chapter 180 "Lamay"

Drixon's Pov.

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa narinig kong tunog ng cellphone. Napamulat ako ng mata at sumalubong sa akin ang puting kisame.

Nandito pa rin ako sa hospital at gusto ko ng lumabas ngayon.

Nakaramdam na naman ako ng lungkot ng maalala ko si lolo. Ramdam ko ang pamamaga ng mga mata ko.

Hindi ko maiwasang maiyak kagabi ng makatulog si Panget.

Kahapon ko pa pinipigilan ang emosiyon ko dahil ayaw kong makita ako ni Panget na umiiyak.

Alam kong ayaw niya akong makitang umiyak.

Napalingon ako sa gilid ko. Tulog pa rin si Panget habang nakahawak sa kamay ko.

Napahinga ako ng malalim at napangiti. Kahit malungkot ako ay masaya pa rin ako dahil maayos na kaming dalawa.

Hindi ko siguro kakayanin kung nakipaghiwalay siya sa akin ng tuluyan sa ganitong sitwasyon.

Bumangon ako at inabot ang cellphone niyang nasa bedside table. Tiningnan ko ang caller at si Debbien ang nasa screen.

Tse!

In-off ko ang cellphone niya bago ibinalik sa kinalalagyan niya.

Muli akong tumingin kay Panget at mahigpit na hinawakan ko ang kamay niya. Kung wala pa siya ay hindi ko alam ang gagwin ko.

Siya lang ang nakapagpakalma sa akin.

Napalingon ako sa may pinto ng marinig kong bumukas ito.

Akmang magsasalita ang nusre ng sinyasan ko ito na huwag maingay.

"Take off my dextrose." mahinang sabi ko sa kaniya.

Tumango ito at sinunod ang sinabi ko. Nakausap na namin ni Panget kagabi ang doctor na gusto ko ng lumabas.

Buti na lang at pumayag ito. Nakiramay pa siya dahil sa pagkawala ni lolo.

Napabuntong-hininga na lang ako at bumaba ng kama ng hindi nagigising si Panget.

Nilagyan ko siya ng kumot sa likod. Nakaupo kasi siya sa upuan habang nakadukdok sa gilid ng kama ko ang ulo nito.

Hinalikan ko siya sa noo bago pumasok sa banyo. Naghilamos ako ng mukha.

Magang-maga ang mga mata ko dahil sa kakaiyak ko kagabi. Hindi pa ako halos makatulog ng maayos dahil naiisip ko si lolo.

Nagsipilyo na lang ako pagkatapos ay lumabas ng banyo.

"Good morning, love." nakangiting bati ko ng makitang gising na ito.

"Mmm. Good morning, too." paos ang boses na bati niya.

Inabutan ko siya ng isang basong tubig na agad naman niyang kinuha at ininom.

"Bumalik na ba ang lakas mo?" tanong nito matapos uminom ng tubig.

"Mmm. Ang galing mag-alaga ng nurse ko, eh." nakangiting sabi ko sa kaniya.

Napapailing na lang siya sabay tayo. Napahikab pa siya kaya natawa ako.

Pumasok siya sa banyo, inayos ko na lang ang kama pati ang mga gamit namin.

Saktong tapos na ako ay lumabas ito ng banyo.

"Let's go?" yaya ko sa kaniya.

Tumango siya at kinuha ang paperbag. Sabay kaming lumabas ng Kwarto at naglakad sa pasilyo.

Binati pa kami ng mga nurse na nakasalubong namin.

Pumasok kami sa elevator. Pareho lang kaming tahimik hanggang sa bumukas ang elevator at lumabas na kaming dalawa.

"Kakain na muna tayo ng agahan bago pumunta sa mansion niyo." rinig kong sabi nito.

"Mmm." tangong sagot ko.

Napatingin pa siya sa akin. Animo'y binabasa kung ano ang nasa isip ko.

"Are you, ok?" tanong niya

"Yeah. Don't worry about me, love. I'm fine as long as you're here." nakangiting sagot ko.

Naniniguradong tiningnan pa niya ako bago tumango hanggang sa makarating kami sa parking lot.

Kinuha niya ang helmet at isinuot sa akin bago sumampa sa motor niya.

"Hop in." utos niya sa akin.

Humawak ako sa balikat niya sabay sampa bago yumakap sa kaniya.

"A-aw!" mahinang daing nito.

Mabilis na napabitaw ako sa kaniya.

"Love, ayos ka lang?" nag-alalang tanong ko pa.

Napahinga siya ng malalim at tumango bago kinuha ang kamay ko at inilagay sa balikat niya.

"D'yan ka muna humawak para hindi magalaw ang sugat sa tagiliran ko." mahinahong sabi niya.

Owshit!

Nakalimutan kong may sugat nga pala siya sa tagiliran.

"I'm sorry." hinging paumanhin ko.

"It's ok." maikling sagot niya bago pinaandar ang motor at umalis na kami ng hospital.

Dumaan kami sa isang fast food chain para kumain ng agahan. Pagkapasok namin sa loob ay siya na ang nag-order ng makakain namin.

"Ayos ka na ba rito?" tanong pa nito matapos mag-order.

"Mmm." tangong sagot ko pa.

Hinihintay na lang namin ang order hanggang sa dumating ito. Agad na kaming kumain habang tahimik lang kami pareho.

Ramdam ko pang panay ang sulyap niya sa akin habang kumakain. Hanggang sa matapos na kami at nagpahinga saglit.

*Sigh

"Love, ayos ka lang ba talaga?" bahagya pa akong natigilan dahil sa narinig ko.

Tumingin ako sa kaniya at halatang nag-aalala ito.

"Ayos lang ako, love. Don't worry about me, ok?" nakangiting sagot ko.

"Sigurado ka?" paninigurado niya.

Napabuntong-hininga ako at hinawakan ang kamay niya.

"Mmm. I just want to see, lolo." mahinang sagot ko.

Tumayo siya at hinila ako palabas ng kainan.

"Let's go home then," sabi niya at inilagay sa ulo ko ang helmet.

Hindi na lang ako nagsalita at sumampa sa motor. Humawak ako sa balikat niya bago pinaharurot ang motor pauwi sa mansion namin.

Nakaramdam na naman ako ng lungkot sa isiping makikita ko si lolo na nasa kabaong ngayon.

I didn't expect this would be happened.

Huminga na lang ako ng malalim hanggang sa makarating kami sa tapat ng mansion.

Nakita ko pang maraming tao ang pumasok sa loob.

Bumaba ako at gano'n rin si Panget. Siya na ang naghubad ng helmet ko bago hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

"Love,"

"Shhh! Things will be fine." bulong niya at hinila ako papasok sa loob.

Sumalubong sa amin ang maraming tao. Kadalasan ay mga studyanteng mula sa SFU pati na rin ang mga guro.

Ang sabi ni Lyle ay alam na ng lahat ang nangyari kay lolo.

Napatingin pa sila akin at kita ko ang lungkot at simpatya sa mga muha nila.

Hanggang sa makapasok kami kung saan ang lamay ni lolo. Nakita ko pa ang mga Acosta at Ibañez.

"Dre, nakalabas ka na pala," sabi ni Keith nang salubungin nila ako.

Tumango ako at tahimik na nakatingin lang sila sa akin.

Napatingin ako sa harap. Nakita ko ang malaking tarpaulin ni lolo. Bumaba ang tingin ko sa puting kabaong kung saan ang katawan niyang wala ng buhay.

Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Panget bago dahan-dahang naglakad palapit sa kabaong nito.

Naninikip ang dibdib ko sa sakit. Parang nawala ang kabilang parte ng katawan ko.

Nawala na si lola at ngayon naman si lolo.

Hindi ko inaasahang ganito kaaga mawala ang lolo ko. 'Ni hindi niya man lang makikita ang pagtatapos ko sa highschool.

Ramdam ko ang pamamasa ng mga mata ko pero pilit kong pinigilang pumatak ang mga luha ko.

I don't want to cry in front of his coffin.

Huminto ako sa harap ng kabaong niya at hindi binibitawan ang kamay ni Panget.

Siya lang ang nagbibigay ng lakas sa akin sa mga sandaling ito.

"Lolo," basag ang boses na anas ko habang nakatingin sa kaniya.

Parang piniga ang puso ko ng makita ang mukha niya.

Parang payapang natutulog lang siya kung titingnan.

"Lolo, I'm sorry." pigil ang luhang anas ko.

"I'm sorry if I didn't protect you. I'm sorry." nahihirapang sabi ko.

Ramdam ko ang paghagod ni Panget sa likod ko dahilan para hindi ko na mapigilan pa ang luha ko.

Sunod-sunod na nagsipatakan ang mga luha sa mata ko habang dahan-dahang hinawakan ang kabaong nito.

"Huwag mong pigilan ang emosiyon mo, love. Just let it out. Don't worry, I'm here for you. I won't leave you." mahinang bulong ni Panget.

Naging matunog ang pag-iyak ko at bumitaw sa kaniya sabay yakap sa kabaong ni lolo.

"Lolo..." umiiyak na sabi ko.

Iyak lang ako nang iyak at hindi pinansin ang mga taong nasa paligid ko. Wala akong paki kung makita nila akong umiiyak.

They never seen me crying but now they do.

This is the first time na nakita ako ng karamihang umiyak ng ganito but I don't fvcking care!

Hilam sa luhang yakap ko pa rin ang kabaong ni lolo. Lumapit na rin sila Mom and Dad habang hinahagod ang likod ko.

Pati si Drixie ay umiiyak na rin.

"Lo, patawarin mo ako. Hindi ka sana mawala kung hindi dahil sa akin." nahihirapang sabi ko.

Parang may bumara sa dibdib ko dahil sa kakaiyak ko. Walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko.

Para bang sasabog ako dahil sa bigat at sakit na nararamdaman ko ngayon.

"I'm sorry if I'm being a useless grandson. I didn't protect you. It was my fault." halos mapaos ang boses na sabi ko.

"Shhh! Don't say that, anak. You're not a useless. It's not your fault, anak." uumiyak na sabi ni Mom.

"No, Mom. It's my fault. Kung hindi niya ako itinulak ng barilin ako ni Mr. Villarino ay hindi siya ang matatamaan ng bala. Kasalanan ko kung bakit nawala si lolo." umiiyak na saad ko.

Mabilis na napapailing si Mom at niyakap niya ako bago pinunasan ang luha ko.

"It's not your fault, ok? Don't blame yourself. Stop crying, anak." alo ni Mom sa akin at mahigpit na niyakap ako.

Para along nawaaln ng lakas habang yakap ako ni Mom. I feel like I',? Too weak right now.

"Son, don't blame yourself, ok? Wala kang kasalanan, anak. Hindi matutuwa ang lolo mo sa langit kung sisihin mo ang sarili mo." mahinang saad ni lolo habang pinunasan ang luha ko. "Choice ng lolo mo na saluhin ang bala para sa'yo. Dahil gusto niyang hindi ka masaktan. Isa pa, you protect him and this family as much as you do." patuloy pa ni Dad.

Kita ko ang lungkot sa mga mata niya pero pilit niya itong hindi ipakita.

Tahimik na umiiyak na lang ako bago kumalas sa yakap ni Mom at niyakap si Dad.

Doon lang bumuhos ang luha niya ng yakapin ko siya.

I know, kung nasaktan man ako sa pagkawala ni lolo ay alam kong mas nasaktan siya dahil ama niya si lolo.

"I'm sorry, Dad." mahinang bulong ko.

"Don't be sorry, Son. You do your best to protect our family. I'm sure your lolo would be happy about it." mahinang bulong siya at kumalas sa akin.

Pinunasan niya ang luha sa pisngi ko at ngumiti.

"Don't worry, Nīsan. Ate Ashi told me that even lolo is died he still with us right now." sabi ni Drixie at ngumiti sa akin.

Pinunasan ko ang luha nito bago lumingon kay Panget.

Nginitian niya ako kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko.

Humarap ako sa kabaong ni lolo. Hindi mawala ang bigat na nararamdaman ko kapag nakita ko siyang nasa kabaong.

Hinawakan ko ang picture frame nito bago niyakap.

I'm sorry, lolo.

Hindi kita na protektahan ng maayos. Ako pa ang iniligtas mo. Kung hindi mo sana ako tinulak ay ako ang matatamaan ng bala.

I'm sorry.

Kung naging maingat lang sana ako ay hindi mangyayari ang lahat ng ito.

Kasama ka pa sana namin hanggang ngayon.

Patawarin mo rin ako sa lahat ng nagawa ko. Kung naging pasaway ako noon. Kung naging pasakit ako sa ulo niyo ni Dad and Mom.

I'm sorry if I'm being a stubborn.

You're always be my lolo. Your memories will remain in my heart.

I love you, lo.

Thank you for everything. Sa pagiging lolo mo sa amin ni Drixie at ni ate Zenn.

Sa pagiging mabuting Judge at Dean sa lahat.

Napalingon ako kay Panget ng lumapit siya sa akin. Napahinga ako ng maluwag at nakangiting hinawakan ang kamay niya.

At higit sa lahat, salamat dahil support ka sa aming dalawa ni Panget. You even gave your ring to me para sa pag propose kong maging girlfriend si Panget kahit na mahalaga iyon sa inyong dalawa ni Lola.

Don't worry, I'll protect her as much as I protect our family.

I will love her with all my heart. She's the girl that I want to marry in the future.

"I'll prove it to you, lolo." nakangiting sabi ko kahit patuloy sa pagpatak ang mga luha ko.

"Anong patunayan mo sa lolo mo?" bulong pa ni Panget.

Nilingon ko siya at ngumiti sabay pisil ng kamay niyang hawak ko.

"Sa amin na lang 'yon ni lolo." Mahinang sabi ko.

Pinunasan niya ang luha ko at tumango.

"Kung anuman 'yon alam kung mapapatunayan mo 'yan sa kaniya. Don't worry, nandito ako para samahan kang patunayan sa kaniya." mas lalong gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya.

Ibinalik ko ang frame ni lolo sa ibabaw ng kabaong nito at napahinga ng malalim.

Don't worry, Lo. Sisiguraduhin kong makukulong ng habambuhay si Mr. Villarino.

Pagsisihan niya hambambuhay ang ginawa niya. I'll make sure na hindi na siya makakalabas ng kulungan.

I will protect our family. I won't be a stubborn again. I promise.

***

Nandito kaming lahat na magkakaibigan sa hardin ng mansion ngayon.

Busy sila Panget sa pagtulong sa pag-asikaso sa mga bisita kasama sila Bella.

"How's about Mr. Villarino?" tanong ko sabay bukas ng beer incan.

"Nasa kulungan na siya ngayon kasama ang mga tauhan niya matapos gamutin ang sugat nito. Inamin niya lahat ang kasalanan niya." sagot ni Lyle.

Napabuntong-hininga ako bago tinungga ang beer incan.

Buti naman dahil baka hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa kaniya.

"Nakiusap pa siyang pumunta sa lamay ng asawa niya." rinig kong sabi ni Keith.

Tse!

Nakiusap? Nasa bukabularyo pa pala niya ang salitang pakiusap?

Damn him!?

"Huwag niyo siyang hayaang makadalo sa lamay ng asawa niya. Baka may balak pang tumakas ang hayop na 'yon." blankong sabi ko sabay tungga ng beer incan.

Napabuntong-hininga pa sila bago nagsalita si Keart.

"Hindi naman mukhang nagbalak tumakas si Mr. Villarino, dre. Ang sabi niya ay willing siyang pagbayaran ang nagawa niya." sabi pa ni Keart.

"Tse! Dapat lang. Dahil sa susunod ay buhay na niya ang kuhanin ko." seryusong sabi ko.

Hindi sila nagsalita at uminom na lang ng beer.

Nag-uusap pa silang apat habang uminom. Tahimik na nakatingin lang ako sa malayo.

"Oo nga pala, dre. Next week ay may lakad tayo." biglang sabi pa ni Dwayne.

Napalingon ako sa kanila.

"Lakad?" takang tanong ko.

"Mmm. Nakalimutan naming sabihin na next week tayo papupuntahin ng head para gawin ang ipapagawa sa atin." sabi ni Lyle.

Napatango ako ng marealize ang ibig niyang sabihin.

"Alam na rin nila ang nangyari sa lolo mo. Ipinapaabot nila ang simpatya nila sa pamilya mo." sabat  pa ni Keith.

Napabuntong-hininga ako at tumango.

"Sinabi ng head na huwag mong hayaan na maapektuhan ang responsibilidad mo. They also want to talk to you about what happened to your lolo." dagdag pa ni Keart.

Hindi na lang ako nagsalita at tinungga ang laman ng beer incan. Alam ko kung ano ang gagawin ko at hindi ko na kailangang paalalahanan pa.

Tse!

Napabuntong-hininga na lang ako habang nakatingin sa may kalayuan.

Bigla akong may naalala kaya humarap ako sa kanila.

"And also, investigate about the mysterious girl. Alamin niyo kung sino siya at kung bakit niya tayo tinulungan." seryusong sabi ko.

Napatingin silang apat sa akin. Mukhang ngayon lang nila naalala ang tungkol sa babaeng tumulong sa amin.

"Darn! I almost forgot about her." sabi pa ni Lyle.

"Pucha! Ako rin muntik ko ng makalinutan ang tungkol sa kaniya." bulalas pa ni Keart.

Napapailing na lang ako at inubos ang laman ng beer incan na hawak ko.

"Yeah. Nagtakaka rin ako kung bakit bigla siyang nawala at sumulpot sila Ashi." nalilitong sabi pa ni Keith.

Napaisip din ako dahil sa sinabi niya. Iyon din ang ipinagtaka ko ng hindi ko na ito makita no'ng gabing 'yon.

Bigla siyang nawala at sila Panget ang sumulpot kasama sila Lyka.

Nagtataka rin ako kung paanong nando'n sila Panget. Ang sabi ni Kyla ay umalis si Panget noong umalis ako ng mansion.

"Wait, ang ipinagtaka ko rin ay kung bakit biglang sumulpot sila Ashi pagkawala ng babaeng misteryuso?" takang tanong pa ni Dwayne.

"Oo nga, 'no?" sabi pa ni Keart.

Napaisip din sila Lyle. Halata rin ang pagtataka at lito sa mga mukha nila.

Kahit ako ay gano'n rin.

"Teka, wala ba kayong nakitang kahit ano sa kaniya?" tanong pa ni Lyle.

Napailing silang tatlo. Bigla akong napaisip at inalala ang mga nangyari.

Napatingin ako sa kanila ng may maalala ako.

"RRS." bulalas ko habang bahagyang nakakunot ang noo ko.

"Anong RRS?" nalilitong tanong ni Dwayne.

Napa-ayos ako ng upo bago inilapag sa tabi ang hawak kong beer incan na wala ng laman.

"RRS, iyon ang nakita ko sa colar ng coat niya no'ng talian nito ng panyo ang sugat sa braso ko." sagot ko pa.

Nagkatinginan silang apat bago napaisip.

"Ano naman ang ibigsabihin ng RRS?" clueless na tanong ni Lyle.

Nagkibit-balikat sila Keart bago napatingin sa akin.

Nagbukas ako ng panibagong beer bago ito tinungga.

"Nasaan ang panyong itinali sa braso mo?" tanong pa ni Dwayne.

Napakapa ako sa coat ko pero wala akong makapa.

Inalala ko kung saan ko inilagay kanina ng magligpit ako ng gamit sa hospital. Pero hindi ko maalala.

"I don't know kung saan ko nailagay kanina." sabi ko pa.

Pareho silang napangiwi at napapailing.

"Alamin niyo na lang ang tungkol sa kaniya." malumay na sabi ko sabay inom.

Nagkibit-balikat na lang sila at nagpatuloy sa pag-inom.

I'm really curious about that mysterious girl.

Pakiramdan ko ay matagal ko na siyang kilala. Iba rin ang reaction ng puso kapag makita o matitigan ko siya sa mata.

It seems like they have something between us.

************************************

Ashi Vhon's Pov.

Pasado alas-dies na ng gabi at kakatapos lang naming umasikaso sa mga bisita.

Nagpresenta na akong tumulong sa kanila kanina kahit pa kumikirot ang sugat sa tagiliran ko.

Masyadong marami ang mga bisitang dumalo sa lamay ni Dean. Kadalasan ay mga students galing sa SFU pati na rin ang mga teachers.

May iba ring galing sa SLU at iba pang school dito sa Makati na kilala ang mga Chevalier.

Halos napagod kaming lahat nila Xandra.

Paroo't-parito ang ginagawa namin. Na extend din ang pasukan namin sa next week pagkatapos mailibing si Dean.

"Ash, maupo na muna tayo." sabi pa ni Kyla.

Tinanguan ko lang siya at naupo sa tabi ni Xandra sabay pikit.

"Nakakapagod mag-asikaso ng mga bisita." rinig ko pang sabi bi Stella.

"Oo nga, ang dami kasi, oh." sang-ayon ni Therea.

Natawa pa si Bella sa kanila bago ito nagsalita.

"Kilala kasi ng mga tao si Dean kaya marami ang dumalo." sabi pa ni Bella.

"Hayst! Hindi ko talaga inaasahan na mawala si Dean mga bakla." malungkot na saad pa ni Mello.

"Lahat naman tayo ay hindi inaasahan ang mga nangyayari." sabi pa ni Kyla.

Napabuntong-hininga na lang ako. Natahimik pa sila at ramdam ko ang lungkot nila.

Kanina pa sila ganiyan.

"Pero naawa talaga ako kay Drix kanina." biglang sabi pa ni Bella.

Napamulat ako ng mata at tumingin sa kaniya.

"Lahat tayo uy! Sino ba ang hindi maawa sa isang 'yon? Kahit hindi natin maintindihan minsan ang takbo ng isip ng isang 'yon ay alam nating nasaktan siya ng todo sa nangyari sa lolo niya." mahabang lintaya pa ni Stella.

Napapailing si Bella bago napabuntong-hininga.

"Ngayon ko lang nakitang umiyak ng gano'n si Drix. First time rin na umiyak siya sa harap ng maraming tao." malungkot na sabi ni Bella.

Tsk!

Hindi na kataka-takang umiyak ng gano'n si Bisugo. Mahalaga sa kaniya ang lolo niya. Natural lang na gano'n ang nararamdaman niya.

Lalo na't sinisi niya ang sarili dahil sa pagkawala ng lolo nito.

I understand him.

Gano'n din ang naramdaman ko ng malaman ko ang tungkol sa tunay kong ina.

Umiiyak ako ng patago noong nasa Baguio ako dati.

Tsk!

Kaya naintindihan ko ang nararamdaman ni Bisugo ngayon. Hindi madali ang mawalan ng taong mahalaga sa buhay.

Napahinga na lang ako ng malalim bago tumingin sa harap.

"Look, ang lungkot-lungkot ni Drix, oh." sabi pa ni Stella.

Nakayuko lang si Bisugo habang tahimik na nakasandal sa kinauupuan nito.

Kanina pa siya nakatunganga sa harap ng kabaong ni Dean.

Napatingin ako kay Tita Xia ng lumapit ito kay Bisugo. Kinausap ito ni Tita pero hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila.

"Hindi talaga ako sanay na makitang ganiyan ang pinsan ko." rinig kong sabi ni Bella.

Tumango sila Stella na animo'y sang-ayon sa sinabi ni Bella.

"Ash, lapitan mo kaya siya at kausapin." bulong pa ni Bella.

Napalingon ako sa kaniya.

"Yeah. Para hindi siya mag-isip ng kung ano-ano." sang-ayon pa ni Kyla.

Napabuntong-hininga na lang ako bago tumingin uli sa gawi ni Bisugo. Kinakausap pa rin siya ni Tita at panay lang ang iling nito.

Kahit hindi niya sabihin sa akin ay alam kong pinipigilan lang niya ang emosiyon nito para hindi ko makita.

Tsk!

Tumayo na lang ako at nakapamulsang naglakad palapit sa gawi nila.

"Anak, kumain ka na muna. Wala ka pang kain mula kaninang tanghalian." rinig kong sabi ni Tita.

Napakunot ang noo ko. Hindi siya kumain? Ang sabi niya kanina ay kumain na siya.

Anak ng tinapa!

"I don't want to eat, Mom. I don't have the appetite to eat right now." malumay na sagot niya kay Tita.

"Pero----"

"Mom, please..." Pigil nito sa ina niya.

Napahilamos pa siya ng mukha bago napalingon sa gawi ko. Bahagya pa siyang natigilan at napabuntong-hininga.

"Bakit hindi ka kumain? Ang sabi mo kanina ay tapos ka ng kumain." mahinahong lintaya ko pa.

Hindi siya nagsalita at napapikit na lang siyang napahinga ng malalim. Para rin siyang lasing.

Napapailing na lang ako at tumingin kay Tita. Halatang nag-aalala siya sa anak niya.

"Tita, ako na ang bahala sa kaniya. Magpahinga ka na muna sa loob." pormal na sabi ko pa.

Tiningnan pa nito si Bisugo bago tumayo at lumapit sa akin.

"Salamat, hija. Convince him to eat para may laman ang t'yan niya. Uminom pa naman sila kanina sa hardin." mahinang sabi pa ni Tita.

Tumango na lang ako. Hinawakan pa niya ang kamay ko at ngumiti bago ako nilagpasan.

Napabuntong-hininga ako at lumapit kay Bisugo. Naupo ako sa tabi nito at tiningnan siya ng mabuti.

"Lasing ka ba?" tanong ko sa kaniya.

"I'm not." mahinang sagot niya.

Tsk!

"Alam kong malungkot ka at naintindihan kita. Kung gusto mong umiyak, umiyak ka lang. Huwag mong pigilan ang emosiyon mo para lang hindi ko makita." mahinahong saad ko pa.

Hindi siya nagsalita at nanatiling nakapikit ito habang nakapatong sa mga tuhod nito ang dalawang siko niya.

Hinawakan ko ang kamay niya dahilan para mapamulat siya ng mata at tumingin sa kamay naming dalawa.

"You don't need to be like this, Bisugo. Alam kong hindi madaling mawalan ng taong mahalaga sa'yo pero kailangan mo ring tanggapin ang katutuhanang wala na ang lolo mo." nagpapaintinding sabi ko sa kaniya.

Napapailing siya bago tumingin sa akin. Kita ko ang lungkot sa mga mata nito.

"I know but not now. I just want to be alone for a while, ok?" mahinang sabi niya.

Tiningnan ko ito sa mata at binasa ang kung anong meron sa isip nito.

Napaiwas pa siya ng tingin kaya napahinga ako ng malalim at tumango.

"Mmm. But you need to eat first and rest after you eat." sabi ko sabay tayo.

"But I don't have the------"

"Tsk! I'll feed you." pigil ko sa kaniya at hinila siya patayo.

Napabuntong-hininga pa siya kaya hinila ko siya papunta sa kusina.

Nang makapasok kami ay pinaupo ko siya sa upuan bago kumuha ng pinggan.

Tahimik na nakatingin lang siya sa mga kilos ko.

Naglagay ako ng kanin at ulam sa pinggan nito bago kumuha ng tubig sa ref at naupo sa harap niya.

Sumandok ako ng kanin at ulam bago itinapat sa bibig niya. Nakatingin lang siya sa akin.

Lintik na 'yan! Feeling ko nabawasan ang angas ko.

Tsk!

"Ahh." sabi ko pa.

Umiling siya at umiwas ng tingin. Napanganga na lang ako at napabuntong-hininga.

"I don't want to eat. Busog pa ako." malumay na sabi niya at akmang tatayo ng pigilan ko siya.

"Tsk! Kumain ka kahit kunti lang." seryusong sabi ko habang nakatingin pa rin sa kaniya.

Natigilan pa siya at hindi tumingin sa akin.

"Love, I'm full. Don't force me to eat." malumay na saad pa nito.

Ang tigas ng ulo! Ano bang gusto nito? Sapak?

Tsk!

"Ayaw mo talagang kumain?"

"Ayaw."

"Ahh, gano'n." sabi ko at tumayo.

Bigla siyang napatingin sa'kin habang bahagyang nakakunot ang noo. Halata ring inaantok siya.

"W-what are you doing?" kunot-noong tanong pa nito.

Isinubo ko ang pagkain at nginuya sabay lapit sa kaniya.

Napalunok pa siya ng ilapit ko ang mukha ko sa kaniya.

"Kakain ka o ipapakain ko sa'yo ang nginuya ko." bulong ko sa mukha niya.

Napakurapkurap pa siya habang bahagyang nakanganga.

*Smirk

"P-puwede rin------hmmmp."

Hindi ko na siya pinatapos at mabilis na inalapit ko ang bibig ko sa bibig nito.

Natigilan pa siya at hindi nakagalaw. Lumayo ako matapos ilagay sa bibig niya ang pagkaing nginuya ko.

"Eat or else..."

"Else what?" inaantok na tanong niya sabay lunok ng pagkain.

Tsk!

Kakain rin naman pala, eh. Dami pang arte.

"Or else... I'll go ahead." sabi ko at akmang tatalikod ng mabilis niya akong nahawakan sa kamay.

"Don't leave me, love." nakiusap ang boses na sabi niya at hinila ako paupo sa kandungan niya sabay yakap.

Abah!

Nanantsing ang loko, ah!

"Just stay with me please." bulong pa nito.

Napahinga ako ng malalim at kumalas sa yakap niya.

"I won't leave as long as you eat and rest." sabi ko sabay tayo at kinuha ang pinggan at naupo sa ibabaw ng mesa.

"Basta tabi tayo matulog mamaya, ah." biglang sabi niya.

Pinaningkitan ko siya ng mata. Pilit lang ang mga ngiti nito kaya napabuntong-hininga ako.

"Kumain ka na lang." sabi ko at itinapat ang kutsara sa bibig niya.

"Nguyain mo muna, love."

"Anak ng!"

"Sige na."

"Tsk! Sapak gusto mo?"

"Halik ang gusto ko."

Lintik na 'yan! Daig pa niyang hindi namatayan.

Tsk!

"Isa..."

"Tse! Kakain na nga, boss." nakangiwing sabi nito at sinubo ang pagkain.

Alam kong pilit niya lang magbiro para aliwin ang sarili niya.

*Sigh

Pinagmasdan ko na lang siya habang kumakain ito. Halata ko ang lungkot sa mata nito kahit pilit niyang itago.

Napapailing na lang ako hanggang sa matapos siyang kumain. Inabutan ko siya ng tubig bago iniligpit ang pinagkainan nito.

"Magpahinga ka na muna. Kami na lang ang bahala rito." sabi ko ng hilahin ko siya palabas ng kusina.

"Tse! Magpahinga ka na rin." mahinang sabi nito.

Napatingin pa si Tita sa amin habang nakangiti. Tinanguan ko na lang ito bago umakyat sa taas.

Nang makarating kami sa kwarto niya ay pumasok kami sa loob. Dumeretso siya sa banyo kaya naupo ako sofa niya.

Napatingin pa ako sa kabuuan ng kwarto nito.

Malinis at naka arrange lahat ng mga gamit.

"Magpahinga ka na dahil uuwi pa ako." mahinahong sabi ko ng makalabas siya ng banyo.

Nilingon niya ako bago lumapit sa akin at naupo sa tabi ko.

"Don't go home, love. This is your home, too and you can sleep here." nakiusap na sabi nito at nahiga sa hita ko.

Nalintikan na.

"Tsk! It's not appropriate to sleep in your room, Bisugo." nakaiwas tinging anas ko.

Hinawakan nito ang kamay ko habang nakapikit bago nagsalita.

"Why? We even slept in your room when we're in Baguio." mahinang sabi niya.

Natahimik ako at napalunok dahil sa sinabi nito.

Naalala ko lahat ng nangyari no'ng nasa Baguio kaming dalawa lalo na ang---napaiwas na lang ako ng tingin bago nagsalita.

"Magkaiba 'yon. Hindi tulad ng mga tao rito ang mga tao sa Baguio. Baka anong isipin nila kapag nakitang dito ako natulog." malumay na sabi ko pa.

Nagmulat siya ng mata at tumingin sa mga mata ko. Tipid na ngumiti pa siya bago nagsalita.

"I don't care what are they thinking about us, as long as we didn't do anything." inaantok na saad niya bago uli pumikit.

Napabuntong-hininga na lang ako at hindi na nagsalita pa.

Pinagmasdan ko lang siya habang nakapikit. Ramdam ko ang lungkot na nararamdaman niya ngayon.

"Kung pwede pa pasanin ang lungkot mo tinulungan na sana kita para mabawasan ang bigat na nararamdaman mo, Bisugo." mahinang bulong ko sabay tap ng ulo niya bago sumandal at pumikit.

Inaantok na rin ako.

Tsk!


******

Lumipas ang ilang araw at nandito lang kami sa mansion ng mga Chevalier para makilamay at tumulong.

Umuuwi lang kami kapag kukuha ng damit o may importanteng gagawin.

Sa kwarto ni Bisugo ako natutulog dahil iyon ang gusto niya. Ayaw niyang iwan ko siya. Ayaw ko sana pero kinausap ako ni Tita na pagbigyan ko na ang gusto ng anak niya. Kaya sa huli ay pumayag na lang ako.

Sa kabilang kwarto sila Xandra kasama sila Bella. Sila Keart naman ay sa guest room.

Ang mga Acosta at Ibañez ay pabalik-balik lang sila dahil may importanteng inasikaso sila Grandmaster.

Gano'n na rin ang mga magulang ng mga kaibigan namin.

Habang si Bisugo ay minsan ko siyang nakikitang lihim na umiiyak. Hinayaan ko na lang siya para mabawasan ang lungkot nito.

Pero ngayon ay medyo ayos na siya. Tumulong din ito sa pag-asikaso ng mga bisita.

Bukas na ilibing si Dean at next week na ang pasukan namin.

Ngayon ay nandito kami nila Xandra sa isang coffee shop kausap namin sila Lyka at Clark.

May importante lang silang kaming pag-uusapan.

"Kamusta ang pinapagawa ko?" seryusong tanong ko kay Lyka.

Napabuntong-hininga pa siya bago kinuha ang dala niyang envelope at ibinigay sa akin.

Takang napatingin pa ako sa kaniya. Sininyasan niya akong buksan ang envelope kaya binuksan ko na lang.

Lumapit din si Kyla at Xandra para makitingin sa laman ng envelope.

Tiningnan ko ng mabuti ang laman ng nito at binasa ang mga nakasulat.

"Iyan ang mga nakuha naming info tungkol sa pinapaimbistiga mo." rinig kong sabi ni Clark.

Napatiim ang bagang ko ng makita ang litrato ng isang lalaking ka-edad lang nila Dad.

"Napag-alaman naming mga tauhan niya ang sumugod sa mansion ng mga Acosta noong nakaraang buwan." dagdag pa ni Clark.

Napatingin ako sa mukha ng nasa litrato. Tulad nang litratong ipinakita ni Tito Frank sa akin no'ng kinausap ko siya ay may malaking pilat ang kaliwang pisngi nito.

Alexander V. Ong

Napahigpit ang hawak ko sa envelope habang binabasa ang bawat detail tungkol sa kaniya.

"Isa 'yang Chinese na may lahing pilipino. Matagal na siyang nanirahan dito sa pinas. Dito rin siya nakapagtapos ng kolehiyo." rinig kong sabi ni Lyka.

Tiningnan ko pa ang ibang papel. Bawat detail ay tatak sa utak ko habang seryusong tiningnan ang mga papel at litrato.

"Wala rin siyang asawa. Ang sabi nang nakausap namin ay iisang babae lang ang minahal niya pero wala na raw ito." sabi ni Clark. "Isang drug dealer si Mr. Ong at umaangkat rin ng iba't-ibang uri ng mga baril galing sa ibang bansa tulad ng America, China, Hong Kong, Japan at iba pang bansa na pasok sa standards ni Mr. Ong." patuloy pa ni Clark.

Nagtagis ang bagang ko habang tinitingnan ang mga litrato ng mga baril na nakuha sa may daungan ng mga barko.

Halatang imported ang mga baril at hindi basta-basta ang halaga nito.

May nakuha pang litrato kung saan nakipag palitan ng druga at pera ang lintik na Mr. Ong.

At ang tinutukoy na babaeng nag-iisang minahal niya ay halatang ang Ina ko 'yon.

Tsk!

"Masyadong matinik si Mr. Ong kaya nahirapan kaming kuhanin ang info nito. Hindi rin siya nanatili lang sa iisang bahay o mansion." sabi ni Lyka. Tiningnan ko ang mga litrato ng mansion. "Pero may isang mansion kung saan siya madalas lumagi o manatili." dagdag pa ni Lyka.

Tiningnan ko ng mabuti ang bawat litrato.

"Mukhang napakayaman nga ng hunghang na 'to." bulalas ni Xandra.

"Ikaw ba naman magbenta ng druga at mga baril, tingnan natin kung hindi ka yayaman." napapailing na sabi ni Kyla habang nakatingin sa mga litrato.

"Hindi nga basta-basta ang kalaban, Ash." Rinig kong sabi ni Xandra.

Napakuyom ang kamao ko sa galit at inis.

"Wala akong paki kahit siya pa ang pinakamayaman sa buong mundo hindi ko siya aatrasan." mariing sabi ko.

Natahimik silang lahat bago napabuntong-hininga si Lyka at nagsalita.

"Pero kailangan natin mag-ingat, Ash." sabi nito.

Tsk!

Sila ang mag-ingat sa akin at hindi ako.

Kaya kong i-bar down lahat ng meron siya kapag ako ang ginalit nila. Huwag lang silang magkamali kung ayaw nilang makaharap si kamatayan ng maaga.

Ibinalik ko sa envelope ang mga papel matapos ito basahin at ibinalik kay Lyka.

Kinuha ko ang kape ko at inubos ito.

Napatingin pa ako sa kabilang table ng may makita akong pamilyar na tao. Bahagya itong nakatagilid sa gawi namin.

Naka purong itim na suot habang naka cap. Tahimik na umiinom lang ito ng kape habang nakatingin sa labas.

Tsk!

Baka namalikmata lang ako.

"By the way, nakiusap si Mr. Villarino na pumunta sa lamay ng asawa nito kahit sa libing na lang." biglang sabi pa ni Xandra.

Sila ang nag-asikaso kay Mr. Villarino kasama sila Keith.

Psh!

"Alam na ba ni Bisugo ang tungkol do'n?" tanong ko sa kaniya.

Napabuntong-hininga siya at tumango.

"Sinabi na nila Lyle sa kaniya pero ayaw pumayag ni Drix. Baka raw tatakas ang hangal na 'yon." sagot pa ni Kyla.

Napapailing na lang ako bago nagsalita.

"Sundin niyo na lang kung ano ang gusto ni Bisugo." malumay na sabi ko na ikinangiwi nilang apat.

"Kawawa naman at pati libing ng asawa niya hindi niya makikita." napapailing na sabi pa ni Clark.

"Tsk! Kasalanan niya ang lahat kaya magdusa siya." balewalang sabi ko pa.

Nginiwian uli nila ako bago inubos ang kape nila.

"Bagay nga kayo ni Drix." nangiwing sabi ni Lyka.

Hindi ko na lang sila pinansin pa. Sumandal ako sa upuan ko habang nag-iisip.

Mr. Alexander Ong

Be prepared. I won't take back what I want to do if ever we met.

You'll regret for what have you done to my mother.

Tsk!

"Ash, hinahanap ka raw ni Drix sabi ni Keith." rinig kong sabi ni Xandra.

Napatingin ako sa kaniya at nakatingin ito sa cellphone niya.

Psh!

"Bakit daw?" kaswal na tanong ko.

"I don't know." kibit-balikat na sagot nito

Napangiwi na lang ako bago tiningnan ang cellphone ko. Naka off pala.

Tumayo na ako bago tumingin kela Lyka at Clark.

"Alamin niyo ang bawat galaw ni Mr. Ong at pati ang mga galamay nito. I need it after Dean's funeral." seryusong sabi ko sa kanila. "Specially the person who studied in SFU that connected with him." dagdag ko bago tumalikod at nakapamulsang naglakad palabas ng coffee shop.

Hindi ko hahayaang paikutin mo ako sa mga kamay mo Mr. Alexander Ong.
Kung mautak ka puwes, mas mautak ako sa'yo.

Panahon na para ako naman ang tutugis sa'yo. Pagsisihinan mong sinugod niyo ang mansion ng mga Acosta.

Dahil do'n ay nalaman ko ang totoo.

Tsk!

"Putek!" malutong na mura ko ng muntik na akong matumba dahil sa taong kabunggo ko.

Buti na lang mabilis niya akong nahawakan sa braso.

Lintik na 'yan.

"Tsk! Eyes on your way not on your phone." brusko ang boses na sabi nito bago ako binitawan.

Anak ng tinapa!

Tiningnan ko ito at napataas ang kilay ko ng makita ito. Siya ang nakita ko sa kabilang table kanina sa loob.

Natakpan ng cap ang mukha niya kaya hindi ko masyadong makita ang mukha nito.

Kunot-noong tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.

He's very familiar.

Saan ko ba siya nakita?

"Tsk! Don't look to me like that." malamig ang boses na sabi niya bago tumingin sa akin.

Naningkit ang mga mata ko.

"Ikaw?/You?" sabay na bulalas pa naming dalawa.

Parang umusok ang ilong ko sa inis ng maalala ko kung saan ko siya nakita.

Ang walang hiyang lalaking naki-join sa table ko noong nakaraang uminom ako sa KJAMX resto bar.

"The nasty guy." sarcastic na sabi ko habang nakatingin ng masama sa kaniya.

Nakita ko pang napangiwi siya at napabuntong-hininga.

"I'm not a nasty guy. It's not my fault that you misunderstood what I mean that night." blankong sabi nito habang nakapamulsa.

Abah!

"So, kasalanan ko pa? Kung sinabi mo sanang 'How's per night to stay here' para klaro sana ang tanong mo! Kasalanan mo 'yon!" pigil ang inis na sabi ko sa kaniya.

Napapailing pa siya na animo'y mahirap akong paintindihin.

Gusto ata niyang masapak sa mukha, ah!

"Psh! Instead of blaming me, why don't you thank me first?" masungit n upa tanong niya.

Pinaningkitan ko siya ng mata. Bakit ko naman siya pasasalamatan aber?

"At bakit naman ako magpapasalamat, Mr?" sarcastic na tanong ko.

Napatingin pa siya sa paligid bago nagsalita.

"You don't know why? Tsk! You got drunk that night and I send you home. You vomit twice, one in my car second, in my shirt." sarcastic ring sabi niya.

Natigilan ako dahil sa sinabi nito. Hinatid niya ako sa mansion? Sumuka ako ng dalawang beses?

Lintik!

"Wala akong maalala kaya hindi ako magpapasalamat. Besides, I don't know you para paniwalaan ko." balewalang sabi ko.

Napahinga siya ng malalim bago napapailing at nagsalita.

"Then asked your family or your friends. Tsk!" huling sabi niya at tumalikod saka lumapit sa kotse nito bago pinaharurot paalis.

Salubong ang kilay na nakatingin ako sa kotse nitong papalayo.

Who the hell is he? And why do I need to asked my family and friends to believe in him?

Nah!

No need. Alam ko namang hindi totoo ang sinabi niya.

Tsk!



To be continued...

A/N: Darn! Ang hirap talaga mawalan ng mahal sa buhay. Cheer up sa mga tulad ni Drix d'yan!

Don't forget to Vote, comment and follow!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top