chapter 172 "Harang"

Ashi Vhon's Pov.

Pasado alas-dos na ng madaling araw at kakatapos lang ng party. Medyo lasing na ang mga kasamahan namin.

Nandito na kami sa labas ng resto bar habang nagpapa-alam sa isat-isa.

"Hey! Sabay na tayong lahat na umalis!" sigaw pa ni Lyle.

"Geh! Pasok na kayo sa kotse niyo." sabi ni Clark.

Inalalayan ng mga boys na pumasok ang mga babaeng medyo lasing na rin.

"Ingat kayo pauwi," bilin ko sa kanila.

Tumango na lang sila. Sila Lyle ang maghatid kela Bella.

Kanina ko pa rin nararamdaman na may nakamasid sa amin.

Psh!

Pinagbuksan ako ni Bisugo kaya pumasok na ako sa loob. Umikot ito at naupo sa drivers seat.

Napatingin pa ako sa labas ng may makita akong tao sa 'di kalayuan. Nakatago ito sa likod ng puno.

Tsk!

Mukhang iyon din ang taong nakita ko kanina noong mag-usap kami ni Debbien dito sa labas.

"Love? Are you alright?" tanong pa ni Bisugo.

Tumango na lang ako.

Naramdaman ko ring hindi lang ito mag-isa.

"Tara na!" rinig ko pang sigaw ni Keart.

Pinaandar na lang ni Bisugo ang kotse at magkasunod lang kaming lahat patungo sa main road.

Naka motor sila Xandra at Kyla. Hindi naman sila lasing. Mataas ang tolerance nila sa alak gaya ko.

Napatingin ako sa side view mirror. Kunot-noong napatingin ako sa tatlong naka motor.

Mukhang tama ang kutob ko kanina na may nagmamasid sa amin sa resto.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagtext kay Xandra at Kyla.

Nasa unahan sila Lyka at Clark habang kami ni Bisugo ang nasa huli.

Mukhang hindi napansin ng iba pa naming kasamahan ang tatlong motor na nakasunod.

Lintik!

Napatingin ako kay Bisugo ng mapansin kong panay ang tingin niya sa side view mirror.

Napansin niya rin ba ang mga taong sumusunod sa amin?

"Love, may sumusunod sa atin." sabi nito.

Napabuntong-hininga na lang ako.

"Alam ko," kalmadong sagot ko.

Napatingin pa siya sa akin bago ibinalik sa daan ang tingin nito.

"Kanina mo pa napapansin?" takang tanong niya.

"Mmm. Mukhang sila ang nakita ko kanina sa labas ng resto ng mag-usap kami ni Deb." Saad ko.

Hindi siya nagsalita at panay lang ang tingin niya sa side view mirror.

"Wag ka na lang magpahalatang napapansin natin sila." dagdag ko pa.

Tumango lang ito ngunit bigla siyang napreno nang biglang huminto sila Keith sa unahan.

"Shit!?" mura pa ni Bisugo ng muntik ng tumama sa kotse ni Keith ang kotse niya.

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito. Pagtingin ko si Lyka ang nagtext.

"Lintik!" mahinang sabi ko ng mabasa ang text niya.

May humarang sa kanila sa unahan kaya napahinto sila.

Tiningnan ko ang tatlong nakamotor. Hindi na sila tatlo kundi anim na sila.

Mukhang inaabangan nila kami rito.

"May humarang sa unahan." sabi ko pa.

"Damn! Sino ba ang mga 'to?" inis na tanong ni Bisugo.

Tsk!

Binuksan ko ang pinto para sana lalabas pero pinigilan ako ni Bisugo.

"Huwag kang lumabas baka may binabalak sila." seryusong sabi niya.

Tsk!

Napapailing na lang ako bago nagsalita.

"Titingnan ko lang kung anong-----"

"Ahhhh!!!"

Rinig kong sigaw sa unahan kaya napalingon ako sa harap.

Lintik!

"Dito ka lang!" mabilis na bilin ko kay Bisugo.

Mabilis na lumabas ako at hindi pinansin ang pagpigil ni Bisugo sa akin.

Nakita kong lumabas ng kotse sila Jiro at Liam.

"Who are you?" seryusong tanong ni Jiro.

"Huwag ka ng magtanong pa! Nasaan ang kasamahan namin?" seryusong tanong din lalaking may hawak kay Xandra.

May patalim na nakatutok sa gilid nito habang hawak niya sa leeg si Xandra.

Nakatutok naman ang baril ng kasama niya sa sintido ni Kyla.

Naka bonet pa silang lahat habang naka purong itim.

Nice costume.

Tsk!

Nasa dalawampu silang lahat. Lintik na 'yan! May shooting bang gaganapin dito?

"What? Kasamahan niyo?" takang tanong pa ni Liam.

Napahinga na lang ako ng malalim at blankong tiningnan ang lalaki.

"Let them go." walang ganang utos ko habang naka pamulsa.

Nilingon ako ng lalaki at sinamaan ako ng tingin.

"Sino ka para utusan kami?" halatang pigil inis na tanong nito.

"Pagsisihan mo kapag nalaman mo kung sino ako." blankong sagot ko sa kaniya.

Kita ko sa mata niya ang panlilisik dahil sa inis.

Napapailing na lang ako. Nakita kong lihim na lumabas sila Lyka at Clark sa kotse. Habang halatang takot na takot sila Bella na nasa loob ng kotse nila Lyle.

Lumabas na rin sila Brix, Dwayne, Deb, Trixie, Nathan, Firm at Lyle sabay lapit sa amin.

"Tsk! Nagpapatawa ka ba? Baka ikaw ang magsisi kapag gilitan ko 'to ng leeg." halatang nakangising saad nito.

Napakuyom ang kamao ko.

Lintik!

Inaantok pa naman ako tapos umeksina ang mga hinayupak na mga 'to.

Tiningnan ko si Xandra at Kyla wala man lang takot ang mababakas sa mukha nila.

Smirk!

"Eh, 'di gilitan mo baka hindi ka pa nakakilos bagsak ka na sa lupa." balewalang sabi ko.

"Ash!" sita pa ni Jiro sa akin.

Tsk!

Dahan-dahan akong lumapit sa mga hinayupak pero mabilis na kumilos ang mga gago!

"Subukan mong lumapit ng dumanak ang dugo ng dalawang 'to." Banta ng may hawak kay Xandra.

Napahinga ako ng malalim at napapailing.

"Tsk! Bitawan niyo na sila dahil inaantok na ako." malunay na sabi ko sabay talikod.

Napasinghap pa sila Lyle. Halatang hindi nila inaasahan ang sinabi ko.

Tsk!

Sa inaantok ako, eh.

Napahikab pa ako at nag-unat ng katawan.

"Sa tingin mo ba nakikipag biruan kami?" mariing tanong ng lalaki.

Lintik!

May sinabi ba akong nakikipag biruan sila?

"*Hikab* Sa tingin mo ba nakikipag biruan din ako?" balik tanong ko ng nakatalikod pa rin.

Pasimple kong nilingon ang gawi ni Bisugo.

Anak ng!

Salubong ang kilay na tiningnan ko ito habang nakikipag suntukan sa anim na lalaki. Pati na rin sila Keart at Keith na hindi ko namalayang nawala sa tabi namin kanina.

Nalintikan na!

"T*ngina!? Huling tanong! Nasaan ang kasamahan namin?!" naiinip na tanong ng unggoy.

Alam kong sila ang mga taong ilang beses na sumugod sa university.

Ang muntik na sanang bumaril kay dean.

"Bitawan niyo muna ang kasamahan namin bago namin sabihin kung nasaan ang kasama niyo." rinig kong sabi ni Lyle.

"Hindi kami bobo para bitawan ang kasama niyo ng hindi nakikita ang kasama namin!" Inis na sigaw ng lalaki.

Hayst!

Lintik na 'yan!

"Tanga ka ba? Paano niyo makikita, eh nandito tayo sa kalsada?" blankong tanong ko sabay harap sa kanila.

Nanlisik ang mga mata nitong tumingin sa akin.

"T*ngina mo ka!? Kanina ka pa, ah! Ano?! Sasabihin niyo o gilitan ko 'to?!" galit na sigaw nito sabay diin ng patalim sa leeg ni Xandra.

Nagtagis ang bagang ko. Ang tigas ng ulo ng gago!

"Fvck!?" rinig kong sigaw ni Bisugo.

Mabilis na napalingon ako sa gawi nila.

Shit!?

"Ahhhh!!" rinig kong sigaw nila Bella.

"Damn!? Huwag niyo silang galawin!?" galit na sigaw ni Lyle.

Mabilis na lumapit sila Dwayne pero agad na tinutukan nila ng baril sila Bella.

Fvcking asshole!?

"Bitawan niyo sila!?" sigaw ko sa kanila.

Pero hindi sila nakinig.

Tanginis!?

Mabilis na kumilos sila Jiro at hinarap ang mga lalaking may hawak kela Bella.

Lintik!?

Gusto talaga nila ng gulo, ah! Mas lalong napakuyom ang kamao ko at tiningnan sila Xandra at Kyla.

Sininyasan ko sila gamit ang tingin na agad nilang nakuha.

"Nasaan ang kasamahan namin----argghh!!" daing ng lalaking may hawak kay Xandra ng mabilis siniko ni Xandra ang t'yan nito.

Agad na lumapit ako sa gawi ni Kyla at mabilis na sinipa ang kamay ng lalaking may hawak na baril.

"Ulol! Hindi mo pa nakakalabit ang gatilyo bagsak ka na!?" Mariing sabi ko sabay sipa sa dibdib nito dahilan para tumalsik sa kalsada.

Tsk!

Weak!

Nakita kong mabilis na kumilos rin sila Clark at Lyka na nasa likod.

"Ash! Sa likod mo!" sigaw ni Trixie.

Mabilis na umilag ako.

"Lintik!? Sasaksakin mo pa ako, ah!" inis na sigaw ko sabay hawak sa braso nito at pinilipit ko.

Napasigaw pa ito sa sakit kaya hinawakan ko ang batok nito at pinindot ang batok nito dahilan para mahimatay at bumagsak sa sahig.

Tsk!

"Damn!?"

"Deb!" sigaw ni Trixie.

Napatingin ako sa gawi ni Deb. Sinapak siya ng kalaban nito na may hawak na baril.

(0_0)

Anak ng tinapa!

Mabilis na tumakbo ako sabay talon at mabilis na sinipa ang baril nitong nakatutok kay Deb.

"Matuto kayong makipaglaban ng pantay hangal!?" sigaw ko sabay sapak sa mukha nito.

Agad na bumagsak ito sa lupa at nawalan ng malay.

"Thanks, Ash." nakangiting sabi ni Deb.

"Tsk! Papasukin niyo sa kotse ang mga babae! Bilis!" utos ko.

Mabilis itong tumango at hinila si Trixie.

Psh!

Napatingin ako sa paligid. Bakit parang dumami sila?

Nalintikan na! May back up pala ang mga hangal!

Napatingin ako sa gawi nila Jiro. Nakikipag suntukan sila ni Liam sa dalawang malalaki ang katawan.

Nag-aalalang nakatingin pa sa kanila sila Zenn.

*Paakk!

"Liam!" sigaw pa ni Zenn.

"Damnit!? Huwag mong puruhan ang gwapo kong mukha!?" inis na sigaw ni Liam ng sapakin siya sa mukha.

Napapailing na lang ako.

Mabilis na umikot si Jiro at sinipa sa mukha ang kasuntukan nito. Agad naman itong bumagsak sa sahig.

"Ate!!"

Napalingon ako sa gawi nila Kyla dahil sa sigaw nito.

"T*ngina mo ka!? How dare you to hit my beautiful face!?" galit na sigaw ni Lyka.

Mabilis niyang hinampas ng kahoy sa ulo ang lalaki.

Saan niya nakuha ang kahoy?

Tsk!

Nakarinig ako ng sigawan nila Mello. Halatang natatakot ang mga ito.

Tanginis kasing mga hangal na ito. Pasko na pasko umeeksina lintik na 'yan!

"Anak ng tinapa!" bulalas ko sabay ilag sa patalim na hawak ng lalaking sumugod sa akin.

Napatingin ako sa braso ko.

Nadaplisan ako tanginis na 'yan!

"Lintik ka!?" inis na sigaw ko at sinipa ito sa tuhod sabay suntok sa mukha nito.

Napahawak pa siya sa mukha niya pero mabilis na sinipa ko siya sa mukha.

Buti na lang nagbihis ako kanina. Kundi baka nasilipan na ako.

Naramdaman ko pa ang hapdi sa braso ko pero hindi ko na pinansin. Halos bagsak na lahat sa lupa ang mga hangal.

Hinihingal pa sila Lyle.

Tsk!

Hindi man lang ako pinagpawisan lintik na 'yan.

"Fvck!?" rinig kong galit na sigaw ni Bisugo.

Mabilis na napalingon ako sa gawi niya.

"Nasaan ang kasamahan ko?!" mariing tanong ng lalaking kaharap nito.

"Sabihin mo muna kung ano ang binabalak niyo sa lolo ko!?" galit na sigaw ni Bisugo.

Dahan-dahan akong lumapit ng hindi namamalayan ng lalaki.

Nakikipag suntukan pa sila Keith sa isa sa mga naka motor kanina. Bagsak na sa lupa ang apat.

"Hindi ako bobo para sabihin ko sa'yo!?" rinig kong sagot ng lalaki.

Mukhang siya ang leader ng mga hinayupak na mga 'to!

Tsk!

"Then I am not a stupid to tell you where is your friend." mariing sabi ni Bisugo.

Kita ko ang galit sa kilos ng lalaki.

"Fvck you!?" galit na sigaw ng lalaki sabay sugod kay Bisugo.

Hindi agad naka kilos si Bisugo at akmang saksakin niya ito ng mabilis na tumakbo ako sabay hawak ng kamay ng gago.

"Don't you dare to hurt him even to touch him or else you'll be dead." blankong sabi ko at mabilis na pinilipit ang braso niya sabay sipa sa dibdib nito.

Tumalsik siya sa lupa at dinaluhan ng dalawang dumating.

Tsk!

Weak!

"Ayos ka lang ba?" tanong ko kay Bisugo.

Tumango lang siya at sinuri ako ng tingin.

"Fvck!? May daplis ka!" nag-aalalang sabi niya.

"Ayos lang ako malayo 'to sa bituka." sabi ko sabay tingin kela Keart.

Bagsak na sa sahig ang kasuntukan nila.

"Pero----"

"Ahhh!! Bitawan niyo ako!?" rinig kong sigaw ni Stella.

Shit!?

Napatingin ako sa kotse ni Brix. Hinila ng dalawang lalaki si Stella.

"Hoy! B-bitawan niyo siya!!" sigaw pa ni Brix.

Nalintikan na!

Hinila ko si Bisugo at akmang tatakbo ng mapatigil ako dahil sa malamig na bagay na tumusok sa tagiliran ko.

"Ash!" rinig kong sigaw nila Keith.

"At saan kayo pupunta, huh? Nakikialam ka pang babae ka!?" galit na sigaw ng lalaking leader ng mga hangal.

Muntik pa akong matumba nang hilahin ako ng gagong lalaking 'to.

"Panget!" nag-aalalang sigaw pa ni Bisugo.

Nalintikan na!

Bakit parang umikot ang panigin ko?

Shit!

************************************

Drixon's Pov.

"Panget!" nag-aalalang sigaw ko pa ng hilahin nito si Panget.

Napatingin ako sa patalim na katarak sa gilid ni Panget.

Fvck!?

Kumuyom ang kamao ko at ramdam ko ang pag-ahon ng galit sa dibdib ko.

"Panget! Fvck!? Bakit mo siya sinaksak tangna ka!?" galit na sigaw ko habang nanlilisik ang matang nakatingin sa kaniya.

"Nagtatanong ka pa? Lagi na lang nangingialam ang tanginang 'to kaya hindi namin mahuli-huli ang lolo mo!?" mariin at nakangising sabi niya.

"Argghh! Lintik!" mahinang daing ni Panget dahil sa pagdiin niya sa patalim

Fvck!

"Fvck you!? Huwag mo siyang sasaktan gago ka!?" galit na sigaw ko at mabilis na lumapit sa kaniya pero napatigil agad ako.

"Subukan mong lumapit ng kitilin ko ang buhay nitong nobya mo!?" galit na sigaw nito.

Fvck!?

"Try to hurt her and I will bring you to hell." mariing banta ko.

Napatingin ako kay Panget. Kita kong napapikit ito at halatang iniinda ang sakit sa gilid niya.

T*ngina!?

Nakita ko si Keart at Keith na kinakabahan.

"Ash!" rinig ko pang sigaw ni Deb.

Lumapit sila pati na rin sila Jiro at Liam. Kita ko ang pag-aalala sa mukha nila.

"Oh! It seems like ang dami mo pa lang back up!" nang-aasar na sabi pa ng gago.

"Damn you!? Let her go!?" galit na sigaw ni Jiro at akmang lalapit nang idiin niya lalo ang patalim sa gilid ni Panget.

T*ngina!

Ramdam ko ang pag-init ng gilid ng mata ko.

This can't be!

"Bibitawan ko lang siya kung ilalabas niyo ang kasama namin." mriing sabi nito.

Fvck you!?

"T*angna mo!? Paano nila ilalabas kung nandito tayo sa kalsada bobo----argh!!"

"Panget!/Ash!" sabay-sabay na sigaw namin ng sapakin niya sa mukha ni Panget.

Damn!?

"Huwag mo akong galitin babae!?" galit na sigaw nito.

"Huwag mo ring sagarin ang pasensiya ko! Lintik!?" galit na sigaw ni Panget at nagulat kami ng bigla niyang hinugot ang patalim sa gilid niya.

Napatulala ako dahil sa ginawa niya.
Parang wala lang sa kaniya ang paghugot ng patalim sa gilid nito.

Mabilis pa sa isang iglap na sinapak niya sa mukha ang lalaki sabay ikot at tumalon bago sinipa sa dibdib ang lalaki dahilan para tumama ito sa kotse ko.

Halos napanganga kaming lahat maliban kela Xandra, Jiro, Kyla, Clark at Lyka.

P-paano niya nagawa 'yon? May sugat siya tapos----

"Hindi ikaw ang makakapagpatumba sa akin gago ka!?" galit na sigaw ni Panget.

Kita ko ang galit sa mata nito at animo'y inis na inis siya.

Pinulot ko ang baril sa lupa at mabilis na nilapitan ko ang lalaki. Hayop siya! Sinong may sabing pwede niyang saksakin ang pag-aari ko!?

Ramdam ko ang pagtulo ng luha ko dahil sa galit.

"Hayop ka!? Who told you to hurt her!?" galit kong sigaw at pinagsasapak ang mukha nito.

Inapakan ko pa ang dibdib niya sa galit ko. Dumugo pa ang mukha nito pero wala akong paki!

Ginagalit niya ako!?

Akmang sasapakin ko uli ito gamit ang baril na hawak ko ng may sumigaw.

"Pakawalan niyo siya kung ayaw niyong pasabugin ko ang ulo nitong kasama niyo!?" rinig kong sigaw ng isang lalaki.

"Ate Zenn!!" sigaw nila Bella.

Shit!?

Napatingin ako sa lalaki at hawak nito sa si ate Zenn habang nakatutok sa ulo nito ang baril.

Damn!?

Galit na tiningnan ko ang inapakan. Nakangisi lang ito kaya nagtagis ang bagang ko sa inis.

"Bitawan mo siya!" sigaw ni Liam.

"Pakawalan niyo muna ang boss namin." utos nito.

Fvck you!?

Galit na itinayo ko ang boss kuno nila at tinutukan ng baril sa noo.

"Huwag kang magkamaling kumilos kung ayaw mong unahan ko na 'tong boss niyo." blankong saad ko.

Nakita ko pa si Xandra sa likod nito habang may hawak na baril at nakatutok sa kaniya.

"Sinong nag-utos sa inyo na patayin ang lolo ko?" mariing tanong ko sa kaharap ko.

"Bakit ko naman sasabihin?" nakangising balik tanong nito.

*Paaaakk!

Sinapak ko siya sa mukha gamit ang baril.

"T*ngina mo ka!?" galit na sigaw nito pero sinapak ko lang uli siya.

"Shit!? Pakawalan niyo ang boss ko kundi ipuputok ko 'to--------"

*Banggg!

Mabilis na binaril ni Xandra ang baril na hawak nito dahilan para mabitawan niya ito.

Napasigaw pa sa gulat at takot si Ate Zenn.

"Huli ka na gago!?" sigaw ni Xandra.

Bigla kaming nakarinig ng siren ng patrol car ng mga police.

Nakatingin pa rin ako kay Xandra. Hindi man lang ito nahirapan sa ginawa niya.

Asintadong-asintado.

Sino ba talaga sila? Bakit parang ang mga kilos nila ni Panget ay kakaiba?

Ang bilis pa!

"Fvck!?" sigaw ng kaharap ko at hindi ko namalayan ang maliit na patalim na hawak nito at mabilis niya akong niyakap sabay tarak sa likod ko.

Hindi ako nakagalaw sa gulat.

Peste na 'yan!

"Babalikan pa kita! Kayong dalawa!?" galit na bulong pa nito at mabilis na tumakbo paalis kasama ang mga bata nito.

"Bisugo!?" rinig kong sigaw ni Panget bago pa man ako matumba sa sahig.

Peste!

Nakaisa pa ang gagong 'yon!

Humanda talaga sila sa akin mga gago!?

"H-hey! Ayos ka lang?" Hindi mapakaling tanong ni Panget.

Lumapit na rin sila Keart.

"A-ayos lang ako. Malayo 'to sa bituka." mahinang sagot ko pa.

"Lintik! Linya ko 'yan, ah!" mahinang bulong pa nito na ikinatawa ko.

Napangiwi pa ako dahil sumakit ang likod ko.

Tiningnan ko ang tagiliran ni Panget at puro dugo na ang damit niya.

Damnit!?

"Dre, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Keith.

"Mmm. Dalhin niyo sa hospital si Panget." utos ko sa kanila.

"Tsk! Ikaw dapat ang dalhin sa hospital dahil parang panawan ka ng ulirat." saad ni Panget.

"No. Ikaw dapat ang----"

"Tsk! Huwag matigas ang ulo mo, Bisugo. Sige na, dalhin niyo na siya sa hospital." sabi pa nito kela Keart.

Napabuntong-hininga na lang ako.

"Ash! Kailangan mo na ring madala sa hospital. Madami ng dugo ang nawala sa'yo." nag-alalang sabi ni Deb.

"Tsk! Hindi na, ayos lang ako." sagot nito.

Psh!

Ang tigas din ng ulo niya.

"Pero, Ash! Baka mapa'no ka pa kapag----"

"Psh! Hindi pa ako mamatay. Matagal mamatay ang masamang damo." pigil niya kay Deb.

Salubong ang kilay na tiningnan ko ito. Anong pinagsasabi nito?

"Hindi ako magpapadala sa hospital kapag hindi ka sasama sa akin." seryusong sabi ko sa kaniya.

Nilingon niya ako at napabuntong-hininga siya.

Napatingin pa siya sa paligid at gano'n din ako.

Kausap nila Jiro ang mga police. Napatingin ako sa mga kasamahan namin.

Ang kaninang medyo lasing ay biglang nawala at napalitan ng takot.

"Ash, kailangan niyo ng madala sa hospital." Nag-aalalang sabi ni Liam.

Hawak nito si ate Zenn na parang natulala. Halata pa rin ang takot sa mukha nito.

Inalalayan ako nila Keart na makatayo at dinala sa kotse ko. Lumapit pa si Panget kela Jiro at kinausap ito bago lumapit sa kotse ko at pumasok.

"Lyle, dalhin niyo rin sila sa hospital." utos pa nito kela Lyle.

"Don't worry, ako ang bahala sa kanila." sagot nito.

Tumango si Panget at pumasok sa kotse ko. Naupo siya sa tabi ko at si Deb ang nagmaneho ng kotse.

***

Nagising ako dahil sa presensiya na nararamdaman ko. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at sumalubong sa akin ang puting kisame.

"Son? You're awake! Thanks God!" rinig kong sabi ni Mom at lumapit sa akin.

"Mom..." mahinang sabi ko.

Naupo siya sa gilid ko at hinawakan ang kamay ko.

"Ayos ka na ba? Wala ka bang nararamdamang sakit?" Nag-aalaang tanong pa nito.

Umiling ako at dahan-dahang bumangon.

"Be careful, big boy." saad pa ni Mom at inalalayan akong makaupo.

"I'm thirsty," halos paos na sabi ko pa.

Inabutan pa niya ako ng tubig kaya uminom ako. Parang natuyo kasi ang lalamunan ko.

Tse!

Inilibot ko ang paningin ko sa loob. Si Mom lang pala ang nandito.

"Where's Panget, Mom?" I asked.

"Nasa kabilang kwarto siya big boy. Nando'n ang pamilya niya kanina." sagot ni Mom.

"Ayos na ba siya, Mom?" tanong ko pa.

"She's fine now, Son. Nagamot na siya kanina noong dumating kayo rito sa hospital pero hindi pa siya nagising mula ng magamot ito." mahinahong sagot ni Mom.

"I want to see her." sabi ko at akmang baba nang pigilan ako ni Mom.

"Wag na muna anak baka mapa'no ka pa." Nag-aalang sabi niya.

Napabuntong-hininga na lang ako.

Hinawakan ni Mom ang kamay at nag-aalalang tumingin sa akin.

"Nag-alala kami ng sobra kanina ng tawagan kami ni Zenn na nandito kayo sa hospital. Alam na rin namin ng Daddy mo ang nangyari sa inyong lahat." nag-aalalang sabi niya.

Napahinga ako ng malalim bago nagsalita.

"Don't worry, ayos lang naman kami at hindi ako titigil hangga't hindi ko malalaman kung sino ang nag-utos sa mga 'yon, Mom." seryusong sabi ko.

"Son, hayaan na lang natin ang mga police ang hahanap sa kanila. Baka mapahamak lang uli kayo." nag-aalalang sabi niya.

Hayst!

"No, Mom. Wala akong tiwala sa mga police. Baka mapahamak pa si Lolo kapag hindi ako kikilos." seryusong saad ko.

Napabuntong-hininga na lang si Mom.

Ramdam kong kumalam ang t'yan ko. Anong oras na ba?

"What time now, Mom?" tanong ko.

"Pasado alas-dos na ng hapon. Gutom ka ba? Kumain ka na muna." sagot nito.

Alas-dos ng hapon?

Gano'n ba katagal akong tulog?

Tse!

Pesteng mga gagong 'yon kanina. Pati ang mahal ko pinuruhan pa. Pagbabayaran talaga nila ang ginawa nila.

Hinanda ni Mom ang pagkain. Napatingin ako sa pinto ng may kumatok bago ito pumasok.

"Panget!" tawag ko nang pumasok ito.

Halatang kakagising niya lang dahil medyo gulo pa ang buhok niya.

"Ayos ka na ba, hija?" tanong pa ni Mom sa kaniya.

"Ayos lang ho ako, Tita." sagot nito bago lumapit sa akin.

Tiningnan pa niya ako bago naupo sa tabi ko.

"Ayos ka na?" tanong nito.

Nakangiting tumango ako at hinawakan ang kamay niya.

"How about you?" I asked.

"Ayos lang, nakaramdam lang ako ng gutom." sagot niya.

"Sabay na tayong kumain. Kakagising ko lang din naman." sabi ko sa kaniya.

Tumango na lang siya at lumapit si Mom sa amin.

"Kumain ka na lang din, hija." nakangiting sabi ni Mom sabay labag sa hita ko ang tray na may pagkain.

"Salamat ho, Tita." nakangiting pasalamat ni Panget.

"Mmm. Maiwan ko na muna kayong dalawa. Kakausapin ko lang ang Dad mo." paalam nito.

Tumango na lang ako kaya tumalikod na ito at lumabas.

Kinuha ko ang kutsara't tinidor. Nagsandok ako ng kanina at ulam bago itinapat sa bibig ni Panget.

"Ahh," nakangiting sabi ko pa.

Tiningnan pa niya ako bago isinubo ang kutsarang may kanin at ulam.

Sumandok uli ako at kumain. Tinitigan ko lang siya habang kumakain kami.

Bumalik na uli sa dati ang emosiyon ng mukha niya.

Hindi tulad kanina na galit na galit.

"Baka matunaw ako niyan." Biro pa niya na ikinatawa ko.

"Ayos lang as long as akin ka na." nakangiting sabi ko.

Napangiwi na lang siya at napapailing. Sinubuan ko uli siya bago nagsalita.

"By the way, wala na bang masakit sa'yo?" tanong ko.

Umiling siya sabay lunok ng kinain niya.

Nagpatuloy na lang kami sa pagkain hanggang sa matapos. Ako na ang nagligpit ng pinagkainan namin.

Habang siya ay nagbalat ng prutas bago ibinagay sa akin.

Naupo uli ako sa kama at pinagmamasdan ito sa ginagawa niya.

Naalala ko ang bilis niyang kumilos kanina. Bihasang-bihasa rin siya na animo'y sanay na sanay.

Pati rin si Xandra kanina. Hindi ko akalaing magaling siyang gumamit ng baril.

Asintadong-asintado pa kung tumira.

Sino ba talaga silang tatlo? Bakit feeling ko ng mga sandaling 'yon kanina ay hindi namin sila Kilala?

"Hey!" pukaw ni Panget sa akin.

"Ha?"

"Ayos ka lang? Ang lalim ng iniisip mo, ah." sabi pa nito.

Napabuntong-hininga ako at umayos ng upo sa kama. Tinitigan ko siya sa mata.

"Panget,"

"Mmm?"

"May tanong ako."

"Ano?"

Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Sino ba talaga kayong tatlo?" seryusong tanong ko.

Natigilan pa siya bago nagsalita.

"Anong klaseng tanong 'yan?" kunot-noong balik tanong niya.

Napakagat-labi na lang ako.

"Naninibago pa rin ako sa mga kilos niyo. Kahit noon pa man kapag nakita ko kayong nakikipag laban. Feeling ko hindi ko kayo kilala lalo na kanina." mahinahong sabi ko.

Napabuntong-hininga siya at hindi nagsalita. Feeling ko may tinatago sila sa amin.

"Bakit parang bihasa na bihasa kayong tatlo sa labanan?" tanong ko pa.

Tumingin siya sa akin at tinitigan ako ng mabuti. Parang may binabasa siya sa isip ko.

"I should asked you with the same question." seryusong sabi niya.

Natigilan ako at napatitig sa kaniya. Ang seryuso niya masyado kaya napaiwas ako ng tingin.

Para kasing may hinuhukay siya sa akin sa uri ng titig niya.

Napahinga na lang ako ng malalim bago nagsalita.

"Sinabi ko na sa'yo noon na nagpaturo kami ng self-defense." nakaiwas tinging sabi ko pa.

Rinig kong napabuntong-hininga siya.

"Bukod sa self-defense ano pang meron sa inyo?" mahinahong tanong nito.

Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil ito.

"I can't tell it for now. Ang kalagayan ni lolo ang inaalala ko ngayon." sensirong sabi ko sa kaniya.

Napabuntong-hininga siya at tumango kaya ngumiti ako.

Gusto ko rin na ma protektahan kita Panget.

Sana maintindihan mo kapag sasabihin ko na sa'yo ang totoo.

Hayst!

"How about yours?" mahinahong tanong ko sa kaniya.

"Natural na sa pamilya namin ang marunong sa pakikipaglaban. Bata pa lang kami ay tinuturuan na kami kung paano lumaban at gumamit ng kahit anong weapon." kaswal na saad niya.

Napatangu-tango ako dahil sa sinabi niya.

"Eh, ano 'yong sinasabi nilang responsibilidad niyo sa pamilya niyo?" Tanong ko uli.

"Mahabang kuwento kung sasabihin ko pa."

"Eh, 'di ikliin mo." sabi ko.

Napapailing na lang siya sabay tayo at kumuha ng tubig bago uminom.

"May responsibilidad kami ni Xandra sa pamilya namin. Ipinanganak na kaming may nag-aabang na trabaho sa'min bilang panganay na anak sa pamilya." paliwanag niya.

Nakinig ako ng mabuti sa mga sinasabi nito.

"Hindi lang pamilya ang protektahan namin kundi pati ang mga taong inosente at nangangailangan ng proteksiyon namin." dagdag pa nito.

Pati mga inosente at nangangailangan ng tulong?

Bakit? Sino ba sila?

"Iba ang sektor na kinabibilangan namin, Bisugo." patuloy pa nito.

Napatingin pa siya ng seryuso sa akin habang sinasabi ang salitang 'iba ang sektor' nila.

Anong ibig niyang sabihin? Bakit parang... parang may katulad sa----

"What do you mean by other sector?" takang tanong ko pa.

Napahinga siya ng malalim at naupo uli sa tabi ko.

"Hindi ko pa masasabi sa'yo sa ngayon." sagot niya.

Napabuntong-hininga na lang ako.

"I understand, Love. Basta, ingatan mo lagi ang sarili mo. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa'yo." mahinahong sabi ko sa kaniya sabay hawak sa pisngi nito.

"Tsk! Ikaw ang mag-ingat baka kahit saang lumalop pa ng mundo ang taong kumanti sa'yo ay susundan ko." walang ganang sabi niya.

Napangiti ako dahil sa sinabi nito. Niyakap ko na lang siya at hinalikan sa noo.

"Don't worry, I'll take care of myself for you." saad ko pa.

"Tsk! Dapat lang." mahinang usal nito.

"Syempre, gusto ko pang magkalahi sa'yo----aw! Biro nga lang, eh." natatawang sabi ko pa ng pisilin niya ang sugat sa lokod ko.

Ang brutal talaga ng mahal ko.

Pfft!

"Tumigil ka, ah. Hindi ka pa nga nakapag kolehiyo ganiyan na iniisp mo? Lintik na 'yan." napapailing na sabi niya sabay kalas ng yakap sa akin.

"Don't worry about it, Love. Kaya kitang buhayin kahit hindi pa ako nakapagtapos. Kahit isang dosena pa anak natin----hey! Aw!" natatawng daing ko pa.

Nakangiwing tumayo siya at lumapit sa pinto.

"Magpahinga ka na muna. Kakausapin ko lang sila Dad." huling sabi pa nito bago tuluyang lumabas ng pinto.

Natatawang humiga na lang ako sa kama.

Sumakit pa ang sugat sa likod ko pero hindi ko na ito pinansin pa.

Tse!

****

Kinabukasan

Nagpupumilit akong lumabas na ng hospital dahil ayos naman na ako. Hindi naman kasi masyadong malalim ang sugat sa likod ko.

Ayaw pa pumayag nila Mom and Dad pero pinilit ko sila. Kaya sa huli ay pumayag na lang sila.

"Son, hindi pa gumaling ang sugat mo." Nag-aalalang sabi pa ni Dad habang palabas kami ng warto ko.

"Dad, I'm fine. Hindi naman malalim ang sugat ko kaya ayos lang." sagot ko pa.

Napabuntong-hininga na lang silang dalawa ni Mom.

Wala si Drixie dahil naiwan ito sa bahay kasama si Manang.

Napatingin ako sa kabilang kwarto. Nakita ko ang pamilya ni Panget na nag-uusap. Nando'n din si Lolo.

Napatingin pa sila sa amin kaya lumapit kami.

"Good morning po," magalang na sabi ko pa sabay yuko.

Tinaguan lang nila ako.

"Lalabas ka ng hospital, hijo?" tanong pa ni Doña Acosta.

Tumango ako.

"Nagpupumilit siyang ma discharge kaya pinayagan na lang namin." magalang na sagot ni Dad.

Tumingin ako sa kwarto ni Panget ng bumukas ang pinto.

Lumabas si Panget ng nakabihis na. Napatingin pa siya sa akin bago lumapit.

"Lalabas ka na rin?" tanong ko sa kaniya.

"Mmm. May kailangan pa akong gawin kaya hindi ako pwedeng magtagal dito sa hospital." sagot niya.

Napatango ako pero nag-aalala pa rin ako. Medyo malim ang sugat niya dahil sa pagdiin ng gagong 'yon kahapon sa patalim sa gilid nito.

"Sigurado ka bang ayos ka na?" paninigurado ko pa.

Tumango lang siya sabay tingin sa pamilya niya.

"Hija, pasensiya ka na kung pati kayo nadamay dahil sa akin." biglang sabi pa ni Lolo.

Nilingon siya ni Panget at tumango.

"Ayos lang ho, Dean. Wala kayong dapat ihingi ng pasensiya. Huwag kayong mag-aalala, tutulong kami sa paghahanap sa taong nagbabalak ng masama sa inyo." pormal na sabi ni Panget.

Agad namang umalma si lolo.

"Salamat na lang, hija. Ang mga police na lang ang bahalang maghanap sa kanila. Baka mapa'no pa kayo." pigil ni lolo sa kaniya.

Napatingin kami kay Grandmaster ng magsalita ito.

"Sa panahon ngayon hindi dapat na iasa na lang natin sa mga police ang mga nangyayari, Judge Chevalier. We should stand with our own to protect ourselves and family." pormal na sabi nito.

Napabuntong-hininga pa si lolo at hindi nakapagsalita.

"Don't worry Judge Chevalier, we can help you with this matter." sabi pa ng Daddy ni Panget.

"But how about my family?" nag-aalalang tanong pa ni Lolo.

Napabuntong-hininga na lang ako.

Napatingin pa sa akin si Grandmaster pati na rin si Don Acosta at ang Daddy ni Panget.

Napalunok pa ako dahil ang seryuso nilang nakatingin sa akin. Ramdam kong may kakaiba sa mga tingin nila.

"Your grandson can protect your entire family, Judge Chevalier." seryusong sabi ni Grandmaster.

Hindi niya inaalis sa akin ang tingin nito kaya napaiwas ako ng tingin.

Bakit parang ang weird nila kung makatingin sa akin?

May alam ba sila?

Tiningnan ko si Panget. Nakatingin pala siya sa akin habang bahagyang salubong ang kilay.

*Lunok

"But he don't know----"

"Just trust him. He born to become a protector and warrior of your family." Pigil ni Grandmaster sa kaniya.

Napatingin pa sila Dad sa akin habang nagtataka. Hindi na lang ako nagsalita pa.

"H-how can you say so?" naguguluhang tanong pa ni Dad.

Tumingin sa akin si Don Adolfo bago nagsalita.

"What is your Japanese name?" tanong nito sa akin.

"Takeo Tomi Tadashi," magalang na sagot ko kahit nagtataka kung bakit niya natanong.

"Takeo Tomi Tadashi means warrior, rich, wealthy, red, correct, righteous and loyal." saad pa ni Panget.

Napalingon ako sa kaniya. Paano niya nalamang iyon ang meaning ng Japanese name ko?

Tanging kami lang ang nakakalam nila Lyle dahil isa kaming-----

*Lunok

Hindi man lang kumukurap na nakatingin sa akin si Panget.

Kusang nag-iwas na lang ako ng tingin.

Hindi nakapagsalita sila lolo at halata ang lito sa kanila.

Hanggang sa binasag ni Mom ang katahimikan. Nag-usap silang lahat habang hinila naman ako ni Panget paalis.

Bumaba kami sa ground floor at pumunta sa parking lot.

Huminto kami sa motor niya. Nauna siyang sumampa at nagsuot ng helmet.

"Hop in." Utos niya sa akin sabay bigay ng helmet.

Napakamot na lang ako at isinuot ang helmet bago sumampa sa likod niya.

"Saan tayo pupunta?" takang tanong ko pa.

"Just hold on." utos niya uli sabay paandar ng motor at napayakap ako sa kaniya dahil sa bilis niyang magpatakbo.

Dinaig niya pa ako sa pagiging racer king, ah!

Bigla akong napangisi ng may maisip ako.

Ipinatong ko sa balikat niya ang baba ko at bumulong.

"Love, if you want my hug just asked me and I'll hug you. Hindi 'yong idaan mo sa bilis ng takbo ng motor mo para mapayakap ako sa'yo." nakangiting bulong ko sa kaniya.

"Tsk! Stop flirting with me, Bisugo."

"Tse! It's Love not Bisugo."

"Psh! Tumahimik ka."

"Ayaw ko nga,"

"Gusto mo ihulog kita?"

"Sasaluhin mo ba ako?"

"Lintik! Bakit naman kita sasaluhin?"

"Ayaw mong masaktan ako, right?"

"And?"

"So, you should catch me if you make me fall. By the way, no need to make me fall 'cause I'm already falling inlove with you." nakangiting banat at bulong ko sa kaniya.

"Tsk!" singhal niya at hindi umimik.

Mas lumaki ang ngiti ko at yumakap lalo sa kaniya. Hindi naman siya pumalag.

Alam kong labas na naman ang malalim na dimple ko dahil sa laki nh ngiti ko.

Hay!

Pakiramdam ko nakalutang ako sa ulap sa mga sandaling ito. Nawala na in sa isip ko ang mga nangyayari kahapon.

She driven' me crazy.


To be continued...

A/N: Naks! Kahit kakagaling lang sa bakbakan bumabanat pa rin ang lolo niyo! Naol! Ikaw na nagbabasa nito may bumabanat ba sa'yo? 
Wala 'no? Huwag kabg nag-alala hindi ka nag-iisa.😉 Lol!

Don't forget to Vote, comment and follow!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top