chapter 178 " Dead"
Ashi Vhon's Pov.
"Huwag kang makialam bata kung ayaw mong tapusin ko ang buhay mo." rinig kong mariing sabi ni Mr. Villarino.
Nakasandal lang ako sa may bubong habang nakamasid sa kanila.
Nakita ko pang nanlisik ang mga matang tiningnan siya ni Bisugo. Halatang nangangati na ang kamay nitong kalabitin ang gatilyo ng baril niya para iputok sa ulo ni Mr. Villarino.
Nababasa ko kung ano man ang nasa isip at kikos nito.
Tsk!
Tiningnan ko si Mr. Villarino. Magkakaharap din pala tayo.
"Don't you dare to hurt him even to touch him or else you'll be dead." malamig ang boses na saadid ko habang deretsong nakatingin kay Mr. Villarino.
Napatingin silang lahat sa akin. Kita ko ang gulat at hindi pagkapaniwala sa mukha nila Bisugo.
Hindi ata nila inaasahang nandito ako.
Tsk!
Hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan at kinasasandalan ko. Naka cross ang mga kamay kong nakatingin sa kanila.
"P-panget," rinig kong mahinang bulalas ni Bisugo.
Tiningnan ko lang ito bago binalingan si Mr. Villarino.
Kita ko ang paglunok nito habang nakatingin sa akin.
Takot ka naman pala. Nasaan ang tapang mo kanina?
Tsk!
"Miss Ibañez," ang tanging lumabas sa bibig nito.
Nilingon pa nito ang tauhan niyang pumalo sa ulo at likod ng pag-aari ko.
Damn you Mr. Lance Mendez.
"Kilala mo naman pala ako, Mr. Villarino." malamig na saad ako.
Hindi ito nagsalita kaya lihim na natawa ako habang napapailing.
"What are you doing here! Miss Ibañez!?" sigaw ni Lance.
Tsk!
Blankong tiningnan ko siya. Nagtatanong ka pang hangal ka!?
"Ano sa tingin mo ang ginagawa ko rito, Mr. Mendez?" balik tanong ko sa kaniya.
Sinamaan niya ako ng tingin. Wala na siyang suot na bonet.
Tsk!
"Sinasabi ko sa'yo, huwag kang makialam dito kung ayaw mong-----"
"Tsk! Hindi ako bata para takutin mo, Mr. Mendez. Isa pa, may kasalanan ka pa sa akin." mariing sabi ko sa kaniya.
Nakipagtagisan siya ng tingin sa akin. Pero siya rin ang unang umiwas ng tingin.
"Kundi ka nangialam sa mga plano namin ay hindi ka madadamay, Miss Ibañez." nakaiwas tingin sabi nito.
Kunwaring natawa ako habang nakatingin pa rin sa kaniya.
"Sa tingin mo hahayaan kong galawin niyo ang mga taong importanteng sa buhay ng taong pag-aari ko, Mr. Mendez?" mariing tanong ko sa kaniya.
Nakita ko pa sa gilid ng mata kong hindi inaalis ni Bisugo ang paningin nito sa akin.
"Tsk! Wala akong paki! Ang akin lang ay huwag kang makisali!?" inis na sigaw nito.
"Lance!!" sita sa kaniya ni Mr. Villarino. "I told you! Be careful!!" inis na patuloy pa nito.
"Boss, sa nangingialam ang babaeng 'yan!" inis na sigaw ni Lance.
Napapailing na lang ako at napabuntong-hininga.
Nakarinig pa ako ng mga putukan sa labas. Mukhang hindi pa tapos sila Xandra sa labas.
Tsk!
"Boss! Ubos na lahat ng mga tauhan sa labas!" hinihingal na sabi ng isang lalaki.
Napamura pa si Mr. Villarino sabay tingin sa akin at bigla niyang tinutukan ng baril si Bisugo.
"Ang tindi mo, Miss Ibañez." mariing sabi nito.
Blankong tiningnan ko lang siya bago tumingin kay Bisugo.
Walang bakas ng takot ang makikita ko sa mukha niya. Galit at inis ang nakikita ko.
"Hindi ako ang tipo ng taong tutunganga lang sa tabi, Mr. Villarino." walang ganang sabi ko sa kaniya.
Nakita ko ang panlilisik ng mata nito. Mukhang nagtapang-tapangan ang hangal.
Tsk!
"Huwag mong idamay ang apo ko, Mr. Villarino. Ako ang kailangan mo kaya ako ang harapin mo." biglang sabi ni Dean sa kaniya.
Galit na binalingan siya nito at mahigpit na hinawakan sa buhok si Dean.
"Fvck!? Bitawan mo ang lolo ko!?" galit na sigaw ni Bisugo.
"Tumahimik ka!!" sigaw ni Lance sa kaniya at akmang hahampasin niya sa ulo si Bisugo ng mabilis na binaril ko ang kamay niya dahilan para mabitawan nito ang kahoy.
Naalerto ang mga natirang tauhan ni Mr. Villarino at tinutukan kaming lahat.
"Subukan mo uli siyang saktan ng mabasag 'yang bungo mo." seryusong sabi ko.
"T*ngina mo!?" galit na sigaw nito habang namimilipit sa sakit.
"Tumahimik kayo!?" galit na sigaw ni Mr. Villarino. "Umalis na kayo dahil hindi kayo ang kailangan ko!" sigaw pa nito.
"Damn you!? Sa tingin mo hahayaan kong saktan mo si lolo!?" galit na sigaw ni Bisugo.
Nakatutok pa rin ang baril ni Bisugo kay Mr. Villarino.
"Wala ka ng magagawa kung ang bala ng baril ko ang tatama sa ulo ng lolo mo!?" galit na sigaw ni Mr. Villarino.
"Dadaan ka muna sa kamay ko bago mo magalaw ang lolo ko!?" nanlilisik ang matang sigaw ni Bisugo.
Lintik!
Mukhang ibang Bisugo ang nakikita ko ngayon tanginis na 'yan!
Daig pang nanonood ako ng action movie. Favourite ko pa naman 'yon.
"Paano naman ang pinakamamahal mong kapatid?" biglang sabi ng isang lalaki.
Napatingin ako sa likod at anak ng tinapa naman, oh!
Hawak ni Jin Salazar si Drixie.
"Ahhh!! Bitawan mo ako!!?" rinig kong sigaw ni Drixie.
Nalintikan na!
"Fvck!? Bitawan mo siya!?" galit na sigaw ni Bisugo.
Mabilis na kumilos sila Lyle at Keith. Nakita ko pa sila Xandra sa likuran.
Anak ng tinapa nalintikan na!
"Mukhang mahihirapan kang iligtas ang lolo mo bata." nakangising sabi ni Mr. Villarino.
"Fvck you!? Huwag kang magkamaling saktan ang isa sa kanila. I swear, hindi ako magdadalawang isip na patayin ka." mariing sabi ni Bisugo.
Biglang tumawa si Mr. Villarino dahilan para mas lalong nagalit si Bisugo.
"Kung papipiliin kita sa dalawa, saan sa kanila ang pipiliin mo? Ang lolo mo o ang pinakamamahal mong kapatid?" nakangising tanong ni Mr. Villarino.
Hindi nakapagsalita si Bisugo habang nakatingin ng deretso kay Mr. Villarino.
Mahigpit na hinawakan ko ang baril sa kamay ko.
Mukhang kailangan ko ng kumilos, ah!
Pumitik ako sa likod at lumabas si Kyla. Hawak nito ang alas ni Mr. Villarino.
Tsk!
"Ano? Nahihirapan ka ba bata? Kung nakinig ka sana na umalis hindi madadamay ang kapatid mo." ngiting tagumpay na saad ni Mr. Villarino.
Napapailing na lang ako.
"Fvck you!?" galit na sigaw ni Bisugo.
Tsk!
Naiinip na ako kaya suminyas ako kay Kyla bago dahan-dahang bumaba ng hagdanan.
"Ibigay mo sa akin ang kapatid niya." mahinahong sabi ko at huminto sa tabi ni Bisugo.
Tiningnan pa niya ako at nabasa ko ang kung anuman ang nasa isip nito.
Tsk!
Napatingin silang lahat sa akin.
"Sino ka para sundin namin?" sarcastic na tanong ni Lance.
Nilingon ko siya at ngumisi dahilan para mapalunok ito. Nilingon ko si Mr. Villarino. Itinaas ko ang kamay ko at pumitik sa ere.
"Kapalit ng pinakamamahal mong asawa." seryusong sabi ko habang nakatingin ng deretso kay Mr. Villarino.
Gulat na nakatingin ito sa akin pero blankong tiningnan ko lang siya.
"Hon!" rinig kong sigaw ng asawa niya.
Napatingin siya sa hagdanan at kita ko ang paglunok nito.
Tumingin ako sa likod at binigyan ng makahulugang tingin si Xandra.
Nilingon ko sila Lyle. Tinanguan lang nila ako kaya binalingan ko si Bisugo.
"Bibilang ako ng tatlong beses at lapitan mo si Mr. Villarino." mahinang bulong ko na kaming dalawa lang ang nakakarinig.
Nilingon pa niya ako at kita ko pang pag-aalala sa mata nito.
"Ichi..." bilang ko habang nakatingin kay Mr. Villarino.
"Ni..." tiningnan ko si Lance.
"San!" mabilis na sabi ko.
Agad na kumilos sila Keith. Mabilis na nilapitan ni Bisugo si Mr. Villarino at tinutukan ng baril sa ulo.
"Shit!" mura ni Lance at akmang kukunin ang baril sa beywang nito ng tutukan ko siya sa noo.
"Move then you'll be dead." malamig na sabi ko sa kaniya.
Kinuha ko ang baril sa hawak nito pati ang patalim bago inilagay sa beywang ko.
Galit na tiningnan niya ako pero nginisihan ko lang siya.
Tinutukan nila Lyle ang natirang mga tauhan ni Mr. Villarino at kinuha ang mga baril nito.
Hawak naman ni Dwayne si Dean.
"Mautak ka talaga, Miss Ibañez!" nakataas kamay na sabi ni Mr. Villarino.
Nilingon ko siya at ngumisi.
"Well, nasa dugo na namin ang bagay na 'yon, Mr. Villarino." balewalang sabi ko.
Nanlisik ang mata niyang tumingin sa akin sabay ngisi.
"Pero mas mautak din ako!" mabilis na sabi niya at nagulat ako ng maglabas siya ng bomba.
Anak ng tinapa!
Naalerto kaming lahat habang nakatingin sa hawak nitong bomba.
"Hon, 'wag! Huwag mong idamay ang mga bata!" rinig kong sigaw ni Mrs. Villarino.
"Give me my wife kung ayaw niyong sumabog tayong lahat dito sa loob." seryusong sabi ni Mr. Villarino.
Nalintikan na!
"Bilisan niyo!" sigaw pa nito.
Napangiwi na lang ako at tumingin kay Kyla. Sininyasan ko siyang bumaba.
"Naisihan ka rin, Miss Ibanez." nakangising sabi ni Lance.
Sinapak ko siya gamit ang baril dahilan para pumutok ang labi nito.
"Tumahimik ka kung ayaw mong tuluyan na kita." walang ganang sabi ko sa kaniya.
Tinawanan niya ako inis na sinipa ko ito sa tuhod dahilan para mapaluhod siya.
"Huwag mo akong galitin gago!" bulong ko.
Sinamaan niya ako ng tingin pero hindi ko na siya pinansin.
"Ilapit niyo siya sa akin!" sigaw na naman ni Mr. Villarino.
Sininyasan ko si Kyla na ilapit kay Mr. Villarino ang asawa nito.
"Ibaba niyo ang nga baril niyo!" Utos na naman nito.
Nalintikan na!
Tiningnan ko ang hawak niyang bomba. Kapag 'yan ay sumabog alam kong lahat kami ay mauubos.
Shit!
Mautak din pala ang hangal!?
"Oh? Ibaba mo na raw, Miss Ibañez." nang-aasar na sabi ni Lance.
Lintik!
Kanina pa siya, ah!
"Panget." Tawag pa ni Bisugo.
Tsk!
"Ibaba lahat ng baril!" utos ko sa kanila.
Aangal pa sana sila pero suminyas na lang ako.
Mabilis na tumayo ang lintik na Lance at kinuha ang baril ko at ako naman ang tinutukan nito.
Nahagip ng mata ko sa second floor si Clark at Lyka.
Tsk!
"Lance! Kunin mo si Mr. Chevalier!" mabilis na utos nito sa lintik na Lance.
Nginisihan pa ako nito bago pahablot na kinuha si Dean.
Sheteng kalabaw!
"Fvck!? Dahan-dahanin mo!?" galit na sigaw ni Bisugo.
"Tsk! Mas maganda kung sa mabilisan bata." nakangising sabi ni Lance.
Ang sarap basagin ng bungo niya.
Tsk!
Sinamaan siya ng tingin ni Bisugo. Napatingin ako kay Mrs. Villarino. Kita ko ang pag-aalala sa mukha nito.
"Hon, pakawalan mo na sila. Walang kasalanan si Judge Chevalier sa nangyari sa anak natin." sabi pa ni Mrs. Villarino.
"Hindi magpapakamatay ang anak natin kung nakinig pa siya sa pakiusap ko!" inis na sabi ni Mr. Villarino.
"Ang batas na ang humatol sa kaniya! Ginawa ko lang ang trabaho ko, Mr. Villarino!" halatang naiinis na sigaw ni Dean Chevalier.
Galit na tinutukan siya ng baril ni Mr. Villarino. Nakita ko pang hindi mapakali si Bisugo.
"Batas! P*tanginang batas 'yan!?" malakas na sigaw nito kasunod nun ang isang putok ng baril na tumama t'yan ni Dean.
T*angna!?
"Dean!!" malakas na sigaw naming lahat.
"Lolo! Fvck!?" nag-aalalang sigaw ni Bisugo at nagulat ako ng bigla niyang sinugod si Mr. Villarino.
"Drix!!" sigaw nila Lyle ng makipag agawan ng baril si Bisugo kay Mr. Villarino
Shit!?
"Ash!!"
Napatingin ako sa may hagdanan at nakita ko ang baril na hinagis ni Lyka.
Mabilis na kumilos ako at sinalo ang baril. Nakita ko pang tumalon si Clark mula sa second floor at binaril ang mga lintik na tauhan ni Mr. Villarino.
"Kyla! Kunin mo si Drixie!" sigaw ko na agad naman niyang sinunod.
Humarap ako sa gawi nila Bisugo pero sumalubong sa akin ang lintik na kamao ni Lance.
"Lintik!" Inis na sigaw ko.
Nalasahan ko pa ang dugo sa labi ko. Galit na hinarap ko ang nakangising hangal!
"Masarap ba ang kamao ko?" nang-aasar na tanong nito.
Mabilis na pinaputukan ko siya pero nailagan niya.
"Mas masarap ang sipa ko gago!?" galit na sigaw ko at mabilis na umikot sabay talon bago sinipa ang mukha nito.
Tumalsik siya sa sahig.
Tsk!
Napatingin ako sa may pinto. Nakipag suntukan si Xandra kay Jin. Samantalang sila Lyle ay nakipag suntukan sa mga tauhang natira.
"T*ngna ka!? Pagsisihan mong binaril mo si lolo!?" nanlilisik sa galit na sigaw ni Bisugo habang nakikipag-agawan pa rin ng baril.
Shit!!
Nakita kong kakalabitin ni Mr. Villarino ang gatilyo.
"Wagg!!" sigaw ni Mrs. Villarino.
Mabilis na tumakbo ako pero natigilan ako ng biglang pumutok ang baril.
Napatigil ang lahat at gulat na napatingin kay Mrs. Villarino ng bumagsak ito sa sahig.
Siya ang natamaan ng bala sa dibdib!
"N-no!!!" malakas na sigaw ni Mr. Viilarino.
Nabitawan pa nito ang baril na pinag-aagawan nila ni Bisugo at mabilis na nilapitan ang asawa nito.
"H-hon! Hon! Wake up! Hon!!" hindi mapakaling sigaw nito.
Hindi na gumalaw ang asawa nito at may nakita akong lumabas na dugo sa bibig nito.
"Shit! Tita!!" rinig kong sigaw ni Lance.
Hindi na ako nagulat pa sa tawag nito kay Mrs. Villarino.
Alam kong tiyahin niya ang asawa ng boss niya.
Tsk!
"Drix! Si Dean!" sigaw pa ni Keart.
Mabilis na lumapit si Bisugo kay Dean habang bakas ang matinding pag-aalala nito.
"Lolo! Hold on, ok? Daldalhin ka namin sa hospital!" hindi mapakaling sabi pa nito.
"Dwayne! Tumawag ka ng ambulansiya! Bilisan mo!" sigaw ni Lyle.
"Matagal pa makakapasok dito ang ambulansiya! Baka maubusan na ng dugo si Dean!" sigaw pa ni Xandra.
Lumapit ako sa gawi nila Dean. Marami na ang dugo ang nawala sa kaniya.
Napapikit pa ito sa sakit na nararamdaman nito.
"Lyka! Gamutin mo si Dean!" sigaw ko pa.
Napatingin silang lahat sa akin. Kamot batok na lumapit si Lyka habang nakatingin sa akin.
Halatang nag-aalala rin ito.
"Wala akong gamit nasa motor ko." saad pa nito.
Tsk!
"Kahit pigilan mo na lang ang pag-agos ng dugo sa sugat niya." seryusong sabi ko.
Tumango siya at mabilis na umupo sa harap ni Dean.
"Apo." Nanghihinang tawag ni Dean kay Bisugo.
"Lo, don't worry you'll be fine." mahinahong sabi ni Bisugo.
"Nīsan, ayos lang ba si lolo?" nag-aalalang tanong ni Drixie.
Halos mangiyak-ngiyak na ito habang nakatingin kay Dean.
Napabuntong-hininga si Bisugo at tumango. Napatingin pa siya sa akin. Kita ko ang lungkot sa mukha nito pero pilit pa rin siyang ngumiti sa akin.
Napaiwas na lang ako ng tingin.
"Dalhin niyo na lang kaya sa hospital si Dean." rinig kong sabi ni Lyka. "Masyadong malalim ang tama niya at marami na ang dugong nawala." dagdag pa nito.
Napahinga ako ng malalim bago tumingin ulit kay Bisugo.
"Dalhin mo si Dean sa hospital. Kami na ang bahala rito." mahinahong sabi ko sa kaniya.
"Pero----"
"Tsk! Makinig ka na lang baka kung ano pa ang mangyari sa lolo mo." pigil ko sa kaniya.
Naniniguradong tiningnan pa ako nito bago napabuntong-hininga at tumango.
"Lyle, samahan mo si Bisugo." utos ko.
Tumango lang si Lyle at lumapit kay Dean. Tinalian ni Lyka ang sugat ni Dean kahit hindi pa nakuha ang bala sa sugat nito.
Inalalayan nila si Dean patayo kaya tumayo na ako. Akmang aalis na sila ng biglang magsalita si Mr. Villarino.
"Sinong may sabing makakalabas 'yan ng buhay dito!" galit na sigaw nito.
Napalingon ako sa kaniya at hindi ko inaasahang nakatutok na kay Dean ang hawak nitong baril.
Anak ng tinapa!
"Huwag mong ubusin ang pasensiya ko, Mr. Villarino." mariing sabi ni Bisugo.
Halata ang galit at pagtitimpi sa mukha nito.
"Tumahimik ka!? Pinatay mo ang asawa ko!?" galit na sigaw nito kay Bisugo.
Nalintikan na!
"Hindi ako ang pumatay sa kaniya. Ikaw ang kumalabit sa baril kaya ikaw ang pumatay sa sarili mong asawa." mariing sabi ni Bisugo.
Lalong nanlisik ang mata ng matanda sa galit.
Naalerto ako ng ikasa niya ang baril kay Bisugo.
Takti!
"Subukan mo siyang barilin ng sumabog ang utak mo." mariing sabi ko habang nakatutok sa ulo niya ang baril ko.
"Kung magagawa mo baka ako ang tatapos sa'yo." rinig kong sabi ni Lance sa likod ko.
Naramdaman ko ang malamig na dulo ng baril nito sa sintido ko.
Anak ng tinapa!
"Maling kilos mo lang sabog 'tong bungo ng kaibigan mo." seryusong sabi ni Xandra.
Pahablot na itinayo pa nito si Jin habang nakatutok ang baril nito sa noo ng lalaki.
"T*angina kang babae ka!?" galit na mura pa nito kay Xandra.
"Huwag mo akong murahin gago!?" galit na sabi ni Xandra at sinapak niya ito gamit ang baril.
"Pa'no ba 'yan? Tatlo na lang kayong natira?" kaswal na sabi ko at hindi pinansin ang pagdiin ni Lance ng baril sa sintido ko.
Napatingin sa paligid si Mr. Villarino. Lahat kami ay nakatutok sa kaniya ang baril.
"Maling galaw mo lang Mr. Villarino hindi ako magdadalawang isip na tapusin ka rito mismo." blankong saad ni Bisugo.
Biglang ngumisi si Mr. Villarino, nakita kong may may kinuha ito sa tagiliran nito.
Halos sabay-sabay na napamura kami ng makita ang isang remote ng bomba.
"Kung gano'n sama-sama tayong sasabog dito sa loob." nakangising sabi nito at itinaas ang remote.
Nalintikan na!
Napatingin ako kay Clark at Dwayne. Ngumisi lang silang dalawa habang nakatingin sa hawak ni Mr. Villarino.
"Subukan mo ngang pindutin kung may sasabog pa ba." saad ni Clark.
Napahinga ako ng maluwag ng mapagtanto ang ibig sabihin ng mga ngisi nila.
Tsk!
Kinabahan ako ro'n, ah!
Nakita ko pa ang pagsalubong ng kilay ni Mr. Villarino.
"What do you mean?" salubong ang kilay na tanong nito.
"Tsk! Hindi kami tanga para hindi mapansin ang mga bombang inilagay niyo sa buong bahay. Na defuse na namin kanina pa ang mga 'yon." balewalang sabi ni Dwayne.
Tsk!
Marunong pala mag defuse ng bomba ang loko.
Napamura sa inis si Mr. Villarino kaya napapailing na lang ako.
"Sumuko ka na lang, Mr. Villarino. Walang patutunguhan ang galit mo." mahinahong sabi ni Lyle.
"Hindi pa ako nababaliw para sumuko!?" Galit na sigaw nito.
"Wag!!!" kasabay ng pagkalabit ni Mr. Villarino sa gatilyo ng baril ay ang pagtulak ni Dean kay Bisugo dahilan para si Dean ang matamaan ng bala sa dibdib.
"Dean!!!" Gulat na sigaw naming lahat.
Napasinghap ako sa gulat ng bumagsak sa sahig si Dean.
Natulala pa si Bisugo at hindi ito nakakilos habang nakatingin kay Dean na nakahandusay sa sahig.
Shit!?
"Lolo!" umiiyak na sigaw ni Drixie.
Natauhan ako at mabilis na siniko si Lance. Nahawakan ko ang kamay nito kaya pinilipit ko ito.
Inagaw ko ang baril niya bago hinagis at mabilis na sinakal ko siya leeg.
Nakita kong mabilis na dinaluhan nila Lyka si Dean. Hindi pa rin nakakilos si Bisugo.
Nakita ko pa kung paano pumatak ang luha nito ng hindi niya namamalayan.
"Fvck!?" Malutong na mura ko ng sikuhin ni Lance ang tagiliran ko.
Nabitawan ko siya at mabilis na sinugod niya ako.
Shit!
Napatingin ako sa hinugot nito sa beywang niya. Dalawang Bark River Knives ang hawak nito.
Nalintikan na!
"Ash!" rinig kong sigaw ni Kyla.
Mabilis na umiwas ako sabay ikot papunta sa likod niya at malakas na sinipa ko siya sa likod.
"Fvck!?" mura pa nito at mabilis na tumayo.
Malakas ang gago!?
*Bang!
"Arghhh!!"
"Drix!!"
Mabilis na napalingon ako sa gawi ni Bisugo. Nagtagis ang bagang ko ng makitang binaril siya ni Mr. Villarino sa balikat.
Fvck!?
"Damn you!?" galit na sigaw ko at mabilis na sinipa ang baril ni Mr. Villarino.
Tumalsik ang baril kaya mabilis na tinutukan ko siya sa ulo.
"Bakit mo siya binaril!?" galit na tanong ko.
Nginisihan lang ako ni Mr. Villarino kaya galit na sinapak ko siya sa mukha.
"Arggh!!" daing nito.
"T*ngna ka!?" rinig kong sigaw ni Lance.
"Ash! Sa likod mo!!" sigaw ni Clark.
Mabilis na hinarap ko si Lance pero napamura ako ng mabilis na sumalubong sa akin ang dalawang patalim.
Nahawakan ko ang kaliwang kamay niya pero hindi ko napigilan ang kanan dahilan para masaksak niya ako sa tagiliran.
Lintik!?
"Panget!" rinig kong sigaw ni Bisugo.
Napamura ako ng maramdaman ang sakit ng pagdiin ng patalim sa gilid ko.
Damn!?
Bakit ba ang hilig niyang manaksak sa tagiliran!
"T*angina ka!?" galit na sigaw ko at sinipa ang pagitan ng mga hita niya dahilan para mabitawan niya ang patalim sa tagiliran ko.
Namimilipit siya sa sakit. Napahawak pa ako sa tagiliran ko at mabilis na hinugot ang patalim.
Tumalsik pa ang dugo pero tiniis ko ang sakit bago umikot at tumalon sabay sipa sa dibdib ng gago dahilan para humandusay ito sa sahig.
Bumagsak pa ako dahil nakaramdam ako ng pagkahilo.
"Panget!/Ash!" rinig kong sigaw nila.
Napapikit ako at napahinga ng malalim bago nagsalita.
"Dalhin niyo na si Dean sa hospital! Bilisan niyo!" sigaw ko sa kanila.
Mabilis silang kumilos at panay ang iyak ni Drixie.
"P*t*ngina ka, Mr. Villarino!? Ginagalit mo ako hayop ka!?" galit na galit na sigaw ni Bisugo.
Dinaluhan ako ni Xandra at inalalayang makatayo. Hinawakan ko ang tagiliran.
"Drix!!" rinig kong sigaw nila Keith.
"T*angina mo ka!? Papatayin kita hayop ka!?" nanggagalaiti sa galit na sigaw ni Bisugo at mabilis na sinugod si Mr. Villarino.
Napatingin ako sa hawak niyang patalim. Isang Ka-Bar Bowie Dog's head Utility Fixed Blade knife (7" Black) 1317 ang hawak niya.
Shit!?
"Bisugo!!" sigaw ko sa kaniya pero hindi ito nakinig.
Akmang saksakin niya si Mr. Villarino ng makaiwas ito. Walang kahirap-hirap na mabilis nitong nahawakan sa balikat si Mr. Villarino kasabay nito ang pagsaksak niya sa bandang t'yan.
Nalintikan na!
Hindi nakagalaw si Mr. Villarino habang nanlalaki ang mga mata nito.
"I told you, don't hurt my grandfather." nagtagis ang bagang na bulong nito bago hinugot ang patalim.
Napasinghap pa sila Kyla ng tumalsik ang dugo.
"Boss!!" rinig kong sigaw ni Jin at Lance ng bumagsak sa sahig si Mr. Villarino.
(6_0)
Lintik!
"Bisugo! Sa likod mo!" mabilis na sigaw ko ng makita si Lance na nakaamba na ang patalim sa likod nito.
Mabilis nakaiwas si Bisugo at nahawakan ang kamay ni Lance. Kita ko ang galit sa mga mata nito.
"Gago ka!? Bakit mo sinaksak si boss!?" Galit na sigaw ni Lance.
"Ikaw ang gago!? Bakit mo sinaksak ang taong mahal ko!?" nanlilisik ang matang sigaw ni Bisugo sabay tulak kay Lance patungo sa dingding.
Napasinghap kaming lahat ng gamitan niya ng eight punch sa dibdib si Lance pagkatapos ay sinutok niya ito sa mukha.
Tinigilan lang niya ito ng humandusay sa sahig si Lance.
Sheteng kalabaw!
Ang sakit nun!
"Yan ang mapapala mo kapag sinaktan mo ang taong mahal ko gago!?" galit na sabi ni Bisugo at hindi pa siya nakunteto't sinipa nito si Lance.
Nakarinig pa kami ng patrol car ng mga pulis sa labas.
Napatingin ako sa tagiliran ko at puno na ng dugo ang kamay ko. Napangiwi na lang ako.
Lintik na Lance! Ang hilig manaksak sa tagiliran.
Tsk!
"Ash? Ayos ka lang ba?" tanong pa ni Xandra.
"Mmm." tangong sagot ko.
Inalalayan niya ako palabas ng bahay at gano'n din si Bisugo.
"Drix! Are you, ok?" tanong ni Keith at nilapitan si Bisugo.
"I'm fine. Nasaan na si lolo?" pilit pinapakalma ang sariling tanong nito.
"Dinala na ni Lyle at Keart sa hospital kasama si Drixie. Masyadong malalim ang tama sa dibdib ni Dean at marami na rin ang dugong nawala sa kaniya." nag-alalang sagot ni Keith.
Napakuyom ang kamao ni Bisugo at halata ang pag-aalala sa mukha nito.
Pumasok ang mga pulis at hinuli ang mga tauhan ni Mr. Villarino na gising na.
Sumandal ako itim na kotse at pumikit.
"Love... are you, ok?" rinig kong tanong ni Bisugo.
Napahinga ako ng malalim bago nagmulat ng mata at tumingin sa kaniya.
Kita ko ang pag-aalala sa mata nito habang nakatingin sa akin.
"Ayos lang ako." maikling sagot ko.
Napatingin ako sa balikat niya. Patuloy sa pagdurugo ang tama niya pati ang sugat sa kabilang braso nito.
Tiningnan ko ang kabila na may panyong nakatali sa braso niya. Napatingin siya roon at bigla itong natigilan.
Mabilis na lumingon siya sa paligid na animo'y may hinahanap.
Tsk!
"Huwag mo ng hanapin pa kung hindi mo alam kung sino siya." blankong sabi ko at tumalikod sa kaniya.
"Love, wait!" pigil pa nito pero hindi ko na siya nilingon pa.
Nakita kong inilabas ng mga pulis si Mr. Villarino pati sila Lance at Jin. Blankong tiningnan ko lang sila bago naglakad paalis.
May mahalaga pa akong gagawin. Narinig ko pang tinatawag nila ako pero hindi na ako lumingon uli.
Tsk!
************************************
Drixon's Pov.
Malungkot na nakatingin lang ako kay Panget habang naglalakad ito paalis. Hindi man lang siya lumingon ng tawagin siya nila Xandra. Napabuntong-hininga na lang ako. Mukhang galit pa rin siya sa akin. Bagsak ang balikat na napayuko na lang ako.Hindi ko ininda ang tama sa balikat ko at ang sugat sa braso ko.
Desidido talaga siyang makipaghiwalay sa akin.
"Drix, kailangan mo na rin madala sa hospital. Maraming dugo ang nawala sa'yo." rinig kong sabi ng kapatid ni Kyla na si Lyka.
Napabuntong-hininga ako bago humarap sa kanila.
"Ayos lang ako. Mauna na lang kayo susundan ko lang si Panget. Susunod lang ako sa hospital mamaya." malumay na sabi ko bago tumalikod.
"Pero kailangan mo ng madala sa hospital para matanggal ang bala sa balikat mo, dre!" pamimilit ni Dwayne.
Kumaway lang ako at lumapit sa patrol car ng mga pulis ng makita ko si Mr. Villarino.
Nakahawak ito sa t'yan niya habang nakapikit.
Kinalma ko ang sarili ko bago huminto sa harap nito.
"Siguraduhin mo lang na walang masamang mangyari sa lolo ko. Baka hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa'yo." seryusong sabi ko bago tumalikod.
Hinayaan kong sila Keith na lang ang kakausap sa mga pulis. Tiningnan ko ang relo ko at pasado alas-dose na pala ng hating gabi.
Sinundan ko ang daan na dinaanan ni Panget kanina. I want to talk to her.
Panay lang ang tingin ko sa paligid para hanapin ito. Hanggang sa makarating ako sa kinaparadahan ng mga motor namin kanina.
Napaisip din ako kung bakit biglang nawala ang babaeng nakamaskara kanina.
Nagtaka rin ako kung bakit biglang dumating si Panget kasama sila Lyka at Clark kanina.
Tse!
Nakarinig ako ng tunog ng motor. Pagtingin ko sa unahan ay nakita ko si Panget na nakasampa sa motor nito.
Akmang tatakbo ako palapit sa kaniya ng makaramdam ako ng hilo dahilan para mapatigil ako.
Kumirot ang sugat sa balikat ko ng magalaw ito.
Shit!
Hindi pa naman natanggal ang bala sa sugat ko.
Mariing napapikit ako bago huminga ng malalim at nagmulat ulit ng mata. Nakita kong paalis na si Panget kaya mabilis na lumapit ako sa kaniya.
"Love, sandali!" pigil ko pa sa kaniya.
Napalingon siya sa akin habang nakakunot ang noo.
"What are you doing here?" salubong ang kilay na tanong nito.
Hinawakan ko ang kamay at beywang niya bago nagsalita.
"Can we talk?" mahinang tanong ko.
Kumirot uli ang sugat ko kaya mariing napapikit ako. Nakaramdam na naman ako ng pagkahilo.
"Tsk! Dadalhin na kita sa hospital." mahinahong sabi nito at akmang baba ng pigilan ko siya.
"No. Let's talk first." matigas na sabi ko.
Tiningnan ko siya sa mata habang mahigpit na nakahawak ang isang kamay ko sa kamay nito.
"Don't break my heart please. I'm begging you to stay with me, love." mahinang pakiusap ko habang sinsirong nakatitig sa kaniya.
Hindi siya nagsalita kaya napayuko na lang ako. Naramdaman ko ang pamamasa ng mata ko.
"Hindi ko kayang mawala ka sa akin, love. Mahal kita at hindi ko kakayanin kapag makipaghiwalay ka sa akin." basag nag boses na sabi ko at nag-angat ng tingin sa kaniya.
May nakita akong sakit na dumaan sa mata nito kaya hinawakan ko ang pisngi niya.
"I'm sorry for what happened. I swear, I didn't kiss her. She told me that she will tell you that I was the one who kissed her if I didn't come with her to hangout for a day." malungkot na paliwanag ko sa kaniya. "Natakot akong malaman mo ang nangyari kaya sinamahan ko na lang siyang lumabas. Pero maniwala ka't sa hindi---balak kong sabihin sa'yo ang nangyari kapag makatyempo ako." patuloy ko pa.
Napabuntong-hininga siya at napaiwas ng tingin.
"Late na, ihahatid na kita sa hospital para magamot at makuha ang bala sa balikat mo." malumay na sabi niya.
Mabilis na umiling ako at hinawakan ulit ang kamay niya ng mahigpit bago nagsalita.
"I don't want to go to the hospital if you didn't promise to stay with me." matigas na sabi ko at isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya.
"Bisugo."
"Promise me please." pamimilit ko.
"Tsk! Saka na tayo mag-usap kapag okay na ang lahat. Kailangan mo ng magamot-----"
"No! Just promise me." basag ang boses na pigil ko sa kaniya.
"Bisugo, mauubusan ka ng dugo kapag hindi ka pa nadala sa hospital! Baka mapa'no ka pa dahil sa balang nasa balikat mo!" inis na sabi nito.
"Wala akong paki kung maubusan ako ng dugo! Ang importante ay tayo!" matigas na sabi ko sa kaniya.
Wala akong paki kahit masakit ang sugat ko. Kahit maubusan pa ako ng dugo.
Ang importante ay maging maayos kaming dalawa.
"Nababaliw ka na ba!" inis na sigaw niya.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at seryusong tumingin sa mga mata nito.
"Oo, baliw na ako. Baliw na baliw na ako sa'yo. So please... stay with me. I love you and I won't let you go." Paos ang boses na sabi ko at kahit nahihirapan ay mabilis ko siyang hinalikan sa labi.
Hindi ko ininda ang kirot ng mga sugat ko at hinawakan ko ang likod at batok niya dahilan para mas mapalalim ang halik ko sa kaniya.
Nakaramdamn ako ng kirot sa dibdib ko ng hindi siya tumugon sa halik ko.
Dahan-dahan kong binitawan ang labi niya at nasasaktang tumingin sa kaniya.
"You really dare to broke up with me?" mahinang tanong ko.
Hindi pa rin siya nagsalita kaya inis na napasabunot ako sa buhok ko sabay talikod sa kaniya.
Pinunasan ko ang luhang hindi ko na napigilan pang pumatak.
"Mahal mo ba talaga ako, Panget?" nasasaktang tanong ko sa kaniya habang nakatalikod.
Ramdam kong napatingin ito sa akin.
"Anong klaseng tanong 'yan-----"
"Mahal mo ba talaga ako?" pigil ko sa kaniya.
"Pinagdududahan mo ba ang pagmamahal ko sa'yo?" balik tanong niya.
Humarap ako sa kaniya at deretsong tiningnan ko siya sa mata.
"Huwag mong sagutin ng isa pang tanong ang tanong ko, Panget. Answer me, do you really love me?" deretsong tanong ko habang nakatitig sa mga mata niya.
Pinigilan ko ang luha kong gusto na namang pumatak.
Biglang sumeryuso ang mukha niya at nakipagtagisan ng titig sa akin.
"Huwag mong kuwestyunin ang pagmamahal ko sa'yo, Bisugo. Dahil pakiramdam ko ay wala kang tiwala sa akin." malamig ang boses na sabi niya at tinalikuran ako bago pinaharurot paalis ang motor nito.
Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa dinaanan nito.
Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko at naramdam ko ang sakit sa dibdib ko.
"She left me." humihikbing bulong ko.
Parang nanikip ang dibdib ko at umikot ang paningin ko kaya napapikit ako ng mariin.
Kumirot na naman ang sugat ko at parang nawalan ako ng lakas.
Fvck!?
Double ang sakit ang nararamdaman ko ngayon.
Dahan-dahan akong naglakad palapit sa motor ko pero hindi pa ako nakakalapit at bumagsak ako sa lupa.
Ramdam kong nanghihina ang katawan ko dahil ata sa dami ng dugong nawala sa akin.
Damn!?
Pinilit kong bumangon pero wala akong lakas kaya napahiga ulit ako sa lupa.
Kailangan ko pang makarating sa hospital para makita ang kalagayan ni Lolo!
Naramdaman kong bumigat ang talukap ng mga mata ko kaya napapikit ulit ako. Ramdam kong mas lalong nanghihina ang katawan ko.
"Love." walang tunog na bulong ko.
Hinayaan ko na lang ang sarili ko hanggang sa nawalan na ako ng malay.
************************************
*Hospital
Lyle's Pov.
Nandito kami ni Keart sa labas ng operating room habang hinihintay na makalabas ang mga doctor na nag-asikaso kay Dean.
Kanina pa kami hindi mapakali habang palakad-lakad kaming dalawa sa harap ng operating room.
Pagdating namin dito kanina ay agad na sumalubong ang mga doctor at inasikaso si Dean.
Marami na ang dugong nawala sa kaniya kanina dahila sa tama niya sa t'yan.
Pero mas naging dilikado ang tama niya sa dibdib kanina. Napapailing pa ang mga doctor kanina ng makita ang tama ni Dean.
Noong umalis kami sa abandunadong bahay kanina ay nawalan na ng malay si Dean.
Damn!?
Kanina pa ako kinakabahan. Nasa prayer room si Drixie kanina.
"Dre, kinakabahan ako para kay Dean." hindi mapakaling sabi ni Keart.
"Magdasal na lang tayong maliligtas si Dean." napabuntong-hiningang sabi ko.
"Shit! Kasalanan 'to ni Mr. Villarino." rinig kong bulong pa nito.
Naupo ako sa waiting area habang hindi pa rin mapakali.
Hindi maaaring may mangyaring masama kay Dean. Natatakot ako sa kung ano ang gagawin ni Drix kapag nagkataon.
Alam namin kung paano magalit ang isang 'yon. Napatingin ako sa may hallway ng makita ko sila Tita at Tito.
"Lyle! Where's dad? What happened?" nag-aalalang tanong ni Tito Roxon ng makalapit sila.
Napatingin ako sa pinto ng operating room bago tumingin uli sa kanila at nagsalita.
"Nasa operating room siya dinala, Tito. May tama ng baril ang t'yan at dibdib nito." mahinahong sagot ko.
"Oh my God!" bulalas ni Tita Xia.
Napatakip pa siya ng bibig habang matinding pag-aalala ang mababakas sa mukha ni Tito Roxon.
"Mom! Dad!" umiiyak na sigaw ni Drixie palabas ng prayer.
"Anak!" nag-aalalang sabi nu Tita at mabilis na niyakap si Drxie.
"Anak, ayos ka lang ba? Wala bang nangyari sa'yo?" hindi mapakaling tanong ni Tita sabay suri kay Drixie.
"I'm fine, Mom. But I'm worried about lolo." umiiyak na sabi ni Drixie.
"Shhh! Don't cry, anak. Your lolo will be fine, ok?" umiiyak na ring sabi ni Tita.
Napaiwas na lang ako ng tingin.
"Where's, Drix?" nag-alalang tanong ni Tito.
"Nando'n pa rin sila sa lugar na pinuntahan namin kanina. Galit na galit siya kanina ng umalis kami ro'n." sagot ni Keart.
Mas lalong nag-aalala sila Tita at Tito. Halos sabay-sabay kaming napatingin sa operating room ng bumukas ang pinto.
Lumabas ang apat na doctor na nag-asikaso kay Dean. Pawis na pawis pa silang apat. Mabilis na lumapit kami sa kanila.
"Doc, how's my dad?" hindi mapakaling tanong ni Tito.
Nagkatinginan pa ang apat na doctor bago napabuntong-hininga.
Nakaramdam ako ng matinding kaba habang hinihintay ang sagot ng doctor.
"The patient's body is to weak because of losing a lot of blood. They bring him here without a consciousness. His life is critical when we tried to save him. His heart was damage because of the bullet hit the left side of his heart. We tried to get the bullet but the patient's body and heart can't hold the pain." napabuntong-hiningang sabi pa nito." I'm sorry, the patient's didn't survive." malungkot na saad ng doctor.
Gulat na napatingin kaming lahat sa kanila. Natigilan kami at hindi nakapagsalita.
Parang lahat kami ay ipinoproseso sa utak namin ang sinabi ng doctor.
"We did our best but I'm sorry." sabi pa ng isang kasama nila.
Biglang napahagulhol si Tita at Drixie habang si Tito ay napayuko.
Pareho kaming napaiwas ng tingin ni Keart.
"We are really sorry, Mr. and Mrs. Chevalier. Condolence." nakayukong sabi pa ng apat na doctor bago tinapik ang balikat ni Tito at nilagpasan nila kami.
Napaupo ako sa upuan at napahilamos ng mukha.
Si Drix.
Paniguradong magagalit siya kapag nalaman niya ang nangyari kay Dean.
This can't be.
"Prepare the emergency room! Nurse! Get some bags of blood for the patients and bring to the emergency room! Faster! Faster!" Rinig naming sigaw doctor.
Napatingin kami sa hallway ng makitang may nakahiga sa stretcher na hinihila ng mga nurse at doctor.
Napatayo ako ng makita ang taong nakahiga sa stretcher.
"Si Drix!" bulalas ni Keart at mabilis na tumakbo.
Napatigil sa pag-iyak sila Tita napatingin sa akin.
"W-what happened to my son?" kinakabahang tanong ni Tita.
"I don't know, Tita." sagot ko at mabilis na sumunod kay Keart.
Nakasalubong namin sila Keith na bakas ang pag-aalala sa mukha.
Shit!
What happened!
"Anong nangyari? Bakit dinala sa emergency room si Drix?" takang tanong ni Keart.
Hinihingal pa sila Dwayne na halatang nagmamadali.
"Nakita naming nawalan siya ng malay kanina ng sundan niya si Ashi. Nanghihina ang katawan nito at marami ang dugong nawala sa kaniya dahil nadagdagan ang sugat nito kanina ng barilin ni Mr. Villarino ang balikat niya." sagot ni Keith.
Damnit!?
Mabilis na tumakbo kaming lahat papunta sa emergency room.
Sumilip ako sa pinto at nakita kong busy ang mga doctor sa loob.
Naghintay na lang kami rito sa labas habang hindi mapakali. Lumapit pa sila Tita na nag-alala.
"Kamusta na si Dean?" rinig kong tanong ni Xandra.
Nagkatinginan kami ni Keart bago lumingon kela Tita.
Napahinga pa ako ng malalim at nagsalita.
"Wala na si Dean." napayukong sabi ko na ikinagulat nilang lahat maliban sa amin.
To be continued...
A/N: Good day! Whoa! Nanakit kamay ko kakasulat. I hope you like it o sasapakin ko kayo tsk!
Don't forget to Vote, comment and follow!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top