chapter 174 "New Year"

Ashi Vhon's Pov.

Nandito ako ngayon sa bahay nila Aling Betty. Gusto ko silang bisitahin at kausapin siya.

Hindi ako nakadalaw sa kanila noong pasko. Sinabi ni Jiro sa akin na dumalaw naman daw siya.

Tsk!

Kumatok ako sa pinto ng tatlong beses.

May dala rin akong pang bagong taon nila. Bukas na ang bagong taon at magiging busy na kami sa mga sumusunod na araw.

"Ash?"

Napatingin ako sa lalaking nagbukas ng pinto.

"Naparito ka?" tanong pa ni Billy.

Ipinakita ko ang dala ko kaya napakamot ito ng batok bago kinuha ang mga hawak ko.

Pumasok kami sa loob at wala akong nakitang ibang tao.

"Hindi ka na sana nag-abala pa, Ash." rinig kong sabi ni Billy sa kusina.

"Ayos lang, sumadya talaga ako rito para makausap si Aling Betty." kaswal na saad ko bago naupo sa kahoy na upuan.

"Si Inay? Bakit naman?" takang tanong pa nito.

Napabuntong-hininga ako bago sumagot.

"May itatanong lang ako sa kaniya." malumay na sagot ko.

"Mmm. Wala sila rito ngayon. Pumunta sila sa palingke para sa lulutuin ni Inay bukas." sabi pa nito.

Tumango na lang ako.

"By the way, kaya rin ako pumunta rito dahil aalukin kita ng trabaho."

Napalingon pa siya sa akin.

"Anong trabaho?"

"Server sa resto bar na pinagtrabahuan namin nila Xandra. Magiging busy na kami kaya hindi na kami makakapasok do'n." Saad ko habang nakapamulsang nakaupo.

Napaisip pa siya bago nagbuntong-hininga.

"Don't worry, malaki-laki ang sweldo kaya may pang tuition ka na." dagdag ko pa ng hindi siya nagsalita.

"M-may side line na kasi ako, Ash." nakaiwas tinging sagot nito.

"Anong klaseng trabaho?" tanong ko pa.

Tiningnan ko siya ng mabuti. Halatang ayaw niya sabihin.

Napapailing na lang ako.

"Huwag mo ng ipagpatuloy kung anuman ang trabaho mo ngayon. Baka mapahamak ka lang pati pamilya mo." kaswal na sabi ko.

Napatingin siya sa akin. Kita ko ang lito at kaba sa mukha niya.

Natawa na lang ako at tinapik ang balikat nito.

"Pagkatapos ng bagong taon pumunta ka na lang sa resto bar kung gusto mo. Nakausap ko na sila Mina at Joyce." sabi ko sabay tayo.

Napahinga na lang siya ng malalim bago tumango.

"Salamat, Ash."

"Walang anuman. Aalis na ako pakisabi na lang kay Aling Betty na kakausapin ko siya kapag babalik ako rito."

Tumango lang siya at hinatid ako sa labas ng bahay.

Agad na akong sumampa sa motor ko at pinaharurot paalis.

Tumunog pa ang cellphone ko. Nang tingnan ko ay si Bisugo pala.

"[Oh?]"

"[Anong oh? Bakit ngayon mo lang sinagot nag tawag ko?]"

Napahinga na lang ako ng malalim bago sumagot habang nakatingin sa daan.

"[Busy ako kaya hindi-----]"

"[Tse! Ako nga busy din pero nagawa pa kitang tawagan at isipin tapos ikaw hindi man lang nagtext----]"

"[Nagreply na ako kagabi----]"

"[Kagabi? Kagabi lang? Ilang araw mong hindi sinasagot tawag at text ko.]" parang naiinis na sabi nito.

Tsk!

"[Tsk! Mamaya na tayo mag-usap nagmamaneho pa ako-----]"

*Tot! Tot! Tot!

Anak ng!

Binabaan ako ng tawag? Napapailing na lang ako at ibinulsa ang cellphone ko.

Mukhang nagtatampo ang Bisugo.

Hayst!

Napatingin ako sa relo ko. Pasado alas-otso y medya pa lang ng umaga.

Dumeretso na lang ako sa mansion ng mga Ibañez. Kakausapin ko lang si Dad at Grandmaster.

Pagdating ko ay pumasok na ako sa loob. Yumuko pa ang mga bantay sa mansion pero hindi ko na sila pinansin.

"Ash? You're here." sabi pa ni Nami na nakasalubong ko.

"Mmm. Where's Dad and Grandmaster?" pormal na tanong ko.

"Umalis sila kanina dahil pinapatawag sila ni Okayama sa husgado." nakangiting sagot nito.

Tumango na lang ako bago umakyat sa kwarto ko.

Mamaya ko na lang sila kausapin.

Tsk!

"Onēsan!" rinig kong tawag ni Asher.

Tumakbo ito palapit sa akin habang hawak ang bow at palaso nito.

"Hey!" bati ko sa kaniya sabay fist bump.

"Akemashite omedetou gozaimasu." nakangiting bati niya.

(Translation: Happy new year)

Natawa na lang ako. Ang advance bumati ng bagong taon ng isang 'to.

"Bukas pa ang bagong taon binati mo na ako." natatawang sabi ko sabay gulo ng buhok niya.

"I just want to be your first greeter of my beloved Onēsan." cool na sabi niya.

Napapailing na lang ako.

"Mmm. Akemashite omedetou gozaimasu sugiru." nakangiting bati ko rin sa kaniya.

Nginitian niya ako dahilan para lumabas ang malalim na dimple niya sa magkabilang pisngi.

Pareho sila ni Bisugo na may dimple.

"Are you gonna stay here?" tanong pa niya sa akin ng pumasok kami sa kwarto ko.

"Nope." sagot ko sa kaniya at naupo sa harap ng mesa ko.

Binuksan ko ang laptop at inin-code ito. Ito ang laptop ni Mom dati. Binigay ni Lola Marites sa akin no'ng nakaraan.

"Onēsan, I want you to stay here." giit pa ng kapatid ko.

Napabuntong-hininga na lang ako at tumango.

Napa 'yes' pa ito bago tumakbo palabas ng kwarto ko. Napapailing na lang ako.

Minsan lang maglambing ang isang 'yon. Napakaseryuso rin niya kasi. Akala mo matanda na.

Tiningnan ko na lang laman ng laptop. Napatitig pa ako sa litrato ni Mom.

How I wish she still alive now.

Tsk!

Napatigil ako sa pag-i-scan ng may makita ako. Kunot-noong tiningnan ko ang name bago binasa ang mga conversation.

Napakuyom pa ang kamao ko habang mariing nakatingin sa laptop.

Now I know.

Humanda ka sa'kin hangal!?

Tiningnan ko pa ang ibang meron sa laptop.May nakita pa akong files kaya binuksan ko ito.

Bumungad sa akin ang stolen pic ni Mom na may mga codes.

Codes?

Salubong ang kilay na tiningnan ko ang mga codes na nakasulat.

Nagtagis ang bagang ko habang binabasa ang nga codes na nasa files.

The heck!?

Ini-scan ko pa ang iba at binasa ito ng mabuti. Halos puro nakasulat sa codes ang meron maliban sa picture ni Mom.

*Tok! Tok! Tok!

"Pasok!" sigaw ko pa.

Narinig ko pa ang pagbukas sara ng pinto. Hindi ako lumingon at nanatiling nakatingin sa mga codes.

"What do you want?" tanong ko ng hindi pa rin lumingon.

Hindi ko alam kung sino ang pumasok. Tsk!

"You." rinig kong sagot nito.

Napalingon ako at nakita ko si Bisugo na nakasandal sa pinto habang nakapamulsa.

Anong ginagawa ng isang 'to rito?

"What are you doing here?" takang tanong ko pa.

Tiningnan niya ako ng blanko at hindi nagsalita. Napabuntong-hininga na lang ako at humarap na lang uli sa laptop.

"Busy pa ako Bisugo kaya hindi pa kita----"

"Tse! Huwag mong dagdagan ang kasalan mo sa akin." pigil niya sa akin.

Kumunot ang noo ko. Kasalanan?

Tsk!

"Wala akong kasalanan----"

"Meron." pigil na naman niya.

Narinig ko pa ang mga yabag niyang papalapit sa gawi ko.

Napabuntong-hininga na lang ako at hindi ito pinansin.

"Bakit magkasama kayo ni Debbien noong nakaraan?" seryusomg tanong pa nito.

Natigilan ako bago lumingon sa kaniya.

Wala akong mababakas sa mata nito. Napangiwi na lang ako.

"Pa'no mo nalamang-----?"

"I have my own ways so don't bother to asked." pigil niya sa akin.

Tumango na lang ako at humarap ulit sa laptop ko.

"Sagutin mo ang tanong ko. Bakit kayo magkasama ni Debbien?" tanong na naman niya.

Tsk!

"I have my own-----"

"Tse! Don't repeat my line, Panget."

"----reason so stop asking." patuloy ko sa sasabihin ko.

Napabuntong-hininga siya bago ulit nagsalita.

"I'm serious, Panget."

"Nagpapatawa ba ako?"

"I said, I'm serious."

"Sabi ko, nagpapatawa ba ako?"

"Namimilosopo ka ba?"

"Tsk! Hindi."

"Then why are you-----"

Inikot ko ang swivel chair ko at humarap sa kaniya.

Mukhang mainit ang ulo ng Bisugo na 'to.

"Tsk! Bakit ka ba nandito?" tanong ko sa kaniya.

Sinamaan niya ako ng tingin habang nakatayo pa rin at nakapamulsa.

"Bakit naman hindi? May kasalanan at utang ka pa sa'kin."

"Utang? Lintik na 'yan! Wala akong utang sa'yo dahil may cards ako." nakangiwing sabi ko.

Pinangkunutan niya ako ng noo.

"Cards?" kunot-noong tanong niya.

"Mmm. Cards. Three credit cards. Two private membership cards. Four ATMs. Two Gold cards.  And three VIP cards." isa-isang sabi ko habang nakatingin sa kaniya.

Napakurapkurap pa ang loko habang nakatingin sa akin. Bahagya pang nakanganga ang bibig niya.

"So, papaanong may utang ako sa'yo?" takang tanong ko pa.

Napaiwas siya ng tingin sabay tikhim bago uli ibinalik ang tingin sa akin.

"Hindi pera ang utang mo sa akin, Panget." nakangiwing anas niya.

Ano?

"Eh, ano?" takang tanong ko.

Lumapit siya sa akin at hinila ako patayo sabay hawak sa beywang ko.

Nailayo ko pa ang mukha ko dahil ang lapit ng mukha ng loko.

"Kiss." Seryusong sagot niya.

Napakurap ako sa sagot niya.

Kiss?

Lintik na 'yan!

Akala ko kung ano na! Kiss lang pala pero...

"Kiss? Utang ba 'yan?" salubong ang kilay na tanong ko.

Pinitik niya ang noo ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Silly girl. Tatlong araw akong walang kiss galing sa'yo. Kaya utang mo 'yon sa akin." sabi niya.

"Lintik! Hindi ko alam na nauutang pala ang kiss." nakangiwing usal ko.

"Ngayon alam mo na, bayaran mo na ako." nakangiting sabi nito.

Sinamaan ko siya ng tingin sabay kalas ng yakap sa kaniya pero ayaw niya akong bitawan.

Naupo pa siya sa swivel chair ko at hinila ako pakandong.

Lintik!

Akmang tatayo ako ng pigilan niya ako.

"Don't move." saad pa nito habang nakatingin sa mata ko.

Napaiwas na lang ako ng tingin. Bakit ba nawawala ang angas ko sa lokong 'to?

Tsk!

"Kissed me now in nine times." Nakangising aniya.

Nine times?

What the heck!?

"Anong nine times?"

"Tse! Tatlong beses sa isang araw. Isa sa umaga, isa sa tanghali, isa sa gabi. Tatlong araw 'yon kaya nine times. Bilis na!" naiinip na sabi niya.

Ay lintik!

Ano bang pumasok sa kukote ng isang 'to?

"Tsk! Tumigil ka nga!" sita ko sabay tayo pero ayaw niya akong pakawalan.

"Ayaw mo?"

"Ayaw ko."

"Sure ka?"

"Mmm."

"Are you sure?"

"Tsk! Paulit-ulit?"

"Sa halik? Sure!"

Nakangising anas nito kaya inambahan ko siya ng suntok na mabilis naman niyang nahawakan ang kamao ko.

"Not so fast, Love. Ako na lang gagawa." mabilis na sabi niya at...

What the heck!?

Hindi ako nakagalaw ng halikan niya ako sa labi. Hinawakan pa niya ang likod at batok ko habang hinahalikan niya ako.

"Kissed me." mahinang bulong niya habang hinahalikan pa rin ako nito.

Napapikit na lang ako at napasabay sa halik niya.

Nakakandong pa rin ako sa kaniya.

Pareho kaming naghahabol ng hininga ng bumitaw kami sa paghahalikan.

"Your lips taste like a strawberry, Love." nakangiting sabi niya.

Napaiwas na lang ako ng tingin. Ramdam ko pa ang malakas na kabog ng dibdib ko.

Ramdam ko pang uminit ang pisngi ko lintik na 'yan!

"Kinikilig ka 'no?" nakangising tanong pa nito.

"Tsk!" singhal ko na ikinatawa niya.

"Akala ko ba hindi kikiligin ang isang Ashi Vhon Acosta Ibañez?" nang-aasar na tanong niya.

Sinamaan ko na lang siya ng tingin sabay tayo.

"Hey! Hindi pa tayo tapos! Kulang pa ng walo----"

"Tumigil ka nga!" sita ko sa kaniya.

Niligpit ko ang laptop at narinig siyang sumipol kaya napapailing na lang ako.

"Date tayo, Love."

"I'm busy."

"Sige na."

"Busy nga ako."

"Dito na lang tayo magdate sa kwarto mo."

Nilingon ko siya.

"Nababaliw ka na ba?"

"Sa'yo? Oo. You always make me crazy, Love."

Napapailing na lang ako at kinuha ang cellphone ko ng mag vibrate ito.

Si Xandra. Nasa bahay sila kanina ni Kyla.

Binasa ko ang text nito bago nagreply.

"Love." tawag ni Bisugo.

"Mmm?"

"Anata wa totemo utsukushii desu." rinig kong sabi nito.

(Translation: You are very beautiful)

Napatingin ako sa kaniya bago kinindatan ito. Napanganga pa siya kaya ngumisi ako.

"Ma-i-inlove ka ba sa akin kung hindi?" tanong ko.

Napalunok pa siya bago tumayo at hinila ako.

"Wuy! Ba't ka ba nanghihila?"

"Let's get married---este lets date." sagot niya sabay hila sa akin palabas ng kwarto.

Anak ng!

Napatingin pa sa amin si Nami habang natatawa at napapailing.

Umangkas siya sa motor ko at pinaandar ito. Inilagay niya sa ulo ko ang helmet.

"Hope in, love." utos niya.

Napatingin pa ako sa paligid bago sumampa sa likod niya.

"Nasaan ang kotse mo?" tanong ko.

"Hindi ako nagdala kanina." sagot niya at pinaharurot paalis ang motor ko.

Napayakap pa ako sa kaniya dahil ang bilis ng loko.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko pa.

"Sa Greenbelt Ayala shopping mall tayo. Maganda roon tapos do'n tayo manood ng sine." sagot nito.

Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan itong mag drive.

Mabuti na lang din na lumabas kami para mabawasan ang pressure ko dahil sa mga problema ko.

Naging busy kami pareho sa mga lumipas na araw.

Tsk!

Pagdating namin ay marami ang tao sa labas at loob ng mall.

May malaking Christmas tree na napalibutan ng mga ilaw sa loob ng mall.

Halata rin ang saya sa mukha ng mga taong nandito.

"Let's eat first." nakangiting saad pa ni Bisugo habang hawak ang kamay kong hinila sa loob ng exclusive restaurant.

There's a lot of restaurants, shops, amenities leisure and entertainment here.

Pinaghila pa niya ako ng upuan bago ito naupo. Lumapit ang waiter.

Siya ang nag-order. Nakatingin lang ako sa kaniya habang nakatingin ito sa menu.

Labas ang dimple sa magkabilang pisngi niya.

He look more handsome.

Tsk!

Nakaka-attract ang dimple niya. Panay pa ang tingin ng waiter na babae sa kaniya.

Psh!

Agad na umalis ang waiter matapos niyang mag-order.

"Anong gusto mong gawin natin pagkatapos kumain?" nakangiting tanong niya.

Mas lalong lumalim ang dimple nito.

"Kahit ano," maikling sagot ko.

"Kahit ano? Hmm... mag shopping tayo----"

"Hindi ako mahilig magshopping."

"Maglilibot na lang tayo sa mall tapos kakain ng ice cream at manood ng sine." nakangiting sabi niya.

Napaisip ako bago tumango. Hanggang sa dumating ang order namin.

Ang dami pa ng in-order nito. Hindi siya nag-order ng pork.

"I didn't ordered pork because I know you don't eat pork." nakangiting sabi nito.

Tumango na lang ako. Nilagyan pa niya ng kanin at ulam ang pinggan ko. Sabay kaming kumain habang tahimik lang.

Napa-angat pa ako ng tingin ng itapat niya ang hawak nitong tinidor na may ulam sa bibig ko.

"Ahh," saad niya.

Napatingin pa ako sa paligid bago tumingin sa kaniya at sinubo ang ulam.

Natawa pa siya habang ang laki ng ngiti nito. Napapatingin pa sa gawi namin ang ibang mga babae dahil sa dimple nitong nakaka-attract.

Tsk!

Nagpatuloy na lang kami sa pagkain habang nag-uusap. Hanggang sa matapos ay lumabas na kami ng restaurant.

Naglilibot kami sa mall at kumain ng ice cream.

Pinagtitinginan pa kami dahil ang lokong Bisugo ay sinubuan ako ng ice cream.

Natatawa na lang ako sa mga pinaggagawa nito.

Noon hindi ko naisip na may ganito pa lang sweet side ang ugok. Bumili pa ng bagong camera ang loko.

"Love, look at me." rinig kong sabi pa nito.

Paglingon ko ay kinukuhanan na pala niya ako ng picture.

"Tama na nga 'yan! Kanina ka pa kumukuha ng litrato, ah!" sita ko sa kaniya.

Tinawanan niya lang ako at hinila papunta sa sinehan.

"Anong gusto mong panoorin natin?" tanong niya habang tiningnan ang mga palabas.

"Kahit ano basta may barilan-----"

"Barilan? Hayst! Love story ang panoorin natin." pigil niya sa akin.

Napangiwi na lang.

"Nagtatanong ka pa kung ikaw rin naman ang masusunod." napapailing na sabi ko pa.

Nginitian niya lang ako at bumili ng ticket.

"Dito ka lang bibili lang ako ng popcorn at milk tea." sabi nito bago pumunta sa bilihin ng mga popcorn.

Tumingin na lang ako sa paligid.

Bigla akong napatingin sa may unahan ng may makita akong mga lalaking nag-uusap.

Napatingin ako sa isang lalaki. Kumunot ang noo ko ng makilala ito.

Anong ginagawa niya rito at nakikipag-usap sa mga 'yan? Halatang mga gangster ang kausap nito.

Nakita ko pang hinila siya ng isang lalaki paalis.

"Ash?" napatingin ako sa gilid ko.

Si Deb.

"Oh?"

"Sinong kasama mo?" tanong pa nito.

"Si Bisugo." maikling sagot ko.

Napatango ito. Napatingin ako sa hawak niya.

Tumunog pa ang cellphone nito na halatang may nag-text.

"Ahh, sa'yo na lang to may pupuntahan pa ako." biglang sabi niya sabay bigay ng bouquet of flowers.

Nginitian pa niya ako bago umalis.
Napatingin ako sa bulaklak.

"Tse! Itapon mo nga 'yan. Mas maganda at mabango 'tong sa'kin." biglang sabi ni Bisugo sabay kuha ng bulaklak at itinapon sa trash can.

Inabot niya ang bulaklak na hawak niya.

It's a roses.

"Roses declared I love you." nakangiting sabi niya.

Napakamot na lang ako ng batok at inamoy ang bulak.

"Thanks." maikling sagot ko

"Anong thanks? Nasaan ang I love you too?" tanong niya.

Nginiwian ko na lang siya at naunang naglakad papasok sa loob ng sine.

Rinig ko pa ang maktol nito kaya natawa na lang ako.

Naupo kami sa upuan at inilapag sa hita ko ang bulaklak.

Isang malaking popcorn lang ang binili niya at isang malaking milk tea na may dalawang straw.

"Share na lang tayo para mas romantic, Love." nakangiting sabi niya.

Napapailing ako at tumingin sa harap. Nagsimula na ang palabas.

Hindi ako mahilig manood
ng love story. Mas gusto ko ang mga barilan, suntukan, rambulan o kahit anong labanan.

Tsk!

************************************

Drixon's Pov.

Nakangiti lang ako habang nakatingin kay Panget. Tahimik na nanonood na lang ito at halatang inaantok siya kahit hindi pa umabot sa climax ang palabas.

Natawa na lang ako.

Halatang hindi siya mahilig sa love story na palabas.

Kumuha ako ng popcorn at sinubuan siya.

Napatingin pa siya sa akin kaya kinindatan ko na lang siya sabay tingin sa palabas.

Marami rin ang nanood na couple. Bukas na rin ang bagong taon.

Bigla akong napatingin kay Panget ng mapansin na nakapikit na ito habang nakasandal.

Napapailing na lang ako.

Hinawakan ko ang ulo niya at isinandal sa dibdib ko. Nakangiting nakatitig lang ako sa kaniya.

Ramdam ko ang saya ko ngayong araw. Nawala lahat ng tampo ko sa kaniya.

Naintindihan ko namang busy siya dahil gano'n din ako. Pero na-miss ko siya kaya pumunta ako sa mansion nila.

Kaya ko siya inaya na mag-date ay para ma relax din siya. Pareho kaming busy at walang time sa date sa mga nakaraang araw.

Ika-apat na beses pa naming date ngayon.

Hinawakan ko ang pisngi niya at iniharap ang mukha niya sa akin.

Ang ganda niya kahit walang make up. Natural lang ang ganda niya.

Hay!

You really owned my heart Panget.

Hinaplos ko ang malambot niyang pisngi. Napatingin pa ako sa labi niya.

Natural na mamula-mula ang labi niya. Nakaka-adik halikan, eh.

Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya at kinintilan siya ng halik sa labi. Napangiti na lang ako ng hindi man lang siya gumalaw.

Hinayaan ko na lang siya matulog at tumingin sa palabas.

***

Nagising ako dahil sa mga boses na narinig ko. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at sumalubong sa akin ang mukha ni Panget.

Nakatulog din pala ako habang nakasandal sa upuan ko. Tulog pa rin si Panget habang nakasandal pa rin sa dibdib ko.

"Ayiiee! Ang sweet nilang tingnan!"

"Kyaahhh! Perfect couple!"

"Ang gwapo ni Kuya!"

"Oo nga, bagay sila ni Ate!"

"Ang cute nilang tingnan!"

Rinig kong bulungan at tilian ng mga babae.

Napa-angat ako ng tingin sa apat na babaeng parang kinikilig na nakatingin sa amin.

"Wahhh! Gising na siya!"

"Ang gwapo talaga!"

"Hi, Kuya!"

"Ang gwapo mo po!"

Nakangiting sabi pa nila. Napakamot na lang ako ng batok at nahihiyang kumaway sa kanila.

Nagtatalon pa silang umalis at lumabas ng sinehan. Napatingin ako sa paligid.

Tapos na pala ang palabas. Wala nang mga tao at tanging kami na lang ni Panget.

Napatingin ako sa kaniya nang gumalaw ito. Nagmulat siya ng mata kaya ngumiti ako.

"You're awake." bulong ko sa kaniya.

"Tapos na ang palabas?" tanong niya habang nagkukusot ng mata.

Cute!

"Mmm. Tayo na lang ang nandito." Sagot ko.

Umalis siya sa pagkakasandal sa dibdib ko at napaunat pa siya.

Natawa na lang ako at pinisil ang pisngi niya.

"Let's go?" yaya ko.

"Mmm." tangong sagot niya.

Inalalayan ko pa siyang tumayo at ako na ang nagdala ng bulaklak na binigay ko sa kaniya.

Magkahawak kamay kaming lumabas ng sinehan. Pagdating sa labas ay madilim na.

"May gusto ka pang puntahan?" tanong ko kay Panget.

"Wala na, uwi na tayo." sagot niya.

Tumango ako.

"Let's have a dinner date first." nakangiting sabi ko.

Tiningnan pa niya ako kaya natawa ako at hinila ito sa restaurant na pinasukan namin kanina.

Kinausap ko ang manager nila kanina para mag-set sila ng dinner-date namin ni Panget.

"Good evening, Sir. Ikaw po ba ang nagpa-set ng dinner date kanina?" tanong pa ng waiter.

"Mmm." tangong sagot ko.

"This way, Sir." nakangiting sabi pa ng waiter.

Sumunod kami ni Panget hanggang sa makarating kami sa table na may mga candles sa gitna.

Pinaghila ko ng upuan si Panget bago naupo sa harap nito.

Sunod-sunod na dumating ang pagkain namin at inilapag ng mga waiter sa table namin.

"Andami naman ata nito. Mauubos ba natin 'yan?" tanong ni Panget.

"Mmm. Kumain ka ng marami, ah. Pansin kung pumayat ka, eh." sabi ko at nilagyan ng kanin ang pinggan niya.

"Tsk! Alangan namang magpataba ako baka palitan mo pa ako." nakangiwing sabi niya.

Natawa naman ako.

"Kahit ikaw pa ang pinaka mataba sa buong Makati hindi kita ipagpapalit sa iba. Gano'n kita ka mahal, Love." nakangiting sabi ko sabay kindat sa kaniya.

Natigilan pa siya at kahit hindi masyadong maliwanag ay kita kong namumula ang pisngi nito.

Mas lalong lumaki ang ngiti ko. Alam kong mas lumalim na ang dimple ko.

"Naks! Namumula ang pisngi ng mahal ko." nang-aasar na sabi ko.

Napa-iwas pa siya ng tingin bago nagsalita.

"Tsk! Kumain ka na nga lang." sabi niya sabay subo sa akin.

Ramdam ko na naman ang kabog ng dibdib ko.

Tumayo ako at hinila ang upuan sa tabi niya. Kinuha ko ang kutsara at tinidor na hawak niya.

"What are you doing?" tanong niya.

"Share na lang tayo." nakangitung sabi ko.

Sumandok ako ng kanin na may ulam at itinapat sa bibig niya.

"H-hey! Maraming nakatingin sa atin, nakakahiya." nahihiyang sabi pa niya.

Tumingin ako sa paligid bago ibinalik ang tingin sa kaniya.

"Just don't mind them." sabi ko at isinubo sa kaniya ang laman ng kutsara.

Sumandok na rin ako at kumain. Tiningnan ko pa siya habang ngumunguya.

"Nagmukha tayong mag-asawa nito, Bisugo." kamot batok na sabi niya.

"Well, it's ok. Magiging Mrs. Chevalier ka lang din naman." nakangiting sabi ko at kinindatan siya.

Napapailing na lang siya at nagpatuloy kami sa pagkain. Naubos namin lahat ang in-order ko.

Nagpahinga pa kami bago lumabas at umuwi.

Nagtatawanan pa kami habang nasa biyahe. Hanggang sa dumating kami sa bahay nila.

Hindi na kami dumaan sa mansion nila. Gusto niyang sa bahay na lang nila.

Napatingin pa ako sa kotse na nasa labas.

Kotse ni Keart at Keith to, ah!

"Mukhang nandito ang mga kaibigan mo." rinig kong sabi ni Panget.

Pumasok kami sa loob at nandito nga ang mga loko.

Nakaupo sila sa sala habang nakatingin sa amin.

"Woah! Saan kayo galing?" tanong pa ni Keart.

"Nag-date." nakangiting sagot ko.

"Yay! Kaya pala hindi pumunta sa tambayan kanina!" sabi pa ni Keart.

"Yeah. Kahapon parang pinagsakbluban ng langit ang mukha, tapos ngayon daig pang naka-score, ah!" nang-aasar na sabi ni Keith.

Binato ko siya ng susi ng motor na agad naman niyang nasalo habang natatawa.

"Eh, kayo? Bakit kayo nandito?" tanong ko sa kanila.

"Niyaya kong kumain sa labas ang girlfriend ko." nakangiting sagot ni Keart.

Psh!

Dumadamoves rin pala ang loko.

"Eh, ikaw?" nanunuksong tanong ko kay Keith.

Napakamot pa siya ng batok sabay tingin kay Xandra bago sumagot.

"Kumain rin kami sa labas." halos pabulong na sagot niya.

Lol!

Nahahalata na ang loko, ah!

"Nanliligaw ka ba sa pinsan ko?" deretsong tanong ni Panget sa kaniya.

Nagkatingin pa silang dalawa ni Xandra habang nanlalaki ang mga mata.

"Hindi, ah!" sabay na tanggi ng dalawa.

Natawa kaming apat sa kanila. Sabay pa silang napaiwas ng tingin.

"Halatain kayong dalawa," napapailing na saad ni Kyla.

Hindi sila umimik kaya nagpaalam na kami sa kanila na umuwi na.

Inasar pa ni Keart si Keith kaya napapailing na lang ako. Kay Keart ako sumabay at nagpahatid sa bahay.

Pagdating ko ay nakita ko sila Mom sa sala. Nagtatawanan silang dalawa ni Dad.

"Ang sweet, ah!" nakangiting sabi ko pa.

Napatingin sila sa akin habang nakangiti. Naupo ako sa katapat na sofa sabay sandal.

"May naalala lang kami ng Daddy mo, anak. By the way, saan ka ba galing?" tanong pa ni Mom.

"On a date with my love." nakangiting sagot ko.

Natawa pa silang dalawa ni Dad. Biglang lumapit si Drixie at naupo sa tabi ko.

"Mukhang si ate Ashi talaga ang makakapag pa ganda ng mood mo, ah!" nanunuksong sabi pa nito. "Kahapon lukot 'yang mukha mo tapos ngayon ang laki ng ngiti. Iba ka na, Nīsan." napapailing na dagdag pa niya.

Natawa na naman sila Dad kaya nagkibit-balikat na lang ako.

"She's my lightening and my life, Imōto." nakangiting sabi ko.

Nginiwian niya lang ako kaya ginulo ko ang buhok niya.

Hinampas pa niya ang kamay ko. Natatawang kiniliti ko siya dahilan para panay ang sigaw nito.

Nakatingin lang sa amin sila Mom and Dad habang nakangiti.

Hanggang sa mapagod ako kakakiliti sa kapatid ko.

"Lumaki na nga ang mga anak natin, hon." rinig kong sabi ni Mom habang yakap ni Dad.

Sus!

Naiinggit ako. Gusto ko rin kayakap si Panget.

Hay!

"By the way, son. We invited the Acosta and Ibañez family to celebrate the new year with us. Pati na rin ang mga magulang ng mga kaibigan mo." biglang sabi pa ni Dad.

Yay!

Napangiti ako dahil sa sinabi ni Dad.

"Really? That's great! Makakasama na naman si Panget bukas." nakangiting sabi ko.

Napapailing na lang si Dad habang natawa si Mom.

"Nasaan pala si lolo?" tanong ko sa kanila.

"Nasa kwarto niya nagpapahinga." sagot ni Mom.

Tumango na lang ako. Hindi namin pinauwi si Lolo sa bahay niya kaya rito na muna siya sa bahay hangga't hindi namin nahuhuli sila Mr. Villarino.

Nagpaalam na lang ako sa kanila at umakyat sa kwarto ko.

Naligo na muna ako bago nagbihis at nahiga sa kama ko.

Kinuha ko ang cellphone ko bago tenext si Panget.

Pagkatapos ay akmang ibaba ko na ng biglang may dumating na message.

Tiningnan ko ito at galing kay Kiana. Naka save pa rin sa phone ko ang number niya.

Nakalimutan kong burahin.

Tse!

Napabuntong-hininga na lang ako matapos basahin ang text niya. Gusto niyang makipag kita sa akin bukas.

Psh!

Hindi na lang ako nagreply at itinabi ang cellphone ko bago umayos ng higa. Niyakap ko si Panda at pumikit hanggang sa makatulog na ako.

****

Kinabukasan ay maaga akong nagising at naligo. Binati ko agad ng maligayang bagong taon si Panget at ang mga kaibigan ko.

Gano'n na rin sila Mom.

Hindi na rin kami pumunta ng HO dahil nando'n naman si Dwayne. Ayaw umuwi ng loko sa bahay ng mga magulang niya.

Wala naman kasi ang magulang niya dahil nasa ibang bansa ang mga ito.

Tumulong na lang ako kela Mom na maghanda para sa dinner celebration mamayang gabi.

Nagpaturo pa ako kay Mom kung paano magbake. Gusto kong matuto para magawan ko ng cake si Panget sa susunod na monthsary namin.

Gusto kong memorable ang bawat monthsary namin.

Kinahapunan ay tumulong ako sa pagluluto ng mga ulam. Marunong akong magluto dahil nagpapaturo ako noon kay Manang at Mom.

Pasado alas-sais na kami natapos sa paghahanda. Agad na akong nag-ayos ng sarili.

Naligo at nagbihis ako. Nagsuot ako ng pormal na damit.

Inayos ko ang buhok ko bago nagpabango.

Nag pogi post pa ako sa harap ng salamin bago lumabas. Pagbaba ko nakabihis na rin sila Mom.

Simple pero pormal ang suot nila. Naka dress si Drixie at Mom. Habang naka pormal sila Dad at Lolo.

Nakaupo lang kami sa sala. Hanggang sa mag alas-syete na ng gabi.

Napatingin pa ako sa pinto ng may mga kotseng dumating.

Tumayo kaming lahat at lumabas. Lumapit kami sa gate at nakita namin ang Acosta at Ibañez family. Pati na rin ang pamilya ng mga kaibigan ko at  magulang ni Bella.

Lumapit sila Mom sa kanila at binati ang mga ito.

"Akemashite omedetou gozaimasu." bati nila Mom.

Lumapit din ako at bumati sa kanila. Inaya sila ni Lolo na pumasok na sa loob.

"Hey!" biglang sabi pa ni Asher.

Ang gwapo niya sa suot nitong pormal suit.

"Hey! Akemashite omedetou gozaimasu." nakangiting bati ko sa kaniya.

"Akemashite omedetou gozaimasu sugiru." balik bati niya.

(Translation: Happy new year, too)

"Asher!" tawag pa ni Drixie sa kaniya. "Happy new year!" nakangiting bati pa niya kay Asher.

Tiningnan siya ni Asher at pormal na binati pabalik.

Natawa na lang ako. Para siyang matanda.

Kinulit pa siya ni Drixie na pumasok sa loob.

Hinintay kong dumating sila Panget. Hanggang sa makita ko ang kotse nila Jiro pati na rin sila Lyle.

Nandito rin pala sila Liam kasama si Ate Zenn.

Lumabas sila at pinagbuksan ng pinto ang mga kasama nila.

Woah!

Ang ganda ni Kyla at Xandra!

"Hey! Happy new year!" nakangiting bati pa nila.

"Happy new year, too!" balik na bati ko.

"Ang pogi natin, ah!" sabi pa ni Lyle.

Tinawanan ko na lang siya. Napatingin ako sa kotse ni Jiro ng may lumabas.

Napanganga ako habang nakatingun sa babaeng lumabas sa kotse ni Jiro.

Parang nag slow motion ang palihid habang nakatingin ako sa kaniya. Ang fierce ng mukha nito.

Nakasuot ito ng kulay pula na dress habang nakatakong at may maliit na bag na nakasabit sa balikat nito.

Nakalugay ang mga buhok habang may ligth makeup.

Gorgeous!

"Cousin, laway mo tumutulo na." bulong ni ate Zenn.

Natauhan ako at napapunas ng labi pero wala namang laway.

Narinig ko ang tawanan nilang lahat kaya napapahiyang napakamot na lang ako sa batok.

"Masyado ka atang nabighani sa ganda ng girlfriend mo, dre." natatawang sabi ni Lyle. bago sila pumasok sa loob.

Tumingin ako kay Panget. Lumapit siya sa akin at halatang hindi comfortable sa suot niya.

Why so gorgeous my love?

Napakagat-labi na lang ako habang nakatingin sa kaniya.

"Akemashite omedetou gozaimasu." nakangiting bati ko.

"Happy new year, too." nakangiting bati niya.

Hinawakan ko siya sa beywang at inilapit sa akin.

"You're so gorgeous, Love." bulong ko sa kaniya sabay halik sa labi niya.

"Hey! Tama na 'yan! Baka iba na kasunod ng halik!" nang-aasar na sigaw ni Keart.

"Loko!" sigaw ko sa kaniya.

Natatawang pumasok siya sa loob kaya inalalayan ko si Panget papasok sa loob.

Napatili pa si Mom ng makita niya si Panget.

"Ang ganda mo, hija!" puri pa nito.

Nahihiyang ngumiti si Panget. Pinaghila ko siya ng upuan at naupo ito. Naupo ako sa tabi niya.

Nakaupo na ang lahat sa mahabang table namin habang kaniya-kaniya ng usap.

"Let's eat while talking." nakangiting saad ni Lolo.

Nilagyan ko ng kanin at ulam ang pinggan ni Panget.

"Ako na." bulong niya sa akin.

"Nope. I'd love to serve you my love." nakangiting bulong ko sa kaniya.

Hindi na lang siya pumalag at nagsimula na kaming lahat na kumain.

Nag-uusap ang mga matanda habang kumakain.

Sila Mom naman ay kausap sila Tita Nami at ang mga Mommy nila Keart.

Nag-uusap rin sila Sila Bella.

Napatingin ako kay Panget. Tahimik na kumakain lang siya. Lumapit ako sa tainga niya at bumulong.

"Eat more." bulong ko.

"Gusto mo talagang patabain ako?" pabulong na tanong niya.

Natawa ako at nilagyan pa ng ulam ang pinggan niya.

"Well, you can say so. Mas maganda kapag mataba kasi ang lambot yakap-yakapin at halikan----aw!" mahinang daing ko ng apakan niya ang paa ko sa ilalim ng mesa.

Napatingin pa sa amin sila Xandra pati sila Mom.

"Are you alright, anak?" tanong pa ni Mom.

"Ah, eh ayos lang ako, Mom." kamot batok na sagot ko.

Tumango na lang si Mom at bumalik na uli sila sa pag-uusap.

Napapailing pa sila Ate Zenn. Tiningnan ko si Panget.

"Bakit mo ako inapakan?" mahinang tanong ko.

"Kung anong pinagsasabi mo, eh." nakangiwing sagot niya.

Natawa na lang ako.

Nagpatuloy sa pagkain ang lahat habang nag-uusap, nagtatawanan, nagkukuwentuhan at minsan nagbibiruan.

Binibiro at inaasar pa kami nila Mom. Natatawa pa sila Tita Nami dahil namumula si Panget.

Napainom pa ng wine si Panget kaya mas lalong nagtawanan ang lahat.

Panay lang ang ngiti at tawa ko sa kaniya. Ang cute niya, eh.

Pfft!

Hanggang sa matapos kaming lahat na kumain. Hindi pa rin tapos sa pagsasaya ang lahat.

Nagpaalam pa sila Keart kasama sila Kyla na lumabas para pumunta sa garden.

Sumama na rin sila Liam at Jiro. Kami na lang ni Panget ang naiwan bukod sa mga magulang namin na panay ang kuwentuhan.

Tumayo ako at nagpaalam sa kanila. Hinila ko si Panget palabas ng dining room.

"Uy! Saan tayo pupunta?" tanong pa nito.

"Doon tayo sa verandah ng kwarto ko." nakangiting sagot ko sa kaniya.

Pumasok kami sa kwarto at pumunta sa verandah.

Sinalubong kami ng malamig na hangin ng makalabas kami ng verandah.

Lumapit kami sa railings at sumandal.

Napatingila pa sa langit si Panget dahil may mga sumisidlak pang mga bituin kahit pasado alas-dies na ng gabi.

"Ang sarap ng hangin dito." saad pa niya sabay tingin sa paligid.

Lumapit ako sa kaniya at inilagay ang magkabilang kamay ko sa gilid niya. Nagmukhang nakayakap ako sa kaniya.

"Mas masarap pa ako." nakangiting bulong ko sa tainga niya.

"Tsk! Tumigil ka nga. Kanina ka pa, ah." sita niya.

Tinawanan ko na lang siya at ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya at tumingin sa langit.

Tahimik na nakatingin lang kami sa mga bituin habang dinama ang lamig ng simoy ng hangin.

Maya-maya ay nagsalita ako.

"Love." tawag ko sa kaniya.

"Hmm?"

"Are you happy?" tanong ko sa kaniya.

Humarap siya sa akin at tumango. Sumandal siya sa railings habang nanataling gano'n ang position ko.

"Oo naman. Bakit ba?" balik tanong niya.

"I'm just asking." nakangiting sabi ko.

Tumango lang siya. Tinitigan ko siya. Ang ganda-ganda niya.

"Love." biglang tawag niya sa akin.

"Yes?" patanong na sagot habang nanatiling nakatitig sa kaniya.

"Can I asked?"

"Sure. What is it?"

Napahinga pa niya bago nagsalita ulit.

"Bukod sa mga sinabi mo dati sa Baguio, ano pa ang dahilan kung bakit ako ang minahal mo?" tanong niya.

Umayos ako ng tayo at sumandal sa tabi niya bago nagsalita.

"Just like what I've said before. You are very different and simple that can caught my attention. My heart beats fast every time I saw you. You make me fall without doing nothing." nakangiting sagot ko sabay tingin sa kaniya.

Hindi siya nakaimik habang nakatingin sa akin.

Napabuntong-hininga pa siya bago uli nagsalita.

"What I mean is hindi ako gano'n kaganda tulad nila Trixie at Kiana-----"

Hinawakan ko ang kamay niya at tinitigan siya sa mata habang nakangiti.

"Love is not about what you see, but rather Love is all about what you feel." mahina at nakangiting sabi ko sa kaniya.

Hindi siya nakapagsalita at nakatingin lang siya sa mata ko. Hinaplos ko ang malambot na pisngi niya.

"Don't ever compared yourself with them. You are more than beautiful and lovely girl in my eyes." pabulong na dagdag ko pa ng hindi inaalis ang tingin sa mata niya.

Bumaba ang tingin ko sa labi niya nang mapakagat-labi siya kaya napalunok ako habang nakatingin sa labi nito.

It's so inevitable!

"Thank you." nakangiting sabi niya.

Napatingin ulit ako sa mata niya.

"Thank you for what?" I asked.

"For everything. For loving me even if-----"

"Shhh!" Pigil ko sa kaniya sabay lapat ng hintuturo ko sa labi niya. "You don't need to thank me, Love." Paos ang boses na sabi ko.

Hinaplos ko ang labi niya gamit ang hintuturo ko habang nakatitig sa kaniya.

"You came into my world and you even lighten up my life. You made me believe that love is not about the beauty and looks. But it is about what you feel inside and how can you feel the warmth of your heart." nakangiting sabi ko.

Napakurap pa siya pero hindi ito gumagalaw. Hinawakan ko siya sa beywang at isinandal sa railings sabay halik sa kaniya.

"And the last but not the least, you drivin' me crazy, love." paos ang boses na bulong ko at hinalikan uli siya.

Ninamnam ko ang labi niya bago iginalaw ang labi ko.

Kinagat ko pa ang pang ibabang labi niya dahilan para bumuka ito kaya mas napangiti ako.

Naramdaman kong napahawak siya sa damit ko habang tinutugunan ang bawat halik ko sa kaniya.

Halos mabaliw ako sa halik niya.

Ang lambot pa ng labi nito at nakaka-adik halikan.

Halos isang minuto kaming naghahalikan at ramdam ko ang saya at pagmamahal sa bawat isa sa amin.

"I love you, Love." nakangiting sabi ko ng bumitaw ako sa halikan namin.

"I love you, too." mahinang sagot niya sabay sandal sa dibdib ko.

Hinubad ko pa ang coat na suot ko at inilagay sa likod niya.

This is the first best new year that I've ever spend with her.

She's my girl, my world, my life, and my wife soon.



To be continued...

A/N: Woah! Nairaos ko rin mga Blueeems!! Hehehe. Hahabaan natin bawat chap para sulit! Hope you enjoy reading!

Don't forget to Vote, comment and follow!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top