chapter 175 "Magkaharap"

Xandra's Pov.

Kanina pa kaming lahat dito sa hardin nitong mansion nila Drix. Kaniya-kaniya kaming lahat ng ginagawa. Nag-uusap sila Keart at Kyla. Habang si Kuya Jiro na kanina pa may ka-text sa cellphone nito.

Napapailing na lang ako habang nakatingin sa kaniya.

Napalingon ako sa gawi nila Zenn at Liam. Pareho silang busy sa cellphone nila. May kausap si Liam sa cellphone at gano'n rin si Zenn.

Napangiwi na lang ako.

Sila Bella at Lyle naman ay masayang nag-uusap. May something sa dalawa, eh. Halata namang MU silang dalawa.

I thought, may gusto si Lyle kay Ashi noon. Nahahalata ko kasi dati lalo na kapag tinutulungan niya si Ashi noon.

Pfft!

Mahinang natawa pa ako ng makitang nakatitig si Bella kay Lyle habang nakangiti.

Napapailing na lang ako bago tumingala sa langit. Kahit palalim na ang gabi ay may iilan pa ring mga bituin ang kumikinang sa kalangitan.

Para silang nakikisabay sa bagong taon.

Hayst!

Buti pa ang mga bituin sa langit ay hindi nawawalan ng kinang. Hindi tulad ng mga taong nandito sa mundo na kunting pagsubok lang ay nawawalan na ng ganang sumubok uli o mabuhay.

Tss!

Napahagod na lang ako sa mga braso ko dahil sa ginaw. Natigilan lang ako ng may maramdaman akong naglagay ng coat sa balikat ko.

Napalingon ako sa taong tumabi sa akin.

Si Keith

Abah! May pagka caring pala ang isang 'to, ah.

Tiningnan ko siya ng mabuti. Tahimik lang siya habang nakasandal sa bench at nakatingala sa langit.

"Thanks." mahinang pasalamat ko.

Nilingon niya ako sabay tango bago uli tumingala sa langit.

Nakatingin lang ako sa kaniya.

Ang tangos ng ilong ng loko. Ang kinis pa ng mukha. Daig pang kutis babae. Mukhang alagang-alaga niya ang mukha niya, ah.

Naningkit ang mga mata ko bago pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya.

Hindi kaya siya bakla?

Pfft!

Lihim na natawa ako bago tumingin sa kawalan. Gusto ko sanang tumawa ng matunog dahil sa naisip ko pero pinigilan ko na lang.

"Why are you smiling?" rinig kong tanong nito.

Natigilan ako at pinakiramdaman ang sarili ko. Doon ko lang na realize na nakangiti nga ako.

Psh!

Umayos ako ng upo at inalis ang ngiti sa labi ko.

"I'm not." kaswal na sagot ko sa kaniya.

"Tss! I'm not blind. I saw you smiling a while ago." giit pa nito.

Napangiwi na lang ako bago nagsalita.

"Oh, eh ano naman ngayon kung ngumiti ako?" patanong na sabi ko.

Wala akong narinig na sagot sa kaniya kaya nilingon ko ito.

Nakatingin na siya sa hawak niyang cellphone. Bahagya pang naka-kunot ang noo nito.

Ano naman kaya ang tinitingnan o binabasa niya sa cellphone?

Napabuntong-hininga pa siya bago kinalikot ang cellphone pagkatapos ay inilagay sa bulsa niya.

"Ano 'yon?" takang tanong ko pa.

Para kasing big deal sa kaniya ang kung anuman ang nabasa nito.

"Nothing." Maikling sagot niya.

Naniniguradong tiningnan ko pa siya bago nagkibit-balikat.

Tss!

Hindi na lang ako nagsalita. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Napalingon ako kela Kyla ng habulin ito ni Keart. Nagtatawanan pa sila at halatang masayang-masaya.

Sana all!

Pag-ibig nga naman.

Psh!

*Brzzzkkkkk

Nabaling ang tingin ko sa cellphone kong nasa tabi ko lang ng mag vibrate ito.

Nang tingnan ko ay si Mom pala. Nag text siya ng happy new year. Nakangiting dinial ko ang number ni Mom. Nakakailang ring pa lang ay sinagot niya agad.

I miss her and Dad.

"[Mom?]"

"[Anak! Mabuti naman at tumawag ka.]" sagot ni Mom sa kabilang linya.

Halata ang saya sa bosses niya. Natawa na lang ako.

"[Syempre naman, Mom. It's a new year and I want to greet you and Dad.]" nakangiting saad ko pa.

Rinig ko pa na tinawag ni Mom sa kabilang linya si Dad.

"[Aw! Ang sweet naman ng anak ko. Happy new year my dear daughter.]"

"[Happy new year, anak.]"

Bati nilang dalawa ni Dad.

"[Happy new year din Mom and Dad.]" nakangiting bati ko pa sa kanila.

Tiningnan ko ang oras. Kalahating oras na lang at maghahating gabi na.

"[Mmm. Where are you now? Kasama mo ba ang pinsan mo?]" Tanong pa ni Dad.

Inayos ko ang coat na nasa balikat ko sabay sandal sa bench bago sumagot.

"[Yeah. Nandito kami sa mansion ng mga Chevalier kasama sila Lola at ang mga Ibañez, Dad.]" sagot ko po.

Napatingin pa ako kay Keith ng makitang nakatingin ito sa akin. Mukhang nakikinig siya sa pinag-uusapan namin ng magulang ko.

Tss!

Hindi ko na lang siya pinansin pa.

"[Okay. Just take care. Huwag niyong pabayaan ang mga Acosta at Ibañez.]" bilin pa ni Dad.

Tumango na lang ako as if makikita nila Dad.

Psh!

"[Mmm. Don't worry, Dad. Kami na ang bahala sa kanila.]" Sagot ko.

Kung ano-ano pa ang mga sinabi at bilin nila bago uli ako binati pagkatapos ay ibinaba ang tawag.

Napahinga na lang ako ng malalim.

"Is that your parents?" biglang tanong ng katabi ko.

Narinig naman niya nagtatanong pa.

"Yeah." maikling sagot ko.

Tumango siya at tumingin kela Lyle.

"Why don't you celebrate the new year with them?" Tanong uli nito.

Bumuntong-hininga ako bago sinagot ang tanong nito.

"Wala lang. Besides, I used to it since we live in our own." simple'ng sagot ko.

Tiningnan pa niya ako pero hindi na nagsalita pa.

Sabay kaming napalingon sa may daan patungo rito sa hardin ng makita namin ang dalawang lovebirds.

Magkahawak-kamay pa silang lumapit sa gawi naming lahat.

"Oh? Buti naman lumabas kayong dalawa? Akala ko gumawa na kayo ng milagro sa loob!" pasigaw na biro pa ni Keart.

Lahat kami ay natawa. Hindi man lang nag react si Ashi na animo'y walang paki sa sinabi ni Keart.

Habang si Drix ay nilapitan si Keart at binatukan ito.

Napapailing na lang ako.

"Kung ano-ano ang nalalaman mong loko ka." nakangiwing sabi pa ni Drix.

Nginisihan lang siya ni Keart bago sila naupo sa kabilang bench.

Nag-uusap na lang kaming lahat habang nagtatawanan at nagbibiruan. Natawa pa kami kela Keart at Kyla.

Bumabanat kasi ang lokong Keart dahilan para magtawanan kaming lahat dahil namunula si Kyla.

"Hey! One minute left!" sigaw pa ni Lyle habang nakatingin sa relo nito.

Naghiyawan kaming lahat at sabay-sabay na tumayo.

Nakita pa naming lumabas ang mga taong nasa loob ng mansion.

"Twenty seconds!" sigaw ni Keart.

Lumapit kami sa harap ng mansion dahil nando'n ang mga matatanda. May hawak na mga fireworks ang mga bodyguards.

"Ten seconds!" sabay na sigaw nila Keith, Keart, Lyle and Drix.

Nakisabay na rin kami sa kanila pati na rin ang mga matatanda.

"Nine!"

"Eight!"

"Seven!"

"Six!"

"Five!"

"Four!"

"Three!"

"Two!"

"One!"

"Happy new year!!!" sigaw naming lahat.

Sunod-sunod na sumabog ang mga fireworks sa taas dito sa harap ng mansion.

Lahat kami ay masayang nagbabatian at nagyayakapan.

"Happy new year, myloves!!" nakangiting bati ni Keart kay Kyla.

"Happy new year, too!" balik na bati ni Kyla sa kaniya.

"Woah! Bagong taon na naman!" sabi ni Bella.

"Happy new year to all of us!" sigaw ni Lyle.

Natawa pa ako ng makitang muntik ng matumba si Liam dahil nagka bungguan sila ni Zenn.

Napapailing na natawa na lang ako.

"Love, happy new year." Rinig kong bati ni Drix kay Ashi.

"Happy new year, too." Ashi.

Napangiwi na lang ako ng makitang hinalikan siya ni Drix. Ang lokong Keart ay inasar pa ang dalawa.

"Naks! PDA! Mahiya naman kayo sa mga single rito!" Parinig ni Liam.

Nagtawanan na naman kaming lahat.

"Happy new year." rinig kong sabi mula sa gilid ko.

Paglingon ko si Keith pala. Nakangiti ito habang nakatingin sa akin.

"Mmm. Happy new year din." nakangiting sagot ko.

Bagong taon ngayon kaya dapat bawasan ko na ang kasungitan ko.

Tss!

Masayang pinapanood na lang naming lahat ang mga fireworks. Nagtatawanan lang kaming lahat hanggang sa matapos na.

Ang saya ng bagong taon namin ngayon. Hindi tulad noong last year.
Kaming tatlo lang ang nag celebrate ng pasko at bagong taon.

Hayst.

Pumasok na lang kaming lahat sa loob ng mansion at doon ipinagpatuloy ang kasiyahan.

Another year to face and to overcome with our problem.

New year, new life to begin.

************************************

Dixon's Pov.

Pagkatapos ng kasiyahan naming lahat ay inihatid ko si Panget sa bahay nila pasado alas-dos ng madaling araw.

Ayaw ko pa sana siya pauwiin pero ayaw niyang magpapigil dahil may mahalaga pa siyang gagawin.

Gano'n na rin sila Xandra.

Walang pasisidlan ang saya ko ngayon.

I celebrate the Christmas and new year with the girl that I love the most.

I'm really happy with that. This is the best new year for me. And I am looking forward to be with her forever.

Pagkatapos ko siyang maihatid ay umuwi na rin ako sa bahay. Gusto ko munang matulog dahil inaantok ako.

***

Kinabukasan ay late na akong nagising. Kundi pa ako ginising ni Mom ay hindi pa ako magigising.

Agad na lang akong bumangon at nagtext kay Panget. Pagkatapos ay pumasok na ako sa banyo para maligo na rin.

Nang matapos ako ay agad na akong nagbihis  bago bumaba. Naabutan ko pa si Drixie na busy sa cellphone nito.

Pumasok na lang ako sa kusina para kakain ng agahan.

Pasado alas-dies na rin ng umaga. Hinainan na lang ako ni Manang ng pagkain kaya kumain na agad ako hanggang sa matapos ako.

Saktong tapos na akong kumain ay pumasok si lolo.

"Good morning, Lo." bati ko sa kaniya.

"Mmm. Are you done?" tanong pa nito.

Tumango ako sabay ligpit ng pinagkainan ko at inilagay sa lababo.

"Can I go back to my house?" tanong pa nito.

Nilingon ko siya at halatang gusto na nga niyang umuwi sa bahay niya.

Naghugas ako ng kamay bago nagpunas at humarap sa kaniya.

"Lo, you can't go home right now. It's not safe for you to go home." Sagot ko sa kaniya.

Napabuntong-hininga na lang siya. Napahinga na lang din ako ng malalim bago nagsalita.

"I know you want to go home, Lo. But not now because you're in danger. Hindi ko pa nahuli si Mr. Villarino. Baka kung ano pang mangyari sa'yo kapag uuwi ka na." paliwanag ko pa.

Napahilot na lang siya sa sintido niya bago tumango at lumabas ng kusina.

Napabuntong-hininga na lang ako.

Biglang nagvibrate ang cellphone sa bulsa ng short ko. Kinuha ko ito bago tiningnan.

Si Dwayne.

Binasa ko ang text niya at gano'n na lang ang pagtagis ng bagang ko matapos mabasa ang text nito.

Damn you Mr. Villarino!

Mabilis na lumabas ako ng kusina at umakyat sa kwarto ko. Nagpalit ako ng damit bago kinuha ang susi ng kotse ko at bumaba.

"Nīsan? Where are you going?" tanong pa ni Drixie.

"Somewhere. I need to do something to make things done. Huwag kayong lumabas ng mansion!" seryusong sabi ko at tuloy-tuloy lang ako sa paglabas ng mansion.

Dumeretso ako sa garahe at pumasok sa sports car ko. Agad ko na itong pinaandar at nagmaneho paalis.

Binilinan ko pa ang mga bodyguard na magbantay ng maigi.

Tse!

Mahirap na at matinik ang pesteng Villarino na iyon.

Binilisan ko ang takbo ng sports car ko patungo sa tambayan namin. Nang makarating ako ay agad na akong pumasok sa loob.

Naabutan ko si Dwayne na busy sa kaniyang laptop.

"Wala pa ba sila Lyle?" tanong ko sa kaniya.

Nag-angat siya ng tingin sa akin bago sumagot.

"Papunta pa lang sila," sagot niya bago ibinalik ang tingin sa laptop.

Pumasok na lang ako sa kwarto ko at kinuha sa drawer ang baril at patalim ko.

Kailangan ko ng kumilos bago pa mahuli ang lahat. May binabalak si Mr. Villarino kay lolo.

Kumuha ako ng itim na coat at bonet. Narinig ko pang may dumating na mga kotse sa labas.

Agad na akong lumabas at saktong pumasok ang tatlo.

"What's the matter?" tanong ni Lyle.

Naupo ako sa sofa at gano'n na rin ang tatlo.

"May binabalak si Mr. Villarino para mapatay niya si lolo. Kailangan natin siyang maunahan bago pa mahuli ang lahat." seryusong saad ako.

Tiningnan pa nila ako bago tumango.

"Anong gagawin natin ngayon?" tanong ni Keith.

"Tayo ang susugod sa lungga ni Mr. Villarino." desididong sagot ko.

Nagkatinginan pa silang apat at bakas ang pagdadalawang isip sa mukha nila.

"Dre, delikado ang naisip mong sumugod sa teritoryo ng kalaban." Seryusong saad ni Lyle.

"Yeah. Baka tayo pa ang mapain kapag nagkataon-----"

"Tse! Kung hindi tayo kikilos ngayon baka kung anong mangyari kay lolo. Mas mabuting unahan na natin sila." pigil ko kay Keart.

Napabuntong-hininga na lang sila. Lumapit sa gawi namin si Dwayne at nagsalita.

"Dre, kapag susugod tayo baka mas lalong magalit si Mr. Villarino. Worst, ikapahamak pa lalo ng lolo mo o ng pamilya mo ang gagawin natin." nag-alalang sabi nito.

Tse!

"At baka pati si Ashi ay hindi nila palalagpasin. Alam mo namang kilala nila ang babaeng kahinaan mo." sabat ni Lyle.

Seryusong tiningnan ko silang apat.

"Kilala niyo ako. Sa tingin niyo ba papayag akong galawin nila ang pamilya ko lalo na ang taong mahal ko?" mariing tanong ko.

Hindi sila nakapagsalita. Alam nila kung sino ako. Kung ano ang kaya kong gawin para lang sa pamilya ko.

Kapag sinabi ko ay mangyayari kung ano ang gusto ko.

I didn't let anyone can hurt my family even my girl.

Baka hindi ko sila titigilan hangga't hindi sila mauubos kapag ginalaw nila ang taong mahal ko.

Tse!

"Dre, please listen to us. Ang kaligtasan ng pamilya mo ang iniisip namin." giit pa ni Keith.

Napakuyom na lang ang kamao bago bumuntong-hininga.

Naintindihan ko ang pinupunto nila.

Tse!

"Just keep an eye to the opponent. Para malaman natin ang bawat galaw nila. Huwag lang silang magkamaling galitin ako baka makita nila ang hinahanap nilang impyerno." blankong saad sabay tayo at naglakad palabas ng tambayan.

Narinig ko pang napahinga sila ng maluwag bago ako tuluyang nakalabas.

Pumasok ako sa sports car ko at lumabas naman ang apat.

Sininyasan ko sila na agad naman nilang nakuha. Magpalamig na lang muna kami para hindi kukulo ang dugo ko kay Mr. Villarino.

Psh!

Pumunta na lang kami sa malapit na bar. Kahit maaga pa para mag bar ay wala akong paki.

Ang gusto ko lang ay magpalamig na muna.

Agad na akong bumaba ng sports car ko ng makarating sa tapat ng bar. Nagpark na rin ang apat at bumaba.

Sabay kaming pumasok sa loob at sumalubong sa amin ang malakas na tugtog.

24/7 open ang bar na ito kaya kahit araw ay may nag-iinuman dito.

Hindi naman kami sinita ng bouncer dahil kilala nila kami.

Dumeretso na lang kami sa puwesto naming lima. Lumapit ang waiter at kinuha ang order namin.

Sumandal na lang ako sa upuan ko bago iginala ang paningin sa loob ng bar.

Marami pa rin ang umiinom habang ang iba ay nasa dance floor.

"Naks! Ang dami na namang chicks!" Rinig kong sabi ni Dwayne.

Napapailing na lang ako at hindi ito pinansin.

He is a playboy kaya ano ang aasahan mo sa kaniya?

Tse!

Nag-inuman na lang kaming lima habang si Dwayne ay may naka kandong ng babae sa kaniya.

Napapailing pa si Lyle habang uminom.

"Hey, boy!" sabi pa ng isang babae na lumapit kay Keart.

"Don't go near me. I'm taken so back off." taboy ni Keart sa babae.

Smirk

Loyal at faithful nga ang loko.

"Loyal ang gago." natatawang sabi ni Keith.

"Psh! Takot kamo mabalatan ng buhay ni Xandra at Ashi," nang-aasar na sabi ni Lyle.

"Lol! Sadyang si Kyla lang ang babaeng para sa akin at magiging ina ng mga anak ko. Kaya wala ng panama ang mga chicks sa akin." nakangising saad ni Keart.

Napapailing na lang ako.

"Gotcha! Kinilabutan ako sa mga pinagsasabi mo, Insan." nakangiwing sabi pa ni Keith.

"Gano'n talaga kapag nagmahal ka. Hindi tulad mong torpe kay Xandra." asar nito kay Keith.

Muntik pang maibuga ni Keith ang alak sa bibig nito dahil sa sinabi ni Keart.

"Naks! Torpe ka pala, dre?" nang-aasar na tanong ni Dwayne.

"Gague! Bakit naman ako torpe kay Xandra? Wala naman akong gusto sa masungit na 'yon." nakangiwing sabi ni Keith.

Tse!

Alam ko namang wala siyang gusto kay Xandra. Hindi ko pa nakitang na inlove ang loko.

"Sus! Hindi mo lang na realize sa ngayon, dre. I swear, aamin ka rin kapag na realize mong gusto mo siya." nakangising saad ni Lyle.

"Tss! Malabong mangyari 'yon. Hindi ko siya type." Balewalang sabi ni Keith.

Napapailing na lang ako. Mukhang matutulad sa akin ang kaibigan namin, ah.

"Huwag kang magsalita ng patapos, dre. Baka nakalimutan mong ganiyan din ang inlababo nating kaibigan noon." natatawang anas pa ni Dwayne sabay tingin sa akin.

Gagong Dwayne.

Ipaalala raw ba.

Tse!

Nagkibit-balikat na lang si Keith sabay inom ng alak.

Nagsalin na lang ako ng panibago sabay lagok.

"Hey!" rinig kong sabi ng pamilyar na bosses.

Pag-angat ko ng tingin ay si Kiana pala. Mukhang nakainom na rin ito.

Napatingin ako sa suot nito. Napapailing na lang ako ng makitang halos makita na ang hinaharap nito.

What happened to her? Sa pagkakilala ko sa kaniya ay hindi siya ganiyan manamit noo.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagsalin uli. Pero nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa akin at naupo sa kandungan ko.

Shit!

"Finally! I saw you here. I texted you last time to meet me but you didn't reply." malambing ang boses na saad pa nito.

"Tse! Back off." blankong sabi ko pero hindi siya nakinig.

Ramdam kong nakatingin sa amin ang mga kaibigan ko.

"No,  I won't. I've missed you, Drix." malambing pa rin ang boses na saad niya sabay himas sa dibdib ko.

Fvck it!

Mabilis na tinulak ko siya dahilan para bumagsak siya sa sahig.

Damn her!

"Don't flirt with me, Kiana. We're done so back off." mariing sabi ko habang seryusong nakatingin sa kaniya.

"No! We're not done! I love you and I always do." Matigas na sabi niya at tumayo.

Napabuntong-hininga na lang ako at hindi ito pinansin.

"Kiana, stop this." rinig kong sabi ni Lyle sa kaniya.

"No! I won't! I love him until now and I will do everything to win his heart." giit na naman nito.

Napapailing na lang ako.

"Alam mo naman sigurong may girlfriend na siya, 'di ba?" Tanong ni Keith sa kaniya.

"Alam kong may girlfriend na siya pero alam ko ring hindi pa sila kasal, 'di ba?" balik tanong nito kay Keith sabay tingin sa akin at ngumiti.

Napahilot na lang ako sa sintido ko.

"Huwag mo na siyang guluhin dahil masaya na siya ngayon sa taong minahal niya." Saad ni Keart.

Napatingin siya kay Keart at sarcastic na natawa.

Napabuntong-hininga na lang ako. Ang layo na ng Kiana na nakilala ko noon sa Kiana ngayon.

Tse!

"Yun na nga, eh! Ang bilis niya akong ipagpalit sa iba at doon pa sa taong enemy niya noon! Sabihin mo nga sa akin, may naramdaman ka ba sa akin noong niligawan mo ako?" deretsong tanong ni Kiana.

Natigilan ako habang nakatingin sa hawak kong basong may lamang alak.

Natahimik pa sila Lyle dahil sa tanong ni Kiana.

"May feelings ka ba sa akin noon? Dahil kung mayroon bakit sa isang iglap ay nahulog kay Ashi ang loob mo? For heaven's sake! She's your enemy!" naguguluhang sabi nito.

Nilagok ko ang laman ng baso bago ibinaba sa table at tumingin sa kaniya.

"She's nothing compared to me, Drix. I'm more than beautiful than her. Yes, she's smart than me, she's cool and I am a girl version but for Pete's sake! She's not your type before, right?" halos mangiyak-ngiyak na tanong niya.

"It was before but not now, Kiana. Yes, she's not very beautiful as you are but she's capable in everything that I can't find to other girls even in you." seryusong sabi ko sa kaniya.

Napapailing pa siya sabay lapit sa akin at pilit hinawakan ang kamay ko.

"N-no! She's your enemy but how come you fall into her, Drix-----"

"We're enemies before but it doesn't mean that we won't fall to each other." pigil ko sa kaniya.

Hindi siya nakapagsalita kaya napapailing na lang ako sabay tayo.

"Love can change the enemy into a lover. Remember that." blankong sabi ko bago siya tinalikuran.

Niluwagan ko pa ang suot kong necktie bago dumeretso sa comfort room nitong bar.

Pumasok ako sa loob ng cr at naghilamos ng mukha. Napatingin pa ako sa malaking salamin.

Napabuntong-hininga na lang ako bago uli naghilamos at nagpunas ng mukha.

Pagkatapos ay nag text ako kay Panget.

Na miss ko na tuloy siya kahit magdamag kaming magkasama kagabi.

Hayst.

Wala akong natanggap na reply mula sa kaniya. Mukhang busy na uli siya sa pag-imbistiga tungkol sa mga taong pumatay sa tunay niyang ina.

Inayos ko na lang ang buhok at damit ko bago lumabas.

Pero nagulat ako ng makita si Kiana na nakasandal sa pinto. Nakapikit pa ito na animo'y lasing na talaga.

Napapailing na lang ako.

"What are you doing here?" malumay na tanong ko.

Napamulat siya at tumingin sa akin. Namumungay ang mga mata niya dahil ata sa dami ng alak na nainom nito.

"Drix," halos paos ang boses na tawag nito sa akin.

Tiningnan ko lang siya bago nilagpasan pero bigla niya akong pinigilan.

At mas nagulat ako sa sunod na ginawa niya. Para akong natuod habang nakalapat ang labi niya sa labi ko.

Hindi ako nakakilos at naramdaman ko na lang paglapat ng likod ko sa bubong ng cr.

Nang marealize ko ang ginawa niya ay mabilis ko siyang tinulak dahilan para muntik na siyang matumba.

"Damn you!" Galit na sigaw ko sa kaniya at mabilis na pumasok sa banyo.

Naghilamos uli ako at ilang beses na pinunasan ang labi ko.

Fvck!?

Ano bang pumasok sa isip ng babaeng 'yon! Ang kapal niyang halikan ako!

Shit! shit! shit!

Halos humapdi na ang labi ko dahil sa paulit-ulit na pagpunas ko ng labi. Nang matapos ay inis na lumabas ako at hinarap si Kiana.

"Wala kang karapatan para halikan ako! Sinasabi ko sa'yo kapag nalaman to ni Panget hindi ko alam ang gagawin ko sa'yo!" inis at mariing sabi ko bago siya iniwan ng mag-isa.

Ramdam na ramdam ko ang inis sa sarili ko. Hindi ko dapat hinayaan na mahalikan ako ng babaeng 'yon!

Si Panget lang ang pwedeng humalik sa akin but damnit!

Badtrip na bumalik ako sa table. Takang napatingin pa silang apat sa akin pero sunod-sunod na lumagok na lang ako ng alak.

Sana lang ay huwag makarating kay Panget baka ano iisipin niya.

Damn!

************************************

Someone's Pov.

Papunta na ako sa office ng boss ko dahil pinapatawag ako nito. Kasama ko ang kasamahan ko.

Mukhang may ipapagawa si boss sa amin ngayon. Alam kong naiinip na siya dahil na delay ang plano niya.

Hinahanap pa namin kung saan itinago ng apo ni Mr. Chevalier ang kasamahan namin.

Fvck him!

Kundi lang nila itinago ang kasama namin ay hindi sana sila madadamay. Ang lintik na Judge na 'yon ang kailangan namin.

Pero mukhang may ibubuga pala ang apo ng lintik dahil marunong itong makipaglaban.

Akala ko mahina at walang silbi ang apo niya pero nagkamali ako. Nalintikan pa ako kay boss noong nakaraan dahil nalaman niyang dinamay ko ang mga hindi kasali.

Tsk!

Medyo maayos na rin ang sugat sa mukha ko dahil sa pagsapak sa akin ng gagong Drix na 'yon.

Pati na rin ang sugat sa braso ko noong hinugot ng girlfriend niya ang patalim sa gilid nito at sinugatan ako.

Actually, I didn't expect na mabilis kumilos ang babaeng 'yon. Nakayanan pa niya ang sakit sa ginawa ko. Kung iba pa 'yon malamang tsugi na ngayon.

Tsk!

"Nasaan si boss?" tanong ko sa bantay dito sa labas ng office nito.

"Nasa loob hinihintay kayo." sagot nito.

Tumango na lang ako at kumatok ng tatlong beses bago pumasok sa loob.

Nakaupo sa harap ng table si boss habang hawak ang baril nito.

"Boss-----"

*Bangg!

"Fvck!!" gulat na sigaw ko ng barilin niya ako.

Buti na lang mabilis na nakailag ako kundi baka tinamaan na ako sa dibdib t*nginang 'yan!

Kita ko ang galit at inis sa mukha nito habang nakatingin sa akin.

"What have you done, Lance!?" galit na sigaw niya.

Napalunok na lang.

"B-boss, calm down." pagpapakalma ko sa kaniya.

Nakita ko pang tahimik na nakasandal lang si Jin.

Tsk!

"How can I calm down!? Alam mo ba kung sino ang babaeng sinaksak mo sa tagiliran!?" galit na tanong niya.

Napakunot ang noo ko sabay tango.

"She's the girlfriend of Mr. Chevalier's grandson." balewalang sagot ko.

Bigla niya akong hinagisan ng patalim dahilan para madaplisan ako sa kaliwang braso ko.

Shit!

"Stupid!?" galit na sigaw niya.

Napabuntong-hininga na lang ako sabay upo sa sofa rito sa loob ng office nito.

Nakita ko pang napahilamos ito sa inis.

"For heaven sake! Mali ka ng binangga tarantado!?" inis na sigaw nito.

Nagkatinginan pa kami ni Jin bago ako lumingon sa kaniya.

"What do you mean?" takang tanong ko.

Napainom ito ng alak sa baso niya habang napapahilot sa sintido nito.

"Idiot! She's not just an ordinary girl! Galing siya sa pamilyang hindi basta-basta! Alam mo bang walang-wala tayo sa pamilya ng babaeng 'yon? Hindi ka kasi nag-iisip!?" galit na sabi nito.

Natahimik ako at hindi nakapagsalita. Napakunot pa ang noo ko dahil sa sinabi ni boss.

Anong ibig niyang sabihin?

Tiningnan ko si Jin. Pati siya ay naguguluhan din sa sinabi ni boss.

"Kilala mo ang pamilya ng babaeng 'yon, boss?" naguguluhang tanong ni Jin.

Sinamaan siya ng tingin ni boss dahilan para mapaiwas ito ng tingin.

Napapailing na lang ako.

"Galing sa pamilyang Acosta at Ibañez ang babaeng 'yon! Kayang-kaya nila tayong gawing abo sa isang iglap lang!" inis at hindi mapakaling sabi pa ni boss.

Hinagis niya sa gawi namin ang hawak niyang folder.

Takang tiningnan ko ito at binasa ang laman nito. Nanlumo ako dahil sa mga nabasa ko.

Hindi nga basta-basta ang dalawang pamilya na kinabibilangan ng babaeng 'yon.

Ang Ibañez ang pinakamayaman sa buong Makati at sa Japan. May sarili pa silang law firm dito sa Makati.

Marami itong mga koneksiyon at walang-wala nga kami kahit na mayaman si boss.

Ang Acosta naman ang pinaka mayaman sa Baguio kahit dito rin sa Makati ay may mansion sila.

Shit!?

Maraming private property ang dalawang pamilya.

Nakibasa na rin si Jin at pati siya ay nagulat din.

Hindi ko inaasahang hindi basta-basta ang pamilya ng babaeng 'yon.  

"Paano mo nalaman ang lahat ng 'to boss?" tanong ko pa.

"Stop asking!? Gumawa ka ng paraan na malusutan ang mga 'yon!" inis na sigaw nito sa akin.

Tsk!

"Pero paano na ang plano mo, boss?" Tanong ni Jin.

Hinintay namin ang sagot niya habang nakatingin sa sahig.

Masama galitin ang isang 'to kaya dapat hindi na ako papalpak.

Psh!

"Tuloy pa rin ang plano. Gusto kong bukas o makalawa ay nasa harap ko na si Mr. Chevalier." seryusong sagot nito.

Napahinga ako ng malalim bago nagsalita.

"Pa'no kung makikialam ang apo niya pati na rin ang nobya nito?" Tanong ko.

"Takutin niyo pero huwag niyong ulitin ang ginawa niyo noong nakaraan. Baka mapunta lang sa wala ang lahat ng plano ko." sagot nito.

Takutin? Tsk!

"Huwag natin maliitin ang apo niya, boss. Marunong silang makipaglaban lalo na ang nobya nito." seryusong saad ko.

Hindi na siya nagsalita pa kaya tumayo na lang ako sabay sinyas kay Jin at lumabas ng office.

Napahilot pa ako sa sintido ko.

"Anong gagawin natin?" tanong pa ni Jin ng makalabas kami ng bahay ni boss.

"Sundin na lang natin kung ano ang utos ni boss. Baka tayo pa ang papatayin niya kapag papaltos na naman tayo." kaswal na sagot ko.

Ako ang right hand ni boss kaya lahat ng utos niya ay susundin ko. Isa pa, malaki ang utang na loob namin sa kaniya.

Siya ang tumulong sa amin noong mga panahon na nalugmok kaming dalawa ni Vince.

Tsk!

Pumasok na lang ako sa kotse at si Jin ang nagdrive.

"Sa dating gawi tayo." nakapikit na sabi ko sa kaniya.

Hindi na ito nagsalita pa at pinaharurot ang kote paalis ng bahay ni boss.

"Paano na pala si Vince? Hahanapin pa ba natin siya?" maya-maya ay tanong niya.

Napamulat ako ng mata at tumingin sa kalsada. May nakita akong taong nakamotor at nakasunod sa amin.

"Kailangan pa rin natin siyang hanapin at bawiin sa lalong madaling panahon. Baka kung ano na ang ginawa sa kaniya ng t*nginang apo ni Mr. Chevalier." seryusong sagot ko sa kaniya.

Napabuntong-hininga siya bago uli nagsalita.

"Pa'no kung magsalita na siya? Sa tingin ko ay hindi titigilan ng apo ni Mr. Chevalier si Vince kapag hindi ito kumanta." anas pa nito.

Alam kong nag-aalala rin siya sa mangyayari.

Tsk!

"Magtiwala na lang tayo sa kaniya. Alam kong hindi niya tayo ilalaglag. Ang gagawin na lang natin ngayon ay bilisan ang paghahanap sa kaniya." Malumay na sagot ko.

Hindi na lang siya nagsalita pa. Napahinga ako ng malalim. Tiningnan ko uli ang side view mirror.

Hindi ko na ito nakita pa. Tsk! Baka namalikmata lang ako.

Bigla kong naalala ang taong laging humahadlang sa plano naming dukutin si Mr. Chevalier.

Ang taong humabol sa amin noong pinasok namin ang bahay ni Mr. Chevalier.

Hindi ko pa rin alam kung sino siya. Ang mga kilos niya ay napakabilis. Animo'y bihasang-bihasa ito sa bawat galaw niya.

"May isa pa pala tayong dapat pagtuonan ng pansin." saad ko pa.

Nilingon ako ni Jin bago ulit ibinalik sa daan ang paningin nito.

"Ang taong laging nakikialam sa mga plano natin ang tinutukoy mo?" tanong pa nito.

"Mmm. Mukhang may alam ang taong 'yon sa bawat kilos natin. Kaya double ingat tayo sa mga gagawin natin. Masyado siyang matinik at mabilis kumilos ng hindi natin namamalayan." seryusong sabi ko pa.

"Naguguluhan din ako kung bakit siya nangialam sa mga plano natin kay Mr. Chevalier." nalilitong anas niya.

Tsk!

Kahit ako ay nagtataka rin sa taong 'yon.

May kutob akong may koneksiyon ang taong 'yon kay Mr. Chevalier para protektahan ito.

"May kutob akong kilala ng taong 'yon si Mr. Chevalier kaya tinulungan niya ito----fvck!?" malutong na mura ko ng biglang nag break si Jin dahil sa motor na nakaharang sa daan.

Muntik pa akong mapasubsob sa dashboard t*nginang 'yan!

"Shit!" inis na mura pa ni Jin.

Tiningnan ko ang nakaharang sa harap. Napakunot ang noo ko ng makitang iyon ang nakasunod sa amin kanina.

Pinagmasdan ko ito ng mabuti. Kundi ako nagkakamali ay siya ang taong pinag-uusapan namin ni Jin ngayon lang.

"Speaking of the devil." inis na anas ko pa.

Nakasandal lang ito sa motor niya habang naka cros arm.

Naka masakara na ito ng kulay itim habang naka cap at nakahood. May itim na gloves pa ang mga kamay nito.

Naka all in leather jacket, pants, shirt at boots pa ang gago.

Tsk!

"Mukhang inaabangan niya tayo." Sabi pa ni Jin.

Hinawakan ko ang baril na nasa beywang ko pati na rin ang patalim na nasa gilid ko lang.

"Bigyan natin siya ng leksiyon, tingnan natin kung makikialam pa ba siya sa bawat kilos natin." walang ganang saad ko sabay suot ng itim na bonet.

Nagsuot ako ng gloves na itim at inayos ang coat ko bago lumabas.

Lumabas na rin si Jin at tulad ko ay nakabonet na ito. Pumunta kami sa harap ng kotse at seryusong nakatingin lang sa taong nasa harap.

Hindi man lang uto gumagalaw at animo'y hinihintay lang kaming sumugod.

Tanging mata niya lang ang nakikita ko. Blanko at walang kabuhay-buhay ang mata nito.

"Sino ka?" seryusong tanong ko habang nakatingin sa kaniya.

Hindi ito nagsalita at nanatiling gano'n ang position niya.

T*ngina!

Sino ba siya para umasta ng ganiyan? Kilala niya ba kung sino kami?

Tsk!

"I said, who are you?" mariing ulit ko.

Tumayo siya ng maayos at pinagpagpag pa nito ang bandang balikat niya na animo'y may dumi.

"Pagsisihan mo kapag nalaman mo kung sino ako." malalim ang boses na saad pa nito.

Kinilabutan pa ako dahil sa lamig ng bosses nito. Natigilan rin ako dahil sa bosses nito.

Shit!

Babae siya? Sino ba siya?

Napakuyom ang kamao kong nakatingin sa kaniya.

I didn't expect that she's a girl.

Damn!?

"Ikaw dapat ang magsisi dahil sa pangingialam mo sa mga plano namin!" mariing sabi ko.

"Tsk! Your stupid plan? Psh! As long as I'm here, you can't make your plan successfully bastard." malamig ang bosses na saad uli nito.

Nagtagis ang bagang ko dahil sa sinabi niya.

Ginagalit talaga niya ako.

T*nginana!

"Huwag kang makialam t*ngina ka!? Huwag mo akong galitin!" inis na sigaw ko sa kaniya.

"Hindi kita ginagalit gago! Ako ang huwag mong galitin. Tigilan niyo si Judge Chevalier kung ayaw niyong matusta na parang kinatay na aso." banta pa nito.

Lalong napakuyom ang kamao ko. Sino siya para patigilin kami sa mga plano namin sa t*nginang Mr. Chevalier na iyon.

"Sino ka para utusan kaming tumigil sa mga plano namin?" seryusong tanong ni Jin sa kaniya.

Binalingan nito si Jin at ramdam ko ang masamang aura na dala nito.

"Sino ako? Ako ang tatapos sa inyo kapag hindi niyo titigilan si Judge Chevalier." blankong sagot niya.

T*ngina!

Sino siya sa akala niya? Hindi ako natatakot sa kaniya kahit hindi ko pa siya kilala!

"Sa tingin mo natatakot kami sa'yo? Kilala mo ba kung sino kami-----?"

"Kung sasabihin kong, oo. Kakabahan na ba kayo?" pigil nito sa sasabihin ko.

Sarcastic na tumawa ito. Iyong nakakainsultong tawa.

Kami kakabahan?

Tsk!

"Hindi kami ang tipo ng taong kakabahan babae. Ikaw dapat ang kabahan dahil babae ka pa naman. Baka isang suntok ko lang sa'yo tulog ka na agad." nakangisi at nakaka insultong saad ko pa.

Nakita ko ang panlikisik ng mata nito dahilan para mas lalo akong mapangisi.

"Huwag mo akong maliitin Mr. Lance Mendez." mariing sabi niya.

Napawi ang ngisi ko at nagtagis ang bagang ko. Natigilan pa ako dahil sa pagbanggit niya sa buong pangalan ko.

Fvck!?

Paano niya nalaman ang pangalan ko?

"How did you know my name?" seryusong tanong ko.

"Huwag mo ng alamin pa gago! Hindi lang iyon ang alam ko tungkol sa'yo. Kaya tigilan niyo na si Judge Chevalier kung ayaw mong pagsisihan sa huli ang lahat." malamig ang boses na sabi nito at tinalikuran kaming dalawa ni Jin.

T*angna!?

Mabilis na kumilos ako at sinugod ito.

"T*angna ka!?" galit na sigaw ko sabay suntok sa kaniya pero nagulat ako ng walang kahirap-hirap na inilagan niya lang ito.

Damn!?

Paano niya nagawa 'yon?

"Not so fast bastard!" walang ganang sabi niya sabay suntok sa mukha ko na hindi ko nailagan agad.

Shit!

Ang sakit ng mukha ko!?

"Damn you!?" galit na sigaw ko sabay sugod uli sa kaniya.

Pero mabilis na umilag siya kaya umikot ako at nagpakawala ng sipa.

Nagulat ako ng mabilis niyang nahawakan ang paa ko at mabilis na ikot sabay sipa sa tagiliran ko.

Fvck!?

Tumalsik ako at napasubsob pa ako sa kalsada.

Napadaing ako sa sakit.

"P*tangina ka!?" galit na sigaw ni Jin at sinugod niya ang babae.

Pero tulad kanina ay walang kahirap-hirap na inilagan niya lang ang lahat ng hataw ni Jin.

Sino ba siya?

Fvck her!?

Inis na bumangon ako at tumayo.

"Arghhh!!" Rinig kong daing ni Jin ng sipain niya ito sa mukha.

Hindi pa siya nakuntento at bumwelo uli ang babae sabay ikot at sinipa sa balikat si Jin dahilan para tumalsik ito sa harap ng kotse.

Damn!

"Jin!" sigaw ko.

Halos namaluktot sa sakit si Jin.

"Iyon lang ba ang kaya niyo? Sabi ko sa inyo huwag niyo akong maliitin." balewalang tanong nito.

Ang yabang ng t*nginan!

Galit na kinuha ko ang baril sa beywang ko at pinapaputukan ito.

Nagulat ako ng ilagan niya ang mga bala.

*Lunok!

Who the hell is she?

Pinaputukan ko uli siya sabay sugod sa kaniya. Panay lang ang ilag nito.

Napamura pa ako ng wala sa oras ng mabilis na sinipa niya ang kamay ko dahilan para mabitawan ko ang baril.

Shit!

Napaatras pa ako sa lakas ng sipa nito.

Nang makahanap ako ng tyempo ay mabilis na umikot ako at akmang susuntukin ko siya ng sa isang iglap lang ay hawak na niya ako sa leeg.

T*nginang bilis na 'yan!

Ramdam ko pa ang matulis na patalim sa leeg ko.

"F-fvck!? Sino ka ba talaga!?" galit na tanong ko.

"Sinabi ko na sa'yo, pagsisihan mo kapag nalaman mo kung sino ako." malamig ang boses na bulong niya sa tainga ko.

Naramdaman ko pa ang pagtayo ng balahibo sa batok ko.

"T*ngina ka---arghh!" daing ko ng maramdaman ang hapdi sa leeg ko.

"Huwag mo akong galitin bastardo. Tigilan niyo na si Judge Chevalier kung ayaw mong baliin ko ang mga buto sa katawan mo. I swear, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." Bulong niya sa tainga ko bago pabalang na tinulak ako.

Muntik pa akong matumba kundi lang ako naka balance agad.

Agad na tumalikod siya at sumampa sa motor nito.

"Tandaan niyo ang sinabi ko. Hindi lang 'yan ang matitikman niyo sa akin. Hindi niyo ako kilala kaya huwag niyo akong galitin." huling sabi nito bago pinaharurot paalis ang motor niya.

Napapikit na lang ako sa hapdi ng leeg ko.

Sino ba talaga siya? Bakit gano'n na lang ang kagustuhan niyang tigilan namin si Mr. Chevalier?

Anong koneksiyon niya sa t*nginang Judge na iyon?

Damit!

Akala ata niya susundin ko siya! Hindi ako natatakot sa kaniya. Wala akong kinakakatakutan sa buong buhay ko maliban sa boss ko.

Tsk!

Humanda ka sa akin at babalikan kitang babae ka. Pagsisihan mong nangingialam ka sa mga kilos namin.

Hindi mo ako lubos kialala.

Tsk!



To be continued...

A/N: Yay! Naisulat ko rin. Sana magustuhan niyo ang chapter na ito. Enjoy reading!

Don't forget to Vote, comment and follow!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top