chapter 177 "Kidnapped"

Ashi Vhon's Pov.


Blanko at tahamik akong pumasok sa practice room habang ramdam ko ang bigat at sakit sa dibdib ko.

Iniwan ko si Bisugo na nakatulala sa loob ng kwarto ko matapos kong sabihing makipaghiwalay na muna ako sa kaniya.

I didn't mean to break up with him.

Kusang lumabas sa bibig ko ang mga sinabi ko sa kaniya kanina. Hindi ko alam kung dahil ba sa galit o selos.

T*anginis na 'yan!

Nagagalit ako dahil nagsinungaling siyang busy samantalang nakipaglaplapan siya kay Kiana.

Magkasama pa silang lumabas kahapon.

Tapos hindi sinagot ang mga tawag at text ko sa kaniya. Nakasama lang niya ang lintik na Kiana ay binalewala ako.

Lintik na 'yan!

Maniniwala sana akong busy siya kundi ko lang nakita ang litrato nilang dalawa. Kundi ko lang sila nakitang magkasama.

T*anginis!

Bago pa nga lang kami nagsisinungaling na siya sa akin dahil kay Kiana.

Napahilamos na lang ako ng mukha at naupo sa sahig sabay sandal sa bubong.

Hindi ko na naramdaman ang hang over ko.

Mas naramdaman ko ang sakit sa dibdib ko lintik na 'yan!

Bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon? Hindi naman ganito ang sakit na nararamdaman ko ng maghiwalay kami ni Debbien noon.

Shit!

Napa-angat ako ng tingin sa pinto ng practice room ng bumukas ito. Pumasok si Xandra habang nagtataka.

"Ash? Ayos ka lang ba? Bakit umiiyak si Bisugo sa kwarto mo?" takang tanong nito.

Hindi ako nagsalita at napakuyom ang kamao ko.

Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang marinig na umiyak ang taong mahalaga sa akin.

But fvck it!

"May problema ba kayong dalawa?" rinig kong tanong uli ni Xandra.

Lumapit siya sa gawi ko bago naupo sa tabi ko.

Napahinga ako ng malalim bago nagsalita.

"I broke up with him." nakayukong saad ko.

Ramdam kong natigilan ito habang nakatingin sa akin.

"Ano!? At bakit?" gulat na tanong niya.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at kinalikot bago ipinakita sa kaniya ang litrato nila ni Kiana.

Napasinghap pa siya matapos makita ang litrato ng dalawa.

"K-kaya ba naglasing ka kahapon?" tanong niya.

Hindi ako nagsalita at bumuntong-hininga habang napapahimalos ng mukha.

Kinuha niya sa sahig ang cellphone ko at tiningnan ulit ang litrato.

"Si Kiana 'to hindi ba?" mahinang tanong niya.

"Nakita ko silang magkasama kahapon sa coffee shop." nakayukong saad ko.

Napahinga ng malalim si Xandra bago tinapik ang balikat ko.

"Nag-usap na ba kayo?" mahinahong tanong niya.

"Hindi." maikling sagot ko.

Napapailing siya sabay tayo.

"Bakit hindi kayo nag-usap?" takang tanong na naman niya.

Tsk!

"Psh! Ano pa ba ang dapat naming pag-usapan?" balik tanong ko sa kaniya.

Nakita kong napangiwi na lang siya habang napapakamot ng batok.

"Hayst! Baka naman hindi ginusto ni Drix ang nangyari, Ash." mahinahong saad niya.

Hindi ginusto?

Psh!

Hindi na lang ako nagsalita. Nakarinig pa ako ng katok mula sa pinto pero hindi ako lumingon.

"Ash, kakausapin ka raw ni Drix." rinig kong sabi ni Kyla.

"Tsk! Tell him to leave." walang ganang sabi ko sabay tayo.

"Jusko naman! Ano ba kasing nangyari sa inyong dalawa? Ang sweet niyo noong nakaraan tapos ngayon---hayst!" anas pa ni Kyla.

Tsk!

Dami pang satsat.

Narinig ko ang yabag niya paalis kaya napahinga ako ng malalim.

"I suggest you to talk to him, Ash. Pakinggan mo muna ang paliwanag niya." saad ni Xandra.

Anak ng!

Ano bang nangyari sa babaeng 'to? Noong hiniwalayan ako ni Debbien ay galit na galit siya.

Siya pa nagsabing huwag na akong makinig sa paliwanag ni Debbien.

Tapos ngayon?

Tsk!

"Psh! Hindi na kailangan. Sabihin mo sa kaniyang umalis na siya. Ayaw kong makipag-usap sa kaniya." blankong sabi ko at lumapit sa mga patalim.

Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil nakaramdam ako ng lungkot.

Mas mabuti na lang sigurong maghiwalay na lang muna kami lalo na't pareho naman kaming may hinaharap na problema.

Saka ko na siya kausapin kapag maayos na ang lahat.

"Drix! Makinig ka na lang muna. Ayaw niyang makipag-usap sa'yo!" rinig kong sabi ni Kyla sa labas.

"No! I want to talk to her. Hindi ako papayag na makipaghiwalay sa kaniya! I lover her!" Pamimilit pa ni Bisugo.

Rinig ko pa ang katok nito sa pinto kaya napapikit na lang ako.

"Love! Love, please talk to me! I don't want a break up please! I'm begging you, Love!" sigaw nito sa labas ng pinto.

Napakagat labi na lang ako bago nagpakawala ng buntong-hininga.

Bahagya pang kumirot ang dibdib ko kaya huminga ako ng malalim.

Patuloy sa pagkatok si Bisugo sa labas ng pinto habang pilit itong pinipigilan ni Kyla.

Nakaramdaman ako ng awa sa kaniya.

Damnit!

Kasalanan din naman niya!

"Ash, kausapin mo na." pamimilit pa ni Xandra.

Hindi ko siya pinansin at nanatiling nakapikit pa rin. Hanggang sa natahimik ang labas ng pinto.

Tahimik na nakasandal lang ako sa lalagyan ng mga patalim.

Bumukas ang pinto kaya nagmulat ako ng mata. Pumasok si Kyla habang nakakunot ang noo.

"Umalis na siya. Ano bang nangyari sa inyong dalawa? Bakit nakipaghiwalay ka sa kaniya?" takang tanong pa nito.

"Tsk! Ask him not me." walang ganang sagot ko at naglakad palapit sa pinto.

Bumalik ako sa kwarto para maligo at maikalma ko ang sarili ko.

Nang matapos ay agad na akong nagbihis.

Napatingin pa ako sa tray na nasa ibabaw ng mini table ko.

Napabuntong-hininga ako bago lumapit at kinuha ang gatas. Nilagok ko na lang ito dahil malamig na.

Kinain ko ang kanin at ulam bago lumabas ng kwarto at dinala sa kusina ang tray.

"Anak, may problema ba kayo ni Drix?" biglang tanong ni Dad ng makasalubong ko siya.

"Nothing, Dad." maikling sagot ko bago umakyat sa taas.

Humiga ako sa kama at iniisip ang nangyari kanina.

Nakita ko kung pa'no dumaan ang sakit sa mga mata niya ng sabihin kong makikipaghiwalay ako sa kaniya.

I'm sorry, Bisugo.

Maybe I will talk to you kapag okay na ang lahat.

Asikasuhin na lang muna natin ang mga problemang kinakaharap natin bago tayo mag-usap ng tungkol sa atin.

Ayaw kong masaktan lalo dahil na naman sa lintik na pag-ibig na 'yan.

I love you but let's have a space first.

This is not the right time for us.

************************************

Drixon's Pov.

Panay lang ang inom ko habang nandito sa KJMAX resto bar. Tinungga ko ang laman ng bote ng alak at hindi pinansin si Billy na kanina pa ako sinisita.

Gusto kong uminom. Gusto kong maging manhid para hindi ko maramdaman ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Kaninang umaga pa ako rito. Dito ako dumeretso pagka-alis ko sa mansion ng mga Ibañez.

Ayaw akong kausapin ni Panget kahit anong pagmamakaawa ko sa kaniyang kausapin ako.

Ayaw kong makipaghiwalay sa kaniya.

But damnit!?

Sunod-sunod na tinungga ko ulit ang laman ng bote.

She doesn't want to see me. She doesn't want to talk to me.

Pati sila Xandra kanina ay nagtataka sa amin.

Fvck!?

Ang sakit! Ang sakit-sakit ng puso ko!

Parang sinaksak at dinurog ang puso ko sa sakit. Hindi ko lubos maisip na ito ang mangyayari dahil sa pesteng Kiana na 'yon!

Damn her!?

Inubos ko ang laman ng boteng hawak ko bago nagbukas ng panibago at tinungga ang laman nito.

"Drix, tama na 'yan." pigil ni Billy sa akin.

Tse!

"Huwag mo akong pakialaman!" inis na sabi ko sa kaniya.

Napabuntong-hininga pa siya bago napapailing.

"Drix, makinig ka naman. Baka pagalitan pa kami ng girlfriend mo." sabat ni John.

Mahinang natawa ako kunwari habang napapailing.

"Mabuti pa tawagan niyo siya at papuntahan dito." malumay na saad ko sabay tungga ng alak.

"Kanina ko pa siya tinawagan pero hindi siya sumasagot." halatang nagpipigil ng inis na sabi ni Billy.

Nag-angat ako ng tingin sa kanilang dalawa.

"Then leave and get some drinks." walang ganang sabi ko.

Napabuntong-hininga silang dalawa bago umalis.

Napahilamos na lang ako ng mukha. Kahit anong gawin ko hindi mawala ang sakit sa dibdib ko.

Hindi ko matanggap na makikipaghiwalay sa akin ang taong mahal ko.

Fvck this life!

Hindi ako papayag na makikipaghiwalay siya sa akin.

I can't.

Napayuko na lang ako habang hawak ang bote ng alak. Ramdam ko na naman ang pamamasa ng mata ko.

I never cried before because of love.

Oo, nasaktan ako ng lokohin ako ni Trixie at Kiana. Nalungkot ako dahil sa ginawa nila.

Pero hindi ako umiyak at nasaktan ng ganito ka tindi dahil sa pagmamahal ko kay Panget.

She's my girl, my world, my everything and my life.

Pinunasan ko ang luha kong kusang pumatak. Bihira lang ako umiyak. Pero ngayon ay hindi ko mapigilan.

Tuwing naiisip ko na makikipaghiwalay si Panget sa akin ay nasasaktan ako.

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito.

Mabilis ko itong kinuha at tiningnan kung si Panget ang tumawag. Gano'n na lang ang panlulumo ko ng makitang hindi si Panget ang caller.

Walang ganang sinagot ko ang tawag ni Lyle.

"[Dre? Nasaan ka?]" tanong nito.

"[Nasa bar. Bakit ba?]" malumay na tanong ko.

"[Tsk! Pumunta ka rito sa tambayan. May binabalak si Mr. Villarino.]" huling sabi nito bago ibinaba ang tawag.

Napapailing na lang ako at napabuntong-hininga.

Nagpatuloy na lang ako sa pag-inom hanggang sa makaubos ako ng limang bote ng whiskey.

Medyo nakaramdam na rin ako ng hilo.

Dumukdok na lang ako sa mesa sabay pikit hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Naalimpungatan ako dahil sa sobrang ingay sa paligid. Napaangat ako ng tingin.

Napahilamos pa ako ng mukha bago napatingin sa paligid. Mas dumami na pala ang mga customers dito sa bar.

Tiningnan ko ang suot kong relo. Pasado alas-syete na pala ng gabi.

Tiningnan ko ang cellphone ko. Napakunot ang noo ko ng makita ang ilang missed calls galing kela Lyle, Keart, Keith at Dwayne.

May missed calls din sila Kyla at Xandra.

Tse!

Tumayo ako at nag-iwan ng pera sa table bago lumabas. Hindi ako masyadong tinamaan ng alak dahil mataas ang tolerance ko sa alak.

Kunting hilo lang ang nararamdaman ko.

Lumapit na lang ako sa motor ko bago sumampa. Akmang paandarin ko na ito ng tumunog ang cellphone ko.

Si Lyle.

"[Oh?]" Sagot ko.

"[Damn! Buti naman at sinagot muna ang tawag! Where the hell are you?]" hindi mapakaling sabi nito sa kabilang linya.

Napakunot ang noo ko. Anong nangyari sa kaniya?

"[Why? May problema ba-----]"

"Where the hell are you?!" pigil nito sa akin.

Halata sa boses nito ang pag-aalala. Bigla akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko.

"Paalis pa lang ng bar-----"

"The heck!? Nasa bar ka pa rin!?" inis na pigil nito sa sasabihin ko.

Napahinga ako ng malalim bago nagsalita.

"Pwede bang kumalma ka? Papunta na ako sa tambayan." mahinahong sabi ko.

Nakarinig pa ako ng mga mura sa kabilang linya.

Animo'y nagkakagulo sila sa kabilang linya.

Ano bang nangyayari?

"Ano bang nangyari at parang hindi kayo mapakali?" salubong ang kilay na tanong ko.

"Shit!? Huwag ka ng magtanong pa! Pumunta ka na rito sa bahay niyo! Bilisan mo!" inis na sigaw ni Lyle bago ibinaba ang tawag.

Anong ibig niyang sabihin? Sa bahay?

Shit!?

Tinambol ng matinding kaba ang dibdib ko ng may marealize ako.

Mabilis na pinaandar ko ang motor at pinaharurot paalis.

Halos ipalipad ko na ang takbo ng motor ko makarating lang sa bahay.

Nang makarating ako ay mabilis na bumaba ako. Napatingin ako sa mga tauhan ng mga Ibañez at mga hired kong tauhan ay nakahandusay na sa sahig.

Shit!

Mabilis na pumasok ako sa loob at lahat ng bantay sa loob ay walang mga malay.

Nakatali pa ang iba at ang iba ay nakasandal sa bubong na walang malay.

Anong nangyari rito?

Tumakbo ako papasok sa loob ng bahay at naabutan ko silang nasa sala.

Napatingin ako kay Mom at Dad. Umiiyak ito habang bakas ang takot at pag-aalala sa mukha nila.

"Mom? What happened?" nag-aalalang tanong ko at mabilis na lumapit sa kanila.

"Anak! Saan ka ba galing?" natatakot na tanong ni Mom.

Pinunasan ko ang luha niya at niyakap siya.

"Shhh! Stop crying, Mom. Ayos lang ba kayo? Ano ba ang nangyari?" nag-alalang tanong ko pa.

Inabutan ni Dad ng tubig si Mom.

"May sumugod dito at kinuha ang lolo mo." biglang sabi pa ni Dad.

Natigilan ako habang nakatingin kay Dad.

Sumugod? Kinuha nila si lolo?

Fvck!?

"Sinugod sila ng mga tauhan ni Mr. Villarino kanina." sabi ni Lyle dahilan para mapalingon ako sa kaniya.

Nagsalubong ang mga kilay ko habang napakuyom ang mga kamao ko.

Mga tauhan ni Mr. Villarino?

Damnit!

"May tumawag sa amin kanina na may sumugod dito. Mabilis kaming pumunta rito pero hindi na namin naabutan ang mga tauhan ni Mr. Villarino. Nakita naming nakatali sila Tito sa kusina pati ang mga katulong. Nalaman na lang namin na kinidnap nila si Dean." paliwanag pa ni Keith.

Nagtagis ang bagang ko dahil sa narinig ko.

"Tinawagan ka namin kanina pero hindi ka sumasagot." biglang sabi ni Xandra.

Napatingin ako sa kaniya. Nandito rin pala silang dalawa ni Kyla.

Tumingin ako sa likod nila pero hindi ko nakita si Panget.

"Where's Panget?" mahinahong tanong ko.

"We don't know. Umalis siya sa mansion kanina noong umalis ka." sagot ni Kyla.

Napabuntong-hininga na lang ako at pilit iwinakli ang lungkot sa dibdib ko.

Hindi ito ang tamang panahon para isipin ang tungkol sa aming dalawa.

Biglang umahon ang galit sa sistema ko ng maisip ko si Mr. Villarino. Napakuyom pa ang kamao ko sa galit at inis.

Ginagalit talaga ako ni Mr. Villarino!

Humanda ka sa akin hayop ka!? Huwag kang magkamaling saktan si lolo!?

"Kaninang hapon ay may nagtext sa akin na may binabalak na masama si Mr. Villarino kaya tinawagan ka ni Lyle kanina. Pero hindi ka sumipot sa tambayan." rinig kong sabi ni Dwayne.

Napapikit na lang ako sa sobrang galit at inis.

"Drix, ang lolo mo." nag-aalalang sabi ni Dad.

Napahinga ako ng malalim at pilit pinapakalma ang sarili ko.

Naghahanap talaga ng gulo si Mr. Villarino. Mali ka ng kinalaban hayop ka!?

Galit na tumayo ako at humarap sa kanila.

"Rest assured, Dad. Hahanapin ko si lolo at ibabalik ko rito ng ligtas." seryusong sabi ko sa kanila.

Mabilis na hinawakan ni Mom ang kamay ko. Hindi ito mapakali habang nakatingin sa akin.

"Anak, anong gagawin mo? Baka mapahamak pa kayo!" nag-aalalang sabi nito.

Umiling ako at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Mom.

"Don't worry, Mom. We'll be fine. Ang mahalaga ay mahanap namin si lolo. Huwag lang talaga silang magkamaling saktan si lolo baka hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa kanila." seryusong anas ko pa.

Ilang beses na napailing si Mom habang umiiyak pa rin. Niyakap na lang siya ni Dad at pinatahan.

"Anong gagawin natin?" tanong pa ni Keart.

"Dad, dalhin mo muna si Mom sa taas para magpahinga. Mag-uusap lang kami," seryusong ani ko.

Tiningnan pa ako ni Dad bago napabuntong-hininga at tumango. Inalalayan niya si Mom patayo at umakyat sila sa taas.

Naupo kaming lahat sa sofa habang nag-iisip kung saan nila dinala si lolo.

Malabong sa bahay ng mga Villarino nila dinala si lolo.

"Subukan nating puntahan ang bahay ng mga Villarino." biglang sabi ni Dwayne.

Tumingin ako sa kanila bago nagsalita.

"No. Malabong sa bahay ni Mr. Villarino dinala si Lolo." napapailing na sabi ko.

Napabuntong-hininga na lang sila. Napatingin kami kay Lyle ng magsalita ito.

"How about ang taong nagtext sa'yo kanina, Dwayne? Wala ba siyang ibang sinabi sa text?" tanong ni Lyle.

Napaisip si Dwayne bago umiling.

"Wala na siyang ibang sinabi sa text." napapailing na sagot ni Dwayne.

Napahilamos na lang ako ng mukha sa inis.

"How about ang tumawag sa inyo?" biglang tanong ni Kyla.

"Wala rin siyang ibang sinabi kanina bukod sa mga taong sumugod dito. Iyon din ang taong nagtext kanina." napabuntong-hiningang sgaot ni Keart.

Bigla akong napaisip. Sino naman ang nagtext at tumawag?

Paano niya nalaman ang tungkol kay Mr. Villarino at sa pagsugod ng mga tauhan nito sa bahay?

"Kilala niyo ba ang taong nagtext at tumawag?" seryusong tanong ko sa kanila.

Napatingin silang lahat sa akin.

"Hindi namin siya kilala. Masyadong malalim ang boses nito kaya hindi namin masyadong ma confirm kung lalaki ba ito o babae." nakakunot-noong sabi ni Dwayne.

Ano?

Hindi kaya siya ang taong laging tumutulong sa amin?

Ang taong nagligtas kay lolo sa pagtangkang pagdukot kay lolo dati. Ang taong nagligtas din sa akin ng muntik na akong barilin ng tauhan ni Mr. Villarino sa bahay ni Lolo.

Owshit!

Bakit niya ba kami tinutulungan?

Bigla akong napatingin sa paligid ng may mapansin akong kulang. Parang may hindi ako nakita.

Si Drixie!

Mabilis na napatayo ako at umakyat sa taas. Tinatawag pa nila ako pero hindi ako lumingon.

Pumasok ako sa kwarto ni Drixie.

"Imōto! Imōto!" sigaw ko pa habang ginalugad ng tingin ang buong kwarto.

Shit!

"Drixie! Where are you?" kinakabahang sigaw ko.

Binuksan ko ang banyo pero walang tao.

Fvck!?

Where's my sister!

Mabilis na lumabas ako at tiningnan ang mga kwarto pero wala akong nakita.

"Dre, anong hinahanap mo?" takang tanong ni Lyle.

"Si Drixie!" nag-aalalang sagot ko.

Bumaba ako at tiningnan ang guest room pero wala.

Tumulong na rin sila sa paghahanap pero hindi namin ito nakita.

"Fvck!? Where's my sister!" inis na sigaw ko.

Napasabunot na lang ako sa buhok sa sobrang pag-aalala.

Damn!

Don't tell me pati kapatid ko kinuha nila.

Shit!?

Sinasagad talaga nila ang galit! Fvck them to hell!?

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya mabilis na kinuha ko ito sa bulsa ko.

Si Drixie!

"Imōto! Where are you?" nag-alalang tanong ko pa.

"Nīsan! Help! Help!" rinig kong hinihingal na sigaw nito sa kabilang linya.

Oh fvck!?

"Shit! Where the hell are you?" hindi mapakaling sigaw ko.

"I-I don't know where I am. Nagtatago ako sa ilalim ng puno dahil may kalaban si ate!" natatakot na sagot pa nito.

Ano?

Ate?

"What do you mean? Nasaan ka ba? At sinong ate ang tinutukoy mo?" kinakabahang tanong ko.

"I don't know nga! Sinundan lang namin ni ate kanina ang mga taong dumukot kay lolo tapos napunta kami rito sa----hindi ko alam kung anong lugar. Basta malayo at dumaan pa kami ng maraming puno kanina! Ang sabi ni Ate ay tawagan ko kayo!" mahabang sabi pa nito.

Mahinang napamura na lang ako.

"Sinong ate ang tinutukoy mo? Bakit ka sumama?" may inis sa boses na sabi ko pa.

Nakita ko pang busy sila Keith sa pagkalikot ng laptop.

"I don't know her name. Nakita ko siya kanina na nakikipag laban sa mga taong sumugod sa bahay. Sumama ako ng habulin niya ang mga dumukot kay lolo." sagot nito sa kabilang linya.

Dammit!?

Mukhang tama ang hinala ko na ang taong tumulong sa amin ang nagtext at tumawag kela Lyle kanina.

Shit!

Ibig sabihin ay babae ito?

"Dre, sabihin mo sa kaniya na i-on ang location at GPS ng cellphone niya!" mabilis na sabi ni Keith.

"Imōto, listen to me. Turn on your location including the GPS para ma track ka namin." mahinahong sabi ko pa kahit na kinakabahan ako.

Hindi ito nagsalita at natahimik siya sa kabilang linya.

"Done----Oh my gad!!" rinig kong sigaw nito sa kabilang linya.

Natigilan pa ako ng makarinig ng putok ng baril sa kabilang linya.

Holy shit!!

"Shit!! Imōto! Are you, ok? Imōto?" nag-alalang tanong ko.

"Ahhh!! Ugly creature let me go!? Let me go!? Nīsan help!!" rinig kong sigaw nito.

"Fvck!? Keith, bilisan mo!!" hindi mapakaling sigaw ko.

"Na track ko na! Masyadong malayo ang kinaroroonan nila!" sigaw pa ni Keith.

Tiningnan ko ang location at nagtagis ang bagang ko bago mabilis na tumakbo palabas.

Nakita ko pang dumating sila Jiro at Liam.

Mukhang sila ang tinawagan ni Kyla at Xandra kanina.

"What happened?" tanong pa ni Jiro.

"Pakibantayan muna sila Mom and Dad! Hahanapin namin sila Drixie at Lolo!" sigaw ko sabay sampa sa motor ko.

Mabilis na sumunod sila Lyle kasama sila Xandra.

"Sasama kami ni Kyla! Kayo na muna bahala kela, Tita!" sigaw ni Xandra sa dalawa.

Naguguluhang tumango sila ni Liam. Pinaandar ko ang motor ko at pinaharurot paalis.

Nakasunod sila Keith at halos ipalipad  na namin ang mga motor namin sa bilis ng takbo nito.

Natauhan lang ako ng marinig ko ang sigaw ni Drixie sa kabilang linya.

Naka oncall pa pala.

"Ahhh!! Don't touch me!" rinig kong sigaw ni Drixie.

Shit!?

"Huwag kang maingay!" rinig kong sigaw ng isang lalaki.

Damn!

"Imōto! Huwag niyong saktan ang kapatid ko mga hangal!? I mōto! Are you, ok? Sinaktan ka ba nila?" nag-aalalang tanong ko pa.

Napamura ulit ako ng marinig na naman ang sigaw ng kapatid ko sa kabilang linya.

Mas binilisan ko ang takbo ng motor ko. Nauna pa si Keith dahil siya ang nagtrack sa location nila Drixie.

"Ate!!"

"Let her go." rinig kong malamig na boses ng isang babae.

Kinilabutan pa ako dahil sa lamig ng boses nito.

"Ate! Help me!" natatakot na sigaw ni Drixie.

"Bitawan mo siya." mariing sabi ulit ng babae.

Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko dahil sa boses nito.

"Ahhh! Araay!!" malakas na daing ni Imōto.

Shit!

"Imōto!" sigaw ko pa.

Fvck!? Mabilis na iniwasan ko ang kotseng nakasalubong ko.

Muntik pa akong mabunggo peste na 'yan!

"Bakit mo siya binitawan?!" galit na sigaw ng babae.

"Sabi mo bitawan ko? Eh, 'di binitawan ko." sagot ng isang lalaki.

"Fvck you!" malamig na sigaw ng babae.

Nakarinig pa ako ng ingay sa kabilang liniya.

"Ate! Sa likod mo!----Ahhhh!"

*Bang!

"Drixie!!" sigaw ko pa.

*Tot! Tot! Tot!

Holy shit!?

Naputol ang tawag peste!

"Bilisan niyo!" sigaw ko pa.

Kung saan-saan pa kami lumiko ng daan makarating lang sa lintik na kinaroroonan nila Drixie.

May nadaanan pa kaming mga kakahuyan.

Ilang minuto pa ang dumaan ay nakarating kami sa lugar kung nasaan sila. Napatingin pa ako sa paligid.

Isang private property at mukhang abandunado na ito.

Masyadong mataas ang mga damo at mga puno.

"Saan sila banda?" seryusong tanong ni Xandra.

Napatingin ako sa hawak nito at nagulat ako ng makitang dalawang baril ang hawak nito.

Saan siya kumuha ng baril?

Tiningnan ko si Kyla at pati siya may hawak na baril.

What the heck!?

Bigla kaming nakarinig ng sigaw kaya napatigil kaming lahat.

Alam kong boses 'yon ni Drixie!

"Nando'n sila!" sigaw ni Keith.

Mabilis na binuksan ko ang toolbox ng motor ko at kinuha ko ang dalawang baril ko.

Pati ang dalawang patalim at inilagay ko sa beywang ko.

Gano'n na rin sila Lyle.

Sininyasan ko sila bago mabilis na tumakbo.

Kaniya-kaniya kami ng hanap kung nasaan sila Drixie.

Madilim ang paligid at tanging ang liwanag ng buwan lang ang nagsilbing liwanag.

"Damnit!?" rinig kong sigaw kasunod nun ay isang putok ng baril.

Napatigil kaming lahat bago napatingin sa may malaking puno.

Nakita namin ang isang taong nakatayo habang nakapurong itim na leather.

Pinalibutan ito ng sampung lalaki. Napatingin ako sa may 'di kalakihang puno.

Nakita ko si Drixie na hawak ng isang lalaki habang nakatutok ang baril nito sa ulo ng kapatid ko.

Fvck him!?

(0_0)

Napatingin ako sa isang lalaki na mabilis na pumunta sa likod ng taong nasa gitna.

"Ate! Sa likod mo!" sigaw pa ni Drixie.

Mabilis na umiwas ito at umikot ang tinawag ni Drixie na ate sabay talon at sinipa ang lalaking sumugod sa kaniya.

Natamaan ito sa leeg dahilan para bumagsak ito sa lupa.

*Lunok

"Sugurin niyo siya!" sigaw ng lalaking may hawak kay Drixie.

*Bang!

(0_0)

Napatingin ako sa taong may hawak kay Drixie ng bumagsak ito sa sahig.

Napalingon ako kay Xandra. Seryuso lang ang mukha nito habang nakataas pa rin ang baril niya.

Siya ang bumaril sa lalaki!

"Kilos na!" sigaw ni Kyla.

Mabilis na tumakbo kami sa gawi nila Drixie.

Napatingin pa ako sa isang kalaban ng tutukan nito ang taong nasa gitna.

Shit!?

*Bang!

Binaril ko ang kamay nito dahilan para mabitawan niya ang baril. Napatingin pa ito sa akin at mabilis na hinablot ang isa pang baril sa gilid nito.

Mabilis na binaril ko siya dahilan para bumagsak ito sa lupa.

Weak!

Tse!

"Nīsan!" rinig kong sigaw ni Drixie.

Mabilis na tumakbo siya sa akin at niyakap ako.

Napahinga ako ng maluwag ng makitang ayos lang siya.

"You make me worried." sabi ko pa sa kaniya.

"Ayos lang ako, Nīsan. Hindi naman ako pinabayaan ni Ate." nakangiting sabi pa nito.

Napahinga ako ng malalim bago lumingon sa gawi ng taong nakikipag suntukan sa kalaban.

Natigilan pa ako habang nakatingin sa bawat kilos nito.

Familiar sa akin ang mga kilos niya. Napalunok ako ng makitang pinilipit niya ang leeg ng kalaban bago ito humandusay sa lupa.

Nagpagpag pa ito ng kamay at napatingin sa gawi namin.

Gano'n na lang ang pagbilis ng kabog ng dibdib ko ng magtama ang mga mata naming dalawa.

Parang may kakaiba sa dibdib ko.

Ang mga blanko niyang mga mata ay para bang tinutunaw ako.

Damn!

Sino ba siya?

"Fvck! Sa likod mo!" biglang sigaw nito sabay takbo sa gawi namin ni Drixie.

Hindi ako nakakilos habang nakatingin lang sa kaniya.

"Nīsan!" Gulat na sigaw ni Drixie at mabilis akong tinulak.

Ngunit nahagip ng patalim ang kaliwang braso ko at iyon ang nasaksak. Napapikit pa ako sa sakit.

"Fvck!" nakangiwing mura ko ng maramdaman ang sakit sa braso ko.

(0_0)

"Damn you!? Who told you to hurt him!?" galit na sigaw ng babae at binaril sa t'yan ang sumaksak sa akin.

Owshit!

"Drix! Ayos ka lang?" nag-alalang tanong ni Keart.

Napangiwi na lang ako at tumango. Napatingin ako sa braso kong dumudugo.

Medyo malalim ang sugat.

Tse!

"Nīsan, ayos ka lang?" nag-alalang tanong ni Drixie.

Napahinga ako ng malalim sabay tango. Pero nagulat ako ng lumuhod sa harap ko ang babaeng nakamaskara habang nakatingin sa sugat ko.

"May panyo ka ba?" malamig ang boses pero halata ang pag-aalala sa boses na tanong nito.

Napatitig ako sa mata niya.

"I don't have." maikling sagot ko.

Napabuntong-hininga siya bago kinapa ang bulsa niya. Inilabas nito ang kulay itim na panyo bago tinupi at itinali sa braso ko.

Nakatingin lang ako sa mukha nitong may maskara. Bumaba ang mata ko sa colar ng coat niya.

May nakalagay na RRS sa damit niya. Anong ibigsabihin ng RRS na 'yan? Bakit parang feeling ko ay kilala ko siya.

Iba rin ang reaction ng puso ko tuwing magkalapit kaming dalawa.

Bigla kong naalala si Panget kaya napahinga ako ng malalim.

"Huwag ka na lang kumilos ng todo para hindi magalaw ang sugat mo." malalim ang boses na saad nito bago tumayo.

Inalalayan ako ni Drixie na tumayo. Napatingin ako sa paligid at nakahandusay na sa lupa ang mga kalaban.

Si Lolo!

Hinarap ko ang babaeng nakamaskara.

"Where's my lolo?" nag-alalang tanong ko.

Tiningnan niya ako bago nagsalita.

"Sumunod kayo sa akin." blankong sabi niya at tumalikod.

Nagkatinginan pa kaming lahat at suminyas si Xandra na sumunod kami sa nakamaskara.

Mabilis na kumilos na lang kami at sumunod sa babae. Hindi ko talaga inakalang babae pala siya.

"Nīsan, I'm scared." natatakot na sabi ni Drixie.

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nito bago nagsalita.

"Don't be scared, ok? I'm here. Huwag ka lang bibitaw o lalayo sa akin." mahinahong sabi ko sa kaniya.

Napatango siya at tahimik na sumunod sa babae.

Medyo malayo pa ang nilakad namin hanggang sa makarating kami sa harap ng isang abandunadong bahay.

Gano'n na lang ang pagsalubong ng kilay ko ng maalala ang panaginip ko kaninang umaga.

Ito ang abandunadong bahay na napaganipan ko.

Peste!

Dito pa talaga nila napiling magkuta.

"Dito nila dinala si Mr. Chevalier kanina. Mamaya pa dadating si Mr. Villarino at tanging mga tauhan niya lang ang nasa loob at nagbabantay." mahinang sabi ng nakamaskara.

Napatingin ako sa kaniya. Kahit hindi gano'n ka liwanag ay halatang hindi nagbago ang expression ng mukha nito.

I thought si Panget lang ang kayang magpanatili sa ganiyang expression.

Tse!

"Paano mo nalaman ang lahat ng ito? Sino ka ba talaga? Bakit mo kami tinutulungan?" salubong ang kilay na tanong ko sa kaniya.

"Tsk! Stop asking. I have my own ways and you don't need to know who I am." blankong sagot nito.

Nagtagis ang bagang ko at hindi na lang nagsalita pa.

Halata naman sa kaniyang ayaw niyang magpakilala o makipag-usap.

"What are we going to do now? Masyadong marami ang mga bantay sa labas." rinig kong sabi ni Keart.

"Maghiwa-hiwalay tayong lahat. Mag-ingat kayo dahil alam kong hinihintay na nila tayo." sabi ng naka maskara habang panay ang tingin sa paligid.

Tse!

Suminyas ako kela Lyle at mabilis silang tumango.

Tahimik na tumakbo sila sa kabila at gano'n rin sila Keith kasama si Xandra.

"Huwag kang lumayo sa Kuya mo." seryusong sabi pa ng babae kay Drixie.

Mabilis na tumango si Drixie kaya hinila ko siya patakbo sa may kotseng itim.

Sininyasan kong tumahimik si Drixie ng makita ko ang isang lalaki na palakad-lakad.

Mabilis na lumapit ako at tinakpan ang bibig nito bago sinapak gamit ang baril.

Nawalan ito ng malay kaya mabilis na hinila ko siya sa ilalim ng kotse.

"Sumunod ka sa akin. Huwag kang maingay." mahinang bulong ko sa kapatid ko.

Takot na tumango lang siya. Nakita ko pa ang babaeng suminyas sa akin at tinuro ang lalaking umihi sa puno.

Dahan-dahan akong lumapit at mabilis na sinipa sa ulo nito. Tumama pa sa puno ang ulo nito dahilan para mawalan ng malay.

Mabilis ko siyang hinila sa likod ng puno. Napatingin ako sa likod kung saan nakita ko si Keith at Xandra na umakyat sa bubong.

Walang nakapansin sa kanila dahil madilim sa parte'ng 'yon.

Napatingala ako sa terrace sa second floor may limang nagmamsid sa taas habang may hawak na matataas na baril.

"Drix! Sa likod mo!" mahinang sigaw ni Dwayne.

Mabilis na lumingon ako at nakita ko ang lalaking akmang sisigaw ng hagisan ko siya ng patalim sa leeg.

Napahinga ako ng malalim ng bumagsak ito sa sahig.

Hindi ko na nakita sila Keart at Kyla pati na rin ang babaeng nakamaskara.

Binalikan ko si Drixie at hinila ito sa gilid. Biglang tumunog ang cellphone ko dahilan para matigilan ako.

Napamura na lang ako ng maalerto ang mga nakabantay sa may pinto at napatingin sa gawi namin.

"May kalaban!!" sigaw ng isa sa kanila.

Holy shit!

"Fvck!?" mahinang mura ko at mabilis na hinila si Drixie.

Sunod-sunod na pinapaputukan nila kami kaya sunod-sunod ang naging pagmura ko.

Tumakbo kami papunta sa isang malaking puno.

"Imōto, dito ka lang. Huwag kang aalis dito hangga't hindi ako babalik." mabilis na sabi ko sa kapatid ko.

"Nīsan! I'm scared!" mangiyak-ngiyak na sabi niya.

Mabilis na niyakap ko siya at hinagod ang likod nito.

"Shhh! Don't be scared. Ililigtas lang natin ang lolo mo at dito ka lang. Babalikan kita, ok? Huwag mong bitawan ang cellphone. Babalikan kita!" mahinahong sabi ko sa kaniya bago hinalikan ang noo niya.

Mabilis na tumakbo ako at binaril ang mga nakasalubong ko.

Napatingin ako sa bandang likuran at may nakita akong daan papasok.

(0_0)

*Bang!

*Bang!

"Fvck!?" malutong na mura ko at mabilis na binaril ang nasa second floor.

Sunod-sunod ang putok ng baril ang narinig ko.

Mabilis na pumasok ako sa maliit na butas. Nagulat pa ako ng may nag-abot ng kamay sa akin.

Pagtingin ko ang babaeng nakamaskara pala.

Sininyasan niya ako at tanging tango lang ang sagot ko. Napatingin ako sa paligid at nasa kusina pala kami.

Napakunot ang noo ko ng makitang hindi naman mukhang abandunado ang loob ng bahay.

(0_0)

Nasaan na ang babaeng nakamaskara?

Tse!

Ang bilis ng kilos niya.

Dahan-dahan akong lumabas ng kusina.

Napatingin ako sa may sala. Wala akong nakitang tao. Nang humarap ako sa hagdanan ay sumalubong sa akin ang bala.

Shit!?

Mabilis na umiwas ako pero nadaplisan ang braso ko.

"Damn!!" inis na sigaw ko at binaril ang gago!

Gumulong pa ito pababa ng hagdanan.

Bartard!

Tse!

*Clap! Clap! Clap! Clap!

Napatigil ako sa pagkilos ng makarinig ako ng palakpak.

Pagtingin ko sa may pasilyo ay nakita ko ang isang lalaking nakabonet. Sa tindig pa lang nito ay alam ko na kung sino siya.

Ang walang hiyang sumaksak kay Panget noong Christmas party.

Si Lance Mendez.

Damn him!?

"Hindi ka nga basta-basta bata. Akala ko wala kang silbi nagkamali pala ako. Hindi ko akalaing may kakayahan pala ang apo ni Mr. Chevalier." halatang nakangising sabi nito.

Biglang umakyat lahat ng dugo ko at bumangon ang matinding galit sa sistema ko.

"T*ngna ka!? Nasaan ang lolo ko!?" galit na sigaw ko.

Bigla siyang tumawa bago seryusong tumingin sa akin.

"Bakit ko naman sasabihin aber?" nang-iinis na balik tanong nito.

Fvck!?

Galit na tinutukan ko siya ng baril at sunod-sunod na pinaputukan pero mabilis na nakailag ito.

Damn!?

"Yun lang ang kaya mo bata? Tsk! Weak!" nang-aasar na sabi niya.

"Huwag mo akong galitin, Mr. Lance Mendez!?" galit na sigaw ko at mabilis na binaril siya.

Nailagan niya ang bala pero ang mabilis na paghagis ko ng patalim sa kaniya ay hindi niya ito nailagan.

Tumama sa balikat niya ang patalim kaya mabilis na sinugod ko siya. Galit na idiniin ko ang patalim sa balikat niya.

Mahinang napamura pa siya pero sinapak ko siya sa mukha bago umikot at tumalon sabay sipa sa mukha niya.

Tumalsik siya sa may mini table dahilan para mabasag ito.

"Shit!" mahinang mura nito at pilit na bumangon.

Nilapitan ko siya at hinawakan ng mahigpit ang buhok nito. Galit na hinila ko ang bonet na suot nito dahilan para makita ko ang mukha niya.

"Nasaan ang lolo ko!?" mariing tanong ko.

"Hindi mo na siya makikita pa----arghh!" daing niya ng idiin ko ang dulo ng baril ko sa sugat nito.

"Nasaan ang lolo ko!?" galit na sigaw.

Ramdam na ramdam ko ang galit sa sistema ko habang seryusong nakatingin sa kaniya.

"Apo." rinig kong sabi mula sa likod ko.

Napatingin ako sa pinto ng isang kwarto. Mukhang guest room ito.

Inilabas ng isang lalaki si Lolo habang nakaposas ang mga kamay nito. May nakita pa akong pasa sa mukha niya.

Fvck!?

"Lolo!" tawag ko pa sa kaniya.

Akmang lalapitan ko na sana siya ng bumagsak ako sa sahig dahil sa pumalo sa ulo ko.

Napamura ako sa sobrang sakit ng ulo ko.

"Apo!" rinig kong sigaw ni lolo.

Napapikit ako ng parang umikot ang paningin ko.

"Ang tindi mong bata ka!?" galit na sigaw ni Lance.

Napamulat ako ng mata at nakita ko ang dos por dos na kahoy sa kamay nito.

"Fvck you!?" galit na sigaw ko at pilit na bumangon.

*Pakk!

Napasigaw ako ng hampasin niya ang likod ko dahilan para mapadapa ulit ako sa sahig.

"Drix!" rinig kong sigaw nila Lyle.

Narinig ko ang mga yabag nila pababa ng hagdanan.

"Tingnan mo nga naman. Ang dami mo pa lang mga back up." natatawang sabi ni Lance.

Damn him!?

"T*ngna ka!?" galit na sigaw ko sa kaniya.

Mabilis na bumangon ako at tumayo kahit masakit ang ulo at likod ko.

"Mabuti siguro kung lulumpuhin kita sa harap ng lolo mo at ng mga kaibigan mo." nakangising sabi niya habang pinapalo sa palad niya ang kahoy.

Nanlisik ang mga mata kong tumingin sa kaniya at mabilis na sinugod ko siya.

Nakita ko pang mabilis na kumilos sila Lyle at binaril ang taong may hawak kay lolo.

"Hindi ako ang malulumpo gago!?" galit na sigaw ko tinuhod ko siya bago pinilipit ang kamay nito.

"Tumigil kayong lahat!!" malakas na sigaw ng isang lalaki.

Halos sabay na napalingon kami sa pinto ng pumasok ang may katandaang lalaki habang nakasunod ang mga nakaitim na lalaki.

Nakatutok ang mga baril nilang lahat sa amin.

Mr. Villarino!

"Mr. Villarino," anas ni lolo habang nakatingin sa kaniya.

"Kamusta, Mr. Judge Chevalier?" seryusong baling nito kay lolo.

Seryusong tiningnan siya ni lolo bago ito nagsalita.

"Anong kailangan mo sa akin?" balik tanong ni lolo sa kaniya.

Nakita kong nanlisik ang mga mata ni Mr. Villarino habang nakatingin kay lolo.

"Anong kailangan ko? Kung sasabihin kong ang buhay mo ang kailangan ko anong gagawin mo?" mariing tanong ni Mr. Villarino.

Napakuyom ang kamao ko.

"Kung ang tungkol sa anak mong nagpakamatay ang dahilan ng lahat ng ito wala akong kasalanan sa'yo " Mariing sabi ni Lolo.

Kunwaring natawa si Mr. Villarino at bigla niyang kinasa ang baril na hawak nito bago itinutok sa noo ni Lolo.

Naalerto ako at tinutukan ko ng baril si Mr. Villarino.

"Huwag kang magkamaling saktan ang lolo ko kung ayaw mong pasabugin ko ang ulo mo." seryusong sabi ko habang mariing nakatingin sa kaniya.

Nilingon niya ako at tiningnan ng mabuti bago tumingin uli kay lolo.

"Hindi ko akalaing matapang pala ang nag-iisang apo mong lalaki, Mr. Judge Chevalier. Ano kaya kung siya na lang ang papatayin ko kapalit ng buhay ng anak ko." nakangising sabi nito bago ulit tumingin sa akin.

Mahinang natawa ako dahil sa sinabi niya.

"Kapalit ng buhay ng anak mo? Sa pagkakaalam ko ay walang kasalanan ang lolo ko kung bakit nagpakamatay ang anak mo, Mr. Villarino." mariing sabi ko.

Mas lalong nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"Walang kang alam bata kaya huwag kang-----"

"Tse! I'm not a kid, Mr. Villarino at lalong may alam ako. Walang kasalanan si lolo sa'yo. Ginawa niya lang kung ano ang nararapat dahil isa siyang hukom. Huwag mong isisi sa inosenteng tao ang nangyari sa anak mo." mariing pigil ko sa kaniya.

Galit na tiningnan niya ako sabay duro kay lolo.

"Walang kasalanan? Inosente? Ha! Kundi dahil sa kaniya hindi magpapakamatay ang anak ko!? Kung binigyan niya ng pagkakataon ang anak kong magbago ng hindi makulong ng habambuhay ay hindi siya magpapakamatay!?" galit na sigaw niya.

"Alam mo kung ano ang batas, Mr. Villarino. Maraming nagawang kasalanan ang anak mo! Nakapatay pa siya ng tao. Ano sa tingin mo ang magiging hatol ng korte sa anak mo?" mariing tanong ni lolo.

Napamura si Mr. Villarino, halata ang galit at inis sa mukha nito.

"Pero nakiusap ako sa'yo, Mr. Judge Chevalier! Nakiusap ako sa'yo!" mariing giit nito kay Lolo.

"Batas ay batas, Mr. Villarino. Kahit anong gawin mo pa kung batas na ang pag-uusapan wala tayong magagawa." seryusong sabi ni Lolo sa kaniya.

"P*tanginang batas na 'yan!?" galit na sigaw ni Mr. Villarino at nagulat ako ng barilin niya sa binti si Lolo.

"Arggh!" daing ni Lolo.

Shit!?

"Lolo!" sigaw ko at sinugod si Mr. Villarino pero mabilis na tinutukan niya ako ng baril.

"Huwag kang makialam bata kung ayaw mong tapusin ko ang buhay mo." mariing sabi nito.

Nanlisik ang mga matang tiningnan ko siya. Nangangati na ang kamay kong kalabitin ang gatilyo ng baril ko para iputok sa ulo niya.

Damn!?

Pero natigilan ako ng marinig ko ang hindi ko inaasahang marinig na linya ng taong hindi ko inaasahang dadating.

"Don't you dare to hurt him even to touch him or else you'll be dead." malamig ang boses na sabi nito na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Love.


To be continued...



A/N: Naks! Ang haba ng laman ng utak ko ngayon. Sana nagustuhan niya ang chapter na 'to! Enjoy reading!

Don't forget to Vote, comment and follow!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top