chapter 179 "Back together"
Ashi Vhon's Pov.
Kinabukasan ay nagising ako na masakit ang gilid ko. Napamulat ako ng mata at sumalubong sa akin ang kisame ng kwarto ko rito sa mansion.
Napapikit pa ako ulit bago nagmulat at dahan-dahang bumangon. Napangiwi pa ako ng kumirot ang sugat ko.
"Oh! You're awake!" rinig kong boses ni Nami.
Lumapit siya sa akin at inalalayan akong makasandal sa headboard ng kama ko.
"Pa'no ako nakapasok sa kwarto ko kagabi?" tanong ko ng maalala kong nasa coach ako nakahiga kagabi dahil wala na akong lakas umakyat sa kwarto ko.
"Tinulungan ka naming akayin ng daddy mo bago pinagamot kay Jiro ang sugat mo. Ayos na ba ang pakiramdam mo?" nakangiting tanong ni Nami.
Napabuntong-hininga na lang ako at tumango.
"Onēsan, drink this." sabi pa ni Asher ng pumasok itong may dalang tubig.
"Thanks." maikling sabi ko bago inabot ang baso ng tubig at uminom.
Parang nanghihina ang katawan ko.
Tsk!
"Kumain ka muna, hija. Hapon na at wala ka pang agahan at pananghalian." sabi pa ni Nami.
Salubong ang kilay na nilingon ko siya. Agahan at pananghalian?
"Anong oras na ba?" tanong ko sa kaniya.
"Pasado alas-dos na ng hapon. Hindi ka namin ginising para makabawi ka ng lakas." sagot nito at inilagay sa kama ang tray na may lamang pagkain.
"Onēsan, can I feed you?" nakangiting tanong ni Asher.
Napatingin ako sa pagkain bago tumango.
Napangiti pa siya lalo at naupo sa tabi ko bago kinuha ang tray at inilagay sa kandungan niya.
"Oh siya, maiwan ko na muna kayong dalawa. Asher, take care of your ate. Ash, drink your medicine after eating ok?" bilin pa nito.
Tsk!
Tumango na lang ako at hindi na nagsalita pa.
Agad na siyang lumabas ng kwarto kaya sinubuan ako ng kapatid ko.
"Onēsan, how was your feeling?" tanong pa nito.
Nilunok ko muna ang pagkaing sinubo niya sa akin bago sumagot.
"Ayos lang ako." sagot ko sa kaniya.
Tumango siya at sinubuan uli ako. Tahimik na kumain na lang ako hanggang sa matapos na.
Ininom ko ang gamot.
"Where's Kyla and Xandra?" tanong ko pa.
"They're not go home yet since last night. I didn't know where they are." kibit-balikat na sagot pa nito.
Tumango na lang ako. Napatingin ako sa pinto ng may kumatok.
"Pasok!" nakapikit na sagot ko pa.
Bumukas ang pinto at narinig ko ang yabag nitong palapit sa akin.
"Ayos na ba ang pakiramdam mo, Ash?" tanong pa ni Jiro.
Tumango na lang ako at hindi nagsalita. Nakakapagod magsalita.
Tsk!
Ramdam kong naupo si Jiro sa kama ko pero nanatiling nakapikit pa rin ako.
Napabuntong-hininga pa ito bago nagsalita.
"Alam mo ba ang nangyari kay Drix at Dean Chevalier?" mahinahong tanong pa nito.
Kumunot ang noo ko at nagmulat ng mata sabay tingin sa kaniya.
"Ano bang nangyari sa kanila?" malumay na tanong ko.
"Tsk! Dinala sa emergency room si Drix kagabi dahil naabutan daw nila itong nahimatay. Maraming dugo ang nawala sa kaniya. Hanggang ngayon ay hindi pa ito nagising." napabuntong-hininga sagot niya.
Nahimatay?
"Saan siya nahimatay?" salubong ang kilay kong tanong.
"Ang sabi ni Xandra ay nahimatay siya matapos ka niyang sundan." sagot nito.
Ano!?
Ayos pa----oh shit!
Iniwan ko pala siya kagabi dahil sa sobrang inis ko. Napahinga na lang ako ng malalim.
Hindi na lang ako nagsalita at pumikit ulit.
Na badtrip ako kagabi dahil sa tanong ni Bisugo. Feeling ko pinagdududahan niya ang pagmamahal ko sa kaniya.
Aminin kong nasaktan ako dahil sa tanong niya kagabi kaya iniwan ko siya.
"Ayos lang ba siya?" nakapikit na tanong ko.
"Mmm. Kailangan lang niyang bumawi ng lakas dahil sa dami ng dugo na nawala sa kaniya." sagot nito.
"Onēsan, I will go out first." paalam ni Asher.
Tinanguan ko lang ito at hindi nagsalita o kahit magmulat ng mata. Narinig ko na lang ang pagbukas-sara ng pinto.
"Dean Chevalier is dead." biglang sabi ni Jiro na nagpamulat sa akin.
"Anong sabi mo?" salubong ang kilay na tanong ko.
"Dean Chevalier is dead." ulit nito sa sinabi nito kanina.
Natigilan ako habang nakatingin sa kaniya.
Wala na si Dean?
"Hindi siya nailigtas kagabi?" napapailing ito at kita ko ang simpatya sa mukha niya.
"Wala ng malay ng madala raw sa hospital si Dean. Natamaan ang puso nito. Bumigay ang katawan at puso niya ng gamutin ng mga doctor dahil na rin sa dami ng dugo ang nawala sa kaniya. Isa pa, anong asahan mo kapag ang pasyente ay nakatulog once na tinamaan ito sa puso." mahinahong paliwanag pa ni Jiro.
Hindi ako nakapagsalita. Nakaramdam ako ng lungkot para kay Dean Chevalier.
I didn't expect that he's gone now.
Bigla kong naisip si Bisugo. Alam kong magagalit siya sa nangyari sa lolo nito.
Nakita ko kung paano nanlisik ang mga mata niya kagabi sa galit kay Mr. Villarino.
Shit!
Paniguradong magwawala siya kapag nagising na ito at malamang wala na ang pinakamamahal niyang lolo.
Nalungkot ako para sa kaniya.
Napahimalos na lang ako ng mukha. Maybe, isantabi ko na lang muna ang kung anong meron kaming dalawa.
Pupuntahan ko siya mamaya. Alam kong kailangan niyang karamay.
Napabuntong-hininga ako at bumaba ng kama.
"Hey! Huwag ka munang kumilos baka magalaw ang sugat mo." pigil ni pa ni Jiro.
Tsk!
Hindi ako nakinig sa kaniya at lumapit sa closet ko. Kumuha ako ng damit na susuotin ko.
"Ash, listen to me. Hindi pa maayos ang sugat mo----"
Pumasok ako sa banyo at hindi ito pinansin.
Kailangan kong puntahan si Bisugo. Alam kong kailangan niya ako sa mga oras na ito.
Agad na nagbihis na ako at bahagya pang nagalaw ang sugat ko kaya napangiwi ako.
Nagsipilyo pa ako bago lumabas ng banyo. Nakita ko si Jiro na nakasandal sa bubong habang nakapamulsa.
"Ash, baka mapa'no ka niyan." nag-alalang sabi pa nito.
Kinuha ko ang susi ng motor sa bedside table ko pati na ang cellphone at wallet ko.
"I need to go the hospital. Alam kong kailangan ako ni Bisugo ngayon, Ji." malumay na sabi ko sa kaniya bago lumabas ng pinto.
Napabuntong-hininga siya at sumunod siya sa akin.
"I heard that you broke up with him-----"
"Tsk! Isantabi ko na muna ang bagay na 'yon. Hindi ito ang oras para itaas ang pride ko." pigil ko sa kaniya.
Nang makababa kami ay nakasalubong namin sa sala sila Dad at Grandmaster.
"Pupunta ka ba sa hospital, anak?" tanong ni Dad.
"Mmm. Kailangan ako ni Bisugo ngayon." pormal na sagot ko.
Napabuntong-hininga sila ni lolo at tumango.
"Nando'n din sila Xandra sa mansion para tumulong sa pag-asikaso sa lamay ni Dean Chevalier." sabi pa ni Dad.
Tumango ako bago nagpaalam sa kanila.
Agad na akong lumabas ng bahay at dumeretso sa garahe. Pasado alas-dos y medya na ng hapon.
Nang makasampa na ako sa motor ay pinaandar ko na ito at umalis ng mansion.
***
Hospital
Pagdating ko sa tapat ng hospital ay nagpark na ako bago pumasok sa loob. Nakapamulsang lumapit ako sa information desk at nagtanong kung saan ang kwarto ni Bisugo.
Nang malaman ko ay agad na akong naglakad papunta sa elevator at pinindot ang third floor.
Kinuha ko pa ang cellphone ko at nagtext kela Lyka.
Nang bumukas ang pinto ay agad na akong lumabas. Hinanap ko ang room number ni Bisugo hanggang sa makita ko ito.
Lumapit ako at kumatok. Maya-maya ay bumukas ang pinto. Pagtingin ko sa taong nagbukas bahagyang napakunot ang noo ko.
Anong ginagawa niya rito?
"Hi!" nakangiting bati niya at binuksan ng malaki ang pinto.
Hindi ko siya pinansin at tumingin sa loob. Nakita kong natutulog pa si Bisugo habang may dextrose na nakakabit sa kaniya.
"Ah, hindi pa rin siya gising kaya ako na ang nagbantay sa kaniya dahil bumaba si Drixie kanina para bumili ng makakain. Busy sila Tita para sa lamay ni Dean pati ang mga kaibigan nito." nakangiting sabi ni Kiana.
Tsk!
Napabuntong-hininga na lang ako. Buti't may mukha pa siyang iharap sa akin. Alam niyang may girlfriend na ang tao hinalikan pa rin.
"Can I come?" pormal na tanong ko sa kaniya.
Nakita kong natigilan pa siya bago gumilid at tumango.
Tsk!
Pumasok ako sa loob at lumapit sa kama ni Bisugo. Mahimbing na natutulog ito. May gasa na ang mga sugat niya sa braso.
I can't imagine what would be happened if he knows about what happened to his lolo.
Napahinga ako ng malalim bago hinila ang upuan at naupo sa gilid ng kama.
Nakita ko pang naupo sa sofa si Kiana. Hindi ko na lang siya pinansin pa. Napatingin ako sa may bedside table at may prutas na nakahanda.
Narinig kong bumukas pa ang pinto at paglingon ko si Lyle pala. Napatingin pa ito kay Kiana bago tumingin sa akin.
Napalunok pa siya bago pumasok at inilagay sa mesa ang dala nitong paperbag.
"Why are you here?" tanong pa nito kay Kiana.
"I heard about what happened so I came here." sagot niya kay Lyle.
Tsk!
Tinanguan siya ni Lyle bago napabuntong-hininga at lumingon sa akin.
"Ash, you're here." nag-aalangang sabi pa nito.
Tinanguan ko lang siya.
"Kamusta sila, Tita?" tanong ko sa kaniya.
"Ayos naman sila. Busy sila sa pag-asikaso sa lamay ni Dean." napabuntong-hiningang sagot nito.
Tumango na lang ako at hindi nagtanong pa. Napatingin kami kay Bisugo ng gumalaw ito.
Lumapit si Lyle sa kaniya habang nakatingin lang ako. Nagmulat ito ng mata at tumingin kay Lyle.
"Dre, you're awake." sabi pa ni Lyle.
"Nasaan ako?" paos ang boses na tanong nito.
"Nandito ka sa hospital, dre. Ayos lang ba ang pakiramdam mo?" tanong pa ni Lyle sa kaniya.
Naka cross arm lang ako habang tahimik na pinagmasdan lang siya.
"Ayos lang ako. Pahinge ng tubig." mahinang sabi niya.
Inalalayan siya ni Lyle na makaupo ng maayos.
Inabot ko ang tubig na nasa bedside table at ibinigay sa kaniya.
"Here." maikling sabi ko.
Napatingin siya sa akin. Bahagya pa siyang natigilan bago inabot ang baso at uminom.
"You're here." mahinang sabi pa nito matapos uminom ng tubig.
Tumango lang ako bago kinuha ang baso at ibinalik sa table.
"Hi, thanks God you're awake!" nakangiting sabi ni Kiana at lumapit sa kaniya.
Napaiwas na lang ako ng tingin at napabuntong-hininga.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Bisugo sa kaniya.
"Nalaman ko ang nangyari sa'yo kaya pumunta ako rito kanina." sagot ni Kiana.
Tsk!
Rinig kong napabuntong-hininga si Bisugo bago ulit nagsalita.
"You can go home now. I don't need you here." rinig kong sabi nito.
"H-ha? But I want to stay here-----"
"Tse! Just get out." pigil ni Bisugo sa kaniya.
He seems like mad seeing this girl. Napapailing na lang ako bago tumayo at nagsalita.
"Tsk! Let her stay if she want. I'll go ahead to by some foods." malumay na sabi ko at tumalikod bago naglakad palabas.
Narinig ko pang sinigawan nito si Kiana pero hindi na ako lumingon pa.
Nakapamulsang naglakad ako habang nakayuko. May nakabunggo pa ako pero hindi ako nag-abalang tingnan kung sino.
Pumasok ako sa elevator at pinindot ang ground floor. Nang makababa ay pumunta ako sa cafeteria nitong hospital at bumili ng pagkain.
"Ate? Ate!" rinig kong sigaw.
Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko si Drixie na maga ang mga mata. May bitbit siyang paperbag.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kaniya ng makalapit siya.
Umiling siya at biglang umiiyak. Naalerto ako at mabilis na napatingin sa paligid bago siya inalo.
"Ate, si lolo wala na. Iniwan na niya kami ni Kuya." umiiyak na sumbong niya.
Hinagod ko ang likod niya at pinunasan ang luha nito.
"Shhh!! Don't cry, alam kong hindi matutuwa ang lolo mo kapag umiyak ka." alo ko sa kaniya at niyakap ito.
"But why did he left us?" humihikbing tanong niya.
Napahinga ako ng malalim bago kumalas at tumingin sa kaniya.
"Shhh! 'Wag ka ng umiyak. Maybe, ito na ang tamang panahon para kunin na siya ni God. Stop crying, ok?" mahinahong sabi ko pa at ngumiti sa kaniya.
"But I want him to stay with us." basag ang boses na sabi nito.
"Listen to me. Your lolo died but he never leave us. Nasa langit na siya ngayon at nakatingin sa atin. Lagi ka niyang babantayan kahit saan ka magpunta kaya kasama mo pa rin siya kahit wala na siya, okay?" nakangiting paliwanag ko sa kaniya.
"Naririnig pa rin ba niya ako ngayon?" tanong pa nito.
"Mmm. Kaya huwag ka ng umiyak baka marinig ka niya at maging malungkot siya." mahinahong sabi ko.
Pinunasan nito ang luha niya at napahinga ng malalim bago ngumiti sabay tango.
"Thank you, ate." nakangiting anas nito.
Tinanguan ko lang siya at pinisil ang pisngi nito. Napatingin ako sa bulsa ko ng tumunog ang cellphone ko.
Kinuha ko ito at tiningnan ang caller.
Si Lyle.
"[Oh?]" sagot ko sa tawag.
"[Ash! Come here! Nagwawala si Drix!]" hindi makapaling sabi pa nito.
"[Ano!? Ano bang nangyari at nagwawala siya?]" salubong ang kilay na tanong ko pa.
Nakarinig pa ako ng iyak at sigaw ni Bisugo sa kabilang linya.
"[Nasabi ni Kiana sa kaniya ang nangyari sa lolo niya kaya nagwawala ito at gustong lumabas ng hospital.]" sagot pa nito.
Shit!?
"[Papunta na ako r'yan!]" mabilis na sabi ko bago ibinaba ang tawag.
"Ate, anong nangyari?" nag-alalang tanong ni Drixie ng hilahin ko siya palabas ng cafeteria.
Hindi ko na kinuha pa ang pagkaing binili ko kanina.
"Nagwawala ang Kuya mo sa taas!" sagot ko at mabilis na pumasok sa elevator.
"I knew it. He'll be like this if he know about what happened to lolo." malungkot na sabi ni Drixie.
Hinintay kong bumukas ang elevator. Nang bumukas ito ay mabilis kong hinila si Drixie palapit sa kwarto ni Bisugo.
Nagkagulo pa ang mga nurse kaya pumasok kami sa loob.
"Drix! Calm down first!" sigaw ni Lyle sa kaniya.
"No! I want to get out of here! Pupuntahan ko si Mr. Villarino!? Pagbabayarin ko siya!? He killed my grandfather!?" galit na sigaw ni Bisugo.
Nakita kong pilit na bumaba ito sa kama habang pinipigilan ni Lyle. Hindi na nakakabit ang dextrose nito.
Nalintikan na!
Nilapitan ko siya at mabilis na pinigilan.
"Bisugo, calm down!" pigil ko sa kaniya.
"Panget!" umiiyak na sabi niya at mabilis na yumakap sa akin.
Natigilan pa ako bago napahinga ng malalim at hinagod ang likod nito.
"Panget, si lolo! Wala na si lolo iniwan na niya kami!" umiiyak na sa sumbong niya.
Nakaramdam ako ng awa sa kaniya. Daig pa niyang bata na nagsumbong sa ina.
Niyakap ko na lang siya habang hinahagod ang likod nito. Medyo kumalma na siya.
"Shhh! It's ok. Stop crying." mahinang bulong ko sa kaniya.
Muntik pang mabasag ang boses ko lintik na 'yan!
"No! Hindi ko matanggap na wala na si lolo. Ang sakit, Panget. I can't even imagine that he's gone now." humihikbing sabi niya.
Napayuko pa ang mga nurse na nandito sa loob. Halata ang lungkot sa mga mukha nila.
Habang si Kiana ay tahimik na nakaupo sa sofa.
Tsk!
"I can't bear that he leave us." umiiyak na bulong nito habang nakasubsob sa balikat ko ang mukha niya.
Kumalas ako sa kaniya at hinawakan ang balikat nito habang nakatingin sa kaniya.
I wiped his tears before I speak while looking at his teary eyes.
"Kayanin mo dahil ito ang realidad, Bisugo. Hindi sa lahat ng panahon ay mananatili sa tabi natin ang isang tao. Kung panahon na niya, panahon na talaga niya. There's no permanent in this world." pagpapaintindi ko sa kaniya.
Hindi siya nakaimik hababg patuloy sa pagpatak ang mga luha nito. Nakatingin lang siya sa mga mata ko.
Nakita ko pa ang lungkot at sakit na dumaan sa mga mata nito.
"So, just like you and me?" basag ang boses na tanong niya.
Natigilan ako habang nakatingin sa kaniya. Anong ibig niyang sabihin?
"W-what do you mean?" nakaiwas tinging tanong ko pa.
"Just like both of us. You want a break up and you don't want to stay with me 'cause there's no permanent in this world. Am I right?" mahinang tanong niya.
Mas lalo akong natigilan at hindi nakapagsalita. Halata ang pait at sakit sa tono ng boses nito.
Hindi ako makatingin sa kaniya habang nakahawak pa rin ako sa balikat at pisngi nito.
Marahan pa nitong inalis ang kamay ko sa pisngi at balikat niya bago nagsalita.
"Wala kang maisagot dahil tama ang pagkakaintindi ko sa ibig mong sabihin? My lolo left me now. Pati ba naman ikaw iiwan din ako?" malungkot at nasasaktang tanong niya.
Mahigpit ang naging paghawak niya sa mga kamay ko habang nakatingin sa akin.
Napalunok ako at ramdam ko ang kirot sa dibdib ko. Ako 'yong nasasaktan sa kaniya.
Lintik!
Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Hindi naman sa makipaghiwalay ako ng tuluyan sa kaniya. Gusto ko lang muna magpalamig at harapin ang mga problema ko.
Nasaktan ako ng makita ang litrato nilang dalawa ni Kiana na naghahalikan at magkasama.
But it doesn't mean that my feelings for him is gone. It doesn't mean that I will leave him forever.
But the hell with that! I felt like I'm so much in pain when I heard his question.
Damnit!
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Nakayuko na siya habang pinupunasan ang luha niya.
Shit!
I don't want to see him crying in front of me!
"Who said I will leave you?" seryusong tanong ko.
Mabilis na napaangat siya ng tingin sa akin.
"W-what do you mean, Panget?"
"Tsk! Don't think too much. I'll never give up what is mine nor let others take it away from me." seryusong sabi ko sabay tingin kay Kiana.
Nakita ko pang nagulat siya ng makitang nakatingin ako sa kaniya.
"You mean..."
"As long us he didn't want to be with others except me." dagdag ko pa sabay tingin kay Bisugo.
Napalunok siya at mabilis na ngumiti bago yumakap sa akin.
"I won't. I only love to have you, love." basag ang boses na saad niya.
Lintik!
"Huwag kang umiyak kung ayaw mong masapak." bulong ko sa kaniya.
Narinig ko pang natawa si Lyle pati ang mga nurse na nakayuko sa tabi.
Tsk!
"I'm just happy right now, love. Thank you very much for not leaving me." mahinahong sabi niya at kumalas sa akin.
"Tsk! Ikaw lang naman ang nag-iisip nun. I didn't say I want to leave you." nakaiwas tinging sabi ko.
"And I didn't say that I will let you go if ever." bulong niya.
"I didn't asked either."
"Tse! I'm just stating the fact, love." nagkibit-balikat na lang ako.
Sininyasan ko ang mga nurse na ikabit uli ang dextrose sa kaniya. Papalag pa sana si Bisugo pero sinamaan ko siya ng tingin.
Nakita ko pang napapailing si Lyle habang sininyasan ni Drixie si Kiana na lumubas. Wala naman itong nagawa kaya lumabas na lang siya.
Tsk!
"Ash, ikaw na lang muna bahala sa kaniya. Babalik lang ako sa lamay." paalam pa ni Lyle.
"Mmm." tangong sagot ko pa.
Tumingin siya kay Drix at kita ko ang simpatya nito.
"Don't be sad, dre. Things will be fine. We're here for you and we won't leave you." nakangiting sabi niya sa kaibigan.
Napahinga ng malalim si Bisugo bago tumango.
"Salamat, dre." mahinang saad niya.
"No prob, dre. I'll go ahead so that I won't disturb you two." natatawang sabi pa ni Lyle bago tumalikod at lumabas.
Napapailing na lang din ako sabay sandal sa kinauupuan ko at pumikit.
"Love." rinig kong tawag nito.
"Mmm?" nakapikit na sagot ko.
"Can I kiss you---este can I eat?" rinig kong sabi niya.
Lintik na 'yan. Nagmulat ako ng mata at tumingin sa kaniya.
"Ano bang gusto mong kainin?"
"Ikaw!" mabilis na sagot niya.
Muntik pa akong masamid sa sarili kong laway dahil sa sagot nito.
"Anak ng! Are you teasing me?"
"Nope. But if you're tease then---"
"Tsk!" singhal ko sabay tayo at hinalikan siya ng smack sa labi bago tumalikod at kinuha ang paperbag na dala ni Lyle kanina.
Inilagay ko sa tray ang mga pagkain at tubig bago lumapit sa kama niya at naupo sa tabi nito.
"Which one do you want to eat first?" tanong ko habang nakatingin sa mga pagkain at ulam.
Hindi ako nakarinig ng sagot mula sa kaniya kaya napaangat ako ng tingin.
Nakatingin lang siya sa akin na animo'y may iniisip.
"Ayos ka lang?" tanong ko pa.
"H-ha? Ayos lang ako." kamot batok na sagot niya.
Napapailing na lang ako at sumandok ng kanin at ulam bago itinapat sa bibig nito ang kutsara.
Agad naman niya itong kinain. Tahimik na sinubuan ko na lang siya hanggang sa matapos itong kumain.
Pinagpahinga ko na lang uli siya para bumalik ng tuluyan ang lakas nito.
Tsk!
************************************
Kyla's Pov
Busy kaming lahat dito sa mansion ng mga Chevalier dahil sa lamay ni Dean. Kagabi pa kami busy sa pagtulong sa paghahanda.
'Ni wala nga kaming tulog mula ng mga nangyari kagabi.
Hindi talaga namin inaasahang mawala si Dean. Hindi rin namin inasahan ang mga pangyayari kagabi.
It was all unexpected.
Hayst!
Malungkot kaming lahat dahil sa pagkawala ni Dean. Paniguradong magwawala si Drix kapag nalaman niyang wala na ang lolo niya.
Nakita namin kahapon kung gaano siya kagalit ng barilin ni Mr. Villarino si Dean sa t'yan at dibdib.
Napabuntong-hininga na lang ako at inayos ang mga mesa.
"Hey! Ang lalim ng iniisip mo, ah!" sabi pa ni Keart sabay yakap sa akin mula sa likod.
Napatingin ako sa paligid at buti na lang walang pumansin sa amin.
"Wuy! Bumitaw ka nga baka may makakita sa atin." mahinang saway ko pa.
Agad naman siyang bumitaw at sumandal sa mesa.
"Bakit nga ang lalim ng iniisip mo?" tanong pa nito.
Napahinga ako ng malalim bago nagsalita.
"Iniisip ko lang ang mga nangyari kagabi. Masyadong mabilis ang mga pangyayari at hindi ko inaasahang mawala si Dean." malungkot na sagot ko.
Napabuntong-hininga siya at tumango.
"Yeah. Lahat naman tayo ay hindi inaasahan ang mga nangyayari kagabi. Pero wala na tayong magagawa dahil nangyari na, eh." mahinahong sabi niya.
Tumango na lang ako at tinapos ang pag-aayos ng mga mesa. May mga taong dumating na mula ng maihatid dito ang kabaong ni Dean.
Napatingin ako sa harap. Nakatayo sila Tita Xia at Tito Roxon sa harap ng kabaong ni Dean. Pati na rin ang iba pang kamag-anak nila.
Halata ang lungkot sa mga mukha nila. Para silang binagsakan ng langit kagabi.
Hayst!
"Ky, tapos ka na?" tanong ni Bella.
Tumango ako at humarap sa kaniya. Mukhang tapos na rin siya sa loob.
"Mmm. May gagawin pa ba tayo?" tanong ko sa kaniya.
"Ah, wala na. Pahinga ka na dahil wala pa kayong tulog mula kagabi." tipid ang ngiting sabi pa nito.
"Mamaya na lang, kaya ko pa naman, eh." sabi ko pa.
"Sige, ikaw bahala," sabi niya bago lumapit kela Stella.
Napahikab pa ako dahil sa antok. Bigla akong hinila ni Keart kaya napatingin ako sa kaniya.
"Take a rest first. Kami na lang muna ang bahala rito." nakangiting sabi nito.
Napakamot ako ng noo sabay tango. Napatingin kami sa labas ng dumating si Lyle kasama si Dixie at Kiana.
Anong ginagawa ng babaeng 'yan dito? Ang kapal naman niyang magpakita sa amin matapis ng panlalandi niya kay Drix.
Tch!
Mabilis na lumapit si Xandra kasama sila Stella, Theresa, Bella, Mello at si Zenn sa kanila.
Mabilis na hinarangan nila si Kiana. Lagot na! Baka magkagulo pa.
"Uy! Lapitan natin sila!" mabilis na sabi ko at hinila si Keart.
Para tuloy nawala ang antok ko.
"What are you doing here?" seryusong tanong ni Xandra kay Kiana.
Nakita ko pang napalunok ang gaga habang nakatingin sa amin.
"Makikiramay-----"
"Psh! Hindi ka welcome rito!" inis na pigil ni Zenn sa kaniya.
Takang napatingin si Kiana sa kaniya. Kunwari ay inosente ang gaga, ah!
"Ha! Bakit naman?" inosenteng tanong nito.
Abah!
"Nagmamaang-maangan ka pa! Matapos mong landiin si Drix na alam mong may girlfriend na! May mukha ka pa ring ihaharap dito?" pigil ang inis na sabi ni Bella.
Bahagya pa kaming nagulat dahil ngayon lang namin siya nakitang ganiyan.
Parang galit ito kay Kiana. Sabagay, sino ba naman ang matutuwa sa ginawa ng babaeng 'to.
Alam na kasi nila ang tungkol kay Drix at Ashi bago pa nangyari ang mga hindi inaasahan kahapon.
Sinabi ni Xandra sa kanila ang tungkol sa dalawa kaya nainis din sila kay Kiana.
Alam naman kasi naming nasaktan ang kaibigan namin dahil sa nakita niya. Worst, sinadya pang isend sa kaniya ang litrato.
Kaya naintindihan namin ang side ni Ashi kung bakit sinabi niyang makipaghiwalay kay Drix.
Nasaktan lang siya pero I swear, magkakayos rin ang dalawa.
Halata namang mahal nila ang isa't isa, eh.
Tch!
"Hayst! She even go to the hospital this morning para magbantay kay Kuya. Huwag na kayong magulat mga ate na pati rito magpapakita siya." nakairap na sabi ni Drixie.
Halatang hindi niya gusto si Kiana.
"Ano!?" sabay-sabay na bulalas naming lahat.
"And worst, naabutan pa siya ni Ate Ashi kanina." dagdag pa ni Drixie.
"What!?" sabay-sabay na naman naming bulalas.
"Hey! Stop that baka marinig kayo ng mga taong nandito." Sita ni Lyle sa amin.
Napatingin kami sa paligid at busy ang mga taong nandito sa pag-uusap.
Nakahinga kami ng maluwag.
Mabilis na hinila ni Zenn si Kiana papunta sa hardin ng mansion. Nagkatinginan pa kaming lahat bago mabilis na sumunod sa kanila.
"Tell me, nandito ka ba para manggulo?" mataray na tanong ni Zenn sa kaniya.
"N-no. You misunderstood me----"
"Then why are you here?" pigil ni Xandra sa kaniya.
Isa pang maldita at masungit. Lagot ka talaga.
"At talagang nagpakita ka pa kay Ashi sa hospital, ah!" may inis sa boses na sabi ni Stella.
"Oo nga, paano kung magselos si Ashi?" tanong pa ni Theresa.
"True! Paano kung mas lalong mag trigger 'yon para matuloy ang hiwalayan ng Ashdrix? Ano ng mangyayari sa love team nilang dalawa?" hindi makapaling sabat ni Mello.
Nagkatinginan kaming lahat bago sabay-sabay na napatingin kay Kiana.
Bahagya pa itong napaatras habang napalunok sa takot dahil sa mga tingin namin sa kaniya.
"H-hey! What look is that?" kinakabahang tanong pa niya.
Akmang magsasalita ako ng magsalita si Lyle.
"Guys, calm down." mahinahong sabi nito.
Tumingin kaming lahat sa kaniya. Itinuro niya ang bench nitong hardin para maupo kaming lahat.
Napabuntong-hininga na lang kami at naupo.
"You don't need to confront and scared her." mahinahong sabi pa ni Lyle.
"Bakit?" nakataas kilay na tanong ni Xandra.
Napahinga ng malalim si Lyle sabay tingin kay Kiana bago nagsalita.
"Nasa hospital na si Ashi at Kiana kanina ng dumating ako. Gising na si Drix at nagwawala ito ng malaman niya ang nangyari sa lolo niya." mahinahong sabi pa nito.
"Ano!? Sinong nagsabi sa kaniya?" tanong pa ni Zenn.
Napalunok si Lyle bago tumingin kay Kiana.
"She told Kuya about what happened to lolo kaya nagwala ito." biglang sabi ni Drixie sabay turo kay Kiana.
Lahat kami napatingin ng matalim kay Kiana.
"Ikaw na naman?!" inis na tanong ni Zenn.
"He asked so I just tell him the truth." parang natatakot na sagot pa ni Kiana.
"Truth? Hindi ba pwedeng tumahimik ka na lang? Alam mo namang kakagising lang ni Drix!" inis na sabi ni Bella.
Napayuko si Kiana at hindi nagsalita. Serves you girl.
"Naghahanap ka talaga ng gulo babae ka! Una, nilandi mo si Drix at hinalikan mo pa! Alam mo bang nakipaghiwalay si Ashi sa kaniya! Ha?!" naiinis na sigaw ni Zenn sa kaniya.
"Psh! Ayos sana kung natuloy, eh." mahinang bulong nito na narinig naman namin.
Abah!
"Anong sabi mo?" mariing tanong ni Xandra at akmang tatayo ng pigilan siya ni Keith.
Nakita ko pang lihim na naoaira si Kiana. Abah! May tinatagong kamalditahan pala ang babaeng 'to.
Akala ko ba hindi makabasag pinggan ang gaga. Napangiwi na lang ako.
"Calm down, Xand." pagpapakalma pa ni Keith kay Xandra.
Timaliman na lang nito ng tingin si Kiana.
"Pero teka, anong ibig niyang sabihin kung natuloy lang sana?" takang tanong ni Keart.
Tumikhim si Lyle bago nagsalita.
"Nagkaayos na si Drix at Ashi kanina," biglang sabi nito.
Natahimik kaming lahat. Nagkaayos na silang dalawa?
"Pinapakalma ni Ashi si Drix kanina at kinausap ito. May kasamang misunderstanding pa lang ang LQ ng dalawa------"
"Anong misunderstanding? Iyang babaeng 'yan ang dahilan kaya nag-away ang dalawa." masungit na sabi ni Xandra sabay irap kay Kiana.
"Huwag na natin pag-usapan pa ang tungkol do'n. Ang mahalaga ay ayos na silang dalawa." sabi pa ni Keith.
Tumango sila ni Keart kaya napangiwi na lang kaming mga girls.
"Hoy babae! Huwag mo na uli landiin ang pinsan ko, ah! Lagot ka talaga sa akin kapag nag-away na naman sila dahil sa'yo." banta ni Zenn sa kay Kiana.
"Huwag kang maki third party. Sayang ang ganda mo kapag maging third wheel ka lang." mahinahong sabi pa ni Bella.
"Isa pa, wala kang panama kay Ashi bukod sa ganda mo, 'no!" sabat pa ni Stella.
"Ay true! Huwag kang kontra-bida sa love story ng dalawa, gurl!" sang-ayon pa ni Mello.
Napataas ang kilay ni Kiana na tumingin sa amin.
Lumabas na ang totoong kulay ng gaga.
"And do you think I just want to be a third wheel then?" nakataas kilay na tanong ni Kiana.
Abah!
"So, may plano kang sirain ang dalawa para mapunta si Drix sa'yo?" natakataas kilay ring tanong ni Xandra.
"Well, it depends on how they manage their relationship." nakangising sagot nito.
Pinaningkitan ko ito ng mata. Talagang may pagkamalandi pala ang babaeng ito.
"Talaga? Sinasabi ko sa'yo, huwag kang gagawa ng ikakasira uli ng dalawa baka sa susunod ay magising ka na lang na kalaplapan si kamatatayan." mariing sabi ni Xandra sa kaniya.
Napalunok pa sila Keith dahil sa sinabi ni Xandra. Lumalabas talaga ang totoong malditang Xandra pagdating sa pinsan niya.
Kahit ako ay gano'n din. We don't want na masaktan ulit ang si Ashi dahil sa pag-ibig.
Baka sa kaniya pa namin masaksihan ang totoong meaning ng nasaktan na hindi mo makakausap kailanman.
"Psh!" singhal ni Kiana sabay irap at tumalikod.
Naglakad siya paalis ng hardin habang nakatingin lan kami sa kaniya hanggang sa hindi na namin siya makita.
"Yes! Magkaayos na ang Ashdrix natin!" biglang sigaw pa ni Mello.
Napa thumbs up kaming lahat habang nakangiti.
Hindi na kami mag-aalala sa dalawa lalo na kay Drix. Alam kong malungkot siya ngayon dahil sa pagkawala ng pinakamamahal niyang lolo.
Sandaling nag-usap na lang kaming lahat tungkol kay Drix at sa mga nangyari.
"And kayong lima ay kailangan na munang magpahinga. Kagabi pa kayo walang tulog kaya kami na muna bahala rito." nakangiting sabi pa ni Zenn.
Tumango na lang kami nila Xandra bago bumalik sa lamay.
Nagpaalam kami kela Tita na nagoahinga na muna. Nagpasalamat pa sila sa amin dahil sa pagtulong namin.
Nagpaalam din kami sa iba pa naming mga kaibigan bago lumabas ng mansion.
"Myloves, ihatid na kita." nakangiting sabi ni Keart.
"Naku! Huwag na, alam kong pagod ka rin kaya umuwi ka na para magpahinga. Babalik na lang kami rito matapos magpahinga." nakangiting sabi ko sabay sampa sa motor ko.
Napakamot na lag siya ng batok bago tumango.
"sige, bukas na lang kayo babalik para mataas ang pahinga niyo." tanging sabi nito na tinanguan ko lang.
"Hey! Una na ako, ah!" paalam pa ni Keith.
"Geh! Ingat ka, dre!" sagot ni Keart.
"Ky, tara na!" sabi ni Xandra.
Tumango na lang ako at pinaandar ang motor ko. Hinalikan pa ako ni Keart sa noo.
"I'll call you later." nakangiting sabi niya.
"Mmm. Take care." tanging sabi ko bago umabante at sumunod kay Xandra.
Hanggang sa makarating kami sa mansion ng mga Ibañez. Nagpaalam na lang kami kela Tito at kaniya-kaniya ng pasok sa kwarto para magpahinga.
Nagbihis lang ako at ngasipilyo bago pagansak na humiga sa kama. Hanggang sa makatulog na ako.
************************************
Kiana's Pov.
Inis na umalis ako sa hardin ng mansion nila Drix at pumasok sa kung nasaan ang lamay ni Dean.
Naupo ako sa isang upuan at tumingin sa paligid. Medyo marami na ang mga taong nandito ngayon.
Napabuntomg-hininga na lang ako.
I didn't expect na wala na si Dean. Ang bait pa naman niya kahit hindi kami close.
He's been the Dean since Tita Faye died which is her daughter who was the dean for so many years.
Nakakalungkot isipin na wala na siya. Pati ang mga teachers sa SFU ay nalungkot ng malaman ang nangyari kay Dean.
Hayst!
Napatingin ako sa labas ng marinig ko ang boses nila Lyle. Pumasok sila at lumapit sa mga magulang ni Drix.
Mukhang nagpapaalam sila Xandra.
Buti naman at nagpaalam na sila.
Psh!
Hanggang sa makalabas na sioa at hindi ko na nakita.
Napatingin pa sa gawi ko sila Stella at inirapan ako.
Stupid girl!
Hindi ko na lang sila pinansin pa at tumingin sa cellphone ko ng mag vibrate ito.
Nang tingnan ko ay si Tito pala. Pinapapunta niya ako sa bahay nito.
Nagreply na lang ako sa kaniya bago tumayo. Akmang lalabas na ako ng harangan ako ni ate Zenn.
"Where are you going?" nakataas kilay na tanong niya.
Psh!
"Aalis dahil may pupuntahan lang ako." kaswal na sagot ko.
Mas lalong napataas ang kilay nito.
"Really? Saan ka naman pupunta? Huwag mong sabihin babalik ka sa hospital?" masungit na tanong pa nito.
Napabuntong-hininga ako bago sumagot.
She's getting to my nerves, eh!
"Psh! Don't worry, hindi sa hospital ang punta ko. It's my uncle." mahinahong sabi ko bago siya nilapagsan.
"Huwag kang bastos, kinakausap pa kita." pigil nito sa akin.
Napangiwi na lang ako.
"Tandaan mo ang lahat ng mga sinabi namin kanina. Hindi kami nagbibiro." seryusong sabi nito.
Lihim na napairap na lang ako. As if I care duh!
"You don't need to remind me, Ate. Besides, I never follow what others told me to do so." huling sabi ko at nilagpasan siya bago lumabas.
Pumasok ako sa kotse ko at pinaharurot paalis.
As if naman makikinig ako sa kanila. What Kiana wants is Kiana gets.
That's how uncle spoiled me. They're nothing by the way but they're just wasting my time.
I'm not afraid of them.
Besides, I love Drix since the day I saw him.
Noong hindi pa siya nanligaw kay Trixie dati.
I even got jealous when he court that bitch! I'm so damn jealous that time but I remain like an innocent one.
Psh!
I'm patiently waiting that he will stop on courting with the bitch. Until one day, finally!
Nalaman kong niloko lang siya ni Trixie.
Ang saya ko pa ng malaman ko 'yin dahil may chance na akong mapansin ni Drix.
Hinayaan ko si Drix ng ilang buwan after their break up para maka get over ito kay Trixie.
At noong pasukan ay plano kong lumapit sa kaniya.
But to my surprise, he went there at my building to tell give flowers and chocolates.
Pakiramdam ko that time na ako ang pinakamasaya sa araw na iyon.
He wants to court me.
Syempre, alangan namang pakipot pa ako, eh 'di pumayag agad ako. Iyon na ang matagal kong hinihintay. Ang mapansin ni Drix at ligawan niya.
Pero hindi ko inakalang malalaman ni Luke ang tungkol sa amin.
Kami pa ni Luke ng ligawan ako ni Drix. Actually, hindi ko naman talaga mahal ang isang 'yon, eh.
Nainis lang ako noon dahik si Trixie ang niligawan ni Drix at hindi ako kaya noong niligawan ako ni Luke ay pumayag ako.
Akala ko kasi ay hindi sila mabubuwag ni Trixie.
Kaya I plan to break up with Luke pero nauna niyang nalaman na nililigawan ako ni Drix.
Nakapagsinungaling ako na pinilit lang ako ni Deix na ligawan that time dahil galit na galit si Luke.
Baka ano ang gagawin niya sa akin.
But I didn't expect na hinarangan niya pala sila Drix at binugbog ang mga ito.
Alam ko namang gangster sila Luke.
Psh!
At doon nagsimula ang lahat. Pero okay pa sana 'yon kung hindi lang nagpa-papel si Ashi!
I didn't know why Drix fall inlove with her!
Kung tutuosin ay wala naman sa ganda ko ang babaeng 'yon. Ang yabang pa kung umasta.
Ang ikinagulat ko pa ay magkaaway sila tapos nahulog ang loob ni Drix sa kaniya.
Hindi ko alam kung ano ang nakita niya sa babaeng 'yon.
I'm better than her!
But damn it! Nalaman ko na lang na may gusto siya kay Ashi. Nabaling sa babaeng 'yon ang attention niya na para sana sa akin!
Noong una akala ko ay pinaglalaruan niya lang si Ashi pero the heck!
I found out na patay na patay na siya sa Ashi na 'yon!
I got mad ate her!
Siguro may ginawa siya para mahulog ang loob ni Drix sa kaniya. Sa pagkakalam ko ay hindi ang tipo niya ang gusto ni Drix noon.
Psh!
But now, ay naging sila na. Nakita ko kung gaano siya ka baliw sa babaeng 'yon.
He even go to Baguio para lang sundan si Ashi.
I'm jealous.
Gusto ko ako ang mamahalin niya. Ako ang girlfriend niya. Ako ang kasama niya araw-araw.
Nainis pa ako kanina dahil nagkaayos sila. Akala ko effective ang ginawa ko. I sent the picture to her pero at the end magkakaayos pa rin sila.
Makikisali pa ang mga gagang kaibigan nila.
Kahit gano'n pa man ay hindi ako titigil.
I will make na sa akin mabaling ang pagtingin ni Drix. Na ako ang mahalin niya at hindi si Ashi!
I love him that much and I will make everything to have him.
I can win him as long as they're not married.
Kukunin ko kung ano ang akin. Ako ang una niyang niligawan at hindi Ashi.
What Kiana wants Kiana gets.
To be continued...
A/N: Lol! Nairaos ko rin ang chapter na 'to. I hope you like it!
Don't forget to Vote, comment and follow!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top