syempre, sa'n pa ba kundi  r'yan sa puso mo." bulong ko sa tainga niya.

Napaigtad pa siya at inambahan ako ng suntok. Natatawang umiwas na lang ako bago sinuot ang helmet ko.

"Mukhang hindi ka naman na malungkot kaya umuwi na lang tayo-----"

"No! May pupuntahan tayo." pigil ko sa kaniya bago bumaba.

Sininyasan ko siyang umusog sa likod para ako ang mag-drive.

"What are you doing?" tanong pa nito.

Kinuha ko ang susi sa kaniya bago sumampa at pinaandar ito.

"Ako mag-drive patungo sa pupuntahan natin, Love." nakangiting sabi ko at inilagay ang mga kamay niya payakap sa beywang ko.

"Saan naman?" takang tanong niya.

"Basta, malalaman mo rin mamaya." sagot ko bago pinaharurot paalis ang motor.

Napahigpit pa ang yakap niya sa akin dahil sa bilis kong magmaneho.

Tahimik lang kaming dalawa sa biyahe hanggang sa makarating kami sa lugar kung saan ko siya gustong dalhin.

Nagpark ako sa tabi bago siya bumaba at tumingin sa paligid.

"Park?" bulalas niya sabay tingin sa paligid.

Tumango ako bago bumaba at hinawakan siya sa kamay.

"Bili muna tayo ng makakain." sabi ko at hinila siya papunta sa mga nagtitindi ng streets food.

Hindi siya umangal at tumingin sa mga pagkaing nasa harap namin.

"Just get what you want to eat." saad ko pa.

Tumango na lang siya at hinayaan ko itong kumuha ng pagkaing bibilhin niya.

Kumuha siya ng sampung isaw, dalawang barbecue na hita ng manok, apat na hotdog, apat na kwekwek, fishball, dalawang ginanggang na saging, dalawang maggo juice at dalawang cotton candy.

Tumingin pa siya sa kabilang stall at kumuha ng limang balot.

"Yun lang?" tanong ko.

"Mmm. Kumuha ka ng sa'yo " sabi pa nito sabay lingon sa akin.

Napanganga ako dahil sa sinabi nito. Napatingin pa ako sa mga hawak niya.

"Mauubos mo lahat ng 'yan?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Akala ko pa naman dalawa kaming kakain sa mga kinuha niya.

Tiningnan niya ang mga hawak niya bago uli tumingin sa akin sabay tango.

Hindi ako nakapagsalita at narinig ko pang natawa ang Ale na nagtitinda.

"Just kidding. This is enough for us." natawang sabi niya bago tumalikod at naunang nagalakad.

Napakamot na lang ako ng batok bago nagbayad at kumuha ng anim na barbecue ng karneng baboy.

"Keep the change po." sabi ko pa bago sumunod kay Panget.

"Tulungan na kita," sabi ko at kinuha ang ibang bitbit niya.

Napatingin pa ito sa hawak ko. Kita ko ang pagngiwi nito kaya natawa na lang ako.

Ayaw niya nga pala kumain ng baboy mula pagkabata.

Tahimik na naupo kaming dalawa sa isang bench. Kumuha ng isaw si Panget at kumain.

Pinagmasdan ko lang siya.

Kung hindi siya dumating sa buhay ko hindi ko siguro kakayanin ang pagkawala ni Lolo.

This past few days ay tanging siya lang ang nagbibigay ng lakas sa akin. Inalagaan niya ako at hindi niya hinayaang maging malungkot ako.

She's really a sunshine of my life.

"Oh? Ayos ka lang?" biglang tanong niya ng mapansing nakatitig lang ako sa kaniya.

Ngumiti ako at tumango sabay sandal sa dibdib niya.

"I'm fine, love. I'm just thinking that, if you were not came to my life maybe I am not like this right now." Mahinang anas ko habang nakatingin sa mga taong naglalakad dito sa park.

Hindi nagsalita si Panget kaya tumingala ako sa kaniya. Panay lang ang kain niya sa isaw na animo'y sarap na sarap siya.

Napangiwi na lang ako. Nagdrama ako rito tapos siya kina-reer ang pagkain.

Believe talaga ako sa babaeng 'to.

"Hey! Narinig mo ba ang sinabi ko?" Tanong ko pa.

Tiningnan niya ako at tumango bago inubos ang isang stick ng isaw.

Tse!

"Narinig ko dahil 'di ako bingi." anas pa nito.

Napaayos ako ng upo habang nakakunot-noong nakatingin sa kaniya.

"Kahit kailan ka talaga. Tse!" Kunwaring nagtatampong sabi ko.

Tumingin na lang ako sa mga batang naglalaro sa may 'di kalayuan. Buti pa sila ang saya-saya nilang tingnan.

Walang problemang iniisip at tanging laro lang ang alam.

Napabuntong-hininga na lang ako. Napatingin ako sa mango juice na inabot ni Panget.

"Inumin mo muna 'yan. Wag ka ng magtampo." sabi nito.

Hindi ko inabot ang juice at nakatingin lang ako sa mukha--este sa labi niyang may sauce ng barbecue

Ang sarap halikan.

"Wuy! Kunin mo na------"

"Ang clumsy mo kumain. Gusto mo ata mahalikan, eh." naka smirk na sabi ko habang nakatingin sa labi niya.

Kita kong nanlaki ang mga mata nito at mabilis na pinunasan abg labi niya.

"Tsk!" Singhal niya kaya napapailing na lang ako at akmang kukunin ko na ang juice ng bigla niya itong inubos.

"Mmm. Ang sarap ng mago juice." nang-aasar na sabi pa nito.

Napakagat-labi na lang ako. Kakaiba rin mang-asar ang isang 'to.

Nagtampo na nga ako mang-aasar pa siya.

"Bakit mo inubos?"

"Tsk! Akala ko ba ayaw mo?"

"May sinabi ba ako?"

"Wala."

"Bakit mo nga kasi inubos------"

"Eh, ba't 'di mo tinanggap?"

"Tse! Sa nagtatampo ako, eh." nagtatampong sabi ko sabay talikod sa kaniya.

Tse!

Hindi man lang ako suyuin tapos mang-asar pa.

Pilit niya akong iharap sa kaniya pero ayaw ko.

Wala akong paki kung nagmukha akong bata sa inakto ko. Sa gusto kong suyuin ni Panget, eh.

Ako yung malungkot kasi kakalibing lang no lolo tapos ako pa asarain niya.

Psh!

"Uy!" Tawag niya.

"Bisugo."

Hindi ako lumingon. 'Di man lang ako tawaging love, eh.

"Wuy!" Kalabit niya sa akin.

Bala ka riyan.

"Sus! Patampo-tampo ka pa riyan. Sapakin kita, eh." rinig kong bulong niya.

Napangiwi ako. Ang brutal talaga ng babaeng 'to, eh.

"Bisugo, gusto mo?"

Tanong niya sabay lapit ng barbecue na hita ng manok.

Natakam ako pero hindi ko pa rin siya pinansin.

"Fishball gusto mo?"

Umiling ako.

"Isaw?"

*Iling

"Pork barbecue."

Umiling uli ako.

"Halik gusto mo-----?"

"Sure!" Nakangiting sabi ko sabay harap sa kaniya.

"Tsk! Halik lang pala katapat ng tampo mo, eh." nakangiwing sabi niya.

"Syempre, halik mo lang naman ang gusto ko bukod sa maging asawa kita." Hirit ko pa.

Mas lalo siyang napangiwi habang napapailing.

Hinalikan niya ako sa pisngi kaya napanguso ako.

"Ba't sa pisngi lang? Sa lips gusto ko."

"Tsk! Mamaya na,"

"Sampung beses, ah."

"Sapak gusto mo?"

"Tse!"

Singhal ko sabay kain ng barbecue ng hita ng manok na hawak niya.

Kumain lang kami habang nagsasalita ako at nakinig naman siya.

Kinwento ko sa kaniya ang tungkol sa amin ni lolo. Kung gaano ako kalapit kay lolo.

Tinawanan pa niya ako ng sabihin kong lolo's boy ako.

"Pfft! Lolo's boy ka pero dati daig mo pang batang pagagalitan ng ina sa takot na malaman ng lolo mo ang mga kalokohan mo sa SFU." Natatawang sabi pa nito.

Napakamot na lang ako ng batok.

"Tse! Ayaw ko lang naman na magalit sa akin si lolo, eh." giit ko pa.

Nagkibit-balikat na lang ito at sinubuan ako ng kwekwek.

Kumuha ako ng pork barbecue at sinubuan si Panget pero mabilis na tinakpan nito ang bibig niya.

"I don't eat pork, Bisugo." sabi niya.

"Alam ko. Pero, masarap naman 'to, Love. Try mo lang naman." nakangiting sabi ko.

Sunod-sunod na umiling siya kaya natawa ako.

"I can't." halos 'di maipenta ang mukhang sabi niya.

Hindi ko na lang siya pinilit pa at kumain na lang.

Nang matapos ay napag-isipan naming maglakadlakad na muna. Ayaw ko pang umuwi, eh.

Malulungkot lang ako kapag uuwi ako sa bahay at maisip na tuluyan ko ng hindi makita si lolo.

"Bisugo----"

"Love nga kasi," pigil ko sa kaniya.

Natawa siya sabay hawak sa kamay ko. Napangiti ako dahil lumalabas na ang ka-sweet-an ng isang Ashi Vhon.

"Love." Tawag niya sa 'kin.

"Mmm?"

"What do you feel right now?" mahinahong tanong niya sabay lingon sa akin.

Napaisip ako bago tumigil sa paglalakad at humarap sa kaniya.

"What I feel right now?" balik tanong ko.

"Mmm." Tumango siya kaya huminga ako ng malalim.

"Well, I feel incomplete." may halong lungkot na sabi ko.

Napatingin siya sa mata ko. Kita ko ang sari-saring emosyon sa mga mata nito na agad din namang nawala.

"Incomplete? Mmm..." tangong sabi niya sabay iwas ng tingin.

Natigilan ako. Mukhang na misinterpret niya ang ibig kong sabihin.

Natawang pinisil ko ng mahina ang pisngi niya bago niyakap.

"What I mean is, I feel incomplete dahil wala na si lolo. But, I'm thankful dahil nandito ka para iparamdaman na hindi tuluyang incomplete ang nararamdaman ko, Love." mahinahon at nagpapaintinding saad ko pa.

Napapikit ako ng yakapin niya ako at hinagod ang likod ko.

"Kahit wala na si Lolo ay nandito ka naman at kinimpleto uli ang buhay ko. Huwag mo akong iiwan, ah." Dagdag ko pa.

"Mmm." tangong sagot niya.

Kumalas ako ng yakap sa kaniya at tinitigan siya sa mata.

"Promise?"

"I won't say promise 'cause promise is meant to be broken." biglang saad niya na ikinatigil ko.

"What do you mean?" kinakabahang tanong ko.

"Tsk! I love you is enough than a promise." nakangiting sagot niya sabay halik sa noo ko.

Parang nawala kaba at lahat ng bigat na nararamdaman ko dahil sa sinabi at ginawang paghalik sa noo ko.

Akala ko kung ano na.

Pa tense talaga 'tong mahal ko. No wonder why I love her.

Tse!

"Thank you and I love you, love." puno ng pagmamahal na sabi ko.

"You're always welcome. I love you, too." Malambing na sagot niya.

Para akong nakalutang sa ulap dahil sa lambing ng boses niya.

Naalala ko tuloy ang mga nangyari noong nasa Baguio kaming dalawa.

Ang sarap sa feelings na ganito kaming dalawa kahit na may hindi magandang nangyari sa mga nakaraang araw.

"You driven' me crazy, love." abot taingang ngiting sabi ko pa.

"Well, it's just me." natawang sabi niya.

Yabang ng mahal ko, ah.

Psh!

Akmang hahalikan ko siya ng biglang may nagsalita.

"PDA!" sabi ng isang batang babae.

Nagkatinginan kami ni Panget bago sabay na lumingon sa kaniya--este sa kanilang dalawa.

May kasamang batang lalaki, eh.

"Panira ng moment." Rinig kong bulong ni Panget.

Napangisi ako dahil sa bulong nito. Maya ka sa'kin.

"Hi!" Nakangiting bati ko sa batang babae.

Ang cute niya, eh.

"Hi, Kuyang pogi! Kapatid mo ba siya?" sabi pa nito sabay turo kay Panget.

"Anak ng..." bulalas ni Panget na ikinatawa ko.

"Nope. Why did you asked?" pigil ngiting tanong ko.

"She loook like a cool guy, eh! Are you a lesbian?" inosenting tanong niya kay Panget.

Nakita kong nagsalubong ang kilay ni Panget kaya bumanghalit ako ng tawa. Pati ang batang lalaki ay natawa rin.

"Tsk! Mukha lang akong cool pero hindi ako tomboy." nakangiwing sabi ni Panget.

Bahagya pang natakot ang batang babae.

Napapailing na lang ako.

"She's not a lesbian little kid. She's my girlfriend." nakangiting sabi ko pa.

"Really? I thought she was a---nevermind. She's quite beautiful tho." nakangiting sabi nito.

Napatingin ako kay Panget at nakita kong napangiti ito.

"I like her coolness." biglang sabi ng batang lalaki.

"Me, too. I want to be like her. She look brave and serious. Bad guy won't underestimate her." Seryusong sabi pa ng batang babae.

Natawa na lang ako. Matured mag-isip ang dalawang 'to.

"Yes, I am kid. You wanna know how?" mahinahong tanong ni Panget.

"Yeah! Can we?" tanong ng batang lalaki.

Akmang magsasalita na si Panget ng may tumawag sa kanila.

"Oh! Sorry, we gotta go now. Maybe next time if we have time for it." nagmamadaling sabi ng batang babae bago kumaway at tumakbo.

"You look good together." anas ng batang lalaki sabay ngiti at sumunod sa batang babae.

Pareho kaming napapailing ni Panget habang nakatingin sa dalawa.

"Do you hear it, Love?" baling ko kay Panget.

"Nang alin?" Takang tanong niya.

Hinila ko siya palapit sa'kin at niyakap ang beywang niya.

"That we look good together." nakangiting sabi ko pa.

"Yun lang pala, akala ko kung ano." mahinang bulong niya.

Nginitian ko na lang siya at mabilis na hinalikan sa labi. Natigilan pa ito pero hinila ko na siya paalis.

Pasado alas-dos na ng hapon at may pasok kami bukas. Balik aral na ulit.

Gusto kong sulitin namin ni Panget ang bawat oras na magkasama kami dahil paniguradong busy na naman kami sa school.

Dagdag mo pang magiging busy rin siya sa mga personal na ginagawa niya at gano'n na rin ako.

Hindi ko na problemahin si Mr. Villarino dahil nasa kulungan na siya ngayon.

Hindi na siya makakalabas pa kapalit ng buhay ni lolo.

Tse!

Hanggang sa makarating kami sa parking ng motor ni Panget.

"Wala ka na bang gustong puntahan?" tanong ni Panget.

"Wala na bukod sa gusto kitang makasama." nakangiting sabi ko.

Napapailing siya sabay sampa sa motor.

"Hindi ka ba nagsasawang makasama ako?" tanong nito.

Sumampa ako sa likod niya sabay yakap at nagsalita.

"Pagsawaan ko na't lahat pero hindi mangyayaring pagsawaan kita, Love." seryusong sagot ko.

Natawa siya at pinaandar ang motor niya.

"Pa'no kung ikaw ang magsawa sa'kin, Love? Anong gagawin mo?" tanong ko na ikinatahimik nito.

Nagsimula siyang magmaneho at hindi pa rin sinasagot ang tanong ko.

Nakaramdam tuloy ako ng kaba dahil ang tahimik niya.

Hanggang sa makarating kami sa tapat ng mansion namin. Bumaba ako pero hindi pa rin siya umimik.

"Love," mahinabg tawag ko.

"Mmm?"

"Are you alright?" I asked.

"Tsk! Ako dapat ang magtanong kung ayos ka lang." sabi nito.

Napakamot ako ng batok bago inilagay sa kabilang bulsa ng pantalon ko ang kaliwang kamay ko.

"I'm fine as long as we're good." sagot ko sa kaniya.

Tiningnan pa niya ako bago tumango.

Hinihintay ko ang magiging sagot niya sa tanong ko kanina pero nabigo ako.

"I'll go ahead. Huwag ka ng malungkot dahik sa pagkawala ni Dean. Nandito pa naman kami para sa'yo." mahinahong sabi niya.

"Thank you." tanging lumabas sa bibig ko.

Pinaandar niya ang motor kaya mas lalo akong nadismaya.

"Take care of yourself." mahinang anas ko at tanging tango lang ang naging sagot nito.

Aish!

Hindi ba niya sasagutin ang tanong ko kanina?

Tse!

Tumalikod na lang ako bago pa siya makaalis. Akmang papasok na ako sa loob ng magsalita siya.

"Mas magsawa ka pa sa'kin kesa ako ang magsawa sa'yo, Bisugo. Nakaukit ka na sa puso ko at hindi ka na makakalayo." Linya nito na nagpatigil sa akin.

Parang huminto sandali ang mundo ko dahil sa mga narinig ko. Hindi ko namalayang abot tainga na ang ngiti ko sabay lingon sa kaniya.

"Sumagot ka rin sa wakas." nakangiting sabi ko.

"Tsk! Ako pa. Walang tanong na galing sa'yo ang hindi ko sasagutin." cool na sabi niya.

Natawa ako at nakaisip ng kalokohan.

"Ilang anak ba gusto mo kapag mag-asawa na tayo?" may nakakalokong ngiting tanong ko.

"Tsk! Magtapos ka muna bago mo itanong 'yan." nakangiwing saad nito.

"Akala ko ba, walang tanong ko ang hindi mo------"

"Tsk! Lima. Lahat kamukha mo para kung saan ako titingin ikaw pa rin ang makikita ko." cool na banat nito bago pinaharurot ang motor niya paalis.

Hindi ako nakaimik habang nakatingin sa kaniya na papalayo.

Peste!

Gusto kong sumigaw sa tuwa at gumulong sa lupa dahil sa banat niya.

'Di ko 'yun inaasahan, ah. Kakaiba bumanat ang isang Ashi Vhon.

I'm F*ckin' floating at the clouds right now.

Damn!

I feel like I'm madly falling in love with her.

"Nīsan? Anyare sa'yo?" natigilan lang ako ng marinig ko ang boses ni Drixie.

"Ha?" tanging lumabas sa bibig ko.

"Ba't ang pula ng mukha at tainga mo? Nasaan si Ate?" takang tanong pa nito.

Napaiwas ako ng tingin bago tumikhim at nagsalita.

"Nothing. Kakaalis niya lang." sagot ko at pumasok na sa loob.

Ramdam ko ang nakapaskil na ngiti sa labi ko hanggang sa makapasok sa loob ng mansion.

Pati sila Mom ay napatingin sa akin. Dumeretso na lang ako sa kwarto ko at naligo.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Saktong kakatapos ko pang ng mag ring ang cell phone ko.

Mabilis ko itong kinuha at tiningnan ang caller. Napangiwi na lang ako ng makitang hindi si Panget ang caller.

It's Dwayne.

Binuksan ko ang Tv ko bago naupo sa sofa at sinagot ang tawag.

"[Oh?]" bungad ko kay Dwayne.

"[May lakad tayo bukas.]" sagot nito sa kabilang linya.

"[Anong oras?]"

"[6:00 pm.]" sagot nito.

"[Ge. Alam na ba nila, Lyle?]"

"[Yeah, sa dating tagpuan tayo.]"

"[Mmm.]" tangong sagot ko as if makikita niya.

Agad niyang ibinaba ang tawag kaya nagtext ako kay Panget bago inilapag sa mini table ko ang cellphone.

Nanood na lang ako ng tv dahil wala naman akong gagawin pa. Lumabas lang ako ng kwarto ng para maghapunan.

Bukas na uli ang pasukan kaya gusto kong magpahinga ng maaga.

Tse!

***********************************

Xandra's Pov.

Maaga akong nagising dahil may pasok na kami ngayon sa school. Tulog pa rin sila Ashi kaya naligo na lang ako bago bumaba para magluto.

Medyo nakabawi na kami ng tulog dahil nauna kaming umuwi ni Kyla kahapon.

Ewan ko lang kung bakit matagal nakauwi si Ashi matapos ang libing ni Dean kahapon.

Pumasok na lang ako sa kusina at naabutan ko ang mga katulong na nagluluto na pala.

"Magandang umaga, young lady." magalang na bati nila.

"Magandang umaga rin ho." bati ko bago lumapit sa ref.

Kumuha ako ng tubig at uminom. Napatingin pa ako sa may pinto ng makita si Tita Nami.

"Goo morning, Tita." bati ko sa kaniya.

"Mmm. You're awake. May pasok kayo ngayon?" tanong pa nito.

Tumango ako at inilagay sa sink in ang baso.

"Malapit na rin ho kasi ang third semester namin." magalang na sabi ko.

Nagtimpla siya ng kape at gano'n din ako.

"How about, Ashi? Almost two weeks siyang hindi nakapasok sa klase niyo." anas pa nito.

Naupo ako sa isang upuan bago nagsalita.

"Wala namang problema yun sa kaniya, Tita. Kahit ata hindi pumasok ng buong semester ang isang yun masasagutan pa rin niya ang exam." natawang sabi ko.

Natawa rin si Tita at napatango. Actually, medyo ayos naman na sila ni Ashi.

Naintindihan na namin kung bakit iba ang trato niya kay Ashi dati.

Alam ko namang hindi maldita si Tita. Masyado nga lang din siyang seryuso. 

"By the way, how's about the investigation?" tanong ni Tita.

Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Sumimsim ako ng kape at bumuntong-hininga.

"May nakuha na kaming info pero masyadong matinik ang kalaban, Tita." sabi ko.

Napabuntong-hininga si Tita at uminom ng kape.

"May nakuha ba kayong ebidensiya?" biglang tanong ni Tito Tom.

"Evidence is not important to me, Dad. Hindi ebidensiya ang hanap ko kundi ang hustisya para sa ina ko." seryusong sabi ni Ashi na nakasunod pala kay Tito.

Natahimik kami at hindi nagsalita. Mukhang hindi maganda ang gising ng isang 'to, ah.

"Hindi ko na kailangan pa ang lintik na ebidensiya dahil mukha pa lang ng lintik na Mr. Ong na 'yon ay ka hina-hinala na." mariing sabi nito.

Napalunok na lang kami ni Kyla na kakaupo lang sa tabi ko.

"Pero, Ash. Alam mo naman siguro ang batas 'di ba?" mahinahong tanong ni Tito.

Alam din ni Tito na kapag ganito ang awra ng anak niya ay paniguradong may hindi magandang mangyayari.

Tumahimik na lang kami at hinayaan ang mag-ama na nag-usap.

Mahirap na kapag nakisabat pa kami baka kami pa mapagbuntungan ng init ng ulo ng pinsan ko.

Napapansin kong kapag ang tungkol sa ina niya ang pag-uusapan ay parang sasabog siya sa galit, eh.

But I understand her.

Napabuntong-hininga na lang si Tito at Tita habang nakikinig lang kami ni Kyla.

"Alam ko kung ano ang ginagawa ko, Dad. Alam ko kung kailan ba dapat at hindi dapat." seryuso pa ring saad ni Ashi.

Napalunok na lang ulit ako at inubos ang kape ko.

"I know what you want to seek for, Ash. It's just that, I'm worried about you." may pag-aalalang sabi ni Tito.

Hindi nagsalita si Ashi.

Alam naming kahit demonyo sa labanan ang pinsan ko ay hindi pa rin namin maiwasang mag-aalala sa kaligtasan niya.

Hindi lang sa kaniya kundi pati na rin kaming lahat na malapit sa kaniya.

"Ash, listen to your, Dad. He's just worried about you." sabat ni Tita Nami.

"You don't need to worry about me. I can handle myself. I am not named by my name if I don't have one." malumay na sabi ni Ashi.

Napangiwi na lang ako. Wala talagang magkapag pigil sa kaniya kapag gusto niyang gawin ang isang bagay na gusto niya.

"Just let her, Tom. Justice is what we seek for her mother. But be careful, Ash. Our opponent is a prick, you might be careful with him." Seryusong anas ni Grandmaster na kapapasok lang.

Nakabihis itong panlakad.

"He's not that pricky, Grandmaster.  Because if he is, we won't have any chance to seek him." balewalang lintaya ni Ashi.

"Tho he is or not, just be careful for seeking a justice." Maotoridad na giit ni grandmaster.

Halatang walang biro o kahit ano ang tuno ng pananalita nito.

Kung ano ang tuno nito kapag nasa korte ay gano'n din dito sa bahay--este mansion pala.

"Justice is a justice. Nothing's gonna change with it." blankong saad ni Ashi sabay tayo.

Yumuko siya sa harap ni Grandmaster pati na rin kela Tito Tom bago walang pansintabing umalis.

Narinig na lang namin ang paharurot nitong motor paalis.

Napabuntong-hininga na lang si Grandmaster habang napahilot ng sintido si Tito Tom.

"Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh." nahihimigan ng pag-aalalang sabi ni Tita Nami.

Hindi na lang kami umimik pa hanggang sa kumain na kami ng breakfast.

Bang matapos ay nagpaalam na kami sa kanila para gumayak na sa SFU.

"Ikaw na ang bahala sa pinsan mo, Xand. Kilala mo ng lubasan ang pinsan mo kaya kayo na bahala sa kaniya. Kapag may hindi magandang  nangyari tawagan niyo kami," bilin pa ni Tito Tom.

Tumango kami ni Kyla.

"Don't worry, Tito. Alam kong alam ni Ashi ang ginagawa niya." magalang na sabi ko bago kami tuluyang umalis ng mansion.

Hanep talaga!

Kay umagang kay ganda na sana pero tinopak ang pinsan ko.

Well, I can't blame her by the way.

Tss!

Nang makarating kami sa parking lot ng SFU ay nakita namin ang motor ni Ashi sa dating parkingan nito.

Nandito na rin ang mga kotse ng magkakaibigan. Sana lang at si Drix ang makapag pawala sa topak ng pinsan ko.

Kakabalik pa lang naman ng pasukan. Mahirap na't baka malintikan tayo sa isang 'yon.

Tss!

"Balik na naman tayo neto sa dating gawi." bulong ni Kyla.

Natawa na lang ako at sabay kaming pumasok sa loob.

Agad na sumalubong sa amin ang mga bulungan. Halos si Drix at ang nangyari kay Dean ang pinag-uusapan nila.

Hindi na lang namin sila pinansin at dumeretso na lang sa gym.

May i-aannounce sila Bella ngayon tungkol sa bagong Dean.

Napatingin ako kay Kyla ng makitang panaya ang lingon niya sa paligid.

"Sinong hinahanap mo?" tanong ko sa kaniya.

"Nakita mo si Ashi?" tanong pa nito.

"Hindi," maikling sagot ko.

Nagkibit-balikat na lang ito at nagpauloy sa paglalakad.

Hindi pa man kami nakakarating sa gym ng may mapansin kaming nagtatakbuhang mga studyante.

"Uy! Anong meron?"

"Si Kathy pinakialaman na naman si Panget."

"You mean si Ashi?'

"Oo, binlocking niya raw, eh."

"Abah! Hanggang ngayon may issue pa rin ang attention seeker na 'yon kay, Ashi?"

"Ano bang asahan mo kay Kathy?"

"Lagot! Para pa namang wala sa mood si Ashi kanina!"

"Yeah!"

Rinig naming bulungan ng mga grupo ng babae sa may hallway.

Nagkatinginan kami ni Kyla bago nagmamadaling sumunod sa iilang studyante na tumakbo.

Huta na 'yan!

Kakapasok nga lang gulo agad?

Kahit kailan talaga ang babaeng papansin na yun.

Tss!

"Hey!" rinig kong sigaw ng familiar na boses.

Paglingon ko sa gilid si Keith pala kasama si Keart. Halata ang pagtataka sa mukha nila.

"Anong meron?" tanong pa ni Keart.

"Ewan. Ang sabi ng mga studyante kanina ay ginulo na naman ni Kathy si Ashi. Masama pa naman ata ang gising nun kanina, eh." sagot ni Kyla.

Sumabay ang dalawa sa amin hanggang sa makarating kami sa may locker.

Mabilis na tumabi ang mga nakaharang sa daanan namin ng makita kami.

*Blaaagggg!!

"Oh my gosh!"

"Aw! Pain!"

"Saklap nun, teh!"

"Buti nga sa'yo! Attention seeker kasi!"

"Sapakin mo sa mukha, Ash!"

"Isa lang! Tulog agad 'yan!"

Huta!

Napangiwi ako hindi dahil sa pagbalibag ni Ashi kay Kathy kundi dahil sa narinig kong bulungan.

Napapailing na lang ako habang nakapamulsa.

"Arghh! F*ck you!?" galit na sigaw ni Kathy.

Namula pa ang braso nitong tumama sa locker.

Tiningnan ko si Ashi. Blanko lang ang mukha nito na animo'y walang nangyari.

"Don't try to trick me bitch or else I'll break your bones." malamig ang boses na saad ni Ashi bago tumalikod.

Hindi nakapagsalita si Kathy na agad inalalayan ng dalawang alagad niya.

"Yan napapala ng mga kulang sa pansin." matalim ang matang sabi ko sa pagmumukha ni Kathy bago ito binunggo sa balikat.

Napapailing pa sila Keith at sumunod kami kay Ashi papuntang building namin.

Hindi na lang kami pupunta sa gym. Magtatanong na lang ako mamaya kay Bella.

Tss!

"Bakit iba ang awra ng isang yun?" tanong pa ni Keith.

"Dahil yun sa pinag-usapan namin kanina sa mansion. Hindi nga nag-agahan at biglang umalis." sagot ko sa kaniya.

Tumango na lang ito at hindi na umimik pa.

"Nasaan si Drix?" rinig kong tanong ni Kyla.

"Magkasama sila ni Lyle sa Dean's office kanina." sagot ni Keart.

Tumango na lang ito hanggang sa makarating kami sa room namin.

Walang tao ang room dahil paniguradong nasa gym silang lahat.

Mukhang dumeretso sa rooftop si Ashi para magpalamig ng init ng ulo.

"Oo nga pala, kamusta na ang tungkol sa taong pumatay sa Ina ni Ashi?" tanong ni Keart ng makaupo kami sa upuan.

Halos sabay kaming napabuntong-hininga ni Kyla bago ito nagsalita.

"Ayon, may nakuha na kaming info pero masyadong matinik ang kalaban." sagot ni Kyla.

"Are you really sure na ang tinutugis niyo ngayon ang pumatay sa ina ni Ashi?" sabat ni Keith.

"Noon hindi kami sigurado, pero ngayon ay alam naming sigurado na kami sa hutang Mr. Ong na 'yon." seryusong sabi ko.

There's no other suspect than Mr. Ong

Isa pa, alam naming una pa lang tama na ang hinala ni Ashi na si Mr. Ong talaga ang utak sa pagpatay sa ina niya.

Iba maghinala ang isang yun. Walang hinala niya ang papaltos.

Napahinga ng malalim si Keith habang napatango naman si Keart.

"By the way, may gusto lang akong itanong." biglang sumeryusong anas ni Kyla.

Napalunok pa si Keart na nakatingin sa kaniya.

"Tungkol saan?" himig ang taka sa boses na tanong ni Keart.

"Tungkol sa mga kinilos niyo nitong mga huling buwan." sagot ni Kyla.

Agad kong nakuha ang ibig sabihin nito kaya seryusong tiningnan namin silang dalawa ni Keith.

Nagkatinginan pa silang magpinsan bago sabay na nagsi-iwas ng tingin.

May tinatago ang mga gunggong na 'to.

Matagal na naming napansin at no'ng tinanong namin sila dati wala silang sagot.

Noong araw na ililigtas sana namin si Dean ay iba ang awra nila. Daig pa nilang sanay sa gano'ng sitwasyon.

Dinaig nila kami huta.

"W-what do you mean?" nakaiwas tinging tanong ni Keart.

Tss!

"Bakit ang weird niyo nitong mga nakaraang buwan? Mula ng may nagtangka kay Dean at noong sportsfest ay napansin naming may kakaiba sa inyo. Ano bang meron sa inyong magkakaibigan?" Deretsong tanong ni Kyla.

Hindi sila nagsalita habang tahimik na nakatingin sa kung saan ang dalawa.

"Pa'no niyo nalaman ang tungkol sa Snake Gang group?" dagdag ko sa tanong ni Kyla.

Iyong grupong nakasagupa ni Ashi ng dukutin ng grupo na 'yon si Debbien noong mismong sportfest week namin.

"Hindi basta-basta nakikilala ang grupo na 'yon kaya pano't nakilala niyo sila?" patuloy ko pa dahil hindi pa rin sila nagsalita.

Kahit itago nila sa amin kung ano ang magiging reaction nila ay hindi nila kaya.

Halata sa mata nilang ayaw sabihin ang kung anumang dapat nilang sabihin.

"We don't have to say anything or everything----"

"We didn't asked you to say everything. Just be specific." pigil ko kay Keith.

"Habang tumatagal ay nagiging mas weird kayo sa amin. Alam naming may tinatago kayong magkakaibigan. Just say it now." lintaya ni Kyla habang nakatingin kay Keart.

"Myloves, ba't ang seryuso mo----"

"Just spill it out." pigil ni Kyla.

Bihira lang 'yan magseryuso si Kyla kaya nakaka-tense kapag siya kausap mo.

Kung kami ni Ashi ay lantaran kung pa'no maging cold at tahimik kabaliktaran naman si Kyla.

Tss!

"Once again, anong tinatago niyo? Sino ba talaga kayong magkakaibigan?" seryusong tanong ko ulit.

Napahinga sila ng malalim at akmang magsasalita si Keart ng may nagsalita.

"We should asked with the same question." Biglang sabi ni Drix habang naka pamulsang nakasandal sa may pintuan.

Well, I think we're on the same.




To be continued...

A/N: So lame? Nah, busy sa modules kaya bear with it na lang.😊

Don't forget to Vote, Comment and follow!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top