chapter 170 "First Monthsarry"
Ashi Vhon's Pov.
Kumakain na kami ni Bisugo ngayon sa loob ng kotse niya. After what happened a while ago ay inaya ko siyang sa kotse na lang kumain.
Hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan ang sarili ko.
Wala man lang akong pag-alinlangan sa paghalik sa kaniya kanina. Ang nasa isip ko lang ay mapasaya siya.
He've done alot for me. And I just want to make him happy.
Tsk!
Actually, sa tatlong linggo na namalagi ako rito sa Baguio ay naiisip ko rin si Bisugo.
I miss him lalo na ang prisensiya niya. Mukhang nasanay ako na lagi siyang kasama sa university.
Minsan ko rin siyang napapaginipan.
Hayst!
Maybe, I'm into him now.
"Love," natigilan na naman ako dahil sa tawag niya sa akin.
I feel my heart beat.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Nakatapat sa bibig ko ang hawak niyang barbeque na hita ng manok.
"Ahh," nakangiting sabi niya.
Ngumanga ako at isinubo naman niya ito sa akin. Kumagat ako at kumain. Nakangiting kumagat din siya habang nakatingin sa akin.
Nailang ako kaya nag-iwas ako ng tingin.
"K-kumain ka nga ng maayos hindi 'yong panay ang titig sa akin." nakaiwas tinging sabi ko pa.
Rinig ko ang mahinang tawa niya at mas lumapit sa akin.
"You can't blame me for staring at you. You're so attractive in my eyes, Love." malambing ang boses na sabi niya.
Bigla akong nasamid sa kinakain ko buti na lang inabutan niya agad ako ng tubig.
"Hey! Dahan-dahan lang sa pagkain. Gusto mo nguyain ko para sa'yo?" nakangiting tanong niya.
Mabilis na binatukan ko siya dahilan para mapalayo siya sa akin.
"Tumigil ka nga!" sita ko sa kaniya.
Ramdam kong uminit na naman ang pisngi ko.
Lintik!
Kanina pa siya bumabanat noong nasa farm pa kami.
Natatawang napahimas na lang siya sa batok niya.
Inubos ko ang hawak kong isaw. Hanggang sa matapos kaming kumain.
"Love, saan mo pa gustong pumunta?" nakangiting tanong niya.
Napaisip ako. Marami pang mga magagandang puntahan rito sa Baguio pero medyo pagod na ako ngayon.
Ang laki ng farm kanina na halos ikutin namin ni Bisugo kanina.
"Uwi na muna tayo. Medyo pagod na ako, roon na lang tayo sa tambayan." sagot ko sa kaniya.
"Are you sure?"
"Mmm."
"Ok. Let's go." nakangiting sabi niya.
Imayos ako ng upo at ikinabit ang seatbelt ko. Pinaandar niya ang kotse at tinahak ang daan pauwi.
Pasado alas-dose pa naman ng tanghali.
Tahimik lang kmaing dalawa hanggang sa makauwi sa bahay.
Nakangiting sinalubong pa kami nila Tita at Tito.
"Oh? Ang aga niyong umuwi, ah?" tanong ni Tito.
"Ah, medyo napagod si Panget sa kakalakad namin sa farm kanina, Tito. Doon na lang kami sa tambayan niya." Nakangiting sabi ni Bisugo.
Napatango si Tito habang si Tita naman ay inutusan ang katulong na bigyan kami ng makakain namin mamaya.
"By the way, tumawag ang Daddy mo kanina, Ash. Kinamusta niya si Drix but don't worry hindi ko sinabing nandito ka," nakangiting sabi pa ni Tito.
Tumango na lang ako.
"Oh siya, heto ang pagkain. Kainin niyo 'yan mamaya sa tambayan niyo, Ash." nakangiting sabi pa ni Tita.
Inabot ko ang basket na agad namang kinuha ni Bisugo sa akin.
"Ako na magdala. Salamat nito, Tita." nakangiting sabi niya.
Tumango na lang si Tita. Umakyat ako sa kwarto ko para kunin ang flute at guitarata.
Kumuha rin ako ng katamtamang kumot.
Gusto kong matulog sa tamabayan mamaya.
Agad na akong lumabas at naabutan ko sa labas ng pinto si Bisugo.
"Let's go?" yaya niya.
Tumango na lang ako at sabay kaming nagtungo sa tambayan ko.
Pagdating namin ay agad na akong naupo.
Itinabi niya ang basket at umupo sa tabi ko.
"I didn't thought before that you know how to play a guitar and this." sabi niya sabay turo sa flute
"Well, I know alot of things that you didn't know." sabi ko.
Kinuha niya ang guitara sabay tingin sa akin.
"Well, marami rin akong alam gawin na hindi mo alam." matamis ang ngiting sabi niya.
Nagkibit-balikat na lang ako at umayos ng upo habang nakatingin sa magandang tanawin.
Napatigil lang ako ng biglang nangguitara si Bisugo.
Napatingin ako sa kaniya. Nakangiting nakatingin lang siya sa akin.
Napatingin ako sa kamay niyang minamani-obra ang paggalaw sa mga string ng guitara.
Pamilyar ako sa tinutugtog nito.
Ikaw by Yeng Constantino ang tinugtog niya.
Nakatingin lang ako sa kaniya at gano'n rin siya.
"I can play guitar, piano, flute and also can sing for you." nakangiting sabi niya.
Napalunok ako.
Ang lambing ng boses niya habang nakatitig sa akin.
Tiningnan pa niya ang guitara bago uli tumingin sa akin at sinimulang kumanta.
"🎶 Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw ang iniisip-isip ko, Hindi ko mahinto pintig ng puso, ikaw ang pinangarapngarap ko, simula ng matanto na balang araw iibig ang puso...🎶"
Parang hinaplos ang puso ko dahil sa boses niya.
Kuhang-kuha niya ang tuno ng kanta. Bagay na bagay sa boses niya ang kantang kinanta nito.
"🎶Ikaw ang pag-ibig na hinintay, puso ay nalumbay ng kay tagal ngunit ngayo'y nandito nandito na ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay sa akin ng may kapal biyaya ka sa buhay ko, ligaya't pag-ibig ko'y ikaw...🎶"
Patuloy niya sa pagkanta habang malamlam ang mga matang nakatitig sa mata ko.
Parang gusto niyang ipabatid sa akin ang bawat liriko ng kanta.
Hindi ko maalis ang paningin ko sa kaniya. Para bang hinihila ang paningin ko papunta sa kaniya.
Parang magnet na ayaw humiwalay ang paningin ko sa mata nito.
Matamis ang ngiting kumanta uli ito.
"🎶Humihinto sa bawat oras ng tagpo, ang pag-ikot ng mundo, ngumingiti ng kusa aking puso pagka't nasagot na ang tanong nag-aalala noon kung may magmamahal sa'kin ng tunay...🎶"
Bigla kong naalala ang sinabi niya noon.
Kung may magmamahal sa kaniya ng tunay. Kung may taong mamahalin siya tulad ng nararamdaman niya.
Parang feeling ko ay ako ang taong ipinapahiwatig niya sa linyang 'nasagot na ang tanong na nag-aalala noon kung may magmamahal sa'kin ng tunay.'
Napakurapkurap pa ako habang dinama ang bawat liriko ng kanta.
"🎶Ikaw ang pag-ibig na hinintay, puso ay nalumbay ng kay tagal ngunit ngayo'y nandito nandito na ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay sa akin ng may kapal biyaya ka sa buhay ko, ligaya't pag-ibig ko'y ikaw...🎶"
Napapikit na lang ako habang dinama ang boses niya. Nakakagaan ng loob ang boses niya lalo na ang liriko ng kanta.
Feeling ko tugma rin sa kanta ang nararamdaman ko ngayon.
Siguro nga, natagpuan ko na ang taong para sa akin.
Ang taong magmamahal rin sa akin. Ang ibinigay ng may kapal para sa akin.
Na nandito na siya sa harapan ko ngayon.
Tsk!
"🎶At hindi pa 'ko umibig ng ganito at nasa isip makasama ka habang buhay...🎶"
Ang mga nararamdamam ko kapag kasama siya ay hindi ko naramdaman dati kay Debbien.
Ang ganitong pakiramdam ay hindi ko pa naranasan dati. Dahil alam kong magkaiba ang naramdaman ko noon sa ngayon.
Napamulat ako ng mata at tumitig sa kaniya.
Kailan pa kita hinayaang matutunang pasukin ang buhay ko, Bisugo?
"🎶Ikaw ang pag-ibig na hinintay, puso ay nalumbay ng kay tagal ngunit ngayo'y nandito nandito na ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay sa akin ng may kapal biyaya ka sa buhay ko, ligaya't pag-ibig ko'y ikaw...🎶"
Kailan mo pa pinasok ang buhay ko? Ginulo ang buhay at isip ko? Kailan mo pa pinasok ang puso ko?
Parang rumagasa ang saya sa puso ko sa mga sandaling ito.
Wala akong ibang naramdaman at naisip kundi ang sayang ngayon ko lang naramdaman.
Untill I didn't notice that I'm smiling back at him while singing with him.
"🎶Ikaw ang pag-ibig na hinintay, puso ay nalumbay ng kay tagal ngunit ngayo'y nandito nandito na ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay sa akin ng may kapal biyaya ka sa buhay ko, ligaya't pag-ibig ko'y ikaw...🎶"
"🎶Pag-ibig ko'y ikaw...🎶"
Sabay na kanta naming dalawa sa huling linya ng kanta.
Rinig na rinig ko ang malakad na kabog ng dibdib ko.
Ngayon ko lang na realize na siya pala ang taong inilaan ng may kapal para sa akin.
"I love you. Ikaw ang matagal ko ng hinihintay, Love. Finally, I found you." nakangiting sabi niya matapos tapusin ang pagguitara.
Itinabi niya ito at hinila ako sabay yakap.
"Bakit ngayon lang kita natagpuan?" I asked out of nowhere.
Bigla itong natigilan habang yakap pa rin ako.
"Bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko, Bisugo?" tanong ko at niyakap siya pabalik.
Ramdan kong hinalikan niya ang tutok ng ulo ko at hinaplos ang buhok ko.
Napapikit ako sa sarap sa pakiradam ng ganito.
Rinig ko pa ang malakas na tibok ng puso niya.
"Ako dapat ang magtanong niyan, Panget. Bakit ngayon ka lang dumating sa buhay? Kung napaaga pa sana ay hindi ko maranasang masaktan at lokohin." mahinang bulong niya.
Hindi ako nakapagsalita at nakasubsob lang ang mukha ko sa dibdib niya.
"Kung maaga lang sana kitang natagpuan ay matagal na sanang may tayo." mahina ang boses niyang sabi.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Kita ko ang saya sa mukha niya.
"Maybe sinadya ng tadhana. Kung anuman ang naranasan mo at naranasan ko bago tayo nagkakilala. Maybe, paraan lang iyon para magkita tayong dalawa." malamyos ang tinig na sabi ko sa kaniya.
Ngumiti siya sabay kalas ng yakap at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
"Our past lead us to meet and to face the present together." dagdag ko pa.
Napangiti siya sabay pisil ng pisngi ko.
"Maybe, you're right, Love." nakangiting sabi nito bago hinalikan ang noo ko.
Sumandal ako sa dibdib nito at ipinikit ang mga mata ko.
"Bisugo,"
"Mmm?"
"May tanong ako."
"What is it?"
"Bakit ako ang nagustuhan mo?"
Natigilang ito.
"It is because you're different from others. You're so cool that can caught my attention without doing anything."
"Yon lang?"
"Nope. There's more."
"Ano?"
"I like you 'cause my heart's beats because of you."
"Then I like you, too."
Mahinang bulong ko habang nakapikit. Naramdaman kong natigilan ito at hindi nakagalaw dahil sa sinabi ko.
************************************
Lyle's Pov.
Nandito kami nila Keith sa tambayan namin. Kanina pa kami rito dahil may ginagawa kaming apat.
Lokong Drix iniwan lang kami at pumunta ng Baguio.
Tsk!
Pag-ibig nga naman.
Pasado alas-dose na rin ng tanghali at katatapos lang naming naglunch.
"Hey!" tapik ni Dwayne sa balikat ko.
"Ayaw pa rin ba magsalita ng bihag?" tanong ko sa kaniya.
Napabuntong-hininga siya at umiling.
"Kahit ata bugbugin ang loko ay hindi pa rin magsasalita, eh." nakangiwing sabi ni Keart at naupo sa kaharap na sofa.
Napabuntong-hininga pa si Keith sabay ligpit ng laptop niya.
"Mukhang no choice tayo kundi sundin ang sinabi ni Drix." sabi pa nito.
Napatingin ako kay Dwayne.
"Sigurado ka ba sa nakuha mong info tungkol sa pamilya ng bihag?" tanong ko sa kaniya.
Napaismid ito bago nagsalita.
"Kailan pa ba ako pumaltos sa trabaho ko?" nakangiwing balik tanong niya.
Napapailing na lang ako sabay sandal sa sofa.
"Then there's no other ways to make him confess. Let's use her family just like what Drix told us to do so." sabi ko.
Tumango na lang sila.
Ang tigas kasing paaminin ng loko. Inaasar pa kami buti na lang hindi namin pinairal ang inis sa lokong 'yon.
"By the way, nakatanggap ako ng message from the cops." sabi ni Dwayne.
Napatingin kaming lahat sa kaniya. Ipinakita niya sa amin ang message bago inilapag ang cellphone niya sa mini table.
Mukhang magiging busy kami sa mga araw na darating, ah.
Tsk!
"Kailan daw?" tanong ni Keith.
Kinuha ko ang cellphone ko at nagtext kay Drix para ipaalam ang nalaman namin.
"I don't know. Maybe pagkatapos ng Christmas eve ay tatawagan nila tayo to go there." sagot ni Dwayne.
Tumango na lang ang magpinsan habang nakasandal sa sofa.
"Ano naman kaya ang gagawin natin?" tanong pa ni Keart.
"I don't know either." malumay na sagot ni Keith.
Tsk!
"Oo nga pala, nasaan ang loko?" takang tanong ni Dwayne.
Tinutukoy niya si Drix.
"Well, he's been in Baguio right now." sagot ko pa.
Napatingin silang tatlo sa akin. Hindi ko nasabi sa kanila kagabi na nasa Baguio si Drix ng tumawag ako sa kaniya.
Akala ko kung ano ang ginagawa niya roon. Yun pala pinuntahan niya ang taong gumulo sa isip at puso ng loko.
Psh!
"Paanong nasa Baguio siya?" takang tanong ni Keith.
"Malamang pumunta siya roon ng naka kotse, dre." pambabara pa ni Keart sa kaniya.
Binatukan lang siya ni Keith kaya napadaing ito.
Hayst!
"I don't know either. Kagabi ng tumawag ako sa kaniya ay tinanong ko siya kung bakit hindi siya pumunta rito kahapon. Ang sagot niya ay nasa Baguio siya." paliwanag ko pa.
"Anong ginagawa niya ro'n?" tanong pa ni Dwayne.
Tiningnan ko ang magpinsan bago nagsalita.
"Pinuntahan niya ang girlfriend niya." balewalang sagot ko pa.
Napa 'woah' ang tatlo kaya napapailing na lang ako.
"Putcha! Kakaiba talaga magmahal ang isang 'yon." nakangiwing sabi pa ni Keart.
"Iba ang nagagawa ng pag-ibig sa kaibigan natin." natatawang sabi pa ni Keith.
"Lol! Hindi naman gano'n magnahal dati ang isang Drixon Chevalier, ah!" nakagising sabi ni Dwayne.
Napangiwi na lang ako at natawa.
"Sa tinamaan ni kupido ang loko, eh. Hindi ata mabubuhay ang loko kapag nawala lang ng isang buwan ang Ashi ng buhay niya." natatawang sabi ko pa.
Nagtawanan na lang kaming apat. Pinag-uusapan rin namin ang tungkol sa mga taong may binabalak na masama sa Lolo ni Drix.
Matapos naming mag-usap ay nagtungo kaming apat sa resto bar. Nando'n sila Bella para tulungan sila Xandra.
Pagdating namin ay nakita namin silang busy sa pag serve sa mga customers.
Next day na ang Christmas at nakausap na rin namin ang may-ari ng bar na rentahan namin ito ng isang araw at gabi para sa gaganaping party naming lahat.
"Uy! Nandito na sila Lyle!" rinig ko pang sigaw ni Theresa.
Naupo kami sa sofa na lagi naming tinambayan kapag nandito kaming lahat.
"Oh? Aga niyong naparito, ah?" tanong pa ni Bella.
"We just want to help para maging sulit ang araw niyo rito." natawang sabi ko pa.
Tumango na lang ito.
Binigyan kami ni Stella ng tig-iisang apron kaya isinuot na lang namin ito.
"Woah! Dadami lalo ang customers natin ngayon dahil sa apat na 'to!" natatawang sabi ni Mina.
Kilala na namin sila at malapit na rin kami sa kanilang dalawa ni Joyce.
"Sus! Ayaw mo pa nun marami ang kikitain niyo ngayong araw." biro pa ni Keart.
Natawa na lang sila.
"Oh siya! May discount kayo sa pagrenta ng resto bar sa Christmas." nakangiting sabi ni Joyce.
Naghiyawan kami dahil sa sinabi ni Joyce.
"Yun, oh!" bulalas ni Dwayne.
"Nice!" sabi ni Keith.
"Makakatipid tayo!" sabi pa ni Stella.
"Oo nga, pwede kalahati ng rent ang discount?" tanong pa ni Theresa.
Agad na binatukan siya ni Mello.
"Girl! 'Wag kang abusado! May discount na nga, eh! Pero mas maganda kung libre na lang ang mga drinks!" nakangiting sabi ni Mello.
Sabay-sabay na binatukan siya nila Mina at Joyce.
"Nanita ka pa, eh pareho lang kayong dalawa!" napapailing na sabi ni Joyce sa kaniya.
Napakamot na lang si Mello.
Nagtawanan na lang kaming lahat.
"Wuy! Serve na para malaki ang kitain natin!" sabi pa ni Xandra.
"Oh, heto na! Serve niyo ro'n!" sabi pa ni Kyla sabay bigay ng mga orders.
Napakamot na lang kami at kinuha ito bago i-serve sa mga customers.
Panay lang ang serve namin. Sa bar kami habang sa resto at coffee shop naman ang mga girls.
Hanggang sa gumabi na ay mas dumami ang customers sa bar.
Kadalasan mga couple ang pumasok. May iba ring grupo ng mga babae at lalaki.
Hanggang sa matapos kaming lahat. Hanggang alas-nuebe lang kaming lahat.
Ang ibang server na lang ang nagpatuloy dahil hanggang umaga naman ang shift nila.
"Putcha! Nakakapagod, ah!" bulalas ni Keart at naupo sa sofa.
Lumapit na rin ang mga girls sabay upo.
"Hooh! Nawala ang kalahati ng lakas ko, ah!" pagod na sabi pa ni Dwayne.
Timulong din kasi ang loko.
"Buti ka pa kalahati lang. Ako ubos lahat ng lakas ko mga bakla! Serve rito serve roon! Jusko!" parang lantang gulay na sabi pa ni Mello.
Natawa na lang kami sa kaniya. Kanina pa kasi silang umaga rito sa resto bar.
"Ano na? Kaya niyo pang umuwi?" natatawang tanong ni Kyla.
Napangiwi na lang sila.
Nagpahinga na lang muna kaming lahat habang nag-uusap para sa party.
"Uy! Ano ng gagawin natin sa party?" tanong ni Bella.
"Bukas ng hapon na lang tayo mag decorations!" sabi pa ni Theresa.
"Oo nga, hindi naman magbubukas ang resto bar bukas dahil gagamitin natin ito sa susunod na araw." sabi pa ni Kyla.
"Kami nila Theresa at Mello ang sa decorations, ah!" sabi pa ni Stella.
Tumango na lang kami kaya napahiyaw sila.
Kala ko ba wala na silang lakas? Bakit kung makahiyaw daig pang full energy nila.
Pfft!
"Tutulong kami bukas ng hapon. Para sa 25 ay party na agad." sabi pa ni Keart.
"Loko! Sa gabi pa ang party. Sa hapon tayong lahat na pupunta rito." sabi ni Keith at binatukan ito.
Napakamot na lang ng batok si Keart kaya tinawanan namin ito.
"Uy! May exchange gifts pa ba tayo?" tanong pa ni Kyla.
"Depende na lang sa'yo kung may bibigyan ka ng regalo. Pero mas mabuti kapag magbigayan na lang tayong lahat." nakangiting sabi ni Bella.
Tumango na lang kaming lahat.
"Tawagan niyo na lang sila Brix bukas para pumunta rito." sabi ni Xandra.
"Ako na tatawag sa mga 'yon." sabi ni Stella.
"Teka! Pa'no pala sila Drix?" tanong ni Theresa.
"Susubukan kong tawagin si Ashi mamaya." sabi ni Kyla.
"Sus! Si Drix na lang tawagan natin. Magkasama sa Baguio ang dalawa." sabi ni Dwayne.
Napatingin silang lahat kay Dwayne.
"Sa Baguio?" sabay-sabay na tanong nila Bella maliban sa amin nila Xandra.
Mukhang alam na rin nilang nasa Baguio si Ashi at Drix.
Napatakip na lang ng tainga si Dwayne sabay turo sa akin.
"Siya ang tanungin niyo." nakangiwing sabi ni Dwayne.
Bumaling sila sa akin kaya napapailing na lang ako bago nagsalita.
"Nakausap ko si Drix kagabi at sabi niya nasa Baguio siya. Pinuntahan niya si Ashi kahapon ng umaga kaya ayon." sabi ko pa.
"Tapos nakita niya si Ashi ro'n?" tanong pa ni Bella.
Tumango ako.
"Mmm. Sa Baguio raw nanatili si Ashi, eh. Sinabi ng loko na uuwi siya kagabi pero hindi natuloy." sabi ko pa.
"Bakit daw?" tanong ni Stella.
Nagkibit-balikat ako.
"I don't know why." sabi ko pa.
Napangiwi na lang sila pero halata namang natuwa sila sa nalaman nila.
Nalungkot din kasi sila noong biglang umalis si Ashi.
Napatingin pa sila kay Kyla at Xandra.
"Alam niyo rin?" tanong pa ni Bella sa kanila.
Napakamot ng batok si Kyla at ngumiti sabay tango.
"Kanina lang namin nalaman. Nagtext si Ashi kaninang umaga." sagot ni Kyla.
"Andaya hindi niyo sinabi sa amin kanina." nakangusong sabi ni Theresa.
"Gaga! 'Wag ka ng mag emot diyan! No need ng sabihin sa'yo dahil hindi ka naman writer para malaman at isulat ang daloy ng love story nung dalawa!" nakangiwing sabi ni Mello sa kaniya.
Lalong napanguso si Theresa kaya natawa na lang kami.
"Tama na 'yan. Huwag na natin alalahanin ang dalawa. Mukha naman atang nag e-enjoy ang mga 'yon." sabi pa ni Xandra.
"Oo nga naman, monthsarry nung dalawa sa 25 kaya malamang nagsosolo ang mga 'yon." sabi ni Kyla.
Oo nga naman.
"Ang tanong, naalala ba ni Ashi na monthsarry nila ni Drix sa 25?" tanong ni Keart.
Nagkibit-balikat kaming lahat. Natawa pa si Kyla bago nagsalita.
"Itext ko mamaya ang isang 'yon. Baka nakalimutan niya, eh." nakangiwing sabi ni Kyla.
"Aw! Kawawa naman ang Drix kapag gano'n." sabi pa ni Keith.
"Hayaan na nga lang natin sila. Buti pa umuwi na tayo. Inaantok na ako, eh." sabi pani Bella.
Sumang-ayon silang lahat kaya tumayo na kami. Nagpaalam kami kela Mina at Joyce bago sabay-sabay na lumabas ng resto bar.
Hinatid namin sila Bella habang sabay na umuwi naman sila Xandra matapos magpaalaman sa isa't isa.
Nang maihatid ko si Bella ay umuwi na ako sa bahay para magpahinga.
Hayst!
************************************
Xandra's Pov.
Kinabukasan
Pasado alas-otso na ako nagising. Kundi pa tumunog ang cellphone ay hindi ako magigising.
Napasarap ang tulog ko dahil pasado alas-onse na rin kami nakatulog kagabi galing sa resto bar.
Matapos kong basahin ang text galing kay Mom ay bumaba na ako ng kama at pumasok sa banyo para maligo.
Kinausap ko kasi si Mom na tingnan ang pinsan ko roon at sabihin sa akin kung ayos lang ito.
Kahapon ng umaga nagtext kasi si Ashi na nasa Baguio at ayos lang siya. Sinabi niya ring dumating daw si Bisugo roon kahapon.
Hayst!
Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig.
Tss!
Naligo na lang ako at ng matapos ay nagbihis na ako bago bumaba.
Naabutan ko si Kyla na naglilinis.
"Kanina ka pa gising?" tanong ko.
"Mmm. Nakapagluto na ako ng agahan. Kumain ka na lang do'n tapos na ako, eh." sagot niya.
Tumango na lang ako at pumasok sa kusina.
Nakahanda na ang pagkain sa mesa. Kumuha ako ng baso para magtimpla ng kape ko.
Pagkatapos ay agad na akong kumain.
"Xand, may isinend si Ate kanina sa akin tungkol sa mga taong sumugod sa mansion ng mga Acosta noong nakaraan." sabi ni Kyla nang makalabas ako ng kusina.
Nakahawak siya sa phone nito bago ibinigay sa akin.
Inabot ko ang cellphone niya sabay upo sa sofa at binasa ang message.
"Sabi ni Ate mahirap i-track ang mga taong 'yon dahil masyadong maingat sila. Iyon pa lang ang mga nakuha nilang info sa mga 'yon." sabi pa nito.
Tumango ako at binasa ng mabuti ang message ni Lyka. May mga pictures ding naka send.
Pictures ng mga taong nakuhanan sa tapat ng mansion at sa paghabol namin ni Ashi no'ng araw na 'yon.
May mga nakuhang picture rin sa isang hindi familiar na lugar.
Tsk!
"Mukhang matinik ang mga 'yon, ah." sabi ko sabay bigay ng phone sa kaniya.
Napaisip pa ito bago nagsalita.
"Mukhang tama talaga ang hinala nila Tito Tom na may koneksiyon ang mga 'yon sa nangyari sa ina ni Ashi." sabi pa niya habang napaisip pa rin.
Well, iyon din ang hinala ko. Wala namang ibang pinaiimbistigahan sila Tito dati pa bukod do'n.
Pero bakit ngayon pa sila nagpakita uli?
It's been eighteen years mula ng mamatay si Tita Cherish pagkatapos ipanganak si Ashi tapos ngayon lang uli sila.
May posibilidad ding hindi sila pero sino naman ang mga taong sumugod sa mansion kung walang kinalaman sa ina ni Ashi ang pakay ng mga 'yon?
"Wait, kung may kinalaman ang mga taong sumugod sa mansion sa nangyari sa tunay na ina ni Ashi bakit ngayon lang uli sila nagpakita?" tanong ko pa.
Rinig kong napabuntong-hininga si Kyla.
"Yun din ang lagi kong naiisip. Pero wala namang ibang mangahas na gumawa nun bukod sa mga taong nasa likod ng pagkamatay ni Tita Cherish, right?" balik tanong niya sa akin.
Napaisip ako. May point din siya. Iyon din ang iniisip ko.
Hayst!
Hanep ang mga hunghang na mga 'yon. Bigla-bigla na lang kasing sumulpot at sumugod sa mansion.
Besides, napaisip rin ako kung bakit ang mansion ng mga Acosta ang sinugod nila.
Mukhang wala na ngang ibang pwedeng gumawa nun bukod sa mga taong nasa likod ng pagpatay kay Tita Cherish.
"Sa tingin ko ay ang mga taong nasa likod ng pagpatay kay Tita Cherish talaga ang sumugod sa mansion. Kasi kung hindi pa, bakit naman sumugod ang mga 'yon na wala namang kahit sino ang pwedeng mangahas sa mga Acosta tukad ng sabi mo?" patanong na sabi ko pa.
Napabuntong-hininga uli si Kyla. Parang sasakit rin ang ulo ko sa kakaisip, eh.
Kung nandito pa si Ashi malamang gumawa na 'yon ng paraan para alamin ang tungkol sa mga 'yon.
Hayst!
"Tch! Huwag na lang muna natin isipin 'yon. Hintayin na lang nating bumalik si Ashi." sabi ni Kyla.
Ano pa nga ba?
Tss!
Tumango na lang ako bago makyat sa taas para mag exercise.
Kailangan din namin mag insayo para kapag may hindi magandang mangyayari ready kami.
Tss!
***
Nang sumapit ang hapon ay niyaya na ako Kyla na pumunta na sa resto at ayusin ang para sa party namin bukas.
Na text ko na rin si Ashi kung uuwi ba sila ngayon o bukas. Pero wala pa itong reply.
Nagpaalam na rin kami sa mga Acosta at Ibañez na hindi kami sasama sa kanila sa Christmas eve dahil may party kaming lahat.
Nagtext din ako kay Kuya Liam at Kuya Jiro para pasalihin sa party naming lahat.
Pumayag naman sila.
"Ky, nasabihan mo na si Lyka tungkol sa party bukas?" tanong ko pa sa kaniya pagkalabas namin ng bahay.
Sumampa ako sa motor ko at gano'n na rin siya.
"Yeah. Sasama rin si Kuya Clark sabi ni Ate." sagot nito.
Tumango na lang ako at pinaandar ang motor.
Sabay kaming umalis at nagtungo sa resto bar. Wala sila Joyce at Mina ngayon dahil umuwi sila sa pamilya nila para roon mag Christmas.
Pagdating namin sa resto ay wala pa sila. Binuksan na lang namin ang pinto at pumasok sa loob.
Maya-maya ay sunod-sunod na nagsidatingan sila Bella.
Agad na lang kaming kumilos lahat para maagang matapos.
Ang bar ang gagamitin namin.
Tinulungan namin sila Stella at Theresa sa pag-desinyo. Habang ang mga boys ang nag-aayos ng mga table at upuan.
Pasado alas-tres na ng hapon ng matapos kaming lahat.
"Hoo! Sa wakas tapos na rin." sabi ni Keart.
"Hey! Pahinga na muna tayo!" tawag ni Bella na nakaupo na.
Lumapit na lang kami sa kanila sabay upo.
Napatingin pa kami kay Bella ng magsalita ito.
"Kayo na bahala kung ano ang iregalo niyo, ah. Kahit mumurahin basta sa tingin niyo ay magugustuhan ng taong bibigyan niyo." nakangiting sabi pa ni Bella.
Tumango na lang kaming lahat. Inabutan pa kami ni Kyla ng coke.
"Uy! Sabay tayong pumunta sa mall ngayon!" nakangiting sabi ni Theresa.
"Oo nga, para masaya!" sang-ayon ni Stella.
"Kumain rin tayo ng ice cream treat ko." nakangiting sabi ni Keart.
Naghiwayan naman sila Mello sa tuwa. Napapailing na lang ako.
"Ayon, oh!" sabi ni Keith.
"Masarap pa naman kapag libre." natatawang sabi pa ni Dwayne.
Kilala na namin siya. Kaibigan siya nila Lyle na sa ibang university nag-aral.
"Oo nga pala, inaya ko rin si Ate Zenn para sa party bukas." nakangiting sabi ni Bella.
"Paniguradong magbabangayan na naman sila ni Kuya Liam bukas." natatawang sabi ni Kyla.
Natawa na lang kaming lahat bago naisipang umalis na para pumunta ng mall.
Hayst.
Sana umuwi na bukas ang pinsan ko.
Tss!
************************************
Drixon's Pov.
Christmas day
Nandito ako sa kotse ko para kunin ang bouquet of flowers na binili ko kanina. Maaga kasi akong gumising dahil gusto kong bumili ng bulaklak para kay Panget.
Gusto kong paghirapan ang lahat ng ibibigay ko sa kaniya sa unang monthsarry namin.
Napatigil na lang ako dahil sa sunod-sunod na tunog ng cellphone ko.
Pagtingin ko ay mga text message galing kela Mom at sa mga kaibigan ko.
Binati nila ako ng Merry Christmas. Napangiti na lang ako bago sila nereplyan.
Ito na ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw ng pasko at ang araw ng monthsarry namin ni Panget.
Kahapon ay namasyal lang kami sa La Trinidad. Natawa pa ako kahapon kay Panget dahil do'n sa mamang nagbigay sa amin ng ice cream.
Free raw 'yon sa amin ni Panget dahil pasko.
Pa'no ba naman ang gusto ng mamang 'yon ay magsubuan kami ni Panget ng ice cream.
Maganda raw iyon sa aming mag couple na pambungad sa pasko.
Kaya kahit ayaw ni Panget ay pinilit ko ito. Ang ending nagsubuan kaming dalawa.
Marami pa kaming pinuntahan kahapon at hapon na kami nakauwi sa bahay.
Nag-usap na rin kaming babalik na mamaya sa Makati. Nagtext sila Lyle tungkol sa party.
Gusto nilang nando'n kami para raw kompleto ang lahat.
Ibinulsa ko na lang ang cellphone ko matapos magreply sa kanila.
Pagkatapos ay kinuha ko ang bouquet of flowers na nasa kotse. Pati na rin ang maliit na kahitang bili ko noong nasa Makati pa ako.
It was a necklace. At pinasadya kong palagyan ng AD na pendant.
It means Ashi and Drix.
It was my gift to her for our first monthsary.
Kinuha ko rin ang nakabalot na chocolates at sinirado ang pinto ng kotse bago naglakad papasok sa loob.
Nakangiting tiningnan pa ako ng mga kasambahay.
Binati ko na lang sila ng Merry Christmas bago umakyat sa taas. Nakasalubong ko sila Tita at Tito sa may pasilyo.
"Good morning, Tita and Tito. Merry Christmas po sa inyo." nakangiting sabi ko.
"Maligayang pasko rin, hijo." sabay na bati nila sa akin.
Napatingin pa sila sa mga hawak ko.
"What's that for?" nakangiting tanong ni Tita.
Napatingin pa ako sa pinto ng kwarto ni Panget bago nagsalita.
"It was for Ashi, Tita. First monthsarry kasi namin ngayon." nakangiting sagot ko pa.
Napatili pa si Tita dahil sa sinabi ko. Habang natawa naman si Tito sabay tapik sa balikat ko.
"Mmm. Hindi na kita babatiin sa monthsarry niyo ng pamangkin ko. Mas maganda kung ang unang bumati sa'yo ay ang taong mahal mo." nakangiting sabi bago sila bumaba.
Napangiti na lang ako at napahinga ng malalim.
Napatingin ako sa relo ko. Pasado alas-sais y medya pa ng umaga.
Lumapit ako sa pinto ng kwarto ni Panget. Hindi na ako kumatok at pumasok sa loob.
Nakita ko siyang payapang natutulog habang nakayakap sa unan.
Lumapit ako sa kama niya bago inilapag ang chocolates at bulaklak sa gilid.
Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhanan ito ng litrato habang tulog. Naiwan ko sa kotse kanina ang camera ko kaya itong mobile phone ko na lang muna.
Tinitigan ko na lang siya matapos kunan ng litrato. Ang ganda niyang pagmasdan.
Hindi rin siya humihilik matulog. Dahan-dahan kong hinaplos ang buhok nito.
"Anata wa totemo utsukushii desu." nakangiting bulong ko pa habang nakatitig sa kaniya.
(Translation: You are very beautiful.)
Bigla itong gumalaw. Nakatingin lang ako sa kaniya habang dahan-dahan siyang nagmulat ng mata.
Nagsalubong ang mga mata namin at ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko.
Mabilis siyang bumangon at napatingin sa bulak at chocolates.
Nakangiting kinuha ko ito at inabot sa kaniya.
"Good morning and Merry Christmas, Love." matamis ang ngiting bati ko pa.
Napatingin siya sa sa bulaklak at chocolates bago ito inabot.
"Good morning and Merry Christmas, too." nakangiting sabi niya.
Lumapit ako sa kaniya at mabilis na hinalikan siya ng smack sa labi.
Kita ko pang nagulat siya kaya natawa ako.
"W-wala pa akong toothbrush, eh." rinig kong bulong niya.
Mas lalo lang akong napangiti.
"It's ok, Love. It's not matter to me by the way." saad ko pa.
Napaiwas na lang ako ng tingin. Hindi ko muna siya babatiin. I have a plan para supresahin siya.
"Maliligo na muna ako, ah." sabi niay sabay baba ng kama at inilapag sa mini table ang hawak niya.
"Take your time, Love. I'll wait you on my car." sabi ko.
Tumango na lang siya at pumasok sa baniyo.
Tiningnan ko uli ang kahita bago lumabas at bumaba.
Lumapit ako kela Tita at Tito para kausapin sila.
"Ahm... Tito, aalis po kami ni Panget ngayon." sabi ko pa ng makaupo ako.
Napatingin silang dalawa sa akin.
"Why? Where are you going?" tanong ni Tita.
Napakamot ako ng batok bago nagsalita.
"Babalik na ho kami ng Makati mamaya pero dadaan muna kami sa SM mall. I just going to have a date with her this morning bago umuwi ng Makati." nakangiting sabi ko pa.
Tiningnan pa ako nika Tito bago tumango.
"Ok. I thought dito kayo mag Christmas but I understand. Ikaw na ang bahala sa pamangkin namin, hijo." sabi ni Tito.
Tumango ako at ngumiti.
"I hope you always understand her, hijo. Alam mo naman ang napagdaanan ng pamangkin namin. Huwag mo sana siyang saktan. Ngayon lang namin nakitang ganiyan kasaya ai Ashi dahil sa'yo. Please take care of her, hijo." nakangiting sabi ni Tita.
"Don't worry, Tita. I love her the most and I promise not to hurt her. She's my world, my life and I'll do everything for her to be happy." sinserong sabi ko sa kanila.
Nginitian na lang nila ako. Marami pa silang sinabi sa akin bago ako lumabas.
Sa kotse ko hinintay si Panget. Nagtext pa ako kay Lyle na babalik na kami ng Makati mamaya.
Ti-next ko rin si Mom na uuwi na kami ni Panget mamaya.
Pagkatapos ay ibinulsa ko na ang cellphone ko sabay tingin sa paligid. Ma miss ko ang lugar nila Panget.
I want to go back her if we have a free time.
Dahil dito nangyari ang mga magagandang sandali namin ni Panget. Dito ko rin narinig ang salitang gusto rin ako ni Panget.
Hay!
I never expected na iyon ang mga mangyayari habang nandito kami sa Baguio ni Panget.
Napakasaya ko sa mga araw na nandito kami lalo na sa strawberry farm.
It was the best moments.
Napatigil lang ako sa pag-iisp ng makita kong palabas ng bahay si Panget.
Hawak niya ang bulaklak at chocolates. Kasama niya sila Tita at Tito at lumapit sa akin.
"Ah, I will miss both of you. Kung pwede lang sana rito na muna kayo mag Christmas, eh." sabi pa ni Tita sabay yakap kay Panget.
"Kung ako lang Tita gusto ko naman manatili rito. Pero kailangan ko na rin kasing bumalik. Enough na ang mahigit tatlong linggo na pananatili ko rito. Alam niyo naman ho ang obligasiyon ko sa pamilya natin." sabi ni Panget sa kaniya.
Tumango na lang si Tita bago nagsalita si Tito.
"By the way, ikaw na bahala sa pinsan mo ro'n, Ash. Pakibati na lang siya para sa amin." bilin ni tito kay Panget.
"Mmm. Don't worry about that, Tito." sabi ni Panget bago lumingon sa akin.
"Aalis na ho kami, Tita and Tito. Ingat po kayo lagi rito." nakangiting paalam ko.
"Kayo ang mag-ingat sa biyahe. Text me if nakauwi kayo ng safe, ok?" sabi ni Tita sabay tingin kay Panget.
Tumango na lang ito at tiningnan ang motor niya.
"Iiwan ko na lang ho rito ang motor ko. Babalikan ko na lang kapag hindi na kami busy." saad ni Panget.
Tumango na lang sila Tita at Tito. Pinagbuksan ko ng pinto si Panget bago umikot at pumasok sa loob.
Kinawayan ko pa sila Tita bago pinaandar ang kotse.
"Let's go." nakangiting aya ko sa kaniya at umalis na.
Tahimik lang kami sa biyahe. Napapansin ko pang parang may iniisip si Panget.
Naalala kaya niyang monthsarry namin ngayon?
Ngumiti na lang ako. Ayos lang kung hindi niya maalala.
I want to make our first monthsarry be a special day today.
Hanggang sa makarating kami sa SM mall ng Baguio.
Takang nilingon pa ako ni Panget pero nginitian ko lang siya. Nagpark ako at kinalas ang seatbelt ko bago lumabas.
"Wait me here for a while, ok?" nakangiting sabi ko.
Takang tumango na lang siya kaya tumalikod ako at pumasok sa loob ng mall.
Binati pa ako ng mga staffs kaya binati ko rin sila. Dumeretso ako sa isang exclusive restaurants sa loob.
Kinausap ko ang mga waiter at ang manager ng restaurant.
Actually, kinontak ko ang manager nila rito kahapon. Hinanap ko sa kasi ang contact number nila para magpa-reseve ng place para sa amin ni Panget.
Napangiti pa ako ng makita ang reserve hinanda nila. Malapit sa glasswall ang table namin at kita ang view sa labas.
"Dito po namin napiling i-reserve ang place para sa monthsarry niyo, Mr. Chevalier." sabi pa ng manager.
Tumango lang ako at tiningnan ang paligid. May mga decorations at may nakasulat sa harap ng table namin na...
'Happy first montsarry my love'.
Iyon ang inutos ko kahapon sa kanila. Maganda rin ang theme at simple lang ito pero elegante naman tingnan.
May heart ba balloons pa na kulay read at may nakasulat na 'happy first monthsarry' sa gitna.
Napangiti na lang ako.
May mga kandila sa gitna. May bouquet of flowers rin.
Sininyasan ko na lang sila bago uli lumabas. Nakangiting lumapit ako sa kotse at pinagbuksan ng pinto si Panget.
"Let's go inside." nakangiting sabi ko pa.
"Anong gagawin natin sa loob?" takang tanong pa niya.
Hindi ako nagsalita at inalalayan siya papasok sa loob.
"Wuy! Anong gagawin natin dito?" tanong niya uli.
Natawa na lang ako.
"You'll know about it later, Love." nakangiting sabi ko.
Magkawak kamay na pumasok kami sa loob ng restaurant.
Sumalubong pa ang isang staff at binigyan ng bouquet of flowers si Panget.
Takang tinanggap ito ni Panget at nagulat pa siya ng piringan ang mata nito.
Ang epic ng mukha niya.
Pfft!
Cute!
"Bisugo, anong meron?" tanong pa niya.
Inalalayan ko siya papunta sa reservation para sa amin.
Sininyasan ko ang isang waiter at agad naman itong lumapit. Inabot niya ang cake na may naka sindi ng kandila sa gitna habang nay nakasulat na happy first monthsarry sa gitna nito.
Nakangiting lumuhod ako sa harap ni Panget habang hawak ang cake at ang kahitang para sa kaniya.
Tinanggal ng isang waiter na babae ang piring ni Panget.
Nang magmulat ito ng mata ay gulat na napatingin siya sa akin.
"Happy first monthsarry, Love." nakangiting bati ko sa kaniya.
Kita kong natigilan siya habang nakatingin sa hawak ko bago tumingin sa mga mata ko.
Hindi ko alam kung ano ang reaction niya. Napatingin pa siya sa paligid at kita ko ang sari-saring emosiyon sa mukha nito.
"M-monthsarry natin?" gulat na tanong pa niya.
Nakangiting tumango ako. Expected ko ng nakalimutan niya kung anong meron ngayon araw bukod sa christmas.
But it was fine to me. Being with her right now is the best moment with her.
Nakita ko pang napakamot ito ng batok sabay lapit sa akin. Pinatayo niya ako at ngumiti.
"Happy first monthsarry din, Bisugo. Sory if I for----"
"It's ok. I expected that you forgot about our monthsarry because they have a lot of things in tangled in your mind." nakangiting sabi ko pa.
Bumuntong-hininga pa siya sabay ngiti at tumingin sa cake. Yumuko siya at sabay naming hinipan ang kandila.
Inilapag ko ito sa mesa at nakangiting inalalayan siyang maupo.
"This is my first gift for you, Love." sabi ko at kinuha niya ang necklace.
Tinitigan pa niya ito at kita ko ang saya sa mukha niya.
"Thank you." nakangiting sabi niya.
"Anything for you, Love. Let me wore it to you." nakangiting sabi ko at inilagay sa leeg niya ang kuwintas.
Narinig ko pang nagpalakpakan ang mga staff pati na rin ang ibang mga taong nandito.
Timutog ang kantang 'Ikaw' by Yeng Constantino. Ang kantang kinanta ko sa kaniya noong nakaraan.
Kinuhanan din nila kami ng video ni Panget. Sunod-sunod na nagsipasukan ang mga waiter na dala ang mga pagkain namin ni Panget.
"Andami naman nito, Bisugo." sabi pa niya.
"It's ok. This is our first monthsarry and date as a couple. I want this day to be a perfect day for us." nakangiting saad ko pa.
Hindi siya nagsalita kaya tiningnan ko siya. Nakatingin siya sa akin.
"Sorry kung wala akong regalo para sa'yo." nahihiyang sabi pa nito.
Natawa na lang ako at hinila ang upuan ko sa tabi niya bago hinawakan ang kamay niya.
"Ayos lang, marami pa namang monthsary or anniversary ang darating, eh. Being with you is the best gift for me." sabi ko.
Tinitigan niya ako sa mata at gano'n na rin ako. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi.
Hinalikan ko na lang ang noo niya.
"Just say want do you want to say, Love." mahinang bulong ko sa kaniya.
Actually, I want to heard her I love you to me. Best gift na 'yon para sa akin.
I don't need anything beside those words.
Bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang kamay ko habang nakatitig sa akin.
Ramdam ko ang saya sa dibdib ko sa mga sandaling ito.
Feeling ko maririnig ko na ngayon ang salitang gusto kong marinig mula sa kaniya sa araw na ito.
(0_0)
Bigla itong kumuha ng cake sabay ngiti at isinubo sa akin. Nagulat pa ako sa sunod na ginawa niya.
Inilapit niya ang mukha niya sa akin sabay kain ng kalahati ng cake sa bibig ko dahilan para maglapat ang labi naming dalawa.
Natuod pa ako dahil sa ginawa niya.
Kailan ka pa naging sweet ng ganito sa akin, Panget?
I didn't expect na gagawin niya 'yon habang may mga taong nasa paligid namin.
Akmang lalayo na siya nang hawakan ko ang batok at likod niya.
Hinalikan ko siya ng marahan. Ramdam kong natigilan ito pero patuloy lang ako sa paghalik sa kaniya.
Mas lalo pa akong napangiti nang tumugon siya sa halik ko.
I kissed her with full of passion.
Napakasarap sa pakiramdam at parang lumulutang ako sa ulap habang hinahalikan siya.
Binitawan ko lang ang labi niya ng kapusin kami ng hininga.
Tinitigan ko siya sa mata bago nakangiting nagsalita.
"I love you. Cross my heart even if I die with you." paos ang boses na bulong ko.
Mataman niya akong tinitigan sabay hawak sa magkabilang pisngi ko.
"I love you, too."
Ang mga katagang lumabas sa bibig niya habang nakatitig sa akin at nagpatigil sa mundo ko.
"I love you, Love. I don't have gifts for you but the word I love you is more than important for you." sinserong sabi niya na lalong nagpatigil ng mundo ko sa mga sandaling ito.
To be continued...
A/N: Wusho! Sana all talaga! Kagigil mga Blueeems!! Para akong sira habang nagsusulat.🤭 Sure ako, ikaw na nagbabasa pati bumbunan mo kinikilig 'no? Aminin! Pfft!
Don't forget to Vote, comment and follow!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top